Views

The Job (Chapters 26 - Epilogue)

Ameiry Savar
0









Chapter 26





"No!" mariing protesta ni Hanuel sa sinabi ni Crystal. Marami siyang nasabing hindi maganda rito ngunit ni minsan hindi niya ginustong umalis ito. Lahat ng nasabi niya ay bugso lamang ng damdamin.

"Why not? Bakit? kasama rin ba sa kontrata ba hindi ako pwede mag-resign?" mataray na tanong ni Crystal na naka halukipkip pa. Nakataas ang isang kilay nito at bahagyang nakangisi.

Mariing pumikit si Hanuel at marahas na bumuntong-hininga. "I'm sorry, okay?" Humingi na lang siya ng patawad dito sa pagbabakasakaling magbago ang isip nito.

Ilang segundong natahimik si Crystal. Bumuntong hininga siya. "Pasensya na, pero ayoko na rin talaga," mahinahong sabi ni Crystal. "Sa nangyayari ngayon sa akin? Ayoko na, Hanuel. Baka sa susunod pamilya ko na ang madamay," dahilan niya. Napatungo siya at kinagat ng bahagya ang likod ng labi.

Bahagyang na alarma si Hanuel dahil sa mababakas sa mukha nito na desidido ang dalaga na umalis.

"Crystal. Maayos din ang lahat. I told you my agency is fixing everything. And trend like this usually stops after a while. They will forget about it move-on. You don't have to worry anymore about it. So, trust me please?" pag-susumamo ni Hanuel sa dalaga.

kumibot lamang ang labi ni Crystal. Wala naman siyang pakealam sa mga sinasabi ng ibang tao sa kanya ngayon. Kaya niyang tiisin lahat ng mga masasakit na salitang sinasabi nila. Ang hindi niya matanggap ay ang mga salitang ito ay nanggagaling pa mismo sa binata. Parang dinudurog palagi ang puso niya sa tuwing ipinaparamdam at sinasabi nito iyon.

Umiling-iling siya. "No. I'm sorry but I just want this end." Tumalikod na siya sa binata ngunit hindi natuloy ang paglakad niya pasulong dahil hinirang siya bigla ng binata.

"I'm sorry, Crystal. I'm sorry if I shouted at you." Hinawakan niya ang dalawang braso nito.

"Let me go," walang buhat ng utos niya.

"I won't," usal nito.

"Let. Me. Go." Unti-unti na namang nakaramdam ng pagkairita si Crystal kaya tinanggal niya ang pagkakahawak sa kanya ng binata. Lalakad na sana siya sa gilid nito pero humarang ulit ito sa kanya.

"No."

Napaikot ng mata si Crystal. "Really?"

"Yes. I will not let you go."

"Why?" naiinis nang tanong ni Crystal.

"Just don't go!"

"Ano bang- Urgh! Give me reason why I shouldn't go?!" bulalas niya at iritableng tinitigan ito. Hinihingal lang naman na tumitig sa kanya si Hanuel. Nakaawang ang bibig nito na para bang may sasabihin ngunit muling iiikom at hindi magsasalita. Lalo itong ikinainis ni Crystal. "Hanuel!"

"I like you!" biglang sigaw ni Hanuel.

Natameme si Crystal sa sinabi ni Hanuel at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kinurap-kurap niya ang kanyang mga mata saka tinitigan ng maige ang binata.

"W-What?"

Bumuntong hininga si Hanuel at lumunok. Pagkatapos ay tinitigan siya sa kanyang mga mata. "I like you, Crystal. 똥." Napapalatak si Hanuel. "I know sinasabi ko sa 'yong h'wag kang magkagusto sa akin because this is just a job. But I can't help it, I'm slowly falling for you. I tried not to but I failed." Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ni Hanuel ang mga kamay ni Crystal. Samantalang si Crystal naman ay napapalunok na lang habang tahimik na nakikinig sa binata. "You were the only person who helped me when I'm on my darkest times." Malungkot na bumuntong hininga si Hanuel. "My mother just died the first time I meet you. You are the only one who makes me smile that time. You gave me a reason to live in this world that my mom left me," mahaba at madamdaming paliwanag ni Hanuel.

Hindi na namalayan pa ni Crystal na tumulo na pala ang mga luha niya. Para siyang lumulutang ng mga oras na iyon. Yung hinanakit na nararamdaman niya kanina ay unti-unting napapalitan ng kagalakan.

"I'm sorry if I told you those harsh words. Yeah." Napangisi si Hanuel dahil hindi makapaniwala sa sunod niyang sasabihin. "You're right. I'm just being jealous of that time and I can't accept it myself. I'm denying my feelings towards you but at the same time I'm hurt that I'm seeing you happy with that guy."

Napahagulhol na si Crystal. Binawi niya ang kanyang mga kamay kay Hanuel at itinakip iyon sa kanyang bibig. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya ngayon. Hindi siya makapagsalita dahil ang daming pumapasok sa kanyang isipan. Pakiramdam niya lahat ng pinigil niyang mga luha para kay Hanuel ay lumabas ngayon. Tumalikod siya sa binata at sinapo ang dibdib niya.

Sobrang nalilito siya pero sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Nalilito siya kung totoo ba ang mga sinabi nito. Napaka hirap paniwalaan na ang isang sikat na si Lee Hanuel ay magkakagusto sa isang normal na tao na si Crystal Jimenez. Ang hirap paniwalaan ang lahat dahil sa magkalayong mundo na nag-ugnay lamang dahil sa hindi pangkaraniwang trabahong inalok nito sa kanya. Nalilito siya at hindi makapaniwala ngunit malinaw kung ano ang sinisigaw ng nagwawalang puso niya ngayon.

Gusto niya si Hanuel.

Pinahid ni Crystal ang kanyang mga luha at humarap kay Hanuel. Tinitigan niya ito sa mga mata. Mataman lang siya nitong pinapanood at naghihintay sa sasabihin niya. Muling tumulo ang luha niya nang makita niya sa mga mata na sensero ito at napangiti.

'Bahala na,' usal niya sa kanyang isipan at bigla na lamang niyang sinapo ang mukha ni Hanuel. Tumingkayad siya at bahagyang ibinaba ang mukha ni Hanuel saka nakapikit na siniil ito ng halik.

Nanlaki naman ang mga ni Hanuel sa ginawa ng dalaga. Bahagya pa siyang nagulat ngunit agad na natauhan. Hinila niya ang dalaga at mas idinikit sa kanya ang katawan nito. Ipinulupot ni Hanuel ang kanyang kaliwang kamay sa bewan nito at ang isa naman ay humawak sa may batok nito. Gumanti siya ng halik sa dalaga at sinimulan nang igalaw ang mga labi.

Ipinulupot na ni Crystal ang kanyang mga kamay sa batok ni Hanuel at mas nilaliman ang paghalik sa binata. Wala na siyang pakealam at hinayaang puso niya ang masunod. Totoo man ang binata sa kanyang sinasabi o hindi ay bahala na ito. Basta para kay Crystal ay nanamnamin niya sa mga oras na ito ang sayang kanyang nararamdaman. Hahayaan niya munang magpaagos sa dagat ng kaligayahan.Hindi na namalayan pa ni Crystal kung paano siya nadala ni Hanuel sa kwarto. Marahan siya nitong inihiga sa kama habang hinahalikan pa rin siya.

Lalayo sana muna si Hanuel upang tanggalin ang suot niyang damit ngunit hindi siya hinayaan ni Crystal at patuloy lang siyang hinalikan. Itinukod na lamang ni Hanuel ang kanyang dalawang siko sa magkabilang gilid ni Crystal at pumwesto ng maayos gitna ng hita nito. Nagulat pa siya noong bigla na lamang gumalaw si Crystal at pumaibabaw sa kanya.

Bahagyang namumugto ang mga mata ni Crystal at tinitigan si Hanuel. Ngumiti siya rito at saka hinubad ang suot na t-shirt. Muli siyang tumungo para halikan si Hanuel. Mabilis namang kumilos ang mga kamay ng binata at tinanggal ang pagkakahook ng suot niyang bra. Hinubad ito ng binata at agad na sinakop ng dalawa nitong kamay ang namimintog niyang dibdib.

"Uhmm.." Napaungol agad si Crystal sa ginawa nito.

Binitawan ni Hanuel ang kanang dibdib ni Crystal at unti-unting bumaba ang kamay sa ibaba nito ngunit hindi ito hinayaan ni Crystal dahil hinawakan ito ng dalaga. Maging ang isa niyang kamay ay inalis nito. Napamaang na lamang siya noong biglang bumaba ang mga halik ni Crystal sa kanyang leeg papunta sa dibdib niya. Nahawakan niya bigla ang likod ng ulo nito noong naramdaman niya ang mainit-init at basang dila nito sa kanyang isang nipol. Lalo siyang nakaramdam ng init noong may dumamping hangin sa basa niyang nipol. Papalit-palit ang dalaga sa dalawa niyang nipol kaya nakaramdaman na ng pagtigas sa kanyang ibaba si Hanuel.

Matapos pagpyestahan ni Crystal ang dalawa niyang dibdib ay bumaba ito kanyang tiyan at puson pababa. "Uhmm.." Napaungol na si Hanuel noong hinalik-halikan na nito ang naninigas niyang pagkalalaki kahit meron pa siyang suot na boxers.

Tumigil saglit si Crystal sa ginagawa niya at hinubad ang pang ibabang suot ni Hanuel. Tumambad sa kanya ang mahaba at matigas nitong sandata. Namimintog na iyon at amumang oras ay gusto nang pumasok sa kanya. Muli niyang tiningnan si Hanuel na namumungay na pinapanood siya. Nakikita pa ni Crystal ang pagtaas baba ng adams apple nito. Hindi na sinayang pa ni Crystal ang oras. Hinawakan na niya ang pagkalalaki nito isinubo.

"Ohh!" Bahagyang naiangat ni Hanuel ang kanyang balakang nang maramdaman ang mainit at basang bibig ni Crystal na sumakop sa kanyang pagkalalaki. Halos mabaliw pa siya noong maramdaman niyang pati dila nito ay humahagod sa kanya habang tumataas baba ang ulo ni Crystal. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at hinawakan ang likod ng ulo ni Crystal. Tinulungan na niya ito sa kanyang ginagawa.

Naduduwal man dahil minsan ay na isasagad ni Hanuel ang pagdiin sa kanyang ulo ay itinuloy pa rin ni Crystal ang ginagawa niya. Hindi niya alintana ang nangangalay na niyang panga. Mayamaya pa ay naramdaman na lang niyang mas lumalaki pa ang pagkalalaki nito. Kaya mas binilisan na ni Crystal ang pagtaas at ibaba ng kanyang ulo. Hanggang sa napaungol na lang ng malakas si Hanuel kasabay ang paglabas ng mainit at manamisnamis na likido nito sa kanyang bibig. Dinura iyon ni Crystal sa sahig.

Nakatitig na naglakad ng nakaluhod si Crystal papunta sa gitna ni Hanuel. Umupo ang huli at iginiya siya pahiga ngunit hindi niya ito pinayagan at muling itinulak pahiga. Pumwesto siya sa itaas ng pagkalalaki ng binata saka ipinasok iyon sa kanyang bukana.

"Ohh!"

"Ahhmm!"

Sabay na ungol nila. Unti-unti nang gumalaw si Crystal na para bang nangangabayo. Mabagal noong una dahil ngayon lamang niya ginawa ito kay Hanuel kaya nangangapa pa siya. Ngunit noong naging komportable na siya ay unti-unti nang bumilis ang kanyang kilos. Napapakagat na lamang sa sarap si Crystal dahil sa kanilang posisyon.

Hinawakan ni Hanuel ang balakang ni Crystal at lalong diniin ang katawang ng dalaga sa kanya.

"H-Hanuel!" Ungol ni Crystal nang maramdaman na niya'ng may namumuo sa kanyang puson. Lalo niyang ikiniskis ang kanyang balakang noong tila kinukuryente na siya ng sensasyong kanyang nararamdaman. "Urgh!" Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa dibdib ni Hanuel at mas lalo pang binilisan ang kilos niya hanggang sa unti-unti na niyang naramdaman ang pagkawala ng init ng kanyang katawan. Halos mangatog ang mga tuhod ni Crystal dahil kaya napatigil siya.

Sinapo ni Hanuel pang upo ni Crystal at likod. Pinagpalit niya ang kanilang posisyon para siya namang ang kumilos habang nasa rurok pa ng kaligayahan si Crystal. Mabilis siyang kumilos noong makapwesto na siya ng maayos.

"Ahh!" Napakapit si Crystal sa dalawang braso ni Hanuel. Mahigpit niya iyong kinapitan dahil pakiramdam niya ay muli siyang lalabasan. Hindi pa kasi humuhupa ang nararamdaman niya tapos agad na kumilos si Hanuel. Napapakag labi na lamang siya habang ninamnam ang ginagawa ng binata. Mayamaya pa ay naramdaman na lamang niyang bumilis ang paggalaw ng binata.

"Shit!" ungol ni Hanuel at mas binilisan pa ang kilos sa unti-unti na niyang maramdaman na lalabasan na siya. Huhugutin niya sana iyon ngunit ipinulupot ni Crystal ang dalawa niya paa sa bewang niya. Kaya wala na siyang nagawa pa kundi ilabas ang kanyang mainit na likido sa loob ng dalaga at sabay nilang inabot ang rurok ng kaligayahan.

Hindi muna umalis si Hanuel sa ibabaw ni Crystal at pinagmasdan ang nakapikit na dalaga. Kitang kita ang kasiyahan sa mukha nito dahil nakangiti pa ito. Unti-unti itong nagdilat ng mga mata kaya nagtama ang kanilang mga mata. Ngumiti si Hanuel dito na para bang nang-aakit.

"You're so sexy," puri ni Hanuel sa dalaga.

Para namang natauhan si Crystal sa ginawa niya at pinamulahan ng pisngi. "Ohh!" Napaungol pa siya nang marahas niyang itinulak si Hanuel pagilid sa kanya dahil nahugot bigla ang nakabaon nitong pagkalalaki sa kanya. Walang lingon likod na tinakbo ni Crystal ang banyo.

Natatawa na lamang na pinanood ni Hanuel si Crystal.



Chapter 27


"Uhm... Crystal. Ano? Ayos ba yung ginawa ko?" nakangiting tanong ni Bryan kay Crystal. Nasa isang coffee shop sila malapit sa tinitirahan ni Crystal. Tinawagan niya ang binata dahil gusto niyang magpasalamat dito.

Humigop muna si Crystal ng mainit na kape. "Thank you, Bryan. Sobrang na appreciate ko yung ginawa mo." Ngumiti si Crystal sa binata at tinitigan ang mukha nito. "Ano bang pumasok sa isipan mo at ginawa mo 'yon? Paano kung na bash ka rin?"

Ilang araw na kasi ang makalipas matapos na magpost si Bryan ay humupa na ang pangba-bash kay Crystal. Maraming nagulat at nagtaka. Merong naniwala at meron ding hindi. Marami ang naki-simpatya sa kanya at humingi ng tawad. Unti-unti ay nakakalabas na rin siya kanila. Hindi pa rin siya nakakapasok sa kanyang trabaho dahil binigyan siya ng leave ng kanilang kompanya.

"Actually, hindi ko rin alam eh." Bahagyang tumawa si Bryan. "Basta inisip ko lang ay kailangang may gawin ako para matulungan kita." Sumeryoso ang mukha nito at tumitig sa kanya habang nangungusap ang mga mata. Nakaramdam naman ng pagkailang si Crystal kaya umiwas siya ng tingin kay Bryan. "Ahm.. Crystal sa totoo lan-"

"Ang swerte ko naman pala," pinutol ni Crystal ang sasabihin ni Bryan. "May kaibigan akong sobra kung magmalasakit sa akin. Thank you talaga. Kung hindi dahil sa 'yo hindi ako titigilan ng mga taong 'yon."

Nakaramdam ng kirot sa puso si Bryan at napangiti na lamang ng mapait. Hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit sa sinabi ni Crystal. Hindi lang kasi kaibigan ang turing niya sa dalaga. "S-syempre naman," sabi na lamang niya at napatungo. Muli ay mukhang mabibigo siyang sabihin iyon sa dalaga.

"Pero.. may aaminin ako Bryan. Bilang sa ikaw ang naging hero ko."

Nag-angat ng paningin si Bryan at tinitigan si Crystal. Kagat-kagat nito ang mga labi niya. Malikot ang mga matang hindi makatingin sa kanya. Parang binundol tuloy ng kaba si Bryan. Napalunok siya at nakaramdam ng panlalamig.

"A-Ano 'yon?" kabadong tanong niya. Napakuyakoy na siya dahil gusto niyang marinig ang sasabihin ng dalaga ngunit merong parte sa kanya na ayaw niyang marinig ito.

Tumikhim si Crystal at bahagyang nilibot ang paningin sa paligid para masigurong wala silang katabi. Nang mapanatag siya ay tumitig siya ng deretso sa mga mata ni Bryan. "Totoo ang lahat ng 'yon."

Kumunot ang noo ni Bryan at nalilitong tiningnan si Crystal. Ilang segundo pa niya prinoseso ang sinabi ng dalaga pero walang pumapasok sa isip niya. "H-ha?"

"B-Boyfriend ko talaga s'ya," mahinang sabi ni Crystal at iniwas ang tingin kay Bryan.

Napamaang si Bryan. Para siyang biglang nabingi dahil paulit-ulit niyang narinig sa isipan niya ang sinabi ni Crystal. Inikom niya ang bibig niya at pasimpleng hiwakan ang dibdib niyang labis na kumikirot. "G-ganon ba?" sabi niya makalipas ng ilang sandali.

"Sorry, Bryan," saad ni Cystal at inabot ang kamay ni Bryan.

Lalo namang nakaramdam ng kirot si Bryan nang maramdaman niya ang mainit at malambot na palad ni Crystal. Ngumiti siya ng mapait at nangingilid ang luhang tumingin kay Crystal. Umiling siya noong nakita niya ang awa sa mukha nito.

"Okay lang." Huminga ng malalim si Bryan at pinagsaklob ang dalawa niyang kamay sa kamay ni Crystal. "Alam mo pala? Yung nararamdaman ko?" Marahang tumango si Crystal. "Ouch." Napatawa na lamang siya ng pagak. Tinapik-tapik niya ang palad ni Crystal. Malungkot ang mga matang nginitian ito. "Okay lang.. alam ko naman eh. Nararamdaman ko naman. Doon pa lang sa restaurant. Pero okay lang Crystal kasi na iintindihan ko. Yung post ko, actually pag-amin ko na iyon sa 'yo. Kaso.. huli na pala ako." Napasinghot si Bryan noong may tumulong luha sa kanya. Mabilis niya itong pinunasan.

"Bryan.."

"So, I guess.. This is it? But can we still be friends?"

Ngumiti ng sobrang tamis si Crystal. "Oo naman." Hindi tuloy maiwasang maawa ni Crystal kay Bryan. Kung sana noon pa sila nagkaroon ng pagkakataong magkaaminan ay hindi sana mangyayari ito.

"Thank you. Sana alagaan ka niya ng mabuti. Lalo na at isa siyang sikat na tao. Kasi kung hindi? Kukuhain na talaga kita sa kanya," pabirong sabi ni Bryan at bahagyang tumawa.

Napangiti na lamang si Crystal.

'Napakaswerte ng babaeng magugustuhan ni Bryan.. Sana kapag dumating na siya ay mahalin ka rin niya ng totoo.'

"A-ate sorry na po, please!" Halos lumuhod na sa pagmamakaawa kay Crystal ang dalagitang may kulay pula na buhok na nasa harap niya. Isa sa mga dalagitang nanugod sa kanya noon. Kasama nito ang isang babaeng staff ng building na tinitirahan nila Crystal.

"Please ma'am! Sorry na po. Hindi na po talaga mauulit."

Bumuntong hininga si Crystal at inilibot ang paningin sa mga taong nasa loob ng silid. Nasa unang palapag lang sila ng building na tinitirahan nila nag-usap usap ng mga taong salarin kung bakit lumabas ang mga pictures nila ni Hanuel. Maliit lamang ang silid at wala masyadong desenyo. Merong mahabang lamesa sa gitna kung saan sila nakapwesto. Sa kanan ay si Crystal, Joseph at isang adogabo na kinuha ni Hanuel para sa kanya. Sa kaliwa naman dalagita at pinsan nito at ang mga magulang nila. Nasa pagitan naman nila ang representative ng management ng building na tinitirahan nila Hanuel.

Gusto sanang sumama ni Hanuel sa meeting ngunit mariin itong pinigilan nila Crystal.

"Please ma'am, sir. Bata pa po ang anak ko. Parang awa niyo na po ma'am," humahagulhol na pakiusap ng nanay ng dalagita. Kung titingnan ito ay nasa trenta na ang edad nito.

Nagkatinginan si Joseph at Crystal. Sumenyas si Crystal kay Joseph na siya na ang magsasalita. Tumikhim siya at matamang tinitigan ang pamilyang nasa harap nila. "Wala naman po akong balak na ipakulong kayo," paunang sabi ni Crystal. Lalong pumalahaw ang nanay ng dalagita at napayakap sa anak. "Pero kasi, masyado pong matindi po ang nangyari sa akin. Buong mundo po hinusgahan ako. Muntik din po akong saktan ng anak niyo noon."

"Sorry po talaga ate." Umiyak na ang dalagita. "Hindi ko na po kasi naisip pa ang yung tama. Sobrang nagselos lang po talaga ako sa inyo."

"Ikaw kasi anak! Sinasabihan na kita palagi sa mga koryanong 'yan! Wala kang mapapala sa kakaidolo mo sa mga taong 'yan! Tingnan mo ngayon halos masira na ang buhay mo dahil sa koryanong baklang 'yan!" galit na sabi ng nanay nito.

Napangiwi naman si Crystal dahil sa sinabi nito. "W-wala naman pong masamang umidolo ng kahit sino. Mapa-koryano man o ano. Ang masama po ay yung ganyan, sumusobra na po na halos makalimutan na ang sarili. Tsaka 'nay, masama pong manghusga ng tao."

"S-sorry po," nahihiyang sabi ng nanay nito. Tinanguan ni Crystal si Joseph.

"As what we decided. Ms. Crystal and Mr. Lee Hanuel will not file a case to you. In return, you should make a public apology for them. Telling eveyone that what you've said and seen is not true. But for you Miss." Nilingon ni Joseph ang babaeng staff ng building. "We want you to resign from this company. I'm sorry but if this company has employers like you. The life of every person living in this building will be at risk," mahabang paliwanag ni Joseph.

Napatungo ang babae at hindi na napigilan ang pagpatak ng luha. Nakaramdam ng awa si Crystal para dito ngunit wala naman siyang magagawa. Isa kasi iyon sa mga pinirmahan nila na hindi pwedeng ilabas ang kung ano mang maririnig at makikita sa building na 'to.

Ilang minuto pa sila nag-usap sa loob ng silid. Merong mga pinirmahang mga papel na mga napagkasunduan nila. At nagbigay ng date kung kailan sila magpapa-intervie sa isang tv program para doon sabihin ang paghinge ng paumanhin ng dalawa.

Pagkatapos ay lumabas na sila ng silid. Nakahinga na ng maluwag si Crystal at para siyang nabunutan na ng tinik sa dibdib. Sa wakas ay wala na siyang dapat problemahin pa. Kailangan na lamang niyang masanay dahil halos lahat ata ay kilala na siya.

Hindi na umakyat pa sa itaas si Joseph at ang kasama nitong abogado kaya naghiwalay na rin sila sa lobby ng condo. Papaakyat na sana siya ng elevator noong may tumawag sa kanya.

"Ate sandali po!" agad na nilingon ni Crystal ang tumawag sa kanya. Ang dalagitang kausap niya kanina. Nahihiya itong ngumiti sa kanya pagkalapit nito. "M-may itatanong lang po sana ako."

"Ano 'yon?"

Tumingin sa itaas ang dalaga. "A-andoon po ba si Opp- Lee Hanuel?" tanong nito at muling tumingin sa kanya.

Napangiti siya rito at hinarap ito ng maayos. "Gusto mo ba siyang makita?"

Nanlaki ang mga mata nito. "So BF mo talaga siya at andito siya ngayon sa Pinas?" hindi makapaniwalang tanong nito. Natatawang tumango si Crystal. Tama nga ang desisyon niyang hindi na lamang ito pinatulan at pinakulong. Dala lamang ng labis na paghanga nito sa binata kaya siya nagkaganoon.

"Anong pangalan mo?"

"J-Jaime po. Pwede ko po ba siyang makita ate? Please? Kakapalan ko na po mukha ko. Promise hindi ko na po uulitin yung ginawa ko sa 'yo! Ibibida kita sa buong mundo. Pero sana pagbigyan mo po akong makita siya! Sige na ate! Sobrang idol ko po talaga siya!" Kumapit na ito sa braso niya.

"Okay, Jaime. But first akina ang cellphone mo at iba mo pang mga gadget." Inimuwestra niya ang palad niya sa harap nito.

"Waah! Thank you po!" Mabilis nitong kinuha ang cellphong niyang nasa loob ng bulsa. Kinalkal niya rin ang backpack nitong nakasukbit sa likuran niya. Meron doong maliit na camera kaya ibinigay niya rin iyon sa kanya. Matapos nito ay umakyat na sila sa elavator papunta sa floor nila.

Napapangiti na lang si Crystal dahil mababakas ang pagka-excited sa mukha ng dalagita. Pasayaw-sayaw pa ito habang nagha-hum ng mahina.

"Ate hindi kaya siya galit sa akin?" biglang tanong nito.

Umiling si Crystal. "Hindi. Mabait 'yon."

"Paano kayo nagkakilala?"

Natigilan si Crystal sa tanong nito at nakangiwing tumingin sa dalagita. "Sabihin na lang natin na sinuwerte ako." Kinindatan niya ito.

Maarte itong lumabi. "Sana ako rin maka-meet ng Oppa. Sana si Lee Jung-suk maging jowa ko rin in real life! Hindi na pwede si Lee Hanuel eh hehe. Kaya ibang Lee na lang," anito.

Natawa na lamang si Crystal dahil sa sinabi nito. Nakatingin kasi ito sa itaas tapos magkasaklob ang dalawang kamay na para bang nagdadasal. Hindi na sumagot pa si Crystal dahil bumukas na ang elevator. Kumapit sa kanya si Jaime noong nasa tapat na sila ng pinto ng bahay nila.

"Ate.. yiiee!"

Ngumiti lang si Crystal at binuksan na ang pinto. Bumungad sa kanila ang mabangong amoy ng nilulutong pagkain. Pagkapasok nila ay hindi na niya sinabihan ang dalagita na hubarin ang suot nitong sapatos dahil nagtanggal na ito kaagad. 'Alam niya na talaga ang kultura nila.'

"What happened? Is it okay-"

"Waah! Oppa!" Hindi na natapos pa ni Hanuel ang tanong niya dahil biglang sumigaw ang dalagita at niyakap si Haneul. Nai-angat na lamang niya ang dalawang kamay na merong hawak na sandok. Nakaawang ang bibig at nalilitong tiningnan ni Hanuel si Crystal. Kumindat lang si Crystal sa kanya.

"W-Who are you?" nag-aalangang tanong ni Hanuel.

"I'm your fan Oppa! Waah! I can't breathe! You smell so yum- I mean good!" umiyak na ito dahil sa labis na kaligayahan. "I'm not dreaming, right?" Kumalas ito sa pagkakayakap kay Hanuel at tinitigan ang mukha nito. Dinutdot nito ng konti ang dibdib ni Hanuel. "Waah! You're real!" Muli itong yumakap kay Hanuel.

Napapangiwi na lamang si Hanuel at sinasamaan ng tingin si Crystal. Habang si Crystal naman ay natatawa lang na pinapanood ang dalawa. Lumapit na si Crystal sa dalawa at hinawakan sa balikat si Jaime.

"Halika? Doon tayo sa sala. Hintayin natin si Hanuel matapos magluto. Dito kana kumain." Pinandilatan siya ng mata ni Hanuel. Nginusuan niya lang ito at pinandilatan din ng mga mata. Ngumiti na lamang si Hanuel at umiling.

"Pwede po?" namamanghang tanong ni Jaime at nagpapalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa.

"It's okay, right oppa?" tanong ni Crystal at kinindatan si Hanuel. Marahang tumango si Hanuel.

"Yes. Of course. I'll be happy eating with my fan," ani ni Hanuel na hindi inaalis ang tingin kay Crystal.

"Yes!" Si Crystal namang ang niyakap ni Jaime ng mahigpit. "You're the best ate! I stan you!" masayang sabi nito. Natatawa na lamang na tumango-tango si Crsytal.

Nagtungo na sila sa sala at pinaupo roon ang dalagita. Manghang mangha ito sa itsura ng bahay na kanyang kinaroroonan. Hinayaan lamang ito nila Crystal.

"Why did you bring her here?" mahinang tanong ni Hanuel kay Crystal noong nasa kusina na sila. Tinulungan na kasi siya ng dalaga na maghanda ng pagkain.

"Fan ka kasi niya. Kawawa naman eh."

"After what she did to you?"

"It's okay. Sadyang nahibang lang siya sa 'yo. Hindi natin masisisi, bata eh."

Ngumisi si Hanuel. "Gwapo ko kasi." Sabay kindat kay Crystal. Napangiti na lang din si Crystal.

"Oo na! Ikaw na," sang-ayon niya rito.

Nang mahanda na nila ang pagkain ay tinawag na nila si Jaime sa hapag-kainan. Walang pagsidlan ang kaligayahan nito. Panay tanong ito kay Hanuel ng kung ano-ano na magiliw na sinasagot ng binata. Madali lang kasi pakisamahan ang dalagita kaya madali silang nagkasundo.

Lalo natuwa si Crsytal dahil tama ang naging desisyon niya. Naiisip niya na kung ano na lang ang nangyari sa buhay nito kung kinasuhan nila dahil sa pagiging fan niya. Walang masama umidolo ang kailangan lang ay kontrol sa sarili. Amiinin man kasi natin o hindi merong mga kabataan ang napapasobra sa pag-iidolo ng mga artista. Marami ang nakakalimot na at halos sambahin na ang mga ito. Hindi porket artista sila at kailangan nila ang mga paghanga natin ay kokontrolin na natin ang buhay nila. Kailangan nating alalahanin na meron din silang mga sariling buhay na iniingatan at yun ang dapat nating irespeto.



Chapter 28


"I have to go back to Korea," malungkot na sabi ni Hanuel isang gabi. Inalis ni Crystal ang tingin niya sa pinapanood na palabas at inilipat iyon sa binatang naka-unan sa hita niya. Nakapikit ito at nakakrus ang dalawang braso sa dibdib. Muling binalik ni Crystal ang mga mata sa pinapanood niya.

"Talaga? Kailan?" sagot niya. Nakaramdam ng lungkot si Crystal pero agad niya rin itong iwinaksi. Alam naman niya kasi na doon ang buhay ni Hanuel at hindi rito sa tabi niya.

"Yes. Maybe the next day. I have an upcoming drama, plus I still need to fix our company," paliwanag nito. Kumunot ang noo ni Crystal pero hindi ito nilingon at tinuon lang ang pansin sa pinapanood. Medyo nasa climax na kasi iyon kaya hindi niya maialis ang tingin dito.

"Company? Ano'ng nangyari?"

Bumuntong hininga si Hanuel at bumaliktad paharap sa may tiyan ni Crystal. Ipinaikot nito ang isang kamay sa bewang ng dalaga. Bahagyang napaigtad pa si Crystal nang maramdaman ang mainit na hininga nitong hininga sa kanyang tiyan.

"My... my father is on coma right now," malungkot na sabi nito at mas hinigpitan ang yakap kay Crystal.

"What?" gulat na tanong ni Crystal at tiningnan ang binita. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nakasubsob sa tiyan niya. "Kailan pa? Eh ano'ng ginagawa mo pa rito? Dapat hindi kana nagpunta rito kung ganon naman pala ang nangyari sa papa mo," puno ng pag-aalalang sabi ni Crystal.

"It's okay. Joseph is there now, and my stepmom and his son are already in jail. So, there is nothing to worry about anymore. I just have to wait for my father," ani nito.

"I don't understand. What really happened?"

Tumingin si Hanuel kay Crystal at noong makitang puno ito ng pag-aalala ay umupo siya. Hinarap niya ito. "My father's wife and his son tried to steal our company. But my father learns about their plan." Bahagya siyang tumigil at bumuntong hininga. "That is why he keeps on bugging me to focus on our company. But I'm too angry with him that time because my mother just died when he married that woman. If I just listen to him... hindi sana mangyayari sa kanya iyon," puno ng pagsisising sabi ni Hanuel.

Nakaramdam ng labis na pagkaawa si Crystal para kay Hanuel. Sinapo niya ang pisngi nito. "I’m... I'm sorry, hindi ko alam." Para siyang nahiya bigla. Bago kasi pumutok ang tungkol sa kontrobersya ay masama ang loob niya sa binata. Pakiramdam niya ay pinaiikot lang siya nito. Naisip niyang muli noong bigla itong umalis. 'Hindi kaya isa iyon sa rason?'

Umiling si Hanuel. "You shouldn't be sorry. You are the only reason why... why I'm still cooping up about everything." Ngumiti ito sa kanya at hinawakan ang mga kamay niyang nakahawak sa pisngi niya. Kinuha nito iyon at hinawakang maige iyon.

"But..." bumuntong hininga si Crystal. "You shouldn't be here. Dapat mas inisip mo 'yon kesa sa nangyari ngayon."

"No. I have to come here. I know you need my help. It's my fault. If it's not me, no one will tell you those things. And... I feel so hurt the moment I read what they are saying about you. Because I know who you really are, and it sad that they are throwing those words."

Hindi maiwasang mapangiti ni Crystal. Parang may humaplos sa puso niya dahil sa mga sinabi ng binata. "But still... dapat mas inisip mo ang kapakanan ng tatay mo kesa sa kung sino."

Tinitigan ni Hanuel si Crystal ng puno ng pagmamahal. "This is what I love at you... You always think about others first before yourself. That is why I want to be with you, to protect you because you tend to forget yourself," madamdaming sabi ni Hanuel.

"Thank you, Hanuel. I never expect us to be like this. I was ready to go kasi hindi ko na kinakaya pang pigilan ang sarili ko sa 'yo. Tsaka, masyado akong nasaktan sa mga sinabi mo."

"I'm sorry."

Ngumiti si Crystal. "It's okay. Wala na 'yon."

Biglang sumeryoso ang mukha ni Hanuel. "Why don't you come with me?"

"Saan? Sa Korea?" nagtatakang tanong ni Crystal. Tumango ang binala. Napataas ang dalawa niyang kilay at agad na umiwas ng tingin dito.

"I promise I will protect you there," pangako nito at hinawakan ang mga kamay niya. Pero hindi makasagot si Crystal. Iyon din naman ang gusto niya. Ang makasama ang binata. Kaso paano ang kanyang pamilya? Paano sila kung wala siya rito? At isa pa ano'ng gagawin niya roon? Andito ang buhay niya.

"I... don't know, Hanuel." Napakagat labi siya at tumungo. "My family... I can't leave them." Nalungkot siya noong marinig niya ang pagbuntong hininga nito.

"We will come back her-"

"Hanuel." Pinigilan niya itong magsalita. "Let's not take this fast. Bago lang tayo, hindi pa natin ang mangyayari in the future. At saka para na rin tuluyang kumalma ang lahat, diba?" Parang kinurot ang puso ni Crystal noong mabakas ang kalungkutan sa mukha ni Hanuel. Gustuhin man niyang sumama rito ay para sa kanya ay masyadong naging mabilis ang lahat para sa kanila. Mahal niya ito at ito ang gusto niyang makasama na rin dahil nga ito ang nakauna sa kanya pero masyado pang maaga.

Tumango si Hanuel at ngumiti ng mapait sa kanya. "Okay. I understand. But Crystal, I promise to you that my intentions are clean. I really like you."

"I know." Ngumiti ng ubod ng tamis si Crystal at dinampian ng halik ang labi ni Hanuel. Lalayo rin sana siya agad pero hinabol siya ni Hanuel at siniil ng halik. Nagulat man ay mabilis ding nakabawi si Crystal. Pinulupot niya ang kanyang mga braso sa batok ni Hanuel at gumanti sa mga halik nito.

Makalipas ang ilang araw ay naging tahimik na ang buhay ni Crystal. Wala nang mga nagch-chat sa kanya at tumatawag. Nawala na ang ingay ng kanyang pangalan. Matapos kasi ang meeting nila Crystal ay nagpa-interview na ang magpinsan at sinabing mali sila ng akala. Kagaya ng post ni Bryan ay hati ang mga opinyon ng mga tao pero halos lahat ay hinayaan na lamang ang issue. Meron pa rin siyang nakikitang mga post tungkol sa kanya pero hindi na kagaya rati. Meron din mga ginagamit ang larawan niya sa mga memes pero hindi namna sa ginagawa siyang katatawanan. Wala rin pake na si Crystal basta ba ay maging tahimik na ang lahat.

Kasalukuyang naglilinis ng unit nila si Crystal. Day-off niya ngayon sa kanyang trabaho. Tumawag kasi sa kanya si Hanuel at sinabi nitong uuwe raw siya. Ganadong ganado siya habang naglilinis suot ang pangbahay niyang damit. Naka-sandong kulay pula siya at cotton na maiksing shorts. Bukas ang TV na may naka-play na musika galing sa youtube.

Maaga siyang nagising nung araw na iyon para matapos din siya kaagad dahil balak niyang umuwe sa Cavite ngayong tanghali. Inabisuhan kasi siya ng nanay niya na malapit na raw matapos ang pagpapagawa nila ng bahay. Sa tulong kasi ng sweldong nakukuha niya galing kay Hanuel ay napaayos na niya ang bahay nila. May relasyon na sila ni Hanuel ngunit hindi pa rin tumitigil si Hanuel sa pagbibigay sa kanya ng pera. Pinapatigil na niya iyon kay Hanuel ngunit ayaw naman nito. Pati ang Credit Card na binigay nito ay hindi pa rin nito kinukuha sa kanya.

Una niyang nilinis ay ang kwarto nila, sunod ang kusina at noong nasa sala na siya ay biglang tumunog ang Cellphone niya. Dali-dali niya itong kinuha. Napakunot ang noo niya noong hindi niya kilala ang numerong tumatawag sa kanya.

"Sino 'to?" Hindi na niya sana sasagutin ngunit hindi tumigil sa pag ring ang cellphone niya.

"Hello?" Bungad sa kanya ng nasa kabilang linya. Lalaki ito at may kakaibang accent. "Crystal Jimenez?"

Kumunot ang noo niya noong binaggit nito ang pangalan niya. "Sino 'to?" tanong niya.

"English please," ani ng nito gamit ang accent nito. "I'm Chen." Hindi sumagot si Crystal at hinintay itong magsalita. "I'm from Lee Hanuel's agency."

Biglang nakaramdam ng kaba si Crystal sa huling sinabi nito. 'Agency? Bakit nila ako tinatawagan?' Tumikhin muna siya bago nagsalita. "Y-Yes? Why?"

"I know this is sudden. But we are calling you because we have a question for you. Don't worry, and this is for Lee Hanuel's well-being."

"Why? What happened to him?" nag-aalalang tanong ni Crystal. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. 'May masama bang nangyari sa kanya?'

"Sort of..." bumuntong hininga ito.

"W-What happened?" nanginginig na ang boses ni Crystal sa sobrang pag-aalala. Noong isang araw pa ang huling tawag sa kanya ni Hanuel kaya napaisip na rin siya na baka nga merong may hindi magandang nangyari sa binata.

"You're in a relationship with Hanuel?" deretsong tanong nito.

Napaawang ng bibig si Crystal. "I thought something happened to him?"

"Yes, but I have to know, agassi."

Kinalma ni Crystal ang sarili. "I'm sorry, but if you're not telling-"

"Fine. I know you will not answer my question but hear me out first." Tumigil ito saglit. Hindi na lang sumagot si Crystal at hinayaan itong magsalita. "Hanuel is on hiatus right now. Your problem is clear now but not his. I will send you some links and try reading them. But please, if you really love him. You'll let him go because being in a relationship with you is not good for his career. Unless you're also a star like him."

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Crystal dahil sa narinig at napanganga na lang. Ni minsan ay walang nabanggit sa kanya si Hanuel tungkol dito. Sa tuwing nagvi-video call silang dalawa ay palagi lang itong nakangiti sa kanya. Tuwing tinatanong niya ang tungkol sa trabaho nito ay sinasabi lang na ayos lang. Hindi na naman niya ito inuungkat pa dahil nasanay na siya sa ganon ang binata.

"I'm sorry if I'm telling you this, agassi. But you really have to break up with him. I know Hanuel, he really likes you because he keeps going to the Philippines just to see you. I already talk to him, but he just said it's okay. He doesn't care about himself, but I know you do. You love him, right? Then you should do what is right. You're no good for him. I'm sorry," deretsang sabi nito.

Hindi na nakasagot si Crystal at mayamaya pa ay naramdaman niya na lang ang pagtulo ng kanyang mga luha. 'Akala ko okay lang ang lahat. Bakit ngayon ay ganito? Masyado ba akong naging insensitive sa mga nangyayari kay Hanuel at mas nagtuon ako ng pansin sa nararamdaman ko? Noong una tungkol sa tatay niya ngayon naman dito sa career niya?' Nakaramdam ng panlulumo si Crystal. Akala niya ay okay lang lahat ng nangyayari kay Hanuel dahil ni minsan ay hindi nito ipinaramdam sa kanya na meron siyang problema.

Napaigtad si Crystal nang tumunog ang kanyang telepono. Meron doong message mula sa taong tumawag sa kanya. Napalunok muna siya at nanginginig na binuksan ang link na andoon. Tumambad sa kanya ang article na naglalaman tungkol kay Hanuel. Hindi kagaya niya hupa na ang usapin tungkol sa kanya, kay Hanuel ay hindi pa.

Ngayon ay bali-balita sa Korea na merong GF ang binata. Meron kasing TV show na nag guess ang binata rito. Tinanong doon kung single ba ang binata at ang sinagot nito ay hindi. Sinabi niya rin doon na isang pilipina ang GF nito ngunit hindi nagsabi ng pangalan. Dahil sa sagot nito ay hindi ito nagustuhan ng mga fans niya. Marami ang nagalit sa binata kaya marami ang hindi nanood sa bago nitong drama. Sobrang bumaba ang ratings niyon. Kagaya niya ay maraming nam-bash sa binata dahil sa nagkaroon ito ng GF.

Hindi alam ni Crystal kung magagalit ba siya o matatawa dahil sa nabasa. Eto na naman nangyari kagaya noong una. Papatayin na sana niya ang cellphone niya nang muling may text na pumasok doon.

"His shows got canceled because of this. We don't know when he can recover. Hanuel loves acting, and this is his passion. So please if you care for him. Let him go."



Chapter 29


Pinagmasdan ni Crystal ang nahihimbing na si Hanuel. Nakatagilid ito paharap sa kanya habang nakapulupot ang kamay sa kanyang bewang. Halos nakasubsob na rin ang mukha nito sa dibdib ni Crystal. Bahagya niyang hinahaplos ang mukha nito at sinusuklay ang buhok nito. Hindi maiwasang makaramdam ng pagkirot sa kanyang puso habang tinitigan ang binata. Mahimbing ang tulog nito ngunit mababakas sa kanyang mukha na pagod ito. Bumuntong hininga siya at yumakap kay Hanuel. Parang na alimpungatan si Hanuel sa paggalaw niya dahil umungol ito.

"Good morning," inaantok pang bati ni Hanuel kay Crystal. Nakapikit pa rin ang mga mata nito at mas hinigpitan ang yakap sa dalaga.

"Good morning din," bati ni Crystal. Muling bumuntong hininga si Crystal. Na alala niya kasi ang sinabi ng agency ni Hanuel. Bagamat hindi pa niya na itatanong sa binata ang tungkol sa trabaho nito ay iwawaksi na lang sana niya iyon. Ngunit noong sinabi ni Hanuel na baka magtagal siya sa Pilipinas ay napaisip si Crystal. Dalawang araw na niyang kasama si Hanuel at palihim niyang tinitignan ang mga balita tungkol sa kanya galing sa Korea.

Habang tumatagal ay lalo siyang nakokonsensya. Pakiramdam niya ay maling naging mas malalim pa ang relasyon nila Hanuel. Para kay Crystal ay mas maganda siguro kung hindi nagbago ang naging relasyon nila.

"Hey?" nakakunot ang noong tawag ni Hanuel kay Crystal. Sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya namalayan na kanina pa pala siya kinakausap ng binata.

"H-Ha?"

"What's wrong? Are you okay? Mula nung dumating ako palagi kang natutulala," nag aalalang tanong nito sa kanya at umupo.

Umiling si Crystal. "Wala. Ano lang, may iniisip lang." Pinilit niyang ngumiti kay Hanuel. Nagdududa siyang tinitigan ni Hanuel.

"Really? You didn't even hear that we're going to Baguio today, right?"

Nanlaki ang mga mata ni Crystal at biglang napaupo paharap kay Hanuel. "Baguio? Anong gagawin natin doon?"

"Nothing. I just want to spend more time with you while I'm still here." Kumindat ito sa kanya. Kumislot ang kanyang puso dahil sa sinabi nito ngunit agad ding napalitan ng lungkot iyon. Hindi kasi mawala sa kanyang isipan ang sinabi ng nakausap niya.

"But... Isn't it risky? Maraming makakakita sa atin doon," ani niya. Umiling si Hanuel.

"I don't care. I love you, Crystal," malambing na sabi nito at dinampian siya ng halik sa labi. "I'll cook for our breakfast." Tumayo na ito at lumabas ng kwarto.

Naiwang nakanganga si Crystal at pinoproseso ang sinabi ng binata. Oo nga't meron na silang relasyon ngunit ngayon lang sinabi ng binata na mahal siya nito. Napasapo siya sa dibdib. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

"His shows got canceled because of this. We don't know when he can recover. Hanuel loves acting, and this is his passion. So please, if you care for him. Let him go."

Unti-unting tumulo ang mga luha niya at napahikbi. 'Paano? Paano ko siya iiwan kung mahal naman ang isa't isa? Masama bang magkagusto ang isang kagaya niya sa katulad ko? Ano bang mali roon?' Tinakpan ni Crystal ang kanyang bibig dahil napapalakas na ang paghikbi niya. Minabuti niyang tumayo at pumunta sa banyo. Doon niya binuhos ang hinanakit niya sa buong mundo. 'Tao lang naman din sila na gustong magmahal pero bakit hinahadlangan nila?'

"No!" Napataas na ang boses ni Hanuel dahil sa kausap nito sa kabilang linya. Dahan dahan na lumabas si Crystal sa kwarto at tahimik na naglakad palapit kay Hanuel na merong kausap sa telepono. Nasa terrace ito at panay ang pagparoot parito. Madilim ang mukha at mababakas ang galit sa mukha nito. "You should fix that it's your work!" Bahagya itong tumigil. Nasapo na nito ang sentido at bahagyang hinilot-hilot.

"No! I told you I would not take my words. I'm ready to tell everyone about her. I love her, and I don't care if I lose my fame just because of that. No one will dictate my feelings!" mariing sabi nito at pinatay ang telepono. Inilapag ni Hanuel ang hawak niyang cellphone sa lamesita na nasa labas. Marahas itong bumuntong hininga at tumingin sa langit.

Napakagat ng labi ni Crystal at napatungo. Babalik na sana siya sa loob ng kwarto pero natigilan siya dahil tinawag siya ni Hanuel.

"Crystal. Kanina ka pa diyan?" Narinig niya ang yabag nitong papalapit sa kanya. Agad niyang pinunasan ang mga luhang patulo na sana.

"H-Hindi. Kalalabas ko lang, may nakalimutan lang ako sa kwarto," tanggi niya. Niyakap ni Hanuel si Crystal mula sa kanyang likuran. Para siyang kinuryente noong maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang batok. Kinagat ni Crystal ang likod ng kanyang labi upang pigilan pagkawala ng impit niya. "S-Sino yung kausap mo?" tanong niya.

"Wala. Galing sa trabaho. But it's okay," ani nito na parang kanina ay hindi nagagalit sa kausap. Kumalas sa kanya si Hanuel at hinarap siya. Marahang hinawakan ni Hanuel ang baba niya at saka iniangat ang mukha niya. Kumunot ang noo nito nang magtama ang mga mata nila. "Did you cry?"

Nagiwas ng tingin si Crystal. Lumunok siya ng laway at muling tumungo. "Sa tingin mo ba tamang naging tayo?" malungkot niyang tanong.

"Of course! What's wrong- What you see online is not true, Crystal. Don't mind them." Hinawakan ni Hanuel ang magkabilang braso niya.

"Pero.. baka mawalan ka ng trabaho dahil sa akin. Diba gustong gusto mo ang pag-aartista?"

"You heard us.." Bumuntong hininga si Hanuel. "You don't have to worry about it, okay?" paniniguro nito sa kanya.

"Pero Hanuel-"

"Sshh.. just trust me okay?" Ngumiti ito sa kanya. Hindi na nakapagsalita pa si Crystal at tahimik na tumango. Hinagkan pa muna siya nito sa noo saka nagpaalam para ihanda ang almusal nila.

Matapos nilang mag-almusal ay pinaghanda na siya ni Hanuel ng mga dadalhin nila papunta s Baguio. Balak nitong magtravel sila sa buong Pinas at pagkatapos naman daw ay sa ibang bansa. Ayaw sana pumayag ni Crystal dahil nga sa baka meron na naman sa kanilang makakita at muli ay ma-bash ang binata. Ayaw na sana niya dagdagan pa ang problema nito ngunit mapilit ang binata kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang sumunod dito.

Pero hindi pa sila nakakalabas ng bahay ay merong tumawag kay Hanuel. Kitang kita ni Crystal ang pag-aalala sa mukha ni Hanuel. "Is he okay now?" nag-aalalang tanog ni Hanuel. "Okay. I'll go home now," ani nito at ibinababa na ang telepono. Balisang bumaling ng tingin si Hanuel kay Crystal. "I'm sorry, but I have to go back to Korea now. Something came up."

"What happened?" tanong niya.

"I'll explain to you everything when I came back. Just wait for me, okay?"

"O-Okay," tumango si Crystal kahit na nalilito pa rin. Ngumiti sa kanya si Hanuel at dinampian siya ng halik sa noo.

"Always remember that I love you Crystal," ani nito. Kinuha muna nito ang mga papel niya saka umalis na ng bahay.

Naiwan si Crystal na sobrang nalilito. Hindi mawala ang kaba sa kanyang dibdib dahil kitang kita niya ang pag-aalala sa mukha ng binata. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-browse sa internet kung ano ang nangyari. Nagbabakasakali siya na makasagap siya ng balita.

At hindi nga siya nagkamali.

Natutop niya ang kanyang bibig nang mabasa niya ang isang article. Muntik nang maaksidente ang tatay ni Hanuel dahil sa mga reporter na gustong makausap ang binata. Marami rin sa mga negosyo nila ang sinusugod ng mga galit na fans. Sumusugod sila roon para manira at manggulo. Binabantaan nila si Hanuel na hindi titigil hanggat hindi nito tinitigil ang pakikipag-relasyon sa iba.

Hindi na kinaya ni Crystal ang pagbabasa dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Paulit-ulit niyang tinatanong ang sarili niya kung bakit sila ganoon. Bakit nila nagagawang manggulo na at manakit nang dahil lang sa kagustuhan nilang masolo ang binata. Napahagulhol na lamang si Crystal. Gusto niyang magtiwala at panghawakan ang sinabi ni Hanuel.

'Pero paano ako kakapit kung mundo na mismo ang pumipigil sa amin?'



Chapter 30


Isinandig ni Hanuel ang pagod niyang katawan nang makapasok siya sa loob ng kotse niya. Pagkatapos ay tumingala siya at ipinikit ang mga mata. Hindi na niya nilingon pa ang pagtabi ng manager niya at PA.

Katatapos lang ng ginawa niyang press-con para sa issue patungkol sa kanya. Ayaw sanang itanggi ni Hanuel ang tungkol sa relasyon nila ni Crystal ngunit wala siyang magawa dahil pati ang kanyang ama ay nadadamay na. Maging ang kanilang negosyo na walang kinalaman sa kanyang trabaho ay nadadamay na rin.

Napabuntong hininga siya. 'I hope Crystal won't see my interview,' nahiling niya. Mariin niya kasing tinanggi na wala siyang karelasyon ngayon at single siya. Nag aalala siya na baka kapag mapanood 'yon ni Crystal ay masaktan ito. Alam naman niya na uunawaan siya ng dalaga ngunit hindi pa rin mawala ang pag-aalala niya.

"Give me my phone." Napabalikwas siya noong maalala niya ang dalaga. Mula noong nakauwe siya sa Korea ay hindi niya pa ito nakakausap. Mabilis naman itong inabot ng PA niya na nasa likod nila.

"You will go home?" tanong sa kanya ng manager niya. Tumango lamang siya rito at idinayal ang numero ni Crystal. Napabuntong hininga na lang siya ulit nang hindi niya ito makontak.

Hindi niya tuloy maiwasang mag alala sa nangyayari rito. Wala naman siyang nakikita sa internet kaya hindi siya nagaalalang nagti-trending na naman ito.

"The agency is offering you a new drama. It would help if you accept it to start again," ani ng manager niyang lalaki—Umiling lamang si Hanuel.

"I told you I want to take a break."

"But Hanuel, this is a good opportunity for you. Your fans are-"

"I don't care!" putol niya sa sinasabi nito. "I told you I want to take a break from this whole drama. I already give you what you want, so stop forcing me now."

"But-"

"Mr. Chen please?" iritableng pigil niya muli rito. Ayaw niya talaga munang bumalik sa mundo ng showbiz dahil sa nangyari. Kung pwede lang ay dumeretso na siya ngayon sa airport para makausap at muling makasama ang dalaga ay ginawa na niya. Ang kaso ay kailangan pa niya munang bumalik sa kanila dahil kakausapin daw siya ng tatay niya. Hiniling din nito na pansamantala munang magtrabaho sa kanila kaya isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw niya munang bumalik sa trabaho.

Kailangan niyang pagaralan ang tungkol sa company nila.

Narinig niyang bumuntong hinga ang manager niya ngunit hindi na ito nagsalita. Alam kasi nito ang ugali. Likas naman sa dito ang pagiging makulit ngunit sa huli ay siya pa rin ang nasusunod. Gusto kasi palagi ni Chen na tatanggapin niya ang mga projects na nadating para sa kanya. Okay lang naman iyon para kay Hanuel kaso sa ngayon ay buo ang loob niyang magpahinga muna sa showbiz.

Muli niyang dinayal ang numero ni Crystal at noong hindi pa rin niya ito makontak ay humalukipkip na lamang siya at ipinikit ang mga mata.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na sila sa bahay nila. Mula noong nagkasundo sila ng ama at nakarecover na ito mula sa pagkaka-comatose nito ay sa bahay na nila siya ulit umuuwe. Wala na kasi itong kasama ngayon dahil nasa presinto pa rin ang stepmother niya at anak nito. Gumugulong na rin ang kaso ng mga ito pati ang divorce nila.

Pagkababa niya ay nakita niya ang kanyang ama na nagkakape sa bakuran nila. Malaki ang kanilang bahay na merong dalawang palapag. Malaki iyon ngunit hindi mo matatawag na isa itong mansyon dahil ang mama niya ang nagdisenyo niyon. Mahilig kasi sa simpleng bagay ang kanyang ina kaya kahit gusto ng kanyang ama ng mansyon ay hindi ito pumayag. Gusto rin kasi ng kanyang ina na matuto siya. Na kahit marami silang pera ay maging mapagkumbaba pa rin siya.

Kinawayan siya ng kanyang ama. Nakaupo ito sa bakal na upuan. Merong hindi kalakihang bakal na lamesa sa harap nito at tatlo pang upuan na nakapalibot. Bermuda ang sahig ng kanilang bakuran at maraming mga magagandang mga bulalak na nakatanim sa paligid ng bakod nila. Hanggang ngayon ay inaalagaan iyon ng mga katiwala nila. Mariin kasing pinagbilin ng kanyang ama na hindi babaguhin ang bakuran nila at alagaan ang mga tanim doon. Dahil ito na lamang ang naiwang alaala ng kanilang ina. Ang kanilang bakuran at ang mga halamang mahal na mahal nito.

Yumukod muna siya sa kanyang ama saka umupo sa tabi nito.

"I watched your presscon, son." Hindi sumagot si Hanuel sa sinabi nito at nag-iwas ng tingin. "Thank you."

Mapait siyang ngumiti. "You're my only family. I never wish ill for you, Dad."

"I know that even if you never listen to me, you still care. And I'm proud of you because of that."

"Dad. Let's not talked about it anymore. You will just cry again," biro niya. Natawa naman ng bahagya ang matanda.

"Okay. You're right." Bumuntong hiniga ito. "But, are you really in a relationship now?" biglang tanong nito. Marahang tumango si Hanuel.

"Yes, she's a Filipina."

Napalabi ang kanyang ama at tumango-tango. "Hmm... really? Is she also a celebrity?"

"No." Nagaalangang umiling si Hanuel. "Why?" Ni minsan kasi ay hindi pa niya nakausap ang kanyang ama tungkol sa mga nagiging karelasyon niya. Ngayon lang ito nagtanong tungkol sa buhay pag-ibig niya. Kahit noon na nabubuhay pa ang kanyang ina.

"Nothing. So, how's your relationship with her?"

"She’s... good. I mean, she's different from other girls I always see at work. She's unique and amazing," napapangiti niyang sabi. Muli niyang na alala ang mukha ng dalaga kaya bumilis bigla ang tibok ng kanyang puso.

Tinitigan siya ng kanyang ama. "So, you really like her?"

"Nope. I love her, Dad. I can feel it. I love her."

Bumuntong hininga ang kanyang ama. "Okay." Tumigil muna ito saglit at tumungo. "I would have convinced you to get married if you didn't say that."

Nanlaki ang mga mata ni Hanuel sa sinabi ng kanyang ama. "What? No, Dad."

"I know." Tumango-tango ang kanyang ama. "Your Uncle suggested it. The daughter of the Park Family is single now and also an actress. Your fans will not say anything because you work in the same field," paliwanag ng kanyang ama.

Napapalatak naman si Hanuel. Ang tinutukoy nito ay si Jenny Park na kababata niya. Matagal nang kaibigan ng pamilya nila ang pamilya nito. Kasa-kasama niya rin ang dalaga noon nung nag-uumpisa pa lang siya mag-artista kaya na engganyo na rin ito.

"Dad, she's like a sister to me. And Jenny won't like it because she's in a relationship too!" reklamo niya.

"That is why they are saying that the two of you should get married. Her father doesn't like the guy she's dating now."

Hinawakan ni Hanuel ang kanyang sentido at bahagya itong hinilot. Iniisip niya palang na magiging asawa niya ang dalaga ay kinikilabutan na siya. Magkaibigan sila ngunit hanggang doon lang iyon. At isa pa, hindi totoong lalaki ang kasintahan ngayon ng dalaga. Front lang nila iyon dahil pihadong magiging usap-usapan din ang dala ng mga fans nito. Hindi rin kasi magiging maganda sa kanyang imahe nito sa mundo ng mga negosyante kapag malamang babae rin ang karelasyon ng dalaga. Lalong hindi rin ito gugustuhin ng mga magulang ng dalaga. Masyado kasing mga konserbatibo ang mga ito.

"That idea is ridiculous, dad," ani niya na sobrang namoroblema.

"Don't worry. I will not force you to get married. I married your mom because I love her, so I also want you to experience that." Nalungkot bigla ang kanyang ama nang maalala nito ang kanyang ina. "I just wish for you now to help me first in our company. I'm getting older."

"You're fine, dad. Don't worry." Nginitian niya ang kanyang ama.

Lumipas ang ilang araw na naging linggo at hanggang sa umabot ng tatlong buwan ay naging abala si Hanuel sa kanilang kompanya. Inaral niya maige ang mga ginagawa nila roon. Binisita niya ang bawat branch ng kanilang negosyo sa Korea para matignan ang kagayan nito ngayon. Ginawa kasi siyang Acting Chairman ng kanyang ama at nagpahinga na lamang muna ito habang siya ang na andoon. Tatanggi sana siya ngunit mas makakatulong daw iyon para matuto siya agad. Na mukhang epektibo naman dahil mula noong siya ang humawak ng kompanya nila ay tumaas ang sales nila.

Hindi rin muna siya tumanggap ng mga projects sa ngayon kahit na ilang beses na siya kinukulit ng manager niya at ng agency nila. Wala na naman nangba-bash sa kanyang mga fans at naging tamihim na ang buhay niya. Wala pa rin siyang balak bumalik muna sa pag-aartista. Gusto niyang mag focus muna sa kompanya nila. At nag-iisip na rin siyang tuluyan nang iwanan ang mundo ng showbiz dahil nawiwili na siya sa kompanya nila.

Sa loob ng tatlong buwan ay hindi niya rin nakausap si Crystal. Kapag meron siyang bakanteng oras ay sinusubukan niya itong tawagan ngunit hindi niya ito talaga makontak. Palagi naman niyang nakakalimutan na kausapin si Joseph para kamustahin si Crystal. Abala rin kasi ito dahil ito ang naging secretary niya habang nasa kompanya.

At ngayon na medyo naging magaan ang oras niya ay na isipan na niyang bisitahin ang dalaga. Labis na siyang nasasabik na makita ito dahil sa ilang buwan na hindi sila nagkita. Hindi na siya sinamahan pa ni Joseph dahil habang wala pa siya sa Korea ay ito ang pinaasikaso niya. Hindi na rin niya sinubukan pang kontakin ito dahil balak niya sana itong sorpresahin.

Pagkalabas niya sa airport ay dumeretso siya sa kompanyang pinagta-trabahuan nito. Meron siyang kotse na nakapark sa airport kaya hindi niya problema ang transportasyon. Kaya hindi rin siya nagaalala ngayon na makita siya ng tao dahil nasa loob lang siya ng kotse.

Dapit hapon na noong dumating siya kaya madali lang siya sa Pilipinas kaya hindi na rin magtatagal at maglalabasan na sila Crystal. Balak niyang sunduin muna ito tapos magtake-out sila ng pagkain mula sa paborito nitong kainan. Lumipas ang ilang sandali ay meron na siyang nakitang mga naglabasan mula sa building. Tinitigan niyang maige ang mga lumalabas hanggang sa makita niya ang kaibigan ni Crystal. Ngunit nagtaka siya kung bakit mag-isa lamang ito. Naglakad ito papunta sa waiting for shed. Napagdesisyunan na niyang bumaba sa kotse noong makita niyang wala nang ibang lumabas na tao sa building.

Hindi naman siya natatakot na makilala siya ng mga tao dahil nakasupot siya ng face mask at sunglasses. Naka sombrelo rin siya para lalong matakpan ang kanyang mukha. Hindi naman din kapansin-pansin ang kanyang suot dahil naka T-shirt lamang siyang pula at kupas na pantalon na binagayan niya ng rubber shoes na kulay itim. Kaso ganon pa rin dahil merong mga napapatingin sa kanya. Siguro ay dahil na rin sa kanyang katangkaran at likas na pansinin siya ng mga tao.

"Miss, wait!" tawag niya kay Ynette at hinawakan ito sa braso. Bahagya pang nahintakutan ang dalaga dahil nanlalaki ang mga mata nito at nakakapit sa bag nito.

"Sino ka?!" gulat na tanong nito. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko siya.

"It's okay! May itatanong lang ako."

"Ha?! Holdapper ka 'no?! Tu-"

"Shh! No! I'm not!" Natigilan ito noong mag english at sinuri siya. Tiningnan siya ni Ynette mula ulo hanggang paa. Bahagya niyang itinaas ang suot niyang sunglasses para makita nito ang kanyang mga mata at saka muling isinuot iyon.

Napabuka ito ng bibig at bigla siyang hinila sa gilid. "L-Lee Hanuel?" paniniguro nito. Marahan siyang tumango. "OMG!" impit na tumili ito at bahagyang nagpapadyak. Napangiwi na lamang si Hanuel at kinamot ang likod ng kanyang ulo. "Hindi ako makapaniwala na kaharap na kita!" kinikilig nitong sabi. "I'm a fan!"

"T-Thank you," nahihiyang sabi ni Hanuel.

"Why are you here?" tanong nito noong maka-recover.

"Where's Crystal? I didn't see her coming out with you."

Napakunot ng noo si Ynette at nagtatakang tiningnan ang binata. "You... didn't know?" tanong nito.

"Ha? Why?" tanong ni Hanuel. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siya kinabahan sa ekspresyon nito.

Bumuntong hininga muna si Ynetter at saka lumungkot ang mukha. "Nag resign na siya magti-three months na ata. Hindi mo ba alam?"

"What?" gulat na tanong ni Hanuel. Oo gusto niyang tumigil na ang dalaga sa trabaho nito ngunit mariin itong tumatanggi dahil gusto niya raw at nasanay na ito na nagta-trabaho siya.

"Hindi mo talaga alam?" nagdududang tanong ulit ni Ynette.

"I didn't know."

"Actually, matagal na kaming hindi nagkikita. Nagkaka-chat na lang kami sa ngayon. Tinatanong ko siya kung bakit pero sabi niya lang ay lilipat si-"

"Hold on. You mean..." Natigilan si Hanuel at parang binundol ng kaba. "I'm sorry, I have to go. Thank you."

Hindi na niya hinintay pang makasagot si Ynette at mabilis na sumakay sa kanyang kotse. Hindi niya maipaliwanag kung bakit sobra siyang kinakabahan ngayon. Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili ngunit hindi niya iyon magawa.

"Please, Crystal," usal niya habang nagmamaneho. Pakiramdam niya ang bagal ng oras dahil sa pagmamadaling kanyang nararamdaman. Kung pwede nga lang liparin niya ang kalsada para makarating agad sa kanila ay ginawa na niya. Wala tuloy siyang magawa kundi ang huminga nang malalim habang pilit na kinakalma ang sarili.

Ilang sandali lang ay narating na niya ang condo building na tinitirhan nila. Mabilis siyang umakyat ng elevator at hinintay na makarating sa floor nila. Panay tuloy ang reklamo niya sa sarili kung bakit sa pinakataas pa ang pinili niya.

Pagkarating niya sa floor nila ay mabilis siyang lumapit sa pinto ng unit nila. Kinakabahang binuksan niya iyon.

Katahimikan.

Iyon ang sumalubong kay Hanuel. Madilim ang buong unit maliban sa door entrance na merong ilaw dahil andoon pa siya. "Crystal?" tawag niya sa dalaga ngunit walang sumagot. Binuksan niya ang ilaw at naglakad papuntang kwarto ngunit wala rin doon ang dalaga. Maging sa banyo.

Napapailing na siya dahil sa unti-unti na siyang sinasampal ng katotoohanan. Nagmadali siyang lapitan ang closet nito ngunit nanlumo siya nang makitang wala na iyong laman.



Chapter 31


"Everyone, Lee Hanuel Oppa!" sigaw ng babaeng host ng meet and greet ni Hanuel. Malakas na sigawan ang ibinalik ng mga fans niyang labis na natutuwa nang makita siya.

Isa't kalahating taong ang makalipas noong muling napagdesisyonan ni Hanuel na muling bumalik sa mundo ng showbiz. Na isipan ng management niyang magmeet and greet sila dahil marami ang mga fans na hinihiling iyon sa kanya. Katatapos lang kasi nila mag shooting ng bago niyang drama.

"Anyeong!" masaya niyang bati at umupo sa tapat ng host. Lalo naman nagsigawan ang mga fans niyang may mga dalang banners na nakasulat ang pangalan niya. Nasa isang stage si Hanuel at merong dalawang malalaking speaker sa may gilid ng stage. Ang mga fans naman na dumalo ay nasa tapat nila. Nasa isang tagong studio sila na tanging mga nakakuha lamang ng ticket online ang nakapunta kaya hindi rin ganon karami ang nakadalo. Ngunit halos mapuno na ang studio sa daming tao.

Nagumpisa na sila sa unang bahagi ng programa nila. Yun ay ang interview-hin si Hanuel. Maraming natanong sa kanya ang host na galing sa mga fans tungkol sa kanya at sa parating niyang drama. Hanggang sa mapadako sila sa usaping pag-ibig.

"So, Oppa. Everyone is very curious about this now. Is Lee Hanuel is in a relationship now?" kinikilig na tanong ng host. Biglang natahimik si Hanuel at bahagyang nalungkot. Tumahimik din bigla ang mga fans dahil napansin nila iyon. "Ahm... it looks like I ask a wrong question?"

"No." Umiling si Hanuel. "It's okay." Bumuntong hininga muna siya at mapait na ngumiti sa mga fans niya. "Actually, I'm not. But... I don't know if this is okay to tell you everyone but, sasabihin ko pa rin." Napamaang ang lahat ng tao nang bigla siyang magtagalog.

"OMG! You how to speak tagalog?!" gulat na tanong ng host.

"Yes. I can understand you all. But that is not the main point here." Nagugulantang man ay tumahimik ulit ang mga fans niya. "I have this girl na nakilala ko three years ago. She's a Filipina by the way. At first, I didn't mind about her. Pero habang tumatagal na nakakausap ko siya ay nalaman ko na lang na unti-unting nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya. That time wala akong ibang naisip kundi yung nararamdaman ko sa kanya pero hindi ko namalayan na sumuko na lang siya." Bahagyang napatawa si Hanuel. "But I'm wrong. Hindi siya sumuko. Lumayo siya dahil sa sobrang pagmamahal niya sa akin. Ang hirap maging artista dahil maging mga taong mahal mo ay nagsasakripisyo sa 'yo." Hindi namalayang ni Hanuel na tumulo na ang luha niya. "Kaya kung makikita ko siya ulit at muling mapagbigyan kaming dalawa? Hinding hindi ko na siya bibitawan. Malaking pagkakamali na hindi ko siya hinanap ulit at hinayaan na lamang na lumayo siya. Kaya kung nakikinig ka man ngayon. I promised, no matter what the world says. I will love you and take care of you always. Kahit anong sabihin ng mundo na hindi nila gusto ang relasyon natin. This time I will choose the girl I love, not something I love."

Natahimik ang mga fans ni Hanuel. Lahat sila ay nagulat sa sinabi ng binata. Tanging mga pagsinghot lamang ang narinig sa buong studio. Mayamaya ay may bigla na lang naglakad sa may tapat ng stage tumungo.

"Sorry, Oppa!" Suminghot ito. "Sorry kasi dahil sa amin nangyari sa inyo ni Ate 'yan! Sorry po talaga!" Tumayo ng maayos ang dalagang umiiyak. Si Jaime. Ngumiti siya kay Hanuel na nagulat noong makita siya. "Sorry kung pati buhay niyo ay pinakikialaman naming mga fans mo. Pinapangako po namin na susuportahan ka namin sa kahit na anong gawin mo sa buhay! Diba?" tanong ni Jaime sa ibang fans ni Hanuel. Ilang sandali pa muna bago sunod-sunod sumang-ayon ang mga ito sa kanya. Sabay-sabay na yumukod ang mga fans ni Hanuel at huminge ng tawad sa kanya. "We will support you all the way Oppa!"

"T-Thank you," nagagalak na lamang na nasabi ni Hanuel. Lalo siyang nabuhayan dahil sa sinabi nito. Ngunit kahit na hindi nila iyon sinabi ay buo na ang desisyon niyang hanaping muli ang dalaga.

"We love you, Oppa!"

****

"Whoo!" malakas na sigaw ni Ynette habang gumigiling. Napapangiwi na lamang si Crystal habang pinapanood ang kaibigan. Hindi siya sumunod sa dance floor kahit na hinihila siya nito. Wala siyang ganang sumayaw at magclubbing, pinagbigyan lang niya ang kaibigan niya dahil kinokonsensya siya nito. Hindi manlang daw kasi siya nagpasabi na uuwe na pala siya galing sa Italy.

Matapos niya kasing mag-resign sa trabaho niya ay nag-apply siya agad sa isang kompanya na nagpapadala sa ibang bansa ng mga pinoy para doon magtrabaho. Isang kalahating taon pa lang siya roon ngunit naisipan niyang huminge ng leave ngayon dahil magpapasko na at gusto niyang makita ng nanay niya.

"Ano ba, Crystal? Iinom ka na lang ba diyan? Kaya ka hindi nagkakajowa eh!" biro sa kanya ng kaibigan niya. Bumalik na kasi ito sa table nila. Hinihingal ito ngunit hindi nito alintana iyon. Umupo ito sa tabi niya at saka tumungga ng alak. Inirapan niya ito.

"Ewan sa 'yo! Pwede naman kasing kumain na lang tayo sa labas! Kapag 'to malaman ni Kano ewan ko na lang sa 'yo," ganti niya rito. Tumawa lang si Ynette.

"Ayos lang 'yon ano ka ba?" Nagkaroon kasi ito ng asawang foreigner. Taga-Canada iyon at isang taon na silang kasal. Isa ito sa dahilan kung bakit wala siyang nagawa sa gusto nito ngayon dahil hindi siya nakadalo sa kasal nito. "Halika na kasi! Tunggain mo na 'yan!"

Natatawang sinunod niya ito. Nakaramdam siya agad ng pagkahilo. Ikalawang bote pa lang naman niya iyon ngunit mahina talaga siya sa alak kaya nahihilo siya agad. "Magsi-cr muna ako," paalam niya rito at tumayo sa kinauupuan. Tumango lang sa kanya si Ynette at muling uminom ng alak.

Agad siyang pumunta sa banyo ng mga babae. Pagkatapos ay lumabas din siya agad doon. Ngunit hindi pa man siya nakakalapit sa table nila ay natigilan siya. Meron kasing lalaking naglalakad mula sa ikalawang palapag ng club na naka titig sa kanya. Andoon ang mga VIP sa itaas na gustong meron silang sariling kwarto. Pababa ito sa hagdan at noong marating nito ang huling baitang ay tumigil ito at nakipagtitigan sa kanya.

Parang biglang nag slow motion ang paligid ni Crystal. Pakiramdam niya ay tumigil ang oras noong matitigan niya ang binatang nakatingin sa kanya. Nakangiti ito at maluha-luha ang mga mata. Talong metro ang layo niya rito ngunit malinaw niyang nakikita ang maamo at gwapong mukha nito.

Natutop si Crystal ang kanyang bibig. Hindi niya namalayan na unti-unti na palang lumuha ang kanyang mga mata.

Hinding hindi niya ito makakalimutan. Kahit malayo siya ay tahimik niyang sinusubaybayan ang buhay nito. Halos lahat ata ng mga palabas nito ay napanood na ni Crystal para lang maibsan niya ang lungkot na nararamdaman niya. Sobrang na miss niya ito.

Habang malayo siya rito ay wala siyang ibang hiniling kundi ang kaligtasan nito at mabuting kalusugan. Walang araw na hindi niya ipinagdadasal na sana ay nasa mabuti itong kalagayan. Kasabay n'on ang panalangin niya na muling makita ang binata. Makita at muling mapagbigyan ang kanilang na udlot na pagmamahalan dahil sa pagpigil ng mundo sa kanila.

'Ipinapangako ko kapag mabigyan tayong muli ng ikalawang pagkakataon ay hinding-hindi na ako susuko sa 'yo. Hinding hindi kita iiwan at tatatagan ko ang loob ko para sa 'yo. I will trust and love you with all my life. Hinding hindi ako magpapadala sa sinasabi ng mundo. Susundin ko ang sigaw ng puso't isipan ko. Mahal na mahal kita, Lee Hanuel.'



Epilogue


Napangiti si Crystal noong makapasok na siya sa loob ng condo unit ni Hanuel. Ni sa kanyang hinagap ay hindi niya inakala na makakabalik pa siya sa lugar na ito. Noong umalis siya papuntang abroad ay tinanggap na niyang hindi na ulit magtatagpo ang mga landas nilang dalawa. Ngunit limang buwan na ang nakalipas noong magtagpo silang muli ni Hanuel. Mula rin noong ay hindi na hinayaan pa ng binata na hindi sila magkabalikan.

Napaigtad si Crystal noong maramdaman niyang mayroong yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran.

“I missed you,” bulong ni Hanuel kay Crystal.

Pakiramdam ni Crystal ay nanindig lahat ng kanyang mga balahibo noong tumama sa kanyang balat ang maiinit na hininga ng binata. Agad siyang pinamulahan ng pisngi. Hinawakan niya ang braso nito at lumingon dito.

“Miss mo pa rin? Hindi na nga tayo mapaghiwalay. Hindi ka pa ba nagsasawa sa akin?” pabirong sabi ni Crystal.

Agad na nangunot ang noo ni Hanuel. Umiling-iling siya at pinihit paharap si Crystal sa kanya. Mas lalo pa niyang idiniin ang katawan nito sa kanya. "I can't live a day without you by my side, Crystal." Hinalikan niya ito sa labi saglit at saka tinitigan sa mga mata. "I will never let you go again. Kung kailangan isama kita sa lahat ng pupuntahan ko, gagawin ko. H'wag ka lang ulit

mawala sa akin."

Ngumiti nang malapad si Crystal. Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa batok ng binata. "Don't worry, Oppa. Hindi na ako aalis ulit."

"Promise?"

Tumango si Crystal. "Promise."

"Then, let's start over again here," ani Hanuel at saka binuhat si Crystal.

Dinala niya ang dalaga sa sofa at marahang iniupo ito roon. Tumayo si Hanuel at pinagmasdan ang dalaga. "Marry me, Crystal."

Biglang binundol nang matinding kaba si Crystal. Nalilitong tinitigan niya ang binata. Ang sabi lang kasi sa kanya ni Hanuel ay andito sila para bisitahin muli ang condo unit. Balak kasi ng binata na rito muna sila tumira habang ginagawa pa

ang bahay na nabili nito. Napatingin siya sa kanang kamay ni Hanuel na may dinudukot sa kanang bulsa ng pantalon nito.

"H-Hanuel..." ani Crystal. Nasapo niya ang kanyang bibig at agad na nangilid ang mga luha. Lumuhod ang binata sa kanyang harapan at saka binuksan ang maliit na pulang kahon na hawak nito. Lalong napasinghap si Crystal nang makita niya ang isang

singsing na mayroong malaking dyamante sa gitna.

Ngumiti si Hanuel kay Crystal. Kinuha niya ang kamay nito gamit ang kaliwang kamay. Mahigpit niya iyong hinawakan iyon. "I love you, Crystal. Please, marry me. I am willing to give up everything for you. I want to live the rest of my

life with you. I love you, Crystal."

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Crystal. Ngunitian niya pa rin ang binata kahit na patuloy na ang pag-agos ng kanyang mga luha. Hinawakan niya ang pisngi nito.

"Hanuel," garalgal ang boses na tawag niya sa nobyo. "I-I never wanted to you to give up anything for me. Gusto kong maging masaya ka rin."

"What do you mean?" Agad na nakaramdam nang pag-aalala si Hanuel.

Pinahid ni Crystal ang kanyang mga luha. Magsasalita na sana siya pero parehas silang nagulat ni Hanuel noong makarinig sila nang pagbukas ng pinto ng unit nila. Ilang sandali pa ay nakita na lamang nilang papasok sila Ynette. Kasama nito ang nanay at mga kapatid ni Crysta. Agad na napatayo ang dalaga at nalilitong tiningnan ang mga kaanak.

"Ano'ng ginagawa niyo rito?" nagtatakang tanong ni Crystal. Nilingon niya si Hanuel na patayo na rin. Kalmado lang ito na para bang inaasahan na ang pagdating ng mga bisita nila.

"Tapos na ba? Nag-yes ka?" excited na tanong ni Ynette.

Naiawang ni Crystal ang kanyang bibig. "Alam niyo?" gulat na tanong niya. Isa-isa niyang tiningnan ang kanyang mga kapatid at ina. Kitang-kita niya sa mga mata ng mga ito ang labis na galak. Noong tumingin siya kay Hanuel ay napakunot ang noo

niya noong makita niyang malungkot ito.

“I tried. But I think she doesn’t want to marry me,” malungkot na sabi ni Hanuel.

“Ha?!” ani Ynette. “Imposible! Akala ko ba miss na miss mo na 'to?" gulat na sabi nito habang nanlalaki pa ang mga mata. Lumapit si Ynette kay Crystal at hinawakan ito sa kamay. "Bakit ka nag-no?"

Lalong nalito si Crysta. Nakaawang lang ang bibig niya habang nagsasalita ang kaibigan.

"Anak, kung iniisip mo kami. H'wag kang mag-alala. Ibinigay ko na kay Hanuel ang basbas ko. Gusto kong maging masaya ka," sabi naman ni Rosa habang nakatingin sa anak. "Nakita kong mabait na binata si Hanuel. Tiwala ako sa kanya na magiging masaya ka sa piling niya."

"Oo nga, bunso. H'wag mo na kami isipin. Panahon na na ang pinakamamahal naming bunso naman ang magkaroon ng kasama sa buhay," segunda ng nakatatandang kapatid ni Crystal.

Umiling-iling si Crystal. "Ano bang pinagsasabi niyo? Wala akong sinabing no!" aniya.

Agad na nabuhayan ng loob si Hanuel. Marahan niyang hinila paharap sa kanya si Crystal at nakangiting tiningnan ito. "What do you mean?"

Huminga nang malalim si Crystal. Sinapo niya ang pisngi ni Hanuel at ngumiti rito. "Ang ibig kong sabihin ay gusto kong maging masaya ka na walang igini-give up na kahit na ano. Alam ko na mahal mo ang pag-aartista. Hindi ko kukuhain iyon sa 'yo. Ang gusto ko ay maging masaya ka na walang pinipili. Ako man o ang pag-arte mo, Hanuel. Susuportahan kita bilang asawa mo."

Nanlaki ang mga mata ni Hanuel. "D-Does it mean?"

Tumango-tango si Crystal. "Yes, Mr. Lee Hanuel. It's a yes. I will marry you."

Napangiti nang malapad si Hanuel. Tumingin siya sa mga kasama nila. "She said yes!" hindi makapaniwalang sabi ni Hanuel. Kinuha niyang muli ang singsing sa kanyang bulsa at isinuot iyon sa daliri ng dalaga.

Agad na nagpalakpakan ang mga kaanak ni Crystal. Naluluhang tiningnan ni Ynette at Rosa si Crystal. Labis ang galak ni Ynette para sa kaibigan dahil sa wakas ay magkakaroon na ito ng kasama sa buhay. Sa piling ng lalakeng pinaka mamahal nito.

"Akala ko hindi ka na magyi-yes, eh. Ako na lang sana," pabirong sabi ni Ynette. Nagtawanan naman ang mga kasama nila.

Ngumiti lang si Crystal at tinitigan sa mga mata si Hanuel. Wala pa ring pinagbago ang kanyang nararamdaman para sa binata kahit na ang tagal nilang hindi nagkita noon. Parang mas lalo lang nadagdagan ang nararamdaman niya noong muli na silang nagkasama. Mabilis ang pangyayari. Pero sigurado siya na gusto niya ring makasama na habang-buhay si Hanuel. At walang fans o manager man nito ang makakapigil pa sa kanila.

"I love you," ani Crystal.

"I love you too, Crystal. Thank you for coming into my life," tugon ni Hanuel at hinalikan sa labi si Crystal.




The End.

Tags

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !