Nakakainis talaga kapag may chismosang kapit-bahay. Lahat na lang ay napapansin nila.
Kagaya nitong isa kong kapit-bahay.
Tawagin na lang natin siyang si Aling Minda. Lahat na lang napapansin nito.
Kapag may hinihingi ito na pabor o bagay na hindi mo naibigay ay gagawan ka na agad ng nito ng kwento.
Halos wala na ngang kumakausap dito dahil sa ugali nitong chismosa. Tapos pangit na nga ang ugali ay pangit pa ang mukha.
Maitim. Malapad ang nakausling labi nito. Malalaki ang mga mata.
Ayaw ko sanang mang-judge. Kaso nakakainis kasi talaga ang ugali niya.
One time, lumabas ako ng bahay. Bigla kasi ako nag-crave ng pagkain at wala sa app iyong gusto kong makain. Work-from-home din ako kaya talagang minsan lang din ako lumabas.
Tapos kamalas-malasan pa ay nakasalubong ko siya.
Niyaya ako agad ni Aling Minda na bumili ng paninda niyang isda. Iyon kasi ang hanap-buhay nito. Ang paglalako ng isda. Kaya nga binansagan din itong ‘bilasa.’
Syempre, may stock naman talaga ako ng mga ulam sa bahay. At balak ko lang talagang bumili ng tusok-tusok sa kanto. Nag-crave lang ako.
Kaya tumanggi ako.
Akala ko naman okay na dahil ngumiti siya sa akin at nagpatuloy na sa paglalako.
Nagulat na lang ako no’ng biglang bumisita si Mama sa akin. Nasa isang baranggay lang kami, pero bumukod talaga ako dahil nga sa trabaho ko.
Galit na galit ito at pinagsasabihan ako. Tinatanong niya ako kung sino raw ang lalake ko. At kung ano ba raw talaga ang trabaho ko. Kung ako raw ay nahihirapan na sa buhay ay bumalik na lang daw ako sa bahay kaysa magbenta ako ng laman.
Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa mga sinabi ni Mama. Two years na akong single. At focus nga ako sa pagpapayaman kaya wala pa akong balak makipagrelasyon kahit may mga gustong manligaw sa akin.
Tapos bigla akong nagkaroon ng lalake? At nagbebenta pa ng laman?!
Virgin pa ako!
Tinanong ko siya kung saan niya nakuha ang kwentong iyon.
Si Tita Isel daw ang nagsabi sa kaniya. Pulutan na pala ako ng mga chismosa diyan sa kanto. May nakakita raw sa akin na nagpapasok ako ng kung sino-sinong lalake sa bahay ko.
Kalmado akong sumugod kay Tita para tanungin kung sino ba iyong nakakita raw sa akin.
Aba’y walang iba kundi si Aling Minda raw pala.
Literal na nag-init ‘yong mga tainga ko noong malaman ko iyon. Pero kinalmahan ko.
Tahimik akong umuwi at nag-print ng mga pictures.
Ano bang akala niya sa akin? Bobo?
Pagkatapos kong magawa iyon ay lumabas ako para hanapin si Aling Minda. Panay ang sunod sa akin ni Mama dahil kinakabahan daw sa pwede kong gawin.
Sakto naman na nakita ko siya sa may kanto. Halatang naglalako pa pero napatambay na naman para gumawa ng chismis.
No’ng makita niya ako ay agad itong naghanda sa pag-alis. Obvious na hindi makatingin sa akin.
Pero bago pa siya makaalis ay nalapitan ko na siya agad at nahawakan sa braso.
Inihagis ko agad sa mukha niya ang mga papel na hawak ko. Nagkalat pa iyon sa paligid dahil nagulat ito at hindi agad nasalo iyon.
Ang hilig niyang gumawa ng kwento sa iba, pero wala ata siyang ideya na ang sarili niyang anak ay kilalang walker online.
Ang nag-iisang anak niyang proud na proud siya dahil matalino raw at hindi makabasag pinggan.
Pero sa online? Ayaw ko na lang mag-talk kung ilang lalake na ba ang nakatikim dito.
Gulat na gulat si Aling Minda sa narinig niya sa akin. Hindi pa ito magkaunggaga sa pagkuha ng mga papel na may ebidensya ng ginagawa ng anak niya.
Kaso huli na, may ilan kasi na sumabog sa mga nakikiusyoso kaya nakita na rin ito nang iba.
Tinanggi niya lahat ng iyon. Pero wala na siyang magagawa. May ebidensya na.
Nalaman ko lahat ng ito noon pa. Dahil ang anak niya rin ang rason kung bakit nagkahiwalay kami ng ex ko. Ang gago, binook yung haliparot na ‘yon. Pero ugali daw talaga nitong mang-agaw kaya ‘di na ako nagtaka.
Sabi ko pa sa kaniya, bago siya gumawa ng kwento ay siguraduhin niya munang walang baho na sisingaw mula sa bahay nila.
Galit na galit siya sa akin. Nagbanta pa siya na ipapa-baranggay ako. Hindi ako natakot. Dahil ako ay may witness ako sa ginawa niyang paninira sa akin.
E siya? Mas lalo lang silang mapapahiya.
Ayon, umalis siyang nakatungo at hindi makatingin sa mga tao.
Nalaman ko na lang na pinalayas nito ang anak nito. Buntis na pala ito at hindi alam kung sino ang tatay dahil sa dami ng naging customer nito.
Proud na proud pa naman sana ito sa anak kasi nga maganda raw ito. Lol! E kamukha lang naman, malandi lang talaaga.
Pagkatapos ng lahat ay nag-sorry si Mama. Nagulat lang din daw talaga sa kwentong iyon. At nangako na hindi na basta-basta magpapaniwala sa chismis.
Okay lang din. Kasi at least ngayon ay tumahimik na ang baranggap namin.
Lumipat na rin kasi sila Aling Minda at ang pamilya nito. Hindi niya ata matanggap na siya na ang naging pulutan ng mga kapit-bahay naming low-key chismosa.
At siguro ay hindi rin niya kinaya na ang mga gawa-gawa niyang kwento sa ibang tao ay totoong nangyayari sa kanila.
