Views

The Penthouse Secrets: Ellaine's Heart (Chapters 26 to 30)

Ameiry Savar
0


 


Chapter 26


“Let her go! Are you going to kill her?!”

Biglang may humila kay Cheska paalis sa ibabaw ko.

Napaubo-ubo ako at agad na naghabol na paghinga. Halos mawalan na ako ng malay dahil sa ginawa nito.

This bitch! Humanda talaga siya sa akin kapag makawala ako rito.

To all the things she did to me. To Ms. Cheng. Sisiguraduhin ko na mas matindi pa ang mangyayari sa kaniya!

“Let me go! I will kill that bitch!” sigaw pa rin ni Cheska.

“Ano ba, Cheska?!” galit na sabi ng isang lalaki.

Nagsalubong ang mga kilay ko noong makilala ko ang boses.

It was Ms. Cheng’s husband, Mario.

“M-Mr. Cheng?” gulat na tawag ko rito noong makabawi ako sa paghinga.

Tumingin sa akin si Mr. Cheng. Nagulat pa ito saglit, pero biglang naging matalas ang mga tingin nito sa akin.

“W-What are you doing here, Mr. Cheng? Ano ‘to? Kasabwat ka ba niya?” tanong ko ulit.

Cheska smirked. “Yes.”

Bigla itong kumapit sa braso ni Mr. Cheng. Hindi naman tumanggi ang matanda. Kung titingnan ang mga galaw nila sa isa’t isa ay parang sanay na sanay sila sa presensya ng isa’t isa. Na kung tutuosin ay hindi ko naman sila nakikitang magkatinginan manlang.

Hindi kasi halos napunta sa opisina si Mr. Cheng. Bukod doon ay halos lahat ng empleyado ng Love Talent Agency ay hindi pa nakikita si Mr. Cheng. Kaya imposible na magkakilala sila ng ganito.

Tumawa si Cheska. “What? Are you surprise? Don’t you know? Ako ang tunay na mahal ni Mario.”

Napaawang ang bibig ko. Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko dahil sa mga nalalaman ko.

Mga baboy.

“K-Kabit ka ni Mr. Cheng?”

Muling naningkit ang mga mata ni Cheska. Lumapit siya sa akin at sinampal ako ulit.

“Ang kapal naman ng mukha mo na tawagin akong kabit?! Wala kang karapatan dahil isa kang pokpok!” sigaw niya.

Hinilang muli ni Mr. Cheng si Cheska palayo sa akin.

“Stop it. Kailangan natin ang maganda niyang mukha, Cheska. Remember that.”

Cheska rolled her eyes.

“Urgh! Whatever! Kailan ba sila dadating? Ayaw ko nang makita ang babaeng ‘yan!”

“Be patient. Come on. Lumabas na muna tayo at mag-relax.”

Ngumiti nang nakahulugan si Mr. Cheng. Hinapit pa nito sa baywang si Cheska palapit sa kaniya. Tumili naman si Cheska na parang kinikiliti.

Lalo akong nandiri habang pinapanood ko sila.

I couldn’t believe na ang dalawang pinakapinagkakatiwalaan ni Ms. Cheng ay ang mga tao pa palang gumawa nito sa amin. Hindi na ako magugulat kung malaman ko na nanggaling kay Mr. Cheng ang video ko.

“D-Did you two kill her? Ms. Cheng?” tanong ko.

Parehas na natigil ang dalawa. Tumingin sila sa akin.

“I’ve told you already. Wala kaming ginawa sa kaniya. It’s her fault,” tugon ni Cheska.

Nagpumilit akong kumawala.

“No! I don’t believe you! Pinatay niyo siya! Mga wala kayong hiya!” sigaw ko.

“Shut up! Wala ka nang magagawa, Ellaine. Now, just prepare yourself and wait for Mr. Ricci. Dahil makikita mo na siya,” ani Cheska.

Napahagulhol ako.

I can’t believe it. How could they do this to Ms. Cheng? To me?

Matapos namin silang pagkatiwalaan.

Ms. Cheng didn’t deserve this.

I swear. Pagsisisihan nila ang ginawa nilang ito sa amin. Hindi ko hahayaan na mamatay lang ng ganoon si Ms. Cheng.

They deserve to die too.



Hindi nga nagtagal ay may muling pumasok sa silid.

Kinabahan na ako dahil nakilala ko bigla iyong isang lalaki.

Isa ito sa mga tauhan ni Mr. Ricci.

“N-No… No! H’wag kayong lalapit sa akin!” sigaw ko.

Pero lumapit pa rin ang dalawa sa kanila upang tanggalin ang pagkakatali ko.

Noong tuluyan akong makalagan ay sinubukan kong tumakbo palayo sa kanila. Pero nahawakan lang ako ng isa sa baywang at biglang nakarga.

“No! Let me go! I don’t want to go with you!” I screamed.

“Shut up!” ani ng lalaki may hawak sa akin.

May humarap din sa aking isang lalaki. Natigilan ako noong bigla akong tinutukan nito ng baril.

“You’ve caused us a lot of problems. You better behave or I will kill you!” banta nito.

Umawang ang bibig ko. Pakiramdam ko ay lahat ng kalamnan ko ngayon ay nanginginig sa takot.

I’ve seen guns in my work. But it was all not real. Hindi kagaya ng hawak ng lalaking ito. Sigurado na puputok ito sa mukha ko.

Napaiyak na lamang ako at walang nagawa kundi ang manahimik.

Ngumisi ang lalaki. “That’s it. Behave,” ani nito. Tapos ay may inilabas itong banyo mula sa loob ng suot nitong jacket.

Hindi ako agad nakapalag noong tinakip nito iyon sa ilong. Muli kong naamoy ang pamilyar na amoy na ginamit sa akin nila Cheska kanina.

Agad akong nahilo at nawalan ng malay.



Chapter 27


Noong muling bumalik ako sa ulirat ay naramdaman kong gumagalaw na ang buong paligid ko. Kaya napabalikwas ako ng upo.

Doon ko lang na realize na nasa loob pala ako ng isang sasakyan.

“How’s your sleep?”

Halos mapatalon ako noong marinig ko ang malalim na boses sa tabi ko. Pagtingin ko roon ay may lalaking nakaupo roon at maayos na nakapustura.

Napakurap-kurap.

It was him.

Mr. Ricci.

He smiled at me.

“Looks like you recognized me. How are you, Ellaine? You’ve hidden so well. Thanks to my brother.”

I gasped. Pinilit kong buksan ang pinto sa tabi ko, pero naka-lock iyon.

“L-Let me out. I don’t want—”

Natigil ako sa pagsasalita noong biglang hinigit ni Mr. Ricci palapit ulit sa kaniya. Halos masubsob na ako sa kandungan niya kung hindi lang niya ako sinalo sa dibdib.

I tried to sit back in my place, pero pinigilan niya na ako.

Nagulat ako noong bigla niya akong hinawakan sa batok nang mahigpit.

“Do you really think you still have a choice now, Ellaine? What? Are you thinking that my little brother will still save you?”

Natigilan ako sa tanong niya.

“W-Where is he? What did you do to him?!” tanong ko.

He smirked. Napailing-iling ito habang unti-unti akong binitawan.

Umayos naman ako agad ng upo, pero nakasadig ako sa pinto ng kotse para medyo humarap sa kaniya.

“You don’t have to think about him, Ellaine. I’m a jealous man. I don’t want you to mention other men.”

Hindi makapaniwalang umawang ang bibig ko. “And who do you think you are? I will not come with you!”

Naningkit ang mga mata niya at nagtangis ang mga bagang. Hindi ko maiwasang mapalunok noong muli kaming magkasalubong ng mga mata.

“Don’t test my patience, Ellaine.”

Pero imbes na makinig ay mas lalo pa akong nanggigil.

Hindi ako magpapatalo sa kaniya.

“Why? Will you kill me as you did to Ms. Cheng? Did you also kill your brother? Then do it! Kill me! I wouldn’t want to be with someone like you anyway!” I screamed.

Nahigit ko ang paghinga ko noong bigla niya akong hinawakan sa baba nang mahigpit. Pakiramdam ko ay maghihiwalay na nga ang panga ko at mukha dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

“I told you to forget about him already! Why are you being stubborn, huh? Don’t you understand that I’m just saving you from him?!”

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.

“W-What?”

Sandali niya akong tinitigan. It felt like I told him something wrong.

Bigla siyang napangisi. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa pisngi ko.

Umatras ako agad at marahang hinilot ang panga ko.

He then laughed.

“What is his name?”

Ako naman ang biglang nalito.

“What?”

“Tell me what name he told you.”

Napalunok ako. Hindi niya ba kilala ang kapatid niya? Akala ko ba siya si Mr. Ricci? Hindi ba magkapatid sila ni Leo?

“I don’t understand. Don’t you know who your brother is?”

Muling naningkit ang mga mata niya at naging seryoso ang mukha.

Napaiwas ako ng tingin.

His eyes were beautiful, but dangerous at the same time.

“Just tell me what name did he told you,” he said coldly. And it send shivers to my veins.

I gulped.

“L-Leo. He is Leo.”

Bigla siyang tumawa nang malakas. As in iyong tawa na para bang nakarinig siya nang sobrang nakatatawang joke.

Muli akong tumingin sa kaniya na bahagyang nakakunot ang noo.

“What’s funny?” tanong ko.

Pinilit nitong pakalmahin ang sarili. Nagpahid pa ito ng mga mata na para bang naluha talaga sa sobrang saya.

I almost rolled my eyes kung hindi lang siya tumingin na sa akin.

“Leo? Is that it? He told you that his name is Leo?”

Lalo akong nalito. Unti-unti na rin akong nakaramdam ng kaba dahil sa inaakto nila.

“Yes. Hindi ba Leo ang pangalan niya?”

He smirked. “No, My Dear. I am Leonard Ricci. And that man, my brother, he is Lorenzo Ricci.”

Napaawang ang bibig ko.

“What?”



Chapter 28


Parang lumaki bigla ang ulo ko dahil sa nalaman ko.

Leo wasn’t Leo after all.

All this time, siya pala ang taong tinatakbuhan ko.

Wala akong ideya na ang tao na akala ko ay mapagkakatiwalaan ko ay siya na pala ang tao na dapat na iniiwasan ko.

“I–I don’t believe you,” I said.

Tumawa lang si Mr. Ricci. Kinuha nito ang wallet at inabot sa akin.

“You can check my ID there.”

Inis na kinuha ko iyon at binuklat. Bumungad sa akin ang isang ID. Agad ko iyong kinuha at binasa ang pangalan.

Leonard Ricci.

Napaawang ang bibig ko.

“No. Nililito mo lang ako. I don’t believe you!” sigaw ko.

Ibinato ko sa kaniya ang wallet. Wala na akong pakialam kahit na patayin niya ako ngayon din. But I don’t believe him. Hindi si Leo si Lorenzo Ricci. Hindi niya ako lolokohin.

“It’s okay. You’re just confused. I can’t blame you.”

Huminga siya nang malalim.

“Well, my brother is mentally unstable. Kapag inaatake siya, he loves to use my name. And you know… do unthinkable things.”

Nangilid ang mga luha ko.

Hindi ako naniniwala sa kaniya. Ayaw kong makinig. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Nasa isang makipot na sasakyan kami. Kaunting buga lang namin ng paghinga ay nararamdaman na namin ang isa’t isa.

“I had to look for him always, check him. Because… you wouldn’t want to know what he will do to his women.”

Naningkit ang mga mata ko.

Sa lahat ng mga panahon na magkasama kami ni Leo—o kung ano man talaga ang totoo niyang pangalan. He never treated me badly. Nirespeto niya ako bilang ako. Hindi dahil sa kung sino ako ngayon.

“No! Hindi ganiyan si Leo. He respected me. Ikaw ang may masamang balak sa akin! You are the one who made a deal with Ms. Cheng!” sigaw ko.

Napailing-iling siya.

“Oh, that? Yes. I made a deal with her. But it was because I wanted you to hide. My brother was already missing that time. And I already know that he was coming to you. I asked Ms. Cheng to hide you.”

Nangunot ang noo ko at parang bigla akong nalito.

“But… She said it was you. You are Mr. Ricci.”

“I am. And my brother is Mr. Ricci, too. We are Ricci’s.”

Muling nangilid ang mga luha. He has a point. They were both Ricci. Bakit hindi ko ba ito naisip?

Napailing-iling ako ulit.

“But he—No. I don’t believe you! I need to talk to him myself!” giit ko pa rin. Parang ang hirap tanggapin ng mga iyon.

Leo was different when we were together. Kaya ang hirap na paniwalaan ang mga sinasabi niya.

“Trust me, Ellaine. You wouldn’t want to see him right now.”

“Bakit? Nasaan ba siya? What did you do to him?” tanong ko.

“I didn’t do anything to my brother. But he is in a facility now.”

“But I thought he was a Mafia boss?”

Tumawa na naman si Leonard. Tawa na nakakainis.

“That’s all made up. We, Ricci’s, are businessmen. We are known to Russia because of our empire. Not with some lowly gang. You can check it all on the internet.”

Parang unti-unti akong nawalan ng pag-asa dahil sa sinabi niya. I remember I checked out Lorenzo Ricci online, at wala akong nakita tungkol sa kaniya. But I saw their company, and Leonard was there.

And the first time we met, he lied to me. Sa basement, he was watching my every move without me knowing.

Kung hindi ko iyon nakita, sigurado ako na hanggang ngayon ay pinapanood niya pa rin ako.

My questions that were never answered. His identity that he hid to me.

Everything about him. About Leo.

Napailng-iling ako habang sunod-sunod na tumutulo ang mga luha ko.

Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Kung ano ang totoo.

Hinawakan ni Leonard.

“I know you are confused, but Ellaine. I promised. You are safe now. All those days that you were hidden. Because of him. It won’t happen again. You are safe now,” he said, softly.

I turned to his green eyes. It felt so sincere.

Pinahid niya ang mga luhang tumulo sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.

“You don’t have to worry now, Ellaine. Just trust me, okay?”

Hindi ako umimik. Kahit noong unti-unting bumaba ang ulo niya para halikan ang labi ko.

Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya na para akong nahihipnotismo.

I don’t know anymore. I just want to have a normal life. A life that I could call mine. Pero bakit parang ang ilap sa akin ng tadhana? Bakit parang lahat ng mga tao ay gusto lang akong gamitin?

I slowly closed my eyes. Waiting for him. For his lips to touch mine, but instead… Parang may kung anong malakas na pwersa na biglang bumunggo sa sinasakyan naming kotse. Parang biglang umikot ang buong paligid.

Napasigaw na lang ako habang iniinda ang sakit sa katawan at ulo ko na tumama sa iba’t ibang parte ng kotse. Hanggang sa tumigil na iyon at muli akong nawalan ng malay.

Noong muli akong nagkaroon ng ulirat ay nakadapa na ako sa loob na bubong ng kotse dahil nakataob na pala iyon. Si Leonard ay nakadagan sa akin sa may baywang ko.

Wala itong malay. Kahit ang driver ng kotse ay nakabaliktad dahil nakasuot ito ng seatbelt ay wala ring malay.

I felt my whole body was in pain. I tried to scream for help, pero ang sakit din ng lalamunan ko. Naramdaman ko nang may malapot na tumutulo sa ulo ko. I guess it was my blood.

What happened? Naaksidente ba kami?

Muli akong nakaramdam ng kirot sa ulo. Nanlalabo na rin ulit ang paningin ko, tanda na unti-unti na naman akong nawawalan ng malay.

Ilang sandali pa ay may biglang pumukpok sa pinto sa tapat ko. Malabo na ang paningin ko kaya hindi ko nakita kung sino ang lalaking nagbukas ng pinto.

“Ellaine? Ellaine!”

I groaned. The voice was familiar. Pero hindi ko maisip kung sino ito. Lalo na ring tumindi ang sakit ng ulo ko at muli ay parang umiikot ang paligid.

Someone grabbed my arms and pulled me out of the car.

That was the last thing I remember, bago ako ulit mawalan ng malay.



Chapter 29


Noong muli akong magising ay una kong narinig ang mga machine na galing sa ospital. My whole body was aching too. I was dizzy.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

I was inside a small room. May machine sa tabi ng higaan ko. At may kung ano-anong nakakabit sa katawan ko.

I don’t think I am in a hospital. Base kasi sa hitsura ng silid ay mas mukha iyong hotel room kaysa sa hospital room.

Sa paanan ko ay naroon ang maliit na living room. Sa dulo sa may pader ay may nakakabit na malaking TV. May dalawa pa akong pinto na nakita sa dulo. Sa kanan ay isang sliding door. Blur ang glass door kaya hindi ko makita ang labas.

Where am I?

I tried to sit down. Pero dahil nga sa mabigat pa ang katawan ko at maraming nakakabit sa akin ay hindi ko manlang maigalaw kahit ang braso ko.

Bigla namang bumukas ang sliding door at may pumasok doon na lalaki. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko noong makita ko si Leo na pumasok. He turned to me.

Those gray eyes. I will never forget it.

I missed it.

“Ellaine?”

Napangiti siya nang malapad. Lumapit siya sa kama ko upang tingnan ako nang mas maayos.

I couldn’t answer him dahil mayroong nakakabit na tubo sa bibig ko.

“You’re awake! Wait. I’ll call the doctor.”

Nagmamadali siyang lumabas ulit.

Bigla akong nalito. Lorenzo said that Leo was in a facility. What was he doing here right now?

Ilang sandali pa ay muling bumalik si Leo. May kasama na itong lalaki na nakasuot ng white coat. Lumapit ito sa akin at chineck ako.

Ngumiti ito. “She’s good now, Mr. Ricci. She just needs to rest. I’ll ask my nurse to remove the tube.”

Tumango si Leo. “Okay. Thank you, Doc.”

Umalis na rin ang doctor at naiwan kami ni Leo sa silid. Naupo siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at mahigpit iyong hinawakan.

“I’m sorry. I was late. Sorry. Nangyari ito sa ‘yo,” maluha-luhang sabi niya.

I groaned. Gusto ko siyang sagutin. Tanungin kung ano ang nangyari. Kung bakit siya biglang nawala? O kung siya ba talaga si Leo.

Ang daming tanong, but all I could do now was to stare at him. Those eyes… were full of love.

Ito ba ang sinasabi ni Leonard na isang mentally unstable? A monster?

Hinalikan ni Leo ang kamay ko.

“Rest for now, My Love. Don’t worry. You are safe now. Hindi na ako papayag na galawin ka pa niya ulit,” he said, determined.

Sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo sa kanila? And why did my heart ache for the man in front of me now?



The nurses took care of me. Agad naman na gumaan ang pakiramdam ko matapos nilang alisin ang mga nakakabit sa aking aparato. Lalo na ang hose na nakakabit sa bibig ko.

Doon ko lang din nalaman na halos isang linggo pala akong walang malay. Dahil sa aksidente na nangyari ay nagtamo ako ng matinding tama sa may balakang ko. Nagkaroon din ako ng internal bleeding dahil tumama ang isang pirasong rib na naputol sa atay ko. Tapos may head trauma din daw ako.

Mabuti nga at nagising pa ako. But I don’t know kung magandang pangyayari din iyon.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakausap si Leo tungkol sa nangyari. But he was on my side the whole time. Sa bawat check-up. Therapy. Sa lahat. Hindi niya ako iniwanan.

He was so caring. So gentle. Talagang sinigurado niya na maayos lang ang lahat para sa akin. Hanggang sa pwede na akong lumabas ng ospital.

“Sigurado ka ba na okay na ang pakiramdam mo, Ellaine? We can still stay here. I want to be sure that you are healthy before we go home,” tanong ni Leo.

Nakaupo siya sa stool sa tabi ng kama ko. Binabalatan niya mansanas na dala-dala niya kaninang umaga.

Bumuga ako ng hangin. I was still sitting in my bed. Nakatitig lang ako sa kaniya at pinapanood ang kaniyang ginagawa. Wala na akong dextrose pero nakasuot pa rin ako ng hospital gown.

“Yes. I’m okay now…”

Hindi ko siya matuloy na tawaging Leo. It felt wrong already.

“What’s wrong? May gusto ka bang itanong?” he asked. “About him?”

Nagulat ako sa tanong niya. He didn’t mention his name, pero alam ko na ang kapatid niya ang tinutukoy nito.

“Well… we were both in the car,” mahina kong sabi.

Bumuntonghininga si Leo. Ibinaba niya ang maliit na kutsilyo na hawak niya sa lamesa. He turned to me.

“I know you have questions, Ellaine. I can feel it the moment you opened your eyes. You can ask me.”

Nakagat ko ang labi ko.

“I’m scared…”

Sinapo niya ang pisngi ko. “It’s okay. I know you are confused. Ask me. I promise that I will only tell you the truth.”

Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa kaniya. Sa mga mata niya. They said that the eyes were the window of the soul. Kung magsisinungaling siya sa akin, alam ko na hindi iyon maitatago ng mga mata niya.

“Sino ka ba talaga? Are you really Leo?” I asked.

Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin, pero hindi siya lumayo at nanatiling nakatitig sa akin.

“I’m… I’m Lorenzo… Lorenzo Ricci,” nahihirapang sagot niya.

Napamaang ako. Unti-unting nangilid ang mga luha ko. Inalis ko ang kamay niya at bahagyang umatras palayo sa kaniya.

“So, he was telling the truth? You played me? Ikaw pala ang tao na tinatakbuhan ko?” nalilito kong tanong.

Malungkot niya lang ako tiningnan. “No, Ellaine. I didn’t played you. I was really trying to save you.”

“But you are Lorenzo Ricci! Leonard said that you are mentally unstable! At… lahat ng ipinakita mo sa akin. Ng mga tanong ko na hindi mo sinasagot. Paano kita paniniwalaan ngayon, Leo? Or Lorenzo—fuck it! I don’t even know you anymore!” sigaw ko.

“I’m sorry. But I’m not mental, Ellaine. Kung ano man ang pinakita at pinaramdam ko sa ‘yo noon ay totoo ang lahat. I know that my brother told you things, pero kabaliktaran niyon ang lahat, Ellaine.”

“Then why did you said that you are Leo?”

“Because you thought Lorenzo was your enemy. Dahil ang alam mo ay siya ang may gustong kumuha sa ‘yo, Ellaine. But the truth is… It’s my brother, Ellaine. He has a name. He is a billionaire and a CEO. Kailangang maging malinis ang pangalan niya sa lahat. Kaya sa tuwing may nagugustuhan siyang babae, he is using my name. Someone na… wala lang. A leader of a crime syndicate group.”

Unti-unting nangunot ang noo ko. “Then you are really a Mafia?”

Marahang tumango si Leo, or Lorenzo. “Yes. Leonard is the one managing all our legal assets. Habang ako ay sa illegal side. Ricci Familia started as a Mafia syndicate. Hanggang sa unti-unti ay pinasok ng pamilya ko ang legal side ng negosyso. But you know, our group is still the one holds most of our fortune. Our father took me back to family, para lang pamunuan ang grupo dahil si Leonard ay ang magiging chairman. He can’t have blood in his hands.”

Napaawang ang bibig ko.

Ewan ko. Parang lalong sumakit ang ulo ko dahil sa sinabi niya sa akin.

“I… I don’t know anymore, Leo, or whatever your name is. You two are… crazy.”

“I’m sorry, Ellaine. I know it’s still hard to process it. But you’re okay now. Leonard, my brother, hindi niya kinaya ang nangyaring aksidente. He is dead now.”

Napakurap-kurap ako.

“Really?”

Tumango si Lorenzo. “Yes.” Ngumiti siya sa akin at inabot ang kamay ko. “You are free now. We are free now, Ellaine.”

He stared at me with full of hope. Pero parang bigla ay wala akong maramdaman.

Leonard was dead already. I am free. We can do whatever we want to do. Pero bakit pakiramdam ko ay puro pait pa rin?

Binawi ko ang kamay ko mula sa kaniya at nag-iwas ng tingin.

“N-No. I want to go home.”

Natahimik si Lorenzo.

“What?”

“I can’t. I don’t know what to believe anymore, L-Lorenzo. You two… Sinira niyo ang buhay ko. I know… I don’t want to blame you, pero ang sakit pa rin. I just want to go back to my place now.”

Nasapo ko ang mukha ko. Doon ay unti-unti akong napaluha.

Ang sakit sa puso na sa unang pagkakataon ay may nakilala akong lalaki na tanggap ako ng buo ay ito pa ang nangyari.

I wanted to believe him. My heart wanted him. Pero ang isip ko? I wanted to rest. I wanted to forget.

He sighed sharply. “Okay. I understand, Ellaine. I’ll ask my men to send you back to the Philippines.”

Natigilan ako sa sinabi niya. “Huh? Why? Where are we?”

“We are in Russia.”



Chapter 30


Ilang buwan makalipas matapos ang nangyaring aksidente, muli akong bumalik sa Pilipinas. Nanatili ako sa penthouse ko at doon ay nagkulong.

I was fully healed already, pero parang wala pa rin akong ganang gawin ang lahat.

I got my phone back. Ang daming text at missed calls doon mula sa mga kakilala kong artista at mga manager. Directors na gusto akong kuhain ulit.

Pero wala kong sinagot na kahit na sino sa kanila.

Cheska and Mr. Cheng were caught, and now they were behind bars. Matagal na pala nilang niloloko si Ms. Cheng. At alam pala niya iyon. Kaya lahat ng ari-arian niya ay inilipat pala nito sa panganay nilang anak.

Ending, wala silang nakuha.

Bukod pa roon, hindi pala sila binigyan ng pera ni Leonard. Tinakot sila nito, kaya wala silang nahita sa ginawa nila sa akin.

And now, they were in jail because they scammed people. A lot of people.

Well, karma serves them right.

Love Talent Agency was still opperational, ang anak na ni Ms. Cheng ang may hawak niyon. Isa rin ito sa tumatawag sa akin kung babalik pa ako, pero wala pa akong binibigay na sagot.

After everything that happened, parang gusto ko na lang muna manahimik sa bahay.

And Lorenzo… kahit ito ay nanahimik matapos naming magkahiwalay sa airport.

I missed him. Pero hindi pa ako handa na makita siya ulit.

Well, totoo na naman ang mga sinabi niya sa akin. Finally. I’ve searched for everything about them. Their family. Napunta pa ako sa deepw3b para lang makita ang totoo, and Lorenzo was right.

Ricci Familia was a Mafia group. They hold most of the illegal business in the southern part of Russia. It was an old group, kaya marami ang nakakikilala sa kanila. At natatakot dahil nga brutal din ang mga ito. They don’t hesitate to fight back kapag kinakailangan.

Noong eighties lang sila nag-umpisa na pumasok sa legal side ng negosyo. At dahil na rin sa kanilang background ay agad na nag-boom ang kanilang negosyo.

Ang hindi ko lang maintindihan ngayon ay bakit ganito ang nangyari sa kanilang magkapatid. And why Leonard acted like that.

Sabi ni Lorenzo ay ginagamit nito ang pangalan niya. So, Leonard try to use that narrative to me. Binaliktad niya si Lorenzo para lang makuha ako, and I almost believe it kung hindi lang dahil sa nangyaring aksidente.

But everything was in the past already; Leonard was dead. I shouldn’t think about him already.

Sa ilang araw na nakalipas ay naisipan kong lumabas ng penthouse ko. I decided to just walk around the park outside.

Wala rin naman akong magawa na sa loob. Nagsasawa na rin akong manood ng movies or TV. Sa social media naman ay puros lang gulo sa senado ang napapanood ko.

Problemado na nga ako sa nangyari sa buhay ko, na momoroblema pa ako sa nangyayari sa bansa ko.

Nagsuot lang ako ng jogging pants at hoodie na manipis. Medyo malamig ang hapon kaya okay lang magsuot ako nito. Kilala pa rin ako ng mga tao kaya minabuti kong magsuot din ng facemask at black eyeglasses. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko para mas matakpan pa ang mukha. Nagsuot na rin ako ng sumbrelo para sure.

Pagkalabas ko ng Feodus building ay naglakad lang ako papunta sa park. Balak ko lang mag-walking. Marami na rin naman ako na nakikitang gumagawa no’n kaya siguro ay okay lang. Most of them were people who lived at the building.

Sabi nila, the owner of Feodus building was part of a Mafia group too. Kagaya kaya sila ni Lorenzo? I hope he was kind too. Like him.

Napailing ako. Bakit ko ba iniisip si Lorenzo?

Naisipan kong maupo muna sa isang bench upang panoorin ang ilang mga taong nagi-stretching sa tabi. Sa gitna ng quadrangle ay may nagsu-zumba. Sa dulo naman kung nasaan ang playground ay may mga batang naglalaro.

This kind of life, a normal life, was the only thing I wanted. Ni minsan kasi ay hindi ko naranasan ang ganito. Oo nga’t marangya na ang buhay ko ngayon, thanks to my acting. But it was still not normal.

I still have to entertain people, but in a different way.

“Can I sit beside you?”

My heart skipped when I heard the familiar voice. Napatingin ako agad sa gilid ko. And there he was… those gray eyes were smilling at me again. Those dimples was perfect for his sweet smiles.

Sino ba ang nagsasabi na ang lalaking ito ay isang monster?

“L-Lorenzo,” iyon lang ang nasabi ko.

Napaayos ako ng upo.

“S-Sure.”

Naupo sa tabi ko si Lorenzo. Parang biglang tinatambol ang dibdib ko noong magkatabi na kami. Ilang buwan ko siyang hindi nakita, pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang pinagsamahan namin.

“How are you now, Ellaine?” tanong niya. Gentle, and full of care.

“I’m… I’m good.”

“I hope na ayos lang kung narito ako. I’ve been waiting for you to come out.”

Natigilan ako sa sinabi niya. “What do you mean?”

Ngumiti siya sa akin. “I was here all the time, Ellaine.”

“What? Akala ko kailangan mong mag-stay sa inyo dahil may kailangan kang ayusin?” tanong ko.

Iyon din kasi ang dahilan niya kaya hinayaan niya muna akong umuwi para mag-isip. Dahil sa pagkawala ng kapatid niya ay wala nang ibang hahawak ng company nila. Kaya ngayon ay siya na rin ang magiging Chairman ng Ricci Corporation.

A Mafia boss, and a Chairman at the same time.

“I can’t stay away for too long away from you, Ellaine. You know.. I was worried.”

Napangiwi ako nang kaunti. “I’m okay, Lorenzo.” Napabuga ako ng hangin. “It’s still feel weird to call you Lorenzo.”

“I know. You can call me Enzo then.”

“Enzo…” I said, as I try to feel it in my tounge. “Okay. So, Enzo. Why are you here?”

Ngumiti siya sa akin. “I was thinking… if I can finally talk with you now. I don’t know kung hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa akin, but Ellaine… It was all true. I love you from the moment I saw you. That night you saved me.”

Natahimik ako sa sinabi niya. Maraming sinabi sa akin si Leonard na nagpalito sa akin. Pero dapat ko ba talagang isipin iyon?

Lorenzo never made me feel wrong. Naging mabuti siya sa akin. All he wants was for my safety. Magmula noon hanggang ngayon.

At alam ko sa puso ko na hindi na rin naman maitatanggi na gusto ko na rin siya.

I turned to him.

“Thank you.”

Nangunot ang noo niya.

“Thank you?”

“Thank you for loving me. For accepting me, Enzo. Alam mo ang nakaraan ko, pero hindi ka nagdalawang-isip na mahalin pa rin ako.”

Ngumiti siya sa akin. He grabbed my hands.

“Of course, Ellaine. You deserved to be loved. You are precious. If you think you are low. No, Ellaine. You are who you are. And I will accept everything about you. I love you so much.”

Nangilid ang mga luha ko. Tinanggal ko na ang suot kong eyeglass dahil nga nanlabo na ang mga mata ko.

“I don’t know, Enzo. Pakiramdam ko ay hindi ko deserve ang pagmamahal mo.”

Umiling si Enzo. “No, Ellaine. Kagaya ng sabi ko, you deserve everything. To be loved. And I will forever love you. Kahit mawala na ako sa mundong ito ay ipaparamdam ko pa rin ang pagmamahal ko sa ‘yo.”

Sinapo niya ang pisngi ko.

“I love you, Ellaine Sandoval. Kahit gaano pa kababa ang tingin mo sa sarili mo. I love you, and I promise that I will make you see why you deserve it.”

Ngumiti ako at marahang tumango.

“Okay. Enzo.”

“Okay? You mean…”

“I’ll accept it. Your love. I’ll trust you. Pero sana ay h’wag mong sasayangin iyon.”

Unti-unti siyang ngumiti. “Of course not! So, you mean… tayo na?”

Marahan akong tumango.

Biglang tumayo si Enzo at sumigaw ng yes. Napatingin pa nga ang ilang mga tao sa amin kaya bigla akong napatakip ng mukha.

“Hey! Ano ba ang ginagawa mo?!” saway ko sa kaniya.

“Oh, I’m sorry.”

He laughed.

“I was just really happy.”

Hinawakan niya ang mga kamay ko at tinitigan sa mga mata.

“Thank you, Ellaine. And yes, I promise na hindi ko ito sasayangin. I will take care of you. Keep you safe until my last breath. I will give everything to you, Ellaine. I love you.”

Napangiti ako nang malapad. Hinawakan ko ang pisngi niya.

“I love you.”

“I love you too.”

At ako na mismo ang humalik sa kaniyang mga labi.

Yes, hindi man maganda ang nakaraan ko.

Isang bayarang babae. Mababa ang lipad.

Naging magulo man ang buhay ko, pero pinakita sa akin ni Enzo ang isang buhay na hindi ko inakala na mararanasan ko pa.

A life that was full of love.

An embrace from a Mafia Boss who have a kind heart.

And I will cherish this till my last breath.

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !