Si Ibarra at Ako
Tags: Fantasy, Historical, Isekai
Language: Tagalog
Disclaimer:
This is a work of fiction. All names, characters, persons, places, and incidents are only a product of my imagination. All resemblance to an actual person, may they be living or dead, events or anything is purely coincidental.
All right reserved! No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the author's prior written permission, except for brief quotes and lines from the story.
Copyright © 2023 by Ameiry Savar
Habang binabasa ang Noli me Tangere na ibinigay ng kaniyang guro ay nakatulog si Mae. Ngunit noong siya ay magising ay nagulat na lamang siya noong nasa loob na siya ng librong kaniyang binabasa. Pinilit niyang mamuhay kasama ang mga character sa loob ng libro. Ngunit dahil sa pasakit na hinarap ng ilang character ay hindi na niya ito kinaya. Kaya naman noong malaman niyang pwede siyang makabalik sa reyalidad nang hindi tinatapos ang kwento ay agad na siyang tumawid sa portal pabalik sa reyalidad. Ngunit hindi niya mawari kung bakit hindi niya malimutan ang mga character sa loob ng Noli me Tangere. Mas lalo siyang nanlumo noong mabasa na niya ang mga nangyari sa mga karakter sa nobela. Labis niyang pinagsisihan na siya ay bumalik sa reyalidad kaysa tulungan ang mga ito.
Hanggang sa ilang taon na ang nakalipas, habang siya ay naka-duty sa ospital na kaniyang pinagtatrabahuang ospital. Nagulat na lamang siya noong may makita siyang lalakeng naka-confine roon na kamukhang-mukha ng character na kaniyang pinaka nami-miss. Si Crisostomo Ibarra.
Copyright © 2023 by Ameiry Savar
April 17, 2023
Inspired by Maria Clara at Ibarra of GMA.
Photo is for portrayer purposes only.
Chapter 1: Unang Kabanata
“Sorry, sir. Pero kailangan ko nang umuwi.
Hindi ko na po kayang manatili pa rito.”
“Hindi kita maunawaan, Miss Mae. Paano ka
uuwi? Saan ka uuwi?”
Itinuro ni Mae ang nagliliwanag na portal
na nasa kaniyang tabi. “Kailangan ko lang tumawid dito at makababalik na ako sa
amin.”
Nangunot ang noo ni Ibarra. Bumuntonghininga
siya. “Batid kong ikaw ay nalulungkot dahil sa nangyari kay Aling Sisa. Ngunit
hindi mo kailangang gawin ito, Miss Mae. Umuwi na tayo sa aking tahanan bago pa
man tayo muling makita ng mga guwardiya sibil!”
Nangunot din ang noo ni Mae. Pinunasan
niya ang kaniyang mga luha at tiningnan ang portal na nasa kaniyang tabi.
Pagkatapos ay muli niyang tiningnan si Ibarra. “Hindi mo ba nakikita ang
maliwanag na portal sa tabi ko?”
“Anong portal ang ibig mong sabihin? Wala
akong ibang nakikita kundi ang matarik na bangin sa tabi mo! Kaya kung maari ay
umalis ka na riyan at umuwi na tayo dahil mukhang ikaw ay pagod na.”
Napasinghot-singhot si Mae. Muli niyang
tiningnan ang portal. Ito na lamang ang tanging paraan para makabalik siya sa
reyalidad at makalabas sa mundo ng kwentong ito. Hindi na niya kayang masaksihan
pa ang sunod na mga mangyayari sa mga bida sa mundo ng Noli me Tangere. Higit
sa lahat ay hindi niya kakayanin kung ang kasawian naman ng binata ang kaniyang
masasaksihan.
Muling tumingin si Mae sa binata. Nangilid
muli ang kaniyang mga luha habang pinagmamasdan ito. Batid niyang ito na ang
huling pagkakataon na kaniya itong makikita.
“Sumama ka sa akin, sir. Sumama ka para
hindi ka na masaktan pa rito. Hindi ka na mahirapan pa.”
“Mae, hindi ko pwedeng gawin ang nais mo!
Hindi ako pwedeng tumalon sa bangin na iyan!”
“Alam kong hindi mo po nakikita ang portal.
Pero trust me.” Inilahad ni Mae ang mga kamay niya sa binata. “S-Sumama ka na lang
sa akin.”
Bumuntonghininga si Ibarra. Muli niyang
tiningnan ang bangin na nasa likuran ni Mae. Labis siyang nag-aalala dahil
ilang hakbang lamang nito ay bubulusok na ito pababa. Kaya naman ay kahit hindi
dapat ay kinuha niya ang kamay ni Mae at hinila ito palayo sa bangin.
“Ikaw ba ay nahihibang na talaga?! Wala ka
na ba talagang gagawin kundi ang pag-alalahanin ako?!”
Napahagulhol na si Mae. Marahas niyang
tinulak si Ibarra at tinitigan ito sa mga mata. “Hindi mo naiintindihan! Kapag
mag-stay ka pa sa mundong ito ay mamatay ka rin! Kagaya ni Crispin! Walang
mangyayari sa ‘yo rito kaya sumama ka na lang sa akin, Ibarra!” Biglang natigilan
si Mae. Magsasalita pa sana siya ngunit muli niyang inikom ang kaniyang bibig.
Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at nag-iwas ng tingin dito. “S-Sorry.
Hindi ko sinasadya magtaas ng boses. I’m sorry. Pero sorry, hindi ko na kayang
manatili pa rito, sir Ibarra. Gusto ko nang umuwi sa amin. Hindi ko kakayanin
kung ikaw naman ang mahihirapan. Gustuhin ko mang tulungan ka pero alam kong
wala akong magagawa. Dahil nakatakda na ang lahat ng mga mangyayari sa inyo.
Characters lang kayo. Character ka lang pero ikamamatay ko kung makikita kong
ikaw naman ang mahihirapan!”
“H-Hindi na naman kita maunawaan.”
Umiling si Mae. “Hindi mo kailangang
unawain ako.” Humakbang palapit si Mae sa binata. Tumigil siya noong halos
isang hakbang na lamang ang pagitan nila. Dahan-dahang niyang inangat ang
kaniyang palad at sinapo ang pisngi ng binata.
“M-Miss Mae, ano ang iyong ginagawa?”
“T-Thank you, sir. Sa maiksing panahon na
nagkasama tayo ay marami akong natutunan. Maraming salamat at pinatunayan mo sa
akin na may mabubuting tao pa pala sa mundo. Maraming salamat sa mga aral at kabutihan
mo sa akin. Habang-buhay ko itong dadalhin sa puso ko. At hinding-hindi kita
makakalimutan, Crisostomo Ibarra.”
Napalunok si Mae. Sa huling pagkakataon at
tinitigan niya nang mariin ang binata. Batid niyang hindi tama ang kaniyang
ginagawa. Hindi tama ngunit alam niyang nahulog na ang kaniyang loob dito. Alam
niyang mali dahil bukod sa may nobya na ito ay hindi rin ito totoo. Kaya naman
bago pa mas lumalim ang kaniyang nararamdaman para sa binata. At bago pa siya
labis na masaktan dahil sa mga pangyayari sa loob ng kwento ay mas pinipili na
lamang niyang umalis sa mundong ito.
“P-Paalam, sir Ibarra.”
“S-Sandali, Mae—”
Matamis na ngumiti si Mae kay Ibarra. Binitawan
na niya ito at tumalikod na rito. Hindi na siya muling lumingon pa kahit na
tinatawag siya nito. Iiwan na niya ang mapait na mundong ito. Babalik na siya
sa kaniyang pamilya at mamumuhay baon-baon ang aral na kaniyang nakuha rito.
Dala ang matatamis na alala kasama si Ibarra.
***
“Doctor Maria Clara Fuentes!”
Biglang nagising si Mae at agad na napaupo nang
maayos. Kumurap-kurap siya at lumingon sa paligid. Nasa loob siya ng kaniyang
maliit na opisina at nakatulog na pala. Sa kaniyang harapan ay ang nurse na si
Jade na kaniya ring kabigan.
“Yes?”
“Hay naku! Kaya pala hindi ka sumasagot sa tawag ko.
Kanina ka pa pina-page sa ibaba. May mga bagong pasyente at wala pa si Doc
Manrillo.”
“Ahh. G-Gano’n ba? Sige. Bababa na ako. Mag-aayos lang
ako.”
“Bilisan mo na. May pogi sa baba. Baka ‘yon na ang forever
mo!”
Natawa si Mae. “Sira! Umalis ka na nga!”
Inirapan lang siya ni Jade bago lumakad na palabas ng opisina
niya. Napabuga ng hangin si Mae at muling sumandal sa kaniyang upuan. Limang
taon na rin ang nakalipas mula noong makapasok siya sa mahiwagang mundo ng Noli
me Tangere. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kaniya kung paano siya
nakarating doon. Hindi na rin niya nakita pa ang libro noong makabalik siya sa
reyalidad. Sinubukan niya pa iyong hanapin sa pampublikong silid-aklatan kung
saan niya ito nakita, ngunit wala na siyang makita. Para bang bigla na lamang
iyong nawalang parang bula. Kaya naman ay nagtiis na lamang siya sa pagbabasa
ng mga sunod na nangyari sa internet.
Ilang taon na ang lakalipas ngunit pakiwari niya ay
kahapon lamang nangyari ang mga kaganapang iyon. Halos araw-araw ay
napapaniginipan niya ang huling pagtatagpo nila ni Ibarra. Minsan ay naiisip
niya kung mas pinili niyang manatili roon, siguro ay natulungan niya pa ang
binata.
Bumuntonghininga si Mae. Tumayo na siya at nag-ayos ng
sarili. Isinuot niya ang puting uniporme at nagkalakad na palabas papunta sa
emergency room. Agad niyang nilapitan ang kaibigan na nakaupo sa nurse station.
“Doc. Ayon, oh.” Tinuro ni Jade ang dulong higaan. “Nalinis
na naming ang mga sugat niya. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay.”
Tumango si Mae. Magkasabay silang naglakad ni Jade
papalapit sa pasyente. “What’s the case?”
“Nakitang lumulutang sa ilog. Akala nga patay na pero
buhay pa pala. Mabuti agad nadala rito.”
Nangunot ang noo ni Mae. Bibihira ang ganoong kaso. Pagkarating
nila sa dulo ay agad na niyang hinawi ang tabing at tiningnan ang pasyente.
Ngunit natigilan siya noong makita niya ang mukha ng lalakeng mahimbing pa rin
ang pagkakatulog.
“Wala rin siyang identity, doc. Walang ID na nakita o
kahit na anong gamit bukod sa suot na damit. Kakaiba nga eh. Parang
nagko-cosplay.”
“D-Diyos ko…” Agad na naupo si Mae sa tabi ng higaan
at sinapo ang pisngi ng binata. “Ibarra!”
Chapter 2: Ikalawang Kabanata
Agad na inasikaso
ni Mae ang binata. Mayroon nang ibinigay na first aid ang mga naunang nurse at
doctor sa binata ngunit inulit at sinigurado pa iyon ni Mae. Lahat din ng uri
ng test ay pinagawa niya rito. At napanatag lamang siya noong makita niyang
normal lahat ng lumabas na mga resulta. Ngunit lumipas na ang maghapon ay hindi
pa rin ito nagigising. Hanggang sa umabot na ng halos tatlong araw.
“Ano kaya ang
nangyari sa kaniya? 3 days na siyang ganiyan,” ani Jade na katabi ni Mae.
Pinagmamasdan na naman nila ang nahihimbing pa ring binata.
“Ewan ko nga eh.
Bigyan ka kaya natin siya nang pampagising?”
“Hoy! Ano ka ba?
Sumobra ka na nga sa mga ginawa mo eh. Mabuti hindi ka sinita ng co-doctors mo.
Tapos gusto mo pa gisingin?”
“Eh ang tagal
niyang magising! Nag-aalala na ako.”
“Mae, kumalma ka
nga. Alam mo, hanggang ngayon ay hindi mo pa rin sinasabi sa akin bakit at
paano mo nakilala ang taong ‘to?”
Bumuntonghininga
si Mae. Tiningnan niya ang kaibigan. “Sa totoo lang ay hindi ako sigurado kung
siya ba iyong kakilala ko. Pero imposibleng hindi dahil sa loob ng 5 years ay
wala naman akong nakitang kamukha niya. I mean, hindi naman ‘to coincidence,
right?”
Naiikot ni Jade
ang mga mata. “Hindi ‘yon imposible. Meron at meron ka talagang makikitang kahawig
or kamukha mo. Alam mo ‘yong doppelganger?”
“Ah basta!
Mapapanatag lang ako kung gigising na siya at makakausap ko na siya.”
Muling tinitigan
ni Mae ang binata. Alam niyang kahibangan ang ginagawa niya. Ngunit kakaiba ang
nararamdaman niya para dito.
Matapos masiguro
ni Mae na maayos ang kalagayan ng binata ay muli na siyang bumalik sa kaniyang
trabaho. Nasa ika-apat na taon pa lang kasi siya bilang resident doctor sa
ospital na iyon, at mayroon pa siyang taon para tapusin iyon. Kasabay niyon ay
abala na rin siya sa paggawa ng kaniyang thesis. Kaya naman ay palagi siyang
abala nitong mga nakaraang araw. Ngunit nakalimutan niya iyon ng ilang araw
dahil sa binatang kamukha ni Crisostomo Ibarra.
Pakiramdam niya ay
muling nabuhay ang kaniyang dugo noong makita niya ang binata. Muling
sinubukang hanapin ni Mae ang libro ng Noli me Tangere sa pampublikong
silid-aklatan. Halos baliktarin na niya ang establisyimento ngunit wala pa rin
siyang Nakita. Labis niyang ipinagtataka paano at bakit niya nakita ang binata.
“Paging Doctor
Fuentes at the emergency room. Doctor Fuentes, please come to the emergency.”
Napatigil si Mae
noong marinig niya ang pangalan mula sa speaker. Pabalik na sana siya sa
kaniyang opisina mula sa pagchi-check sa mga pasyente niya. Agad niyang kinuha
ang cellphone at nakita ang mga text ni Jade sa kaniya.
Jade: Doc!
Nasaan ka na? Gising na siya!
Jade: Bakla!
Bilis!
Jade:
Mag-reply ka!
Halos liparin na
ni Mae ang daan papunta sa emergency area. Hindi na niya inintindi pa ang mga
taong nadadaanan niya. May ilan pa siyang nabunggo dahil sa pagmamadali. Pinaghalong
kaba at tuwa ang kaniyang nararamdaman dahil nalaman niyang gising na ang
binata.
Paano kung
mali siya? Paano kung ibang tao pala ito? Ngunit paano kung si Crisotomo Ibarra
nga ito? Paano ito nakarating sa reyalidad?
Napakaraming
katanungan ang tumatakbo rin sa isipan ni Mae habang siya ay naglalakad patungo
sa binata. Dumagdag na ang kaba niya sa kaniyang hingal dahil s amabilis na
pagtibok ng kaniyang puso. Hindi niya maipaliwanag ang labis na pagkasabik na
kaniyang nararamdaman.
“Doc! Andoon siya!”
Tiningnan ni Mae
ang pwesto ng binata. Nagulat pa siya noong makitang may mga nakapalibot na
ilang doctor at nurse doon. Mayroon na ring ilang guard na para bang may
pinipigilan.
“Lumayo kayo sa
akin! Sino kayo?! Nasaan ako?!”
“Sir, calm down.
Nasa ospital kayo.”
“Manahimik ka!”
Dali-dali nang
naglakad si Mae papalapit doon. Pinilit niyang sumiksik sa mga tao hanggang sa
makita niya ang binata. Nasa gilid ng higaan ang binata at hawak-hawak ang
sabitan ng dextrose nito. Hindi niya alam kung paano ito nagawang buhatin ng
binata gayong kagagaling lamang nito sa pagkagising at may pagkamabigat iyon.
“Lumayo kayo sa
akin!”
Napalunok si Mae.
Nakita niyang may papalapit ng guard dito at nakahanda nang sunggaban ang binata.
Kaya agad siyang pumagitan.
“Sandali! Stop! Ako
na ang bahala! Pasyente ko ‘to!” sigaw ni Mae. Napatingin sa kaniya ang lahat
maging ang binata.
“Pero, doc.
Kailangan niyang—”
“Ako na nga ang
bahala!”
“I-Ikaw…” Biglang naging
malambot ang ekspresyon ng binata. Unti-unti nitong binitawan ang hawak na
bakal.
Tumayo nang maayos
si Mae at tinitigan ang binata. Dahan-dahan siyang ngumiti rito at naluluhang
tumango.
“S-Sir… calm down,
please.”
Napanganga ang
binata. Nasapo nito ang noo at umiling-iling. Malakas ang pagkabog ng dibdib at
para bang may kung anong bumibiyak sa kaniyang ulo. Napadaing na ang binata at
unti-unting nahilo. Agad itong nilapitan ni Mae at inalalayang maupo sa kama.
“Ayos ka lang? Ano
ang nararamdaman mo? Saan ang masakit?”
Pinilit na
tumingin ng binata kay Mae. Napalunok ito at hindi pa rin makapaniwala. “T-Totoo
ba ang aking nakikita?”
“Clear the room!”
sigaw ni Mae. Sinapo niya ang pisngi ng binata at dinama ang noo nito. “Ang
init mo.” Tumingin siya sa mga doctor na nakatitig pa rin sa kanila. “Ano pa
ang hinihintay niyo? Pahingi ako ng gamut at mga gamit!” utos niya sa mga ito.
Agad namang nagsikilos ang mga ito at iniwanan sila. Ang iba ay nagligpit ng
mga gamit na kumalat. At ang iba naman ay kumuha ng mga gamit na kailangan ni
Mae.
“T-Totoo ba ang
aking nakikita? Hindi ba ako nanaginip lamang?”
Natigilan si Mae
noong biglang sinapo ng binata ang kaniyang pisngi. Napatitig siya sa mga mata
nito at ngumiti.
“H’wag kang
mag-alala, sir. Okay na ang lahat. Ako ang doctor mo. Hindi kita sasaktan. You
are safe with us. With me.”
Sa unang
pagkakataon ay ngumiti ang binata. “M-Maria Clara…” mahinang sambit nito.
Unti-unting nawala
ang mga ngiti ni Mae. Pakiramdam niya ay tumigil ang oras at tumahimik ang
paligid. Nakatitig lang siya sa mga mata ng binata habang rinig ang malakas na
pagkabog ng dibdib. Umawang ang kaniyang bibig at unti-unting namasa ang mga
mata.
“S-Sir Ibarra?”
“I-Ikaw nga. Binibining
Mae.” Lalong napangiti si Ibarra. Kasabay ng pagtulo ng mga luha nito ay ang
pagpikit ng mga mata nito at pagtumba sa mga bisig ng dalaga.
“Sir Ibarra?
Ibarra!”