Views

Never was Mine 11-End

Ameiry Savar
0

 


Chapter 11: Noong pumayag ako...


Noong pumayag ako na maging kami ni Alfred ay alam kong magiging pangalawa ako. But I never cared because he promised me that he will break up with his boyfriend. Si Ma’am Dianne. Pero hindi ko alam kung bakit ngayon ay parang bigla akong nag-alala. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga tingin sa akin ni Ma’am Dianne. 

Hindi kaya nalaman niya na si Alfred talaga ang kasama ko? Nag-break na ba sila ni Ma’am? Pero bakit wala pang sinasabi sa akin si Alfred? Hindi tuloy ako mapakali kakaisip. 

“Hoy, bruha! Akala ko ba sasabihin mo na sa akin ang tungkol sa boyfriend mo? Bakit kanina ka pa tulala riyan?” 

Napatingin ako sa tabi ko noong marinig ko ang boses ni Sunshine. Katatapos lang ng pang umaga naming subject at nasa cafeteria na kami. Huminga ako nang malalim at umiling. 

“Sorry. May iniisip lang ako.” 

“Sus! Ganiyan talaga kapag first mo, ano ka ba? Pero dapat makilatis natin kaya sabihin mo na kung sino ‘yan.” 

“Shine kasi… Sa tingin mo, naging tanga ba ako? Nagkamali ba ako sa desisyon ko?” wala sa sarili na tanong ko sa kaniya. 

Sobrang saya ko pa kahapon pero parang nagdadalawang-isip na ako ngayon. Hindi ko naman kasi na isip kung ano ang mangyayari kapag malaman ni Ma’am Dianne na kami rin ni Alfred. Kung bakit ba kasi hindi pa bini-break ni Alfred, eh? 

“Ano’ng pinagsasabi mo? Anong desisyon?” nalilito niyang tanong. 

Napakagat ako ng labi. Medyo malayo kami sa ibang mga estyudante at nasa dulo pa. Sinigurado ni Sunshine na talagang makakapag-usap kami. 

“Okay. Sasabihin ko sa ‘yo ang tungkol kay Alfred. But you need to promise na wala kang ibang sasabihan, okay?” 

Nangalumbaba si Sunshine at tumitig sa akin. Para siyang batang naghihintay sa sunod kong sasabihin. Tumingin ako sa paligid para masiguro ko rin na walang ibang makakarinig sa amin. I don’t know. I felt like I’m in the edge now. 

“Si… Alfred. Ang boyfriend ko.” 

“Yes?” 

“B-Boyfriend din siya ni Ma’am Dianne,” pabulong na sabi ko. 

Hindi ako tumingin sa kaniya. Hinintay ko siyang magsalita pero wala akong narinig mula kay Sunshine. Kaya naman ay napatingin ako sa kaniya. Nagtaka pa ako noong makita kong nakatitig pa rin siya sa akin na para bang binabasa ang mukha ko. I couldn’t see any emotion from Sunshine. Hanggang sa bigla na lamang siyang tumili at pinalo ako sa braso. 

“Are you serious?!” 

Napangiwi ako sa sigaw niya. Nagtinginan pa ang ilang mga estyudante sa amin kaya sinaway ko si Sunshine. Pero hindi niya iyon pinansin at bigla na lang tumayo. 

“Hoy, teka!” 

Bigla akong hinila ni Sunshine papalabas ng cafeteria. Hindi na ako umangal dahil alam ko na nagugulat siya ngayon. Nagpahila ako sa kaniya hanggang sa marating namin ang court. Sakto naman na walang nakapwestong mga estyudante roon. Doon kami naupo sa pinakatuktok ng upuan ni Sunshine. 

“Tama ba ang rinig ko sa sinabi mo? ‘Yong Alfred?” tanong agad ni Sunshine. 

Nag-iwas ako ng tingin. “O-Oo.” 

“Ay shit! What do you think you’re thinking, ha? Jamaica?” 

“Bakit?” 

“Ano’ng bakit? Nag-iisip ka ba? Akala ko ba ayaw mong mag-boyfriend dahil natatakot ka na baka lokohin ka kagaya ng ginawa ng mama mo sa papa mo? Tapos ngayon, ano sa tingin mo ‘yang ginagawa mo?” mahabang litanya ni Sunshine. 

Natahimik ako. Mula noong maging kami ni Alfred ay wala pa akong nakausap tungkol sa sitwasyon ko. I was so happy in those times.  Bumuga ako ng hangin. 

“Eh… hihiwalayan naman daw kasi niya,” mahina ko pa ring sabi. Marahang pinalo ni Sunshine ang braso ko. Umakto ako na para bang nasaktan ako at tiningnan siya nang masama. 

“Ang tanga mo! Hiwalayan mo na, ha?” 

“Ha? Agad? Bakit naman? Hindi ka ba nakikinig sa sinasabi ko?” 

“Ikaw? Nakikinig ka ba sa sinasabi ko? Hindi mo ba talaga ma-gets ang sinasabi ko?” tanong ni Sunshine. Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya. I could see the frustration in her face. “Jamaica! Kabit ka! Kumabit ka! Alam mo ba kung ano ang kabit? Kabit! Kerida! Mistress!” 

Naiikot ko ang mga mata ko. “Eh hindi naman sila kasal. Paano ako naging kabit?” 

“Ay tanga na talaga siya, oo!” Nasapo pa niya ang noo. “Best! Kahit hindi sila kasal, gano’n pa rin ‘yon! Nag-cheat siya kay Ma’am, at sa ‘yo pa. Ikaw pa ang naging other girl!” 

Lalo akong natahimik. Humigpit ang hawak ko sa libro ko at napatitig sa kawalan. Hindi naman eh. Ayaw kong tanggapin ang sinabi ni Sunshine. Hindi pa naman kasal si Alfred kay Ma’am kaya hindi ako kabit. Hindi ako ‘yong may kasalanan. Nagmahal lang din naman ako, ah? Tsaka sabi naman ni Alfred sa akin ay hihiwalayan niya si Ma’am. He promised to me. I believe it. 

I’m not a mistress. 

“But he promised me, Sunshine. Sabi niya sa akin ay hihiwalayan niya si Ma’am.” 

“Gaga ka! Sa tingin mo ba gagawin niya ‘yon? Ilang taon na sila, girl! Gumising ka nga sa kahibangan mo!” 

Habang tumatagal ang pag-uusap namin ni Sunshine ay parang unti-unti akong sinasampal ng reyalidad. Ilang buwan na kami ni Alfred pero hindi pa rin nangyayari ang pakikipaghiwalay niya kay Ma’am. Sa tuwing tinatanong ko siya ay bigla niyang iniiba ang topic namin. 

“’Yang mga lalakeng ‘yan. Lahat ng mga magagandang salita ay sasabihin nila hanggang sa makuha nila ang gusto nila—teka. Don’t tell me…” 

Napatingin ulit ako kay Sunshine. Nakatitig na naman siya sa akin na para bang binabasa niya ako. Napakunot na ako ng noo dahil na weird-duhan ako sa kaniya. Bigla na lang nanlaki ang mga mata niya at napasinghap pa. 

“Fuck, Jamaica! You gave him your V?” 

Napakurap-kurap ako. Having a friend like Sunshine makes me no innocent when it comes about that topic. Hindi ako nakasagot sa kaniya at muling nag-iwas ng tingin. Kulang na lang talaga ay iisipin kong manghuhula na si Sunshine. 

“Shit! Ang tanga mo talaga, friend! Akala ko naman hindi ka basta-basta maloloko ng mga judas na ‘yan! Akala ko ba ako lang ang tanga sa atin? Bakit parang mas tanga ka pala?” 

“Nakakasakit ka na, ha?” 

“Eh bakit mo kasi binigay?!” 

Bumuga ako ng hangin. “Hindi ko naman sinasadya. I was drunk. May problema rin sa bahay noon. Masyadong magulo ang utak ko para makapag-isip pa ng deretso.” 

“Pero tinuloy-tuloy mo? Alam mo. Hiwalayan mo na siya. Hindi ako naniniwala na mas pipiliin ka niya over Ma’am Dianne. I’m not saying na mas better si Ma’am sa ‘yo, ha? Pero best, teacher natin ‘yon. Ano na lang ang iisipin ng buong campus kapag lumabas ‘yan? Tsaka si Ma’am? Hindi ka ba nakokonsensiya sa kaniya? Wala ka bang nararamdaman na kahit na anong guilt? Ako na ang nagmamakaawa sa ‘yo, Jamaica. I’m telling this to you not because I don’t want you to have a boyfriend. Sobrang natuwa ako, sa totoo lang. But I can’t just sit still seeing my best friend making her own grave.”

Nakagat ko ang labi ko. Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Sunshine. Pakiramdam ko bigla ay bugbog na bugbog ang katawan ko dahil sa mga sinabi niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag na realtalk? Ang sakit. Parang gusto ko nang manliit sa mga sinabi ng kaibigan ko. Hindi naman ako nagagalit sa kaniya. Pakiramdam ko pa nga ay para akong biglang nagising sa bangungot.




Chapter 12: Ilang araw kong...


Ilang araw kong pinag-isipan ang mga sinabi sa akin ni Sunshine. Hindi na ako makapag-focus sa mga klase namin kapag si Ma’am ang teacher namin. Wala rin namang sinabi na si Sunshine sa akin bukod sa panay ang tanong niya kung ano na raw ang ginawa ko. 

I know, mali ang ginawa ko. Pumayag ako na magkaroon kami ng relasyon ni Alfred. Naniwala ako sa sinabi niya na hihiwalayan niya si Ma’am. Pero nagmahal lang din naman ako, ah? I love him. Mahal niya rin ako. Ayaw kong paniwalaan ang sinasabi ni Sunshine na niloloko lang ako ni Alfred. Impossible. Ramdam ko na ang sensiridad niya sa mga sinasabi niya sa akin. Sa bawat halik at hawak niya sa akin. 

How can someone fake it? 

Higit sa lahat ay hindi ako kabit! I’m not a mistress. Yes, may girlfriend si Alfred. Pero girlfriend lang naman. Hindi pa siya nakatali kaya hindi ako pwedeng matawag na kabit. 

Pero hindi ba gano’n na rin iyon? I’m the other woman. Tinatago. Hindi maipagmalaki. Ni hindi nga niya mai-post ang picture ko kasi baka makita ni Ma’am. I also can’t tell my family that I have a boyfriend already. Dahil nga sa may tinatago namin ang relasyon namin. 

“Ang lalim naman ng iniisip mo.” 

Halos mapatalon na ako noong biglang may magsalita sa likuran ko. It was Alfred. Malapad ang mga ngiti niya at halos magningning ang mga mata. Nasa isang mall kami para magkita. Kanina pa ako naghihintay sa kaniya sa food court. 

Nginitian ko siya. “Sorry. Ano, may iniisip lang.” 

“Ako ba?” 

Natawa na ako. “Sus! Asa!” 

“Come on?” 

Nangunot ang noo ko. “Saan?” 

“Ahm. I rented a villa in Tagaytay. Nakita ko ‘yon sa FB kanina. I want to go there with you.” 

“Tagaytay? Ngayon na?” 

“Yes. Kaya mo bang magpaalam sa inyo?” 

Napaisip ako bigla. Hindi pa naman nagtataka sila papa sa akin. Pero may exam kasi kami next week. Hindi ako pwedeng um-absent na naman ngayon. Tsaka nag-uumpisa na ang thesis namin. Sasabihin ko na sanang hindi ako makakasama pero biglang lumambot ang puso ko noong magkatitigan kami ni Alfred. Paano ko nga ba masasabi na niloloko niya ako? Malabong-malabo. 

“Fine,” ani ko. “I’ll try.” 

“Yes!” masayang sabi ni Alfred. Hinalikan pa niya ako sa pisngi. Medyo nagulat ako sa ginawa niya kaya natigilan ako. “Why?” 

“You kissed me?” 

Nangunot ang noo niya. “Mali ba?” 

“B-But we’re outside.” 

Sinapo ni Alfred ang pisngi ko at bigla akong hinalikan sa labi. “You don’t have to worry about it. Now, can we go? I can’t wait to spend time with you again.” 

Napalunok ako. Usually kapag sinasabi niya ‘yon ay na i-excite ako. Pero now? Hindi ko alam kung bakit parang hindi ko magawang matuwa dahil magkakasama na naman kami ni Alfred. Para ngang biglang bumigat ang pakiramdam ko at hindi ko gustong sumama na lang. 

But I love this man. He looked genuine too. Hindi talaga ako makapaniwala na hindi siya nagsasabi ng totoo sa akin. 

Umalis na kami sa mall. Hinatid ako ni Alfred sa subdivision namin pero hindi sa loob mismo. Sumakay na lang ako ng trysikel mula sa gate hanggang doon sa bahay namin. 

“Saan ka na naman galing? Sa babae mo?” 

Hindi pa ako nakakapasok ng bahay ay narinig ko na agad ang boses ni Mommy. Magmula noong muntik na siyang umalis sa bahay ay hindi na natapos ang pag-aaway nilang dalawa dahil sa babaeng iyon. Natigilan ako noong maisip ko iyon. Nag-aaway sila Papa dahil sa isang babae. 

“Ano ka ba naman, Mariel? Sinabi ko na sa ‘yo na wala na kami, ‘di ba?” 

“I don’t know! Ang hirap magtiwala, Daniel. Ang hirap paniwalaan dahil alam kong nagkikita pa rin kayo!” 

Naikuyom ko ang mga palad ko. Naglakad na ako papasok sa loob ng bahay at agad na tumigil sila Papa. Parehas silang napatingin sa akin na para bang nagulat. Si Mommy ay biglang tumayo at pumunta sa may kusina. 

“Jamaica. Nariyan ka na pala?” tanong ni Papa. Nakasuot pa rin ito ng polo niya. 

“K-Kararating ko lang po. Si Clarisse? Narito na ba?” 

“Yes. Nasa kwarto niya.” 

“Sige po.” 

Nagmamadali na akong pumunta sa itaas. Papunta na sana ako sa kwarto ko pero bigla akong napatigil noong may narinig akong humihikbi. Paglingon ko sa kwarto ni Clarisse ay bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto niya. Sinilip ko siya roon at nakita ko siyang umiiyak habang nakaupo sa kama. 

“Clarisse?” tawag ko sa kaniya. Tumingin sa akin si Clarisse at agad na nagpunas ng mga luha. “What’s wrong?” Pumasok ako sa kwarto niya at sinara iyon. 

“A-Ate, I heard them. P-Papa cheated at Mommy. Nagkaroon ng babae si Papa, ate. Tapos si Mommy, nagagalit kay Papa. Paano kung umalis si Mommy, ate?” humihikbing sabi niya. “G-Gusto ko nang bumalik kay Mama, ate. Ayaw ko na rito. Palagi silang nag-aaway.” 

Parang kutsilyong tumatarak sa dibdib ko ang mga sinabi ni Clarisse. Napaiyak na rin ako kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Pinunasan ko ang mga mata ko at niyakap ang kapatid ko. Palagi kaming nag-aaway pero mahal na mahal ko pa rin siya. Noong mga panahong nagiging malabo na ang relasyon nina Mama at Papa ay palagi kami ang naiiwan. Hindi man nagsasabi si Clarisse pero ramdam ko na nasasaktan din siya sa mga nangyayari. May mga panahon na nakikita ko siyang ganito, umiiyak. Kaya mas lalo akong nagalit kay Mama noong umalis siya. Dahil hindi manlang niya na isip na may mga anak siyang maiiwan. Hindi ba siya na aawa sa amin? 

Pero ngayon ko lang din na isip. Bakit ba si Mama ang sinisisi ko? Hindi ba nag-aaway rin noon sila Mama dahil sa isang babae? Halos sa tuwing umuuwi si Papa ay palaging tinatanong ni Mama si Papa kung saan galing. Palagi rin itong may binabanggit na babae kaya nag-aaway sila. Hanggang si Mama na ang bumitaw. 

Babae. Dahil sa isang babae kaya nasira ang pamilya namin noon. Dahil din sa isang babae kaya parang masisira na ang pamilya namin ngayon. 

Isa rin akong babae. At dahil sa akin ay may isang relasyong masisira. Lalo akong napaiyak. Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon?




Chapter 13: Hindi ako nakasama...


Hindi ako nakasama kay Alfred noong gabing iyon. Hindi rin kasi pumayag si Clarisse na iwanan ko siya. Nag-aalala rin ako dahil baka biglang mag-alsa balutan na naman si Mommy. Sa loob na nga kami ng kwarto nakapag-dinner ng kapatid ko dahil hindi nagluto si Mommy. 

Buong gabi kong pinag-isipan ang mga nangyayari. Galit na galit ako noong dahil sa mga kabit. Dahil sa sila ang rason kung bakit nasisira ang isang pamilya. Ngayon lang unti-unting nagsi-sink-in ang lahat sa akin. Parang ayaw ko nang tumayo at pumasok. Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap kay Ma’am. 

Pero hindi naman mali ang nagawa ko kagaya nila Papa, right? Hindi sila kasal. Paano ako naging kabit? 

Sa huli ay pinilit kong tumayo at pumasok. Hindi ko rin kaya mag-stay sa bahay dahil parang ang bigat ng atmosphere. Hindi kasi nagkikibuan sila Papa. Nauna ngang umalis si Mommy at hindi na kami hinintay. Ang tahimik din naming sa loob ng kotse habang hinahatid kami ni Papa. 

Pagkarating ko sa school ay agad akong dumeretso sa room namin. Wala pa si Sunshine kaya wala pa akong nakakausap. Nagulat pa ako noong biglang tumunog ang cellphone ko. It was Alfred. Ilang sandali ko pa iyong tinitigan bago ko sinagot. 

“Hey, how are you? Okay na ba ang pakiramdam mo?” tanong agad niya. 

“Y-Yes. Sorry kagabi. Hindi talaga ako nakaalis eh.” 

“It’s okay, love. Nasaan ka ngayon? Pwede ba kita madalaw sa inyo?” 

“Ha? Hindi. Andito ako sa school.” 

“Then much better. Meet me at the restaurant we used to go.” 

“Teka, Alfred—” 

Napabuga na lang ako ng hangin noong marinig ko ang pagkaputol ng tawag. Noon ay palagi akong excited makita si Alfred. Pero ngayon ay parang may takot na. May guilt. Pero hindi ko naman kaya na hindi siya makita. 

Tumayo na ako at dinala ang bag ko. Maaga pa naman at mamaya pa ang klase namin. Hindi naman masama kung makikipagkita ako sa kaniya saglit. 

Nasa hallway na ako noong matanaw ko si Ma’am Dianne sa dulo at may kausap siya. Sandali pa akong napatigil sa paglalakad at hindi malaman ang gagawin. Bigla akong nag-alala na makita niya ako. Ewan ko ba? Wala naman akong ginagawa sa kaniya. Siguro part na rin talaga ng guilt na nararamdaman ko. 

Hinigpitan ko ang hawak ko sa bag at muling naglakad. Wala rin naman akong ibang choice kundi ang dumaan kung nasaan siya. Nilabas ko na lang din ang cellphone ko para kunyari ay hindi ko nakita si Ma’am. 

“Imposible naman ata ‘yang sinasabi mo sa akin, Ma’am. Hindi ‘yon magagawa sa akin ni Alfred.” 

Biglang lumapad ang tainga ko noong marinig ko ang sinabi ni Ma’am. Napalunok pa ako dahil pakiramdam ko ay biglang may bumara sa lalamunan ko. Bumilis din ang pagkabog ng dibdib ko kaya muli akong napahinga nang malalim. 

“Dianne, hindi naman sa sinisiraan ko ang boyfriend mo. Pero malinaw na siya ang nakita ko sa ospital. Lalapitan ko nga sana eh. Kaso kasama ko ang asawa ko noon.” 

“Baka ‘yong mga kaibigan niya lang.” 

“May kaibigan ba silang babae?” 

“Hindi ko alam.” 

“See? You don’t know. Kaya mag-isip ka na! Ang tagal-tagal mo nang naghihintay sa boyfriend mo na ‘yan pero hindi pa rin nagpo-propose.” 

“Actually, Ma’am.” 

“OMG! Is that real?” 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napatingin ako sa direksyon nila Ma’am. Itinaas ni Ma’am Dianne ang kaliwang kamay niya at kitang-kita ko ang makinang singsing na nakasuot sa kaniya. Malapad ang mga ngiti ni Ma’am at parang maluha-luha pa. 

“Kailan pa?” 

“The night before he left to Baguio.” 

“Oh my God! Congratulations, Ma’am Dianne! Ilang taon mo na rin ‘yang hinihintay!” 

Pakiramdam ko bigla ay pinagsakluban ako ng langit at lupa. Biglang nanginig ang mga kamay ko at hindi ko namalayan na nabitawan ko na pala ang cellphone ko. Agad na napatingin sa akin sila Ma’am. 

“Jamaica? Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Ma’am Dianne. Lumapit siya sa akin at kinuha ang cellphone ko. “Here.” 

Napatitig ako sa kamay niya. Pero hindi ang cellphone ko ang tinititigan ko kundi ang kamay niyang may nakasuot na singsing. Ramdam ko na ang pangingilid ng mga luha ko noon pero pinigilan ko na h’wag iyon tumulo. 

“Jamaica?” tawag ulit ni Ma’am Dianne sa akin. 

Napapitlag ako noong bigla niya akong hinawakan sa balikat. Agad kong kinuha ang cellphone sa kamay niya at nagmamadaling tumakbo palabas ng building. Doon ay hindi ko na napigilan pang umiyak. 

Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin ng singsing ni Ma’am Dianne. Alfred proposed to Ma’am Dianne. In the end ay mas pinipili niya pala si Ma’am. Paano niya nagawa sa akin ‘yon? Naniwala ako sa kaniya! Kahit alam kong mali ay umasa ako sa kaniya! 

Parang may nakabara sa dibdib ko at hindi ko maalis-alis. Wala na akong pakealam kahit na nakikita ako ng ibang mga estyudante na umiiyak habang naglalakad. Pakiramdam ko ay paulit-ulit akong sinasaksak sa dibdib. 

Ang sakit! Wala akong ibang masabi kundi ay ang akit. Napakasakit malaman na ang lalakeng una kong minahal ay hindi pala totoo sa akin. All this time ay pinaglalaruan lang pala niya ako. Bakit ba hindi na lang ako nag-stick sa una kong paniniwala? Pare-parehas lang sila! 

Nasapo ko ang aking bibig at sandaling tumigil. Nasa labas na ako ng school kaya kumapit muna ako sa bakod na pader ng school. Pinunasan ko ang mga mata ko at bumuga ng hangin. 

“Ang tanga mo, Jamaica. Buti nga sa ‘yo!” mahina kong sabi. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Bugbugin. Tama nga si Sunshine. Ang tanga ko. Napaka tanga ko! 

Ilang sandali ako sa pwestong iyon. Ilang mga tao ang lumapit sa akin at tinanong ako kung kailangan ko ng tulong. Pero lahat sila ay tinanggihan ko. Walang ibang makakatulong sa tangang babaeng kagaya ko. 

Pinilit ko nang maglakad papunta sa restaurant kung saan kami magkikita ni Alfred. Kailangan ko nang paliwanag niya. Hindi ako papayag na ganito ako. Na ako ang pangalawa. Na isa akong kabit. 

Pagkarating ko roon ay nakita ko siya agad sa dulo paharap sa pinto ng restaurant. Kaunti lang ang tao sa loob noong mga oras na iyon. Agad akong nakita ni Alfred kaya kinawayan niya ako. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya noong magkatitigan kami. Hinigpitan ko ang hawak sa bag ko at naglakad na papalapit sa kaniya. 

“Jamaica? What happened?” nag-aalalang tanong niya. Tumayo siya at akma akong hahawakan pero umatras ako. Nalilitong tiningnan niya ako. “What’s wrong?” 

Huminga ako nang malalim at tahimik na umupo. Tatabi sana siya sa akin pero hindi ako umusod kaya naupo siya roon sa tapat ko. 

“May problema ba?” tanong niya ulit. 

Tinitigan ko siya nang maigi. Grabe na ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko nga ay sasabog na ang dibdib ko dahil sa pinaghalong galit at kaba na nararamdaman ko. But I need to do this. I can’t stay like this anymore. Especially now. 

“Jamaica? Talk to me, please.” 

Inabot ni Alfred ang kamay ko pero iniwas ko lang iyon. 

“Is it true?” tanong ko. Nahirapan pa akong magsalita dahil pakiramdam ko ay may nakabara na sa lalamunan ko. Rinig ko rin ang panginginig ng boses ko dahil sa matinding emosyon na pinipigilan ko. 

Nangunot ang noo ni Alfred. “What is it?” 

Nangilid na ang mga luha ko. “Please. Just tell me the truth, Alfred.” 

“Ano ba ‘yon? Hindi ko malalaman kung hindi mo sa akin sasabihin.” 

Napasinghap ako at umiyak na. Sinapo ko ang aking bibig at pilit na pinigilan ang sarili kong umiyak nang malakas. Sinubukan ulit ni Alfred na hawakan ang mga kamay ko pero halos napalo ko na siya dahil sa gigil na nararamdaman ko. Kitang-kita ko ang pagkalito sa mga mata niya na para bang wala talagang alam. Lalo akong nanliit at nakaramdam ng pagkainis sa sarili. 

Paano ako nahulog sa ganitong klaseng lalake? 




Chapter 14: Ilang sandali ko...


Ilang sandali ko pang tinitigan si Alfred. Wala akong tigil sa pag-iyak. Hindi ko alam kung paano siya kokomprontahin dahil pakiramdam ko bigla ay wala akong Karapatan. Sino ba ako para magreklamo? Hindi naman siya sa akin nag-propose. All I have was his words. His words that turned out not true. 

Bumuga ako ng hangin at pili nang pinakalma ang sarili. Pinunasan ko ang mga luha ko at tinitigan siya sa mga mata. “I thought you’re different, Alfred. Pumayag ako sa relasyon natin dahil umasa ako na totoo ka sa nararamdaman mo para sa akin. I-I believe you kahit na alam kong magiging pangalawa ako. P-Pero bakit ganito? Do you really love me?” nahihirapang sabi ko. 

Natigilan si Alfred. Biglang naglikot ang mga mata niya. Muli niyang sinubukang abutin ang kamay ko pero iniwas ko iyon. 

“Jamaica naman. Ano ba ‘yang sinasabi mo? Of course, I am true with you! I love you!” 

Nangunot ang noo ko. Parang may sumuntok sa dibdib ko noong marinig ko ang sinabi niya. “Mahal? Talaga ba?” 

“Yes, Jamaica!” 

This time ay pilit na niyang hinawakan ang mga kamay ko. Wala na akong nagawa noong inabot niya iyon at hinawakan nang mahigpit. Napangiwi pa ako nang kaunti dahil doon. Noong isang araw lang ay may spark sa tuwing hinahawakan niya ako. I could feel the butterflies in my tummy sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ako. Pero ngayon? Nandidiri na ako. 

“Let me go! Masakit!” angal ko. Pero hindi nakinig si Alfred. 

“I love you!” 

Natawa ako sa sinabi niya. Para na akong baliw dahil umiiyak ako habang tumatawa. “You love me? Bakit? Oo nga. Bakit mo nga ba ako minahal, Alfred?” 

“God, Jamaica! Saan ba nanggagaling ang mga ito?” 

“You’re a liar, Alfred!” matigas ko nang sabi. Bahagya pang tumaas ang boses ko dahil sa gigil ko. Bahagyang lumuwang ang pagkakahawak sa akin ni Alfred kaya nagawa kong makawala sa kaniya. Agad kong sinapo ang kamay ko dahil mahapdi na iyon. “You don’t love me, Alfred. Mahal mo lang ako dahil bata ako at may pinagdadaanan. Ginamit mo ‘yon para makuha moa ko. Mapagsamantala ka, Alfred!” 

“What? Jamaica, I thought you love me too? Nakalimutan mo na ba?” 

“Yes! I thought I love you too. Pero mali pala ako. Kasi ‘yong lalakeng minamahal ko ay isang manloloko. Ang tanga-tanga ko, Alfred! Pumayag ako na magkaroon tayo ng relasyon dahil sabi mo mahal moa ko. Dahil sabi mo hihiwalayan mo siya. Pero in the end? Siya pa rin pala ang pinipili mo!” 

“That’s not true!” 

“Then why did you propose to her the night we went to Baguio?!” 

Napaawang ang bibig ni Alfred. Hindi siya nakasagot sa akin at napatitig lang. That time ay para na akong na uupos na kandila. Part of me still hope na tumanggi siya. Na hindi totoo na nag-propose siya kay Ma’am Dianne. Na ako pa rin talaga at hindi si Ma’am. Pero ilang sandali na ang lumipas ay nag-iwas na ng tingin si Alfred. 

Napahagulhol na ako. Sinapo ko ang mukha ko at doon umiyak nang umiyak. Totoo nga ang sinasabi ni Sunshine. He was just playing with me. Imposible na ako ang pipiliin niya. Bakit ba hindi ko iyon na isip? Bakit niya naman ako pipiliin eh ilang buwan lang kami nagkakilala? Sila ni Ma’am ay isang dekada na. Mula pa noong high school sila hanggang ngayon na mga professional na sila. 

Ano ang laban ko sa kaniya? 

“What is the meaning of this?” 

Napasinghot-singhot ako at agad na pinunasan ang mukha ko. Nanglalabo na ang mga mata ko pero pilit ko pa ring inaninag kung sino ang nagsalita. Napanganga ako noong makita ko si Ma’am Dianne na nakatayo sa gilid ng lamesa namin at pinagpapapalit-palit ang mga tingin sa amin. 

“D-Dianne, what are you doing here?” nagtatakang tanong ni Alfred. Agad siyang tumayo at hinawakan ang braso ni Ma’am, pero iwinaksi nito iyon. 

“Jamaica? Ano ‘to?” 

“Dianne, come—”

“Shut up, Alfred!” 

Napaigtad ako noong biglang magtaas ng boses si Ma’am. For the first time ay narinig kong sumigaw si Ma’am. Nakatungo lang ako at hindi makatingin sa kanila dahil sa kahihiyang nararamdaman ko. 

“H’wag na rito, Dianne,” pakiusap pa rin ni Alfred. Pero mayroon nang diin. Alam ko na ayaw niya akong mapahiya dahil nasa mataong lugar kami. Pero ano pa ba ang magagawa niya? Napapahiya na ako. 

Nagmamadali akong tumayo at patakbong lumabas ng restaurant habang umiiyak. Narinig ko pang tinawag ako ni Ma’am pero hindi ko na sila nilingon. Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang gilid ng kalsada. Noong maramdaman ko na malayo na ako sa restaurant ay napaupo ako sa gilid ng kalsada. Doon ko ibinuhos lahat ng nararamdaman kong sakit. 

Mali ba? Mali ba na minahal ko siya? Nagmahal lang naman ako? Pero bakit ganito? Bakit parang kasalanan ko ba? Pinaparusahan na ba ako dahil mas pinili ko pa ring ituloy ang pakikipagrelasyon kay Alfred? 

Fine! Kabit na kung kabit! Pero nagmahal lang din naman kami ah? Kasalanan ba ‘yon? 

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo roon bago ko naisipang tawagan si Sunshine. Nagpasundo ako sa kaniya at mabuti na lang ay nasa school na siya noong mga oras na iyon. Dinala niya ako sa unit niya at doon pinakalma. 

“Sabi na nga ba eh! Hindi talaga ako nagkamali sa lalakeng ‘yan!” nanggigigil na sabi ni Sunshine. “Oo, may kasalanan ka pa rin, best. Kaya sisisihin pa rin kita sa nangyari sa ‘yo. Pero nakakainis ‘yong lalakeng ‘yan! Ang kapal ng mukhang pagsabayin kayo?!” dagdag pa niya. 

Napatitig ako sa hawak kong baso. Siguro ay pang tatlong baso ko na iyon dahil sa kagustuhan kong kumalma. Pero kahit ata maubos ko ang lahat ng inumin ni Sunshine ay hindi pa rin maiibsan ang nararamdaman kong pait. 

“Alam na ni Ma’am,” mahinang sabi ko. 

“What? Paano?” 

“I don’t know. Nakita ko na lang siya na nakatayo sa gilid namin. Siguro sinundan niya ako noong makita niya ako sa school kanina. Girls’ instinct, I guess?” 

“Tsk! Paano ngayon ‘yan? Hindi mo pa naman maiiwasan si Ma’am. Eh teacher natin ‘yon. Diyos ko, Jamaica! Sinabi ko na kasi sa ‘yo na hiwalayan mo na eh!” 

Muli akong napaiyak. “I-I thought he was real, Sunshine. I love him. I love him so much!” Naramdaman kong tumabi sa akin si Sunshine. Kinuha niya ang hawak kong baso at niyakap ako. Sumubsob ako sa dibdib niya at doon humagulhol. Naramdaman ko na hinagod niya ang likod ko. 

“I know. It’s hurt. It’s part of being in love, best. Hindi kita kukunsintihin sa nangyari sa ‘yo. I’m still blaming you dahil sa nangyari sa ‘yo. But I want you to know na hindi pa huli ang lahat. I know you love him. Pero isipin mo na lang na hindi talaga siya para sa ‘yo.” 

“T-Thank you. I-I’m sorry.” 

“It’s okay. Lahat tayo nagiging tanga sa pag-ibig. Don’t worry. I won’t judge you pero friend, ang tanga mo pa rin talaga. Ang ganda-ganda mo tapos sa mukhang kwago na malabo ang mga mata at may dimples ka nagkagusto? Dahil ‘yon sa dimples, ‘no?” 

Hindi ko alam kung matatawa ako o lalong malulungkot dahil sa sinabi ni Sunshine. Hindi na ako sumagot at niyakap na lang siya nang mahigpit. I’m thankful na may kaibigan akong kagaya ni Sunshine. Masakit ang mga sinasabi niya pero dahil din sa kaniya kaya naliwanagan ako. Kung hindi dahil sa kaniya baka hanggang ngayon ay tanga pa rin ako na umaasa na pipiliin ni Alfred. 






Chapter 15: Hindi ako nakapasok...



Hindi ako nakapasok kinabukasan pagkatapos niyon. I stayed in my room and told Papa that I was sick. Hinayaan naman niya ako dahil kita ko rin na parang wala siya sa sarili. Inilagay ko sa airplane mode ang cellphone ko at ini-uninstall ko ang social media apps ko. Wala akong kinausap for days kahit na si Alfred. 

I still can’t believe na nagawa niya iyon sa akin. But as the day passed ay unti-unti ko na ring natatanggap ang nangyari. Mali ako. Dapat hindi ko na talaga tinuloy ang relasyon naming dalawa. Wala akong ibang ginawa sa bahay kundi ang kumain at matulog.

One night, narinig ko na namang nag-aaway sila Papa. Pinilit kong matulog pero patuloy sila sa pagtatalo. Hanggang sa narinig ko na lang na nakikiusap na si Papa kay Mommy. 

“Mariel, please! Don’t do this to me!” 

“Hindi na, Daniel! Hindi ko na kaya magtiis pa rito. Mababaliw ako! Hindi ka na magbabago!” 

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Nakita ko si Mommy na may dala-dala na namang mga bag. Nasa likuran niya si Papa na hawak-hawak rin ang dala nitong bag. Napalunok ako agad na nakaramdam nang paninikip ng dibdib. Biglang bumalik ang alaala ko noong umaalis si Mama. But this time ay pinilit kong ikalma ang sarili ko. Naikuyom ko ang mga palad at huminga nang malalim. 

“Mariel, please!” pakiusap ni Papa. 

“’Pa!” tawag ko kay Papa. Parehas silang napatigil at tumingin sa akin. Agad na nagpunas ng luha si Mommy. “What are you doing?” 

“Bumalik ka sa taas, Jamaica,” utos ni Papa. 

“Jamaica, anak. S-Sorry. Hindi ko na talaga kaya,” pakiusap naman sa akin ni Mommy Mariel. 

Nangilid na rin ang mga luha ko. Nakakuyom lang nang mahigpit ang mga kamay ko dahil pakiramdam ko ay bibigay rin ako ano mang oras. The fear of being left alone was strong to me. Hindi ko kayang maiwan. But I must do this. I must face it to overcome it. Dahil kahit na ano ang gawin ko ay may aalis at aalis din sa buhay namin. 

“Bakit mo pinipigilan si Mommy?” tanong ko ulit. Hindi sumagot si Papa. Nagtataka lang siyang nakatitig sa akin. “Hindi ba kasalanan mo ‘to?” 

“Jamaica,” ani Mommy. Para bang pinipigilan niya ako. 

Tiningnan ko siya. “I-It’s okay, Mommy. I understand now. I’m sorry kung pinigilan kita noon. Kung nagalit pa ako sa ‘yo. S-Sorry kasi hindi ko na isip ang nararamdaman mo. I understand now why you want to leave. Because Papa hurt you.” 

“Bumalik ka na sa itaas, Jamaica!” pigil ni Papa sa akin. 

“Bakit, ‘Pa? Totoo naman, ‘di ba? Hindi na kami bata, ‘Pa. Na iintindihan na naming ang mga nangyayari. Kaya sana naman ay magbago ka na rin. Hindi ka pa ba nadadala? Paano kung sa amin mangyari ang mga ginagawa mo sa kanila? Kay Mama? Paano kung kami ang nasa posisyon nila Mommy? ‘Pa, parehas kami babae ng anak mo. Kaya sana naman ay magbago ka na dahil ikaw naman ang may problema,” mahabang litanya ko. Pautal-utal pa ako dahil patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng relief dahil sa mga sinabi ko. 

Kitang-kita ko noong unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Papa sa bag ni Mommy. Nagpunas siya ng mga luha at tumitig sa akin. Kinabahan pa ako noong bigla siyang lumapit sa akin. Akala ko ay nagalit siya dahil sa sinabi ko. Pero nagulat ako noong bigla siyang lumuhod sa harapan ko at humagulhol. 

“S-Sorry, anak! Patawarin mo si Papa! Patawarin mo ako!” paulit-ulit na sabi ni Papa. Yumakap siya sa baywang ko habang patuloy na humahagulhol. 

This time, alam ko na. Hindi talaga si Mama ang rason kung bakit kami nagkasira. Kundi si Papa. Gustuhin ko mang sisihin din si Mommy, pero heto na ang nangyari. Ginawa rin sa kaniya ni Papa ang ginawa nito kay Mama. Malinaw ko nang nakikita ang katotohanan. 

Naupo rin ako at niyakap si Papa. Parehas kaming humahagulhol habang patuloy pa rin sa paghingi ng sorry ni Papa. Ilang sandali pa ay naramdaman kong may yumakap pa sa amin. Si Clarisse. Umiiyak din siya. Parehas nag-sorry sa amin si Papa habang patuloy pa rin sa paghagulhol. 

Tuluyang umalis si Mommy sa amin kinabukasan. Pero hindi na siya pinigilan ni Papa. Hinatid pa niya ito sa bahay nila. Nalaman ko na nag-usap na lang sila at kung sakali mang gugustuhin pa ring bumalik ni Mommy sa bahay ay tatanggapin ito ni Papa. Nangako rin sa amin si Papa na magbabago na siya. Hindi na siya maghahanap ng ibang babae at magpo-focus na lang sa trabaho at sa aming mga anak niya. 

I decided na umuwi rin sa probinsya saglit para kausapin si Mama. I said sorry to her dahil sa ilang taon ay siya ang sinisi ko sa nangyari sa amin. Sabi naman ni Mama ay na iintindihan niya ako. Masyado pa raw akong bata noon kaya hindi ko pa na uunawaan. Pero masaya raw siya na ngayon ay naliwanagan na ako. Maging sila ni Papa ay nagkapatawaran pa. 

Masakit pa rin kasi kahit na ano ang gawin ay hindi na talaga maayos ang pamilya namin. Pero masaya na ako dahil nagkaroon na kami ng closure lahat. Wala na kaming masamang nararamdaman sa isa’t isa. 

Two days lang kami nag-stay sa probinsya tapos umuwi rin kami agad pabalik sa Maynila. Exam week na at wala na akong choice kundi ang pumasok. Kinakabahan pa rin ako dahil hindi ko pa rin nakakausap si Ma’am Dianne matapos ang pangyayaring iyon sa amin. 

“Jamaica!” tawag sa akin ni Sunshine. 

Matipid akong ngumiti sa kaniya. “Good morning.” 

“Mabuti naman at nakapasok ka na ngayon. Kumusta na ang pakiramdam mo?” 

Nagkibit ako ng balikat. “I don’t know. Kumusta rito?” tanong ko. Gusto ko sanang tanungin kung mayroon bang tsismis na lumabas pero nahihiya ako kay Sunshine. Mukha naman napansin niya iyon kaya bigla siyang kumapit sa braso ko. 

“Don’t worry. Mukha namang hindi nagwarla si Ma’am Dianne. Hindi rin siya pumasok ng 3 days matapos no’n.” 

Napatingin ako kay Sunshine. “Talaga?” 

“Oo. Masama raw ang pakiramdam kaya ibang teacher ang nagbigay ng reviewer sa atin. Hindi nga sure kung papasok na siya today.” 

Napalunok ako. Bigla akong kinain ng konsensya ko dahil sa narinig ko. Nag-worry ako dahil baka kung na paano na si Ma’am. She was the sweetest person I meet. Tapos sinaktan ko lang nang ganoon. 

I should talk to her. Kung kailangan kong lumuhod ay gagawin ko para lang mapatawad ako ni Ma’am Dianne. 



Chapter 16: Natapos ang isang...


Natapos ang isang buong araw ay hindi ko nakita si Ma’am Dianne. Kahit noong sumilip ako sa faculty ay hindi ko siya nakita. Hanggang sa mtatapos na lang ang exam week namin ay wala pa rin siya. Hindi ko rin nakikita si Alfred kaya lalo akong nag-aalala. 

“Wala pa rin ata si Ma’am. Last exam na natin siya eh,” ani Sunshine. 

“Oo nga. Kumusta kaya siya?” 

“Eh malamang nag-away sila. Hindi biro ang nangyari sa inyo, ‘no?” 

Napabuga ako ng hangin. “Oo na. Gusto ko lang sana mag-sorry sa kaniya.” 

Hindi na nakasagot si Sunshine dahil nagpasukan na ang mga kaklase namin. Ilang sandali pa ay may pumasok nang teacher. Natigilan pa ako noong makita kong si Ma’am Dianne na iyon. Agad siyang binati ng mga kaklase ko at kinamusta. Pero lahat ng iyon ay ginagantihan lang niya ng matipid na mga ngiti. 

Ramdam ko mula sa pwesto ko na pinipigilan niyang makatingin sa pwesto ko. I know she knew that I am inside the room. Sa puntong iyon ay hinihintay ko na lang ang sunod na gagawin ni Ma’am. Tatanggapin ko kung ipapahiya niya ako. Kung sasaktan niya ako kagay no’ng sa mga napapanood ko. Hindi ako lalaban dahil mali ko naman. 

Sinira ko ang relasyon nila. 

Pero natapos na lang ang exam namin ay wala siyang ginawa. Nakaupo lang siya at tulalang nakatitig sa kawalan. Isa-isa na kaming nagpasa ng mga test papers namin noong biglang may magsalitang kaklase namin. 

“Ma’am Dianne, are you okay? Para po kasing hindi maganda ang pakiramdam mo.” 

Tiningnan ito ni Ma’am at matipid na nginitian. Huminga siya nang malalim. “Sa totoo lang, hindi ko alam. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng pakiramdam bigla.” 

Nakaramdam ako nang pagkirot sa dibdib dahil sa sinabi ni Ma’am. Tumingin ako sa desk ko unti-unti nang inayos ang mga gamit ko. Tapos na rin naman akong mag-exam. 

“A-Alam niyo. Minsan ay parang nagsisisi ako maging teacher.” 

Biglang gumaralgal ang boses ni Ma’am. Walang nagtangkang magsalita sa amin. Kahit iyong mga hindi pa tapos mag-exam ay napatigil at tumitig kay Ma’am. Maputi si Ma’am kaya kitang-kita naming ang pamumula ng kilay at tuktok ng ilong niya dahil sa pagpipigil nitong umiyak. Napahigpit na ako ng hawak sa bag ko. 

Feeling ko ay ito na ang hinihintay ko. 

“I-I love teaching. This is my first love. Na i-enjoy kong makita na may mga natutulungan akong mga kagaya niyo na tuparin ang kanilang mga pangarap. Sa bawat thank you niyo ay para akong nabubuhayan.” Sandaling tumigil si Ma’am at huminga nang malalim. “P-Pero hindi ko alam na ito pala ang sisira sa akin.” Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ni Ma’am. “Ayokong tumigil sa pagtuturo. Gustong-gusto kong gawin ito. Pero paano naman ako? Mali ba na inuna ko ang pangarap ko? Kung ano ang makakatulong sa pamilya ko? Mali ba ‘yon?” 

Nangilid na rin ang mga luha ko. Naramdaman kong hinawakan ni Sunshine ang braso ko at marahan iyong hinagod. Na para bang inaalo niya ako at sinasabing nasa tabi ko lang siya. Pero pakiramdam ko ay hindi ko deserve iyon. Taliwas sa inaasahan ko ay hindi ako sinumbatan ni Ma’am. Imbes na magalit siya sa akin ay sarili niya pa ang sinisisi niya. Na ku-curious ako sa kung ano ang nangyari sa kanila ni Alfred. Pero mas nangingibabaw ang awa ko kay Ma’am. 

How can I hurt her like this? I did this. Kung hindi ako pumayag na makipagrelasyon kay Alfred ay hindi sana mangyayari ito. One was okay, pero naging paulit-ulit pa hanggang sa nahirapan na akong umiwas sa kaniya. Bakit sa dinami-rami ng lalakeng mamahalin ko ay ang mahal din ng teacher ko? 

He was never mine. And he will never be. 

Hindi ko na kinaya kaya kahit nagsasalita pa rin si Ma’am ay napatayo na ako at patakbong lumabas ng kwarto. Narinig kong tinawag ako ni Sunshine pero hindi ko siya nilingon. Nagmamadali akong naglakad palabas ng building at nagpunta sa may court. Doon ay umiyak ako nang umiyak. 

Ilang minute akong nakaupo roon hanggang sa mahimasmasan na ako. Katabi ko na si Sunshine na binilhan ako ng tubig. 

“Nasa room pa rin si Ma’am?” tanong ko sa kaniya. 

“Hindi ko alam. Why? Ano’ng gagawin mo?” 

“I-I can’t do this, Sunshine. Hindi ko kayang walang gawin. Kailangan kong mag-sorry kay Ma’am.” 

“Gaga ka ba? Eh nag-walk out ka na kanina roon. Gusto mo bang mas mapahiya pa, ha?” 

Muling nangilid ang mga luha ko. “Pero hindi ko kaya na hayaan na lang, Sunshine. Nakokonsensya ako.” 

“Fine. Gusto kong sabihin na buti nga. Pero ‘yan na nga. Sigurado ka ba?”

Tumango ako. “Oo.” 

“Paano kung sabunutan ka ni Ma’am? Sampalin? Kaya mo ba?” 

Napapikit ako nang mariin. “Oo. Tatanggapin ko ang lahat ng gagawin niya Sunshine. Kung sasaktan niya ako at ipapahiya ay hindi ako aangal. Kasalanan ko naman eh. Ako ang rason kung bakit siya nagkagano’n. Kaya hindi ko siya masisisi.” 

Hinawakan ni Sunshine ang kamay ko. “No. Hindi ako papayag. Hindi ko gusto ang ginawa mo, oo. Pero h’wag mong hayaang saktan ka ni Ma’am. Pero sa tingin ko ay hindi naman niya iyon gagawin. She’s not blaming you.” 

“But I still hurt her.” 

“Fine. Sige na. Hanapin na natin si Ma’am.” 

Magkasabay kaming tumayo. Pumunta kami sa faculty room pero wala roon si Ma’am. Hinanap pa naming siya hanggang sa malaman namin na nasa clinic pala si Ma’am dahil sumama ang pakiramdam niya. Lalo tuloy akong na guilty. 

Pumunta na kami roon. Wala ang school nurse at nakita namin agad na nakahiga si Ma’am sa nag-iisang stretcher na naroon. Nakatalikod siya sa may pinto at base sa paggalaw ng kaniyang balikat ay alam kong umiiyak siya. 

“Sige na,” mahinang sabi ni Sunshine. “Bantayan ko rito para walang pumasok.” 

Tinanguan ko siya. Nag-ipon muna ako nang lakas ng loob bago tuluyan nang pumasok sa loob ng clinic. Naramdaman ko agad ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon. Lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba dahil doon. Dahan-dahan kong isinara ang pinto. 

“S-Sorry, Ma’am,” ani Ma’am Dianne. “Uuwi na lang siguro ako.” 

Akala niya siguro ay ako ang school nurse namin. Parang binibiyak ang puso ko dahil sa ramdam ko ang labis na kalungkutan sa boses ni Ma’am. Kung ako ay nasasaktan, paano pa kaya siya?

“M-Ma’am,” tawag ko sa kaniya. Nakita kong tumigil sa paggalaw ang balikat ni Ma’am. Unti-unti siyang lumingon sa akin. Napatungo ako agad dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig ni Ma’am. 

“Ano’ng ginagawa mo rito?” malamig na sabi ni Ma’am. 

Nakagat ko ang labi ko. “H-Hinanap ko po talaga kayo—”

“Why? Are you going to say sorry?” tanong niya. 

Nangilid na ang mga luha ko. Ramdam ko ang hinanakit niya sa akin sa bawat salita niya. I build up my courage and looked at her. Nakatalikod pa rin si Ma’am pero hindi na umiiyak. Naririnig ko na lang na sumisinghot-singhot siya. 

“Y-Yes, Ma’am. I’m sorry. H-Hindi ko naman po—”

“Hindi mo sinasadya?” Naupo na si Ma’am at hinarap ako. Doon ko lang napansin na namumugto rin ang mga mata niya. “Hindi ba alam mo na boyfriend ko siya, Jamaica? Pero bakit nagawa mo pa rin sa akin ‘yon? Ano’ng ginawa kong masama para gawin niyo ‘to sa akin?” 

Napatungo ako. Hindi ako nakasagot at napaluha na lamang. Nanginginig na ang mga kamay ko pero pinilit ko pa ring tumayo nang maayos. Ang dami kong gustong ipaliwanag sa kaniya pero walang ibang lumalabas sa bibig ko kundi sorry. 

“But you know what? I can’t blame you. Mabait naman ‘yan si Alfred. Maalaga. P-Pero bakit? Bakit parang kasalanan ko pa ang nangyari? Bakit ako ang pinaparusahan?” 

Humagulhol si Ma’am. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Pero ang tanga ko naman. Ako ang gumawa no’n sa kaniya. Nagpatuloy lang ako sa paghingi ng sorry sa kaniya. Paulit-ulit. 

“No. Don’t say sorry, Jamaica. I want you to live with it. Hindi ko na kaya magpaka-teacher dahil nasasaktan ako. Tao lang din ako. Kaya gusto kong maramdaman mo na nasasaktan ako. But no, hindi kita sasaktan or what. Hindi kita ipapahiya kung ‘yan ang inaalala mo. I still care for you as my student. Pero hanggang doon na lang iyon. Dahil nasaktan mo ako. Sinaktan niyo ako. Kung gusto mo mahingi ang kapatawaran ko ay hindi ko pa iyon maibibigay sa ‘yo. Ang sakit, Jamaica. Durog na durog ako sa ginawa niyo.” 

“N-Naiintindihan ko po, Ma’am. P-Pero hindi ako magsasawang mag-sorry sa ‘yo. Sorry. Hindi ko po talaga inakala na hahantong sa ganito. I’m so sorry.” 

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ma’am ay lumabas na ako ng clinic. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang naglalakad kami. Nakaakbay lang sa akin si Sunshine. Hanggang sa bigla na lang ako napatigil sa paglalakad at napakapit nang mahigpit kay Sunshine. 

“What’s wrong?” 

Napapikit ako at pilit na inayos ang paglalakad. Ngunit pakiramdam ko bigla ay bumigat ang katawan ko. Bigla ring umikot ang paningin ko hanggang sa unti-unti akong nawalan ng malay. 



Chapter 17: Hindi ko alam...


Hindi ko alam kung sinusubok ba talaga o talagang pinaparusahan na. Tulalang nakatitig ako sa ultrasound na ginawa sa akin kanina noong bumalik ang malay ko. 

I’m pregnant. Mahigit isang buwan na. Kaya ako biglang nahilo at nawalan ng malay kanina. Kaya pala bigla akong naging antukin at gutomin. Kaya pala parang may nag-iba bigla sa akin. Hindi ko napansin dahil akala ko ay na di-depress lang ako dahil sa nangyari. But I’m wrong. 

“Ano na ang gagawin mo ngayon?” puno nang pag-aalalang tanong ni Sunshine. 

Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Sunshine. Ano nga ba ang gagawin ko ngayon? Ang pagiging buntis ang pinakahuling gusto kong mangyari sa akin. 

“Sasabihin mo ba sa kaniya?” 

“Kanino?” 

“Kay Alfred?” 

Napalunok ako. “Para saan pa?” 

“Eh ano? Itutuloy mo ‘yan?” 

“Syempre!” agad na sabi ko. “Walang kasalanan ang batang ‘to sa mga ginawa ko.” 

“Paano na nga ngayon? Siguradong magtatanong ang parents mo bakit ka buntis. Eh wala naman silang nalaman na boyfriend mo.” 

Bumuga ako ng hangin. “Saka ko na siguro iisipin ‘yan.” 

“Ikaw ang bahala. Basta naka-support lang ako sa ‘yo. Kung gusto mo, ako na magtuloy riyan.” 

“Baliw.” Tinitigan ko si Sunshine. “Salamat, ha? Hindi mo ako iniwanan.” 

“Ano ka ba? Gano’n ka rin naman sa akin. Hindi mo ako iniiwan kahit na alam kong sawang-sawa ka na kakakinig sa mga heartaches ko. Ngayon na ikaw ang may kailangan ay heto ako. Pero ha? Last mo na ‘yan.” 

Natawa na ako. Nagpapasalamat pa rin talaga ako na nasa tabi ko si Sunshine. Matapos ang ilang mga test ay pinayagan na akong umuwi. Hinatid ako ni Sunshine hanggang sa makarating kami sa bahay. Wala pa si Papa at Clarisse noong dumating kami. Ayaw sana umalis ni Sunshine dahil nag-aalala raw siya sa akin. Pero pinilit ko na siya at sinabing ayos lang ako. 

Nasa kwarto na ako at nakaharap sa salamin habang pinagmamasdan ang tiyan ko. Maliit pa rin iyon at walang bahid na pagkabuntis. Hinaplos ko ang tiyan ko. 

I’m pregnant. At walang ibang ama kundi si Alfred. Siya lang ang lalakeng nakaangkin sa akin. At ngayon ay magiging tatay pa ng anak ko. Hindi alam kung ano ang ibig iparating ng tadhana sa akin. Pero desidido na ako, I’ll continue this pregnancy. 

Kaya noong umuwi si Papa ay kinausap ko siya. I said sorry to him saka sinabi ko ang lahat ng mga nangyari sa akin. Hindi naman siya nagalit. Napaiyak lang siya at sinisi na naman ang sarili. Kinausap ko siya at sinabi na hindi ko siya sinisisi. Pero pinilit niya na iyon na raw ang karma siya. Kaya nangako siya sa akin na susuportahan ako. I don’t like idea of it. Kasi bakit naman ako ang kakarmahin? Tsaka, hindi ko matatawag na karma ang batang nasa tiyan ko. Pero na realize ko na siya ang magiging daan para makabangon ako ulit. 

Dahil tapos na naman ang first sem ay naisipan ko na umuwi na lang ng probinsya. Nag-transfer ako ng school at doon na lang itutuloy ang course ko sa probinsya. Doon ko na rin binalak na manganak at hindi na rito. Wala na rin akong balak na sabihin kay Alfred ang tungkol sa pagbubuntis ko. 

Nalaman ko mula kay Sunshine na nagkahiwalay pala sina Ma’am Dianne at Alfred dahil sa nangyari. And I learned na hindi pala iyon ang unang beses na nagloko si Alfred kay Ma’am. Isa lang pala ako sa mga naging kasalanan niya sa teacher naming. Mas lalo tuloy akong nagsisi dahil nagkagusto ako sa kaniya. 

Minadali ko nang ayusin ang mga kailangang ayusin sa school ko. Pauwi na ako noong biglang may humarang sa daraanan ko. Muntik pa akong matumba dahil sa gulat ko pero maigi na lang ay nahawakan ako ng kung sino mang iyon. Pagagalitan ko na sana ito pero natigilan ako noong makita kong si Alfred pala ang may hawak sa akin. Tinulak ko siya agad at lumayo sa kaniya. 

“Alfred?” 

Ngumiti sa akin si Alfred. Ilang linggo ko lang siya hindi nakita pero ang laki na ng pinagbago niya. Ang laki ng ibinagsak ng katawan niya. Mahaba na ang buhok at may bigote’t balbas pa. 

“Jamaica, mabuti naman at nakita na kita. Can we talk?” 

“No,” mariin kong sabi. 

“Jamaica naman. Galit ka pa rin ba sa akin? I’m sorry.” 

Sinubukan niya akong hawakan. Nasa loob pa rin kami ng school kaya napatingin ako sa paligid. Mabuti na lang at wala gaanong tao sa may pwesto namin.

“Nababaliw ka na ba? Sa tingin mo maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo? Tapos na tayo, Alfred. Hayaan mo na lang ako mag-move on!” 

“Paano naman ako? Mahal kita, Jamaica,” garalgal ang boses ni Alfred. 

Napailing ako. “Hindi mo ako mahal, Alfred. Tapos na tayo ka hayaan mo na lang ako. Please lang. Ayaw ko nang makita ka pa ulit. Tama na ang sakit na ibinigay mo sa akin.” 

“Jamaica, no!” 

Sinubukan akong yakapin ni Alfred. Nalanghap ko agad ang matapang na amoy ng alak at sigarilyo. Napaubo-ubo pa ako kaya agad ko siyang tinulak at sinampal. 

“Wake up, Alfred! Hindi ako tanga na magpapaloko sa ‘yo nang paulit-ulit! Naghintay ako sa ‘yo noon. Pumayag akong magpakatanga noon sa ‘yo. Pero hanggang doon na lang iyon. Tapos na tayo kaya kahit na ano pa ang gawin mo ay hindi na ako papayag na magkabalikan pa tayo. Kung hindi mo mapilit si Ma’am, h’wag ako,” may diing sabi ko sa kaniya. 

Nagmakaawa pa sa akin si Alfred pero tumakbo na ako palayo sa kaniya. Noong makalayo na ako ay agad akong napaupo sa malapit na upuan. Pakiramdam ko ay biglang naubos ang lahat ng tapang ko noong kaharap ko si Alfred. Nasapo ko ang tiyan ko at agad na napaluha. 

“I’m sorry, baby. S-Sorry at kailangan kong gawin iyon sa daddy mo.” Napapikit ako nang mariin. “Sana balang araw ay mapatawad mo rin ako kung bakit hindi ko sasabihin sa kaniya ang tungkol sa ‘yo. Hindi pa talaga ready si Mommy. S-Sorry kung lalaki kang kagaya ni Mommy. Hindi buo ang pamilya. But I promise you that I’ll be your mother and father. I will give you the best as long as I’m alive. At sisiguraduhin kong the best pa rin ang maiiwan sa ‘yo kahit na patay na ako. Para kahit na wala kang tatay. Kahit na tayo lang ay hindi mo maramdaman na hindi ka buo. Mahal na mahal kita, anak. I-I’m so sorry I have to do this.” 



Epilogue: Forgiveness


10 years later

I could say I had a great life after what happened. Natuloy ang pag-transfer ko. Habang buntis ako ay pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Mabuti na lang din at hindi naman ganoon kalaki ang tiyan ko kaya hindi ako nahirapan. Eight months na ang tiyan ko noong matapos ko ang third year ko. Tuwang-tuwa sina Mama at Papa. Si Mommy? Hindi na sila nagkabalikan ni Papa. Hindi na rin pinilit pa ni Papa ang relasyon niya kay Mommy at nag-focus na lang talaga sa amin. Si Mama naman ay sila pa rin ni Tito Romel. Mabait naman pala siya. Hindi na ako nagtataka bakit sumama sa kaniya si Mama noon. Kahit naman ako ay mas gugustuhin ko na makasama ang taong talagang mahal ako. 

After a month, I had my son. I named him Cristopher. He looked Alfred a lot. Halos parang pinagbiyak silang bunga. Lalo na noong lumalaki na si Cristopher. Noong una ay gusto kong magtampo sa Diyos. Kasi bakit naging kamukha pa ni Alfred? Pwede naman ako na lang. Noong mag-one-year na ang anak ko ay pinagpatuloy ko na ang pag-aaral ko. But I shifted my course to education. 

Hindi ko na rin talaga nasabi kay Alfred ang tungkol sa anak namin. Though, hindi ko naman tinago sa anak ko kung sino ang tatay niya. Noong una ay naghahanap siya rito. Pero pinapaliwanag ko na lang sa kaniya nang maayos. Hanggang mag-ten na siya. 

Hindi na rin ako nagkaroon ng nobyo mula noon. Mayroong iilang mga nagsubok pero wala akong sinagot. Nag-focus ako sa anak ko at sa trabaho. I became a teacher noong maglilimang taon na ang anak ko. I decided na ituloy din ang pag-aaral ko para maging ganap na teacher ako. Pinagsabay ko ang pagtuturo habang nag-aalaga kay Cristopher. It was hard. May mga times na gusto ko nang sumuko. Pero sa tuwing nakikita ko ang masayang mga ngiti ng anak ko ay sumisigla ako agad. 

“Daan tayo sa mall, mommy,” yaya sa akin ni Topher. 

Sandali ko siyang tiningnan sa passenger seat. Pauwi kami sa bahay para bisitahin si Papa. Retired na si Papa at sa bahay na lang palagi. Kasama niya roon si Clarisse na may pamilya na rin. Gusto nga sana ni Papa na dumoon kami ni Topher pero hindi ko naman maiwan ang trabaho ko sa probinsya. Kaya paminsan-minsan na lang ako lumuwas dito sa Maynila. 

“Why? Binigyan ka na naman ba ng pera ng lolo mo?” 

Humagikhik si Topher. Napailing na lang ako. Dahil unang apo ay spoiled kay Papa si Topher. Kahit na malayo kami sa kaniya ay palagi itong may isang libo sa tuwing dumadating ang pension nito. 

“Oo na. Pero saglit lang tayo, ha? Gagabihin tayo sa daan.” 

“Yes, mommy! Thank you!” 

Napangiti na lang ako at tahimik na nagmaneho. Pumasok kami sa isang mall na madadaanan namin. Matapos kong i-park ang kotse ay magkasabay na kaming pumasok ni Topher sa mall. Dumeretso kami sa NBS. Tahimik na bata si Topher. Hindi rin maluho. Pero ang mahilig itong magpinta at magdrawing. Kaya imbes na sa laruan o gadget napupunta ang mga binibigay sa kaniya ng lolo niya ay mga art materials ang binibili nito. Mahilig din itong magbasa ng mga libro. Hindi ko siya pinipigilan dahil I see it as a good thing. Iilan na lang ang mga bata na mahilig magbasa. 

Habang hinihintay ko ang anak kong pumili at minabuti kong magtingin-tingin na rin ng libro. Napatingin ako sa isang magazine kung saan nakita ko si Sunshine. I can’t help but to feel proud of her. Naging sikat na dermatologist si Sunshine. Pagka-graduate niya ay nag-shift ito ng course dahil iyon daw talaga ang gusto niya. I can’t believe her pero nakakatuwa dahil malayo na ang narating niya ngayon. We still have a contact. Sa tuwing may oras siya ay binibisita niya ako sa probinsya. O kaya naman ay ako ang nadalaw sa kaniya. 

Sa katunayan ay pupuntahan ko nga siya bukas. 

“Jamaica?” 

Napatingin ako sa likuran ko noong may tumawag sa akin. Ilang sandali ko pang tinitigan ang babaeng kaharap ko hanggang sa ma-realize ko kung sino ito. Halos walang pinagbago ang hitsura niya. Medyo nagkaroon lang ng laman at maiksi na ang buhok. Pero parang hindi tumanda si Ma’am Dianne. 

“M-Ma’am Dianne?” 

Ngumiti nang malapad si Ma’am. “Sabi ko na nga ba! How are you?” 

“Ahm. A-Ayos lang naman po. Teacher na rin.” 

“Wow! That’s great. May kasama ka ba? Do you mind if we talk a bit?” 

Napatingin ako sa dereksyon ni Topher. Nagtitingin pa rin ito ng mga materials niya. “Meron po. Pero pwede naman tayong mag-usap.” 

“Sige. May coffee shop diyan sa tapat. Mauna na ako roon. Hintayin kita, ha?” 

“Sure, Ma’am.” 

Naglakad na si Ma’am palabas ng NBS. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa muling pagkikita namin ni Ma’am. Isang dekada na ang nakalipas. Napatawad na kaya ako ni Ma’am? Naging sila kaya ni Alfred? Umiling ako. Hindi ko na dapat tanungin pa ‘yon. Nilapitan ko si Topher at sinabihan na doon lang ako sa tapat na coffee shop. Marunong na siyang magbayad sa cashier kaya pwede ko na siyang iwanan. Tsaka hawak naman niya ang pera niya. 

Pagkatapos ay sumunod na ako kay Ma’am Dianne. Nakita ko siya agad sa may bungad lang. Nakaupo siya roon at talagang hinihintay ako. 

“Um-order na ako. Okay lang ba sa ‘yo ang Americano?” 

“Opo.” 

“Iyong batang kasama mo. Anak mo?” 

“Opo, Ma’am. Si Cristopher.” 

Napangiti si Ma’am. “Kamukhang-kamukha niya si Alfred.” 

Nag-iwas ako ng tingin. Oo, naka-move on na ako kay Alfred. Pero hindi pa rin nawawala ang guilt ko sa nangyari. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko at humihingi pa rin ng kapatawaran sa mga dasal ko. 

“Don’t worry, Jamaica. I’m okay now. In fact, I already have my own family.” 

Muli akong napatingin sa kaniya. “T-Talaga po?” 

“Yes. At hindi si Alfred ang naging asawa ko.” Hindi ako umimik. “Alam ko na hindi naging maganda ang paghihiwalay natin. Kaya sobrang saya ko na nagkita tayo ngayon. Actually, may dadaanan lang sana ako pero napansin kita. Are you okay now?” 

“Oo naman, Ma’am. Pero… minsan naiisip ko pa rin ang mga nangyari. Hanggang ngayon ay gusto ko pa rin humingi ng tawad sa nangyari, Ma’am.” 

Hinawakan ni Ma’am ang kamay ko. “H’wag mo na sanang isipin pa iyon, Jamaica. Gusto ko rin humingi ng sorry dahil inabot ng dekada bago tayo nagkausap. Aaminin ko, sobrang nasaktan ako noon. But I want you to know na okay na ako. Napatawad na kita. Kaya sana ay patawarin mo na rin ang sarili mo.” 

Agad na nangilid ang mga luha ko. Wala pa ring pinagbago si Ma’am. Napakabait pa rin. Nagi-guilty pa rin ako. Pero I’m happy na napatawad na niya ako. Isa iyon sa mga gusto ko sanang mangyari bago ako mawala sa mundo. 

“S-Salamat, Ma’am. Salamat at napatawad mo na ako. Araw-araw kong ipinagdasal na mapatawad mo na ako. Na sana ay maayos ka lang. Sobra akong na gi-guilty sa nagawa ko.” 

“Ssh. H’wag mo na isipin ‘yon. Masaya na naman tayong parehas, ‘di ba? May asawa ka na rin ba?” 

Umiling ako. 

“Why? You should find one! Ang ganda-ganda mo!” 

Napangiti ako. Kung may nagbago man kay ma’am ay itong parang naging lalong palabiro ito. Or kung matatawag ba iyong pagbabago. Pero masyado na siyang vibrant ngayon. 

“Mas gusto ko pong mag-focus sa anak ko.” 

“Naku! Ganyan din ako noon nung maghiwalay na kami ni Alfred. Tingnan mo ngayon? Lima na anak,” natatawang sabi ni Ma’am Dianne. Natawa na rin ako. “Life is good, Jamaica. I’m happy na makita kang masaya.” 

“Ako rin po.” 

Marami pa kaming napagkwentuhan ni Ma’am Dianne. Nalaman ko mula sa kaniya na nasa ibang bansa pala si Alfred at binata pa rin. Nagkaroon daw ng asawa pero hindi rin nagtagal. Kaya nag-migrate na lang. Nagpalitan pa kami ni Ma’am ng number para daw may contact kaming dalawa. 

Sobrang saya ko na after what happened ay naging okay pa rin kami ni Ma’am. Siguro nga talagang may mga rason ang mga pangyayari sa mga buhay naming. Masaya ako na naging masaya pa rin si Ma’am. Na parehas na kaming nagka-move on. 

Minsan ay hindi talaga dapat na palaging puso ang pinapairal. Dahil ang mga bagay na akala natin ay okay ay hindi pala. Hindi pwedeng idahilan na nagmahal lang tayo. Dahil kaya nga may utak para kahit papaano ay mapag-isipan din natin nang maigi. Siguro nagkamali ako noon, naging kabit ako. Pero isa na lang iyong pagkakamali na ibabaon ko na sa limot. Pagkakamaling ni minsan ay hindi ko na babalaking gawin pa ulit. 

Kung sakali mang magmahal ako ulit. Sisiguraduhin ko na wala na akong kaagaw. Na ako lang ang mahal niya. Na hindi ako pangalawa. Sisiguraduhin ko na matatawag ko na rin siyang akin.



The End. 

© 02//19/2023

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !