Views

Ang Tilapia ni Baby (Palengke Chronicles)

Ameiry Savar
0

 


Ang Tilapia ni Baby

(Palengke Chronicles)

An Erotic-Comedy Series

by Ameiry Savar


Blurb: 



Ako si Baby.

Sabi ni Mama, ako raw ang mag-aahon sa amin sa kahirapan. Kaya ginawa ko ang lahat—lahat—para matulungan ang pamilya ko.

Pero sa hirap ng buhay, hindi ko natapos ang pag-aaral ko.

Kaya naman, tinanggap ko na lang ang tadhana ko… at ipinagpatuloy ang maliit naming negosyo sa palengke sa Kalye Tres.

Dito ako lumaki. Dito ako tumibay.

At hindi nagtagal—

Ako na rin ang nagmana ng korona ni Nanay.

Reyna ng pwesto. Reyna ng palengke.

Pero nagbago ang lahat nang dumating siya.

Mayaman.

Pogi.

At… sobrang kapal ng mukha.

Dahil sa unang pagkikita pa lang namin—

Tinawag niyang bilasa ang paninda kong tilapia.

Excuse me?!

Sa dami ng nabaliw at bumalik-balik sa pwesto ko, siya lang ang may lakas ng loob na mang-insulto?

Oh, he picked the wrong girl.

Kaya sinigurado kong matitikman niya ito.

At kapag nangyari iyon—

Hindi na siya makakatakas.

Dahil walang sino man…



Ang hindi pa nababaliw sa aking tilapia.


Disclaimer!

Ang Tilapia ni Baby contains scenes that may not be suitable for very young or sensitive readers. If you can't read stories with detailed explicit scenes, kindly stop reading this story. 

This is a work of fiction. All names, characters, places, and events are products of the author’s imagination. Any resemblance to real persons, living or dead, or to actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the author’s prior written permission, except for brief quotations used in reviews or commentary.

Ang Tilapia ni Baby © 2026 by Ameiry Savar


Chapter 1


“Good morning!!” sigaw ko.

Isa na namang umaga na puno ng pag-asa at saya!

Iminulat ko na ang maganda kong mata at inunat ang slim kong mga braso.

Hay…

Ang umaga talaga ang pinaka-favorite kong araw. Ewan ko ba? Mayroon talagang kakaiba sa umaga na automatic na nagbibigay sa akin ng sigla.

Siguro ay dahil na rin sa fact na buhay pa ako.

Bonus na ‘yon.

Tumayo na ako at lumapit sa maliit na aquarium na nakapatong sa lamesa sa may bintana ng maliit kong silid. Agad akong napangiti nang makita ang mga alaga ko.

“Good morning, Chuchay! Good morning, Babi!” bati ko sa alaga kong mga tilapia.

Oo, tilapia sina Chuchay at Babi. Isang pares sila na matagal ko ng inaalagaan. Siguro ay two years na sila sa akin.

Ang lalaki na nga nila dahil nga sa well loved sila.

Kumuha ako ng pagkain nila at dahan-dahang ibinuhos sa aquarium. Agad silang lumangoy palapit na parang may pa-free buffet.

Napangiti ako.

“‘Yan, busog na naman kayo. Pero alam niyo…” napapailing kong sabi. “Hindi ba kayo nalulungkot diyan? Dalawa lang kayo. Kailan ba kayo magbebembangan para magkaapo na ako?”

Ewan ko ba sa dalawang ito.

“Siguro baog ka, Chuchay? Ang tagal mo na kasing hindi nangingitlog e!”

Tahimik pa rin kaya napailing na ako.

“Sige kayo! Ipiprito ko kayo!” banta ko pa.

Para namang nakaintindi ang dalawang isda at lumayo bahagya sa akin.

Natawa ako ng kaunti.

“Baby! Nasaan ka na ba?!”

Napatayo ako nang maayos noong marinig ko ang boses ni Nanay.

Oo nga pala!

Dali-dali na akong nagbihis. Nakalimutan ko na kailangan palang maaga kami ngayon sa palengke. Linggo ngayon at peak hours ng mga gutom.

Nagsuot ako ng pink bralette at mahabang palda. Sinuklay ko ang bahagya kong kulot na buhok at inayos iyon.

Sanay na ako sa ganitong suotan.

Actually, ito na nga ang uniform ko sa palengke.

Marami ang nagtataas ng kilay.

Bakit ba? My body, my rules!

Isa pa—sayang naman kung hindi ipapakita. Malapad ang balakang ko, maliit ang baywang, at… well, gifted sa taas. Bonus pa na kahit laki ako sa hirap, makinis pa rin ako.

Hindi ko kasalanan kung pinagpala ako.

Inggit na lang sila.

At mas lalo pang naiinggit dahil madalas maubos ang paninda ko sa kanila.

Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Hanggat wala naman akong inaapakang tao, ay go lang ako sa buhay.

“‘Nay! Ano pong almusal?” tanong ko pagkalabas ko ng silid ko.

Tumigil si Nanay Kleng sa pag-aayos ng dadalhin namin sa palengke at napatingin sa akin. Nangunot agad ang noo nito.

“Ano na naman ‘yang suot mo, Baby? Magpalit ka nga roon! Isda ang binibenta natin. HIndi ikaw!” inis na sabi nito.

Napangiwi ako sa sinabi ni Nanay. Siya ang number one basher ko sa mga choice of clothes ko

“‘Nay, hindi ba ako maganda?”

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Nanay. “Anak kita, Baby. Kaya maganda ka. Pero hindi ko gusto ‘yang mga suot mo! Hindi mo ba naririnig ang mga tsismis nila sa ‘yo sa palengke? Hindi lang daw tilapia ang binibenta mo, pati ang tilapia mo mismo!”

Naiikot ko ang mga mata ko. Lumapit na ako sa kaniya at tinulungan siya sa pag-aayos ng styrofoam.

“H’wag mo na sila isipin, ‘Nay. Ang isipin mo na lang ay ako talaga ang pampaswerte mo.”

Napapailing si Nanay. Kahit naman ganito siya magsalita, alam ko na nag-aalala lang siya sa akin. Pero mabuti na lang at supportive pa rin siya.

Ilang sandali pa ay umalis na kami ni Nanay sa bahay. Naiwan doon ang dalawa ko pang kapatid. Nag-iwan na lang si Nanay ng almusal nila at baon sa school. Habang kami naman ay doon na lang sa palengke kakain. Nauna na kasi roon si Tatay. Alas singko na rin, sigurado na marami ng tao sa kalye trese ngayon.

Pagkarating namin doon ay tama nga ako, marami na ang tao sa palengke ng kalye trese.

Sa totoo lang, marami talaga ang mamimili dito sa palengke. Dito kasi ang bagsakan ng halos lahat ng mga paninda sa syudad namin. Marami ding mga karatig baranggay na dito pa namimili. Isa pa, mura din ang mga paninda namin at sariwa pa.

“Oy! Tilapia kayo diyan! Fresh na fresh! Parang ako!” masayang sigaw ko habang pinapalo-palo ng marahan ang mga isda naming paninda.

Hindi lang naman tilapia ang paninda namin, may iba’t ibang klase din ng mga isda. Pero mas marami lang ang tilapia dahil mula pa ito sa mga alaga nila Tatay.

Kasali kasi sa isang organisasyon si Tatay at nag-aalaga sila ng mga tilapia. Isa kami sa araw-araw na nagha-harvest doon at nagbibenta niyon sa palengke.

“Tilapia na, Ma’am! Sir! Bili na kayo!” tawag ko sa mga napapadaan na customer.

Madalas ay napapatigil ang mga ito at tumitingin sa pwesto ko. Agad ko naman silang kinakawayan kaya lumalapit sa kanila.

Kung sa pagbibenta lang siguro ng isda ay masasabi ko na ako na ang pinakamagaling. Walang sino man ang hindi napapabili sa akin kapag naririnig na nila akong mag-sales talk sa kanila.

“Ay sus! Dumali na naman ang isa diyan!”

Napatigil ako sa saglit sa pagbibilang ng sukli para sa customer ko noong marinig ko ang boses ng nagsalita. Si Dianne, ang anak ng may-ari sa kabilang stool. Nagtitinda rin sila ng mga isda, pero hindi kagaya namin ay madalas may natitira sa kanila. Kaya galit na galit at naiinggit sila sa amin dahil nga malakas akong bumenta.

Lalo na ‘yang si Dianne. Inggit lang siya kasi mas mataba siya sa akin at maitim. Talbog na nga siya ng mga paninda ko, insecure pa siya sa akin.

Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

“‘Yan! Thank you sa pagbili, Sir! Balik ka ulit bukas!”

Kumaway pa ako rito. Ngumiti naman nang malapad ang lalaki. “Aba’y syempre! Babalik talaga ako agad bukas! Narito ka pa rin ba?”

Marahan akong tumango. “Yes, SIr. Kaya balik lang kayo!”

Napangiti nang malapad ang lalaki. Bumaba ang tingin nito sa katawan ko. Partikular sa may dibdib ko. Marahan pa itong nagbasa ng labi gamit ang dila.

Napangiwi ako. HIndi na bago sa akin na may ganitong lalaki ang bumili sa amin. Kaya napangiti rin ako nang malapad. Bahagya kong inipit ang mga braso ko sa may dibdib ko at marahang dumukwang sa kaniya para mas makita pa nito ang view ng cleavage ko.

“Bili ka pa, SIr? Baka kulang pa ang ulam niyo?” marahan kong tanong. Pinalamya ko pa ang mga mata ko at bahagyang kinagat ang labi.

Lalo namang parang nabuhayan si Sir. Kulang na lang ay may lumabas na bituin sa mga mata niya dahil sa pagkasabik.

“O-Oo! Isang kilo pa! Hindi! Dalawahin mo na!” dali-daling sabi nito.

Napangiti ako nang malapad. Tumayo ako nang maayos at inabot ang isang libo na nasa kamay niya.

“Thank you, Sir!”

Oo, ako si Beverlyn Ramirez, kilala ako sa palayaw kong ‘Baby.’

Marami man ang napapataas ng kilay sa paninda ko at sa akin mismo, pero alam ko. Hindi nila maitatanggi. Nakahuhumaling talaga ang tilapia ko.

At ito ang kwento ng buhay ko bilang tindera ng tilapia sa palengke ng Kalye Trese.



Chapter 2


“Yehey! Naubos na naman ang paninda natin, ‘Nay! ‘Tay!” masaya kong sabi. Binibilang ko pa ang benta namin sa belt bag ko. Marami iyong tig-iisang libo, kaya tuwang-tuwa ako.

Ang sarap talaga sa mga mata ng asul na papel na ito.

“Ayon nga, Anak. Maibibili na rin natin ang kapatid mo ng bagong sapatos,” tugon ni Nanay Kleng.

Napangiti ako sa sinabi niya. Lumapit ako kay Nanay na naglilinis ng lamesa counter namin na wala ng laman.

“‘Nay… may bibilhin din pala ako. Pahingi ako ng two-hundred,” bulong ko.

Napatigil si Nanay sa ginagawa niya at tumingin sa akin. “Anong two hundred? Kumuha ka diyan ng isang libo at bumili ka kung ano ang gusto mo, Anak. Deserve mo ‘yan.”

Hindi makapaniwala na tiningnan ko si Nanay. Pinagbibigyan naman niya ako palagi, pero nagulat lang ako na nag-English siya.

“Talaga, ‘Nay?”

“Tsk! Oo na nga! Sige na at para—”

“Excuse me. Miss? May tilapia pa?”

Sabay kaming napatingin ni Nanay Kleng sa unahan. At halos tumulo na ang laway ko noong makita ko ang lalaking nakatayo roon. Panay ang tingin niya sa paligid na tila ba ay may hinahanap.

Iniikom ko ang bibig ko at bahagya pang nagpunas sa may labi. Sana naman ay hindi niya napansin na bahagyang tumulo ang laway ko.

Nakakahiya!

Ang pogi pa naman ni Kuya!

“T-Tilapia ba, Sir? Marami!” tugon ko.

Bigla akong napangiwi noong maramdaman kong siniko ako ni Nanay sa tagiliran.

“Ouch! ‘Nay!”

Tiningnan ko siya.

“Anong marami? Nagsasara na nga tayo, ‘di ba?”

Muli akong napatingin sa lalaking nakakunot na ang noo.

“Ano ka ba, ‘Nay? H’wag ka muna maingay! Ako na ang bahala rito,” bulong ko. Muli akong humarap kay kuyang pogi at ngumiti. “Tilapia ba ang hanap mo, Sir?”

Tumango ito. “Yes. Are you deaf?”

Natigilan ako sa sinabi niya. English ‘yon a!

“Huh?”

Mas lalong nangunot ang noo niya.

“Kailangan ko ng tilapia, Miss. Hindi ba ito ang stall ni Baby?”

Napakurap-kurap ako. “Ako ‘yon, Sir! Kilala mo pala ako?”

“No. You are recommended by people here. I need Tilapia tomorrow. Can I order fifty kilos?” tanong pa nito.

Napaawang ang bibig ko. “Fifty kilo? Sure po ba kayo?”

Umarko na ang kilay nito. “Of course. I have money. I can pay now.”

Napaisip ako bigla at sandaling nakalimutan ang kagwapuhan niya.

Fifty kilos? Parang calculator na awtomatik kong naisip kung ilan ang kikitain namin sa fifty kilos na order niya.

Napangiti ako ng malaki.

“Okay! Sige, Kuyang Pogi—este Sir pala! Saan ba ide-deliver ang tilapia?” tanong ko.

“On my restaurant. Do you know Gomez Cuisine sa Don Antonio? You will deliver it there early in the morning. I want it three in the morning. Sharp,” mariin na sabi niya. Ni wala manlang himig ng pakiusap.

Pogi nga, pero mukhang may attitude.

Pinagkrus ko ang mga braso ko.

“Okay. Kailangan namin ng fifty percent na downpayment. No return ito kapag bigla kang nag-cancel. Okay lang?”

“Whatever. How much?” tanong nito. Kinuha nito ang wallet mula sa likod na bulsa.

“Ten thousand,” mabilis kong sabi. Hindi naman ako sigurado kung tenkyaw nga ang kalahati, may gusto lang akong subukan.

“Okay. Here.”

Napaawang ang bibig ko noong binuklat nito ang wallet at umambad sa akin ang makapal na asul na mga papel.

Feeling ko kahit itupi ko pa sa tatlo ang kita namin ngayon ay hindi manlang mangangalahati sa laman ng wallet niya.

Sino ba itong lalaking ito at parang ang yaman naman? Minsan lang may makarating sa amin na ganito.

Inabot nito ang pera sa akin at agad ko namang kinuha. Napangiti ako nang malapad.

Paldo na naman kami ngayong araw!

“Make sure that it's fresh. Ayaw ko ng bilasang isda.”

Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko at nawala ang mga ngiti. Tiningnan ko siya habang nakapamaywang na.

“Bilasa? Akala ko ba ni-recommend ako sa ‘yo ng mga tambay dito sa Kalye Trese? Hindi ba nila nasabi na mas fresh pa sa fresh ang mga tilapia ko?” mataray kong tanong.

Parang nalito siya dahil tinitigan niya lang ako ng hindi siya makapaniwala.

“What?”

Pinagkrus ko ang mga braso ko at sinamaan siya ng tingin. Gwapo nga pero mukhang judgemental naman!

“Ang sabi ko, fresh ang tilapia ko! Pwede mo ngang kainin ‘yon kahit hindi mo iluto sa sobrang fresh e!”

Napakurap-kurap ito. Pagkatapos ay umiling. “Whatever. Just bring me the fish tomorrow. And don’t be late.”

Bago pa ako makapagsalita ay tumalikod na siya sa akin at naglakad na palayo sa akin.

“Ang arogante naman ng lalaking ‘yon! Judgemental pa!” inis na sabi ko.

“Sus! Ikaw nga ay sobra-sobra ang hiningi mo,” ani Nanay. “At parang sigurado ka rin na mabibigyan natin siya ng fifty kilos na tilapia, ha?”

Napalabi ko. Tiningnan ko ang pera na hawak ko.

Sa katunayan ay hindi ako sigurado. Baka nga maubos na ang mga alaga nila Tatay dahil doon. Pero sayang naman ang pera… kaya gagawa ako ng paraan.

At sisiguraduhin ko na magsisisi ang lalaking ‘yon na tinawag niyang bilasa ang mga tilapia ko!

Chapter 3


Napatitig ako sa malaking establisyimento na nasa harapan ko. Harap pa lang niyon ay halatang five-star restaurant ito. Magara ang pinto. At kahit na ang parking lot niyon ay hindi pang-fast food chain tingnan.

Pang mayaman.

Madilim pa ang paligid dahil alas kwatro pa lang ng umaga. Mas maaga kaming pumunta para wala na rin reklamo ang lalaking iyon. Hindi ko alintana ang pang-umagang hangin kahit na labas ang pusod ko.

Siya kaya ang may-ari nito?

“Baby, ano? Saan na ba ito ilalagay?”

Napatingin ako kay Biboy, kababata ko. Siya ang kasama ko mag-deliver ngayon sa masungit na lalaki dahil nga naiwan sila Nanay at Tatay sa palengke.

Madalas kong kasama si Biboy kapag may ganitong nagpapa-deliver sa amin.

“Wait lang,” ani ko.

Tumingin ako ulit sa building, sarado pa iyon. Dapat pala kinuha ko ang contact niyong lalaki kahapon.

Naglakad ako papunta sa gilid ng building upang tingnan kung madaanan doon.

“Hoy, Baby! Saan ka pupunta? Hindi ka ba nilalamig sa suot mo? Suotin mo nga ‘tong jacket ko!” tanong ni Biboy. Kanina pa niya pinupuna ang suot kong damit.

Ayaw niya kasi na mag-crop top ako.

Bakit ba? E sa ganito lang ang suot ko. Kagaya ‘to ni Nanay e. Basher ko rin.

“Sandali nga lang!”

Tuluyan akong pumasok sa gilid. Open space din naman iyon. Sa gilid ay may nakita akong hagdan papunta sa isang pinto.

Dali-dali akong lumapit doon at kumatok.

“Tao po!” malakas na tawag ko.

Walang sumagot.

Noong sinubukan kong itulak ang pinto ay bigla iyong bumukas. Nagulat pa ako dahil hindi ko iyon inasahan.

Pagsilip ko sa loob ay madilim pa ang paligid.

“Bakit wala pang tao? Nasaan na staff ng restaurant na ito?” tanong ko sa sarili. “Sir! Hello! Narito na ang tilapia mong fresh na fresh!” tawag ko ulit.

Wala pa ring sumagot, bagkus ay nag-echo lang ang paligid.

Lalabas na sana ako pero bigla akong may narinig na kalabog mula sa pinakaloob pa.

Napalunok ako noong bigla akong kinabahan.

“Wala naman sigurong multo dito? Pang mayaman ‘to e,” bulong ko. “Bahala na nga siya—”

Sunod na narinig ko ay parang may bumagsak.

Awtomatikong napahakbang ang mga paa ko papunta sa loob. Tinahak ko ang kusina at lumabas sa nag-iisang pinto na naroon. Nakita ko ang kabuoan ng madilim na restaurant. Ang ganda at ang gara ng paligid kahit na madilim.

Pero hindi roon nagmumula ang tunog.

Umakyat ako sa hagdan na nakito ko. Pinto agad ang bumungad sa akin doon.

“Ano ba ‘tong ginagawa ko? Paano kung may magnanakaw pala?”

Huminga ako ng malalim.

“Bahala na nga!”

Itinulak ko ang pinto. Nagulat pa ako noong sa isang rooftop pala ang labas ng pinto na iyon. Doon sa gitna ay may nakita kong lamesa at may nakatungong lalaki. Nakalaylay ang mga kamay niya sa gilid nito at nakasubsob ang gilid ng mukha sa lamesa. Sa ilalim niya ay may baso na nabasag.

Iyon ata ang narinig kong nahulog kanina.

“Sir!”

Dali-dali kong nilapitan ang lalaki. Siya iyong nag-order sa akin ng tilapia.

“Sir! G-Gising! Buhay ka pa ba?”

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya upang pakiramdaman kung humihinga pa siya. Pero imbes na iyon ang gawin ko ay natigilan ako.

Mas gwapo pala siya sa malapitan. Para siyang anghel na natutulog ng mahimbing. Malayong-malayo sa nakakunot na noo niya kahapon na para bang may galit sa mundo.

Makapal ang mga kilay niya at pilik mata. Ang ilong niya ay matangos at maganda ang pagkakahulma. At ang labi niya… Day! Kissable! Mamula-mula iyon at pa-heart shape. Malayong-malayo sa kulay ng mga labi ng mga tambay sa Kalye Trese.

Bumagay pa ang messy niyang buhok ngayon sa hitsura niya. Para siyang matinee idol na lumabas sa TV para akitin ako.

Ang bango rin ng buga ng paghinga niya. Amoy mentol iyon na matamis. Parang kahit mapanisan ito ng laway ay mabango pa rin.

Napahagikhik ako sa kilig. Pero dahil sa ginawa kong iyon ay bigla itong dumilat.

Nagkatitigan kaming dalawa, at mas lalo akong natigilan.

Iyong mga mata niya… ngayon ko lang napansin na abo pala iyon. Sandali lamang kaming nagkatitigan, pero pakiramdam ko ay nakita na niya ang buong pagkatao ko. At ako rin.

Napakalungkot ng mga mata niya. Para siyang may dinadala na hindi niya maalis-alis. Ang bigat.

Unti-unting nangunot ang noo niya.

“Who are you?” tanong niya sa paos na tinig.

Nanlaki ang mga mata ko. Doon lang ako biglang natauhan. Napatayo ako bigla. Dahil sa gulat ay hindi ko na nagawang ibalanse ang katawan ko. Dere-deretso akong natumba patalikod.

Napatili na lamang ako at ipinikit ang mga mata. Hinintay na tumama ang likod sa matigas na sahig. Pero imbes na iyon ang mangyari ay naramdaman ko na lang na may humawak sa baywang ko at hinila ulit patayo.

Ang sunod ko na lang na naramdaman ay nakaupo na ako sa kandungan niya at napasubsob sa may balikat niya.

“Ay! Sorry—”

“Wait.”

Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. Bigla akong nailang sa posisyon namin.

Nakaupo kasi ako sa kandungan niya kaya ramdam ko ang matigas na bagay na nauupuan ko. Tapos nakasubsob pa siya sa may dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit na pagbuga niya ng hangin sa balat ko.

“S-Sir—”

“Shh…” saway niya. “Just…”

Bigla ay lumalay na ang mukha niya sa dibdib ko. Hindi ako kumilos. Hinintay ko siyang magsalita ulit pero wala na.

Napalunok na ako. Hindi na talaga ako komportable ngayon sa pwesto namin. Idagdag pa na bigla akong nag-alala dahil baka amoy isda ako. Pero hindi naman siguro dahil nagpaulan naman ako ng pabango kanina na nautang ko sa tropa kong si Jasmine.

“A-Ahm… sir? I-Iyong tilapia mo po.”

Hindi ito sumagot.

Kaya naman ay hinawakan ko siya sa may pisngi at marahang inangat ang ulo. Napamaang ako noong makita ko na nakapikit na naman ang mga mata niya. Tulog na tulog na para bang komportable talaga sa pwesto naming dalawa. Halos marinig ko na nga itong humihilik.

“Uy, Sir!”

Sinubukan kong tapikin ang pisngi niya para magising ito, pero wala talaga.

Tulog na tulog talaga ito.

Napabuga ako ng hangin.

“Nakakaloka ka naman! Buti na lang pogi ka!”

Chapter 4


Daniel’s POV

Masakit ang ulo na unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

I was in my room already.

Pero paano?

Iniling ko ang ulo ko at pilit na ginising ang diwa— wait.

I slept?

Napakurap-kurap ako at biglang napaupo. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. At oo nga… nakatulog ako.

But how?

Sampung taon na akong ginagambala ng insomnia ko. Severe na iyon kaya umaabot talaga ng ilang gabi na hindi ako nakakatulog. Kung makakatulog man ako ay wala pang thirty minutes ay nagigising ako.

The last thing I remember last night was… I was trying to get asleep. Halos nakailang sleeping pills at melatonin pero wala iyong epekto. Para lang tuloy akong nalasing dahil doon.

I was groogy already. And I can’t remember—

Right! Naalala ko na may babae kagabi. Pero sino ‘yon?

Napatingin ako sa pinto ng silid ko noong marinig ko ang mahihinang katok.

Tuluyan na akong tumayo kahit nalilito pa rin ako sa nangyari sa akin. Hindi ko talaga inakala na nakatulog ako ng mahimbing kagabi.

Bumungad sa akin si Richard, ang assistant chef ko.

“Chef, nandiyan na po ang mga bisita natin.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Fuck! I forgot again.

May importanteng bisita nga pala ang restaurant ngayon. Hindi ko pwdeng kaligtaan iyon dahil doon nakasalalay ang pangalan at restaurant ko.

Pagtingin ko sa wall clock ay alas dyes na.

“What the hell?! Bakit hindi mo ako ginising?! Ano ang ipi-prepare natin sa mga bisita?!” galit na tanong ko.

Napakamot sa ulo si Richard. Nag-iwas pa ito ng tingin na parang nag-aalinlangan na magsalita.

“E, Dan… okay na po.”

Napaarko ang kilay ko. “Okay na? What do you mean okay na? Did you cook everything? You know I don’t want anyone na mangialam sa kusina ko ng wala ako!”

“Daniel, kasi… wala na kaming choice. Hindi ka po magising kanina. But I assure you, everything is under control now. You just need to come out and face them.”

Inis na isinara ko na ang pinto at hindi na sinagot si Richard.

Kapag talaga pumalya ako, baka kung ano ang magawa ko sa kaniya.

Dali-dali kong nilinis ang sarili ko at nagbihis sa uniporme ko.

Itim na slacks at puting long sleeve polo shirt. At isang apron na itim ang palagi kong suot bilang chef sa sarili kong restaurant.

Halos sampung taon ko na ring pinapatakbo ang restaurant ko na ito. Ito na ang naging buhay ko. Pero nitong nakaraan lang ay biglang may walang kuwentang tao ang nag-report sa restaurant ko.

And now the food and health department wants to close it. Pero binigyan nila ako ng pagkakataon. I should let them check my restaurant and watch me cook for the sake of my title. Binigyan pa nila ako ng specific task, cook a variety of food using a fish. A Tilapia fish.

Madali lang naman para sa akin iyon. I am Daniel Gomez for a reason. Ang tanyag na masterchef sa buong mundo.

Kaya malaking sampal sa akin ang ginawa nilang ito. But it was okay. Alam ko naman ang rason kung bakit nangyari ito sa akin ngayon.

They want me back. And I would never bow my head to them again. Not after what they did to me.

Lumabas na ako sa penthouse ko. Nasa itaas lamang iyon ng restaurant kaya madali lang sa akin makarating doon.

Pagbaba ko ay dumeretso ako sa kusina. Nagulat pa ako noong makita ko ang nakahilerang mga pagkain sa counter.

The palce was overflowing with aroma. Nakakatakam sana.

Naikuyom ko ang mga palad ko. Tumingin ako sa mga assistant ko na nakahilera sa gilid.

“What is the meaning of this? Sino ang nagluto nito?” galit na tanong ko.

Lahat sila ay tumungo. Tanging si Richard lang ang naglakas ng loob na harapin ako.

“Chef, I told you. These are perfect. Tikman mo.”

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinsulto sa sinabi niya.

Inisang hakbang ko ang pwesto namin at kinuwelyuhan siya.

“Tell me who cook this shits. Now!”

Pero imbes na matakot ay hindi natinag si Richard. Hindi kagaya ng ilang mga tauhan ko na nanginginig na sa takot, si Richard ay nagagawa pa rin akong tingnan sa mga mata. Because Richard was my friend too. Magkaibigan na kami magmula pa noong college kami at magkasosyo sa restaurant na ito.

“Importante pa ba iyon, Daniel? Bakit kasi hindi mo na lang muna tikman? We don’t have time for your tantrums! Remember the restaurant!”

He already called me by my name. He never did that in front of our staffs. Pero alam ko na pati ito ay naiinis na sa ginagawa ko kaya natawag na niya ako sa pangalan ko.

Inis na binitawan ko siya at lumapit sa counter. Kinuha ko ang isang plato. Agad naman na may nag-abot sa akin ng kutsara, kaya marahas ko iyong kinuha.

Tiningnan ko ang nasa lamesa. Simpleng escabhe lamang iyon. Pinoy style. This restaurant was a fucking five-star restaurant! Tapos maghahain pa kami sa organization na ‘yon ng escabhe?

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Kumuha ako ng sarsa at tinikman iyon habang nakakunot pa rin ang noo. Pinakiramdaman ko ang lasa ng sarsa.

Impossible!

Muli akong kumuha ng sarsa. This time ay mas marami na ang kinuha ko. And nothing change.

Ayaw ko pa ring maniwala kaya halos maubos ko na ang laman ng plato. Hindi ko na nga namalayan na naubos ko na ang isda.

“What do you think?” nakatinging tanong ni Richard.

Napalunok ako. Binitawan ko ang kutsara at tumalikod sa kanila.

“Serve the food,” ani ko. Saka tuluyang lumabas ng kusina.

That taste… it was magical.

Chapter 5


Baby’s POV

Malapad ang mga ngiti ko habang hinahampas-hampas ang mga isdang paninda namin.

Nakakapagod, pero para parang ang sigla ko pa rin.

Maganda kasi ang pakiramdam ko na suswertihin ako ngayong araw.

Maayos namin na nai-deliver ang mga tilapia kaninang umaga. Hindi na ako humingi pa ng kalahati dahil sobra-sobra na ang ibinigay sa akin ng lalaki. Na Daniel pala ang pangalan.

Daniel… parang iyong sikat na artista, pero mas pogi.

Napangiti ako noong maalala ko ang mukha ni Sir Daniel. Ang pogi niya talaga! Siguro ang swerte ng magiging asawa no’n?

“Hoy, Baby! Ang lapad ng ngiti mo diyan a! Ano’ng meron?”

Muli akong bumaik sa ulirat noong marinig ko ang boses ni Karla, kaibigan ko rin. Parehas kaming lumaki na rito sa palengke. Kung kami ay mga isda, sa kanila naman ay sea shells. Mabenta sa kanila ang tahong.

Pumasok siya sa stall namin at naupo sa bakanteng upuan sa gilid.

Inirapan ko siya.

“Wala! Bakit nangangapit bahay ka?” tanong ko.

Lumabi si Karla. “Wala. Andoon naman si Nanay. Tsaka, gusto kong makibalita. Sabi diyan sa kanto na paldo ka raw kagabi. May mayaman na um-order daw ng tilapia niyo!”

Muli akong ngumiti. “Oo, besh! At ang pogi!”

Ngumisi si Karla. “Ay wow? Baka naman pati tilapia mo binenta mo sa kaniya, ha?”

Natawa ako sa sinabi niya. Tiningnan ko siya ng seryoso.

“E kung papatulan niya ako, why not?”

Tumili si Karla. Hinampas niya ang braso ko.

“Ang landi mo talaga, Baby! Pero sa ‘yo ako. Ilaban mo ‘yang tilapia mo!”

Natawa ako sa sinabi niya. Pero noong makita ko si Dianne sa stall nila ay napangiwi ako ulit. Salubong kasi ang mga kilay nito habang nakatingin sa pwesto namin.

“Hoy, Dianne? Ano na naman ang nakain mo at bad mood ka, ha? Inggit ka na naman ba sa tilapia ko?”

Inirapan ako ni Dianne. “As if naman, Baby? Walang magkakagusto sa bilasa mong tilapia!”

Natawa ako sa sinabi niya. “Talaga? Kaya pala halos lahat ng customer mo ay napunta sa akin. Minsan kasi, Dianne. Ngumiti ka naman. Hindi iyong pangit ka na nga, mas lalo mo pang pinapapangit!”

Napaawang ang bibig nito. Kitang-kita ko ang pinaghalong hiya at galit sa mukha nito.

Si Karla naman ay humahagikhik na sa tabi ko.

“Ang sama talaga ng bunganga mo, Baby! Maawa ka naman kay Dianne! Maitim na nga ang batok, mas lalo mo pang—ay!” Napahawak si Karla sa bibig niya. “Sorry, Dianne.”

Nag-peace sign pa ito na parang magiging magaan ang loob ni Dianne doon.

Mas lalong nangitim na ang mukha ni Dianne dahil sa galit. Pero hindi ito nagsalita at tumakbo na lang paalis sa stall nila.

Tama lang ‘yon. Kung sa tingin ng iba ay masama ang ugali ko dahil sa mga sinabi ko. Well, hindi pa nila nakikilala si Dianne.

“Hay naku! Balik na nga ako doon sa pwesto namin. Maiwan na kita diyan, Baby. Good luck sa tilapia mo! Sana ay mabingwit na ‘yan!” ani Karla.

Tumawa ako. “Oo na! Same sa tahong mo!”

Tumawa rin si Karla at lumabas ng stall namin.

Muli akong nag-focus sa pagtitinda ko.

Medyo mahina ang tao ngayong araw, pero okay lang dahil kalahati na lang din naman ang paninda namin wala pang tanghali.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at magso-social media na lang sana.

“Excuse, Miss? Ikaw ba si Baby?”

Nag-angat ako ng ulo. Natigilan ako noong makita kung sino ang nagsalitang lalaki. Ito iyong nasa restaurant kanina.

Ano nga ulit ang pangalan nito? Richard?

Napatayo ako agad at tiningnan siya.

“Baby!” nakangiting sabi ni Sir Richard.

“Sir! Ano pong inyo? Kailangan niyo ba ulit ng tilapia sa restaurant?” tanong ko.

Kagaya ni Sir Daniel ay pogi rin itong si Sir Richard. Mas magaan lang tingnan si Sir Richard dahil palagi itong naka-smile. Ang cute niya tingnan lalo na kapag nalabas ang mga dimples niya. Medyo singkit din si Sir, para itong koreano.

Umiling ito. “Ah, no. I was just wondering, pwede ka bang ma-invite ulit sa restaurant?”

Natigilan ako sa tanong niya. “Ho? B-Bakit naman? Nagalit ba si Sir sa ginawa ko kanina? Pagbabayarin niya ba ako? Diyos ko, Sir Richard! Wala po akong pera! Nakita mo naman, ‘di ba? Nagtitinda lang ako ng isda! Ibabalik ko na po ang sobrang bayad ni Sir Daniel!” dere-deretso kong sabi. Kulang na lang maglupasay ako habang sinasabi iyon.

Mali ba ako? Gusto ko lang naman sana makatulong kanina e.

Tumawa si Sir Richard. “No, Baby. H’wag kang mag-alala. We just need to talk to you about something else. Can you come tonight?”

Unti-unti akong kumalma. Nalilito pa ring tiningnan siya.

“Tungkol saan naman po?”

Ngumiti siya nang makahulugan. “Just come. My friend needs you.”





Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !