Views

Never was Mine

Ameiry Savar
0

 



Never was Mine

Ameiry Savar

General Fiction


Tags: Mistress
Language: Taglish
Blurb:

How long would you love the man that was never yours?

Never was Mine © 2022 by Ameiry Savar

Note: This story is part of PaperInk Imprint's Mistress' collab. SOON TO BE PUBLISHED!

Disclaimer!

Never was Mine contains scenes that are not suitable for very young readers and sensitive readers.  

This is a work of fiction. All names, characters, persons, places, and incidents are only a product of my imagination. All resemblance to an actual person, may they be living or dead, events or anything are purely coincidental.

All right reserved! No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the author's prior written permission, except for brief quotes and lines from the story.

Never was Mine © 2023 by Ameiry Savar


Chapter 1: Sa mundong ating...




Sa mundong ating ginagalawan, hindi na bago ang mga kwento ng mga kabit. Mga pamilya o relasyong nasira dahil sa isa pang taong pilit na sumisiksik sa relasyon nang may relasyon. Madalas iba-iba ang reaksiyon ng mga 'legal' sa tuwing nalalaman nilang mayroon pa palang iba sa relasyon nila. Mayoong inaaway. Mayroong halos patayin na. May mga pinapahiya maigi. 

Oo, mahirap. Nakakatakot nga kasi pati mga taong nakapaligid sa 'yo ay huhusgahan ka rin. Pero ni minsan ba ay pinakinggan natin ang rason ng ilang mga babae o kalalakihan kung bakit nilang nagawang makiapid? Wala. Walang sino man ang nakinig o na nagtangkang tingnan pa ang point of view ng mga tinatawagn nilang 'kabit.' Dahil nga sila ay kabit na. 

Noon nga ay iniisip ko na ang sama nga nila. How could they ever think of hurting a woman like them? Paano kung sa kanila gawin iyon, 'di ba? Kung yung ang lalakeng minamahal nila ay magkakaroon din ng ibang babaeng mamahalin habang boyfriend o asawa pa rin niya? Hindi ba masakit? 

Ako? I came from a family like that. Ten years old ako noong iwanan kami ng nanay ko para sa ibang lalake. Sinubukan akong isama ni Mama pero hindi ako pumayag. I stayed with my father because I thought it was my mother who is wronged. 

Wala pang isang taon noong umalis si Mama sa amin nang may dalhin si Papa na babae sa bahay. Si Tita Mariel. She become the mother I never had. Sobrang bait niya sa amin ng kapatid kong si Clarisse. Lahat ng luho namin ay nakuha namin. Ni minsan ay hindi niya ako pinagalitan. Lahat ng pagmamahal ay binigay niya sa amin. 

Growing up, marami akong naririnig sa mga kamag-anak namin. Galit na galit ang mga relatives ko sa side ni Papa dahil sa pang-iiwan ni Mama. They are saying na makati raw si Mama. Na lalakero raw at hindi marunong makuntento. Lahat na nga raw binibigay at tumatanggap na lang ng 50,000 buwan-buwan galing sa sweldo ni Papa ay nakuha pa ring manglalake. Sabi pa nga nila ay baka raw gumaya ako kaya h'wag na h'wag ko raw gagawin iyon. I just shrug. Ipinangako ko na kasi sa sarili ko na hindi ako magkakaroon ng lalake o babaeng mamahalin. 

Pero sa side naman ni Mama ay iba. Naiinis nga ako dahil kapag pumupunta kami ay nagagalit din sila kay Papa. Pero kapag tinatanong ko naman si Mama ay hindi siya nagsasalita. Sinasabi niya lang na paglaki ko ay mauunawaan ko rin daw ang dahilan niya. Like, wow? Well, gusto ko rin naman ang bagong asawa ni Mama. Si Tito Romel. He is nice at binibigay rin sa amin ang lahat. Kaso, I hate him. I think na siya ang may kasalanan kung bakit kami nagkawatak-watak. Kung bakit nagawa ni Mama na iwanan kami. Kaso wala naman akong magawa. Gusto ni Papa na pumupunta pa rin ako kay Mama kahit ayaw ko naman. Dahil nanay ko pa rin daw ito at kailangan ko pa ring irespeto. Pathertic, right? Bakit ko irerespeto ang taong may malaking kasalanan sa amin? 

Now, that I'm already twenty years old. Doon ko lang unti-unting na realize. Parang may mali sa alam ko. Pero kahit na gano'n ay mas lalong lumalim lang ang galit ko kay Mama. I was just waiting for her apologize pero wala siyang sinasabi. She never think of explaining her side to us. 

"Jamaica! Clarisse Let's go!" tawag sa akin ni Mommy Mariel. Yes, as years pass. We called her Mommy. Mas naging mommy naman kasi siya sa amin kaysa kay Mama. Papa and Mommy Mariel never had a child. Unlike mama who really chooses to let us go the moment she decided to get pregnant with Tito Romel. Never kong matatanggap ang half-brother ko. 

"Okay, Mommy!" I answered. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko. Nakasalubong ko pa si Clarisse na college na rin ngayong araw. It was our first day. I am at third year college at UP taking Accountancy. Habang si Clarisse naman ay gustong maging teacher. 

"Ako sa unahan!" sigaw ni Clarisse. 

Napanganga ako at pinandilatan ito ng mga mata. "No! Ako sa unahan!" reklamo ko at nagmamadaling bumaba ng hagdang. Tatawa-tawa namang tumakbo palayo sa akin si Clarisse. 

"Hey! Be careful!" saway ni Papa sa amin. 

Hindi ko pinansin si Papa na palabas ng kusina. Nagmamadali kong hinabol si Clarisse na naroon na pala sa tabi ng kotse. Pero bago niya pa mabuksan ang pinto ng unahan ay inabot ko iyon at marahan siyang tinulak. 

"Mine!" sabi ko habang tumatawa. Binuksan ko ang pinto at naupo roon. 

"Ate! I hate you!" sigaw ni Clarisse. "Ako ang nauna!" 

Tumawa lang ako at dinilaan siya. Yes, parehas na kaming malaki ni Clarisse. We are actually adults already because Clariss is eighteen yeas old already. Pero kung umakto pa rin kami at magharutan ay para pa rin kaming mga bata. Well, maybe that's the perks of being loved and spoiled by our 'true parents.'

"Oh, ano na naman 'yang pinagtatalunan niyo?" tanong ni Mommy na palapit sa amin. 

"Si ate kasi! Sabi ko ako na sa unahan today tapos inunahan akong sumakay!" reklamo ni Clarisse. 

Umiling ako. "No! I'm already here kaya ako na rito!" 

Napailing si Mommy at pinagpalit-palit ang tingin sa amin. "You know what? Ako na ang sa unahan. Ako na riyan, Jamaica para makaalis na tayo." 

"What? No! Gusto ko rito, Mommy! Para makita ko agad ang mga friends ko!" 

"Sige na." 

I sighed and glared at Clarisse. Nakangiti na siya na parang tuwang-tuwa dahil parehas kaming hindi na pagbigyan. "I hate you!" inis na sabi ko kay Clarisse at bumaba ng sasakyan. Sumakay ako sa likod at sumiksik sa may bintana. Sumakay na rin sila Clarisse kasunod si Papa. 

"Everyone ready?" tanong ni Papa habang inaayos ang seatbelt ni Mommy. Lumingon siya sa amin. "Oh, Jamaica? Bakit Nakasimangot ka?" 

"Eh kasi gusto niya rito. Nag-aaway na naman ang mga dalaga mo." 

Tumawa si Papa. "What did you do to your ate?" tanong ni Papa kay Clarisse. 

"Ha? Wala akong ginawa, Pa! Si ate kasi ang hilig manguna." 

"Jamaica?" 

Tumingin ako kay Papa na nakasimangot. "Po?" 

"Ano'ng sabi ko sa inyo?" 

I sighed and roll my eyes. "H'wag mag-aaway." 

"And?" 

"Pa! Hindi na kami mga bata." 

"But you both still act like one." 

"Fine! Sorry na. Gusto ko lang naman sana sa unahan kasi para makita ko agad mga kaklase ko. Tagal namin sa probinsya eh. Hindi ko nga alam bakit pa kami nauwi roon." 

Biglang natahimik si Papa. Pero kalaunan ay narinig ko ang malalim na pagbuntonghininga nito. "Sige na. Ayusin mo na ang seatbelt mo.  You too, Clarisse. Mali-late na tayo." 

Nakasimangot pa rin na inayos ko ang seatbelt ko. Napatingin ako kay Clarisse na nakangiti pa rin. Inirapan ko na lang siya at muling tumingin sa labas ng bintana. First day of class. Dapat hindi ako ma-badtrip. 

Hindi nagtagal ay dumating na kami sa UP. Doon kami nag-aaral ni Clarisse. Kung ako excited ay mas lalo na si Clarisse. As if naman may nakaka-excite sa pagpasok sa college. For sure wala pang kalahating taon ay umiiyak na siya dahil sa hirap maging college student. But me? Natuto na lang akong enjoy-in ang college days ko because of my friends. Nagpaalam na kami kila Papa at pumasok na sa loob ng school. 

"Ate. Punta na ko sa room ko." 

"Kaya mo na?" 

"Yes." 

"Good luck, sis." 

"Thanks!" 

Humiwalay na sa akin si Clarisse. Gano'n naman kami. Kung magkatampuhan may ay wala pang isang oras nagkakaayos na agad. Minsan nga napagkakamalan pa kaming kambal dahil sa sobrang close namin. 

Wala pa akong makitang mga kaklase ko kaya na isipan ko na lang na pumunta sa room namin. Hindi rin kasi sila nagre-reply sa GC namin kaya mukhang hindi pa sila online. Doon ko na lang sila hihintayin. 

I was already walking while looking at my phone for our first schedule today noong maramdaman kong bumangga ako sa kung ano. Muntik na akong matumba pero may humawak sa braso ko at naitayo ako ulit. 

"Whoa! Sorry!" ani ng boses ng isang lalake. 

Napatingin nag-angat ako ng ulo at nakita ko ang lalakeng mas matangkad sa akin. I was ready to shout at him pero natigilan ako noong makita ko ang mga dimples niya. 

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito. 

Napalunok ako at hindi ko maiwasang matulala habang nakatitig sa mukha niya. He has this good boy aura na lahat ay gugustuhin ng mga babae. Isa pa, sobrang cute niya tingnan sa mga dimples niya. Ang lalim noon na para bang hinulma dahil perpekto ang pagkakabutas. 

"Miss?" 

Napakurap-kurap ako at tinitigan siya sa mga mata. He has a long curly eyelashes and brown eyes. Bigla akong nahiya dahil average lang noong akin. 

"Miss? Are you okay?" 

"Huh?" Bigla akong natauhan noong tinapik niya ang balikat ako. Napalunok ako at tiningnan ang katawan ko. "I-I'm fine." 

"Okay. Sorry, ha? Nagmamadali kasi ako." 

Tumango ako. "Okay." 

"Mag-iingat ka." 

Tinapik niya ulit ang balikat ko tapos naglakad na paalis sa harapan ko. Noong mawala na siya sa harapan ko ay napabuga ako ng hangin. Sinapo ko ang aking dibdib at napatanong sa sarili? What just happened? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?





Chapter 2: Noong naghiwalay...



Noong naghiwalay ang mga magulang ko. Matagal ko nang ipinangako sa sarili ko na hindi na ako magkakaroon ng boyfriend. Or anyone that will be dear to me. Sapat na sa akin ang kapatid ko at silang dalawa. Pati na rin si Mommy. Maraming dahilan, una na roon ay ang wala namang kasiguraduhan sa lahat. Gano'n talaga. Kahit na ipinangako niyo sa isa't isa na walang magbabago. Darating at darating din ang araw na may magbabago. Mawawala ang feelings niyo sa isa't isa. 

Pangalawa na roon ay ang hindi marunong makuntento ang mga tao. Kasi kung gano'n, edi sana hindi naghanap ng bago si Mama. Edi sana buo pa rin kami. Edi sana hindi ako iniiyakan ng kaibigan ko ngayon.

“Hey! Kanina ka pa tulala! Are you even listening?” 

Napapitlag ako noong biglang hinampas ni Sharon ang braso ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin na para bang hinihintay ang sagot ko. 

“What?” 

Iniikot ni Sharon ang mga mata niya. “I knew it! Hindi ka nakikinig sa akin. Kanina pa ako nagsasalita rito.” Dinampot niya ang milktea na binili namin sa cafeteria kanina. 

It was our free time. Katatapos lang ng morning classes namin at narito kami ngayon sa paborito naming tambayan. Sa school ground kung saan tanaw namin ang mga estyudanteng naglalaro ng mga sports. Imagine? First day of school tapos pagod ka agad dahil sa PE. Kawawang first years. 

We are sitting on a bench 

Napangiwi ako at nahihiyang tiningnan siya. “I-I’m sorry. I was just thinking about something.” 

“Ano na naman ‘yan?” 

Natigilan ako. Muli kong na alala ang lalakeng nakabungguan ko kanina. I don’t know why but he already caught my attention. Inisip ko na baka student din siya rito. Kaso kanina ko pa sinusubukang hanapin siya ay hindi ko naman makita. Hindi ko manlang nakuha ang pangalan niya, sayang. 

Umiling ako at ngumiti kay Sharon. “Nothing.” 

“Nothing? I don’t really think it’s nothing.” 

“Ano ka ba? Magkwento ka na lang ulit. Tsaka, wala ka bang balita kila Samuel? Bakit wala sila?” 

Sharon is one of my friends here. Pare-parehas kami ng course at mula pa noong first year namin ay magkakasama na kami. Noong pumunta ako sa first subject namin, si Sharon lang ang nakita ko. 

“Did you forget? Si Rica at James, hindi pa nakakabalik from Italy. Si Samuel naman, I don’t know.” 

Umarko ang kilay ko. Si Samuel kasi ay boyfriend ni Sharon. Agad ding nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya noong mabanggit ko ang pangalan ni Samuel. Sa kanilang apat, si Sharon ang pinaka close ko. 

“Is there something going on na hindi ko alam?” Hindi sumagot si Sharon. Nakanguso lang siyang tumingin sa grounds habang sumisipsip sa straw. Napalabi na ako. Alam ko na. “Nag-away kayo?” 

Doon ay bumuntonghininga si Sharon at biglang nanubig ang mga mata. Napailing na lamang ako at lumipat sa tabi niya. 

“Tell me.” 

Biglang umiyak si Sharon at yumakap sa akin. “Bestfriend! I hate him!” 

Hinagod ko ang likod niya at marahang tinapik ang balikat. “Why?” 

“N-Nahuli ko siya…” Suminghot-singhot si Sharon. “I-I opened his account and I saw him chatting with a bitch!” sumbong niya. “And they have been talking since Christmas!” 

“Ha? What’s wrong with talking?” 

Humiwalay sa akin si Sharon at tiningnan ako nang masama. “They are not just talking. They are sexting!” 

Biglang nag-loading ang isipan ko. “Sexting? You mean… they are doing sex while–” 

“No! Nagsi-sex sila sa chat!” 

Napangiwi ako. “Gross!” 

“I know, right? But–” Muling umiyak si Sharon. “They are not just doing it on chat. They are meeting each other already.” 

Napanganga na lamang ako dahil sa sinabi ni Sharon. Gosh! Ang hirap na talaga ngayong magtiwala! I hugged Sharon and tried to calm her down. Ipinapangako ko sa talaga sa sarili ko na hindi ako magkakaroon ng boyfriend. Ito ang ayaw ko. Heartaches. Being cheated. Masyado nang marami ang nangyari sa buhay ko para dagdagan ko pa. Kung meron mang mananakit sa sarili ko ay ako lang dapat. 

Noong kumalma na si Sharon ay pumunta na kami sa next class namin. Wala pa rin ang mga kaibigan namin, syempre. At kaunti pa lang ang mga kaklase kong pumasok din. Pumwesto kami sa unahan ni Sharon at tahimik na naghintay sa teacher namin. Na hindi nagtagal ay dumating na rin sa loob. 

“Be seated please,” pakiusap ni Ma’am. 

I can’t stop looking at Ma’am Dianna. She is our teacher for our English major. Hindi ko maiwasang mamangha sa kaniya dahil ang bata pa tingnan ni Ma’am unlike sa iba naming mga teacher. Feeling ko ay hindi nga nalalayo ang edad niya sa amin. 

“Everyone here?” tanong ni Ma’am. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid. “Okay. I am Miss Dianna Bartolome. I will be your teacher of English 3 technical writing. Let’s hope we will get along.” Ngumiti siya nang malapad. “Now, I will check your attendance. You know the drill.” 

Naupo na si Ma’am at mayroong binuklat na folder. Isa-isa na niya kaming tinawag at sumagot naman kami sa kaniya. Like the other subjects, hiningan kami ng index card ni Ma’am at pinaghahanda ng ID picture na ikakabit doon. Small introduction and then the class is dismissed. 

“Hey, Jamaica. Let’s go to the mall. Maaga pa naman,” yaya sa akin ni Sharon. 

Napaisip ako nang kaunti. “Okay. I’ll text my mom na uuwi na lang ako mag-isa.” 

“Yehey! Thank you!” 

Natawa ako nang kaunti. Lumabas na kami ng room at naglakad palabas ng building. Nakita ko pa si Ma’am Dianna na naglalakad sa unahan namin. Ma’am Dianna is tall. Pwede siyang panglaban sa mga rumarampang models. Maganda rin ang hubog ng katawan niya and I love her long hair. She also has a fair skin na nakakadagdag ng dating niya. I could see some guys looking at her with amusement. 

“Ang ganda niya, ‘no? Mabait daw ‘yan si Ma’am.” 

Napatingin ako kay Sharon. “You know her?” 

Umiling siya. “No. Nakikita ko lang dati sa faculty. Siya ang paborito ng mga nauna sa atin. Kasi bukod sa maganda na raw ay mabait na. Hindi raw nambabagsak.” 

Napatango-tango. Kaya pala paborito siya. Sa college, bibihira ang mga teacher na hindi mahilig mangbagsak ng estyudante. Napatigil kami sa paglalakad noong biglang may bumunggo kay Ma’am na estyudante. Nahulog ang mga dala nitong folder at notebook. Muntik pang matumba si Ma’am kung hindi lang siya napakapit sa dingding. Dali-dali akong lumapit kay Ma’am at tinulungan siya. 

“Ma’am! Are you okay?” 

Tiningnan ako ni Ma’am. “Yes. Thank you.” Tiningnan niya ang nakabungguan na estyudante. “Lopez? Why are you running?” 

Napatungo naman ito at agad na kinuha ang mga nahulog na gamit ni Ma’am, Dianne. “Sorry, ma’am. Mali-late na po kasi ako.” 

Napailing-iling si Ma’am Dianne. “Next time, look at your way. Tingnan mo naman nangyari.”

“Sorry, ma’am! Sorry po!” 

“Sige na. Baka lalo ka pang ma-late.” 

“Thank you po!” 

Agad na itong umalis at tumayo naman nang maayo si Ma’am. Nakangiting tiningnan niya ako. “Thank you…” Tiningnan niya ako na para bang naghihintay siya ng sasabihin ko. 

“Ah. Jamaica po. Nasa klase mo po ako kanina.” 

“Okay. Thank you, Jamaica. I’m okay.” 

“Mabuti naman po, ma’am.” 

Binitawan ko na si Ma’am at hinayaan na siyang maglakad ulit. Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. 

“Halika na!” yaya sa akin ni Sharon. 

Tumango ako sa kaniya at naglakad na kami palabas ng building. Kaso malapit na kami sa gate noong bigla namang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at sinagot ang tawag. 

“Clarisse. Napatawag ka?” 

“Ate. Where are you?” 

Napakunot ang noo ko noong marinig ko na para bang hirap magsalita si Clarisse. “Palabas na.” 

“Sama ako. Ang sakit ng ngipin ko.” 

“Ha? Eh hindi pa ako uuwi. I’m with Sharon. Magpasundo ka na lang kila daddy.” 

“Saan ba kayo pupunta?” 

“Sa mall.” 

“‘Di ba may mga dentist doon? Let me go with you! Masakit na talaga ate. Hindi ko na kayang magtiis!” Suminghot-singhot si Clarisse. 

Napailing na lang ako at tumingin kay Sharon na salubong ang kilay na nakatingin sa akin. “Clarisse wants to come. Samahan natin sa dentist.” 

Ngumuso si Sharon. “Okay.” 

“Fine. Hihintayin ka namin dito sa may gate. Bilisan mo.” 

“Okay.” 

Pinatay ko na ang tawag at lumabas na kami ni Sharon ng school. Doon ay hinintay namin sa may labas si Clarisse sa may labas. Hindi rin naman nagtagal at dumating ito kaya pumara na kami ng taxi. Pagdating sa mall ay naghanap muna kami ng clinic para ihatid si Clarisse. And she is right. Meron nga sa third floor. 

“Ipapabunot mo?” tanong ko kay Clarisse. 

“Siguro. Ang sakit kasi.” 

“And you are not telling dad or mom?” 

“Masakit na kasi ate.” 

Hinayaan ko na lang si Clarisse. Iniwanan ko muna si Sharon sa labas ng clinic at sinamahan sa loob si Clarisse. Sinalubong kami agad ng isang babae sa lamesa na naroon. Walang ibang tao sa loob maliban sa kaniya at sa amin.

“Good afternoon, ma’am. Do you have an appointment?” 

Ako ang lumapit sa babae. “Nothing. Masakit po ang ngipin ng kapatid ko. Ipapa-check po sana namin kung ano ang gagawin.” 

“Sure.” May kinuha itong papel at inilapad sa lamesa. “Please fill this up. Kakausapin ko lang si Doc.” 

“Thank you po.” Tiningan ko si Clarisse na nakahawak sa pisngi niya at namumula na ang ilong. “Kaya mo ba?” Umiling siya kaya ako na ang nag-fill up sa papel niya. 

“Andy. I’ll go– Oh. We have a client. Sorry.” 

Napatingin ako sa gilid noong marinig ko ang boses ng isang lalake. Natigilan na lamang ako noong makilala ko kung sino siya. 

Siya ‘yong nakabunggo ko kanina sa school! 



Chapter 3: Hindi ko alam...



Hindi ko alam kung bakit habang tumatagal na tinitigan ko si Alfred ay lalong bumibilis ang pagtibok ng puso. Yes, his name is Alfred Salazar. Isa siyang dentista at may maliit na private dental clinic dito sa mall. I couldn't believe I met him here. Hindi mawala-wala ang mga ngiti ko habang pinapanood siya na gamutin ang kapatid ko.

Alam kong mali. I promise myself that I won't end up like

my parents. Pero hindi naman siguro masama kung magkakaroon ako ng paghanga sa

iba paminsan-minsan?

Mula noong malaman ko ang pangalan at trabaho niya ay

palagi ko na siyang nakikita. Mostly unexpected. Minsan sa mall. Madalas sa

school. I wonder kung estyudanye rin siya sa amin. Sinubukan kong alamin. But I

couldn't find any leads about him.

One time, nag-iikot-ikot ako sa mall. Ako lang mag-isa

dahil may kulang lang sa ginagawa kong project. It was supposed to be a short

trip, but I bumped into Alfred again.

"I'm so sorry, Miss!" ani Alfred.

Natigilan ako agad ang hindi makapaniwalang tiningnan siya. Alalang-alala siyang tiningnan ang katawan ko dahil may hawak siyang kape. Bukod sa nasagi niya ang balikat ko ay wala namang nangyari sa akin bukod sa sobrang bilis nang tibok ng puso ko.

"Are you okay?" tanong niya at nangunot pa ang noo. Bakit ang gwapo ng taong ito?

Pinikit-pikit ko ang mga mata. "H-Huh? Yes. It's okay." Pinilit kong ngumiti. "Wala 'yon."

"Sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Did we meet somewhere? You look familiar."

Agad na kumislot ang puso ko. Na alala niya ako! Kunyari ay nangunot ang noo ko at inalala siya.

"Ahm. Ikaw ba 'yong dentist dito sa mall?"

"Ahh! Isa ka siguro sa mga kliyente ko. Kaya pala." Tumango-tango si Alfred.

"No. Iyong kapatid ko."

"Gano'n ba? Well, it's okay. Sorry ulit ha?"

"Wala 'yon."

"Dito na ako."

Gusto ko sana sabihin na h'wag muna, pero ayaw ko namang magmukhang desperada. Kaya tumango na lang ako at gumilid. "Sige."

Naglakad na ulit si Alfred. Hindi pa muna ako umalis sa pwesto ko at pinanood siya. Hay... hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya. I promised myself na hindi ako magi-engage sa isang relasyon. Pero hindi naman siguro masama kasi crush ko lang naman siya. I decided to continue my walk and went to NBS. Pero hindi pa ako nakakalayo noong may magsalita sa likuran ko.

"Hey, wait!"

Lumingon ako agad at Nakita ko na si Alfred iyon. Nakangiti siya sa akin habang papalapit. "Yes?"

"Ahm, alam ko medyo ano. Pero pwede ko ba malaman ang pangalan mo?"

Nangunot ang noo ko. "A-Ako?"

"Yes, if that's okay with you," patanong niyang sabi. Pero bigla siyang napangiwi. "Did I creep you out?"

"Huh? No! Syempre hindi!" agad na sabi ko at bahagya pang natawa. "Nagulat lang ako. But yes, I'm Jamaica."

Inilahad niya ang kamay niya. Sandali ko iyong tiningnan at saka inabot. "Alfred." Agad niyang binitawan ang kamay ko at kumaway na. "Nice meeting you, Jamaica!"

Napangiti ako nang malapad at kumaway rin. "Nice meeting you too, Alfred!"

Magmula noong aksidente ulit kaming magkita sa mall ay palagi na niya akong binabati kapag nagkakasalubong kami. Madalas ko pa rin siyang makita sa school. Minsan nag-uusap kami, pero madalas ay naghi-hello lang siya. Tinanong ko siya kung student din ba siya sa school, pero hindi naman daw.

Habang tumatagal na palagi kong nakakausap si Alfred ay may kakaiba akong nararamdaman. I know, I promised not to fall for anyone. Pero heto ako, alam ko na may gusto na ako sa kaniya. At ang hirap pigilan dahil nararamdaman ko na parehas kami.

"Jamaica!"

Napatigil ako sa pagsubo noong may tumawag sa akin. Pagtingin ko sa gilid ko ay nataranta ako nang kaunti noong makita ko si Alfred na papalapit sa akin. Lunch time 'yon at kumakain ako mag-isa sa fast-food restaurant malapit sa school. Wala rin si Sharon para samahan ako. Naka-move on na kasi siya at may bagong boyfriend na ulit.

"Uy! Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko.

Ngumiti siya sa akin at naupo sa tapat ko. "Napadaan lang. I saw you, kaya pumasok ako para samahan ka. Nasaan ang mga kaibigan mo?"

"Wala. May kaniya-kaniyang date." Madalas kasi niya akong makasalubong na kasama sila.

"Gano'n ba? So, wala kang date?" ani Alfred. "I'll just get some food."

Napakunot ang noo ko. Pero hindi na ako nakapagsalita no'ng tumayo siya ulit at nagpunta sa counter at um-order ng pagkain niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa ginawa niya. Ayaw kong mag-assume kasi pero ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Ilang sandal pa ay muli siyang bumalik na may dala ng tray ng pagkain.

"Bakit ka bumili ng pagkain?" natatawang tanong ko.

"I decided to be your date today."

"Wow?" Lalo akong natawa. "Thank you, Mister my date!" biro ko.

Tumawa na rin siya at nag-umpisang kumain. "Pwede."

Hindi ko maiwasang mapangiti habang kumakain kami. Ito ang pinaka matagal na pag-uusap naming ni Alfred, at hindi ko maiwasang lalong kiligin sa kaniya. Kahit papaano ay masasabi kong marami akong nalaman sa kaniya. I learned that he owned the dental clinic at the mall. Regalo raw iyon sa kaniya ng parents niya noong gum-graduate siya sa college. Medyo malayo lang din ang edad niya sa akin. Mas matanda siya sa akin eight years. But who cares? Siguro mas matured naman silang karelasyon kaysa sa mga nagiging boyfriend ni Sharon. At sa tinagal-tagal na pag-uusap naming no'ng mga oras na iyon ay hindi manlang niya sinabi na may girlfriend siya. Siguro naman wala, 'no? Kasi bakit siya makikipag-date sa akin?

Ang kaso... dapat pala talaga tinanong ko sa kaniya no'ng araw na iyon kung mayroon siyang girlfriend.

We were currently in our English class, na ang nagtuturo ay si Ma'am Dianna. Normal na araw lang sana and mostly ng mga itinuro niya ay advance English na. Hindi ako makapag-focus may kakaiba akong nararamdaman. I don't know. Ang bilis ng tibok ng puso ko at feeling ko ay may mali. Parang may hindi tama.

"Guys, party at my place later, call?" yaya ni James. Nakaakbay siya sa upuan ni Rica at nasa unahan namin sila ni Sharon.

"Sure," sagot agad ni Sharon. "I'll bring my man later."

Naiikot ko ang mga mata ko. Si Samuel, naroon sa unahan. May girlfriend na rin siya at medyo lumayo na sa amin. Pero pakiramdam ko ay may communication pa rin ang dalawa.

"Ikaw, Jamaica?" tanong n ani Rica.

"Si Jamaica pa ba? Syempre, sasama 'yan," ani James.

Napangiti ako. "Oo na. Sabihin ko muna kila Daddy."

"Gross! You're already an adult. Bakit humihingi ka pa rin ng permission sa kanila?" maarteng tanong ni Sharon. Parang hindi alam na palagi kong ginagawang humingi ng permiso kay Daddy. Mas liberated na kasi sa akin si Sharon. At bilang siya lang ang narito ngayon sa Pinas ay nagagawa niya lahat ng gusto niya.

"I have too—"

Lahat kami ay natahimik at napatingin sa pinto noong biglang may kumatok. Tumingin doon si Ma'am Dianna at agad na ngumiti. Bigla akong na curious kung sino ang dumating kaya hinintay ko na bumukas ang pinto at pumasok ang bisita. And to my surprise, it was Alfred. Pakiramdam ko bigla ay bumagal ang oras ko. Tiningnan ko si Ma'am Dianna habang naglalakad papalapit kay Alfred. He was smiling too, like he knew her well.

"Ahw, ang cute naman tingnan nila Ma'am," nakangiting sabi ni Sharon.

"Bakit?"

"Boyfriend 'yan ni Ma'am. Balita ko ay high school pa lang sila ay mag-on na."

Napahugot ako ng paghinga at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. I felt like I was betrayed, pero paano? Napailing ako at sumandig sa upuan.

Bakit hindi niya sinabi sa akin na may girlfriend na pala siya? Unti-unti akong nag-init ang ulo ko. Gusto kong sumigaw at magwala, pero hindi ko mahanap ang dahilan para gawin ko 'yon. Like, duh? Wala namang kami.

"Uy, saan ka pupunta?" tanong ulit ni Sharon noong tumayo ako.

Hindi ko siya sinagot. Nakabusangot akong lumabas sa ikalawang pinto at naglakad palapit kay Ma'am. Nakatalikod sa akin si Ma'am Dianna at si Alfred naman ay nakaharap kaya agad niya akong nakita. Napansin ko pa ang gulat sa ekspresyon niya pero napalitan din iyon agad ng ngiti. Ano'ng ibig niyang sabihin?

"Ma'am, excuse me po. Can I go to the toilet?"

Lumingon sa akin si Ma'am. "Sure, Jamaica. Go ahead."

"Thank you po." Nginitian ko si Ma'am. Pasimple kong tiningnan si Alfred at kitang-kita ko ang pagkailang sa kaniya. And I want him to feel my presence. 




Chapter 4: I can't believe it!




I can't believe it! May girlfriend na siya? All those kindness, and sweetness. Lahat pala 'yon ay wala lang?! 

"Urgh!" 

Mahina kong pinalo ang sink sa banyo. And of all people, teacher ko pa talaga? Bakit ba ako masyadong nagpadala sa kaniya? Bumuga ako ng hangin. Ilang sandali kong tinitigan ang repleksyon ko sa salamin. Muli kong na alala kung paano niya tingnan at ngitian si Ma'am Dianne. 

"I hate you, Alfred!" 

I took a deep breath. Pero bakit nga ba ako umaakto nang ganito? Wala namang sinabi sa akin si Alfred, 'di ba? Wala siyang pinangako or such. He was just... kind. 

Lalo akong nanluma. Umasa ako. Umasa ako na may connection kami dahil naramdaman ko iyon. We had the connection. I felt it! Walang sinong lalake ang magtatiyagang samahan ako palagi. Walang lalake na bumabati sa akin sa tuwing nakikita niya ako. Walang nagparamdam sa akin na espesyal ako. No one but him. 

"Get yourself together, Jamaica. Umasa ka sa isang tao na wala namang kasiguraduhan. Forget! Erase! Hindi ako dapat maapektuhan. So what kung may girlfriend siya?" 

Iniling-iling ko ang ulo ko saka lumabas ng banyo. Pero bigla akong natigilan noong makita kong may nakatayo sa gilid ng pinto. And to my surprise, it was Alfred. Agad siyang tumayo nang maayos at ngumiti sa akin. 

"Jamaica." 

Inilagay ko ang aking mga kamay sa aking likuran at kinuyom iyon nang mahigpit. Gusto ko siyang sigawan. Sumbatan. I want to let out my tantrums. Pero sa anong dahilan? Anong karapatan ko para gawin iyon sa harapan niya? 

"Do I know you?" sabi ko na kunyari ay hindi ko siya kilala. Agad na nabura ang mga ngiti niya at nagtatakang tiningnan ako. 

"Jamaica. Ahm." 

"Excuse me po. I still have a class to attend—"

"Jamaica, please. What did I do?" pabulong na tanong niya. Tumingin pa siya sa paligid na para bang sinisigurado na walang nakakarinig sa amin. Napailing na lang ako at maglalakad na sana pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. 

"What are you doing?!" gulat na tanong ko. 

"Let's talk. Ayaw ko nang ganito." 

Pilit kong inagaw ang kamay ko at umatras palayo sa kaniya. "Ano'ng ganito? Wala naman tayong dapat pag-usapan. Do I even know you?" 

"Come on, Jamaica. Don't be like this. Kung ano man 'yon, I'm sorry. Pag-usapan natin." 

Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya. Wala siyang kahit na anong bahid na pagsisisi. Na lalong ikinasasama ng loob ko at yamot ko dahil bakit nga ba ako umaasa nang gano'n sa kaniya? Eh wala naman 'kami' in the first place. Umasa lang ako. 

 "Sir, hindi ba boyfriend ka ni Miss Dianne? Paano kung sabihin ko 'to sa kaniya? You are harrassing one of her students!" 

Napanganga si Alfred. "Harrassing? Jamaica naman! Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" 

"You touched me. We have CCTVs here." 

"Fine! Okay. Forget it." 

Itinaas pa niya ang mga kamay na para bang sumusuko na. Malungkot na tiningnan niya ako habang umiiling-iling. Pagkatapos ay unti-unti siyang humakbang papalayo sa akin at tumalikod. For a second ay nakaramdam ako guilt. Pakiramdam ko ay mali ang ginawa kong pagtaboy sa kaniya. Parang napasobra naman ako sa mga sinabi ko sa kaniya. But can he blame me? I was... hurt. 

'Damn!' 

Tumalikod na rin ako at nagmartsa pabalik ng room namin. All my life I swear na hindi ako magkakagusto sa kahit na sino. Mapababae man o lalake. Ayaw ko na magkaroon ako ng unriquited feelings towards anyone. Because I know that I would end up hurt. Pero heto ako. Napaasa nang lalakeng hindi ko naman pala kilala nang lubusan. Akala ko ay iba siya sa mga lalakeng mga kilala ko. Iba siya sa mga na obserbahan ko sa buhay. And I hate myself because I end up to one of their traps. 

I couldn't look at Ma'am Dianne when I was in the room again. The whole time na nagdi-discuss siya ay sa board lang ako nakatingin. Kahit noong tinawag niya ako para sumagot ay saglit ko lang siyang tiningnan. Pakiramdam ko ay nagkamali ako kay Ma'am kahit wala naman akong ginagawa sa kaniya. Siguro dahil na realize ko na may gusto pala ako sa boyfriend niya. 

Alam kaya ni Ma'am na nagkakausap kami ni Alfred? Sinabi ba ni Alfred kay Ma'am na sinamahan niya ako once sa Tagaytay para bumili ng gamit doon? Was he telling her about me? Parang hindi kasi walang nababanggit si Ma'am sa akin. Ngayon ko lang din na realize. Halos araw-araw na kung ihatid ako ni Alfred sa bahay. Lumalabas kami kapag weekends kapag na bo-bored siya. He even brought me to one of his friends house. Wala silang sinabi lahat. 

Napailing ako. Pakiramdam ko ay napaglaruan talaga ako. 

I tried my best to be civil with Ma'am Dianne. Kahit na hindi ko alam kung saan ba nanggagaling itong guilt na nararamdaman ko. Hindi ko na rin nakasama si Alfred mula noong malaman ko na girlfriend niya pala si Ma'am. Pero madalas ko pa rin siya makita na hinahatid si Ma'am at sinusundo. May isang beses pa na naghatid siya ng lunch kay Ma'am at saktong naroon din ako sa faculty room. 

"Wow! Ang sweet naman ng boyfriend ko!" kinikilig na sabi ni Ma'am Dianne. Agad itong humalik sa pisngi ni Alfred kaya napatingin ako sa papel na hawak ko. Inutusan kasi ako ni Ma'am na mag-check ng mga test papers. At kasama ko si Sunshine na ngayon ay broken hearted na.

"Thank you, Pangga. Kaso kaunti lang 'yan. Hindi ko naman inakala na may mga kasama ka pala," ani Alfred. 

Halos maiikot ko ang mga mata ko. Bakit pakiramdam ko ay nagpaparinig pa siya? Nag-init din bigla ang pakiramdam ko na para bang mayroong nakatitig sa akin. 

"Naku, sir! We're okay. Magla-lunch na rin kami ni Jamaica," magiliw pa rin na sabi ni Sunshine. 

"You know what? I should by you a lunch. At least, pa-thank you ko kasi tinutulungan niyo ang teacher niyo." 

Tahimik pa rin ako at nagpatuloy sa pagchi-check. Gusto ko nang tumayo at umalis sa lugar na ito dahil sa inis na nararamdaman ko. Pero ayaw ko namang makahalata si Ma'am Dianne. Kasi base sa pagiging casual sa akin ni Alfred ngayon ay mukhang wala nga siyang alam tungkol sa akin. 

"Ohh, that's sweet! Dapat sumama ka sa kaniya, Jamaica! You know what food we like, right?" 

Namilog ang mga mata ko at biglang napatingin kay Sunshine. "Ako? Why me?" Tumingin ako kay Ma'am at Alfred. He was shock too pero agad din iyon napalitan ng ngiti. 

"She's right, Jamaica. Sumama ka na kay Alfred. Mabait naman 'to kaya tiwala ako sa kaniya. Para sabay-sabay na rin tayong kumain," mahinhin na sabi ni Ma'am Dianne. 

"P-Pero ma'am. Bakit hindi na lang po kayo?" 

"Ahm. I can't. May ginagawa rin akong report." 

"Sige na, Jamaica. Doon pa rin. Gusto ko fresh, ha?" pangungumbinsi ni Sunshine. 

Napabuga na lang ako ng hangin at tumayo na. Dala ang handbag ako ay naglakad na ako palabas ng kwarto pagkatapos kong magpaalam kay Ma'am. Pinilit kong maglakad nang mabilis para hindi kami magkasunod. Pero naramdaman ko na lang na may humila sa bag ko kaya napatigil ako at lumingon sa likuran ko. 

"Bakit parang nagmamadali ka?" tanong ni Alfred. 

Hinatak ko ang bag ko. "Hindi ah." 

"Ang sungit mo na ah. Galit ka pa rin ba?" 

"Hindi." 

Nakarating na kami sa parking lot at agad akong sumakay sa likuran ng kotse niya. Pero muling binuksan ni Alfred ang pinto at tinitigan ako. 

"Seriously? Diyan ka uupo?" 

"Why? Gusto ko dito." 

"Doon ka sa harap." 

"Ayaw ko. Bakit ba desisyon ka?" 

"Dali na." 

I grunted. Bumaba na lang ako ng kotse para wala nang gulo. Sandali pa akong natigilan noong aksidenteng magdantay ang mga braso namin. Nalanghap ko rin ang pamilyar na pabango niya. Napalunok ako. Ilang araw ko lang siyang hingi nakita pero pakiramdam ko ay na miss ko na siya agad. 

Sumakay na ako sa unahang parte ng kotse sa tabi ng driver's seat. Sumakay na rin agad si Alfred at binuhay ang makina. Pinagkrus ko lang ang mga braso ko at pilit na hindi siya tiningnan. Pero ang bilis-bilis na nang tibok ng puso ko dahil katabi ko lang siya. Napapalunok pa ako dahil mas lalo kong nasamyo ang pabango niya. He really smelt manly with it. Natigilan ako noong bigla na lamang siyang dumukwang sa akin. Nanlaki ang mga mata ko noong mapansin ko na halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa akin. Pakiramdam ko ay bigla akong na istatwa at napatitig lang sa mga mata niya. 

"W-What are you doing?" 




Chapter 5:


"What are you doing?" gulat na gulat na tanong ko. Halos mahigit ko na ang paghinga ko dahil kaunting galaw ko lang ay magkakadikit na ang mga mukha namin— bumaba ang mga tingin ko sa labi niya— ang mga labi namin. Napalunok ako at muling tiningnan siya sa mga mata. Tahimik lang din siya na para bang tinatantya kung ano ang gagawin niya. "A-Alfred?"

Marahang bumuga nang hangin si Alfred. I could feel the tension from my seat. Alam ko na nararamdaman niya rin kung ano ang nararamdaman ko ngayon. And I hate it that I'm kind of liking the feeling. 

"I'm... Y-Your seatbelt," nahihirapang sabi niya. 

Agad akong nagbaba ng ulo at tiningnan ang sarili ko. "Hindi mo naman sinabi." Kabadong tumawa ako. "K-Kaya ko na 'to." Kinuha ko ang seatbelt gamit ang isang kamay ko. Pero napatigil ako kasi hindi pa rin gumagalaw si Alfred. Nakatitig pa rin siya sa akin na para bang may hinihintay siya. Nangunot na ang noo ko at nagtatakang tiningnan siya. "Bakit? May kailangan ka pa ba—"

"I miss you."

Muli akong natigilan. "Huh?"

Ngumiti si Alfred at naupo sa kaniyang upuan. "Let's buy your lunch."

Napakurap-kurap ako at hindi nakasagot. Sandali ko siyang tiningnan habang nagmamaneho. Seryoso na siyang nagda-drive na para bang wala ako sa tabi niya. Tumingin ako sa bintana at bahagya ko pang inusod patalikod sa kaniya ang katawan ko para hindi ko siya makita.
Ano 'yon? Malinaw kong narinig ang sinabi niya kanina. Masyado lang akong nagulat dahil hindi ko in-expect na sasabihin niyang miss niya ako. Sino ba? Gosh! Ano ang gusto niyang iparating sa sinabi niya? He missed me? Why? How? When? Fuck!

Pinaglololoko niya ba ako? He was just with his girlfriend! Na teacher ko! Tapos sasabihin niya na miss niya ako? Hindi talaga ako makapaniwala na nahulog ako sa ganitong lalake. He was a total dick! I can't believe this. Dapat ay pigilan ko ang feelings ko sa kaniya. 

Bumili kami sa restaurant na palagi naming kinakainan ni Sunshine. We brought three orders since gusto raw ni Alfred na sumabay na lang din sa amin. Pagkatapos ay bumalik na rin kami kaagad sa school. I was silent the whole drive. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Na awkward-an na rin kasi ako sa kaniya. And I don't like signals he was giving to me. Wala pa akong balak maging side chick ng kung sino man. Hinding-hindi ako sisira ng isang relasyon kagaya ng ginawa ng mama ko. 

"Bakit bigla kang tumigil?" nagtatakang tanong ko. Malapit na kami sa school pero biglang tumigil si Alfred sa gilid ng kalsada. Nakatitig lang siya sa manibela habang mahigpit ang hawak doon. 

"I just want to know something, Jamaica. Why did you become so cold at me?" 

Napaawang ang bibig ko dahil sa tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin at huminga nang malalim. "H-Hindi naman ah?"

"Bigla mo na lang ako hindi kinausap. Sa tuwing magkakasalubong tayo, ni hindi mo ako tinitingnan. Now, can't you see yourself? Kulang na lang sabihin mo sa akin na ayaw mo sa akin! Why, Jamaica? Because I hate this feeling! Para akong timang na hindi alam ang mararamdaman o gagawin kapag nandiyan ka—"

"Seriously?" I cut him off. "Sinasabi mo talaga 'yan? You're asking me why?" 

"Yes! I am! I want us to be clear to each other!" 

I scoffed and shook my head. "You are unbelievable, Alfred. Hindi natin kailangang magpaliwanagan sa isa't isa. Kasi wala namang dapat ipaliwanag, right? Sino ka ba? Sino ba ako sa 'yo? We're just acquintances!" 

I stared at him. Nakatitig lang din siya sa akin na para bang may nasabi akong hindi maganda. Tapos biglang nawala ang emosyon niya. His stares became cold and his mouth was a bit opened. Then... why am I seeing pain in his eyes? Agad akong nag-iwas ng tingin at tumingin sa labas ng bintana. Tama ba ang nakita ko? He was hurt? 

"After everything? 'Yon lang 'yon?" 

Nangunot ang noo ko. "Anong 'yon lang 'yon? Pwede ba? Don't ask me questions na para bang iniwanan kita. Why do I have a feeling na kasalanan ko pa dahil umiwas ako sa 'yo? Hindi ba dapat matuwa ka?" 

"Hindi, Jamaica! Hindi ako natutuwa dahil kung ano man ang mayroon tayo ay gusto ko 'yon. I want you—"

"As a friend?" 

Natigilan si Alfred.  Umawang ang bibig niya tapos inikom niya rin iyon. Nag-iwas siya ng tingin at sumandal sa upuan. Napailing na lamang ako at sumandig din. 

"Did my teacher know that we knew each other?" I asked. 

Matagal bago sumagot si Alfred. "No." 

Napangisi  ako. "See? And you're asking me why? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo, Alfred? You didn't even tell me na may girlfriend ka na. Tapos hindi mo pa sinasabi sa girlfriend mo na may kinikita ka pala or kaibigang babae. What are you planning to do, ha? To make me your side chick?" 

"Hindi sa gano'n Jamaica." 

"Eh ano?!" 

Huminga nang malalim si Alfred. Naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko kaya napapitlag ako at tumingin sa kaniya. 

"I'm sorry." 

"Don't be like that, please. Bakit ka nagso-sorry?" I grunted. 

"I'm just sorry." 

Napailing-iling ako. "You know what? Maglalakad na lang ako pabalik." Kinuha ko ang mga pinamili namin bumaba ng kotse. 

"Jamaica! Halika na!" narinig kong tawag niya sa akin. 

Hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang gate. Hindi ko na rin naman siya narinig na magtawag kaya hindi ko na lang inintindi. Ang kapal ng mukha niya! Was he playing with my feelings? Kung umakto siya para siyang boyfriend na hindi pinansin. I hate that he was giving me mixed signals. Hindi ba talaga niya na re-realized kung bakit ako ganito? Kung bakit ko siya iniiwasan?

"Akin na 'yan." 

Napatigil ako sa paglalakad noong biglang may humila ng dala kong paper bag. Pagtingin ko ay si Alfred iyon at na uuna nang maglakad sa akin. Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko ang kotse niya na nakaparada na sa parking lot. 

"Halika na at lalamig na 'tong pagkain natin." 

Muli akong napatingin sa kaniya. Naguguluhan pa rin ako pero sumunod ako sa kaniya. Hanggang sa makarating kami ulit sa faculty at kumain na ay hindi na ako nagsalita. Gano'n din naman si Alfred. Halos hindi na nga niya ako tingnan dahil busy siya sa pakikipag-usap kay Ma'am at Sunshine. Kanina lang ay pinipilit niya akong mag-usap kami. Tapos ngayon ay parang naging ibang tao na siya. Did he finally realized what I meant? Pero bakit parang ako naman ang nasasaktan ngayon? Pero siguro ay maigi na 'yon. Meeting him in the first place was not right. I shouldn't expected more. 

Gabi na noong nakauwi ako dahil nagyaya pa si Sunshine na pumunta kami sa unit niya. Sinamahan ko na siyang magluksa dahil sa break-up niya. Halos wala rin namang pinagkaiba sa nararamdaman ko ngayon. 

"No! I can't live with you anymore!" 

Napatingin ako sa loob ng bahay namin noong marinig ko ang sigaw ni Mommy. Nagmamadali akong pumasok ng gate dahil bigla akong kinabahan. 

"Please, Mariel! Let's talk! Hindi ko sinasadya!" 

"Anong hindi sinasadya? Hindi mo sinasadya na pinasok mo 'yang titi mo sa nakabukang kipay ng babaeng 'yon?!" 

Napanganga ako sa narinig kong sinabi ni Mommy. Agad kong binuksan ang pinto at nakita kong magulo ang sala. Nasa may hagdan sila Papa at may dalang bag si Mommy. Basang-basa na ang mukha nilang dalawa dahil sa mga luha. Nakita ko rin si Clarisse sa dulo ng hagdan at humahagulhol. 

"What is going on here?" 

Sabay na napatingin sa akin si Papa at Mommy. Parehas pa silang nagulat kaya agad na nagpunas ng mukha. Napalunok na ako dahil pakiramdam ko ay may bumabara na sa lalamunan ko. This feeling. I know this feeling. 

"M-Mommy?" 

"J-Jamaica, anak." Lumapit sa akin si Mommy. "I'm sorry. Kailangan ko muna umalis, ha? Magpapalamig lang ako, promise." 

Napanganga ako. Akma niya akong hahawakan pero agad akong umatras. "No! Aalis ka? Bakit? Ano'ng nangyari?" Tumingin ako kay Papa. "Papa? Hindi mo pipigilan si Mommy?" 

"Anak. Saglit lang," garalgal ang boses na sabi ni Mommy. "I-I just can't stay here tonight. I'm so sorry. Sana maintindihan mo—"

"No!" I screamed. Agad na nangilid ang mga luha ko. "A-Aalis ka? Iiwan mo kami? Tapos hindi ka na babalik kagaya ni Mama? Y-You promised us na hindi ka aalis kagaya ni Mama!" 

"Anak, hindi mo naiintindihan—"

"No!" Umatras pa ako ulit. Napahagulhol ako. "Parehas ka lang sa kaniya! Iiwan mo rin kami!" 

"Jamaica— Jamaica!" 

Nagmamadali akong lumabas ng bahay. My eyes were blurry. My throat was hardened and my chest was throbbing.  Paano nagawa sa amin 'to ni Mommy? I thought she was different! I thought she will never leave us too as Mama did. Pero wala pala siyang pinagkaiba kay Mama! I hate her! I hate them! I hate everyone! 

I run and run. Hindi ko na alam kung nasaan na ako. Tumakbo ako hanggang sa makarating na ako sa labas ng subdivision. Tumakbo ako at pilit na kinakalimutan ang sakit na nararamdaman ko. I hate them! I hate all of—

Napatigil ako sa pagtakbo noong bigla akong nakarinig ako nang malakas na busina. Doon ko na realize na nasa gitna na pala ako ng kalsada at may papalapit na kotse sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko ay bigla akong na estatwa. I wanted to screamed. I wanted to run. I kept on shouting in my head to move. But then all I did was just stand and stare at the light coming to me. So, I just waited to feel the hard thing hit my body. Siguro mas maigi na 'yong ganito. Kapag siguro mawala na ako ay makakalimutan ko na ang sakit. 

I closed my eyes and waited. 






Chapter 6: Ten years old...




Ten years old pa lang ako noong umalis si Mama sa amin para sumama sa ibang lalake. Iniwan niya kami kay Papa dahil hindi na raw niya kayang makasama ito. We begged. Papa begged for us. Pero sinabi lang ni Mama na kung gusto namin sumama ay isasama niya kami. Pero mas nanaig na ang galit ko sa kaniya. 

Wala pang isang taon noong malaman ko na may bagong girlfriend si Papa. Si Mommy Mariel. She became the mother I never had. Though, nagtataka ako kung sino siya. But later on ay nakapalagayan ko siya ng loob. She was the mother I never had. She was too kind to us. She gave us everything we needed and the love that our own mother couldn't gave us. 

Pero ngayon? Pakiramdam ko ay nagkamali ako. Akala ko iba siya sa mama ko. Akala ko ay finally magkakaroon na kami ng buong pamilya. Pero mali pala ako. Parehas lang siya sa mama ko. Iiwan niya lang din pala kami. 

"Miss! Are you okay?!" 

Napasinghap ako noong may marinig akong pamilyar na boses. Sumisinghot-singhot pa ako habang unti-unting nag-aangat ng ulo. Hindi ako nabunggo? 

"Jamaica? Is that you?" 

Agad kong tiningnan ang lalakeng nagsasalita. Nanlaki ang mga mata ko noong makita ko si Alfred. Tiningnan ko ang kotse na nasa gilid ko. Napapikit pa ako dahil bukas ang ilaw niyon. Siya iyong muntik na makasagasa sa akin. 

Naiawang ko ang aking bibig. Gusto kong sabihin sa kaniya na ayos lang ako. Na walang masakit sa akin pero hindi ko magawa. Parang bigla akong naputulan ng dila at naubusan ng boses. Humikbi-hikbi na lang ako at muling napahagulhol. Tinakip ko ang mga kamay ko sa aking mukha at doon umiyak. 

"W-What happened to you?" nag-aalalang tanong ni Alfred. Hinawakan na niya ako sa braso. "Let's go." 

I know, hindi ako dapat sumama sa kaniya. Hindi ko dapat siya pansinin. Pero hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Ayaw kong umuwi sa bahay para malang malaman na wala na akong uuwiang pamilya. Wala na si Mommy. Ang sakit! Bakit ba palagi kaming iniiwan? 

Tinulungan ako ni Alfred na makaupo sa loob ng kotse at inayos din ang seatbelt ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko lamang na umandar na ang kotse. Tahimik akong umiiyak habang nakatitig sa unahan. I couldn't explain how hurt I am right now. 

"You can tell me what is it. Kung okay lang sa 'yo?" 

Napasinghot ako at tiningnan siya. "P-Pwede bang sa inyo muna ako? Kakausapin ko na lang si Ma'am Dianne? I-I don't know where I'm going right now." Muli akong napahagulhol. 

"Ha? Ahm. W-Wala si Dianne sa bahay. Hindi ba niya na announce kanina sa inyo?" 

Napaisip ako. Oo nga pala. May seminar sa Baguio ang mga teacher. Four days silang mawawala kaya marami ring naiwang activity sa amin. Bigla akong nanlumo. Hindi ako pwedeng pumunta kila Sunshine or kahit na sinong kilala ko na kilala ni Papa. Sigurado akong hinahanap niya ako ngayon. 

"O-Okay." Pinunasan ko ang mga luha ko. "Paki baba na lang ako sa gilid." 

"Pero sabi mo wala kang mapupuntahan ngayon? Ano ba ang nangyari? Lumayas ka ba sa inyo? Pinalayas ka?" tanong niya. 

Huminga ako nang malalim. "B-Basta. Paki tigil na lang ang kotse." 

"No! I can't leave you here alone. Baka kung ano pa ang mangyari sa 'yo." 

"Eh hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh! Bakit ba ang kulit mo?! Bakit ba hindi mo na lang ako hayaan?!" sigaw ko na. Hinawakan ko ang buksanan ng pinto at pilit iyong itinulak. "Buksan mo 'to!" 

"Fine! Pero hindi. Doon na tayo sa bahay," mahinahong sabi ni Alfred. 

Napapikit ako nang mariin. Ilang sandali pa akong kumapit bago muling sumandal ulit. My mind was blurry. Wala na akong pakealam kung saan man ako mapunta ngayon. I just want to dissappear away from my parents. Kung gusto nilang umalis ay umalis silang lahat. Iwanan na lang nila ako. 

Tumigil sa loob ng parking lot ng isang building ang kotse ni Alfred. Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa sumakay kami ng elevator at muling lumabas. Hindi rin naman siya nagsasalita at inaalalayan lang ako maglakad. Pumasok kami sa isang bahay at pinaupo niya ako sa mini sala. Kinalma ko na ang sarili ko at tiningnan ang paligid. Sandali akong nalibang noong makita ko ang mga picture ni Ma'am Dianne na nakasabit sa pader. May ilan na kasama niya si Alfred at sobrang sweet nilang tingnan. Napangiti ako. 

"Buti pa kayo," mahinang sabi ko. 

"What?" 

Nilingon ko si Alfred na nasa kusina nila. Kumuha siya ng malamig na tubig at nagsalin sa isang baso. Pagkatapos ay lumapit sa akin at inabot ang bago. Kinuha ko naman iyon at uminom nang kaunti. Napabuga pa ako ng hangin dahil pakiramdam ko ay nakaramdam ako nang kaginhawaan dahil doon. 

"Thank you."

"Do you want to eat? Are you hungry?" 

Umiling ako. "I'm fine." 

"Are you sure?" 

"Yes, Alfred. I'm okay. Thank you. Aalis din ako mamaya." 

Naupo si Alfred sa pang isahang upuan. "Where are you going? At ano ba ang nangyari sa 'yo? Bakit ka umiiyak? Kanina ay muktik pa kitang masagasaan. Are you okay?" 

"Mukha ba akong okay? I'm not, right?" Pinikit ko ang aking mga mata at muling bumuga ng hangin. Nangilid na ulit ang mga luha ko. "P-Please. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga tanong mo right now. I-I—" Naramdaman ko na lamang na may yumakap sa akin. Hindi ako kumilos o itinulak si Alfred. Bagkus ay niyakap ko rin siya. Doon ay muli akong umiyak. 

I don't know. Sobrang nakakagaan ng pakiramdam ang yakap ni Alfred. Marahan niya pang hinahagod ang likod ko na para bang inaalo ako. Paulit-ulit niyang sinasabi na sorry at it's okay. Bigla ay pakiramdam ko nakaramdam ako nang kakampi. Mabuti pa siya, kahit hindi ko hiniling ay nasa tabi ko ngayon. Mabuti pa siya, kahit na hindi ko naman kailangan ay kasama ako. Pero bakit sila ay palagi akong iniiwan? Bakit? 

Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon hanggang sa kumalma na ako. Kumalam na rin ang sikmura ko kaya nagluto si Alfred ng pagkain namin. Hindi pa rin daw kasi siya kumakain dahil hinatid niya pala sa bus station si Ma'am. He was simply cooking a fried chicken for us. Tapos um-order din siya ng pizza at fries para may makain pa kami mamaya. 

"Gaano na kayo katagal ni Ma'am?" tanong ko. Kumakain na kami sa dinning area. Hindi ko maiwasang matitigan ulit ang mga pictures nila ni Ma'am. They looked so in love. 

"Thirteen?" 

"Thirteen? Patanong talaga?"

Natawa si Alfred. "Sorry. Since third year high school kasi ay magkarelasyon na kami." 

"Oh, tapos nagsasama na kayo?" 

Umiling si Alfred. "Ahm, medyo. Oo na hindi. Kasi tuwing weekdays, dito siya natutulog. Pero kapag weekends ay nauwi rin siya sa kanila. Masyado kasing strict ang parents ni Dianne. Pumayag lang sila na dito siya matulog kapag weekdays kasi nga no choice na. Ito ang malapit sa school." 

Napatango-tango ako. "Ang tagal niyo na pala, 'no? Siguro mahal na mahal mo si Ma'am?" Ngumiti lang sa akin si Alfred at hindi sumagot. Kaya naman ay napakunot ako ng noo. Pero hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa pagkain. 

Pagkatapos namin ay lumipat kami sa sala. Nauna akong naupo sa sofa habang si Alfred naman ay inihanda ang mga in-order niyang pagkain kanina. 

"Beer?" 

Sandali akong napaisip. "Okay." Hindi naman masama kung iinom ako ngayon ng beer. And I don't care. 

Muling umalis si Alfred sa sala at bumalik sa kusina. Bumalik na ito na may dalang beer at inilapad iyon sa lamesa. Agad kong kinuha ang isang bote at ininom. 

"Whoa! Relax, woman! Marami pa 'yan sa ref," natatawang sabi ni Alfred. 

Hindi ko siya pinansin at ininom ang alak hanggang sa makaramdam na ako ng init sa lalamunan. Napaubo-ubo ako at huminga nang malalim. 

"That was good." 

Naupo sa tabi ko si Alfred. "Beer lang pala ang magpapangiti sa 'yo. Dapat sinabi mo sa akin kanina pa." 

"Ha?" Nagtatakang tiningnan ko siya. Natigilan ako noong makita kong nakatitig siya sa labi ko. "Hindi naman," natatawang sabi ko. Muli akong uminom. "Salamat." 

"For what?" Uminom na rin si Alfred. 

"Ito. I need this." 

"Well, care to tell me the story behind your tears?" 

"Ang deep naman no'n," biro ko. Muli akong sumersyoso at tumitig sa boteng hawak ko. "My... My stepmom is leaving us. Hindi ko alam kung ano ang problema nila. But I think dad is cheating." Napailing-iling ako. "Pero hindi ko alam kung bakit mas nasasaktan pa ako kasi aalis si Mommy." Muling gumaralgal ang boses ko. 

"Stepmom? Where's your real mom?" 

"She left us too. Parehas lang sila. I thought magkaiba sila pero mali ako." Muli akong uminom. "Hindi ba dapat pag-usapan nila 'yon?"

"I can't blame your stepmom." 

"I know. Pero bakit ang sakit?" 

Narinig kong huminga nang malalim si Alfred. Hindi niya ako sinagot. Siguro mahirap ngang sagutin dahil kahit ako ay hindi ko alam ang kasagutan. I know, kung tama ngang nag-cheat si Papa, bakit hindi muna nila pag-usapan? At hindi ba kami na isip ni Mommy? Ni hindi niya ba naisip na nasasaktan din kami? Ang sakit isipin na maiiwan na naman kami. 

Lumipas ang ilang oras ay nakarami na kami ng alak. Halos maubos na ang pizza at french fries na binili ni Alfred. Bukas na rin ang tv pero wala akong maintindihan sa palabas na pinapalabas ni Alfred. Patuloy kami sa pagkukwentuhan kaya kahit papaano ay nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko. 

"You're really funny, Alfred!" natatawang sabi ko. Nakapatong na ang mga paa ko sa kaniya at mahigpit din niya iyong hinahawakan. Halos kayakap ko na ang bote ng beer habang titig na titig sa mukha niya. Lumingon siya sa akin. 

"That's what I do." 

Uminom ako ng alak. "So, tell me more about it." 

"Let's stop talking about it. Why don't you start telling me something about you." 

"Eh nasabi ko na naman sa 'yo. Tsaka wala namang special sa buhay ko. Walang nakakatawa." Aalis sana ako sa pwesto ko pero hinila ni Alfred ang paa ko. "Nangangalay na ako," reklamo ko. Natili ako nang kaunti noong bigla akong binuhat ni Alfred at inusod sa may arm rest ng sofa. Mas dumikit pa siya sa akin kaya medyo naging maayos na ang pwesto ko. 

"Better?" 

Ngumiti ako. "Better." 

"Why don't you tell me kung bakit bigla ka na lang umiwas sa akin?" 

Tumawa ako. "Because you're a jerk, Alfred. Bakit hindi mo sinabi sa akin na may girlfriend ka pala? At teacher ko pa!" 

"Hindi ko rin naman alam na estyudante ka niya." 

"So kung hindi ako estyudante ni Ma'am ay hindi mo pa rin sasabihin?" 

Tumawa si Alfred. "Hindi sa gano'n. Iba ka kasi Jamaica. You make me happy." 

Napanguso ako. Inalis ko na nang tuluyan ang mga paa ko sa kaniya at naupo nang maayos. Pero magkadikit pa rin kaming dalawa dahil nakapatong ang kamay niya sa upuan na para bang nakaakbay na sa akin. 

"Siguro parehas sa 'yo si Papa. Bakit ganyan kayo? Siguro kaya umaalis sila Mama. Tapos kami ang maapektuhan. Mawawalan ng buong pamilya—"

"Whoa! Relax! Hindi naman siguro sa gano'n." Sandaling tumigil si Alfred. "Kami kasi ni Dianne, hindi ko alam. Wala akong kasiguraduhan. Hindi ako ang priority niya." 

I smirked. "What do you mean by that?" 

"I thought I can wait, Jamaica. I've been waiting for her. Dalawang beses na akong nag-propose sa kaniya pero palagi niyang ni re-reject. Sabi niya hindi pa time. So, I wait. I love her. Nasanay ako sa ganitong set-up. Uuwi siya sa akin tapos babalik sa kanila. Parang 'yon na rin nagiging date namin. Halos wala pa nga ring pinagkaiba kasi hindi ko naman siya malambing. Masyado siyang busy sa trabaho niya." 

"Bakit ikaw? Hindi ba?" 

"That's why I asked my parents to help me set up a dentist clinic. Para mas maraming time kami sa isa't isa. Ayaw ko nang kagaya sa parents ko na special occasions lang din nagkikita. They are doctors." 

"Then why stay? Ilang taon na kayo ulit?" 

"Thirteen." 

"Ang tagal na." 

"Because I love her. Sa kaniya ko nakikita ang future ko noon. Pero ngayon... I don't know. Iba pala kapag ganito, nakakasama mo ang babaeng mahal mo." 

Bigla siyang tumitig sa akin. Napakura-kurap din ako at biglang nakaramdam ng init sa paligid. Gusto kong iiwas ang mga mata ko pero para akong napako sa kaniya. His eyes were looking deep inside me. Nangungusap iyon at para namumungay. 

This was wrong, I know. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? I felt like we were just the same. Longing for something that we couldn't have. Because everyone was unfair to us, we were both sad and were looking for love. Maybe this was wrong. But why does it feel right? 

Napapikit na lamang ako at hindi siya pinigilan noong bigla niya akong siniil ng halik sa labi. 









Chapter 7: Napaungol ako...



Napaungol ako at nasapo ko ang aking ulo. Ang bigat ng ulo ko na para bang binibiyak iyon. Pakiramdam ko rin ay nanlalanta ako at halos hindi ko maigalaw ang katawan ko. 

What happened?

Pilit kong ginalaw ang katawan ko at tumagilid. Bigla akong nakaramdam ng kaunting kirot sa ibaba ko na lalong nagpadagdag ng sama ng pakiramdam ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Huminga ako nang malalim at pinilit na muling matulog. Ngunit unti-unti namang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kagabi. Magmula roon sa na abutan ko si Mommy na paalis ng bahay. Hanggang sa kasama ko na si Alfred sa loob ng bahay nila. 

I immediately opened my eyes and saw the picture frame of Ma'am Dianne at the bedside table near me. Naiawang ko ang aking bibig at agad na napaupo. My heart was throbbing as I came to a realization that something had happened to me and Alfred last night. Napatili ako bigla at niyakap ang sarili ko. 

"N-No! No! Ang tanga mo, Jamaica! What did you do?! No!" pagalit na sabi ko habang inililibot ang paningin sa paligid. Nasa kwarto ako nila Ma'am, and I am naked! Lalo akong napatili at umiling-iling. Ipinikit ko ang mga mata ko at isinubsob sa mga hita ko. This can't be happening!

"Jamaica?" Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Alfred. "What happened? Are you okay? May masakit ba sa 'yo?" 

Nag-angat ako ng ulo at sinalubong ako nang nag-aalalang mukha ni Alfred. Nakaupo na siya sa tabi ko at akma akong hahawakan. Pero agad akong umatras at pinalo siya ng unan na nahawakan ko. 

"How dare you?! Ni-rape mo ako!" 

Nanlaki ang mga mata ni Alfred. "What? Are you still drunk, Jamaica?!" gulat na tanong nito. 

Nagmamadaling ibinalot ko ang sarili ko sa kumot at tumayo ng kama. Panay ang iling ko habang humikhikbi. I need to get out of here! Hindi pwede ito! 

"Calm down." 

"Where're my clothes?" 

"Jamaica." 

Lumabas ako ng kwarto at doon ko nakita ang mga damit ko na maayos na nakatupi sa upuan. Agad ko iyong kinuha at pabalik na sana ng kwarto pero nakaharang si Alfred sa may pinto. 

"What?" 

"Can we talk first?" 

"Ano'ng pag-uusapan natin?" 

"Us. What happened last night?" 

Napakurap-kurap ako. Humigpit ang hawak ko sa kumot at napalunok ako ng laway. Nag-iwas ako ng tingin. "I want to go home. Just let me change my clothes first." 

Hinawakan na ako ni Alfred sa mga braso. "Jamaica, please—"

"Ano ba, Alfred?!" Itinulak ko siya gamit ang isa kong kamay. "Can't you see I'm panicking?! Kung ano man ang nangyari kagabi ay tapos na 'yon! Lasing tayo parehas kaya given na 'yon, okay? H'wag kang mag-alala. Kung iniisip mo na hahabulin kita ay hindi ko 'yon gagawain." 

"Hindi naman 'yan ang gusto kong pag-usapan eh." 

Nakakunot ang noo na tiningnan ko siya. "Eh ano? Are you worried na sisirain ko ang relasyon niyo? Don't worry! Hindi ako gano'ng babae! Kaya please? Let me through!" 

Huminga nang malalim si Alfred. Napahilamos siya at dahan-dahang gumilid. "Okay. I will wait for you here." 

Hindi na ako nagsalita pa at nagmamadaling pumasok ng kwarto. Agad ko iyong ni-lock at bigla na lamang napahagulhol. Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko! Bakit ko nagawa 'yon? Yes, I have a feelings for him. Pero boyfriend siya ng teacher ko! Napatingin ako sa picture frame ni Ma'am Dianne at lalo akong kinain ng konsensya ko. 

God! I'm a whore!

Kung pwede lang ay lamunin na ako ng lupa ngayon ay magpapalamon ako. Ano na lang ang mukhang maihaharap ko kay Ma'am ngayon? She was out there and expecting her boyfriend being faithful to her. Pero heto at may nangyari pa sa amin. 

"Ang tanga ko!" I grunted more. 

Pinunasan ko ang mga luha ko at nagmamadali nang magbihis. Sari-sari ang pumapasok sa isipan ko habang iniisip ang mga nangyari. Dahil lang sa sobrang lungkot ko kahapon ay nagawa ko na iyon. Ano pang pinagkaiba ko kay Mama?

Noong matapos akong magbihis ay hindi ko na inintindi pa ang hitsura ko. Lumabas na ako ng kwarto at papunta na sana sa pinto pero naramdaman kong may pumigil sa akin. Agad kong tiningnan si Alfred at sinubukang itulak. 

"Ano ba?!" 

"Let's talk!" may riing sabi niya. 

"Wala nga tayong pag-uusapan eh! I told you let's forget about it! It's just a sex!" 

Napanganga si Alfred. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya pero hindi niya pa rin ako binitawan. "It's just a sex? Seriously?" patanong niyang sabi. 

"Yes! Kaya hayaan mo na ako umuwi at h'wag na h'wag ka na ulit lalapit sa akin!" 

"You're a virgin, Jamaica! Hindi ka kagaya ng ibang babae diyan and you are telling me to forget about it because it was just a sex? Sabihin mo. Okay lang ba talaga sa 'yo 'yon?" 

Natigilan ako sa tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin at agad na nangilid ang mga luha. Yes. I was a virgin. Wala pa akong experience sa sex kahit na madalas kami sa club. Kasi nga wala naman akong balak na ibigay ang sarili ko kahit na kanino. And that includes my body. 

"Fine. Ano ba ang gusto mong marinig?" Hinila ko ang kamay ko. Binitawan naman niya iyon kaya tumayo ako nang maayos. 

"Let's talk about us. Kasi kung sa 'yo ay okay lang. Sa akin ay hindi. I want to be responsible, Jamaica." 

Napaismid ako. "Responsible? Hindi naman ako mabubuntis agad ah! Ano ba 'yang mga sinasabi mo?" 

"Hindi sa gano'n, Jamaica. May nangyari sa atin at hindi ko kayang hayaan ka lang." 

"My God, Alfred! Can't you just be straightforward? Bakit? Ano ang gagawin mo? Pakakasalan mo ako agad?" 

"If I need to." 

Napanganga ako. "Nagpapatawa ka ba?! Try mo ngang ilibot ang mga mata mo sa bahay mo! Tadtad ng mukha ng girlfriend mo!" 

"Jamaica—"

"No! I don't want to be responsible for other girls' heartache! Kalimutan na lang natin ang mga nangyari, please?"

"I can't, Jamaica. Sincere ako sa mga sinabi ko sa 'yo kagabi. And all those touch. All those kiss. Wala ka bang naramdaman, ha?" 

Napapikit ako nang mariin. Tumalikod ako sa kaniya at bumuga ng hangin. Bakit ba ganito ang nangyayari? I promised myself na never akong papasok sa isang relasyon. Never kong gagawin na manira ng isang relasyon. Pero ano 'to, Jamaica? Hindi ko naman maikakaila na may naramdaman ako kagabi. Lahat iyon ay na aalala ko. His kiss to my lips. His touch to my body. Lahat ng iyon ay ramdam ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko. Pero mali ito. Hindi ko kaya na saktan si Ma'am Dianne. 

Umiling-iling ako. Muli ko siyang hinarap. "I'm sorry, Alfred. I can't. Just respect my decision, please," malungkot na sabi ko. "K-Kung ano man ang nangyari kagabi. Let's forget about it. We're just drunk, okay? You don't need to be responsible for me." 

"No." 

"Ano ba, Alfred? Bakit ang kulit mo?" 

"I can't, Jamaica! I have feelings for you already! I like you!" 

Natigilan ako. His eyes were already teary and begging at me. I could see the sencerity in his eyes kaya bigla akong nalito. What was he trying to do? Hindi ba dapat tinataboy na niya ako kasi nga may nangyari sa amin? Dapat ay nakikiusap na siya sa akin na h'wag ko siyang guguluhin. O h'wag sasabihin kay Ma'am Dianne ang totoo. Pero bakit ganito? 

"Tell me you don't like me too and I will forget it. Look me in the eyes." 

Napalunok ako. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil alam kong tatraydurin ako ng sarili kong emosyon. Umiling-iling ako at akma nang tatalikod pero pinigilan ako ni Alfred. Hinawakan niya ang magkabilang mga braso ako at pilit iniharap sa kaniya. 

"Tell me now, Jamaica. Tell me na mali 'yong mga naramdaman ko kagabi. Na nagpapanggap ka lang. Na umasa lang ako na parehas tayo ng nararamdaman. Sabihin mong mali ako at hindi mo rin ako gusto." 

"Alfred—"

"Please." 

Napapikit ako nang mariin. Huminga ako nang malalim at noong muli akong dumilat ay nakasalubong ko na ang mga mata niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at para bang mauubusan ako ng hangin sa dibdib. He was almost crying and was really looking forward for my answer. Agad na nanlambot ang mga tuhod ko at napakapit ako sa dibdib niya. Nangilid na rin ang mga luha ko at sandaling nag-iwas ng tingin. 

"I-I... This is wrong, Alfred." Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko pero agad niya iyong pinunasan. 

"Ssh. Just tell me and let's decide later. I promise, hindi na kita kukulitin basta makita ko lang ang totoo." 

Napasinghot-singhot ako. "I-I... I... I like you too, Alfred. Kaya ako nagalit sa 'yo noon nung malaman ko na may girlfriend. It hurts me seeing how you care and look so in love with other woman. Umasa ako, Alfred. Umasa ako na parehas tayo ng nararamdaman." Tumungo ako at pinunasan ang mga luha ko. "But this is wrong—"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan ulit. Nanlaki ang mga mata ko at biglang nanigas. Humigpit ang kapit ko sa dibdib niya at hindi gumalaw. Ilang sandali kami sa ganoong posisyon hanggang sa kusa na siyang bumitaw. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko at nalilitong tiningnan siya. 

Ngumiti si Alfred. "That's the only thing I needed to hear from you, Jamaica." 

"B-But..." 

"I know, and I've made my decision. I will break up with her." 







Chapter 8: Ilang araw na...



Ilang araw na ang nakalipas magmula noong may nangyari sa amin ni Alfred. I know I was I fool, but that one time had a second time, third time, fourth—until I couldn't count anymore. Nagkaroon kami ng relasyon ni Alfred. Parehas kami ng nararamdaman sa isa't isa. Kaya naman ay pumayag na ako. Sa kaniya ko rin naman ito unang naranasan iyon. Siya ang naging una ko sa lahat. 

Alam kong mali dahil sila pa rin ni Ma'am. Pero nangako siya sa akin na hihiwalayan niya si Ma'am. Kaya wala akong sinasabihan ngayon kahit na ang mga kaibigan ko. Pinilit kong maging casual kay Ma'am Dianne kahit na madalas ay na iinis at nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong sweet sila ni Alfred. Napu-frustrate na rin ako dahil magi-isang buwan na pero wala pa ring sinasabi si Alfred.

And I hate the feeling na pakiramdam ko ay tinatago ako.

Si Mommy naman ay hindi na umalis sa bahay. Nalaman ko na nag-cheat pala si Papa at nahuli ni Mommy. Nag-sorry siya kay Mommy saka sa amin, at nag-promise na hindi na raw mauulit. Andito pa rin 'yong takot pero nangako rin si Mommy na hindi na niya ulit gagawin iyon. Na aalis siya sa amin. 

"That's it. Class, dismissed," ani Ma'am Dianne. Agad kaming nagsipag-ayos ng mga gamit namin. "By the way, malapit na matapos ang sem niyo. Nakahanda na ba ang mga ideas niyo para sa thesis niyo?"

Natigilan ako, wala pa kamig napag-uusapan ng mga kagrupo ko. Masyo din kasi akong naging focus kay Alfred. 

"I see na wala pa. Bukas ay pag-uusapan natin 'yan," ani Ma'am noong walang tumugon sa amin.

"Excuse me. Pwede ko na bang maabala ang maganda niyong teacher?" 

Lahat kami ay napatingin sa may pinto noong biglang may kumatok at nagsalita. Agad na nangunot ang noo ko noong makita ko ang nakangiting mukha ni Alfred. Nakangiti at puno nang pagmamahal na nakatitig kay Ma'am Dianne. Halos umusok na ang ilong ko dahil sa nakita ko. Ano'ng ibig niyang sabihin ro'n?

Agad na humuni ang mga kaklase ko na para bang kinikilig. Lahat sila ay nakangiti at para bang tuwang-tuwa. Pero ako? Gusto kong dukuting isa-isa ang mga mata nila at taihin ang bibig nila. Ang ingay!

"Uy, sandali!" 

Hindi ko pinansin si Sunshine. Bago pa makasagot si Ma'am ay kinuha ko ang bag ko at nagmartsa palabas ng room. Doon ako sa unahan dumaan para masiguro ko na makikita ako ni Alfred. 

"Bye, ma'am," nakangiting paalam ko kay Ma'am. 

"Bye, Jamaica."

Dere-deretso akong naglakad papalapit sa may pinto. Naroon pa rin si Alfred at nakita kong nakatitig na rin siya sa akin. Pero wala manlang siyang emosyon habang nakatingin sa akin. Kung tumingin siya sa akin ay parang hindi niya ako kasama kagabi. Lalong nadagdagan ang init ng ulo ko kaya aksidenteng na bunggo ko siya. I heard him said sorry, but I didn't mind looking back at him. 

Naiinip na ako. Hindi ko na gusto nang ganito lang kami. Ayaw ko yung patago kaming nagkikita. 'Yong bang may takot na baka palaging may makakita sa amin. Yes, we're dating. Pero madalas ay in door. Ni hindi ko nga siya mai-post sa social media ko eh. Gusto ko naman maramdamang ipinagyayabang niya ako. Or siya, gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na akin siya. 

Papunta na kami ng mall noong makita ko ang text ni Alfred. Naiikot ko agad ang mga mata ko noong mabasa kong gusto niya akong makita. Parang kanina lang ay parang hindi niya ako kilala. Tapos ngayon gusto niya akong makita?

"What happened to you?" 

"Huh?" Napatingin ako kay Sunshine. Nakatitig pala siya sa akin at para bang ino-obserbahan ako. "What?" 

"Sinong ka-text mo?" 

"Wala. Wrong send." 

"Wrong send? Meron pa ba no'n ngayon?" Napailing-iling siya. "Akala ko may kaaway ka na eh. Kanina ka pa mukhang bad mood. Nag-away kayo ng boyfriend mo?" 

Nanlaki ang mga mata ko. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya. "Ano'ng boyfriend? Wala akong boyfriend ah!" 

Tumigil din si Suunshine at nakalolokong ngumiti sa akin. Itinuro-turo niya pa ang hintuturo niya sa akin. "Ikaw ha? Akala mo ba hindi ko napapansin? Matagal ko nang na aamoy na may lalake ka na. Sino 'yon, ha? Taga-rito din ba sa school? Ano'ng pangalan niya? Nagwo-work na ba? Malaki ba ang sweldo? Galing ba sa mayamang pamilya? May car ba?" 

Halos mapanganga ako sa sunod-sunod na tanong ni Sunshiine. Hindi ko alam saan niya nakuha ang ideyang ito. Pero kahit na totoo ay wala akong balak na sabihin sa kaniya na may relasyon kami ni Alfred. At kung minamalas pa nga, I saw Alfred approaching us. 

"Hey, girls! May pupuntahan kayo?" 

Agad akong tumalikod sa kaniya at bumuga ng hangin. Si Sunshine naman ay tumingin kay Alfred at kumaway. 

"Sir Alfred! Papunta kami sa mall, actually. Nakausap mo na si Ma'am?" 

"Yes. May hinatid lang naman ako ng kailangan niya. Sabay na kayo sa akin? Papunta rin ako sa clinic ko eh." 

"Shine, 'di ba may dadaanan pa tayo?" sabat ko sa kanila. 

Nangunot ang noo ni Sunshine. "Saan?" 

Napangiwi ako. Gusto ko siyang batukan kasi hindi na lang siya umuoo. Pasimple kong sinilip si Alfred at nakita kong nakangisi siya habang nakatingin sa akin. Napailing na lang ako. 

"Wala. Ako lang pala. Sige na. Hindi na ata kita masasamahan," ani ko. 

"Huh? Akala ko ba may bibilhin tayo sa mall?" nagtataka pa ring tanong ni Sunshine. 

"Saan ba 'yon? Ihatid ko na kayo. Pa-thank you ko na rin dahil palagi niyong tinutulungan si Dianne." 

Naiikot ko ang mga mata ko. Talagang sinabi niya pa 'yon sa harapan ko? Hinarap ko siya at pinilit na ngumiti. 

"I'm good, sir. Salamat sa offer." 

"Jamaica, naman. Sabay tayo kay sir. Para hindi na tayo mag-taxi," pigil ni Sunshine. 

"Ikaw na lang kung gusto mo, okay?" 

"Ang sungit naman nito." Lumabi pa si Sunshine. 

"Okay, ihahatid ko na lang kayo pauwi. What do you think?"

"Yes! Yes na kami!" 

"Ano—"

Wala na akong nagawa pa noong bigla akong hinila. Narinig ko pang natawa si Alfred kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pagkarating namin sa parking lot ay inunahan ko si Sunshine na maupo sa likuran kaya siya ang katabi ni Alfred sa unahan. Doon din ako pumwesto sa likuran ni Alfred para hindi ko siya makita. Ayaw ko siyang makita. Maya-maya pa ay biglang nag-vibrate ang cellphone koo. It was Alfred. Una niya raw ihahatid si Sunshine.

Sandali ko siyang tiningnan sa rear-view mirror. Natigilan pa ako kasi nakita kong nakatitig pala siya sa akin. Inirapan ko lang siya at umayos ng upo. Tahimik ako sa buong byahe namin. Habang sina Sunshine at Alfred ay panay ang pag-uusap. Hindi ko magawang sumali sa kanila dahil na iinis pa rin ako kay Alfred. 

"Dito na ako, sir. Salamat!" Tumingin sa akin si Sunshine. "Bye, Jamaica! Lipat ka na kaya rito?"

Napangiwi ako. "Dito na ako." 

"Hmp! Bahala ka! Pinagmukha mo pang driver si sir Alfred." 

Hindi ko na lang siya pinansin at nanatili pa ring naupo sa pwesto ko. Ilang sandali pa ay umandar na ang kotse papalayo sa bahay nila Sunshine. Pero hindi pa kami nakakalabas ng subdivision nila ay biglang tinigil ni Alfred ang kotse. 

"Lipat ka rito," ani Alfred. Hindi ako sumagot at tumitig pa rin sa labas ng bintana. Nakita kong sumilip na si Alfred sa akin. "Jamaica." 

"What?" 

"Lipat ka rito. Para magkatabi tayo." 

I smirked. "Wow? Ngayon gusto mo ako makatabi? Eh kanina arang 'di mo nga ako kilala." Inirapan ko siya. 

"Huh?" Bumuntonghininga siya. "Nagtatampo ka na naman. Sige na. Dito ka na maupo." 

I rolled my eyes and went in the front seat. Para lang wala ng ingay dahil alam kong kukulitin lang niya ako. Hindi na rin ako bumaba at doon ako sa gitna dumaan. Pagkaupo ko ay agad kong inayos ang seatbelt ko. Pero hindi pa man ako nakakasandal ay bigla na lang akong hinalikan ni Alfred. Pinandilatan ko siya. 

"What are you doing?" 

"I miss you," malambing na sabi niya at muli akong hinalikan. 

Napahinga ako nang malalim. Marahan ko siyang tinulak palayo. "Alfred, ganito na lang ba tayo?" 

"What do you mean?" 

"Ano'ng what do you mean? Akala ko ba hihiwalayan mo na siya?" 

Tiningnan ko siya. Agad na nag-iwas ng tingin si Alfred at umayos ng upo. Pakiramdam ko bigla ay may bumara sa lalamunan ko. Palagi na lang ganito sa tuwing napag-uusapan namin ang tungkol dito. Natatakot ako marinig ang sagot niya pero tinatanong ko pa rin. I think it's my way of assuring that he really want me.

"Yes. Bumubwelo lang ako, Jamaica." 

"Hanggang kailan ka ba bubwelo? Magto-two months na tayong ganito. Ayoko nang ganito, Alfred." 

"Can't you just understand me, okay? Inuunti-unti ko naman siya. Hindi ko naman pwedeng bigla na lang sabihin na ayaw ko na. We've been together for years," mahinahon niyang paliwanag. Pero hindi ko alam kung bakit parang kutsilyo iyong tumutusok sa dibdib ko. 

"So, I'll just keep on waiting. Gano'n ba? Magtitiis akong tinatago? Alfred, you know I can't do that." 

Bumuntonghininga ulit si Alfred. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsaklob ang mga palad namin. Naramdaman ko na dumampi ang labi niya sa likod ng palad ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"I know. Kaunti na lang. I promise." Nginitian niya ako. 

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa aking dibdib. Gusto kong humindi sa gusto niyang mangyari. Gusto kong umayaw pero 'di ko magawa. Seeing Alfred's smiling face making my heart melt. Tanga na kung tanga pero mahal ko na siya. Sa ilang sandaling naging kami ay masyado na siyang na attach sa akin. 

"Fine. Ano pa nga ba ang magagawa ko? But I don't know until when, Alfred. Masyado na akong na gi-guilty kay Ma'am Dianne. She's too sweet to us." 

Sinapo ni Alfred ang pisngi ko at marahang hinaplos iyon. "I'll break up with her, okay? Just wait for me." Ngumiti na ako sa kaniya at tumango. Hinalikan ni Alfred ang noo ko. "I love you." 

"I love you too." 

Hindi na ako pumalag noong hinalikan niya ako sa labi. Marahan, magaan, at puno nang pag-iingat. How can I say no to this man? He looked sincere. He felt sincere. Habang tumatagal na magkasama kami ay lalo ko siyang minamahal. Tama. Dapat ay maghintay lang ako. Hindi naman talaga biro ang ilang taon na pinagsamahan nila. Sigurado ako na hindi rin papayag agad-agad si Ma'am. Pero sigurado ako na totoo si Alfred sa sinasabi niya sa akin. Kaya hihintayin ko siya hanggang sa matawag ko na siyang akin.

"Now, let's go and have you pack some clothes." 

Nangunot ang noo ko. "What do you mea?"

"Magpaalam ka sa inyo. We will go to Bagiuo tonight." 










Chapter 9: I can't believe...



I can't believe it. Talagang pupunta kami ni Alfred sa Baguio! 

I can't explain the happiness I am feeling right now. Noong gabi ay nagpaalam ako agad kay Papa na magba-Baguio kami ng mga friends ko. I couldn't tell him na kasama ko si Alfred dahil sigurado ako na hindi niya ako papayagan. Mabuti na lang din at nagawa ko siyang pilitin. Ngayon ay nagbabyahe na kami papuntang Bagiuo. Dala ni Alfred ang sasakyan niya. 

"Whoa! We're going to Baguio!" sigaw ko sa labas ng bintana. 

"Get down! Baka mahuhulog ka pa!" natatawang sabi ni Alfred. 

Muli akong naupo at lumapit sa kaniya saka hinalikan siya sa pisngi. "I'm so happy! Akala ko hindi na natin 'to magagawa." 

"Hmm... really? You're happy?"

"Oo naman! At least doon ay masosolo na kita." 

"Bakit naman? Palagi mo naman ako nasosolo ah?" 

"Sus! As if naman, 'no?" Naupo ako nang maayos. "Paano ka nga pala nakapagpaalam kay Ma'am?" 

Agad na nawala ang mga ngiti ni Alfred. Napansin ko pang humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. "Ahm. I told her may lakad kami ng barkada. Hindi naman pala tanong si Dianne kapag umaalis ako. At isa pa, I'm breaking up with her already, right? Kailangan ko pa bang sabihin sa kaniya ang lahat?" 

Umarko ang kilay ko. "Nakipag-break ka na sa kaniya?" 

"Huh? N-No. I mean, I'm getting there." Sandali siyang tumingin sa akin at ngumiti. 

Hindi ko maiwasak makaramdam nang kakaiba sa sinabi niya. Pati sa mga kilos niya ngayon ay parng kakaiba. Ewan ko. I have this feeling na may hindi siya sinasabi sa akin. Minabuti ko na lang na tumingin sa labas ng bintana at aliwin ang atensyon ko sa mga magagandang tanawin. We're finally having our own time, alone. Hindi ko dapat sirain iyon nang dahil lang sa wirdong pakiramdam na ito. Gabi ang byahe namin kitang-kita ko ang liwanag mula sa mga bahay. Ang ganda lang sa mga mata panooring tuwing gabi. 

Umabot ng ilang oras ang byahe namin bago kami nakarating sa Baguio. Mabuti at 24hrs ang mga hotel dito karamihan. At isa pa ay mayroon na pa lang pina-reserve si Alfred na kwarto para sa amin. It was a VIP room for couple. Halos mapunit na ang pisngi ko habang pinagmamasdan ang towel na nakakurbang swan sa kama. Naupo ako roon at kumuha ng isang pirasong talulot ng rosas. Lalo akong na excite noong maamoy ko iyon. 

Rose's smell was truly majestic. 

"Happy?" tanong ni Alfred. 

Bahagya pa akong nagulat noong bigla siyang yumakap sa baywang ko. Hindi ko kasi siya napansin na pumasok na dahil nauna na ako sa kwarto namin. Agad akong sumandik sa dibdib niya at inilingon ang ulo sa kaniya. 

"Yes. Super!" 

Nginitiwan ko si Alfred. Pumihit ako paharap sa kaniya at agad na ipinulupot ang mga kamay sa kaniyang leeg. He was already smiling when our eyes met. 

"So, why did you really bring me here?" 

Kumapit sa aking baywang si Alfred at mas idinikit pa sa kaniyang katawan. Halos maramdaman ko na ang pagkalalake niya sa aking puson. Alfred kissed me in the lips. 

"Because I love you." 

"Huh? 'Yon lang?" 

"Yes. Isn't it enough?" 

"But—"

Hindi na ako nakatanggi noong muli niya akong hinalikan. Ilang sandali pa akong hindi gumalaw hanggang sa unti-unti ko nang maramdaman na mas lumalalim pa ang mga halik niya. Kahit kailan ay hinding-hindi ako magsasawa sa mga halik ni Alfred. Sa mga hawak niya. Sa amoy niya. I can wait. I could wait forever kung kailangan ko para lang maging akin siya nang tuluyan. And I swear I will love him more kapag mangyari na iyon. 

Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Alfred. We had a breakfast in our hotel room. Pagkatapos naming magligo at magbihis ay agad din kaming lumabas para mamasyal na. Hindi naman ito ang unang beses na nakarating ako sa Baguio. Pero ito ang masasabing pinaka masaya ako dahil kasama ko ang lalakeng mahal ko. Nagpunta kami sa strawberry farm. We took a dip in asin hot spring. We enjoyed seeing the colorful houses. We went to the different musuem and buildings. Hindi ko nga alam kung paano namin napagkasya ang isang araw na iyon. Pero ang pinaka kinatuwaan ko ay noong nag-horse back riding na kami. Medyo natatakot pa ako dahil ito ang unang beses kong sumakay sa kabayo. 

"Oh, my god! Bakit magkaiba tayo ng horse?" natatakot na tanong ko. 

"It's okay, baby! Kaya mo 'yan!" 

Napanguso ako at hinayaan na lamang siya. Inalalayan ako ng assistant doon habang dahan-dahang pinapalakad ang kabayo. Then suddenly, Alfred's phone rang up. It was the first time this day. Napansin ko na iyon noong una pero hindi agad sinagot ni Alfred. Noong pangalawang tunog ay bahagya siyang lumayo sa akin. Mukhang marunong na siyang sumakay hindi kagaya ko. 

"Bagong girlfriend ka ni Sir, Ma'am?" tanong ng lalakeng umaalalay sa akin. 

Napatingin ako sa kaniya. "Huh? Kilala mo siya?" 

"Opo. Kaniyang kabayo ang sinasakyan niya. At ito ay doon sa babaeng palaging kasama niya kapag napunta siya rito. Pamilya ni sir ang may-ari nitong park." 

Natigilan ako. Kaya pala kanina pa ako nakakaramdam nang kakaiba sa paligid. Sa tuwing napapatingin sa akin ang mga tao rito sa park ay parang nagtatanong sila. 

"Palagi silang nandito?" 

"Opo. Ito nga ang unang beses na may dinalang ibang babae si sir. Ano nga ulit ang pangalan niya? Da... Dianne! Si Ms. Dianne. Ang tagal rin nila." 

Pinilit kong ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa sinabi ni kuya. Walang sinabi sa akin si Alfred na mayroon silang sariling park dito sa Baguio. Gusto kong magtampo or what. Pero para saan? Baka naman nakalimutan lang niya. Pero higit sa lahat ay mukhang malapit si Ma'am Dianne sa mga tao rito. At kilalang-kilala rin siya. 

I can't help but be jealous. 

Masyado akong natuon sa iniisip ko kaya nawala sa isip ko na nakasakay pa pala ako sa kabayo. Napalakas ang hampas ko sa tali kaya naman ay biglang bumilis ang pagtakbo ng kabayo. 

"Ma'am!"

"Alfred!" 

Napayakap ako agad sa kabayo at tumili nang tumili. Gusto ko nang maiyak dahil halos hindi ko na makita ang daan dahil mas pinili ko na lang pumikit. 

"Jamaica!" 

Hindi  pa rin ako gumalaw kahit na naririnig ko na si Alfred. Hanggang sa maramdaman ko na lang na biglang tumigil ang kabayo at bahagyang umangat. Kaya naman ay dere-deretso din akong nahulog sa lupa. 

"Ouch!"

"Jamaica! Jamaica!" 

Napahawak ako sa likod ko at naiiyak na idinilat ang mga mata. I saw Alfred leaning at me. Nakakunot ang noo niya at hindi alam kung saan ako hahawakan. Huminga ako nang malalim at kumapit sa kamay niya. 

"Ouch! My back!" 

"Call an ambulance!" sigaw ni Alfred. "Bakit kasi hindi mo siya binantayan nang maayos?! 'Di ba sabi ko first time niya?!" galit na sabi ni Alfred. 

Napatingin ako sa lalakeng tumutulong sa akin kanina. Napatingin siya sa lupa and I could see the guiltness in his face. Bigla naman akong nakaramdam ng awa sa kaniya. Pinilit kong umupo. 

"No! Stay right there, Jamaica!" saway sa akin ni Alfred. 

Umiling ako at pinilit na ngumiti sa kaniya. "I'm okay. See? At saka, hindi naman kasalanan ni Kuya. I'm okay, Alfred. No need to be angry." 

"No. We will go to the hospital just to be sure." 

Napabuga ako ng hangin. Wala na akong nagawa dahil kitang-kita ko ang pinaghalong pag-aalala at galit sa kaniyang mga mata. Kaya hindi na lang ako umalma sa kaniya. Well, I should be happy. Dahil kahit hindi pa ako ang kilala na girlfriend niya ay ramdam ko naman na mahal niya ako. At iyon ang pinaka importante sa lahat. 





Chapter 10: Imbes na...



Imbes na isang araw lang kami sa Baguio ay nagtagal kami ng tatlong araw dahil na ospital pa ako. Kahit na ano ang paliwanag ko kay Alfred na ayos lang ang pakiramdam ko ay hindi siya nakinig. Gusto niya raw masiguro na okay ako pagkauwi namin ng Maynila. I had to ask Sasha for a favor. Kasi hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko kay Papa. 

Mabuti naman at hindi naman nag-usisa si Papa. Nakapasok din ako kinabukasan pagkatapos sa school. Pangiti-ngiti pa akong naglalakad habang nagbabasa ng text ni Alfred. Noong biglang may umagaaw ng cellphone ko. Si Sunshine. 

"Sunshine!" Pinandilatan ko siya ng mga mata. 

"Buti naman at nakabalik ka na? Sino ba kasi 'tong kausap mo?" tanong niya. Nataranta ako bigla noong tiningnan niya ang cellphone ko. "Alfred?" 

"Akin na nga 'yan!" Bigla kong inagaw ang cellphone ko at agad na tiningnan iyon. Mahinang napamura ako noong makita kong naroon iyon sa message ni Alfred. "Bakit kasi nangingialam?!" singhal ko sa kaniya. 

"Wow? Sorry naman! Galit na galit?" 

Inirapan ko si Sunshine at naglakad na ulit. "Epal!" 

"Sino ba kasing Alfred 'yan? Boyfriend mo? Siya ba 'yong kasama mo sa Baguio—"

Agad kong tinakpan ang bibig ni Sunshine at tumingin sa paligid. Bahagya akong napanatag noong makita kong walang tao sa hallway. 

"Ang ingay mo! Mamaya may makarinig pa sa 'yo!" 

"Ang OA mo na, ha? Eh ano naman kung may boyfriend ka na? May magagalit ba sa 'yo? Duh? For sure naman walang pakealam ang mga schoolmates natin, 'no?" 

Natigilan ako kaunti sa sinabi ni Sunshine. Ibinulsa ko na ang cellphone at napabuntonghininga. Merong magagalit. Kaya wala dapat makaalam tungkol sa aming dalawa ni Alfred. 

"So, ano nga? Boyfriend mo nga?" 

Naiikot ko ang aking mga mata. Hindi ko siya sinagot hanggang sa makarating kami ng room. May mga kaklase na kami sa loob pero hindi pa naman marami. Masyado pa kasing maaga para sa first subject namin. 

"Kailan mo ipapakilala sa akin si Alfred?" 

"Pwede ba, Sunshine? H'wag mong banggitin ang pangalan niya!" 

"Bakit? Ano'ng problema ro'n?"

Ilang sandali kong tinitigan si Sunshine. Sa lahat ng mga kaibigan ko ay siya lang talaga ang mapagkakatiwalaan ko. Siya lang iyong sigurado ako na tutulong at kakampi sa akin dahil ganoon din ako sa kaniya. Lahat ng mga sikreto niya ay sinasabi niya rin sa akin. Napabuga ako ng hangin at nag-iwas ng tingin. Kapag hindi ko siya kinausap ngayon ay sigurado akong hindi niya ako titigilan. 

"Fine!" I said.  Agad na dumikit sa akin si Sunshine. Kung titigan niya ako ay halos mahugis bituin na ang mga mata niya. Napailing na lang ako at muling tumingin sa paligid. "Oo, boyfriend ko siya." 

"Yie! Sabi ko na nga ba eh!" excited na sabi ni Sunshine. Marahan niya pang hinampas ang lamesa namin. "So, sino siya? Saan mo siya nakilala? Kilala ko ba? Bakit hindi ko nalaman 'to? Ilang araw na kayo? O buwan na?" 

Napangiwi ako sa sunod-sunod na tanong ni Sunshine. Ganito siya sa tuwing may gustong malaman. And hindi na ako magtataka dahil ito naman ang unang beses na sinabi ko na may boyfriend na ako. 

"Isa-isa lang naman!" kungyari ay saway ko sa kaniya. 

"Magkwento ka na kasi!" 

"Basta wala munang makakaalam nito, ha?" Tumingin ako sa paligid. "H'wag mo ring babanggitin kahit kanino ang pangalan ng boyfriend ko."

Biglang tumawa si Sunshine. "Ano ba 'yang boyfriend mo? Dom? Four Ms?"" 

Inirapan ko siya. "Gusto mo ba akong magkwento o sasang-ayon ka na lang?" 

"Ikaw talaga! Oo na nga. Ang init ng ulo mo, ha? Dahil ba nalamigan ang ulo mo sa Baguio?" 

"Sinong galing sa Baguio?" 

Sabay kaming napatingin sa may pinto noong may pumasok. Si Ma'am Dianne. Napalunok ako at agad na nanlamig. Tiningnan ko si Sunshine at sinenyasan sa mga mata na h'wag magsasalita. 

Kakaunti pa lang ang mga kaklase ko na nasa loob ng classroom kaya hindi ko alam kung bakit ang aga ni Ma'am ngayon. Kakaiba pa ang aura niya ngayon kaysa noong huli kong kita sa kaniya. 

"Jamaica, you're absent for three days. May nangyari ba sa 'yo?" tanong ni Ma'am. Naupo na siya sa table niya. 

Marahan akong kumamot sa ulo ko. "Ah... opo, ma'am. Sorry hindi po ako nakapagsabi. Nahulog po kasi ako." 

"Nahulog? Saan? Kumusta ang pakiramdam mo?" 

"Ahm. N-Nagyaya kasi sa Baguio sila Papa. Sumakay ako sa kabayo, tapos 'yon. Nahulog ako. Three days po akong nasa ospital." 

Ilang sandaling tumitig sa akin si Ma'am. Nakatitig lang din ako sa kaniya at pinilit na ngumiti. Hanggang sa hindi pa rin niya inalis ang mga tingin niya kaya medyo nakaramdam na ako ng pagkailang. 

"M-May na miss po ba akong test, ma'am?" tanong ko. 

Nag-iwas ng tingin si Ma'am. "Wala naman. Pero sa susunod ay dapat sabihin mo kapag may nangyayari sa 'yo. Andyan naman si Sunshine. Para sana mabisita ka namin." 

"T-Thank you po," magalang kong sabi. 

Nag-iwas na ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba sa mga tingin ni Ma'am. Bigla rin ako nakaramdam ng kaunting guilt dahil sa pagsisinungaling ko. Hindi talaga kasi ako sanay na magsinungaling. Pero para kay Alfred ay nagagawa ko. 

Ano ba 'tong nangyari sa akin? 

Hindi na rin nagtagal ay nag-umpisa na ang klase namin. Nagdatingan na kasi bigla ang mga classmate namin. Hindi ko na rin nakwento kay Sunshine ang tungkol kay Alfred. Siguro ay tama na muna 'yon. I don't know. Merong parang nagpipigil sa akin na h'wag magkwento kahit kanino tungkol kay Alfred. 

Nag-umpisa na pala kami sa thesis namin. Nag-assign si ma'am ng mga groups at kasama ko si Sunshine. Nalalapit na rin pala ang sembreak namin kaya kailangan naming mag-aral para sa exam. 

"Ahm, Jamaica," tawag ni Ma'am Dianne sa akin. 

Papalabas na sana kami ni Sunshine at pupunta sa sunopd naming klase. Tumingin ako sa kaniya at nilapitan ito. Nauna si Sunshine sa labas ng room dahil may kausap ito na kaklase namin.

"Bakit po, ma'am?" 

"Galing ka sa Baguio?" 

Nangunot ang noo ko. "O-Opo," tugon ko. I tried my best not to look worried in front of him. Galing ako sa Baguio at kasama ko ang boyfriend niya na boyfriend ko rin. 

"Do you happen to see Alfred there?" 

"Po? Bakit?" 

Nagkibit ng balikat si Ma'am. "Wala. Impossible." Ngumiti sa akin si Ma'am at umiling. "Wala 'yon. Sige na. Pumunta na kayo sa sunod na klase niyo." 

Ilang sandali ko siyang tiningnan bago ako tumalikod sa kaniya. Bakit gano'n si Ma'am? Parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya mabigkas. Bigla akong natigilan. Hindi kaya nalaman niya na magkasama kami ni Alfred sa Baguio?





Continue:


Read the next chapters here: 

https://boozt.io/ameirysavar/







Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !