Views

Wild Encounter

Ameiry Savar
0

 


Meet Samantha Salvador. The nurse who is a womanizer who brought Rebecca Mendoza to heaven!

Meet Rebecca Mendoza, the woman who believes she should only surrender the baton to the man she will marry! But what if it's to another woman like her?



Chapter 1: Halos lumuwa ang...


Halos lumuwa ang mga mata ni Rebecca habang pinapanood ang ilang mga magkapareha na naghahalikan sa bawat parte ng club na pinagdalhan sa kaniya ng kaibigan. May mga babae't lalake. Mayroon ding magkapareha na parehas lalake o kaya naman ay parehas babae. Ang pinaka matinding kaniyang nakita ay dalawang lalake at isang babae. Napapalunok na lamang siya dahil ito ang unang beses niyang makasaksi nang ganoon. Sa tanang buhay niya ay wala pa siyang nakitang ganito kahit manood sa mga movies. Kung bakit kasi dinala pa siya rito ng kaibigan niya!

"J-Jane... uwi na tayo!" natatakot na sabi ni Rebecca sa kaibigan.

Ngumiti lang si Jane. "Hindi ka ba nagi-enjoy sa view? Sumayaw ka na rin kasi!"

"Baliw ka talaga! Bakit mo ba kasi ako dinala rito?!"

"Bakit pa nga ba? Para naman magkaroon ka na ng experience! Tingnan mo sarili mo, tatanda na lang tayo wala ka pang naka-sex."

"Jane!" nanlalaki ang mga mata ni Rebecca. Minsan ay napapaisip siya kung paano niya naging kaibigan ang dalaga. E sobrang layo ng ugali nilang dalawa. Lumaki kasi sa isang Christian family si Rebecca at naniniwala siya na ang sarili niya ay para lamang sa lalakeng kaniyang pakakasalanan. "Ang bibig mo!"

Tumawa nang malakas si Jane. "Ewan sa 'yo, Becca! Diyan ka na nga muna! Hahanap ako ng boylet!"

"T-Teka, hoy—"

Wala nang nagawa pa si Rebecca noong naglakad palayo sa kaniya si Jane. Napasiksik siya sa upuan at napayakap sa sarili. Bukas ay malalagot talaga sa kaniya si Jane!

Dahil hindi siya sanay sa ganoong lugar ay pinilit na lamang abalahin ni Rebecca ang sarili sa pag-inom ng alak na in-order sa kaniya ni Jane. Mabuti na lang at malakas ang tugtugin sa paligid kaya hindi niya naririnig ang mga halinghing ng mga nagtatalik na pareha. Hindi naman siya makaalis dahil si Jane dahil kailangan siya ring samahan nito sa bahay nila. Ganoon kahigpit ang mga magulang niya. Magagalit ang mga ito kapag siya lang ang umuwi at pag-iisipan pang nagsinungaling.

"Mukhang hindi ka rin nagi-enjoy dito."

Napakislot si Rebecca nang may magsalita sa tabi niya. Pagtingin niya ay may babae nang nakaupo roon. Bahagyang nangunot ang noo niya dahil hindi niya kilala ang dalaga.

"A-Ako?" Umiling siya. "Hindi e. Sinamahan ko lang ang kaibigan ko."

"Talaga? Bakit hindi ka na lang mag-enjoy din. Sayang naman. The night is still young."

"H-Hindi ako sanay sa lugar na ito. Sinamahan ko lang talaga ang kaibigan ko."

Biglang nakaramdam nang pagkailang si Rebecca sa presensya ng dalaga. Hindi niya alam kung dahil sa atmospera ng paligid o dahil sa iniinom niyang alak.

"Gano'n ba? Sayang naman."

"Wala pa akong alam sa ganiyan."

Natahimik ang dalaga. Sumilay ang matipid na ngiti nito sa labi. "What is your name?" tanong nito.

Muling tiningnan ni Rebecca ang dalaga. "R-Rebecca."

Inilahad ng dalaga ang kamay. "I'm Sam. Nice to meet you, Rebecca."

Inabot ni Rebecca ang kamay ng dalaga. "Nice to meet you too," nginitian niya ito. Ngunit napakislot siya noong biglang pinisil nito ang kaniyang palad. Unti-unti rin siyang nakaramdam na para bang kinukuryente siya habang magkadaupang palad silang dalawa. Babawiin na sana niya ang kamay ngunit bigla siyang hinila palapit ni Sam.

"T-Teka!"

"Look at you... so innocent and pure," makahulugang sabi ni Sam. Gamit ang isang kamay ay ipinatong niya ang ilang hibla ng buhok ni Rebecca na tumabing sa mukha nito. Pagkatapos ay sinapo niya ang pisngi nito. "Hindi ka dapat nagpupunta sa lugar na ganito, Rebecca. Unless you want it too..."

Napalunok muli si Rebecca. Siguro dahil sa alak na ininom niya. O dahil sa malaswang paligid nila. O dahil sa sadyang nakakahalina lang talaga ang boses ni Sam na para bang inaakit siya. Nakaramdam siya ng kakaibang init sa kaniyang katawaan at hindi manlang nagprotesta habang hinahaplos nito ang pisngi niya.

"S-Sinamahan ko lang..." Napatingin si Rebecca sa labi ni Sam. Alam niyang mali dahil sa bukod sa ngayon niya lang ito nakilala ay isa rin itong babae kagaya niya. Ngunit hindi niya malaman kung bakit para siyang biglang nauuhaw at gustong sunggaban ng halik ang dalaga.

"You can kiss me if you want."

Tiningnan ni Rebecca sa mga mata si Sam. Mapupungay na iyon at para bang mas lalo pa siyang inaakit. Hindi siya kumilos. Ayaw niyang kumilos. Dahil alam niya na kapag sinunod niya ito ay hindi na niya mapipigilan pa ang sarili. Mali iyon! Wala siyang ibang gustong pagbigyan ng kaniyang puri kundi ang lalakeng kaniyang pakakasalan. Hindi sa kahit na sino. At lalong hindi sa isang babae!

Ngunit wala nang nagawa pa si Rebecca noong unti-unting ibinaba ni Sam ang mukha at inabot ang kaniyang labi. Marahan siya nitong hinalikan noong una na para bang pinapakiramdaman siya. Marahan lang iyon hanggang sa unti-unting naging mapusok ang mga halik nito. Napakapit siya sa balikat ng dalaga dahil sa pagkataranta. Ngunit hinawakan ni Freen ang kaniyang kamay at ibinaba papunta sa dibdib nito.

Awtomatikong naitulak ni Rebecca ang dalaga. "A-Ano'ng ginagawa mo?"

Huminga nang malalim si Sam habang panay ang tingin sa labi ng dalaga. "Ayaw mo ba?"

Muling napalunok si Rebecca. Bumaba ang tingin niya sa labi nito at halos mapanganga siya noong makitang binasa nito ang labi gamit ang dila. Napaka-sexy nitong tingnan kaya mas lalong bumigat ang kaniyang paghinga. Muli niyang tiningnan sa mga mata ang dalaga. Nakatitig lang din ito sa kaniya na para bang hinihintay ang kaniyang pagpayag na ituloy ang kanilang gagawin. Muling huminga nang malalim si Rebecca. Humigpit ang kapit niya sa damit ng dalaga. Ilang sandali pa ay kusa na niya itong hinila at siniil ng halik.

Napangiti naman si Sam. Sinapo niya ang mukha ng dalaga at mas hinalikan pa ito. Mariin at malalim. Ramdam niyang hindi makasabay sa kaniya si Rebecca kaya naman ay muli niyang dinahan-dahan ang paghalik nito. Paunti-unti hanggang sa naramdaman na lamang niya na sumasabay na ang dalaga sa galaw ng kaniyang labi.

Unti-unting naging mapusok ang mga halik ni Sam. Napaungol pa nang kaunti si Rebecca nang maramdaman niya ang dila nito na pumasok sa kaniyang bibig. Humigpit ang kapit niya rito at naipikit nang mariin ang mga mata. Agad na nagpambuno sa loob ng bibig ni Rebecca ang mga dila nila. Halos hindi na humihinga si Rebecca dahil sa sensasyong kaniyang nararamdaman.

Ilang sandali pa ay naramdaman na ni Rebecca na maging ang mga kamay ni Sam ay nagiging malikot na rin. Muli siyang napaungol nang maramdaman ang isang palad nito sa kaniyang dibdib. Ni hindi na nga niya nalaman kung paano naipasok ng dalaga ang kamay nito sa loob ng kaniyang blusa. Minasahe nito ang kaniyang dibdib.

"Ohh..."

Bumaba ang mga halik ni Sam sa leeg niya. Pinuno nito ng halik ang kaniyang leeg at bahagya pang sinisipsip. Napapakapit na lamang siya sa buhok nito dahil lalo na siyang nag-iinit. Dahan-dahan siyang inihiga ni Sam sa upuan at hinubad ang suot na pang itaas. Halos hindi na makapag-isip pa nang matino si Rebecca. Hinahayaan na lamang niya ang dalaga na gawin nito ang makamundong bagay sa kaniya nagbibigay nang kakaibang sarap. Wala na siyang pakealam kung napapalibutan ba sila ng maraming tao. Hindi na niya iyon inisip pa at nagpadala sa nararamdaman.

Napaungol muli si Rebecca noong maramdaman niyang isinubo ni Sam ang kaliwang dibdib. Bahagya nitong sinipsip iyon at nilaro-laro ang nipol gamit ang dila. Habang ang isa namang kamay nito ay patuloy sa pagmasahe sa isa niyang dibdib. Patuloy iyong ginawa ni Sam. Papalit-palit ito sa pagsipsip sa kaniyang mga dibdib. Hindi na naman malaman ni Rebecca kung saan siya kakapit. Unti-unti na siyang nakakaramdam ng pamumuo sa kaniyang puson. May kung ano roon na gustong lumabas.

Dahil sa sarap ng sensasyong nararamdaman ni Rebecca ay muli siyang nagulat noong maramdaman na niya ang isang kamay ni Sam sa loob ng kaniyang saya. Mas lalo siyang nag-init noong ipinasok na nito ang kamay sa kaniyang underwear at nilaro-laro ang nakausling laman sa kaniyang pagkababae habang patuloy ito sa pagromansa sa kaniyang dibdib.

"S-Sam..."

"Yes, baby?"

Huminga nang malalim si Rebecca. Sinapo niya ang mukha ni Sam at hinalikan ito sa labi. Bahagya pa niyang kinagat iyon noong biglang ipinasok ng dalaga ang daliri sa kaniyang pagkababae.

"Gosh!" hinihingal na sabi ni Rebecca.

"Do you like it?"

"Y-Yes... yes! More, please!"

Napangiti na si Sam. Sandali niyang itinigil ang ginagawa at pinaupo nang maayos si Rebecca. Hinubad niya ang underwear nito at saka ibinuka ang mga hita.

Halos mawalan na nang ulirat si Rebecca sa Samp noong biglang isinubsob ni Sam ang mukha sa kaniyang pagkababae at dinila-dilaan iyon.

"Oh, gosh!" hiyaw niya. Kumapit siya nang mahigpit sa upuan at mas ibinuka pa ang mga hita. Nagpatuloy sa ginagawa si Sam. Hinalik-halikan nito ang kaniyang pagkababae at dinilaan. Noong tumapat ang bibig nito sa kaniyang bukana ay halos mabaliw na siya sa sensasyong nararamdaman. Walang kaarte-arte nitong ipinasok ang dila roon at nilabas masok. Humalo na ang laway nito sa sarili niyang katas. Kaya naman mas lalong nasarapan si Rebecca.

Ilang sandali pa ay ipinasok ni Sam ang isang daliri sa kaniyang ari. Napadaing nang kaunti siya nang kaunti kaya dinahan-dahan nito ang galaw. Ni paghawak sa sariling ari ay hindi ginagawa ni Rebecca kaya naninibago siya sa ginagawa ng dalaga sa kaniya. Sa katunayan ay napakalakas na ng pagkabog ng kaniyang dibdib. Pero nagtiwala siya kay Sam at hinayaan ito. Kumapit na lamang siya sa likod ng ulo ng dalaga. Hindi rin ito tumigil sa pagromansa sa kaniya gamit ang bibig kaya unti-unti ay hindi na niya naramdaman ang sakit. Muli ay napunta sa mundo ng kaligayahan si Rebecca.

Tumigil si Sam sa pagkain sa kaniyang pagkababae. Inalalayan siya nitong tumayo at pinluhod patalikod dito. Kumapit sa sandalan ng upuan si Rebecca at hinintay ang gagawin ni Sam. Ilang sandali pa ay nakaraman na lamang niyang muli nitong ipinasok ang dalawang daliri sa kaniyang pagkababae.

Napaungol muli si Rebecca sa sarap. Ramdam niya ang bawat pagpasok ng daliri ng dalaga sa kaniyang loob. Napapatirik na ang mga mata niya sa tuwing ibinabaon nito ang daliri sa kaniya. Mas lalo siyang nabaliw sa Samp noong maramdaman niyang pati sa isa niyang butas ay may ipinasok din na daliri si Sam. Habang ang isang kamay naman nito ay inabot ang kaniyang dibdib at muling hinimas.

Inabot ni Rebecca si Sam at kumapit patalikod sa batok nito. Inilingon niya ang ulo rito at hinalikan ang dalaga sa labi. Hanggang sa unti-unti na lang naramdaman ni Rebecca na may kung anong namumuo sa kaniyang puson. Pabilis din nang pabilis ang paggalaw ng kamay ni Sam. Muling napakapit sa upuan si Rebecca noong maramdaman niyang unti-unti na siyang lalabasan. At ilang sandali pa ay halos mapasigaw na ang dalaga noong naabot na niya ang rurok ng kaligayahan.

Nanginginig ang mga hitang unti-unti siyang napaupo at hingal na hingal na tiningnan si Sam. Hindi pa man siya nakakabawi ay napamuli siyang nag-init noong makitang isinubo ni Sam ang daliri. Tumitig ito sa kaniya na para bang lalo siyang inaakit.

"Round two?"


Chapter 2: Napapalunok...

Napapalunok si Rebecca sa tuwing bumabalik sa alaala niya ang nangyari noong isang gabi. Hindi na nawala sa isipan niya ang mukha ng dalagang nakatalik niya. Oo, nakipagtalik siya sa isang dalaga! Napa-sign of the cross si Rebecca at huminga nang malalim.

"Bakit ko ba kasi naisip 'yon? Hindi na ako babalik sa lugar na iyon kahit kailan!" bulong niya sa sarili.

"Becca!"

Napakislot si Rebecca noong biglang may yumakap sa likuran niya. Halos mahulog na ang suot niyang salamin dahil sa ginawa nito. "Ano ba, Jane?! Bakit ka nanggugulat?!"

Tumawa si Jane. Naupo siya sa tabi ng kaibigan at kumuha ng fries na kinakain nito. "Kanina pa kita tinatawag. May problema ka ba? Parang ang lalim ng iniisip mo e."

Inirapan ni Rebecca ang kaibiga. 'Sino kaya ang may kasalanan kung bakit ako ganito ngayon?'

"Huy! Nawawala ka na naman sa reyalidad!"

"Ewan nga sa 'yo."

"Ano na namang ginawa ko?" Kumuha ulit ng fries si Jane. "Alam mo? Magmula noong pumunta tayo sa club, ganiyan ka na. May nangyari sa 'yo, 'no? Sino 'yang nakilala mo, ha?"

Namilog ang mga mata ni Rebecca. "H-Ha? Wala a! Kita mo ngang nasa lamesa lang ako. Sino ba ang hindi mato-trauma sa mga nakita ko roon? Kaliwa't kanan may nagsi-sex! Diyos ko! Kahit anong kumpisal ko ata ay hindi ko na maalis ang kasalanan ko!"

Lalong lumakas ang tawa ni Jane. "Funny ka talaga, Becca! Okay lang 'yon, 'no? 2023 na! Dapat nga nagpapabinyag ka na e!"

Nangunot ang noo ni Rebecca. "Binyag? Matagal na akong nabinyagan. Ikaw kamo ang dapat magpabinyag para naman kabahan ka!"

"Ahh! Don't judge me. Ang Samp kaya ng sex!"

Napailing na lang si Rebecca at kumain na rin ng pagkain. Kapag talaga kausap niya si Jane ay parang magkaka-altapression siya. Kung ano-ano pa ang kinuwento nito sa kaniya ni Jane. Mabait naman ang dalaga kaya niya ito naging kaibigan. Kahit na malaki ang kaibahan ng ugali nila at pagkatao ay nagkakasundo sila. Iyon lamang ang hindi makayanan minsan ni Rebecca, ang hilig nito sa mga lalake. Ni hindi na nga niya mabilang kung ilan na ang naging nobyo nito. Paminsan-minsan pa nga ay may babae rin itong nagiging karelasyon. Pero lahat ay hindi nagtatagal ng tatlong buwan.

Tumikhim si Rebecca. "Ahm, Jane. Matanong ko lang."

"Hmm? Ano 'yon?"

Nag-iwas ng tingin si Rebecca. "Ahh... kapag ba babae ang... alam mo na? B-Babae ang unang naka-sex mo. Virgin ka pa rin?"

Natigilan si Jane sa tanong ng kaibigan. Tinitigan nito si Rebecca ng ilang sandali na para bang sinusuri. Nakaramdam naman si Rebecca kaya tiningnan niyang muli ang kaibigan. Pinagpawisan siya kaagad noong makita ang mga titig nito.

"Hoy! Nagtatanong lang ako!" tensyonadong sabi ni Rebecca. Bahagya niya pang itinulak ang braso nito at tumawa ng kabado.

"Talaga?"

"Oo nga! Hindi ko kasi makalimutan iyong mga nakita ko. Nakakainis ka kasi!"

"Pero interested ka? Gusto mo try natin?"

Natigilan si Rebecca noong biglang inilapit ni Jane ang mukha sa kaniya. Lulamlam ang mukha nito at namungay ang mga mata. Lalong namilog ang mga mata niya. Mabilis niyang inilagay ang palad sa mukha nito at bahagya itong tinulak. Muling tumawa si Jane.

"Joke lang! Napakaseryoso mo talaga!" natatawang sabi ni Jane. "Ano ba naman kasing mga tanong 'yan?!"

"Baliw! Edi h'wag mong sagutin!"

"Oo na! Ito na! Ikaw talaga e." Pinakalma ni Jane ang sarili. "Alam mo, sex is sex. It's about purity. Kasihodang babae o lalake ang nakauna sa 'yo. Hindi ka na 'virgin' kasi nakaranas ka na ng sex. Sex pa rin iyon mapababae man o lalake ang nakatira sa 'yo."

Nag-init ang mga pisngi ni Rebecca dahil sa ilang beses na binanggit ni Jane ang salitang iyon. Napatingin pa siya sa paligid dahil sa pag-aalalangang may nakarinig sa kanila. Noong wala siyang nakitang nakaupo malapit sa lamesa nila ay napanatag siya. Hindi pa naman kasi break ng mga estyudante kaya halos wala pang tao sa canteen. Muli siyang tumingin sa kaibigan.

"Kahit na walang dugo? I mean, hindi ba kapag pinasukan ka dapat dumugo—"

"No! Hindi 'yan totoo. Tsaka kung babae ang titira sa 'yo, wala talagang dudugo. Wala naman tayong tite e! At kahit may tite, hindi lahat ng kipay dudugo. Kasi kapag dumugo, kung hindi maliit. Hindi marunong!"

Lalong namula ang mga pisngi ni Rebecca. "Ang bibig mo naman!"

"Nagtatanong ka e!"

Inirapan ni Rebecca ang kaibigan. "Oo na! Salamat!"

Ngumiti si Jane. "Pero alam mo, una kong naka-sex ay babae."

Napatingin muli si Rebecca kay Jane. "Talaga?"

"Oo. 13 years old ata ako no'n."

"Grabe ka!"

Tumawa si Jane. "Oo nga! E, na curious lang naman kami. Tapos iyon na. MaSamp naman. Actually, kung iisipin. Madalas mas maSamp kapag babae ang ka-sex ko. Alam kasi natin kung paano paligayahin ang isa't isa. Hindi kagaya ng mga lalake na basta na lang iso-shoot ang tite kahit hindi pa naman tayo handa. Worst, hindi ka pa papatapusin." Napailing ito.

Napalunok si Rebecca. Wala pa siyang experience sa lalake ngunit aaminin niya. Sobrang na enjoy niya ang mga sandaling iyon. Hindi lang na enjoy dahil naSampan din. Ibig sabihin ba nito ay hindi na siya virgin?


Chapter 3: "Daming ganap...

"Daming ganap sa school! Parang gusto ko ulit ng boylet!"

Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Rebecca noong marinig ang kaibigan. Katatapos lang ng unang klase nila sa umaga ay parang pagod na pagod na naman ito. Napailing siya at inayos ang mga gamit.

"Ayan ka na naman e."

Ngumiti anng malapad si Jane. "Besh."

Tumigil si Rebecca at tiningnan ang kaibigan. Nakalabi ito sa kaniya at bahagyang nagpa-puppy eyes pa. Napangiwi siya. "Tumigil ka nga! Alam ko na 'yang mga tingin mo!"

"E dali na! Samahan mo ako ulit! Grounded ako for a month. Hindi ako makakalabas kapag hindi ikaw ang nagpaalam kila Daddy."

Pinandilatan ni Rebecca si Jane. "Ayaw ko! Halika na nga! May klase pa tayo na kasunod."

Napalabi si Jane. "Ang KJ mo talaga!"

Hindi na pinansin pa ni Rebecca ang kaibigan. Kahapon pa kasi ito namimilit sa kaniya na samahan siyang muli sa club. E talagang umayaw na siya dahil sa nangyari sa kaniya. Hindi na niya kayang makakita pa ulit ng ganoong senaryo. Baka mawalan na siya ng tuhod kakaluhod kakahingi ng tawad sa Diyos dahil doon.

"Ay teka! Samahan mo pala muna ako sa clinic. Nasakit ang puson ko e. Nasobrahan ata."

"Alam mo, ang bibig mo talaga! Minsan nga magmumog ka rin ng holy water para naman kumalma ka!"

Tumawa si Jane. "Ang seryoso mo kasi palagi! Parang kukunin ka na ni Lord sa sobrang kabanalan mo e!"

"Jane!"

Lalong tumawa si Jane. Napailing na lamang si Rebecca sa kadumihan ng bibig nito. Kung pwede lang niya itong i-unfriend ay ginawa na niya.

"Halika na nga! Ang dami mong sinasabi e! Mamaya may tulo ka na dahil sa mga kalokohan mo."

"Hoy! No!" Itinaas pa ni Jane ang isang daliri at sumenyas ng hindi. "Always practice safe sex, friend. Try mo na kaya?"

Naiikot ni Rebecca ang mga mata at nauna nang maglakad. Pakiramdam niya palagi ay sasabog ang kaniyang ulo kakaisip sa mga sinasbai ng kaibigan. Alas dyes pa ang susunod nilang klase kaya pwede pa silang pumunta sa clinic para humingi ng gamot nito.

Nasa ikahuling taon na si Rebecca sa kolehiyo. At parehas sila ni Jane na arkitekto ang kinuha kurso. Kaya minsan ay hindi niya malubos maisip kung bakit parang easy lang kay Jane ang lahat. Heto siya at araw-araw na lang parang tatagos na sa pader kakaisip sa mga sketch na dapat niyang tapusin. Pero ang dahilan naman nito palagi sa kaniya ay iyon daw ang paraan nito para magbawas ng stress sa school projects at activities nila. Pero kung siya ang tatanungin? Nakakatakot ang stress reliever nito.

"Ano ba kasi ang nangyayari sa 'yo? Dinatnan ka na ba?" tanong ni Rebecca kay Jane habang naglalakad sila.

"Wala pa nga e. Pero alam ko parang malapit na."

"Tapos gusto mo pang lumabas mamaya? Ipirmi mo na kasi 'yang sarili mo."

Ngumuso ulit si Jane. "Alam mo, para ka nang nanay. Palagi mo na lang akong sinisermunan."

"Ikaw kasi. Kung ano-anong naiisip mo sa buhay. Pwede naman kasing kumain ka na lang o manood kung stress ka na."

"Duh? Edi tumaba naman ako, 'di ba? Hindi pwede! Paano pa ako magugustuhan ng FUBU ko kung mataba na ako?"

Napabuga na lang ng hangin si Rebecca. Hindi na niya sinagot pa ang kaibigan at pumasok na sa building kung nasaan ang clinic ng school nila. Malapit lang iyon sa registrar building at medyo malayo sa building ng course nila. Kaya napalakad pa talaga sila. Nakakapit na nga si Jane sa kaniya dahil nga namimilipit na ito bigla sa sakit.

"Halika."

Inakay ni Rebecca ang kaibigan papasok ng clinic. Nakita niya ang isang babae na nakaupo sa table at may kung anong sinisulat. Hindi niya ito agad napansin dahil nga akay-akay niya si Jane. Tinulungan niya ito hanggang sa makahiga ito sa higaan.

"What happened here?" tanong ng isang babae.

Bahagyang inikot ni Rebecca ang balikat. "Nasakit po ang puson niya, Ma—"

Napanganga si Rebecca noong makita kung sino ang babaeng nagtanong. Nakatayo ito sa kabilang gilid ni Jane at bahagyang pinipisil ang tiyan. Nag-angat ito ng ulo at tumingin sa kaniya. Ngumiti ito kay Becky.

"Hey!"

Naiikom ni Rebecca ang bibig at agad na tumalikod. 'Diyos ko, Lord! Help me! Siya iyong nakilala ko sa club!'



Chapter 4: "Hey! It's you!"

"Hey! It's you!"

Napa-sign of the cross si Rebecca noong marinig ang sabi ng babae. Pinagpawisan siya bigla nang malamig. Dasal siya nang dasal na sana ay nagkakamali lamang ito at hindi siya naalala. Napapitlag pa siya noong biglang sumulpot sa kaniyang harapan ang babae.

"Hey! It's Sam! Remember me?"

Namilog ang mga mata ni Rebecca. "H-Ho? Ako?" Itinuro niya ang sarili. Tumango naman ito. Ngumiwi siya. "Y-Yes. Student po ako rito. Medyo madalas ako rito kaya baka naalala niyo ako," pagsisinungaling niya.

"No. Not here. In the c—"

"Ma'am!" biglang sabi ni Rebecca at bahagyang pinalaki ang mga mata. Nangunot ang noo nito na para bang nagulat. Paulit-ulit niyang dinadasal na nawa'y maunawaan nito ang ibig sabihin niya. "I-Iyong kaibigan ko po. Kailangan niya ng tulong mo." Pinilit niya ngumiti rito.

Hindi naman maiwasang magtaka ni Sam sa inaakto ni Rebecca. Ngunit noong makita niya ang bahagyang pag-iling nito ay doon lang niya napagtanto ang ibig sabihin ng dalaga. Bahagya siyang napangiwi at tumango-tango.

"O-Okay. Sorry. Let me check her first."

Nakahinga nang maluwag si Rebecca noong muling lumapit si Sam kay Jane. Paglingon niya sa kaibigan ay nakita niya ang nagtatanong nitong mga mata. Nginitian niya lang ito at hinawakan ang braso.

"You'll be okay, friend!"

Inirapan siya ni Jane. "Ikaw... may hindi ka ba sinasabi sa akin?"

Nawala ang mga ngiti ni Rebecca. Si Sam naman ay napatigil sa pagpindot-pindot ng tiyan ni Jane.

"Why, Miss? Is there a problem?" tanong ni Sam.

Tumingin si Jane kay Sam. "Ma'am. Do you know my friend? Personally?"

Ngumiti si Sam. "Why?"

"Well... you two looked suspicious."

Humigpit ang hawak ni Rebecca sa braso ni Jane. Napadaing pa ito dahil napalakas ang hawak niya. "Nak, Ma'am. Pagpasensyahan niyo na itong kaibigan ko, ha? Kasi baka sa sobrang sakit ng puson niya ay umakyat na sa utak niya."

"Pinagsasasabi mo, Becca?! Alam ko ang—"

Tinakpan ni Rebecca ang bibig ni Jane. "Ano po ba ang sakit niya, Ma'am?"

Natawa si Sam sa inaakto ni Rebecca. Sa isip niya ay lalo itong gumaganda sa ginagawa nito dahil namumula na rin ang mga pisngi nito.

"Well, your classmate here has an abdominal pain. Normal lang sa mga babae ang magkaroon ng cramps sa tuwing palapit na ang period."

"Talaga po? Wala siyang tulo?"

"Rebecca!" Tumili na si Jane.

Tumawa lang si Rebecca at bahagyang lumayo sa kaibigan dahil hahampasin siya nito sa braso. Napailing si Sam habang nakangiti.

"Hindi na siya dito dapat i-check kung yan ang concern niyo."

"Hala, Ma'am! Hindi totoo 'yan! Safe ako!"

Ngumiti si Sam. "Okay. I'll give you meds to help you with your cramps. Pwede ka rin mag-stay muna rito kung hindi ka pa makalakad."

"Thank you, Ma'am!" Ngumiti na nang malapad si Jane. "Jane po ang pangalan ko."

Naglakad si Sam papunta sa medicine cabinet. "Nice meeting you, Jane. How about your friend? What is her name?"

Muling natigilan si Rebecca. Nagkatinginan silang magkaibigan. Agad na ngumiti nang nakaloloko si Jane. Pinandilatan ito ni Rebecca.

"Rebecca po ang pangalan niya, Ma'am!"

Humarap na si Sam sa mga ito. May hawak na siyang gamot. "Hmm? Rebecca? What a nice name?" Ngumiti siya nang makahulugan at hinuli ang mga tingin ni Rebecca.

Agad na nag-iwas ng tingin si Rebecca dahil biglang bumilis ang pagkabog ng kaniyang dibdib. Naiinis siya sa sarili dahil parang na aapektuhan pa siya sa presensya ng dalaga. Ilang araw na ang nakalipas. Akala niya ay nakalimutan na niya iyon.

"T-Thank you po."

"Here." Binigyan ni Sam ng isang tableta si Jane. Kumuha na rin siya ng miniral water at inabot din iyon sa dalaga. "Drink this. Magpahinga ka na muna rito kung hindi mo pa kaya."

"Naku! Kaya na niya, Ma'am! 'Di ba, Jane?"

Ininom ni Jane ang gamot. "Ha? Hindi pa. Masakit pa ang puson ko!"

Muling pinandilatan ni Rebecca ang kaibigan. "Kaya mo na, Jane!"

"Bakit ba parang pinapaalis mo na ako?"

"Ha?"

"Oo nga, Rebecca. Bakit parang nagmamadali ka ata?" tanong ni Sam.

Agad na napatingin si Rebecca kay Sam. Nakangiti ulit ito na para bang nanunudyo. "N-Nagmamadali? Ako? Sino ang nagmamadali?"

"Hmm... feeling ko talaga may hindi ka sinabi sa akin e."

Nawalan na ng sasabihin si Rebecca. Ayaw niyang malaman ni Jane ang nangyari sa kanila ni Sam dahil sigurado siya na tutuksuhin siya nito. At isa pa, nakakahiya na malaman ng iba na bumigay siya bigla sa taong hindi niya kakilala. At isa pang babae!

"Alam mo, sige! Dito ka na lang muna. Babalikan na lang kita, ha?"

Nagmamadali nang lumabas si Rebecca ng clinic. Hindi na niya pinansin ang kaibigan kahit na panay ang pagtawag nito sa kaniya. Sobra siyang nahihiya kay Sam. Gusto na niya itong kalimutan pero kung minamalas pa siya ay talaga ito pa pala ang school nurse nila! 


Chapter 5: "Tingnan mo...

"Tingnan mo 'yon! Iniwan talaga ako!" reklamo ni Jane.

Napailing na lang si Sam habang nakangiti. 'Still innocent.' Tumingin siya kay Jane. "Magpahinga ka na lang muna riyan, okay? Kung may kailangan ka ay sabihin mo lang."

"Sige po." Napabuga ng hangin si Jane at muling nahiga.

Muling bumalik si Sam sa lamesa niya at chineck ang mga files. Every quarter kasi ay required ang mga estyudante sa university na magpa-medical. Parte na iyon na masiguro na maayos ang kanilang mga estyudante. Magiging abala na naman siya. Napatigil siya noong muli niyang maalala si Rebecca. Ilang araw na ang nakalipas mula noong magtagpo sila ulit. Ngunit malinaw pa rin para sa kaniya ang lahat.

Flash backFlashback

The night of their encounter

"Round two?"

Namilog ang mga mata ni Rebecca. Hindi pa nga siya nakakabawi nang paghinga ay may balak na naman ito. Namilog ang mga mata ni Rebecca noong mapagtanto niya ang ginawa.

"O-OMG!"

Nangunot ang noo ni Sam. Ipinatong niya ang mga kamaya sa magkabilang gilid ni Rebecca. Nakasandal na ito at sapo-sapo ang bibig.

"What's wrong? Hindi mo ba na enjoy?" mapang-akit na tanong niya. Akma niya itong hahalikan ulit ngunit umiwas na ito.

"W-Wait! This is wrong!" natatarantang sabi ni Rebecca. Bahagya niyang itinulak si Sam. Nagmamadali niyang isinuot muli ang mga damit.

Napabuga ng hangin si Sam. Naupo siya sa sofa at pinanood si Rebecca. "Are you sure?"

"Ha? Ahm. S-Sorry talaga. Ano... Ah.. L-Lasing lang ako! Uuwi na ako!"

"Wait!"

End of flashback

Napangiti si Sam. Kitang-kita niya ang pagkataranta sa dalaga na para bang wala pang experience. Bigla tuloy siyang na challenge. Sa lahat ng babaeng nakasama niya ay ito lang ang umakto nang ganoon.

"Jane. Is Rebecca single?"

Napatingin si Jane kay Sam. Sandali siyang napaisip dahil sa tanong nito. Napansin naman iyon ni Sam kaya agad itong ngumiti.

"Sorry. I know it's weird to ask. But she looks interesting."

Lumabi si Jane. "Ayaw mo sa akin, Ma'am?" Ngumiti siya nang makahulugan.

"Hindi naman sa gano'n."

Tumawa si Jane. "Joke lang po! Naku! Mahihirapan ka do'n, Ma'am. Masyadong banal 'yon."

"What do you mean?"

"Christian po kasi. Hindi naniniwala sa mga... alam mo na? Kagaya sa atin. At naniniwala siya na sa magiging asawa lang niya ibibigay ang sarili." Tumawa si Jane.

Napatango-tango si Sam. "Really?" Lalo siyang napangisi. "That's exciting," bulong niya.

"Po?"

"Nothing. "Is it okay if I ask for her cellphone number? Or may social media account ba siya?"

Ngumiti nang malapad si Jane. "Whoa! Ikaw, Ma'am, ha? Type mo si Rebecca?"

"Well... are you okay with it?"

Tumawa nang malakas si Jane. Ngunit muli siyang napangiwi noong kumirot ang puson niya.

"Sure, ma'am! Support! Binyagan mo na ang kaibigan ko!"

'If you only knew.'

~~~

One message received:

Unknown number: Hi! 🙂

Nangunot ang noo ni Rebecca noong makita ang isang text message sa kaniyang cellphone. Sino pa ba ang gumagamit ng text ngayon? E halos lahat ay data na ang gamit. Hindi na lamang iyon pinansin ni Rebecca at muling nagbasa. Ngunit imbes na bumalik ang kaniyang focus sa libro g binabasa ay muli iyong tumunog.

"Sino ba kasi ito?"

Unknown number: Hi, Rebecca! 🙂

Rebecca: Hello. Sino po sila?

Napangiti si Sam noong makita ang reply ni Rebecca. Duty niya pa rin sa school at nagbabakasakali na makausap na si Rebecca.

Sam: This is Sam! Remember me?

Nangunot ang noo ni Rebecca. "Sam? Sinong Sa—Oh my god!"

Nabitawan niya ang cellphone at nagpalinga-linga sa library. Mag-isa lang siya ngayon na naroon dahil si Jane ay hindi nakapasok. Huminga siya nang malalim at muling kinuha ang cellphone.

"Sam? Seryoso? Paano niya nakuha ang number ko?" Nakagat niya ang labi. Pinatay niyang muli ang cellphone at tumingin sa paligid. Napakatahimik doon dahil abala rin ang ibang estyudante sa pag-aaral.

Magmula noong malaman ni Rebecca na isang school nurse si Sam ay naging maingat na siya. Hanggat maari ay lumalayo siya sa clinic upang hindi ito makita. Nakakahiya naman kasi dahil school staff pala ito. Sobrang nakakahiya ang nangyari sa kanila.

Sa clinic naman ay nakakunot na ang noo ni Sam. Ilang minuto na kasi ang nakalipas ay hindi pa rin ito nagre-reply. Ito pa lang ang unang babaeng gumawa nito sa kaniya. Kaya siya ay naninibago.

Sam: Hey! Pwede ka bang makausap?

Muling kinuha ni Rebecca ang cellphone. "Usap? Bakit naman niya ako gustong makausap?" Napaisip siya. "Sabagay, kailangan din namin mag-usap. Dapat makausap ko siya!"

Rebecca: Hello. Sure. Saan ba tayo pwedeng mag-usap, Ma'am?

Umarko ang kilay ni Sam noong makitang tinawag siyang ma'am ni Rebecca. "You're really challenging me, Rebecca," bulong niya.

Sam: Kaya mo bang pumunta sa clinic ngayon? Are you free?

Rebecca: Yes, Ma'am. Pupunta na ako.

Napangisi nang malapas si Sam. "This is getting exciting." 



Chapter 6: Umayos ng...

Umayos ng upo si Sam noong marinig niyang bumukas na ang pinto ng clinic. Wala siyang pasyente ngayon kaya malaya siyang makipagkita kay Rebecca. Ngunit pagtingin niya sa may pinto ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya.

"Tricia? What are you doing here?" gulat na tanong ni Sam. Imbes na si Rebecca ang dumating ay ang dalaga ang kaniyang nakita. Si Tricia, ang naging girlfriend niya ng isang taon. Sa totoo lang ay matagal na silang tapos ngunit hindi pa rin ito maka-move on. Dahil minsan bored siya ay hinahayaan na lamang niyang kitain siya nito paminsan-minsan.

Nakangiting lumapit si Tricia kay Sam. Agad itong naupo sa kandungan ni Sam at pumulupot sa leeg nito.

"Babe! I miss you!" malambing na sabi nito at akmang hahalikan si Sam. Ngunit mabilis na hinawakan ang braso nito at bahagyang inilayo sa kaniya.

"What are you doing here?"

Lumabi na si Tricia. "Ayaw mo bang nandito ako? At hindi mo ba ako na miss? Mahigit isang buwan na tayong hindi nagkikita!"

Pinilit na itinayo ni Freen si Tricia. Umayos naman ang dalaga at nagtatakang tiningnan siya.

"You can't be here right now. Go," taboy ni Sam.

Napasimangot na si Tricia. Hindi ito kumilos sa pwesto at tinitigan lang si Sam.

"May babae ka na naman, 'no?"

"What?" Napailing si Sam. "Wala akong time para makipagkulitan sa 'yo, okay? At isa pa, tapos na tayo, 'di ba?"

Naiikot ni Tricia ang mga mata. "We already talked about this, right? Papayag akong mambabae ka. Pero kapag oras ko ay ako lang dapat."

Hindi nakaimik si Sam. Sa totoo lang ay hindi naman siya sumang-ayon sa gusto nito. Nagkataon lang na ito ang malapit sa kaniya palagi. Na ito na ang lumalapit sa kaniya. At maganda rin naman ang samahan nila kahit papano—lalong-lalo na ang sex. Ang hindi lang talaga niya magustuhan ay ang pagiging praning nito palagi kaya hiniwalayan na niya.

"Just go."

"No!" protesta ni Tricia.

Magsasalita pa sana ulit si Sam ngunit bumukas na ang pinto. Pumasok doon si Rebecca. Napatigil din ito at gulat na pinagpalit-palit ang mga tingin sa kanilang dalawa.

"A-Ahh... may bisita po pala kayo, Ma'am," magalang na sabi ni Rebecca.

"And who are you?" mataray na tanong ni Tricia. Pinagkrus pa nito ang mga kamay at tiningnan mula ulo hanggang paa.

Naiikom ni Rebecca ang bibig. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Kung titingnan ito ay para itong babaeng maagawan ng lalake. Napatingin siya kay Sam. Mali siya, para itong maagawan ng babae.

Mabilis na kumilos si Sam at hinawakan ang braso ni Tricia. "She's my patient. So, go now."

"Really? Totoo ba iyon?"

"Ahm..."

"Nagtatrabaho ako, Tricia."

Naiikot ni Tricia ang mga mata. "Fine! Babalik na lang ako. Call me, okay?"

Ngumiti ito at akmang lalapit kay Sam upang humalik ngunit umatras ang dalaga. Tuluyan nang hinila ni Sam si Tricia palabas at isinara ang pinto.

Tahimik naman na gumilid si Rebecca at tumungo na lamang. Kitang-kita niya ang mga nangyari. Hindi niya maitatanggi na para bang may espesyal na ugnayan ang dalawa. Ngunit kung may nobya ito ay bakit ito pa ang nagbigay ng motibo sa kaniya noon? Napailing si Rebecca.

Tumikhim si Sam. "Rebecca. Sit down."

Lumapit si Rebecca sa itinurong upuan ni Sam malapit sa table nito. Kung kanina ay kinakabahan siya na makakaharap niya si Sam. Ngayon ay parang gusto na niyang umalis. Hindi niya alam kung bakit para bang bigla siyang nainis dito. Naupo rin si Sam sa upuan nito.

"I'm glad you really came," nakangiting sabi ni Sam.

Huminga nang malalim si Rebecca. "Of course. May gusto rin akong sabihin sa 'yo."

"Really? Ano naman iyon?"

"Ahm..." Bigla na lang naumid ang dila ni Rebecca. Kanina lang ay pina-praktis niya pa kung paano ba sasabihin kay Sam ang mga salitang gusto niyang sabihin. Ngunit ngayon ay parang nawalan siya bigla ng boses. Humigpit ang kapit niya sa librong nasa kandungan. Nakatingin lamang siya sa sahig habang pinipilit ang sarili na magsalita. Kaya naman ay nagulat siya noong makitang nasa harapan na niya si Sam. May gulong kasi ang upuan nito kaya mabilis na nakalapit sa kaniya.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Sam.

Naiikom ni Rebecca ang bibig. Muling kumabog ang kaniyang dibdib noong hinawakan ni Sam ang kaniyang baba at dahan-dahang inangat. Lalo siyang hindi nakapagsalita dahil halos isang dangkal na lang ang layo ng kanilang mga labi. Napalunok na lamang siya noong maalala ang tagpo nila noong gabi at pinamulahan ng mga pisngi.

"O-Okay lang."

"Are you sure?"

'Gosh! Tulong!' sigaw niya sa isipan. Pakiramdam ni Rebecca ay bibigay na naman siya kay Sam. Kung tumitig kasi ito ay namumungay ang mga mata na para bang inaakit siya. Idagdag pa ang labi nitong panaka-naka nitong binabasa gamit ang dila. Inaakit ba siya nito?

"Tell me, Becca... what is it you want to tell me?"

Pakiramdam ni Rebecca ay napugto na ang kaniyang paghinga noong muling magsalita si Sam. Napaka-sexy nitong tingnan kahit na sa simpleng ayos lang. Bakit ba ganito ang kaniyang nararamdaman kapag kaharap ang dalaga? Dahil ba sa nangyari sa kanila?

Mabilis na umiling si Rebecca at inatras ang ulo na para bang biglang nagising sa malalim na pagkatulog. Dahil sa biglaang pagsandal niya ay hindi niya nabalanse ang sarili at muntik pang bumaliktad. Mabuti na lamang at mabilis na nahawakan ni Sam ang kaniyang mga kamay at hinila siya nito palapit dito.

"Whoa! Are you really okay?"

Nakayakap na sa baywang ni Rebecca si Sam. At si Rebecca naman ay nakasubsob na sa dibdib nito at nakakapit sa balikat nito. Umatras din nang kaunti ang upuan kaya halos mahulog na si Rebecca sa sahig kung hindi lang sa mahigpit na pagkapit sa kaniya ni Sam.

Hindi agad kumilos si Rebecca. Muli siyang nawala sa sarili noong masamyo ang pabango nito. Para siyang kiniliti sa buong katawan. Pakiramdam niya pa nga ay namasa na agad ang kaniyang ibaba dahil doon.

'OMG! Ano ba ang nangyayari sa akin?! Gising, Rebecca!'

"Rebecca? Do you like this position? Medyo mahirap."

Lalong nahiya si Rebecca. Nagmamadali siyang tumayo at inayos ang sarili. Tumikhim siya at pilit na kinalma na ang sarili.

"Ahm, s-sorry, Ma'am!"

Natawa si Sam. Inabot niya ang kamay ni Rebecca at muling lumapit dito. "Why are you being formal to me?"

Namilog ang mga mata ni Rebecca. Binawi niya ang kamay mula rito at muling umatras. "S-Sam. Okay. Narito ako para pag-usapan natin iyong n-nangyari sa atin."

"Ano ba ang nangyari sa atin?" Ngumiti nang makahulugan si Sam.

'Goodness! Inaakit niya nga ako!'

Napailing si Rebecca at pilit na tinatagan ang sarili. "Pwede bang kalimutan mo na lang iyon?"

Umarko ang kilay ni Sam. Umayos siya ng upo at pinakatitigan si Rebecca. Ipinatong niya pa ang siko sa patungan ng kamay ng upuan niya at ginalaw-galaw ang mga daliri. Napangiti siya noong nag-iwas na ng tingin sa kaniya si Rebecca.

"Iyan ba ang gusto mo?"

"Y-Yes! Oo naman!"

Tumayo si Sam at dahan-dahang lumapit kay Rebecca. Nangunot naman ang noo ni Rebecca at umatras din. Sa bawat paghakbang ni Sam palapit sa kaniya ay umaatras din siya. Hanggang sa maramdaman na lamang niya na may tumama sa likod ng hita niya at bigla siyang napaupo. Napagtanto na lamang niya na nasa isa sa mga higaan na siya.

"T-Teka!" natatarantang sabi ni Rebecca. Tatayo siya sana ngunit biglang inilagay ni Sam ang mga kamay sa magkabilang gilid niya kaya hindi siya nakakilos.

"Iyon ba talaga ang gusto mo, Becca? Hmn?"

Napapikit-pikit na si Rebecca. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong nito dahil iba ang sinasabi ng katawan niya. Lalo na ng isip niya. Napalunok na lamang siya noong mapatitig siya sa labi nito. Muli siyang tumingin sa mga mata ni Sam.

'Bahala na nga!'

Sinapo ni Rebecca ang magkabilang pisngi ni Sam at hinalikan ito sa labi. 



Chapter 7: Habol ang...

Habol ang hininga na naglayo ang mga labi nina Sam at Rebecca. Napatitig si Sam kay Rebecca na may kaunting pagtataka dahil nagulat siya nang kaunti sa ginawa nito.

"B-Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" tanong ni Rebecca. Napapalunok pa ito at bahagyang nadismaya dahil sa ekspresyon ni Sam. Bigla tuloy siyang nahiya dahil sa inasal niya. Tutungo na nasa niya ngunit biglang inabot ni Sam ang kaniyang labi kaya nagulat siya.

Sandaling lumayo si Sam. "I love it."

Hinawakan ni Sam ang batok ni Rebecca at hinalikan pa ito nang mas mariin. Hindi agad nakagalaw si Rebecca dahil nagugulat pa siya. Ngunit ilang sandali pa ay napansin na lamang niyang tumutugon na siya sa mga halik nito.

Unti-unting inihiga ni Sam si Rebecca habang patuloy itong hinahalikan. Lalo siyang ginanahan noong hawakan niya ang dibdib ni Rebecca at umungol ito nang kaunti.

Pilit na sinabayan ni Rebecca ang galaw ni Sam. Noong maramdaman niya ang dila nito sa loob ng kaniyang bibig ay agad niya iyong sinalubong. Dahil hindi niya malaman kung saan siya kakapit ay naipatong niya ang mga kamay sa dibdib nito. Natigilan siya noong tumigil si Sam sa paggalaw.

"B-Bakit?" nag-aalalang tanong ni Rebecca.

Ngumiti si Sam. "Nothing." Muli niyang siniil ng halik ang dalaga.

Kasabay ng paghimas nito sa kaniyang dibdib ay ganoon din ang ginawa ni Rebecca kay Sam. Bumaba rin ang mga halik nito sa kaniyang leeg na lalong ikinainit ng kaniyang katawan. Bumigat ang paghinga ni Rebecca at hindi na napigilan pa ang sarili. Itinulak niya si Sam pahiga sa kama at siya ang pumatong dito.

Napangiti nang malapad si Sam. "Okay..."

Habang hindi inaalis ni Rebecca ang mga mata kay Sam ay inisa-isang alis niya ang butones ng blusa nito. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. Wala siyang ideya. Para bang biglang nagkaroon ng sariling isip ang kaniyang katawan at kumilos iyon ng kusa. Napasinghap pa si Rebecca noong makita na ang dibdib ni Sam. Napakaperpekto nitong tingnan hindi kagaya sa kaniya. Sakto lamang ang laki niyon at kulay rosas ang nipol. Napalunok siya at muling tumingin sa mga mata ni Sam.

"Touch it," utos ni Sam.

Inangat ni Rebecca ang kamay at ipinatong sa kaliwang dibdib ni Sam. Lalong bumilis ang pagtibok ng puso niya noong dumampi na iyon sa kaniyang balat. Marahan niya iyong minasahe habang dinadama iyon. Napakalambot. Iyon ang naisip ni Rebecca. Ngunit ang nipol nito ay matigas na at tayong-tayo.

"Taste it."

Tumango si Rebecca. Ipinatong niya ang isang kamay sa higaan at dahan-dahang ibinaba ang ulo at saka isinubo ang kabilang dibdib ni Sam. Lalong nag-init ang kaniyang katawan na para bang sinisilaban na siya. Wala iyong lasa ngunit para siyang sanggol na gutom na gutom sa pagsipsip sa dibdib nito.

Hinawakan ni Sam ang likod ng ulo ni Rebecca at iginiya ito. Kinagat niya ang labi at pinagmasdan ang ginagawa ng dalaga. Halata sa kilos nito na wala pa itong alam sa pakikipagtalik. Ngunit dahil din doon ay hindi maiwasang ma-excite ni Sam. Napapikit siya at bahagyang lumiyad noong kinagat nang marahan ni Rebecca ang kaniyang nipol. Nagpatuloy ito sa ginagawa. Palipat-lipat sa kaniyang dibdib ang bibig nito na patuloy nitong minamasahe.

"Hmm..."

Tumingin si Rebecca kay Sam. Napangiti siya nang kaunti dahil kita niya na nasisiyahan ang dalaga sa kaniyang ginagawa. Kaya naman ay binitawan niya ang isang dibdib nito at tinanggal ang pagkakabutones ng pantalon nito saka ipinasok ang kamay sa loob niyon. Kagaya ng dibdib nito ay malambot din iyon at wala manlang siyang mahawakang buhok.

Humigpit ang hawak ni Sam sa buhok ni Rebecca noong hinawakan na nito ang kaniyang pagkababae. Nilaro-laro nito ang kaniyang hiwa kaya napaungol siyang muli. Nagpatuloy din sa pagsipsip si Rebecca sa kaniyang dibdib at paglalaro ng kaniyang nipol gamit ang dila.

"Damn! Becca!"

Napangiti si Rebecca. Sandali siyang tumigil at pumantay kay Sam kahit na hindi pa rin inaalis ang kamay sa pagkababae nito. "Do you like it?"

"Y-You're good!"

Hinalikan ni Rebecca ang labi ni Sam. Mariin. Mapusok na para bang may hinahanap. Nagugulat na rin si Sam dahil hindi ganito si Rebecca noong unang tagpo nila. Kung kumilos ito ngayon ay para bang alam na alam na nito ang ginagawa.

Naupo si Rebecca at tuluyan nang hinubad ang suot na pantalon ni Sam. Ibinuka niya ang mga hita nito at pinagmasdan ang pagkababae nito. Muli siyang napalunok. Sa totoo lang ay ngayon lamang siya nakakita niyon dahil kahit ang sariling ari ay hindi niya tinitingnan. Pakiramdam niya ulit ay muling may nabuhay na kung ano sa kaniyang loob. Nanginginig pa ang kamay na muling hinaplos iyong at dahan-dahan na ipinasok ang isang daliri sa butas nito. Dahan-dahan. Labas-masok. Noong una ay kalahati lamang ng kaniyang daliri na para bang sinusuri pa iyon. Basang-basa na ang ari ni Sam kaya naging mas madali niyang ipasok ang kaniyang daliri. Hanggang sa unti-unti na niyang ipinasok nang buo ang kaniyang daliri.

Hindi inalis ni Rebecca ang mga tingin sa mga mata ni Sam. Kitang-kita niya ang sarap sa ekspresyon nito kaya mas binilisan niya ang paggalaw. Labas. Pasok. Labas. Pasok. Hanggang sa mas lalong namamasa ang ari nito at napapanganga na si Sam.

"A-Add more!"

"Ha?"

Sandaling tumigil si Rebecca at sinunod si Sam. Dinagdagan niya ng isang daliri ang gamit sa pagpapaligaya rito. Mas lalong ibinuka ng dalaga ang mga hita kaya mas binilisan niya ang paggalaw. Muli ay nakita niya kung paanong nasiyahan si Sam sa kaniyang ginagawa. Ramdam niya rin na namamasa na ang kaniyang pagkababae pero mas importante sa kaniya ngayon na paligayahin si Sam.

Labas.

Pasok.

Sagad.

Ikot.

Halos mabaliw si Sam sa ginagawa ni Rebecca. Ilang babae na ang kaniyang natikman ngunit ngayon lamang siya napapasigaw sa sarap. Ramdam na ramdam niya sa kaniyang loob ang mga daliri nito. Unti-unti na niyang naramdaman ang pamumuo sa kaniyang puson. Kaya sinabyan na niya ang pagkilos ng kamay ni Rebecca at iginalaw rin ang balakang.

"G-Gosh!"

Hindi na kinaya pa ni Sam. Naupo siya at pinahiga si Rebecca. Nagmamadali niyang hinubad ang pantalon nito at pang-ibaba. Nagulat pa siya noong makitang basa na rin iyon kaya napangiti siya. Ngunit mas lalo siyang ginanahan noong makitang isinusubo rin ni Rebecca ang daliri nitong ginamit sa kaniya.

"You..."

Hinila na ni Sam si Rebecca at pumwesto sa gitna nito. Sabay silang napaungol noong magdikit ang kanilang mga ari. Hinawakan niya ang hita ni Rebecca habang patuloy sa paggalaw ng balakang. Ilang sandali pa ay naramdaman na ni Sam na lalabasan na siya. Kaya naman ay mas binilisan niya pa ang pagkilos. Hanggang sa magkasabay na nilang naabot ang rurok ng kaligayahan.

Hingal na hingal na humiga si Sam sa tabi ni Rebecca. Dumapa siya at tiningnan ito. "You surpised me."

Huminga nang malalim si Rebecca. "Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?"

Hinalikan ni Sam sa noo si Rebecca at nginitian ito. "I love it." 



Chapter 8: Matapos ang...

Matapos ang ikalawang pangyayari sa kanilang dalawa ay nasundan pa iyon ng ilang beses. Hindi na maiwasan pa ni Rebecca ang dalaga dahil para bang hinahanap-hanap ito ng kaniyang katawan. Para itong droga na nagpahumaling sa kaniya nang maigi.

"Hoy, Becca? Tulala ka na naman!" bati ni Jane sa kaibigan.

Tumikhim si Rebecca at umayos ng upo. "Nabili mo ba?"

"Ayan." Ipinatong ni Jane ang ice coffee na pinabili ni Rebecca. Naupo siya sa tabi nito. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo? Bakit parang napapadalas ang pagkakape mo, ah?"

Hindi agad nakasagot si Rebecca. Hindi naman talaga siya mahilig sa kape. Mas gusto niya ang milktea. Ngunt magmula nga noong makasama na niya si Sam ay palagi na siyang napapakape. Ilang beses niyang pinigilan ang sarili ngunit hindi naman niya mapigilan ang sarili.

"Wala," matipid na sagot niya.

"Ah, nag-text na ba sa 'yo si Ms. Sam?"

Natigilan si Rebecca at biglang binundol ng kaba. "Ha? Sino?" Kunyari ay hindi niya ito kilala.

"Si Ms. Sam. Iyong nurse natin sa clinic?"

"Ahm... bakit naman siya magti-text sa akin?"

Ngumiti nang malapad si Jane. "Ibinigay ko kasi ang number mo sa kaniya. Type ka raw niya! Yiee!" kinikilig na sabi nito.

Namilog ang mga mata ni Rebecca. Sinasabi na nga ba niya! Ngunit imbes na pagsabihan ito ay nag-iwas siya ng tingin at ininom na ang kape. Walang ibang nakakaalam ng ugnayan nila ni Sam ngayon. At wala siyang balak ipaalam iyon sa iba.

"W-Wala naman. Tsaka anong type? Parehas kami babae, 'no?"

Inirapan ni Jane si Rebecca. "E ano naman? Ang ganda kaya ni Ma'am. Ang sexy pa!" Pumalatak ito. "Sayang nga e. Ikaw ang type. Ready pa naman ako sana sa kaniya."

"Ano?!" Bahagyang tumaas ang boses ni Rebecca. Napakislot si Jane at gulat na tumingin sa kaniya. "Type mo siya?!"

Napangiwi si Jane. "Ha? Oo naman! Lesbian 'yon si Ma'am. Kaya nga ako pumunta sa clinic para—"

"Stop! Nurse 'yon sa school natin, Jane. H'wag na siya ang patulan mo, okay?!"

"Ang oa mo! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ikaw ang type niya. Kaya kahit na maghubad ako sa harapan no'n ay hindi pa rin ako ang papansinin!"

Muling kumalma si Rebecca. Bigla kasi siyang nakaramdam nang inis dahil sa sinabi ni Jane. May balak pa ata itong agawa siya kay Sam. Natigilan ulit si Rebecca. Bakit ba niya iniisip na may aagad sa kaniya kay Sam? E wala naman silang relasyon? Bigla siyang nanlumo.

"Jane... paano mo nagagawa iyon?"

"Ang alin?"

"Sex? Hindi mo ba gusto ang mga nakaka-sex mo?"

"Ha? Gusto naman. But it's just a sex."

"Just a sex? Ano 'yon? Pagkatapos niyong magtikiman ay tapos na? Wala na kayong pakealam sa isa't isa?"

"Oo naman. Ano ka ba? Minsan kasi ay lumabas ka rin sa mundo, ha? Balik tayo sa club, bet mo?"

Naningkit ang mga mata ni Rebecca. "No!"

"Dami mong tanong e!"

Humigna nang malalim si Rebecca. "E kasi, ang sex ay sagrado at para lang sa mga mag-asawa. Okay. Kung mayroon na babae sa babae. Lalake sa lalake. Pero hindi ba dapat gagawin mo ang sex sa iisang tao lang? Sa taong mahal mo lang?"

Biglang natawa si Jane. "Friend! Gumising ka na! Ang sex ngayon ay parang libangan na lang. As long as safe ka at malinis. Wala kang problema!"

Kinilabutan si Rebecca sa mga sinabi ni Jane. Hindi niya makita ang sarili na gagawin niya iyon. Mapababae man o lalake ay mas gugustuhin niyang sa isang tao lang siyang makikipag-sex.

"Ang hirap naman niyang sinasabi mo. Hindi ka ba natatakot?"

"Sus! Kaysa naman sa isang tao ko lang ibibigay ang sarili ko tapos sasaktan lang ako. Maige na iyong na i-enjoy ko ang lahat, 'no? Try mo kaya!"

Inirapan ni Rebecca ang kaibigan kaya lalo itong napanguso.

"Alam mo ikaw? Hindi na kita maintindihan. Lately ang dami mong tanong about sa sex. Sa same sex. Pero kumokontra ka naman. Umamin ka nga sa akin... crush mo na ako, 'no?"

Halos maibuga ni Rebecca ang iniinom niyang kape. Sakto kasi na sumisipsip siya sa straw noong sinabi nito iyon. Napaubo-ubo siya at suminga pa dahil pakiramdam niya ay pumasok sa ilong niya ang tubig. Tumawa naman nang malakas si Jane na para bang tuwang-tuwa.

"Epal ka talaga!"

"Ang seryoso mo kayo!"

"Ewan sa 'yo! Halika na nga at mahuhuli na tayo sa klase natin!"

"Oo na. Pero daan muna tayo ulit sa clinic."

Muling kinabahan si Rebecca. "S-Sa clinic? Bakit na naman? May masakit ba sa 'yo?"

Umiling si Jane. "Wala. Baka kasi gusto mong makita si Miss Sam. Kunyari ka pa."

"Jane!" Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Pero sa loob-loob niya ay hindi niya maiwasang kiligin. Sa totoo lang ay hindi na siya makapaghintay. Magkikita kasi sila ulit mamayang gabi ni Sam.


Chapter 9: "Oh, god!"

"Oh, god!" malakas na pag-ungol ni Rebecca noong biglang sipsipin ni Sam ang nakausling laman sa kaniyang pagkababae. Humigpit ang kapit niya sa kobre kama at mas itinaas balakang. Pakiramdam niya ay pati kaluluwa niya ay nahihila na nito dahil sa sobrang sarap na kaniyang nararamdaman.

Muling dinilaan ni Sam ang pagkababae nito at lumuhod. Saka niya bahagyang pinalo ang pang-upo nito. Napangiti siya noong umungol si Rebecca. Bumaba siya sa kama at may kinuhang gamit mula sa kaniyang cabinet.

Hindi naman kumilos si Rebecca mula sa pagkakadapa. Habol ang paghinga niya at bahagya pang nanginginig ang mga tuhod dahil sa ginagawa sa kaniya ni Sam. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang muling umakyat ang dalaga sa kama. Kumapit ito sa kaniyang tiyan at marahang hinila ang kalahati ng kaniyang katawan. Nakaluhod na siya ngayon patalikod dito.

"Are you ready?"

Nangunot ang noo ni Rebecca. Bahagya niyang inilingon ang ulo rito. "B-Bakit?"

Ngumiti si Sam at hinalikan sa labi ang dalaga. Sinapo niya ang isang dibdib nito at marahang hinimas. Umungol ito sa kaniyang bibig ngunit tinugon pa rin siya. Sa ilang beses na may nangyari sa kanilang dalawa ay hindi maitatanggi ni Sam na natutuwa na siya kay Rebecca. May mga pagkakataon na naiilang pa rin ito sa kaniya. Ngunit mas madalas na na ito pa ang nangunguna pa ito sa kanilang ginagawa.

Kumapit si Rebecca patalikod sa balikat ng dalaga. Ang isang kamay niya ay inikot niya papunta sa may baywang nito upang mas dumikit pa ito sa kaniyang katawan. Ilang sandali pa ay may narinig siyang kung anong umuugong. Napasigaw na lamang siya at muntik pang muling mapahiga noong maamdaman niyang may kung anong aparatong gumagalaw sa kaniyang pagkababae. Nanginig ang agad ang kaniyang mga hita. Pagtingin niya sa ibaba niya ay may maliit na bagay na idinidikit si Sam sa kaniyang ari.

"S-Sam! Oh, gosh!"

Sumandal siya sa balikat ni Sam at napatirik ang mga mata. Mas bumilis din ang pagmasahe nito sa kaniyang dibdib at panaka-naka pang hinihila ang kaniyang nipol na mas lalong nagpapainit sa kaniya. Nag-umpisa na rin itong halikan ang kaniyang leeg. Dinidilaan pa nito iyon at bahagyang sinisipsip. Halos mawala na sa sarili si Rebecca lalo na noong mas ipinasok pa ni Sam ang vibrator sa kaniyang bukana.

"S-Sam!"

"Yes? Do you love it?"

"Ahmm! I-I... I..." Napahiyaw na lang muli si Rebecca noong maramdaman na niyang nilabasan na siya. Tumirik ang kaniyang mga mata sa sarap at lalong nanginig ang mga hita. Hinihingal na bumagsak siya sa higaan at pilit na pinakalma ang kaniyang sarili.

Noong makabawi na ng lakas ang dalaga ay sinamahan ni Sam si Rebecca sa banyo niya upang linisan ito. Magkasama silang lumublob sa bathtub. Si Sam ay nasa likuran ni Rebecca. Nakasandal ito sa kaniyang dibdib habang patuloy niyang sinasabon ang katawan nito.

"Grabe... Pakiramdam ko naubos ang lakas ko dahil sa ginawa mo," ani Rebecca.

Napangiti si Sam. "You're satisfied?"

"Sobra!" Nag-angat ng ulo si Rebecca at hinalikan sa labi si Sam. "Thank you."

"You're welcome."

Muling sumandig si Rebecca kay Sam. "Ahm... Sam. Pwede akong magtanong?"

"Sure. Nagtatanong ka na."

Ngumiti si Rebecca. "N-Nagi-enjoy ka ba sa ginagawa natin?"

Natigilan si Sam. "Oo naman."

"Okay ba sa 'yo ang mga ginagawa ko?"

"Becca... you're good. Very good, and I am satisfied."

Huminga nang malalim si Rebecca. Kinagat niya ang labi at napaisip. Hindi niya alam kung paano itatanong kay Sam ang gusto niyang itanong. Natakot siya bigla sa isasagot nito.

"Sam... ano ba tayo?"

Biglang natawa si Sam. "Bakit mo naman natanong iyan?"

Nagkibit ng balikat si Rebecca. "Wala. Napaisip lang ako. Mag-iisang buwan nang may nangyayari sa atin. Hindi ba ako pwedeng magtanong?"

"Don't get me wrong, Rebecca. Nai-enjoy ko kung ano ang mayroon sa atin. I love how you satisfy me in bed. I like you. Pero hanggang doon lang iyon. It's just a sex."

Naramdaman ni Rebecca ang biglang pagkirot sa kaniyang dibdib. Hindi niya inaasahan ang sagot ni Sam. Hindi iyon ang gusto niyang marinig dito. Doon ay bigla niyang na alala ang sinabi ni Jane sa kaniya. Nangilid ang mga luha ni Rebecca at bahagyang tumungo.

"Wait. H'wag mong sabihin na napo-fall ka na sa akin?" tanong pa ni Sam.

Mabilis na pinunasan si Rebecca ang mga mata.Tumayo na siya at hindi manlang tiningnan si Sam. Napakatanga niya! Ni hindimanlang niya naisip na iyon lang ang habol nito sa kaniya. Una pa lang aynakita na niya dapat. Bakit ba umulit pa siya?! 



Chapter 10: "Rebecca...

"Rebecca, wait!"

Napatigil sa paghakbang si Rebecca noong marinig ang tawag ni Sam. Mahigpit na hinawakan niya ang strap ng bag niya habang pinipigilan ang sarili na h'wag umiyak. Para bang doon siya kumukuha ng lakas para kumalma. Huminga siya nang malalim at dahan-dahang hinarap si Sam. Nakabihis na rin ito kagaya niya at puno nang kalituhan ang isipan.

"Ano?"

"Ano ba 'to? Akala ko ba nagkakaintindihan tayo?"

Bahagyang nakunot ang mukha ni Rebecca at nalilito ring tiningnan niya ito. "Ikaw. Akala ko ba nagkakaintindihan tayo?"

Napabuga ng hangin si Sam. "Why are you acting like this? Ang saya natin kanina. Tapos ngayon nagkakaganito ka? Ano ba ang problema mo?"

Umawang ang bibig ni Rebecca. Hindi makapaniwalang tumango-tango siya habang tumutulo na ang mga luha. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha at galit na tiningnan si Sam.

"Iyon nga e. Akala ko masaya lang tayo. Akala ko okay tayo. Sabihin mo nga, Sam. Bakit mo ako nilapitan sa club? Bakit mo kinuha ang cellphone number ko kay Jane? Ano ang dahilan mo bakit ka lumapit sa akin?"

Nag-iwas ng tingin si Sam. Huminga siya ng hangin at kinamot ang noo gamit ang isang daliri saka namaywang. "Saan ba nanggagaling ang mga tanong na 'to?"

"Sagutin mo na lang ako!"

"Fine! Okay!" inis na rin na sabi ni Sam. Ang ayaw niya sa lahat ay tinatanong siya na para bang obligasyon niya ito. "I saw you. Nagandahan ako sa 'yo. Iyon lang. Ano pa ba dapat?"

"Iyon lang?"

"Ano pa ba ang gusto mong marinig? Hindi mo ba na i-enjoy ang ginagawa natin?"

"Hindi 'yan ang tanong ko!"

Naiikot ni Sam ang mga mata. "Bakit? Sa tingin mo ba in love ako sa 'yo kaya kita nilapitan? Kaya ako nakikipag-sex sa 'yo, Rebecca? Walang gano'n!"

Napanganga si Rebecca. Lumapit siya kay Sam at sinampal ito sa pisngi. "Ang sama mo! Ang insensitive mo!"

Nasapo ni Sam ang pingi na sinampal ni Rebecca. Bahagya iyong humapdi at ramdam niya ang init ng paglapat ng palad ng dalaga. Salubong ang mga kilay na tiningnan niya si Rebecca.

"Pwede ba, Rebecca? Gumising ka naman sa mundo mo. Hindi lahat ng taong lalapit sa 'yo ay gugustuhin kang makasama habang buhay. Hindi lahat ng gustong ikama ka ay mahal ka na! There's no such thing as love and loyalty now! Lahat ay iiwan ka rin, Rebecca. So, wake up! Hindi ka na bata para maniwala pa sa fairy tale!"

"I hate you! Ang sama-sama mo! Isang pagkakamali na nakilala kita!"

"Fine! Okay! Sabi mo e!"

Tumalikod na si Rebecca dito at nagmamadaling lumabas ng bahay nito. Sobrang sakit na narinig niya iyon mula kay Sam. Oo, hindi pa man sila nagkakakilala nang matagal. Ngunit iba ang ipinakita sa kaniya nito habang sila ay magkasama. Sobrang buti nito sa kaniya kaya nga nagustuhan na niya rin ito. Kaya rin sobrang sakit para sa kaniya na marinig sa taong pinagkatiwalaan niya at pinagbigyan ng kaniyang sarili na wala pala itong balak na gustuhin siya.

Napabuga naman ng hangin si Sam noong makalabas na si Rebecca. Inis na sinipa niya ang lamesang malapit sa kaniya kaya natumba iyon at nahulog sa sahig ang mga nakapatong sa ibabaw. Naupo siya sa sofa at sinandal ang likod sa upuan saka tumitig sa kisame.

Gano'n naman palagi nagtatapos ang relasyon niya sa mga babae. Sa oras na nakikita niya o nalalaman niyang nagkakagusto na ang mga ito sa kaniya ay iniiwasan na niya ito. Si Tricia nga lang ang nagtagal dahil nga sa hinahayaan pa rin siya nitong mambabae at ayaw bumitaw sa kaniya kahit na ipinagtatabuyan na niya. Ngunit bakit bigla siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib noong makitang umiiyak si Rebecca? Kung hindi niya napigilan ang sarili kanina ay nayakap na niya ito ang inalo.

Muling huminga nang malalim si Sam. Tama. Hindi dapat siya magpaapekto kay Rebecca. Pare-parehas lang naman sila na iiwan lang din siya pagkatagalan. Kaya bakit niya pa ipipilit ang sarili na magkaroon ng relasyon na matatapos din? Ayaw ba nito na simple lang sila. Kung gustong matikman ang isa't isa ay magagawa nila. Kung ayaw na. Wala na. Hindi ba pwedeng ganoon na lang? Dahil para sa kaniya ay hinding-hindi na mangyayari na magkakaroon siya ng taong magmamahal talaga ng totoo sa kaniya. Kung ang mga nanay nga niya ay nagawa siyang iwang para sa ibang pamilya. Ito pa kaya?

Isang malaking kalokohan na magmamahal pa siya ng babae o lalake pa man. Hinding-hindi siya gagaya sa tatay niyang masyadong nabaliw sa pag-ibig. Hindi niya mararanasan iyon. Walang sino man ang mang-iiwan sa kaniya dahil siya na ang mang-iiwan ngayon.

The End




Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !