Blurb:
Dante Benitez, isang bilyonaryo at kilalang tao sa bansa. Ngunit nagbago ang lahat noong mayroon pumasok sa kanyang tahanan at siya ay patayin. Sa isang hindi makapaniwalang pagkakataon ay muli siyang nabuhay sa ibang katawan.
Si Nehemiah Torres. Isang normal na mamamayan ng bansa at tanging pangangalakal ang trabaho sa buhay. Muntik na siyang mamatay dahil sa mga taong pinagbintangan siya. Ngunit noong muli siyang magising ay si Dante na ang nasa loob ng kanyang katawan.
Sinubukang mamuhay ni Dante bilang Nehemiah kahit na malayo iyon sa kanyang nakasanayan. Ngunit habang tumatagal siya bilang Nehemiah ay mas marami pa siyang nalalaman tungkol sa totoong nangyari sa kanilang dalawa.
Magawa kayang iligtas ni Dante ang sarili sa panganib buhat ng mga taong nakapaligid kay Nehemiah?
Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang buhay gayong may tao ring naggusto siyang paslangin?
Chapter 1: Iminulat ko ang...
Iminulat ko ang aking mga mata noong marinig ko ang announcement ng piloto ng private plane na sinasakyan ko. Nakalapag na raw ang sinasakyan naming eroplano sa airport. Nakakapagod, labing dalawang oras kaming nagbyahe mula sa USA pauweng Pilipinas. Noong sumilip ako sa bintana ay nakita ko ang malawak na airport ramp. Mayroon ding mga nakahilerang mga eroplano sa gilid. Bumuntonghininga ako at kinuha ang shot glass na mayroong laman ng whiskey. Tinungga ko iyon hanggang sa maubos ang laman.
“We’re here, sir,” nakangiting sabi sa akin ng stewardess.
Malagkit ang mga titig nito sa akin. Noong mapatingin ako sa kanyang palda ay mas maiksi na iyon kaysa sa kanina. Napailing na lamang ako sa aking isipan. I’m already fifty-three, but women are still wanting my touch. Tsk. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong asawa. Sa totoo lang ay wala sa akin ang bagay na iyon. Though, it would be nice to have a woman on my side. But woman is like a poison. Kapag pumasok na ito sa sistema mo, kahit ano pa ang gawin mo ay mahihirapan ka nang alisin iyon sa sarili mo. Kaya naman ay pinili kong ituon na lang ang atensyon ko sa aking mga Negosyo. And here I am now, the wealthiest businessman in the Philippines. The owner of Benitez Corporation. The one and only Dante Benitez.
Tumango ako sa kanya. “Thank you.” I post my sweetest smile para kahit papano ay hindi naman siya mapahiya. Agad itong pinamulahan ng mga pisngi. Napangiwi na lang ako. Charm, siguro ‘yon ang masasabi kong asset ko sa larangang ito. Ni minsan ay hindi ako nahirapan makipag-deal sa mga kanegosyo ko. Well, in this world, you must have the charm to make everyone agree with you. That’s how I become successful.
Masasabi ko naman na may hitsura ako. Well, it is based on what they are saying about me. Hindi naman ako tumatanggi dahil totoo naman. I’m in my fifties pero kaya ko pa ring makipag sabayan sa mga nagga-gwapuhang mga artista riyan. Naging maganda kasi ang mixed ng dugong Latino ng aking ama at Pilipino ng aking ina. Natural sa akin ang pagiging kayumanggi at may magkakulot na buhok. Natural na matangos ang aking ilong. At aking mga mata ay may mahaba at mapilantik na pilik-mata.
Ilang sandali lamang ay tumigil na ang eroplanong aking sinasakyan. Naghintay pa ako ng ilang sandali bago ko marinig muli ang anunsyo ng piloto na pwede na akong bumaba. Tumayo na ako dala ang aking briefcase. Agad na sumunod sa akin ang tatlong bodyguards ko na kasa-kasama ko sa lahat ng aking pupuntahan. Narinig ko pang nagbubulungan ang mga stewardess na halos mabali na ang mga leeg para lang masilayan ako sa huling pagkakataon. Napangisi na lamang ako, pero lumingon ako sa kanila at kinindatan ang mga ito.
Nakita ko agad si Salvador, ang matalik na kaibigan ko at second in hand ko sa aking kompanya. Salvador is my pal since we are in college. Kasama ko rin siya sa pagtaguyod ng negosyo. Kaya naman ay malaki rin ang utang na loob ko sa kanya.
“Hey, Salv,” bati ko agad sa kanya. “Na miss mo ba ako agad at sinalubong mo pa talaga ako rito?”
Ngumisi si Salvador at kinuha ang hawak kong briefcase. “I’m just checking if you land safely.” Binuksan nito ang pinto ng itim na kotse na nakaparada sa gilid nito.
Agad akong pumasok sa likod ng kotse, at sumunod si Salvador. Ang isa kong bodyguard na si Jay ay na upo sa passenger seat. Ang iba ay na upo sa ikalawang kotse. Bilang isang CEO ng isang sikat na kompanya ay hindi na ito bago sa akin. Dahil sa bawat mga deal na tagumpay na nasasagawa ko ay mayroon akong nagiging mga kalaban. Idagdag pa ang mga indibidwal na nangangailangan.
“How’s the deal?” tanong ni Salvador noong mag-umpisa nang umandar ang kotse.
Tiningnan ko siya nang nakaloloko. “What do you think?” Bahagya akong napangisi noong makita ko ang pag-irap niya. Salvador is always serious. Ewan ko ba? Kaya mukha na siyang mas matanda sa akin eh.
“Stop playing, Dante.”
Natawa na ako noong mahimigan ko ang pagka-inis niya. “Ang init ng ulo mo, bro. Nag-breakfast ka na ba?”
Bumuntonghininga si Salvador at tumingin sa labas ng bintana. “Fine.”
Tinapik ko ang balikat niya. “We’re fine, okay? Kailan ko ba hindi napa-oo ang mga kliyente natin?”
Biglang tumingin sa akin si Salvador. Kitang-kita ko ang pagkalito niya at pagkagulat. “You mean?” Tumango ako. Nanlaki na ang mga mata nito. “You closed the deal? We’re in partner now with Ogle Company?” hindi makapaniwalang tanong niya. Muli akong tumango. “Yes!” masayang sabi ni Salvador at napasuntok pa sa hangin.
Natawa na lang ako. We’ve been trying to get a contract with Ogle Company for months. At ngayon na we’re in partner with them, malaking tulong ito sa amin. We are opening a new company and we need them para maayos na mai-deliver sa internet world ang mga products namin. Sa amin na rin sila kukuha ng mga specs na kailangan sa mga products nila. Ilang buwan na ring sinusubukan nila Salvador na mapa-oo ang mga ito, palaging na ri-reject. But when I butt in, they said yes. Naging mahirap din dahil Ms. Ogle is a strict and serious woman. Mahirap din itong magbigay ng tiwala. Luckily, I have an acquaintance that have a contact with her. That is why I go directly with her, at mas na ipaliwanag ko sa kanya ng maayos ang kontrata.
“I told you. Magiging successful din ang bago nating negosyo.”
“Of course. Wala na talaga akong masabi sa skills mo,” nakangiting sabi ni Salvador. “Then, this means a celebration! Deretso tayo sa club ngayon.”
Huminga ako nang malalim at umiling. “You know that I still have a lot to do.” Tumingin ako sa harap at inayos ang pagkakaupo ko.
“God, Dante. Kaya hindi ka nagkakaasawa eh. Hindi na tayo patanda. We’re on in our fifties!”
I smirked and looked at him while my head is still resting on the chair. “Hindi ko kailangan ng asawa para lang maibsan ang pangangailangan ko, Salvador. And besides, talaga ba na gusto mo akong magkaasawa rin? Eh look at what is happening to your marriage.”
Kasalukuyang nilalakad ni Salvador ang annulment nila ng asawa nitong si Marites. I asked him what happened to them, but he is not saying anything. Sabi niya lang ay na fall-out of love na raw siya. Hindi ako naniniwala kasi sa tanda na naming ‘to ay maiisip mo pa ba ‘yon? I don’t believe in marriage, pero kung magkakaroon man ako ng babaeng mamahalin ko ay sisiguraduhin kong siya na ang makakasama ko hanggang sa mamatay ako.
“It’s different. Ako may mga anak nang susunod sa yapak ko. How about you? Kailan ka gagawa ng tagapagmana mo?”
Napabuntonghininga ako at hindi na tumugon. Na iisip ko naman iyon, kaso hindi pa rin ako handa. Andyan naman ang mga pamangkin ko para sumunod sa yapak ko. I don’t need a woman to produce some fruit. My sister’s family is enough for me. Mayroon na siyang dalawang anak. Ang panganay nitong si Domingo ay ang magiging tagapagmana ko. Para sa kanila rin naman ang lahat ng ito eh.
Chapter 2: Ilang sandali pa...
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa kompanya. Pumara ang sasakyan sa harap ng building. Unang bumaba si Salvador at ako naman ang sumunod. Ganito palagi ang routine ko araw-araw. Gigising sa umaga, mag-aayos ng sarili, breakfast, at deretso na sa company. Kahit pa galing ako sa business trip ay hindi pa rin nagbabago.
Hindi kami kagaya ng ibang mga company na nakahilera na agad ang mga guard or kung sino pa man sa daraanan ng CEO nila. Dito ay mas gusto ko na chill lang. Kilala nila ako at kapag nakikita nila ay agad silang nagba-bow, as a respect. Gano’n lang. Ayoko ng masyadong tensyonado sa buhay.
Natapos ang buong araw ko sa kompanya na walang pinagbago. Magbabasa ng mga papeles, pagkatapos ay pipirmahan iyon. Nagkaroon pa ako ng meeting with the board because of the deal I just made. Dahil sa ilang oras ako nawala sa Pinas ay ang dami kong na iwanang trabaho. Kaya naman ay hindi rin ako agad nakapagpahinga. Alas otso na nga noong makalabas ako ng building.
“Ayaw mo talagang mag-party?” tanong muli ni Salvador bago ako sumakay ng kotse. “I can get us the youngest and famous girl in the country.”
Napangisi na ako at bumuntonghininga. Babae na naman ang nasa isip niya. Kaya iniiwan ng asawa eh. “You know what? Here.” Kinuha ko mula sa aking wallet na nakalagay sa likod ng bulsa ng pantalon ko ang black card ko. Card iyon na kahit saang club, restaurant, o mall na puntahan ko at i-swipe ito ay bayad agad. It’s a limitless credit card. Nagtataka pang tumingin sa akin si Salvador at sa card na inaabot ko sa kanya.
“Ano’ng gagawin ko r’yan? Meron din ako niyan.”
“I know. But you want a celebration, kaya here. Isama mo na itong tatlo.”
Tumikhim ang isa kong bodyguard. “Sir, hindi ka po naming pwedeng iwanan.”
Tumawa ako nang kaunti at nilapitan ito. Tinapik-tapik ko ang balikat niya. Pagkatapos ay kinuha ko ang kamay niya at inilagay roon ang card habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
“Just for tonight. Mag-chill muna kayo,” aniko at lumapit na sa kotse. Nakita ko pa ang labis pagprotesta nito ngunit tinanguan ko na lamang siya.
“Dante, come with us,” sabi ulit ni Salvador.
Tumingin lang ako sa kanya at kinindatan ito. Pagkatapos ay sumakay na ako sa kotse at tinapik ang upuan. “Let’s go. Sa bahay,” aniko sa driver kong si Mang Joel. Hindi ito tumugon at nag-umpisa nang paandarin ang kotse. Isinandig ko ang likod ko sa upuan at ipinikit ang mga mata.
I lived alone in my penthouse. Malaki iyon para sa akin, pero mas gusto ko iyon dahil malaya kong nagagawa ang mga gusto ko. At ang kapatid ko lang ang pamilya ko. Na mayroong sariling bahay sa isang subdivision.
Pagkarating ko sa building na tinitirahan ko ay pinaalis ko na rin agad si Mang Joel. I also owned this building at ang pinakatuktok nito ay akin lamang. Walang sino man ang pwedeng umakyat doon ng walang permiso mula sa akin.
I removed my coat when I entered my home. Huminga ako nang malalim at na upo sa sofa. Nakaharap iyon sa salamin na dingding kaya kitang-kita ko ang nagliliwanang kalakhan ng ka-Maynilaan. Nagliliwanang din ang kalangitan dahil sa mga bituing nagniningning doon. Peace… peace na saka ko lang nararanasan kapag nakaupo na ako sa pwesto kong ito. Inabot ko ang baso na nakapatong sa lamesita sa aking harapan. Sinalinan ko iyon ng whiskey. Inikot-ikot ko muna ang laman na iyon saka ko inamoy at ininom. Dinama ko ang mainit na likidong dumadaloy sa aking lalamunan. Isinandig ko ang aking likod sa sandalan ng upuan at iniunan ko rin doon ang aking ulo.
This… this is what I want. All my life I work hard just to have a comfortable life for me, and for my sister. Sadly, hindi na iyon na abutan pa ng mga magulang namin. High school pa lamang ako noong mamatay silang dalawa, kaya naman ay mula noon ako na ang tumayong nanay at tatay sa kapatid kong si Rosalinda. Yeah, from rugs to riches. That is me. Siguro iyon din ang kaibahan ko sa ibang businessman kaya madali lang sa akin ang magtagumpay. I know how it feels when you have nothing. So, I try my best not to lose what I have now.
Napakunot ang noo ko nang may maramdaman akong presensya mula sa aking likuran. Agad akong dumilat at nanlaki na lamang ang aking mga mata nang may nakita akong nakatunghaw sa aking lalaking nakamaskara. Tatayo sana ako ngunit bigla ako nitong hinawakan sa may balikat. Napangiwi na lamang ako noong may maramdaman akong matalas na tumurok sa aking braso.
“W-What? Sino ka?!” galit na sigaw ko. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at hinarap siya. Noong tingnan ko ang braso ko ay may nakabaon pa roong syringe. Kinuha ko ‘yon at ibinato sa sahig. “Paano ka nakapasok dito?!” sigaw kong muli. Nakatayo lamang ang lalakeng iyon sa likod ng sofa at para bang mayroong hinihintay. Kinuha ko na ang bote ng alak na nasa lamesita ko at akmang ibabato iyon sa lalake. Ngunit bigla na lamang ako nakaramdam ng pamamanhid sa buong braso ko. Nabitawan ko ang bote ng alak at nahulog iyon sa sagid at tuluyang nabasag. Sinapo ko ang aking dibdib noong unti-unti akong kinapos ng hininga.
“S-Sino… ka…”
Unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata. Ano’ng nangyayari? Sino ang lalakeng ito? Bakit siya nakapasok sa bahay ko? Ang daming tanong na pumapasok sa aking isipan. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Bumibigat na ang aking paghinga at bumibigat ang aking ulo. Umikot na ang aking paningin at naramdaman ko na lamang ang unti-unting pagbagsak ng aking katawan. Ni hindi ko na nga naramdaman noong bumagsak ang aking katawan. Nakita ko na lamang ang paa ng lalakeng nagturok sa akin ng kung anong gamot. Umupo ito sa gilid ko at itinihaya ako.
“Sleep well, Dante Benitez,” huli kong narinig sa kanya bago tuluyang dumilim ang aking paningin.
Chapter 3: “Okay, sir.
“Okay, sir. Inhale, exhale.”
“Inumin mo na ‘tong gamot, ma.”
Blurry.
Iyon ang bumungad sa akin noong unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Napaungol ako noong makaramdam ako ng matinding sakit sa aking ulo’t tagiliran. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at bahagyang sinapo ang masakit sa aking katawan.
Benda?
Napakunot ang noo ko noong maramdaman kong ang mamasa-masa at malambot na bagay. Ano’ng nangyayari? Bakit parang lahat ng katawan ko ay masakit? Para akong binugbog ng ilang tao.
“Uy, nagigising na siya. Tawagin niyo ‘yong doctor!”
Nakarinig ako ng boses mula sa aking gilid. Ilang sandali pa ay may narinig na rin akong tumakbo. Am I in a hospital? Pero bakit parang ang ingay? Unang nabungaran ko ang maputing kisame noong iminulat ko ang aking mga mata.
“Kawawa naman.”
“Siya ba ‘yong patay na dapat?”
Napakunot na ako nang mariin. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila pero pakiramdam ko ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may mga nakahilerang hospital bed sa may kanang parte ko. Ako ang nasa pinaka dulo, malapit sa bintana. Malaki ang silid na iyon at mukhang nasa tigsampung higaan na magkaharap ang nasa silid.
Am I in a public hospital?
Sinubukan kong umupo, ngunit napakabigat pa rin ng aking pakiramdam. Kaya naman ay pinili ko na lang humiga at hintayina ng doctor na sinasabi nila. Kung ano man ang gamot na itinurok sa akin ng lalakeng iyon ay mukhang malakas iyon. Nanunuyot ang lalamunan ko, mukhang ilang araw akong hindi nakainom ng tubig.
“’Toy, kumusta ka?”
Bahagya kong itinagilid ang aking ulo sa kanan ko. May nakaupong babae sa gilid ng kama na katabi ko at mukhang nasa trenta na. Napakunot ang noo ko. Ako ba ang tinatawag niyang ‘toy? Seryoso ba siya? Halata naman sa hitsura niya na mas matanda ako ng ilang taon sa kanya.
“Hintayin mo na lang ‘yong doctor, ha? Tinawag na ng anak ko.”
Tumikhim ako. “N-Nasaan ako?”
Natigilan ako ng ilang sandali noong marinig ko ang boses ko. Tumikhim ako at muli kong sinubukang magsalita. “Hello?” Halos lumuwa na ang aking mga mata. What the h3ll happened to my voice?!
“Nandito ka sa PGH. Na una ka pa nga sa amin eh. Na saan ba ang magulang mo?”
Muli akong tumingin sa babae. Ano’ng sinasabi niya? Sh!t! What the h3ll is going on?! Pinilit ko nang umupo. Napapangiwi pa ako habang inaangat ko ang sarili.
“Teka, ‘toy. H’wag ka munang malikot! Hintayin mo ang doctor,” nag-aalalang sabi ng babae. Lumapit ito sa akin at inalalayan pa akong umupo. “Teka, aayusin ko ang higaan mo.”
Binatawan niya ako at may nilikot siya sa ilalim ng hinihigaan kong kama. Ilang sandali pa ay gumalaw iyon at unti-unting umangat ang itaas na parte ng hinihigaan ko. Nakahinga ako nang maluwag noong paupo na ang posisyon ko ngunit nakasandig pa rin. Muling bumalik ang babae noong makita niyang maayos na ang lagay.
“Ako si Minda. Asawa ko ‘yong naka-confine,” pagpapakilala nito sa akin.
Hinihingal na tinanguan ko lang siya. Magsasalita pa sana ito pero mayroong dumating na staff ng hospital sa silid. Nakakunot lang ang noo ko habang pinapanood sila. Tumigil ang mga ito sa paglalakad noong makalapit na sa akin. May isang babaeng nakasuot ng putting roba na pang doktor. Sa likod nito ay may dalawa pang parehas ng suot nito ngunit mas bata na. May isang nurse na nakatitig sa akin. Lalo akong nagtaka dahil hindi ko naman siya kilala pero kung titigan niya ako ay sobra-sobra ang pag-aalala nito.
“Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong agad ng babaeng doctor.
Tiningnan ko lang siya ng puno nang pagkalito. Sinipat niya ang aking mga sugat. Natigilan ako. Teka? May sugat ako?
“Sinubukan naming puntahan ang address mo pero lola mo lang ang andoon. Sinabi na rin namin sa kanya ang nangyari sa ‘yo.”
“Lola?” puno nang pagtatakang tanong ko sa doctor. Tiningnan lang din ako nito nang nakakunot ang noo.
“O… o? Lola mo. Hindi mo ba kaano-ano ‘yong matanda sa inyo?”
Napangisi na ako. “Miss. Excuse me. Matagal nang patay ang lola ko.”
Tumingin ang doctor sa mga kasama niyang nurse. “Akala ko ba lola niya ‘yon?”
“Ahm, doc. Opo.” Tumingin sa akin ang babaeng nurse na sumagot. “Moymoy, ano bang nangyayari sa ‘yo? Nagka-amnesia ka ba?”
Napako ang tingin ko sa babaeng nagsalita. Mahaba ang buhok nito at mayroong balingkinitang katawan. Pero mukhang matapang ang mukha at para bang manlalaban. Pinandidilatan pa niya ako. Napangiwi ako noong kumunot muli ang noo ko. Who is this lady? Bakit parang kilala niya ako?
“Okay,” ani ng babaeng doctor. “Hihintayin na lang nating gumaling ang sugat mo. Tapos ay pwede ka nang lumabas. Kaso kailangan mo ng kamag-anak para maayos ang bills mo.” Tumingin ito sa babaeng nurse. “Jamaica, ikaw na ang bahala sa kanya.”
Umalis na ang doctor sa gilid ng kama ko. Na iwan ang babaeng nurse na ang pangalan ay Jamaica. Lumapit pa ito sa aking at sinapo ang noo ko.
“Ano bang nangyayari sa ‘yo? Nagka-amnesia ka ba dahil sa bugbog sa ‘yo nila Joel? Ang kulit-kulit mo kasi! Sinabi ko nang h’wag ka na makipagkaibigan sa mga ‘yon. Tingnan mo nangyari sa ‘yo. Kung hindi ka nakita ng mga tambay sa daan ay sigurado akong pinaglalamayan ka na namin ngayon!”
Napahinga ako nang malalim. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko habang nakatitig ako sa babaeng nasa harapan ko. What is happening to me? Pakiramdam ko ay malapit siya sa akin pero sigurado ako na ngayon ko lang siya nakita. At lalong hindi ako nakikipaglapit sa mga batang babae. Mahirap nang ma-issue na pedophile.
“Hayaan mo na. Kinausap ko na si Mama para sa bills mo. No’ng isang araw pa nila nilakad ‘yon at wala kang babayaran na kahit ano. Nilakad na namin kay Mayor, sa DSWD, at PCSO ang nangyari sa–”
“Teka,” putol ko sa kanya. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Iniikot niya ang kanyang mga mata at tumingin ng diretso sa mga mata ko. “Moymoy, ha? Kapag may amnesia ka pa hahayaan kita rito sa hospital. Ang mahal magpagamot ng may amnesia! Magkano lang sinasahod ko bilang nurse.”
“Ano bang ibig mong sabihin? Sinong Moymoy?”
“Ikaw!”
Tumingin ako sa kaliwa’t kanan ko. Noong wala akong makitang tao roon ay itinuro ko ang sarili ko. “Ako?”
“Hala, siya. Nagka-amnesia na nga!” Tumayo ito at namaywang sa akin. “Sandali! Tatawagin ko ulit si Doc at baka na alog na ang utak mo.”
“Wait!” Inabot ko ang braso niya at pinigilan siyang umalis. Pero kung kanina ay ako ang nagugulat, ngayon ay siya naman ang puno nang pagtataka ang mukha.
“Ano’ng sabi mo?”
Huminga ako nang malalim. “Ako si Moymoy, at nasa PGH ako? It’s a public hospital, right?”
Nasapo na ni Jamaica ang kanyang bibig. Halos lumuwa pa ang mga mata nito habang tinititigan ako. “T-Tatawag na talaga ako ng doctor, Moymoy.” Akma ulit itong aalis pero hindi ko binitawan ang braso niya.
“Hindi ko kailangan ng doctor. F*ck. Let me get this straight, woman. Hindi ako si Moymoy. Ako si Dante Benitez! I f*cking own the biggest company in the country!”
Lalong nanlaki ang mga mata nito. Nakatitig lang din ako sa kanya habang hinihintay ang sasabihin nito. I can’t believe that she is making it looks like I cannot afford to go to hospital. I’m a share holder in the most expensive hospital in the Philippines! Pero makalipas ang ilang sandali ay nagulat ako noong napalitan ng pagkainis ang ekspresyon nito. Halos magsalubong na ang mga kilay nito habang nakatitig sa akin.
“Ikaw Nehemiah Torres h’wag mo akong pinaglolo-loko, ha?! Ilang araw na akong stress dahil muntik kang mamatay!” pagalit na sabi nito. Hinila nito ang braso niya. Napatingin ako sa suot niyang relos sa palapulsuhan. “Hoy! Ano ba?”
Hinila ko braso niya at tiningnan ang repleksyon ko mula sa relo niya. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako dahil sa aking nakita. Isang binatang lalake na humpak ang ang mukha ang nakita ko. Hindi ko rin mai-describe nang maayos ang mukha dahil nangingitim pa ang gilid ng kaliwang mata at marami pang pasa sa mukha. Pero isa lang ang alam ko. Hindi ako iyon.
“What the h3ll?!” Umalingaw-ngaw sa buong silid ang malakas kong sigaw.
Chapter 4: This can’t be!
This can’t be! This is ridiculous!
“What is the meaning of this?!” sigaw ko ulit habang nakatitig sa repleksyon ko mula sa relos ng babaeng kanina pa kumakausap sa akin. “Who is this man?!”
Mabilis na hinila ng babae ang braso niya at tumayo sa gilid ko. Umawang ang bibig nito na para bang may gustong sabihin. Ngunit muli lang nitong inikom ang bibig at bumuntonghininga. “Oh my God. Mamaya na lang tayong mag-usap, Moymoy. Hindi pa tapos ang shift ko. Dadalhan kita ng pagkain mo at mukhang gutom na gutom ka na,” anito at tumalikod na.
“Hey, wait!”
Tumigil ang babae at muling humarap sa akin. “Tigil-tigilan mo nga kaka-English mo! Kinikilabutan ako sa ‘yo eh!” sabi nito at nagmartsa na palayo sa akin.
Na iwan akong nakanganga habang pilit na prino-proseso ang nangyayari. I clearly saw a different man from my reflection. Tumingin ako sa katabi kong pasyente. Nanlalaki rin ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.
“Minda, right?” tanong ko rito. Tumango-tango lang ito sa akin at hindi sumagot. “Do you have a mirror? Can I borrow it?”
“Ha?”
“Ahm. Salamin.” Pinuwesto ko pa ang palad ko sa mukha ko para maintindihan niya ang ibig kong sabihin. Panay na rin ang paghinga ko nang malalim dahil sa nangyayari. But I need confirm it before I react. This is impossible and ridiculous. Tumango-tango ang babae at mayroong hinanap sa bag nitong nakapaton sa lamesite.
“Wala akong salamin eh.”
Seriously? Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. “Anything that I could use to see my reflection.”
Tumigil sa paghahanap si Minda at humarap sa akin. Nakakunot na ang noo nito at para bang nagagalit. Napataas ang kilay ko. Bakit parang lahat sila ay nagagalit sa akin?
“Teka nga, ‘toy. Kung makapag-utos ka sa akin ah! Hindi purket nagi-English ka ay tama na ‘yon!” Tumingin ito sa binatilyo na nakaupo sa kabilang gilid ng kama na hinihigaan ng asawa nito. “Anak, bigyan mo nga ‘to ng salamin at magbabanyo ako!”
Bahagya akong napangiwi. Kung malalaman lang nito kung sino ako siguradong hindi nito maiisipang magtaas ng boses sa akin. Kakamot-kamot sa ulo na tumayo ang binatilyong anak nito at lumapit sa akin. Tahimik lang nitong inabot ang hawak na cellphone. Napahinga pa muna ako nang malalim noong makita ko ang cellphone na hawak nito. Lumang modelo iyon ng android phone na kami ang naglabas. Yes, we also make phones. Kinuha ko iyon mula sa binatilyo. Huminga muna ako ulit nang malalim at bago buksan ang camera.
Sh!t! iyon lang ang nasabi ko nang makita ko ang hitsura ng isang binata sa camera. May kahabaan ang buhok nito at may balot na benda ang ulo. Ang kaliwang mat anito ay may itim na bilog. Ang bibig ay namamaga pa. Tumingin ako sa binatang nakatayo sa tabi ko at nakatunghay lang sa akin.
“W-Who is this?” tanong ko rito. Tinuro ko pa ang hawak na cellphone ko. Nangunot ang noo nito at sumilip sa cellphone.
“Ikaw?”
Napapikit ako nang mariin at na ikuyom ang palad. “This is impossible!” sigaw ko. Napaigtad pa ang binatilyo dahil sa lakas ng boses ko.
“Teka, kuya. H’wag mong itatapon ang cellphone ko. Kabibili lang ni mama sa akin ‘yan. Ibebenta na nga ulit kasi kulang na ang pera namin.”
Pinanlisikan ko ang binatilyong nakatunghay sa akin. Pero sa huli ay ibinigay ko sa kanya ang cellphone. Wala naman siyang alam sa pinagdadaanan ko. Pero paano nito nasasabi na ako ang nasa camera? The man in the camera is too young to be me! And it’s impossible because it’s not really me! I have a blood of a Mexican, and this man looks like a pure Filipino.
I need to know what is happening!
Pinilit kong igalaw ang katawan ko. Hindi ko alam kung ilang araw na akong nakatulog pero mukhang isa iyon sa dahilan kaya hindi ako makagalaw ngayon. I should do something instead of waiting. Pero wala rin akong nagawa dahil pakiramdam ko ay may nakadagan sa akin na napaka bigat na bagay.
Makalipas ang ilang oras ay kumalam na ang tiyan ko. I don’t know why but I have this feeling of I’m waiting for that woman to come back. Siguro kung sino man ang taong ‘to ay kilala niya ang babaeng ‘yon. This is really ridiculous. Ako ang nasa katawan na ‘to pero hindi sa akin. How does it even possible? Ang huli kong na aalala ay… F*ck. Someone murdered me. But why am I here? Kung ano man ang nangyayari ‘to ay sana nanaginip lang ako.
But I’m not.
I fell asleep thinking about what happened to me. The first thing I saw when I woke up is the face of the nurse earlier. Mayroon siyang tinatanggal mula sa paper bag na dala nito. Agad na nanuot sa ilong ko ang amoy ng prinitong manok galing sa sikat na fast food chain sa Pinas. Hindi ako nagsalita at pinagmasdan lang siya. Nakatagilid ito sa akin kaya hindi niya napapansin na gising na ako.
The more I look into her, the more I’m feeling something. I don’t know why. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko at hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko. This is the same feeling when I closed a deal with our business partners. This is not good. Wala talaga akong maalala na nagkita na kami once in my life.
“Gising ka na pala.”
Bumalik ako sa sarili ko noong marinig ko ang boses niya. Nakatingin na pala siya sa akin at inilalapag na sa tabi ko ang pagkain na dala.
“Nahimasmasan ka na ba?” Pumikit ang mga mata nito. “Never mind. Bukas daw ay i-check-up ka pa ni Dok kung ano ang nangyari sa ‘yo. Sa ngayon ay pwede ka na raw kumain. Kaya mo ba mag-isa?”
Wow! She’s sweet! Napakunot ako. What the h3ll am I saying?
“Who are you again? I mean, what is your name?”
Natigil ito sa pagsalin ng ulam sa plato at hindi makapaniwalang tiningnan ako. “Grabe talaga ang ginawa sa ‘yo nila Joel, ‘no?” Bumuntonghininga ito at nagpatuloy sa ginagawa. “H’wag kang mag-alala. Nakakulong naman sila sa ngayon.”
“Ano ba ang nangyari?” I asked in Tagalog. Pakiramdam ko kasi ay sa bawat pagsasalita ko ng English ay nagugulat siya. Hindi ata sanay.
“Wala ka ba talagang maalala.” Bahagya itong lumapit sa akin at sinapo ang pisngi ko. Lalong nagwala ang puso ko at nanlaki ang mga mata. Marahan nitong ipiniling pakanan at kaliwa ang mukha ko. “Itong sugat mo sa ulo minor lang naman. Naalog ba ang utak mo at nakalimot ka?” Lumayo ito sa akin at pinagkrus ang dalawang braso habang mataman pa rin akong tinititigan. “Dahil siguro sa pagkakatapon sa ‘yo sa kalsada. Tsk! Makikita talaga nila ginawa nila!”
Napaawang ako ng bibig. What the h3ll is happening to me? Who is this woman? “Who are you?” I asked once again. The woman just rolled her eyes and sighed. D4mn! Why does she look beautiful?
“Hay naku, Moymoy! Kailangan mo talagang matingnan ulit ni Doc. Ako si Jamaica! Ang nag-iisang taong nagtatyaga sa ‘yo.” Lumabi siya at tinapos na ang pagsasalin ng pagkain.
Jamaica. What a beautiful name? But Moymoy?
“Am I Moymoy?”
“Kumain ka nga muna.” Inabot niya sa akin ang plato. Naigagalaw ko naman ang kamay ko at bahagya akong nakaupo kaya kinuha ko ‘yon. “Oo. Ikaw si Moymoy, pero Nehemiah talaga ang tunay mong pangalan. Wala ka ng magulang at Lola mo na lang ang kasama mo.” Kinuha nito ang upuan. “O baka hindi mo rin kilala kung sino ang lola mo?” Tumingin siya sa akin na para bang naghihintay sa sagot ko. Kaya naman ay umiling ako. She grunts. “Si lola Meding!”
I just look at her amazed. I don’t know the people she’s saying but I love listening to her. Whatever happening to me is not right. I’m really sure that she is years younger than me.
“But he is not me. I’m not Moymoy or Nehemiah. Matagal ng patay ang lola ko,” mahina kong sabi. Hindi ko kilala ang mga pangalan na sinasabi niya, o wala akong maalala? Naaawang tiningnan ako ni Jamaica.
“H’wag ka mag-alala. Kung may amnesia ka man ay sigurado ako na short-term lang ‘yan. Sana lang talaga bumalik na agad ‘yang alaala. Ang cringe kasi.”
Ako naman ang bumuntonghininga at tumingin sa pagkain na hawak ko. I don’t eat foods from fast food chains. It’s unhealthy. I have a proper diet that I am following for ten years now. Pero hindi ko maiwasang maglaway sa pagkain na nasa harapan ko. Kumalam ng sobra ang tiyan ko kaya hindi na ako nag-atubili pa. Kinuha ko ang pritong manok at kumagat doon.
I felt heaven when I tasted the food. Pakiramdam ko ay ilang taon akong hindi nakakain. Ngayon lang ako ulit nakaramdam ng ganito. Hindi ko na nga siya inalok pa dahil mukha namang para sa akin lang ang pagkain.
“Pero curious ako. Kung hindi ka si Moymoy, e sino ka?”
Sandali kong nilingon si Jamaica noong nagtanong siya. Nilunok ko muna ang pagkain na nasa bibig ko bago tumugon sa kanya. “I’m Dante. Dante Benitez,” nakangiting sabi ko. Nagunot ang noo niya.
“Dante Benitez? ‘Yong mayaman?”
Nanlaki ang mga mata ko at lalong napangiti. “Yes! Finally! Someone knows me!”
Natahimik pa ito ng ilang sandali hanggang sa tumawa ito. Iyong tawa niya ay parang nagbitaw ako ng nakatatawang joke. “Ul0l! H’wag ako.”
Agad na nawala ang mga ngiti ko sa sinabi niya at nagtatakang tiningnan siya. “What?”
“Kung ikaw si Dante Benitez, edi ako na si Angel Locsin!” pabirong sabi nito at tumawa nang malakas. Nagtitinginan na nga ang mga kasama naming pasyente. “Tsaka, ano ‘yon? Lumipat ang kaluluwa ni Dante sa katawan mo? Manahimik ka nga Moymoy! Tanggap ko na, na may amnesia ka. Magagamot natin ‘yan. Pero h’wag ka mag-claim ng taong patay na.”
“What? What do you mean na patay na?”
Huminga ito nang malalim at pikalma ang sarili. “Patay na si Dante Benitez, alam ko pinaglalamayan pa siya ngayon. Ilang araw na ‘yang binabalita sa TV.”
Chapter 5: At this point...
At this point, pakiramdam ko gusto ko na lang talaga paglamayan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Jamaica. She is saying that I’m already dead, but I am here! My hands started to tremble. I want to shout and throw things, but my body is aching.
Tang!na!
“I am not dead!” I shouted. Agad na tumigil sa pagtawa si Jamaica at gulat na tiningnan ako.
“Hala siya. Oo, hindi ka nga patay.” Umirap siya sa akin at nag-iwas ng tingin. I tried to calm down myself. “Alam mo, kumain ka na nga riyan. Kailangan ko na rin umuwe kasi gumagabi na. Ako na ang bahala kay Lola Meding. Dadalhan ko siya ng pagkain.” Tumayo si Jamaica at kinuha ang ilang supot. “Kaya mo na talagang kumain, ha?”
Nag-iwas ako ng tingin at napasimangot. Pakiramdam ko biglang umurong ‘yong gutom ko dahil sa narinig ko. Sino bang matutuwa kapag sabihan kang namatay? “Wala na akong gana.”
“Kumain ka, Moy. Iinom ka mamaya ng gamot,” paalala niya pero nawalan na talaga ako ng gana. “H’wag ka na mag-inarte diyan. Kumain ka na, oh!” pamimilit pa nito.
Napabuntonghininga na lang ako at nag-umpisa nang kumain. I keep on thinking about what is happening now. Twenty twenty-one na pero nangyari pa rin ito. After awhile, Jamaica goes home. Gabi na raw at maaga pa siya bukas. Pinilit ko siyang iwanan ako ng gadget dahil kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin. Luckily, she let me.
When everyone was asleep. Kinuha ko na ang cellphone at nag-browse sa internet. I searched for Dante Benitez, and I was shocked in everything I saw. I’m already dead for a week now. Napahinga ako nang malalim. Biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari noong gabing umuwe ako.
I was enjoying my drink when someone suddenly attacked me. Ni hindi ko manlang nakita ang mukha niya. But why I’m still here if I’m already dead? Why I’m in this body?
I need to go back to tell my family I’m still alive.
Makalipas ang tatlong araw ay pwede na akong lumabas mula sa ospital. It’s funny because I’m really in a public hospital. Kung alam lang nila kung sino ako, hindi nila ako isasama sa ibang pasyente. They will threat me as a king. I sighed, but I’m not me now.
Sa loob ng tatlong araw na pagpapalakas ko ay si Jamaica lang ang nakita kong palaging nakabantay sa akin. Siguro nga, kung sino man itong taong ‘to ay wala na talagang pamilya. The doctor also told me that I’m cleared. They still think that I have amnesia, though I’m clearly don’t have.
“Dito ka muna sa kama mo. Babalikan na lang kita mamaya pagkatapos ng shift ko,” paalala ni Jamaica habang inaayos ang mga gamit ko. “H’wag kang aalis dito, ha?”
Hindi ako sumagot. Nakahiga lang ako sa kama at nakatitig sa kisame. Medyo mabigat pa rin ang pakiramdam ko pero nakatatayo na ako at nakalalakad. Naninibago rin ako sa katawan na meron ako. Para akong bagong tao. Well, it’s true. I’m really am. At hindi ko alam kung paano ako babalik.
“Hoy!” Tinapik ni Jamaica ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya. Kinunutan ko lang ito ng noo at nagtatanong na tiningnan siya. “Nakikinig ka ba sa akin?” Nakakunot din ang noo na tanong niya sa akin.
Awtomatiko akong napatango. “Yes.”
Iniikot ni Jamaica ang mga mata niya. “Tumigil ka kaka-English mo, ha? Hindi ka maiintindihan ni lola Meding.”
“What should I do? Halos araw-araw kong ginagamit ang language na ‘yon. Am I not allowed now to speak the language?” Hindi ko ugaling makipagtalo pero hindi ko mapigilan sa kanya. Nararamdaman ko na malapit siya sa akin pero hindi pwede. She looks like my daughter if I had a child! I think she’s the same age with Selina’s youngest daughter.
Bumuntonghininga si Jamaica at tiningnan lang ako ng masama. D4mn! There’s something in her eyes that even if it look sharp, I’d still want to look at it. Huminga ako ng malalim.
“Fine, I’m sorry. Hindi lang ako talaga sanay.”
“Bahala ka,” mahinang sabi ni Jamaica.
Nakasimangot na ito at halos magdugtong na kilay. Pakiramdam ko tuloy bigla ay may nagawa akong kasalanan. Naupo ako at inabot ang braso niya. Kaya nga hindi ako nag-asawa noon dahil hindi ko alam ano ang gagawin ko kapag may mga ganitong pangyayari.
“I’m sorry,” mahinang sabi ko pero pinandilatan lang ako ni Jamaica.
“H’wag mo nga akong hawakan! Ano kita, jowa? Eww!”
Napaawang ako ng bibig. What the h3ll? Women. Napailing ako at hinayaan na lamang ito. Ewan ko ba. But I always have this urge to follow her. Bumalik na lang ako sa pwesto ko at hinayaan siya.
“Aalis na ako. Hintayin mo ako rito, ha?” paalam ni Jamaica.
Hindi ko siya tiningnan pero tumango ako sa kanya. Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig siya sa akin. Ayaw ko nang salubungin ang mga tingin niya. Habang tumatagal ay pakiramdam ko hindi tama. Nakahinga ako nang maluwag noong naglakad na siya palayo sa akin.
I took a deep sighed again then I decided to go to comfort room. Ayaw ko sana pumunta roon dahil sa hitsura. Napangiwi na lang ako noong nasa loob na ako. Nasapo ko agad ang ilong ko at bahagyang napaatras. Never in my wildest dream that I will enter in a public comfort room again. I’m not judging the people in middle class and E, nanggaling din ako ro’n. Siguro hindi na ako sanay. Isa pa, I worked hard to have a better life. For me and my sister’s family.
Pinilit ko na lang pigilan ang hininga ko hanggang sa makarating ako sa isang cubicle. Malinis naman ang cr pero na aamoy ko pa rin ang panghi at– I don’t even want to think about it. Nagbawas na ako ng tubig at lumapit sa lababo sa may malaking salamin. I sighed when I saw my new face again. Siguro kung ibang tao lang ako. I’ll be happy because I am young again. Sa tingin ko ay kakabente lang lalakeng ‘to.
He has a skinny type of body. Malayong malayo sa katawan ko na batak ang mga muscles. I feel weak now without it. And his hair? Hinawakan ko iyon at bahagyan sinuklay. Para akong si Palito. Mahaba ang buhok na abot hanggang sa taas ng balikat. Siguro kaunting tapik lang sa akin ay matutumba ako. Seriously? I really feel light right now. Wala na akong benda sa ulo pero may gasa pa rin. Gano’n din sa pisngi ko. Napailing na lang ako. If this is gonna be the new me. I’ll be screwed, big time.
Muli akong bumalik sa higaan namin at pilit na nagpatay ang oras. Kumusta na kaya ang company? My sister? I’m starting to miss them. If this is a Gods will, at least he should give me a reason. Bakit pa ako nabubuhay ngayon kung hindi naman sa sarili kong buhay?
I can’t think anymore.
Gabi na base sa maliit na bintana sa labas ng ward namin. Wala pa rin si Jamaica. I’m starting to get worried. But after a few minutes, she came back rushing.
“Moy! Sorry, ang dami kasing pasyente,” humahangos na sabi niya. Tumigil siya sa paglalakad noong nasa dulo na siya ng kama ko.
“Upo ka muna, hija.”
Bahagya siyang nagulat pero agad ding nawala iyon sa kanyang ekspresyon. Umupo siya sa kama at itinukod patalikod ang mga kamay. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Para kasing napakarami ng ginawa niya. And they are underpaid.
“It’s okay. Magpahinga ka muna,” sabi ko ulit at bumaba sa kama. Nagkusa na akong ilabas mula sa cabinet ang mga gamit na hinanda niya kanina.
“Nasabihan ko na sila mama kanina na uuwe ka na. Baka nandoon na rin si lola sa bahay. Doon na tayo maghapunan. Gutom ka na ba?”
Umiling lang ako at hindi sumagot. Hindi ko naman kilala ang mga sinasabi niya. Sasakyan ko na lang muna sila. Pagkatapos ay babalik ako sa amin. Alam kong hindi ako makakalimutan ng kapatid ko. She almost grew up with me.
I hope everything will be okay after a while. Kung na nananaginip man ako, sana matapos na ‘to.
Continue reading here: https://www.dreame.com/story/498409984-once-a-billionaire