Views

Sebastian Mercedes (Wild Men Series)

Ameiry Savar
0




Sebastian Mercedes (Wild Men Series)

Ameiry Savar 

General Fiction

Tags:  Revenge, Politics, Gangs

Language: Tagalog 

Description:

Series 35 of 45

After he loses his loved ones, Seb becomes the most ruthless man ever. Wala siyang ibang inisip kundi ang maipaghiganti ang mga ito. At sa kaniyang pagbabalik ay sisiguraduhin niyang pagbabayarin niya ang mga taong naging dahilan ng kaniyang kasawian. 

He will let them taste what a good man will do when he turns bad.

Photo is not mine, used for portrayers only.


Disclaimer!

Sebastian Mercedes (Wild Men Series) contains scenes that are not suitable for very young readers and sensitive readers. If you have trauma or can't read stories with dark themes, kindly stop reading this story. This story contains abuse, raped, murder, and foul words. 

This is a work of fiction. All names, characters, persons, places, and incidents are only a product of my imagination. All resemblance to an actual person, may they be living or dead, events or anything are purely coincidental.

All right reserved! No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the prior written permission of the author, except for brief quotes and lines from the story.

Sebastian Mercedes (Wild Men Series) © 2022 by Ameiry Savar


Chapter 1: The Mercedes Family

 

Photo is for portrayer purposes only.

“What is the meaning of this, Alfonso?! You promised!” galit na galit na sigaw ni Jose Cruz noong makabalik na sila sa opisina ng gobernador. Hindi siya makapaniwala kanina na ang prinoklama nitong tatakbong Gobernador ng probinsya ay ang bunsong anak nito. 

Bumuntonghininga si Governor Alfonso at walang ganang tiningnan ang bise niya. “Jose. Pasensya na. My son had an interest to run as a governor. Tsaka, tama lang din na mga Mercedes pa rin ang tumakbo bilang gobernador, ‘di ba?” 

Hinampas ni Jose ang lamesa ng kaibigan. “You said that I will run the governor position this time. Or at least my son, right?! Pero bakit bise pa rin ang binigay mo?!” 

“Hindi ba dapat magpasalamat ka dahil mayroon pa rin kayong posisyon?!” nagtaas na rin ng boses si Alfonso. 

Bumuntonghininga si Sebastian na kanina pa nakaupo sa may sofa at tahimik na nakikinig sa dalawang matanda. Sinuklay niya ang mahaba niyang buhok at napailing. Kauuwi lang kasi nila galing sa isang hotel kung saan sila nagkaroon ng presscon. Doon ay prinoklama ng kaniyang ama na siya ang susunod na tatakbo bilang gobernador at hindi iyon nagustuhan ng matandang Cruz. Alam na niya ang balak ng ama at sigurado siyang hindit ito magugustuhan ng matanda. Matagal na kasing kaalyado ng pamilya nila ang pamilya ng mga Cruz. 

“That’s right. Calm down!” ani Alfonso noong makitang huminga nang malalim si Jose. Nagsalin siya ng alak sa isang baso at inilapag iyon sa harap ng matanda. “Drink.” 

Napailing-iling naman si Jose Cruz at hindi makapaniwalang tiningnan si Alfonso. Ang buong akala niya ay siya na ang magiging gobernador ng probinsya. Kung alam lang niya ay sana hindi na siya umasa. Ngunit kahit ano naman ang gawin niya ay hindi niya pwedeng kalabanin ang pinaka makapangyarihang tao rito sa probinsya nila. Kinuha ni Jose ang alak ang tinungga ang laman. Matalik silang magkaibigan ni Alfonso. Mula pa noong mga binata sila at ang mga magulang pa lang nila ang nasa posisyon ay magkasangga na sila. Hindi niya akalain na tatraydurin siya ng kaniyang kaibigan. 

“Fine! But in one condition.” 

Nangunot ang noo ni Alfonso. “What is it?” 

“Our family will operate the casinos in additional Cities. And I want fifty percent shares of it.” 

Napangisi si Alfonso. Ang pamilya nila ang may-ari ng mga pasugalan sa buong probinsya. Ang ilan ay ang pamilya ng mga Cruz ang nagpapatakbo pero sila pa rin ang may-ari ng mga iyon. Napabuga ng hangin si Alfonso. 

“Okay. Sure. Your wish is my command.” 

Tumango-tango si Jose. “Salamat. Compadre.”

Gulat na tiningnan ni Sebastian ang ama niya. Noong makaalis na si Jose ay tumayo siya at nilapitan ang ama. “What was that, Dad? Papayag ka talaga sa gusto niya?” 

“Yes.” 

“Pero malaking pera ang kailangan natin. Hindi ba tatakbo ka na sa national?” 

“H’wag kang mag-alala, anak. Hindi mawawala ang yaman natin kung magbibigay tayo ng barya sa kanila. Tama na rin iyon para manahimik sila. You know your Tito Jose. He will never stop until I fullfil what he wanted.” 

“Kaya nga sabi ko ay hindi nila iyon matatanggap. You know. I’m happy as a Mayor.” 

“No! Hindi ka lang para sa pagiging Mayor, anak. You deserve better, okay? You know that ikaw na lang ang inaasahan ko na magpapatuloy sa mga nasimulan ko.” 

Napabuntonghininga si Seb. “Fine. Okay. H’wag kayong mag-alala. Hindi ko naman tatanggihan ang posisyon.” Tumayo si Seb. “But for now, I have a wedding to prepare so I must, father.” 

Napangisi si Alfonso. “Okay, son. Make sure that your wife will be the happiest tomorrow.” 

Ngumiti si Seb. Kahit na ang tatay niya ang pinaka seryoso at nakakatakot para sa iba ay hindi ito nananakit ng mga kababaihan. Iisa lang ang minahal nito at hindi na iyon napalitan kahit ito ay namatay na. Ang kaniyang ina. 

“Sure, dad.” 

Tumango si Seb sa ama at naglakad na palabas ng opisina nito. Sinalubong siya agad ng mga tauhan nila sa munisipyo ng may ngiti. Marami ang bumabati sa kaniya dahil sa kasal nila bukas ng kaniyang nobya. Si Pamela Noromor. Ang kaniyang kababata at anak ng kompadre ng kaniyang ama. 

Pagkalabas niya ng munisipyo ay agad siyang sumakay ng kotse at pinaandar iyon papunta sa kanilang mansyon kung saan naroon ang kaniyang nobya. Mayroong interbyu na gaganapin ngayon sa kanilang tahanan tungkol sa kanilang dalawa. 

Nakita agad ni Seb ang mga kotse na nakaparada sa gilid ng kanilang mansyon. Nakita niya ang isang van na may tatak ng tv network. Ipinara niya ang kaniyang sasakyan sa tapat ng mansyon at agad na bumaba. Nilapitan siya agad ng isa sa mga bodyguard nila na nakatayo sa tapat ng pinto at kinuha ang susi sa kaniya. 

“Where’s Pam?” 

“Nasa loob na po, sir.” 

Tumango si Seb at nakangiti pumasok sa loob. Binaybay niya ang maiksing pasilyo hanggang sa marating niya ang sala nila kung saan naroon ang mga interbyuwer na nag-aayos ng kanilang mga gamit. 

“Mayor! Narito ka na pala,” bati sa kay Seb ng isang babae na nakapulang blouse at jeans. May hawak itong papel at may nakakabit na mic sa damit nito. 

“Thanks for coming,” ani Seb. 

“It’s our pleasure.” 

“Pupuntahan ko muna ang bride ko.” 

Agad na napuno ng pabirong hiyawan ang silid. Tumawa lang si Seb at naglakad na patungo sa kaniyang silid. Sigurado siyang naroon si Pamela at nag-aayos ng sarili. Sa tuwing narito kasi ito sa kanilang mansyon ay ang kaniyang silid din ang ginagamit nito. Hindi nga siya nagkamali. Nakita niya si Pamela na nakaharap sa tokador at nagsusuklay nang mahabang buhok. 

Napangiti si Seb. Nakasuot ng nang backless black dress si Pamela. Litaw na litaw ang hubog ng katawan nito sa suot nitong damit. Hindi pa siya nakakapasok ay na aamoy na niya agad ang paborito nitong pabango na amoy lavander. Dahan-dahang pumasok si Seb sa loob ng kwarto at isinara ang pinto. Agad na napatingin sa kaniya si Pamela mula sa salamin at nginitian siya. 

“Hey!” 

Nilapitan ni Seb si Pamela at hinawakan ang balikat nito. Tinitigan niya ito mula sa salamin. “I am the luckiest guy now because this goddess in front of me is marrying me tomorrow.” 

Mahinhin na tumawa si Pamela at humawak sa palad ni Seb. “Hmm! Ikaw talaga? Bolero ka pa rin.” Kunyari ay lumabi siya. “Baka gusto mong mag-backout. May oras ka pa.” 

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Seb si Pamela. Naupo siya sa kama at iniharap niya ang kaniyang nobya sa kaniya habang nakaupo pa rin ito sa maliit na upuan. 

“At sino naman nagsabi sa ‘yo na magba-backout ako?” 

“Hmm… I don’t know? Baka nagsasawa ka na. We’ve been eight years in relationship. Malay ko ba kung napipilitan ka na lang?” 

Lalong natawa si Seb. Sinapo niya ang pisngi nito at tinitigan sa mga mata. Hindi niya maipaliwanag ang saya na kaniyang nararamdaman ngayon dahil mag-iisang dibdib na sila. Si Pamela ang pinaka masayang pangyayari sa kaniyang buhay. 

“Kahit na umabot pa tayo ng ilang taon, Pam. Ikaw pa rin ang mahal at mamahalin ko. Hinding-hindi ako magsasawa.” Ibinaba niya ang mga kamay sa baywang nito at marahan iyong hinaplos. “Ano pa ba ang hahanapin ko sa iba? Eh na sa ‘yo na ang lahat?” 

Pinamulahan ng mga pisngi si Pamela. Totoo naman ang sinabi ng binata. Kahit na umabot na sila ng ilang taon ay wala pa ring pinagbago si Seb. Mas lalo niyang nararamdaman ang pagmamahal nito. Ipinatong niya ang mga kamay sa balikat nito at hinaplos ang leeg papunta sa pisngi. 

“I love you, Sebastian Mercedes. Thank you for asking me to marry you. I will always say yes to you.” 

Kinuha ni Seb ang kamay ni Pamela at hinalikan ang likod ng palad nito. Bahagya niya iyong pinisil at muling tinitigan ang mga mga mata nito. “I love you so much. I will always love you.” 

Bigla nabalot nang katahimikan ang silid. Hindi na naalis ni Seb ang mga mata sa nobya na labis niyang tinatangi. Napalunok niya at unti-unting nilapit ang mukha rito. 

Hindi naman gumalaw si Pamela at tinitigan lang din sa mga mata si Seb. Hinintay niya ang gagawin nito hanggang sa unti-unti nang lumapit sa kaniyang labi ang labi nito. Napapikit siya noong sinakop ni Seb ang kaniyang labi. Naramdaman niya agad ang mga kamay ng binata sa kaniyang likuran at marahan siyang hinahaplos. Hanggang sa nagulat na lamang siya noong hinila siya ng binata papahiga sa kama. Pumatong ito sa kaniya at sandaling pinaglayo ang kanilang mga labi. 

“What are you doing? Hinihintay na nila tayo!” natatawang sabi ni Pamela. 

Muling dinampian ni Seb ng halik si Pamela. “I’ll be quick,” mahalugang sabi niya. 

“Magugulo ang buhok ko!” kunyari ay reklamo ni Pamela. Tumayo si Seb at nakangising pinagmasdan siya. Lalo siyang natawa noong makita niyang tinatanggal na nito ang sinturon ng pantalon. “Seb!” 

“Then, let’s do it another way.” 

“Hey!” 

Napahagikhik na lamang si Pamela noong pinadapa siya ni Seb at agad na itinaas ang dulo ng kaniyang bestida. Agad siyang nakaramdam nang kakaibang init sa kaniyang katawan noong maramdaman iyang ibinaba ng binata ang kaniyang pang-ibaba at hinaplos ang pagkababae. 

“Hmm… Seb… You really can’t wait, huh?” 

“You know I can’t if it’s you, Pamela. You’re a witch, you know?” 

Tatawa sana si Pamela ngunit naramdaman na lamang niyang may tumusok na sa kaniyang pagkababae. Napakapit siya sa kobre kama at kagat ng labi noong unti-unti nang dumalaw si Seb mula sa kaniyang likuran. 



Chapter 2: The Wedding Day

 


Photo is for portrayer purposes only.

Tiningnan ni Seb ang sarili mula sa malaking salamin na nasa kaniyang harapan. Napangiti siya. Nakasuot na siya ng puting tuxedo na kaniyang damit para sa kanilang kasal si Pamela ngayong araw. Bahagya niyang inayos ang bulaklak na nakasa kaliwang dibdib niya. Hinaplos niya ang buhok niyang hinayaan niyang nakalugay lamang.


“I’m ready. I’m fine.” Muli siyang ngumiti at nagpakawala nang malalim na paghinga. Dapat ay maging masaya siya ngayong araw. Ngunit hindi niya mawari kung bakit tila ba ay kinakabahan siya. “It will be fine.”

Biglang bumukas ang pinto ng kaniyang silid. Pumasok ang kanyang ama na nakasuot na rin nang tuxedo. “Wow!” natutuwang sabi nito. “My son look amazing!”

Napangiti nang malapad si Seb. “And you look amazing too, Dad. Parang hindi ata ako ang ikakasal ngayong araw,” biro niya.

Tumawa ang matanda. Tinapik ni Alfonso ang balikat ng anak. “I’m happy for you, son. I know you’ll be a great father and husband. You are my son, remember?”

“Of course. Kanino pa ba ako magmamana?”

Bumuntonghininga si Alfonso. Pinagmasdan niya ang anak. Naghahalo ang emosyon niya para rito. Si Seb ang bunsong anak niya at ang pinaka malapit na anak niya sa kaniya. Ang kaniya kasing panganay ay hindi sumunod sa pulitika at mas gustong manirahan sa ibang bansa. Ngunit narito ang mga ito ngayong araw at nasa simbahan na para sa kasal ni Seb.

“You’ve grown up, my son. I am proud of you. Always remember that.”

“Are you crying?” hindi makapaniwalang sabi ni Seb.

Agad na suminghot si Alfonso at pinahid ang mga mata. Tumawa ito. “I’m sorry.”
Hinawakan ni Seb ang balikat ni Alfonso at tinapik din ito. “Dad. Tumatanda ka na talagam,” pabirong sabi niya. “It’s not like we’re leaving you. Dito naman kami magi-stay ni Pamela.”

“Yes. I know. Siguro dala na nga ito nang katandaan.”

Inakbayan ni Seb si Alfonso. “Come on. Naghihintay na sila kuya sa simbahan.”
Tumango si Alfonso at hindi na nagsalita pa. Magkasabay silang lumabas ng bahay at sumakay sa kaniyang sasakyan.

Sa pinaka malaking simbahan sa probinsya ng Mercedes sila ikakasal ni Pamela. Hindi na mapakali si Seb sa pagkasabik na kaniyang nararamdaman dahil ito ang pinaka hihintay niya. Ang maging isa sila ni Pamela. Wala siyang ibang minahal kundi ang dalaga kaya ito ang pinaka importanteng pangyayari sa kaniyang buhay.

“Nervous?” tanong ni Alfonso sa anak noong mapansin na pinagpapawisan ito sa loob ng sasakyan.

“A bit. I’m not sure. I feel tense.”

“We all go through that. Alam mo ba noong kami ng mommy mo ang ikakasal ay muntik pa akong hikain noon? If it’s not your grandfather who calms me down, siguro na himatay pa ako,” natatawang sabi ni Alfonso.

Matipid na napangiti si Seb. “You really love mom, huh?”

“Of course. She is the best thing that happened in my life. Kaya ni minsan ay hindi ko naisip na tumingin sa ibang babae. You know, a lot of women tried. But your mother is the only one for me. And I am hoping that you will be like that. You and your brother.”

“Of course, Dad. Pamela is the love of my life. Aside from politics, she is my top priority.”

“That’s right. Treat her like a queen, and she will give you a kingdom. You know what I mean.”

Natawa na lamang si Seb. “Yes, dad.”

Hindi nagtagal ay narating na nila ang simbahan. May mga bisita sa labas ng simbahan na agad silang sinalubong. Simple lang ang kanilang kasal ngunit alam ng lahat. Hindi na rin nila ginusto pang may mag-cover na media kahit na may iilang mga nagri-request sa kanila. Hiniling iyon ni Pamela.

“My little brother!” masayang salubong ni Sachary kay Seb. Ang nakatatanda at nag-iisang kapatid nito. Agad nitong niyakap si Seb at tinapik-tapik ang likod. “How are you?”

“I’m good, kuya. Mabuti at nakapunta kayo.” Tiningnan ni Seb si Kylie na asawa ni Sach. Nakipagbeso ito sa kaniya. “You look great, ate.”

“Of course. Nasa dugo niyo na ata talaga ang magaling mag-alaga ng asawa,” biro ni Kylie na malapad ang ngiti. “Dad!” Lumapit ito kay Alfonso at humalik sa pisngi. Sumunod sa kaniya si Sach na yumakap naman sa ama.

“I’m happy that you both are here. Where’s my apo?” tanong ni Alfonso.

“We can’t bring him here, dad. May pasok siya,” tugon ni Sach.

“Well, we have more time.”

“And besides, we are here for my little brother. It’s his time!”

Tumawa si Seb. “Stop calling me little, kuya!”

“But you are!” pabirong sabi ni Sach.

“Naku! Kayong dalawa talaga. Pumasok na nga tayo,” ani Kylie.

Sabay-sabay silang pumasok sa loob ng simbahan. May ilang na lumapit kay Seb at bumati sa kaniya na masaya niyang tinutugon. Naglakad sila papunta sa unahan ng simbahan.
“Seb!”

Napatigil sa paglalakad si Seb noong may marinig siyang boses. Paglingon niya sa likuran nila ay nakita nila si Keith Azarcon. Ang abogado nila. “Hey! Mabuti at nakarating ka! I thought you’re not in the country?”

“Nah. Hindi rin ako magtatagal. I just want to see my old friend again.”

“Thank you for coming.” Tinapik ni Seb ang balikat ni Kit.

“I’ll go sit now, okay?”

“Sure.”

Sumunod na si Seb sa daddy at kapatid niya. Nilapitan muna ni Seb ang mga magulang ni Pamela at bumati sa mga ito bago naglakad na sa unahan. Napakunot pa ang noo niya noong may bisita pa silang hindi niya napapansin sa loob.

“Where are Tito Jose and Lucio?” nagtatakang tanong ni Seb.

Inilibot ni Alfonso ang paningin sa paligid. “Yeah. They should be here already. Did you see them, Sach?”

Umiling si Sach. “No, Dad. I’ve seen old faces already but not them.”

Biglang napaisip si Alfonso. Sa lahat ng mga okasyon nila ay palaging naroon ang mga Cruz. “Don’t worry. I will ask them later.”

“Hindi kaya masama pa rin ang loob ni Tito?” pabulong na tanong ni Seb.

“Why? What happened?” si Lucio.

“Nothing. That’s impossible. We already talk,” ani Alfonso. “Let’s not mind them for now. Mag-uumpisa na ang kasal.”

Tumango si Seb kahit na bigla siyang kinabahan dahil wala ang mga ito. Pero pilit na kinalma ni Seb ang sarili at pinasaya ang sarili. Pumwesto na siya sa unahan katabi ang kapatid na kaniyang best man. Nakita niya ang ilang mga kaibigan ni Pamela sa side nito at mga kamag-anak. Ilang sandali pa ay nagsalita na ang wedding organizer at isinara ang pinto ng simbahan. Tumayo ang mga magulang ni Pamela at pumwesto sa gitnang parte ng simbahan upang hintayin si Pamela roon mamaya. Naupo na ang mga bisita nila at dumating na ang pari na magbabasbas ng kanilang kasal. Ilang sandali pa ay may nagsabi na dumating na si Pamela. Napabuga ng hangin si Seb at dumalahit bigla ang malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib. Tumunog na ang kampana hudyat nang pagpasok si Pamela.

Tinapik ni Sach ang balikat ng kapatid. “Congrats, Seb. You’ll do great for sure.”

Ngumiti si Seb. “I hope so, kuya.”

Ilang sandali pa ay unti-unti nang bumukas ang pinto ng simbahan. Hindi nga nagtagal ay halos lumukso na ang kaniyang puso noong makita ang pigura ni Pamela na bumababa mula sa puting sasakyan. Dahan-dahan itong naglakad papasok kasabay ng pagtugtog ng wedding song. Hindi mawari ni Seb ang kaniyang mararamdaman at agad na nanubig ang mga mata. Napaka gandang pagmasdan ni Pamela sa suot itong puting wedding gown. Sleeveless iyon at palobo ang pang-ibaba. May nakatakip sa ulo nito na manipis na tela at mayroon siyang hawak na bulaklak. Lavander, ang paboritong bulaklak ng dalaga. Nagmukha itong prinsesa na papalapit na sa kaniya. Noong makapasok na ito ay isinara na rin ang pinto ng simbahan.
I love you, Pamela, bulong ni Seb sa kaniyang isipan. Mahal na mahal niya ang dalaga at pinapangako niyang mamahalin niya ito buong buhay. Hinding-hindi niya ito sasaktan kahit na ano ang mangyari.

“She’s beautiful,” puri ni Sach sa nobya ng kapatid. “You are lucky.”

“Yeah. So much.”

Habang papalapit ay mas lalong lumilinaw ang mukha nito sa kaniya. Malapad ang mga ngiti ni Pamela at halata ang labis na kasiyahan sa mga mata nito. Gusto na niya itong lapitan ngunit pinipigilan niya ang sarili. Napatingin sa kaniya si Pamela at mas lalong nagningning ang mga mata nito. Bumuka ang bibig nito at umusal ng I love you kaya tumugon si Seb.

Ngunit hindi pa man nakalalapit si Pamela sa mga magulang nito ay muling bumukas ang pinto ng simbahan. Lahat sila ay nagulat dahil nag-uumpisa na ang kasal. Tumigil si Pamela sa paglalakad at lumingon din sa kaniyang likuran. Biglang binundol nang matinding kaba at takot si Seb at akmang tatakbo na papunta kay Pamela. Lumingon sa kaniya ang dalaga pero hindi na ito nakagalaw pa.

Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa loob ng simbahan. Napuno ng sigawan at mga putukan ng baril. Kitang-kita ni Seb na nagkulay dugo ang parte ng tiyan ni Pamela. Umubo rin ito ng dugo at unti-unting bumagsak sa sahig.

“Pamela!” sigaw ni Seb. Tatakbo sana siya roon ngunit bigla siyang hinatak ng kaniyang kapatid at pinadapa. “H-Hindi! P-Pamela!”




Chapter 3:  One year later

 


Photo is for portrayer purposes only


“I’m proud of you, my son.” 

“Little bro!” 

“I love you, Seb!” 



“Aah!” 

Pawisan at mabilis ang kabog ng dibdib noong magising si Seb. Napaupo siya at sunod-sunod ang pagbuntonghininga ang ginawa. Para siyang biglang umahon sa matagal na pagkakalublob sa tubig. Sa huling pagkakataon ay bumuga ng hangin si Seb bago tumayo na nang tuluyan mula sa kama. Sandali pa siyang napakunot ng noo noong makita ang dalawang babae na himbing na himbing din sa kama. Kapansins-pansin na walang ibang suot na damit ang mga ito maliban sa kumot na nakatakip sa katawan. 

Napailing na lamang si Seb at kinuha ang pantalon na nasa sahig ng silid. Wala siyang maalala sa nangyari sa kaniya kagabi at wala rin siyang pakealam. Sinuot niya rin ang puting t-shirt. Nahirapan pa siyang hanapin ang tali niya sa buhok at sombrero dahil na iipit pala ng dalawa. 

“Aalis ka na?” nakapikit pa ang mga matang tanong ng isang babae. 

Umismid lamang si Seb at bumunot ng dalawang libong piso mula sa kaniyang bulsa at binato sa kama. Saka lumabas ng silid at naglakad palayo sa mumurahing motel na kaniyang napasok kagabi. 

Isang taon. Isang taon na ang nakalipas mula noong mangyari ang bangungot na iyon kay Seb. Isang taon na ngunit sariwang-sariwa pa rin ang sugat sa kaniyang dibdib. Lahat ng importanteng tao sa buhay niya ay nawala na lamang nang gano'n gano'n lang. Ngayon ay paikot-ikot si Seb sa Tondo. Gamit ang natitirang perang nakuha niya mula sa savings ng pamilya nila ay inubos niya ang oras niya sa pagliliwaliw sa iba't ibang mga bahay-aliwan. Kaliwa't kanan ang babae na kaniyang nagagalaw. Kung ano-ano na ang drogang kaniyang natikman. Hindi alam kung ano ang gagawin sa kaniyang buhay. 

Tumigil si Seb sa paglalakad noong makita niya ang karenderya nila aling Lucille. Ito ang pinaka sikat na karenderya sa barangay nila dahil sa mura na nga ang mga lutong ulam nito ay siguradong masarap din. Isa-isang binuksan ni Seb ang mga nakatakip na malalaking kaldero. Agad na nakaramdam ng paghilab sa kaniyang tiyan si Seb noong maamoy niya ang mga ulam. 

“Isang dinuguan nga po at tatlong kanin,” ani Seb. Kunuha siya ng baso sa gilid ng mahabang lamesa at nainom ng tubig. “Isang kape rin pala, 'te,” dagdag pa niya sa dalagang tagatinda ng karenderya.

Kung pagmamasdan ito ay halatang wala pa itong diseotso. Ngunit kung makatingin kay Seb ay napaka lapot at kulang na lang mapunit ang mga pisngi sa malapad na pagngiti. Wala naman doong pakealam si Seb. Hindi siya mahilig pumatol sa mga hilaw pa. 

Kinuha na agad ni Seb ang plato niya at tasa ng kape na tinimpla ng tindera. Naupo siya sa bakanteng lamesa at nag-umpisang kumain. Sa tingin niya ay hindi iyon sasapat dahil pakiramdam niya ay gutom na gutom siya. Ganito palagi ang epekto sa kaniya kapag nawawala ang tama ng droga na kaniyang ginagamit sa gabi. Oo, droga ang isa sa naging katuwang ni Seb para makalimot sa lahat ng sakit na kaniyang nararamdaman. 

“Ayon, boss!” turo ng isang binatilyo sa pwesto ni Seb. 

Tumingin doon ang mga kalalakihan na hindi bababa sa sampu. Lahat ng mga ito ay naglalakihan ang mga katawan at seryoso kung makatingin. Sila ay mga kasami ng Malay-balay gang. Isang gang na namumuno sa lugar na iyon. Agad na lumapit ang mga ito sa pwesto ni Seb at pinalibutan ang lamesa ng binata. Ang isa ay naupo pa sa tapat ni Seb at matapang na tiningnan ang binata. 

Wala namang pakealam na tiningnan lamang ni Seb ang mga ito. Patuloy siya sa pagnguya habang isa-isang tinitingnan ang mga ito. 

Agad naman nag-alisan ang ilang mga customer ng karenderya na kumakain pa rin. Batid nilang mayroong panganib na dala ang mga kalalakihan kaya sa takot na madamay ay umalis na lamang. Ganoon din ang ginawa ng may-ari ng karenderya pero nagdadasal ito na h'wag gumawa ng gulog ang mga kalalakihan. Sigurado siyang malaki ang magagastos niya kung sakali. Maigi kung magbibigay ang mga ito ng bayad sa kaniya. 

“Oh?” tanong ni Seb. 

“Seb, 'di ba?” tanong din ng lalakeng nakaupo sa tapat ni Seb. Mahaba ang buhok nito at mayroong hikaw sa may ilong. Makikita rin ang tattoo nito sa kaliwang braso. 

“Sino ka?”

“Gago, oh. Hindi ka kilala, boss?” hindi makapaniwalang sabi ng isa pang lalakeng katabi nito. 

Uminom ng tubig si Seb. “Tangina niyo! Magsialis nga kayo? Ang init oh!”

Tumawa ang lalake. “Ang lakas ng loob mo, ha? Totoo nga ang sinasabi nila!” Nawala ang mga ngiti ng lalake at biglang hinampas ang lamesa. 

Nagtalsikan ang mangkok na pinaglalagyan ng ulam ni Seb. Maging ang plato nito ay bahagyang gumalaw kaya naman ay nahulog ang mga kanin sa lamesa. Lalong-lalo na ang kape niya na mainit-init pa pero hindi naman tuluyang natumba. Nangunot ang noo ni Seb at deretso nang tiningnan ang lalake. 

“Hindi mo na ba mahal ang buhay mo, ha?! Anong ginawa mo sa asawa ko?! Nasaan siya?!”

“Asawa?” nagtatakang sabi ni Seb. Bigla niyang na alaka na may babaeng lumapit sa kaniya kagabi habang nag-iinom siya sa beer house. Isa rin ito sa babaeng nagisnan niyang katabi niya sa kama kaninang umaga. Natawa si Seb. “Ahh! Asawa mo pala 'yon? Hindi ko alam, p're. Siya lumapit sa akin eh.” Napailing-iling si Seb. 

Lalo naman iyong kinainit ng ulo ng lalake. Hindi ito makapaniwala na hindi manlang nasisindak si Seb sa kanila. Muli niyang hinampas ang lamesa. Sa pagkakataong iyon ay nainis na rin si Seb. 

“Ano ba?! Kumakain yung tao eh!”

“Tangina mo pala eh!” sigaw ng lalake at biglang itinumba ang lamesa. 

Aad na napatayo si Seb para umiwas ngunit mayroong humawak sa likuran niya. Hindi na nag-isip pa si Seb. Agad niyang siniko ang nasa kanan niya at sa kaliwa. Ang isa namang yumayakap sa baywang niya ay sinip niya patalikod. Narinig na lamang niyang dumaing ang mga ito at doon ay nakawala siya. Sunod niyang nakita ang isang lalakeng papasugod siya kaniya at hahampasin siya ng upuan. Agad na nakaiwas si Seb at sinipa ito sa tagiliran. 

“Putangina mo!” sigaw ng lalakeng nagsasalita kanina. Nahawakan nito si Seb sa braso at agad pinagsusuntok sa tiyan ang binata. 

Pakiramdam ni Seb ay maisusuka niya ang lahat ng kinain niya kani-kanina lang dahil sa ginawa nito pero mabuti na lamang ay napalunok siya ulit. Hinawakan niya rin sa braso ang lalake saka ubog ng lakas na inumpog ang ulo sa ulo nito. Nakaramdam ng matinding hilo si Seb pero Umiling-iling lamang siya. Ngunit bago pa man siya maka-recover ay may humampas naman sa likuran niya na nakapagdagdag lang sa hilo ni Seb.

Imbes na masaktan ay para bang nabuhayan pa ng dugo ang binata. Tumawa siya bigla kaya natigilan ang mga sumusugod sa kaniya. 

“Mga hunghang!” sigaw ni Seb. Agad niyang hinablot ang isang lalake at sinuntok ito sa mukha. Naging mabilis ang mga pangyayari. Sunod-sunod na mga suntok ang natanggap ni Seb. Hindi na niya halos naramdaman pa ang mga iyon dahil kusa nang namanhid ang kaniyang katawan. Ngunit sa bandang huli ay nagawa niyang pabagsakin ang mga kalalakihan. 

Huli niyang pinagsusuntok ang lalakeng kumakausap sa kaniya habang siya ay nakapatong dito. 

“Sa susunod talian mo ang asawa mo kung ayaw mong may ibang kumakana!” ani Seb at muling sinuntok ang lalake sa mukha. Nawalan ito kaagad ng malay kaya binitawan na ni Seb. Hingal na hingal na tumayo si Seb at walang pakealam na lumakad palayo sa pinangyarihan. Narinig pa niya ang pag-iyak ng may-ari dahil sa nasirang mga gamit nito. Kaya naman ay muling bumalik si Seb para ibigay ang natitirang pera na nasa wallet niya. Pagkatapos ay muling lumakad si Seb. 

Panay ang pag-iling ni Seb at punas na umaagos sa noo niya habang naglalakad. Pagewang-gewang na rin siya dahil sa nahihilo pa siya. Dumura si Seb patagilid kaya napansin niya ang isang pigura mula sa kaniyang likuran. Agad siyang pumihit patalikod at nilingon ito. 

“What the fuck did you do in your life Sebastian Mercedes?” hindi makapaniwalang sabi ng isang lalake na nakatitig kay Seb. “I've been looking for you!”

Nangunot ang noo ni Seb. Kinusot-kusot pa niya ang mga mata para lamang makilala kung sino ang nasa harapan niya. 

“Kit?”

 


Chapter 4: The Truth About her

 



 “Here. Sorry wala akong mamahaling alak.” Inabot ni Seb ang bote ng beer kay Kit na binili niya sa tindahan. Nasa maliit na apartment na silang dalawa na inuupahan ni Seb. 

Maliit lamang iyon. Studio type at wala masyadong laman. Malayong-malayo sa mansyon nila noon. Wala halos laman ang loob maliban sa maliit na papag at bag ni Seb na may lamang gamit. Nakaupo nga lang si Kit sa higaan ni Seb na hindi pa rin na aayos ang sapin at kumot.

Inabot ni Kit ang bote ng beer. “I can't believe you, Seb. Alam mo bang isang taon na kitang hinahanap? Halos nagalugad ko na ang buong Pilipinas kakahanap sa 'yo tapos narito ka lang pala sa Tondo?”

Ngumisi si Seb at uminom ng alak. “Bakit mo kasi ako hinahanap?”

Natigilan si Kit at napainom din ng alak. “I… Well, your family is one of the most generous to me. And I am worried about you. Bigla ka na lang nawala sa hospital.”

“You shouldn't be there in the first place. Dapat hindi mo na ako niligtas noon. Now, look at myself. I'm done, Kit. Hinihintay ko na lang na mamatay ako,” mapait na sabi ni Seb. Noong sinugod sila ng mga armadong kalalakihan, akala ni Seb ay mamamatay na rin siya kagaya ng pamilya niya. Ngunit nagising na lamang siyang muli sa isang pribadong hospital. Doon ay nalaman niyang himalang na iligtas pala siya ni Kit. Na para sa kaniya ay isang bangungot. 

“So are you really accepting everything like that, huh? You live, Seb. Hindi ba dapat magtaka ka kung bakit? If you are really meant to die, you will even though I saved you that day.”

“What? Don't tell me you are saying that I still have a reason or mission shit that's why I'm still alive. Puta, Kit! Look at me? My life ended when they killed my family! My girlfriend! Kaya kung wala ka rin naman ibang magandang sasabihin, you can go. Leave me alone and die silently.”

“Look, Seb. I understand you. You are angry. Frustrated. But I'm not here because I'm just sympathizing with you. I don't care, Seb. But I am here to recruit you.” 

Tumayo si Kit at may inabot na black card kay Seb. Nangunot ang noo ng binata nang makita ang pangalan niya. 'Feodus Organization.'

“And here.” 

Muling naglabas ng isang card si Kit at inabot iyon ni Seb. Halos mabitawan na ni Seb ang hawak niyang bote ng alak nang makita niya ang larawan na inabot ni Kit sa kaniya. Nanginginig ang kamay na ibinaba niya ang bote at biglang napatayo. Maiksi na ang buhok niya at nag-iba ang kulay. Pero hinding-hindi niya makakalimutan ang mukhang iyon. 

“P-Pam…” naluluhang sabi ni Seb habang hinahaplos ang mukha ng babae mula sa larawan. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamay at pinanlisikan ng mga mata si Kit. “What is the meaning of this, Kit?! She was alive all this time?!”

“Hindi ko rin alam, Seb. I accidentally saw her in Italy when I had my mission. And guess who was with her? Lucio Cruz.”

Napanganga si Seb. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya at para bang nanlalaki ang kaniyang ulo. Kasabay ng pagragasa ng mga aalaala niya noon ay dumalahit ang matinding sakit sa kaniyang ulo. Para siyang biglang nahilo at nawala sa sarili. 

Buhay si Pamela? At nasa puder siya ni Lucio?! 

“I know. I can help you, Seb. With that organization. As your attorney, I managed to gather some of your money and assets. You know where to find me, Sebastian Mercedes.”

Muling uninom ng alak si Kit. Hindi na niya iyon inubos at inilagay na lamang sa sahig ang bote. Pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng bahay ni Seb. 

Naiwan si Seb na hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang nalaman. Kitang-kita ng dalawang mga mata niya kung paano bumagsak si Pamela noong naglalakad na ito papalapit sa kaniya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang dugong dumaloy sa katawan nito dahil sa tama ng baril. Nanginginig ang mga tuhod na napaupo siya sa sahig at unting-unti napaluha. 

“H-Hayop ka, Lucio… Hayop ka!” sigaw ni Seb at pinagsusuntok ang sahig. Ininda ang sakit sa bawat pagsuntok niya sa matigas na semento. Hindi siya tumigil kahit may dugo na ang kaniyang kamao. Pinagkakatiwalaan niya si Lucio. Itinuring niyang pamilya at kapatid ang binata maya hindi siya makapaniwalang itinago nito ang nobya sa kaniya. Tumigil si Seb at sumigaw. 

Noong magising si Seb mula sa pagkaka-coma dahil sa tama ng baril sa ulo ay agad siyang pumunta sa bahay ng mga Cruz. Humingi siya ng tulong sa mga ito para hanapin at maghiganti sa taong gumawa niyon sa kaniya. Ngunit ni hindi manlang siya nilingon ng pamilyang itinuring na pamilya ng kaniyang ama. Sa kadahilanang gobernador na si Lucio at ayaw nitong maugnay sa illegal na gawain.

Nawala sa kaniya ang lahat. Pera, posisyon, at ang pamilya. Inintindi niya ang mga Cruz at mas piniling umalis sa Mercedes gamit ang natitirang pera na nakuha niya mula sa kanilang mansyon. 

Ilang minuto ang nakalipas at hindi gumalaw si Seb sa kaniyang posisyon. Naghalo na ang galit at lungkot na kaniyang nararamdaman. Isang taon siyang nagluksa dahil sa pagkawala ng mga mahal niya sa buhay sa mismong araw ng kaniyang kasal. Pakiramdam niya ay nilinlang siya ng taong pinagkakatiwalaan niya. 

Wala sa sariling tumayo si Seb at dumeretso ng banyo. Kailangan niyang makumpirma ang katotohanan. 

Nagmamadaling naligo si Seb at nagbihis ng pantalon at t-shirt na itim. Isinuot niya rin ang pulang jacket niya at tinali ang buhok. Hindi na siya nag-abala pang dalhin ang bag niya at kinuha na lamang ang natitirang pera na naroon. 

Deretsong pumunta si Seb sa terminal ng bus at sumakay ng papunta sa Mercedes. Inabot siya ng halos kalahating araw sa byahe niya mula sa Maynila. Masasabi ni Seb na malaki na ang pinagbago ng Mercedes mula noong umalis siya rito. Unti-unti na niyang nakikitang mayroong mga establisyimento sa probinsya. Pero hindi iyon ang pakay niya rito. 

Pagkababa niya ng bus ay agad siyang pumara ng traysikel papunta sa munisipyo. Maging ang munisipyo ay nagbago na rin. Ang dating gawa sa kahoy na building ngayon ay semento na. Pero hindi pa rin nawawala ang rebulto ng lolo niya sa gitna ng plasa na katapat ng munisipyo. Tahimik na pumasok si Seb. Hindi na siya nag-abala pang magtanong sa mga taong naroon. Dere-deretso siyang pumunta sa pinakatuktok na palapag kung nasaan ang opisina ni Lucio Cruz. 

“Teka, sir! Hindi ka pwedeng pumasok diyan!” pigil ng sekretarya ni Lucio kay Seb noong makita niyang dumaan ito sa kaniyang lamesa. 

Ngunit hindi ito pinansin ni Seb. Dali-dali niyang binuksan ang pinto ng silid at pumasok sa loob. Doon ay mas lalo siyang sinampal ng katotohanan nang makita niya ang isang babae at lalake na magkatabing nakaupo sa sofa. Masayang nag-uusap ang mga ito na para bang maganda ang pinag-uusapan. Parehas na tumingin kay Seb ang mga ito noong bigla siyang pumasok. 

“Who are you?” tanong ni Lucio habang nakatitig kay Seb. Ngunit bigla siyang nanlamig noong mapatitig siya sa binatang naluluhang nakatitig sa nobya niya. 

“Ahm, sir? Are you lost?” tanong ng dalaga kay Seb. 

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Seb at nagmamadaling lumapit sa dalaga. “Pamela! You're alive!”




Chapter 5: Ericka Dela Pena 


Photo is used for portrayer purposes only. I don't own the copyright.

Halos takbuhin na ni Seb ang pagitan nila ni Pamela na nalilitong nakatingin sa kaniya. Ngunit bago pa man siya makalapit dito ay agad na humarang si Lucio sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang braso. 

“Seb! Stop!” ani Lucio. Bahagya niya pa itong tinulak saka iniharang ang sarili sa dalaga. 

“W-Who is he?” nagtatakang tanong naman ng dalaga. 

“He is an old friend, Ericka. I will talk to him.” 

Ericka?” gulat na sabi ni Seb. Pinagpalit-palit niya ang tingin sa dalawa at halos makunot na ang mukha dahil sa labis na pagtataka. “Ericka? Ano’ng ibig sabihin nito, Lucio?!” 

Nag-iwas ng tingin si Lucio habang nagtatangis ang mga bagang. Hindi niya alam ang isasagot kay Seb dahil kitang-kita niyang nagagalit na ito. ‘Ano ba kasing ginagawa niya rito?!’ tanong niya sa isipan. Biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang kaniyang sekretarya at mga guards. Doon ay nabuhayan siya. 

“Sir! Hindi ka pwede rito!” ani ng sekretarya ni Lucio. Agad namang hinawakan ng mga guard ang mga braso ni Seb ngunit iwinaksi lamang ito ng binata. 

“Lucio! Answer me now! Matagal mo na ba ‘tong alam? She is alive pero wala kang sinasabi sa akin?!” tanong ulit ni Seb at tumingin kay Pamela. Kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito at para bang iba siya rito. “Pam…” Nagpahid ng mga luha si Seb at muling sinubukan na lumapit sa dalaga. “Pamela! It’s me! Seb! Bitawan niyo nga ako!” Sinuntok ni Seb ang isang guard at agad itong bumagsak sa sahig. Susugurin din sana siya ng isa pang guard ngunit umawat si Lucio. 

“Stop! Ayoko ng gulo sa loob ng opisina ko!” may awtoridad na sabi ng binata. Bumuntonghininga siya at tumingin kay Seb. “Calm down, okay? Hindi tayo magkakaintindihan kung ganito ka.” 

Hindi makapaniwalang ngumisi si Seb. “Lucio, hindi ko talaga maintindihan. I can’t understand why my best friend did tell me the moment I woke that my girl–” 

“Sebastian! Stop!” pigil ni Lucio at lumapit kay Seb. Hinawakan niya ang dibdib nito at matalas ang mga matang nakipagtagisan ng mga tingin sa binata. “Let’s talk outside.” Sinubukan niyang hilain si Seb ngunit inalis lang nito ang kamay niya. 

“No!” Tumingin si Seb kay Pamela. Napakalayo na ng hitsura nito noon. Nakasuot ito ng itim na palda na hanggang tuhod at puting long sleeve blouse. Ang buhok niya ay kakulay ng paborito nitong bulaklak, lavender. Pero kahit na anong pagbabago pa man ang gawin nito sa hitsura ay makikilala pa rin ito ni Seb. Hinding-hindi niya makakalimutan ang bawat sulok ng mukha nito. Ang mga mata niya. Ang mga labi. Kahit na ang pagtinding ang kilalang-kilala niya at alam niyang ito ang babaeng kaniyang tinatangi. “Pamela. Ako ‘to. Si Seb. Hindi mo ba ako nakikilala?” 

Nangunot ang noo ng dalaga. “W-Who are you? I’m not Pamela. My name is ErickaEricka Dela Peña.”

“Bullshit!” malakas na sabi ni Seb. “You are not, Ericka! You are Pamela Salvador and you are my girlfriend! My fiance! We are supposed to get married but– But…” Natigilan si Seb at napatitig kay Lucio. Nakatitig lang din sa kaniya ang binata habang nagpipigil. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Seb. Para siyang unti-unting sinasampal ng katotohanan habang nakatitig kay Lucio. Umiling-iling siya. “D-Don't tell me…” Napahilamos si Seb at tumalikod sa mga ito. Bigla na lamang siyang sumigaw sa sobrang gigil at sinuntok ang pader. Muli siyang humarap kay Lucio na nanlilisik na ang mga mata. “Lucio. I need to hear it from you! Please!” 

Bumuga ng hangin si Lucio. “Ano bang pinagsasabi mo, Seb? Pwede ba? H’wag ka rito manggulo! I will call the police if you don’t stop!” 

“Ha! Talaga ba, Lucio? Do that and you will confirm my hunches.” 

“L-Lucio, please! I-I am getting scared of him!” ani Ericka o Pamela. 

Agad na lumapit si Lucio kay Ericka at niyakap ito. “Don’t worry. I will not let anyone harm you.” Hinagod niya ang likuran ng dalaga at saka hinalikan ang noo. 

Parang sinuntok nang matindi si Seb at hindi nakagalaw noong makita ang ginagawa ni Lucio kay Pamela. Sa bawat paghaplos nito sa katawan ng dalaga ay parang may kumukurot sa kaniyang dibdib at nahihirapan siyang makahinga. Noong mapatingin siya sa mga mata ng dalaga ay para na siyang nadurog. Gano’n na gano’n ang mga titig nito sa kaniya noon. Inosente at punong-puno nang pagmamahal. Naikuyom ni Seb ang kaniyang mga palad. Agad na nagdilim ang kaniyang mukha at wala sa sariling sinugod si Lucio. Hinawakan niya ito sa balikat upang mapahiwalay kay Pamela at sinuntok nang malakas sa mukha. Agad itong tumumba sa sofa. Sumigaw na si Pamela sa takot pero hindi tumigil si Seb. Pinatungan niya pa si Lucio at hinawakan sa leeg. Pagkatapos ay walang pakundangan na pinagsusuntok sa mukha na para bang isa itong punching bag. 

“Stop it! Lucio!” iyak ni Ericka. Tumingin siya sa mga bodyguard ni Lucio na gulat lang na nakatingin sa binata. Wala pang gumawa niyon kay Lucio. “Hey! Are you blind?! Help your Governor!” 

Doon ay parang natauhan ang mga ito. Agad silang lumapit kay Seb at pinigilan ang binata. Hinila ng mga ito si Seb palayo kay Lucio. Duguan na ang binata at halos mawalan na ng malay noong mabitawan ni Seb. 

“Bitawan niyo ako!” sigaw ni Seb at sinuntok ang isang guard. Agad itong natumba sa sahig. Sinunod niyang saktan ang isa pang guard ngunit naunahan siya nito. Muntik na siyang mapasdsad sa sahig pero agad na nakuha ni Seb ang kaniyang balanse. Hindi na bago sa kaniya ang pakikipagbasag ulo dahil mula noong mapunta siya sa Tondo ay walang araw na hindi siya nakikipagrambulan. Muli niyang sinugod ang guard at sinuntok ito sa mukha at tiyan. Dumaing ito sa sakit at hindi nakaganti kay Seb kaya sinipa niya ito sa tiyan. Hinihingal na tumigil si Seb at tiningnan ang mga ito. Parehas nang nakahiga ang mga ito sa sahig at walang malay. Umayos ng tayo si Seb saka tumingin kay Emily na nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa kaniya. 

“D-Don’t!” natatarantang sabi ni Emily noong papalapit sa kaniya si Seb. 

“Let’s go! Aalis na tayo rito.” Hinawakan ni Seb ang kamay ni Pamela pero agad lang nito iyong binawi. Nagtatakang tiningnan ni Seb ang nobya. “Pamela! Ano ba? Wala akong panahon na magpaliwanag sa ‘yo. We need to get out of here–” 

Biglang napatili si Ericka noong mapatigil si Seb sa pagsasalita at tumumba sa sahig na walang malay. Nasa likod nito si Lucio na dumudura ng dugo at may hawak na makapal na libro na pinalo nito sa batok ng binata. 

“Lucio!” Agad na lumapit si Ericka kay Lucio at yumakap dito. “A-Are you okay?” 

Tumango si Lucio. “Yes.” Tumingin siya kay Seb at napailing. Niyakap niya si Ericka at hinagod ang likod nito. “It’s okay now.” Biglang nanliit ang mga mata ni Lucio at tiningnan nang masama si Seb. 

‘I should’ve killed you too!’



Chapter 6: I will join

 


Photo is used for portrayer purposes only. 


 “I can’t believe it, Lucio! Who was that man? Why are you associating yourself with that kind of person?!” hindi makapaniwalang sabi ni Ericka. Kanina pa siya pabalik-balik sa sala ng mansyon ng mga Cruz. Kanina pa siya nakauwi galing sa munisipyo kung saan ay biglang may dumating na lalake at nanggulo roon. “And why did you just come back now?” 

Bumuntonghininga si Lucio at nilapitan ang nobya. Hinawakan niya ito sa braso at hinila papalapit sa kaniya. Napangiti agad si Lucio noong magkatitigan silang dalawa. Sobrang nag-aalala si Ericka kanina dahil sa nangyari. Na ikinatutuwa niya dahil ibig sabihin lamang niyon, hindi na talaga nito makilala si Seb. 

Sinapo ni Lucio ang mga pisngi ni Ericka at hinalikan ito sa noo. “Don’t worry now, okay? Wala na siya.” 

“Sino ba kasi ‘yon? Ano’ng kailangan niya sa ‘yo? And… why is he calling me Pamela Salvador?” 

Sandaling natigilan si Lucio. Binitawan niya ang nobya at lumapit sa minibar nila. Nagsalin siya ng alak sa maliit na baso at tinungga iyon. “Pam… Pamela was her girlfriend. Fiancee, actually. You know, nakakaawa ang kaibigan kong ‘yan. He lost everything on their wedding day.” Napailing-iling si Lucio at muling nagsalin ng alak. “His father, brother, and his soon-to-be wife.” 

Napanganga si Ericka. Naupo siya sa malambot na upuan at napatitig sa lamesita na nasa gitna. “W-Why? What happened to them?” 

Bumuga ulit ng hangin si Lucio. Dala ang kaniyang baso na kasasalin lang ng alak ay naupo siya sa tabi ni Ericka. Inilapag niya ang baso sa lamesita at kinuha ang kamay ni Ericka saka tinitigan ito sa mga mata. “On their wedding day, his fiancee was shot here.” Tinuro niya ang tiyan at kanang dibdib ni Ericka. “Her father and brother are here.” Tinuro niya ang ulo ni Ericka. “And he was shot here too.” Tinuro niya ang kanang dibdib ni Ericka. “Like her fiance, but he manage to survive because someone saved him.” 

“Oh, my God! That was horrible! I can’t imagine how hard that was!” 

Tumango-tango si Lucio. “Yes. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit siya umakto nang gano’n kanina. He might lose his mind too because of loneliness.” 

“Eh ikaw? A-Are you not present that day? Mabuti hindi ka nasaktan?” nag-aalalang sabi ni Ericka. 

“No. Na late kami ni Dad. Na abutan na lang namin na halos maglawa na ang buong simbahan dahil sa mga dugo ng mga bisita at ng mga Mercedes. I felt sorry for them. They barely survived.” 

Binawi ni Ericka ang mga kamay kay Lucio at nag-iwas ng tingin. Bigla kasi siyang nakaramdam nang paninikip ng dibdib habang pinakikinggan ang kwento ng nobyo. Hindi siya makapaniwala na ganoon pala ang pinagdaanan ng binata. Kung alam lang niya ay hindi sana niya ito hinusgahan agad. 

“I… I felt sad for him. Ang hirap siguro para sa kaniya ang pinagdaanan niya. But why was he like that? Did you help me? Gave him home? He was your friend after all.” 

“Yes, love. We did. We tried. Kaso masyado nang nalugmok sa labis na kalungkutan si Seb. Hindi niya makaya ang mga nangyari sa kaniya.” 

‘Seb. Why does it feel familiar?’ nagtatakang tanong sa sarili ni Ericka. 

“Are you okay?” nagtatakang tanong ni Lucio nang mapansin na nag-iba ang ekspresyon ng nobya. Tumingin sa kaniya ang dalaga at ngumiti. 

“Y-Yeah. May na alala lang ako. Where is he now? Kailangan niya ng tulong, Lucio. We should help him. We can enroll him in my mom’s rehabilitation center. They can help him.” 

Ngumisi si Lucio at tinitigan sa mga mata si Ericka. “It’s okay now. H’wag mo na siyang isipin. I already talked with him. Medyo na liwanagan na rin siya. Turns out, wala na pala siyang pera kaya gano’n. I gave him money and then he lived.” 

“Really? Gano’n lang?” 

“Yes.” 

Nag-iwas ng mga tingin si Ericka Natatakot siya kay Seb dahil kitang-kita niya ang mga galit sa mga mata nito. Namumula iyon at para silang biglang nagpalit ng anyo. Para siyang naging demonyo noong sinabi niyang hindi siya si Pamela. Huminga siya nang malalim at marahang umiling. Pero bakit parang narinig na niya sa kung saan ang pangalan nito?


~~~



Napaungol si Seb noong unti-unti nang bumabalik ang kaniyang malay. Masakit ang kaniyang ulo. Partikular ang kaniyang batok dahil sa matigas na bagay na tumama sa kaniya bago siya mawalan ng malay. Biglang napaungol si Seb at sinubukang gumalaw noong maalala niya si Pam. 

‘Pamela!’ 

Sinubukan niyang sumigaw ngunit walang lumalabas sa kaniyang bibig. Tanging ungol lamang ang kaniyang nagawa dahil mayroong nakatakip sa kaniyang bibig. Kahit ang kaniyang mga mata ay hindi niya maimulat dahil mayroon ding takip. Sinubukan niyang gumalaw ngunit nakaramdam lang siya ng hapdi sa palapulsuhan niya dahil humigpit ang kaniyang pagkakatali. 

‘Fuck! Lucio! I will kill you!’

Isang taon. Isang taon na wala siyang direksyon sa buhay dahil pakiramdam niya ay nawala na ang lahat para sa kaniya. Makailang beses na niyang sinubukan na tapusin ang buhay niya dahil wala na siyang magagawa pa rito. Ito ba? Kaya ba siya nabuhay dahil buhay pa pala si Pamela? Pero bakit hindi manlang sinabi sa kaniya ni Lucio? Ayaw niyang pag-isipan ang mga ito ngunit unti-unti na siyang sinasampal ng katotohanan. 

“Andyan na ata si Gov. Gising na ‘to eh.” 

Napatigil sa paggalaw si Seb noong may marinig siyang mga boses. Ilang sandali pa ay may bumukas na kung ano at nakarinig siya ng mga yabag na papalapit sa kaniya. Nanatiling hindi kumilos si Seb at nakiramdam. 

“Gising na Gov. Ano gagawin namin sa kaniya?” 

“Sandali. Kakausapin ko lang.” 

Naikuyom ni Seb ang kaniyang mga palad noong marinig ang boses ni Lucio. ‘Traydor ka, Lucio! Hayop ka!’ sigaw niya sa kaniyang isipan. Ilang sandali pa ay may nagtanggal ng kaniyang piring. Bumungad sa kaniya si Lucio na nakaupo sa kaniyang harapan. Nakadekwatro pa ito habang nagsisigarilyo at pinagmamasdan siya. Pinanlisikan niya ito ng mga mata at sinubukang sugurin ngunit nakatali pa rin siya. 

Tumawa si Lucio. “You never learn, Seb. Bakit ka pa bumalik ng Mercedes? This province is nor soaring without you Mercedes’ in position!” 

Tumigil sa paggalaw si Seb. Kung nakamamatay lang mga titig ay kanina pa durog ang mukha ni Lucio. 

“Ah. Hindi ka pala makakasagot. Tanggalin niyo nga ‘yan!” utos ni Lucio habang kumakamot pa sa ulo. Agad na mayroong lumapit kay Seb at tinanggal ang takip sa bibig nito. “Now–” 

“Hayop ka! Ano’ng ginawa mo kay Pamela?! Bakit hindi niya ako maalala?! Kayo ba ang gumawa niyon sa pamilya ko?!” sunod-sunod na tanong ni Seb. 

“Pwede ba? Isa-isa lang ang tanong kung ayaw mong takpan na naman ang bibig mo!” 

“Putangina mo, Lucio! Fuck you!” 

“I said, shut up!” sigaw ni Lucio at biglang tumayo saka sinuntok sa mukha si Seb. Hinawakan niya ang buhok nito at marahas na inangat noong tumungo. “I should’ve killed you when I learned you were still alive!” Muling sinuntok ni Lucio si Seb. 

Hindi naman sumagot ang binata. Nanatili siyang blangkong nakatingin kay Lucio na galit na galit na nakatitig sa kaniya. Muling umilit sa kaniyang isipan ang huling sinabi ni Lucio. ‘I should’ve killed you when I learned you were still alive!’ Napapikit nang mariin si Seb. Sila… Ang mga taong pinagkatiwalaan nila. Sila ang gumawa nito sa kanila. 

“K-Kayo… Kayo ang pumatay sa kanila?” mahinang tanong ni Seb. 

Binitawan ni Lucio ang binata at muling naupo. Ngumisi siya noong muling nagmulat ng mga mata si Seb. “Oo.” 

Biglang nangilid ang mga mata ni Seb at nanliit. “But why?” 

“Why? Why? You are really asking me why? Dahil masyado na kayong gahaman! Akala niyo kayo ang may karapatang maghari sa pobinsyang ito? Nagkakamali kayo, Seb! Ngayon tapos na kayo. Wala na ang mga Mercedes. Sa amin na ang Mercedes. Sa akin na si Pamela.” 

Biglang nagpantig ang mga tainga ni Seb. Namula ang kaniyang mukha at nanlisik ang mga mata. “Hayop ka! Hayop ka! Papatayin kita, Lucio! Papatayin kita!” Nagwala si Seb habang lumuluha. Hindi siya makapaniwala na ang mga taong tinuring nilang pamilya ay ganito ang ginawa sa kanila. Ang kaniyang ama na malaki ang tiwala sa mga Cruz. Ang kapati niya at ang asawa nito na wala namang kinalaman sa mga nangyayari. Ang mga bisita. Ang lahat. Si Pamela. “Hayop ka! Isinusumpa ko! Papatayin kita!” 

Tumawa na lamang bigla si Lucio nang malakas habang pumapalakpak. “Sa ating dalawa, Seb.” Tumayong muli si Lucio at sinabunutan ang binata paharap sa kaniya. “Sa tingin mo. Sino ang mamamatay ngayon?” 

“Hayop ka!” sigaw ni Seb at biglang dinuraan si Lucio sa mukha. 

Natigilan naman ang si Lucio at napapikit. Tumama sa kaniyang pisngi ang malagkit at mabahong laway ni Seb na agad na nagbigay ng pandidiri sa kaniya. Gamit ang manggas ng kaniyang damit ay pinunasan niya iyon at muling dumilat. Nanlilisik na rin ang mga mata niya noong salubungin ang mga titig ni Seb. Walang ano-ano ay muli niya itong sinuntok sa mukha. Sunod-sunod hanggang sa dumura na ng dugo si Seb at matumba kasama ang upuan na pinagtatalian nito. 

Hiningal agad si Lucio kaya isa-isa niyang tinanggal ang pagkakabutones ng kaniyang polo. “Kalagan niyo.” 

“Gov. Baka lumaban sa ‘yo?” 

“Bingi ka ba?!” sigaw ni Lucio. Pinandilatan niya pa ito kaya agad na sumunod sa kaniya. 

Umubo-ubo si Seb at pilit na kumilos. Ilang sandali pa ay naramadman niyang hindi na siya nakagapos kaya pinilit niyang tumuyo. Putok na ang kaniyang kaliwang mata pero maayos pa rin niyang nakita si Lucio na wala nang suot na pang itaas. Nakaakto itong pasuntok sa kaniya habang nakangisi. 

“Game?” ani Lucio. 

Nalito pa noong una si Seb pero noong biglang sumugod sa kaniya si Lucio ay agad siyang umiwas at inundayan ito ng suntok sa tagiliran. Bago mangyari ang pangtatraydor ng mga ito sa pamilya nila, madalas silang mag-sparring ni Lucio. Naging libangan na nila iyon sa tuwing nagwo-workout sila. Pero sa palaging ginagawa nilang iyon ay hindi pa nanalo sa kaniya si Lucio. 

Malakas na sinipa ni Seb si Lucio sa tiyan kaya tumumba ito sa sahig. Pero bago pa man siya makalapit ay tumayo ito at sinugod siya ng suntok. Halos lahat ng mga iyon ay matagumpay na naiwasan ni Seb. Hanggang sa susuntok sana ito sa kaniya ngunit sinalo niya iyon ng isa niyang kamao. Ang isa rin nitong kamay ay mahigpit niyang hinawakan. Parehas na silang duguan ni Lucio ngunit mas marami ang tama nito. 

“Magbabayad kayo, Lucio Cruz. Papatayin ko rin kayo!” gigil na sabi ni Seb. Binitawan niya ang isang kamay nito at ang isa naman ay hinila hanggang sa maibaliktad niya ito padaan sa kaniyang balikat. Patihayang bumagsak si Lucio na dumaing sa sakit na naramdaman. Naikuyom ni Seb ang kaniyang mga palad. Sa pagkakataong iyon ay wala na siyang pakialam. Buhay ang kinuha sa kaniya kaya buhay din ang kaniyang babawiin. 

Susugurin sana niya ulit si Lucio ngunit may humawak na sa kaniyang braso. Ang mga tauhan naman ni Lucio ang nakalaban ni Seb ngunit bago pa man niya maubos ang mga ito ay may narinig siyang malakas na putok ng baril. Sunod niyang naramdaman humapdi ang kanang balikat niya. Muli pang may pumutok at sa tiyan naman niya ang sumakit. Agad na nanlabo ang paningin ni Seb at biglang bumagsak sa sahig.

“Tangina!” sigaw ni Lucio na nakaupo na. Itinapon niya ang baril at unti-unting tumayo. Nilapitan niya si Seb at marahang sinipa ang katawan nito. Napailing siya at ngumisi. “Alam niyo na ang gagawin diyan.” Tumalikod na si Lucio. 

Pakiramdam ni Seb ay unti-unti na siyang nawawalan ng malay. Para siyang hinihila papunta sa kadiliman. 

‘Seb… My Seb.’

Napangiti si Seb noong marinig niya ang malamyos na tinig ni Pamela sa kaniyang isipan. Buhay si Pamela. Kailangan niyang mabuhay para makasama si Pamela. Ngunit masyado na siyang nanghihina at unti-unti nang nauubusan ng dugo. Naramdaman niyang may humila sa kaniya. Bumuhat at inihagis sa isang malamig at madilim na lagayan. Sandaling nawalan ng malay si Seb pero muling bumalik noong tumama ang kaniyang ulo sa matigas na bagay. 

‘Seb…’

Napaungol si Seb at pilit na iminulat ang kaniyang mga mata. Labis na ang kirot na kaniyang nararamdaman at tumitindi na ang panlalabo ng kaniyang mga mata. Mahina na ang kaniyang pandinig kaya mga kaluskos na lamang iyon para sa kaniya. Muli niyang ipinikit ang mga mata. Naramdaman niyang parang may bumukas at muli na lamang siyang lumutang. 

“Patay na ba?” 

“Hindi. Buhay pa.” 

“Kawawa naman si Boss Seb. Ang bait pa naman nito noon.” 

“Wala eh. Ano ang magagawa natin? Kaysa naman tayo ang patayin ni Boss Lucio.” 

Bigla na lamang may tumikhim sa likod ng dalawanag lalake na nag-uusap. “Ako na bahala sa kaniya mga boss.” 

Agad na tumayo ang mga lalake at bubunot sana ng baril. Ngunit natigilan sila noong makitang may hawak na ito at nakatutok sa kanilang dalawa. Agad na itinaas ng mga ito ang kanilang mga kamay. 

“N-Napag-utusan lang po!” 

Sinenyasan nito na umalis na kaya agad na kumaripas ang mga ito papunta sa sasakyan. “Alam niyo na ang sasabihin niyo ha?” tanong pa ng lalake. Mabilis na tumango ang mga ito bago sumakay ng sasakyan. Hinintay nitong umalis ang mga ito bago lumapit kay Seb. 

Napailing si Kit habang pinagmamasdan ang wala na nang malay na si Seb. “You never learn, Sebastian. At least you are still alive.” 




Chapter 7: Welcome to Feodus


Unti-unting iminulat ni Seb ang ang kaniyang mga mata. Pakiramdam niya ay namamaga ang buo niyang katawan. Hindi niya rin maimulat nang maayos ang kaniyang mga mata at para bang may kumukurot sa kaniyang tagiliran. Napaungol si Seb sa sakit. Muli niyang na alala si Pamela at si Lucio. Agad na nagtangis ang kaniyang mga bagang dahil sa galit na kaniyang naramdaman. 

Ni sa hinagap ay hindi niya inakala na gagawin iyon sa kanila nila Lucio. Ang tatay niya, ang kapatid at ang asawa nito, ang mga inosenteng bisita na nadamay noong araw na iyon. Higit sa lahat  ay si Pamela. Ano kaya ang ginawa ni Lucio rito at hindi siya nito nakikilala? 

‘Hayop ka, Lucio! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin at sa pamilya ko! Kayo ng pamilya mo!’

Tahimik na napaluha si Seb. Itinuring niyang pamilya ang mga ito pero ito ang ipinalit nila sa kanila. 

“You’re awake.” 

Biglang na alerto si Seb noong may marinig siyang boses. Pinilit niyang imulat ang kaniyang mga mata at nakita niyang nakaupo si Kita sa gilid niya. Mataman itong nakamasid sa kaniya na para bang binabantayan siya. 

“Seb. Your tears won’t help you. You know that. Bakit ka ba sumugod doon?” 

‘I want to take back what is mine,’ sagot ni Seb sa kaniyang isipan. Sigurado siyang si Emily ay ang kaniyang nobya. Kahit ano man ang gawin ni Lucio kay Pamela. Kahit baguhin pa nito ang katauhan ng dalaga ay sigurado siyang ito ang kaniyang nobya. 

“Mercedes is owned by them now. Even your girlfriend. Wala ka nang magagawa pa roon.” 

Napapikit nang mariin si Seb. Tama ang sinabi nito. Kahit na paulit-ulit siyang bumalik sa kanilang probinsya ay wala na siyang magagawa dahil kinuha na ng mga Cruz sa kaniya ang lahat. Ang buhay at ang karangyaan niya ay inagaw ng mga ito. 

“Sa ngayon. But… I can help you, Seb. Hindi ko kayang mag-move on sa sunod kong mission kung ganito ang nakikita ko sa ‘yo. Your family still did great to me. So, let me help you. Join Foedus now and you can do everything you want to them. Revenge? Pamela? Name it. Foedus will help you.” 

Napalunok si Seb. Muli siyang nagmulat ng mga mata at tinitigan ang kaibigan. Hindi pa niya alam ang tungkol sa organisasyon na sinasabi nito. At ni minsan ay hindi pa siya sumali sa mga ganitong uri ng organisasyon. 

“You can think about it again while you recover. H’wag kang mag-alala. Nasa Maynila na ulit tayo at nasa condo kita. My personal doctor will visit your from time to time.” 

May inilabas na black car si Kit ang inilapag iyon sa bedside table. Natatandaan iyon ni Seb dahil ito rin ang card na ibinigay sa kaniya ni Kit. Ipinatong nito iyon sa taas ng brown envelope na nakapatong din sa lamesita. 

“You are decided. Call me anytime.” Namulsa si Kit. “Don’t do ridiculous things again, Seb. Baka sa sunod ay hindi na kita maligtas.” 

Muli siyang pinagmasdan ng binata bago ito lumabas ng silid. Napapikit muli si Seb. Napupuno na siya ng galit na kaniyang nararamdaman dahil sa ginawa sa kaniya ng mga Cruz. Siguro nga tama si Kit. Kailangan niyang sumali sa sinasabi nitong organisasyon. Dahil hindi siya papayag na hindi niya mabawi ang lahat at makapaghiganti sa mga ito. Babalik siya sa Mercedes upang pagbayarin ang mga Cruz. 

Kagaya ng sabi ni Kit, mayroong doktor na pumupunta kay Seb para tingnan siya. Halos araw-araw ding may bumibisita sa kaniyang nurse para tingnan ang kaniyang kalagayan. Tinutulungan siya nito sa lahat ng kaniyang mga dapat gawin na hindi niya magawa. Kahit ang ang pagpapaligaya sa sarili. 

Makalipas ang ilang linggo ay bumuti na ang lagay ni Seb. Tiningnan niya ang papeles na iniwan sa kaniya ni Kit. Naroon lahat ang tungkol sa mga nangyari sa kanilang mga negosyo. Maging ang malaking pera na naisalba nito para sa kaniya. Lahat ng mga negosyo nila at mga ari-arian ay kinamkam ng mga Cruz. Lahat maging ang mga illegal nilang negosyo. Oo, hindi naman talaga isang huwarang ang pamilya nila Seb. Mayroon pa rin silang tinatagong baho ngunit hindi kagaya sa mga Cruz na handang pumatay ng kakampi para lang umangat. Itinuring pa rin nila ang mga ito bilang pamilya. Kaya hindi niya matanggap na ganito ang ginawa sa kanila ng mga ito. 

“What’s your plan now?” tanong ng nurse ni Seb na si Liza. Yumakap ito kay Seb mula sa likuran at marahang hinalikanang likod. 

Walang ekspresyon namang tumitig sa labas si Seb. Tanaw niya ang buong syudad mula sa salamin na dingding. Wala siyang saplot ngunit hindi niya iyon alintana dahil nasa mataas silang establisyimento. At isa pa, wala siyang pakealam. 

“You are healed now. Siguro ay hindi mo na ako kakailanganin.” 

Hinarap ni Seb ang dalaga ang pinagmasdan ang mukha nito. Nakangiti nang malapad sa kaniya si Liza habang nakapulupot ang mga kamay sa kaniyang leeg. Wala sa sarili na hinaplos ni Seb ang pisngi ng dalaga. Maganda ito. Morena at may pagkainosente. Sa unang tingin ay hindi aakalain na isa pala itong bayaran na nagtatago sa katauhan ng isang nurse. Ngunit walang masabi rito si Seb dahil isang mabuting tao si Liza. 

Hinatak ni Seb si Liza at pinadikit sa dingding. Napasinghap ang dalaga noon ipininid niya ito sa salamin na dingding. Dumikit ang dibdib nito roon at ang pisngi. Pagkatapos ay umayos nang tayo si Seb sa likuran nito at bahagyang pinaumbok ang balakang. Noong maasiguro na niya ang pwesto nito ay binasa niya ang bukana ng pagkababae nito gamit ang sariling dura. Saka marahan ngunit may gigil na ipinasok ang kaniyang pagkalalake rito. Agad na napaungol ang dalaga sa sarap na naramdaman at gano’n din si Seb. Ngunit sa bawat galaw niya ay pumapasok sa kaniyang isipan si Lucio. Sa bawat paglabas masok ng kaniyang pagkalalake kay Liza ay na iisip niya rin kung paano niya unti-unting pinapatay si Lucio. 

Madaling araw noong magising si Seb. Nasa silid pa rin niya si Liza at katabi sa kama. Minabuti na ni Seb na tumayo at nagbihis ng pantalon at puting t-shirt. Buo na ang kaniyang desisyon. Sasali siya sa Foedus. 

“Mabuti naman at naisipan mong sumali,” nakangiting sabi ni Kit. Nasa isang restaurant sila ng binata at doon nagkita. 

“Paano niyo ako matutulungan?” 

“Lahat ng klaseng tulong na kailangan mo ay maibibigay ng organisasyon, Seb. You just have to pass our initiation rights.” 

“Is this a fraternity?” 

“We are much better than those nob groups, Seb. So, ano? Are you in?” Natigilan si Kita. “Ah, I forgot. Just remember, once you’re in, you can never get out… alive.” 

Nangunot ang noo ni Seb. Naramdaman niya ang bigat ng sinabi ng binata. Ngunit ano pa nga ba ang kaniyang pagpipilian? Mas na nanaig sa kaniya ang galit at kagustuhang makapaghiganti sa pamilyang iyon. Lahat ng pwede at kaya niyang gawin ay gagawin niya. Magawa lamang niyang pagbayarin ang mga Cruz. 

Huminga nang malalim si Seb at tumango. “Yes. I’ll join Foedus.” 

Napangiti nang malapad si Kit. Tumayo siya at inilahad ang kamay kay Seb. Na malugod namang tinanggap ng binata at nakipagkamay sa kaniya. 

“Welcome to the Foedus Corporation, Sebastian Mercedes. Now, let’s test how hard you are.” Sumilay ang misteryoso at mapanganib na ngiti sa labi ni Kit. 



Continue:


To continue reading this story, please scan this QR code:




Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !