Trigger Warning
Chapter 11
Rod
Mariing nakatitig si Rodrigo Navarro, o Rod sa mga nakakikilala sa kaniya sa mga taong sumasayaw sa gitna ng dance floor. May ilan na siyang natatanaw sa gilid-gilid ng club na mga magkakaparehang nag-uumpisang uminit ang gabi. Hindi na nakapunta sa mga silid ang mga ito at doon na lamang piniling magtagpo.
Wala naman itong problema kay Rod. Ngunit lahat na lang ata ay napapansin niya ngayon. Wala sanang problema ang pera sa kaniya. Sa dami ng kanilang mga negosyo. Mapa-legal o illegal ay buhay na kahit magkaapo pa siya. Hindi niya lang matanggap ngayon na naisahan siya ng kaniyang tauhan. Naikuyom niya ang kaniyang kamao.
Si James. Pinagkakatiwalaan pa naman niya ang lalaking ito dahil halos ituring na niya itong kapatid. Ngunit trinaydor lamang siya nito.
“Gov. Do you want to have some fun too?” mapang-akit na tanong ng isang babaeng kanina pa idinidikit ang malalaking dibdib sa braso ni Rod.
Humithit mula sa sigarilyong hawak niya si Rod at tiningnan ang babae. Agad na ngumiti ang babae at mapupungay ang mga matang tiningnan siya. Nagsalubong ang kilay ni Rod. Kagaya lang ng babaeng ito sa mga babaeng palaging dumidikit sa kaniya. Malandi. Hindi maitatago ang blonde nitong buhok at makapal na make-up ang pagiging mukhang pera nito. Muling humithit ng sigarilyo si Rod at pinatay ang upos sa ash tray. Tumayo siya sa harap ng babae na agad sumandig at bahagyang ibinuka ang mga hita. Nasapo ni Rod ang kaniyang baba. Hinaplos niya iyon habang titig na titig sa hita nito.
“Do your thing,” utos ni Rod.
Binasa ng babae ang kaniyang labi at agad na kumilos. Nagmamadaling inalis nito ang pagkakasinturon ng pantalon ni Rod. Tumingala lang si Rod at ilang sandali pa ay naramdaman niyang nakalabas na ang kaniyang ari. Napasinghap siya noong hinawakan ito ng babae. Hinawakan niya ang ulo nito at agad na ipinasubo ang kaniyang ari. Napatingala si Rod habang dinadama ang mainit na bibig nito. Bawat paglabas-masok ng kaniyang ari sa bibig niya ay para siyang kinikiliti.
Hindi na nakapagpigil pa si Rod. Hinawakan niya ang ulo nito at biglang isinagad ang kaniyang ari sa lalamunan nito. Napaungol siya noong may uminit ang kaniyang pakiramdam.
Samantala, biglang napakapit ang babae sa hita ni Gelo at naglikha ng tunog. Para itong masusuka ngunit pinipigilan ni Rod at patuloy pa rin sa ginagawa. Hindi pa nakontento ang binata at gumalaw-galaw pa habang nakabaon pa rin sa bibig ng babae ang ari niya. Halos masuka na ang babae at tinapik na si Rod sa hita ngunit hindi ito tumigil. Bagkus ay kinapitan pa nang mahigpit ang buhok nito at mas bumilis ang paggalaw. Naluha na ang babaeng walang magawa kundi mahigpit na humawak kay Rod at pinigilan ang sarili na h'wag masuka.
Napapikit si Rod. Biglang pumasok sa kaniyang isipan ang mukha ni Jane. Parang musika sa kaniyang pandinig ang mga pagmamakaawa nito. Para siyang dinadala sa alapaap at mas lalong tumataas ang libido sa katawan.
“Oh, Jane!” ungol ni Rod. Mas bumilis ang paggalaw niya hanggang sa ilang sandali pa ay unti-unti na siyang nilabasan. Hinihingal na tumigil si Rod at hinugot ang ari mula sa bibig ng dalaga. Agad itong umubo-ubo at naghabol ng paghinga. Nangunot ang noo ni Rod at biglang hinawakan ang buhok ng dalaga. Hinila niya iyon hanggang sa mapatingala ito.
“Ouch! You're crazy!” sigaw nito.
Nagsalubong ang kilay ni Rod at agad na nakaramdam ng inis nang makita niya ang mga luha ng dalaga.
“Pathetic!” galit na sabi niya noong makita niya ang takot sa mga mata nito. Ang hindi niya maunawaan sa ibang babae minsan sa tuwing pumupunta siya rito ay sa ganito palagi nauuwi. Lalapit ang mga ito sa kaniya ngunit bigla ay para bang natatakot na ang mga ito. Ginusto nilang lumapit sa kaniya pero hindi naman pala kinakaya.
“Leave!”
Agad na nagkumahog ang babae paalis sa inuupuan nito. Inayos na ni Rod ang kaniyang pantalon at muling naupo. Nagsalit siya ng alak sa kaniyang baso at tinungga iyon.
Ganito niya madalas inuubos ang kaniyang oras pagkakatapos ng kaniyang trabaho. Alak, club, sigarilyo, at babae. Hindi na niya mabilang ang mga babaeng naikama niya. Wala rin siyang naging karelasyon dahil ayaw niya sa mga babae. Masyado silang maiingay para kay Rod. Updated naman siya sa lahat ng mga nangyayari sa kaniyang paligid. Ngunit mas pinipili niyang ganito siya at hinahayaan ang kaniyang uncle na gumalaw lahat. Ito rin naman ang gusto ng matanda.
“Boss. Tumawag ‘yong bata. May update na raw sa nag-upload ng video,” balita ng isang bodyguard ni Rod.
Agad na naikuyom ni Rod ang kaniyang mga kamao. Tumayo na siya at nagmamadaling lumabas ng club na iyon. May mga babae pang malalagkit ang mga tingin sa kaniya kapag nadadaanan niya ang mga ito. Slut, ani Rod sa kaniyang isipan. Iyon ang tingin niya lahat sa mga babae. Kaya nagulat siya kay Jane dahil parang balewala siya sa dalaga. Iyon pa naman ang ayaw niya. Habang inaayawan siya ay mas lalo siyang nanggigil na makuha ito.
Pagkalabas ni Rod ay naroon na agad sa tapat ang kaniyang sasakyan. Pinagbuksan siya agad ng sasakyan ng kaniyang bodyguard. Hindi maiwasang magtangis ng mga bagang ni Rod habang salubong ang kilay na nakatitig sa unahan nila. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya sa taong nag-upload ng video na iyon. Napaka lakas ng loob nito kung sino man ito. Hindi ba nito alam na hawak niya ang buong Samar? Sisiguraduhin niyang hindi na ito sisikatan pa ng araw kapag makilala niya ito!
Mabilis na nakarating sa kanilang mansyon si Rod. Agad siyang pumunta sa silid kung nasaan ang hacker na inupahan niya. Pagbukas niya ng pinto ay halos mapalundag pa ang tatlong kalalakihang naroon sa loob ng kwarto. Lahat sila ay nakatapat sa laptop na ibinigay ni Rod.
“May update na?” seryosong tanong ni Rod.
Tumikhim ang isang binata. “Y-Yes, Gov. Binuksan ang account kung saan ini-upload ang video. Saglit lang pero na locate na namin ang lokasyon nito.”
Lumapit si Rod sa binata. “Where is it?”
Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ng binata. Presensya pa lang ni Rod ay kinakabahan na ito. Ni hindi nga nito magawang salubongin ang mga tingin nito dahil sa takot.
“S-Sa university po.”
“University? Saan doon?”
“S-Sa dorm ng mga fourth year. B-Business management course.”
Napamura si Rod. Muli siyang lumabas ng kwarto. “Tawagin mo ang lahat ng tauhan. Hahalughugin natin ang hostel. Kung kinakialangang bali-baliktarin niyo ang buong building, gawin niyo!” galit na sabi ni Rod.
I need to find who’s the fucking uploader! Wala akong pakealam kung babae man ito o lalake. O kung bata pa. Binangga nila ako? Now they will know who they’re trying to fight with.
Chapter 12
Jane
Pagkaalis ni Rodrigo sa kwarto namin ay nagkulong na ako sa banyo. Iyak ako nang iyak dahil pakiramdam ko ay dumi-dumi ko na lalo. Napaka baboy niya! Lahat na lang nang kasamaan ay nasa kaniya na! Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung bakit ako pa? Pinaparusahan ba ako dahil sa ginawa kong pagtulong kay James? Kasalanan naman iyon ng mga Navarro ah? Pinatay nila si James. Napaka rami rin nilang ibang pinatay. Wala silang mga kaluluwa!
Nagbuhos ako nang nagbuhos ng tubig sa katawan habang umiiyak. Pakiramdam ko ngayon ay may nakadikit sa aking putik. Na kahit na anong gawin kong pagbuhos ng tubig. Pagsasabon sa katawan ay hindi iyon mawala-wala. Nandidiri ako sa sarili ko.
Aalis na ako sa lugar na ito. Hindi ko na makakaya pa ang ginagawa sa akin ni Rod.
Lumabas na ako ng banyo na nakabihis na. Mabigat na ang talukap ng mga mata ko dahil sa kaiiyak. Halos hindi ko na nga iyon maimulat. Inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay sa maleta ko.Wala na akong pakealam kung pagagalitan ako ni Mama pero kailangan ko nang makaalis na rito. Mag-iiwan na lang ako ng sulat kay Lana dahil hindi ko na siya hihintayin pa.
Napatingin ako sa kisame. Bigla kong na alala ang wallet ni James. Umakyat ako sa kama ko at pilit na inabot ang kisame. Umangat nang kaunti ang maliit na parte ng kisame kaya agad ko nang kinapa-kapa ang wallet. Kinuha ko iyon at tinitigan.
“Dahil sa ‘yo. Siguro dahil sa ‘yo kaya ako nagkakaganito. Gusto lang naman kita tulungan, James. Please? Tulungan mo rin ako?” naiiyak kong sabi.
Bumuntonghininga ako at kinuha ang laptop ko. Bago ako umalis ay isisiwalat ko na ang lahat. Binuhay ko na ang laptop ko at agad na hinahap ang video na in-upload ko. Napakunot ang noo ko noong hindi ko na iyon ma-search.
“Ano’ng nangyari?”
Sinubukan kong bisitahin ang account na ginawa ko pero wala na iyong laman. Hindi pwede ‘to! Hanggang ngayon ay sinusubukan pa rin nilang linisin ang madumi nilang pangalan!
Dali-dali kong ini-log-out ang account ko at binuksan ang dummy account na ginawa ko sa pag-upload ng video. Binuksan ko rin ang email na pinag-save-an ko ng video at ilang files na galing sa laptop ni James. Kasama kong itinago ang laptop sa mga ginto para wala talagang makakita.
Kung binababoy niya ako, kaya ko rin siyang sirain.
Ilang beses kong sinubukang i-upload ang video pero wala pang ilang minuto ay biglang may lumalabas na notice sa account ko na spam daw iyon. Maging sa ibang social media ay hindi ko pa rin magawang i-upload.
“Ano ang nangyayari? Bakit hindi ko ma-upload?!” inis na sabi ko.
Sinubukan ko pang gumawa ng ibang account pero gano’n pa rin ang nangyayari. Sigurado ako na kagagawa ‘to ng mga Navarro! Gusto talaga nilang itago ang ginagawa nilang kasamaan. Ang kakapal ng mukha!
Halos mapaigtad ako noong biglang may kumatok sa pinto. Dali-dali akong tumayo at binuksan iyon.
“Jane!” Nagmamadaling pumasok si Lana at muling isinara ang pinto. Napatingin siya sa kama. “Ano’ng ginagawa mo? Bakit may mga damit sa higaan mo?”
“Ah.” Lumapit ako roon at naupo ulit. “Ikaw? Bakit ang aga mo ata?”
Nagpunas ng noo si Lana kahit hindi naman pinagpapawisan. “Papaano? Hindi na naman natuloy ang klase. Alam mo kung bakit? Nandiyan na naman ‘yong mga nakatatakot na mga lalake!” balita ni Lana.
Nangunot ang noo ko. “Ha? Sino?”
“Iyong mga tauhan ni Gov. Nandito sila. Balak na naman daw maghanap sa mga dorm.”
Napanganga ako. Agad akong napatingin sa wallet at kinuha iyon.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Lana. “Ano ‘yan?” Akmang kukuhain iyon ni Lana pero agad kong itinago ang wallet sa likod ko.
“Wala!” Sumampa na ako ng kama at inabot ang kisame.
“Ano ba ‘yan? Ang weird mo na naman ha? Tsaka, bakit parang nag-iimpake ka? Aalis ka ba?”
Tumango ako. “Sandali lang. Ibalik ko lang ‘to.” Naisuksok ko na ang wallet sa loob ng kisame. Ngunit noong aayusin ko na sana ang takip ay biglang bumukas ang pinto. Agad akong napatayo nang maayos at tumingin doon. Agad na nanlambot ang mga tuhod ko noong makita ko kung sino ang nasa pinto at unti-unting pumapasok. Napaatras din si Lana.
“G-Gov. Ano po ang ginagawa niyo rito?” tanong ni Lana.
Deretsong tumingin sa akin si Rod. Tiningnan niya rin ang mga damit ko na nagkalat sa higaan ko. Tumigil siya noong nasa dulo na siya ng higaan.
“May pupuntahan ka, Jane?” tanong ni Rod sa akin at tumingin sa kisame. “At ano ang ginagawa mo riyan?”
Napalunok na ako. Dahan-dahan akong tumingin sa kisame at napanganga ako noong makita kong bahagyang nakaangat iyon. Pilit kong kinalma ang sarili ko at muling tiningnan si Rod.
“A-Ano’ng ginagawa mo rito?” balik-tanong ko. Sana hindi niya mahalata.
Hindi sumagot si Rod. Nakatitig pa rin siya sa kisame. Magsasalita sana ulit ako pero bigla itong sumampa sa higaan ko. Ni hindi manlang ito nag-alis ng sapatos kaya nadumihan ang mga damit kong natatapakan niya.
“A-Anong-”
Natigilan ako noong tumigil siya sa tapat ko. Aatras sana ako pero hinawakan niya ako sa balikat. Binundol na ako ng kaba. Halos manuyo na ang lalamunan ko at pilit na pinipigilan ang sarili na h’wag maiyak. Alam ko na kapag makita ni Rod ang nasa itaas ay sigurado akong katapusan ko na.
“Mukhang may tinatago ka.”
Agad kong hinawakan ang braso ni Rod at tinitigan siya sa mga mata. “A-Ano naman ang itatago? Hindi ba alam mo ang lahat sa akin?” tanong ko.
Umangat ang gilid ng labi ni Rod at dahan-dahang tumingin sa kisame. Sa tangkad niya ay madali lang niyang makukuha ang wallet sa ibabaw. Mahigpit kong hinawakan ang braso ni Rod noong itatas niya na ang isa niyang kamay. Biglang tumawa si Rod.
“You are making me more interested in what’s above, Jane. H’wag kang mag-alala.” Bumaba ang ulo ni Rod. “Matitikman mo ulit ako mamaya.”
Nangilid na ang mga luha ko. Agad kong sinampal si Rod. “Ang bastos mo talaga!” sigaw ko.
“Jane!” nag-aalalang sabi ni Lana.
Hindi nagsalita si Rod pero naging mabalasik ang mga tingin niya sa akin. Wala na akong nagawa noong bigla niyang inabot ang kisame namin. Pero bigla siyang tumigil at napatingin sa may gilid ko. Sinundan ko ang tinitingnan niya at napanganga ako noong makita ko ang screen ng laptop ko. Agad na tumigil si Rod sa kaniyang ginagawa at akmang kukuhain ang laptop ko pero niyakap ko siya sa baywang.
“What are you doing?” tanong ni Rod. Napaluha na ako at umiling-iling. Hinawakan ni Rod ang braso ko at pinilit akong alisin.
“P-Please, Rod!”
Pilit na inalis ni Rodrigo ang mga kamay ko hanggang sa manaig ito. Bahagya niya akong inangat at hinarap sa kaniya. Nakita ko ang pagtataka niya noong mapatitig sa akin. Umiiyak na umiiling ako.
“R-Rod- Ahh!”
Napangiwi ako noong bigla niya akong tinulak. Tumama ang likod ko sa pader at napaupo sa kama. Pero ininda ko iyon. Mas lalo akong nataranta noong makita kong tinitingnan na niya ang laptop ko.
Chapter 13
Nakatitig lang ako kay Rodrigo na hawak-hawak ang laptop ko. Gusto ko nang lamunin ng lupa ngayon dahil pinipindot niya pa iyon. Ilang sandali pa ay may tumunog na mula sa laptop ko. Tunog iyon na nagmumula sa video na in-edit ko. Napasiksik na ako sa gilid ng higaan ko. Gusto kong tumayo at takbuhin palabas ang kwarto ko pero para akong biglang naging istatwa sa takot ko.
Diyos ko! Tulungan niyo po ako! HIndi ko alam kung ano ang gagawin niya sa akin ngayon.
Malakas na pinindot ni Rodrigo ang keyboard. Rinig na rinig ako ang paghinga niya nang malalim. Wala siyang sinasabi pero ramdam ko nang hindi niya nagustuhan ang kaniyang nakita.
“Labas,” anito kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya kay Lana na puno nang pagtatakang nakatingin sa amin. Tiningnan ako ni Lana.
“H-Halika na, Ja-”
“Sinabi ko bang kasama siya?” tanong ni Rod na may pagbabanta na.
“P-Pero, Gov-”
“Sinabing labas! Kailangan ko bang ulit-ulitin pa ang sasabihin ko, ha?!” sigaw bigla ni Rod.
Napaiyak na ako at tiningnan si Lana. Kitang-kita ko ang labis na pag-aalala ni Lana habang nakatitig din siya sa akin. Sinenyasan ko na lamang siya na lumabas dahil ayaw kong madamay siya. Dahan-dahang naglakad si Lana palabas ng kwarto namin habang panay ang lingon sa akin. Napapikit pa ako noong tuluyan nang naisara ni Lana ang pinto. Lalo akong nagsumiksik sa gilid at nagdasal.
Naramdaman kong gumalaw ang kama kaya muli akong napadilat. Nakita ko si Rod na naglakad sa may pinto namin at ini-lock iyon. Pagharap niya ay agad na nagkasalubong ang mga titig namin. Para akong binuhusan ng malaming na tubig dahil sa lamig niyon. Madilim din ang kaniyang mukha na para bang ilang sandali na lamang ay sasabog na.
“G-Gov–” Bigla akong napasigaw noong sinipa ni Rod ang lamesa. Napayakap na ako sa tuhod ko at humagulhol. Bawat paghampas niya ng mga gamit namin ay pakiramdam ko sa akin niya iyon gustong gawin. Diyos ko! Ikaw na ang bahala sa akin.
“Putangina!” sigaw ni Rod.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong gumalaw ulit ang kama. Hindi na ako nakapagsalita pa noong bigla niyang hinawakan ang likod ng ulo ko at hinila sa buhok. Napahagulhol ako sa sakit at hinawakan ang kaniyang kamay.
“Ahh! Rodrigo! Please!”
“Tahimik!” sigaw ni Rod at inihagis ako sa higaan. “Ikaw… Ikaw ang nag-upload?!”
Sinubukan kong dumapang paupo pero biglang hinawakan ni Rod ang hita ko. Inabot niya ulit ang buhok ko at pilit na inupo. Hinila niya ang ulo ko patalikod kaya napatingala ako. Kitang-kita ko ngayon ang matinding galit sa kaniyang mga mata. Nanginig na ang buong katawan ko sa takot. Diyos ko. Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin.
“Sumagot ka! Ikaw ang nag-upload?!” tanong ulit ni Rod. Halos maglabasan na ang ugat niya sa leeg at noo dahil sa malakas niyang pagsigaw.
Napahagulhol ako. Hindi ko na siya makita nang maayos dahil sa mga luhang tumatakip sa mga mata ko. Napaungol ako sa sakit noong humigpit ang hawak niya sa buhok.
“Ahh! Parang-awa mo na, R-Rod!”
Halos magdalawa ang paningin ko noong bigla niya akong sinampal sa pisngi. Sandali akong natigilan at parang biglang tumahimik ang paligid. Binitawan ako ni Rod kaya natumba ako sa higaan. Nanlalabo na ang paningin ko pero nakita ko pa noong kinuha niya ang laptop ko at biglang inihampas sa sahig. Dinig na dinig ko ang bawat paghampas niya roon. Gigil na gigil niya pa iyong tinatadyakan.
Noong makabawi ako ay gumapan ako pababa ng higaan at tinakbo ang pinto. “Tulong!” sigaw ko. Pero naramdaman ko na lang na para akong umangat at sunod kong napansin ay nasa sahig na ako. Napanganga ako ako sa sahig dahil pakiramdam ko ay nabali ang likod ko sa kaniyang ginawa. Pumatong si Rod sa tiyan ko at hinawakan ang tuktok ng ulo ko.
“P-Parang-awa mo na–”
Biglang naputol ang pagsasalita ko noong hinawakan ni Rodrigo ang leeg ko at sinakal ako. Hinawakan ko agad ang kamay niya at pilit iyong inalis.
“H-Hindi mo alam… Hindi mo alam kung ano ang naging epekto sa akin ng ginawa mo, Jane! Kaya pala takot na takot ka sa akin? Heto! Ipapakita ko sa ‘yo ngayon kung gaano ako kasamang tao!” sigaw ni Rod. “You’re just a fucking whore who’s trying to bring me down! I will not let you!”
Lalong humigpit ang hawak ni Rod sa leeg ko. Panay na ang hampas ko sa kaniyang braso habang pilit na naghahabol ng hangin. Unti-unti ay nanlalabo na ang paningin ko dahil sa kaniyang ginagawa. Hanggang sa hindi ko na makayanan. Sobrang sakit na ng dibdib ko na para bang puputok na iyon dahil walang hangin na makuha. Sa puntong iyon ay wala na. Alam kong mamamatay na ako. Napaka lupit naman ng buhay sa akin. Bakit ako pa? Bakit sa akin pa ito nangyayari?
Ngunit biglang binitawan ni Rod ang leeg ko kaya napatagilid ako at agad na naghabol ng paghinga. Umubo-ubo ako kasunod ng malalim na paghinga. Noong kumalma na ako ay napahagulhol ulit ako. Hindi ko alam kung anong espirito ang sumapi sa kaniya pero buhay ako! Binuhay niya ako. Tiningnan ko si Rod na nakaupo sa tabi ko habang nakatungo. Pilit kong umupo at umiiyak na lumuhod sa tabi niya.
“S-Sorry. S-Sorry, Gov. Parang-awa mo na! H-H’wag mo akong patayin!” umiiyak na sabi ko. Kumapit ako sa braso niya habang nakatungo. Hindi ko na kaya ang kaniyang ginagawa sa akin.
“Nasaan ang ginto?”
Natigilan ako at unti-unting nag-angat ng ulo. Blangko na ang kaniyang ekspresyon habang nakatitig sa akin. Muli akong naluha. Kapag malaman niyang nasa akin din ang ginto ay sigurado akong mapapatay na niya ako. Hindi ko kayang mangyari iyon!
Pinagsaklob ko ang mga palad ko na para bang nagdadasal. “P-Parang-awa mo na! Wala akong alam, Gov! O-Oo. Ako ang nag-upload! Pero please! Hindi ko alam ang tungkol sa ginto–”
Biglang hinawakan ni Rod ang buhok ko at pinatingala. Napaungol ako sa sakit.
“Hindi ako tanga, Jane! Nasaan ang ginto?!”
“H-Hindi ko alam! Wala akong alam! I-Iyong memory card lang ang nakita ko! Parang-awa mo na, Gov!” Lalong humigpit ang hawak ni Rod sa buhok ko kaya napapikit na lamang ako sa sakit. “P-Parang-awa mo na!”
Inilapit ni Rod ang mukha niya sa akin. “Sa oras na malaman kong niloloko mo ako. Papatayin kita, Jane. Wala akong pakealam kung sino ka! Papatayin kita! Naiintindihan mo ba?!” sigaw niya sa may tainga ako.
Napapikit ako at lalong napaiyak. Takot na takot na tumango ako.Hindi ko na kaya. Hapong-hapo na ako. Gusto ko nang matapos ‘to. Binitawan ulit ako ni Rod kaya muntik akong mapahiga. Mabuti na lamang ay naitukod ko ang aking mga kamay sa sahig.
“A-Ano’ng ginagawa mo?” nagtatakang tanong ko noong makita kong unti-unti niyang tinatanggal ang kaniyang sinturon. Muli akong binalot ng takot at gumapang patayo. Pero hindi pa ako nakakalapit sa kama ay bigla niyang hinatak ang braso ko at inihagis ako sa higaan ni Lana. “R-Rod. H’wag–” Biglang hinila ni Rod ang hita ko at pinatihaya ako nang maayos. “T-Teka– Ahh!”
Hindi ko na siya na pigilan pa. Kahit anong pagmamakaawa ko sa kaniya ay hindi na niya ako pinakinggan. Hindi ko alam kung paano niya nasira ang short ko at underwear. Naramdaman ko na lamang ang marahas na pagpasok niya ng kaniyang ari sa pagkababae ko. Napanganga ako at natigilan. Impit akong umiyak at wala nang nagawa pa kundi ang hayaan siyang muli akong pagsamantalahan. Paulit-ulit niya iyong ginawa sa akin. Naroong pinadapa niya ako at ginalaw habang nakatalikod. Hindi ko na alam. Hiyaan ko na lamang siyang magsawa sa aking katawan. Umaasang ito na ang katapusan niyon. Ngunit mali ako.
Hingal na hingal kami parehas noong sa wakas ay tumigil si Rod sa kaniyang paggalaw. Nasa likuran ko siya at nakasubsob ang mukha sa likod ko. Wala na akong maiiyak kaya tahimik na lang akong naghintay sa kaniyang sunod na gagawin. Naramdaman kong hinalikan ni Rod ang likod ko. Pero imbes na masarapan ay nandiri ako agad sa sarili ko. Patuloy niyang hinalikan ang likod ko hanggang sa makarating ang kaniyang labi sa may leeg ko. Hinalikan niya iyon at bahagya pang kinagat. Hindi iyon ang unang beses niya akong kinagat. Habang patuloy niya akong ginagalaw kanina ay kinakagat niya ako sa iba’t ibang parte ng aking katawan.
“I will come back. At pagbalik ko ay dapat nakahanda na ang mga gamit mo, Jane. You will come with me,” aniya at umalis sa likuran ko.
“A-Ano?” gulat na sabi ko at nanghihinang tiningnan siya. Hindi sumagot si Rod at nagbihis lang.
“Alam mo na ang mangyayari sa ‘yo kapag hindi ka sumunod, Jane,” banta ni Rodrigo.
Muli akong napaiyak. Nanginginig ang katawan na niyakap ko ang sarili ko. Diyos ko! Kailan ba matatapos ang paghihirap ko?
Chapter 14
Rod
“Nasaan si Gov?” tanong ni Clarixto pagkababang-pagkababa niya ng kotse. Nalaman niya kasi na nakita na kung sino ang nag-upload ng video. Kaya dali-dali siyang umuwi ng mansyon para lang malaman kung sino iyon.
“Nasa loob po. Nagwawala na naman,” tugon ng isang tauhan nila na halatang tensyonado.
“Fuck!” agad na napamura si Clarixto. Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng mansyon. Alam niya kapag tahimik ang kanilang mga tauhan ay hindi maganda ang mood ng kaniyang pamangkin. Bilang na bilang ang mga galaw ng lahat dahil sigurado sila na sila ang mapagdidiskitahan ni Rod kapag hindi magustuhan ang mga galaw.
Malayo pa sa basement si Clarixto ay dinig na dinig na niya ang malakas na sigaw ng kaniyang pamangkin. May iilan din siyang naririnig na nagmamakaawa. At hindi nga nagkamali si Clarixto. Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kaniya ang mga tauhan nilang nagsisiksikan sa gilid habang nakatungo. Si Rod ay nasa gitna at mayroong pinapatungang isang lalake habang hawak-hawak ang kwelyo niyo. May dalawa pang lalake na nakadapa rin at duguan.
Hindi na bago kay Clarixto ang ganitong tagpo. Madalas, kapag mayroong nangyari at hindi iyon nagustuhan ni Rod, palagi silang nalalagasan gn tauhan dahil binubugbog ito ng binata.
“Fuck! Die! Die!” sigaw ni Rod habang pinagsusuntok ang mukha ng lalake.
Napabuntonghininga si Clarixto. Sinapo niya ang kaniyang noo at bahagyang hinilot iyon. Napaka hirap pa naman paamuhin ng kaniyang pamangkin sa tuwing nagkakaganito ito.
“Rod! What happened? Calm down!” sigaw na ni Clarixto.
Ngunit parang bingi na si Rodrigo na nilamon na nang matinding galit. Sinuntok niya nang malakas ang kaawa-awang lalake. Agad itong dumura ng dugo. Tumayo si Rod at hinihingal na kinuha ang isang baril na nasa lamesa.
“Rod. Stop.”
Kinasa ni Rod ang baril at itutok sa lalakeng nakahiga. Hindi na nakapagsalita pa ang lalakeng pinagbabaril ni Rod. Walang awa niya itong binaril sa ulo at dibdib.
“Die! Fuck you all!” gigil na gigil na sabi ni Rod habang paulit-ulit na binaril ang wala ng buhay na lalake. Noong hindi na pumutok ang baril ay galit na inihagis iyon ni Rod. “Putangina!”
“Rodrigo Navarro! Stop!” ani Clarixto. “Ano ba ang nangyari? Akala ko ba nakita niyo na ang uploader?”
Hinihingal na tiningnan ni Rod si Clarixto. Napaatras pa ang matanda noong makita ang madilim na mukha ni Rod. Kung tumingin ito ay para bang wala na sa sarili. Mayroong ilang talsik ng dugo ang mukha ng binata at duguan ang puting polo.
“Rod,” tawag ni Clarixto sa pamangkin. Umaasang makikilala siya nito.
Ipinikit ni Rod ang kaniyang mga mata. Pinunasan niya ang kaniyang mukha noong maramdaman niya ang pagtulo ng pawis mula sa kaniyang noo. Ngunit dahil may dugo ang kaniyang kamay ay nabasa naman siya niyon. Huminga nang malalim si Rod.
“Yes, Uncle. I know who it is.”
Nangunot ang noo ni Clarixto. Inilibot niya ang paningin sa paligid ngunit mga tauhan lang nila na nakatungo pa rin ang naroon. Sigurado rin siya na mga tauhan nila ang nakahandusay sa sahig.
“Then where is he? Hindi ba dapat siya ang pinapatay mo imbes ang mga tauhan natin? Marami nang ayaw magtrabaho sa atin dahil sa ginagawa mo, Rod,” inis na tanong ni Clarixto. Problema na naman niya ngayon kung saan itatapon ang napatay ng pamangkin. Hanggang kailan na siya maglilinis ng mga dumi nito?
Nagtangis ang bagang ni Rod. Tapos na siyang maglabas ng galit. Napapagod na siya kaya wala na siyang oras makipag-usap pa sa kaniyang tiyuhin. Hinubad ni Rod ang suot niyang polo at inihagis iyon sa sahig. Naglakad siya papunta sa may pinto kung saan nakatayo si Clarixto.
“Just shut up for a second, will you?” walang ganang sabi ni Rod.
“Sino siya? Sabihin mo sa akin ang pangalan para maku-”
“I said shut the fuck up! Tumigil ka na hanggat nakikilala pa kita!” sigaw ni Rod. Tumigil siya at tinapat si Clarixto. “I don't want to hear anything about this! Ako na ang bahala!” galit na sabi ni Rod at naglakad palabas ng silid bago pa niya masaktang ang tiyuhin. Kahit papaano ay nagagawa niya pa ring pigilan ang sarili na h'wag itong saktan.
Nasapo ni Clarixto ang kaniyang dibdib at nanghihinang napakapit sa braso ng kaniyang tauhan. Ramdam niya ang panginginig ng kaniyang mga tuhod dahil sa takot sa pamangkin. Bumuga siya ng hangin at kinalma ang sarili. Napailing na lamang siya habang tinitingnan ang mga tauhan nila.
“Tingnan niyo kung buhay pa ang dalawa. Alam niyo na ang gagawin. Linisin niyo rito,” utos ni Clarixto. Agad na sumunod ang mga tauhan nila. Sigurado siya na mayroong nangyari na hindi nagustuhan ng kaniyang pamangkin kaya nagawa nito iyon. Pero kailangan niyang malaman kung sino ang nag-upload. Wala siyang tiwala sa kaniyang pamangkin.
Dere-deretsong naglakad papasok si Rodrigo papunta sa kaniyang silid. Halos punitin na niya ang kaniyang suot na pantalon sa pagmamadaling tanggalin iyon. Pumasok siya sa banyo at hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa kaniyang katawan.
Napasuntok siya sa dingding noong maalala niya si Jane. Hindi niya maipaliwanag ang galit na kaniyang naramdaman noong malaman niyang ito ang nag-upload ng video. Pinagkakatiwalaan niya ito ngunit pinapaikot lang pala siya ng dalaga. Ang kapal ng mukha nito!
Pero kahit na gano'n ang nangyari ay hindi niya nagawang patayin si Jane. Noong makita niya ang video ay una niyang naisip ay barilin sa ulo ang dalaga. Pero napatigil siya at kinalma ang sarili. Nasaktan niya si Jane ngunit hindi iyon grabe. Nagagalit pa rin siya sa dalaga pero hindi niya ito magawang patayin.
“Fuck it, Jane! What did you do to me?!” galit na sabi ni Rodrigo. Wala siyang pinipili sa tuwing uminit ang kaniyang ulo. Matanda. Bata. Babae. O lalake. Wala siyang pinapalagpas. Kung nakagawa ng kasalan sa kaniya ay hindi niya ito bubuhayin pa. Pero si Jane? Hindi niya kaya.
Alam ni Rod na magiging problema sa hinaharap ang kaniyang desisyon. Ngunit buo na ang kaniyang desisyon. Kukuhain niya si Jane. Wala siyang pakealam kahit na kidnappin man niya ito. Kung kinakailangan niyang lumpuhin ang dalaga para manatili sa kaniyang puder ay gagawin niya. Aalamin niya kung bakit siya nagkakaganito. Higit sa lahat, sigurado siyang hindi tatahimik ang kaniyang tiyuhin. Aalamin nito kung sino ang nag-upload ng video.
Hindi niya hahayaang may ibang mananakit kay Jane. Sa kaniya lamang ang dalaga. Sa kaniya lang at wala ng iba.
Chapter 15
Jane
Tulala akong nakahiga sa kama at hindi pa rin makakilos mula noong umalis si Rod sa kwarto namin. Kanina pa siya umalis pero para akong na estatwa sa pwesto ko. Napaka sakit ng katawan ko na hanggang sa ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang sampal niya. Parang may nakadagan sa buong katawan ko sa sobrang sakit niyon.
“Diyos ko! Jane!”
Napatingin ako sa may pinto noong marinig ko si Lana. Nakabukas na iyon at nakita kong may ilan ding mga nakasilip doon. Agad na tumakbo sa akin si Lana at kinuha ang kumot niya saka itinabing sa akin. Niyakap ako nang mahigpit ni Lana.
“Diyos ko! Ano’ng ginawa niya sa ‘yo? Napaka hayop niya! Ang sama-sama niyang tao!” umiiyak na sabi ni Lana.
Napaluha na rin ako at sinubsob ang mukha sa dibdib niya. “A-Ayaw ko na, Lana. Gusto ko nang mawala…”
“Hindi! Narito ako, Jane. Sorry. Sorry iniwan kita.”
“Jane!”
“Lawrence si Jane.”
Narinig kong isinara ang pinto ng kwarto at may mga nagmamadaling mga yabag ang lumapit sa amin. “Ano’ng nangyari dito? Bakit ang gulo ng kwarto niyo?” boses ni Carlo.
“Siya ba ang gumawa nito?” tanong ni Lawrence.
Suminghot-singhot si Lana. “O-Oo. Dumating kasi siya bigla tapos pinalabas niya ako. Diyos ko! Kung alam ko lang na ito ang gagawin niya ay hindi kita iniwan sa kanya,” umiiyak na sabi ni Lana habang hinahaplos ang likod ko.
“Napaka hayop talaga ng taong ‘yon! Humanda siya sa akin!” galit na sabi ni Lawrence.
Bigla akong na alerto sa sinabi ni Lawrence. Kumalas ako kay Lana at tiningnan si Lawrence. Nakatayo ito sa gilid ng kama at naniningkit ang mga mata nakatingin sa akin.
“Ano’ng gagawin mo?” nag-aalalang tanong ko.
“Ano pa ba? Hindi niya dapat ginawa sa ‘yo ‘to, Jane! Dapat pagbayaran niya ‘to!”
Umiling-iling ako. “H-H’wag, Lawrence. Please. Hindi niyo alam kung ano’ng klaseng tao si Gov. Ayaw ko nang madamay kayo.”
“At ano’ng gusto mong gawin namin, Jane? Hayaan na lang ang ginawa niya sa ‘yo? Hindi, Jane! Sinaktan ka niya!”
“Paano natin gagawin ‘yon, P’re? Gobernador ‘yon. Istyudante lang tayo sa eskwelahang siya ang may-ari,” ani Carlo.
Napahagulhol na ako. Kahit na ano ang gawin namin ay wala na akong takas. Hinding-hindi namin makakaya si Rodrigo Navarro kahit na lumapit pa kami sa mga pulis.
“Bakit niya ba kasi ginawa ito, Jane?” tanong ni Lana. “Noong una ni-rape ka niya. Tapos ngayon sinaktan ka niya. Diyos ko! Bakit may kagaya niyang tao?” sabi ni Lana.
Muli akong natigilan. Niyakap ko ang sarili ko. “A-Ako… Ako ang nag-upload ng video ni James.” Natahimik bigla silang tatlo pero ramdam ko ang mga titig nila sa akin. “N-Nakita niya na ako ang nag-upload ng video. Kasalanan ko ‘to! Kasalanan ko kaya please! H’wag niyo na ako tulungan. Hayaan niyo na ako. Kasalanan ko ‘to. H-Hindi ko gusto na madamay rin kayo!”
“Video? Iyong video ng pinatay?” tanong ni Lana.
Takot na takot na tumango ako.
“Nalintikan na! Mabuti binuhay ka pa!”
“Carlo! Ano ba?!” galit na saway ni Lana.
“A-Alam ko naman ‘yon. Mabuti nga at buhay pa ako. Hindi ko alam kung bakit niya ako binuhay. Pero alam ko ay katapusan ko na.”
“Umalis ka na rito,” biglang sabi ni Lawrence.
Napatingin ako sa kaniya. Nakita kong tumalikod siya sa amin at nilagay ang ilang mga damit ko na nasa higaan ko pa sa maleta.
“Kung hindi natin siya matatapatan. Umalis ka na rito. Kailangan mong makalayo sa kaniya,” dagdag pa ni Lawrence.
“At saan naman ako pupunta? Hawak niya ang buong Samar!”
“Umuwi ka sa inyo, Jane. Sa Cavite,” si Lana.
“Alam niya kung nasaan sila Mama. Mas hindi ko kakayanin kung sasaktan niya ang pamilya ko, Lana.” Napaluha ulit ako dahil sa labis na pagkahabag sa sarili ko. Kahit saan ako pumunta ay wala akong matatakasan. Lahat ng tungkol sa akin ay mukhang alam na ni Rodrigo.
“Sa amin,” ani Carlo. “Sa Bicol. Tawid dagat na iyon. Siguro naman ay hindi ka na mahahabol doon ni Gov? Magtago ka muna roon at magpalamig.”
Napatingin ako kay Carlo. “S-Saan ‘yon?”
“Sa Camarines Sur. Mayor ang tito roon. Matutulungan ka niya.”
Napalunok ako at tumingin kay Lana. Naluluhang tumango-tango siya. “Oo, Jane. Umalis ka na lang, please. Ako na ang bahala kila Tita.”
Umiling-iling ako at hinawakan ang kamay ni Lana. “H-Hindi pwede malaman ni Mama ang nangyayari sa akin, Lana. Sigurado ako na hindi niya titigilan si Gov. Mapapahamak lang sila.”
Tumango si Lana. “Oo. Ako na ang magdadahilan. Basta umalis ka na rito. Sumama ka kay Carlo.”
“Sige na! Magbihis ka muna. Lalabas muna kami ni Carlo,” nagmamadaling sabi ni Lawrence.
Huminga ako nang malalim at tumango. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako dahil mayroon akong mga kaibigan na handa akong tulungan. Ngunit hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa plano naming ito. Sana ay makawala na nga ako kay Rodrigo Navarro.
Inalalayan ako ni Lana na tumayo. Siya na mismo ang nagsuot ng underwear sa akin at panjama habang nakaupo ako sa gilid ng kama.
“Diyos ko, Jane… Ano itong ginawa niya sa ‘yo?” umiiyak na sabi ni Lana.
Umiyak lang din ako habang binibihisan niya ako. Kahit ako ay na aawa na sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko ngayon. Pagtingin ko pa sa salaming ay nakita ko ang matinding pasa sa may pisngi ko. Putok din ang labi ko at mayroong malaking itim na bilog sa kaliwang mata. Maging sa ilang parte ng katawan ko ay mayroon ding mga pasa. Diyos ko. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magpasalamat dahil nabuhay pa ako. Natatakot ako sa pwedeng gawin ni Rodrigo Navarro.
Sinuotan ako ng t-shirt ni Lana at pinag-jacket din. Pagkatapos ay tinawag na niya ulit sila Lawrence para pumasok. Nakabihis na rin si Carlo at mayroong nakasukbit na bodybag sa katawan. Dinala ni Carlo ang bag ko habang ibinaba naman ako ni Larence at binuhat palabas ng kwarto. Sinubsob ko lang ang mukha ko sa kaniyang balikat at mahigpit na kumapit sa leeg niya. Pilit kong itinago ang mukha ko dahil pakiramdam ko ay maraming nakatingin sa akin.
“I will come back. At pagbalik ko ay dapat nakahanda na ang mga gamit mo, Jane. You will come with me.”
“Alam mo na ang mangyayari sa ‘yo kapag hindi ka sumunod, Jane.”
Napahigpit ang yakap ko kay Lawrence noong maalala ko ang mga sinabi ni Rod. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin namin. Pero kung ito lang ang paraan para makaalis ako sa kaniya ay gagawin ko. Hinding-hindi ako papayag na magdusa sa piling niya.
Tulungan niyo po kami, Diyos ko.

