Views

Mr. Billionaire's Sunshine (Chapters 16 - 20)

Ameiry Savar
0

 


Chapter 16

“Oh my, Gosh! Ang ganda naman dito!” patiling sabi ni Kiray.

Napangiwi na lamang si Lirah habang sinusundan ng tingin ang kaibigan. Tumakbo ito papunta sa may beach at agad na nag-selfie. Napailing siya.

“Ito talaga si Kiray,” bulong niya. Tiningnan niya si Matias na kausap ang receptionist para sa kanilang magiging kwarto. Hindi niya inakala na ang ibig sabihin pala nitong honeymoon ay bakasyon nila. Nagulat pa siya noong una at agad niya itong napagalitan. Kaya naman ay narito sila ngayon sa isang private resort sa Palawan.

“Thank you.”

Agad na tumingin sa labas si Lirah noong pumihit na paharap sa kaniya ang binata. “Okay na?”

“Yes. Where’s Kiray?”

“Ayon oh. Nagsi-selfie na naman.” Nginuso niya ang kaibigan. “Tawagin ko lang.”

“Okay. I’ll wait for you here.”

Agad na naglakad si Lirah papalapit sa kaibigan. “Kiray! Halika na! Pupunta na tayo sa kwarto natin.”

“Sandali, bessy! Halika rito! Picture tayo!”

“Ha? Ayaw ko!”

Biglang hinila ni Kiray si Lirah. Wala na siyang nagawa pa kundi ang pagbigyan ito. Matipid siyang ngumiti habang nakatingin sa cellphone nito.

“’Yan! Upload! Ang ganda talaga ng bessy ko!” kinikilig pa na sabi ni Kiray.

“Kung ano-ano na lang ‘yang ginagawa mo! Halika na!” Hinila na ni Lirah ang kaibigan.

“Alam mo, dapat gumawa ka na ng page. Sisikat ka talaga! Ano’ng say ni Kathrine Bernardo sa beauty mo! Kabog na kabog mo ‘yon!”

“Sino ‘yon?”

Nangunot ang noo ni Kiray. “’Yong boyfriend ni Danielle Padilla? Napanood na natin mga palabas nila!”

Lalo lang naguluhan si Lirah. “Hindi ko kilala ang mga ‘yan. Halika na nga! Naghihintay na si Matias sa atin eh.”

Napanguso si Kiray. “Dapat talaga magkaroon ka na ng sarili mong social media account. Hay naku, friend! Ikaw lang talaga ang kilala ko na walang alam sa mundo. Daig ka pa ng mga bata sa bayan eh. Kung gumiling habang nagbi-video para sa TikTok ay parang mapuputol na ang mga baywang.”

“Alam mo namang wala akong panahon sa mga ganiyan,” natatawang sabi ni Lirah.

“Oo na!”

Napailing na lang si Lirah. Ni minsan ay hindi niya talaga naunawaan ang paggamit ng cellphone.

“Okay na ba kayo? Let’s go to the villa,” ani Matias.

“Oo.”

Tumango si Matias. Magkakasama na silang sumakay ng six-seater na car cart. Magkatabi sila Kiray habang si Matias ay nasa likuran ng dalawang staff na naga-assist sa kanila. Hindi na bago kay Lirah ang magandang tanawin dahil sa Hacienda Clarita, ngunit labis siyang namamangha ngayon dahil sa asul na karagatan. Mula rin sa kanilang pwesto ay tanaw ang puting buhangin ng paligid. Maging ang dinadaanan nilang buhangin ay puti rin. Ngayon lamang nakakita nang ganoon si Lirah.

Ilang sandali pa ay narrating na nila ang dalawang palapag na villa. Agad na kumuha ng mga larawan si Kiray sa paligid. Habang si Lirah naman ay hindi makapaniwala sa ganda ng bahay.

“Dito tayo tutuloy ng tatlong araw?” namamanghang tanong ni Lirah.

“Yes. Do you like it?”

“O-Oo naman. Kaso, parang sobra naman ata ito.”

Ngumiti si Matias. “It’s our honeymoon, remember?”

Namilog ang mga mata ni Lirah. Magsasalita sana siya pero lumapit ang isang staff kay Matias. Kaya tumalikod na lamang siya at lumapit kay Kiray. Muli na naman siyang hinila nito para mag-picture.

“Ang ganda talaga rito! Akala ko sa mga palabas ko lang makikita ang mga ito. Ngayon, may pang Instagram na ako!” masayang sabi ni Kiray. “Salamat sa pagsama sa akin, bessy!”

Matipid lang na ngiti ang itinugon ni Lirah. Isinama talaga niya si Kiray dahil kinabahan siya noong sinabi ni Matias na magha-honeymoon sila. Hindi naman niya inakala na bakasyon lang pala iyon. Ilang sandali pa ay pumunta na silang tatlo sa ikalawang palapag.

“This your room. Sa tapat ay akin.” Binuksan ni Matias ang isang kwarto.

“Ha? Teka sandali. Bakit kami ang magkasama ni Lirah sa kwarto?” nagtatakang tanong ni Kiray.

Nangunot ang noo ni Lirah. “Bakit? Hindi ba dapat?”

“Ahm, yes. Akala ko ay gusto niyong magkasama kayo ng kwarto ni Lirah?”

Iniikot ni Kiray ang kaniyang mga mata. “Hindi! Ano ba kayo? Diyan kayo sa kwartong ‘yan at ako rito sa kabila.”

Nanlaki ang mga mata ni Lirah. Kumapit pa siya sa braso ng kaibigan at marahan itong hinila. “Ano’ng pinagsasabi mo? Magkasama tayo sa kwarto!”

“Ay hindi! Kayo ang mag-asawa kaya kayo dapat ang magkasama sa kwarto, okay?”

“Kiray! Ano ba?!”

Ngunit hindi na pinakinggan pa ni Kiray ang kaibigan. Dali-dali itong pumasok sa bukas na pinto at isinara. Agad namang lumapit doon si Lirah at sinubukan iyong buksan.

“Kiray! Buksan mo ito! Hindi na ako natutuwa!”

“Doon ka na sa kwarto niyo!”

Pinalo ni Lirah ang pinto. “Kiray!”

Bumuntonghininga si Matias. Napakamot siya sa ulo. “Ahm, Lirah. It’s okay. Ikaw na lang ang gumamit nitong kwarto ko. Maluwag naman ang villa.”

“Ha? Hindi! Kakausapin ko lang si Kiray. Mabilis lang ‘to.”

“H’wag na. Mukhang gusto niyang mapag-isa eh,” nakangiti pa ring sabi ni Matias. Binuksan na niya ang kabilang kwarto at inabot kay Lirah ang susi. “Go inside now.”

Napabuga ng hangin si Lirah. Muli niyang tiningnan ang pinto ng kwarto ni Kiray. Lagot ka talaga sa akin mamaya, Kiray!

“Oh, saan ka pupunta?” tanong ni Lirah noong akmang bababa na si Matias.

“Sa baba? May shower naman sa baba.”

“T-Teka!” Napapikit nang mariin si Lirah. Sumilip siya sa silid at saka bumuntonghininga. “S-Sige na. Maluwag naman ang kwarto. Pwede naman ata tayong magsama na lang?”

“Are you sure?”

“Eh, kesa naman nasa baba ka. Nakakahiya rin sa ‘yo. Ikaw na nga gumastos dito tapos ikaw pa walang kwarto. Ewan ko ba kasi rito kay Kiray. Kung ano-ano na naman ang naiisip!”

Natawa si Matias. “Uhm, okay. Fine. Kung sigurado ka naman. Let’s share a room.” ‘

Nauna nang pumasok si Lirah sa loob ng silid. Doon ay biglang kumabog ang dibdib niya noong makitang isang malaking kama lang ang mayroon sa loob. Ang inaakala pa naman niya ay mayroong sofa bed sa loob ngunit wala.

“Uhm… We only have one bed. Is it okay for you?”

“Ha? A-Ahh. O-Oo. Okay lang! Sa sahig na lang ako matutulog.”

“Why?” Naupo si Matias sa kama. “Maluwag naman dito—Ahh. Okay. I get it.” Tumayo siya. “You use the bed.”

“S-Sigurado ka?”

Tumango si Matias. “Yep. This vacation is for you, Lirah. Kaya gusto ko na komportable ka sa lahat nang anggulo.”

“Para sa akin?”

“I see you are just like me. And I want you to be happy at least once.”

Napalunok si Lirah. Agad na bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang isasagot sa sinabi ni Matias. Pero alam niya na biglang gumaan ang kaniyang pakiramdam. Na para bang mayroong isang tao na nag-alo sa kaniya. Sa tanang buhay niya ay walang estranghero na naging mabait sa kaniya nang ganito. Enstranghero na ngayon ay kaniya ng asawa.


Chapter 17

“Bakit mo naman ginawa ‘yon?” nakakunot ang noo na tanong ni Lirah kay Kiray. Kasalukuyan silang namimili ng susuoting bathing suit sa kwarto nito. Mabuti na lamang ay pinagbuksan din siya nito sa wakas.

Ngumisi si Kiray. “Para sa ‘yo ‘yon, bessy! Ano ka ba?”

“Anong para sa akin? Nakakahiya kaya! Ngayon paano kami matutulog? Alangan naman na hayaan ko siya sa sahig mamayang gabi?”

“Bakit ka naman mahihiga sa sahig kung meron namang kama? Tsaka, ano bang kinatatakot mo? Eh asawa mo na ‘yon.”

“Parang hindi mo naman alam kung ano ang sitwasyon namin.”

“Sus! Bakit? Iniisip mo kung may girlfriend siya? Eh ‘di ba nga matagal na silang walang komunikasyon?”

Bumuga ng hangin si Lirah. “Kahit kailan talaga hindi ako mananalo sa ‘yo.”

Tumawa si Kiray. Naupo siya sa tabi ni Lirah. “Alam mo, Senyora. Hindi ka dapat mag-alangan kay Matias. Asawa mo na ‘yon. Eh ano kung biglang sumulpot ‘yong dati niyang girlfriend? Eh ikaw na naman ang asawa.”

“Hindi naman kasi gano’n kadali lang ang lahat, Kiray. Tsaka, bakit ba ako dapat mag-isip ng ganiyan. Eh hindi naman kami ni Matias. Oo nga’t mag-asawa kami. Pero sa papel lang iyon at may dahilan.”

“Bakit? Sabihin mo nga sa akin kung wala kang nararamdaman sa kaniya? Ilang buwan na kayong mag-asawa. Kahit kaunti ay siguro naman may nararamdaman ka na, ‘di ba?”

Napalunok si Lirah. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin kay Kiray dahil sa pagkabigla sa tanong nito. Oo, sa saglit na panahon na sila ay nagkasama ni Matias. Masasabi niyang nagugustuhan na niya ito. Akala niya noong na ay isa itong masungit at masamang lalake. Ngunit nagkamali siya. Mabuti ang binata at lubos siyang inaalagan. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nakaranas na pinapahalagahan.

“A-Ano ka ba? ‘Di ba nga ayaw ko sa kasal na ‘to?”

“Sagutin mo ‘yong tanong ko,” pamimilit ni Kiray.

Naiikot na ni Lirah ang mga mata. “Alam mo? Mamili na lang tayo ng damit. Naghihintay na si Matias sa ibaba eh.”

Wala nang nagawa pa si Kiray kundi sundin ang kaibigan. Hindi rin naman kasi sinagot ito ni Lirah dahil hindi niya alam kung ano ba ang isasagot niya. At isa pa, hindi naman iyon importante dahil wala naman silang espesyal na relasyon ng binata.

“Ano ba ‘yan, bessy! Bakit wala ka manlang two piece? O one piece? Ano ‘to? Magso-short ka sa beach?”

“Ha? Eh ano ba dapat? Hindi ba ito ang isinuot ko noong maligo tayo sa dagat noon?” Itinaas ni Lirah ang isang maiksing short na isang pulgada lamang ang taas mula sa tuhod niya. At ang sando kulay puti.

“Hay naku, bessy! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa ‘yo!”

Napasapo pa si Kiray sa kaniyang noo na para bang problemadong-problemado. Ilang sandali pa ay bigla itong naghalungkat sa maleta nito. Nakangiwi lang si Lirah na pinapanood ang kaibigan. Para sa kaniya ay wala namang problema ang kaniyang napiling kasuotan.

“Ito!” Inabot ni Kiray ang isang one piece swimsuit kay Lirah. “Bagong bili ko lang niyan. Ikaw na ang gumamit.”

Binuklat ni Lirah ang damit. “H-Ha? Ito? Ayoko! Kita na ang dibdib at pwetan ko riyan!” ani niya na para bang diring-diri.

“Okay lang ‘yan! May pantakip naman iyan.”

Itinaas ni Kiray ang isang manipis na cover up kay Lirah. Sa sobrang nipis niyon ay kita pa rin ang loob niya. Lalong namilog ang mga mata ni Lirah.

“Ayoko! Hindi ko susuotin ‘yan!”

Ngunit sa huli ay walang nagawa si Lirah. Dahil sa pamimilit ng kaibigan ay sinuot niya ang one piece swimsuit at cover up. Sa tanang buhay niya ay niyon lamang siya nakapagsuot ng gano’n. Pakiramdam niya ay kita na ang kaniyang kaluluwa. Habang si Kiray ay gano’n din ang suot pero puno ito ng kompyansya. Nagugulat pa nga si Lirah dahil hindi niya inakala na nagsusuot ito ng ganoon.

“Kiray… nakakahiya ang suot! Gusto kong magpalit!”

“No! No! No! Ang ganda mo kaya at sexy! Ewan ko na lang kung hindi pa makalimutan ni Matias ang nobya niya.”

“Ano ka ba? Hindi naman importante ‘yon!”

Umiling si Kiray. “Hindi! Dapat bago matapos ang bakasyon natin ay totoo na ang kung ano man ang meron sa inyo. Para naman hindi ka na NBSB!”

“Kiray naman eh.”

“Basta! Ako ang bahala sa ‘yo, bessy!”

Napailing na lamang si Lirah. Lumabas na sila ng kwarto at nagpunta sa ibaba. Habang naglalakad sila ay hindi mawala-wala ang kabog sa dibdib ni Lirah. Masasabi naman niyang maganda ang kaniyang katawan. Makinis ang kaniyang kutis at hindi naman maitim ang kaniyang kilikili at singit. Kaso hindi lang talaga siya sanay na magsuot ng mga ganitong uri ng damit.

“Hey…” Natigilan si Matias noong makita sila Lirah. Napalunok siya at napamaang noong makita si Lirah. Maraming beses na siyang nakakita ng mga naka-swimsuit na babae. Ngunit hindi niya maiwasang mamangha kay Lirah ngayon. Litaw na litaw ang kutis nito at angking ganda. Tumikhim siya at agad na tumayo. “Ready na kayo?”

“Yes, sir!” magiliw na sabi ni Kiray.

Matipid na ngumiti si Lirah. “Oo.”

Napangiti rin si Matias. ‘Cute’  ani niya sa kaniyang isipan. Halatang-halata kasi sa dalaga na nahihiya ito sa suot.

“You look wonderful, Lirah.”

Namilog ang mga mata ni Lirah. “H-Ha?”

Ngiti lang ang tinugon ni Matias. “Let’s go?”

Hindi nakagalaw si Lirah. Ramdam na niya ang pagmumula ng kaniyang mga pisngi dahil sa papuri na sinabi ni Matias. Kung hindi pa siya hinila ni Kiray ay hindi siya makakagalaw sa kaniyang pwesto.

“Narinig mo ‘yon? Ayiee! You look wonderful daw!” pabulong na sabi ni Kiray. May marahang paghampas pa ito sa kaniyang braso.

Kinagat naman ni Lirah ang kaniyang labi. Ayaw niyang ipakita pero labis siyang natutuwa dahil nagustuhan ng binata ang kaniyang hitsura. Bigla siyang nakaramdam nang kompyansa para sa sarili. Na para bang ang mga salita lang nito ang kaniyang hinintay para lang maramdaman iyon.

Una nilang pinuntahan ay ang restaurant sa resort. Doon ay kumain sila ng iba’t ibang uri ng seafood. Walang inurungan ang dalawang magkaibigan. Habang si Matias naman ay masaya lamang na pinagmamasdan ang dalawa.

Pagkatapos nilang kumain ay agad na nilang sinubukan ang ilang mga water activities na mayroon sa resort. Hindi mawari ni Lirah ang galak na kaniyang nararamdaman. Hindi naman siya limitado para sa mga ganitong gawain. Ngunit mas pinili niya talagang h’wag umalis sa hacienda kaya ngayon lamang niya nasusubukan ang mga ito.

Kinagabihan ay dinala naman sila ni Matias sa isang beach party. May iilang mga turista ring naroon at sumasayaw sa malakas na pagpapatugtog ng DJ. Iyon na ang hindi ma-enjoy ni Lirah dahil hindi siya sanay sa mga ganoong kaganapan.

“Sayaw tayo, bessy!” yaya ni Kiray.

Umiling si Lirah. “Dito na lang ako!”

Ngumuso si Kiray. “Okay!”

Hinayaan na ni Lirah ang kaibigan na lumayo sa kaniya. Tiningnan niya ang ladies drink na in-order ni Matias para sa kaniya. Kanina pa iyon at parang natutunaw na ang yelo. Ngunit hindi niya magawang mainom dahil hindi naman siya umiinom ng alak. Inilibot niya ang mga mata at hinanap ang binata. Nasa gilid ito ng mga nagsasayaw na mga tao at may kausap na dalawang babae. Awtomatikong nangunot ang noo ni Lirah.

“Sino kaya ‘yon?” tanong niya sa sarili. Nagulat siya noong biglang yumakap ang isa kay Matias at hinalikan ito sa pisngi. Napanganga siya at agad na nag-iwas ng tingin. “Kaya pala iniwan niya ako rito? Grabe!”

Napasimangot na siya. Kinuha niya ang kaniyang inumin at tinungga. Pero agad niya rin iyong itinigil dahil nakaramdam siya ng pait sa kaniyang lalamunan at agad na napaubo-ubo. Mabuti na lamang at may tubig din sa kanilang lamesa kaya nakainom siya kaagad.

“Ano ba ‘to?! Ang pait!” reklamo ni Lirah.

“Are you okay?”

Nag-angat ng ulo si Lirah habang nagpupunas ng labi. Nagulat siya noong makita ang isang lalakeng may asulang mga mata.

“Are you alone?”

“H-Ha? N-No. I’m not,” tugon ni Lirah. Kinuha niya ulit ang baso at sumipsip na sa straw na nakalagay roon. Doon ay hindi na siya nakaramdam ng matinding pait. “Wow!” namamanghang sabi ni Lirah.

“Cool!” ani ng binata. “You’re cute. Can I sit here?”

Tiningnan ni Liraha ng tinuro nitong upuan sa kaniyang tapat. “Okay.”

“I’m June. What is your name?”

Inilahad ng binata ang palad sa harap ni Lirah. Tiningan niya ito. “Lirah.” Pinilit niyang ngumiti at hindi inabot ang kamay nito.

“Hmm… Interesting.”

“I-I’m sorry. I don’t know you. Can you please use another table?”

“Why? You are alone. I can’t let any woman alone tonight.”

Ngumiti ito nang malapad. Agad na binalot ng kaba si Lirah noong maramdaman niyang hinawakan nito ang kaniyang kamay na nakapatong sa lamesa. Mabilis niya iyong binawi at nilagay sa kaniyang kandungan.

“I-I guess, you need to go, sir.”

“I want to know you—”

“Is there something wrong going on here?”

Napatingin si Lirah sa kaniyang gilid noong may magsalita. Nakahinga siya nang maluwag noong makita si Matias. Agad siyang tumayo at kumapit sa braso nito. Bahagya siyang nagtago rito na para bang isang batang natatakot.

Ngumisi si June. “Oh, I didn’t know she was with someone.” Tumayo ito. “Next time, don’t let your woman unattended. Especially like her, a lot of man will be waiting for his turn,” makahulugan nitong sabi.

Naikuyom ni Matias ang kaniyang mga palad. “What did you say?” may himig na galit nitong sabi. Lalapitan sana niya ito ngunit mas lalong humigpit ang hawak ni Lirah sa kaniyang braso. Tiningnan niya ito.

“H’wag na, Matias. Aalis na naman siya,” bulong ng dalaga.

Napabuga ng hangin si Matias. Tumango siya at muling tiningnan ang binata. “Get away from here!”

“Chill man! I’ll go!” Tumingin ito kay Lirah sa huling pagkakataon.

Lalo namang nakaramdam nang pagkailang si Lirah. Noong umalis ito ay roon lang siya napanatag.

“Are you okay?” tanong ni Matias. Tumango si Lirah. “Gusto mo na bang bumalik sa villa?”

“O-Oo. Ayaw ko na rito.”

“Okay. Let me talk with Kiray first.”

Tumango si Lirah. Marahang hinaplos ni Matias ang pisngi ng dalaga bago ito lumapit kay Kiray. Dali-dali namang kinuha ni Lirah ang bag at sinukbit ito sa kaniyang katawan.


Chapter 18

“Here. Take this.”

Inabot ni Matias ang isang baso ng malamig na orange juice kay Lirah. Nasa terrace na sila ng villa at nakatanaw sa beach. Tanging silang dalawa lamang ang bumalik sa villa dahil nagpaiwan pa si Kiray doon.

“Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Matias.

Huminga nang malalim si Lirah. “M-Medyo okay na.” Uminom siya mula sa baso.

“Sorry. Dapat pala hindi kita iniwan doon.”

“Okay lang. Mukha namang importante ‘yong kausap mo. Tsaka hindi naman niya ako nasaktan. Medyo nakakatakot lang kasi bigla niyang hinawakan ang kamay ko.”

“He did?”

Tumango si Lirah.

“That prick! Don’t worry. I’ll take care of him!”

“Ano ka ba? Ayos na ‘yon. Importante ay narito na tayo.” Muling tumingin si Lirah sa karagatan. “S-Sino ba kayo ‘yong kausap mo kanina? Mukhang close kayo, niyakap ka pa niya.”

Nangunot ang noo ni Matias. “You saw it?” Ngumiti siya. “It’s Adelle. Naging business partners namin noon. It just happened na narito rin sila sa isla.”

“Talaga? Eh bakit may pagyakap pa? Tapos kiss sa pisngi?”

Doon ay natigilan si Matias. Napatitig lamang siya sa dalaga habang ito naman ay nakatanaw sa dagat. Ngumiti siya. “Are you jealous?”

Mabilis na napatingin si Lirah kay Matias. “Ha? Jealous? Selos? Hindi ah! Bakit naman ako magseselos?”

“You look jealous. And you are blushing right now.”

Napasinghap si Lirah. Agad niyang ibinaba ang hawak na baso at tinakpan ang mga pisngi. “Hindi ah! Dahil lang ‘to sa ininom kong alak kanina! Asa ka pa!”

Lalong napangiti si Matias. “You’re really cute when you’re shy.”

“Ewan sa ‘yo!” Tumayo na si Lirah.

“Oh, teka. Where are you going?”

“Tutulog na! Kaysa narito pa ako. Inaasar mo lang ako!”

Natawa si Matias. “Sorry! Okay? Hindi na. Sit down.”

Lumabi si Lirah. Sinamaan niya pa ng tingin si Matias bago muling umupo. Marahan niyang hinaplos ang pisngi na ramdam niya pa rin ang pag-iinit.

“Ganito na lang. I will buy the drink you were drinking earlier.”

“Ikaw bahala.”

“Wait for me here.”

Tumayo na si Matias at pumasok sa loob. Noong matanaw niyang naglalakad na si Matias sa ibaba. Nangalumbaba si Lirah.

“Oo, nagseselos ako,” bulong ni Lirah. Ngunit ilang sandali pa ay napangiti siya. Hindi niya inakala na ipagtatanggol siya ni Matias kanina. Aaminin niya na kinabahan siya sa lalake kanina. Kung hindi ito dumating ay hindi niya alam baka kung ano na ang ginawa nito sa kaniya.

Hindi rin nagtagal ay dumating na si Matias. Ngunit hindi na ang kagaya ng kaniyang iniinom dahil hindi raw iyon pwedeng i-take out. Kaya bumili na lamang ito ng wine para sa kanilang dalawa.

“Amoy ubas.”

“It’s a red wine. And yes, it is made of grapes.”

“Hmm… mukhang magandang gawin ito sa hacienda.”

“So, your business minded, huh?”

“Marami namang pwedeng gawin sa hacienda. Nagtatanim kami ng mga prutas. May bigasan din at mga alagang hayop. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw na ayaw nila Mama na paunlarin iyon. Palagi nilang kinokontra ang mga suhestiyon ko,” malungkot na sabi ni Lirah. “Kaya ayon, kaysa walang makinabang sa mga lupain namin ay pinataniman ko na lang muna sa mga tao ang mga iyon. Binabayaran nila kami buwan-buwan ng upa.”

“Your dad?”

“Wala siyang ibang kagustuhan kundi ang hindi mawala sa amin ang hacienda.”

“Oh, okay.” Tumango-tango si Matias. “But you have a lot of idea for it, right?”

“Oo naman. Napakarami.”

“Maybe I could help you with that. I’m a businessman, remember?”

“Talaga?” Agad na napangiti si Lirah. Ngunit mabilis din itong nawala noong maalala ang kaniyang ina. “Kaso hindi papayag sila Mama roon. Sigurado ako.”

“You don’t have to worry about that.”

Muling napangiti si Lirah. Tumango siya kay Matias at uminom sa kaniyang wine glass. Marami pa silang napagkwentuhan ni Matias hanggang sa pakiramdam ni Lirah ay unti-unti nang umiikot ang kaniyang paningin.

“Grabe! Hindi ko alam na masaya ka pala kausap nang ganito!” tumatawang sabi ni Lirah.

“Well, not everything knows this kind of side of me.”

“Wow! So, ang swerte ko pala?”

Bahagyang pinalo ni Lirah ang braso ni Matias. Kumapit pa siya roon at sumandig. Hindi naman tumanggi si Matias at hinayaan lang ang dalaga kahit nagulat siya.

“Thank you.”

“For what?”

“Kasi dinala mo ako rito. Hindi pa ako nakakarating dito.”

“Really? Bakit naman?”

“Buong-buhay ko ay nasa hacienda lang. Hindi rin naman ako sinasama nila Mama sa mga bakasyon nila. At ayaw ko na ring mamilit.”

“Why do I feel you have a sad life?”

Natawa si Lirah. Iningat niya ang kaniyang ulo pero nakasandig pa rin ang baba sa braso ng binata.

“Grabe ka naman sa akin. Masaya naman ako, ah?”

Nagbaba ng tingin si Matias. Bahagya pa siyang nagulat dahil amoy na amoy na niya ang hininga ng dalaga. Papikit-pikit na rin ito at mas lalong namula ang mga pisngi.

“It’s okay, Lirah. I feel you.”

“Bakit? Sad din ba ang buhay mo?” Wala sa sarili na ngumiti si Lirah. Bahagya siyang lumayo kay Matias at inilagay ang mga daliri sa may labi ng binata. Saka bahagya iyong hinila para ngumiti ito. “Hindi ka kasi ngumingiti! Dapat palagi kang nakangiti at hindi nakasimangot. Lalo kang gumagwapo.”

Napangiti na rin si Matias. “Really? Gwapo ako.”

“Oo!” Binitawan ni Lirah ang binata. “Crush ka nga ni Kiray eh.”

“Eh ikaw? Hindi mo ba ako crush?”

Napahagikhik si Lirah. Marahan niyang hinampas ang braso ni Matias. “Ikaw, ha!”

“I’m just asking. Kung gwapo ako, ibig sabihin ay crush mo rin ako?”

Lalong tumawa si Lirah. Bigla itong tumigil at sumandig ulit sa braso ni Matias. “Hmm… Oo. Noong una kasi akala ko masungit ka talaga. Pero luto ko lang pala magpapabago sa ‘yo.” Humagikhik ulit ang dalaga. “H’wag kang mag-alala. Paglulutuan kita palagi!”

‘Cute,’ ani Matias sa kaniyang isipan. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Lirah upang makaunan ito nang maayos sa kaniya.

“You remind me of my mom. Palagi niya rin akong pinaglulutuan noon.”

“Mom? Ninang Barbara?”

“No. She’s not… my mom. She’s, my stepmom.”

“Ohh! Talaga? Hindi ko alam na may naunang asawa si Ninong—Ahh!” Biglang naupo si Lirah nang maayos pero hindi pa rin inalis ni Matias ang pagkakaakbay nito sa kaniya. “Na aalala ko na! Seven ata ako noon. Wala ka pang mga kapatid. Pero hindi ko na matandaan ang mukha niya.”

“Yeah… sobrang tagal na noong mawala siya sa amin. Sa akin.”

“Ano’ng nangyari sa kaniya?” Muling sumandig si Lirah kay Matias. Bahagya na siyang nakakaramdam nang pagkahilo.

“She… killed herself.”

“Ano? Bad ‘yon!”

Bumuntonghininga si Matias. “You’re drunk already. Hindi ka pa ba inaantok?”

Umungol lang si Lirah bilang tugon. Marahan niyang idinikit ang mukha sa may dibdib ni Matias at huminga nang malalim.

“Ang bango mo…” bulong ni Lirah.

“Huh?”

Biglang nag-angat ng ulo si Lirah at sakto namang nakatungo si Matias sa kaniya. Sandaling natigilan ang dalaga bago ngumiti.

“Ang pogi mo lalo.”

“Thank you. And you look beautiful.”

Sinapo ni Lirah ang pisngi ni Matias. Napalunok pa ang binata dahil bigla siyang nakaramdam nang kakaiba. Alam niyang lasing na ito kaya ayaw niyang patulan. Ngunit dala na rin siguro ng alak na nainom niya ay unti-unting nag-iinit ang kaniyang pakiramdam. Lalo na’t sobra silang malapit sa isa’t isa ni Lirah.

“Ang tangos ng ilong mo… Ang lambot ng labi.” Humagikhik si Lirah. “Ikaw ang first kiss ko. Alam mo ba?”

“I guess it. Since you’re NBSB.”

“Siguro ang dami mo nang nahalikan?”

“I don’t kiss anyone that I don’t like.”

“Eh bakit mo ako kiniss? Hindi mo naman ako gusto.”

Bahagyang natawa si Matias. “We need to do it. Parte ‘yon ng kasal natin.”

Ngumuso si Lirah. “Kahit na.”

Tinabing ni Matias ang iilang hibla ng buhok na tumatabig sa mukha ng dalaga. “If I kiss you now… Would it be okay to you?”

“Ha?” Naupo nang maayos si Lirah at bahagyang lumayo kay Matias. “Gusto mo akong i-kiss?”

Nagkibit ng balikat si Matias. “I won’t force you.”

Tumingin si Lirah sa paligid nila. Kahit na halos wala na siyang makita dahil nakapikit lang naman siya.

“Okay.”

Natigilan si Matias. “Are you sure?”

Tumango si Lirah. “Oo.”

Umiling si Matias. “Matulog ka na. Lasing ka na talaga. Kung ano-ano na ang sinasabi mo.” Tumayo na si Matias at biglang binuhat si Lirah nang pangkasal.

“Bakit? Ayaw mo ba sa akin kaya ayaw mo akong i-kiss?” Lumabi siya.

“Huh? Hindi naman sa gano’n. I like you. But you’re just drunk.”

Dahan-dahang ibinaba ni Matias si Lirah sa higaan. Ngunit hindi siya binitawan ng dalaga kaya napaupo siya sa gilid ng kama at pinatong ang mga kamay sa may gilid nito.

“Lirah?”

“Kiss mo na ako.” Ngumiti si Lirah. Nanulis pa ang nguso nito.

Napapikit nang mariin si Matias. “You don’t know what you’re asking for, Lirah. If I do start it, I don’t know if I can still stop myself. Ayaw kong samantalahin ang kalasingan mo.” Bumuntonghininga siya. “At isa pa, hindi ka ganitong babae. I respect you, Lirah.”

Sumimangot si Lirah. Agad niyang inalis ang mga kamay at bahagyang tinulak ang binata. “Okay!” masama ang loob na sabi niya.

“Lirah—”

“Alam ko naman na hindi mo ako gusto. Kasal lang tayo dahil sa parents tayo. Naiintindihan ko.”

“It’s not like that. Don’t do this.”

“Okay!”

Inabot ni Lirah ang kumot at tinakip sa buong katawan. Sa kaniyang isipan ay naghahalo ang pagkainis at sakit dahil iniisip niyang hindi siya gusto ni Matias. Dahil na rin sa presensya ng alak kaya hindi na magawa pang mag-isip nang maayos ni Lirah. Ngunit nagulat siya noong biglang may humila ng kumot niya at bumungad si Matias sa kaniyang harapan. Seryoso ang mga tingin nito na para bang nangungusap.

“Are you sure about this?”

Napatingin si Lirah sa labi ni Matias. Pagkatapos ay muli siyang tumingin sa mga mata ng binata. Sabi ni Kiray ay asawa ko na siya. Gusto ko na rin siya. Kaya hindi naman siguro masama, ‘di ba? ani niya sa kaniyang isipan. Dahan-dahang tumango si Lirah.

Ilang sandali pa ay napasinghap na lamang siya noong maramdamang nagdikit na ang kanilang mga labi. Napapikit si Lirah agad na nakaramdam nang kakaiba dahil doon. Parang may kung anong kumiliti sa buong katawan niya. Iniangat niya ang kaniyang mga kamay at kumapit sa batok ng binata.


Chapter 19

Paggising ni Lirah ay masakit ang buong katawan niya. Napapaungol pa siya dahil para bang binibiyak ang kaniyang ulo.

“Good morning, Sunshine! It’s time to wake up!”

Nangunot si Lirah noong maamoy niya ang aroma ng mainit na kape. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at doon nakita niya si Matias na nakaupo sa gilid ng kama. Sa tabi nito ay ang isang tray na may lamang pagkain. Piniritong itlog at bacon. May tinapay din at butter. At dalawang tasa ng maiinit na kape. Lalo siyang nagtaka noong makitang walang pang-itaas si Matias. Napansin niya pang naka-boxer lang ito. Ibang-iba rin ang aura nito ngayon kaysa kahapon. Malapad ang mga ngiti nito sa kaniya at maging ang mga mata ay para bang masayang-masaya.

“Here’s a medicine for your hangover.”

Naupo si Lirah habang nakapikit pa ang mga mata. Nakaramdam pa siya ng ginaw dahil bumaba na ang kumot na nakatakit sa kaniyang katawan.

“Salamat,” paos ang boses na sabi niya. Inabot ni Lirah ang gamot at baso ng tubig kay Matias. “Nagluto ka?” tanong niya. Natigilan pa siya noong makitang nakatitig lang sa kaniya si Matias—sa dibdib niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang ulo sa kaniyang katawan at gano’n na lamang ang panlalaki ng mga mata niya noong makitang wala siyang pang-itaas. Naibuga niya ang iniinom na tubig at agad na ibinaba ang basong hawak sa tray. Kamuntikan pa iyong matapon dahil sa pagmamadaling mabitawan at matakpan ang katawan. “Ano’ng nangyari?! Bakit wala akong damit?!”

Napangiti si Matias. “Hindi mo ba maalala?”

Natigilan si Lirah. “Ni-rape mo ako, ‘no?!”

“What? No!” Napabuga ng hangin si Matias. “Sabi ko na nga ba mangyayari ‘to,” bulong niya sa sarili. Tumayo siya upang kuhaan ng damit ni Lirah. “Relax. Hindi kita ni-rape.”

“Pero may nangyari sa atin kagabi?”

“That… yes.”

Biglang sumigaw nang malakas si Lirah. “Hindi! Waah! Hindi na ako virgin!”

Natawa si Matias. Inabot na niya ang isang oversized t-shirt kay Lirah. “I’ll explain to you everything. But first, magdamit ka muna. Doon na tayo sa terrace mag-almusal.”

Nag-aalangan man dahil sa pagkalito ay kinuha ni Lirah ang damit mula kay Matias. Agad niya iyong sinuot. Napapikit pa siya nang mariin noong maramdamang may makirot sa kaniyang ibaba. Pababa na siya ng kama noong unti-unti niyang maalala ang mga nangyari sa kagabi. Nasapo niya ang mga pisngi at impit na sumigaw.

“Ang baliw ko!”

“Are you okay?”

Nilingon ni Lirah si Matias. Nasa terrace na ito at inaayos ang pagkain nila. Tumayo si Lirah at nilapitan ito.

“Bakit hindi mo ako pinigilan?! Alam mo namang lasing na ako eh!” Pinalo niya ang braso nito.

“Ouch! I know! And I want to say sorry to you!”

Tumigil si Lirah at sinamaan ng tingin si Matias. “Ang sama mo! Bakit tumatawa ka pa?!”

“Sorry.” Tinuro ni Matias ang upuan. “Sit down.”

Naupo naman si Lirah ngunit nasa dulo siya. Naupo rin si Matias sa upuan at saka tumikhim.

“Okay, I’m sorry. I tried to stop myself last night. Kaso nagtatampo ka pa sa akin dahil hindi kita kiniss.”

Namilog ang mga mata ni Lirah. Agad niyang tinakpan ang bibig ni Matias at tumingin sa paligid. “Ang lakas naman ng boses mo! Nakakahiya!”

Lalong natawa si Matias. Hindi niya kasi maiwasang mamangha sa dalaga. “Relax. Wala si Kiray.”

“Hindi umuwi si Kiray?”

“Nope.”

Naupo nang maayos si Lirah. “Nasaan na kaya ang babaeng ‘yon?” Bumuga siya ng hangin. “Ouch…” Sinapo niya ang ulo.

“Lirah, I know you are confused. But I want to say that I will take responsibility for you. Don’t worry.”

Tumingin si Lirah sa binata. Magsasalita sana siya rito ngunit bumuntonghininga na lang siya. “Okay lang. Naaalala ko naman ang mga nangyari. Nagulat lang ako. Hindi naman kasi ako ganito.”

“I know. That’s why I’ll be responsible for what I did.”

“Matias, hindi mo na kailangang sabihin ‘yan. Kasalanan ko rin. Kung hindi kita pinilit na i-kiss ako… Haist! Hindi na talaga ako iinom ng alak!”

Napangiti si Matias. Kinuha niya ang kamay ni Lirah at hinawakan iyon. Ramdam niya ang pagkailang ng dalaga kaya marahan niya iyong pinisil.

“I’m serious. Alam ko na hindi naman tayo kagaya sa ibang relasyon. But I like you, your personality. You are kind and wise. I want to us to be serious.”

Nangunot ang noo ni Lirah. “A-Ano ang ibig mong sabihin?”

“Well, kasal na tayong dalawa. Let’s make our relationship a real one. At least give it a try.”

“Ha?” Agad na binawi ni Lirah ang kaniyang kamay. “Matias… hindi mo kailangang itali pa sa akin ang sarili mo. Hindi dahil sa may nangyari sa atin ay pipilitin na kita sa ayaw mo. Parehas tayong napilit sa relasyong ito. Ayaw kong pati ang mga damdamin natin ay mapilit din sa isa’t isa.”

“Lirah, it’s okay. I already decided it last night. At isa pa, espesyal kang babae, Lirah. Hindi ko magagawang hayaan ka lang.”

“Pero Matias…”

“It’s okay, Lirah.” Hinalikan ni Matias ang noo ng dalaga. “I understand where you coming from. But I am serious to you. I will commit myself to be your loyal husband. Not because we are married, but because I want to give us a try. I want us to work out.”

Hindi alam ni Lirah kung ano ang kaniyang mararamdaman. Ikinasal lang siya sa binata dahil sa kagustuhan ng kanilang pamilya. Dahil sa kinailangan ng tulong ng kaniyang pamilya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay gusto nila ang isa’t isa. Alam niya na may ibang gusto ang binata. Ngunit sa mga binitawan na salita nito ay unti-unting lumalambot ang kaniyang puso. Naisip niya na bakit nga ba hindi nila subukan? Total ay narito na sila sa ganitong sitwasyon. Kaya pumayag na lamang siya sa gusto ng binata.

Naging totoo ang kanilang relasyon. Napansin pa iyon ni Kiray dahil labis na naging maalaga sa kaniya si Matias. Doon ay inamin ni Lirah sa kaibigan ang totoo. Na ikinatuwa naman nito. Habang si Kiray naman ay may nakilala rin palang lalake noong gabing hindi ito bumalik sa kanilang villa.

Labis na naging masaya ang natirang dalawang araw nila sa resort. Mas nakilala pa ni Lirah si Matias. Nakita niya kung gaano kalayo ng ugali nito sa ipinapakita nito sa ibang tao. Hindi pala siya masungit at seryosong tao. Kulang na nga lang ay iisipin na talaga ni Lirah na gusto na rin siya ng binata.

Kahit noong makabalik na sila sa Manila ay hindi nagbago ang pakikitungo ng binata. Mas naging gentle at maalaga pa ito. Maaga itong nauwi para masabayan siyang kumain sa hapunan. Madalas din siyang isama ng binata sa mga meetings nito at ilang party. At pinapakilala pa siya bilang asawa nito. Habang tumatagal tuloy ay unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Lirah sa binata.

Ngunit sabi nga ay may hangganan ang lahat.

Isang hapon, nagmamadali si Lirah na pumunta sa kompanya ni Matias. Pero bago pa man siya makapasok sa loob ng kompanya biglang may humarang sa kaniyang babae. Muntik pa itong mabunggo ni Lirah dahil nagmamadali nga siya maglakad.

“Excuse me?” mahinang tanong niya.

Napatitig siya sa dalaga. Matangkad ito at nakasuot ng bestidang hapit na hapit sa katawan. Mas lalo pa itong tumangkad dahil sa suot nitong stiletto na sa tingin ni Lirah ay limang pulgada ang taas. Umarko ang kilay nito at kahit na nakasuot ito ng sunglasses. Alam ni Lirah na tinitingnan siya nito mula ulo hanggang paa.

“Kilala ba kita?” tanong ulit ni Lirah.

“So, it’s true. Matias is married and you are the wife, right?”

Nangunot ang noo ni Lirah. “Sino ka? Kakilala ka ba ng asawa ko?”

Marahang natawa ang babae. “Of course. Kilalang-kilala. To the extent that we shared one bed for four years.”

Nagulat si Lirah sa sinabi nito. “A-Ano?”

“I’m Jenia. Matias true girlfriend!”


Chapter 20

“Lirah? Oh, thanks god you’re here! I’ve been looking for you.” Yumakap si Matias kay Lirah mula sa likuran nito. “Bakit hindi ka pumunta sa event kanina?”

Huminga nang malalim si Lirah. “May… May nangyari kasi sa hacienda. Dumating na ‘yong kasosyo para maumpisahan na ang winery.”

Kagaya ng sinabi ni Matias, unti-unti nitong tinutulungan si Lirah gawin ang pangarap nito para sa hacienda. Noong nakaraan lamang ay inumpisahan na nila ang planong pagpapatayo ng winery. Nag-umpisa na sila magtanim ng mga ubas ilang buwan na ang nakalilipas.

“Really? Bakit hindi ako nakatanggap ng tawag kanina?” nagtatakang tanong ni Matias. Kaibigan kasi nito ang kasosyo ni Lirah sa tinatayong negosyo.

Tumigil si Lirah sa paghuhugas at muling bumuntonghininga. “Baka maabala ka pa. May event ka, ‘di ba? Andoon naman ako kaya ayos lang. At isa pa… nahuli na raw ang nagnakaw sa kompanya ni Papa. Kaya dumaan din ako roon.”

“That’s a great news then! Dapat ay makulong na siya.”

Pinihit ni Matias paharap ang asawa. Agad namang nag-iwas ng tingin si Lirah rito.

“Why do I feel you’re not in the mood? May iba pa bang nangyari?”

“Ha? Ako?” Mabilis na umiling si Lirah. “Hindi ah! Okay lang ako.”

“Bakit nakasimangot ka? You know that I don’t want you to be sad, my sunshine.”

Matipid na napangiti si Lirah. Magmula noong maging opisyal na ang kanilang relasyon sunshine na ang tinatawag nito sa kaniya kapag naglalambing ito. Dahil siya raw ang nagbibigay ng liwanag sa binata. Noong una ay kinikilig pa siya rito. Ngunit ngayon ay tila ba iba ang nararamdaman ni Lirah para doon.

Isinukbit ni Lirah ang kaniyang mga braso sa batok nito at binigyan ito nang mabilis na halik. “Hindi ako malungkot. Ayos lang ako. Siguro ay napagod lang ako sa maghapon. Kaya ikaw… mag-shower ka na at ihahanda ko na ang pagkain natin, okay?”

Ilang sandali pang tinitigan ni Matias ang asawa bago tumango. “Fine. But give me my ray sunshine first.”

“Huh?”

Napasinghap si Lirah noong biglang siyang siniil ng halik ni Matias. Noong una ay hindi siya agad nakagalaw. Pero kalaunan ay tinugon na niya ang mga halik nito. Hanggang sa unti-unti niya muling na alala ang tungkol kay Jenia.

Mabilis na tinulak ni Lirah ang binata at tumalikod dito. Nangilid na ang kaniyang mga luha at parang kakapusin ng hininga. Sinapo niya ang bibig para hindi niya magawang mag-ingay.

“Are you okay?” Hinawakan ni Matias si Lirah sa balikat ngunit agad na umiwas ang dalaga.

“Y-Yes! S-Sige na. Maglinis ka na ng katawan.”

Nalilito man ay tumango na lamang si Matias. “Okay. I’ll be right back very soon.”

Noong maramdaman ni Lirah na wala na ang asawa sa paligid. Doon lamang niya pinakawalan ang impit na pag-iyak. Matapos niyang makilala si Jenia kanina ay hindi niya alam kung ano ang kaniyang mararamdaman. Noong una ay naiinis siya sa dalaga dahil bigla na lamang itong sumulpot at siya pa talaga ang kinausap. Ngunit kaya pala nito iyon ginawa dahil may gusto itong ipakiusap.

Nalaman ni Lirah na kaya pala matagal na hindi nagpakita si Jenia kay Matias ay dahil nabuntis ito ng binata. Sinubukan nitong sabihin sa binata ang sitwasyon ngunit hinarang ito ng magulang ni Matias. Walang ibang nagawa si Jenia kundi ang umalis papuntang ibang bansa at doon ipanganak ang pinagbubuntis nito. Lingid din sa kaalaman ni Matias ay buwan-buwan na nakakatanggap ng sustento si Jenia mula sa pamilya ng binata. Hindi naman daw nito gustong bumalik sana sa buhay ni Matias, ngunit mag-aapat na taong gulang na ang bata at kasalukuyang nangangailangan ng medical na atensyon.

“I know this is too much to ask, Lirah. Pero nalaman ko na arrange marriage lang naman kayong dalawa ni Matias. Kung pwede sana ay ibalik mo na siya sa akin. Kailangan ko siya ngayon, Lirah. Kailangan siya ng anak namin.”

Parang kutsilyong tumatarak sa dibdib ni Lirah ang mga salitang iyon. Oo nga’t pinagkasundo lamang silang dalawa ni Matias. Ngunit sa ilang buwan na pagsasama nila ay nagawa na niya itong mahalin. Ilang buwan na ring nangungulit sa kaniya si Matias na gusto na nito ng anak. Wala silang naging problemang mag-asawa.

Paano niya magagawang ibigay ang binata sa mga ito? Mahal na niya si Matias. Ikadudurog ng puso niya kung mawawala ito sa kaniya. Ngunit kapag ginawa niya iyon ay kawawa naman ang anak ng kaniyang asawa. Ni minsan ay hindi nito ito nakilala kaya sigurado si Lirah na labis na ikatutuwa ng kaniyang asawa kapag malaman nitong may anak na pala ito.

“Bakit sa akin mo sinasabi ang mga ito, Jenia? Bakit hindi si Matias ang kinakausap mo?”

“Dahil kapag siya ang kinausap ko ay malalaman ng pamilya niya. Natatakot ako na putulin nila ang sustento para sa anak namin. Stage 4 na ang lukemia ng anak namin, Lirah. Hindi na ako nagkakaroon ng mga gigs dahil sa kakaalaga sa kaniya. Hindi ko kakayanin ang gastos.”

“K-Kakausapin ko si Ninong! Ang daddy ni Matias—”

“H’wag! Please. Bago ako iwanan ni Don Gomez, mariin niyang sinabi sa akin na kapag muli akong lumapit sa kanila. Lalong-lalo na kay Matias ay puputulin nila ang lahat ng ibinibigay nila sa anak ko. Hindi ko kayang ipagsapalaran iyon, Lirah. Please, understand me. This is not for me. It’s for our son!” May kinuha itong papel sa bag at inabot kay Lirah. “He is my son. Matias’ son. That is him in the hospital.”

Lalong napaluha si Lirah noong maalala niya ang larawan ng bata. Kamukhang-kamukha ito ni Matias. Hindi niya maitatanggi na sa binata talaga ito. Pero mas nahabag siya habang pinagmamasdan ang kalagayan nito. Nakahiga ang bata sa isang kama at wala nang buhok. Mayroong nakasukbit na oxygen hose sa ilong nito at ilan pang aparato sa katawan nito. Nakangiti ito sa larawan pero kitang-kita ang kalungkutan sa mga mata.

Hindi kakayanin ng konsensya ni Lirah kung magiging madamot siya sa bata. Kailangan nito ang ama nito.

Hindi nagtagal ay bumalik na sa dinning area si Matias. Nakahanda na rin ang pagkain nila sa lamesa. Agad na inasikaso ni Lirah ang asawa at naupo sa tapat nito.

“Hmm! As usual, napakasarap mo talagang magluto,” puri ni Matias.

Napangiti si Lirah. “Talaga? Mabuti naman at nasarapan ka.”

“Of course, sunshine. Hinding-hindi ako magsasawa sa niluluto mo at palagi akong masasarapan.”

“Bolero!” natatawang sabi ni Lirah. “Ahm, wala ka bang nakausap ngayong araw?”

“Marami. Why?”

“Ano… walang nagsabi sa ‘yo ng isang importanteng impormasyon?”

Napatigil sa pagnguya si Matias at napatitig sa asawa. “About what information?”

Tumingin si Lirah sa kaniyang plato para hindi niya masalubong ang mga titig ni Matias. “Wala.” Nag-angat siya ng ulo at ngumiti sa asawa. “Kumain ka na.”

“Are you really okay?”

“Yes, I am.”

Nagpatuloy na sila sa pagkain sa kanilang hapunan. Pinilit ni Lirah na kalimutan ang pag-uusap nil ani Jenia kahit sandali lamang. Sinubukan niya ring tanungin si Matias ng ilang katungan para malaman kung may alam na ba ito tungkol sa bata. Ngunit bigo si Lirah. Walang ka-ide-ideya si Matias sa naging anak nito.

Pagkatapos nilang kumain ay lumabas muna si Lirah sa maliit nilang garden dala ang kaniyang cellphone. Huminga siya nang malalim.

“Kaya ko ‘to!” ani niya. Pagkatapos ay in-dial na ang numero ni Jenia. Ilang ring lang ay sinagot nito agad ang tawag. “Jenia.”

“Lirah? Is this you?”

“G-Gusto ko munang makasiguro. Gusto kong makita ang anak ng asawa ko.”


Chapters 21 - 25

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !