Trigger Warning
Navarro's Possession contains scenes that are not suitable for very young readers and sensitive readers. If you have trauma or can't read stories with dark themes, kindly stop reading this story. This story contains abuse, raped, murder, and foul words.
Chapter 41
Five years ago
Pawisan at hinihingal na nagmulat ng mga mata si Jane. Para siyang biglang nagising mula sa isang matagal na pagkatulog. Nangunot ang noo niya noong makita niyang nasa hindi pamilyar na lugar siya. Gawa sa kahoy ang dingding at may malaking bintana sa gilid niya na may nakatukod na kawayan. Nakita niya rin sa kaniyang paanan ang maliit na pasukan na walang pinto. Tanging isang mahabang kurtina lamang ang naroon na kulay pula.
Napadaing si Jane noong makaramdam siya nang matinding kirot sa kaliwang balikat niya. Doon lamang niya napansin na iba na ang kaniyang kasuotan.
Nasaan ako? Ano’ng nangyari?
Napalunok siya. Nanunuyo na ang kaniyang lalamunan kaya napaubo siya nang kaunti ngunit mas lalo lamang iyong kumati. Ang huling na aalala niya ay nasa yate siya. Agad na naikuyom ni Jane ang kaniyang palad noong maalala niya ang nangyari sa kaniya.
Traydor ka, Clarixto! Ang sama mo!
Nangilid ang mga luha ni Jane. Hindi niya maiwasang mamuhi dahil sa nangyari. Parehas silang magtiyo! Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon sa kaniya ng matandang Navarro. Pinagkatiwalaan niya ito ngunit gusto lang pala siyang patayin.
“Gising ka na!”
Napatingin si Jane sa may pinto noong makarinig siya ng boses ng lalake. Napaupo siya kaagad at gulat na tiningnan ito.
“‘Nay! Gising na siya!” sigaw pa nito.
“S-Sino ka?” nag-aalalang tanong ni Jane at pinilit na umupo. Hindi sumagot ang lalake ngunit biglang may pumasok na babaeng may katandaan na. Nakasuot ito ng duster. Ngumiti sa kaniya ang babae ngunit lalo lamang nakaramdam ng takot si Jane. “H-H’wag kang lalapit!”
Napatigil sa paglalakad si Loring. “Patawad. Ako si Loring, hija. Siya naman ang anak kong si Moymoy. Kami ang nagligtas sa ‘yo. Nakita ka ng anak ko na palutang-lutang sa dagat.”
Napatitig si Jane kay Moymoy. Malapad ang mga ngiti nito at kumaway pa sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin at hindi nagsalita. Ibig sabihin ay nakaligtas nga siya mula sa pagsabog.
“Hindi mo kailangang matakot sa amin. Pero na iintindihan ko kasi mukhang hindi maganda ang nangyari sa ‘yo. H’wag kang mag-alala. Narito kami para tulungan ka.”
Hindi pa rin sumagot si Jane. Nagpatuloy sa pagpapaliwanag sa kaniya si Loring. Nalaman niya na tatlong araw na pala siyang walang malay at nagkaroon pa ng trangkaso. Mabuti nga raw at bahagya nang nagaling ang sugat niya sa balikat. Noong una ay nagdadalawang-isip pa si Jane. Ngunit kalaunan ay unti-unti siyang nagtiwala sa mga ito. Isang araw pa siyang nakahiga lang dahil sa bigat ng katawan niya bago siya nakatayo na. Tinulungan siya ng mag-anak na tuluyang gumaling hanggang sa lumipas ang isang linggo. Mahapdi pa rin ang balikat niya ngunit hindi na mabigat ang pakiramdam.
“‘Nay! ‘Tay! May nalaman ako,” humahangos na sabi ni Nene sa mga magulang. Nakaupo ang mga ito sa kusina at kasalukuyang nagkakape. Kauuwi lamang ni Nene galing sa eskwela. Tuwing linggo ng gabi ay naluwas si Nene sa kabilang isla para sa kaniyang eskwela, at ang kaniyang uwi naman ay byernes ng gabi.
“Ano ‘yon?” nagtatakang tanong ni Badong. “Kauuwi mo lang pero para kang hinabol ng mga aswang sa labas.”
Inilapad ni Nene ang dala niyang mga bag sa sahit at naupo sa tabi ng kaniyang ina. Sumilip pa siya sa loob ng kanilang bahay upang masiguro na walang nakikinig sa kanila.
“Iyong babae. Si Jane? Kilala ko na kung sino siya.”
Napatingin si Loring sa anak. “Sino?”
“Asawa pala siya ni Governor Rodrigo Navarro!” balita ni Nene. “Napanood ko sa tv doon sa karenderya malapit sa school. Ilang araw na pala siyang hinahanap at tanging siya lang ang hindi nakaligtas sa nangyaring pagsabog sa malaking bangka!”
Nagkatinginan ang mag-asawa. “Sigurado ka?” tanong ni Loring.
Mabilis na tumango si Nene. “Opo! Kaya siya naka-gown kasi galing siya sa party. Tsaka, alam mo ‘nay? May premyo raw ang makakatulong sa kanila mahanap si Jane. Bibigyan daw ng isang million ang kung sino man ang magbigay ng impormasyon kung nasaan siya!”
Parang pumalakpak ang mga tainga ng mag-asawa noong marinig ang tungkol sa pera. Ni sa hinagap ay sigurado sila na hindi sila makakakuha ng gano’ng kalaking pera. Kahit siguro magpakalunod na si Loring sa paglalaot ay wala siyang makikitang isang milyon!
Napalunok si Jane. Siya pala ay nagtatago sa likod ng dingding at lalabas din sana kung hindi niya narinig ang pinag-uusapan ng mag-anak. Naikuyom niya ang kaniyang mga palad.
Hanggang ngayon hindi mo ako tinitigilan!
Dali-daling pumasok sa silid si Jane. Hinahanap niya ang kaniyang mga alahas. Isinuot niya ang wedding ring nila ni Rodrigo at ang bracelet. Ibinulsa niya ang hikaw. Ngunit iniwan niya ang malaking kwintas at kinuha lamang ang susi. Natigilan siya noong makarinig siya ng mga yabag ng paa. Agad na naupo si Jane sa kama at kinuha ang librong nasa may lamesita.
“Hija, lalabas lang kami ha? Kung nagugutom kay ay may pagkain na sa kusina,” paalam ni Loring.
Tiningnan ito ni Jane at nginitian. “Sige po.”
“H’wag kang aalis dito, ha?”
Napatitig si Jane sa ginang. Bigla siyang nakaramdam ng galit pero kinalma niya ang sarili. Sino ba ang hindi matutukso sa isang milyon na pabuya? Pinilit na lamang niyang ngumiti at tinanguan ito. Noong masiguro ni Jane na nag-iisa na lamang siya sa kubo ay agad siyang naghanap ng masusuot. Kumuha siya ng jogging pants at jacket mula sa gamit ni Nene. Kinuha niya rin ang isang sombrelo. Pagkatapos ay dumaan siya sa likod ng bahay ng mga ito at nakatungong naglakad.
Ang alam niya ay sa kabilang panig ng isla mayroong sasakyang pangdagat na naghahatid sa syudad mula rito sa mga taga-isla. Nagmamadali siyang naglakad papunta roon. Nasalubong pa niya sila Loring na may kasamang ilang mga tanod. Mukhang may balak talaga siyang isuplong ng mga ito.
Nagmadali na si Jane sa paglalakad. Muntik pa siyang maiwan ng bangka pero nakahabol siya. Noong makasakay siya roon ay doon lamang siya napanatag. Malungkot na tiningnan niya ang isla. Masaya siya at iniligtas siya ng pamilya ni Loring. Ngunit hindi na niya gusto pang bumalik kay Rodrigo. Hindi niya hinayaang mapahamak ang sarili para lang muling bumalik sa asawa.
Hindi nagtagal ay nakatawid na sila ng isla. Narating niya ang syudad at napag-alaman na nasa Samar pa rin siya. Gamit ang hikaw niya ay nagpahatid siya papunta sa bangko kung nasaan ang pera’t mga ginto na kaniyang nakuha noon.
“Isang milyon ho?” gulat na tanong ng bank teller sa kaniya noong sinabi ni Jane na kukuha siya ng pera.
Tumango si Jane. “Opo.” Nakatungo siya dahil wala siyang suot na sumbrelo.
“Cash po?”
Tumango ulit si Jane. Tinitigan siya nang mariin nito. Pagkatapos ay hiningan siya ng karagdagang impormasyon.
Noong masiguro ng teller na tama ang mga iyon ay agad itong kumilos. Ngunit hindi nito maiwasang magtaka kung sino si Jane. Pakiwari niya ay nakita niya ito sa kung saan.
Noong maayos na ang pera ni Jane. Agad siyang lumabas sa bangko dala ang malaking bag. Kabado pa siyang naglakad dahil sa perang hawak niya.
“Saan ko kaya siya nakita?” tanong sa sarili ng bank teller na nag-assist kay Jane.
Dali-daling sumakay si Jane ng traysikel at nagpahatid sa bus station. Mula noong makaalis siya ng isla ay hindi na nawala pa ang kaba niya. Palagi niya kasing nakikita ang mga flayers at papel na may nakaimprintang mukha niya sa mga dingding ng establisyimento. Maya’t maya niya ring naririnig mula sa radyo at tv ang tungkol sa paghahanap sa kaniya ni Rodrigo. Basta makalayo lang siya sa lugar na ito. Magiging panatag na siya. Aalis siya kahit na ano pa ang mangyari. Hinding-hindi siya papayag na makuha siyang muli ni Rodrigo Navarro.
Chapter 42
Present time
“We’re here,” ani Jane. Tinanggal na niya ang seatbelt at bumaba ng kotse. Binuksan niya ang pinto sa tabi ng anak at ibinaba ito sa kotse. Agad na tumakbo ang bata papunta sa pinto ng isang malaking bahay. Kinuha naman ni Jane ang mga pinamili niya sa likod ng kotse at binuhat iyon papasok sa loob.
“Oh, my baby is here!” malamyos na sabi ng isang lalakeng may matinis na boses. Ipit na ipit iyon na para bang sa babae. Agad na tumakbo si Renz dito at niyakap.
“Mamu!” masiglang sabi ni Renz.
Napatingin si Rico kay Jane na may bitbit na maraming paperbag. “Wait. I will help your mommy.” Binitawan niya muna si Renz at nilapitan si Jane. Kinuha niya ang ilang dala ni Jane at pumasok na sila sa loob.
Si Rico, ang lalakeng may pusong babae na naging kaibigan ni Jane. Ito ang tumulong kay Jane na magkaroon ng bagong buhay kaya malaki ang utang na loob dito ng dalaga. Ito ang nagbigay ng pag-asa sa kaniya.
“Ang dami niyo naman pa lang pinamili. I should have joined you.”
Hindi sumagot si Jane. Deretso lang siyang nagpunta sa kusina at ipinatong ang mga pinamili sa lamesa.
Ipinagtaka naman iyon ni Rico. Sinundan niya ang kaibigan at pinatong din ang mga dala sa lamesa.
“Meron pa ba sa kotse?” tanong ni Rico. Hindi ulit sumagot si Jane. Bagkus ay isa-isa na niyang inilabas ang mga laman ng paper bag. Napangiwi si Rico at iniwanan na lamang ang dalaga. Pinuntahan niya ang inaanak na nakaupo na sa sofa at may kinakain. “Renz, baby.”
“Mamu.”
Naupo si Rico sa tabi ni Renz. “Is there something wrong that happened at the mall?”
Napatigil sa pagsubo ng biscuit si Renz at biglang tumungo. Nagtaka naman lalo si Rico dahil biglang lumungkot ang hitsura. Inakbayan niya ito.
“Come on. Tell mamu.”
“I-I didn’t mean to, mamu. I’m sorry. I think mommy is mad at me. She cried when we are in the car.”
“What did you do?”
“I was lost but she saw me.”
“You are lost.” Nangunot ang noo ni Rico. Hindi naman ito ang unang beses na nangyari na nawala ang bata. Umiiyak si Jane pero hindi ito umaakto nang ganoon. “Is there other things happened?”
“I saw a man, mamu.”
“A man?”
Tumango si Renz. Napaisip si Rico. Iniwan na niya ang bata at nagpunta sa kotse ni Jane. Mayroon pa roong ilang mga paper bag kaya kinuha na niya iyon at dinala sa kusina. Nagulat siya noong makita niya si Jane na nakaupo na sa sahig at humahagulhol.
“Jane!” Binitawan ni Rico ang mga dala niya at nilapitan si Jane. Agad niyang niyakap ang dalaga at pilit na pinakalma. “What’s wrong? What’s happening?!” nag-aalalang tanong niya.
“H-He’s here, R-Rico. He is here!” nanginginig ang boses na sabi ni Jane. Bigla siyang pumalahaw ng iyak at humigpit ang yakap kay Rico. “N-Nandito siya, Rico!”
“Who?!”
Kumalas si Jane sa yakap. Humawak siya sa mga braso ni Rico at umiiyak na sinabing, “R-Rodrigo… S-Si Rodrigo N-Navarro,” mahinang sabi niya.
Natigilan si Rico. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman kung sino si Rodrigo Navarro. Muli niyang niyakap ang kaibigan at hinagod ang buhok nito.
“I’m sorry, Mommy!”
Napatingin si Rico sa kaniyang likuran noong marinig ang boses ni Renz. Umiiyak na rin ito habang nakapikit. “Renz!”
Kumalas agad si Jane kay Rico at tiningnan ang anak. Gumapang siya palapit dito at agad na pinahid ang mga luha. “Ssh… It’s okay, baby. It’s okay,” aniya habang patuloy rin sa pag-iyak.
Umiling si Renz. “I will not do it again, Mommy. I will behave. I’m sorry!”
Niyakap nang mahigpit ni Jane ang anak. Pinilit niyang tumigil sa pag-iyak ngunit hindi niya magawa. Kahit na sobrang na aawa siya sa kaniyang anak ay hindi niya naman mapigil na umiyak dahil sa matinding emosyon na nararamdaman niya. Hindi na siya nakasagot at umiiyak na lamang na niyakap ang anak.
Nahahabag naman na tiningnan ni Rico ang mag-ina. Saksi siya sa mga paghihirap ni Jane kaya nasasaktan siya sa sitwasyon ng dalawa ngayon. Bumuntonghininga si Rico at nilapitan ang dalawa. Marahan niyang pinaghiwalay ang mga ito.
“Renz, Baby. Ssh… stop crying, okay? Mommy is not mad at you. She’s just not feeling well.”
“But mommy is crying.”
“Yes. That’s why mommy needs to rest. Can you wait for me in the living room?”
Sumisinghot-singhot pang tiningnan ni Renz ang ina bago tumango. Nilapitan niya ulit ang ina at niyakap. “I love you, mommy,” aniya at hinalikan sa noo ang inang patuloy pa rin sa paghagulhol. Pagkatapos ay tahimik na siyang naglakad papunta sa sala.
Nilapitan ni Rico si Jane at inalalayan itong tumayo. “Come one. Doon ka muna sa kwarto mo. Ipapasundo ko lang si Renz kay Jaxon.”
Hindi sumagot si Jane. Nagpahila na lamang siya kay Rico papunta sa kaniyang silid habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Sobrang bigat ng kaniyang pakiramdam dahil sa labis na takot at pangamba.
Noong maihatid na ni Rico si Jane at masigurong nakahiga ito sa kama ay muli na siyang bumaba sa sala. Nakita niya si Renz na malungkot na nakaupo sa sofa. Nilapitan niya ito at tinabihan.
“Mommy is okay?”
Tumango si Rico. “Yes. Baby, do you want to go to Daddy J?”
“But mommy needs me.”
“Mamu is here. I will take care of mommy. She just needs some rest.”
“Why is mommy crying?”
Natigilan si Rico. Wala itong kaalam-alam sa mga nangyari. Ni hindi nga nito alam ang tungkol sa ama nito dahil iyon ang kagustuhan ni Jane. Kaya naman ay naging kaagapay siya at ang kaniyang kasintahan ni Jane sa pagpapalaki kay Renz.
“Mommy is not feeling well. But she will be okay later.”
“I don’t want mommy to cry.”
“Sure. Mamu doesn’t want mommy to cry too. So, I will call Daddy J, okay? I will fetch you later.”
Tumango si Renz. Tumayo na si Rico at kinuha ang cellphone. Agad niyang idinayal ang numero ng kaniyang nobyo. Hindi naman umabot ng tatlong ring ay agad nito iyong sinagot.
“Hello, babe.”
“Baby! Why? Did you miss me already?”
Napangiti si Rico. “You know I can’t get you out of my mind.”
“Then… should I get you now and have some fun?”
Kinikilig na natawa si Rico. “Stop it! But yes. Can you come here and fetch Renz?”
“Why?”
“I need you to baby sit Renz. Hannah is not feeling well. I need to take care of her.”
“Okay. But what happened to her?”
“She’s just not feeling well. I will get Renz before dinner.”
“I’m coming.”
“I love you.”
“I love you too, baby.”
Napangiti nang malapad si Rico at pinatay na ang tawag. Muli siyang pumasok sa loob at sinamahan si Renz. Hindi nagtagal ay narinig na niya ang kotse ni Jaxon na bumubusina.
“Daddy J is here!” ani Renz.
Tumayo na silang dalawa at lumabas ng bahay.
“Boy!” bati ni Jaxon kay Renz at agad na kinarga. Si Jaxon ay isang Canadian citizen at asawa ni Rico. Lumapit si Jaxon kay Rico at hinalikan ito sa labi.
“Take care of him. Renz, enjoy with Daddy J, okay?”
“Yes, mamu!”
Tumingin si Jaxon sa bahay nila. “Take care too. You don’t need to get him before dinner. You don’t have to rush. Just call me if Hannah is okay.”
Ngumiti si Rico sa asawa at tumango. “Thank you. I love you.”
“I love you too.”
Muling hinalikan ni Jaxon ang asawa bago nagpaalam dito. Hinintay muna ni Rico na makaalis ang kotse ni Jaxon bago muling pumasok ng bahay. Nagmamadali siyang pumunta sa silid ni Jane.
“Jane?” tawag niya sa dalaga noong hindi niya ito nakitang nakahiga sa kama. Biglang binundol ng kaba si Rico at pumunta sa banyo. Nanlaki na lamang ang mga mata niya noong makita niyang nakaupo si Jane sa bath tub at may hawak na gunting. Lalo siyang nataranta noong makita na niyang may tumutulong dugo sa braso nito. “Jane!”
Chapter 43
“Jane!”
Dali-daling nilapitan ni Rico ang kaibigan. Mabilis niyang inagaw ang gunting na hawak nito at itinapon sa malayo. Nakahinga siya nang maluwag noong makita na galos pa lang ang nagagawa nito sa sarili.
“What are you doing?!” galit na tanong ni Rico kay Jane.
Muling napahagulhol si Jane. Itinulak niya si Rico. “Let me go!” aniya at tatayo sana. Ngunit hinawakan lang ni Rico ang baywang nito ang pinaupo.
“Stop it, Jane!” Pilit na pinaupo ni Rico si Jane. Hinawakan niya ang mga kamay nito noong nagpumiglas pa rin ito sa kaniya. Sa huli ay lumuhod siya at niyakap din si Jane. “Please…” naluluhang sabi ni Rico.
Umiling-iling si Jane. “I-I can’t, Rico. H-Hindi ko na kayang bumalik sa kaniya. Hindi ako babalik sa kaniya! Mas maigi pang mamatay na lang ako!” hinagpis niya. Sobrang bigat ng sakit na nararamdaman niya. Kahit na anong pilit niyang h’wag pansinin ang pagkikita nila ni Rodrigo ngunit hindi niya iyon magawa. Lahat ng mga paghihirap na sinapit niya kay Rodrigo ay biglang bumalik sa kaniya.
Napabuga ng hangin si Rico. Mahigpit lang niya na niyakap si Jane at hindi ito hinayaang tumayo. Maging siya ay napapaiyak na rin dahil sa sitwasyon nito. Alam niya ang lahat. Nakita niya kung paanong pinilit ni Jane na kalimutan ang nangyari. Kung paano nito pinilit na tanggapin ang pagbubuntis kahit na galing ito sa lalakeng nagpahirap dito.
“Jane, please! I promised you. Hindi ka niya makukuha, okay?”
“Y-You don’t understand, Rico! Hindi mo siya kilala!” Malakas na itinulak ni Jane si Rico. Napaupo ito sa sahig. “He will do anything just to take me!” Sandaling napatigil si Jane at umawang ang bibig. Nasapo niya ang kaniyang bibig noong maalala niya bigla ang sinapit ng mga kaibigan dahil sa kaniya. Dahil sa kahayupang ginawa ni Rodrigo. Umiling-iling si Jane. “A-Ayaw ko na... Hindi ko na kaya… Hindi ko na kaya!”
Parang dinudurog si Rico dahil hitsura ni Jane. Nanginginig ang buong katawan nito at hindi mapakali ang sarili. Pinahid ni Rico ang mga mata at muling nilapitan ang kaibigan. “I know... I know, Jane, but think of Renz. Think about him! Paano siya kung mawawala ka?”
Sandaling napatigil si Jane at nanlalaki ang mga mata na tinitigan ang kaibigan. Nanghihinang napaupo si Jane. Doon ay bigla siyang nahimasmasan. Kahit na bunga si Renz ng pang-aabuso sa kaniya ng binata ay mahal pa rin niya ang anak. Minahal at tinanggap niya ito kahit na madalas ay maalala niya ang binata rito.
“T-Then we need to leave. Nakita na niya ako rito kaya hindi siya titigil hanggat hindi ako nahahanap!”
“Andito ako. Kami ni Jaxon. We will not let him hurt you or Renz.”
“B-But…”
“Kagaya ng ipinangako ko sa ‘yo noon, Jane. I will help you no matter what. Lalo na at narito siya sa teritoryo ni Jaxon. No one can hurt you here. They will kill me first before they get you.”
Muling napaiyak si Jane. Niyakap niya ang kaibigan at humagulhol sa dibdib nito. Nakahinga naman nang maluwag si Rico at ginantihan ng yakap si Jane. Ilang sandali sila sa ganoong posisyon bago niya binuhat si Jane na parang pangkasal at inihiga sa kama. Mabilis siyang kumuha ng first aid kit para gamutin ang sugat nito. Hindi na umiiyak si Jane ngunit tulala itong nakatitig sa kisame. Ni hindi nga ito nasaktan noong pinahirap niya ng alcohol ang sugat nito. Kahit na nag-aalala ay maigi na iyon kaysa maisipan na naman nitong saktan ang sarili.
Sa totoo lang ay wala siyang ideya sa pagkatao ni Jane. Aksidente lang ang pagkikita ng dalawa noong dahil muntik nang masagasaan ng sinasakyan nilang kotse si Jane noong nagbakasyon sila sa Pilipinas. Literal na aksidente ang pagkikita nilang dalawa. Tinulungan nila ang dalaga at dinala sa bahay-bakasyunan nila. Ngunit gano’n na lang ang gulat nila noong makita nila ang maraming pera na dala ng dalaga. Doon ay napag-isipan pa ni Rico ng masama ang dalaga. Pero nagpaliwanag naman agad si Jane sa kanila at nalaman nilang nagsasabi nga ito ng totoo. Kaya naman ay tinulungan na niya ito dahil na aalala niya ang nakababatang kapatid niya kay Jane.
Tinulungan ni Rico si Jane na sumama sa kanila sa Canada. Dahil sa koneksyon ng kaniyang asawa at pera ni Jane ay nabigyan nila ng bagong pagkatao si Jane. Mula sa Jane Acosta ay naging si Hannah Valdimosa ito. Ang pangalan ng kaniyang kapatid. Naging mahirap lang ang sitwasyon nito noong malaman nila na buntis si Jane. Doon lumabas ang mga trauma ni Jane. naging suicidal ito at madalas nagkaroon ng matinding depression dahil sa trauma na sinapit nito. Umabot pa nga sa punto na gusto sanang tanggalin ni Jane ang dinadala ngunit pinigilan ni Rico. Pinakiusapan nito na buhayin ang bata at aampunin na lamang nila kung hindi niya talaga kaya. Pero noong nanganak ito ay doon unti-unting bumuti ang lagay ni Jane. Para bang si Renz ang naging gamot ni Jane sa lahat ng mga trauma na sinapit nito. Kaya hindi na ito inampon pa ni Rico at tinulungan na lamang palakihin ang bata. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na may mga halang ang kaluluwa na nagawa iyon kay Jane.
Oo, hindi rin naman mabuti ang kanilang pagkatao. Lider ng isang gang ang asawa niya. Ang totoo ay marami ang mga illegal na gawain si Jaxon. Pero ni minsan ay hindi nila ginawang pumatay at manakit ng mga inosenteng tao. Lalo na ang mga babae at bata.
Pagkatapos ni Rico lagyan ng gamot at bandage ang sugat ni Jane ay mabilis siyang kumuha ng tubig at pampatulog sa kusina. Binuksan niya iyon at inabot kay Jane.
“Take this. Magpahinga ka muna. Renz is already taken care of. Just rest well for now.”
Inalalayan ni Rico na uminom ng gamot si Jane. Hindi naman tumanggi ang dalaga at sinunod ito. Kinumutan si Rico si Jane at hinawakan ang kamay. Tulala pa rin ang dalaga pero kalmado na ang mukha nito.
“I am always by your side, Jane. I will not let anyone hurt you. So, please. Don’t do it again, okay?”
Hindi sumagot si Jane. Pero nakita niya na nangilid ang mga luha nito. Napangiti si Rico kahit naluluha na rin siya. Hinding-hindi niya hahayaan na saktan ni Jane ang sarili niya. Hindi sila magkadugo pero mahal na mahal niya ito bilang kapatid. Hindi niya hahayaan na may mamatay ulit na kagaya ng sinapit ng kapatid niya. Hanggat kaya niya ay aalalayan niya si Jane.
Ilang sandali pa ay unti-unti nang pumikit ang mga mata ni Jane. Noong masiguro ni Rico na tulog na ito ay tumayo na siya at iniwan ito sa kwarto. Bumaba siya sa sala at tinawagan ang asawa.
“Baby.”
“How’s Renz doing?”
“He is playing beside me. Later, I will bring him to the playground.”
“Thank you.”
“How about Hannah?”
“She’s sleeping now.” Bumuntonghininga si Rico. “Ahm, babe. Can I ask a favor?”
“You don’t need to ask, love. I will do everything for you.”
Napangiti si Rico. “I love you,” aniya. “Ahm. Can you ask someone to take information about a man named Rodrigo Navarro?”
Hindi agad sumagot si Jaxon. “Why? Who is he? What did he do?”
“He is the father of Renz, babe. Jane said that they saw him in the mall.”
“That bastard is here?” may halong galit na sabi ni Jaxon. Alam nito ang mga pinagdaanan ni Jane at maging ito ay nagagalit kay Rodrigo.
“Yes, but they just met accidentally. Or that’s what I want to know, babe. He can’t see Jane. He can’t take them.”
“Okay. I will, babe. I won’t let him take our son too. Don’t worry.”
“Thank you, Love. I love you.”
“I love you too. So much.”
Napangiti si Rico. Pinatay na niya ang tawag at bumuntonghininga. Hinihiling niya lang sana ay maging maayos na si Jane paggising nito.
Chapter 44
Nagmamadaling pumasok si Rodrigo sa hotel room kung saan siya pansamantalang nakatuloy. Hinubad niya ang suot na long suit niya at inahihagis iyon sa kama. Lumapit siya sa lamesa sa may terrace niya kung nasaan ang bote ng alak at isang baso. Nagsalin siya roon at tinungga ang alak. Hinihingal na umupo siya sa malambot na sofa at napasadal doon. Tumitig siya sa kisame saka pilit na pinakalma ang sarili.
“Jane…” bulong niya.
Pumikit siya at muli niyang nakita sa kaniyang isipan si Jane. Wala pa rin itong pinagbago pero mas gumanda ito ngayon. Litaw na litaw ang karisma nito dahil sa kulay ng buhok nito. Gusto niya iyon.
I need you, Jane… I will take you again.
Alam ni Rodrigo na hindi umamin ang dalaga tungkol sa pagkatao ito. Ngunit hindi rin siya pwedeng magkamali. Si Jane ang nakita niya. Kahit magpalit pa ito ng kulay ng buhok. Hindi siya pwedeng magkamali. Kilalang-kilala niya ito.
Biglang bumigat ang paghinga ni Rodrigo. Nakaramdam siya nang kakaibang init kaya napaupo siya nang maayos at isa-isang tinanggal ang butones ng suot na polo. Nagmamadali rin niyang tinanggal ang kaniyang sinturon at bahagyang ibinaba ang pantalon. Pumikit siya at inilabas ang pagkalalake na tayong-tayo na. Muli niyang na alala ang magandang mukha ni Jane. Ang mga panahon na kasama niya pa ito. Ang mga halinghing nito. Lahat iyon ay muli niyang na alala. Bumilis ang galaw ng kaniyang kamay. Unti-unti ay nakaramdam na siya ng pamumuo sa kaniyang puson lalo na noong ang hitsura naman ni Jane na nakita niya ang kaniyang naisip. Napaungol na si Rodrigo kasabay ng pagputok ng malapot na likido mula sa kaniyang ari. Hinayaan niyang tumulo iyon sa kaniyang balat at hinihingal na sumandig lang.
Mula noong mawala si Jane ay wala na siyang ibang babaeng ginalaw. Kahit na marami ang mga umaaligid sa kaniya ay hindi na niya nagawa pang makipagniig sa ibang babae. Pakiramdam niya ay isang malaking kasalanan sa kaniyang asawa kung gagawin niya iyon sa ibang babae. Kaya naman ay nagkasya na lamang siya sa pagpapaligaya sa sarili.
Muling napadilat si Rodrigo noong marinig niyang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang kinuha ang cellphone sa pantalon niya at sinagot ang tawag.
“Rodrigo. Mabuti naman at sumagot ka na. I’ve been calling you!”
Napabuga ng hangin si Rodrigo. Inilagay niya sa loud speaker ang tawag at inilapag sa lamesa ang cellphone. “Why?”
“Anong why? You need to come back here. Alam kong tapos na ang meeting mo.”
Nilinis ni Rodrigo ang sarili gamit ang tissue na nasa lamesa rin. Tuluyan niyang hinubad ang pantalon at iniwan lang ang underwear niya.
“I can’t. I need to stay here.”
“What do you mean, Rodrigo? Ano na naman ang ginagawa mo? We have some business here that you need to attend to!”
“I can’t, Uncle. She’s alive.”
Biglang natahimik si Clarixto mula sa kabilang linya. “Who’s alive?”
Kinuha ni Rodrigo ang cellphone at inilapit sa bibig. “Jane is alive, Uncle. I saw her here,” balita niya rito.
“What? That’s impossible! Hindi ba hinanap na natin siya sa lahat ng lugar pero hindi natin makita? You know it!” protesta ni Clarixto.
“But she is, Uncle. Sigurado ako sa nakita ko. Si Jane iyon. At hindi ako uuwi ng Pinas ng hindi siya kasama!” ani Rodrigo at pinatay ang tawag.
Inis na inilapag niya ang cellphone sa lamesa. Alam ni Rodrigo na hindi maniniwala ang kaniyang tiyuhin na buhay si Jane. Pero papatunayan niya iyon. Muli niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang kaibigang private investigator.
“But, sir. Hindi ba matagal na siya natin hinahanap?” tanong ni Paulo. Siya ang naghahanap kay Jane noon.
“I know. Pero kailangan kong malaman kung bakit nakita ko siya rito sa Canada. If you can have a man from here, I need you to find her here. O kung kinakailangan ay ikaw mismo ang maghanap para sa akin. I need to find my wife.”
“Okay, sir.”
Nagbigay pa ng ilang impormasyon si Rodrigo bago pinatay ang tawag. Hindi siya titigil hanggat hindi niya na hahanap at nakakasama ulit si Jane. Hindi siya naghintay ng limang taon para lamang hindi ito ulit makasama.
In the Philippines.
Galit na naibagsak ni Clarixto ang kaniyang cellphone pagkatapos ng kanilang pag-uusap ng pamangkin.
Buhay si Jane? Hindi ako makapapayag!
“Peter!” malakas na tawag ni Clarixto sa tauhan na nakatayo sa labas ng pinto ng kaniyang opisina. Agad naman iyong bumukas at pumasok sa loob ng silid.
“Gov.”
“Five years ago. ‘Di ba napatay mo siya?” tanong ni Clarixto.
Nangunot ang noo ni Peter. Sa dami ng mga iniutos ni Clarixto ay hindi na nito maalala kung sino ang tinutukoy nito. “Sino ho?”
“Si Jane Acosta!” galit na sabi ni Clarixto.
Sandaling napaisip si Peter. “Opo, Gov. Bago sumabog ang yate ay nabaril ko siya.”
“Eh bakit sabi ng pamangkin ko nakita niya ito sa Canada?” tanong ulit ni Clarixto. Tumungo si Peter at hindi nakasagot. Nilapitan na ni Clarixto si Peter at sinampal. “Sagot!”
“S-Sigurado ako, Gov! Patay siya!”
“Bobo!” galit na sabi ni Clarixto. “Labas!”
Dali-daling lumabas si Peter ng silid. Nagsalin si Clarixto ng alak sa kaniyang baso at ininom iyon. Hindi siya makapapayag na buhay si Jane. Saksi siya kung gaano kabaliw ang kaniyang pamangkin sa babaeng ito. Ito pa ang naging dahilan kung bakit muntik na silang maghirap kaya lahat ay gagawin niya h’wag lang bumalik sa buhay nila ang dalaga. Kahit wala siyang pruweba na buhay nga ito ay naniniwala siya sa sinasabi ng pamangkin. Naniniwala siya sa kabilawan nito.
Kinuha ni Clarixto ang isa pa niyang cellphone at binuksan iyon. Agad siyang nag-dial ng numero at naglakad papunta sa tabi ng malaking bintana.
“Son,” agad na sabi ni Clarixto noong sinagot ang tawag niya.
“Dad. Napatawag ka?” tugon ng isang lalake.
“Wala naman. How’s Canada? Kailan ka ba uuwi? Naghihintay na sa ‘yo ang Mommy mo.”
“On Christmas, Dad. You know it. Is there something wrong?”
“Nothing. You’ve been in Canada for too long, Son. I expect you have some connections there, right?”
“Ahm. A few. Why?”
“I need you to look for someone.”
“Who?”
“Jane Acosta-Navarro. I want you to find her.”
“Jane… Is he my cousin’s wife?”
“Yes. Find her. And kill her.”
Chapter 45
Nagising si Jane na mabigat ang kaniyang pakiramdam. Hindi niya maimulat nang maayos ang kaniyang mga mata dahil namamaga iyon. Bumuga siya ng hangin at tumitig lang sa kisame. Napakagat siya ng kaniyang labi noong maalala niya na nakita niya si Rodrigo.
I had a breakdown again, I guess, malungkot na sabi niya sa kaniyang isipan. Doon lang din niya naramdaman ang bahagyang pagkirot ng kaniyang braso.
Limang taon, hindi pa rin pala siya maayos. Ang akala ni Jane ay handa na siya kung sakali mang magkita sila ulit ni Rodrigo. Ngunit mali siya. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nawawala ang takot niya rito. At hindi na ata mawawala pa ang traumang iniukit sa kaniya ng binata.
Ilang minuto pa siyang nahiga roon bago niya naisipang tumayo na sa kama at bumaba. Nasa hagdan pa lang siya ay na aamoy na niya ang aroma ng pinipritong manok. Pagtingin niya sa kusina ay nakita niya si Rico na kumakanta-kanta pa habang nagluluto. Napatingin ito sa kaniya.
“Finally, the sleeping beauty is awake,” pabirong sabi ni Rico noong makita si Jane.
Matipid na ngumiti si Jane at naupo sa tapat ng lamesa. “I’m sorry.”
“For what?” tanong ni Rico at muling humarap sa piniprito. Magluluto siya ng adobong manok dahil iyon ang paborito nila Jaxon at Renz.
“I… I had a breakdown again. Rico, I’m scared. Pakiramdam ko ay makukuha na naman niya ako.”
Tinapos na ni Rico ang pagprito at sunod na niyang inihanda ang isa pang kawali para gawin na ang adobong manok.
“Babe, hindi mo kasalanan ‘yon, okay? You don’t have to say sorry. You don’t need to feel sorry,” paliwanag ni Rico.
Hindi naman sumagot si Jane. Nakokonsensya siya dahil pakiramdam niya ang hina-hina na naman niya. Hinaplos niya ang kaniyang sugat. Hindi mapapalitan ng kahit na anong sugat ang nararamdaman niya ngayon.
Tinakpan na ni Rico ang mga kawali at naupo sa tapat ni Jane. Inabot niya ang kamay ng dalaga at nginitian ito.
“It’s not your fault, Jane. It never was. Being worried is natural dahil sa mga nangyari sa ‘yo noon. But please, always remember na narito ako para sa ‘yo. Hinding-hindi ko hahayaan na masaktan ka niya ulit, okay?”
Agad na nangilid ang mga luha ni Jane. Pinilit niyang ngumiti rito. Hindi niya alam kung bakit ganito na lamang ang pag-unawa at pagmamahal na ibinibigay sa kaniya ni Rico. Pero ni minsan ay hindi niya naramdaman na iba siya rito. Pamilya ang pakikitungo nito sa kaniya. Napaka swerte niya na ito ang nakaligtas sakaniya.
“Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka, Rico. Thank you. Sa lahat ng pag-unawa mo. Sa lahat ng mga tulong mo sa akin at kay Renz. Thank you so much.”
“Hay naku! Come here! You just need a hug.”
Agad na tumayo si Jane at yumakap nang mahigpit kay Rico. Sa puntong iyon ay bigla niyang na miss ang pamilya niya. Ang mga magulang niya at mga kapatid. Ang mga kaibigan. Mula noong manirahan siya sa ibang bansa ay hindi na rin niya nakausap ang mga ito kahit na alam niya ang mga nangyayari sa mga ito. Bago siya lumipad noon papunta sa Canada ay kinuha muna nila ang mga ginto na itinago niya sa bangko. Hinati-hati niya ang mga iyon sa kaniyang pamilya, Kila Lana, sa pamilya ni James, at sa pamilya ng namatay na dating gobernador. Ang natira ay ginamit niya para mag-umpisa at magbagong buhay. Hindi naging madali pero unti-unti siyang nakabangon sa tulong ng kaniyang mga kaibigan.
Parehas silang napatingin ni Rico sa sala noong marinig ang pag-doorbell sa labas ng bahay.
“May bisita ka ba? Mamaya pa raw ang dating nila Jaxon.”
Umiling si Jane. “I will check it.”
Pinahid ni Jane ang kaniyang pisngi at bahagyang inayos ang buhok. Tumikhim siya at naglakad na papunta sa pinto. Binuksan muna niya iyon nang kaunti at nakita niyang may lalakeng nakatayo roon at nakatalikod.
“Brian?” tawag ni Jane sa binata at binuksan nang malaki ang pinto. Si Brian ang isang pinoy na kaniyang nakilala rito sa Canada. Nagkita sila noon sa park dahil sa muntik din mawala si Renz noon at ito ang nakakita. Mula noon ay naging makibigan na rin niya ito at palagi siyang binibisita.
Humarap si Brian kay Jane at ngumiti. “Hi.” Ngumiti siya sa dalaga. “I was calling you earlier pero hindi ka sumasagot.”
“Calling me?” Napaisip bigla si Jane. Napasinghap na lamang siya noong maalala niya na magkikita pala sila ngayong hapunan. “I’m sorry!” ani Jane. “I’m really sorry. Hindi ko sinasadya. Something came up and I forgot to call you.”
Tumawa nang kaunti si Brian. “It’s okay.” Napatingin si Brian sa braso ni Jane. “Are you okay?”
Napansin naman iyon ni Jane kaya agad niya iyong itinago. “Ah. No. I’m fine.”
“Who’s there, babe?” tanong ni Rico mula sa loob. “Oh! Mukhang kukulangin ata ang niluto ko. Hi, Brian!”
“Hi, Rico. Sorry, I came. Nag-aalala lang ako kay Hannah kasi in-indian niya ako sa date namin,” pabirong sabi ni Brian.
Tumawa si Rico. “Impossible.” Makahulugang tiningnan niya si Jane.
“Stop, okay? Ganito na lang. You can stay for dinner,” nakangiting sabi ni Jane.
“Look who’s happy now,” biro ni Rico. Pinandilatan naman ito ni Jane. Tumawa lang si Rico at muli nang naglakad papasok sa loob. “I should call mine para hindi naman ako mainggit dito habang pinapapak ng mga langgam.”
“Rico!” saway ni Jane habang tumatawa. Napailing na lamang siya at tiningnan si Brian. Bukod sa naging magkaibigan sila ni Brian. Matagal na rin itong nagsusubok na manligaw sa kaniya. Ngunit kinausap ito ni Jane na hindi pa siya handa para magkaroon ng bagong pag-ibig. Ni hindi pa nga niya iyon na iisip dahil ang focus niya ay si Renz. Mapilit naman ang binata kaya hinayaan na lamang ito ni Jane. Ngunit hindi nito alam ang tungkol sa kaniyang nakaraan. “I’m sorry. Alam mo naman si Rico.”
“I know. I understand.”
“What if you stay for dinner?”
“Well. May dala akong wine. Bakit hindi?”
Napatingin si Jane sa dala nito. “You’re ready, huh?” Napailing na lamang si Jane. “Come. Pasok ka.” Binuksan na ng malaki ni Jane ang pinto at pinapasok si Brian.
“May maitutulong ba ako?”
“Nothing. Just sit down there. We will cook for our dinner,” nginitian ni Jane si Brian.
“Are you sure? Nakakahiya naman. Wala ba rito si Renz?”
“Kasama ni Jaxon. Papunta na sila.”
“Okay. I think I will wait here.”
“Diyan ka muna, ha?”
Tinanguan ni Jane si Brian at nagpunta na sa kusina. Sinalubong siya nang makahulugang mga tingin ni Rico.
“What?” nagtatakang tanong ni Jane.
“What what? Ikaw ang what?”
“Look at you. Smiling. Parang kanila lang hindi ka humahagulhol.”
Doon lang napansin ni Jane na nakangiti nga siya. Agad niyang kinagat ang kaniyang labi at sinamaan ng tingin ang kaibigan. “Shut up! Magluto pa nga tayo.”
“Sus! Why don’t you say yes to Brian? Mukha naman siyang maayos na binata. Tsaka, matagal na natin siyang kakilala. Mabait din. I approve him. Baka siya ang kailangan mo para mawala na yung trauma mo.”
“Shh! H’wag ka nga maingay. Baka marinig pa niya.”
“Why? I’m just telling the truth, Jane. At h’wag mo sa aking idahilan na hindi ka deserve ni Brian. Jane, you deserve better. Tsaka kung talagang seryoso siya sa ‘yo, he will accept you.”
Napabuntonghininga si Jane at napaisip. “I… I don’t know. Hindi pa ako handa, Rico. Lalo na ngayon na nakita ko ulit si Rodrigo. What if malaman ‘to ni Rodrigo? You know what that man can do, right?”
Iniikot ni Rico ang kaniyang mga mata. “You know. H’wag ka sanang magagalit, ha? Pero pina-check ko kay Jaxon ang tungkol kay Rodrigo. He is here because of business. Aksidente lang ang pagkikita niyo.”
Nangunot ang noo ni Jane. “Talaga? Hindi niya ako nahanap?”
Tumango si Rico. “Yes. You can act like your don’t him kung magkita kayo ulit. You just need to control your emotions.”
“But… I can’t. I tried.”
“You should try harder, babe. I’m here for you. At kung si Brian ang magiging paraan para lang na maging tuluyan kang maging maayos. I’ll be happy for you.”
Matipid na ngumiti si Jane. Hindi pa siya handa sa bagong pag-ibig. Ngunit hindi naman niya maitatanggi na maayos na binata si Brian. Panatag siya sa tuwing kasama niya ito at malapit din sa anak niya. Umiling si Jane. Hindi niya dapat ito isipin muna. Hinihiling na lamang niya na hindi na sila ulit pa magkita ni Rodrigo.

