Views

The Penthouse Secrets: Ellaine's Heart (Chapters 21 - 25)

Ameiry Savar
0

 



Chapter 21


Present time

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

“Ikaw talaga ‘yon?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Eleven years na ang nakalipas matapos kong makilala iyong misteryosong lalaking iyon. Akala ko nga katapusan ko na noong makita ko siya dahil tinutukan niya ako ng baril. Pero mabuti na lang at nawalan ito ng malay.

Akala ko nga ito ang mawawala. Pero ang loko, matibay. Masamang damo ata. Paggising ko kinabukasan ay wala na sa boarding house ko.

Sisingilin ko nga sana siya dahil hindi ako kumita noong gabing ‘yon sa pag-aasikaso sa kaniya.

Tsk!

But it was all in the past already. Iba na ako ngayon. Nakagugulat lang dahil si Leo pala ang lalaking iniligtas ko noon.

Tumango si Leo. “Yes.”

“Why didn’t you tell me? At ano ang nangyari sa ‘yo? Bakit ka biglang umalis no’ng gabing ‘yon?” sunod-sunod na tanong ko. “Higit sa lahat. Bakit ka balak patayin no’ng taong iyon?”

Leo looked away. “You’ll be in danger kung nagtagal pa ako sa ‘yo noon. Malaing bagay na iniligtas mo ako noon. Kaya ngayon, Ellaine. You should trust me. Wala akong ibang gusto kundi ang maging ligtas ka.”

Muling naging seryoso ang mukha nito. Ako naman ay biglang nawala ang excitement na nararamdaman. Napabuga ako ng hangin.

“Why was he doing this, Leo? Bakit ganoon ang kapatid mo?”

“I’m not sure. He’s like that magmula noong mapunta ako sa kanila.”

Nangunot ang noo ko. “What do you mean?”

“Magkaiba kami ng nanay. He grew up in Russia; I grew up here. Twenty na ako noong makita ako ng tatay namin. And meeting him for the first time, I know what kind of a man he is already.”

Natahimik ako. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Leo kahit na madilim ang paligid. His eyes were burning with fury. Hindi man ako ang kinagagalitan niya pero nakaramdam pa rin ako ng takot dahil sa mga titig niya.

“And believe me when I told you that you will not survive it when he manages to take you,” seryoso at may pagbabantang sabi pa nito.

Lalo naman ako nakaramdam ng takot dahil sa sinabi ni Leo. Kung ito ngang kapatid ni Mr. Ricci ay ganito na ang sinasabi. Paano pa kaya kapag ito na talaga mismo ang makaharap ko?

Tama. Siguro ay mas dapat kong paniwalaan si Leo. He was his brother after all.

“And you… why are you helping me? H’wag mong sabihin na dahil lang sa iniligtas kita. Nakalimutan mo ba muntik na rin kitang patayin noong gabing iyon?”

Ngumisi lang si Leo. Iyong ngisi na para bang nasisiyahan pa. Pinagkrus pa nito ang mga braso.

“Well, I have my reasons.”

Inirapan ko siya. “Nasabi mo na nga sa akin na kapatid mo si Mr. Ricci, tapos hindi mo pa masabi sa akin lahat ng rason mo? Iba ka rin, ‘no?” Napabuga ako ng hangin. “But why didn’t you meet me afterwards? Bakit ngayon lang?”

“I saw you a couple of times. But you’re already an actress.”

Natigilan ako sa sinabi niya. “Really? You should’ve approached me.”

“You’re an actress, Ellaine. And I’m… different. Kung hindi nga lang dahil sa kapatid ko, I wouldn’t want you to get involved with me again.”

Naiikot ko ulit ang mga mata ko.

“Fine. Fine. Whatever.”

Muli akong tumingin sa magandang tanawin. Napayakap na rin ako sa sarili ko dahil mas lumamig na ang simoy ng hangin.

“But thank you, Leo. Hindi ko talaga alam kung paano ako ngayon kung hindi mo ako niligtas. I’m just like this, but I’m thankful.”

Nilingon ko siya at nginitian. He was looking at me again. He nodded. He smiled too. A genuine smile.

“I know. And I promise that I will save you kahit na ang buhay ko ang maging kapalit niyon.”


Chapter 22


Lumipas pa ulit ang mga araw na magkasama kami ni Leo sa basement.

Habang tumatagal na kasama ko siya ay unti-unti kong nakikita kung gaano siya ka-sweet and gentle na tao.

Ngayon lamang ako nakakilala ng lalakeng ganito. Mostly kasi ay may dahilan. Kung hindi gusto ang katawan ko, ay dahil naman sa kapareha ko sa isang project. Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi ako nagkaroon ng karelasyon habang nasa industriya ako.

I’m so done with men’s shit.

Pero si Leo? Si Leo ang unti-unting nagpabago ng pananaw ko sa mga lalaki.

“Alam mo, feeling ko talaga in-stalk mo ako noon. Halos lahat ng movie ko ay narito sa TV e,” ani ko.

Nasa sala kami at nagmo-movie marathon. Hawak ko ang remote at namimili sa pwede naming mapanood. Habang siya ay may hawak na beer can na panaka-naka nitong iniinom.

“I downloaded almost every movie in the world. Of course, it will include yours.”

Inirapan ko siya.

“Ito naman,” bulong ko.

Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabas. Sabi niya lang kasi ay ako ang bahala. Kaya pinili ko na lang kung ano ang una kong makitang movie.

Pero hindi ko alam na sexy movie pala iyon.

Gusto ko sana palitan. Pero nahiya na ako kay Leo dahil tutok na tutok siya sa palabas. I could see his jaw tense sa tuwing lumalabas sa TV ang paglalandian ng mga bida.

Kahit ako, bigla akong nakaramdam ng kakaibang tensyon dahil sa pinapanood namin. Kung bakit ba kasi ito ang napili ko?

Hindi naman sa pa-virgin ako. Pero kasi… si Leo ang katabi ko. Sa tuwing nagkakadikit ang mga braso namin ay para akong kinukuryente. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya.

“A-Ahm… CR muna ako.”

Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa banyo. Doon ay naghilamos ako.

I can’t control the heat anymore.

Gosh! Bakit ba ganito ang epekto sa akin ni Leo?

Noong maramdaman ko na kumalma na ako ay lumabas na ako ng banyo. Naroon pa rin si Leo sa pwesto niya. Pero hindi kagaya kanina ay salubong na ang mga kilay nito. Nakahawak na ang kamay nito sa hita.

Tahimk akong naupo sa tabi niya. Hindi naman din nag-react si Leo at nanatili lang na nakatutok ang atensyon sa harapan. Panay pa rin ang paglagok nito ng beer.

“Leo–”

“Fuck this.”

Natigilan ako noong biglang humarap sa akin si Leo at inabot ang batok ko. Marahan niya akong hinatak at hinalikan sa labi.

Hindi ako agad nakatugon. Nalilito pa ako dahil masyadong biglaan ang ginawa niya. Isa pa, why would he kiss me?

Pero hindi ako nagprotesta. I let him kiss me.

Binuhat niya ako paupo sa kandungan niya at mas hinapit pa palapit sa katawan niya.

“I… Okay lang ba?” tanong ni Leo, asking for my consent.

I gulped. For the first time ay may nanghingi ng permiso ko. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

“Why?”

Sandali siyang tumigil at lumayo sa akin. “Why? I will stop if you don’t want us to do this.”

I stared at him. Sa isang iglap lang ay tila ba bumagal ang oras. I stared at him na para bang siya ang pinakamagandang pangyayari na nakita ko sa buhay.

Why wouldn’t he be? Magmula noong magkasama kami ay puros respeto lang ang pinapakita niya sa akin. Something na kakaiba para sa akin. Oo nga’t artista ako. Kilala ako ng lahat. Tinitingala. But they respect me because of my job.

Pero kung ako lang si Ellaine? Ang tunay na Ellaine?

For sure ay puro pangbabastos lang ang ginagawa nila sa akin.

But Leo? He was different. Mula umpisa ay hindi niya ako pinakitaan ng masama. He may have hid a few things from me. Pero hindi maitatanggi niyon ang fact na naging mabuti siya sa akin.

I smiled. A genuine smile.

Inabot ko ang mga pisngi niya at maluha-luhang tumango.

“No, Leo. I want this. Take me.”

Tinitigan niya ako sa mga mata. Perhaps checking if I was serious. Kaya ako na ang umunang humalik sa kaniya.

“You can take me anytime you want, Leo,” I whispered.

Hinalikan ko siya sa labi. Padampi-dampi. Unti-unti ay bumaba ang mga halik ko sa leeg niya. Sa Adams apple niya na panay ang pagtaas-baba. Pababa hanggang sa makarating na ako sa collarbone niya.

I could feel his tense breathing become harder as my lips moved on his body.

Unti-unti na rin akong nakaramdam ng pagkasabik. Para akong sinisilaban sa init na nararamdaman ko.

I grabbed his manhood. Ilalabas ko na sana iyon pero biglang hinawakan ni Leo ang palapulsuhan ko.

Heto na naman siya.

Nangunot ang noo ko na nag-angat ako ng ulo.

“What’s wrong?”

He looked at me so tenderly. “No.”

“Ha? Ayaw mo?”

Umiling sila. “I want, but I don’t want you to do it.”

Nalito ako. “But… why?”

Sinapo niya ang pisngi ko.

“All your life… Buong buhay mo ay wala kang ginawa kundi ang ibigay ang pleasure sa iba. This time… I want to give it to you, Ellaine. You deserve to be respected and loved.”

Lalo akong kinabahan sa sinabi niya. “H-Ha?”

Ngumiti si Leo. “I want to give everything to you, Ellaine. From the time you saved me there. I want to give you the best.”

“I… I don’t understand.”

“I love you, Ellaine. And I promise you that I will keep you safe no matter what. I will give my life for you, Ellaine. I promise that.”

Chapter 23


Sa ilang araw pa na magkasama kami ni Leo ay mas lalo kong nakita kung gaano siya kabuting tao. Kung gaano niya siya katotoo sa mga sinasabi niya sa akin.

At hindi ko maitatanggi that he makes me happy. For the first time in my life, may tao na talagang naging totoo sa akin.

Though I still couldn’t believe na gusto niya pala ako. For a long time, ay matagal na pala siyang may nararamdaman sa akin.

“Why didn’t you tell me?” I asked.

Magkatabi kami sa kama at katatapos lang namin mag-isa. Nakahiga ako sa malapad niyang dibdib at siya naman ay nakapulupot ang braso sa baywang ko. Guarding me like someone will take me away from him.

“I couldn’t. Nakita ko kung gaano ka na kasaya sa pagiging artista. I can’t bring you to my world, Ellaine. It’s dangerous.”

Nangunot ang noo ko. “Because of your brother?”

Matagal bago siya sumagot. Kaya tumingin na ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sa kawalan at tila ba malalim ang iniisip.

Hindi ko maiwasang mapaisip. How dangerous could his world be?

Bumuga siya ng hangin. “Not just him.”

“Who?”

Nagbaba siya ng tingin sa akin at ngumiti. His smile really makes my day.

“Are you hungry?”

Bahagya akong natigilan. Pakiramdam ko ay iniiba niya bigla ang usapan namin. Pero tumango na lamang ako dahil nararamdaman ko na rin naman na kumakalam na talaga ang sikmura ko.

Kumalas siya sa akin. Kinuha ko agad ang kumot na bumaba noong naupo siya at tinakip iyon sa may dibdib ko.

“I’ll cook for us. Wait for me here.”

Hinalikan niya ako sa labi saka lumabas na ng silid ko. Naiwan ako sa silid na nalilito pa rin. Pero ang importante ay totoo sa akin si Leo. Iyon na lang ang panghahawakan ko.

Hindi naman siguro masama iyon.

At sana nga ay hindi ko iyon pagsisihan.

Pagkatapos naming kumain ay isinama ako ulit ni Leo sa labas. Paminsan-minsan ay isinasama niya ako sa labas kapag namimili siya.

Binilhan na nga rin niya ako ng mga bagong damit at ilan pang mga pangangailangan ko.

I don’t know where his money was coming from, pero mukhang hindi iyon nauubos.

Dala namin ang isang magara niyang kotse. Isang Jaguar sedan, isang kotse na nagkakahalaga ng ilang milyon. I know dahil may katrabaho ako na bumili ng ganitong kotse.

Lumabas kami sa bukid at nagpunta sa isang city. Hindi kagaya ng ibang mga barangay na nadadaanan namin, dito ay mas maraming tao. Mas maraming mabibili.

Ipinara ni Leo ang kotse sa isang gilid sa tapat lang ng palengke. Wala kasing parking lot dito kagaya sa Luzon.

“Stay here. H’wag kang lalabas,” bilin ni Leo sa akin.

“Okay.”

Hinalikan niya ako sa noo. Pagkatapos ay nagsuot na siya ng facemask at lumabas ng kotse.

Napapangiti pa ako habang tinatanaw siyang lumapit sa isang stall. Bibili siya ng mga gulay at karne ngayon. Wala na rin kasi kaming stock na.

Habang wala siya, minabuti kong buksan ang radyo. Wala naman. Puros mga tugtogin lang ang naroon. Hanggang sa mapunta ako sa isang news flash.

‘Kilalang CEO ng Love Talent Agent. Patay matapos mahulog sa rooftop ng company nito!’

Parang biglang lumaki ang ulo ko sa narinig ko. Patay? Love Talent Agent?

Ms. Cheng…

Unti-unting nangilid ang mga luha.

“N-No…”

Nanginginig ang mga kamay na isinuot ko ang facemask ko at lumabas ng kotse. Pilit kong hinanap si Leo kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang namuo sa mga mata ko.

Si Ms. Cheng… Hindi pwede. Hindi iyon totoo!

“Leo!” sigaw ko noong makita ko siyang namimili ng sibuyad. Napatingin pa nga ang iba sa amin. Ang iba ay parang nagulat pa noong makita ako.

Agad na lumingon sa akin si Leo at kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Binitawan niya agad ang hawak niya at lumapit sa akin.

“What are you doing here? Hindi ba sabi ko sa ‘yo doon ka lang sa kotse?” tanong niya.

Inilapit niya ako sa katawan niya upang maitago ang mukha ko.

Umiling ako at marahan siyang itinulak.

“N-No. We need to go back, Leo. Please! I need to go back!”

Nangunot ang noo niya. “Ha? Okay. Let’s go–”

Hinila niya ako pabalik ng kotse.

“No! I need to go back to Manila! Ms. Cheng… Si Ms. Cheng… She’s dead, Leo!”

Natigilan si Leo. Tinitigan niya ako na para bang nagulat din ito.

“Really?”

Napalunok ito. Tumingin ito sa paligid at muli akong hinawakan sa braso.

“Okay. Let’s go. Umuwi na muna tayo.”

Muli niya akong hinila palapit sa kaniya. Halos itago na nga niya ako sa dibdib niya. Pero hindi na ako umangal.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ako makapag-isip ng maayos.

Si Ms. Cheng. Ang taong tinanggap ako at binigyan ako ng ikalawang buhay.

She was dead.

And it might be because of me.

Chapter 24


“Do you really want to go back to Manila, Ellaine? Alam mo naman ang sitwasyon mo,” ani Leo.

Nakauwi na kami sa basement. Hindi na niya natapos ang pamimili niya dahil nagmamadali na ako.

I was already fixing my things. I decided to go back to Manila. To know what really happened to Ms. Cheng.

Hindi ko pwedeng hayaan lamang ang nangyari sa kaniya.

“Yes, Leo. And you can’t stop me from doing this. Kailangan kong bumalik ng Manila.”

Hinawakan ni Leo ang braso ko. Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napaharap sa kaniya.

“Calm down, Ellaine. Pwede bang tumigil ka muna kahit saglit? H’wag kang magpadalos-dalos sa desisyon mo!”

Inis na tinulak sa dibdib.

“You don’t understand me, Leo! Ms. Cheng is like a mother to me! Hindi ko siya pwedeng pabayaan na lang ng ganoon!” sigaw ko.

“And then what? Risk yourself to be seen by my brother?!”

Napaawang ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala na mas iniisip niya pa iyon.

Kumapit ako sa dibdib niya at pinanlisikan siya ng mga mata.

“The hell I care about your brother. For all I know, for sure siya ang may gawa no’n kay Ms. Cheng!” mahina pero may diin na sabi ko.

Tinitigan niya lang ako ng puno ng awa. Hindi ko na inintindi pa ang sasabihin niya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Wala na akong pakealam kahit na ano pa ang mangyari sa akin. Kailangan kong makita si Ms. Cheng kahit sa huling sandali niya.

Lumaki akong walang magulang. At siya lang ang nagparamdam sa akin na isa akong pamilya. I just can’t move on and forget about her.

I need to be there.

“Fine,” ani Leo.

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko at hindi siya pinansin.

“You’ll go back, but I’m coming with you.”

Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kaniya. “You don’t have to. I can go back myself.”

“I can’t. I’ll go with you. Pero dapat ay makikinig ka sa akin.”

Natawa ako sa sinabi niya. Tiningnan ko siya.

“Seriously? Ano bang akala mo sa akin, Leo? Just because you’ve already bed me, hindi ibig sabihin no’n ay mapapasunod mo na ako. I will do what I want.”

Nagsalubong ang mga kilay niya.

“Then we will not go outside,” deretso niyang sabi.

Umarko ang kilay. “Oh, yeah? Try me.”

“Try me, Ellaine. Try me.”

Naningkit ang mga mata niya at tinitigan ako ng mariin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kilabot sa paraan ng pagkakasabi niya.

It was like he was giving me a warning. It felt dangerous and dark.

Nag-iwas ako ng tingin.

Hindi na ako umimik pa at tahimik na nag-ayos ng gamit.

Sa huli ay wala akong nagawa. Kasama ko si Leo na lumabas ng basement upang bumalik sa Maynila.

Gumamit na lang kami ng kotse niya para hindi na kami magpalipat-lipat pa ng sasakyan.

Sa buong byahe namin ay halos hindi ko imikin si Leo. Nalilito pa rin ako sa mga nangyayari sa akin.

It was all going smoothly. Pero heto na naman ang nangyari.

I still can’t believe Ms. Cheng was already dead. But how? Hindi ako maniniwala kung sasabihin na nag-suicide siya. I won’t believe it.

Pinakaimportante kay Ms. Cheng ang buhay niya, ng pamilya niya. Kaya imposible na ginawa niya iyon sa sarili niya.

But whatever reason was it, I will know it.

Gabi noong makarating kami sa Maynila. Gusto sana ni Leo na mag-stop over kami sa isang hotel, but I insist on going to the funeral service immediately.

Hindi ko na kayang maghintay pa ng matagal.

Sa isang sikat na funeral homes nakaburol ang labi ni Ms. Cheng. Kagaya ng inaasahan ay marami itong mga bisita. Mga kilalang personalidad. Sa industriya man o politika.

“I need to see her,” I said.

Akmang bababa na ako ng kotse, pero biglang hinawakan ni Leo ang braso ko.

“Stop, Ellaine. Think again. Hindi ka nila pwedeng makita!” ani nito.

Umiling-iling ako. “You don’t understand what I’m feeling right now, Leo. Ms. Cheng is like a mother to me already. I need to see her for the last time!” giit ko.

Tuluyan ko nang binuksan ang pinto at hinila ang braso ko. Saka ako bumaba ng kotse. Nakasuot naman ako ng itim na dress, facemask, sunglassed, at sombrero. Kahit naman siguro papaano ay hindi agad ako makikilala ng kahit na sino.

Naglakad ako palapit ng funereal home. Doon sa may entrance ay mas nakita ko pa ang ilang mga tao na nakikilamay sa pamilya ni Ms. Cheng.

Halos madurog ang puso ko noong makita ko ang mga anak niya sa loob na umiiyak malapit sa kabaong niya.

“It’s all my fault. Kasalanan ko ito,” bulong ko.

Nangilid ang mga luha ko. It should have been me. Ako dapat ang nasa kabaong.

Lalakad na sana ako papasok ng funeral home. Pero biglang may humawak sa braso ko at hinila ako.

“Ellaine!” ani Cheska. Pero bigla nitong naiikom ang bibig at tumingin sa paligid.

Hinila niya ako palayo sa mga tao.

“Ikaw nga, Ellaine!” masayang sabi ni Cheska.

Niyakap niya ako bigla.

Hindi naman ako tumugon at nanatiling nakatayo lamang. Nalilito dahil parang may mali sa pagkikita namin.

Ibang-iba ang aura ngayon ni Cheska. Kahit ang panonoot niya ay iba. Hindi kagaya noon na palaging naka-jeans at oversized na hoodie or t-shirt. Ngayon ay nakasuot ito ng fitted black dress. Makapal din ang makeup at plakado ang kilay. Pulang-pula ang kaniyang labi. Nakalugay ang straight na straight niyang buhok. Hindi kagaya noon na palagi siyang naka-messy bun.

“Cheska… what happened?” tanong ko.

Kumalas siya sa akin at malungkot akong tiningnan.

“You. What happened to you? Ang tagal ka na naming hinahanap, Ellaine! Saan ka napunta? Hindi ba sabi ko sa ‘yo doon ka sa kamag-anak ko pumunta?”

Napakurap-kurap ako. Bigla kong naalala ang sinabi ni Leo noon.

Umatras ako palayo sa kaniya.

“A-Ahm… I… I should go.”

“Huh? Teka lang. Didn’t you come for Ms. Cheng?”

Umiling-iling ako. This was wrong. I shouldn’t be here. Hindi ko dapat siya nakita.

“I… I’ll go.”

Lumakad na ako palayo sa kaniya, pero muli ay hinawakan niya ako sa braso. Mas mahigpit. Mas malakas. Ramdam ko na nga na bumabaon ang mga kuko niya sa balat ko.

“A-Ano ba, Cheska?! Nasasaktan ako!” giit ko.

She stared at me. Then slowly, she smiled. Isang nakalolokong ngiti.

“Yes. You shouldn’t have been here, Ellaine. Hindi ka na dapat bumalik pa. But you’re already here. At ngayon ay dadalhin na kita sa kung saan matagal ka na dapat naroroon.”

“What?”

Bago pa man ako makapag-react ay biglang may nagtakip ng panyo sa ilong ko mula sa likuran ko. Nasinghot ko bigla ang matapang at masakit sa ilong na amoy. Agad akong nakaramdam ng pagkahilo.

Pero pinilit ko pa ring kumawala. Kahit na nakayakap na sa akin ang isang matigas na braso.

I tried to scream. To look for him. But he wasn’t there.

Leo was gone. Where was he?

Sabi niya ay ililigtas niya ako? Sabi niya ay hindi niya ako hahayaang mapahamak?

What happened to him?

Those were my thoughts before darkness slowly enveloped me.


Chapter 25


Parang binibiyak sa dalawa ang ulo ko noong muli akong nagising. Pakiramdam ko ay pagkabigat-bigat ng katawan ko. Na parang dinaganan ako nang pagkabigat-bigat na bagay.

What just happened?

Last thing I remember was…

Tuluyan kong naimulat ang mga mata ko noong maalala ko ang nangyari.

Ms. Cheng.

Cheska.

Unang bumungad sa akin ang kisame na gawa sa kahoy. It was worn out dahil halos makita ko na ang bubong.

Sinubukan kong umupo pero namalayan ko na lang na nakatali pala ang mga kamay at paa ko sa kama.

What the hell happened? Bakit ako nakatali?

“Cheska!” sigaw ko. “Leo! Anyone there?!”

Pero walang sumagot.

Kinabahan na ako. Paano kung ibigay ako kay Mr. Ricci ni Cheska?

Pinilit kong tanggalin ang pagkakatali sa akin. Pero sakit hapdi at sakit lang ang ibinigay niyon sa akin.

Nangilid na ang mga luha. Dapat ay sumunod na lang ako kay Leo. Pero nasaan na nga ba siya? Akala ko susundan niya ako. Bakit ngayon na kailangan ko siya ay nawala siya nang bigla?

Ilang sandali ako sa ganoong posisyon. Noong bumukas na ang pinto ng kwarto kung nasaan ako. Nangunot ulit ang noo ko noong makita ko si Cheska. Ganoon pa rin ang ayos nito.

She smirked when she saw me. Lumapit siya sa kama at pinagkrus ang mga braso.

“You’re awake.”

Naningkit ang mga mata ko. “What is the meaning of this, Cheska? Pakawalan mo ako!” sigaw ko.

Natawa lang siya. “Sorry, Ellaine. Pero tapos na ang trabaho ko sa ‘yo. I don’t have to work for you anymore. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay maihatid ka kay Mr. Ricci.”

Napamaang ako.

“W-What? You…”

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ay tama ang sinabi ni Leo?

“You… did this?”

Lalong natawa si Cheska. Tawa na nang-uuyam.

“Alam mo? Ang hina mo talaga. Ganoon ba talaga ang mga pokpok? Madali mapaikot?”

Naningkit ang mga mata. “What did you say?!”

Namilog ang mga mata niya. “Bakit? Hindi ba pokpok ka? Do you really think I don’t have any idea where Ms. Cheng got you? Pokpok ka, Ellaine!”

Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa ulo sa gigil sa kaniya. Kung hindi lang ako nakatali ngayon ay baka nasampal ko na siya nang paulit-ulit.

“And so what? I have my reasons. Pero sino ang mas pinalad, huh? Hindi ba, PA lang kita?”

Siya naman ang naningkit ang mga mata. “How dare you?!”

Lumapit pa siya sa akin at sinampal ako sa pisngi.

Nakagat ko ang labi ko upang pigilang mapadaing. Ayaw kong makita niya na nasasaktan ako. I can’t let her see that she was winning.

“Ang kapal ng mukha mo! Matagal na akong nagtitimpi sa ‘yo! Akala mo kung sino kang inosente at hindi makabasag pinggan.” Tumawa siya. “Mabuti na lang talaga at aksidente kong nakita ang USB sa vault ni Ms. Cheng. I saw the video. Your scandal, Ellaine. At salamat sa video na iyon. Ngayon ay mawawala ka na sa buhay ko! Pokpok!”

“W-What? Ikaw ang nagpakalat ng video?”

“Yes,” sagot niya bigla. Wala manlng pag-aalinlangan at parang proud pa talaga. “Ako nga. Akala ko iyon na ang umpisa ng pagkasira ng career mo. Pero magaling talaga si Ms. Cheng. Ewan ko ba ano ang nakita niya sa ‘yo, pokpok ka lang naman! But honestly, mas may maganda pa palang nangyari.”

Pilit akong kumawala sa pagkakatali sa akin.

“Hayop ka, Cheska! Hayop! Ang sama mo! How could you do this?! Naging mabuti naman ako sa ‘yo, ah? I’ve respected you kahit na PA lang kita! Itinuring kitang kaibigan pero ito ang ipapalit mo?!”

Tumawa na naman siya nang matinis.

Nakakarindi. Nakakapangliit.

“Naging mabuti? Kaibigan? Pwede ba, Ellaine? Sa lahat ng tao ay ako ang hindi mo maloloko. At hindi ko matatanggap na ang isang pokpok mo lang ang pagsisilbihan ko. You are nothing! Pokpok!”

Napaiyak na ako. I couldn’t believe na sa tagal na panahon na nagtatrabaho siya sa akin at ganito pala ang tingin niya sa akin.

I felt so small for the first time. Lahat ng mayroon ako ay mayroon din siya. I tried my best na ibigay sa kaniya. Pero heto. Ito lang ang ipapalit niya.

“At si Ms. Cheng? That’s her fault. Masyado siyang loyal sa ‘yo. She died because of you.”

Nangunot ang noo ko.

“What do you mean?”

Ngumiti nang malapad si Cheska. “Naubusan na ng pasensya si Mr. Ricci. Ayon… she died. Hindi na lang kasi siya gumaya sa akin. Edi ngayon… ako na ang bagong CEO ng LTA.”

I gasped. “You… Ang sama mo, Cheska! You will never be better than me! Ms. Cheng been so good to you! But you are full of jealousy!”

“Ahh! Shut up! Ang ingay mo! Wala ka nang magagawa pa!” iritableng sabi niya. “Mr. Ricci’s men are coming. They will get you. And finally… I will have the money.”

Ngumiti siya nang malapad at inilapit ang mukha sa akin. Mahigpit na hinawakan niya ang baba ko.

“And you… will be nothing but his personal whore.”

My teeth gnash. Hindi ko napigilan ang sarili ko sa gigil sa kaniya. Dinuraan ko siya sa mukha. Agad naman napaatras si Cheska at nanlalaki ang mga matang tiningnan ako.

“Fuck you! You will never be like me or better than me, Cheska! Kahit na pokpok ako noon. You are just a nobody!” sigaw ko.

“Yuck! You, bitch!”

Bigla siyang sumampa sa kama at pinatungan ako sa may tiyan. Hinawakan niya ako bigla sa leeg nang mahigpit at sinakal ako.

“Die! Die! Die!” sigaw niya.

I tried to move my body. Pero kahit na ano ang galaw ko ay wala akong magawa. Bukod sa nakapatong siya sa akin ay nakatali pa ang katawan ko.

Was this really my end? Will I join Ms. Cheng already?

Tears fell down my face as my breath slowly became harder.

Leo… where were you? I need you now.

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !