Ang blogger ay free pero pwede mo itong ma-monetize. Paano? Pwede mong i-apply sa adsense ito. Kung meron ka nang account sa adsense ay pwede mo itong i-connect. Kung wala pa naman ay iyon ang pag-usapan natin.
Creating your AdSense account:
Kagaya nang paggawa ng account sa blogger ay madali lang din po sa adsense. You just need to go to https://adsense.google.com/start/, then connect you google account.
Kung meron ka nang adsense account ay pwedeng i-add mo na lang ang web address mo sa 'Sites.'
Hindi ko na po masyadong i-elaborate pa ito dahil madali lang naman gumawa ng account.
Paano nga ba ma-approve ang adsense account mo?
Ilang taon ko na ring sinubukang mag-apply sa adsense pero palagi akong na ri-reject. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko na ba sinubukan. Hanggang nito lang ay na approve na ako sa wakas! Bago po ang lahat, uunahan ko lang kayo na lahat nang mababasa niyo rito ay base lang po sa experience ko hanggang sa kung paano ako na approve ni Adsense. And for sure ay napanood niyo na rin ang iba rito sa Youtube or nabasa sa google.
Para ma-approve ang adsense mo ay may mga dapat ka munang ihanda. Just keep in mind na hindi mahalaga kay Adsense kung marami ba ang views ng website mo.
Ano-ano nga ba ito?
1. Legalities:
Ang mga ito ay ang About me, Contact us, Terms and Conditions, Privacy Policy, and Disclaimer.
Bago i-approve ni Adsense ang website mo ay kailangan mayroon nang nakalagay sa website mo ng limang iyon. Importante po ang mga ito at hindi pwedeng baliwalain. Noong mga una kong apply ay wala pang nakalagay na ganito sa website ko kaya palagi akong reject.
2. Articles with a 700+ word count or unnecessary content.
Since writer website naman po ang gagawin natin ay expected na mahahaba ang mga chapters natin. Pero explain ko rin po ang tungkol dito.
3. Google Analytics
4. Google Search Console
How to add About me, Contact us, Terms and Conditions, Privacy Policy, and Disclaimer.
About me or us:
Ito ay tungkol lang po sa website mo. Introduce mo lang po ang sarili mo as a writer at kung ano ang aabangan nila sa website mo. Make sure na sa 'page' section mo ito ilalagay.
Contact Us:
Kagaya ng ibang mga website ay ito ang form kung saan kayo mako-contact ng mga readers mo kung magkaroon ng problema. Kung may feedbacks or tanong tungkol sa website mo.
Ang ginawa ko lang dito ay gumawa ako ng form sa google form. Then sa 'page' section, ini-embed ko roon ang code.
New page>HTML view>paste
Terms and Conditions, Privacy Policy, and Disclaimer:
Yes, pag-isahin ko na lang po. xD
Kung mapapansin mo sa footer ng mga websites ay palagi mo itong makikita. Lahat ng websites ay meron nito. Kaya bago ka i-approve ni Adsense ay dapat mayroon na ring ganito ang mga website mo. Ito 'yong ayaw mong basahin kasi sobrang mahaba. xD
Example:
Dahil online website pa lang naman tayo, pwede kang maghanap ng free generator online. Mayroong mga may bayad kung gusto niyo talagang unique. Pero ako ay sa free lang po ako gumawa. Sa site na ito: https://policymaker.io/
Hindi mo na kailangang mag-sign in kapag mag-generate ka sa site na ito. Ang importante lang ay dapat mailagay mo ang website name at web address mo. May ilang mga katanungan din na madali mo ring masasagot. Siguraduhin mo ring tama at totoo ang isasagot mo rito dahil doon magbabase ang site kung ano ang kalalabasan ng legalities mo. Hindi ko alam ang terms sa tatlong ito, sorry. xD
Pagkatapos mo itong gawin ay i-copy mo lang ang contents>New Page>Paste.
Mas okay rin kung ano ang content mo ay 'yon na rin ang title. Kung Privacy Policy, privacy policy na. Kung disclaimer, disclaimer na. At advisable din na sa Pages mo ilagay ang mga ito dahil usually, hindi naman nga ito iche-check ng mga readers. Unless gumawa ka nang hindi maganda. Maging honest na lang tayo sa buhay.
Wordcount and Links
Opo, may word count ding required si Blogger. xD
Ito, talagang makakapag-testify ako sa part na ito. Noong una kasi ay isa-isang post ng mga chapters ko ang ginagawa ko. Kung blurb ay isang post iyon, na usually ay hindi naman aabot ng 500 words.
My advice is h'wag na pong maglagay ng maiiksing post muna hanggat hindi ka pa na approve ni Adsense. Ilagay mo sa isang post ang description ng story mo at isang chapter. Basta kailangan ay sa isang post mo, mayroon kang lagpas 700+ words.
Iwasan na rin muna ang paglalagay ng mga links sa posts mo. Example kung gusto mong ma-redirect ang reader mo sa isang website or platform, h'wag muna. Kasi magkakaroon ka rin ng violation about doon.
Make sure na unique at mahaba ang content mo.
Google Analytics:
Ngayong taon ko lang din nalaman ang tungkol dito. Same lang sa ibang mga links ni google. Make sure na same email ang gamitin mo sa paggawa ng account.
Ano ang Google Analytics?
Ito ang nagsisilbing views counter mo pero ikaw lang ang makakakita. Dito mo makikita ang date ng mga readers mo. Kung ilan ang nagbabasa sa post mo at kung nasaan sila. Dito ay makikita mo rin ang revenue ng website mo kapag approve na ang adsense mo.
H'wag mong kakalimutan na ilagay ang Google Analytics ID mo sa blogger account mo.
Paano ito makikita?
Pagkatapos mong gumawa ng account sa google analytics account. Go to Admis>Data Streams>Click your website>Measurement ID.
Dapat ay mag-uumpisa iyon sa letter G.
Google Search Console:
Same process sa paggawa ng account.
Pagkatapos mong gumawa ng account>Go to URL Inspection>Paste your web address. Then, hayaan mo nang ma-index ni Google ang website mo.
Next step. Go to your blogger account>Settings>Crawlers and Indexing.
I-on mo ang dalawang settings kagaya ng nasa picture sa itaas. Then sa Custom robot.txt ay ilagay mo ito:
User-agent: *
Disallow: /search
Disallow: /category/
Disallow: /tag/
Allow: /
Sitemap: https://savarameiry.blogspot.com=false&start-index=1&max-results=500
Please make sure to change the web address to yours.
Ano nga ba ang Google Search Console?
Parang Analytics lang din pero ito ay nagpo-focus para mas madaling mahanap sa 'Google Search' ang website mo. Dito mo rin makikita kung ano ang problema sa website mo. The rest, pwede niyo pong i-google. Hehe
So, bukod sa apat na mga ito ay wala na akong masyadong ginawa sa website ko. Ito ang mga paraan na para sa akin ay dapat mo ring ayusin para ma-approve ang adsense mo. Pwede mo itong sundin or pwede ka pang mag-research internet kung paano ka ma-approve.
Gaano katagal bago ma-approve?
Ang sa akin ay inabot ng 1 month. Parehas kapag ma-reject. So, kung may nakalimutan kang ayusin sa website mo ay isang buwan palagi ang hihintayin mo. Pero depende pa rin iyon kay Adsene kasi minsan isang araw lang may result agad. Depende po.
Again, hindi mo pa kailangan nang maraming views para ma-approve sa adsense. Nakakatulong iyon pero hindi naman needed. Kaya kung may mga post kang less than 700 ang word count ay much better na i-draft mo muna.
So, iyon lang po. Sana ay may natutunan kayo ulit sa akin at good luck sa inyong journey! Kung may mga katanungan pa po, comment lang kayo at susubukan kong sagutin.
Malaking tulong po ang pag-Subscribe at follow niyo sa site at mga social media links ko.
Salamat!
Maraming salamat po rito, ate Amei! 🥰 Malaking tulong po lahat ng articles n'yo para sa mga kagaya kong lutang. 😆 Ask ko po sana how po 'yong hindi naco-copy 'yong content sa blogsite? Naco-copy po kasi 'yong sa akin. 🥺
ReplyDeleteSure, bhe. Lahat ng narito sa site ko. I-post ko rin. 'Yan ang isunod ko.
Deleteneed rin po ng TIN i.d. miss author?
DeleteKailangan siya kapag aayusin na sa may payment info mo. Pero habang naga-apply ka. Hindi kailangan. Kaya pwede mo muna ayusin pag-apply mo. Then kuha ka ng TIN mo. Need talaga 'yon for legal purposes.
Delete