Chapter 11
Kanina pa paikot-ikot si Crystal sa loob ng sala. Nasuri na niya ang bawat kabinet na nasa kusina. Maging ang banyo, lahat mga elegante. Hindi mo masasabi na mumurahin ang mga gamit na andoon.
Hindi siya mapalagay dahil sa sinabi ni Hanuel bago pumasok sa loob ng kwarto. Hindi niya alam kung pwede na ba siyang umuwe o gagawin na nila 'yon. Bahagyang namula ang mga pisngi ni Crystal nang maisip iyon.
Mabilis siyang lumakad papuntang kusina kasabay n'on ay ang pagbukas naman ng pinto ng kwarto. Parang nag slow mo sa paningin ni Crystal ang paglabas ni Hanuel. Wala itong pang itaas na damit at nakatapis lang ng tuwalya ang ibaba.
Halos mabali ang leeg niya kakatingin kay Hanuel. Masyadong napukaw ng kanyang atensyon niya sa katawan nito. Tumutulo pa ang tubig na nagmumula sa basang buhok nito. Dumadaloy ito pababa sa leeg, dibdib. Binagalan niya ang paglalakad niya at pinanood ang pagdaloy ng patak ng tubig sa dibdib nito. Hindi niya maiwasang mamangha sa kulay pink nito nipple.
'Lalake ba talaga 'to?' Tanong ni Crystal sa sarili. Binilisan niya ang paglalakad noon maharangan na ang kanyang paningin ng pader at noong nasa may siwang na siya ay muli niyang pinasadahan ng tingin si Hanuel. Napapakagat siya ng labi habang nakatingin sa abs nito. 'One, two, three- OMG! Six!' Tumataas baba pa ang kanyang mga kilay habang binibilang iyon. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kung ano dahil sa magandang tanawin na kanyang nakikita.
Para bang merong kumikiliti sa kanyang batok, dibdib at tiyan. Pakiramdam niya ay biglang sinilaban ang buong paligid dahil sa init na kanyang nararamdaman. Kung hindi pa naharangan ng pader na maliit ang kanyang paningin ay pinapanood niya pa rin ang binata.
"Crystal... Ano ba..." Kinagat niya ang kanyang labi at napapikit habang inaalala si Hanuel. "Argh! Focus!" Marahas na huminga ng malalim si Crystal at binuksan ang malaking refrigerator.
Punong puno ng pagkain ang laman ng ref. May chocolates, cake, tinapay, prutas at gulay. Meron ding mga nakabote na chocolate drinks, softdrinks, juice at bottled water. Meron pang canned beer na nakalagay doon.
Namamangha man ay minabuti na lang na kumuha ni Crystal ng tubig. Bubuksan na niya sana ang bote ng tubig nang may maramdaman siyang malapad at matigas na dumampi sa kanyang likuran.
Huli na ng makita niya ang kamay ni Hanuel sa gilid ng kanyang beywang na inaabot ang bote ng beer. Bahagya pa siyang napatupi dahil sa ginawa nito kaya lalong naglapat ang katawan nila.
Ni hindi manlang niya namalayan na nasa likuran na pala niya ito.
Napasinghap si Crystal at napakapit na lamang sa boteng hawak niya na halos madurog dahil plastic lamang iyon. Ramdam na ramdam niya ang init ng hininga nito sa may pisngi niya.
Bahagya pa siyang napaigtad noong maramdaman niya ang pagtulo ng patak ng tubig sa kanyang balikat at braso.
"Just grabbing some beer. Nauuhaw ako eh..." Malumanay na saad nito na ibig pang iparating. Pagkatapos ay isinara niya iyon.
Napalunok na lang si Crystal dahil pakiramdam niya ay nanunuot sa kanyang mga buto ang boses nito.
Hindi pa rin makagalaw si Crystal kahit na naramdaman niyang hindi na nakalapat ang katawan nito sa kanya.
'Jusko bakit ba ganito ang nararamdaman ko?'
Napapikit pa siya nang marinig niya ang pagbukas nito ng lata ng beer. Pati ang paglagok nito ng beer.
Hindi niya mawari kung bakit ganoon na lang magkumawala ang kabog ng dibdib niya dahil sa binata. Gusto niyang lingunin iyon ngunit para siyang na istatwa sa kanyang kinatatayuan.
Ramdam na ramdam niya kasi ang mga titig nito na lalong nakakapagbilis ng tibok ng kanyang puso.
Mayamaya pa ay naramdaman na lang niyang iniharap siya ni Hanuel at isinandig siya ref.
"I can't take it anymore." Bahagya pa itong umungol at siniil ng halik si Crystal.
Nanlalaki lang ang mga mata ni Crystal at napamaang sa ginawa ng lalaki. Malalim at marahas kung ito ay humalik. Para bang uhaw na uhaw ito. Nabitawan na lang niya ang boteng hawak niya noong inilapat pa ni Hanuel ang katawan niya kay Crystal.
"Ahmm..." Napapaungol si Crystal at di na nakapagpigil kaya kumapit na siya sa batok ni Hanuel. Gumanti siya ng halik kay Hanuel na lalong nagpainit sa lalake kaya binuhat siya nito at iniupo sa may counter ng kusina.
Naramdaman ni Crystal ang malamig na marmol sa kanyang hita.
Bumaba ang mga halik ni Hanuel sa leeg ni Crystal habang ang mga kamay naman nito gumagapang sa kanyang katawan. Walang ibang magawa si Crystal kundi mapakapit sa mamasa-masang buhok ni Hanuel.
Bahagyang tumigil si Haneul at tinitigan sa mga mata si Crystal. Para bang nanghihinge ito ng permiso sa dalaga sa kanyang gagawin dito.
Hindi na niya mapigilan ang init na kanyang nararamdaman. Wala na siyang pakialam pa. Hinihingal na tumango si Crystal.
Para namang nabuhayan si Hanuel dahil sa pagsang-ayon nito. Agad niyang sinunggaban ng halik si Crystal at mas idinikit pa ang katawan nito sa kanya.
Wala itong tigil sa pagsiil ng halik kay Crystal habang ang kamay naman nito ay patuloy sa paglakbay sa kanyang katawan.
Bumaba ang mga labi ni Hanuel sa leeg ni Crystal na nagbigay ng kakaibang kiliti sa dalaga. "Ahmm.." Marahang nasabunutan ni Crystal ang lalake noong sinipsip nito ang isang parte sa kanyang leeg. Imbes na masaktan ay nagbigay iyon sa kanya ng kakaibang sensasyon.
Umarko ang katawan ni Crystal noong maramdaman niya ang mainit na palad nito sa kanyang magkabilang dibdib. Sinakop ng mga kamay niya ang dalawabg nagpipuntugan niyang mga bundok at pinisil-pisil ito.
"H-Hanuel..." Parang mababaliw na tawag ni Crystal sa binata noong maramdaman niya na bibig nito sa kanyang mga dibdib. Hindi na niya napansin na nakalabas na pala ang kanyang mga dibdib. Halos tumirik ang mga mata dahil sa ginagawa nitong pagsipsip.
Mayamaya pa ay tinanggal ni Hanuel ang tuwalyang tumatakip sa kanyang pagkalalaki. Ibinuka niya ng maayos ang mga paa ni Crystal habang hindi inaalis ang kanyang bibig sa dibdib nito. Bahagyang natigilan si Crystal nang may maramdaman siyang mainit at matigas na bagay sa bukana ng kanyang pagkababae.
Nag-angat ng paningin si Hanuel at tinitigan si Crystal sa mga mata. Para namang nahihipnotismong gumanti ng titig si Crystal. "I'm going in…" paalam pa ni Hanuel. Pumikit lamang si Crystal na inihanda ang sarili sa pagpasok ni Hanuel sa kanya.
Ramdam na ramdan niya ang matigas nitong pagkalalaki na pilit pumapasok sa kanya. Napasinghap siya noong maramdaman niyang nakapasok na ito sa kanyang pagkababae. Marahan itong gumalaw na para bang sinusuri ang kanyang kaloob-looban.
"Ohh!" Napaungol si Crystal at kumapit sa batok ng binata. Mula sa mabagal ay unti-unting bumilis ang paggalaw ni Hanuel. 'Ouch!' Nakaramdam ng konting kirot si Crystal. Masyado kasing malaki para sa kanya ang pagkalalaki nito. Kumapit na lamang siya batok ni Hanuel at ninamnam ang bawat paggalaw ni Hanuel.
Masakit... Ngunit unti-unti itong napalitan ng sarap. Sarap na pakiramdam ni Crystal at Hanuel ay magdadala sa kanila sa langit.
Napayakap na siya kay Hanuel at lalong idinikit ang kanyang katawan sa lalaki. Pakiramdam ni Crystal ay nagdedeliryo na siya sa sensasyon na binibigay nito sa kanya.
"Ohh…" Ungol ni Hanuel at gumanti ng yakap sa dalaga. Sa dami na niyang naikama ay ngayon lamang siya nakaramdam ng kakaiba. Hindi niya mawari kung dahil ba sa isa pa itong birhen o iba. Hindi naman ang dalaga ang naunang birhen na dumating sa buhay niya.
"Hanuel..." Hinihingal na si Crystal. Kung saan-saan na rin nakakarating ang mga kamay niya sa katawan ni Hanuel. Nararamdaman niyang malapit na niya marating ang rurok ng kaligayahan. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib ni Hanuel at yumakap ulit ng mahigpit sa binata. "Hanuel.." Usal niya muli sa pangalan nito.
'Malapit na...'
Para namang mababaliw si Hanuel sa tuwing tinatawag siya ng dalaga. Lalo niyang binilisan ang kanyang paglabas masok dito. Nararamdaman niya ring malapit na siyang labasan kaya mas lalo niyang ginalingan.
"Shit!" Marahan niyang kinagat ang tenga ng dalaga at umungol. "I'm cumming!" Itinaas n'ya ang mukha ng dalaga upang maging magkapantay ang kanilang mukha.
Parang lasing na tinitigan ni Crystal si Hanuel sa mga mata. "P-Please..." Usal ni Crystal at napahangad sa sarap. Ngunit muling ibinaba ito ni Hanuel at sinakop ang kanyang bibig gamit ang kanya. Habang ang isang kamay nito ay bumaba sa may balakang niya at mas lalo pang idiniin ang ibaba nito sa kanya.
Halos bumaon ang kanyang mga kuko sa balat nito dahil sa higpit ng kanyang pagkakayakap sa binata. Mas lalo pang binilisan ni Hanuel ang kanyang mga kilos. Lalo pang ibinuka ni Crystal ang kanyang mga paa.
Ilang sandali pa naabot na nila ang rurok ng kaligayahan.
Pawisan at hinihingal pa ang dalawa. Isinubsob ni Hanuel ang kanyang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ni Crystal.
Marahang tinanggal ni Hanuel ang pagkalalaki niya kay Cystal na nagpaigtad sa huli. Itinukod ni Hanuel ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ni Crystal at tinitigan ito. Napatingin naman sa kanya ang dalaga.
Biglang nag-init ang dalawang pisngi ni Crystal. Ngayon lang siya nakaramdam ng hiya sa lalake.
Bahagyang napatawa si Hanuel sa ikinilos ng dalaga. "I guess I'll enjoy this..." saad nito at kinindatan si Crystal.
CHAPTER 12
Kinabukasan ay maayos na nagpaalam si Crystal sa kanyang Ina at mga kapatid na lilipat siya ng titirahan. Mariing tumanggi sa kanya ang mga kapatid ngunit ipinaliwanag niyang mas malapit iyon sa kanyang trabaho at mas makakatipid siya. Maige na lamang ay pinayagan pa rin siya nila sa bandang huli.
Minabuti na lamang niyang hindi na sabihin ang totoo para hindi sila magalala pa. Hindi rin nila magugustuhan ang ginawa niya kung sakali.
Lalo na ang kanyang Ina. Ayaw niya na dagdagan pa ang paghihirap nito at isiping dahil sa kanya ay ipinagkanulo niya ang sarili niya. Maluwang sa kanyang kalooban ang bagay na ito kaya ayaw niyang makaramdam ng kahit na anong konsensya ang pamilya niya.
Susunduin sana siya ni Joseph sa bahay nila ngunit sinabihan niya na lamang itong sunduin siya sa may sakayan sa kanila. Ayaw niya kasing makita pa ito ng kanyang pamilya. Tutal ay mga damit lamang niya at mga importanteng papeles ang kanyang dala-dala.
Pakiramdam niya tuloy ay maglilipat siya ng bahay kasama ang asawa niya.
Pagkadating niya sa condo ay andoon pa rin si Hanuel. Nakaupo ito sa may terrace habang pinapanood siya papasok. Nagtama pa ang kanilang mga paningin na ikina-init agad ng mga pisngi niya.
Nahihiya pa rin kasi siya dito kahit dalawang beses na may nangyari sa kanila kahapon.
Nagmamadali na lamang siyang pumasok sa loob ng kwarto. Mayroong dalawang cabinet doon, ang isa ay kay Hanuel at ang isa naman ay bakante kaya doon niya inayos ang mga gamit niya. Hindi naman siya natagalan pa sa pag aayos dahil iilang damit lang naman niya ang dala niya.
Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto. Nagulat pa siya nang makita niyang nasa dining table na si Hanuel at nakaupo kaharap sa may pintong nilabasan niya. Para bang naghihintay ito sa paglabas niya dahil nakatigtig lamang ito doon.
Sinenyasan siya nitong umupo sa tapat niya. Doon niya napansin ang dalawang sobre at isang paper bag na maliit sa tapat nito. Dahan-dahan siyang umupo sa upuang katapat ng binata.
Tumikhim si Hanuel at inabot sa kanya ang nasa gitnang sobre na may kulay na asul.
“This will be your Card. Your salary will be here. You can withdraw it and transfer it to another bank account or not. Whatever you like.” Tahimik lang na tiningnan 'yon ni Crystal. Sunod nitong inabot ay ang kulay black na sobre. "And this is your Credit card. You can use it when you want to buy something you want, anything. You don't have to worry because it won't cost you a bit."
Napamaang si Crystal sa sinabi ni Hanuel, "Are you sure?" Tanong niya dito. "Don't you think this is too much?"
Umiling lang si Hanuel. "Nope. I don't think it's too much. Remember, we are talking about yourself. I am generous here." Tiningnan siya nito ng makahulugan.
"O-Okay." Nag iwas siya ng paningin. Hindi niya talaga matagalan ang mga titig nito.
"As for your food. You don't have to worry about it because someone will buy your groceries, and we will also send someone to clean here."
"Ha? It's okay. I can do that-" Natahimik si Crystal noong tinitigan siya ni Hanuel at tumungo na lamang. Tumikhim ito.
"Take this." Napalingon siyang muli sa binata. Inaabot nito ang paper bag sa kanya.
"Ano 'to?" Inabot niya iyon at sinilip ang laman. Isang maliit na box.
"Open it." Utos nito.
Dahan-dahan niyang binuklat ang paper bag at inilabas ang maliit na box na nasa loob.
"Cellphone ba 'to?" Namamanghang tanong ni Crystal. Tumango lang si Hanuel at sinenyasan na buksan iyon.
"I saw your phone, and I just thought I should buy you a new one."
"Hala.." nangingilid na ang mga luha ni Crystal. Sa buong buhay niya ngayon lang siya magkaka-cellphone ng ganito. Dali-dali niya iyong binuksan at bumungad sa kanya ang manipis at malapad na cellphone. 'Samsung Galaxy Z Flip,'
Nag-angat siya ng paningin at nalikitong tiningnan si Hanuel. "Hindi ba sobrang mahal nito?" Napapamaang tanong ni Crystal.
"It doesn't matter." Ngumiti ito ng kaunti. Sa loob-loob niya ay natutuwa siya sa reaksyon ni Crystal. Para bang ngayon lang ito nagkaroon ng ganoong cellphone. Nakakatawa pang mas excited ang dalaga sa cellphone kesa sa mga card na una niyang inabot.
"Thank you!" Pinigilan ni Crystal na maluha sa sobrang saya. Simple at murang Android na cellphone lang sana ang gusto niya ngunit higit pa ang nasa kamay niya ngayon.
"Insert the sim. I will contact you there." Tumango lamang si Crystal at pinagtuunan ang bago niyang cellphone.
Tinitigan lamang ni Hanuel ang dalaga. Masyado siyang natutuwa sa ka-inosentihan nito. 'She's different.'
"Ah wait," tumigil si Crystal sa ginagawa at inilapag sa lamesa ang hawak niya. Muntik na niyang makalimutan na may dapat pala siyang malaman bago pa magtagal ang trabaho niya dito. Tiningnan niya si Hanuel ng seryoso.
Awtomatiko namang nagsalubong ang mga kilay ni Hanuel at nalilitong tiningnan si Crystal. "Why?"
Tumikhim siya, "I'm just curious. Why me?" Tumaas ang isang kilay ni Hanuel na para bang hinihintay pa ang ibang sasabihin ni Crystal. Naunawaan naman niya ito kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "I mean bakit ako? How did you know me? Kasi ako di ko talaga maalala kung kilala ba kita."
"Ohh... so, you still don't remember me, huh?" Si Crystal naman ang nalito. "Okay..." Hinawakan ni Hanuel ang kanyang baba at tinitigan si Crystal. "I first so you... you were wearing a white blouse and a black skirt-oh wait! I'll just get something." Mabilis itong tumayo at pumasok ng kwarto.
"Uniform ko yun ah? Hindi kaya naging client 'to ng company?" Nalilitong sabi ni Crystal.
Ilang sandali lang ay bumalik na din si Hanuel. Nakalagay sa likod nito ang dalawa niyang kamay. Hindi na lang iyong pinansin ni Crystal dahil mas importante sa kanya na malaman kung ano ang totoo.
"Here." Inilapag nito ang ID ni Crystal sa mesa at muling umupo sa kanyang kinauupuan.
Napamaang naman si Crystal at kinuha ang ID niya. "Paano napunta sa 'yo 'to?" Gulat na tanong ng dalaga. Ni hindi manlang niya napansin na nawawala na pala ang ID niya dahil sa pagaalala sa nanay niya.
"Well, you were at the club. You are wearing your uniform, I guess?" A small chuckle goes out in his mouth. "I found it funny because you were the only one wearing like that. So, I focus my attention on you. You're so drunk that time when someone approached-"
"Ah yes! I remember!" Putol ni Crystal sa sinasabi ni Hanuel. "So you mean... ikaw yung nagdala sa akin sa hotel?" naniniguradong tanong pa nito.
Tumango si Hanuel. "Yes. I had to go back to my country, so I never got a chance to meet you again that day. And when I ask Joseph to find what happened to you, that's when I learned you need help."
Hindi siya makapaniwala na may iba pa pala siyang utang na loob dito. Ngunit napalitan din iyon nang maisip niyang parang sinamantala nito ang sitwasyon niya.
"So, you take advantage of my situation?" Napapataas pa ang kilay ni Crystal. "Tell me, do you like me?" Napatawa ng malakas si Hanuel.
Hindi niya alam kung saan nahugot ng dalaga ang sinabi nito.
"I… I just really want to help you at first. But you- Never mind." Iwinaksi nito ang kanyang mga kamay at tumayo. "I will leave tonight. You should be here every time I come home here. You can do everything as long as it's not against the rules of the management." Naglakad na ito papasok sa kwarto. "And please try not to fall for me. I'm not the person you think I am."
Hindi alam ni Crystal kung bakit parang may kumirot sa dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ba ang ibig nitong iparating sa sinabi nito. Alam niya naman na wala siyang dapat asahan sa lalake dahil pawang trabaho lamang ang dahilan bakit siya na andito. Weird lang kasi para siyang kabit na binabahay.
"Nakalimutan ko pa lang itanong kung single ba siya. Baka nga mamaya ginagawa niya akong kabit ng hindi ko alam." Ani ni Crystal. Bumuntong hininga na lamang siya at muling kinalikot ang bago niyang cellphone.
Pagpatak ng Alas-singko ay nakita niyang naligo na si Hanuel. Tahimik lamang si Crystal na nakaupo sa may sala at kinakalikot ang cellphone niya. Mayroong sariling wifi connection ang bahay na iyon kaya madali lang siya naka konekta sa internet. Mayroon siyang mga social media na nabubuksan lamang niya tuwing pumu-punta siya sa piso net o kaya naman ay nakikigamit siya kay Ynette.
Naisipan niyang ichat si Ynette at papuntahin sa tinitirahan niya. Wala namang nasabi si Hanuel na bawal siyang mag-imbita ng kaibigan dito. Hindi pa online ang kaibigan niya kaya minabuti niyang mag browse pa sa internet. Manonood na sana siya sa youtube nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.
Iniluwa niyon ang nakatapis lang na naman na katawan ni Hanuel. Napalunok si Crystal habang nakatingin sa binata. Nakatitig lamang din ito sa kanya na para bang nang-aakit.
Malayo pa ito sa kanya ay amoy na amoy na niya ang shower gel na gamit nito.
Tumitigil ito sa harap at napamaang na lamang siya ng tinanggal nito ang tuwalyang tumatabing sa ibaba niya. Nakabalandra sa kanya ang nakatayong pagkalalaki nito. Hindi siya makapaniwala na ganito kahaba at kalaki ang pumasok sa kanya kahapon.
Agad na nakaramdam ng init ng katawan si Crystal dahil sa nakita.
Napalunok ulit siya at tumingin kay Hanuel. Hindi nito inaalis ang mapanukso nitong mata habag nakatitig sa kanya. Kinuha ng lalaki ang cellphone na hawak niya at inilapag iyon sa tabi ni Crystal. Saka napapakagat ang labing hinawakan hinaplos ang labi niya gamit ang hinalalaki niya.
Napapasinghap si Crystal sa ginagawa nito. Ilang ulit nitong hinaplos ang mga labi niya bago ibinuka iyon at ipinasok ang hinlalaki. Nalasahan agad ni Crystal ang tubig na ginamit nito sa pagligo noong dumikit ang daliri nito sa dila niya.
Hindi siya gumalaw ngunit nilaro-laro ni Hanuel ang dila niya gamit ang daliri niya.
Maya-maya pa ay hinawakan ni Hanuel ang pagkalalaki at bahagyang hinaplos iyon pataas at pababa. "Open your mouth." Utos nito noong tinanggal niya ang daliri niya sa bibig ni Crystal.
Kumunot ang noo ni Crystal. "B-bakit?" Bakit marami siyang naririnig kay Ynette na makamundong bagay ay sadyang wala pa siyang alam sa mga ganitong bagay.
"Just open it." Muling saad ni Hanuel na may himig na ng paglalambing.
Nagtataka man ay sinunod iyon ni Crystal. Unti-unti niyang ibinuka ang bibig niya.
Napakagat labi ulit si Hanuel. Lalo siyang nakaramdam ng init noong makita ang itsura ni Crystal. Hinawakan niya ang likod ng ulo nito at dahan-dahang inilapit sa bibig ng dalaga ang ari niya.
Nanlalaki ang mata ni Crystal sa ginawa nito ngunit hindi na siya nakaiwas pa dahil na ipasok na nito sa bibig niya ang ari niya. Lalong na ibuka ni Crystal ang bibig niya dahil sa taba niyon.
Gusto niyang maduwal at nagpigil siya ng hininga. 'Kasama ba talaga 'to?! Diba dito sila umiihi?!' Hiyaw ni Crystal sa isipan niya. Hindi niya maiwasang hindi madiri kahit alam naman niyang malinis ang lalaki sa katawan.
Patuloy lamang sa paglabas pasok ng ari ni Hanuel sa bibig ni Crystal. Samantalang ang huli ay napakapit na sa hita ng lalaki dahil hindi na siya makahinga. Marahan niyang tinutulak iyon ngunit hindi tumitigil si Hanuel sa ginagawa niya.
Noong hindi na niya kaya ay huminga na siya. Nagulat pa si Crystal nang maamoy niyang ang balat nitong mabango at ang sabon nitong ginamit. Taliwas sa nasa isip niyang mapanghi at mabaho iyon.
Napapapikit na lamang siya noong binilisan pa ni Hanuel ang galaw niya. "Argh! I can't take it anymore." Tinanggal ni Hanuel ang ari niya sa bibig ni Crystal.
Binuhat niya ang dalaga at pinatalikod sa kanya. Napakapit na lamang si Crystal sa sandalan ng sofa noong marahas na hinubad ni Hanuel ang shorts at underwear niya. Hinaplos nito ang mamasa-masa na niyang pagkababae saka unti-unting pinasok iyon.
"Ahh!" Napaungol siya noong makapasok na sa kanya si Hanuel. Hinawakan ni Hanuel sa may bewang si Crystal at nag-umpisa nang maglabas masok sa dalaga.
Lalong nag-init ang katawan ni Crystal. Hindi kagaya noong una nilang pagsisiping ay sobrang nasasarapan si Crystal ngayon. Dahil siguro sa posisyon nila kaya ganon. Mabilis at marahas din kung kumilos ngayon si Hanuel kaya medyo nakakaramdam ng sakit si Crystal.
Hindi pa siya ganoon kasanay kaya medyo hirap pa siya.
"Ohh…" Ungol ni Hanuel. Malapit na siyang labasan. Inabot niya ang ulo ni Crystal at marahan siyang hinila palapit sa kanya.
Halos tumirik naman ang mga mata ni Crystal sa ginawa ni Hanuel dahil parang lalong sumuksok sa kanyang kalamnan ang ari ni Hanuel. Wala na siyang makapitan dahil nakatayo na siya patalikod kay Hanuel kaya naman ay inabot niya ang bewang ng lalaki.
Hinawakan lamang ni Hanuel si Crystal sa may balikat gamit ang kaliwang kamay niya at ang isa naman ay nasa tiyan ng dalaga. Mas lalo pa niyang binilisan dahil ilang sandali pa ay lalabas ang malapot at mainit na likido sa kanya.
Mas lalo pa niyang idinikit si Crystal. Ibinaba na niya ang kaliwa niyang kamay sa tiyan nito at hinila ito papalapit sa kanya. Narinig pa niya ang impit na hiyaw ng dalaga na lalong nagpagana sa kanya.
Patuloy lang sa pag indayog si Hanuel. Wala siyang tigil sa paglabas masok sa dalaga hanggang sa halos tumirik na rin ang kanyang mga mata sa sarap na kanyang nararamdaman. "Ahh!" Nakagat niya ang balikat ni Crystal nang maramdaman niyang lumabas na ang sarap na kanina pa niyang hinihintay.
Dahan-dahan niyang hinugot ang pagkakalaki niya sa dalaga at pabagsak umupo sa sofa kasabay ni Crystal.
CHAPTER 13
"Wow! Bongga naman dito Crystal!" Tumitili-tili pang sabi ni Ynette. Alas-syete na ng gabi at kalalabas lamang nito galing sa trabaho. Doon na ito dumeretso sa kanya dahil wala na rin naman si Hanuel.
Pagkatapos nilang magbakbakan ay umalis na rin ito dahil may hinahabol daw siyang flight.
"Ano ka ba baka may makarinig sa 'yo." Saway niya dito. Tumawa lang si Ynette at inilapag sa mahabang lamesa ang dalang supot ng bote ng beer at sitsirya. Nagpasya kasi itong dito sa kanya matulog ngayon dahil na rin sa kahilingan niya. Medyo naninibago kasi siya sa bahay. Maige na lamang ay kasalukuyang andoon ang mga anak niya sa magulang niya.
"Uy! For sure naman makakapal ang mga dingding dito." Nagpalinga-linga ito sa paligid. "Ang ganda dito friend! Mukhang bigatin yung ah!"
"Alam mo hindi ko pa nga natanong eh. Nahihiya ako."
"So nagkita na pala kayo? Yiee! Kumusta? Daks ba?" Nabatukan niya ang kaibigan niya. Kumikinang kinang pa kasi ang mga mata nito habang nagtatanong sa kanya.
"Ikaw talaga puro na lang kapilyahan ang nasa utak mo!" Saway niya dito at inirapan. Tinawanan lang siya nito. "Kumain ka na ba?" Tanong niya dito. Tumango lamang si Ynette at nagpunta sa sala upang doon maupo.
"Ahh! Ang sarap naman umupo dito! Grabe. Ang bigatin talaga niyang costumer mo." Namamanghang sabi ni Ynette. Bahagyang natawa si Crystal noong sabihin ni Ynette na customer niya ang lalaki. Kung tutuusin parang walang pinagkaiba ang trabahong 'to sa ginagawa ni Ynette.
Umupo siya sa tabi ni Ynette. "Oo nga eh. Nahihiwagaan din ako sa lalaking 'yon."
"Ayy teka. Ano nga ulit name n'on?"
"Lee Hanuel."
"Lee Hanuel.. Parang narinig ko na 'yon ahh." Ulit nito at kinuha ang cellphone niya. "Ayy May wifi ka ba?"
Tumango lamang si Crystal at kinuha ang cellphone ng kaibigan saka ikinonek sa wifi nila.
"Kuhain lang ako ng pagkain." Hindi na siya pinansin pa ni Ynette at nagkalikot na lamang sa cellphone niya.
Samantalang si Crystal naman ay kumuha ng sitsirya sa kusina at yung beer na dala ni Ynette. Kung tutuusin ay na andoon na naman lahat kaso wala kasi yung beer na palagi ni lang iniinom ng kaibigan niya kaya nagdala na lamang ito.
"Waah!" Napatigil si Crystal sa sigaw ni Ynette. "Bruha ka! Halika dito!"
"Ano?" Nagtatakang tanong ni Crystal. Nilapag muna niya sa mesa ang dala niya at saka tumabi sa kaibigan niya.
"Waaah!" Pinaghahampas siya nito sa braso at kilig na kilig na tiningnan siya.
"Ano ba?" Nakakunot noo niyang tanong. Hindi nagsalita si Ynette at inabot lang sa kanya ang cellphone na hawak. Napataas pa ang isang kilay niya nang makita ang larawan ni Hanuel. "Lee Hanuel. Occupation, Actor/Businessman, 34 years old- Actor?" Parang nag-loading sa isipan ni Crystal ang nabasa niya.
Bahagya pa siyang nag scroll sa website. Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa kanyang nabasa. Isa pa lang sikat na aktor si Hanuel. Marami na siyang pinagbidahang pelikula at mga palabas sa kanilang bansa. Sikat ito hindi lang sa Korea maging dito sa Pilipinas. Na alala niya bigla ang pamangkin niyang mahilig manood ng mga koreana novela. 'Isa siya sa mga pinapanood ni Mikaela?!'
"Pak girl! Haba ng hair mo! Yieeee!" may pa tili-tili pa nitong sabi. "Sana all talaga! Biruin mo? Isang superstar yung ka jugjugan mo. Ibang level kana sis! Nakatikim ka na ng mga inaasam ng bawat babae dito sa atin!"
"Kaya pala…" Hindi na niya narinig pa ang mga sinabi ni Ynette. Masyadong natuon ang pansin niya sa natuklasan niya.
'Kaya pala nagtataka siya kung bakit di ko siya kilala... OMG!' Hindi makapaniwala si Crystal na isang sikat na tao pala ang nakauna sa kanya. Hindi niya alam kung dapat bang mabless siya or matakot. Naiisip niya agad ang mga pwedeng mangyari sa kanya kapag malaman ng ibang tao ang tungkol sa ginagawa nila ni Hanuel.
Na baka magaya siya sa mga sumisikat o baka naman ay ma-bash siya. Tumanda na lang siyang hindi aktibo sa kung ano mang sosyal midya tapos ngayon ay magkakaroon siya ng ugnayan sa isang sikat na tao na may milyong taga-hanga.
'OMG! Anong gagawin ko?'
Lumipas ang ilang araw ay muling bumalik na si Crystal sa kanyang trabaho. Kung tutuusin ay hindi na niya dapat pang gawin ito ngunit minabuti niyang magpatuloy. Naisip niya kasing baka magtaka ang kanyang pamilya. Tsaka hindi naman palagi nasa pinas si Haneul kaya naisip niyang mas maganda kung mayroon siyang pagkakaabalahang iba.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman niya. Maige na lang ay mapagkakatiwalaan niya si Ynette. Hindi kasi pwedeng malaman ng iba ang tungkol sa ugnayan nila ni Hanuel.
Mas gusto na lang din niya ang ganoon dahil ayaw niyang magulo pa ang tahimik niyang buhay.
Huminga ng malalim si Crystal. Nasa harap kasi siya ng isang atm machine. Pinag-iisipan niya kung magwi-withdraw ba siya o hindi. Nahihiya pa rin siya kaso kailangan na ng gamot ng nanay niya. Mayroon na kasi itong maintenance tapos malayo pa kasi ang sweldo niya at wala rin naman maiabot pa ang kanyang mga kapatid.
"Sige na nga. Sweldo ko naman 'to eh." Saad niya at ipinasok na ang card sa atm machine. Agad niyang tiningnan kung ilan ba ang laman n'on na ikinagulat niya. One hundred Thousand.
Kinusot-kusot pa niya ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa nabasa.
"Grabe." Naiiling na lang si Crystal. Nagwithdraw na lamang siya ng labing limang libo at umalis na doon. Kinakabahan pa siya dahil ngayon lang siya nagkaroon ng ganon kalaking pera.
Pagkatapos ay naghanap naman siya ng padalahan ng pera saka doon nagpadala. Hindi na siya nagtagal pa at umuwe na rin.
Minabuti na lamang niyang sumakay ng taxi tuwing umuuwe dahil nahihiya siya sa mga tao sa building. Pinagtitinginan kasi siya ng mga receptionist doon at iba pang mga empleyado ng condo. Para kasing hotel ang style ng building na iyon kaya maraming mga staffs at iba pa.
Pasalampak siyang humiga sa sofa at kinuha ang cellphone niya. Dinayal niya agad number ng hipag niya.
"Ate Jess! Kumusta kayo?"
"Okay lang Crystal. Ikaw diyan? Si Nanay andito gusto kang kausapin." Ani ng ate niya na nasa kabilang linya.
"Okay lang po. Pakibigay na lang po sa kanya ang cellphone." Nakangiting saad niya.
"Crystal! Kumusta ka na?" Boses ng Nanay niya. Agad nangilid ang mga luha ni Crystal. Magdadalawang Linggo na kasi na hindi niya nakikita ito. Mababakas din ang pagkasabik sa boses ng kanyang ina.
"Ma... miss ko na po kayo," maluha-luhang sabi niya. Narinig naman niyang suminghot ito.
"Ako rin anak. Kung bakit ba kasi kailangan mo pang tumira diyan eh?" Garalgal na sabi nito. Napangiti na lang si Crystal at bumuntong hininga.
"Kailangan ko po kasi 'Nay," sabi niya. "Tama na nga! Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Okay lang ako anak. Mas magiging okay kung makikita ko ang bunso ko."
"Opo uuwe ako sa Day off ko 'Nay. Nga pala, nagpadala po ako pambili mo ng gamot at paggastos niyo diyan. Pasama ka na lang po kina ate para kuhain mo yung pera bukas."
"Naku Anak. Nag-abala ka pa. Baka mamaya wala ka na panggastos diyan?"
"'Nay. H'wag niyo na isipin 'yon. Importante ang gamot mo." Narinig niya ang pagbuntong hininga nito.
"Pasensya ka na anak. Sobrang laki ng pasasalamat ko dahil andyan ka. Nagpapasalamat ako sa Diyos at biniyayaan niya ang ng mga anak na makakatulong sa akin. Ako na ang nahihiya sa inyo eh. Lalo na sa 'yo Crystal," madamdamin saad nito at narinig na naman niyang suminghot ito.
Agad namang nag-init ang gilid ng kanyang mga mata.
"Ano ka ba 'Nay? Syempre Nanay ka namin. Mahal na mahal ka namin lalo na ako. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo, para sa inyo. Kaya h'wag mong sasabihin 'yan 'Nay. Kung hindi dahil sa inyo ni Tatay wala kami ngayon."
"Hay... siguro kung andito ang Tatay mo sobrang matutuwa iyon."
Natahimik si Crystal. Hindi na niya napigilan ang mga luha niya. Sobrang na mi-miss na rin kasi niya ang Tatay niya. Siguro hindi na niya kailangan pang gawin ang mga bagay na ito kung andito siya ngayon. Likas na maabilidad kasi ang kanyang ama kaya kahit na di sila mayaman ay hindi naman sila nagugutom. Napupunan nito ang mga pangangailangan nilang magkakapatid.
"Ano ba 'yan naiiyak na rin ako eh!" Tumatawang sabi ni Crystal.
Napalingon siya sa may pinto niya nang may marinig siyang nagbukas niyon. Wala naman nag abiso sa kanya na may pupunta sa kanya ngayon at wala siyang bisita kaya medyo kinabahan siya.
"Wait lang 'Nay tatawag ako ulit." Magsasalita pa sana si Rosa ngunit pinatay niya na ito agad at dali-daling lumapit sa may pinto.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang dumating.
"Hey," bati nito sa kanya at agad siyang sinunggaban ng halik.
Chapter 14
"T-Teka." Bahagyang itinulak ni Crystal si Hanuel noong bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg. Hindi naman ito nagpatinag at patuloy lang sa paghalik, sipsip at kagat sa kanyang leeg. "Jun!"
"What?!" Nandidilat ang mga matang singhal ni Hanuel kay Crystal. Para itong inagawan ng pagkain sa inasta nito.
Bahagyang natameme si Crystal kaya hindi siya agad nakapagsalita. Natauhan lang siya noong hahalikan siya ulit ni Hanuel. "I said wait!" pigil niya rito.
Nagtaas lang ng kilay si Hanuel at naghintay na sabihin niya kung bakit ba pinipigilan siya nito.
"Kauuwe ko lang. Hindi pa ako nakak- Ahh!" Napakapit si Crystal sa leeg ng binata nang bigla siya nitong buhatin. Hawak nito ang pang upo niya kaya napapulupot niya ang dalawa niya ang mga paa niya sa bewang nito.
"Then I will clean you up," marahan at kalmado na nitong sabi. Pinamulahan naman ng pisngi si Crystal at tumahimik.
Naglakad na si Hanuel papuntang banyo sa loob ng kwarto nila. Hindi nito inaalis ang paningin niya kay Crytal. Para bang sinasaulo nito ang bawat detalye ng kanyang mukha.
Nang makarating kami sa banyo ay saka niya lang ako ibinaba. "Take off your clothes." Lumunok muna si Crystal saka tumango at tumalikod. Hindi niya kasi kayang tagalan ang mga titig nito.
Namayani ang katahimikan sa loob ng banyo. Tanging kabog lamang ng dibdib at marahas na paghinga ang tunog na naririnig ni Crystal. Bahagyang napaigtad si Crystal nang maramdaman niya ang mainit na hininga ni Hanuel sa may batok niya.
Tumikhim siya, "H-Hindi ka ba busy ngayon?" basag ni Crystal sa katahimikan. Parang gusto niyang batukan ang sarili niya dahil sa biglaan niyang tanong.
"Doesn't matter."
"Ohh!" Muntik na siyang matumba nang bigla siyang iharap ni Hanuel. Agad siyang pinasadahan ng tingin ng binata. Mula sa ulo niya hanggang sa paa.
Hindi man siya kagaya ng mga babaeng nagiging kapareha nito sa mga palabas ay masasabi niyang man panlaban naman siya. Malalaki at bilugan ang dalawa niyang dibdib na may kulay rosas na nipple. Maganda rin ang kurba ng katawan niyang mahahalintulad sa isang gitara. Mahahaba at makinis ang kanyang hita.
Kahit na wala siyang naging boyfriend ay marami naman ang nagbalak na manligaw sa kanya noon ngunit sadyang pamilya ang kanyang inuna.
Bahagyang tumungo si Hanuel habang nakatitig pa rin sa kanya. Napatungo siya kaya di niya maiwasang hindi makita ang dibdib nito. Wala na rin itong suot na damit kaya napababa agad ang kanyang paningin.
Nakagat na lamang niya ang kanyang labi nang makita niya ulit ang pagkalalaki nito. 'Grabe..' Tayong tayo na ito at ano mang oras ay handa na sumabak sa gyera.
"Ahm," napakislot siya nang dumampi ang malamig na tubig sa kanyang likod. Binuksan na ni Hanuel ang shower kaya parehas sila unti-unting nabasa.
"You're.. beautiful," mahinang sabi ni Hanuel ngunit hindi ito narinig ni Crystal kaya nag angat siya ng tingin. Magsasalita pa lang sana siya nang muli siyang halikan ni Hanuel.
Pumulupot ang dalawang kamay ni Hanuel sa kanyang bewang. Sa bawat pagdampi ng palad nito sa balat niya ay para siyang kunukuryente. Hinila siya nito para lalo pa magdikit ang kanilang katawan. Ramdam na ramdam tuloy ni Crystal ngayon ang matigas nitong pagkalalaki.
Bumaba ang mga halik ni Hanuel sa kanyang leeg at dumeretso sa kanyang dibdib. Sinapo niya ang magkabilang dibdib niya at saka halinhinang sinipsip iyon. Parang kiniliti si Crystal sa ginagawa ng binata kaya napakapit na siya sa may batok nito. Panay arko din ang kanyang katawan dahil sa pagsabay sa ginagawa ng lalaki.
Bahagya siyang nataranta noong maramdaman niyang bumaba ang isang kamay ni Hanuel. Dumaan iyon sa kanyang puson hanggang sa maabot ang kanyang pagkababae. "J-Jun.." ungol niya.
Di niya maiwasang makaramdam ng pagka-ihi sa tuwing nadadampian ng daliri ng binata ang maliit na nakausling laman sa may bukana niya. Hindi iyon masakit ngunit para siyang mababaliw sa tuwing madidikitan iyon ng binata. Na mukhang napansin ng lalake dahil nilalaro pa muna niya iyon ng ilang saglit.
"Ohh!" Napapapikit na ungol ni Crystal. Nasabunutan na niya ang binata ngunit hindi iyon alintana ng huli. Malamig ang tubig na patuloy na umaagos sa katawan niya mula sa bukas na shower ngunit para parin siyang lalagnatin. Sobra siyang na eengganyo sa ginagawa ng binata sa kanya.
"J-Jun!" Halos mapasigaw si Crystal nang maramdaman niyang hindi na daliri ng binata ang kumakalikot sa ibaba niya kundi ang bibig na nito. Parang itong nakikipaghalikan sa ibaba niya. Halos tumirik na ang mga mata ni Crystal dahil sa sarap na kanyang nararamdaman. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito. "A-Ang sarap!"
Nagtagal pa ng ilang sandali si Hanuel sa ibaba niya nang bigla itong tumigil at tumayo. Puno ng pagtatakang tiningnan niya si Hanuel na para bang sinasabi niyang h'wag itong tumigil. Ngunit imbes na sundin siya ay hinalikan siya nito. Marahan, magaan at puno ng paglalambing.
Bahagya nitong itinaas ang isa niyang paa at marahang ipinasok ang pagkalalaki niya sa kanya. Gusto sanang umungol ni Crystal ngunit hindi niya magawa dahil sakop ni Hanuel ang kanyang bibig. Kaya impit lamang ang lumalabas sa kanya.
Kumapit siya sa mga braso nito noong unti-unti nang bumilis ang pagkilos ni Hanuel. Nagpatuloy ito sa pagindayog sa kanyang harapan hanggang sa maramdaman niyang parang sumikip sa kanyang ibaba. Para na rin siyang maiihi. Parang merong gustong kumawala sa kanyang puson.
"Ohh!" Ungol ni Hanuel nang maramdaman niyang malapit na siyang labasan. Iniangat na niya rin ang isang paa ng dalaga at isinandig ito sa pader saka tinuloy ang ginagawa. Sa dinami-dami na ng babaeng naka siping niya ay ngayon lang siya parang mababaliw dahil sa sarap na kanyang nararamdaman. Mainit at makipot ang loob ni Crystal tapos parang pinipisil-pisil pa nito ang kanyang pagkalalaki.
Hinalikan niya ang dalaga at lalong binilisan ang mga kilos noon maramdaman niyang lalabas na ang kanyang katas. Nakita niyang tumitirik na rin ang mga mata ni Crystal. Hindi niya alintana ang hapdi na nararamdaman niya dahil sa malakas na pagkakakapit nito sa kanyang braso.
Mayamaya ay naramdaman niyang mas sumikip ang bukana ni Crystal tanda na lalabasan na rin ito kaya hindi na niya pinigilan pa ang kanyang sarili.
"Ahh!"
"Ohhh!"
Sabay na ungol ng dalawa nang marating na nila ang rurok ng kaligayahan.
"Wake up sleepy head," malambing na saad ni Hanuel at marahang hinalikan sa pisngi ang dalaga. Kumislot ito at unti-unting idinilat ang mga mata.
"Hmm.." Ungol lamang niya at tumalikod dito. Tinatamad pa siyang tumayo dahil pakiramdam niya ay masakit ang buong katawan niya. Hindi na kasi siya tinigilan ng binata kagabi. Kung hindi pa siya nakaramdam ng gutom ay hindi ito titigil sa pakikipag siping sa kanya. Pagkatapos kumain ay isang oras lang din siya nagpahinga at muli siyang inangkin nito.
"Hey. I thought you still go to your job?" Hindi sumagot si Crystal at muling natulog. "It's six in the morning, my dear."
Bahagyang nagloading pa sa isipan ni Crystal ang sinabi ng binata. 'Six? Hala!' Napabalikwas ng bangon si Crystal at walang lingon likod na pumasok ng banyo. Natatawa na lamang na pinanood siya ni Hanuel.
Nagmamadali siyang naligo. Dahil sa pagod ay nakalimutan na niyang may trabaho pa pala siyang papasukan. 'Haist! Male-late kana Crystal!' Pagkatapos niyang maligo ay basa-basa pang lumabas ng banyo si Crystal. Hindi niya alintana ang kanyang kahubaran na malantad sa tumatawang si Hanuel.
Nakahiga lang si Hanuel sa kama at pinapanood lamang si Crystal. Hindi tuloy maiwasang magising ng kanyang pagkalalake ng makita ang katawan nito. Kinagat na lamang niya ang kanyang mga labi at pinigil ang sarili. Noong makita niyang bihis na ang dalaga at ang buhok na nito ang inaayos niya ay tumayo na siya. Lumabas siya ng kwarto at naupo sa sofa. Hinintay niyang lumabas ng kwarto si Crystal. Ilang sandali lang ay lumabas din ito.
"I'm sorry ha? I just really need to go," paalam ni Crystal kay Hanuel. Hindi ito umiik kaya napatigil siya sa paglalakad. "I'm- I will make it up later. Promise," dagdag pa niya.
'Jusme ayaw pa niya ata akong paalisin.'
Tumikhim si Hanuel, "Change your clothes," seryosong sabi nito.
Napakunot ang noo ni Crystal, "Ha? Why? I have to go. Male-late na ako."
"That outfit won't fit the place we will go to."
Lalong kumunot ang noo niya. "Ha? What do you mean? I have to go to work."
"Check your calendar, agassi," sabi lang nito at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib.
Nalilito man ay tiningnan ni Crystal ang kalendaryo ng cellphone niya. Napapalatak na lamang siya nang mapagtantong linggo ngayon at wala siyang pasok. Naiinis na tiningnan niya ang tumatawang si Hanuel. "Bakit 'di mo sinabi sa akin?" pagalit na tanong niya rito.
"Sorry," sabi lang nito.
Inirapan niya ito at humalukipkip lang sa kanyang kinatatayuan. Ang sarap ng tulog niya kanina tapos inistorbo siya nito. Wala naman pala silang pasok.
"Hey.. I'm sorry!" Tumayo ito at lumapit sa kanya. "Change your clothes. We will go somewhere."
Tumaas ang kilay niya at tiningnan ito. "Saan?"
"Basta.. Just change your clothes."
Chapter 15
"Wow!" namamanghang saad ni Crystal habang nakatanaw sila isang isla. Maliit lamang iyon kung titignan at napapalibutan ng puting buhangin.
Nakasakay sila ni Hanuel sa isang private sea airplane. Mahigit dalawang oras din ang biniyahe nila mula sa Manila papunta sa Palawan.
Katabi niya si Hanuel na naka-sunglasses na itim, puting polo shirt na bukas ang tatlong butones sa itaas at dark blue na short na hanggang tuhod. Tinernuhan niya iyon ng kulay brown na espadrilles. Tahimik lang ito at nakatanaw din sa islang pupuntahan nila. Agaw pansin ang kagwapuhan nito at pihadong merong makakakilala sa kanyang mga tao.
Si Crystal naman ay nakasuot ng kulay blue na boho dress na may floral na mga naka-imprinta. Mahaba iyon at hanggang sa may sakong niya. Hindi naman siya nahihirapan kumilos dahil maluwag ang ibaba niyon at merong mahabang slit ang pinaka palda nito. Kaya naman ay meron din siyang suot na maiksing itim na shorts. Binagayan niya iyon ng kulay krema na beach hat. Nakasuot din siya ng flat sandlas na may T-type straps na style. Kulay dirty white ang apakan noon at ang strap nito ay kulay black.
Pagkatapos kasi siya pagbihisin ni Hanuel kaninang umaga ay inakay na siya nito agad pababa. Pagkatapos ay inakay na siya pababa ni Hanuel sa parking lot. Naandoon na si Joseph sa ibaba at naghihintay na pala sa kanila. Inabot lang nito ang mga pinamili nitong mga damit at iba pang mga gamit na gagamitin nila sa pupuntahan nila.
"Okay lang ba talaga 'to?" tanong ni Crystal kay Hanuel. Nilingon siya ng binata ng nakakunot ang noo.
"What do you mean?"
"Ano… They will know who you are?"
"Ahh... so, you now know who I am?" manghang sabi ni Hanuel. Bahagya siyang tumango. "It's okay, and this is a private resort. All staff here are not allowed to tell anyone what they will see or hear here. The management will sue them."
Napanganga si Crystal. Hindi siya makapaniwala na may ganoong resort pala. Minsan na naman siya nakarating ng resort pero mumurahin lang ang lahat ng iyon at marami pang mga tao. Hindi kagaya dito na mukhang iilan lang ang pwede doon.
Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na sila sa isla. Agad silang sinalubong ng mga staff ng resort. Lahat sila ay nakasuot ng light brown na slacks sa mga babae at ang mga lalake naman ay na kaki shorts. Samantalang ang pang itaas naman nila ay kulay maroon na polo shirts na nakatuck-in. Sa kaliwa ng dibdib nila ay may naka pin na maliit na nameplate at sa ilalalim niyon ay ang pangalan ng resorts.
Lahat sila nakatuon ang tingin kay Hanuel. Kinikilig at hindi makapaniwala na kaharap nila ang binata. Kinausap lang ni Hanuel ang mga ito at muli silang sumakay isang small yacht.
Tahimik lang na nakatanaw si Crystal sa paligid. Hindi niya maiwasang hindi mamangha sa isla. Tubong Cavitena si Crystal kaya bago sa kanya makakita ng mga isla sa personal. Lahat ay sa telebisyon lamang. Napapalibutan ang buong isla ng puting buhangin. Marami pa rin doong mga puno kaya nakakatuwang tingnan ang kulay berdeng paligid.
Ilang sandali lang ay bumaba sila sa tapat ng isang villa. May nakapaskil doong 'North East Villa.' Malaki iyon na parang isang bahay na.
'Wow! Mas malaki pa ito sa bahay namin!' namamanghang puri ni Crystal sa villa. Naunang pumasok doon ang mga staff dala ang mga gamit nila. Samantalang inalalayan naman siya ni Hanuel na bumaba sa Yacht.
Bahagyang naka-lebel sa lupa ang villa kaya umakyat pa sila sa hagdan na may limang baitang. Natanaw niya ang maliit na swimming pool sa balcony ng villa. Napakalinaw niyon na bahagya pang kumikinang-kinang dahil sa sinag ng araw. Meron ding dalawang beach bed doon at sa pagitan niyon ay may maliit na lamesa.
Binuksan ng isang staff ang pinto malapit sa isang upuan. Hindi muna pumasok si Crystal at hinayaan ang tatlo na pumasok doon. Tumanaw ulit siya sa paligid at ninamnam ang hangin na dumadapo sa kanyang balat.
'Tuwang-tuwa siguro sila nanay kung andito rin sila.' Nakangiting sabi ni Crystal sa kanyang isipan. Hindi niya maiwasang hindi malungkot kasi hindi nila nakikita ang nakikita niya ngayon. Medyo nalungkot siya dahil ito ang mga bagay na gusto niyang iparanas sa kanila. Na siguro ay hanggang pangarap na lang dahil hindi niya kakayanin na ibigay ito sa kanila.
Maya-maya pa ay lumabas na ang tatlo. Nagpaalam sa kanya ang dalawang staff saka muling sumakay sa small yacht at umalis.
"They will send us food, and after that, we can enjoy this whole island,” balita sa kanya ni Hanuel habang papalapit ito.
Ngumiti ng ubod ng tamis si Crystal, "Thank you for this Hanuel. Nakakahiya man ay ngayon lang ako nakapunta sa ganito."
"It's okay don't worry. Remember again that we are talking about yourself here. Consider this as your bonus,” nakangiting sabi nito. Hindi maiwasang ibaba ni Hanuel ang kanyang paningin sa mga labi ng dalaga noong ngumiti ulit ito sa kanya. Agad bumilis ang tibok ng kanyang puso nang masilayan niya ito. 'I'm getting crazy.' Iniwas niya ang kanyang paningin dahil sa gusto na naman niyang halikan ito. Kanina pa siya nagpipigil na hawakan ang dalaga. "Let's go inside."
Tumalikod agad si Hanuel at naglakad papasok ng villa. Sumunod naman agad si Crystal habang nakatungo at nakatingin sa kahoy na sahig. Pagpasok sila ay merong maliit na sala doon at sa likod ng mahabang sofa ay merong maliit na counter. May mga alak na nakalagay doon at maliit na refrigerator. Sa kaliwang parte ng villa ay meron pang dalawang pinto. Parang isang buong bahay na ang nirentahan ng binata.
"That will be our room," itinuro ni Hanuel ang unang pinto malapit sa kanila. "And that is the shower room." Turo naman nito sa kasunod na pinto. Kinuha ni Hanuel ang dalawang maleta nasa may pintong pinasukan nila at hinila iyon papunta sa kwarto.
"Ako na mag-aayos niyan." Sabi niya sa binata. Sumunod kasi siya doon. Lumapit na siya sa mga maleta at binukan iyon. Merong malaking cabinet doon na pwedeng paglagyan ng mga damit. Nasa gitna ang king size bed na may kulay puting kobre kama.
Elegante ang bawat desenyo ng silid na kahit ang ginamit na wallpaper ay masasabi mong hindi mumurahin.
"Okay, I will leave you here. I'll wait for our food outside."
Tumango na lamang siya dito at sinimulang ayusin ang mga damit nila. Kaunti lang naman iyon at halos lahat ay mga damit pang beach. Lahat iyon ay bago maging ang kay Hanuel dahil meron pa itong mga tag. Kompleto pati ang mga underwears nila, mga toiletries at pang paa. Hindi niya maiwasang hindi mamangha sa mga presyo ng mga damit na binili ni Joseph. Yung iba kasi ay halos katumbas na ng isang buwan niyang sweldo.
"Grabe mag-aksaya ng pera," napapailing na sabi ni Crystal. Hindi tuloy maiwasang mapaisip kung magkano ba ang nagastos ng binata sa bakasyon nila. Ni minsan ay hindi niya maiisip na gumastos ng ganito kalaki kahit na gustuhin niyang dalhin dito ang pamilya niya.
Pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit nila ay lumabas na siya. Naabutan niya si Hanuel na nakaupo sa may pool at may hawak na beer. Nakalublob ang paa nito sa tubig at nakatanaw naman sa malawak na dagat.
Sa gilid ng pool ay merong round table na may malaking payong. Nakahain na doon ang mga pagkain na in-order ni Hanuel kanina. Hindi pa siya nakakalabas ay naamoy na niya ang mabangong amoy ng pagkain.
Lumingon sa kanya si Hanuel. Naramdaman siguro nito ang pagdating niya. "You done?" tanong nito. Tumango si Crystal at tuluyan nang lumapit kay Hanuel.
Tumayo naman ang lalaki mula sa kanyang pagkakaupo, "Let's eat."
Korean foods ang mga nakahain kaya bago sa paningin ni Crystal. Tanging ang Kimchi lang ang alam niya at kanin. Medyo nag alala pa si Hanuel kay Crystal kung magugustuhan niya ba ang pagkain. Bago man sa panlasa ni Crystal ay nagustuhan naman niya iyon.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta sila sa reception area. Gusto kasi maghiking ni Hanuel, isa iyon sa mga activities na pwedeng gawin sa isla. Merong bundok sa pinaka gitna ng isla. Hindi naman iyon sobrang taas kaya madali lang din nila na natunton ang tuktok niyon.
"Ang ganda…" namamanghang usal ni Crystal habang nakatanaw sa ibaba ng bundok. Ipinikit niya ang kayang mga mata upang mas lalo pang madama ang hangin na dumadapo sa kanyang mukha. Hinahawi niyon ang kanyang mga buhok.
"You like it?" tanong ni Hanuel kay Crystal. Pinagmamasdan niya lang ito na nakatanaw sa kabuuan ng isla. Marahang tumango si Crystal at lumingon sa kanya.
"Thank you for bringing me here." Ngumiti ng sobrang tamis sa kanya at muling tumingin sa magandang tanawin.
Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ni Hanuel habang pinagmamasdan si Crystal. Habang tumatagal na nakakasama niya ang dalaga ay lalo itong gumaganda sa kanyang paningin. She's not the prettiest woman he knew, but there is something that makes her exceptional. That's why he chooses her. He can quickly get a girl for a night. But Crystal is different.
She's something more.

