Views

Nagkagusto ako sa taong hindi ko dapat mahalin.

Ameiry Savar
0

 

Nagkagusto ako sa taong hindi ko dapat mahalin. 

Oo, tama kayo ng nabasa. 

Alam ko na mali. Alam ko na marami ang tataas ng kilay sa inyo kapag mabasa niyo ito. 

Pero ito ang aking kwento, at ng lalakeng una at huli kong minahal. 

Ako si Patricia. Nag-iisang anak ko ng mga magulang ko. 

Spoiled na spoiled ako sa amin dahil ako ang bunso at nag-iisang babae. 

May tatlo akong kuya. Si Kuya Jay, Kuya Carl, at Kuya Mark. 

Sa kanilang tatlo ay si Kuya Mark ang pinaka-close ko. Actually, lahat naman sila ay paborito ko. Pero iba si Kuya Mark. 

Oo, alam ko na nagtatanong na kayo. At tama kayo, si Kuya Mark ang tinutukoy ko sa aking kwento. 

Pangatlo siya sa amin. Siya rin ang pinakamalapit sa edad ko kaya kami talaga ang naging magka-close. 

Si Kuya Jay at Carl kasi ay matanda sa amin ng eight years. Kaya noong binata na sila ay mga bata pa kami.

Nag-umpisa ang lahat noong tumuntong na ako ng high school. Noong una naman ay wala naman akong nararamdaman para sa kaniya. Iyong tipikal na brother and sister bond lang. 

Hanggang sa one time, nag-uwi si Kuya Mark ng girlfriend. 

Fourth year high school na siya no’n. At ako naman ay nasa third year na. 

Akala ko noon ay ayaw ko lang sa girlfriend niya bilang kapatid niya. Nakakatawa pa nga kasi talagang tinatarayan ko ito. 

Pero habang tumatagal, doon ako may na realize. 

Sa tuwing nakikita kong may nobya si Kuya Mark ay nagagalit ako. Ni isa sa kanila ay wala akong inaprobahan. Kahit na nilalambing ako ni Kuya na ako pa rin ang prinsesa niya kahit magkaroon siya ng nobya. 

Sinubukan ko nang lumayo sa kaniya. Nagkaroon ako ng mga boyfriend. Pero wala e. Hindi ko alam kung bakit si Kuya Mark pa rin talaga ang tinitibok ng puso ko. 

25 na ako no’n, noong may pinakilala siya ulit na girlfriend sa amin. Si Khalil. 

Maputi. Sexy. Mahinhin. Higit sa lahat ay maganda. Tipong talagang may ilalaban sa mga artista. Bukod doon ay isa pa itong doctor. 

Nakita ko agad na iba ang tingin ni kuya kay Kahlil. Alam ko na agad na iba ang tama niya sa bago niyang girlfriend. 

As usual, nagselos na naman ako. Pero this time ay hindi ako naging  vocal. Naiinis na rin kasi ako sa sarili ko. At inisip ko na lang na hindi rin naman sila magtatagal ni Khalil. 

But I was wrong. 

Nalipat ang trabaho ko no’n sa Baguio. Nagulat na lang ako na biglang kumatok si Kuya sa inuupahan kong bahay. 

He visited me personally dahil may gusto raw siyang sabihin sa akin. 

Kinabahan ako agad. Syempre, akala ko kung ano na. Akala ko ay naghimala at aamin na rin siya sa akin. 

Natakot ako. Pero na excite din at the same time. 

What if gusto rin pala ako ni Kuya? Ano ang gagawin namin? Susundin ba namin ang sigaw ng mga puso namin? O hahayaan na lang? 

Pero lahat ng mga tanong ko sa sarili ay nawala dahil lang sa isang salita ni Kuya Mark. 

“Balak ko nang pakasalan si Khalil, Bunso.” 

Natahimik ako bigla. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako agad nakapagsalita dahil doon. 

“S-Sigurado ka na ba, Kuya? Baka naman naguguluhan ka lang?” 

Pero umiling si Kuya Mark. 

“I’m sure now, Bunso. Kaya sana ay suportahan mo ako. Alam ko ayaw mo kay Khalil. But can you please give her a chance? Sigurado ako na magkakasundo kayong dalawa. Gusto kong makita na ang pinakaimportanteng mga babae sa buhay ko ay magkasundo.” 

Doon na ako bumigay. Nangilid ang mga luha ko at napaiyak na lang. 

Inalo ako agad ni Kuya kagaya ng palagi niyang ginagawa noong mga bata pa kami. Pinatahan niya ako. But somehow, it doesn’t work anymore. 

Sinabi ko na lang sa kaniya na susubukan kong tanggapin si Khalil.

Natuwa naman siya. Niyakap niya pa nga ako. At sinamantala ko iyon. Niyakap ko rin siya nang mahigpit. Dahil alam ko na pagpinakawalan ko na siya ay tuluyan na siyang mawawala sa akin. 

Sa ngayon ay kasal na si Kuya Mark. 

Ako? Heto. Mas pinili kong mag-abroad. Pinili kong lumayo kaysa makita sila araw-araw. 

Ni hindi nga ako pumunta sa kasal ni Kuya kahit na pinipilit niya ako. Mabuti na lang at saktong narito na ako sa abroad kaya nagkaroon ako ng dahilan. 

Alam ko na mali. Siguro ay marami ang nagsasabi na baka pagmamahal bilang kapatid lang ito. 

Pero alam ko. 

Mahal ko ang kapatid ko. 

Mali man sa iba. Pero siya ang first love ko. 

Bata pa ako. Siguro naman ay may darating pa sa akin. Darating na lalake na mamahalin ako at mamahalin ko rin. 

Lalakeng alam ko na pwede kong mahalin ng buo at lantad. 

Pero habang wala pa ay heto ako. Lihim na umiibig pa rin sa kapatid ko. 

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !