Chapter 21
Nalito si Crystal sa sinabi ng lalaki. Kumurap-kurap ang kanyang mga mata at nagtatatakang tiningnan ang binata. "Ano?"
"I saw the two of you hugging."
Napalunok siya at muling inalala ang sinabi ni Hanuel. "Ahh!" Kinakabahang tumawa si Crystal. "Hindi ah! Paano kasi yung mga fans mo natutulak na kami. Iniiwas niya lang ako sa mga tao," paliwanag ni Crystal dito. Hindi niya alam kung bakit ba siya kinakabahan dahil sa pangyayaring iyon.
Mataman siyang tiningnan ni Hanuel at lalong inilapit ang mukha sa kanya. Nakatukod pa rin ang mga kamay nito sa magkabilang gilid niya.
"Really?"
"Yes." Tumango-tango si Crystal. "But why are you there? Akala ko ba matagal pa bago ka bumalik dito?" Balik tanong naman ni Crystal sa binata.
Para namang natameme si Hanuel sa tanong nito. Huminga ito ng malalim at tumayo ng maayos. Sa totoo lang ay hindi rin alam ni Hanuel. Nang malaman niya na nandoon si Crystal at may kasamang lalake ay doon na siya dumeretso galing airport. Basta ang alam lang niya ay naiinis siya kanina habang nakatanaw sa dalawa.
Para namang nakahinga ng maluwag si Crystal nang tumayo na ito. Labis siyang nagtataka sa inaakto ni Hanuel ngayon. Madalas kasi tahimik lang ito at saka lang nagiging wild kapag nakakaramdam na ng kamunduhan. Ngayon ay para siyang batang inagawan ng lolipop ngayon.
"Ahm, I forgot something," dahilan niya at umupo sa tabi ni Crystal.
"Huh? Pwede naman si Joseph na lang ang kumuha diba?"
"It's not important. The problem is, why are you at the restaurant with a guy?" Tanong muli nito nang hindi lumilingon sa kanya.
Hindi muna sumagot si Crystal at tinitigan si Hanuel. Humarap siya rito at ipinatong ang siko sa sandalan ng sofa. Napapangiti siya dahil sa seryosong mukha nito. Deretso kasi itong nakatingin sa harapan nila kahit wala naman itong tinitingnan.
"Nagseselos ka ba?" Derektang tanong niya dito.
Kunot noong tumingin sa kanya si Hanuel. Puno ng kalituhan ang mukha nito at nakaawang pa ang bibig dahil hindi makapaniwala sa tanong ni Crystal.
"Selos?" Gulat na tanong nito. "You mean jealous?"
Tumango si Crystal. "Yes. Nagseselos ka ba at nakita mo kami ni Bryan?" Nakangising tanong ni Crystal.
Marahas na bumuga ng hangin si Hanuel. "I'm not, okay?"
"Then why are you acting like that?"
"I just!" Bigla itong tumayo. "Did you forget our contract? Nakalimutan mo bang kasama iyon sa pinirmahan mo na bawal kang makipagrelasyon sa ibang lalake? What do I do when you get sick?"
Napaawang ang bibig ni Crystal sa sinabi nito. Hindi niya nakalimutan ang tungkol sa kontrata nila pero hindi rin siya makapaniwala sa huling sinabi nito. Sinamaan niya ito ng tingin at padabog na lumakad papasok sa kwarto. Narinig niya pa itong tinawag siya ngunit hindi siya lumingon dito.
"Baliw ba siya? Ano'ng akala niya sa akin?" Naghuhumentaryong sabi ni Crystal. Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa ulo niya. Dumeretso siya sa banyo. Hinubad niya ang kanyang suot at hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa kanyang katawan.
"Iniisip ba niya na madali lang ako makuha ng lalaki? Eh kung hindi nga dahil sa nanay ko mamatay ata akong virgin!" Himutok ni Crystal.
Sobrang nag-iinit ang kanyang ulo dahil sa sinabi ni Hanuel. Alam niyang pinapaalalahan lang siya nito sa kontrata nila pero hindi niya maiwasang mainis dito. Hindi tamang isipin nito na kapag magkaroon siya ng karelasyon ay magpapakama na siya agad. Hindi niya hinuhusgahan ang mga babaeng ganoon pero hindi niya lang ugaling gawin ang ganoon.
Napahilamos na lamang siya at pilit na ikinalma ang sarili. Hindi niya rin masisisi ang binata kung bakit iisipin niya iyon. Pumayag nga siyang magpakama rito para sa pera. Na iinis lang siya dahil nasasaktan siya sa sinabi nito. Na iinis siyang ganoon pala ang tingin sa kanya ng lalaki- 'Ano bang nangyayari sa akin?' Iwinaksi ni Crystal sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Hanuel at napahawak sa dibdib niya.
Ang lakas ng tibok ng puso niya. 'Siguro nga nasaktan lang ako sa sinabi niya. Kalma self. H'wag tayong assuming.' Muli ay kumirot ang kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit ang sakit para sa kanya na marinig iyon galing kay Hanuel. Hindi dapat siya umasang may ibang nararamdaman ang lalaki sa kanya. Masyado itong mataas para sa kanya. Kung magkakagusto man ito sa isang babae malamang ay sa katulad niyang sikat din. Hindi sa kagaya niya na ipinalit ang puri para lamang sa pera.
Bumuntong hininga si Crystal at dinama ang malamig na tubig na bumubuhos sa kanyang katawan. Hindi siya dapat umakto ng ganoon. Kailangan niyang maging propesyonal dahil lahat ng ito ay trabaho lamang.
Makalipas ang ilang sandali ay kalmado ng lumabas ng banyo si Crystal. Inayos niya ang kanyang gamit na itinapon niya sa kama noong pumasok siya saka lumabas sa sala. Naabutan niya si Hanuel na nasa terrace at umiinom ng alak. Hinayaan niya lamang ito, umupo siya sa sofa saka binuksan ang tv. Sumandig siya sa sandalan ng sofa at ipinatong ang dalawang paa habang nakakrus sa lamesa. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-scroll sa kanyang social media.
Ilang minuto rin ang nakalipas na nasa ganoon siyang posisyon nang maramdaman niyang tumabi sa kanya si Hanuel. Hindi niya ito nilingon at tumutok lamang sa kanyang cellphone. Ka-chat niya rin kasi si Bryan at Ynette ngayon.
Panay naman ang lingon ni Hanuel kay Crystal. Pinagmamasdan niya ang seryosong mukha nito habang nakatingin sa cellphone. Kanina pa niya iniisip kung ano ba ang nagawa niya at bigla na lamang ito nag walk-out. Kaya hindi niya rin ito kinausap dahil para sa kanya ay dapat siya ang masama ang loob. Siya dapat ang nagagalit ngayon dahil nakita niya itong may kasamang ibang lalaki. Mali bang isipin niya ang kanyang sariling kalusugan?
Huminga ng malalim si Hanuel. Pinagpatong niya ang mga palad sa dalawang hita niya at pinagalaw ang mga daliri na para bang may tinitipang pyano. 'What's wrong Lee Hanuel?' Tanong niya sa kanyang sarili. Ang bilis kasi ng tibok ng kanyang puso at labis na nag-aalala kung galit ba sa kanya ang dalaga o hindi. 'Di ba dapat siya ang magalit? S'ya ang natataranta ngayon? Ngunit mukhang baliktad ang nangyayari para kay Hanuel.
Tumikhim niya sa pagbabaka sakaling mapukaw nito ang atensyon ni Crystal pero hindi manlang ito kumibot. Huminga siya ng malalim. "Fine. I'm sorry," usal niya rito habang nakatingin sa dalaga.
Ngunit walang epekto sa dalaga ang ginawa niya. Seryoso pa rin itong nakatutok sa cellphone niya at pangiti-ngiti pa. "Hey, Crystal." Hindi pa rin siya nilingon ng dalaga kaya bigla na lamang niyang kinuha ang cellphone nito.
"Oy ano ba?" Gulat na tanong ni Crystal at inabot ang cellphone. Ngunit tumayo siya at tinignan ang pinagkakaabalahan nito.
Bryan: See you tomorrow, Crystal. ;)
Awtomatikong kumunot ang noo ni Hanuel nang mabasa ang kachat ni Crystal. Tinitigan niya ang larawan nito. At halos mag-usok ang kanyang ilong nang mapagtanto kung sino ito.
"Akina 'yan!" Agaw ulit ni Crystal sa cellphone. Tiningnan niya ng masama si Crystal na seryoso at madilim din ang mukha. Pilit nitong inaabot ang cellphone niya sa kanya pero nilalayo niya iyon.
Ngumisi si Hanuel na para bang nang-aasar. "What is the meaning of this?" Seryosong tanong niya.
Tumigil si Crystal sa pag-abot nakipagtitigan sa binata. "Nothing! We're just talking! Hindi naman kasama sa kontrata na hindi ako pwede makipag-chat sa ibang lalake ah?" Mataray na sabi nito.
Lalong nagdilim ang mukha ni Hanuel at mahigpit na hinawakan ang cellphone ni Crystal. Halos magkiskisan na ang kanyang mga ngipin sa pagpipigil niya.
"You're telling me that you are not jealous but look what your acting now?!" dagdag pa nito. Lalong nainis si Hanuel sa sinabi nito at tumawa ng paisa-isa.
"Here!" Marahas niyang inabot ang cellphone kay Crystal. Muntik pa itong mahulog dahil sa biglaan nitong pagabot sa kanya. Pakiramdam ni Hanuel ay natapakan ang ego niya dahil sa sinabi ng dalaga. "You know what? Stop dreaming okay?"
Tumaas ang kilay ni Crystal at masama itong tiningnan. "Edi tumigil ka sa pag-akto na para bang bata!"
Napapangising umiling si Hanuel. "You don't understand me, Crystal." Huminga ng malalim si Hanuel. "Have you forgotten that I am paying for you?" Napatayo ng maayos si Crystal. "What would I be jealous of?" Tinitigan niya si Crystal ng nakakaloko.
Napalunok na lang si Crystal. Nakaramdam siya ng kaba dahil sa ekspresyon nito at sa tono ng pananalita niya. Na para bang kinukutya siya nito.
Humakbang si Hanuel kaya napaatras si Crystal at napaupo muli sa sofa. Itinukod ni Hanuel ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ni Crystal kaya lalong napasandig ang dalaga sa sandalan ng sofa.
"What would I be jealous of if I can kiss you whenever I want? If I can touch you? If I can easily bed you? There is nothing to be jealous of because I'm paying you to do those things he can't," seryosong sabi ni Hanuel.
Natameme si Crystal sa sinabi nito. Naramdaman na lamang niya ang pag-init ng gilid ng kanyang mga mata. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa dahil dito. Alam niya 'yon. Alam niyang wala siyang pinagkaiba sa mga bayarang babae dahil sa relasyon nila ni Hanuel ngayon. Pero hindi niya maiwasang masaktan nang isampal iyon sa kanya ni Hanuel.
Hindi niya matanggap na ganon pala kababa ang tingin sa kanya ng binata.
Chapter 22
Matapos ang naging pag-uusap ni Hanuel at Crystal ay napagtanto ni Crystal kung hanggang saan lamang ang meron sila ng binata. Hindi dapat siya mag-isip ng higit pa rito. Masakit ngunit parausan lamang siya ng binata.
Kaya pilit na tinanggap iyon ni Crystal hanggang sa lumipas ang ilang buwan. Naging ganoon ang takbo ng kanilang mga buhay. Naging madali na rin para kay Crystal na kalimutan ang umuusbong na pagtingin niya rito dahil naging madalang ang pagpunta ni Hanuel sa pinas.
Nag-trending kasi siya noong nasa restaurant ito kaya na ungkat pa ang tungkol sa pagkatao niya. Nalaman ng ibang mga fans na meron pa lang mga negosyo ang binata sa pinas. Mga clubs, hotels at restaurant na siya ang nagmamay-ari. Kaya walang araw na walang maraming fans ang nag-aabang sa mga negosyong pagmamay-ari niya. Napag-desisyunan ng kanyang agency na hindi muna dapat pumunta si Hanuel. Nagpapasalamat na nga lang si Crystal na hindi nalalaman ng iba ang tungkol sa kanya. Kasi kapag magkataon ay magugulo ang tahimik niyang buhay. Ang malala ay pwede siyang ma-bash kapag malaman ng iba ang ugnayan nila.
"Dali! Kakanta na si Bryan!" kinikilig na sabi ni Ynette. Lumabas kasi muna sila sa venue ng party nila. Company anniversary kasi nila ngayon. Lahat sila na andoon ay nakaformal attire.
Si Crystal ay nakasuot ng pulang dress na may mahabang slit sa kanang hita. Abot iyon hanggang sa may talampakan niya kaya nagsuot siya ng itim na three inches heels. Nakalugay ang kinulot niyang buhok. Dahil sa kanonood niya sa youtube ay natuto na rin siyang mag-ayos ng sarili kaya hindi na siya nahirapan pa sa pag make-up. Nakakabili na rin kasi siya ng mga pang sarili niya ngayon nang hindi nakokonsensya sa gagastusin niya. May dala rin siyang gold na pouch kung saan doon nakalagay ang kanyang cellphone at mga card.
Si Ynette naman ay naka kulay biege na fitted dress. Hanggang itaas ito ng tuhod niya at kita ang likod. Nakasuot din ito ng kaparehas na kulay na heels na merong apat na pulgada. Parehas silang nakalugay ngunit ang kay Ynette ay straight.
Nagmamadali na silang bumalik sa table nila para mapanood si Bryan na nasa stage ngayon.
"Gwapo naman! Whoo! Oppa!" tumili si Ynette. Natawa na lamang si Crystal at pinagmasdan ang binata. Napaka gwapo nga nito sa suot niyang midnight blue na tuxedo. Meron pa itong itim na ribbon sa may leeg niya. Bagay na bagay sa kanya ang gupit nito na naka side part.
Tumikhim si Bryan. "Hello everyone! Are you enjoying the night?" malambing na tanong ni Bryan. Naghiyawan namang ang mga tao bilang tugon sa binata. "Okay! Gusto ko sana kayong alayan ng isang kanta. Para kung meron mang mga inaantok diyan ay magising naman." Bahagyang nagtawanan ang mga tao.
Hindi inaalis ni Crystal ang kanyang tingin sa binata. Para siyang nadadala sa bawat pagkilos nito. Matapos ang kanilang 'date' noon ay palagi na nakabuntot sa kanya ang binata. Palagi na itong sumasama sa kanila tuwing lunch break. Palagi na rin siya nitong china-chat o tinetext. Aaminin niyang medyo lumalalim na ang paghangang nararamdaman niya para sa binata. Pinipigilan niya lang dahil meron pa siyang kontrata kay Hanuel.
"Itong kanta na 'to ay actually para sa isang tao." Inilibot ni Bryan ang paningin sa mga tao. Bahagya pang tumigil ito sa pagtingin nang magkatitigan sila ni Crystal. "She's here with us pero hindi ko na babanggitin pa kung sino." Bigla na lamang naghiyawan ang mga tao.
"OMG!" Kinikilig na sabi ni Ynette. Tinapik tapik na nito ang balikat ni Crystal. Napapangiwi na lamang si Crystal dahil sa ginagawa nito.
"This is for you. I know you are listening. I hope na malaman mo kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman para sa 'yo.." Mahinang sabi ni Bryan. Nagpalakpakan ang mga tao at tumahimik na noong nag umpisa nang kumanta si Bryan.
Napatikhim si Crystal at biglang nakaramdam ng pagkailang. Habang kumakanta kasi si Bryan ay panay ang sulyap nito sa kanila. At sa tuwing nangyayari iyon ay nagtatama ang paningin nila.
Hindi naman ito napapansin ni Ynette dahil nakapikit pa ito habang marahang gumagalaw pakanan at kaliwa kahit nakaupo lamang. Meron na rin mga magkasintahan na sumasayaw sa gitna.
Pinilit na ituon ni Crystal ang kanyang pansin sa pagkain na nasa harapan niya. Ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na tumingin kay Bryan. Muli ay nagtagpo ang kanilang mga mata. Nakagat na lamang niya ang likod ng kanyang labi nang hindi iniwas ni Bryan ang kanyang tingin. Nakatitig lamang ito kay Crystal na para bang nangungusap.
'Kalma, Crystal!' Hiyaw niya sa kanyang isipan noong maramdaman niyang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya maalis ang tingin niya kay Bryan dahil nadadala siya rito. Alam niya sa sarili niyang unti-unti na rin siya nahuhulog dito.
Pero hindi pwede- hindi pa pwede.
Hindi sa ganoong sitwasyon niya. Nalilito siya sa kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Dahil habang ninanamnam niya ang mga oras na iyon ay sumisingit sa kanyang balintataw ang imahe ni Hanuel. Ngunit pilit niya naman iyon winawaksi dahil mas lalong hindi sila nararapat ng binata.
Kung papapiliin si Crystal ay mas gugustuhin niya ang taong abot kamay niya kesa sa taong napakataas. Napakataas tapos iba pa ang tingin sa kanya.
Napalunok si Crystal.
Malinaw na sa kanya ang ibig iparating ng ni Bryan. Kung bakit ito sobrang naging mabait sa kanya. Kung bakit palagi ito nasabay sa kanila. Palagi siya nito inilalabas. Mga pahaging nito. Sa mga oras na iyon ay malinaw na sa kanya kung ano ang ibig iparating nito.
Si Crystal na ang nag-iwas ng paningin noong matatapos na ang kanta nito. Tumungo siya at hindi maiwasang manlumo.
'Gustuhin niya pa rin kaya ako kapag malaman niya ang totoo?' Tanong ni Crystal sa kanyang sarili.
Hindi niya alam.
Matapos ang party ay isa-isa nang nag-alisan ang mga tao sa venue. Magkasabay si Ynette at Crystal na lumabas ng building na iyon. Medyo hilo na si Crystal dahil sa alak na kanyang ininom kanina.
Unang sumakay si Ynette na lasing na lasing na dahil sa naparami ang nainom nito. Pinasakay na niya ito sa taxi para maihatid na deretso sa kanila. Siya na lamang nang nagbayad at kinuha niya muna ang mga gamit nito dahil pihadong makakatulog ito.
Mahirap na.
Papasakay na sana siya ng taxi nang may tumawag sa kanya. Si Bryan. Bigla na lang siyang nakaramdam ng kaba nang mapalapit na ito sa kanya.
"Cyrstal!" tawag nito sa kanya. "Hatid na kita?" tanong ni Bryan sa kanya na malaki ang ngiti.
"Ahh.. h'wag na. Magpahinga ka na," naiilang na tanggi ni Crystal dito.
"Sige na?" pamimilit ni Bryan.
"Malayo pa ako Bryan. Ano ka ba? Okay na ako. Magta-taxi naman ako eh."
Para namang nalungkot si Bryan dahil tumungo ito bigla. Nakokonsensya man si Crystal ay ayaw naman niya kasi malaman kung saan siya nakatuloy ngayon. Pihadong magtataka ito. At isa pa ay nahihiya pa siyang kausapin ito. Hindi niya kasi alam ang sasabihin kapag magtapat na ito sa kanya.
"Sige, pero ingat ka ha?" Malungkot nitong sabi. "Ako na magpara ng taxi." Sabi pa nito at humarap sa kalsada saka kumampay sa mga taxi na dumadaan.
Napakagat na lamang ng labi si Crystal. 'Hindi pa pwede, Bryan. I'm sorry..'
"D-Dito na ako," paalam ni Crystal sa binata noong may pumara na sa harap nila na taxi.
"Text mo ako ha kapag nakauwe kana?" ani nito.
Ngumiti siya rito at tumango.
"Goodnight, Bryan!"
Isinandig ni Crystal ang kanyang likod sa upuan ng taxi. Pinagmasdan niya si Bryan sa side mirror ng taxi. Nakatanaw lang ito sa sinasakyan niya.
Napabuntong hininga si Crystal. 'Boyfriend material ka sana kaso.. Dapat ko ba itigil 'to?' Napailing siya.
'Pwede naman siguro?'
Wala pang kalahating oras ay nakauwe na rin si Crystal. Nahihilo man ay maayos naman siyang nakapanik sa bahay nila. Pagkabukas niya ng pinto ay halos mapalundag siya sa gulat.
Nasa may bukana kasi ng door entrance sa loob si Hanuel. Nakatayo ito habang nakasandig sa may dingding. Nakakrus ang dalawang kamay sa may dibdib at nakapikit.
Hindi kasi inaasahan ni Crystal ang paguwe nito. Noong mga nakaraan ay natawag ito sa kanya kapag uuwe dahil nga patago lamang ang pagpunta nito sa pinas kaya inaabisuhan muna siya nito. Ngayon kasi ay wala manlang itong text sa kanya.
Idagdag pang madilim ang buong paligid maliban sa ilaw sa may pinto. Tapos nakasuot ito ng itim na jacket at pantalon kaya ganon na lamang ang gulat ni Crystal nang makita ito.
Hawak ang dibdib na huminga ng malalim si Crystal. Marahan niyang sinara ang pinto.
"Ano'ng ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong ni Crystal sa binata.
Nag-angat ito ng ulo at tumingin sa kanya. Malamlam ang mga mata nito kaya lalong naniningkit.
"Hindi ka manlang nagtext na uuwe ka pala. Nakakagulat ka naman," dagdag pa niya. Madadaanan niya na sana ito pero pinigilan siya nito.
"What took you so long?" mahina ang boses na sagot ni Hanuel. Pinagpatong nito ang dalawang kamay niya sa balikat ni Crystal.
Naamoy agad ni Crystal ang ininom nitong alak nang huminga ito. "Are you drunk?"
Wala sa sariling ngumiti si Hanuel sa kanya habang nakatitig sa kanyang mukha. Namumungay ang mga mata nito. "You're stunning," ani nito.
Tug! Tug!
Napalunok si Crystal at napakagat ng labi. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay biglang nag-slow motion ang paligid.
"You just don't know how much you mean to me, Crystal." Bumaba ang tingin ni Hanuel sa kanyang mga labi at muling tumingin sa kanyang mga mata. "You make me go crazy. Did you know that?"
Napamaang si Crystal dahil sa sunod nitong mga sinabi. Nahirapan pa siyang iproseso ang sinabi nito.
"H-Ha?"
Ngumiti lamang sa kanya si Hanuel at niyakap siya ng mahigpit.
"I like you, Crystal."
Chapter 23
"I like you, Crystal."
Bumaliktad ng pwesto si Crystal at humarap sa kanan niya. Nakapikit pa rin siya. Pilit na hinihanap ang antok niya.
"I like you, Crystal."
Tumihiya naman siya ngayon. Isinaklob ang kumot niya sa kanyang mukha.
"I like you, Cryst-"
"Urgh!" Bumalikwas na ng upo si Crystal. Namumugay ang mga mata na meron ng kulay itim sa ilalim niyon. Tatlong gabi na siyang walang maayos na tulog dahil sa sinabi sa kanya ni Hanuel. Tatlong araw na niyang iniisip kung ano ba ang ibig sabihin nito dahil matapos nitong sabihin 'yon sa kanya ay umalis din ito kaagad kinabukasan.
Ni hindi nga niya ito na abutan kahit katabi niya ito matulog. Pagkagising niya ay wala na ito.
Kaya heto siya ngayon na iwan na walang humpay sa kaiisip kung ano ba ang ibig niyang iparating.
Naiinis na ginulo niya ang kanyang buhok at muling humiga. Inabot niya ang kanyang cellphone na nasa side table.
4:33AM
Napabuntong hininga na lamang nang maisip na wala na naman siyang na itulog. "Haist! Lee Hanuel! Nakakainis ka!" naiinis na sabi niya saka tumayo at pumunta sa kusina. Hindi na niya mabilang kung pang ilang gatas na ang kinukuha niya ngayon para muling inumin.
Dumeretso siya sa terrace at hinayaan ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang balat. Umupo siya sa hanging chair na andoon. Hugis luha iyon na naka sabit sa isang matigas na stand. Humigop muna siya ng mainit na gatas saka inilapag iyon sa lamesang malapit sa kanya.
Isinandig niya ang kanyang pagod na likod at tinanaw ang kabuuan ng Makati. Napaka ganda niyon tuwing mag uumaga pa lamang at sa tuwing gabi na. Mula nang tumira siya rito ay natutunan na niyang mahalin ang bukang liwayway at ang takip silim. Ang ganda pagmasdan ng pagiiba ng kulay ng kalangitan.
Muli siyang huminga ng malalim. Na isip niyang muli ang sinabi ni Hanuel. "Totoo kaya 'yon?" nagdududa niyang tanong sa sarili.
Pang ilang beses na rin ba niya iyon na itanong sa kanyang sarili? Hindi na rin niya alam.
Lalo tuloy siya naguluhan sa kanyang nararamdaman ngayon. Umpisa pa lang ay pina-intindi na sa kanya ni Hanuel na tanging trabaho lamang ang meron sila.
Papalabasin ni Crystal ang init ng katawan ni Hanuel at babayaran naman siya ng huli para dito.
Kaya kahit na alam niya sa kanyang sarili na unti-unti na siyang nahuhulog sa binata ay pinigilan niya ang sarili niya.
Tapos ngayon ay sinabi nito na may gusto ito sa kanya. Kung kailang tinutuon na lang sana niya ang nararamdaman niya kay Bryan.
Para siyang batang nabitawan ng kanyang magulang sa gitna ng daan. Naliligaw at hindi malaman kung ano ang gagawin.
Muling bumuntong hininga si Crystal. Magpapaalam na sana siya rito na gusto na niya ipawalang bisa ang kontratang meron sila pero bigla naman naging ganito. Bigla siyang nagdalawang isip na tumigil sa kanyang trabaho na meron kay Hanuel.
Muli siyang uminom ng gatas.
Gusto na niyang tumigil sa trabaho niya kay Hanuel dahil gusto na sana niyang bigyan ng tyansa ang sarili niya. Para kasi sa kanya ay wala siyang mapapala kung aasa lamang siya kay Hanuel. Kasi nga masyado itong sikat at hanggang ngayon ay dinadamdam niya ang sinabi ng binata sa kanya.
Tumingin siya sa langit na nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Nakatitig lamang siya roon at iniisip ang damdamin niyang nalilito pa rin. Hanggang sa hindi na niya namalayan na bumibigat na ang talukap ng kanyang mga mata at tuluyan ng nakatulog.
"Hey, bitch!"
Papasok na sana si Crystal sa loob ng building ng company na pinagta-trabahuan niya nang merong humarang sa kanyang limang babae. Lahat sila ay nakasuot na parang sa mga kpop girls. Mula sa buhok hanggang sa suot nitong sapatos ay parehas sa kanila. Pilipino sila pero ang postura nito ay parang sa mga koreana.
Lahat sila ang nakapamewang habang nakapalibot sa kanya. Hindi na sana niya papansinin kaso hindi siya pinadaan ng mga ito. At isa pa ay mukhang mga teenager’s pa lang ang mga ito.
"Excuse me?" nakakunot-noong sabi ni Crystal sa babaeng nakataas ang kilay sa harapan niya.
"Don't you dare try stealing our Oppa!" hiyaw ng may kulay pulang buhok sa kanya at bahagya pa siyang itinulak.
Napamaang si Crystal at nalilitong tiningnan ito. "Ano?" Parang biglang nagtayuan ang buhok ni Crystal sa kanyang batok dahil sa tono ng pananalita nito.
"Bingi ka ba o nagtatanga-tangahan lang?" Nanlalaki ang mga mata na sabi ng katabi nitong kulay asul naman ang buhok.
Napangisi si Crystal sa mga ito dahil hindi siya makapaniwala sa mga kinikilos nila. "Pwede ba mga ineng tumabi kayo sa dadaanan ko?" mataray niyang sabi na nakataas din ang kilay niya. Hindi na niya kaya pang magpigil dahil kung pamangkin niya ang mga ito ay pihadong nakatikim na sa kanya ng kurot sa singit.
Umikot lang ang mga mata ng kulay pula ang buhok at muli siyang sinamaan ng tingin.
"So nagyayabang ka na ngayon? Bakit? Dahil ba successful ba ang pagiging malandi mo?!"
Nagpantig ang kanyang mga tenga dahil sa sinabi nito. "Anong sabi mo?!" hindi makapaniwalang sabi niya. "Hindi ako pumapatol sa bata pero kapag hindi ka tumigil-"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla na lamang ito humiyaw. Nagtingin tuloy ang mga nadaan sa kanila at mga katrabaho niyang papasok sa building.
"Stay away from Lee Hanuel Oppa!"
Bigla siyang natigilan dahil sa binanggit niyang pangalan at bigla na lamang binundol ng kaba.
"Ayun! Ikaw 'to diba?!" hinaharap ng isang kulay dilaw ang buhok sa kanya ang cellphone nito.
Papasok sa isang building ang isang babaeng nakapulang bestida. Ang sunod naman na larawan ay papasok sa isang pinto. Kasunod ay paglabas ng isang lalaking naka puting T-shirt at ripped jeans. Hawak nito sa kanyang kamay ang itim na jacket, mask at sunglasses nito.
Napalunok si Crystal. Kahit kahit likod at kalahati lang ng mukha ng babae ang makikita sa picture ay hindi iyon maikakaila na siya iyon. At ang lalake naman ay malabo ang kuha pero kahawig nito si Hanuel. Malabo ang mga larawan pero alam niya sa sarili niya kung sino ang mga ito.
"Ano? Tatanggi ka pa?!"
Hindi siya nakapagsalita pa. Para siyang biglang na pipe dahil sa gulat. Kung kanina ay matapang niyang mahaharap ang lima ngunit ngayon ay nawala lahat ng tapang niya.
'Saan nila nakuha ang picture na 'to?'
"Ang landi mo!"
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang sasampalin siya ng kulay pula ang buhok. Kumurap-kurap pa siya at napapikit noong papalapit na ito sa mukha niya. Naigtad pa siya nang marinig niya ang tunog ng malakas na palo ngunit wala siyang sakit na naramdaman kaya nagmulat siya ng mata.
Bumungad sa kanya si Bryan sinalag ang kamay ng babae.
"Stop this or we will sue you!" maawtoridad nitong sabi. "Guard!"
Napasinghap ang lima nang marinig ang sinabi ni Bryan. Napalitan ng takot ang matataray nitong mukha. Muling tumingin sa kanyang ang mga babae at sinamaan siya ng tingin.
Nagsenyas pa ito binabantayan siya ng mga ito saka nagmamadaling umalis.
Nakahinga siya nang maluwag noong hindi na niya makita ang mga ito.
"Okay ka lang, Crystal?" nag-aalalang tanong ni Bryan sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang braso.
Naluluhang tiningnan ito ni Crytal. Pinagsaklop niya ang kanyang dalawang kamay noong makitang nanginig iyon.
'Paano nila nalaman?'
"Crystal?" tawag ni Bryan sa kanya. "Ano'ng nangyari? Sino ba 'yon?"
'Hindi pwedeng malaman ng ibang tao ang tungkol doon!'
"S-sorry I have to go," paalam niya kay Bryan at saka tumalikod.
"Teka, Crystal!" tawag ulit nito sa kanya. Pipigilan sana siya nito pero sumakay na siya bigla sa pumarang taxi sa harapan niya.
Chapter 24
Ilang araw na hindi nakapasok sa trabaho si Crystal dahil palaging may mga fans ni Hanuel sa kanyang trabaho. Maging sa labas ng building ay hindi siya makalabas dahil meron din ditong naghihintay na mga fans. Pinagpapasalamat na lamang ni Crystal na hindi ginugulo ang pamilya niya sa Cavite.
Siya lang ang pinupuntirya ng mga ito.
Hindi kasi nila matanggap na merong isang Pinay na karelasyon daw si Hanuel. Iyon ang sabi sa internet. Ilang araw na siyang trending sa iba't ibang social media.
Malandi.
Gold Digger.
Prostitute.
At kung ano-ano pa ang tawag sa kanya ng mga fans nito na hindi matanggap na 'Girlfriend' siya ni Hanuel.
Pakalat-kalat na rin ang picture niya sa social media at ginagawan ng kung ano-anong caption. Mapa-pinoy o taga-ibang bansa ay bina-bash siya. Lalong-lalo na ang mga Koreanong fans nito. Higit sa lahat ay sila ang hindi makatanggap kung bakit siya ang GF ng idolo nila.
Kaya wala nang nagawa pa si Crystal kundi ideactivate muna ang meron siyang social media account. Sanay naman siya na hindi gumagamit ng internet kaya hindi naman siya nahihirapan. Ang problema lamang ay maging sa tv ay binabalita na rin siya.
Meron naman ibang mga natutuwa kasi nagkagusto 'raw' sa kanya si Hanuel. Si Hanuel na isang sikat na tao at si Crsytal na isang normal na mamayan lang ng earth. Lalong-lalo na ang mga pinoy dahil nakakaproud daw. Dream come true raw ang nangyari sa kanya para sa mga fans nitong mababait at nakakaunawa.
Maging ang mga kakilala niya ay tuwang tuwa sa kanya. Pero syempre meron ding mga galit kagaya ng maraming fans.
Nagtataka sila kung ano ba raw ang meron sa kanya at nagustuhan daw siya ng isang Lee Hanuel. Iniisip pa nga nila na ginayuma niya raw ang binata. Natawa na lamang si Crystal sa tiyorya nilang iyon.
Tanghali na ng mga oras na iyon at oras na ng kainan kaya naman ay nagluto na si Crystal ng makakain niya. Maige na lang ay regular na merong nagdadala sa kanya ng grocery kaya kahit ata umabot ng isang taon na hindi siya makalabas ay hindi siya magugutom.
Kumuha siya ng naka-marinate na karne ng baboy sa ref at inilagay iyon sa malaking plato. Inihanda na niya ang oven dahil doon niya ito lulutuin. Pagkatapos um-init ng oven ay inilagay sa baking plate ang karne saka isinalang sa oven. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-alarm ng tatlong pung minuto. Pagkatapos niya doon ay kinuha naman niya ang kaldero ng rice cooker at nilagyan iyon ng bigas. Hinugasan, sinabawan at isinalang na sa rice cooker.
Pagkatapos ay umupo na siya sa sofa at muling binuksan ang tv. Hindi siya nanonood ngayon ng mga balita dahil palagi niyang nakikita ang mukha niya doon. Kaya naman ay puros pelikula sa netflix ang naging libangan niya ngayon.
"Sweet Home.." Binasa niya ang description ng palabas na merong title na Sweet Home. Isa iyong Korean series.
Pinindot na rin niya ang play makalipas ng ilang sandali. Wala rin naman siya ibang mapapanood dahil halos lahat na ng Korean series na meron sa netflix ay napanood na niya. Inayos na niya ang kanyang upo at itinuon ang pansin sa pinapanood na palabas.
Sampung minuto pa lang ang tinatagal niya sa panood nang marinig niyang merong nagbubukas sa front door niya. Agad niyang kinuha ang remote para ipause ang pinapanood saka lumapit sa door entrance.
Bahagya pa siyang nakaramdam ng kaba dahil wala namang nasabi si Joseph noong nag-usap isa na pupunta ito sa kanya ngayong araw.
Tumayo si Crystal sa may door entrance at tiningnan kung sino ang dumating. Napalunok siya noong bumukas na ang pinto at awtomatikong bumukas ang ilaw doon.
"Hanuel?" tawag niya sa lalaking pumasok.
Lumingon ito sa kanya na parang nagulat pa. Ngunit agad din iyon nawala dahil napalitan ng pag-aalala ng ekspresyon nito. Isinara niya ang pinto at ibinaba ang hawak na bag. Tinatlong hakbang niya ang pagitan sa kanilang dalawa at kinulong siya sa mga bisig nito.
"I'm sorry, Crystal. I'm sorry I'm late," ani nito at hinalikhalikan siya sa may ulo. "Promise I'll fix this. Everything will be okay don't worry." Mababakas ang sensiridad nito.
Para namang nanigas si Crystal sa ginawa ni Hanuel. At noong makarecover na siya ay unti-unti na lang nangilid ang kanyang mga luha. Biglang lumambot ang puso niya na ilang araw na niyang pinatatatag dahil sa nangyari. Lahat ng takot, sakit, at hinanakit niya ay bigla na lang lumabas noong mayakap niya si Hanuel.
Gumanti siya ng yakap sa binata at humagulhol.
Bukod sa kanyang pamilya ay wala na siyang ibang nakausap pa mula noong pumutok ang balita. Hindi naman niya pwedeng ipakitang nahihirapan siya at nasasaktan dahil sa mga sinasabi ng iba dahil pati sila ay panghihinaan ng loob.
"Sshh.. I'm here now. Don't worry.." alo sa nito sa kanya. Hindi niya alam kung ilang minuto sila magkayakap ni Hanuel pero biglang gumaan ang kanyang pakiramdam. Tumigil lang sila noong tumunog na ang alarm niya. Bumitaw siya saglit dito at pinuntahan ang niluluto niyang ulam.
Noong maayos na niya ay lumapit na siya kay Hanuel na nakaupo na sa sofa. Nakapatong ang mga siko nito sa hita niya at nakasaklob sa mukha ang mga palad. Rinig din ni Crystal ang pagbuntong hininga nito.
Tumabi si Crystal kay Hanuel. Agad na inayos ni Hanuel ang kanyang upo noong maramdaman ang presensya ni Crystal.
"Hey," paos na sabi nito.
"Do you want to eat?" pag-aalok ni Crystal. Tinitigan ni Crystal ang mukha ng binata. Nangangalum-mata ito at lubog ang ilalim ng mga mata. Ngayon lang niya natitigan ang mukha nito. Ibang-ibang sa Hanuel na masigla at may buhay na napapanood niya sa mga TV shows. Ngayon para itong pinag-sakluban ng langit at lupa. "May problema ba?"
Umiwas ito ng tingin at umiling. "My management is working on the issue. They give a statement after a few days, so we have just to wait. I'm really sorry about what happened," sinserong saad nito.
Bahagyang ngumiti si Crystal. "It's okay. But, where did they get the pictures?" nagtatakang tanong niya. Masyado kasing palaisipan sa kanya ang bagay na ito. Ang pagkakaalam niya kasi ay masyadong mahigpit ang pamunuan ng building na tinitirihan nila dahil nga mga eksklusibong mga tao ang nakatira dito.
"Their staff. One of the girls who rushed to you has a cousin in this building. She knew my unit and saw you there entering," dismayado nitong sabi. "Joseph is already working on it. The management of this building will sue the girl and the staff who let the girl in."
Bahagyang na alarma si Crystal. "Ha? Sue agad?" gulat niyang tanong. Nalilito namang tumingin si Hanuel sa kanya.
"Why? Of course. People are accusing you now because of what they did. I'm okay because I'm a celebrity but you? I know how hard this for you."
"Pero.. ang bata pa kasi n'on. Kawawa naman kung kakasuhan agad, diba?" Napuno ng pag-aalala ang mukha ni Crystal. Oo nga't ang daming masasakit na salita ang natanggap niya. Nagkaroon ng iba't ibang bersyon ang kwento ng larawan at buhay niya. Namura at nabigyang ng mga death threats pero hindi naman niya kakayanin na merong masirang buhay nang dahil lang sa kanya. "Hindi naman niya kasalanan 'yon. Masyado ka lang niyang inidolo."
Napamaang si Hanuel sa sinabi ni Crystal. Nakita at nabasa niya kung ano ang mga masasakit na sinabi ng mga tao kay Crystal kaya hindi siya makapaniwala ngayon. Imbes na magalit ito ay mukhang nakikisimpatya pa ito sa kanila.
"But.. look what happened to you now? You can't even go to your work, Crystal. If we will just let them go, they will just continue doing it. Again, and again."
Umiling si Crystal. "No, it's okay. Ayokong may makulong nang dahil lang dito. I will just talk to her. Kilala niyo naman sila, diba?"
Mariing tinitigan ni Hanuel ang dalaga. Tinitingnan niya kung meron siyang makikitang kahit konting bahid ng sama ng loob dito ngunit wala. Kitang kita sa mga mata nito ang sensiridad na nagpabilis ng tibok ng puso niya.
"You.." sinapo ni Hanuel ang pisngi ni Crystal at ngumiti rito. "You really amazed me."
Napalunok si Crystal dahil sa sinabi nito. Muling bumalik sa kanyang balintataw ang sinabi nito noong umuwe siya galing sa party nila. Naramdaman niya na lang ang pagbilis ng tibok ng puso niya habang nakatitig sa mga mata nitong nangungusap. Pinilit na ngumiti ni Crystal.
"A-Ano ka ba? Konsensya ko naman kasi kapag hinayaan kong mangyari 'yon."
Napakislot siya noong ginalaw ni Hanuel ang hinlalaki nito at hinaplos ang kanyang baba. Nagbigay iyon ng kakaibang sensasyon sa kanyang katawan. Para siyang kinukuryente sa ginagawa nito. Kinurap-kurap niya ang kanyang mga mata noong makita niyong unti-unting bumaba ang mukha ni Hanuel.
"L-Lalamig na 'yong niluto ko!" Biglang tumayo si Crystal. "Kain tayo?" nakangiwing alok niya kay Hanuel. Ngunit hindi na niya pinagsalita pa ang binata at agad itong hinila papunta sa hapag kainan. Napapangiting umiling-iling na lamang si Hanuel at nagpatihila sa dalaga.
Chapter 25
Nagising si Crystal sa malakas ng tunog ng kanyang telepono. Hindi niya sana papansinin ito dahil inaantok pa siya ngunit ayaw tumigil ang pagtunog nito kaya kinuha na niya iyon. Nilingon niya si Hanuel na nakadapang nahihimbing pa sa tabi niya. Umungol ito noong muling mag-ring ang cellphone niya kaya kahit inaantok pa ay tumayo siya at lumabas ng kwarto.
"Ano?" antok na tanong niya na hindi manlang tinignan kung sino ang tumatawag.
"Bakla! Ang tagal mong sumagot!" Napangiwi si Crystal at bahagyang na ilayo ang cellphone niya nang marinig ang malakas na boses ni Ynette sa kabilang linya. "Open mo facebook mo, dali!"
Sumalampak muna siya sofa. "Eh diba nga naka-deactivate ako," walang ganang tugon ni Crystal. Dinig na dinig niya ang pagpalatak nito.
"Edi i-activate mo ulit! Dalian mo na!"
"Ano bang nangyari? Sabihin mo na lang kasi?"
"Basta buksan mo na lang Crystal Jimenez! Sasabunutan kita diyan eh! Pasalamat ka hindi kita katabi!" Napaikot na lamang ng mata si Crystal. Nakikita niya ang itsura ng kanyang kaibigan na nanlalaki ang mga mata nito at halos umuusok na ang ilong habang sinasabi iyon.
"Eto na!" Kunyaring naiinis na sabi niya. Kinuha niya ang laptop niya at binuksan iyon.
"Okay na?"
"Nag-o-open pa lang po ako ng laptop, madam," biro niya. Hindi sumagot ang kausap niya ngunit dinig na dinig niya ang pagtapik nito sa kahoy. Agad niyang binuksan ang browser ng laptop niya noong magbukas na ito at saka pumunta sa facebook. Muli niyang in-activate ang account niya. Hindi na siya nagulat pa noong makita ang hindi na mabilang na notification at mga chat sa kanya. Naka-private na iyon matagal na pero meron pa ring nakakalusot mag-chat sa kanya. "Okay na."
Tumikhim muna ito. "Punta ka sa profile ni Bryan. Friends kayo diba?"
"Who's on the phone?" Napalingon si Crystal nang magsalita si Hanuel na papalapit sa kanya.
"Waah! Andyan siya?!" gulat na tanong ni Ynette.
"My friend." Naiiwas niyang muli ang cellphone niya sa kanyang tenga noong muling marinig ang malakas na tili ni Ynette. "Ano ba Ynette?!" saway niya sa kaibigan. Naramdaman niya ang paglubog ng sofa noong tumabi ito sa kanya.
"Sorry naman! Ngayon ko lang narinig ang boses niya eh! Pakausap naman!"
"Heh! Ginising gising mo ako tapos hindi pala ako ang gusto mong kausap?"
"Tsk! Oo na! Open mo na profile ni Bryan!" inis na sabi nito.
Sinunod naman ito ni Crystal at binuksan ang timeline ni Bryan. "Okay na."
"Scroll mo."
Marahan niyang ini-scroll ang timeline nito. Una niyang nakita ang mahaba nitong post na may kalakip na larawan. Napamaang na lamang niya nang mapagtanto niya kung sino ang nandoon. Ang larawan niya at ni Hanuel na nagti-trending ngayon. May isa pang larawan doon na si Bryan naman at suot ang kagayang damit ni Hanuel na nasa mga larawan. At meron pang kuha noong party habang magkatabi silang dalawa ng binata.
"What the hell?" Narinig niya ang baritonong boses ni Hanuel. Nakakunot ang noo nitong nakatitig sa laptop niya.
Agad nitong kinuha ang laptop at binasa ang post ni Bryan. Hindi na siya nagpaalam pa sa kaibigan at binaba na iyon dahil natuon na rin ang atensyon niya sa post ni Bryan. Dumikit siya kay Hanuel at nakibasa.
Hi world! Ako si Bryan Reyes. Hindi madali para sa akin na sabihin ito ngayon pero hindi ko naman pwedeng hayaan na lamang ito. Lalo na kung masyado nang na-aapektuhan ang mga buhay namin, especially ang babaeng mahal ko. Oo guys, tama kayo diyan. Nagkakamali po kayo sa pag-aakalang ang lalaking lumabas sa bahay ni Crystal Jimenez ay isang sikat na artista. Hayy.. 'di ko naman kayo masisisi dahil mukha naman talaga akong Koreano. Hahaha!
Pero kidding aside. Please stop bashing Crystal Jimenez! Lahat po kayo nagkakamali dahil ang taong nakikita niyo sa picture na yan ay walang iba kundi ako. Galing po kami sa company party niyan. Nauna lang po siyang pumasok sa unit niya kaya kung makikita niyo ay mag-isa lang siyang papasok sa building. Pero kasunod niya lang po ako at medyo nahuli dahil nagbayad pa ako sa taxi na sinakyan namin. At ayan po, ito ang mga damit ko na suot sa picture na yan. Kaya imposibleng maging si Lee Hanuel ang taong 'yan. Kaya please po! Ako na po ang nagmamakaawa sa inyo! Tama na po ang pang-ba-bash niyo sa girlfriend ko. Ako lang po iyon at hindi si Lee Hanuel!
Ilang araw na po kaming hindi nagkikita ng girlfriend ko dahil dito. Miss na miss ko na po siya! Huhu! Babe! I'm sorry at napagkamalan ang boyfriend mo! Sorry talaga! Please lang po tama na po!
At isa pa, kilala na po namin kung sino ang nagpakalat ng larawan. See you on court!
I love you babe! I love you Crystal Jimenez!
Napanganga na lang si Crystal dahil sa nabasa. Ngayon lang din niya napansin na naka-tag din pala siya sa post nito. 'Anong pakulo 'to, Bryan?!'
Napa-ismid si Hanuel. "What's with this guy?" tanong nito. Biglang dumilim ang mukha nito at seryosong nakatitig sa picture ni Crystal habang naka-akbay si Bryan.
"I-I don't know," nalilitong sagot ni Crystal. Napahilamos siya ng mukha. Hinilo-hilot ang sintido. 'Anong trip mong lalaki ka?'
"Siya yung nasa restaurant, diba?" puna nito ngunit hindi sumagot si Crystal. Masyadong natuon ang kanyang atensyon sa post ng binata. Nag-aalala siya at baka ito naman ang sunod na ma-bash. "Why he is holding you?"
Napalingon si Crystal kay Hanuel. Agad na nagsalubong ang kanilang mga mata. Mababakas ang pagkainis sa mukha nito. "Ha?"
Iniharap ni Hanuel ang laptop kay Crystal. Naka-display roon ang picture ni Crystal at Bryan na magka-akbay. "Why?"
"Anong why?" nagtatakang tanong ni Crystal dito.
lalong nagbuhol ang mga kilay ni Hanuel at padabog na inilapag ang laptop sa lamesita. Napaawang naman ang bibig ni Crystal dahil sa inasal nito at maang na tinignan si Hanuel.
"Tell me. Do you two have a relationship?" tanong nito at seryosong tinignan si Crystal sa mga mata. Nararamdaman niya ang unti-unting pag-init ng kanyang ulo kaya pilit niyang kinakalma ang sarili niya.
Bahagyang napatawa si Crystal at nalilitong tinignan si Hanuel. Agad din naman siyang sumeryosong noong napansin niya na ang galit sa mukha ng binata.
"Answer me!" Tumaas na ang boses nito.
Napaigtad si Crystal at nakaramdam ng kirot sa kanyang puso. Gulat at nagtataka sa biglang inasal ng binata. "Bakit ka sumisigaw?" Pinigilan niya ang kanyang boses na pumiyok dahil naluluha na siya. Pakiramdam niya ay nakagawa siya ng masama sa lalaki at bigla na lamang itong umakto ng ganoon.
"May relasyon ba kayong dalawa? Tag-alog na 'yan ha! Baka gusto mo pa akong mag-hangul!" pang-aasar nito sa dalaga na lalong kinainis nito.
"Ano bang problema mo? Mas iniisip mo pa 'yan?!" Nangingilid man ang luha ay tumaas na rin ang boses ni Crystal. Hindi niya gusto ang tono ng pananalita nito. Hindi siya madaling umiyak kaya hindi niya alam kung bakit naluluha siya ngayon habang kausap si Hanuel.
"Oo! Kaya sumago-"
"Wala!" sigaw niya at napatayo na sa kinauupunan niya. Humihingal siyang sinapo ang noo niya at tumalikod sa binata dahil hindi na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha niya.
"Then why? Bakit siya magpo-post ng ganon? Why do you look sweet on that picture?" giit nito. Naramdaman niyang nakatayo na ito sa likod niya. Pinunas ni Crystal ang kanyang mga luha at galit na nilingon si Hanuel.
"My God, Hanuel! Ano bang problema mo ha? Ang daming stress na ang nangyari sa akin noong mga nakaraang araw tapos ganito ka ngayon? Acting like a child again because of Bryan?!" Bahagyang huminga si Crystal. "So, what kung magkarelasyon man kami? Ano naman sa 'yo?!"
"You have a contract with me!"
"I know! But why? Do you really have to act like this?!"
"Yes!"
"Why?!"
"I just have to! What's wrong with that?!"
"No! You can say it to me without accusing me of anything else! You're rich right? You have many ways if I am cheating with you!"
"Cheating?! You're not my girlfriend!"
Natameme si Crystal sa sinabi nito pero agad niyang ibinalik ang galit niyang mukha. "Yes! I'm not but why are we fighting like a couple? Why are you acting like I cheated on you?" mahina ngunit may diin pa rin niyang tanong.
"Because that's what I feel right now!" sagot ni Hanuel na inis pa rin.
Napangisi si Crystal sa sinabi nito at umiling-iling. "You’re... unbelievable!" Pagdabog na siyang nag martsa papuntang kwarto.
"Crystal. Stop!" pigil nito sa kanya pero hindi ito pinansin ni Crystal at dumeretso sa kwarto. Padabog niyang isinara ang pinto at ni-lock iyon.
kinuha niya ang maleta niya at ipinasok doon ang mga damit niya. Mabilis niyang inayos ang mga importante niyang gamit. Hindi na niya kayang matagalan pang makasama ang binata. Hindi niya alam kung bakit ito ganon. Labis niyang pinagsisisihan ngayon na naibigay niya ang kanyang sarili sa kagaya nito. Pagkatapos niyang magbihis at lumabas na siya ng kwarto.
Napanganga si Hanuel nang makitang lumabas si Crystal sa kwarto na may dalang maleta. Seryoso ang mukha nitong nakakunot pa ang kilay.
"Where are you going?" tanong ni Hanuel pero hindi ito pinansin ni Crystal. Kinuha niya ang cellphone niyang nasa sofa. Papalakad na sana siya papuntang pinto ngunit bigla siyang hinawakan sa braso. "Crystal, wait!"
"Ayoko na! Aalis na ako! Hindi ko kayang matagalan ang isang kagaya mong napaka manghusga ng tao!" bulalas ni Crystal at iwinaksi ang kamay ni Hanuel ngunit hindi ito bumitiw sa kanya.
"You're not going anywhere," mahinahong sabi ni Hanuel.
"Huh? Why? Kasama rin ba sa kontrata na hindi ako pwedeng umalis?" mataray na tanong ni Crystal.
Inis na bumuntong hininga si Hanuel. "Maraming tao sa baba kaya hindi ka pwedeng lumabas."
"I don't care!" hiyaw ni Crystal. "Aalis ako sa ayaw mo at sa gusto mo. Sorry pero I resign!"
"What?" Nanlaki ang mga mata ni Hanuel sa sinabi ni Crystal.
"Gusto mo bang tagalog-in ko pa ang sinabi ko o mag-hangul din ako?" pambubuska niya. "I said I resign! Let's end this f*ck*ng contract of yours!"

