Blurb:
Tuwang-tuwa si Arielle Custodio noong malaman niyang natanggap siya sa pinaka prestihiyosong kompanya sa bansa. Agad siyang naghanda at sabik na sabik na pumasok sa unang araw ng kaniyang trabaho. Ngunit lahat ng kaniyang pagkasabik ay nawala noong malaman niya na ang kaniyang amo ay ang dati niyang kasintahang si Benjamin Mercedez.Maging maayos kaya ang kaniyang trabaho kung kahit lumipas na ang maraming taon ay hindi pa rin siya makalimutan ng kaniyang dating kasintahan?
Copyright © 2023 by Ameiry Savar
Disclaimer:
Billionaire's Obsession (Savage Men Series) may contain scenes that are not suitable for very young readers and sensitive readers. If you have trauma or can't read stories with dark themes, kindly stop reading this story. This story contains abuse, raped, murder, and foul words.
This is a work of fiction. All names, characters, persons, places, and incidents are only a product of my imagination. All resemblance to an actual person, may they be living or dead, events or anything is purely coincidental.
All right reserved! No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the author's prior written permission, except for brief quotes and lines from the story.
Copyright © 2023 by Ameiry Savar
Teaser:
"Why are you even doing this?! Matagal na tayong tapos!" sigaw ni Arielle. Lalo siyang nag-panic noong maramdamang wala na siyang maaatrasan dahil nakasandig na siya sa pader. Tiningnan niya ang lalakeng unti-unting naglalakad papalapit sa kaniya. "P-Please..."
"You left without even talking to me. Sa tingin mo makakalimutan ko na lang basta-basta ang lahat, Arielle? You know how much I love you!"
"Hindi mo ako mahal! Kaya ako umalis dahil alam ko na hindi mo ako mahal! Hindi na 'to pagmamahal, Benj!"
Biglang nagpantig ang tainga ng binata. Napaungol siya sa galit at nagdilim ang mga mata. Inisang hakbang niya ang pagitan nilang dalawa at agad na hinawakan sa leeg ang dalaga. Napasinghap naman ang dalaga at hinawakan din ang kaniyang palapilsuhan.
"B-Benj..." nahihirapang sabi ni Arielle. Nanikip na ang kaniyang dibdib dahil sa ginagawa ng binata.
"I love you, Arielle! I love you so much! Tapos basta-basta mo na kang akong iiwan?! How dare you?!"
Napasinghap-singhap na ang dalaga dahil unti-unti nang nanlalabo ang kaniyang mga mata. Sunod-sunod na tumulo ang kaniyang mga luha habang unti-unting tinatanggap ang kaniyang pagkawala. Bakit nga ba ito nangyari sa kaniya? Sa dinami-raming masasamang tao na nabubuhay ngayon, bakit siya pa ang nagdudusa ngayon? Gusto lang naman sana niya magmahal at mahalin ng totoo. Pero bakit ngayon ay parang nagsisisi na siya? Unti-unti nang pumikit ang mga mata ni Arielle. Pero kasabay nang pagkawala ng kaniyang malay ay narinig pa niya ang sinabi ng binata.
"I love you, Arielle. Akin ka lang. Sa akin lang at walang ibang magmamahal sa 'yo kundi ako lang!"
Chapter 1: Good day,
Good day, Ms Arielle Custodio! This is to inform you that you have been accepted for your job application. Please go to Mercedez Corporation tomorrow at 8 AM. Sharp. Bring your requirements.
Halos lumuwa ang mga mata ni Arielle o mas kilala bilang Ali noong makita niya ang natanggap niyang mensahe mula sa kaniyang mumurahing android cellphone.
"T-Totoo ba 'to? Legit?" hindi makapaniwalang sabi ni Arielle. Ilang beses niya pang tinitigan ang kaniyang cellphone hanggang sa unti-unti niyang mapagtanto ang nangyayari. Biglang sumigaw si Arielle. "Natanggap ako sa Mecedez!"
Biglang bumukas ang pinto ng silid ni Arielle at pumasok si Aling Beba na may hawak-hawak pang sandok pang prito. "Ali! Ano ang nangyari sa 'yo?!" humahangos na tanong niya sa panganay. Halos madapa na ito habang papunta sa kwarto ng anak dahil sa biglaang pagsigaw nito. Natigilan siya noong makitang sumasayaw-sayaw pa ang dalaga habang panay ang tili. "Ali!"
Napatigil si Arielle at tumingin sa may pinto ng kaniyang silid. Ali ang tawag sa kaniya ng ina at mga malalapit na kakilala dahil mahirap daw bigkasin ang kaniyang pangalang Arielle. Hindi nga niya maintindihan ang mga magulang dahil sila naman ang nagpangalan sa kaniya noong una. Pero katagalan ay nalaman niyang ang ninang Maria pala niya ang nagsabi na Arielle ang ipangalan sa kaniya dahil tunog mayaman daw. Lumapit si Arielle sa kaniyang nanay at hinawakan ang mga kamay nito. Saka isinayaw-sayaw sa loob ng kaniyang silid. Naguguluhan man ay sumunod naman si Aling Beba.
"Ano ba ang nangyayari, anak?" nagtataka pa ring tanong ni Aling Beba.
Tumigil si Arielle sa pagsayaw at malapad ang mga ngiting tiningnan ang ina. "'Nay! Pasok ako sa Mercedez corporation! Umpisa ko na bukas!"
Nangunot ang noo ni Aling Beba. Alam naman niya na naga-apply ang anak pero hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Kilala ng lahat ang Mercedez Corporation. Iyon ang pinaka malaking negosyo sa buong bansa. Ang pamilya Mercedez din ang pinaka mayaman kaya iilan lang ang hindi nakakikilala sa mga ito.
"S-Seryoso ka ba, anak?"
"Opo! Diyos ko! Akala ko hindi ako matatanggap sa kanila!" naiiyak nang sabi ni Arielle. Pangarap niyang makapasok sa kompanya ng mga Mercedez magmula pa noong bata siya. Dahil ang sarili niyang ama ay rito rin nagtatrabaho noong nabubuhay pa. Lubos na malaki ang naitulong sa pamilya nila ang kompanya at kahit nga nawala na ang kaniyang ama ay tinulungan pa rin sila ng mga ito. Nakapagtapos siya nang pag-aaral dahil sa ibinigay na scholarship ng mga ito.
Napangiti na si Aling Beba. "Naku! Isang magandang balita iyan!" masayang sabi ng ginang. "Sakto! Masarap ang iniluluto ko. Bumili ka ng coke at tayo ay kakain na dali!"
"Yes! Salamat, 'Nay!"
Magkasabay na lumabas ng silid ang mag-ina. Simple lamang ang pamumuhay nila Arielle. Mayroon silang bahay na naipundar ng kaniyang ama bago ito mamatay kaya hindi na ganoong mahirap para sa kanila. Ang kaniyang ina ay may maliit na karenderya sa gilid ng bahay nila. At siya naman ay kaka-graduate lang sa kolehiyo sa kursong business management. Kaya agad siyang nag-apply sa Mercedez noong makitang mayroong job opening ang kompanya.
Kinabukasan, maagang nagising si Arielle dahil sa sobrang kasabihan sa pagpunta sa kaniyang bagong trabaho. Isa pa, ayaw niyang ma-late sa unang araw ng kaniyang trabaho. Sabi nga, first impression last. Kaya balak niyang pumunta roon kalahating oras bago mag-alas otso.
"Oh, nakahanda na ba ang lahat?" tanong ni Aling Beba sa anak.
Inayos ni Arielle ang nag-iisang long sleeve blouse na suot at itim na palda na hanggang sa itaas ng kaniyang tuhod ang haba. Iyon lamang ang natatanging formal suit na mayroon siya dahil hindi naman sila nakakayang bilhan ng ina ng mga bagong damit. Hindi na rin naman niya ito inoobliga na bilha siya ng mga gamit dahil nagagawa naman niyang punan ang ibang mga pangangailangan niya. Kahit na kasi libre ang pag-aaral niya at may allowance na natatanggap mula sa Mercedez ay nag-part-time din siya sa isang fast food chain. Wala kasing katuwang na ang kaniyang ina sa paggasto sa kanilang bahay. Tapos may dalawa pa siyang mga kapatid na nag-aaral din sa high school. Ang sunod sa kaniya, si Anton ay magko-kolehiyo na rin. Habang si Angela naman, ang bunso nila ay papasok na rin sa junior high.
"Ate! Alam mo na, ha? Kailangan ko ng sapatos sa pagpasok ko," ani Anton. Nakaupo ito sa sala at kumakain na rin ng almusal.
Inirapan ito ni Arielle. "Oo na! Ayusin mo, ha? Dapat may sabit ka sa graduation niyo." Isang buwan na lang kasi ay ga-graduate na si Anton sa Senior high. "Tulog pa ba si Angela?"
"Naku, hayaan mo na 'yon, anak. Alas dyes na natulog 'yon kagabi kakagawa ng project," tugon ni Aling Beba.
"Wala ba siyang pasok?"
"Mamaya pa raw hapon."
"Ah, sige. Aalis na ako, 'Nay," ani Arielle. Nilapitan niya ang ina at niyakap ito. Inabot naman ng ginang ang hinandang tanghalian ng anak.
"Ayan, nandiyan na ang kanin at paborito mong menudo. Nagdagdag din ako nang kaunti para mabigyan mo ang mga katrabaho mo."
Napangiti si Arielle. Kinuha niya ang bag sa ina at muli itong niyakap. "Nag-abala ka pa talaga, 'Nay! Salamat po!"
"Sige na! Good luck sa trabaho mo!"
"Opo!"
Nagmamadali nang lumabas ng bahay si Arielle. Noong makarating siya sa kanto ay agad siyang pumara ng sasakyan at nagpahatid sa terminal ng jeep. Kahit papaano ay nagpapasalamat na rin si Arielle dahil bago mamatay ang kaniyang ama ay nakalipat sila sa isang subdivision. Hindi naman iyon ekslusibo pero hindi naman binabaha at safe pa rin dahil may mga gwardiya ang gate. Iyon ang importante para sa mga magulang niya kaysa noong nakatira sa iskwater. Pangarap ni Arielle na maipaayos ang bahay na iyon dahil kahit na sariling lupa at bahay na nila iyon ay hindi pa rin nagagalaw. Kahoy nga lang ang bakod nila at wala pang bubong ang bakuran. Minsan ay na iinggit siya sa mga kapit-bahay nila. Iyong iba kasi ay nakapagpagawa na ng ikalawang palapag, pero ang kanila ay wala pa rin. Kaya sobrang malaking bagay na para sa kaniya ang matanggap sa pangarap niyang kompanya.
Hindi nagtagal ay narating na ni Arielle ang main building ng Mercedez corporation. Halos malula siya sa taas ng establisyimentong nasa kaniyang harapan. Nagmamadali na siyang lumapit sa entrance at agad na sinabi sa guard ang tungkol sa trabaho niya. Pinayagan naman siya ng mga itong pumasok at itinuro sa receiving area.
"Arielle Custodio," ani ng babaeng nakaupo sa tapat ng lamesa. Nakapormal na damit din ito at makapal ang make-up. Bigla tuloy nanliit si Arielle dahil polbos lang at lipbalm ang ginamit niya sa mukha. "Follow me."
Tumango si Arielle. Agad siyang sumunod sa babae noong tumayo na ito at naglakad papunta sa elevator. Pinindot nito ang button ang pinapasok siya sa loob.
"Top floor. May sasalubong sa 'yo roon pagkarating mo," ani nito.
Nangunot ang noo ni Arielle. "Hindi ka po sasama?"
Umiling ang babae. "Good luck, Ms. Custodio." Ngumiti ito nang makahulugan.
Hindi alam ni Arielle kung magpapasalamat ba siya sa sinabi ng dalaga o matatakot. Pero hindi nagsara na rin kasi ang elevator kaya hindi na siya nakasagot. Hindi tuloy niya maiwasang magtaka sa uri ng ngiti nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay inaasahan siya nito na dumating. Pero gano'n naman, 'di ba? tanong niya sa sarili. Umiling na lamng si Arielle at bumuga ng hangin.
"Kaya mo 'to, Arielle! Ito ang pangarap mo kaya heto na tayo! Push na natin 'to!"
Mahigpit na niyakap niya ang dala-dalang plastic envelope at ngumiti sa sariling repleksyon mula sa pinto ng elevator. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili kahit pakiramdam niya ay sasabog na siya sa sobrang kaba. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng elevator. Nag-aalangan pa si Arielle na lumabas pero nakita niya ang dalawang babae na nakatingin sa kaniya. Agad siya roong lumabas at naglakad papalapit sa mga ito.
"G-Good morning, Ma'am! I'm Arielle Custodio—"
"You can enter the room now. Mister Mercedez is waiting for you."
Natigilan si Arielle. "M-Mister Mercedez?"
Tumango ang babae. "Yes, Miss. You were hired as his personal secretary."
Napanganga si Arielle. Ang na aalala niya ay sales representative ang kaniyang in-apply-an. Pero paanong naging personal secretary siya bigla ng may-ari ng kompanya?
Chapter 2: Panay ang...
Panay ang paglunok ni Arielle habang papasok sa loob ng kwarto. Hindi niya alam kung bakit ba pinagpapawisan siya kahit kahit ata sa banyo ng establisyimento ay mayroong aircon. Pakiramdam niya nga ay hihiawalay na ang kaniyang kaluluwa sa katawan dahil sa sobrang kaba. Paanong hindi? E magiging personal secretary pala siya ng may-ari ng kompanya!
Si Benjamin Mercedez. Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa CEO at nagmamay-ari ng Mercedez corporation? Sa edad na bente-otso ay ito na ang nag-manage ng mga negosyo nila. Bata pa kung tutuosin, ngunit maaga rin nawala ang ama nito na dating chairman ng kanilang korporasyon. Kaya kinailangan nang ilipat lahat ng ari-arian sa binata. At dahil dito ay mas naging tanyag siya. Hindi lang dahil sa angkin nitong kagwapuhan at kakisigan. Kundi dahil na rin sa nagawa nitong mas palaguin pa ang kanilang mga negosyo.
At isa sa mga nakakikilala sa binata ay si Arielle. Nagdadalaga pa lang siya ay iniidolo na niya si Benjamin. Sa katunayan ay ito nga ang kaniyang first love. Kaya magkahalong kaba at saya ang kaniyang nararamdaman ngayon.
Kalma, Ali!
Huminga nang malalim ang dalaga bago tuluyang makapasok sa loob ng silid. Nangangatog pa ang mga tuhod niya noong naglakad siya sa gitna ng silid at mabilis na tumungo.
“G-Good morning, sir! I’m Arielle Custodio! Your new personal secretary!” pasigaw na bati ni Arielle sa bagong amo. Hindi siya kumilos at nakatungo lamang habang hinihintay itong magsalita. Ngunit nangalay na lamang ang kaniyang likuran ay wala siyang narinig na tugon mula rito. Unti-unting nag-angat ng ulo si Ali at agad na napatayo nang deretso nang makitang walang nakaupo sa tapat ng lamesa. Napanguso siya at namaywang. “Nasaan na ‘yon? Akala ko naman nandito na at naghihintay sa akin! Para akong timang na nagsasalita!”
Napasimangot si Ali. Namaywang siya at ipinaypay ang palad sa kaniyang leeg. Habang ginagawa iyon ay inilibot niya ang paningin sa paligid. Simple lang ang tema ng opisina ni Benjamin Mercedez. Minimalist iyon at gray at itim ang kulay ng tema. Pakiramdam niya tuloy ay seryosong tao ang binata. Wala rin kasing masyadong desenyo ang paligid. May ilang mga nakasabit na paintings at mga halaman sa bawat kanto ng silid. Bukod sa lamesa at mini-living room sa loob ng silid ay tanging ang mini-bar lang sa gilid kung saan may iba't ibang klaseng mga alak sa ang naka-stock ang atraksyon doon.
"Pero nasaan na kaya siya?" reklamo ni Ali. Lalabas na sana siya ng silid noong mahagip ng mga mata niya ang pintuan sa may likod lang ng lamesa. Nangunot ang noo niya noong mapansin na bahagya iyong bukas.
"O-Ohh... fuck!"
Napakislot si Ali noong marinig ang halinghing. Naramdaman niya bigla ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi. Hindi siya sigurado sa kaniyang narinig pero nakuha niyon ang kaniyang atensyon.
"W-Wait! I-It's hurt!" halinghing muli ng isang babae.
Hindi na nagdalawang-isip pa si Ali. Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan at bahagyang sumilip doon. Napasinghap siya noong makita ang babaeng nakatali sa isang tabla. Nakagapos ang mga kamay nito patalikod habang ang mga paa ay nakabukaka rin kaya kitang-kita niya ang pagkababae nito. Nakatali ang mga paa nito pataas at may kung anong bagay ang lumalabas-masok sa pagkababae nito. Mayroon ding nakaipit sa nipple ng dibdib nito. Panay ang pag-ungol ng babae habang nanginginig-nginig pa ang balakang ang mga hita.
'A-Ano'ng nang yayari sa kayila?!
Hindi mawari ni Ali ang kaniyang nasaksihan dahil hindi naman siya sanay sa ganitong mga tanawin. Pakiramdam niya ay nakakita siya ng isang crime seen kaya mabilis siyang napaatras. Pero dahil sa pagkataranta ay bigla niyang nabitawan ang hawak na envelope.
"Ang tanga mo talaga, Ali!" impit na sabi niya. Nagmamadaling kinuha ng dalaga ang gamit at tumalikod na.
"You're here."
Napatigil sa paglalakad si Ali. Bigla siyang binundol ng kaba. Hindi pa man niya nakikita ang binata pero sigurado siyang si Benjamin Mercedez ito. Paanong hindi niya makikilala? E wala siyang pinalalagpas na mga video nito. Kung ang iba ay nagpa-fan girl sa mga sikat na artista o kpop group. Siya naman ay si Benjamin ang iniidolo. Kung alam nga lang niya na ito pala ang magiging amo ay baka nagpaganda talaga siya nang sobra. Kaso wala naman kasing nagsabi sa kaniya na pagiging personal secretary pala ang kaniyang magiging trabaho.
'Lord, sorry na po!'
Tumikhim si Ali saka unti-unting humarap sa lalakeng nagsalita. Pinilit niyang h'wag magtaas ng ulo dahil natatakot siya na baka nagalit ito sa kaniya. Lalo siyang nakaramdam nang pagsisisi dahil sa nangyari.
"G-Good morning, sir! S-Sorry po! Hinahanap ko po kasi kayo. Hindi ko sinasadya makita 'yon babaeng—" Napangiwi si Ali at mabilis na umiling. "I-I mean, kung ano man po iyon. S-Sorry, sir!" ani niya at mas tumungo pa. Balak pa naman sana niyang magpapansin sa binata ngunit parang bad shot agad siya rito. Unang araw pa naman niya sa trabaho ngayon!
Bahagyang natawa si Benjamin. Humakbang siya palapit sa dalaga at tumigil noong isang hakbang na lang ang pagitan nila.
"It's okay. You should prepare yourself because this will be your new daily view."
"Ho?"
Agad na nag-angat ng ulo si Ali. Ngunit bigla siyang napatili noong makitang wala manlang kahit na anong suot ang binata. Kitang-kita niya ang pagkalalake ng binata.
"Diyos ko!" Mabilis na tumalikod si Ali. "S-Sorry, sir! Please! H-Hindi ko po sinasadya! Hindi ko alam! I'm sorry! H'wag niyo po akong sisantihin!"
Lalong natawa si Benjamin sa inasal ng dalaga. "Why? Ngayon ka lang ba nakakita ng lalakeng hubad?"
"P-Po?" nalilitong tanong ni Ali. Nanatili siyang nakatalikod sa binata at panay na ang dasal na sana ay hindi ito nagalit sa kaniya. Pinilit niyang h'wag lingunin ang binata dahil sa takot na magalit ito sa kaniya. "H-Hindi ko po talaga alam, Sir. Sabi kasi pumasok na ako. Kung alam ko lang ay hindi na sana ako pumasok. Sorry po talaga—"
Napatigil sa pagsasalita si Ali noong biglang may humawak sa kaniyang balikat. Naiikom niya ang kaniyang bibig at maslalong niyakap ang sarili. Oo, matagal na niyang iniidolo ang binata. Nagdadalaga pa lamang siya ay gustong-gusto na niyang mapalapit dito. Ngunit hindi niya inasahan na ganito ang kanilang magiging unang paglalapit.
"Are you scared, Arielle?"
Napalunok si Ali. Biglang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso na para bang nakikipagkarerahan na siya sa kabayo. Biglang nanayo ang mga balahibo niya sa batok noong maramdaman ang mainit na hininga ng binata. Ngunit lalo siyang natigilan noong maramdaman niyang may tumamang matigas na bagay sa kaniyang likuran. Lalo siyang binundol ng kaba.
'A-Ano'ng nangyayari sa akin? Diyos ko! Trabaho po ang pinunta ko rito!'