Blurb:
As her family finally accepted Freya Ann's relationship with Bianca. New problems occur. Love. Faith. Trust. Hanggang kailan nila panghahawakan ang mga ito kung ang kanilang kalaban ay ang kanilang mga sarili?
Chapter 1
"Don't peek."
Napangiti si Becky.. "Ano ba kasi 'to? At talagang buong byahe natin gusto mong nakapiring lang ako? Saan tayo pupunta?" natatwang tanong niya habang inaayos ang piring. Maaga siyang ginising ng asawa dahil mayroon daw silang pupuntahan.
"Just relax."
"Kini-kidnap mo na ako e."
"Really? You're my wife. I can do anything to you."
Biglang pinamulahan ng mga pisngi si Becky dahil sa sinabi ni Freen. "Bakit? May bago ka bang gusto nating gawin?" malisyosong tanong niya.
Nangunot naman ang noo ni Freen at tiningnan si Becky. Napangiti na rin siya habang umiiling. "Ikaw talaga." Binuhay na niya ang sasakyan at pinaandar iyon. "I'm sure you'll like it."
Ngumuso si Becky at sumandal na lamang sa upuan. Mag-iisang taon na silang nagsasama ni Freen ngayon magmula noong magkaayos silang dalawa. Sumama siyang muli sa Manila at iniwan ang kaniyang pamilya sa probinsya. Hindi na naman siya nag-aalala pa dahil marunong din naman magluto ang kaniyang kapatid at kumuha na rin sila ng bagong cook para may katulong ang mga ito. Magmula noong magkasama silang dalawa ulit ay masyado na silang naging abala sa kani-kanilang mga gawain. Si Freen ay dumoble ang abala sa negosyo nito. Si Becky naman ay piniling muling mag-aral ng culinary arts habang nagtatrabaho sa restaurant nila Freen bilang chef. Oo, dahil sumakto na umalis ang chef ng restaurant. Wala na rin doon si Hannah dahil nahiya ito sa nangyari. Sinusubukan naman ni Becky na kausapin itong muli ngunit hindi na talaga ito sumasagot sa kaniya.
Noong magkaayos din si Freen at ang mga magulang nito ay naging tanggap na nila si Becky. Tuwing sabado ng gabi ay umuuwi sila sa mansyon ng mga ito upang mag-dinner. Maayos na ang pakikitungo ng mga ito sa dalaga. Bukod doon ay naging proud na rin ang ama ni Freen sa kaniya. Sa katunayan ay madalas nang mag-shopping si Becky at Patricia. Mas madalas na ngang magsama ang dalawa dahil abala si Freen.
Hindi na namalayan pa ni Becky kung gaano sila katagal na bumyahe. Naramdaman na lamang niyang tumigil ang sasakyan at bumukas ang pinto ng sasakyan. Hindi siya kumilos sa kaniyang kinauupuan. Sa katunayan ay bigla siyang nanabik dahil sa nakapiring siya. Naramdaman na niyang bumukas ang pinto sa kaniyang gilid. Hinawakan ni Freen ang kaniyang kamay.
"Let's go."
Inalalayan siya nitong bumaba ng sasakyan. "Nasaan ba tayo? Kinakabahan na ako, ha?"
"Relax." Dahan-dahang iginiya ni Freen si Becky papunta sa tapat ng isang gate. Pinatigil niya ang dalaga at pumwesto sa likuran nito. "Are you ready?"
"Kanina pa!" natatawa pa ring sabi ni Becky.
"Okay. First, gusto kong malaman mo na matagal ko 'tong pinaghandaan. I know... this past days. Medyo naging hectic ang schedule natin. But I want, and I expect na ito ang magiging umpisa para mas maging matibay tayong dalawa."
"Bakit parang bigla akong kinabahan sa sinabi mo?" biro ni Becky. Halos isang linggo kasi silang hindi nagkakausap na naman nang maayos ni Freen. Umuuwi ito na bahay nila ng tulog na siya. Aalis din siya ng tulog pa ito. Mas madalas na nga silang magkausap sa video call kaysa sa personal. Nagulat pa nga siya dahil nagawa nilang lumabas ngayon.
Hinawakan na ni Freen ang piring ni Becky. "Welcome to our new home!" masayang sabi niya kasabay nang pagtanggal niya ng piring.
Napanganga si Becky noong makita ang dalawang palapag na bahay. Nasapo niya ang bibig dahil parehas na parehas iyon sa bahay na pinapangarap niya. Mayroong maluwag na terrace sa itaas at may rooftop din. Sa gate pa lang ay kita na niya ang front poarch na mayroong swing. Hindi ganoon kalaki ang bakuran at sakto lang. Simple lang ang bahay ngunit para kay Becky ay napakarangya na niyon. Ni sa hinagap ay hindi niya inakala na magkakaroon sila nang ganoong tahanan. Maluha-luhang tumingin siya kay Freen.
"Do you like it?"
"Like? I love it!" ani Becky at agad na niyakap si Freen. Napaiyak pa siya dahil sa sobrang saya. "Grabe ka!"
"Umiiyak ka ba?" Tinapik-tapik ni Freen ang likod ng asawa. Napangiti siya. "You're happy."
Tumango-tango si Becky at nag-angat ng ulo. Nakadikit pa rin ang katawan niya rito. "Thank you. Pero... sa atin ba ito?"
Tumango si Freen. Pinunasan niya ang luha ni Becky gamit ang daliri. "Yes. At sa 'yo nakapangalan ito."
"Ha? Bakit naman?"
"Alam kong matagal mo nang gustong magkaroon ng bahay. At alam ko na ganito rin ang gusto mo. This is my gift to you, Becky... my wife."
Lalong napaluha si Becky. "Masyado mo na akong ini-spoil. Sabi ko naman sa 'yo na hindi mo na kailangan gawin ito."
"Ayan ka na naman. Here." Kinuha ni Freen ang susi sa kaniyang bulsa. "Give a tour to your new house."
Pinunasan ni Becky ang mga luha at ngumiti sa asawa. Kinuha niya ang susi. "Our. Our new house."
"Yes. Our new start."