Second Chance with Mr. Billionaire
Ameiry Savar
Blurb:
Labis na nasaktan si Belinda noong iniwan siya ng kaniyang nobyo sa harap ng altar. Hinintay niya ito pero hindi na ito muling nagpakita. Tatlong taon ang nakalipas ay muli itong nagpakita bilang boss sa kompanyang kaniyang pinagtatrabahuan.
Magawa pa kaya niya itong mapatawad kung malaman niyang ang totoo?
Chapter 1
Nanginginig ang mga kamay ko habang pinagpanood ang video sa cellphone ko.
Gusto kong ialis ang mga mata ko pero hindi ko magawa dahil sa lalakeng bida ng video na iyon.
It was Victor.
My boyfriend.
Ang lalakeng pakakasalan ko sana ngayong araw.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Naka-make-up na kasi ako at wedding dress. Ito sana ang pinakamasayang araw ko, pero bigla iyong nagbago.
“Ma’am? Are you okay? Nasa simbahan na po tayo."
Para akong biglang natauhan noong marinig ko ang driver. Pagtingin ko sa labas ay nasa tapat na pala kami ng simbahan. Kinakatok na rin pala ako ng wedding manager naming si Clarisse.
Nasa simbahan na ako. Pero paano ko pa matutuloy ang kasal kung kakapanood ko lang sa fiancee ko na may kasiping na iba?
Tuluyan nang nabuksan ni Clarisse ang pinto ng kotse.
"Belinda–oh my god! Why are you crying?! Your make up is now ruined!” gulat na tanong ni Clarisse.
Pero hindi ko siya masagot. Mas lalo lang akong napaiyak.
How could Victor do this to me?
Akala ko ba ay mahal niya ako? Ni hindi niya nga ako ginagalaw daw nga malaki raw ang respeto niya sa akin. O talagang pinagloloko niya lang ako?
Tuluyan na ba niyang naisip na mas pinipili niya ang mga magulang kaysa sa akin?
Ayaw kasi ako ng pamilya niya dahil sa estado ng buhay namin. Mayaman kasi ang angkan ni Victor. Sila ang may-ari ng halos kalahati ng Sanceldo.
Habang ako? Isang factory worker lang sa isang kompanya nila.
Mahirap at hindi nagmula sa mayamang angkan.
Magkaklase kasi kami noong college kaya magkakilala rin talaga kami.
Nagbago na ba talaga ang kaniyang isip?
“Halika na! Naghihintay na ang mga bisita sa loob, Belinda!” sabi ulit ni Clarisse. “Diyos ko! Ano bang nangyayari? Pati ang groom ay wala pa!”
Lalo akong nanghina noong marinig ko iyon.
“Ano’ng sabi mo? Wala pa si Victor?” tanong ko.
“Yes! Sinusubukan naming tawagan siya pero hindi sumasagot.”
Nag-panic na ako. Pinahid ko ang mga luha ko at tiningnan ang driver.
“Kuya, sa mansyon po ng mga Benitez.”
“Huh? Sandali, Bel! Saan ka pupunta? Paano ang kasal mo?” pigil ni Clarisse.
Tiningnan ko siya. “Hindi rin naman ako makakasal kung wala ang groom ko.”
Napamaang si Clarisae. Bago pa siya ulit magsalita ay sinabihan ko si kuya na umandar na ulit.
Habang nagbabyahe kami ay panay dasal ko na sana mali lang ang mga nangyayari. Na baka may magandang rason lang si Victor. Baka hindi pa na plantsa ang tuxedo niya kaya late siya. O kaya baka edited ang video na napanood ko ngayon.
Sana panaginip lang ito.
Pagdating ko sa mansyon nila ay agad akong bumaba ng kotse. Habang hila-hila ang traje de boda ko ay tinakbo ang gate nila. Pero doon pa lang ay hinarang na ako ng mga guard nila.
“Hindi ka pwedeng pumasok, Ms. Jimenez. Pasensya na.”
Pilit kong pinatapang ang mukha ko.
“K-Kailangan kong makausap si Victor, Kuya. Please! Pakisabi na kasal namin ngayon! Nasaan na siya?”
“Wala si Sir ngayon dito. Kahapon pa umalis. Kasama nga niya ang mga magulang niya.”
Natigilan ako. “Ha? Saan naman sila pumunta? Kasal namin ngayon ni Victor, Kuya. Magkausap pa lang kami kaninang umaga!”
Umiling si Kuyang Guard. “Pasensya na, Belinda. Wala talaga sila ngayon. Pumunta silang abroad para daw magbakasyon. Ayaw ko naman mawalan ng trabaho kaya hindi kita mapapasok.”
Tuluyan na akong nanghina.
Wala na si Victor.
Umalis na siya.
Sa mismong araw ng kasal namin.
Paano niya nagawa ito sa akin?
Akala ko ba ay mahal niya talaga ako? Akala ko ay tanggap niya ako.
Pero bakit bigla siyang nawala?
Bakit bigla niya akong iniwan?
Chapter 2
Naging usap-usapan sa buong Salcedo ang nangyari sa kasal namin ni Victor. Halo-halo ang kanilang mga opinyon.
Mayroong mga naawa sa akin. Mayroon namang mga ako pa ang sinisi.
Masyado raw kasing mataas ang pangarap ko sa buhay. Alam ko naman daw na napakalayo ng agwat namin ni Victor, pero talagang umasa pa ako na mamahalin niya ako nang totoo.
Oo na. Siguro ay umasa talaga ako. Pero ramdam ko. Alam ko na minahal talaga ako ni Victor. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Pero hindi ako nawawalan nang pag-asa na babalik siya at kakausapin ako.
Hindi ako lumabas ng bahay ng ilang araw. Puro ako iyak. Ilang beses ko ring sinubukang tawagan si Victor pero hindi ko na talaga ito na contact.
Paminsan-minsan ay nalabas ako para dumalaw sa mansyon nila. Umaasa na baka bumalik na ito.
Pero wala talaga.
Lumipas ang mga araw. Ang mga araw na naging linggo. Ang linggo ay naging buwan. Hanggang sa lumipas ang tatlong taon.
Tuluyan na akong nawalan nang pag-asa ata pilit na inayos muli ang buhay ko.
Nagtrabaho akong muli upang may maipangtustos sa pamilya ko. Matatanda na sila Inay at Itay. Nag-aaral pa si Junjun. Ako na lang ang inaasahan nila. Kaya kahit masakit pa rin ang aking puso at gustong-gusto ko nang bumitaw ay kinailangan ko na ulit magtrabaho.
“Bel! Naku! Nandiyan na naman si Sir Mike!”
Napatingin ako kay Andrea, ang best friend ko. Parehas kaming nagtratabaho ngayon sa kompanya ng mga Benitez.
Oo, dito pa rin ako nagtrabaho dahil halos lahat naman ng kompanya dito sa Salcedo ay ang mga Benitez ang may-ari.
Naiikot ko ang aking mga mata. “Ano ka ba, Andeng? Trabaho ang asikasuhin mo!” saway ko sa kaniya.
Napalabi si Andrea. “Ano ka ba? Three years ka nang single. Tsaka si Sir Mike na ‘yan, oh? Ayaw mo pa ba?”
Napailing na lang ako habang nakangisi nang kaunti.
Si Sir Mike, ang manager namin. Matagal na kasi itong nagbabalak na manligaw sa akin.
Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang umoo sa kaniya. Gwapo naman si Sir Mike. Matipuno rin ang katawan at may matangos na ilong. Higit sa lahat ay mabait ito.
Pero hindi pa talaga handa ang puso ko.
“Sabi ko naman sa ‘yo na ang focus ko ngayon ay ang magpayaman! Saka na ‘yang mga lalakeng ‘yan!” sabi ko na lang.
“May lalake ka na?"
Natigilan ako noong marinig ko ang boses ng isang lalake. Pag-angat kong muli ay nakita ko ang gwapong mukha ni Sir Mike.
Napakurap-kurap ako. Nakita ko pa si Andrea na nakangisi nang malapad sa likuran ni Sir Mike.
‘Itong babaeng ‘to talaga!’
Nag-aalinlangang ngumiti ako.
"Huh? Wala, Sir! Itong si Andrea kasi. Pinagti-trip-an ako.”
Natawa si Sir Mike. “Here."
May inilapag itong cup ng kape na nabili niya sa labas. Naamoy ko agad ang aroma ng paborito kong flavor. Mocha coffee.
Pero hindi ko agad iyon hinawakan kasi nahiya ako kay Sir. Palagi niya kasi ako dinadalhan nito tuwing umaga kahit sinasabihan ko nang hindi na kailangan.
“Naku, Sir! Bakit nag-abala ka pa? Okay na naman po ako.”
Umiling si Sir Mike. “It’s okay. Tsaka binigyan ko rin ang lahat. Today is a special day.”
Napatingin ako sa ibang mga kasama ko. May isa kaming katrabaho na naglalapag ng kape sa lamesa ng teammates namin.
Napangiwi ako nang kaunti. Masyado ata akong nagi-expect palagi.
“Special day? Bakit po, Sir? Tambak na naman ba ang trabaho namin?" pabirong tanong ko.
"Hindi naman. Pero dadating kasi ang bagong CEO ng company ngayon. So, we need to impress him. And I am expecting that you all will do good, okay?”
Inilibot ni Sir ang paningin niya sa amin.
“Yes, Sir!" sabi ng isa naming team.
Nagpalakpakan pa ang iba.
"Team Mike all the way!” sigaw ng isa.
Napuno saglit nang tawanan ang silid namin. Itinaas ni Sir Mike ang kamay niya at unti-unting humupa ang ingay.
Ako naman ay napapangiting kinuha ang kape na ibinigay ni Sir. Deserve naman niya ang recognition.
Mabait na boss at may care sa kaniyang mga tao. Kahit pressured sa trabaho ay never pa kaming nakarinig ng mga masasakit na salita.
“And you, my best employee.”
Tumingin sa akin si Sir Mike. Napaupo agad ako nang maayos.
“Ikaw ang magto-tour kay Mr. Benitez sa buong company. Okay lang ba?”
Bigla akong natigilan noong marinig ko ang binanggit niyang pangalan.
“B-Benitez? Isa sa mga Benitez ang bagong CEO?” tanong ko.
Bahagyang nangunot ang noo ni Sir. “Well… I’m not sure. Hindi ko pa siya nakikita, actually. So, it’s okay?”
Pinilit ko na lang ngumiti at marahang tumango.
“O-Of course, Sir.”
Bakit bigla akong kinabahan?
Chapter 3
Hindi na ako mapakali magmula noong mag-announce si Sir Mike.
Pakiramdam ko kasi ay may paparating na na namang delubyo sa buhay ko. At sigurado ako na hindi ko naman iyon magugustuhan.
Tanghali noong biglang lumabas si Sir Mike sa office niya.
“Come on, Guys! Mr. Benitez is coming up already!” masayang anunsyo nito.
Lahat kami ay napatigil sa kaniya-kaniyang ginagawa. Pinatayo kami ni Sir Mike at pinalinya sa may elevator.
“Inaasahan kita ngayong araw, Bel. Okay lang ba?” bulong ni Sir Mike sa akin.
Napangiwi ako. “S-Sure, Sir! I’ll do my best!" sagot ko.
Kahit na deep inside ay parang gusto nang sumabog ng dibdib ko.
Kilala ko ang halos lahat ng mga Benitez dahil ilang taon din akong naging nobya ni Victor. At siya lang ang alam kong Benitez na wala ngayon sa Salcedo.
Pero sana hindi nga siya ito. Sana iba ito.
Tinapik ni Sir Mike ang balikat ko. Ilang sandali pa ay tumunog na ang elevator. Hudyat na bubukas na ang elevator.
At doon ay parang tumigil ang mundo ko.
Dahan-dahang bumukas ang pinto. Hindi pa man nakakababa ang sakay noon ay naamoy ko na ang gamit nitong pabango.
Pabango na hanggang ngayon ay hindi ko pa nalilimutan. That minty smell na nanunuot talaga sa utak ko.
Lumabas muna sa elevator ang isang lalake na nakasuot ng formal suit. Matangkad. Malinis ang gupit ng buhok. At matipunong katawan. Something na talagang hahabulin ng kahit na sinong babae.
Oh how I miss that face.
Pero sa kabila noon ay muli akong nakaramdam ng kirot noong unti-unti kong na alala ang mga nangyari noon.
It was Victor Benitez. Si Victor ang bago naming CEO.
Nangilid agad ang mga luha ko at napatitig lang sa kaniya.
Sinubukan ko talagang pigilan ang sarili ko na lapitan siya at biglang yakapin. Sa kabila kasi ng mga nangyari ay hindi ko maitatanggi na na-miss ko rin siya nang sobra.
Naramdaman kong marahang siniko ni Andrea ang tagiliran ko.
“Bel… Hindi ba si Ex mo ‘yan?” ani Andrea.
Napakurap-kurap ako. Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko.
“H’wag ka maingay, Andeng. Nasa trabaho tayo,” saway ko sa kaniya.
“Mr. Benitez! Salamat at nakarating na kayo!”
Lumapit agad si Sir Mike kay Victor at nakipagkamay dito.
“How’s your flight, Sir?”
“Well… it was good. But I still have jet lag, I guess. I couldn’t sleep last night,” tugon ni Victor.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi niya.
Kagabi pa pala siya narito. Pero ni hindi manlang niya ako naisip na hanapin. Talaga bang kinalimutan na niya ako?
“Anyway, this is my team, Sir. And we will be working with you,” pakilala ni Sir sa amin.
Agad na bumati ang ibang mga katrabaho ko sa kaniya. Pero ako ay nanatiling nakatingin sa gilid. Hindi ko magawang matingnan siya dahil para na akong mauubusan ng hininga sa bilis nang pagtibok ng puso ko.
Kaya nagulat ako noong bigla akong hinawakan ni Sir Mike sa braso at hinila palapit kay Victor.
“And this is Belinda. She will tour you around.”
Bigla akong nanigas noong mapalapit ako ulit kay Victor. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa sobrang bilis nang pagtibok niyon.
Tumingin ako kay Victor. Nakatitig na rin siya sa akin. Pero mayroong kakaiba roon.
The grey eyes that looked at me full of love and kindness before. Now it was icy and cold. Na para bang hindi niya ako kilala.
“Belinda?" ani niya pa.
"Yes, Sir. Belinda is my best employee here.”
Tumango si Victor. Then he smirked.
“Okay. Then she will be my secretary."
Napamaang ako.
Seryoso ba siya?!
Chapter 4
Belinda's POV
Para pa rin akong nananaginip ngayon na nagkita na kami ulit ni Victor.
Ang akala ko talaga ay hindi na ito ulit mangyayari pa. Pero parang may mali.
Para bang umaasta si Victor na hindi niya ako kilala kahit na ginawa niya akong secretary.
Akala ko noong una ay para lang magkalapit kami ulit. Magkaayos o magkapaliwanagan manlang.
Pero mali ako.
Halos hindi na nga niya ako papagpahingain sa trabaho ko. Kahit saan ay kasama niya ako.
Sa mga meetings. Sa mga company visits. Kahit sa simpleng handaan ay sinasama niya ako.
Nahihiya nga ako dahil parang sinasadya niya iyon. Tapos ipapahiya niya ako sa harap ng maraming tao.
Tiniis ko kahit na nalilito ako sa kung ano man inaasta niya.
Ang Victor kasi na kilala ko ay sobrang mahal na mahal ako. Ni ayaw nga nito na madapuan ako ng langaw. Tapos ngayon ay halos alilain niya na ako sa hindi malamang dahilan.
Hanggang sa hindi ko na kinaya ang ginawa niya isang beses.
May company celebration kami noon. Taon-taon naming ginagawa iyon pagkatapos naming matagumpay na makapag-deal ng isang major deal.
Naghanda talaga ako noong araw na iyon. I always do that. Nagsuot ako ng pink fitted gown na may mahabang slit sa may hita ko.
Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at naglagay ng kaunting make-up.
Pagdating ko sa venue ay nakita ko agad sila Andrea at Sir Mike. Nasa may entrance sila.
Nasuot ng silver dress si Andrea. Habang si Sir Mike ay gwapong-gwapo sa suot nitong amerikano.
“Bell! Wow! Ang ganda mo naman!” ani Andrea.
Lumapit siya sa akin at nakipagbeso. Matipid akong ngumiti.
“Ikaw din."
"Bagay na bagay sa ‘yo, Belinda,” ani Sir Mike.
Lumabi si Andrea. “Sus! Kanina hindi manlang ako nabati. Kapag talaga si Belinda ang nasa harapan mo talbog na lahat, Sir!”
Pinandilatan ko si Andrea.
“Ikaw talaga, Andeng!”
Natawa si Sir Mike. “It’s okay. Totoo naman. Pero ewan ko ba sa kaibigan mo. Hindi ko alam kung kailan niya ako sasagutin.”
Napangiwi ako. “Eh sir—”
“What are you three still doing here? Bakit hindi pa kayo pumasok sa loob?”
Biglang sumingit ang isang pamilyar na baritonong boses.
Paglingon ko sa likuran ko ay si Victor na iyon. Madilim ang mukha at salubong ang mga kilay na nakatingin sa amin.
Agad kaming luminya ni Andrea at marahang nag-bow kay Victor.
“Sorry, Sir. Hinintay kasi muna namin si Belinda,” si Sir Mike ang sumagot.
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Victor.
“Can’t you go inside without her? You are the manager, Mr. Castillo. Don’t disappoint me.”
Nagkatinginan kaming tatlo. Nakita ko rin na tila ba ay nag-iba ang timpla ni Sir Mike dahil sa pagtataray ni Victor.
“Ahm, Okay, Sir. Siguro. Pumasok na nga lang tayo sa loob.”
Hinawakan ko na sa braso ni Andrea at sinenyasan si Sir Mike.
“S-Sige. Para makapag-celebrate na rin tayo,” ani naman ni Andrea.
Tumalikod na kami kay Victor. Lalakad na sana ako ulit pero muli akong napatigil.
“Who says you can go now, Ms. Jimenez?”
Unti-unti akong lumingon kay Victor. “What, Sir?"
"Follow me.”
Hindi na ako nakapagtanong pa noong naglakad na si Victor. Sinenyasan ko na lang sila Sir Mike na pumasok na sa loob.
Ako naman ay nagmamadaling sumunod kay Victor. Halos magdapa pa ako dahil sa bilis nang paglalakad nito. Kaya noong bigla siyang tumigil ay naumpog pa ako sa likod niya.
Nasapo ko ang noo ko. Napalabi pa ako dahil para namang wala talagang pakealam si Victor.
“This is a celebration, right? So, we should be really entertained,” ani Victor.
Nangunot ang noo ko. Pagtingin ko sa harapan niya ay may isang nakasarang pinto.
Binuksan iyon ni Victor at agad kong narinig ang malakas na tugtog sa loob ng silid. Pumasok siya roon kaya sumunod ako agad.
Bahagyang madilim ang paligid dahil sa dim lights. Medyo nakakahilo pa dahil sa disco lights. Sa isang mahabang lamesa ay nakapalibot ang ilang mga kalalakihan na may kaniya–kaniyang kapareha.
“Mr. Benitez! You’re here at last!” ani ng isang lalake.
Matipid lang na ngumiti si Victor. Pagkatapos ay lumingon siya sa akin.
“Hindi ba ganito? You should now entertain us.”
Napaawang ang bibig ko. Hindi ko pa maproseso ang sinabi niya noong hinawakan niya ako sa braso at biglang pinunit ang laylayan ng dress ko.
“Take off your clothes.”
Chapter 5
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Victor. Hindi ako agad nakagalaw dahil sa kaniyang ginawa.
“Ano?”
Hindi pa naman ako lasing dahil hindi pa ako nakakainom. Kararating ko nga lang sa hotel. Kaya malinaw kong narinig ang sinabi niya.
Pinaghuhubad niya ako.
Nagsalubong ang mga kilay ni Victor. Tiningnan lang niya ako na para bang normal lang sa kaniya ang lahat. Hindi ko nga makitaan nang pag-aalinlangan ang mga mata niya.
“Are you deaf? I told you to undress now.”
Napakurap-kurap ako. Sinubukan ko pang hanapin sa mga mata niya na nagbibiro lang siya. Baka lang naman ay pina-prang niya ako.
Kaso wala. Seryoso siya sa gusto niya.
“D-Dito? Victor—”
“You don’t call me by my name!” biglang nagtaas ng boses si Victor.
Napaatras pa ako dahil nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Nangilid na ang mga luha ko.
Bakit pakiramdam ko ay galit na galit siya sa akin? Hindi ba siya ang nagloko at nang-iwan sa ere? Bakit ngayon ay parang ako pa ang may kasalanan?
Hinawakan ko ang sleeve na pinunit niya at tiningnan siya ng deretso.
“I’m sorry, Mr. Benitez. Pero hindi ko gagawin ang gusto mo,” deretsong sabi ko. Pilit ko pang pinatapang ang boses ko kahit na ramdam ko na ang panginginig niyon.
“Whoa! Mukhang matapang itong kasama mo, Victor. I love my woman fierce. Iyon bang… pa hard-to-get pa, pero bibigay din naman pala,” sabi ng isa sa mga kasama nito.
Nangilabot ako sa sinabi nito. Bigla akong nanliit dahil pakiramdam ko ay hindi tao ang tingin nila sa akin ngayon. Kundi isang laruan.
Biglang hinawakan ni Victor nang mahigpit ang braso ko.
“Kapag may iniutos ako sa ‘yo. Gagawin mo, okay? I own you, Ms. Jimenez. At isa pa, h’wag ka nang magmalinis pa. Hindi ba’t ganito ka naman talaga?”
Napaawang ang bibig ko. Biglang nagpantig ang tainga ko. Pilit ko siyang tinulak at sinampal nang malakas.
Natahimik bigla ang buong silid. May ilan pang napasinghap dahil sa ginawa ko.
Ano ba ang akala niya sa akin? Babaeng walang puri? Ni wala pa ngang nangyayari sa aming dalawa! Tapos sasabihin niyang gusto kong maghubad sa harap ng maraming tao?
“Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa ‘yo, Victor. Pero hindi mo ako pag-aari!” sigaw ko.
Nanginginig na ang mga kamay ko dahil sa sobrang galit at pagkadismaya. Ang lalakeng minahal ko noon ay ganoon pala kababa ang tingin sa akin.
Nasapo ni Victor ang kaniyang pisngi. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ako.
“How dare you?! Do you want to die already?!” tanong niya.
Hindi makapaniwalang napangisi ako. “Do it. You already did three years ago,” I whispered.
Nakita ko na biglang nagbago ang ekspresyon niya. Nagulat siya sa sinabi ko at tila ba ay nalito. Pero saglit lang iyon. Muling bumalik ang matinding galit sa mga mata niya.
Naigik pa ako noong bigla niyang hawakan ang leeg ko. Napugto ang aking paghinga kaya sinubukan ko ulit alisin iyon.
“You asked for this,” gigil na sabi niya.
Sandali akong nag-panic. Gusto na niya ba talaga ako mamatay?
Bakit ba parang galit na galit siya sa akin? What did I even do to him para gawin niya ito sa akin?
Tuluyang tumulo ang mga luha ko.
Nakalimutan na ba talaga niya ang nakaraan namin?
Chapter 6
Belinda’s POV
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.
Wala na ako sa madilim at magulong silid na iyon.
Nawala na ang maingay at malakas na tugtugin.
Napalitan ng nakabibinging katahimikan.
Muli ay binalot ako nang matinding kalungkutan at kirot sa aking dibdib.
Nasapo ko ang aking leeg. Nararamdaman ko pa rin doon ang matigas na kamay ni Victor.
Ibang-iba na ang Victor na nakaharap ko kanina. Handa talaga siya na paghubarin ako sa harap ng mga kaibigan niya.
Paano niya ito nagawa sa akin? Bumalik lang ba siya para pahirapan ako ng ganito?
Muling tumulo ang mga luha ko.
Naghintay ako sa kaniya sa pag-asa na muling maibabalik ang kung ano mang mayroon kami.
Tatanggapin ko pa rin naman siya e. Mahal na mahal ko si Victor. Kaya kong magpikit-mata sa nagawa niya sa akin kahit na masakit. Basta bigyan niya lang akong nang magandang paliwanag.
Kaso wala. Bagkus ay heto pa ang ginagawa niya sa akin.
Pinahid ko na ang mga luha ko at tumayo.
Hindi ko alam kung paano ako napunta rito matapos kong mawalan ng malay sa silid na iyon. Matapos niya akong sakalin.
Ayaw ko nang umasa na siya ang nagdala sa akin dito. Nagawa niya nga akong sakalin. Bakit pa siya mag-aabala na dalhin ako rito?
Dapat siguro ay tanggapin ko nang hanggang dito na lang kami. Hindi ko na kakayanin pang makita si Victor kung ganito siya.
Hindi ko alam kung bakit siya galit sa akin. Pero mas pipiliin ko na lang na ako ang lalayo kaysa ganito.
Pagkalabas ko ng kwartong iyon ay doon ko lang na realize na naroon pa rin ako sa hotel kung saan sana gaganapin ang banquet.
Maaga pa kaya sigurado ako na nagkakasiyahan pa rin sila roon. Pero wala na akong lakas na magpakita pa sa mga katrabaho ko. Higit sa lahat ay sira na ang damit ko.
Kaya naman ay nagdere-deretso na lang ako palabas ng hotel.
Hindi pa man ako nakakalayo ay may biglang tumawag sa akin kaya napatigil ako.
“Belinda?”
Paglingon ko ay nagulat pa ako noong makita kong si Sir Mike iyon. Napaawang ang bibig ko at bahagyang napaatras.
“What happened to you? Sino’ng gumawa nito sa ‘yo?” gulat at nag-aalalang tanong niya.
Lumapit siya sa akin habang hinububad ang kaniyang jacket. Pagkatapos ay ipinatong nito iyon sa balikat ko upang matakpan ang punit kong damit.
Nakagat ko ang aking labi.
Pakiramdam ko bigla ay bumigat ang dibdib ko noong makita ko si Sir. Kaya hindi ko na napigilan pa at napahagulhol ako.
“Sshh… I’m here now.”
Marahang hinagod ni Sir Mike ang braso ko. Habang ang noo ko naman ay nakasubsob sa kaniyang dibdib. Para akong batang nagsusumbong sa kaniya at iyak nang iyak.
Wala naman akong balak na sabihin kay Sir Mike ang koneksyon ko sa boss namin.
Siguro ay naghahanap lang ako nang mapaglalabasan ng bigat ng nararamdaman ko.
Ang sakit. Para akong unti-unting pinapatay. Mas masakit ito kaysa noong unang beses kong mapanood ang video. Noong iniwanan ako sa harap ng simbahan ni Victor.
Mas durog na durog ako ngayon dahil nakikit ako mismo si Victor. Dahil mas alam ko na sinasaktan na niya ako.
Sana ay pinatay na lang talaga niya ako kanina. Edi sana ay hindi ko na ulit nararamdaman ito.
“What the hell is going on here?!”
Chapter 7
“What the hell is going on here?!”
Napaigtad ako nang marinig ko ang galit at malalim na boses ni Victor. Awtomatiko akong napalayo kay Sir Mike at napalingon sa aking likuran.
Doon ay nakita ko ang nanlilisik na mga mata ni Victor habang palipat-lipat ang mga tingin sa amin ni Sir Mike.
“V-Victor…”
Nangunot ang noo ko.
Bakit siya nagagalit?
Hindi sumagot si Victor. Bigla na lamang itong lumapit sa amin. Bago pa man kami makapag-react ay bigla nitong sinuntok si Sir Mike sa mukha.
“Victor!” sigaw ko. “Stop it!”
Akma ko sanang lalapitan si Sir Mike. Pero biglang hinablot ni Victor ang kamay ko. Hindi ko na nagawa pang tulungan si Sir Mike na nakahiga pa sa semento.
Hinila ako ni Victor hanggang sa makarating kami sa parking lot. Pasalampak niya akong ipinasok sa loob ng sasakyan niya bago siya sumakay ulit.
“What is wrong with you!?” sigaw ko ulit. Hindi makapaniwalang tiningnan siya. “Matapos mo ako halos ipagkanulo kanina sa mga kaibigan mo. Ngayon ay aakto ka ng ganiyan? Nababaliw ka na ba, Victor?!”
Natawa si Victor. Isang tawa na para bang nang-uuyam pa.
“Bakit? Hindi ba talagang ganoon kang babae? Mali ba ako? E ipamimigay mo na rin naman ang sarili mo sa lalakeng ‘yon, right?!”
Napaawang ang bibig ko. Ganoon na ba talaga kababa ang tingin sa akin ni Victor? Muling nangilid ang mga luha ko. Nag-iwas ako ng tingin habang pilit na inaalis ang kung ano mang nakabara sa lalamunan ko kahit wala naman.
“D-Do you really see me like that?” tanong ko. Isang pagod na tanong na para bang sumusuko na.
“Yes. Alam mo, Belinda. I shouldn’t have fallen in love with you. Isang malaking pagkakamali na nakilala kita. Pinaikot mo lang ako. Pinagmukha mo akong tanga sa harap ng mga ito! Habang ang totoo pala ay iniiputan mo ako sa ulo!”
Tuluyang tumulo ang mga luha ko.
So, iyon pala ang dahilan. Kaya pala ganito na lang ang galit niya sa akin.
“Iniisip mo na niloko kita noon? Ganoon ba?”
Tumingin ako sa kaniya na puno ng pait. Nakita ko na tila ba ay nag-alinlangan siya. Pero nandoon pa rin ang poot sa kaniyang mga mata.
“Yes. Hindi ko lang iniisip. Dahil mayroon akong mga ebidensya, Belinda. You cheated on me,” may diin na sabi niya.
Natawa ako ng pagak. “Kaya ba hindi ka sumipot sa kasal natin?”
“I did. You are gone already. You went with another man.”
Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa sinabi niya. Pumunta raw siya sa kasal namin. Pero wala naman siya roon. Ni hindi nga siya nagpakita na sa akin matapos kong malaman ang tungkol sa video.
“I tried looking for you, Belinda. For explanation. But you are gone! How dare you?!” galit na tanong niya.
Doon na parang may pumitik sa akin.
“Hindi ako umalis ng Salcedo, Victor! Hindi ko alam ang sinasabi mo. Pero ikaw ang hindi sumipot sa kasal natin. Ikaw ang nagloko. You even have the guts to send me your sex video with another woman! Tapos ikaw pa ang aakto nang ganito?”
Natigilan siya.
“What? You didn’t leave?”
“Hindi! I waited for you, Victor. Halos araw-araw akong pumupunta sa bahay niyo. Pero wala ka na. Handa sana akong patawarin kita dahil mahal kita. But you are gone!” sigaw ko pa.
Napahagulhol na ako. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko at tila ba nauubusan na naman ako ng paghinga.
“You know what? Bahala ka na kung ano ang iisipin mo. Tama lang din siguro na nagkita tayo ngayon. This is our closure. We are done, Mr. Benitez,” I said bitterly.
Bago pa man makasagot si Victor ay binuksan ko na ang sasakyan at lumabas ng kotse.
Siya ang una at huli kong naging nobyo. Tapos iisipin niya na may lalake ako?
Minahal niya ba talaga?
Chapter 8
Third Person’s POV
Magmula noong marinig ni Victor ang mga sinabi ni Belinda ay hindi na siya natahimik.
Hindi na rin pumasok ang dalaga sa kompanya kaya hindi na rin niya ito nakita matapos ang insidenteng iyon. Agad niyang inutusan ang kaniyang tauhan upang mag-imbestiga sa totoong nangyari tatlong taon na ang nakalipas.
At ganoon na lamang ang panlulumo ni Victor nang malaman ang katotohanan.
Totoo nga na pumunta si Belinda sa kanilang kasal. Totoo rin na naghintay sa kaniya ang dalaga at pabalik-balik sa kanilang mansyon. Hindi rin ito umalis ng Salcedo kagaya ng pag-aakala niya na wala na roon ang dalaga at sumama sa ibang lalake.
Matapos niyang malaman iyon ay kinompronta niya ang kaniyang ina nagbigay sa kaniya lahat ngn ebidensya. Pero lahat ng iyon ay dineny pa rin nito. Hindi na lang nakipagtalo si Victor at nangakong puputulin ang koneksyon sa pamilya kapag malaman ang totoo mula kay Belinda.
Hinanap niya ang dating nobya. Pero huli na ang lahat dahil nalaman na lamang niya na umalis na pala ito ng Salcedo matapos maibigay ang resignation letter sa kompanya.
Walang nagawa si Victor. Ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Hinanap niya ang dalaga.
Hanggang sa makalipas ang ilang buwan ay nakita niya ito sa ibang bansa at doon na nagtatrabaho. Talagang lumayo ito sa kaniya para hindi na siya makita.
Belinda’s POV
Natigilan ako noong makita ko ang lalakeng nakatayo sa tapat ng restaurant na pinagtatrabahuan ko.
Si Victor.
Pero ibang-iba ang hitsura nito.
Medyo pumayat ito at malalalim ang mga mata. May mga mumunting buhok na tumutubo sa may baba nito. At buhok nito ay gulo-gulo.
Malayong-malayo sa matikas at gwapong si Victor.
Tuluyan itong pumasok sa loob at lumapit sa akin. Gusto ko sanang umiwas kaso hindi ko maikakaila na hindi ko maialis ang mga tingin ko sa kaniya.
I missed him so much.
“Belinda…” tawag niya sa akin.
Parang may kumurot sa aking dibdib noong tinawag niya ang pangalan ko. Pero pilit kong pinatapang ang sarili ko at deretsong tiningnan siya sa mga mata.
“W-What do you want, Sir? We have available tables. Please sit down and let me take your order.”
Pero hindi kumilos si Victor. Nanatili lang siyang nakatayo roon habang nakatitig sa akin.
“Sir—”
“Please, Belinda. Let’s talk.”
“Sir—”
“Belinda.”
Napabuga ako ng hangin. Tinanggal ko ang suot kong apron at naglakad palabas ng restaurant. Ramdam ko naman na sumunod siya sa akin. Pagkalabas namin ay doon ko siya agad na kinausap.
“Ano’ng kailangan mo, VIctor? Hindi ba tapos na tayo?” tanong ko.
Nakita kong mas lumungkot ang ekspresyon niya. Bakit ganito ang inaakto niya ngayon? Noong huli naming pagkikita ay halos sumpain na niya ako.
“I’m sorry, Belinda. Alam ko… nasaktan kita nang sobra.”
I smirked. “Buti naman alam mo na ngayon?”
“I’m a fool. I should’ve talked to you instead of listening to their words.”
Pero nangyari na ang nangyari. Ano pa ba ang gusto niya?
“The damage has been done, Victor. Ano pa ba ang gagawin natin? Tapos na tayo. Nagmo-move on na ako. Umalis na nga ako ng Salcedo para makalayo sa inyong mga Benitez. So, please? Stop following me around!” ani ko.
Hindi ko na hinintay pa ang sunod na sasabihin ni Victor. Iniwanan ko na siya roon at muling pumasok sa loob.
Nagdere-deretso ako sa banyo para sa aming staff at doon ay napahagulhol.
Akala ko ay ayos na ako pero heto at na aapektuhan pa rin pala ako.
I know, I still love him. Pero tama na. Hindi ko na dapat pang pahirapan pa ang sarili ko.
Iisipin ko na lang na isang masalimuot na nakaraan si Victor.
Final Chapter
Magmula noon ay hindi ako tinigilan nI Victor.
Medyo na iinis na nga ako dahil doon pa siya sa trabaho ko nagkakalat.
Madalas kasi niyang order-in ang lahat ng stocks namin tapos pinapamigay na lang sa iba para lang sumama lang ako sa kaniya. Pero hindi naman ako sumasama.
Ayaw ko na talaga sana dahil ayaw ko na ulit masaktan.
Alam ko naman na kahit na magkabalikan kami ulit ay hindi pa rin naman ako matatanggap ng pamilya niya.
Kaya bakit pa ako magtitiis sa kaniya?
Pero habang tumatagal ay unti-unti akong nakaramdam ng kakaiba. Unti-unti ay lumalambot ang puso ko sa kaniya. Hindi naman masama na bigyan ko siya ng chance. Siguro.
Nakikita ko naman kasi ang pagbabago niya. Nakikita ko na pilit niyang binabangong muli ang sarili. Ipinapakita sa akin na ako na talaga ang minamahal niya.
Pero hindi pa rin mawala ang takot sa aking puso.
Hindi pa rin kasi biro maging kalaban ang mga Benitez. At alam ko na marami ang tututol kapag maging kami ulit. Paano kung pagdating ng araw ay mas paniwalaan niya ulit sila? Paano na lang ako? Masasaktan lang ulit ako.
Kahit na natatakot, sinubukan ko pa rin siyang bigyan ng chance.
Doon ko nakita na talagang sinusubukan niyang maging ayos ulit kami.
Mas naging sweet siya. Mas naging maalaga. Minsan nga nahihiya at nawi-wirduhan na ako sa ginagawa niya.
Pero habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kaniya. Para bang muling nabuhay ang dati kong nararamdaman para sa kaniya.
Kaya noong nag-propose siya sa akin ay tinanggap ko. Umoo ako sa ikalawang pagkakataon.
Nagdesisyon kaming magkaroong ng secret wedding ni Victor. Malayo sa mata ng maraming mga mata. Sa mata ng mapanghusgang pamilya niya.
Sa ngayon ay masasabi ko na masaya na ako sa piling ni Victor.
Mayroon na kaming dalawang anak. Sinusubukan pa naming magkaroon pa ng isa pa.
Sinubok man kami ng tadhana. Pero tadhana pa rin ang muling nagbuklod sa amin.
The End

