Views

Navarro's Possession (Chapters 16 - 20)

Ameiry Savar
0

 



Trigger Warning


Navarro's Possession contains scenes that are not suitable for very young readers and sensitive readers. If you have trauma or can't read stories with dark themes, kindly stop reading this story. This story contains abuse, raped, murder, and foul words. 


Chapter 16


Rod

Pagkatapos ni Rod maligo ay nagbihis siya ng itim na pantalon at puting polo. Halos pare-parehas ang kaniyang mga damit. At sa dami ng mga meetings niya ay kailangang nakapormal na damit pa rin kahit na ayaw niyang um-attend roon. Lahat ng mga gamit niya ay maayos na nakalagay. Lahat ay magkakapantay ang bawat sukat at magkakasama ang bawat kulay. Maingat iyong inaayos ng katulong nila palagi dahil napapansin agad ni Rod kapag may hindi tama. At hindi gugustuhin ng mga katulong niya na sumama ang mood niya. 

Hindi na siya nag-abala pang ayusin ang buhok. Sinuklay na lamang niya iyon gamit ang mga daliri. Pabalik si Rod sa eskwelahan para sunduin si Jane. 

“Rod? Where are you going?” nagtatakang tanong ni Clarixto noong makita niya ang pamangkin na naglalakad pababa ng hagdan. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis dito dahil mukhang maayos na naman ang pakiramdam nito. Matapos nitong pumatay ng isang tauhan nila ay parang wala lang ito sa binata. 

“Business, Uncle. Business.”

“What business? Hindi mo pa nga dinadala rito kung sino ang uploader. Don’t wait na ako pa ang maghanap–” 

“Don’t you dare, Uncle!” putol ni Rod sa sasabihin ni Clarixto. Hinarap niya ito at dinuro pa habang nagtatangis ang mga bagang. “I told you that I will take care of this. Kapag malaman ko na nakialam ka. Hindi ko alam ang magagawa ko sa ‘yo,” banta ni Rod sa matanda. 

Halos mapigil naman ni Clarixto ang kaniyang paghinga. Bumuntonghininga siya at nag-iwas ng tingin. “Fine! But I want you to take care of it immediately! Marami na tayong problema, Rod. H’wag mo nang dagdagan!” galit na sabi ni Clarixto at umalis na sa harapan ng pamangkin. Hindi niya gugustuhing magalit na naman ito nang sobra. 

Humugot nang malalim na paghinga si Rod at masamang sinundan nang tingin si Clarixto. Kung hindi lang talaga niya ito tiyuhin ay matagal na niya itong itinumba. Sa bawat galaw niya ay palagi itong may napupuna. Umiling na lamang si Rod at sumakay na ng sasakyan. Kailangan na niyang mabalikan si Jane. Magmula ngayon ay hindi na niya hahayaang makalayo ito sa kaniya. Kung kailangan niya itong ikulong sa mansyon nila ay gagawin niya iyon. 

Wala pang isang oras ay nakarating na siya ulit sa eskwelahan. Ramdam ni Rod ang pag-iwas ng mga estyudanteng nakakasalubong niya. Mayroon pang lumapit sa kaniyang mga teacher ngunit sinamaan niya ito ng tingin kaya agad na umiwas ang mga ito sa kaniya. Wala siyang oras para sa mga pagpapabango ng mga ito. 

Sunod-sunod ang katok na ginawa niya sa kwarto nila Jane. Nakaramdam na namn siya ng inis noong hindi pa rin bumukas ang pinto makalipas ng ilang sandali. Ang ayaw pa naman niya ay pinaghihintay siya nang matagal. 

“Jane!” sigaw ni Rodrigo. Halos sirain na niya ang pinto noong bumukas na iyon. Napakunot ang noo niya noong bumungad sa kaniya ang isang lalake na may singkit na mga mata. Palagi niya itong nakikita na kasama ni Jane. “Nasaan si Jane?” 

“Lawrence. Sabi nang h’wag na eh,” nag-aalalang sabi ni Lana. Kanina pa niya pinipigilan ang kaibigan na h’wag na lang buksan ang pinto. 

“Ang kapal naman ng mukha mong bumalik dito!” galit na sabi ni Lawrence habang mariin na nakakuyom ang mga kamao. 

Napataas ang kilay ni Rod. Itinulak niya si Lawrence at pumasok sa loob ng kwarto. Lalong nangulubot ang kaniyang noo noong hindi niya makita si Jane. 

“Nasaan si Jane?” tanong ulit ni Rodrigo. 

Napaluha na si Lana. Kanina pa siya nanginginig sa takot. Hinila niya si Lawrence palayo kay Rodrigo. 

“P-Parang-awa mo na, Gov! Hayaan mo na ang kaibigan ko!” ani Lana. 

Agad na nag-init ang ulo ni Rodrigo noong marinig niya ang sinabi ni Lana. Tiningnan niya ang dalawa nang masama. “Nasaan si Jane? H’wag niyo nang sayangin pa ang oras ko dahil hindi niyo magugustuhan ang mangyayari.” 

“Wala na si Jane! Umalis ka na rito!” galit na sabi ni Lawrence. Iwinaksi na niya ang kamay ni Lana at tinulak si Rod. 

Napaatras naman nang isang hakbang si Rodrigo. Marahan siyang huminga nang malalim at tiningnan ang balikat na itinulak ni Lawrence. Ang ayaw niya sa lahat ay hinahawakan siya nang hindi naman niya gusto. 

“Ito na ang huling tanong ko. Nasaan… si Jane?” tanong ni Rodrigo na may himig na ng pagbabanta. 

Nasapo ni Lana ang kaniyang bibig at napaatras. Kitang-kita niya ang matinding galit sa mga mata ni Rodrigo. Kanina pa nakaalis si Jane at Carlo. Sa kanilang tingin ay nasa malayo na ang dalawa na magandang balita. Ngunit hindi nila na isip na maaring sa kanila hanapin ng binata ang kaibigan. 

“Wala kang makikita sa amin–” 

“Lawrence!” 

Napatili na lamang si Lana noong biglang sinuntok ni Rodrigo Tumumba agad si Lawrence sa may paanan niya. Lalapitan niya sana ito ngunit bigla itong pinatungan ni Rodrigo at hinawakan sa kwelyo. Hindi inasahan ni Lana ang sunod niyang nakita. 

Diyos ko… aniya sa kaniyang isipan noong makita niya ang matinding galit sa mga mata nito. Pulang-pula na ang mukha nito at maging ang mga mata ay unti-unti na ring namumula dahil sa galit. Para itong na uulol na aso habang pinagsusuntok si Lawrence. 

“Diyos ko! Lawrence! Tulong!” sigaw ni Lana. Tumakbo siya papunta sa pinto ngunit napasubsob na lamang siya noong maramdaman niyang may humawak sa kaniyang hita. Napahagulhol na si Lana at pilit na pinaayos ang paningin dahil bigla siyang nahilo. “Aah!” umiiyak na sabi niya noong bigla na lang umangat ang kaniyang ulo at kalahati ng katawan. Parang mapupunit na rin ang kaniyang buhok dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Rodrigo. 

“Saan ka pupunta?” nakangising tanong ni Rodrigo at biglang inihampas ang ulo ni Lana sa sahig.

Agad na nakaramdam nang matinding pagkahilo si Lana at nawalan ng malay. 

Pilit na iminulat ni Lawrence ang kaniyang mga mata. Kitang-kita niya ang ginawa ni Rodrigo kay Lana kaya napaungol siya dahil sa labis na pagkahabag sa sinapit ng kaibigan. Pero gustuhin man niyang tumayo para tulungan si Lana ay ang bigat na ng kaniyang katawan. Malaki rin naman ang kaniyang katawan ngunit kakaiba ang lakas ni Rodrigo habang siya ay sinusuntok. Alam nito kung saan siya susuntukin para masaktan. Muling tumingin si Rodrigo kay Lawrence. Napalunok si Lawrence at sinubukang gumalaw ngunit nahawakan na siya ni Rod at muling pinatungan. 

“Pagsisisihan niyo ang pagtatago kay Jane!” galit na galit na sigaw ni Rodrigo at muling sinuntok si Lawrence hanggang sa mawalan ito sa malay. 

Hingal na hingal na tumigil si Rodrigo. Umupo siya sa sahig at kinuha ang cellphone mula sa pantalon. Wala si Jane rito. Sigurado siya na tumakas si Jane. Agad na kumulo ang kaniyang dugo. Sa tingin mo ba matatakasan mo ako, Jane? Hinding-hindi ka na makakawala sa akin! galit na sabi ni Rodrigo sa kaniyang isipan. 

Agad na nag-dial si Rodrigo sa kaniyang cellphone. Hindi pa natatapos ang unang ring ay sumagot na agad ang tinatawagan niya. 

“Pumunta kayo rito. Dalhin niyo ang dalawang taong nasa room 3205,” utos ni Rodrigo at pinatay na ang tawag. 








Chapter 17

Jane

“Tama ba ito, Carlo?” nag-aalalang tanong ko. Magkatabi kaming nakaupo ni Carlo sa bus na sinakyan namin. Kanina pa kami nagbabyahe at hindi ko alam kung nasaan na kami. 

“H'wag kang mag-alala, Jane. Makakalayo rin tayo sa kaniya.”

Bumuntonghininga ako. “Sana nga. Kanina pa ako kinakabahan,” aniko at tumingin sa paligid. Wala namang kakaiba sa mga kasabay naming pasahero. Pero pakiramdam ko ay may nakatingin sa amin. 

“Hindi kita pababayaan, Jane. Ako ang bahala sa ‘yo.”

Marahan akong tumango at naluluhang tumingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung bakit biglang naging ganito ang buhay ko. Siguro nga kasalanan ko nga rin ito. Kung hindi siguro ako nangialam ay hindi na ito mangyayari. Pero paano naman si James? Namatay na lamang siya na walang hustisyang natatanggap. Gusto ko lang naman tumulong pero ang kapalit niyon ay kalayaan ko. 

Napakapit ako sa kwintas ko. Kahit na ano ang mangyari ay hinding-hindi ko ipapaalam kay Rodrigo Navarro kung nasaan ang mga ginto. Mamamatay akong hindi niya iyon makukuha. 

Makalipas ang ilang sandali ay malapit na kami sa Artiche. Padilim na ang paligid at bahagyang nakapagpahinga na ang katawan ko. Napansin ko na kanina pa nangunguyakoy si Carlo habang mahigpit na hawak ang kaniyang cellphone. Tumunog iyon pero hindi niya sinagot. 

“Bakit hindi mo sinasagot ang cellphone mo?” tanong ko. 

Biglang tumingin sa akin si Carlo. Mababakas sa kaniya ang pagkabalisa pero pinilit niyang ngumiti sa akin at umiling. 

“W-Wala, Jane. Magpahinga ka na.”

Lalong nangunot ang noo ko. “May problema ba? Sabihin mo sa akin, Carlo.”

Muling tumunog ang cellphone ni Carlo. Tiningnan niya iyon kaya nakita ko na si Lana ang natawag. Pero pinatay lamang niya iyon ulit. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong binundol ng kaba. 

“Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ni Lana?”

Matagal bago siya nakasagot. Panay lang ang pangunguyakoy niya habang mahigpit na nakakapit sa pantalon. Nakatitig din siya sa likod ng upuan na nasa harapan lang namin. Gumalaw ang bilog sa lalamunan ni Carlo. “Jane… s-sila Lana. Hawak sila ni Gov.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig noong marinig ko ang sinabi ni Carlo. Sakto naman na muling tumunog ang cellphone ni Carlo. Papatayin niya sana ulit iyon pero inagaw ko agad sa kaniya ang cellphone.

“Ano'ng ginagawa mo, Jane?” gulat na tanong ni Carlo. 

“Hindi ko naman pwedeng hayaan ang mga kaibigan natin!” aniko. 

Huminga ako nang malalim at nanginginig ang kamay na sinagot ang tawag. 

“At last! Sumagot ka.”

Nanindig agad balahibo ko noong marinig ko ang boses ni Rodrigo. 

“Nasaan si Jane?”

“R-Rodrigo.”

Narinig ko ang marahas na paghinga nang malalim ni Rodrigo mula sa kabilang linya. “Wow... Jane. Tama ang hinala ko. Where are you?”

Nangilid na agad ang mga luha ko. Marinig ko lang ang boses niya ay nanginginig na ang katawan ko sa takot.

“Nasaan ang mga kaibigan ko? Pakawalan mo sila!”

Tumawa si Rodrigo. “Ahm. No. Parang nagi-enjoy naman sila rito.”

Nangunot ang noo ko. Ilang sandali pa ay may narinig akong mga tawanan at ungol mula sa kabilang linya. Ilang sandali akong natulala bago ko naunawaan ang nangyayari. 

“A-Ano'ng ginagawa niyo?!”

“Tama na! P-Please! H-Hindi ko na kaya!”

Nanindig ang balahibo ko noong marinig ko ang pagmamakaawa ni Lana. Halata sa boses niya ang matinding hilakbot at pagkahapo. Napaluha na ako. 

“Hayop ka, Rod! Hayop ka! Isinusumpa kita!” sigaw ko. 

“Alam mo na kung ano ang gagawin mo, Jane. Bumalik ka sa eskwelahan niyo at may susundo sa 'yo roon,” ani Rodrigo. “Bilisan mo. Alam mo namang mainipin ako,” dagdag pa niya bago pinatay ang cellphone.

Napahagulhol ako. Hindi ko malubos maisip ang sinasapit ngayon ni Lana. Diyos ko! Kasalanan ko 'to! 

“Jane? Bakit?” nag-aalala nang tanong ni Carlo.

“P-Para! Itigil niyo 'to!” sigaw ko at hindi siya pinansin. Pero hinawakan niya ang braso ko noong tumayo ako at pinaupong muli. “Bitawan mo ako, Carlo! Bababa ako!”

“Nahihibang ka na ba?”

“Sabing bababa ako!” sigaw ko na may halo nang pagkairita. Hinayaan ako ni Carlo na tumayo. Agad akong naglakad papunta sa may pinto ng bus. “Para po!” aniko sa driver. Napapailing namang itigil ng driver ang bus at binuksan ang pinto. Agad akong bumaba at nagmamadaling naglakad sa gilid ng kalsada. Kakahuyan ang binabaan namin. 

“Jane! Teka nga! Ano ba 'tong ginagawa mo?” pigil ni Carlo sa akin noong tatawid na ako. 

“Hindi ko sila pwedeng pabayaan, Carlo! Kailangan kong balikan si Lana!”

“At ano? Ikaw naman ang mapapahamak? Alam mo ang mangyayari sa ‘yo kapag bumalik ka roon!”

“Ano'ng gusto mong gawin ko? Pabayaan ang mga kaibigan natin? Carlo! Hindi ko nga alam kung buhay pa si Lawrence!” Napapikit ako nang mariin noong maisip ko ang nangyari sa kanila. Hindi ko kakayanin kung mapapahamak ang mga kaibigan ko. Huminga ako nang malalim. “B-Babalik ako roon. Wala akong pakealam kung mapahamak ako. Basta ililigtas ko sila!”

Nag-aalalang tiningnan na lamang ako ni Carlo. “Sige. Sige. Sasamahan kita.”

Tumawid na kami ng kalsada. Panay ang pag-iyak ko habang nakatayo lang kami sa gilid. Ayaw kong isipin na gano'n na nga ang ginagawa nila kay Lana ngunit iba ang pakiramdam ko. Diyos ko... H'wag naman sana. Sana ay ligtas lang silang dalawa. Hindi nagtagal ay may dumaan ng bus pabalik sa amin. Agad kaming sumakay roon ni Carlo. Mahigpit ang kapit ko sa mga kamay ko habang panay ang dasal. Sana maayos lang si Lana. Sana buhay pa si Lawrence. Sana hindi sila sinaktan. Matinding pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon dahil sa umalis ako. Dapat hindi na ako umalis!

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa eskwelahan. Pagkababa namin ay natanaw ko agad ang itim na sasakyan sa tabi ng school. Mayroong nakatayo sa gilid niyon na isang lalake. Nakatanaw ito sa amin. Napalunok ako. “H'wag ka na sumama, Carlo.”

“Sasamahan kita, Jane! Paano kung may masamang gawin sa 'yo?”

“Tanggap ko. Ang hindi ko matatanggap ay lahat ng mga kaibigan ko ay sasaktan nila. Kaya please? Hayaan mo ng ako lang ang pumunta roon.”

Huminga nang malalim si Carlo. “Sige. Mag-iingat ka.”

Niyakap ko si Carlo. “Maraming salamat.” Pagkatapos ay nagmamadali na akong tumakbo papunta sa kotse. Agad iyong bumukas at sumakay ako sa likuran. 

Habang nagbabyahe kami ay parang dinadambol na ang dibdib ko. Pakiramdam ko rin ay ilang sandali lang ay babaliktad na ang sikmura ko dahil sa matinding tensyon. Tumigil ang sasakyan sa isang malaking bahay. Na aalala ko iyon dahil ito ang bahay na pinagdalhan sa akin ni Rodrigo. Bumukas ang pinto ng sasakyan kaya bumaba na ako. Gano'n pa rin. Nakita ko ang ilang mga kalalakihan na may hawak na baril sa gilid ng mansyon. Lahat sila ay mariing nakatitig sa akin na para bang huhubaran na ako. 

“Sumunod ka sa akin,” ani ng lalakeng kasama ko sa kotse kanina. 

Tumungo ako at sumunod na kaniya. Habang naglalakad ako ay pakiramdam ko papalapit na ako sa libingan ko. Panay ay paghinga ko nang malalim dahil sa matinding kaba. Dumaan kami sa sala at sa kusina. Doon ay may maliit na pinto na hindi mapapansin. Pagkabukas doon ng lalakeng sinusundan ko ay nakita bumungad agad sa akin ang nakasusulasok na amoy. Natakpan ko ang ilong dahil halos bumaliktad na ang ilong ko. Paano nila iyon natitiis? Ang langsa niyon!

“H-Hindi… Ko na… kaya…”

Napatigil ako sa paglalakad noong marinig ko ang mahinang boses ni Lana. Tinakbo ko agad ang pasilyo at napanganga na lamang ako sa aking nakita. Nakatali ang dalawang kamay ni Lawrence sa isang kadena at nakalaylay na ang ulo. Duguan siya at halatang kagagaling pa lang sa matinding pambubugbog. Habang si Lana… 

“Diyos ko! Lana!” sigaw ko at tinakbo si Lana na nakahiga sa isang papag at walang saplot. Napahagulhol ako noong makita ko ang kaawa-awang sinapit niya. Tulala na lamang siya habang panay ang buka ng bibig. Ngunit bago pa man ako makalapit sa kaniya ay biglang may humawak sa baywang ko. “Bitawan mo ako! Lana!” hagulhol ko. Hinawakan nito ang pisngi ko at pilit na pinaharap sa kaniya. Agad na nanghilakbot ang puso ko noong masalubong ko ang mga mata ni Rodrigo na para bang nasisiyahan pa. 

“Jane! You're back!”

“Hayop ka! Ang sama-sama mo! Ano ang ginawa mo kay Lana?!” 

Tumawa si Rodrigo na para bang nababaliw. Muli niyang iniharap ang mukha ko kay Lana. Napapikit na lamang ako nang mariin. Ang sakit! Para akong dinudurog sa labis na pagkaawa kay Lana. Pilit akong kumawala sa kaniya. Pero mahigpit niya lang akong niyakap at pilit na pinatingin kay Lana. Idinikit niya pa ang kaniyang pisngi sa akin kaya amoy na amoy ko ang nakakasuka niyang katauhan. 

“See that? That's your fault. Kasalanan mo 'yan dahil umalis ka.” Naramdaman kong tumingin siya sa akin kahit na nakatittig pa rin ako kay Lana. “At mali ang tanong mo. Hindi mo dapat tinatanong kung 'ano' ang ginawa ko sa kaniya. Kundi ay kung ilan silang gumawa no'n sa kaniya.”

Nanlaki ang mga mata ko. Doon ko lang napansin ang ilang kalalakihang nakaupo sa tabi ni Lana. Lahat sila ay walang suot na pang-itaas at pawisan. Ang iba ay nag-susuot pa lang mg pantalon. 

Lalo akong napahagulhol habang unti-unti akong sinasampal ng katotohanan. Pinagsamantalahan nilang lahat si Lana. Ang kaibigan ko na wala namang kasalanan. 


Chapter 18


“Napaka sama mo talaga, Rod! Isinusumpa kita!” sigaw ko habang pinagpapalo ang kaniyang dibdib. Hindi ko matanggap na hinayaan niyang pagsamantalahan si Lana ng kaniyang mga tauhan. Binaboy nila si Lana! Napaka sama nila! “Hayop ka!” Sinampal ko ang kaniyang pisngi. Hingal na hingal na tinitigan ko siya. Napatingin sa gilid si Rodrigo. Hindi siya sumagot pero sinapo niya ang kaniyang pisngi at dahan-dahang tumingin sa akin. Napalunok ako noong biglang naging matalim ang mga tingin niya sa akin. Napaatras ako noong humakbang siya. Ngunit marahas niyang hinawakan ang baba ko at bahagyang pinisil ang pisngi ko. 

“This is your fault, Jane! Kung hindi ka umalis, edi sana hindi na ‘to nangyari pa. Sisihin mo ang sarili mo, Jane! Kasalanan mo!” 

“Hayop ka!” sigaw ko at pilit na kumawala kay Rod. Tumakbo ako papunta kay Lana na nakatulala pa ring nakatingin sa gilid. Habag na habag ako sa kaniyang hitsura dahil halata ang kaniyang pagkahapo. “D-Diyos ko, Lana!” humagulhol ako at agad na hinubad ang suot kong jacket. Itinakip ko iyon sa kaniyang kahubaran. “L-Lana. Sorry! Sorry! Patawarin mo ako, Lana!” 

Agad na nanghilakbot si Lana noong madampi ang kamay ko sa kaniyang palad. Kusa siyang gumalaw. Naupo siya at niyakap ang sarili. 

“H-H’wag! Tama na! A-Ayoko na!” nanginginig na sabi ni Lana. Humagulhol siya habang pilit na itinatago ang katawan sa jacket ko.

Lalo akong napahagulhol habang tinititigan siya. Napatayo ako. “A-Ang sasama niyo! Napaka sama niyo!” Tiningnan ko nang masama ang mga kalalakihang nasa dulo ng papag. May ibang nakangisi habang ang iba ay hindi nakatingin sa akin. “Wala ba kayong mga asawa?! Mga anak na babae?! Buhay pa kayo pero sinusunog na ang kaluluwa niyo sa impyerno!” napahagulhol ako at sinapo ang aking bibig. 

Diyos ko! Bakit sa kaibigan ko pa? Tama si Rodrigo. Tama siya. Kasalanan ko ‘to! Kung hindi na sana ako umalis ay hindi sana sila ang pinagbuntunan ni Rod. Doon ko na alala si Lawrence. Napatingin ako sa kaniya na nasa kabilang dulo ng kwarto. Halos mapigil ko ang aking paghinga noong mas malinaw ko nang nakita ang kaniyang sinapit. 

“L-Lawrence… Lawrence! Diyos ko!” Tumakbo ako palapit sa kaniya at sinapo ang pisngi. “Patawarin mo ako, Lawrence! Patawad!” iyak ko habang bahagyang tinatapik ang kaniyang pisngi. “Lawrence! Please! Gumising ka!” 

Biglang umungot si Lawrence. Nakita ko na gumalaw ang kaniyang daliri kaya medyo napanatag ako. Umungol siya at pilit na ibinuka ang bibig. 

“Ssh.. Tama na. Please. I’m sorry. Patawarin mo ako. Kasalanan ko ‘to.” 

Lalong umungol si Lawrence. Yayakapin ko sana siya pero biglang may humatak sa braso ko kaya napatayo ako. 

“Tama na ‘yan! Alam niyo na ang gagawin niyo sa kanila,” ani Rod. 

Bigla akong nataranta. “A-Ano ang gagawin niyo sa kanila? Rod! Andito na ako! Parang-awa mo na! Tigilan mo na sila!” pagmamakaawa ko. 

“Tahimik! Kung ano man ang mangyari sa kanila ay wala ka nang pakealam!” 

Umiling-iling ako at biglang lumuhod. “H-H’wag! Parang-awa mo na, Gov!” Pinagsaklop ko ang aking mga palad at nagmamakaawang umiiyak. Hindi ko na kakayanin pa kung may iba pa silang gagawin sa mga kaibigan ko. Hindi ko kaya! “L-Lahat… Lahat gagawin ko, Gov. Please! H’wag mo na silang saktan pa!” 

Hinawakan ni Rod ang braso ko at tumalungko siya ka-lebel ko. Napapikit ako nang hinaplos niya ang pisngi ko. “Lahat? Gagawin mo?” 

Naiiyak na tumango ako at unti-unting dumilat. Sinalubong ako ng mga mata ni Rodrigo na para bang nasisiyahan pa. “O-Oo. L-Lahat! Kahit ano ang ipagawa mo sa akin gagawin ko. B-Basta, please. Hayaan mo na ang mga kaibigan ko. Ako naman ‘di ba ang kailangan mo? Ako ang may kasalanan sa ‘yo kaya hayaan mo na sila! Parang-awa mo na!” 

Ngumisi si Rodrigo at biglang hinawakan ang likod ng ulo ko at kinapitan ang buhok ko. Napadaing ako noong maramdaman ko ang paghila niya. 

“Dalhin mo sa akin ang ginto ko.” 

Ilang sandali ko siya natitigan. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang alam niya na alam ko talaga ang tungkol sa mga ginto. Muli akong napaiyak. 

“H-H’wag mo naman gawin ‘to. Please. P-Paano ko ibibigay ang bagay na hindi ko naman alam?” 

Biglang naging seryoso si Rodrigo at binitawan ko. Napanganga ako noong bigla siyang humugot ng baril sa tagiliran at itinutok iyon kay Lawrence. 

“Edi mamamatay sila,” aniya at biglang pinaputukan ang hita ni Lawrence. Umagos doon ang maraming dugo. 

Nanlambot ang agad ang katawan ko pero pinalakas ko ang looob ko. Umiiyak na tumayo ako sa tapat niya at pinatutok sa akin ang baril. 

“Tama na! Parang awa mo na! Kung may gusto kang patayin ay ako na lang, Rodrigo! Ako ang patayin mo!” nangangatog na sabi ko habang nakatitig sa kaniya. Kung may dapat mamatay sa amin ay ako ‘yon at hindi ang mga kaibigan ko. Kaya kahit takot na takot na ako ay pilit ko siyang hinarap. 

Biglang nanginig ang mga kamay ni Rodrigo. Idinikit niya ang baril sa noo ko kaya napigil ko ang paghinga ko. Diyos ko! Kung hanggang dito na lang talaga ako ay tatanggapin ko. Pero mamamatay ako na hindi mahahawakan ni Rodrigo ang gintong hinahanap niya. Kung ito ang paraan para hindi mangyari ang kaniyang mga kasamaan. Wala na akong pakealam basta maligtas lang ang mga kaibigan ko. 

“Fuck it!” sigaw ni Rodrigo. 

Tinanggal niya ang baril sa may ulo ko kaya muli akong nakahinga. Nangangatog na napaupo ako at pilit na naghabol ng paghinga. Diyos ko! Buhay ako! Napaiyak akong muli. Buhay ako. 

“Clean this up! Dalhin niyo sa ospital ang dalawang ‘yan bago pa magbago ang isip ko!” sigaw ni Rodrigo. 

“Diyos ko…” Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ni Rod. Tiningnan ko si Lana na nakayakap pa rin sa sarili. Nanginginig na tumayo ako at lumapit kay LAna. 

“L-Lana. Ako ‘to. Si Jane.” 

Hinawakan ko ang kamay ni Lana pero bigla siyang napakislot. Tumungo siya habang panay ang sabi na. “A-Ayaw ko na po… Tama na…” 

Hinaplos ko ang kaniyang ulo at dahan-dahang niyakap. Hindi kumilos si Lana pero ramdam ko ang matinding pangangatog niya na ikinadurog ng puso ko. Hindi ko malubos maisip ang paghihirap na sinapit niya sa kamay ng mga ito. Isinusumpa ko silang lahat. 

“P-Patawarin mo ako, Lana… Patawad…” 

“Halika na.” 

Muli kong nabitawan si Lana noong may humatak na naman sa braso ko. Naiiyak na tiningnan ko na lamang silang dalawa habang papalabas kami ng impyernong kwarto na iyon. Tinatanggal na nila ang pagkakatali ni Lawrence. Wala na itong malay at panay ang agos ng tubig sa hita. 

Napaka hayop mo, Rodrigo Navarro! Isinusumpa kita!




Chapter 19


Wala pa rin akong tigil sa pag-iyak hanggang sa makalabas na kami sa basement. Hila-hila ako ni Rod hanggang sa makarating kami sa ikalawang palapag ng mansyon. Sa loob ng silid niya na pinagadalhan niya sa akin noon. 

“Mula ngayon ay dito ka na titira, Jane. Hindi ka lalabas sa kwartong ito. Na iintindihan mo ba?” ani Rod. Binitawan niya ako at hinarap. 

Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko dahil sa labis na emosyon. Pero kahit ano’ng pigil ko sa luha ko ay para iyong talon na patuloy na sa pag-agos. “I-Ikukulong mo ako rito? Rod. May buhay rin ako. Hindi mo ako pwedeng ikulong dito,” nanghihinang sabi ko. Tinitigan niya ako. 

“Akala ko ba susundin mo lahat ng gusto ko?” hindi makapaniwalang tanong niya. 

Napakagat ako ng labi at agad na nag-iwas ng tingin. “P-Pero hindi mo ako pwedeng ikulong dito habang-buhay. Rod, may buhay ako. Nag-aaral ako!” 

“You don’t need to study, Jane. Sinabi ko na ‘yo. Be mine, and I will give you everything. Hindi mo na kailangang magpagod sa pag-aaral. Ang kailangan mo lang ngayon ay humiga at umungol.” 

Napatungo na lamang ako. Parang may kumurot sa dibdib ko dahil sa mga sinabi niya. Alam ko ngayon na wala na akong kawala. Pero kung hindi ko naman ito hahayaan ay ang mga mahal ko naman sa buhay ang kaniyang pagbubuntunan. Magmimistulang babae na niya ako. Parausan ng kaniyang init ng katawan. Bakit ako pa?

“Get rest. May mag-aasikaso sa ‘yo mamaya,” aniya at naglakad papunta sa pinto pero tumigil siya noong makalapit na siya sa akin. Napakislot ako noong maramdaman kong hinawakan niya ang baba ko. “Stop crying. It’s making me more horny.”

Agad na nagsalubong ang mga kilay ko at tiningnan siya nang masama. Lalo lang ngumisi si Rodrigo at naglakad na. Nasapo ko agad ang dibdib ko at nanghihinang napaupo sa kama. Doon ay muli akong umiyak nang umiyak. Muli kong na alala ang sinapit ni Lana. Wala siyang pinili na pasakitan. Kahit ang inosenteng tao ay dinamay niya pa talaga. Napaka sama niya! Isinusumpa ko siya! Umakyat ako sa kama at patagilid na nahiga roon. Niyakap ko ang sarili ko habang pilit na kinakalma ang sarili ko. Siguro nga ito na talaga ang magiging buhay ko. Wala na akong ibang pagpipiliian pa. Sana lamang ay maging maayos na ang mga kaibigan ko. Lalong lalo ma si Lana. Diyos ko! Habang buhay kong pagsisisihan ang nangyari sa kaniya. Si Lana ang nag-iisang kaibigan ko. Napaka buti niyang kaibigan. Lahat ay handa niyang gawin para sa akin. Kahit na masayahin ay siya at mahilig magbiro sa mga lalake ay hindi siya gano'ng klaseng babae. Gusto ko siyang puntahan at yakapin. Sobrang laki ng pagsisisi ko na iniwan ko sila. 

Si Lawrence, alam ko na lahat ay ginawa niya para lang sa akin. Para lang hindi malaman ni Rod kung nasaan ako. Diyos ko! Hindi ko alam kung ano pa ang mukhang maihaharap ko sa kanila. 

Patawarin niyo ako, Lawrence. Lana. Patawarin niyo ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong posisyon. Pero nagising na lang ako na mayroon nang tumatapik sa may paa ko. Agad akong napaupo at sumiksik sa gilid ng kama. Pagtingin ko ay nabungaran ko ang matandang babae na nakita ko rin noon. Nakangiti siya sa akin. Mukhang siya lang ang matino sa bahay na ito. Paano niya natatagalan ang mga kasama niya? 

“Hija. Kanina ka pa natutulog. Nahanda ko na ang liliguan mo at narito na rin ang pagkain mo,” magalang na sabi niya. 

Napalunok at nag-iwas ng tingin. Muli kong na alala ang mga nangyari kanina kaya napaiyak na lamang ako. Kumusta na kaya sila Lana? Nagamot na kaya si Lawrence? Diyos ko! Hindi ako matatahimik dito! 

“Kumain ka na muna. Ipinagbilin ni sir na pakainin ka bago umalis.” 

Napatingin ako sa kaniya. “U-Umalis si Rodrigo?” 

Marahan siyang tumango. “Oo. May meeting daw.” 

Napaismid ako. Meeting? Sigurado ako na may ginagawan na naman siya nang kasamaan ngayon. “Wala akong gana,” aniko at muling nahiga. Gusto niyang narito ako? Sige. Papayag ako. Pero mas gugustuhin ko na lang mamatay kaysa habang-buhay niya akong pagsamantalahan. 

“Pero… kailangan mong kumain. Pagdating ni sir na hindi ka pa nakakain o nakaligo ay magagalit ‘yon.” 

Muli akong napaupo at hindi makapaniwalang tiningnan siya. “Bakit ka ganyan? Bakit parang wala kang pakealam sa kasamaan ng amo mo? Siguro naman alam mo ang dahilan kung bakit ako narito, ‘di ba? Bakit imbes na tulungan mo ako ay kinukunsinti mo pa siya!” naluluhang sabi ko. 

Huminga nang malalim ang matanda at tumungo. Malungkot na tiningnan niya ako. “Ano naman ang magagawa ko, hija? Taga-sunod lang ako rito. At isa pa, ang kailangan ni sir… ni Rodrigo ay pang-unawa. Kaya sana ay maunawaan mo siya.” 

Napanganga ako sa kaniyang sinabi. “Unawa? Nahihibang ka na ba? Halos patayin na niya ang mga kaibigan ko! Pinupwersa niya ako! Paano ko uunawain ang isang demonyo?!” 

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero sa huli ay naging malungkot ulit ang ekspresyon ng kaniyang mukha. “Bata pa lang si sir ay narito na ako. Nakita ko na siyang lumaki at alam ko na may kabaitan din siya. Kaya natutunan ko nang magtiis. Lahat ng kilos ko ay bilang dahil ayaw niya ng pagkakamali. Pero kung sumusunod ka sa kaniya ay magiging mabait siya sa ‘yo, hija. Hindi siya ganito noong kaya alam ko na babalik din ang dating Rodrigo. Alam ko na hindi madali ang ginawa sa ‘yo ni Rodrigo. Pero kung hihintayin mo lang siya. Magiging mabuti siya sa ‘yo,” mahabang paliwanag niya. 

Hindi makapaniwalang napailing na lamang ako. “Baliw ka. Baliw kayong lahat! Wala akong pakealam kung may sakit pa siya sa pag-iisip pero isinusumpa ko ang amo mo!” inis na sabi ko at bumaba na ng kama. Naglakad ako papunta sa banyo at doon umiiyak. 

Lahat sila ay hindi matino ang pag-iisip. Ano ang ibig niyang sabihin? Magtiis ako at hintaying maging mabuti si Rodrigo? Hindi! Hindi ako tanga para gawin ko ‘yon! Wala akong pakialam kung may sakit pa siya o ano. Pero sinaktan niya ako. Ginahasa niya ako. Sinaktan niya ang mga kaibigan ko kaya isinusumpa ko siya! Hanggat nabubuhay ako ay isinusumpa ko siya! 

Napatingin ako sa paligid. Ito ang unang beses kong makapasok sa banyo ni Rodrigo. Hindi ko maiwasang mamangha sa loob. Naroon na rin kasi ang mga damit na sa tingin ko ay kay Rodrigo. Lahat ay kulay itim at maayos na naka-hanger. Sandali kong nakalimutan ang sakit na nararamdaman ko. Mula sa towel. Neck tie. Mga underwear at boxer. Lahat ng iyon ay nakatupi nang maayos. Noong makarating na ako sa pinaka shower room niya ay nakita ko ang malaking bathtub. Punong-puno na iyong bula at may iilang rosas pa sa ibabaw. Maayos ding nakalagay sa isang cabinet ang ilang mga sabon at shampoo na hindi ko kilala ang pangalan. Sa tingin ko ay mga mamahalin iyon. Lahat ng maayos. Maganda sa mga mata pero parang kakaiba. Kahit kasi iyong mga kaunting detalye ay talagang maayos. Ang mga sukat. Ang mga kulay at ang uri. Lahat ay magkakapantay at magkakasunod. Hindi kaya may sakit talaga si Rodrigo kaya siya ganoon? Pero bakit ako pa ang nagdudusa sa sakit niya kung mayroon man? 


Chapter 20


Clarixto 

Mariing nakatitig si Clarixto sa quarangle mula sa bintana ng kaniyang opisina sa unibersidad ng kaniyang pamangkin. Kaaalis lang ng isa nilang tauhan na kaniyang tinanong tungkol sa nangyari kagabi. Hindi siya makapaniwala sa inasal ni Rodrigo. 

“Bakit hindi mo agad pinatay, Rodrigo?” tanong ni Clarixto sa sarili. “Ano ang nangyayari sa ‘yo?”

Marahas na bumuntonghininga siya. Kapag may ganitong pangyayari ay hindi na pinagpapaliwanag pa ni Rodrigo ang may kasalanan sa kanila. Agad nito itong pinapatahimik dahil madalas ay nadadala ito ng galit. Na hinahayaan lamang ni Clarixto. Alam niyang may sakit ang pamangkin ngunit nagagamit niya ito para magpatuloy ang kanilang operasyon. Ngayon na hindi magawang pumatay ni Rodrigo ay hindi ito magandang balita para sa kaniya. 

“Uncle! You are looking for me?” 

Napatingin si Clarixto sa kaniyang likuran noong marinig niya ang boses ng pamangkin. Kapapasok pa lang nito sa opisina niya at isinasara ang pinto. Umalis si Clarixto sa may bintana at naupo sa pinaka unang upuan sa tapat ng kaniyang lamesa. Prenteng naupo naman si Rodrigo sa mahabang upuan. 

“May problema ba?” tanong ulit ni Rodrigo. Ipinatawag kasi siya ng kaniyang tiyohin. 

Huminga nang malalim si Clarixto. “Nalaman ko na ang totoo, Rod. What is happening to you?” 

Agad na nangunot ang noo ni Rodrigo. “What do you mean?” 

“You are wasting your time, Rodrigo! Nalaman ko na kung sino ang nag-upload! She is one of the students here.” 

Huminga nang malalim si Rodrigo. Umayos siya ng upo at kinalma ang sarili. “Hindi ba sinabi ko nang hindi mo na kailangan pang problemahin ito, Uncle?” may riing sabi ni Rodrigo. 

Naikuyom ni Clarixto ang kaniyang mga kamay. “Hindi ko pwedeng pabayaan iyon kung nakita ko naman na hindi maganda ang nangyayari, Rodrigo! Dinala mo pa siya sa bahay. At ang mga kaibigan niya? Bakit hindi mo tinuluyan? Paano kung magsalita sila sa ginawa mo sa kanila?” 

“Just relax, okay? Masyado kang tensyonado palagi. Ako na ang bahala sa kaniya. At ayaw na ayaw kong mangingialam ko, Uncle.” Tumayo si Rodrigo. “This is the last time that we will talk about this.” Naglakad na siya papunta sa may pinto. 

“Rodrigo. Bakit ba hindi ka nakikinig? Mag-uumpisa na ang paggawa ng resort. We can’t afford any new issues matapos ng kay James!” 

Napatigil si Rodrigo. Nagtangis na ang kaniyang mga bagang at bumilis ang tibok ng puso. Sa tuwing nag-uumpisa na siyang magalit ay para siyang tumatakbo nang mabilis sa bilis ng tibok ng kaniyang puso. Ano mang oras ay para siyang sasabog. Mariin niyang kinuyom ang kaniyang mga palad. 

“That resort will start. Yes. Ako ang bahala sa lahat and you don’t have to worry about it!” galit na sabi ni Rodrigo at lumabas na ng silid. Pabagsak niya pang isinara ang pinto kaya naglikha iyon nang malakas na tunog. Halos mapatalon na ang sekretarya ni Clarixto na nakapwesto sa lamang sa may gilid ng opisina nito. Dali-daling naglakad si Rodrigo habang salubong ang kilay at pilit na kinakalma ang sarili. 

Napabuga na lamang ng hangin si Clarixto at napasandig sa kaniyang upuan. Marahan niyang sinapo ang kaniyang noo at hinilot iyon. Hindi niya mapapayagang masira ang kanilang mga plano. Hindi niya hahayaang mawala sa lahat ang matagal na niyang pinaghirapan. Kailangan niyang malayo si Rodrigo sa babaeng iyon. 

Muling bumukas ang pinto ng opisina ni Clarixto at pumasok ang sekretarya nito. Dahan-dahan itong lumapit sa matanda at hinilot ang balikat. Nakaramdam ng kaginhawaan si Clarixto dahil sa ginawa nito. 

“Mukhang pinainit na naman ng pamangkain mo ang ulo mo, sir,” malamyos ang tinig na sabi ni Niña. Ang batang-batang sekretarya ni Clarixto. Ngunit hindi lang ito ang kanilang relasyon. Ang dalawa ay may lihim na relasyon din. Walang nakakaalam niyon dahil may pamilya si Clarixto. “Gusto mong painitin ko rin ang nasa pagitan ng hita mo?”

Napangiti si Clarixto at hinawakan ang palad si Niña. Hinila niya ito at pinalakad papunta sa kaniyang harapan. Punong-puno nang pagnanasang tiningnan ang katawan nito. Malalaking dibdib. Makurbang katawan. Maumbok na pang-upo at makinis na balat. Mga katangiang matagal nang wala ang kaniyang asawa. Hinaplos niya ang leeg ng dalaga pababa sa dibdib nito. Agad na napapikit si Niña at umungol nang kaunti. Pinisil ni Clarixto ang dibdib nito at minasahe. 

“Oh… sir…”

Agad na hinila ni Clarixto ang dalaga kaya napapatong ito sa kaniya. Nagmamadaling tinanggal niya ang pagkakabutones ng blusa nito at inilabas ang perpektong dibdib nito. Biglang bumigat ang paghinga ni Clarixto noong maramdaman niya ang pagtaas ng kaniyang libido. Sa tuwing nakikita niya ang magandang katawan ni Niña ay hindi niya maiwasang mabaliw rito. Agad niyang hinawakan ang mga dibdib nito at isinubo ang isa. 

“Hmm!” 

Napahawak si Niña sa balikat ni Clarixto at marahang napaliyad noong sinipsip na nito ang kaniyang dibdib. Para itong batang gutom na gutom kung dila-dilaan ang kaniyang utong at sipsipin. 

Nagpatuloy sa pagmamasahe si Clarixto sa dibdib nito at sa pagsubo. Ang isa naman niyang kamay ay gumalaw na rin at naglakbay papunta sa pagkababae nito. Agad niyang ipinasok ang isang kamay sa loob ng maiksi nitong palda deretso sa loob ng pangloob nito. Napahalinghing naman agad ang dalaga at namasa noong mahawakan niya ang nakausling laman nito. Bahagya iyong ginalaw-galaw ni Clarixto. Halos tumirik na ang mga mata ng dalaga dahil sa sarap na nararamdaman nito. Sa tuwing ganitong na i-stress si Clarixto sa kaniyang pamangkin ay si Niña ang nagpapawala niyon. 

Ilang sandali pa ay bumaba ang dalaga sa kandungan ni Clarixto. Pumwesto ito sa pagitan ng hita niya at inalis ang pagkakasinturon ng pantalon nito. Napangisi nang malapad ang dalaga noong makita na nito ang pagkalalake ni Clarixto. Kahit na matanda na ito ay matikas pa ring nakatatayo ang ari niya. 

Agad na hinawakan ni Niña ang ari ni Clarixto at isinubo. Nilabas-masok niya ito sa kaniyang bibig na para bang kumakain ng lolipop. Ininda niya kahit na siya ay nabubulunan pa. Patuloy niyang pinaligaya ang matanda sa kaniyang ginagawa. Iyon ang pinaka importante sa kaniya ngayon. Hanggang sa ilang sandali pa ay kumapit nang mahigpit si Clarixto sa kaniyang ulo at gumalaw na rin ang balakang. Maluha-luha na siya habang pilit na isinusubo ang ari nito. Ilang sandali pa ay umungol nang malakas si Clarixto kasabay ng pagkawala nang mainit at malapot nitong likido. 

Hingal na hingal na napaupo si Niña sa sahig habang pinupunasan ang bibig. “Are you okay now, sir?” tanong niya. 

“More than okay.” Inayos na ni Clarixto ang kaniyang pantalon at tumayos. “Go now at papunta rito ang asawa ko. Give me the records of Jane Acosta.” 

“Okay, sir.” 


Chapters 21 to 25



Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !