Views

Mister Billoinaire's Sunshine

Ameiry Savar
0

 



Mister Billionaire's Sunshine

Ameiry Savar

Romance

Tags: Billionaire, Arranged Marriage, hate to love 


Disclaimer!


Mister Billionaire's Sunshine may contain scenes that are not suitable for very young readers and sensitive readers. 

This is a work of fiction. All names, characters, persons, places, and incidents are only a product of my imagination. All resemblance to an actual person, may they be living or dead, events or anything are purely coincidental.

All right reserved! No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the author's prior written permission, except for brief quotes and lines from the story.

Mister Billionaire's Sunshine © 2023 by Ameiry Savar

Blurb:

Si Lirah Sarmiento, isang haciendera at masunuring anak. Wala siyang ibang ginawa kundi sundin ang mga inuutos ng mga magulang at kapatid para lang makuha ang inaasam na pagmamahal ng mga ito. Kahit na ang magpakasal sa isang lalakeng hindi naman niya kilala para lamang mailigtas ang kanilang kompanya.. 

Si Matias Gomez, ang panganay na anak ng mga Gomez. Isang bilyonaryong bigo sa pag-ibig. Lumaki siyang may galit sa mga magulang dahil gusto ng mga itong maging perpekto siya bilang tagapagmana ng kanilang mga ari-arian. Kahit na pati sa magiging asawa niya. 

Dalawang tao na may magkaibang katauhan. Parehas na pinagkaitan ng pagmamahal. Magawa kaya nilang mahanap ang pag-ibig na kanilang inaasam sa piling ng isa’t isa? 



Chapter 1: The Unwanted Daughter



“This is unacceptable! Paanong nangyari ito?!” galit na galit na tanong ni Don Fernan Sarmiento. Tumayo pa siya mula sa kaniyang upuan at hinampas nang malakas ang lamesa. Siya ang may-ari ng pinaka tanyag na shipping company buong bansa. Kararating lamang sa kaniya ng balita na ang kaniyang pinagkakatiwalaang bise presidente ay lumipad papunta sa ibang bansa dala ang malaking pera na galing sa kanilang kompanya. 


Lahat ng mga nasa loob ng silid ay natahimik at agad na tumungo. Hindi magawang salubungin ang tingin ng nagpupuos na senyor. Kasalukuyan silang nagmi-meeting noong biglang pumasok ang isang executive ng kompanya para ipaalam ang balita sa kanila. 


“W-We learned that he created a g-ghost company abroad. Doon niya po ipinapadala ang funds galing sa mga nakukuha siya sa kompanya. H-He used fake accounts–” 


“Shut up!” ani Don Fernan. Itinapon niya ang mga folder na nasa kaniyang harapan. Huminga nang malalaim si Don Fernan at pilit na pinakalma ang sarili. Sinapo niya ang kaniyang dibdib at muling naupo. “Get out,” mahinang sabi niya. 


Nagkatinginan ang mga board members at hindi agad kumilos. Ngunit noong tiningnan sila nang masama ni Don Fernan ay agad silang nagpulasan palabas ng silid. Ito ang inabutan ni Donya Paulina Sarmiento, ang asawa ni Don Fernan. Napansin nito ang asawa na naghahabol ng hininga sa upuan nito. 


“Fernan!” Dali-daling lumapit si Paulina kay Fernan. Noong makita niyang namumutla ito ay  agad siyang kumuhang tubig at akmang paiinumin ito ng tubig. Ngunit umungol na nang malakas si Fernan. “Diyos ko! Tulungan niyo kami! Ang Don!” sigaw ni Paulina. Maluha-luha na siya at inakap na ang asawa na inaatake na sa puso. 


Agad na may pumasok na mga kalalakihan sa loob ng silid. Ang mga tauhan ni Fernan. Tinulungan ng mga ito na dalhin si Fernan sa ospital.


Abot-abot ang  dasal ni Paulina habang nasa ospital na sila at hinihintay ang paglabas ng doctor na kasalukuyang nag-oopera ngayon kay Fernan. Inatake ito sa puso dahil sa matinding emosyon. At mabuti na lamang ay agad na naisugod ito sa ospital. Hindi rin nagtagal ay dumating ang panganay na anak nila sa ospital upang malaman ang nangyari sa ama. 


“What happened to Papa, Mama?” nag-aalalang tanong ni Liza. Ang panganay na anak. Sa edad  na bente singko ay isa na siyang tanyag na modelo. Sa kaniyang tindig pa lamang ay marami na ang humahanga. Hindi maikakaila na isang magandang babae ang panganay ng mga Sarmiento. 


“Hindi ko pa alam, Liza. Nakita ko na lang siyang inaatake sa meeting room nila.” 


Bumuntonghininga ang dalaga at niyakap ang ina na walang tigil sa pag-iyak. “Don’t worry, mama. Papa is a strong man.” 


“He better be. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mawawala ang papa niyo!” 


“Papa! Nasaan si Papa? Ano’ng nangyari kay Papa?” humahangos na tanong ni Lirah, ang bunsong anak na babae ng mga Sarmiento. Hindi kagaya ni Liza, si Lirah ay tahimik na anak nila Paulina. Hindi nito gusto ang makihalubilo sa mga tao. Mas gusto nitong ubusin ang oras sa mga halaman at hayop na mga inaalagaan nito. Ngunit sa kanilang magkapatid ay higit na makakakitaan ng kagandahan si Lirah. Hindi lamang siya mahilig mag-ayos kagaya ng kaniyang ate. 


Umingos si Liza. “Bakit ngayon ka lang, Lirah? And what is that smell? Did you even wash yourself before coming here?” maarteng tanong niya. Tinakpan pa niya ang ilong dahil sa hindi kanais-nais na amoy na nagmumula kay Lirah. 


Sandaling natigil sa pag-iyak si Lirah at napatingin sa sarili. Kasalukuyan kasi siyang nagpapaanak ng alaga niyang baboy noong malaman niya ang nangyari sa kaniyang ama. Mabuti na nga lang at naroon ang kaniyang matalik na kaibigan at ito muna ang pumalit sa kaniya. Hindi na niya na isip pang maglinis dahil sa labis na pag-aalala. 


“S-Sorry, ate. Nanganak na kasi si Chuchay.” 


Naiikot ni Liza ang kaniyang mga mata. Magsasalita pa sana ito pero bumukas na ang  pinto ng operating room at lumabas ang doctor mula roon. Agad nitong ibinalita na naging ligtas ang ginawa nilang operasyon. Ngunit kasalukuyang nasa comatose si Fernan kaya hindi pa rin nila masasabing ligtas na ito. 


“Oh my God, Fernan!” tangis ni Paulina. 


“Ihahanda na po namin ang magiging silid ni Don Fernan.” 


“Sige, doc. Salamat po.” 


“Liza, what should we do? Your papa! I can’t lose your papa!” 


“D-Don’t worry, mama. We will make sure that he will recover.” 


Napatungo si Lirah at tahimik na umiyak. Hindi niya mawari ang labis na pag-aalala na nararamdaman niya para sa kaniyang ama. Hindi niya rin kakayanin kung may masamang mangyari dito. 


Dinala na si Don Fernan sa pribadong silid nito. Lalong nahabag at nangamba si Paulina nang makita niya ang estado ng kaniyang pinaka mamahal na asawa. Hindi mabilang kung ilan ang mga nakakabit na aparato sa katawan nito. Nakabibingi ang tunog ng isang makina na nagpapakita ng tibok ng kaniyang puso. Para bang bawat pitik niyon ay bumibilis din ang pagtibok ng kaniyang puso. 


Minabuti namang hindi muna pumasok ng magkapatid sa loob ng silid at kinausap ang sekretarya ni Don Fernan para malaman kung ano ang nangyari dito. 


“Malaki ang nawala sa kompanya ninyo, Miss Liza. At mahihirapan kayong bawiin iyon hanggat hindi niyo na huhuli ang nagnakaw sa inyo,” ni George. 


“Kaya siguro inatake sa puso si Papa,” malungkot na sabi ni Lirah. Napatungo siya at kinagat ang labi. Labis siyang na aawa para sa kaniyang ama. Mahal na mahal nito ang kompanya nila. 

“A-Ano na po ang ginagawa ng board tungkol doon? Nahuli na ba siya?” 


“Sadly,  no. Pero nagsampa na kami ng kaso at naipasa na rin namin sa NBI ang reklamo. But you need to think of something para mapunan ang nawala sa kompanya niyo. Dahil kung hindi ay maaring mawala ito sa inyo.” 


Napabuga ng hangin si Liza. Tumango siya rito. Bilang panganay, alam niyang siya ang dapat na pumalit pansamantala sa kaniyang ama. Sigurado rin siya na hindi magagawang tumayo bilang chairman ng kompanya ng kaniyang ina dahil labis itong nasasaktan dahil sa nangyari sa kanilang ama. 


“Sige, George. Maraming salamat.” 


Tumungo si George sa kanila at nagpaalam na. 


“Ano na ang gagawin natin ngayon, ate?” 


Umarko ang kilay ni Liza at hinarap ang kapatid. “Ano ang gagawin natin? Ikaw. Umuwi ka muna at linisin ang sarili mo. Wala ka rin namang alam sa pagpapatakbo ng negosyo dahil masyado kang abala diyan sa mga alaga mo!” 


Natigilan si Lirah. Maluha-luhang tiningnan niya ang nakatatandang kapatid. Lingid sa kaalaman ng karamihan ay hindi maganda ang pakikitungo ni Liza at Paulina kay Lirah. Itinuturing ng dalawa si Lirah na para bang hindi kaanak ng mga ito. Hindi rin maunawaan ni Lirah kung bakit gayong ginagawa naman niyang maging mabuting anak at kapatid. Ang tanging kakampi lamang niya sa kanilang tahanan ay ang kaniyang ama. Kaya gano’n na lamang ang pag-iyak niya dahil sa labis na pag-aalala. 


“G-Gusto ko lang naman makatulong, ate.” 


“Then go home! You stink, Lirah. Gusto mo bang pati si Mama ay atakihin dahil sa baho mo?” 

Napatungo na si Lirah at tuluyang napaluha. Tahimik siyang tumango at tumalikod na sa kaniyang kapatid. Sinilip niya muna ang kaniyang ama mula sa pinto ng silid nito. 


‘Pa, babalik po ako. Please. Gumising na po kayo.’


“Lirah! Ano pa ba ang hinihintay mo?” iritableng tanong ni Liza. 


Hindi na sumagot pa si Lirah at naglakad na palayo ng silid. Gusto man niyang pumasok at bantayan ang kaniyang Papa ay hindi naman talaga kaaya-aya ang kaniyang amoy ngayon. Lahat nga ng kaniyang nakakasalubong ay napapaiwas sa kaniya. Hiling na lamang ni Lirah ang mabilis na paggaling ng kaniyang ama. 




Chapter 2: Kailangan mong magpakasal





“Hindi pwedeng mawala ang kompanya sa Papa mo, Liza. Kailangan nating gumawa nang paraan!” nag-aalalang sabi ni Paulina. Kakakalma lamang niya dahil sa nangyari sa kaniyang asawa at pinag-uusapan na nilang kaniyang panganay na anak ang tungkol sa dahilan kung bakit inatake ang kaniyang asawa. Nakaupo sila sa maliit na sala ng silid ni Fernan.

“That’s what I thought, Mama.” Tiningnan ni Liza ang kaniyang ama. “Hindi kakayanin ni Papa kapag mangyari iyon. I just can’t beleive that ninong did that.”

Napailing si Paulina. “Noon pa lang ay may inggit na ang Ninong Fidel mo sa Papa mo. Hindi na ako nagtaka na nagawa niyang traydurin tayo.”

“After what we did to him? Ito ang igaganti niya? I swear I will find him and make him pay!”

“Pero ang kompanya, Liza. Hindi natin ito pwedeng pabayaan. Ito lang din ang pag-asa natin.”

Napabuntonghininga si Liza. Tama ang kaniyang mama. Oo nga’t marami na siyang koneksyon dahil sa kaniyang pagmomodelo. Pero nag-uumpisa pa lamang siya sa pag-aartista. At hindi iyon sasapat para buhayin sila o kaya itayong muli ang kanilang kompanya. Mahigit sampung bilyon ang nawala sa kanilang kompanya. At kapag hindi agad iyon maibalik ay wala silang maipapasweldo sa kanilang mga empleyado. Idagdag pa ang mga shareholders na umaasa sa kanilang parte.

“Hindi ba mayroong pinagkakasundo sa iyo ang papa mo noon?”

Natigilan si Liza sa tanong ni Paulina. “Sino?” balik-tanong niya.

Napaisip si Paulina. “Ang anak ng mga Gomez.”

Ang pamilya ng Gomez. Sila ang pinaka prominenteng pamilya ngayon sa bansa. Hindi lang sila sa bansa kilala dahil maging sa ibang mga bansa. Marami silang hawak na mga negosyos at isa rin sa mga kososyo ng mga Sarmiento. Mayroon ding dalawang anak ang mga Gomez. Bilang magkasosyo ay naisipan ng matandang Gomez na ipagkasundo ang mga panganay nila ni Fernan. Dahil ang dalawa rin ay matalik na magkaibigan at magkababata pa. Ngunit hindi lamang iyon natutuloy dahil ayaw ni Paulina na magpakasal. Ayaw nito dahil sa kadahilanang mayroong sabi-sabi na hindi raw swerte sa asawa ang panganay na anak ng mga Gomez. Ang dahilan? Walang nakakaalam.

“Ma! Ayoko!” agad na protesta ni Liza.

Napabuga ng hangin si Paulina. Alam niyang aayaw rin ang kaniyang anak dito. Kung siya rin naman ay ayaw niyang makasal si Liza sa lalakeng may sumpa.

“Pero ano ang gagawin natin? Sila lang ang makakatulong sa atin ngayon.”

“You know that I can’t marry that man! Ayoko pang mamatay, ‘no?”

“I know what to do. Kailan ba babalik ang walang kwenta mong kapatid?”

“Hindi ko alam, ma. And I don’t care. Sobrang baho niya kanina. At kahit anong linis niya ay hindi na ‘yon mawawala sa kaniya. She stink too much–” Natigilan si Liza. “Wait. Don’t tell me…”

Ngumiti si Paulina at tumango sa anak. “Yes,” tugon niya hindi pa man nagtatanong ang anak. Agad na natawa si Liza at tumango-tango. “Now call her and tell her to come back. Tatawagan ko lang ang mga Gomez.”

Agad na tinawagan ni Paulina ang mga Gomez. Humingi siya ng tulong sa mga ito sa kanilang kompanya. At ang kapalit nito ay papayag sila sa nais ni Don Manuel Gomez. Ang ikasal ang mga panganay nila. Agad na pumayag si Don Manuel at nagtakba pa ito ng araw na pagbisita kay Fernan.

Habang si Liza naman ay agad na tinawagan si Lirah na bumalik na sa ospital. Na agad naman sinunod ng huli.

Suot ang kaniyang bulaklaking bestida na kulay dilaw ay dali-daling pumunta si Lirah sa ospital. Sa katunayan ay kanina pa handa si Lirah para sa kaniyang pag-alis. Nag-aalala lamang siya dahil baka magalit lang na naman ang kaniyang ina at ate kapag bumalik siya kaagad doon. Maigi na lamang ay tumawag ang nakatatanda niyang kapatid.

“Mama. Ate. Kumusta si Papa?” tanong ni Lirah pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng silid. Inilapag niya ang dala niyang bulaklak sa lamesita malapit sa kaniyang ama at lumapit sa tabi ng ama.

Agad na nangasim ang mukha nila Paulina noong makita ang dalaga. Kahit na ano ang gawin ni Paulina ay hindi niya talagang magawang mapabango ang amor sa kanilang bunso.

“Papa… nakakaawa ka naman,” malungkot na sabi ni Lirah. Hinaplos niya ang likod ng palad ni Fernan. “Pa. Wake up, please.” Agad na nangilid ang nga luba ni Lirah. Parang kaninang umaga lamang ay masaya niyang kausap ang ama. Balak kasi nilang palakihin pa ang hacienda. Nabili na kasi nila ang kalapit pang mga lupa ng kanilang hacienda kaya nasasabik na si Lirah. Ngunit napalitan iyon nang matinding lungkot dahil nakaratay na ngayon ang kaniyang ama.

“Lirah. Come here,” tawag ni Liza sa kapatid. Nakaupo siya sa pang-isahang upuan katabi ang ina.

Nilingon ni Lirah ang kaniyang ate at lumapit sa mga ito. Naupo si Lirah sa mahabang sofa.

“Bakit po?” magalang niyang tanong.

Huminga nang malalim si Paulina. Pinilit niyang palambutin ang ekspresyon habang nakatingin sa bunsong anak.

“Lirah, anak. May sasabihin ako sa 'yo.”

Parang pinisil ang puso ni Lirah noong marinig niya ang malamyos na pagtawag sa kaniya ni Paulina. Ni minsan ay hindi nito iyon ginawa sa kaniya. Madalas pa nga ay sigawan siya nito. Nakakapanibago para sa kaniya naman ay ngumiti siya rito.

“Ano po iyon, mama?”

“Do you love this family?”

Nangunot ang noo ni Lirah. “S-Syempre naman po.”

“Are you willing to do anything for our family?”

“Opo, mama,” tugon ulit ni Lirah kahit na nalilito na siya sa mga tanong nito. Ang kaniyang kasiyahan ay napalitan din ng kakaibang kaba.

“You heard what George had told us earlier, right?” sabad ni Liza.

Tumingin si Lirah sa kaniyang kapatid at tumango. “O-Opo, ate. Ninakawan ang kompanya at nanganganib na mawala iyon.” Napabuga ng hangin si Lirah at tumingin sa ama. “At sobrang malulungkot si Papa kapag mangyari iyon.”

“Good. Alam mo na ang mararamdaman ng Papa mo, hindi ba?” ani Paulina. “Kailangan namin ng tulong mo, Lirah.”

Biglang sumikbo ang dibdib ni Lirah. Sa buong buhay niya ay pakiramdam niya wala siyang kwenta sa mga ito. Tapos ngayon ay kailangan pa ng pamilya niya ng tulong? Malugod niya iyong gagawin!

“What is it, Mama? Anything. Tutulong ako. For Papa. Sa kompanya. Para sa atin,” nasasabik pang sabi ni Lirah.

Napangiti nang malapad si Paulina. Gayon din si Liza. Nagkatinginan pa ang dalawa bago tumugon kay Lirah.

“Kailangan mong pakasalan ang panganay na anak ng Ninong Manuel mo.”


Natigilan si Lirah. “Ho?”



Chapter 3: Para sa pamilya




Kilala ni Lirah ang mga Gomez. Si Don Manuel Gomez ay ang nag-iisa niyang ninong. Ito lang din ang na aalala niyang palaging bumabati sa kaniya sa nga kakilaka ng kaniyang ama. Sa katunayan ay mas mabait pa nga si Don Manuel sa kaniya kaysa sa sarili niyang ina. Kahit na gano'n ay hindi niya kilala ang panganay na anak ni Don Manuel dahil palagi itong wala sa mansyon ng mga ito. At isa pa, matanda ito sa kaniya ng sampung taon. Saka ang alam niya ay may asawa ito.

“M-Mama! H'wag naman po kayong magbiro ng ganiyan!”

Umarko ang kilay ni Paulina. Nawala naman ang mga ngiti ni Liza.

“Mukha ba akong nagbibiro, Lirah?” tanong ni Paulina.

Napalunok si Lirah. Pinagpalit-palit niya ang mga tingin sa mga ito. Sa puntong iyon ay pakiramdam niya wala na siyang magagawa. Agad na nangilid ang mga luha niya.

“H-Hindi po ba si Ate ang dapat na ikasal dahil siya ang panganay?”

Napasinghap si Liza. “Are you questioning Mama?”

Pinagsaklob ni Lirah ang kaniyang mga kamay at mahigpit na pinagkapit iyon para maitago ang panginginig niyo.

“H-Hindi naman po sa–” Napatigil siya noong maramdaman niyang may tumabi sa kaniya. Pagtingin niya ay si Paulina na iyon kaya bahagya siyang napausod. Ngunit hinawakan ni Paulina ang mga balikat niya at tinitigan sa mga mata. Napakunot pa siya noong dahil nakita niyang kalmado pa rin ang ekspresyon ng kaniyang ina. Ngunit para kay Lirah, mas nakakatakot para sa kaniya kapag ganito ang ina.

“Lirah, anak. Akala ko ba mahal mo ang pamilya mo? Ang Papa mo? Gusto mo bang mawala ang kompanya sa atin? Maghirap tayo?”

Dahan-dahang umiling si Lirah. Ngumiti si Paulina.

“See? No one likes it. You are doing this because you love this family. Your dad will be disappointed kapag hindi mo ito gawin.”

“P-Pero Mama. Twenty-three pa lang po ako. Ang bata ko pa para mag-asawa.”

Tumawa si Paulina. “Lirah, I was twenty-one when I had your sister. Walang problema ang edad. Just think about your family. Especially your Papa. You are going to do this for him.” Umayos ng upo si Paulina. “O kaya, pwede naman ang hacienda na lang ang ibenta natin, hindi ba? Siguro naman ay kahit paano ay magagawang makabangon kahit kaunti ng kompanya kung maibenta natin iyon ng ilang milyon.”

Nanlaki ang mga mata ni Lirah. Doon pa lang ay bigla na siyang nanlambot. Kung hindi makakaya ng kaniyang ama na mawala ang kompanya ay lalo na ang Hacienda. Kagaya niya ay mahal na mahal nito ang lupain nilang iyon dahil galing pa iyon sa ninuno nito. At kapag mawala iyon sa kanila ay pihadong mas maraming mga trabahante nila ang mawawalan ng trabaho.

Napaluha na si Lirah. Tumungo siya at hindi nakasagot dito. Wala pa sa isip niya ang pag-aasawa at mas gusto pa niyang harapin ang mga alaga niya sa hacienda. Kaysa ang makasal sa kung sino man. Ngunit mahal niya rin ang kaniyang pamilya. Hindi niya makakayang makitang sumama ang loob ng kaniyang ama sa kaniya. O ang mahirapan ang pamilya niya dahil sa kaniya. Kahit na hindi maganda ang pakikitungo ng kaniyang ina at ate sa kaniya ay mahal niya pa rin ang mga ito. Dahil pamilya niya ang mga ito.

“Lirah? You will do this, right? For us?”

Pikit-matang tumango si Lirah. Wala rin naman siyang magagawa kundi ang makinig sa mga ito dahil kung hindi ay magagalit na naman sa kaniya ang kaniyang mama.

Ngumiti nang malapad si Paulina at niyakap si Lirah. “Very good! At least now, may magagawa ka rin para sa pamilya mo!”

Naiikot ni Liza ang kaniyang mga mata. Sa kaniyang loob ay nagagalak na siya dahil hindi siya ang ikakasal sa panganay ng mga Gomez. Ang alam niya pa ay ito raw ang pinaka panget sa dalawang magkapatid kaya hindi nagpapakita sa mga tao. Kaya rin hindi nagtatagal ang mga naging asawa nito sa kaniya.

Lumipas ang mga araw ay naging mas malungkot si Lirah. Hindi pa rin nagigisjng ang kaniyang Papa at paparating na ang araw ng kasal niya. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin kung sino o anong klaseng tao ba ang binata. Bukas ay bibisita na si Don Manuel sa ospital sa kaniyang ama. At doon na rin paplanuhin ang magiging kasal nila.

“Lirah, napakain ko na po ang mga kabayo at iba pang mga hayop.”

Napatingin si Lirah kay Alvin. Ang isa sa mga tauhan niya sa hacienda. Kasalukuyang nagbabasa si Lirah sa labas lang ng mansyon nila ng paborito niyang libro. Mayroon siyang pinagawamg duyan doon at madalas siyang nakapwesto roon sa tuwing nagsi-syesta. Isinara niya ang libro at tiningnan ito.

“Eh si Chuchay?”

“Opo. Maayos na po siya. Nagpalahinga na rin.”

“Sige, Alvin. Salamat sa tulong mo. Pwede ka na magpahinga.”

Tumungo ang binata at nagpaalam na kay Lirah.

Ang Hacienda Clarita. Ang pinaka malawak na lupa na hawak ng mga Sarmiento. Ipinangalan ito sa lola ni Don Fernan at matagal nang hawak ng pamilya. Noong una ay maliit lamang ito. Hanggang sa unti-unting lumaki nang lumakit at naging sakahan na rin ang ibang lupain. Ngunit sa kanilang magkapatid ay si Lirah lamang ang nagkaroon ng interest dito. Minahal niya ang hacienda kaya kahit noong nasa kolehiyo siya ay ang kinuha niyang kurso ang malapit dito.

Papasok na sana si Lirah sa loob ng mansyon noong may maranig siyang kaluskos sa 'di kalayuan.

Napatingin si Lirah sa may gilid na parte ng kanilang mansyon. Walang gate ang kanilang mansyon at tanging mga halaman na maayos na nakahilera sa paligid. Dahil ang maliit na bundok ay pag-aari nila at sa palibot nito ang mayroong malaking harang. Nilapitan ni Lirah ang kulungan ng mga aso nila na nasa gilid lang din. Isa iyong german shepherd na kulay itim at tsokolate. Tuwing gabi ay tinatali nila ito dahil pinupuntahan ang alaga nilang mga alaga nilang manok. Maging kasi ang mga ito ay naging alerto at may tinatahulan.

“Ssh. Bakit?”

Nagpatuloy sa pagtahol ang aso. Ilang sandali pa ay may narinig ng mga yabag si Lirah mula sa madilim na parte ng kanilang lupain. Napansin niya rin na roon nakatingin ang mga alaga kaya kinuha na ni Lirah ang kaniyang flashlight at dahan-dahang lumapit dito. Lalong kumahol ang mga aso na para bang pinagbabawalan si Lirah. Ngunit wala siyang takot na naglakad papunta roon.

“May tao ba riyan?” tanong ni Lirah. Sinubukan niyang ilawan ang paligid ngunit wala siyang makita. Naglakad pa siya ng ilang metro hanggang sa marating na niya ang kulungan ng mga baboy. Sinilip niya ang mga alaga at nakitang natutulog na ang mga ito. Sunod niyang tiningnan ay kulungan ng mga manok. Napansin niyang para bang nagulo ang mga ito at panay ang paghuni.

“Bakit kaya?” tanong ni Lira sa sarili. Natigilan siya noong makita niyang bukas ang gate niyon. “Hala! Ito talaga si Alvin, oo. Hindi pa sinara nang maayos ang gate– Ano ‘to?” Napakunot ang noo ni Lirah noong may makitang may basang parte ang gate. Noong hinawakan niya iyon ay malapot at medyo malansa. “Dugo?”

Nanlaki ang mga mata niya at napaatras. Pero muli siyang napatigil noong may matamaan siyang matigas na bagay mula sa kaniyang likuran. Dali-dali siyang pumihit patalikod. Sisigaw na sana siya noong may makita siyang lalakeng nakatayo at matamang nakatitig sa kaniya pero agad nitong tinakpan ang kaniyang bibig. Nabitawan ni Lirah ang dalang flashlight at nagpumiglas dito. Siniko niya ang tiyan nito at agad na umungol ang binata at nabitawan siya.


“Sino ka?!” nanginginig na tanong ni Lirah. Dali-dali niyang inilawan ang binata at nakita niyang nakahiga na ito sa lupa. Hindi ito sumagot. Bagkus ay hawak-hawak nito ang tagiliran at dumadaing. Doon napansin ni Lirah na namumula na ang suot nitong polo. “Diyos ko! Ano ang nangyari sa ‘yo?!”


    Chapter 4: Ang estranghero


     



    Dali-daling humingi ng tulong si Lirah sa kaniyang mga katulong. Sa mansyon din natutulog ang mga ito at ang iba ay sa isang bahay sa likod ng mansyon kaya mabilis siyang nakahingi ng tulong dito. Dinala nila ang walang malay ng binata na sa isa sa mga guest room ng mansyon.

    “May tama siya ng baril, Hija!” ani Myrna. Ang katulong ng pamilya na nagpalaki na rin kay Lirah. Siya ang nagbantay sa dalaga mula pa noong ito ay sanggol pa lamang. “Hindi ata tamang dinala mo siya rito sa loob,” dagdag pa niya habang dinidiinan ang sugat ng binata.

    “Pero, ‘Nay. Kawawa naman siya.” Bagamat siya rin ay natatakot dahil estranghero ang binata ay hindi niya magawang pabayaan ito. Nakita niyang may kailangan nito ng tulong.

    “Paano kung sindikato pala ‘yan, Bessy?” nag-aalala namang tanong ni Kiray, ang nag-iisang anak ni Myrna. Kabatata ito ni Lirah at naging matalik na rin na magkaibigan. Dahil na rin sa hindi nalalayo ang edad nilang dalawa.

    Silang tatlo lamang ang naiwan sa loob ng silid matapos nilang tawagin ang mga tauhan nila para dalhin sa loob. Mabuti na lamang at mayroon pang gising sa mga ito. Silang dalawa lamang ang pinagkakatiwalaan ni Lirah maliban sa kaniyang ama.

    Biglang nangamba si Lirah. Nilapitan niya ang binata at pinagmasdan ito. Hindi siya pamilyar dito at mukhang hindi rin taga-baryo ang binata. Base sa suot nito ay para itong alta at hindi ito pangkaraniwan. Hindi ito isang sindikato o sanggano. Hindi rin naman mukhang nakakatakot ang binata. Ngunit ano ang ginagawa nito sa kanilang hacienda?

    “Pero ang gwapo, ha?” Napangiti nang malapad si Kiray at lumapit din sa tabi ng kama. “Pwede na siguro siya rito. Babantayan ko na lang siya.” Hahaplusin sana niya ang pisngi ng binata ngunit napatigil siya noong biglang nagsalita ang kaniyang ina.

    “Magtigil ka nga, Kiray!” saway ni Myrna. “Magpasama ka tuloy kay Makoy roon para papuntahin dito si Dok. Sabihin mo kailangan ng tulong ng senyora.”

    Napanguso si Kiray. “Gusto ko lang siya tingnan nang maigi eh.”

    “Dali na!”

    Napangiti na lang si Lirah dahil sa kaibigan. Naupo siya sa gilid ng kama. “Ako na po, ‘nay.”

    “Sige, at ako ay kukuha ng tubig.”

    Kinuha ni Lirah damit kay Myrna at siya ang dumiin sa sugat ng binata. Patuloy pa rin kasi ang pag-agos ng dugo roon pero hindi na kagaya kanina. Napatitig si Lirah sa mukha ng binata. Totoo nga ang sinasabi ni Lirah. Magandang lalake ang binatang nasa tabi niya ngayon. Bagay rito ang buhok nitong medyo kulot. Napansin niya na parang nanginginig na ito at butil-butil ang pawis sa noo. Noong hinawakan niya ito ay napangiwi pa siya noong maramdaman niyang inaapoy na ito ng lagnat. Mabuti na lamang at hindi natagal ay dumating na rin sila Kiray kasama ang nag-iisang doktor sa baryo. Personal doctor na rin ito ni Lirah kaya agad itong nasugod sa mansyon kapag kailangan.

    Agad nitong inasikaso ang binata. Hindi raw malalim ang tama ng baril nito sa tagiliran. Maigi na lang daw at gano’n kaya hindi na kailangan pang operahan ang binata. Nilinis ng doctor ang sugat ng binata at kinabitan ng dextrose para mabigyan ng gamot. Pagkatapos ay binilinan si Lirah kung ano ang mga kailangang painumin sa binata kapag ito ay magising na. Hindi na rin ito nagtagal at umalis na ng kanilang mansyon.

    “Maraming salamat, dok.”

    “Walang anuman, Senyora.”

    “Ah, pwede ho bang walang makaalam tungkol dito? Kahit ang… mama ko? Hindi ko pa kasi alam kung sino siya.”

    Natigilan ang doktor. Napaisip siya ngunit tumango rin kay Lirah. “Makakaasa ho kayo sa akin. Pero dapat ay mag-ingat ka, Senyora. Hindi mo siya kilala.”

    Matipid na ngumiti si Lirah. “Opo. Maraming salamat po.”

    Matapos ihatid ni Lirah ang doktor ay bumalik na siya sa silid. Naroon pa rin sila Myrna at nakatunghay sa binata.

    “Sino kaya siya, ‘no? Kawawa naman,” ani Kiray.

    “H’wag muna tayo pakampante. Paggising na paggising niya bukas ay paalisin na siya. Baka pati ikaw madamay, Lirah,” nag-aalalang sabi ni Myrna.

    Bumuntonghininga si Lirah. “Ayos lang po ako. Sige na po. Ako na ang bahala sa kaniya. Magpahinga na kayo, ‘Nay.”

    “Sigurado ka ba, Bessy? Gusto mo, ako na lang ang magbantay,” nakangising sabi ni Kiray at naupo na nga sa gilid ng kama. Agad naman siyang hinila ng kaniyang ina.

    “Magtigil ka nga, Kiray! Tingnan mo na nga’t naghihingalo na eh kung ano-ano pa ang iniisip mo.”

    Natawa si Lirah. “Ano na ang bahala, Kiray. Baka kung ano pa ang gawin mo,” biro niya.

    Agad namang nanulis ang nguso ni Kiray. “Ang daya niyo!”

    Pinandilatan ito ni Myrna. Pagkatapos ay tumingin kay Lirah. “Sige na, Hija. Matutulog na rin kami. Ikaw rin. H’wag kang masyadong magpuyat sa kaniya.”

    “Opo, ‘nay.”

    Magkasama nang lumabas ang mag-ina sa loob ng silid. Naiwan si Lirah sa loob upang bantayan ang binata. Kinuha niya ang kumot at inayos ang pagkakatakip nito sa katawan ng binata. Noong masiguro niyang komportable na ito ay kinuha niya sa labas ang kaniyang libro at isinara na ang mansyon. Pagkatapos ay muling bumalik sa loob ng silid at doon pumwesto sa maliit na sala ng silid. Mayroon doong pahabang upuan. Dala ang kumot ay nahiga roon si Lirah habang binaba pa rin ang libro. Bukas pa ang balik niya sa syudad upang harapin ang bago niyang buhay.

    Tiningnan ni Lirah ang binatang natutulog pa rin. “Mabuti ka pa. Kung sino ka man ay ligtas ka na. Ako? Bukas ay wala na. Sana ay mabuting tao ang panganay na anak ni Ninong.”

    Muling napabuntonghininga si Lirah. Nahiga na siya at binalot ang katawan ng kumot. Hindi umuuwi ang kaniyang Mama at ate sa hacienda dahil mayroon din silang bahay sa syudad. Kaya naman ay dito lang siya nagiging payapa.

    Sandaling nagbasa si Lirah. Hindi rin nagtagal ay unti-unti na siyang nakaramdam ng antok kaya ipinikit na niya ang mga mata at natulog.






    Napaungol ang binatang nakahiga sa kama. Unti-unti itong nagising at nakaramdam nang matinding kirot sa tagiliran. Sinapo nito iyon at pigil ang ginawang pagdaing.

    ‘Nasaan ako?’ tanong niya sa sarili.

    Unti-unting iminulat ng binata ang kaniyang mga mata at nakitang nasa loob na siya ng isang silid. Napansin niyang mayroong nakakabit sa kaniyang kamay na malaking karayom. Nangunot ang noo niya noong maramdaman din niyang nakabenda ang kaniyang tagiliran.

    ‘What happened?’

    Ang huli niyang na aalala ay tumatakbo siya palayo sa mga lalakeng nagtatangka sa kaniyang buhay. May nakita siyang mataas na harang at doon pilit na umakyat kahit na siya ay duguan na. Ngunit nakaramdam ng kaginhawaan ang binata dahil naramdaman siyang nasa ligtas siyang lugar. Naikuyom niya ang kaniyang mga palad. Kilala niya kung sino ang mga nagtangka sa kaniyang buhay. Sigurado siya na akala ng mga ito ay patay na siya ngayon. Ngunit nagkakamali sila.

    Doon ay napansin niyang mayroon siyang naririnig na humihilik. Pinilit niyang umupo at nakitang may natutulog sa mahabang upuan. Biglang na alerto ang binata pero hindi siya kumilos. Pinakiramdaman niya kung gigising ito pero hindi kumilos ang kung sino mang nakahiga sa upuyan. Kaya naman ay pinilit na niyang tumayo at tinanggal ang nakakabit sa kaniyang kamay. Iniwan niya ang karayom na nakakabit sa dextrose at pinatigil ang pagtulo iyon.

    Dahan-dahan siyang lumapit sa natutulog na dalaga. Natigilan siya noong matitigan niya ang maamong mukha nito. Siya ang nakita niyang dalaga kanina na akala niya ay kalaban. Madilim ang paligid ngunit nakasisiguro siya na ito ang dalagang iyon. Imbes pala na katakutan siya nito ay tinulungan pa siyang magamot. Marahang hinaplos ng binata ang pisngi nito at napangiti.

    “Maraming salamat sa tulong mo,” mahinang sabi niya.

    Napadaing muli ang binata. Tumingin siya sa paligid. Sa tingin niya ay nasa isang guest room siya. Muli niyang tiningnan ang dalaga na mahimbing pa ring natutulog. Saka na niya iisipin kung paano siya makakabayad sa ginawa nitong pagtulong sa kaniya. Tiningnan niya ang mga gamot na nasa gilid ng kama. Noong may makita siyang pain reliever ay agad siyang kumuha ng ilang tableta at ininom iyon. Pagkatapos ay dahang-dahang lumabas ng silid. Maging ng mansyon. Hindi siya pwedeng magtagal sa lugar na ito dahil baka madamay pa ang dalaga. Sigurado siyang hanggang ngayon ay pinaghahanap siya ng mga ito. Hindi titigil ang mga iyon hanggat hindi nakikita kahit na ang kaniyang bangkay.


    At isa pa, mayroon siyang kailangang gawin bukas. Madilim pa ang paligid. Makakaabot pa siya.



      Chapter 5: Ang kasal


      “Ayaw ko pong magpakasal, ‘Nay. Pero ano ang gagawin ko? Paano ko sasabahin iyon kay Mama? Sigurado ako na magagalit siya sa akin kapag hindi ako pumunta ngayon,” maluha-luhang sabi ni Lirah habang nakatitig sa salamin. Nakasuot na siya ng puting bestida na hanggang ibaba lamang ng kaniyang tuhod. Nakalugay ang kaniyang buhok na sinuklay lamang ni Myrna. 

      “Mas lalo naman na wala  kaming magagawa, beshy. Kaya smile kana.” Pinilit na ngumiti ni Kiray. Ang anak ni Myrna at kababa ni Lirah. Silang dalawa ang para bang mas naging mas pamilya pa ni Lirah kahit na kasambahay nila ang mga ito sa hacienda. “Para kahit naman sa picture ay maganda, ‘di ba?” 

      Mas lalong naging malungkot ang mukha ni Lirah. Na napansin ni Myrna kaya pinandilatan ang anak. “Tama na nga ‘yan, Kiray! Pinapalungkot mo lang lalo si Lirah. Oh, siya. Sige na. Ipapahanda ko na ang sasakyan mo, hija.” 

      Malungkot na tumango si Lirah. Hindi na siya sumagot at tinitigan ang sarili sa salamin. Nagpolbos lamang siya at pinahiram din ng mumurahing lipstick ni Kiray. Hindi naman kasi siya mahilig maglagay ng kolorete sa mukha. Kahit ano atang gawing pagpapalubag loob ni Kiray sa kaniya ngayon ay hindi niya magagawang ngumiti. Dahil imbes na masayang araw ay para siyang ililibing ngayon. 

      Ilang sandali pa ay muling bumalik si Myrna sa silid. Nagpaalam na si Lirah sa kanila at sumakay na siya sa kotse. Ngayong araw ay pupunta siya sa munisipyo kung saan siya ikakasal kay Matias Gomez. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam ang hitsura ng magiging asawa niya. O kung anong klaseng tao ba ito. Kung mabait ba sa kaniya o magiging masama. Pero hinihiling na lamang ni Lirah na mairaos na ito para mailigtas na ang kompanya nila. 

      Hindi nagtagal ay dumating na sila sa munisipyo. Mayroon agad sumalubong sa kaniyang matandang lalake na nagpakilalang kanang-kamay ng mga Gomez. Sinubukan niyang hanapin ang Mama at ate niya ngunit wala ang mga ito roon. Nagawa na nga ng mga ito na ipagkanulo siya sa taong hindi niya kilala tapos hindi pa siya sasamahan ngayon. Pakiramdam ni Lirah ay walang pakealam sa kaniya ang mga ito. 

      “Miss. Nasa loob na po si Mister Gomez. Naghihintay sa inyo,” magalang na sabi ng lalake. 

      Matipid na ngumiti si Lirah sa kaniya. Binuksan na nito ang pinto at pumasok siya sa loob ng opisina ng Mayor ng lugar nila. Agad na tumayo ang isang lalake na nakaupo sa may malapad na lamesa. Ito ang kanilang mayor, si Mayor Enrico. Napatingin din si Lirah sa isang lalake na nakaupo lang sa tapat ng lamesa at nakatingin sa kaniya. Biglang kinabahan si Lirah noong magtama ang kanilang mga mata. Walang kaemo-emosyon ang mga mata nito habang nakatanaw sa kaniya. 

      ‘Pamilyar siya?’ ani Lirah sa kaniyang isipan. 

      “Are you Lirah Sarmiento?” nagtatakang tanong ni Matias sa dalagang papalapit sa kanila. Tumayo na rin siya at nakakunot ang noong pinagmasdan ito. Sinubukan niyang maging relax pero hindi niya maiwasang magulat. Hindi ito ang babaeng nakita niya sa loob ng kwarto ni Fernan Sarmiento. 

      Tumigil si Lirah noong nasa harapan na siya ng binata. “Y-Yes. Ako po,” mahina at magalang na sabi ni Lirah. 

      Napangisi si Matias. Hindi niya maiwasang mainis dahil parang ang hindi makabasag pinggan ang dalaga. Ang ayaw niya sa lahat ay mapagpanggap. 

      “Fine. I don’t care who you are. Let’s do this.” 

      Nangunot ang noo ni Lirah. Hindi niya alam kung bakit parang hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila ng binata. Gwapo nga pero mukha naman siyang arogante. Pero pamilyar talaga sa kaniya ang binata. 

      “Ikaw si Matias Gomez?” 

      “Sino pa ba?” 

      Ngumuso si Lirah. “Okay.” Humarap na siya sa mayor nila. Pero nahagip ng mga mata ni Lirah ang suot na bracelet ng binata. Muli niyang tiningnan ang kamay nito at wala sa sariling hinawakan iyon. Napangiti siya noong makita niya ang bracelet na ginawa niya. ‘Siya ‘yong niligtas ko!’ 

      Hindi maiwasang mapangiti ni Lirah. Naisipan niyang suotan ito ng bracelet habang natutulog ito dahil iyon ang ginagawa niya kapag may naililigtas siyang alaga nila. Sinusuotan niyang pulang bracelet bilang patunay na survivor ang mga ito. Kaya lang ay kinabukasan nawala na ang binata kaya hindi na niya nagawang kausapin pa ito. 

      ‘Kaya ba bigla siyang nawala kagabi?’ tanong ni Lirah sa sarili.

      Nangunot naman ang noo ni Matias. Nagtataka niyang tiningnan si Lirah dahil parang natuwa ito sa suot niyang bracelet. Hindi niya alam kung kanino iyon nagmula, pero may hinala siya na galing ito sa babaeng nagligtas sa kaniya. Binawi niya ang kaniyang kamay at tiningnan nang masama  si Lirah. 

      “What do you think you’re doing?”

      “Ha? Ahm. Kasi…”

      “Do you want to do this or papansinin mo lang ang mga suot ko?” 

      Napalabi si Lirah. “Ang sungit mo naman,” aniya at humarap na sa Mayor nila. “Mister Mayor. Ikasal mo na nga kami.” 

      Napatingin sa kaniya si Mayor Enrico habang nakangiwi. Pagkatapos ay tumingin din kay Matias. “Sige. Ayos na ba kayo?” 

      “Opo!” 

      Halos maiikot ni Matias ang mga mata niya sa inis. “Yes. Please. I want this done already. I havea lot of things to do.” 

      Kumibot-kibot ang labi ni Lirah na para bang ginagaya ang sinasabi ni Matias. 

      Nakita ito ni Mayor Enrico at hindi niya maiwasang mapangiti. Sa kaniyang isipan ay mukhang magiging masaya ang pagsasama ng dalawa. Kahit na alam naman niyang pinagkasundo lamang sila. Hindi na rin pinatagal at nag-umpisa na sila sa seremonyas. Isinuot ni Matias ang gintong singsing sa daliri ni Lirah at gano’n din ang ginawa ni Lirah. Pagkatapos ay may pinirmahan silang mga papel na magpapatunay na sila ay kasal na. 

      “And I pronounce you as husband and wife,” ani Mayor. “You may now kiss your bride.” 

      Nanlaki ang mga mata ni Lirah. “K-Kiss?” nagtatakang tanong niya. Tumingin siya kay Matias na nakatingin din sa ibang direksyon. Agad na nag-init ang kaniyang mga pisngi. Ni minsan ay hindi pa siya nahalikan ng lalake. Sabi ni Kiray sa kaniya ay iyon daw ang pinaka importante para sa kanilang mga babae bukod sa pagkababae. 

      “Yes, Mrs. Gomez. Ang halik ay nagpapatunay na iisa na nga kayo.” 

      “Kailangan po ba talaga naming gawin iyon?” 

      Tumango si Mayor Enrico na lalong ikinangiwi ni Lirah. Napakamot siya sa kaniyang ulo. Ayaw niyang magpahalik kay Matias. Hindi naman ito ang first love niya. Magsasalita pa sana siya ng dahilan niya pero inunahan siya ni Matias. 

      “It’s just a kiss,” anito. 

      At nagulat na lamang si Lirah noong bigla siyang hatakin ng binata at halikan sa labi. Saglit lang iyon pero ramdam niya ang pagiging marahas ni Matias. Pagkatapos ay hindi manlang siya tiningnan ng binata at hinayaan na nanlalaki pa rin sa gulat ang mga mata. 

      ‘Ang first kiss ko!’ sigaw ni Lirah sa kaniyang isipan. 




      Chapter 6: Buhay may asawa 1


      “This will be our house,” ani Matias pagkapasok nila sa isang malaking bahay. 

      Hindi maiwasang mamangha ni Lirah noong pumasok sila sa dalawang palapag na bahay. Malaki rin ang kanilang mansyon sa hacienda ngunit hindi kagaya rito na moderno ang pagkakagawa. Simple lang naman ang desenyo ngunit ang elegante para sa kaniya tingnan ng kulay nito. Itim at abo. Malayo sa paborito niyang kulay na dilaw pero maganda na para sa kaniya. Studio type ang unang palapag. Kita agad sa sala ang kusina na mayroong counter tap na humaharang papunta sa kusina. Sa tapat niyon ay ang mahabang lamesa na kasya ang walong tao. Sa gilid ng sala ay ang nag-iisang hagdan papunta sa ikalawang palapag. 

      “Hindi ba pwedeng sa hacienda na lang ako umuwi?” tanong ni Lirah. Pumwesto siya sa likod ng mahabang sofa. Habang si Matias at nakasandig sa isa sa mga upuan sa may dining table. 

      Bahagyang natawa si Matias. “No, you can’t. I hate to admit it. Pero mag-asawa na tayo at kailangang nasa iisang bubong tayo.” 

      Napalabi si Lirah. “Okay.” Kung siya ay papapiliin. Mas gusto na lamang niyang nasa hacienda lang siya kaysa nasa magandang bahay na ito. 

      “House rules. I don’t care what you will do. Anything you do. Kung aalis ka sa bahay na ‘to sa umaga, go. But I want you to come home every night. I want you to be here when I come home.” 

      Umarko ang kilay ni Lirah. Hinarap niya si Matias. “Ibig sabihin ay pwede akong pumunta sa hacienda?” 

      “Yes. Just come home. Ayokong may masabi ang mga pamilya natin. We need to act.” 

      “Bakit pa? Halata naman sa ‘yo na ayaw mo rin sa kasal na ito. Pero bakit ka pumayag?” 

      Nag-iwas ng tingin si Matias. “It’s none of your business.” 

      “Ang sungit.” Lumabi si Lirah at tumalikod ulit dito. 

      Napailing na lamang si Matias. “Nasa itaas ang mga kwarto natin. The master’s bedroom is mine. Sa ‘yo yung katapat na kwarto.” 

      “Magkahiwalay tayo ng kwarto?” 

      “Yes. Why?” 

      Nagkibit ng balikat si Lirah. “Hindi ba ang mag-asawa ay dapat iisa lang ang kwarto?” 

      Natigilan si Matias. Unti-unti na siyang nakakaramdam ng pag-iinit ng ulo dahil sa mga tanong ni Lirah. Kung magtanong ito ay para bang wala itong alam sa bagay-bagay. O hindi manlang nito maunawaan ang ibig niyang iparating. Napangisi si Matias. Humakbang siya palapit kay Lirah at tumigil noong nasa likuran na siya nito. Hindi niya maiwasang purihin ito dahil sa mabangong amoy ng ulo ng dagala. Para bang naramdaman nito ang presensya niya at biglang itong humarap sa kaniya. Nanlaki ang mga mata nito at biglang napaatras. Mabuti na lamang ay agad niya itong nahawakan sa baywang at hindi ito natumba. 

      “A-Ano’ng ginagawa mo?” nahihintakutang tanong ng dalaga. 

      Napangisi si Matias. “Gusto mo bang iisa lang ang kwarto natin? I’ll be willing to share a bed with you. But are you willing to share yours with me?” makahulugang tanong niya. Tiningnan pa niya ang dibdib nito para maiparating ang ibig niyang sabihin. 

      Nanlaki ang mga mata ni Lirah. Bigla siyang kinilabutan at mabilis na itinulak ang binata. “Bastos! Hoy! Hindi ibig sabihin na mag-asawa na tayo ay papayag akong magpa–” Napatigil si Lirah. Ni minsan ay hindi pa niya iyon nagawa sa kahit na kaninong lalake. Kahit nga ang humalik ay hindi pa niya nagawa sa sino man pero ninakaw lang ito sa kaniya ng binata. 

      Ngumisi lalo si Matias. “What? Can’t you say it?” 

      Namumula na ang mukha ni Lirah sa labis na hiya. Sanay na siya kapag si Kiray ang kausap niya tungkol dito. Pero kapag ibang tao, lalo na ang isang lalake ay hindi niya magawa dahil siya ay nahihiya. 

      “Bastos!” sigaw na lamang ni Lirah at tumakbo paakyat sa ikalawang palapag. Nakita niyang mayroong tatlong kwarto roon at agad siyang pumasok sa silid na may malaking pinto na malapit sa kaniya. Natigilan pa siya noong makita niyang kagaya sa labas ay gano’n din ang kulay sa loob. Kahit ang kobre kama ay kulay abo. Nanunuot din sa kaniyang ilong ang panglalakeng pabango. Pero hindi iyon inintindi ni Lirah. Dere-deretso siyang humiga sa kama at nagtaklob ng kumot. 

      Naiwan si Matias at naiiling na lamang. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa inaasal ng dalaga. Para itong batang walang kamuwang-muwang sa mundo. Pero agad din napawi ang mga ngiti niya noong maunawaan niyang nakangiti nga siya. Mabilis siyang umiling at naglakad na rin papunta sa ikalawang palapag. Pumasok siya sa kaniyang silid. Ito ang pinaka malaki sa tatlong silid kaya malaki rin ang pinto dahil ito ang master's bedroom. Narito na ang lahat ng gamit niya at ni Lirah kaya hindi na siya nahirapan pang mag-ayos. 

      Tinanggal ni Matias ang kaniyang necktie at naghubad na ng kasuotan. Ngunit natigilan siya noong biglang gumalaw ang kama at tumayo mula roon si Lirah. Napanganga siya habang tinitingnan ito. 

      “What are you doing here?!” magkasabay pang tanong nila sa isa’t isa. 

      Nanlaki ang mga mata ni Lirah. Agad na bumaba ang mga mata niya sa katawan ni Matias. Napanganga siya noong makita niya ang tiyan nito na may nag-uumbukang pandesal. ‘Ito ba ang sinasabi ni Kiray na abs?’ Sa mga palabas lang kasi niya iyon nakikita. Halos lahat naman kasi ng tauhan nila ay flat lang ang tiyan o kaya naman ay malaki ang umbok. Pero noong mapababa pa ang mga mata niya sa may gitna ni Matias ay napasigaw na siya habang nakatitig pa rin doon. 

      “Ahh! Bastos! Bastos! Bastos!” sigaw ni Lirah at muling nagsaklob ng kumot. Namumula na ang kaniyang mukha at labis na nahihiya dahil sa kaniyang nakita. 

      Napatingin naman si Matias sa kaniyang katawan. At doon niya naunawaan na wala na pala siyang saplot dahil papunta sana siya sa banyo. Mabilis niyang kinuha ang hinubad na kasuotan ang pinangsaklob sa ari. 

      “Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?! Doon ang kwarto mo sa kabila!” 

      Natigilan si Lirah. Impit na napasigaw siya sa labis na kahihiyan. Ipinagdadasal na lamang niya na lamunin na siya ng higaang kinahihigaan niya ngayon. 

      “H-Hindi ko naman kasi alam! Pero bakit kasi nakahubad ka!” 

      “This is my room! What do you expect?!” 

      “Fine! Aalis na ako! Pero pumunta ka na ng banyo!” 

      Napabuga ng hangin si Matias. Hindi niya alam kung ano ba ang gagawin niya sa asawa niya. “Okay. Go out as soon as I enter the bathroom.” Naglakad na siya papunta sa banyo habang nakatakip pa rin sa katawan ang mga damit. Pero napatigil si Matias noong malapit na siya sa banyo at tumingin kay Lirah. Bigla siyang napangiti nang malapad. 

      “U-Umalis ka na ba?” tanong ni Lirah. 

      Hindi sumagot si Matias. Bagkus ay binitawan niya ang mga damit na tumatakip sa ari niya at dahan-dahang sumampa sa kama. 

      “Should we share this room instead? Mag-asawa naman tayo, ‘di ba?” bulong ni Matias kay Lirah. 

      Biglan nanlamig ang buong katawan ni Lirah noong maramdaman niya ang mainit na paghinga ni Matias. Mabilis niyang tinanggal ang kumot sa katawan. Dahil biglaan niyang paggalaw ay nasiko pa niya ang binata sa pisngi. Hindi na siya sumagot pa at dali-daling tumakbo palabas ng silid. Pumasok siya agad sa katapat na silid at in-lock ang pinto. Doon ay para siyang pumasok sa ibang mundo. Kung ang kabilang silid ay puros itim at abo, dito naman ay dilaw. Ang paborito niyang kulay. Impit na sumigaw si Lirah at dali-daling sumubsob sa kama. 

      “Nakakahiya! Nakakainis!” 

      Sa kabilang kwarto, naiwan si Matias na dumadaing sa ilong niyang nasiko ni Lirah. Sapo-sapo niya iyon habang umuungol. 

      “Ano’ng klaseng babae ba ‘yon?” hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Napailing na lang si Matias at tumayo na sa kama. “This will be fun.” 





      Chapter 7: Buhay may asawa 2



      Maagang nagising si Lirah kinabukasan. Ni hindi na nga niya nagawang magbihis dahil sa labis na kahihiyan na kaniyang nararamdaman. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang pagkalalake ni Matias. Iniisip niyang maigi kung saang banda hindi ito marunong magpaligaya dahil sa laki ng kaniyang nakita. Naalala niya na may sinabi si Kiray sa kaniya tungkol sa binata. 

      Tumayo na si Lirah at nagbihis. Kataka-takang nakita niya ang mga gamit niya sa loob ng silid. Mukhang pinaghandaan talaga nito ang paglipat nila sa bahay na iyon. Noong makaligo na si Lirah ay nagbihis siya ng bestida niyang bulaklakin. Hinayaan niyang nakalugay ang mahabang buhok at lumabas na ng silid. Napatigil pa siya saglit noong makita niya ang silid ni Matias. 

      “Nandiyan pa kaya siya?” mahinang tanong niya sa sarili. Napalabi si Lirah at agad na umiling. “Bahala siya.” 

      Bumaba na si Lirah sa unang palapag at nakita niyang may pagkaing nakataklob sa lamesa. Nilapitan niya iyon at nakita niya ang piniritong itlog at sausage. Mayroon pang tinapay na maayos na nakalagay sa platito at tasang walang lamang mainit na tubig pero may kape sa loob. Kinuha niya ang nakadikit na sticky note.

      ‘Warm the water and fill your cup.’ 

      Napalabi si Lirah. Mukhang mali ang kaniyang hinala niya kay Matias. Sinunod niya ito at nagtimpla na ng  kape. 

      “Umalis na siguro siya.” 

      Bumuntonghininga si Lirah at minabuti nang kumain ng almusal. Pagkatapos niya ay nilinisan niya ang pinagkainan niya. Balak niyang pumunta sa ospital para bisitahin ang ama at makibalita sa kaniyang mama. Ngunit biglang may kumatok sa pinto nila kaya binuksan iyon ni Lirah. Napakunot ang noo niya noong makita ang matandang lalake kahapon. 

      “Magandang umaga, Madam. Ako si Arnaldo. Butler of sir Matias Gomez.” 

      Binuksan ni Lirah ang pinto nang malaki at pinapasok ang lalake. “Bakit ho? Wala na rito si Matias.” 

      Tumigil si Arnaldo at tumingin kay Lirah. “Yes. Nasa opisina na po siya.” 

      “G-Gano’n ba?” 

      “Pinapunta niya ako rito para ibigay ito sa ‘yo.” Inabot ni Arnaldo ang maliit na paper bag kay Lirah. Agad naman iyong kinuha ng dalaga at tiningnan ang laman. “Nariyan ang dalawang cards na pwede mong gamitin sa mga gusto mong bilhin o ano pa man. Nariyan din ang cellphone mo at naka-save na ang number ni sir. Kung sakaling kailangan mo ng tulong niya. Nariyan din ang numero ko.” 

      “Cellphone at cards? Aanhin ko naman ‘to?” 

      “For emergencies.” 

      Napangiwi si Lirah. “Naku. Hindi ko po kailangan niyan. Hindi naman ako maluho. At lalong hindi naman ako gumagamit ng social media.” Sa katunayan ay walang cellphone si Lirah. Mas mayroon pa ngang gamit si Kiray kaysa sa kaniya. Mas gugustuhin pa niyang ubusin ang oras magbasa ng libro kaysa ang magtutok sa gadget na nakasisira lang naman ng mga mata niya. Mabuti sana kung mga mata niya lang ang masisira. Nakita niya kasi minsan si Kiray na nagsasalita mag-isa sa harap ng cellphone. Tumatawa pa nga ito at umiiyak.

      “Ngunit kailangan mo ito, Madam. Para madali mong makausap si sir.” 

      Naingos muli si Lirah. “Para namang hindi niya gugustuhing kausapin ako. Pero sige. Kukuhain ko po ito.” 

      Tumungo si Arnaldo sa kaniya. “Mayroon ka bang pupuntahan ngayon? Nakahanda na rin ang kotse mo sa labas, Madam. Ipapakilala ko sa ‘yo si Rico. Ang magiging personal driver mo at bodyguard na rin.” 

      “Driver? Naku, sir. Hindi ko na kailangan ‘yan. Pwede naman akong mag-taxi.” 

      “Madam. Asawa mo na ang pinaka mayamang at maimpluwensyang tao sa bansang ito. Kailangan mo itong tanggapin.”

      Napakamot sa ulo si Lirah. Hindi naman siya nakakaranas nang ganito sa pamilya nito. Maari pa ang nakatatanda niyang kapatid dahil modelo ito. Tumango na lamang si Lirah at sumang-ayon kay Arnaldo. Nagpaalam siya saglit upang kuhain ang bag niya. Dinala niya ang cellphone na bigay ni Matias at ang mga cards. Pagkatapos ay nagmamadaling bumaba ulit. Pagkalabas niya ng bahay ay nakita niya ang itim na luxury car at lalakeng nakatayo sa tabi nito.

      “Siya si Rico. Ang iyong personal driver at bodyguard. Lahat ng pupuntahan mo ay kasama mo siya.” 

      Tumango si Lirah at marahang kumaway kay Rico. “Hello.” Tumungo sa kaniya ang binata at bumati rin. Malaki ang katawan ni Rico at higit na mas matangkad kay Lirah. Pero mukhang hindi nalalayo ang edad nito kay Matias. “Salamat po sa tulong mo,” magalang na bati ni Lirah kay Arnaldo. 

      “Walang anuman, madam.” Tumungo si Arnaldo sa kaniya. 

      Sumakay na si Lirah sa kotse at nagpahatid sa ospital kay Arnaldo. Habang bumabyahe ay binuksan kinuha niya ang cellphone. Napatitig pa siya roon dahil hindi talaga siya marunong gumamit ng touch screen na cellphone. Pwede pa ang de keypad dahil nakagamit siya no’n noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. Sa totoo lang, mas maalam din siya sa paggamit ng laptop o computer kaysa sa maliit na gamit na ito. Minabuting ibalik na lamang ni Lirah ang cellphone sa bag at tahimik na naghintay hanggang sa makarating sila ng ospital. Magpapaturo na lamang siya kay Kiray mamaya pagkarating niya sa hacienda. 

      “Salamat, Rico. Ite-text na lang kita– ay.” Napangiwi si Lirah. “Hindi nga pala ako marunong mag-text.” 

      “Dito lang ako sa labas, madam.” 

      Tumango si Lirah. “Sige. Salamat.” 

      Pumasok na si Lirah sa loob ng ospital at dere-deretso siyang nagpunta sa ikalimang palapag. Pagpasok niya ng silid ng kaniyang ama ay nakita niya ang ina at kapatid doon. Agad na tumingin sa kaniya ang mga ito nang makita siya. 

      “Oh, the newly married are here. How’s your night, little sister?” pilyang tanong ni Liza. 

      “B-Bakit hindi po kayo pumunta sa kasal ko kahapon, Mama?” 

      Naiikot ni Paulina ang mga mata. “I don’t have time for that. Kailangan ako ng Papa mo, ‘di ba?” 

      “Gano’n po ba? Sorry.” 

      “Don’t be a baby, Lirah,” ani Liza. “Now tell us. How was Matias Gomez?” nanunudyo niyang tanong. Gusto niyang makitang napahiya ang kapatid at nagsisisi na ikinasal siya sa walang kwentang lalake. 

      Biglang pinamulahan ng mga pisngi si Lirah. Nag-iwas siya ng tingin kay Liza. 

      Napasimangot si Liza noong hindi sumagot ang kapatid. “Ang boring mo naman.” 

      “Ano pa ba ang ginagawa mo rito, Lirah?” tanong ni Paulina. 

      “Ho? Gusto ko lang sana bisitahin si Papa. Tsaka sabihin sana sa inyo ang tungkol sa kasal.” 

      “I don’t care,” mabilis na tugon ni Paulina. “But thanks to you. Your ninong paid for the lost money to our company. Hindi na tayo mahihirapan ngayon, at siguradong matutuwa ang Papa mo kapag magising na siya.” 

      Parang kinurot ang dibdib ni Lirah noong marinig ang sinabi ng Mama niya. Ni hindi manlang  nito natanong kung kumusta ba ang kalagayan niya. Para bang mas importante pa rito ang perang ibinigay ng pamilya ni Matias sa kanila. Malungkot na tumango si Lirah at tumingin na lamang sa kaniyang Papa. 

      “K-Kumusta po si Papa?” 

      “Lirah.” Tumayo si Liza at hinarap ang kapatid. “It’s not your business anymore. Asawa mo na si Matias Gomez. Sila na ang pamilya mo.” 

      “Ate. Tatay ko pa rin si Papa. Pamilya ko kayo.” 

      “We don’t need you. You already serve what you should be. You can now go with your miserable life.” 

      Agad na nangilid ang mga luha ni Lirah. “H-Hindi ko naman po pwedeng gawin ‘yon, ate.” 

      “Urgh! Go! H’wag ka na ulit magpakita rito. Hindi ka na namin kailangan!” 

      “Your sister is right, Lirah. Mas makabubuti sa papa mo kung hindi ka na ulit pupunta rito.” 

      Hindi makapaniwalang tiningnan ni Lirah ang kapatid at ina. Pakiramdam niya ay tinatakwil na siya bigla ng mga ito dahil ikinasal na siya sa taong sila naman ang nag-utos sa kaniya na pakasalan. Napaluha siya at pinagpalit-palit ang mga tingin sa dalawa. Kumibot-kibot din ang labi niya at mariing kinuyom ang mga palad. Hindi niya mapigilang sumama ang loob sa mga ito dahil sa kanilang inaasal sa kaniya. Tumalikod siya at umiiyak na lumabas ng silid. 

      ‘Bakit gano’n? Sinunod ko naman si Mama pero bakit parang masama pa rin ako? Ni hindi manlang nila naisip na sinakripisyo ko ang buhay ko para sa pamilyang ito.’




      Chapter 8: Dinnertime


      Walang tigil sa pag-iyak si Lirah habang nasa kwarto niya siya. Hindi niya pa rin matanggap na para bang walang pakealam sa kaniya ang kaniyang pamilya. Sanay na naman siya. Ngunit hindi pa rin niya magawang hindi masaktan lalo na sa pakikitungo sa kaniya ng Mama niya. Ipinagdadasal na lamang niya na maging maayos na ang lagay ng kaniyang ama at iniisip na bisitahin ito kapag wala roon ang mama at ate niya.

      Hapon na noong maisipang tumayo ni Lirah at bumaba. Pakiramdam niya ay nananakit ang buong katawan niya dahil wala siyang ginagawa rito sa bahay. Pinaalis niya rin kasi si Rico dahil wala na naman siyang ibang pupuntahan.

      “Mamaya nga ay tatanungin ko si Matias kung pwede akong pumunta sa hacienda. Mamatay ako sa buryo sa lugar na ito,” ani Lirah habang nagsasalin ng tubig sa baso. Napabuntonghininga pa siya habang tumitingin sa paligid. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kalungkutan dahil bigla niyang na miss ang kaniyang mga alagang hayop.

      “Sana napakain nila nang maayos si Chuchay.”

      Inabala na lamang ni Lirah ang kaniyang sarili sa paglilibot ng bahay. Malaki iyon para sa kanilang dalawa. Masyado ring moderna ang istraktura at mukhang lahat ay mamahalin. Kahit naman kasi laking hacienda si Lirah ay alam niya kumilatis ng mamahaling gamit dahil sa kaniyang ina at kapatid.

      “Gaano kaya siya kayaman?” tanong niya ulit sa sarili.

      Kilala niya ang kaniyang ninong Manuel. Alam niyang mayaman ito dahil madalas siyang isama ng kaniyang Papa sa tahanan nito noon. Sadyang hindi lang niya kilala si Matias dahil palagi naman itong wala. Kaya nga hindi niya nakilala kung ano ang hitsura nito. Tinitigang maigi ni Lirah ang picture frame na nakasabit sa dingding nila malapit sa hagdan. Sa tabi nito ay mayroon na silang wedding picture.

      “Ang gwapo nga. Pero wala namang buhay ang mga mata. Bakit kaya? At bakit may tama siya ng baril?”

      Biglang na alala ni Lirah ang gabi na nagkita sila ni Matias. Mukhang hindi siya kilala ng binata. Pero suot-suot naman nito ang bracelet na ginawa niya. Napangiti siya dahil mukhang nagustuhan iyon ng binate.

      “What’s wrong with you?”

      “Ay butiki!”

      Halos mapalundag na si Lirah noong biglang may nagsalita sa kaniyang gilid. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at nanlalaki ang mga matang tiningnan ito. Sinalubong siya nang nakakunot-noong si Matias.

      “Bakit ka naman nanggugulat?!” singhal ni Lirah sa binata. “Hindi ka ba marunong kumatok?”

      Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Matias. “At bakit ko naman kailangang kumatok? Bahay ko ‘to?”

      Napanguso si Lirah. Umayos siya nang tayo at huminga nang malalim. “Bakit hindi mo sinabi na uuwi ka na pala? Wala pa akong nilulutong hapunan.”

      “You don’t have too. I don’t want—”

      “Bakit naman? Eh kailangan nating kumain?”

      Napatitig si Matias kay Lirah. Hindi pa man niya ito nakakasama nang matagal pero medyo nakakaramdam na siya na may kakulitan ang dalaga. Nag-umpisa na siyang maglakad paakyat ng hagdan.

      “Huy, ano’ng gusto mong pagkain?”

      “Whatever you cook,” pabulong na sagot ni Matias. Ngunit malinaw itong narinig ni Lirah.

      Inirapan ito ni Lirah at bumaba ng hagdan. “Ang sungit-sungit!”

      Naglakad na si Lirah papunta sa kusina. Doon ay nadaanan niya ang wall clock na nakasabit. Maga-alas sais na pala ng hapon. Sandali siyang napatigil sa paglalakad.

      “Maaga pala itong umuuwi.” Nagpatuloy na siya sa paglalakad. Naisip niya na kailangan niyang malaman ang uwi nito at alis. Dahil kahit hindi naman papaano ay mag-asawa pa rin sila. Napailing si Lirah. Ang bata niya pa para mag-asawa. Ngunit heto na ang nangyari. Sana lang ay maging maayos na ang lagay ng kaniyang ama.

       

      ****

       

      Kalalabas lang ni Matias ng banyo noong may malanghap siyang mabangong amoy ng nilulutong pagkain. Agad na kumalam ang kaniyang sikmura/

      “She’s really cooking,” hindi makapaniwalang sabi niya.

      Wala sa sarili na napangiti si Matias. Mukhang hindi naman pala masama na maaga siyang umuwi ngayong araw. Sinadya niya iyon dahil hindi siya mapalagay sa kaniyang opisina. Iniisip niya ang kalagayan ni Lirah. Hindi niya alam kung bakit kahit gusto niyang h’wag itong pansinsin ay hindi naman ito mawala sa isip niya. Para bang matagal na niya itong kilala. Binabalak niya sanang lumabas ulit dahil nakita naman niyang maayos pala si Lirah sa bahay nila. Pero mukhang mananatili muna siya para maghapunan.

      Pagkatapos magbihis ni Matias ng simpleng t-shirt na pula at short ay bumaba na siya para silipin si Lirah. Nakita niya itong abala sa pagtatadtad ng manok sa counter top paharap sa kaniya. Sa likuran nito ay mayroon nang nakasalang na kaldero at doon nagmumula ang mabangong amoy.  

      “Marunong ka pa lang magluto?” tanong ni Matias.

      “Ay buti— Bakit ba ang hilig mong manggulat?!” tanong din ni Lirah.

      Natawa nang kaunti si Matias. “Bakit kasi magugulatin ka masyado?” Naupo siya sa tapat ni Lirah.

      Inirapan ni Lirah ang binata at pinagpatuloy ang ginagawa. “Ang tahimik kasi rito. Tsaka, malay ko ba kung biglang may iba na pala akong kasama.”

      “And who do you think would dare to enter this place?”

      Nagkibit ng balikat ang dalaga. “Ewan ko. Magnanakaw?”

      “This is a secured place. You don’t have to worry about thieves.”

      “Naniniguro lang.”

      “Ano ba iyang niluluto mo?”

      “Ah, gutom ka na ba? Menudo. Tapos ito, magluluto ako ng pritong manok.”

      Napatango-tango si Matias. Sa totoo lang ay hindi niya kilala ang binanggit na pagkain ni Lirah. Hindi naman kasi siya palaging kumakain sa bahay. Madalas ay sa labas siya kumakain. Ang huling beses na siya ay nakakain ng lutong-bahay ay noong nabubuhay pa ang kaniyang ina.

      “Hindi pa naman. I’ll wait.”

      Nangunot ang noo ni Lirah. Tumigil ito sa pagtadtad at tinitigan si Matias. Bigla pang na alerto ang binata dahil humigpit ang hawak nito sa kutsilyo. Nagtatakang tinitigan niya ang dalaga.

      “Hindi ka marunong magluto, ‘no?”

      “No. I have people hired to cook for me.”

      “Ibig sabihin ‘yong mga pagkaing mayaman lang kinakain mo?”

      “May gano’n ba?”

      “Iyong mga kakarampot lang. Palagi akong may nakikitang gano’n sa mga bidyow na pinapanood ni Kiray eh. Parang hindi naman nakakabusog tapos ang mahal.” Napailing si Lirah. “H’wag kang mag-alala. Magmula ngayon, palagi na kitang lulutuan.”

      Napangiti bigla si Matias. “Really, huh?”

      “Oo!” puno ng kumpyansang sagot ni Lirah. “Hindi ka na magugutom.”

      Napapailing na si Matias habang nakangiti pa rin. “Sige,” ani na lamang niya.

      Nanatiling nakaupo si Matias at pinanood si Lirah. Madalas siyang makapanood ng mga magagaling na chief pero hindi niya maiwasang mas humanga kay Lirah. Noong binuksan kasi nito ang kaldero ay lalong kumalam ang kaniyang tiyan. Na ngayon pa lamang nangyari. Para siyang gutom na gutom at hindi nakakin ng ilang araw. Pinagkrus na lamang niya ang mga braso at nag-umpisang manguyakoy.

      Hindi nagtagal ay natapos na si Lirah sa pagluluto. Tumayo na rin si Matias upang tulungan ito sa paghahanda. Hanggang sa naupo na silang dalawa sa mahabang lamesa. Sa pinaka gitna ay si Matias at sa kaniyang kanan ay nakaupo si Lirah.

      Agad na sumubo si Matias ng nilutong ulam ni Lirah. Napalunok siya at hindi agad nakapagsalita.

      Nakita naman ito ni Lirah at bigla siyang nabahala. Hindi na kasi nagsalita si Matias at tahimik na ngumuya.

      “Kumusta?” tanong niya.

      Hindi sumagot si Matias. Muli siyang kumuha ng isang kutsara sa kaniyang plato at sinubo. Napasinghap pa siya nang kaunti at marahang napapikit. Humigpit ang hawak niya sa kutsara habang ninanamnam ng ang pagkaing nasa kaniyang bibig.

      Napakasarap ng luto ni Lirah. At halos mangilid na ang mga luha ni Matias dahil parehas na parehas ang lasa nito sa luto ng kaniyang ina.

      ‘Mom…’ 



      Chapter 9: Ang tanghalian sa hacienda


      Magmula noong gabing iyon ay palagi nang ipinagluluto ni Lirah si Matias. Hindi naman iyon problema kay Lirah dahil sanay siyang magluto. Tinuruan siya ng Nanay Myrna niya at palagi rin siyang natulong dito. Ngunit ang pinagtataka niya lang ay kung bakit bigla na lamang natahimik ang binata noong gabing iyon. Pagkatapos ay hindi na ito nagsalita pa ulit. Nag-aalala tuloy siya na baka na pipilitan na lamang itong kainin ang mga luto niya.

      “Masarap naman, ‘di ba?” tanong ni Lirah kay Kiray. Hinihintay niya itong sumagot pagkatapos ipatikim ang nilutong menudo. Kasalukuyan siyang nasa hacienda ngayong araw. Nakiusap kasi siya kay Matias na kung pwede ay rito siya maglalagi tuwing araw. Pumayag naman ito basta raw uuwi siya tuwing hapon at magluluto ng hapunan nila.

      “Oo, besh! Ang sarap-sarap mo kaya magluto!”

      Nangunot ang noo ni Lirah at bahagyang napalabi. “Eh bakit gano’n siya?”

      Umarko ang kilay ni Kiray. Inilapag niya ang kutsara sa plato at tinitigan ang kaibigan. “Bakit? Ayaw ba ng asawa mo ng luto mo?”

      Nagkibit siya ng balikat. “Ewan ko. Wala naman siyang sinasabi. Pero gusto niya palagi akong magluluto.”

      “Edi nagustuhan niya!”

      “Hindi ko alam. Iba kasi ang ekspresyon niya kapag kumakain eh.”

      “Paano ba?”

      Natahimik si Lirah habang inaalala ang hitsura ni Matias sa tuwing kumakain sila. Tahimik lang ito at nakatutok sa pagkain. Mukha naman itong maganang kumain pero may iba talaga.

      “Ano… mukha siyang malungkot.”

      “Ha? Ano ba ‘yang asawa mo? Manhid ata ‘yan eh? Kahit nga mga alaga mong hayop sumisigla kapag pinaglulutuan mo pa ng pagkain nila. Siya pa kaya?”

      “Ewan ko. Hayaan na nga natin siya. Tawagin mo na sila Nanay at nang makakain na tayo ng tanghalian!”

      “Sige!’

      Naiwan si Lirah sa loob ng kusina. Agad na rin siyang nagligpit ng ibang pinaglutuan niya. Na abutan pa siya ng isa nilang kasambahay at pilit na inagaw sa kaniya ang paghuhugas ng mga iyon. Kaya walang nagawa si Lirah kundi hayaan na lamang ito at ihanda na lamang ang lamesa.

      “Besh! Doon daw tayo sa labas kumain!”

      Napatigil si Lirah sa pag-aayos ng lamesa noong marinig niya ang boses ni Kiray. “Bakit?”

      “Eh mas maganda raw roon sa labas. Masarap ang hangin.”

      “Sige na nga.”

      Magkatulong silang naglabas ng mga pagkain sa tapat ng mansion. Madalas talaga ay roon sila kumakain. Presko kasi ang hangin dito at hindi maalinsangan kahit na tanghaling tapat. Kasama palagi ni Lirah ang kaniyang tauhan sa hacienda sa tuwing kumakain. Ayaw na ayaw niyang nag-iisa lang siya. Tinulungan na rin silang dalawa ng mga ito para mag-ayos ng lamesa. Ilang sandali pa ay sama-sama na silang nakaupo roon at kumakain.

      Ilang araw lang na nawala si Lirah sa hacienda ngunit na miss na niya agad ang mga ito. Kanina noong dumating siya ay agad niyang binisita si Chuchay. Tuwang-tuwa siyang makita na masigla na ulit ito kasama ang mga anak nitong biik.

      Tahimik silang kumakain noong bigla ay may marinig silang paparating na kotse. Napatingin agad doon si Lirah at nangunot ang noo. Pamilyar iyon sa kaniya pero sigurado siya na hindi iyon ang kaniyang driver.

      “May bisita po kayo, Nanay?” tanong ni Lirah.

      “Wala,” tugon nito.

      Lahat sila ay napatingin sa kotse hanggang sa tumigil na ito sa ‘di kalayuan. Ilang sandali pa ay bumaba na rin ang driver niyon. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ni Lirah noong makitang ang asawa niya ang dumating.

      “Hala! Ang gwapo!” mahinang impit ni Kiray. May paghampas pa ito sa balikat ni Lirah.

      “Teka, hindi ba ‘yan ‘yong tinulungan mo, anak?” tanong ni Myrna.

      “Oo nga, ‘no?”

      Napalunok si Lirah. “O-Opo.” Agad na tumayo si Lirah at sinalubong si Matias. “Matias! Ano’ng ginagawa mo rito?”

      Hindi tumigil sa paglalakad si Matias kaya sumunod na lamang si Lirah sa binata.

      “Nagugutom ako.”

      “Ha? Bakit hindi mo sinabi?”

      “Hindi ka sumasagot sa tawag ko.”

      Napakamot si Lirah sa kaniyang ulo. Paano naman siya masasagot ang tawag nito eh hindi naman niya dinala ang cellphone?

      Tumigil sila sa paglalakad noong makarating na sila sa may lamesa. Lahat ay nakatitig lang kay Matias na puno nang pagtataka.

      “Sino siya?” tanong ni Kiray na hindi na makapagpigil pa. Halos maghugis puso na ang mga mata nito na nakatitig kay Matias.

      Tumikhim si Lirah. “Ahm, ‘Nay. Si Matias po. Siya ang asawa ko.”

      Napatitig si Myrna kay Matias. “Ikaw? Naku! Maupo ka rito. Kumain ka rin. Kumuha ka pa ng plato roon, Kiray!”

      Agad na tumayo si Kiray at sinunod ang ina. Hindi naman alam ni Lirah kung ano pa ang sasabihin kaya naupo na lamang siya sa tabi ni Matias.

      “Ang gwapo naman pala ng naging asawa mo, Lirah,” ani Berth. Isa sa mga tauhan niya.

      Nahihiyang ngumiti si Lirah. Pagtingin niya kay Matias ay nakatitig lang ito sa pagkain sa lamesa.

      “Ikaw ba ang nagluto niyan?” tanong ni Matias.

      “Si Lirah, iho. Siya ang madalas na nagluluto rito,” si Myrna ang sumagot.

      Agad na tumingin si Matias sa plato ni Lirah at kinuha iyon. Nagulat pa siya dahil sa ginawa ng binata. Ni hindi na nito hinintay na bumalik si Kiray para sa sarili nitong mga kubyertos at ang kaniya ang ginamit.

      “Para namang gutom na gutom itong asawa mo, Lirah,” natatawang sabi ni Myrna. “Pinapakain mo ba ito? Baka biglang pumayat.”

      Namilog ang mga mat ani Lirah. “Opo, ‘nay! Maaga kaya ako palaging nagigising para maipagluto siya.”

      “Oh, siya, hayaan mo na. Iyon na lang na bagong plato ang gamitin mo.” Tiningnan muli ni Myrna si Matias. “Kumain ka nang marami, iho. Masarap iyang luto ng alaga ko.”

      Hindi sumagot si Matias at nagpatuloy lang sa pagkain. Napapailing na lang si Lirah dahil bahagya siyang nakaramdam ng pagkainis sa binata. Hindi niya talaga mabasa kung ano ang nasa isip nito.

      Pagkatapos nilang kumain ay tinulungan din ni Lirah na magligpit ang mga katulong nila ng mga pinagkainan nila. Habang nag-aayos ng mga plato ay hindi niya maiwasang mapatingin kay Matias. Panay ang tingin niya sa paligid at para bang malalim ang iniisip.

      “Ang tahimik naman pala ng asawa mo, besh. Bakit ganyan ‘yan?” tanong ni Kiray.

      “Ewan ko rin. Sa tuwing nagluluto lang niya ako kinakausap.”

      “Naku! Nag-aalala ka pang ‘di nasasarapan. Kita mo kanina? Halos siya lang nakaubos ng niluto mo.”

      Bumuntonghininga si Lirah. “Ewan ko ba. Napakatahimik. Tapos madalas masungit. Alam mo? Halos mag-isang guhit na lang palagi ang mga kilay. Para bang galit na galit sa mundo.”

      Natawa si Kiray. “Bakit parang apektado ka naman masyado? Akala ko ba ayaw mong magpakasal sana sa kaniya?”

      “Hindi naman sa gano’n. Medyo ano, nahihiwagaan lang ako sa kaniya. Hindi naman kasi siya pala salita.”

      Muling napatingin si Lirah kay Matias. Nasa may kulungan na ito ng mga manok. Minabuti niyang iwanan muna ang ginagawa at lapitan ito.

      “Matias, hindi ka na ba babalik sa trabaho mo?”

      Tumingin sa kaniya ang binata. “Pinapaalis mo na ba ako?”

      “Hindi naman.” Tumabi si Lirah sa binata. “Sa susunod, papabaunan na lang kita ng tanghalian mo. Ang layo ng biniyahe mo eh.”

      “It’s okay.” Inilibot ni Matias ang paningin sa paligid. “This place looks familiar.”

      Biglang natigilan si Lirah. “Talaga?”

      “Yes. Parang nakarating na ako rito. Hindi ko lang matandaan kung kailan at bakit.”

      Napanguso na si Lirah. ‘Hindi niya talaga natatandaan. Pero hindi pa rin naman inaalis ang bracelet.’

      “Baka naman kaparehas lang. Hindi lang naman kami ang may mga lupain.”

      “Maybe.”

      “Ang unique pala ng bracelet mo. Ang ganda naman.”

      Tiningnan ni Matias ang kamay. “Ah, someone put this on me.”

      “Sino?”

      “I don’t know.”

      “Hindi mo pala kilala, bakit hindi mo tinatanggal?”

      Nagkibit ng balikat si Matias. “I found it cool. At umaasa ako na makita ko siya ulit. Dahil siya iyong nagligtas sa akin.”

      Napataas ng kilay si Lirah. “Hindi mo talaga siya maalala?”

      Sandaling napaisip si Matias. “I remember I saw her face. Pero hindi ko maalala na naman. Siguro dahil na rin sa nangyari no’ng gabing ‘yon.”

      Muling napanguso si Lirah. “Ang bilis naman makalimot,” pabulong na sabi niya.

      “What did you say?”

      “Wala! Sabi ko kung aalis ka na, sige na. Maaga akong uuwi mamaya. Siguraduhin ko munang maayos dito.”

      “Pwede naman dito muna tayo.”

      Namilog ang mga mata ni Lirah. “Seryoso? Pwede muna ako rito?”

      “Tayo.”

      “Ikaw rin?”

      “Yes. Kasi kung aalis ako, kasama ka. You’re my personal cook now, remember?”

      “Huh? At kailan pa akong naging ganiyan sa buhay mo?”

      Ngumiti lang si Matias at kinindatan siya. Pagkatapos ay naglakad na papunta sa ibang parte ng hacienda. Hindi naman maiwasang mapanganga ni Lirah dahil sa ginawa nito.  Alam naman niyang masarap siyang magluto. Pero hindi naman niya inakala na magiging personal cook pa siya ng isang tao.

        ‘Hay naku! Kung ‘di lang kita asawa!’




        Chapter 10: The handmade bracelet




        “Kanina pa kita hinahanap. Andito ka lang pala.”

        Napatingin si Lirah sa kaniyang likuran. Naroon si Matias at nakatunghay sa kaniya mula sa labas ng kulungan ng baboy. Nakakunot ang noo nito at bahagyang nakatakip ang kamay sa ilong.

        “Sorry. Narinig ko kasing umiiyak si Chuchay,” ani niya. Muling pinagpatuloy ni Lirah ang ginagawang pagtingin sa mga biik.

        “Chuchay?”

        Tumango si Lirah. Tinuro niya ang nakahigang baboy na ngayon ay nagpapasuso. “Siya si Chuchay. Ito naman ay mga anak niya.”

        Lalong nangulubot ang noo ni Matias. Hindi siya makapaniwala na may pangalan pa ang baboy. Napailing-iling siya hanggang sa mahagip ng mga mata niya ang pulang bagay na nakatali sa isang paa ng baboy. Kanina pa siya nakakakita ng mga hayop na may pulang tali sa paanan pero hindi niya binibigyan ng pansin.

        “Bakit mo ba ako hinahanap?”

        “Nagugutom ako.”

        Si Lirah naman ang nangunot ang noo. “Hindi ba kakakain lang natin ng hapunan?”

        “Yes. But I’m hungry again. So, finish that already. Gusto kong busog ako bago ako matulog.”

        Napanganga si Lirah. Nilingon niya ito pero nakitang papalayo na ito ulit. Nakaingos at halatang nababahuan sa paligid. Napailing na lamang siya.

        “Ano bang tiyan ang mayroon siya?”

        Pagkatapos ni Lirah ay nagpunta na siya sa kaniyang silid para maligo muna. Hindi na naman niya alam kung nasaan binata. Wala kasi ito sa loob ng mansyon noong pumasok siya. Hindi pa naman ito nabibigyan ng silid ni Myrna. Pagbaba niya ay pumunta na siyang kusina. Hindi niya alam kung ano ba ang iluluto para sa binata.

        “May mga pagkain pa naman dito.” Napabuga ng hangin si Lirah. “Nasaan na kaya iyon?”

        Minabuti niyang hanapin muna ang binata para tanungin ito. Pero hindi pa man siya nakakalabas ay nakita na niya itong papasok ng mansyon.

        “Matias! Saan ka galing?” tanong niya. Tumigil ang binata sa paglalakad at agad na lumapit sa kaniya. Natigilan pa si Lirah noong bigla siyang hinawakan nito sa kamay at hinila papanik sa itaas. “Hoy, teka!”

        “Saan ang kwarto mo?”

        Nanlaki ang mga mata ni Lirah. Agad niyang tinulak ang binata at niyakap ang sarili.

        “Ano’ng ibig mong sabihin?!”

        Sandaling napaisip si Matias. Nangunot ang noo niya noong makitang nakayakap sa sarili si Lirah.

        “Are you serious? H’wag kang mag-alala. Wala akong balak na galawin ka! I just need to confirm something.”

        Napalunok si Lirah. Unti-unti siyang tumayo nang maayos ay nag-iwas ng tingin. Bigla siyang nakaramdam nang pagkapahiya. Para bang ibig sabihin nito ay hindi nito magugustuhan kahit katawan lang niya. Sexy naman siya ah?

        “A-Ano ba kasi ‘yon?”

        Itinaas ni Matias ang kamay niya. “Ano ang alam mo rito? Ikaw ba talaga ang gumawa nito?”

        Tiningnan ni Lirah ang kamay nito. “Yung ano? Yung bracelet ba?”

        “Yes. I finally saw each of your animal’s feet. Kaya pala kanina ko pa napapansin ang mga iyon.” Napailing-iling si Matias. “Now where is your room?”

        Napalabi si Lirah. “Dito.” Naglakad na siya. Binuksan niya ang pinto na kanilang madadaanan at iginiya roon si Matias.

        Agad namang pumasok doon ang binata. Inilibot niya ang paningin sa paligid at doon niya na alala ang nangyari sa kaniya. Napasapo siya sa kaniyang ulo at muling tumingin kay Lirah.

        “Bakit hindi mo sa akin sinabi? Nakilala mo ba ako?”

        “Oo naman! Ako ang nag-alaga sa ‘yo. Tsaka, paano ko sasabihin sa ‘yo eh laging salubong ang kilay mo kapag kausap ako? Saka ka lang nagiging mabait sa akin kapag gutom ka.”

        Namulsa si Matias. “S-Sorry. I didn’t mean to be like that. Alam mo naman kasi kung paano tayo nag-umpisa, right? Hindi ko naman inakala na na ikaw ang pakakasalanan ko.”

        “So, ano na ngayon? Nalaman mo na ako ang nagligtas sa ‘yo. Tsaka, bakit ka ba may tama ng baril, ha?”

        Nag-iwas ng tingin si Matias. “Nothing. Let’s go. Na confirm ko ng ikaw ‘yon. Ipagluto mo na ako,” anito at naglakad na papalabas ng kwarto.

        “’Yon lang ‘yon?” Sumunod si Lirah kay Matias.

        “Bakit? Do want money?”

        “Huh? Hindi ah! Ano, niligtas kita.”

        “And?”

        Naiikot ni Lirah ang kaniyang mga mata. “Bahala ka nga!” ani niya at nauna pang maglakad sa binata.

        Naiwan naman si Matias na nagtataka dahil bigla na lang naging nagsungit si Lirah. Unang beses niyang makita na umakto nang ganoon ang dalaga. “What happened to her?” naiiling niyang sabi. Sinundan na niya ito sa kusina.

        Ipinagluto ni Lirah si Matias ng menudo. Kaunti lang dahil ito lang naman ang kakain at mabilis niya ring natapos. Iiwan na rin sana niya ito kaagad ngunit bigla nitong hinawakan ang kamay niya.

        “Where are you going?” nagtatakang tanong ni Matias.

        “Papanik na? Gusto ko na magpahinga. Kasi bukas, sigurado akong magpapaluto ka na naman. Kawawa naman ako, ‘di ba? Palagi na lang akong nagluluto para sa ‘yo.”

        Hindi alam ni Matias kung matatawa ba siya o maiinis sa sinabi ni Lirah. May pataas-taas pa kasi ito ng kilay at marahang nanlalaki ang mga mata.

        “Cute.”

        “Ano?”

        “Ang liit mo pero ang dami mo palaging sinasabi.”

        “So kailangan pa lang matangkad para makapagsalita?”

        Natawa lalo si Matias. “Come on. Samahan mo muna ako.”

        “Ayaw ko.” Akmang hihilain ng dalaga ang kamay ngunit nauna siyang hilain ni Matias paupo sa katabi nitong upuan. Pinandilatan niya ito. “Ang kulit mo!”

        “Thank you.”

        Natigilan si Lirah. Nag-iwas siya ng tingin at napalunok. “H-Ha?”

        “Thank you for saving me that night. Thank you for cooking this tasty food for me. Thanks kasi kahit na hindi naman maganda ang pagkakakilala natin ay mabait ka pa rin sa akin. I understand why you had to marry me. I’ll be nice to you from now on.”

        Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Lirah. Hindi niya alam kung nagkakamali ba siya nang naririnig. Tiningnan niya si Matias at nakita niyang malapad ang mga ngiti nito sa kaniya. Sa unang pagkakataon ay nakita niya itong nakangiti nang totoo. Nang masaya.

        “N-Nasasarapan ka sa luto ko?”

        “Yes. Kaya nga gusto kong natitikman ang luto mo.”

        Kumibot-kibot ang labi ni Lirah. Pinipigilan niya sanang ngumiti ngunit hindi naman niya maitago ang saya na nararamdaman. Nagpasalamat sa kaniya si Matias.

        “W-Walang anuman.”

        Nginitian niya ito. Hindi na siya umalis sa kinauupuan at sinamahan si Matias habang kumakain. Sa unang pagkakataon magmula noong ikinasal sila ay ngayon lamag ang unang pagkakataon na nagkwentuhan sila nang matagal.

        Siguro nga hindi ginusto ni Lirah na magpakasal agad. Pero masaya na siya na unti-unti na niyang nakikilala ang asawa. 




        Continue:

        Read the next chapters here: 

        https://boozt.io/ameirysavar/




        Post a Comment

        0Comments

        Post a Comment (0)

        #buttons=(Accept !) #days=(20)

        Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
        Accept !