Pinagtulungan nila akong hiyain, pero ang ending ay…
Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangyayaring ito sa buhay ko. Haha! Sa tuwing na aalala ko ay natatawa pa rin ako.
Ako si Marla. Nagyari itong kwento ko noong fourth year college ako.
May tatlo akong kaibigan noon. Sina Shane, Carla, at Jane.
Kasama ko na sila mula pa noong first year namin.
Okay naman kami noon. Hanggang sa habang tumatagal ay napapansin ko na parang nag-iiba silang tatlo.
Naramdaman ko na lang na parang na le-left out ako. Pero syempre, bilang hindi ko naman ugali na mag-assume agad ay patuloy pa rin ako sa pakikipagkaibigan sa kanila. Pero hindi na iyong tipong nauuna ako sa kanila.
Kapag tinawag nila ako, saka ako lalapit. Or kapag niyaya akong lumabas, doon lang ako sasama.
Unti-unti na rin kasi akong umiwas dahil naramdaman ko nga na para bang ayaw na nila sa akin.
Hanggang sa dumating ang thesis namin. Syempre, bilang magkakaibigan dapat at required na apat kami sa grupo. Kami ang naging magkaka-team.
Noong una ay okay. Lahat kami gumagawa. Pero habang tumatagal ay naiiwan na lang ako.
Ako rin kasi ang ginawa nilang leader. Kaya halos lahat sa akin ay bagsak. Kahit na binigyan ko naman sila ng toka.
Habang ako nagpapakapuyat sa paggawa ng mga ideas at research. Sila ay halos gabi-gabi nasa club. Kahit pang pansit canton manlang ay wala silang inaambag sa akin.
Then isang linggo bago ang defense namin ay pinakita ko sa kanila ang nagawa ko. Kahit wala silamg na iambag ay willing pa rin ako na isama sila. Pero sila na ang pinagba-bind ko.
Sa gulat ko ay tinanggap nila. Pero ang mas ikinagulat ko ay nalaman ko na lang na tinanggal nila ako sa team.
Grabe iyong nginig ko sa katawan noong malaman ko iyon. Nag-ready pa ako para mag-present kasi nga ako ang leader. Kaso pagdating ko roon ay doon nila ako sinampal ng katotohanan.
Syempre hindi ako nagpatalo. I insisted on being included. Ako ang nagpagod sa thesis namin.
Deserve ko naman ang credit. Hindi kagaya nila na walang ginawa kundi magwalwal lang.
Kaya noong oras na nila para mag-present sa mga panel ay hinayaan ko sila. Gusto nila akong mapahiya, edi ngayon ay bahala sila.
Nag-umpisang magtanong ang panelist. Pero lahat sila ay nakanganga. Nagtitinginan lang. Si Carla ay nakita ko pang mangiyak-ngiyak na.
Nagalit ang panelist dahil nagmistula lang silang mga basang sisiw sa harapan. At noong nagtanong na ang isa sa mga prof kung sino ba ang gumawa ng thesis ay doon na ako pumasok. Dala ko ang bagong thesis report KO.
Oo, akin lang. Dahil binura ko na sila sa group ko. Nagdalawang-isip pa ang panelist sa akin. Pero dahil may lista rin naman sila at nakita nilang ako nga dapat ang group leader nila ay hinayaan nila akong mag-present.
Nagawa ko iyon nang maayos. Nasagot ko ng buong kompyansa ang mga tanong nila.
Habang silang tatlo? Andoon sa gilit. Halata sa mukha ang pagpa-panic.
Na-defend ko nang maayos ang thesis ko. Habang sila ay nasermunan dahil sa ginawa nila sa akin. Binagsak pa sila kaya ayon, wala silang choice kundi ang bumalik sa fourth year.
Binalak nila akong pahiyain. Pero and ending ay sila itong mas napahiya dahil sa sobrang kagustuhan nilang alisin ako sa grupo nila.
Well, hindi naman ako namimilit na tanggapin. May iba naman akong mga kaibigan na totoo at hindi ako pina-plastic kagaya nila.
Ngayon ay heto na ako, manager isang sikat na kompanya. Hindi ko na hinahayaan na isahan ako ng iba kahit na harap-harapan akong sinasamantala.
Mas natuto na akong lumaban. Lalo na kung alam ko naman na wala akong tinatapakan.
Wala na rin akong balita sa kanila. Magmula rin kasi noon ay pinutol ko na ang koneksyon ko sa kanilang tatlo.
Sana lang ay naging aral na iyon sa kanila. Kasi minsan, hindi naman masama na umayaw sa isang tao. H’wag lang manamantala at mag-take ng credit.
Grabe kasi ang balik ng karma.
