Blurb:
Nag-iisang anak si Freya Ann 'Freen' Salvador ng isang sikat na negosyante sa bansa. Lahat ng mga tao ay tinitingala ang kanilang pamilya at nakabantay sa bawat kilos nila. Noong umabot na sa tamang edad si Freen ay napagkasunduan ng kaniyang pamilya na ipakasal siya sa kasosyo nito sa negosyo. Ngunit may ibang gustong gawin si Freen sa kaniyang buhay. Hindi niya gustong magpakasal sa isang tao at matali siya rito kagaya ng kaniyang ina. Kaya naman noong aksidente niyang makilala si Bianca 'Becky' Medoza ay hindi na siya nagdalawang-isip pang alukin ito ng kasal.
Oo, nagpakasal siya sa isa ring babae kagaya niya. Hindi dahil sa ito ang kaniyang gusto ngunit upang magrebelde sa ama at tigilan siya. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay unti-unting nagbabago ang kaniyang nararamdaman para kay Becky.
Chapter 1: "What?" nalilitong...
Chapter 2: "She said no...
Chapter 3: "Where do...
Chapter 4: Pakanta-kanta...
Tumango si Becky. “Yes. Pero sa maliit lang na restaurant. Actually kaya nga nagkaproblema kami dahil humina ang restaurant na pinagtatrabahuan ko. Feeling ko nga matatanggal na ako.”
“Bakit naman? This is good! Shame on them if they will fire you!”
Napangiti si Becky. “Alam mo, nakakakilig pala kapag galing sa idol ko ang nagsasabi niyan sa akin.”
“Idol?”
“Oo! Idol kita. Crush pa nga e.”
Natigilan si Freen sa sinabi ni Becky. Dahan-dahan niya itong nilingon at nakita niyang patuloy lang ito sa pagkain. “Crush mo ako?”
Tumango si Becky. “Oo! Matagal na!”
Umarko ang gilid ng labi ni Freen. “Really? Bakit mo naman ako naging crush? Okay lang kahit babae ako?”
Tumawa si Becky. “Oo naman! Walang masama roon. At isa pa, hndi naman masamang magka-crush sa kapwa mo babae. Tsaka ‘di ba… tomboy ka?”
“What? Saan mo naman narinig ‘yan?” hindi makapaniwalang tanong ni Freen.
“Hindi mo ba alam ang chismis sa ‘yo?”
“No.”
“Ah, sorry. Pero hindi ba?”
Si Freen na ang natawa. “First of all, no. I’m straight. Second, tomboy is not a gender. It’s a style. Kaya siguro ‘yan ang tawag niyo sa akin dahil sa style ko minsan.”
“Ay, gano’n ba? Sayang.”
Nangunot ang noo ni Freen. “Sayang?”
“Ahm, wala.” Pinilit na tumawa ni Becky. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang na dissappoint noong malaman niyang straight pala si Freen.
“How about you? Are you straight?”
“Ako? Ahm… oo rin? Actually, I don’t know. Never pa naman ako nagkagusto sa kahit na sino. But I do like boys and girls.”
“Wow?”
“Ikaw ba? Totoo ba iyong chismis sa ‘yo?”
“Ano na namang chismis?”
“Iyong model? Girlfriend mo raw? E kaso sabi mo straight ka. So, hindi?”
“Not all on the internet and TV are true.” Sandaling tumigil si Freen. “Tell me about yourself. Mukhang marami ka nang alam sa akin.”
Natawa si Becky. “Wala namang interesting sa buhay ko bukod sa pagpa-fan girl sa mga pinapanood kong tv series.”
“Well, I think there’s a lot more in you.”
“Okay…” Napaisip si Becky. “Panganay ako sa apat na magkakapatid. Magmula noong maka-graduate ako ay naging breadwinner na ako. Halos ako na ang nagpapaaral sa mga kapatid ko mula sa sunod sa akin hanggang sa bunso namin. Iyon lang? Wala namang bago sa buhay ko. Tipikal na problema ng mga panganay na anak ng mahirap.”
“But you were in the club earlier.”
“Naku! May free pass lang ako roon. Nakainom lang din ako dahil may mga nanlilibre sa akin.”
“Ah, kaya pala muntik ka na mabastos kanina?”
“Sorry naman. Gusto ko lang talaga makalimot.” Biglang lumungkot ang mukha ni Becky. Bumuntonghininga siya. “Sa totoo lang, huling pera ko na iyong dala ko kanina. Actually, iyon nga lang ang nadala ko bago ako umalis sa amin. Ang bigat na kasi. Buong buhay ko ay nagtitiis ako para sa kanila. Halos wala nga akong mapala sa sweldo ko e. Pero hindi ako nagrereklamo at masaya ako dahil natutulungan ko ang mga kapatid ko. Kaso kanina… wala raw akong naitutulong sa amin sabi ng nanay ko. Dahil lang sa hindi ako makakapag-ambag sa birthday party ng panganay ng kapatid ko. ‘Di ba? Mabuti pa sila may anak na. Ako? Bentre tres na wala pa ring jowa.”
“Well, you know what? Let’s drink to that while we eat.”
Napangiti na lang si Becky. Pinahid niya ang namuong luha sa kaniyang mga mata at tumango rito.
“Sure!”
Habang kumakain ay nag-inom silang dalawa. Sa unang pagkakataon ay nagawang ma-enjoy ni Freen ang presensya ng ibang tao. Minabuti nilang damayan ang isa’t isa. Sa loobg ng isang gabi. Sa loob ng kaniyang bahay. Sa piling ng isang estranghero ay maraming natutunan si Freen mula sa mundong kailan man ay hindi niya naranasan. Magdamag silang nag-inom hanggang sa parehas na silang nalasing at nakatulog.
Hanggang sa magising na lamang si Freen sa malakas na sigaw ng kung sino.
“Freya Ann Salvador! What is the meaning of this?!”
Chapter 5: “Freya Ann...
“Freya Ann Salvador! What is the meaning of this?!”Unti-unting iminulat ni Freen ang kaniyang mga mata. Pakiramdam niya ay binibiyak ang kaniyang ulo dahil sa matinding sakit niyon.
'What happened?' tanong niya sa sarili. Napaungol na siya noong muli niyang marinig ang tumatawag sa kaniya.
“Freya!”
“What?!” inis na sabi ni Freen at tuluyan nang iminulat ang mga mata. “Mom? What are you doing here?” nagtatakang tanong niya. Namimilog ang mga mata nito at halatang hindi nagustuhan ang nakikita. Kaya naman ay napatingin si Freen sa kaniyang katawan.
Nakahiga siya sa kama at may nakatakip na kumot. Wala namang problema dahil ganoon talaga siya tuwing natutulog. Ang kaso ay may narinig siyang humihilik sa kaniyang tabi kaya napalingon siya roon.
“B-Becky?”
Agad na nayakap ni Freen ang sarili. Doon lang niya napagtanto na wala siyang saplot. Napamura siya sa isipan noong unti-unti niyang na aalala ang mga nangyari kagabi.
'Ang tanga-tanga mo, Freen!'
“My god, Freya! Who is this woman?! May nangyari ba sa inyo?!” naghi-hysterical pa tanong ni Patricia. Pakiramdam nito ay sasabog na ang dibdib dahil sa nasaksihan. Hindi siya makapaniwala na naabutan niya sa ibabaw ng kama ang nag-iisang anak na walang saplot na kahit na ano.
Humigpit ang kapit ni Freen sa kumot. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin sa ina.
“C-Can you let me change my clothes first?”
“No! Gisingin mo ang babaeng 'yan! Ang kapal ng mukha niyang matulog pa! At ikaw, Freya Ann! Hindi mo na ba talaga kami nirerespeto ng daddy mo?! Pinayagan ka na nga namin gawin ang gusto mo. Tumira sa sarili mong bahay tapos ito pa? Ito pa ang igaganti mo sa amin?! Pinatunayan mo lang ang mga sinasabi sa 'yo ng mga tao!”
“Mom, please! Para namang mabubuntis ako sa nangyaring ito! At isa pa, I'm twenty six! Do you really think na virgin pa rin ako?”
“Oh, my god, Freya!” Nasapo ni Patricia ang dibdib. Pakiramdam nito ay aatikihin na sa puso dahil sa mga sinabi ng anak. “Bilisan mo! At gisingin mo na rin ang babaeng ‘yan!”
Napapikit si Freen noong magmartsa na palabas ng kwarto niya ang ina. Tiningnan niya si Becky na nahihimbing pa rin ang tulog. Wala sa sarili na napangiti na lamang siya noong maalala ang nangyari kagabi.
“You are really interesting, Becky. Hindi ko inakala na masaya ka pala kausap.”
Humagikhik si Becky. “Bakit? Para namang ang lungkot ng buhay mo? Sa yaman mo, for sure ang dami mong friends.”
“Hindi lahat ng mayaman, masaya. Pera lang ‘yan.”
“Sus! Kung ako bibigyan mo ng pera? Magiging sobrang saya ko!”
Natawa si Freen. “Oo na!” napapailing niyang sabi.
“Pero seryoso, Freen. Hindi ka talaga ano…”
“What? Lesbian? Bakit ba lahat ng tao ‘yan ang tanong sa akin? Mukha ba talaga akong lesbi?”
“Hindi naman. Kasi iyong buong aura mo iyon ang sinisigaw.”
“Gosh… Ganito lang talaga ako.”
“Never kang nagkagusto sa babae?”
Umiling si Freen. “Hindi na iyong gugustuhin ko nang maging girlfriend. Teka, bakit mo ba ako tinatanong? Gusto mo ba ako?”
Natigilan si Becky. “Ha? Nagtatanong lang!” Umayos siya ng upo at muling uminom ng alak. “L-Lasing na ata tayo, ano?”
Umarko ang gilid ng labi ni Freen. “Bakit parang ayaw mong sagutin?”
“Hoy! Hindi purket idol kita gaganiyanin mo na ako, ha?”
“I want to know, Becky.”
Mas lumapit pa si Freen sa tabi ni Becky. Napalunok naman si Becky noong pakiramdam niya ay nagtayuan ang mga buhok niya sa braso’t batok noong magdikit ang kanilang mga balat. Uusod sana siya ngunit naramdaman na lang niyang umakbay sa kaniya si Freen. Napalingon siya kay Freen at muling natigilan noong magsalubong ang kanilang mga mata. Mapupungay ang mga iyon na para bang nangungusap sa kaniya. Siguro dahil na rin sa alak na kanilang ininom kaya para siyang nadadala sa mga titig nito. May kakaiba talagang charisma si Freen na kahit na sino ay hindi magagawang iwasan.
“Why don’t you help me understand myself now?”
Napalunok si Becky. Halos ilang pulgada na lang ang layo ng mga labi nila. Kung tutuosin ay dapat itulak na niya ito. Ni sa hinagap ay hindi niya rin naisip ang sarili niya sa piling ng isang kabaro niya. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay kusang kumilos ang kaniyang katawan at inabot ang ilang pulgadang layo ng kanilang mga labi.
End of Flashback
Unti-unti nang nagising si Becky. Hindi kagaya ni Freen ay para bang hindi ito nagulat noong makitang parehas silang nasa kama.
Tumagilid si Becky at nginitian si Freen. “Good morning, Pretty! Mukhang maganda ang gising mo?”
Pinigilan ni Freen na ngumiti. “Get up. Magbihis ka na.”
Napanguso si Becky. “Tingnan mo 'to. Balik sungit na naman,” bulong niya.
Umarko ang kilay ni Freen. “What?”
“Wala!” Naupo na si Becky. “Ang sabi ko ang ganda mo!”
Nagulat nang kaunti si Freen sa sinabi ni Becky. Pinigil na lamang niyang mapangiti at nagsuot na rin ng damit.
“Now, if my mother asks you what our relationship is. Just answer that you are my acquaintance, okay?”
Natigilan si Becky. “Ano? N-Nandyan ang mommy mo?!”
“Yes, why?”
“Oh, my gosh! Ano ang gagawin natin? Paano kung ipakasal tayong dalawa?!”
Natawa si Freen. “You know that it won't happen.”
“Ito naman, ang seryoso. Wala kang balak panagutan ako?”
“Don't act like something will be developed in us. Come out when you're done.”
Napatigil sa pag-aayos si Becky at sinundan ng tingin si Freen na papalabas na ng kwarto. Bigla siyang napahiya sa sinabi nito. Oo nga pala. Parehas lang silang lasing kagabi. Ano pa ba ang aasahan niya? Para namang may nawala sa kaniya. Napabuga ng hangin si Becky.
‘Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Mapababae o lalake ay parehas lang.’
Nasa sala na si Freen at kaharap ang ina. Nakaupo siya sa sofa habang ito ay panay ang lakad sa gilid at halata ang pagiging balisa.
“What do you think you’re doing, huh? Freya Ann? Hindi ka pa ba nadala sa scandal na kinakaharap mo ngayon? Paano kung makalabas na naman ito sa media?”
Napabuga ng hangin si Freen. “Mom, wala ka nga dapat ipag-alala.”
Tumigil sa paglalakad si Patricia at hinarap ang anak. “Ano’ng wala?! Nahuli ko lang naman ang nag-iisang anak na babae ko na may naka-sex na babae rin! Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko? You know how your dad will react about this!”
Nag-iwas ng tingin si Freen. Muntik na niyang makalimutan ang kaniyang ama. ‘Fuck!’ ani niya sa isipan. Tumayo siya at lumapit sa ina.
“C-Can you not tell Dad about this?”
“Wala na.” Huminga nang malalim si Patricia. “I was talking with your Dad in the phone when I saw you in bed. Gusto ka niyang makita ngayon at ang babae mo.”
Napaatras si Freen. “What?”
“Gosh!” Pilit na pinakalma ni Patricia ang sarili. “I’m sorry if I was hysterical.” Hinawakan niya ang magkabilang braso ng anak. “You know how much I want to support you, Freen. But you know your Dad. Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin ngayon dahil dito.”
Lalong napamura sa isipan si Freen. Sa kaniyang mga magulang ay ang ama lang naman niya ang palaging pumipigil sa kaniya. Katunayan ay ang kaniyang ina ang may dahilan kung bakit nagawa niyang umalis sa puder ng mga ito. Sakto namang lumabas na ng silid si Becky at naglakad papalapit sa kanila.
Muling bumalik ang galit ni Patricia noong makita ang dalaga. “You!”
“Mom, please,” pakiusap ni Freen sa ina.
“S-Sorry po,” ani Becky. “P-Promise hindi po ako maghahabol! Wala rin akong pagsasabihan! Pangako po, Mrs. Salvador!”
“Dapat lang, Hija. Dahil hindi mo alam kung ano ang ginawa mo ngayon. You poison my daughter’s mind!”
Natigilan si Becky at nag-angat ng ulo. Nalilitong tiningnan niya ito at si Freen. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nasaktan noong makitang hindi manlang makatingin sa kaniya ang dalaga. Napailing na lamang siya at muling tumungo.
“Mom, hindi niya kasalanan, okay? Just let her go,” pakiusap ni Freen.
“No, Freen. Hihintayin natin kung ano ang desisyon ng Daddy mo. We don’t know what kind of a person she is. Paano kung naghahanap lang pala siya ng ikasisira ng pangalan mo? Paano kung gold digger pala siya at ginagamit ang scandal na kinahaharap mo ngayon? And you, being confuse about yourself, had fallen for her!”
“Ho? Teka po! Parang hindi ko na po gusto ang mga sinasabi niyo tungkol sa akin, Mrs. Salvador!” hindi makapaniwalang sabi ni Becky.
“Becky,” pigil ni Freen dito.
Umiling si Becky. “Hindi! Sorry po, ha? Thankful ako na tinulungan ako ng anak mo. Pero hindi ko kaya ang mga sinasabi niyo. Mahirap ako, oo. Pero hindi ibig sabihin no’n ay may balak na akong masama sa anak niyo!” Napailing siya. “Akala ko pa naman ay mababait kayo. Nagkamali pala ako ng mga taong iniidolo!” naluluhang sabi niya. “H’wag po kayong mag-alala. Wala akong pagsasabihan sa mga nangyari dito. Babalik na ako sa kung saan naman ako dapat naroon!” dagdag pa niya bago nagmartsa na palabas ng bahay ni Freen.
“Becky!” Hahabulin sana ni Freen si Becky pero bigla siyang hinawakan ng ina sa braso.
“Stop, Freen. Kahit saan naman siya magpunta ay mahahanap siya ng Daddy mo. Kung mayroon kang dapat alalahanin ay ang Daddy mo ngayon.”
Wala nang nagawa pa si Freen kung hindi ang hayaan si Becky. Nagbihis na lamang siya upang harapin ang kaniyang ama.
Chapter 6: Freen: Summer...
Freen: Summer, can you look for Becky?Summer: Who’s Becky?
Freen: Bianca Mendoza. Iyong babae kahapon.
Freen: Shut up!
Freen: Just look for her and make sure she’s okay.
Summer: Sure!
Summer: Congrats! Welcome to the family!
Napailing si Freen noong mabasa ang reply ni Summer. Ipinatong niya ang siko sa may pinto ng kotse na sinasakyan niya at sinapo ang ulo. Hindi mawala-wala sa isip niya ang pag-aalala kay Becky. Alam niyang mali ang mga nasabi ng mommy niya rito pero wala manlang siyang nagawa. Pakiramdam niya ay naging unfair siya rito.
“What are you thinking, Freya Ann?”
Naibaba ni Freen ang mga kamay at tumingin sa mommy niya. “Nothing, Mom.”
“Sinabi ko naman sa ‘yo na hindi dapat ang babaeng iyon ang inaalala mo.”
Bumuga ng hangin si Freen at muling tumingin sa labas ng bintana ng kotse. “You hurt her feelings, Mom. Hindi mo dapat iyon sinabi sa kaniya.”
Umarko ang kilay ni Patricia. “Don’t tell me you really like that woman?” Napailing siya. “Freya, you are just confused. Okay lang ‘yan. Mag-explore ka. But at the end of the day, you will still like men.”
Naiikot ni Freen ang kaniyang mga mata. Minabuti na lamang niyang hindi sumagot dito dahil alam naman niyang walang patutunguhan iyon.
Hinawakan ni Patricia ang kamay ni Freen. “Anak, sana ay maunawaan mo na para sa ‘yo itong ginagawa namin. Please, h’wag kana gumaya sa pinsan mo.”
Napalunok si Freen. Si Carla, ang nakatatanda niyang pinsan. Anak ito ng kapatid ng kaniyang ama na matagal nang namatay. Wala na ring ina kaya naman ay halos sa kanila na lumaki. Naging parang kapatid niya nga ito dahil sa pagiging sobrang malapit nila sa isa’t isa kahit na limang taon ang tanda nito sa kaniya. Ngunit noong tumuntong ito ng bente uno anyos ay umamin ito na babae rin ang gusto. Sa sobrang galit ng kaniyang ama ay walang awa nito itong pinalayas kahit alam nitong wala itong ibang mapupuntahan. Hanggang ngayon ay walang balita si Freen sa kaniyang pinsan.
Binawi ni Freen ang kaniyang kamay mula sa ina. “I won’t let him control me, Mom.”
“Freen!”
Hindi na lang sumagot si Freen sa ina at hinayaan itong magsalita nang magsalita. Tahimik siyang naghintay hanggang sa marating nila ang kanilang mansyon. Para nang tinatambol ang kaniyang dibdib sa sobrang kaba habang naglalakad siya papasok sa kanila. At kagaya nang inaasahan, isang malutong na sampal ang inabot niya sa ama noong magkaharap sila.
“Inutil! Isa kang demonyo!” galit na galit na sigaw ng kaniyang ama.
“Fidel! Maghunos-dili ka!” awat ni Patricia. Sinibukan nitong hawakan ang braso ng asawa ngunit itinulak lamang siya nito. Mabuti na lang at nakahawak pa siya sa sofa kaya hindi siya tuluyang natumba.
Nagpatuloy sa paglapit si Fidel sa anak at muli itong sinampal. Napaiyak na lamang si Freen habang iniinda ang ginagawa ng ama. Noong tumigil ito ay pakiramdam niya umiikot na ang kaniyang paningin dahil sa mga sampal nito. Ngunit pinilit pa rin niyang tumayo upang harapin ang ama. Ikinuyom niya ang mga palad at sinalubong ang mga tingin ng ama.
“A-Are you done, Dad?” pigil ang mga iyak na sabi niya.
“What?” hindi makapaniwalang tanong ni Fidel. Nagtataas-baba na ang dibdib nito sa sobrang galit dahil sa nalaman. Hinding-hindi niya matatanggap ang ginawa ng kaniyang anak.
“Are you satisfied now? Pwede mo na ba akong hayaang umalis ulit?”
“Aba’t! Nagmamalaki ka na talaga sa akin, ha? Freya Ann?! Anak pa rin kita! Kahit na ano pa man ang narating mo ay anak kita! Dala mo ang dugot’t laman at pangalan ko! Kaya wala kang magagawa kundi ang sundin ako! Sinasabi ko na nga! Iyang mga kaibigan mo ay nakakasama sa ‘yo! Dahil sa kakasama mo sa mga demonyo mong mga kaibigan ay ganiyan na ang nangyari sa ‘yo!”
Parang kutsilyong tumatarak sa dibdib ni Freen ang bawat salitang binatawan ng kaniyang ama sa kaniya. Buong buhay niya ay sinunod niya ito. Kahit na nga wala na siya sa puder ng mga ito ay sinusunod pa rin niya ito. Kung noon pa pala niya kinilala ang kaniyang sarili ay siguro hindi siya nito natanggap. Kahit nga ngayon na wala pa siyang sinasabi ay para bang itinatakwil na siya.
“B-Bakit, Dad? May mali ba sa kanila? O… may mali ba sa akin? Ako pa rin naman ito, ‘di ba? Anak mo pa rin ako. Bakit ba galit na galit ka sa kanila? Bakit galit na galit ka sa amin?”
Nasapo ni Patricia ang kaniyang bibig. “F-Freya Ann, please.”
“Gusto mong malaman kung kagaya nila ako? Pwes, oo! Ang tagal kong pinaniwala ang sarili ko sa bagay na hindi ko naman talaga gusto. Dahil sa ‘yo, Dad! Dahil nirerespeto kita! Pero sobra na ito! Pero alam mo? Kagabi ko lang na realize kung ano ba talaga ako, Dad. Kung ano ba talaga ang gusto ko. At hindi ko hahayaan na pigilan mo ako sa kaligayahan ko, Dad.”
“Ano’ng sinasabi mo?! Hindi totoo ‘yan, Freya! Wala akong anak na demonyo!”
“Edi wala! Fine! Ako na ang demonyo! Pero hindi ako susunod sa gusto mo! Hindi ako papayag na magkasal sa taong hindi ko naman gusto! At kung babae ang gusto ko, ano ang masama roon? Wala, Dad! Walang—”
Muling natumba si Freya noong sinampal siya ulit ng ama. Sa puntong iyon ay nahilo siya nang kaunti. Nalasahan na nga niya ang sariling dugo sa labi kaya napadura pa siya.
“Diyos ko, Freya! Tama na, Fidel! Parang-awa mo na!”
“Manahimik ka, Patricia! Dahil sa ‘yo kaya nagkakaganiyan ang anak mong ‘yan! Kung hindi mo siya hinayaan na lumipat ng tirahan edi sana hindi nalason ang utak niyan!”
“Anak mo siya, Fidel! Parang-awa mo na! H’wag ang anak natin!”
Napailing-iling si Freen. Pinilit niyang tumayo at muling hinarap ang ama. Huminga siya nang malalim at unti-unting tumalikod dito. Walang patutunguhan ang pakikipagtalo sa kagaya niyang sarado na ang isip. Kung hindi siya nito matatanggap ay mas pipiliin na lang niyang h’wag siya nitong kilalanin bilang anak.
“Where are you going, Freya Ann?!” galit na tanong ni Fidel. Halos bumakat na ang mga ugat sa leeg nito sa sobrang galit. Ngunit hindi manlang lumingon si Freen at nagpatuloy sa paglalakad. “That woman!”
Biglang napataigil si Freen sa paghakbang.
“I will make sure that her life will be miserable if you leave this house, Freya Ann!”
Naikuyom ni Freena ng mga palad. Humarap siya sa ama. “Wala siyang kinalaman dito, Dad! Hindi ko siya kilala! Nakasama ko lang siya kagabi!”
“Really? Then why do you look afraid for her?”
Natameme si Freen. Nag-iwas siya ng tingin sa ama.
“Go. Leave! Don’t listen to me. But you know what will happen to her, Freya Ann.”
Muling nanubig ang mga mata ni Freen. “Why are you doing this, Dad?”
“Dahil siya ang rason kaya ka nagkakaganito. So, don’t you dare, Freya Ann. Kapag umalis ka ngayon at hindi pumayag sa gusto ko, she will suffer!”
“Dad, I just met her last night. H’wag mo na siyang idamay dito! Ni hindi ko nga siya kilala nang lubusan e! Just, please!”
“You know what you will do, Freya Ann. Siguraduhin mong tama ang magiging desisyon mo.”
Nasapo na lamang ni Freen ang kaniyang bibig at muling umiyak. Tinalikuran na siya ng ama at naglakad palayo sa kaniya. Habang ang kaniyang ina naman ay nilapitan siya at niyakap.
Alam ni Freen na hindi nagbibiro ang kaniyang ama. Ganito ang ginawa nito sa kaniyang pinsan. Kaya nga hindi na talaga ito nagpakita dahil pinahirapan talaga ng kaniyang ama. Pwede naman niyang suwayin na ito. Ngunit hindi makakaya ng konsensya niya na may ibang tao ang magbabayad dahil sa katigasan ng ulo niya sa ama. Maaring masyado pang maaga. Pero hindi niya maitatanggi na naging parte na ng kaniyang pagkatao si Becky.
At hindi niya makakayanan kung magdudusa ito dahil sa kaniya.
Chapter 7: Freen: How...
Freen: How is she?Summer: Bakit ako tinatanong mo? Ito number niya, 0973333333. Tawagan mo!
Freen: Bitch.
Summer: Hahaha! Miss mo na ba? Punta ka sa bar para makita siya.
Freen: Can’t you just answer my question?
Summer: No! If you are really worried, go to her. Ask her yourself. Alam mo namang matutulungan ka namin.
Nasapo ni Freen ang kaniyang noo at muling nahiga sa kama. Ilang araw na ang nakalipas mula noong mangyari iyon. Ilang araw na rin siyang walang balita kay Becky at tanging si Summer lamang ang nakakausap niya rito. Kinausap niya kasi ang kaibigan na bigyan ito ng trabaho sa restaurant na negosyo nila. Bukod kasi sa bar ay may negosyo silang magkakaibigan na restaurant.
Magmula rin noon ay hinigpitan na siya ng ama. Ni hindi na nga siya nakapunta sa unit niya dahil hindi na siya pinayagang lumabas ng bahay nila. Ang mga negosyo niya ay sa cellphone niya lang na aasikaso. Napansin niya rin na nadagdagan ng mga bantay ang mansyon. Dumami ang mga bodyguards nila at kahit sa labas ng kwarto’t bintana niya ay may mga nagbabantay.
Ilang sandali pa ay nakarinig ng mga katok sa kaniyang pinto si Freen. Agad siyang tumagilid at nagkumot. Narinig niyang bumukas ang pinto.
“Freya Ann, are you awake?” tawag ni Patricia sa anak.
Hindi naman sumagot si Freen. Nanatili siyang nakatagilid at nagpanggap na tulog.
“Freen, I know you are awake. Maghanda ka na at may pupuntahan tayo.”
Napabuga ng hangin si Freen. Naupo siya at hinarap ang ina. “Saan po?”
“We are going to meet, Samuel Ford.”
“Who is he?”
“Siya ang anak ng ninong mo. Ang inirereto sa ‘yo ng daddy mo.”
Agad na nag-iwas ng tingin si Freen. “Do I even have a choice?”
“Freen, please? H’wag nang matigas ang ulo.”
“Mom, are you really letting Dad ruin my life? Wala ka manlang bang gagawin?”
Bumuntonghininga si Patricia. Naupo siya sa gilid ng kama ni Freen. “This is for you, Freen.”
“Paanong naging para sa akin, Mom? Hindi ito ang gusto ko. Hindi ako ‘to!”
“Please. H’wag nang makulit, anak. Para hindi na kayo mag-away pa ng Daddy mo. Ako na ang nakikiusap sa ‘yo, anak. Ayaw kong mawala ka sa akin.”
Nangilid na ang mga luha ni Freen. “Kung ayaw mo talaga akong mawala sa ‘yo, Mom. You won’t let Dad do this to me,” garalgal ang boses na sabi niya.
Hindi na kinausap pa ni Freen ang kaniyang ina. Tumayo na siya at nagpunta sa banyo. Kahit na hindi niya gusto ay pinilit niya ang sarili na mag-ayos. Magkasama silang mag-ina na pumunta sa private restaurant kung saan nila katatagpuin ang pamilya ng lalakeng gustong ipakasal sa kaniya ng ama. Naroon na ang kaniyang ama at ang pamilya ng lalakeng tinutukoy nito.
“Good evening, Fidel!” bati ni Henry Ford, ang ama ni Samuel Ford. Agad na nagkamay ang dalawa at ang kani-kanilang mga asawa naman ay nagbeso.
Tahimik na nakatayo si Freen sa gilid. Ni hindi niya tinitingnan ang mga ito at walang ibang nasa isip niya kundi ang kung paano siya makakaalis sa lugar na ito.
“Is this Freya Ann?”
Napatingin si Freen sa nagsalita. Pinilit niyang ngumiti at tumango rito. Ito ay Grace Ford, ang asawa ni Henry Ford.
“Yes, she is our only daughter,” masayang sabi ni Patricia. Kumapit pa ito sa braso ng anak. “Where is Samuel, Amiga?”
“Ah, he’s coming. May kausap lang sa cellphone. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon.”
“Right! Mas busy na nga sila kaysa sa atin!”
Tumikhim si Fidel. “Let’s sit down.”
Naupo silang lima sa tapat ng pabilog na lamesa. Dahil nasa isang private restaurant sila ay bawat lamesa nasa isang kwarto. Doon ay may sarili silang mga waiter na maga-assist sa kanila na tatawagin lang nila kapag kinakailangan. Sikat ang restaurant na iyon para sa mga business meetings o kaya naman ay private meetings kagaya nito.
Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto. Pumasok doon ang isang binata na nakasuot ng formal suit. Napatitig dito si Freen. Hindi niya matandaan si Samuel Ford ngunit naririnig na niya ang pangalan nito. Habang tinititigan ang mukha nito ay biglang nanlaki ang mga mata niya noong ma-realize na kilala niya ang binata. Tumingin din ito sa kaniya at ngumiti.
“Sorry if I was late. May kinailangan lang po akong asikasuhin,” magalang na sabi nito.
Napangiti agad si Fidel. “Nice! You are a hardworking man. Bagay na bagay kayong dalawa ng anak ko, Hijo!” Tumingin ito kay Freen. “This is Freya Ann, my daughter. I’m sure you’ve heard about her.”
Tumingin si Samuel kay Freen. Inilahad nito ang kamaya sa harapan ng dalaga upang makipagkamay. Pinilit na lamang ni Freen na abutin iyon at nakipagkamay dito.
“Yes, Tito. Her reputation precedes her,” makahulugang sabi ni Samuel.
Nangunot ang noo ni Freen. Agad niyang binawi ang kamay at naupo nang maayos. Hindi siya nagkakamali. Kilala niya ang binata. Lihim siyang napangiti sa kaniyang isipan habang naiisip kung paano makakaalis sa sitwasyong iyon.
Nag-umpisa na ang dinner nila. Tahimik lamang si Freen habang pinakikinggan ang kaniyang mga magulang na nag-uusap tungkol sa negosyo. Gano’n na rina ng magiging kasal daw nilang dalawa. Hindi niya maiwasang magngitngit dahil nakikita niyang para bang walang pakealam si Samuel sa nangyayari at pabor dito ang desisyon ng mga magulang nila. Habang siya ay nagpaplano na sa kaniyang isipan.
Kailangan niyang makawala sa puder ng ama at masiguro na hindi nito masasaktan si Becky.
“Why don’t you two talk privately?” tanong ni Henry. “Samuel, take Freya Ann somewhere where you can know each other more.”
Hindi maiwasang kilabutan ni Freen sa sinabi nito. Pero naisip niya rin na isang paraan na iyon para makausap nang masinsinan ang binata.
“Sure!” Tumayo si Freen. “Samahan mo naman ako sa labas, Samuel,” nakangiting sabi niya.
Nagulat pa ang mag-asawang Salvador dahil si Freen mismo ang nag-alok sa binata. Napangiti si Fidel dahil naiisip nito na tama ang kaniyang naging desisyon.
“Sure. Let’s go.” Tumango si Samuel.
Magkasamang lumabas ng silid sina Freen at Samuel. Naunang maglakad si Freen hanggang sa marating nila ang labas ng restaurant. Bukod sa private restaurant iyon ay maging ang sekyuridad ng buong pasilidad ay maayos din. Kaya hindi natatakot si Freen na lumabas ng restaurant dahil walang nakakapasok na media roon. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap si Samuel. Bahagyang nagulat pa ang binata dahil napaatras ito bigla.
“Yes?” nagtatakang tanong ni Samuel.
“Gusto mo ba talaga ito, Samuel?”
Lalong nangunot ang noo ng binata. “What do you mean?”
“Magpapakasal ka talaga sa akin?”
Nag-iwas ng tingin ang binata. “Y-Yes. Of course! Bakit mo naman natanong iyan?”
Umarko ang gilid ng labi ni Freen. “Really? Paano ang boyfriend mo?”
Nanlaki ang mga mata ni Samuel. Nagpalinga-linga ito sa paligid upang masiguro na walang nakarinig kay Freen. Pagkatapos ay hinila niya ang dalaga papunta sa may madilim na parte.
“What are you saying?!”
“You are gay too, right?”
“Lower your voice!”
Napangiti si Freen. Kilala niya ang binata dahil minsan na niyang nakita ito sa bar ni Summer kasama ang isang artistang lalake. Oo, isang bakla si Samuel. At base sa reaksyon nito ay mukhang hindi rin ito tanggap ng pamilya nito.
Bumuga ng hangin si Samuel. “Fine. That’s true. Ano naman sa ‘yo ngayon?”
“Well, sigurado naman ako na ayaw mo akong pakasalan, ‘di ba? Ayaw ko rin. Why don’t we help each other?” Inilahad ni Freen ang kamay. “Deal?”
Napatingin si Samuel sa palad ng dalaga. Totoo ang mga sinabi nito. Hindi rin niya gustong magpakasal dahil may mahal siyang iba at isa iyong lalake. Pumayag lang siya dahil ayaw niyang madungisan ang pangalan ng pamilya nila. Tumango-tango si Samuel at inabot ang kamay ni Freen.
“Deal.”
Napangiti nang malapad si Freen.
Chapter 8: Ilang araw...
Ilang araw nang hindi makatulog nang maayos si Becky matapos ang tagpo nila ni Freen. Ilang araw na rin niyang hindi nakikita ang dalaga. Matapos niyon ay nakauwi siya sa kanila dahil nawala na ang galit ng kaniyang ina. Kaso ngayon ay hindi alam ni Becky kung paano sasabihin sa ina na wala na siyang trabaho.Napabuga ng hangin si Becky habang bagsak ang balikat na naglalakad sa gilid ng kalsada. Parang ayaw na niyang umuwi dahil alam na niya ang sasabihin ng Mama niya. Tama nga ang kaniyang hinala, mawawalan siya ng trabaho.
Peep! Peep!
“Ay palaka!”
Napagilid bigla si Becky noong may bumisina sa tabi niya. Nasapo niya ang kaniyang dibdib. Handa na sana siyang pagalitan ang nagmamaneho ng kotse ngunit natigilan siya noong makita kung sino ang nasa loob.
Ibinaba ni Summer ang sunglasses na gamit. Nginitian niya si Becky na gulat pa rin. “Bianca Mendoza, right?” tanong niya.
Napanganga si Becky. “S-Summer Jhean?” Kilala niya ito dahil kaibigan ito ni Freya Ann. Alam niya kung sino ang mga malapit sa dalaga dahil nga iniidolo niya ito. At si Summer ang pinaka pinagkakatiwalaang kaibigan ni Freya Ann.
“Yup!” Bumaba ng kotse si Summer upang makausap nang maayos si Becky. “Kanina pa kita tinatawag pero parang ang lalim ng iniisip mo?”
Muling napalunok si Becky. Hindi niya maiwasang mamangha kay Summer. Hindi kagaya ni Freen ay maiksi ang buhok nito at malinis ang pagkakagupit. Kitang-kita niya ang pahabang tattoo sa kaliwang parte ng leeg nito. Hindi niya maitatanggi ang natikas nitong tindig na para bang sa lalake.
'Ang pogi!' sigaw ni Becky sa isipan niya.
“Hey? Becky? Are you there?” tawag ni Summer kay Becky. Pinitin niya pa ang kamay sa harapan nito.
Napakurap-kurap naman si Becky at agad na nagbaba ng tingin. Muli siyang lumunok at pinakalma ang sarili.
“Y-Yes? Ano ang kailangan mo sa akin? Paano mo ako nahanap?” sunod-sunod na tanong niya.
Ngumiti si Summer. “Freen wants me to get you. Wala ka nang trabaho, ’di ba?”
“Freen? Hinanap niya ako?”
Biglang gumaan ang pakiramdam niya noong marinig ang pangalan ni Freen. Hindi naging maganda ang huli nilang pagkikita pero nauunawaan naman niya ang dalaga. Sa unang pagkakataon ay nakita niyang takot ito sa harap ng ibang tao.
Tumikhim si Becky noong makita ang mapanudyong mga ngiti ni Summer. “B-Bakit daw?”
“Do you miss her?”
“Huh?”
Tumawa si Summer. “Come on. Mainit dito sa labas.” Umikot ito papunta sa kabilang parte ng kotse. “Get in.”
Nalilito man ay sumunod si Becky kay Summer. Sumakay siya sa sasakyan at tahimik na hinintay ito. Hindi na nagtagal sa gilid ng kalsada ang kotse at pinaandar na rin.
“Saan tayo pupunta?”
“Well, Freen asked me to give you a job. Wala ka na raw trabaho?”
“Huh?” Napaisip si Becky. “Wala naman akong nasabi sa kaniyang gano'n. Pero nasabi ko na baka mawalan ako ng… ibig sabihin binibigyan niya ako ng trabaho?”
“Yes, kasasabi ko lang. Pero wala ka na ba talagang trabaho?”
Napangiti nang malapad si Becky. “Wala na! Actually, kakatanggal lang sa akin ngayon!” Sinapo niya ang bibig. “Kaya idol ko talaga siya e!” maluha-luhang sabi pa niya.
“Hindi ka niya girlfriend?”
Namilog ang mga mata ni Freen. “I wish!”
Natawa si Summer. “Tell me… girlfriend ka na nga ba ni Freen?”
Natahimik si Becky. Kung iisipin ay wala naman silang label ni Freen. Para ngang naka-one night stand niya lang ang dalaga. Pero hindi niya maitatanggi na nagustuhan niya ang gabing magkasama silang dalawa. Pero imposible naman kasing magustuhan siya nito.
Umiling si Becky. “Naku, hindi.”
“Weh?”
“Oo nga. Asa naman ako na magustuhan ako ng kaibigan mo? Langit 'yon, simpleng paruparo lang ako sa gilid.”
“Well, Bianca Mendoza. Ikaw ang unang binigyan ng treatment ni Freen ng ganito.”
Muling natigilan si Becky. Biglang bumilis ang tibol ng puso niya dahil sa narinig. Ayaw niyang umasa pero bakit naman hindi, ‘di ba? Baka naman totoo. Baka naman mangyari.
Hindi nagtagal ay narating nila ang isang restaurant. Nakilala agad ni Becky ang lugar dahil iyon ang negosyo ni Freen na kasosyo ang mga kaibigan nito. Isa na roon si Summer.
“A-Ano pong ginagawa natin dito?” nalilitong tanong ulit ni Becky. Naglalakad na sila ni Summer papasok sa restaurant. Sarado pa iyon pero may mga staffs na. Nag-aayos ang mga ito sa loob at naghahanda para sa pagbubukas.
“You're a chef, right?”
“Oo,” tugon ni Becky. Pero sa kaniyang loob-loob ay muli siyang sumaya dahil naalala talaga ni Freen ang ilang mga bagy tungkol sa kaniya.
“You are hired now as assistant chef. And you will start today.”
Halos pumalakpak na sa saya si Becky dahil sa narinig. Ibig sabihin ay may trabaho na talaga siya!
Agad na ipinakilala si Becky ni Summer sa ilang mga empleyado nila. Iisa lang ang chef nila pero mayroong tatlong assistant chef. Agad na naglinis ng katawan si Becky at nagbihis. Labis-labis ang pasasalamat niya kay Summer. Lalong-lalo na kay Freen. Gusto niya sana ito makausap ngunit hindi na rin niya nakita si Summer na bumalik sa restaurant.
“Bianca!”
Agad na nabitawan ni Becky ang kutsilyong hawak noong may sumigaw sa tabi niya. Hinawakan ni Hannah ang kamay ni Becky upang tingnan iyon.
“Gosh! Akala ko pinuputol mo na ang daliri mo on purpose e!” nag-aalang sabi ki Hannah. Isa ring assistant chef sa restaurant.
“H-Ha?”
“Kanina pa kita kinakausap, girl! Iyon pala lumilipad na ang isip mo! Ano ba ang nangyari?”
Napalunok si Becky. “Wala. May naisip lang.”
“Hay naku! Sige na! Bilisan mo na riyan at kailangan na natin itong matapos.”
Tumango si Becky at muling bumalik sa ginagawa. Sa lalim ng iniisip niya ay nakalimutan na niyang nagtatrabaho pala siya. Ilang araw na rin makalipas na ma-hire siya rito. Pero magdadalawang buwan na noong huli niyang nakita si Freen. Hindi niya alam kung bakit bigla niyang naiisip ni Freen nitong nga nakalipas na araw. Siguro dahil na rin sa nabalitaan niya sa TV.
Ikakasal na raw si Freen sa isang lalake. Bigla siyang nalungkot dahil sa balitang iyon. Pakiramdam niya ay mali na magpakasal si Freen. Sabi nito ay ayaw nitong matali siya sa kung sino. Iyon ang nakwento nito sa kaniya noon. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? E sino lang ba naman siya rito?
Ilang sandali pa ay biglang naging tensyonado ang buong kusina. Nagtataka man ay hindi magawang magtanong ni Becky sa mga kasama dahil parang mga aligaga ang mga ito.
“Psst! Hannah! Ano ang nangyayari?”
“Basta bilisan mo na lang diyan!”
Wala nang nagawa pa si Becky kundi abalahin ang sarili sa paghahalo sa pagkaing niluluto niya.
“Mendoza? Bakit?”
“Siya ang gusto magdala ng pagkain ni Mr. Ford.”
“Ano ulit ang pangalan?”
“Bianca Mendoza.”
Napatigil sa paghalo si Becky at napalingon sa waiter na kausap ng chef nila. Pangalan niya ang binanggit nito kaya bigla siyang na curious. Lumingon sa kanila si Chef Chris at tumingin sa kaniya.
“Bianca. Ibigay mo iyan kay James at ikaw ang maghatid ng pagkain nila Mr. Ford.”
Agad na tumigil si Becky sa kaniyang ginagawa at lumapit sa boss. “Po? E hindi po ako waitress, Chef.”
“You are personally requested by Mr. Ford. Kaya dalhin mo na ito roon.”
Nangunot ang noo ni Becky. Hindi niya matandaan ang apelyido na binanggit nito. Pero wala na siyang nagawa pa kundi ang sumunod dito. Hinubad niya ang apron at bahagyang inayos ang sarili. Pagkatapos ay tinulak na niya ang cart na may lamang mga pagkain palabas ng kusina. Sinamahan pa siya ng waiter na papunta sa ikalawang palapag kung nasaan ang private dine.
Sino kaya ang Mr. Ford na 'yon?
“Dito,” tawag sa kaniya ng waiter.
Nakita agad ni Becky sa dulong parte ang isang lalake na may kaharap na babae. Lalo siyang nalito dahil hindi naman niya talaga kilala ang binata.
Sino kaya 'to?
Itinigil ni Becky ang cart sa gilid ng lamesa ng mga ito. Bahagya siyang nag-bow sa mga ito.
“Good afternoon, Mr. Ford! Here's your—Freen?”
Chapter 9: Kanina pa...
Kanina pa magkaharap sina Becky at Freen sa lamesa. Panay ang inom ni Becky sa tubig na nasa tabi niya. Kapansin-pansin na rin ang pamamawis niya dahil sa sobrang kabang nararamdaman. Ilang linggo niyang hindi nakita ang dalaga kaya hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Deretso lang na nakatitig sa kaniya si Freen at wala manlang pinapakitang emosyon. Ni hindi niya nga mahulaan kung natutuwa ba ito na nagkita sila ulit o hindi.Noong hinatid niya ang pagkain ng dalawa ay biglang tumayo si Mr. Ford at pinapaupo siya sa pwesto nito. Lumipat ito ng lamesa at doon pinapahatid ang ilang pagkain. Bago pa siya magtagal sa kinakaupuan ay may dumating na isa pang lalake at naupo sa lamesa ni Mr. Ford. Panay nga ang tingin niya sa mga ito dahim nakikilala niya ang binatang kasama nito. Isa iyong sikat na artista.
Tumikhim siya. “Freen… kumusta ka?” tanong ni Becky. Sinalubong niya ang mga titig nito.
Huminga nang malalim si Freen. Inabot niya ang wine glass na may lamang wine at umino doon.
“I'm good. Ikaw? Mukhang nakahanap ka na ng bagong work.”
Napangiti si Becky. “Oo. Salamat sa tulong mo.”
“Kumusta naman ang trabaho mo rito?”
“Ayos naman. Mabait naman ang mga katrabaho ko. Tsaka malaki ang pasweldo niyo kaysa sa nauna kong trabaho.”
“Mabuti naman.”
Humigpit ang hawak ni Becky sa laylayan ng uniporme niya. “H-Hindi ka ba pinagalitan sa inyo, Freen?” tanong niya makalipas ulit ng ilang sandali.
“Bakit naman ako papagalitan?”
“Freen, e kasi… hay! Bakit hindi mo tinawagan pagkatapos no'n?”
“Why?”
“Ano’ng why? Syempre, nag-aalala ako sa ‘yo! A-Alam mo naman nangyari noong huli tayo nagkita. Ano sabi ng mommy mo?”
“Nothing.”
“Freen—” Napapikit nang mariin si Becky. Hindi niya nagugustuhan na para bang naglilihim sa kaniya ito. “Fine. Sorry. Masyado ata ako nag-invest sa ilang oras na magkasama tayo noon. Salamat sa tulong mo sa akin, Ms. Salvador.” Tumayo siya. “Babalik na po ako sa trabaho ko.”
Mabilis na hinawakan ni Freen ang kamay ni Becky bago pa man ito makalagpas sa kaniya. “We’re still talking.”
“Para namang hindi ko ramdam na gusto mo akong makausap.”
Napabuga ng hangin si Freen. Tumayo siya at muling pinaupo ang dalaga. “Fine, sorry.” Naupong muli si Freen sa upuan niya. “Everything is okay. Hindi mo na kailangang isipin pa kung ano ang nangyari sa akin noon.”
“Okay,” sagot ni Becky kahit hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi ni Freen. “Bakit mo ba ako gustong makausap? Pananagutan mo na ako?”
Inirapan ni Freen si Becky. “No.”
“Nagbibiro lang e.” Napanguso si Becky dahil hindi manlang ngumiti ng dalaga. “Ano ba 'yon?”
“I'm offering you a deal. Dahil sa nangyari sa atin ay sa tingin ko ikaw ang pinaka tamang choice na tumulong sa akin,” pag-uumpisa ni Freen. Kinuha niya ang isang folder na nakapatong sa tabi ng upuang inuupuan niya at inabot ito kay Becky. “Read it.”
Nalilito man ay kinuha ni Becky ang folder. Agad niya itong binuklat at binasa. Unang parte pa lang ng dokumento ay napanganga na siya.
“I-Ikakasal? Gusto mo tayong magpakasal?” nanlalaki ang mga mata na tanong ni Becky.
Tumango si Freen. “Yes. And we should do it as soon as possible.”
Tiniklop ni Becky ang papel. Sandali niyang tiningnan si Samuel na masayang kausap pa rin ang kasama nito. Pagkatapos ay muli siyang tumingin kay Freen.
“Alam ko naman na maganda ako… at masarap. Kahit walang pera. Pero sigurado ka ba? Bakit? Na in love ka na ba sa akin dahil sa nangyari sa atin?”
Umarko ang gilid ng labi ni Freen. “Don't get me wrong, Becky. Kung ano man ang nangyari sa atin noon, okay. I'm sorry. Lasing ako noon. We both are. But this contract is different. At hindi iyon dahil sa nangyari sa atin.”
“Ang sakit mo talaga magsalita palagi, ’no?” Napalabi si Becky.
“I'm just stating the facts para hindi ka na umasa pa.
“Oo na. Pero bakit ba? 'Di ba ikakasal ka na?”
Sandaling natahimik si Freen at tiningan si Samuel. “Yes.”
“E bakit tayo magpapakasal?”
“Dahil ayaw kong sundin si Dad. Gusto kong patunayan sa kaniya na hindi ko kailangang magpatali sa isang lalake na ikukulong lang ako sa isang relasyon na hindi ko naman gusto. At isa pa… I realized I'm not into men.”
“Talaga?” Napangiti nang malapat si Becky. “Congrats for finally coming out!”
Natigilan si Freen. Hindi niya napigilang ngumiti dahil sa sinabi nito. Sa unang pagkakataon ay naging totoo siya sa sarili. At masaya siyang makita na may masaya para sa kaniya. Kaya naman ay mas lalo siyang naging pursigido na umalis sa puder ng ama.
“Thank you,” bulong niya. “Anyway, do you accept it? It's just for a year. Pagkalipas ng isang taon ay we can divorce each other and go on with our lives. I already put my terms there. Pwede mong idagdag diyan ang sa 'yo. Also, I will pay you.”
Muling napanguso si Becky. “Akala ko pa naman nahulog ka na sa akin. Char!” biro niya ulit at tumawa. Ngunit noong makitang muling nangunot ang noo ni Freen ay naiikom niya ang bibig.
Ang seryoso talaga sa buhay nito, ani niya sa isipan.
“E paano natin gagawin?”
“Ako na ang bahala doon. I just need you to agree with it.”
Tinitigan ni Becky si Freen. Inilapag niya ang folder sa lamesa at ginaya ang pagkakaupo ni Freen. Tuwid na tuwid ang likod at magkakrus pa ang mga kamay.
“Bukod sa pera, ano naman ang mapapala ko rito?”
Umarko ang kilay ni Freen. “What do you want then?”
Umarko din ang kilay ni Becky. Matagal siyang nakipagtitigan sa dalaga hanggang sa kusa na siyang tumigil.
“Oo na! Joke lang. Pinaglihi ka ba ng Mommy mo sa sama ng loob? Bakit ang hirap mo pasayahin?”
Mas lalong nangunot ang noo ni Freen. Napailing na lamang siya at kinuha ang cellphone sa bag.
“This is for you. Wait for my call. And make sure that your passport is ready. I-review mo na rin nang maigi ang contract bago mo pirmahan.”
Ngumiti si Becky. “Yes, Ma'am!”
Muling napailing si Freen. Ngunit sa kaniyang isipan ay natutuwa siya dahil tama ang kaniyang napiling tao. Kahit na magkaiba sila ng personalidad ay napapasaya naman siya nito. Hinihiling na lamang niya na maging maayos ang kanilang plano.
You will not win, Dad. I will dictate my own life!
Chapter 10: “Mukhang...
“Mukhang nagkasundo talaga kayo, anak! I'm so happy for you!” nakangiting sabi ni Patricia.Matipid na ngumiti si Freen sa ina at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga damit. Ngayong araw ang flight niya papunta sa Italy upang magbakasyon ni Samuel. Oo, kasama niya si Samuel, ang lalakeng kaniyang pakakasalan. Pero ang hindi alam ng mga magulang nila ay hindi lang iyon ang mangyayari.
“Thanks, Mom.”
Lumapit si Patricia sa anak at kinuha ang kamay nito. Tinabihan ni Freen ang ina sa kama.
“I’m really happy that you made up your mind, Freya Ann.”
Nag-iwas ng tingin si Freen sa ina. Bigla siyang nakaramdam ng konsensya dahil wala itong alam sa kaniyang binabalak. Ngunit kailangan niya itong gawin para lang makawala sa paghihigpit ng kaniyang ama.
“Anything… just for you two to be happy.”
Lalong ngumiti nang malapad si Patricia. “Salamat, anak. At alam ko rin naman na nalilito ka lang talaga. Okay lang iyon. May experience ka. Mag-explore ka. But never forget your parents. You know that we are doing this for your own welfare, right?”
Hindi sumagot si Freen. Sa isip niya ay lalo lang nabubuo ang kagustuhan niyang kumawala sa pamilya niya.
“Wala ka rin namang mapapala kung magkakagusto ka ng babae. Hindi kayo matatawag na pamilya dahil hindi ka naman mabubuntis no’n. Higit sa lahat ay isang kasalanan ang magkagusto sa kaparehas ng kasarian mo.”
Napatayo na si Freen. “Mom, okay. But can you please let me fix my things now? Baka mahuli ako sa flight namin,” ani niya. Humawak siya sa maleta niyang nakapatong sa kama at tumingin sa kabilang parte ng kaniyang silid. Ayaw niyang makita ng ina na naluluha na siya.
Ano ba ang mali sa kaniya? Wala naman. Bakit parang hirap na hirap ang mga ito na tanggapin siya?
Bumuntonghininga si Patricia. “Okay. Hihintayin kita sa baba. Are you sure hindi mo na kailangan ng tulong?”
“I’m good, mom.”
Tumango si Patricia. Tinapik niya ang balikat ng anak saka naglakad na palabas ng silid nito. Noong marinig niyang sumara ang pinto ay doon lang nakahinga nang maluwag si Freen. Nagmamadaling kinuha niya ang cellphone at tinext ang kaibigan.
Freen: Where are you?
Ibinaba niya ang cellphone at nagmamadali nang inayos ang mga gamit. Kaunti lamang ang mga damit na kaniyang inilagay sa maleta. Ilang mga importanteng mga papeles at hygiene kit. Bago pa man sila aalis ngayon ay naayos na ni Samuel ang mga kailangan nila. Oo, katulong niya si Samuel sa kaniyang pinaplano. Ngunit hindi ito magpapakasal sa nobyo nito. Hindi kagaya niya na desidido na siya na kalabanin ang ama niya.
Summer: We’re here.
Napatingin si Freen sa kaniyang cellphone at agad na napangiti noong makita ang mensahe ni Summer. Kailangan na lamang niya makalipad papunta sa Italy at magiging maayos na ang lahat. Isang buwan ang trip na kanilang pinili ni Samuel. Isang buwan para maisakatuparan ang kaniyang gagawin.
Pagbaba niya ay nakita na niya si Samuel sa sala nila. Kausap nito ang ina at nagtatawanan pa.
“You’re here!” ani Freen.
Tumingin si Samuel kay Freen. “Are you ready?”
“Yes! I can’t wait for our trip.” Makahulugan siyang ngumiti rito.
Napangiti naman nang malapad si Patricia. Maluha-luha pa siya habang pinagmamasdan ang malapad na mga ngiti ng anak.
“Samuel, I hope you take care of my daughter, huh? Pero sana naman ay hintayin niyong makasal bago kayo bumuo, okay?”
Bahagyang napangiwi si Freen sa sinabi ng ina. Hindi niya mawari kung paano nito iyon nasasabi. Na parang ang dali-dali lang ng lahat para sa kanila. Noong tingnan niya si Samuel ay maging ito pilit din ang mga ngiti.
“Sure, Tita. I will take care of my future wife.”
Nagulat si Freen noong bigla siyang hinatak ni Samuel at idinikit sa katawan nito. Nakakapit ito sa kaniyang baywang at marahan pang hinalikan ang noo. Halos magtayuan na ang lahat ng buhok niya sa katawan dahil sa kilabot. Alam naman niyang nagpapanggap lang ang binata sa harap ng kaniyang ina. Pero hindi pa rin niya maiwasang mandiri sa mga hawak nito sa kaniya. Ibang-iba noong sa tuwing napapadikit siya sa ibang mga babae. Lalo na kay Becky.
Lihim na napailing si Freen at kumapit din sa baywang ng binata. “Don’t worry, Mom. I know Samuel is a good man. And I’m thankful na pinayagan niyo kaming magbakasyon muna bago kami ikasal. This way, mas makikilala ko pa ang lalakeng pakakasalan ko.” Tiningnan niya si Samuel at ngumiti nang ubod ng tamis.
Lalong natuwa si Patricia sa kaniyang nasaksihan. “Of course, anak. Anything for you! Now, go. Baka ma-late na kayo sa flight niyo. Hindi ko na kayo haharangin pa masyado.”
“Okay, Mom! Tell Dad that I said goodbye!” ani Freen. Na may iba ring ibig sabihin. Sayang nga dahil busy ito at hindi makikita ang pag-alis niya. Dahil sisiguraduhin pag-uwi niya ay wala na itong magagawa pa.
“Goodbye, Tita!”
Magkahawak-kamay na naglakad palabas ng mansyon sina Freen at Samuel. Ang mga katulong nila ay binuhat na ang maleta ng dalaga papasok ng kotse. Hindi na nagdala pa si Samuel ng driver dahil may dadaanan pa ito.
Muling nilingon ni Freen ang ina at kinawayan ito. Pagkatapos ay sumakay na siya ng kotse. Hindi na sila nagtagal pa ni Samuel sa kanilang mansyon. Saka lang nakahinga nang maluwag si Freen noong hindi na niya natatanaw ang mansyon nila.
“Gosh! Thank you, Samuel,” ani Freen.
“No, thank you, Freen.”
Nangunot ang noo ni Freen. “Why?”
“Kasi kung hindi mo ito naisip ay wala talaga akong choice kung pakasalan ka.”
Natawa si Freen. “Why don’t you start freeing yourself too? Chance mo na rin ito.”
Malungkot na ngumiti si Samuel. “I already tried it, Freen. Pero ilang beses na rin hindi nangyari. I can’t loose my love again, you know? At least for you, gusto mo lang makawala sa pamilya mo. But for me? It will be hard for me.”
“I know. Pero hindi ba kapag mahal mo ay gagawin mo ang lahat para lang maging masaya kayo? Hanggang kailan mo susundin ang pamilya mo? Hanggang kailan ka magtitiis?”
Napangiti nang malapad si Samuel. “I like what you said. Hindi man tayo magiging mag-asawa, mukhang magiging magkaibigan tayo. I’m happy that I found a friend instead.”
“I’m happy to help, Samuel. Utang na loob ko ito sa ‘yo. Salamat sa tulong mo.”
“Anything, Freen. I wish you good luck and a happy life… with her.”
Natigilan si Freen. Tumingin siya sa labas ng bintana at pilit na pinigilan ang sarili na mapangiti. Hindi niya alam kung bakit natuwa siya sa huling sinabi ni Samuel. Bakit bigla siyang na excite na magpapakasal siya?
Chapter 11: “Congratulations...
Chapter 12: Hindi agad...
Chapter 13: Ilang araw...
Chapter 14: “You really...
Chapter 15: “Will you...
Chapter 16: “How’s your...
“How’s your sleep?” tanong ni Freem kay Becky.
Habang pinapahiran ng butter ang hawak na tinapay.
Bumuga ng hangin si Becky. “Medyo namahay ako.
Ang laki kasi ng bahay niyo,” pabirong sabi niya.
Inilagay ni Freen ang tinapay sa platito ni
Becky. “Napansin ko nga. Where did you go last night?”
Natigilan si Becky. Gulat na tiningnan niya si
Freen. “A-Ano ang ibig mong sabihin?” Kinuha niya ang tinapay at kumagat doon.
Muli siyang napahugot ng paghinga dahil sa biglang tanong ni Freen.
“Naalimpungatan kasi ako kagabi. Wala ka na sa
tabi ko.”
Nag-iwas ng tingin si Becky. “G-Gano’n ba? Baka
naman noong nagbanyo ako. Kasi nga ‘di ba hindi ako makatulog nang maayos?”
Kabadong tumawa siya.
Napatango-tango si Freen. “Okay. Anyway, what’s
your plan today?”
“Balak ko sanang umuwi sa amin. Hindi pa kasi
alam nila Mama na nakauwi na ako.”
“I will send you home.”
Namilog ang mga mata ni Becky. “Ha? H’wag na!
Kaya ko na.”
“Ano ka ba? Sabay rin naman tayong aalis kaya
hayaan mo na akong ihatid ka. Para na rin makilala ko sila.”
Mabilis na umiling si Becky. Bahagya pa nitong
iwinagayway ang mga kamay. “Okay lang ako, Freen. Hindi mo na ako kailangang
ihatid pa. At isa pa, hindi mo magugustuhan ang lugar namin.”
Nangunot ang noo ni Freen. “Bakit naman? What’s
wrong in your place?”
“Squatters area iyon. Hindi ka bagay roon,
‘no?”
“And so? I told you that I don’t care where you
are from.”
Napangiti si Becky sa sinabi ni Freen.
Kitang-kita pa niya sa mukha nito ang sensiridad sa sinabi nito. Inabot niya
ang kamay ni Freen at bahagya itong pinisil.
“Alam ko naman iyon. Pero saka na lang, okay?
Para din sa ‘yo ito.”
“Fine. Fine.” Tumango-tango si Freen. “Ihahatid
na lang kita sa sakayan.”
“Sige.”
Muli silang kumain ng almusal. Silang dalawa
lang ang nasa dinning area dahil maagang umalis ang mga magulang ni Freen. Kaya
naman ay medyo magaan ang pakiramdam ng dalawa. Lalo na si Becky na kagabi pa
hindi mapakali. Nahihiya nga siyang tingnan si Freen pero kailangan niyang
pilitin ang sarili.
Pagkatapos nilang mag-asikaso ay lumabas na sila
ng mansyon. Kagabi pa nakahanda ang ilang mga pasalubong na nabili ni Becky
para sa kaniyang mga kapatid. Nasa bagback iyon at isang paperbag. Dala ni
Freen ang sasakyan nito at siya na ang nagmaneho. Nasa terminal na sila noong
may inabot na card si Freen kay Becky.
“Ano ‘yan?”
“Ahm… allowance. For you. Nakadikit na ang pin
sa likod ng card.”
Napanganga si Becky. “H-Ha? Seryoso ka ba?”
Marahan niyang itinulak ang kamay nito. “H’wag na! Ano ka ba? May trabaho naman
ako e!”
Iniikot ni Freen ang mga mata. “And so what?
Gusto kong bigyan ka ng pera. You deserve it.”
“Freen.” Umiling si Becky. “Oo, kailangan ko ng
pera. Pero ayaw kong abusohin ka.”
“You’re my wife, Becky.” Kinuha ni Freen ang
kamay nito. “Isipin mo na lang na allowance mo ito because of our
contract.”
Napabuntonghininga na lamang si Becky noong
nakaramdam siya nang kaunting sakit sa kaniyang dibdib. Sa tuwing nababanggit
nito ang tungkol sa kanilang kasunduan ay bigla siyang ibinabalik sa reyalidad.
Hindi na lamang nakipagtalo pa si Becky at kinuha ang card. Nginitian niya si
Freen at nagpasalamat dito. Bababa na sana siya ngunit nagsalita pa si
Freen.
“Wait.”
Nilingon ni Becky si Freen. Nagulat siya noong
bigla siya nitong halikan sa labi.
“There. Take care, my wife. H’wag mong kalimutan
na tawagan ako pagdating mo sa inyo.”
Nahihiyang ngumiti si Becky at tumango. “Sige.”
Tuluyan na siyang bumaba ng kotse. Hinintay pa niyang makaalis muna si Freen
bago napabuntonghiningang muli. Nakokonsensya bigla dahil sa pakikitungo nito
sa kaniya.
Minabuti na ni Becky na sumakay ng jeep pauwi sa
barangay nila. Ilang araw lang siyang nawala rito ngunit bigla siyang nanibago.
Muli siyang nainggit kay Freen dahil sa maganda nitong buhay. Kung sana ay
nagmula rin siya sa magandang pamilya ay hindi na niya kailangan pang
maghirap.
“Para po, Manong!” ani Becky. Tumigil ang
traysikel na sa sinasakyan niya sa tapat ng isang maliit na eskinita. Nakita
niya agad ilang mga tambay sa tabi ng kalsada na nakatingin sa kaniya. Gano’n
din ang ilang mga kababaihang nag-uumpukan sa tabi. Napailing na lamang siya
dahil alam na niya ang nasa isip ng mga ito.
Pagkatapos makuha ni Becky ang sukli ay pumasok
na siya sa eskinita kung nasaan ang bahay nila. Malayo-layo pa siya pero rinig
na niya ang malakas na boses ng ina. Nagagalit na naman ito dahil sa hindi pa
niya alam na dahilan.
“Ate! ‘Ma! Nandito na si Ate!”
Napangiti si Becky noong makita si Carlo. Ang
walong taong gulang niyang kapatid na lalake. Ito ang bunso nila at sobrang
malapit sa kaniya. Agad itong yumakap sa kaniyang baywang noong makalapit na
siya.
“Ate! Nasaan ang pasalubong ko?”
Kinurot ni Becky ang pisngi ng kapatid.
“Pasalubong agad? Hindi mo ba na miss ang ate?”
“Syempre! Pero gusto ko ng chocolates!”
Tumawa si Becky. Inabot niya ang paperbag dito.
“Ayan. Bigyan mo ang mga pamangkin mo, ha?”
“Yehey!”
Nagmamadaling pumasok ng bahay si Carlo. Agad na
bumungad kay Becky ang magulong harapan nila. Kaya naman pala sigaw nang sigaw
ang nanay niya dahil naglalaba pala ito. Nasa lapag ang dalawang banyera na
puno ng tubig. Ang dalawang basket ay puno rin ng mga damit. Na sigurado siya
na damit na ng lahat ng mga kapatid at mga pamangkin. Maliit lamang ang harapan
nila kaya nahirapan pang pumasok si Becky sa loob.
“Oh, ano? Mabuti naman at umuwi ka pa!” bungad
ni Maria sa anak. Ito ang nanay ni Becky. Nakaupo ito sa pang-isahang upuan na
gawa sa kawayan at panay ang paypay sa sarili. Kahit kasi may electricfan sila
ay mahina naman ang buga ng hangin niyon.
Napatingin si Becky sa kapatid na lalake
natutulog naman sa pahabang upuan. Sa gitna ng sala ay naroon si Carlo kasama
ang dalawang anak ng mga kapatid niya at binubulatlat ang dalang
paperbag.
“Kukuha lang ako ng damit, Ma. Tsaka iyong
uniform ko.”
“Bakit? Saan ka na naman pupunta? Hindi ka pa ba
uuwi?”
Umiling si Becky. “Hindi pa.”
Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Maria at
sinamaan ng tingin ang anak. “Ano?! Sige! Lumayas ka na! Iyan naman ang gusto
mo, ‘di ba? Ang makalayas na rito! Tangina! Bumalik ka pa talaga?”
“Ate!”
Napatingin si Becky sa maliit nilang hagdan.
Pababa roon ang kapatid niyang si Josell. Ito naman ang ikatlo niyang kapatid
na babae. Nasa kolehiyo na sana ito kung hindi lang nabuntis noong second year
na ito. Sa ngayon ay naghahanda ito sa muling pagpasok. Nagmamadali itong
bumaba.
“Nakabili ka?”
Ibinaba ni Freen ang dalang bagback. “Kay kuya
iyong isa.”
“Yes!”
Muling napailing si Becky. Nagpapabili kasi ito
sa kaniya ng bagong damit para sa pagpasok nito. Dumeretso na siya sa ikalawang
palapag upang kuhain ang ilang importanteng gamit at dami. Inilagay na lamang
niya iyon sa bag. Bumaba na rin siya pagkatapos.
“O, ano? Aalis ka na lang? Wala ka bang ibibigay
sa akin?” tanong muli ni Maria sa anak.
“Ha? 'Di ba nagbigay na ako ng trenta mil bago
ako umalis, Ma?”
“Hoy, Becky! Ako ay h'wag mo nang kimuwestiyon!
Nakikita mo naman kung ilan ang palamunin dito sa bahay, o? Idagdag mo pa ang
tatay mong nandoon na naman sa opisina niya!”
Humigpit ang hawak ni Becky sa strap ng bag. Ito
ang malaking problema niya. Ang tatay niya na mahilig magsugal. Sa araw-araw na
lang ay palagi itong nasa pasugalan kahit na may sakit.
“Ano ba 'yan, Ma?! Alam namang may natutulog—o
Becky! Andito ka na pala!” Naupo si Bernard. Ang panganay na kaptid ni Becky.
“Baka naman may isang libo ka riyan. May tatayaan lang akong ending!”
“Manahimik ka, Bernard! Nakita mo na ngang
kailangan ng tatay mo ng maintenance! Kung nagtatrabaho ka kaya at hindi
hinahayaan ang asawa mo ang magtrabaho edi may pera ka!” saway ni Maria sa
anak.
Pakiramdam ni Becky ay sasabog ang ulo niya
dahil sa mga naririnig. “Bakit, Ma? Ano ang nangyari kay Papa?”
“May tubig ang tatay mo sa baga! Ayan,
tinatanong mo kung ano ang nangyari at bakit naubos ang pera. Pina-check up
namin dahil hindi raw makahinga. Ang mahal ng mga gamot! Diyos ko! Mauuna pa
ata akong mamatay sa kunsomisyon!”
“E bakit hinayaan niyong magsugal, Ma? Iyan na
pala ang problema.”
“Aba! Alam mo naman ang tatay mo. Tsaka, bakit
ba nagtatanong ka pa? Bigyan mo na lang kami ng pera bago ka umalis!”
Nangilid na ang mga luha ni Becky. Huminga na
lang siya nang malalim at tumango. “S-Sige po. Babalik ako, Ma,” iyon na lamang
ang nasabi niya bago lumabas ng bahay.
Chapter 17: Kanina pa naka...
Kanina pa nakatitig si Becky sa harap ng atm
machine. Hawak-hawak niya ang atm card na ibinigay ni Freen sa kaniya kanina.
Panay ang pagbuga ng hangin niya habang hindi alam kung ano ba ang gagawin.
Hindi naman sana niya gustong gamitin ang atm na iyon. Ngunit naubos na rin kasi
ang paunang bayad sa kaniya ni Freen dahil sa dami ng utang nila. Sa katunayan,
kung hindi siya hinatid ni Freen ay kukulangin ang kaniyang pamasahe.
“Gosh! Ano ba ang gagawin ko?!” nahihirapang
sabi ni Becky. Kapag hindi naman niya bigyan ang ina ngayon ng pera ay mas
lalong malaking problema.
Wala kasi ideya ang kaniyang mga magulang
tungkol kay Freen. Ang alam nga lang ng mga ito kaya siya nawala ng halos isang
buwan dahil may company trip sila. At kinailangan niyang umupa ng bahay dahil
na destino siya sa ibang branch. Hindi pwedeng malaman ng pamilya niya ang
tungkol kay Freen. Sigurado siyang aabusihin ito ng mga iyon.
“Bahala na!” ani Becky. Lumapit na siya sa ATM
machine at ipinasok ang card. Noong tiningnan niya ang balance ay halos lumuwa
ang kaniyang mga mata. Napatingin siya sa kaniyang likuran upang tingnan kung
may tao ba roon. Halos hindi na kasi niya mabilang kung ilan ba ang numerong
naroon. “Grabe!” Nanginginig pa ang kaniyang kamay habang pumipindot sa
butones.
Sa huli ay nag-withdraw si Becky ng sampung libo
at muling bumalik sa kanila. Nahihiya kasi siya kay Freen at baka maisip nito
na masyado siyang magastos. Isang araw lang silang hindi nagkita ay sampung
libo agad ang nawala sa account nito.
“Ito lang? Saan aabot ang sampung libo,
Bianca?!” galit na tanong ni Maria.
Natameme si Becky dahil sa sinabi ng ina. “Ma,
iyan na lang ang nasa akin.”
“Ay Diyos ko naman! Ano ang gusto mo? Magdildil
kami ng asin dito habang ikaw masarap palagi ang kinakain?! Hindi ka manlang ba
naaawa sa mga kapatid mo? Sa pamangkin mo?! Bibili pa ako ng gamot ng tatay
mo!”
“Ma!” Hindi na nakapagpigil pa si Becky.
“Sumosobra na kayo!”
“Ano’ng sabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ni
Maria. Namimilog ang mga mata niya sa gulat dahil sinagot siyang muli ng
anak.
Pumikit si Becky noong sunod-sunod na tumulo ang
mga luha niya. Pinunasan niya ang mga mata at muling tumingin sa ina. “Hindi ko
naman po ata kasalanan kung bakit nawalan na kayo ng pera, Ma,” mahinahon
ngunit mayriing sabi niya.
“Aba't! Nagmamayabang ka na naman?!”
“Ma! Hindi naman po sa gano'n! Ang akin lang ay
pakinggan mo naman po ako. Napapagod na ako!”
“Sinusumbatan mo na ako ngayon?”
Napasinghot na si Becky. “Ma naman e! Hindi! Ang
akin lang ay nakakapagod na, Ma! Bakit hindi mo ipursige si Kuya na magtrabaho?
Bakit hindi mo pigilan si Papa na magsugal? Bakit hindi rin kayo gumawa nang
paraan?! Pagod na ako, Ma! Pagod na ako—”
Biglang humampas ang kaliwang kamay ni Maria sa
pisngi ng anak. Napaatras si Becky at sandaling nahilo. Bigla ring natahimik
ang mga pamangkin at kapatid niya na patuloy sa pag-iingay sa sahig.
Nagmamadaling inakay ni Josell ang mga bata papunta sa ikalawang palapag.
Habang si Bernard naman ay nagpunta kunyari sa kusina upang uminom ng
tubig.
“Pagod ka na? Ha? Sa tingin mo ako, hindi? Buong
buhay ko ay wala akong ibang inintindi kundi kayong magkakapatid! Nagtiis ako
para sa inyo kahit madalas ay gusto ko nang sumuko. Dahil ano? Dahil mahal ko
kayo! Mas pinili ko kayo kaysa sa magandang kinabukasan. Na kahit na anong
gawin ko ay hindi maibibigay ng tatay mo! Kaya h’wag mo akong sumbatan diyan
dahil lang maayos na ang trabaho mo! Obligasyon mong ibalik sa akin! Sa amin
lahat-lahat nang paghihirap ko sa ‘yo! Iginapang ko ang pag-aaral mo kaya h’wag
mo akong pagsalitaan, Bianca!” mahabang paliwanag ni Maria.
Muling napaiyak si Becky. “Hindi ko naman po
kasalanan kung bakit ganito ang buhay natin, Ma. Pinili niyong ganito tayo.
Pinili niyong manatili sa ganitong buhay!”
“Putangina mo talaga!”
Akmang susuguring muli ni Maria si Becky. Ngunit
mabilis itong inawat ni Bernard at hinila palayo sa kapatid.
“Hayop ka! Ang kapal ng mukha mong kwestyonin
ako! Ayan! Ayan ang pera mo! Isaksak mo sa baga mo!”
Itinapon ni Maria ang pera kay Becky. Kumalat
iyon sa sahig pero hindi iyon kinuha ng dalaga. Nanatili siyang nakatayo habang
patuloy na lumuha.
“Umalis ka na, Becky! Dali!” ani Bernard.
Huminga nang malalim si Becky at tiningnan ang
ina. “Wala po akong ibang gusto kundi ang maging maayos ang pamilya natin, Ma.
Pero napapagod na ako. Hindi ko kayang buhatin kayong lahat. Sorry. Mahal ko
kayo. Pero sana naman ay maunawaan niyo rin ako, Ma. H-Hindi niyo alam kung ano
ang sakripisyong ginawa ko para lang maging maayos ang pamilya natin. Kaya
please… sana ay maintindihan mo naman ako, Ma.”
“Manahimik ka! Wala na akong anak na kagaya mo!
Wala kang utang na loob! Lumayas ka rito at h’wag nang magpapakita ulit sa
akin! Layas!”
“Dali na, Becky!”
Pinunasan ni Becky ang mga luha at nagmamadali
nang lumabas ng bahay nila. Sobrang sakit na marinig na kahit na ano ang gawin
niyang pagsasakripisyo sa pamilya ay wala pa rin. Imbes na matulungan ang mga
ito ay mas lalo tuloy siyang nalugmok. Mula high school pa lamang siya ay
nagtatrabaho na siya para sa mga ito. Kung tutuosin ay wala ngang naitulong ang
mga magulang niya sa pag-aaral niya sa kolehiyo dahil nagtatrabaho na rin siya
noon. Kaya napakasakit para sa kaniya ang mga sinabi nito ngayon. Mahal niya
ang kaniyang pamilya at habang-buhay na nasa puso niya ang mga ito. Ngunit
sobra na.
Nagsisisi tuloy siya na nakipagkasundo
siya upang saktan si Freen para sa mga ito.
Chapter 18: Nagpakalma...
Nagpakalma muna si Becky sa isang park pagkaalis
niya sa kanila. Sigurado siyang isinusumpa na naman siya ngayon ng ina.
Nahihirapan na rin kasi talaga siya. Twenty three pa lang siya pero pakiramdam
niya ay may sampung anak na siyang binubuhay. Na kung iisipin ay parang totoo
naman. Mahal naman niya ang mga ito. Lalo na ang mga magulang. Hinding-hindi
mawawala ang respeto niya sa mga ito. Kaso hindi na niya kaya.
Dumeretso siya sa restaurant at pinilit na
libangin ang sarili sa pagtatrabaho. Pero kahit anong gawin niyang focus ay
hindi pa rin siya mapakali. Mabuti na nga lang at hindi siya pinapagalitan
kahit panay ang pagkakamali niya.
“Hoy, Beck! Ano na!” Bahagyang tinapik ni Hannah
sng balikat ni Becky.
“Ha?” Nilingon ni Becky si Hannah.
“Tulala ka naman, Girl!”
Muling tumingin si Becky sa hinihiwa niyang
karne. Ginagawa nila iyon sa tuwing papasara na ang restaurant para bukas ay
hindi na sila nahihirapan o mauubusan ng oras.
“May problema ba?”
Umiling si Becky. “Wala. May iniisip lang.”
“Sus! Gusto mo iinom natin 'yan?”
“Ha? Inom?”
“Oo! Sweldo ngayon! Hindi mo ba alam?”
Napaisip si Becky. “Oo nga pala!” Napangiti
siya. Dahil sa nangyari ay nakalimutan niyang may sweldo pala siya ngayong
araw. Kahit kasi umalis sila ni Freen ay bayad ang mga araw na absent
siya.
“Ano? Call?”
“Ewan ko.”
“Anong ewan ko? Sumama ka na! Kasama natin iba
nating katrabaho.”
“Titingnan ko muna.”
“Sige na nga. Basta asahan kita, ha?”
Matipid na ngumiti na lang si Becky kay Hannah.
Pagkatapos nilang maghiwa ay iniligpit na nila ito at inilagay sa freezer.
Naghugas ng mga kamay at saka nagbihis sa locker room.
Sungit 🥵: Are you going home now?
Kinuha ni Becky ang cellphone noong mag-vibrate
iyon. Napangiti siya agad noong mabasa ang text ni Freen.
Ganda lang 🤭: Sana. Kaso niyayaya
ako ng mga katrabaho ko. Okay lang ba?
Sungit 🥵: Where?
Ganda lang 🤭: Inom daw sa labas.
Payday kasi. 😁
Sungit 🥵: Okay.
Nangunot ang noo ni Becky. “Okay? Anong okay?”
Ganda lang 🤭: Uuwi ako agad!
Promise!
Hindi na nag-reply pa si Freen. Kaya naman ay
biglang nag-alala si Becky.
“Galit ba siya? Ayaw niya ba akong payagan?”
Napanguso siya. “Ang possessive, ha?”
Ngumiti siya nang malapad noong maisip ang
nakakunot na noo ni Freen. Lalo itong gumaganda para sa kaniya kapag
nakasimangot ito.
“Becky! Halika na!”
Tiningnan ni Becky si Hannah. Tumango siya rito.
Kinuha na niya ang bag at sumunod sa mga ito.
Hindi inaasahan ni Becky na sa bar ni Summer
sila pupunta. Napangiti pa siya ulit dahil ngayon na lamang siya nakabalik
doon. Dito sila unang nagkita ni Freen kaya 'di niya makakalimutan ang
lugar.
Umupa sila ng isang kwarto na may karaoke sa
loob. Doon ay nag-umpisa na silang magkasiyahan. Patawa-tawa lang si Becky
habang umiinom ng alak. Panay rin kasi ang tingin niya sa CP at binabantayan
kung magti-text ba si Freen.
“Beck! Sayaw tayo!”
Hinila ni Hannah si Becky. Hindi na siya
nakatanggi pa noong lumabas sila ng kwarto at pumunta sa ibaba.
“Bakit pa tayo pumunta rito, Hannah? Masaya
naman na sa loob e!” reklamo ni Becky.
Tumawa si Hannah. “Ano ka ba?! Mas masaya rito!
Whoa!”
Hindi na lamang tumanggi pa si Becky. Magkasama
sila ni Hannah na sumayaw sa dance floor.
Pilit na inaliw ni Becky ang sarili habang
kasayaw si Hannah. Hindi naging maganda ang umaga niya kanina dahil sa mga
sinabi ng ina. Inisip niya na dapat mag-focus na lang siya sa mga taong
talagang nakatutulong sa kaniya at may pag-aalala sa kaniya. Dahil na rin
siguro sa alak kaya masyado silang naging malapit sa pagsasayaw. Ngunit para sa
kanilang dalawa ay walang malisyo iyon dahil magkaibigan lamang sila.
Ngunit ang hindi alam ni Becky sa kalayuan ay
mayroong nagmamasid sa kanila. Lihim nitong kinukuhaan sila ng larawan habang
masaya silang nagsasayaw.
Alas onse na noong nagpaalam na sila sa isa't
isa. Pare-parehas na silang gumegewang sa paglalakad. May ilan pa ngang
katrabaho si Becky na inaakay na ng mga kasama nila.
“Haist! Banyo muna tayo, Beck!” yaya ni
Hannah.
Tumango si Becky. “Sige. Naiihi na rin ako e.”
“Oy! Mauna na kayo! Ingat!” paalam ni Hannah sa
mga kasama.
Kumaway sa kanila ang mga ito. Habang sila naman
ni Hannah ay pumunta sa banyo. Gumewang pa si Hannah nang kaunti kaya
inalalayan na ito ni Becky.
“Nalasing ka ata?” biro ni Becky.
“Ngayon lang! Ang dami no'n e!”
Inalalayan ni Becky si Hannah hanggang makapasok
ito ng cubicle. Iniwan na niya ito roon at lumipat sa kabila upang magbawas na
rin. Pagkatapos niya ay lumabas din siya kaagad doon at lumapit sa lababo
upang maghilamos. Tinamaan na rin siya ng alak kahit papaano.
“Hannah! Lika na!”
Umungol lang si Hannah bilang tugon. Maya-maya
ay lumabas na rin ito. Pagkalabas nila ay nagulat si Becky noong makita ang
isang lalake sa tapat ng pinto ng banyo. Hinaharangan nito iyon kaya hindi siya
makadaan.
“Ahm, excuse me?” tanong ni Becky.
Umakbay si Hannah kay Becky. “Kilala mo?”
Umiling si Becky. “Sir?”
“Ikaw ang asawa ni Freya Ann Salvador, ‘di ba?”
Hindi agad nakasagot si Becky. Pinilit niyang
h'wag ipakita rito ang pagkagulat sa tanong nito. Paano nito iyon nalaman?
Bakit siya nito nakilala?
“Freya Ann? Sino 'yon?” tanong ni Hannah.
“Miss, may ilang katanungan lang kami—”
“Nagkakamali ho kayo, sir! Hindi ko 'yon
kilala!” sagot ni Becky.
Humakbang ito ng isa kaya napaatras si
Becky.
“Sige na, Miss. Kailangan lang namin malaman ang
kaunting katanungan tungkom kay Miss Freya Ann. Bakit mo siya pinakasalan? Ibig
sabihin ay totoong lesbian siya? Kailan kayo nagkakilala? Saan? Ano ang
nagustuhan mo—”
Pakiramdam ni Becky ay sasabog ang utak niya sa
mga naririnig. Bigla siyang narindi at binalot ng takot. Paano nito nalaman ang
tungkol sa kaniya? Pilit na itinulak ni Becky ang lalake upang makadaan sila.
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Hannah at hinila ito palayo sa
lalake.
Chapter 19: Hanggang sa...
Hanggang sa makauwi si Becky ay hindi nawala sa
isip niya ang lalakeng nakita. Kung titingnan ito ay mukhang isa itong
reporter. Ngunit paano nito nalaman ang tungkol sa kaniya? Wala siyang
pinagsabihan kahit na sino. Kahit noong nasa Italy sila ay naging sobrang ingat
nilang dalawa.
Dahil wala naman siyang sasakyan at walang
trysikel sa exclusive subdivision na tinitirahan nila Freen. Walang nagawa si
Becky kundi ang mag-taxi. Tahimik siyang pumasok sa bakuran ng mga Salvador
dahil malalim na ang gabi. Wala pa ring reply sa kaniya si Freen kaya hindi
niya alam kung nasa bahay na ba ito.
“Aba? You dare to go home late?”
Halos mapalundag si Becky noong may magsalita
mula sa kaniyang likuran. Agad siyang nag-bow noong makita si Patricia. “G-Good
evening po, M-Mommy,” bati niya rito.
Umarko ang kilay ni Patricia. “Mommy? Don’t you
dare call me that! Hindi kita anak!” mataray na sabi nito.
Namaang si Becky. Tumungo siyang muli at
tumango. “S-Sorry. Mrs. Salvador.”
“Ikaw, hindi dahil pikasalan ka ng anak ko ay
asawa ka na talaga niya. You are not her wife! You will never be, okay?”
Napalunok na si Becky. Nakainom siya kaya ayaw
niya sanang makaharap ito sa ganitong pangyayari. Idagdag pang hindi maganda
ang pakiramdam niya dahil sa lalakeng nakita nila kanina.
“Okay po.” Iyon na lamang ang sinabi niya.
Tumalikod na siya rito.
Napanganga naman si Patricia. Hindi siya
makapaniwala na tinatalikuran siya nito.
“Hoy! What do you think you're doing?!”
Napatigil sa paghakbang si Becky. Muli siyang
humarap kay Patricia. “Po?”
“Napakawalang respeto mo naman! Ganiyan ka ba
pinalaki ng magulang mo? Napaka walang modo mo!”
Naikuyom ni Becky ang mga palad. Alam niya na
kapag sinagot niya ito ay si Freen ang maaapektuhan. Ngunit hindi niya
nagustuhan ang sinabi nito. Aminado naman siyang hindi naging maayos ang
pagpapalaki ng mga magulang niya sa kaniya. Pero kahit papaano ay nirerespeto
pa rin niya ang mga ito. Masakit pa rin para sa kaniya kapag nakakarinig siya
ng hindi mga magagandang salita patungkol sa mga ito. Sasagot na sana siya rito
noong biglang may dumaan sa kaniyang gilid. Bahagya siyang napaatras at
napatingin sa taong pumwesto sa kaniyang harapan.
“F-Freen?” gulat na tawag niya rito. Hindi niya
alam na nakauwi na pala ito.
“Freya Ann! Andiyan ka pala!”
Pinagkrus ni Freen ang mga braso at tiningnan
ang ina. “What are you doing, Mom?”
Namilog ang mga mata ni Patricia. Tiningnan nito
si Becky na nasa likuran pa rin ni Freen. Bumuga ito ng hangin at muling
tiningnan ang anak.
“I was just talking with her. Pero siya itong
bigla na lang tumatalikod sa akin. It’s disrespectful! I am your mom!”
Napatungo si Becky. Bigla siyang pinanghinaan ng
loob noong maalala niya ang eksena sa bahay nito. Ni hindi manlang nakasagot si
Freen noong pagsalitaan siya ng ina nito. At isa pa, hindi naman siya totoong
asawa ni Freen. Kaya hinanda na niya ang sarili na mas kakampihan nito ang
ina.
“I heard everything, Mom. My wife respects you.
But please, you should do the same.”
Nag-angat ng ulo si Becky. Hindi niya makita ang
ekspresyon ni Freen ngunit nalito siya sa mga sinabi nito.
‘Tama ba ang pagkakaintindi ko?
Pinagtatanggol niya ako?’
“What did you say? Freen! I’m your mom. Bakit
siya ang kinakampihan mo?”
“But she’s my wife, Mom. Hindi mo dapat sinasabi
iyon sa kaniya! I heard everything.”
Hinawakan ni Becky ang braso ni Freen. “Freen,
ayos lang ako,” bulong niya.
“Fine. But I don’t want this to happen again,
Mom.”
Napailing si Patricia. Hindi na lamang siya
sumagot at tiningnan lang ang anak. Noong tumalikod na ito ay pinanlisikan niya
ng mga mata si Becky. Agad naman itong nag-iwas ng tingin at sumabay ng lakad
kay Freen.
“Are you okay?” tanong ni Freen kay Becky
pagkapasok nila sa kwarto.
Naupo si Becky sa kama at bumuntonghininga. “Oo.
Medyo tipsy lang.”
“Not that.”
Nag-angat ng ulo si Becky. Nakatingin sa kaniya
si Freen na para bang may gustong itanong pero hindi nito masabi. Ngumiti na
lang si Becky at tumango.
“Yes, Ma’am. Okay lang ako. Wala iyon.”
“Are you sure?”
“Oo nga. Halika rito.” Tinapik ni Becky ang
higaan. Naupo naman si Freen sa tabi niya. Agad niya itong niyakap.
“Ano’ng nangyari noong umuwi ka?”
“Wala naman. As usual kay Mama.” Kumalas si
Becky kay Freen. “Ahm, nga pala. Nabawasan ko ‘yong nasa ATM. Promise, ibabalik
ko rin iyon, ha?”
Nangunot ang noo ni Freen. “I gave it to you. Sa
‘yo na iyan. Labas ako sa kung ano man ang paggagamitan mo niyan.”
Kinagat ni Becky ang labi at saka tumungo. Lalo
siyang nanliit dahil sa sinabi ng dalaga. “Freen… kapag ba may nagawa akong
hindi mo gusto. Maiintindihan mo ba ako?”
“What do you mean?”
Nagkibit ng balikat si Becky. “Wala naman. Gusto
ko lang malaman. Alam ko naman na hindi naman talaga tayo… alam mo na?”
Napailing si Freen. Hinawakan niya ang isang
kamay ni Becky at sinapo ang kaliwang pisngi nito.
“We are what you think, Bianca. I am happy that
you are on my side. You understand me, and I am to you. So, whatever you think
you did, I’m sure you have your reason. And I… will understand that.”
Agad na nanubig ang mga mata ni Becky. Akala
niya noon ay walang pakealam sa kaniya si Freen. Oo nga’t mabait ito sa kaniya
pero hindi siya sigurado rito. Hindi na niya napigilan ang sarili at hinalikan
ito sa labi.
Sa sandaling panahon na kasama niya ito ay
masaya siya. At habang-buhay niya iyong itatago sa kaniyang puso.
Kinabukasan, nagising sila Freen sa malakas na
pagkatok mula sa kanilang pinto. Pupungay-pungay pa si Freen habang naglalakad
upang buksan iyon.
“What? Mom—Hey!”
Walang nagawa si Freen noong biglang pumasok ang
galit na galit na si Patricia sa loob ng silid. Dumeretso ito sa kama at agad
na hinila patayo si Becky.
“Mom! What are you doing?!” tanong ni Freen.
Hinawakan niya ang kamay ng ina upang sana pigilan ito.
“Stop, Freya Ann! That woman should get out of
our place now!” ani Fidel.
Natigilan si Freen. “What do you mean, Dad?!
Akala ko ba ay hahayaan mo na ako?!”
“No, Freya Ann! You don’t understand!” Hinila ni
Patricia si Becky. “This woman is disgrace to our family! Sabit na nga lang
siya rito ay balak pa tayong sirain!”
“A-Aray! Ano po ang ibig mong sabihin?! Wala
akong ginagawa!” reklamo ni Becky.
Tutulungan sana ni Freen si Becky. Ngunit
biglang may itinapon na mga larawan ang kaniyang ama sa kaniya. Kumalat iyon sa
sahig kaya nakita niya kung ano ang naroon. Napanganga siya at biglang nanlumo.
Dahan-dahan siyang tumalungko upang kuhain ang isang larawan at titigan iyon
nang maigi. Si Becky, masayang sumasayaw kasama ang isang babae.
Chapter 20: Nanlalaki ang...
Nanlalaki ang mga matang tiningnan ni Becky ang mga
pictures. Pinilit niyang bawiin ang mga kamay mula sa pagkakahawak ni Patricia
at lumuhod. Ang mga iyon ay larawan niya sa club kagabi. Napalunok siya at
tiningnan si Freen.
“F-Freen, alam ko ‘to. Kagabi ‘to. Nagpaalam ako sa
‘yo, ‘di ba?” paliwanag niya. “A-At isa pa, si Hannah ito. Katrabaho ko, Freen.
Kilala mo siya! T-Tapos kagabi! May lalakeng kumausap sa akin kagabi. Sabi niya
taga-media siya, Freen. Pero wala akong sinabi. Please! Please, Freen. Wala
‘to. Fake news ‘to! Gawa-gawa lang ito no’ng lalake! Sigurado ako!”
“Shut up, woman!” ani Fidel. “Kalat na kalat na sa
buong bansa ang tungkol sa ‘yo! Kung hindi ko pa binayaran ang mga tao sa media
ay pati mukha mo dapat lalabas na! Mabuti na lang at napigilan ko!”
Nangingilid na ang mga luha ni Becky. Ayaw niyang
pakinggan ang sinasabi ni Fidel. Sinubukan niyang hawakan ang braso ni Freen
ngunit agad ito niyon inilayo. Napamaang siya dahil kitang-kita niya ang pait
sa mga mata nito. Noong tingnan ni Becky ang hawak na picture ni Freen ay halos
magkayakap sila ni Hannah.
“F-Freen, please! Si Hannah ‘yan! Wala kaming
relasyon, Freen. N-Nagsasayaw lang kami—”
“Tumahimik ka!” Biglang hinila ni Patricia ang
braso ni Becky. “Ang kapal kapal ng mukha mo!” Sinampal nito ang dalaga.
Napaluha na si Becky dahil pakiramdam niya ay ayaw
siyang pakinggan ni Freen. Hindi niya ininda ang pagkakasampal ng ina nito
dahil ang mas importante sa kaniya ay ang paniwalaan siya ngayon ni Freen.
Dahil kung titingnan ito ay para bang nasaktan ito sa nakita.
“Freen—”
“Shut up! Halika na! Lumayas ka sa pamamahay
namin!”
Kinaladkad ni Patricia si Becky palabas ng kwarto.
Panay ang sigaw ni Becky sa pangalan ni Freen ngunit hindi manlang ito
tumitingin sa kaniya. Parang winawasak ang kaniyang dibdib dahil sa nangyayari.
Wala siyang ibang ginusto kundi ang tulungan ito. At oo, may kontrata sila.
Pero mahal na niya ang dalaga. Na pinagsisisihan niyang hindi sinabi
rito.
“Diyan ka nababagay!” Itinulak ni Patricia si Becky
sa labas ng bahay. Natumba ang dalaga sa semento habang umiiyak. “Lumayas ka na
rito at h'wag na h'wag pang lalapit ulit sa anak ko dahil ipapapulis kita!”
“Parang-awa niyo na po!” Lumuhod si Becky sa
harapan ng mag-asawang Salvador. “Hayaan niyo po muna akong makausap si Freen!
Please!”
Napaismid si Fidel. “Umalis ka na! Stay out of our
lives now!”
Napahagulhol si Becky. Hindi siya nawawalan nang
pag-asa. Alam niyang pakikinggan pa rin siya ni Freen dahil kilala niya ito.
Paniniwalaan siya nito. Tumayo siya at pinunasan ang mga luha. Deretso niyang
tiningnan sa mga mata si Fidel.
“Hindi ito ang napag-usapan natin!”
Natigilan si Patricia. Nalilitong tiningnan niya
ang asawa. “Ano'ng ibig sabihin niya, Fidel?”
Naging mabangis ang ekspresyon ni Fidel. Hinawakan
niya sa braso si Becky at hinila pa ito palayo sa bahay. “Get out of my house!”
sigaw niya. Tinulak niya ito kaya muli itong natumba.
“Dad!”
Pinilit na tumayo ni Becky at pinunasan ang mga
luha. Napangiti siya noong makita si Freen na papalapit sa kanil.
“F-Freen! Please. Makinig ka muna sa akin, ha?
Please.”
Tumingin lang si Freen kay Becky. Hinarap na niya
ang ama. “Ako na ang bahala sa kaniya.”
“What? Nakita mo na nga ang ginawa niya sa ‘yo. Ano
pa ba ang gusto mong malaman?!” gulat na tanong ni Fidel.
Lumapit si Patricia sa anak. “Freya Ann. Hindi mo
na kailangang kausapin ang babaeng ‘yan! Nakita mo na naman, ‘di ba? Niloloko
ka niya!”
Huminga nang malalim si Freen. Oo, nasaktan siya sa
mga larawang nakita niya. Pero ayaw niya pa ring maniwala dahil kilala niya si
Becky.
“I will talk with her and decide about that,”
mariing sabi ni Freen. Hinarap niya si Becky. Agad siyang nakaramdam ng kirot
sa dibdib noong makitang basang-basa ang mukha nito sa luha. Pero kailangan
niyang makasiguro.
“F-Freen, please. Hindi totoo ‘yon. Si Hannah iyong
nasa picture, kaibigan ko lang siya! Katrabaho ko lang siya, Freen!” paliwanag
ni Becky.
“Then bring me to her. I need to talk to
her.”
Nangunot ang noo ni Becky. Huminga siya nang
malalim at tumango. “S-Sige. Kung iyan ang ikapapanatag ng loob mo. Pumunta
tayo sa kaniya, Freen. Papatunayan ko sa ‘yo na hindi totoo ang inaakala niyo,”
buong kompyansang sabi niya.
“H’wag ka nang sumama sa kaniya, Freya! Hindi pa ba
sapat ang mga nakita mo?” pigil ni Patricia.
“Let her go. Para ma-realize ng anak mo at malaman
niya ang katotohanan,” ani Fidel.
Lalong nalito si Patricia. “What are you saying,
Fidel? Hindi mo pwedeng hayaan ang anak mo!”
“Enough, Patricia! Sa tingin mo ba mapipigilan din
natin siya?”
“Let’s go.”
Hinawakan na ni Freen si Becky sa braso at inakay
ito papunta sa sasakyan. Wala namang nagawa si Patricia kundi ang panoorin na
lang ang anak na umalis kasama si Becky. Tiningnan niyang muli ang asawa.
“What did you do?”
Maang na tumingin si Fidel kay Patricia.
“What?”
“You did something, right?”
Hindi sinagot ni Fidel ang asawa at ngumiti nang
makahulugan. “Just wait.”
“Freen,” tawag ni Becky kay Freen. Ngunit ni hindi
manlang ito tumitingin sa kaniya at seryosong nakatitig sa daan. Napatungo
siya. “S-Sorry. Hindi na dapat ako pumunta pa roon. Pero wala talaga. Mali ang
inaakala mo, Freen.”
“What do you think I’m thinking right now,
huh?”
Natigilan si Becky. Hindi niya alam ang isasagot sa
dalaga. Ayaw niyang magkamali nang sasabihin dito. Pinili na lamang niyang
manahimik hanggang sa marating nila ang bahay ni Hannah.
“Dito, Freen.”
Nasa tapat na sila ng pinto ng bahay na inuupahan
ni Hannah sa isang apartment building. Lahat ng pint roon ay kulay abo at gawa
sa metal. Kaya noong kumatok siya ay rinig na rinig iyon sa labas.
Tahimik naman na nakatayo sa gilid si Freen.
Magkakrus ang mga braso niya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon
niya kapag makita si Hannah. Pero kanina pa siya nagdadasal na nagsasabi ng
totoo si Becky.
“Sandali!” sigaw ng isang babae mula sa loob. Ilang
sandali pa ay bumukas na iyon at iniluwa si Hannah na nakasuot pa ng manipis na
pantulog. Agad itong ngumiti noong makita si Becky. “Babe!” ani nito at biglang
niyakap si Becky.