Chapter 16
Ikalawang araw na nila Crystal sa isla ngayon. Umaga pa lang ay marami na silang ginawa. Sinubukan nila lahat ng activities na meron doon. Sinubukan din niyang magpaandar ng jet ski at mag-paddle boarding. Pero pinaka kinatuwaan ni Crystal ay ang Parasailing. Noong una ay natatakot siya dahil siya lang mag-isa at hindi niya kasama si Hanuel. Idagdag pang itataas ka nito sa ibabaw na para bang lumilipad ka. Nawala lahat ng pangamba niya noong nasa itaas na siya. Sobrang saya niya at sarap sa pakiramdam. Tanaw na tanaw niya ang kabuuan ng dagat at kalahati ng isla.
Wala namang naging problema ang araw nila kahit na marami ang lumalapit kay Hanuel. Mga fans niyang nakikilala siya. Pero kakaunti lang dahil halos lahat ng nasa isla ay mga nasa alta-syodad. Hinahayaan lang naman ni Hanuel at nakikipag-picture kapag merong may gusto. Pero madalas ay nginingitian lang din niya kapag binabati siya.
Kinagabihan ay kumain muna sila sa floating restaurant saka bumalik ng villa. Nagbili rin si Hanuel ng karne na may marinade na para ihawin. Napagkasunduan kasi nilang uminom ng ilang shot bago matulog.
Pagkadating nila ay pinauna na ni Hanuel si Crystal na maglinis ng katawan dahil aayusin pa niya ang pag-iihawan nila. Gusto sana ni Crystal na siya ang gumawa niyon dahil siya naman ang tauhan nito ngunit mariin na tumanggi si Hanuel.
Pagkatapos ni Crystal ay lumabas na rin siya. Nakasuot siya ng kulay gray na one-piece bathing suit at cotton short na kulay black. Nakasuot din siya ng long sleeve beach cover up. Hinayaan niya lang ang buhok niya na nakalugay. Hindi pa man siya nakakalabas ay kita na niya ang uso na nagmumula sa iniihaw ni Hanuel.
Nakatalikod ito sa kanya dahil nasa may gilid lang ito ng pool katabi ng kainan nila. Nakahubad-baro na ito at tanging shorts lang niya ang suot. Napalunok si Crystal nang makita ang kabuuan ng likod nito. Naghihimutok ang mga laman niyon at lalong naumbok sa tuwing gagalaw ang lalaki. Malapar ang likod nito at sa bandang bewang naman ay lumiit ng konti. Maputi at makinis iyon kagaya ng mga nakikita niya sa mga magazines.
Nag-iwas siya ng tingin nang lumingon ito sa kanya. Ngumiti ito kaagad at itinuro ang beach chair sa may tabi niya para maupo siya doon. Hindi doon dumeretso si Crystal bagkus ay lumapit siya sa binata.
"Ako na d'yan," aniya at akmang hahawakan ang pamaypay na hawak ni Hanuel.
"Okay." Ibinigay nito ang pamaypay sa kanya. "I already turned it over. Maluluto na rin 'yan. I'll be back," paalam nito. Napasinghap pa si Crystal nang maramdaman niya ang pagdapo ng palad ni Hanuel sa may bewang niya. Bahagyang ngumiti lamang si Crystal at tumango.
Lumakad na si Hanuel papasok ng bahay kaya tinuon na ni Crystal ang atensyon sa pagluluto.
Ilang sandali pa ay natapos na rin si Crystal. Hinango na niya ang limang karne na nakasalang at isinalang ang natitira pang karne. Hindi niya muna iyon ginalaw dahil baka may gagawin pa si Hanuel doon.
Maya-maya pa ay lumabas na si Hanuel. Nakasuot ito ng puting sando at beach shorts. Labas na labas ang naglalakihang biceps nito. Maging ang mga abs nito dahil see through ang suot nitong sando. Hindi naman maiwasang tignan ni Crystal ang kulay pink nitong nipple.
Napalunok siya at agad nag-iwas ng tingin bago pa mapansin ni Hanuel na nakatingin siya roon.
"Ako na. Just sit down there and wait for me." Nginuso nito ang beach chair na tinuturo sa kanya kanina. Sumunod na lamang siya dito at umupo doon. "Do you want to drink?" Tanong sa kanya ni Hanuel na hindi lumilingon. Tinatadtad nito ang karne na luto na.
"Hintayin na lang kita." Sabi niya lang at sumandig sa upuan. Kinuha niya ang cellphone niya at kinamusta ang pamilya niya. Nakipag-chat din siya kay Ynette. Nagtatanong kasi ito kung nasaan ba siya. Natawa na lang siya ng panay sana all na lang chat nito.
Mayamaya pa ay natapos na si Hanuel. Inilapag nito ang platong punong-puno ng inihaw na karne at kulay pulang sauce na nasa mangkok sa katabi niyang mesa. Muling pumasok si Hanuel at paglabas nito ay may dala nang maliit na cooler. Inilapag niya iyon sa tabi ng mesa. Muli itong pumasok sa loob ng bahay at kumuha ng baso.
Inilaylay ni Crystal ang kanyang mga paa sa upuan at kumuha ng inihaw.
"Do you want to use glass or just directly drink at the bottle?" Tanong nito at inilabas ang dalawang bote ng soju.
"Magbabaso ako," sagot niya dito. Inilabas nito ang ice bucket at nagsalin ng yelo mula sa cooler saka inilagay sa mesa. Umupo ito sa katapat niyang beach chair at nagsalin ng alam.
Dalawang flavor pala ang andoon. Yung isa ay blueberry at ang isa naman ay plain lang. Ang ibinigay ni Hanuel sa kanya ay may flavor. Matagal na itong nakikita ni Crystal kaya alam niya ang alam na iyon pero ngayon lang siya makakatikim niyon. Nagustuhan naman niya ang lasa kaya hindi na siya nagsalita pa.
Tahimik lang sila umiinom hanggang sa unti-unti nang lumalim ang gabi. Ramdam ni Crystal na tinatamaan na siya dahil nakakailang bote na siya. Samantalang si Hanuel ay tahimik lang nakatanaw sa langit at mukhang malalim ang iniisip. Bahagya na itong namumula pero hindi mo makikitaan na nalalasing na.
“Thank you,” basag niya sa katahimikang bumabalot sa kanila. Nilingon siya ni Hanuel.
“Why?”
“For bringing me here. Hindi ko mae-experience ito kung hindi dahil sa 'yo.” Tinungga ni Crystal ang alak na nasa baso niya saka tumingin kay Hanuel.
Ngumisi lang si Hanuel at muling tumingin sa langit. Tumungga rin ito sa bote.
“No, thank you for coming here with me.” Mahinang usal nito at bumuntong hininga. Napansin ni Crystal na lumamlam ang tingin nito sa langit.
“May problema ba? You can tell me,” ani Crystal at kinuha na rin ang bote ng soju at saka doon na rin uminom.
Nilingon siya ni Hanuel. Kumibot-kibot ang mga labi nito saka bahagyang umaawang. Parang may gusto itong sabihin ngunit hindi nito magawa kaya bumuntong hininga na lamang ito at umiling.
“Nothing.” Muling ibinalin ang tingin sa langit.
Hindi inalis ni Crystal ang kanyang paningin kay Hanuel. Ramdam niyang may problema ito ngunit hindi lang ito nagsasalita. Wala naman siyang karapatang pilitin ito na magsabi sa kanya kaya hindi na siya nagpumilit pang magtanong dito.
Muli siyang tumungga at lumapit kay Hanuel. Medyo nahihilo na si Crystal pero nakakalakad pa siya ng maayos. Umupo siya sa tabi ni Hanuel.
Medyo nagulat si Hanuel sa pagtabi ni Crystal sa kanya ngunit hinayaan lang niya ito. Pinanood niya lang ang ginagawa ng dalaga. Napapansin niyang lasing na ito kaya hinahayaan niya lang ito.
Namumungay ang mga mata ni Crystal na tinitigan si Hanuel. Parang biglang nawala ang hiya niya dahil sa ininom na alak. Ngayon lang kasi siya uminom ng marami, madalas ay kapag nahilo na siya ay tumitigil na siya.
“Why?” Nagtatakang tanong ni Hanuel. Kumulubot ang noo nito at tinitigan sa mata si Crystal.
Ngumiti lang ito ng pagkatamis-tamis, itinukod ang siko sa may hita at nangalumbaba. "Nararamdaman ko, may problema ka ngayon." Bumuntong hininga si Crystal. Hindi sumagot si Hanuel at pinagmasdan alang ang dalaga. "Alam mo ba may ginagawa ang Nanay ko sa tuwing nalulungkot ako at sobrang na i-stress na ako dahil sa mga bayarin namin."
“What is it?”
Ngumiti ulit si Crystal. Medyo itinulak niya si Hanuel para tumagilid ito at magkaroon ng espasyo para sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Hanuel nang tumabi sa kanya si Crystal. Kinuha niya ang isang braso nito at inunan saka niyakap siya ng mahigpit.
Bumilis bigla ang tibok ng kanyang puso at parang nanigas si Hanuel sa ginawa nito. Ilang beses na may nangyari sa kanila pero palaging naayon lang ang dalaga sa mga ginagawa niya. Napapakapit ito sa kanya palagi ngunit hindi pa siya nito niyakap ng ganoon kahigpit.
“Sabi ni nanay nakakatulong daw ang pagyakap para maibsan ang lungkot ng isang tao. Nakakatanggal ng stress at nakakapagpasaya.” Humikab si Crystal at lalong sumiksik kay Hanuel.
Napalunok na lamang si Hanuel at dahan-dahan iniyakap dito ang kamay niyang inuunan nito.
“Sa tingin ko totoo naman kasi…” tumigil ulit ito at humikab. “Kasi niyayakap ko lang siya palagi everytime na stress out na ako.” Sumamyo ito. Hindi niya alam kung siya ba ang inamoy nito o ang hangin sa paligid. “Ang bango mo..” napapangiting sabi ni Crystal. “Masyadong stressful ang mundo mo, kaya sana makatulong itong yakap ko.” Lalong humigpit ang yakap ni Crystal kay Hanuel.
Mayamaya pa ay narinig na ni Hanuel ang mahinang paghilik nito. Napangiti na lamang siya at tumagilid ng maayos para makaharap ito. Bahagya niyang iniwas ang mga buhok nitong tumatabing sa kanyang mukha. Hinaplos niya ang pisngi nito at dinampian ito ng halik.
“Thank you for coming here with me... and yes, I guess your hug helped me,” usal niya at gumanti ng yakap kay Crystal. Pumikit siya at hinalikan si Crystal sa noo. Napangiti siya ulit nang nagsumiksik ang dalaga sa kanya.
‘You really are something and you just don't know how you've been helpful since day 1.’
Chapter 17
Unti-unting bumabalik ang malay ni Crystal. Napapaungol siya dahil sa kiliting kanyang nararamdaman sa kanyang may leeg. Sa pagkakaalala niya ay nakatulog siya sa labas. Pakarimdam niya ngayon ay nakahiga na siya sa malambot na kama.
"Good morning, sleepyhead."
Napasinghap si Crystal noong marinig niya ang malalim at paos na boses ni Hanuel. Nararamdaman na rin niya ang mga maiinit nitong haplos sa kanyang katawan. Noong imulat niya ang kanyang mga mata. Doon lamang niya nakita na hinahalikan pala ni Hanuel ang kanyang leeg. Muli siyang napapikit at hinawakan ang kamay braso nito na nakapulupot sa kanyang tiyan.
"Hanuel..."
"Hmm?"
Unti-unti na itong pumatong sa kanya habang patuloy pa rin sa paghalik sa kanyang leeg. Nakaramdam na ng pag-iinit ng katawan si Crystal dahil sa ginagawa ng binata.
"H-Hanuel." Muling na imulat ni Crystal ang kanyang mga mata noong hinalikan siya sa labi ni Hanuel. Hindi pa siya nakakapag-toothbrush! Sinubukan niyang itulak ang binata ngunit dahil mas mabigat ito kaya wala siyang magawa. "Hanuel!"
"What?" Bahagyang umangat si Hanuel. Itinukod niya ang kanyang siko sa magkabilang gilid ni Crystal ang magkasalubong ang kilay na tiningnan ang dalaga.
"H-Hindi pa ako nakakapag-toothbrush! Kung makahalik ka naman, eh," bulong ni Crystal.
Bahagyang napangisi si Hanuel. Ibiniba niya ang kanyang mukha at bumulong sa tainga ni Crystal," it's okay. I like everything about you."
Nakagat ni Crystal ang kanyang labi. Nanuot sa kanyang ilong ang mabangong hininga ng binata. Lalo tuloy nahiya si Crystal. Kahit kasi bagong gising lamang ito ay mabango pa rin ang hininga nito. Pakiramdam ni Crystal ay nagtayuan ang kanyang mga balahibo sa leeg noong muling dampian ng halik ni Hanuel ang kanyang leeg. Napakapit siya sa damit sa may dibdib ni Hanuel noong unti-unting bumaba ang mga halik nito sa kanyang dibdib. Habang tumatagal na nakakasama niya ito ay nasasanay na ang katawan niya rito. Bawat haplos nito ay kanya ng hinahanap-hanap. Bawat halik nito ay palagi siyang nasasabik.
Muling naglakbay ang mga halik ni Hanuel pataas sa kanyang baba. Unti-unti hanggang sa maabot nito ang labi ni Crystal. Napaungol si Crystal at napakapit ng mahigpit kay Hanuel. Nagdadalawang isip pa siya kung tutugunin niya ito. Ngunit parang isang bulateng binudburan ng sabon ang dila ng binata. Nagpupumilit itong pumasok sa kanyang bibig. Naiawang ni Crystal ang kanyang bibig noong bahagyang kagatin ni Hanuel ang kanyang labi. Lalong nag-init ang kanyang katawan dahil sa ginawa nito.
Tumugon na si Crystal sa mga halik ni Hanuel. Ni hindi manlang ito nag-alinlangan kahit na hindi pa nakapagmumumog si Crystal. Kumapit siya sa batok ni Hanuel at sinalubong ang dila ng binata gamit ang kanyang dila. Nalasahan pa ni Crystal ang soju na kanilang ininom kagabi. Imbes na mailang ay nagustuhan pa niya iyon. Ganito ata talaga kapag artista, kahit bagong gising pa lang ay mabango pa rin ang hininga.
Napapasinghap na si Crystal noong maramdaman niya ang pagpisil ni Hanuel sa kanyang dibdib. Umarko na ang kanyang katawan at nakaramdam siya ng pamumuo sa kanyang ibaba. Ilang sandaling minasahe ni Hanuel ang kanyang dibdib. Patuloy lang din ito sa paghalik sa kanya. Napaungol si Crystal noong kumalas sa kanya si Hanuel. Kunot-noong pinanood niya itong bumaba sa kama.
"Come here," tawag ni Hanuel kay Crystal. Tumayo ito sa gilid ng kama at bahagyang hinila si Crystal patayo.
Dinala ni Hanuel si Crystal sa may salamin na dingding at isinandig doon. "Teka-" Hindi na nakapagsalita si Crystal dahil muli siyang hinalikan ni Hanuel. Naging malikot na rin ang mga kamay nito. Napakapit siya ng mahigpit sa braso nito noong maramdaman niya ang isang kamay nito sa kanyang pagk4babae. Napaungol ng malakas si Crystal noong ipinasok ng binata ang isang daliri sa kanyang hiyas. Bumaba na rin ang mga halik nito sa kanyang leeg. Hindi niya nalaman kung paano natanggal ni Hanuel kanyang pang itaas dahil sa halos mabaliw na naman siya sa ginagawa nitong paglalaro sa kanyang pagk4babae.
Bumaba ang mga halik ni Hanuel sa kanyang dibdib. Sinakop ng isa niyang kamay ang isang dibdib niya at isinubo naman ang isa. Nilaro-laro nito ang kanyang nipol gamit ang dila.
Napasandig ng mariin si Crystal sa salamin na dingding. Umarko pa lalo ang kanyang katawan at isinanding ang ulo roon. Pakiramdam niya ay unti-unting mapupugto ang kanyang paghinga. Lalo na noong bumaba pa ang mga lhalik ni Hanuel sa kanyang tiyan. Napasinghap siya noong hugutin nito ang daliri mula sa kanyang pagk4babae. Pagkatapos ay hinubad nito ang kanyang suot na shorts. Awtomatikong napatingin si Crystal sa kanyang likuran. Kitang-kita niya ang mga puno at malawak na karagatan.
"Baka may makakita sa atin, Hanuel," hinihingal na sabi ni Crystal.
Hindi tumugon si Hanuel. Bagkus ay bumaba pa ang mga halik nito sa kanyang pagk4babae.
"Oh!" Namilog ang bibig ni Crystal nang bigla nitong sunggaban ang kanyang ibaba. Ibinuka pa nito ang kanyang mga hita kaya napakapit na siya sa ulo nito. Namungay ang mga mata ni Crystal nang makita niya ang ginagawang paghalik ni Hanuel sa kanyang hiyas. Tumitig pa sa kanyang mga mata si Hanuel na para bang lalo pa siyang inaakit. Napapikit na si Crystal at muling napatingala. Panay ang pag-ungol niya habang patuloy ito sa paghalik sa kanyang ibaba. Naramdaman na niya ang pamamasa ng kanyang pagk4babae. Naghalo na ang kanyang katas at laway ni Hanuel ngunit hindi ito nito inalintana iyon.
Ilang sandali pa roon si Hanuel hanggang sa nakaramdam na si Crystal na unti-unti na siyang lalabasan. Kumapit siya nang mahigpit sa buhok ni Hanuel. Ipinikit niya nang mariin ang kanyang mga mata. Kasabay nang pagkawala ng malakas na ungol sa kanyang bibig ay ang paglabas ng init ng kanyang katawan. Walang pag-aalinlangan na sinalo iyon ni Hanuel. Halos manginig ang tuhod ni Crystal dahil sa panghihina.
Tumayo na si Hanuel. Pinunasan niya ang kanyang bibig at pinatalikod sa kanya si Crystal. Bumungad ang kahubaran ng dalaga sa labas. Hindi naman siya nag-aalinlangan dahil sigurado siyang walang ibang nakakakita sa kanila. Bukod sa umaga pa lang ay nasa private resort sila. Bahagya niyang pinatungo si Crystal at pinaarko ang pw3t-an nito.
HIngal na hingal pa rin si Crystal kaya kumapit siya sa salamin na dingding. Ilang sandali pa ay may naramdaman siyang matigas na bagay sa may pw3rta niya. Napaigtad siya noong maramdaman niya ang pagpisil ni Hanuel sa kanyang pang-upo.
"Sexy."
Umungol lang si Crystal bilang tugon. Maya-maya pa ay unti-unti na nitong pinasok sa kanya ang pagk4lalake nito. Nakagat niya ang kanyang labi at hinayaan itong maglabas masok sa kanya. Pumikit lang si Crystal habang dinadama ang matigas na ari ni Hanuel sa loob. Pakiramdam niya ay inaarok niyon ang kanyang loob. Ilang beses na may nangyari sa kanila ng binata pero nasisikipan pa rin siya dahil sa laki ng ari nito.
Bahagyang itinayo ni Hanuel ang katawan ni Crystal habang nasa loob pa rin nito ang kanyang ari. Napaungol na siya sa sarap dahil mas lalo pa siyang naabot ang loob ni Crystal. Lalo pa siyang ginanahan dahil parang musika sa kanyang tainga ang mga halinghing ng dalaga. Niyakap niya ito patalikod at habang umiindayog sa likod nito ay pinisi-pisil niya ang dalawang umbok nito.
Tumingkayad na si Crystal upang mas makagalaw pa ng maayos si Hanuel sa kanyang likuran. Para na siyang lalagnatin dahil sa pagtaas ng kanyang temperatura. Kinilabutan pa siya lalo noong maramdaman niyang hinahalikan ni Hanuel ang kanyang balikat at leeg.
"Hanuel!" Napasinghap siya noong maramdaman pa niya ang isang kamay nito na nilalaro ang kanyang pagk4babae. Hindi na niya malaman kung saan siya kakapit dahil tuluyan nang nanginig ang kanyang mga tuhod.
Ilang sandali pa ay bumilis na ang paggalaw ni Hanuel. Napupuno na ng malakas na ungol ni Crystal ang buong paligid. Hanggang sa ilang sandali lamang ay sabay na naman nilang na abot ang langit.
Hinawakan ni Hanuel ang baba ni Crystal at bahagya itong pinalingon sa kanya. Pagkatapos ay hinalikan niya ang labi nito.
"Good morning," ani Hanuel.
Chapter 18
Tatlong araw lang ang itinagal nila Hanuel at Crystal sa isla. Pagkatapos ay umuwe na rin sila. Si Hanuel ay dumeretsong airport pa korea samantalang si Crystal ay sa Cavite naman. 1-week naman daw kasi leave na ipinasa ni Joseph sa company nila. Hindi niya alam kung paano niya ito nagawa pero hindi na siya nag-usisa pa. Mas minabuti na lamang niyang umuwe na lang muna sa kanila dahil miss na miss na niya ang kanyang ina at mga pamangkin.
“Where have you been?!” Bahagyang natigilan si Hanuel sa pagbukas ng pinto nang marinig ang boses ng ama niyang galit na galit. Nakaupo ito sa isahang sofa sa may gitna ng sala niya. Nakaharap iyon sa may pinto akaya kita agad kung sino ang papasok.
Hindi sumagot si Hanuel at tahimik na naglakad paakyat sa hagdan. Ayaw niyang makipag sagutan ngayon sa kanyang ama. Palagi kasi siya nitong pinipilit na tumigil na sa pag-aartista at pagtuunan ng pansin ang kanilang negosyo.
“I'm tired, dad. Let's talk about it tomorrow,” sagot niya rito. Lalo itong nagalit dahil sa sinabi niya.
“No! Get down here! You never listen to me. When will you learn? When I die?!”
Napatigil si Hanuel sa paghakbang at humarap sa ama. Bumuntong hininga muna siya at bumaba. Alam niya kasing hindi ito titigil.
“What do you want this time?” Pinipigilan niyang tumaas din ang kanyang boses.
“I want you to take over the company and focus there,” sabi nito.
He groaned because of disbelief. “Not again, dad. You know I love acting!”
“You won't get anything from there. How many times do I have to tell you?”
“You don't understand me!” Napasinghap siya dahil bahagya nang tumaas ang kanyang boses.
“What I understand is that you are wasting your time!” Para itong mapuputulan ng ugat sa leeg dahil sa pagsigaw nito. “If your mom is here, she will not like what you are doing to yourself!!”
Nag-init na ang ulo ni Hanuel nang mabanggit ang kanyang ina.
“If she's here, she will understand me and will not force me to do something that I don't want. Just like what you are doing now!” sigaw niya. “Why are you bothering me? Why not make your fake son be your heir?”
“You don't understand, Hanuel.” Kumalma ito at tiningnan siya sa mukha. “You are my only son. I want you to take care of our company. That is my last promise to your mom.”
Imbes na matuwa ay lalong nag-init ang kanyang ulo dahil sa sinabi nito. “Huh? Now you're saying it's because of mom? Do you care for her? Then why did you marry again?” Bahagya siyang tumigil para huminga dahil parang sasabog na ang kanyang damdamin. “She was just gone for five months, and you marry again!”
Sa totoo lang ay maayos ang pagsasama nila ni tatay niya noon kahit noong namatay ang kanyang ina. Nagbago lang nang bigla na lang nagpakasal ulit ito. Labis-labis na lamang ang galit niya dito dahil sa ginawa niya. Kaya mula noon ay hindi na siya umuwe sa bahay nila at bumili ng sarili niyang bahay. Idagdag pang palagi nitong ibinibida sa mga press-con ang anak ng bago nitong asawa.
They owned most of the hotels in Korea. They have many branches around the world. Most of the exclusive people choose their hotel because of their service and the hotel itself. Mahilig din bumili dati ang kanyang ama ng mga lupain at pinapaupahan niya ito. Ito na ang naging negosyo nila mula noong hindi pa siya ipinapanganak.
Sadyang nahilig lamang siya sa pag-aartista dahil may mga pinsan siyang mga nasa ganitong larangan. Hindi naman siya nabigo dahil magsa-sampung taon na siya sa industriya at sikat na sikat pa rin siya. Mapa sa Korea man o sa ibang bansa pa.
Noong una ay hinahayaan lamang siya ng kanyang ama. Parehas sila ng kanyang ina na sinusuportahan siya sa gusto niyang gawin. Ngunit isang buwan matapos itong magpakasal ay bigla na lamang siya nitong pinapatigil sa pag-aartista at pilit siyang pinapapasok sa kompanya nila.
“You know what, dad? Just leave. I don't want to talk about this anymore. I don't want to fight with you.”
Huminga ng malalim ang kanyang ama. "You will understand why I did that, my son. And that is my last wish for you. “Take over the company. You are my only son, and you are my only heir,” puno ng pagsusumamo sa sabi nito.
Bahagyang natigilan si Hanuel. Parang may tumusok sa kanyang dibdib dahil sa mga sinabi nito. Ilang beses na nilang napag-usapan ang tungkol dito ngunit ngayon lamang ito nagpatalo ng ganon. Hindi na siya muling nagsalita pa at hinatid na lamang ito ng tingin habang palabas ng kanyang bahay.
Nang mawala na ito sa kanyang paningin ay pagod na pagod na umupo sa sofa. Huminga siya nang malalim at pumikit. Sinapo niya ang kanyang noo at bahagya itong minasahe. Muli niyang na alala ang kanyang ina. Nakaramdam na naman siya ng pangungulila dito.
"I wish you were here. mom." usal niya at inalala ang mga panahon na nabubuhay pa ito. Kung sana ay andito pa ito hindi sila magkakasira ng kanyang ama ngayon. Sa totoo lang ay may balak naman siyang tanggapin ito. Alam naman niya na siya lang ang natatanging magmamana ng kompanya at magpapatakbo niyon. Bago pa man siya mag-artista ay tapos na siya sa kolehiyo tungkol sa pagnenegosyo at pagmamanage niyon. Pagkatapos niya ring ma-discharge for military na kailangang daluhan ng bawat lalaki sa kanilang bansa ay nagtrabaho rin muna siya ng isang taon sa company nila.
Sadyang nasa arte lang talaga ang puso niya. Ngunit alam naman niyang hindi iyon pang matagalan. Isa lang siya sa mga artistang sinuwerte dahil sa kanyang pag-arte at angking kagwapuhan kaya hindi siya mawalan ng fans at tinatangkilik pa rin ng masa. Hindi niya lang maiwasang magalit sa kanyang ama. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit kinailangan niyang magpakasal agad. Para bang wala itong pakealam sa kanyang ina na kamamatay lang.
Muli siyang bumuntong hininga at inayos ang higa sa sofa. Maya-maya pa ay nakatulog na siya. Ipinahinga muna ang pagod na katawan at isipan.
***
"Hoy! Napapadalas na yang pag-absent mo ha? Mayaman ka na ba?" Biro ni Ynette sa kanyang kaibigan nang pumasok na ito. Isang linggo na naman kasing nawala sa trabaho si Crystal.
"Ingay mo ano ka ba?" Sita ni Crystal dito.
Lumabi lang si Ynette at kumapit sa braso niya. "Kumusta? Maganda ba doon? Ayyyieee! Sana makarating din ako d'on!" Napatingin si Crystal sa paligid dahil nagtinginan ang mga kasabay nilang papasok sa building.
"H'wag ka nga maingay! Mamaya na natin pag-usapan. Kwento ko sa 'yo lahat!" Excited na sabi ni Crystal at inakbayan ang kabigan.
"Sana all talaga besh. Sana ako rin swertihin at makahanap na ng kan-" mabilis na sinapo ni Crystal ang bibig ng kaibigan niya.
"Ano ka ba!" Nakangiwi niyang sabi. Tinanggal ni Ynette ang kamay niya at inirapan ito.
"Oo na!" Sabi nito at hinila na siya pasakay ng elevator. Namumula naman ang pisngi na sumunod si Crystal dito. Sila lang ang sumakay sa elevator ngunit bago pa man ito magsara ay may pumigil doon.
Si Bryan.
"Good morning girls! Uy Crystal! Andito ka na pala," bati nito sa kanila pero sa kanya nakatingin.
"Good morning Bryan!" Masiglang bati ni Ynette. Ngumiti lang si Crystal dito.
"Parang nangitim ka ata Crystal?" Puna ni Bryan sa kanya.
Napatingin si Crystal sa repleksyon niya sa elevator. Bahagya nga siyang nangitim pero hindi naman sobra. Para lang siyang na-tan.
"Hehe. Ganon ba?"
"Oo. Tingnan mo yung pisngi mo at leeg." Bigla nitong hinawakan ang pisngi niya at marahang inangat. Parehas silang nagulat ni Ynette sa ginawa nito. Nasapo ni Ynette ang kanyang bibig samantalang si Crystal naman ay nanlaki ang mga mata.
"T-Teka Bryan," bahagya siyang umatras ngunit hindi siya nito binitawan.
"But it's okay. Maganda ka pa rin." Ngumiti ito sa kanya at kumindat. Sakto namang bumukas na ang elevator at nauna itong lumabas doon.
Naiwang nakamaang si Ynette at Crystal. Natauhan lang silang dalawa nang magsasara na ulit ang elevator kaya dali-dali silang lumabas dito.
Chapter 19
"OMG girl! Anong drama n'on?" nagtatakang tanong ni Ynette sa kanya. Kasalukuyan silang nasa canteen at kumakain ng tanghalian. Libre lang ang pagkain nila doon kaya hindi na sila gumagastos pa.
Pinag-uusapan kasi nila ang kinilos kanina ni Bryan. Parehas kasi sila nagulat sa ikinilos nito kanina sa elevator. Maging noon nagta-trabaho na sila ay madalas mahuli ni Ynette na nakatanaw ang binata kay Crystal. Minsan pakiramdam ni Crystal may nagmamasid sa kanya at sa tuwing lilingon-lingon siya ay si Bryan ang maabutan niyang nakatingin sa kanya.
Hindi naman maiwasang pamulahan ng pisngi ni Crystal. Matagal na niya itong crush pero hindi siya sanay na ganoon sa kanya ang binata.
"Hindi ko nga alam eh. Ano kayang nakain n'on?" nagtatakang tanong ni Crystal.
"Nakain nino?"
Halos mabuga ni Ynette ang kinakain niya nang biglang sumulpot si Bryan sa harapan nila at umupo sa bakanteng upuan sa tapat nila.
"Sino pinag-uusapan niyo?" nagtatakang tanong nito at nakakunot pa ang noon.
Nagtinginan si Crystal at Ynette.
"Ahh wala," umiling-iling si Crystal at nahihiyang umiwas ng tumingin ito kay Bryan. Nagkibot-balikat lang naman ito at kumain ulit.
Namayani ng ang katahimikan sa table nila. Walang ibang naririnig kundi ang pagnguya at maingay na usapan ng mga nasa kabilang table.
"Nga pala," basag ni Bryan sa katahimikan. Sabay na nag-angat si Ynette at Crystal ng paningin. "Kain tayo sa labas mamaya?"
"Ha? Bakit? Anong meron?" tanong ni Crystal.
Umiling si Bryan at sumubo. Ngumuya muna ito saka sumagot. "Wala. May pupuntahan ba kayo mamaya?"
Napangiti naman si Ynette at tahimik na kinilig. Alam niya ang gustong mangyari ng binata. Noong wala kasi si Crystal ay panay tanong ito sa kanya tungkol kay Crystal. Matapos ng ginawa nito sa elevator ay mukhang tama ang kanyang hinuha.
"May pupuntahan ako mamaya eh. Baka itong si Crystal." Bumaling ito kay Crystal na nakakunot na pala ang noo na nakatingin sa kanya. "Wala ka namang gagawin mamaya diba?" nakangising tanong nito.
Nalilitong tumingin lang si Crystal sa kaibigan. Bahagya pa silang nagtaasan ng kilay na para bang sinasabi ni Ynette na 'go!'. Kumibot-kibot ang mga labi ni Crystal at sa huli ay iniikot niya ang kanyang mga mata saka bumalin kay Bryan. Alam naman niya kasing wala itong gagawin at gusto lang nito na magkasama silang dalawa.
"Wala akong pupuntahan mamaya."
Ngumiti ng malaki si Bryan, "Talaga? Tayo na lang dalawa?"
"Ayiee... magdi-date sila!" kinikilig na sabi ni Ynette at impit na tumitili. Hinampas ni Crystal ng mahina ang braso nito.
"Manahimik ka nga!" Inirapan niya iyon. "Ano ba kasing meron at manglilibre ka ata ngayon, Bryan?"
"Ano kasi..." nagpapalit-palit ito ng tingin kay Ynette at Crystal saka ngumiti ulit. "Basta gusto ko lang may kasabay kumain. Sama ka Crystal ha? Pwede mo ring h'wag na puntahan yung pupuntahan mo, Ynette."
Tumaas lang ang kilay ni Ynette. "Naku wag na. Alam ko naman kung sino lang ang gusto mong makasama mamaya eh. Dadamay mo pa ako." Napangiwi na lang si Ynette nang bigla siyang sikuhin ni Crystal. "Ouch!"
Pinandilatan ito ni Crystal pero nilabian lang siya nito.
Tumawa si Bryan. "Basta mamaya Crystal ha?" sabi pa nito. Nahihiyang tumango na lamang si Crystal. Tumayo na si Bryan at naglakad papunta sa lagayan ng mga pinagkainan nila.
"Ikaw talaga Ynette!" sita niya sa kaibigan pagkawala ni Bryan.
Tiningnan lang siya ni Ynette. "Bakit? Totoo naman eh? Kunyari pa yan alam naman natin na ikaw lang gustong makasama," excited na sabi ni Ynette. "Ayaw mo n'on? Diba matagal mo nang crush 'yan? Pagkakataon mo na!"
"Ingay mo talaga! Ewan sa 'yo." Ngumuso siya at tumingin sa plato niya. Ang totoo ay kanina pa mabilis ang tibok ng puso ni Crystal. Matagal na niyang crush ang binata ngunit hindi niya alam kung bakit hindi siya ganoon ka-excited na makakasama niya ito mamaya. Dapat ay matutuwa siya kasi matagal na niya itong pinapangarap.
"Sus! Kunyari ka pa!" Inirapan siya ni Ynette.
"Saan ka ba rin kasi pupunta at hindi ka na lang sumama sa amin? Mahilig ka sa libre diba?"
"May customer ako mamaya," pabulong na sabi nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. "Ahh... okay. Sino naman?"
"Pinoy at mukhang madatung kaya gagalingan ko talaga mamaya!" nakatawa nitong sabi.
Natatawang umiiling na lang si Crystal. Pihadong marami na naman itong kwento sa kanya bukas.
"Bye! Enjoy kayong dalawa! H'wag munang magtitikiman ha!" malakas ang boses na paalam ni Ynette kay Crystal at Bryan. Namumula ang pisngi na sinamaan ni Crystal ang kaibigan. Samantalang si Bryan naman ay tumawa na lamang.
Sumakay silang dalawa ng taxi at ibinaba sa isang sikat na hotel. Medyo nag-alinlangan pa si Crystal ngunit nawala rin noong dumeretso sila sa isang restaurant.
Pagkapasok nila ay agad merong lumapit sa kanilang lalaking staff. Nakapulang long sleeves at slacks ito. May suot ding itim na apron. Malinis at maayos ang pustura nito.
"Welcome, ma'am and sir! Do you have a reservation, or you want a table for two?" masiglang bati nito sa kanila.
"We have a reservation here."
"Okay, sir. Please follow me." Iginiya sila nito sa counter doon. Meron siyang kinausap na isang babae at tinanong pa si Bryan kung anong pangalan ng nagpa-reserve. Tumingin ulit ito sa monitor.
Tahimik lang si Crystal na nakatabi kay Bryan. Pasimple niyang nililibot ang paningin sa paligid. Kakaunti na lamang ang mga bakanteng lamesa roon. Kapansin-pansin din ang maganda at eleganteng ayos ng restaurant. 'Parang mahal pa ata dito.'
Kinalabit ni Crystal si Bryan, "Huy, mahal ata rito. H'wag na tayo rito."
"Okay lang, ako na ang bahala. Diba libre ko nga ngayon?" sabi lang ni Bryan at bahagya pang kumindat sa kanya.
Kumunot ang noo ni Crystal. "Sure ka d'yan? Baka mamaya iwan mo ako dito ha? Wala akong ibabayad."
Tumawa si Bryan, "'Di kita iiwan."
Magsasalita pa sana si Crystal pero muling humarap sa kanila ang staff. "Ma'am, sir. Please follow me. Guide ko po kayo sa table niyo."
Tahimik na sumunod na ang dalawa sa lalaki. Nasa may pinaka dulo ang pwesto nila ngunit malapit sa bintana kaya matatanaw ang kalsada. Pabilog ang mesa na may kulay brown na tela na nakapatong dito. Matapos silang maihatid ay nagpaalam na rin ang staff at muling bumalik sa may entrada ng restaurant.
Pagkaupo nila ay agad na merong lumapit sa kanilang waiter. Inabot nito sa kanila ang menu nila. Halos malula naman si Crystal nang makita ang presyo ng mga pagkain doon.
"Huy, Byran! Mag-McDO na lang tayo," pabulong niyang sabi kay Bryan.
"Ano ka ba? Sinabing ako na ang bahala."
"Eh hindi ko alam ano pipiliin ko rito. Nabubusog ako sa tuwing nakikita ko yung presyo." Hindi kasi bumaba ng limang daan ang presyo ng mga pagkain na nandoon. Ni minsan ay hindi pa siya gumastos ng ganoon kalaki ng para lang sa kanya.
"Akina nga 'yan." Kinuha ni Bryan ang librong hawak niya at itinupi iyon. "Ako na ang pipili ng pagkain mo," ani nito at muling tumingin sa hawak niyang libro.
Hindi na nagsalita pa si Crystal at tumingin-tingin na lamang sa paligid. Hindi niya kasi talaga kayang pumili sa mga pagkain na nandoon. Kahit na libre iyon ni Bryan ay nakokonsensya pa rin siya. Kung tutuusin ay kaya na naman niya bumili ng ganon pero nasanay lang siya na hindi siya gumagastos ng malaki.
Makalipas ng ilang sandali ay naka-order na si Bryan. Naghintay sila ng ilang minuto pagkatapos ay meron na nagserve sa kanila. Hindi pa rin kilala ni Crystal ang mga pagkain na nakahain. Hindi naman siya nag-usisa na dahil nahihiya na rin siya. Saka niya lang nalaman ang karneng ginamit doon noong nakain niya na ito.
Nasa kalagitnaan na sila sa pagkain nila nang tumikhim si Bryan. "Ahm.. Crystal," agaw nito ng atensyon niya mula sa pagkain na kinakain niya.
Nag-angat naman si Crystal ng paningin at saktong nagtama ang kanilang mga mata. Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Crystal. Pinilit niyang kumalma at ngumiti rito. "Oh?"
"Actually, totoo yung sinabi ni Ynette kanina." Bahagya itong tumigil dahil huminga ito ng malalim. "M-may gusto kasi akong sabihin, Crystal."
Napalunok ng laway si Crystal. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil nakita niyang parang kabado rin si Bryan. Pakiwari niya ay magtatapat ito na agad niyang iwinawaksi sa kanyang isipan dahil imposibleng mangyari iyon para sa kanya. Tahimik lang kasi ang binata at hindi naman sila palaging nagkakausap din sa trabaho nila.
Tumikhim siya. "A-ano 'yon?"
Kumibot-kibot ang mga labi ni Bryan at tumikhim ng ilang ulit. Saka muling tumingin sa kanya, sa mga mata niya. "Ahm.. Crystal. Dapat matagal ko na sinabi 'to kaso nahihiya ako. Tsaka.. narinig ko kasi kay Ynette na ikaw ang breadwinner sa inyo. Crystal.. Gus-"
"Kyahh!"
Hindi natuloy ni Bryan ang sasabihin niya nang biglang merong tumiling babae. Parehas silang napalingon ni Crystal sa may labas ng restaurant. Halos mag-umpukan na ang mga tao doon na nakikiusyoso. Medyo dumadami na rin ang mga tao kaya nakita nila ang mga guard na lumalapit doon.
"Ano kayang meron?" nagtatakang tanong ni Crystal.
"Haist!" Mahinang palatak ni Bryan dahil sa nangyari. Hindi niya tuloy nasabi ang sasabihin niya kay Crystal. Nahiya na rin kasi siyang magbanggit ulit dahil napukaw ang atensyon ng dalaga sa mga taong nagkakagulo.
Maya-maya pa ay maging ang mga tao sa restaurant ay nakiusyoso na rin. Palapit kasi sa restaurant ang mga tao at mukhang meron silang pinagkakaguluhan na kung sino.
"Hala! Pupunta rito?!" gulat na tanong ng isang waitress.
"Yieeeh! Dali galingan natin!" excited at kinikilig pang ani ng babaeng waitress.
"Tawagin niyo si Manager!"
Nagtinginan si Crystal at Bryan. "Sino kaya 'yon? Panira ng moment eh," reklamo ni Bryan.
Natawa naman si Crystal. "Hayaan mo na, kain na lang tayo ulit. Ano nga ulit yung sasa-" Nanlaki ang mga mata ni Crystal nang makita ang taong pinagkakaguluhan nila. Nasa loob na ito ng restaurant at matamang nakatitig sa kanya. Papalapit ito sa pwesto nila at tumigil sa bakanteng mesa sa may harapan nila. Umupo ito sa pwesto kung saan makikita siya nito.
Wala itong emosyon ngunit ramdam ni Crystal ang matatalas nitong mga tingin na para bang tinutusok siya.
'Anong ginagawa niya rito?!'
Chapter 20
Tahimik lamang si Hanuel na nakatanaw kay Crystal. Kanina pa siya kinakausap ng mga taong nakapaligid sa kanya ngunit si Joseph ang sumasagot dito. Kahit noong kinuha ang order nila ay si Joseph din ang nagsabi. Maige na lang ay mabilis ang aksyon ng building at madaling napaalis ang mga tao kanina. Nagkalat na rin ang mga guard sa entrada ng hotel at ng restaurant.
Kumain siya habang nakatingin lang kay Crystal na may kasamang lalaki. Panaka-naka rin itong tumitingin sa kanila pero agad nitong binabawi kapag napapatingin sa mga mata niya. Marahil ay labis itong nagulat nang makita siya roon.
"Hindi ba artista 'yan?" Tanong ni Bryan kay Crystal. Tumingin kasi ito sa likuran niya at nakita nito si Hanuel. Kalmado na ito ngayon.
Nanliit ang mata ni Crystal na para bang may iniisip at bahagyang umiling. "Parang. Nagkakagulo sila eh. Tingnan mo panay picture sila." Tinuro ni Crystal ang mga waitress at custumer na nagpipicture kay Hanuel. Nagpanggap siyang hindi niya ito kilala. Hindi pwedeng malamang ng mga ito kung ano ang ugnayan na meron siya sa binata.
"Oo! Napapanood ko 'yan siya. Mahilig kasi sa kdrama yung kapatid kong babae kaya pati ako napapanood na rin." Kinuha nito ang cellphone niya at inabot iyon kay Crystal. "Pwede picturan mo rin? Sobrang matutuwa kapatid ko kapag makita niya 'yan."
Nagulat si Crystal sa sinabi ni Bryan at napalingon kay Hanuel at muling tumingin kay Bryan. "Ako? Ikaw na lang!" Tanggi ni Crystal.
"Sige na! Maganda yung pwesto mo diyan eh."
Muling nilingon ni Crystal si Hanuel. Napalunok siya nang tinasaan siya ng kilay ni Hanuel. Pakiramdam niya tuloy biglang lumakas ang aircon ng lugar dahil sa lamig ng mga titig nito. 'Problema nito?'
"Akina." Inirapan niya pa kunyari si Bryan at kinuha ang cellphone nito. Binuksan niya ang camera at itinutok niya iyon kay Hanuel. Napangiwi pa siya nang makita niyang humalukipkip ang binata at direktang tumingin sa cellphone na hawak niya. Mabilis niya itong pinicturan at inabot kay Bryan.
"Yun! Thank you!" Nakangiti nitong sabi.
"Idol mo rin ba 'yan?"
"Ha? Hindi naman. Magaganda kasi mga palabas niyan. Teka, hindi ka ba nanonood ng kdrama?"
Umiling si Crystal at saka tumingin kay Hanuel. 'Hindi ko nga alam na sikat pala yung nakauna sa akin eh.' Sagot niya sa kanyang isipan. Totoo naman iyon. Dahil sa masyado siyang naging busy para sa kanyang pamilya ay hindi niya nakahiligan ang panood ng mga sinasabi nito. Mas nawiwili siyang magbasa ng mga pocketbooks. Marami pa naman siyang nabibilhan sa kanila. Hindi pa rin nawawala ang tindahan ni Ate Mia na nagpaparenta ng mga pocketbooks.
"Let's go home!" Napatingin sila kay Hanuel nang magsalita ito. May diin at nakatitig kay Crystal. Lumingon siya sa manager ng restaurant. "Thank you for your food. I love it. But.." lumingon ulit ito kay Crystal. "I have to go home now." Mariing sabi pa nito.
Napatungo naman si Crystal dahil pakiramdam niya siya ang sinasabihan ng binata. Maige na lang ay parang nahihipnotismo ang mga babae kay Hanuel at hindi siya napapansin ng mga ito.
"Thank you, sir! I hope you come back!" Masiglang sabi ng babaeng manager. "Can we take you a picture, please?" Ani pa nito.
Ngayon pa lang ngumiti si Hanuel at hinayaan ang mga ito na kuhaan siya ng larawan. Paalis na ito ngunit bago pa man ito makalabas ay muli itong lumingon kay Crystal.
Natahimik na lamang ang dalaga at inayos ang gamit. "Ahm.. Bryan, kailangan ko na umuwe." Paalam niya rito.
Lumingon ito sa kanya. Nakatanaw kasi ito kay Hanuel. "Ha? Hindi mo pa ubos ang pagkain mo."
"Hindi na. Pasensya kana. Kailangan ko na umalis eh." Tatayo na sana siya nang pigilan siya ni Bryan.
"Teka. Hintayin mo na ako. Bayaran ko lang 'to."
Tumango na lamang si Crystal. Kinampayan ni Bryan ang isang waitress at hiningi ang bill nila. Nang makapagbayad ay sabay na silang umalis doon.
"Hatid na kita?" Tanong ni Bryan sa kanya. Sunod-sunod na umiling si Crystal.
"H'wag na. Kaya ko na." Ngumiti siya dito. "Salamat pala ha? Sa sunod ako naman."
"Sige.." Bumuntong hininga ito. "Sayang.." bulong ni Bryan.
"Ha?"
"Wala! Ano saan ka ba sasakay? Ayaw mo talaga magpahatid?"
"Ahh! Bye Oppa!" Hiyaw ng isang babae. Nasa gilid na nila ang mga babaeng nagkakagulo kanina. Lahat sila nakatingin sa paparating na sasakyan. Halos harangin na nila ang sasakyan kung hindi lang dahil sa mga guard na pumipigil sa kanila.
"Huy! Nakakasagi kayo!" Saway ni Bryan sa mga ito. Gumilid sila dahil masasagi sila ng mga tao. Nakaharang na paharap sa kanya si Bryan para hindi siya masagi ng mga babae at baklang panay sigaw sa pangalan ni Hanuel. Halos makayakap na si Bryan sa kanya kaya niyakap ni Crystal ang bag niya at iniharang iyon sa pagitan nila ni Bryan. Ilang sandali pa silang nagtagal sa ganoong posisyon dahil hindi agad nag-alisan ang mga ito. Sinusundan kasi nila ang pag-andar ng kotse.
Mayamaya pa ay nagpulasan na ang mga ito kaya nakalakad na sila Crystal. Itinawag muna siya ni Bryan ng Taxi at pinasakay siya roon. Pinipilit siyang ihatid nito ngunit mariin siyang tumanggi.
Ilang sandali rin ang tinagal ng kanyang byahe dahil medyo traffic sa dinadaanan nila. Panay ang kuyakoy niya dahil masyado siyang nababagalan sa pag-usad ng taxi. Panay sabi rin siya sa driver na pakibilisan. Wala naman itong magawa dahil panay tigil nga gawa ng traffic.
'Bakit ba parang nagmamadali ako?' tanong ni Crystal sa kanyang sarili. Ipinatong siya ang kaliwa niyang kamay sa dibdib niya at itinukod naman doon ang siko niya saka kinagat-kagat ang kanang hinlalaki niya. Panay din ang buntong hininga niya at paulit-ulit na bumabalik sa alaala ang mga tingin ni Hanuel kanina.
"Haist! Wala naman kasi siyang sinabi na uuwe siya eh. Para saan pa yung cellphone?" Iritableng sabi ni Crystal at humalukipkip. Napangiwi pa siya nang matingnan niya sa rear-view mirror na napalingon sa kanya ang driver. "Sorry po," nahihiya niyang sabi dito.
Para kasing nagagalit ito kanina sa hindi malamang dahilan. Napaawang ang bibig ni Crystal nang maalala ang kontrata nila. 'Hala baka iniisip n'on may relasyon kami ni Bryan?' Tahimik na lamang siyang napapalatak.
Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na rin siya sa building na kanyang tinitirahan. Halos takbuhin na niya ang elevator sa pagmamadaling makarating sa unit nila. 'Bakit ba ako nagmamadali?' Tanong ni Crystal sa sarili. Napailing na lamang siya nang muling maalala ang mga tingin ni Hanuel.
"Sana wala s'ya rito." Napapikit si Crystal. Nasa tapat na siya ng unit at nagdadalawang isip kung papasok ba o hindi na. Pakiramdam niya kasi ay nakagawa siya ng matinding kasalanan.
"Wala naman akong ginagawang masama ah? Bakit ba ako nagkakaganito?" Umiling na lang si Crystal at huminga muna ng malalim. Saka binuksan ang pinto.
Awtomatikong umilaw ang paligid ng door entrance pagkapasok niya. Ngunit tanaw na niya ang madalim na sofa. Isinara niya ang pinto at dahan-dahang pumasok sa loob. Madilim ang loob ng sala at tanging liwanag lang ng buwan na nagmumula sa labas ang tanging ilaw doon.
"Wala siya rito?" mahinang sabi ni Crystal. Nakahinga siya ng maluwag at saka binuksan ang ilaw ng sala. Pabagsak siyang umupo sa sofa at dismayadong pumikit. Akala niya kasi ay na andoon na ang binata ngunit wala pala.
Lumalalim na sana ang tulog niya nang biglang parang dumilim ang paligid niya. Para bang merong nakaharang sa ilaw sa kanyang harapan. Nakaamoy din siya ng mabango at parang galing banyo. Napabalikwas na lamang siya nang maalala na sabon ni Hanuel ang kanyang naamoy.
Bumungad sa kanya ang bagong ligo na si Hanuel. Seryoso at deretsong nakatingin kay Crystal.
"K-Kanina ka pa?" Nakangiwing tanong ni Crystal. Napangiwi pa siya dahil sa tanong niya.
"Who is he?" Seryosong tanong nito.
"W-Who?"
"That guy. Who is he?!"Nakagat ni Crystal ang kanyang mga labi dahil sa tono boses nito. Tama ang kanyang hinuha kanina. "Workmate ko?"
"Really?" Tumaas pa ang kilay nito at nagdududang tinitigan lalo si Crystal.
Napasandig lalo si Crystal sa sofa nang pinagitnaan siya ng dalawang kamay ng binata.
"Y-Yes. Why?" Bigla siyang kinabahan dito. Kung titigan siya nito ay para ba siyang nakagawa ng masama.
"Then why did I see you hugging?"

