Views

Wonder Kids (Exclusive at Dreame)

Ameiry Savar
0

 


Blurb:

Three children wake up in an apocalypse and strive to survive it while their parents are away. With the help of a few survivors, they made a journey to meet their parents for everyone’s safety. 

*****


As scientist tries to find a cure to Covid-19, they develop a vaccine for the virus. But because of the growing demand from the people, they give it out without even making some initial test. Everything was going smoothly when some people had side effects after taking the vaccine. They have symptoms like Covid-19, and on the 7th day after the symptoms come out, they died. The government silently takes care of the bodies, but after the 3rd day of being dead, the bodies come back to life, but not human beings anymore. They become flesh-human-eating creatures. They started hunting the living, and in one bite, you will become one of them.

 

One country hit by the z’s in the Philippines started in Baguio, where the vaccine was first introduced. The government immediately stops giving the vaccine from other provinces, but it was too late. The z’s taking over places in Luzon.

Elli, age ten, together with her siblings and other survivors, tries to survive the apocalypse.







Chapter 1: The Siblings

“Elli! Wake up!” Inalog ni Amanda ang panganay niyang anak na si Elli. Kasalukuyan pa itong natutulog at nakadapa sa higaan nito.

Agad namang na alimpungatan si Elli. “Mom? Why?” Naninigkit ang mga matang tiningnan ni Elli ang kanyang ina na agad namang nawala sa kanyang paningin dahil lumabas ito ng kanyang silid. At pagkabalik nito ay kasama na nito ang kanyang dalawa pang kapatid.

Si El at Tj.

“What’s wrong mom?” tanong niya muli at tumayo na sa kanyang hinihigaan. 

“I’ll be back in a minute. Alisin mo ang mga gamit mo sa closet mo, Elli,” utos lamang nito at muling lumabas ng kanyang silid.

Nalilito man ay sinunod ito ni Elli. Humihikab na nilapitan niya ang walk-in closet niya. Binuksan niya iyon at tinanggal ang mga karton na nasa ilalim. Maging ang mga nakahanger niyang mga hoddie at bestida ay kanyang tinanggal. Lalong lumuwag ang hitsura ng kanyang walk-in closet. Malaki iyon at kasya silang magkakapatid doon. Sa tuwing naglalaro nga ng tagu-taguan ang kanyang mga kapatid ay roon sila nagtatago.

 Maliit lamang ang kanyang silid. Sa gilid ng pinto niya ay andoon ang maliit na shelf niya kung saan nakalagay ang mga collection na mga toy figures collectibles, iba’t iba ang mga klase n’yon. Nasa gitnang parte naman ang kanyang higaan na may solar system na mga bedsheet at punda, maging ang kanyang kumot ay ganoon. Sa kanang parte ng kanyang higaan ay may isang maliit na lamesa kung saan nakalagay ang lampshade niya. Sa kabila naman ay ang mahabang study table niya. Mayroon siyang mini library roon na puno ng libro at mga bala ng mga paborito niyang laro. Sa tabi ng kanyang study table ay nakapwesto ang salamin na bintana na tanaw ang buong block nila dahil nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay ang kanyang silid.

“Ate? What is wrong?” tanong ni El na inaantok pa. Magkatabi sila ni Tj na nakapikit pa ang mga mata. Dahil sa sobrang antok na nararamdaman ni Tj ay humiga na ito sa kama.

Walong taong gulang pa lamang si El. Ang kanilang bunso na si Tj ay kakatungtong pa lamang sa apat na taong gulang.

“Hindi ko alam, El. H’wag muna kayong maingay,” tugon niya rito.

Idinilat ni Tj ang kanyang mga mata pagkatapos ay kinusot-kusot iyon saka nilibot ang paningin sa paligid. Nang mapagtanto niyang nasa silid siya ng kanyang ate ay pilit niyang ginising ang kanyang sarili. Lumingon siya sa bintanang salamin na nasa may likuran niya. Unti-unti siyang lumapit doon and he was about to peek at the window when Amanda pulls him.

“Don’t you dare open that window!” nanlalaki ang mga mata na sabi ni Amanda. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang braso ng paslit.

Napangiwi naman si Tj. Dahil sa biglaang ginawa ng kanyang ina ay nakaramdam siya ng takot. Nag-umpisa siyang humikbi.

Napaawang ang bibig ni Elli sa kanyang nasaksihan. Kitang kita niya ang hilakbot sa mukha ng kanyang ina.

“Mom! Stop it! You’re hurting him!” Tinigil ni Elli ang kanyang ginagawa at nilapitan ang dalawa. Agad niyang kinuha si Tj saka inalo ito. “Ano po ba ang nangyayari?”

Bumuntong hininga si Amanda at napahilamos na lamang. Kinalma niya muna ang kanyang sarili saka muling hinarap ang kanyang mga anak. “I-I’m sorry,” bumuntong hininga siya. “Go, we don’t have time. H’wag na h’wag kayong lalabas dito.” Iginiya ni Amanda ang mga anak papasok sa closet.

“Mommy.” Tumigil sa paglalakad si Elli. “Ano po ba ang nangyayari? You’re scaring us!” Hinarap niya ang kanyang ina. Ngayon lamang niya napansin ang itsura nito. Hindi pa ito nakakabihis ng damit nitong pantrabaho, gulo-gulo ang buhok nito at mababakas sa mukha ang matinding takot. “I-Is that a blood, mom?” Nanlaki ang mga mata ni Elli nang mapagtanto niya ang mantsang nasa kulay kremang slacks nito.

“N-No. Come on, we don’t have time for this, Elli.” Muling huminga ng malalim si Amand at hinawakan sa balikat ang anak. Sampung taong gulang pa lamang ito ngunit hanggang dibdib na niya ito. “From now on, while mom and dad are not here. You will take care of your two brothers’, okay?”

“Ha?” Lalong nakaramdam ng pagkalito si Elli. “Why? Saan kayo pupunta ni Dad? Nasaan po ba siya?”

“Basta, wait for us anak. I will just get your father from the police station then we will come back, okay?” Her husband is a policeman and stationed in the city. Kanina pa niya ito kinokontak ngunit hindi niya ito matawagan kaya ganoon na lamang ang kanyang pag-aalala.

Elli looks at her mother’s eyes before nodding. Ang daming tanong ang pumapasok sa kanyang isipan ngunit hindi niya magawang itanong.

“Listen.” Tiningnan ni Amanda ang tatlo niyang mga anak. “You three will not go out from this closet, okay? No matter what you hear, or you see. You will not. You must not go out unless it’s us or a real person.”

Lalong nangunot ang noo ni Elli. “R-Real person?” nagtataka niyang tanong. Nakaramdam na siya ng kaba dahil sa tono ng boses nito. Magkahalong pangamba at pananakot ang pagkakasabi nito.

Nag-aalalang tumango si Amanda. Umupo siya para makapantay niya ang dalawa niyang anak na mataman lamang na nakatingin sa kanya. “Hey, El and Tj. Remember, behave, okay? You will listen to your ate. Don’t make any noises while you’re inside. Always listen to your ate okay?” bilin niya sa mga ito.

Ngumiti ng matamis si Tj. Niyakap niya ang kanyang ina ng mahigpit. “Yes, mom! I will, basta don’t forget my monster truck!”

Ang mga ngiti ang nagpapakita na wala itong kamalay-malay sa nangyayari sa mundo. Parang dinurog ang puso ni Amanda dahil doon. Hindi naniya napigilan pa ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Ngunit bago pa man iyon makita ng kanyang mga anak ay mabilis niya iyong pinunasan.

“H-Hindi po ba ko pwedeng sumama, mommy? I’m scared,” malungkot na sabi ni El habang nakatungo.  

Kinuha rin ito ni Amanda at niyakap ng mahigpit. Tinapik-tapik niya ang likod ng dalawa habang pinipigilan ang mga luha. “No, El.” Gumaralgal ang kanyang boses. “You will be safer here.” Sandali niya pang niyakap ang kanyang mga anak na bago kumalas sa mga ito.

Iginiya na niya ang mga ito papasok sa closet. Pagkatapos ay inilapag niya sa gilid ang hiking bag ng kanyang asawa.

“M-Mom. At least tell me what is going on,” pakiusap ni Elli. Maging siya ay nakararamdam na ng pag-aalala dahil sa ikinikilos ng kanyang ina.

Bumuntong hininga lang si Aman. Tinitigan niya ng puno ng pag-aalala ang kanyang panganay. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa mga ito nang hingi ito natatakot.

Pinilit niyang ngumiti. “Before I forgot…” ani Amanda. “Wait for me here.” Muli siyang lumabas ng silid. Ilang sandali siyang nawala sa silid at noong makabalik siya ay mayroon na siyang dalang handgun at isang box ng bala nito.

Nanlaki ang mga mata ni Elli nang makita ang dala ng ina. “M-Mom?” nalilitong tanong ni Elli at pinagpalit-palit ang tingin sa baril at sa kanyang ina.

Labag man sa loob ay pilit na ngumiti si Amanda habang inaabot ang baril kay Elli. “I know, Elli. I knew that he is teaching you,” paliwanag niya. Hindi niya gustong humahawak ng baril ang kanyang anak dahil delikado iyon para sa kanya. Ngunit kagaya ng daddy nito, nakahiligan din nito ang paggamit ng baril. Kaya naman ay palihim itong nag-e-ensayo.

“You… you what?” hindi makapaniwalang tanong ni Elli sa ina. Ni sa hinagap ay hindi niya inakala na aabutan siya nito ng baril.

“Hindi mo naman nakalimutan ang mga turo sa ‘yo ng daddy, ‘di ba?”

“Of course, I don’t!” Napalitan ng excitement ang kanyang pag-aalala. Agad niyang kinuha ang baril na nasa kamay ng kanyang ina. Matagal na niyang hinihiling na magkaroon ng baril ngunit ayaw siya nitong bilhan. Bukod sa bawal pa raw siya magkaroon ay ayaw lang talaga nito na matuto siya.

“Wow, Ate Elli! Is that real?” manghang tanong ni El. Namimilog pa ang mga mata nito habang nakatunghay sa baril na hawak ni Elli.

“Now, don’t forget what I told you okay? I must go. I don’t have time anymore,” paalam ni Amanda. Muling bumalik ang tensyon sa kanyang hitsura.

Unti-unting nawala ang mga ngiti ni Elli. “Something wrong is happening right?” malungkot na tanong ni Elli.

“Just listen to me. Don’t go out in this closet unless you see us as a real person and if you see a real human being. Don’t make any noise and don’t let them bite you if ever they get through here.”

“W-Who? Real person?” Biglang binundol ng kaba si Elli. Lalo siyang nalito dahil sa mga tinuran nito.

“I’ll be back.”

Hindi na nakasagot pa si Elli dahil kinuna na ni Amanda ang mga damit niyang naka-hanger at ipinasok muli sa closet. Kaya naman ay napaupo na silang tatlo sa sahig ng closet.

Nang matapos agawin iyon ni Amanda ay inabutan niya ang kanyang mga anak ng kumot at unan. Inayos niya muna ang pagkakahiga ng dalawa niyang anak pagkatapos ay hinalikan niya ang mga ito sa noo.

“Take care of your brother’s, okay?” bilin ni Amanda kay Elli noong matapat na siya rito. Niyakap niya ito ng mahigpit at ginawaran ng mariin na halik sa ulo.

Gumanti naman ng mahigpit na yakap si Elli. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay ayaw niyang paalisin ang ina.

“Take care too, mom. Please come back soon.”

Kumalas na si Amanda sa pagkakayakap kay Elli. Sandali niya pa munang pinagmasdan ang mga anak saka tumayo at isinara ang pinto ng closet. Pagkatapos ay narinig na lamang ng tatlong magkakapatid ang mga yabag nito papalayo.

“Ate, what will happen to us?” tanong ni El habang nakatingin sa laylayin ng mga damit ni Elli.

“I’m scared ate,” segunda naman ni Tj.

Bumuntong hininga si Elli. Sa kanyang murang edad ay hindi niya rin alam kung ano ang kanyang mararamdaman dahil sa kanilang sitwasyon ngayon. Pakiramdam niya ay mayroong hindi magandang pangyayari ang magaganap sa kanila. Magkaganoon pa man ay hindi niya dapat ito ipakita sa kanyang mga kapatid.

“Ssshh… everything will be alright, okay? Just remember what mommy says,” sabi niya at inayos ang pagkakakumot sa dalawa. Kasya pa naman siya sa mga tabi nito ngunit mas pinili niyang maupo dahil na sa pag-iisip kung ano ang nangyayari.

“Hindi ko na isama ang toy car ko, Ate,” reklamo ni Tj.

“I will take it later. Now sleep,” utos niya sa mga ito. Bahagya niyang tinapik-tapik ang tagiliran ni Tj upang makatulog ulit ito.

Sa kanyang hinuha ay hatinggabi pa lamang. Wala pang dalawang oras ang kanyang itinulog dahil sa kanyang binabasa kagabi sa internet. Bigla siyang natigilan noong ma-aalala niya iyon.

‘Hindi kaya?’ Napamaang si Elli nang maisip niya ang dahilan ng kanyang pagkapuyat. Habang nagi-iscroll kasi siya sa newsfeed sa isa niyang social media ay may nabasa siyang article. Kasalukuyan daw’ng may nagaganap na pag-atake sa iba’t ibang bansa.

And the attacker? Zombies.

Magkahalong excitement at takot ang naramdaman ni Elli nang mabasa niya iyon. Matagal na siyang fan ng mga ito at kahit na sampung taon pa lamang siya ay marami na siyang napanood na mga movies at series na tungkol doon. Marami na rin siyang mga video games na nalaro na ang genre ay zombies’ din.

‘Pero imposible,’ aniya sa kanyang isipan. Imposibleng magkaroon ng zombies dahil lahat sila ay sa palabas at laro niya lang nakikita. Dahil ang mga zombies ay mga taong namatay na at muling nabuhay, wala pang nangyayaring ganoon. At isa pa, kahit mabuhay muli ang mga ito ay hindi na ito mga tao.

Kaya imposibleng magkaroon ng zombie sa panahong ito.

Nang masiguro niyang tulog na ang kanyang mga kapatid ay dahan-dahan siyang lumabas mula sa closet. Hawak niya ang handgun na ibinigay ng kanyang ina. Katahimikan, ‘yan ang namamayani sa kapaligiran. Kahit noong hinawi niya ang kurtinang tumatabing sa bintana niya ay ganoon din. Nagbibigay iyon ng matinding kilabot kay Elli. Idagdag pa ang malamig na klima dahil sa madaling araw pa lamang.

Madilim pa ang paligid nang sumilip siya sa labas. Walang ibang nakita si Elli kundi ang mga madidilim na bahay ng kanyang mga kapitbahay at ang mga kotseng nasa tapat ng mga bahay nito. Hindi uso sa kanilang tinitirahan ang mga gate dahil sila ay nakatira sa isang exclusive subdivision.

Bumuntong hininga siya. “I hope you get back soon with dad, mom,” nag-aalalang sabi niya.

Nang makaramdam na siya muli ng matinding antok ay nagdesisyon na siyang bumalik sa loob ng closet. Ngunit hindi pa man siya nakaaatras ay mayroon siyang nakitang gumagalas sad ulo ng kanilang block. Nasa bandang gitna ang kanilang bahay kaya medyo malayo sa kanyang paningin ang kanyang tinitingnan. Noong mapagtanto na niya ang kanyang pinagmamasdan ay napakunot ang kanyang noo.

Isang pulang kotse.

Para bang wala sa huwisyo ang nagpapatakbo ng pulang kotseng umaandar. Mabilis at pagewan-gewang kasi iyon at wala sa direksyon ang pag-andar. Nababangga nito ang mga nakaparadang mga sasakyan sa kanilang block.

Dahil sa ingay na nililikha n’yon ay unti-unti nang nagsibukas ang mga ilaw ng kanyang kapit-bahay.

Napasapo sa bibig si Elli nang malakas na bumangga ang pulang kotse sa isang minivan na nakaparada sa tapat ng kapitbahay nila. Ikatlong bahay lamang ang layo n’yon mula sa kanila kaya kitang kita niya ang malakas pagbangga niyon. Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ay tumilapon sa may pinto ng bahay ang minivan.

Unti-unti nang naglabasan ang mga kapitbahay niya upang makiusyoso. Yung iba ay nakasilip lamang sa bintana nila at yung iba naman ay lumabas sa may pinto nila. Ang iba naman ay lumapit sa kotseng bumangga. Ang pamilya naman ng may-ari ng bahay na nabangga gulat pang sumilip mula sa kanilang taas. Mabilis na bumaba ang padre de pamilya nila at sinipat ang nangyari. Sinilip nito ang kalagayan ng nagmamaneho ng pulang kotse. Ngunit bigla itong napaupo nang mayroong dumamba rito.

Huling narinig ni Elli ay ang malakas na sigaw ng lalaki.  









Chapter 2: The Outbreak



Blood.

Ilang sandali lang ay napalitan ng malalakas na hiyawan ang kaninang tahimik na kumunidad nila Elli. Hindi niya maialis ang kanyang paningin sa isang tao na sinasakmal ang kanyang kapit-bahay. Lalo pang nanlaki ang mga mata niya nang bigla nito hilain ang laman ng kapit-bahay niya sa balikat. Kaya naman ay bumulwak ang maraming dugo.

Nag-atrasan ang mga taong nakapaligid sa kanila habang nilalangtakan ang isa na wala nang malay. Nang marinig nito ang sigaw ng ibang tao ay agad itong lumayo sa kinakain nito at sinunggaban ang babaeng malapit sa kanya. Nangangatog na ang mga kamay ni Elli habang pinapanood ang nagaganap.

“W-What… what is going on?” hindi makapaniwalang usual niya.

Napasinghap si Elli at pinagmasdan maige ang lalaki. Ang katawan nito ay puno ng sugat at ang balat ay napaka putla. Para itong naglalakad na patay dahil sa itsura nito. Umaatake ito sa mga tao na para bang asong na uulol.

“OMG! Is that-” Agad na napaupo si Elli habang tinatakpan ang kanyang tenga. Nakarinig pa siya ng ilang mga putok bago tuluyang tumahimik muli ang paligid. Nanginginig pa ang kanyang katawan noong muli siyang sumilip sa bintana.

Hawak-hawak ng tatay ng kaibigan niyang si Joseline ang isang mahabang baril. At ang lalaking umaatake kanina ay nakahandusay na sa kalsada habang wasak ang ulo. Sinipa-sipa pa ng lalaking bumaril ang umatake sa mga tao kanina.

Nang masigurong hindi na gumagalaw ay nilapitan na ng mga tao ang mga inatake ng lalaking nakahandusay. Ang iba ay mayroon lamang kaunting kagat ngunit ang iba ay malubha at nag-umpisa nang maghingalo.

Umiiyak na nilapitan ng isang babae ang unang inatake ng lalaki. Umiiyak ito habang niyayakap ang asawa niyang wala nang buhay ngayon. Ngunit bigla itong natigilan nang mag-umpisang mangisay ang lalaki. Ilang sandali ito sa ganoong sitwasyon pagkatapos ay bigla na lamang tumigil. Maya-maya pa ay lumiyad ito paharap kay Elli kaya kitang kita niya ang hitsura nito.

Agad na napaatras si Elli nang makita niya ang mga mata nito noong muli itong dumilat. Wala na itong kulay itim at puti na lamang. Agad siyang lumayo sa bintana nang makarinig na siyang muli ng mga sigawan.

Hindi siya pwedeng magkamali.

‘Zombies? Pero paano? Imposible na magkaroon ng zombie!’

Hindi malaman ni Elli ang kanyang gagawin at dahil sa sobrang taranta ay panay ang pagparoon at pagparito nito. ‘Kaya ba hindi kami pinapaalis ni mommy sa closet? Ito ba ang tinutukoy niyang h’wag ko hahayaang makagat ako?’ Ang daming tanong ang tumatakbo sa kanyang isipan ngunit walang sino man ang makakasagot.

“Where are you, mom? Dad?” naiiyak na niyang sabi. Palakas nang palakas ang naririnig siyang mga sigawan. Nagkaririnig na rin siya nang mga putok ng baril kaya panay ang pag-igtad niya.

‘From now on, you have to take care of your brothers.’

Nakagat niya ang ilalim ng kanyang labi noong maalala niya ang bilin sa kanya ng kanyang ina. Labis ang pagsisisi niya ngayon na nakaramdam siya ng excitement noong mabasa niya ang article sa internet tungkol sa mga nilalang na iyon. Kahit na gusto niyang makakita ng mga zombies dahil fan siya ng mga ito ayaw naman niyang malagay sa ganitong sitwasyon.

Sampung taong gulang lamang siya! Kaya niyang protektahan ang kanyang sarili kahit na bata pa lamang siya dahil sa mga itinuro sa kanya ng kanyang tatay. Ngunit paano na ang kanyang mga kapatid?

Si Tj na apat na taong gulang lamang ay hindi pa magawang magsarili sa banyo. Tapos si El na kahit na walong taong gulang na ay sobrang matatakutin. Sa tuwing nakararamdam siya ng takot ay bigla na lamang siyang nahihirapang makahinga.

Paano sila makakaligtas sa ganitong sitwasyon ng sila lamang?

Gusto niyang magalit sa kanyang mga magulang dahil wala ito sa kanilang tabi gayong may alam na naman ang mga ito tungkol sa nangyayari. Bakit mas pinili silang iwanan ng kanilang mommy kaysa ang makasama sila?

Napabuntong hininga ng marahas si Elli. Muli siyang sumilip sa labas ng bintana. Nagkakagulo na ang buong paligid. May zombies, totoo sila at kailangan niyang gumawa ng paraan para makaligtas silang tatlo.

Ibinaba na niya ang kurtina at muling sinilip ang mga kapatid sa loob ng closet. Mahimbing pa rin ang tulog ng mga ito kahit na maingay na sa labas. Bahagya niyang naikuyom ang kanyang kamao dahil sa pangamba sa pwedeng mangyari sa kanilang tatlo.

I’m sorry… I promise na magiging okay tayong tatlo.

Muli na niyang isinara ang closet. Dahan-dahan siyang lumabas ng kanyang silid. Natatakot man siya ngunit kailangan niyang masiguro na ligtas silang magkakapatid. Dere-deretso siyang bumaba papunta sa unang palapag ng kanilang bahay. Madilim sa ibaba kaya naman ay pinilit ni Elli na sanayin ang kanyang mga mata sa dilim.

Agad niyang nilapitan ang kanilang pinto. Hindi naka-lock ang screen nilang pinto ngunit ang kahoy na nagsisilbing main door nila ay naka-lock. Agad niyang ikinabit ang iba pangloob na mga lock ng kanilang pinto upang masigurong ligtas sila.

Pagkatapos ay isinunod niya ang kanilang mga bintana. Gawa sa matibay na salamin ang kanilang mga bintana pero may mga bakal na harang sa labas kaya hindi pa rin sila basta-basta mapapasok. Inayos na niya ang pagkakatakip ng mga kurtina sa kanilang binata kaya lalong dumilim ang paligid.

Nang masiyahan na siya sa paligid ay kinuha na isipan niyang kuhain ang mga patalim sa kanilang kusina. Sunod niyang kinuha ay ang mga tools ng kanyang ama sa kanilang garahe. Nakakonekta ang pinto niyon sa kanilang kusina kaya madali lamang siyang nakapasok doon. Pagdating niya roon ay andoon pa ang kotse ng kanyang ama dahil ang ang madalas ay police mobile ang gamit nito.

Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa toolbox sa kabilang parte ng garahe. Nakapatong iyon sa mahabang lamesa kung saan nakalagay ang iba pang mga gamit ng daddy niya sa pagkukumpuni. Pabalik na sana siya nang biglang may humampas sa pinto ng kanilang garahe. Lalo siyang binundol ng kaba noong marinig na niya ang mga pag-angil na nagmumula sa labas ng pinto.  

Hinintay niya munang mawala ang nilalang sa labas ng bahay nila bago siya muling naglakad pabalik sa kusina. Kahit na may kabigatan ang toolbox ay dinala niya iyon sa kanyang silid.

Pagkatapos ay muli siyang naglakad pabalik sa ibaba. Kailangan niyang mag-imbak ng maraming pagkain nila. Mabuti na lamang ay kaka-grocery pa lamang nila noong isang araw kaya marami pa silang naka-imbak na pagkain sa kanilang kusina. Dumaan pa muna siya sa study room ng kanyang daddy para kuhain ang hiking bag nito para paglagyan ng mga pagkain na kanyang makukuha.

Kinuha niya ang lahat ng mga alam niyang kakailanganin nila. Pagkain, inumin, at mga pang personal hygiene. Kinuha niya lahat at dinala iyon sa loob ng kanyang silid. Nagdala rin siya ng electric stove at iba pang mga gamit pang kusina.  

Paakyat n asana siya nang bigla siyang makarinig ng mga pagkatok mula sa labas ng kanilang bahay.

“Tao po! Please! Let me in! Help!” natatarantang tawag ng isang babae mula sa labas. Sunod-sunod ang pagkatok nito.

“I’m begging you! Help me! Please!”

Napalunok na si Elli. Hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanilang pinto. Nagtatalo ang kanyang isip kung pagbubuksan niya ba ito ng pinto o hahayaan na lamang ito sa labas. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay napagdesisyonan niyang pagtuunan muna ito pansin.

Dahan-dahan niyang ibinaba sa may hagdan ang kanyang mga dala-dala. Tahimik niyang nilakad ang door minitor na katabi lamang ng kanilang pinto saka tiningnan ang taong kumakatok sa kanila.

“A-Ate Alona?” usul niya noong mapag-sino niya ang taong kumakatok sa kanila. Gulo-gulo na ang buhok nito at wala na rin sa ayos ang suot nitong pantulog. Basang-basa na ang mukha nito ng naghalong pawis at luha. Ito ang kapitbahay nilang dalaga. Madalas ito sa kanila dahil sa tuwing may malayong pupuntahan ang kanyang mga magulang ay ito ang nagbabantay sa kanila.

“Elli? Elli is that you? Let me in please!”

Napalunok si Elli. Aksidente niyang napindot ang speaker button dahil sa pangingig ng kanyang mga kamay. “B-But you have a blood!” puna niya rito.

Sunod-sunod na umiling si Alona. “N-No! No, Elli! I bump my head in my table kanina noong umiiwas ako sa kanila.”

“Wala kang kagat?”

“Nope!” mabilis nitong sagot. “Please let me in!”

Mariing napapikit si Elli. ‘Fine! I have a gun, so I don’t have to be scared!’

Mabilis niyang binuksan ang pinto at noong nakapasok na si Alona ay mabilis niya rin itong isinara.

“Thanks God! Thank you, Ell- Whoa!” Agad na napaatras si Alona at itinaas ang dalawa niyang kamay nang makita niya ang nakatutok na baril sa kanya. “E-Elli? Bakit may baril ka?”

“You don’t have any bites from them?” paniniguro ni Elli.

Mabilis na tumango-tango si Alona. “Yes! I don’t have. Look.” Dahan-dahan nitong hinubad ang suot nito at ang itinira lamang ay ang underwear nito. Pagkatapos ay itinaas ang mga kamay saka umikot.

Sinuri naman ni Elli maigi ang katawan nito at nang makitang wala itong anumang sugat ay ibinaba na niya ang baril.

“Are we good now?”

Tumango si Elli. “I-I’m sorry. I just saw what happened outside that’s why.” Unti-unting ibinaba ni Elli ang baril.

“It’s okay. I understand.” Muling isinuot ni Alona ang kanyang mga damit. “Kayo lang ang andito?”

Malungkot na tumango si Elli. “Follow me, Ate,” aniya. Kinuha na niya ang mga gamit na dala niya kanina. Tinulungan naman siya ni Alona sa pagbitbit kaya naman ay bahagyang gumaan ang kanyang dalahin. “Let’s go to my room. It’s the best kung andoon tayo kesa rito sa baba.”

Tahimik na sumunod si Alona kay Elli. Hindi na naman nagsalita pa si Elli para usisain pa ang nangyari rito dahil mababakas pa rin sa mukha nito ang pagkahilakbot.

“You must be scared because they are not here,” ani Alona nang makarating sila sa silid. Ibiba niya ang dala niyang mga gamit.

Malakas na bumuntong hininga si Elli. “I… am. But I have to be strong for my two brothers.” Kinuha na niya ang kanyang study table at iniharang ito likod ng pinto. Tinulungan din siya ni Alona. Matapos nilang gawin iyon ay hinihingal silang parehas na napasalampak sa sahig.

“Ano kayang nangyayari sa munda ngayon?” malungkot na tanong ni Alona.

Sasagot sana si Elli ngunit napukaw ang kanyang atensyon sa nakabukas na closet. Bigla na lamang siyang binalot ng kaba at dali-daling lumapit sa closet. Ngunit nang makarating siya roon ay agad siyang nahintakutan.

“Where’s Tj?!”






Chapter 3: The Zombies


HALOS liparin ni Elli ang banyo niya nang makita niyang lumabas doon si Tj. “What are you doing there?! Didn’t I told you not to go out in the closet?!” Pinandilatan niya ang kapatid at nahigpitan ang hawak sa magkabilang braso nito.  

Tinitigan ni Tj ang kanyang ate at biglang lumabi. Mayamaya pa ay nangilid na ang mga luha nito. “A-Are you mad, ate?” 

“Hey.” Lumapit si Alona sa magkapatid at kinuha si Tj mula kay Elli. “Elli’s not mad. She’s just scared because she thought you're gone.” 

Muling tiningnan ni Tj ang ate niya. “I-I’m sorry, ate. I peed.”  

Marahas na bumuntong hininga si Elli. “Next time, wait for me, okay?” Elli tries to calm down herself. 

“Opo, ate,” sagot ni Tj at humikbi pa.  

“Now go back to the closet.” Iginiya ni Alona si Tj pabalik ng closet at muling inihiga iyon sa loob sa tabi ni El. Pagkatapos ay hinarap niya si Elli na nakaupo na sa kama. Nakasubsob ang mukha nito sa mga palad at mayamaya ay nakita na lamang niyang umaalog na ang magkabilang balikat nito. Mabilis siyang lumapit dito at niyakap ito. “Ssshh… don’t worry. I’m here. You saved my life so I will help you with your two brothers, like the old times.”  

“I-I just can’t believe why did they live us here? Where are they?” garalgal ang boses na sabi ni Elli. “My mom already knows what is going on. She’s here, ate. She was here and she told us not to go out in that closet. Tapos… tapos umalis siya without telling us where she will go.”  

Tinapik-tapik ni Alona ang likod ni Elli. “I’m sure she has a reason.” Bumuntong hininga si Alona. Hindi niya tuloy maiwasang mahabag sa mga bata. “Don’t worry, I’m here. I promised hindi ko kayo pababayaan.” Humiwalay si Alona sa pagkakayakap niya kay Elli at pinahid ang mga luha nito. “Trust me okay? Habang wala pa sila Mommy at daddy mo ay ako ang bahala sa inyo.” 

Tumango-tango si Elli at pilit na kinalma ang sarili. Hindi niya maipaliwanag ang takot na kanyang nararamdaman. Nagkalat na sa labas nila ang mga zombies, ano na lang ba ang laban ng tatlong mga bata sa kanila? Hindi niya maisip kung paano sila makakaligtas sa pangyayaring ito. Idagdag pang nagaalala rin siya ngayon ng sobra sa kung ano na ba ang nangyari sa kanyang mga magulang. Kung may mga zombies na sa labas ay nakaligtas ba silang dalawa?  

Hindi niya ata matatanggap kung malaman niyang mawawalan niya ng magulang dahil sa mga zombies. 

“S-Salamat ate.”  

“Now, sleep first. Babantayan ko kayo.” Inayos ni Alona ang kama ni Elli at saka pinahiga ito roon. Naupo si Alona sa sahig at isinandig ang pagod niyang likod sa kama. Parang biglang naglabasan ang sakit ng katawan niya nang sandaling iyon. Niyakap niya ang kanyang mga binti at tahimik na lumuha. Kanina pa paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isipan ang nangyari sa bahay nila kanina. Kitang kita niya kung paanong sinugod ang pamilya niya ng mga kapitbahay nilang kakaiba na kung kumilos. Nakita niya rin kung paano nagbago ang kanyang pamilya.  

Lalapitan sana niya ang bunso niyang kapatid na hindi nalalayo sa edad ni Elli nang bigla siya nitong inatake. Sa sobrang pagiwas niya ay humampas ang kanyang ulo sa bedside table niya.  

‘What is happening in this world?’ 

Kanina pa siya nakakaramdam ng takot ngunit ayaw niyang ipakita kay Elli iyon. Hindi niya nailigtas ang pamilya niya kaya sisiguraduhin niyang tutulungan niya ang magkakapatid sa abot ng kanyang makakaya. 

 

 

“ATE, look.” Tinawag ni Elli si Alona na abala sa pagluluto ng pagkain nila. Parehas silang sumilip sa kanilang bintana. Maliwanag na sa labas dahil nagumaga na at napakatahimik na ng paligid. Wala ka na ring makikitang mga pakalat-kalat na mga zombies sa labas nila. 

“Nasaan na sila?” nagtatakang tanong ni Alona at hinawi ng malaki ang kurtina.  

“Ayun oh.” Tinuro ni Elli ang katapat na bahay nila. Sa ikalawang palapag na bahay, makikita mo sa bintana ang mga zombies na nakatayo lamang at nakatingala. Hindi ito nagsisigalaw at para bang may tinitingnan sa kisame.  

“What are they doing? Bakit sila nandyan?”  

“I don’t know. Kanina ko pa sila tinitingnan pero hindi talaga sila gumagalaw. Tapos wala ka talagang makikitang mga zombies sa kalsada.” 

“Maybe they’re afraid of light or sunlight.” Sabay na napalingon sina Alona at Elli kay El. Lumabas ito mula sa closet.  

“What do you mean?” tanong ni Elli rito. 

“There are some animals that don’t like the sun. Not because of the light but because of the heat. Just like a polar bear, they can’t live under intense heat. That is why there is no bear or a polar bear in our country. Because of our climate. There are some animals that just doesn’t like sun or light because they cannot see.” 

Napanganga si Elli at Alona sa page-explain ni El. Para itong matanda na kung magsalita. Hindi na naman nakakapagtaka pa dahil sa kanilang tatlo ay ito ang pinaka matalino sa kanila. Ito ang palaging nangunguna sa kanilang klase. 

“R-Really?” Nagkatinginan si Elli at Alona. “Siguro nga ate. In movies, lalo na yung GOT. They don’t like heat. Mas nabubuhay sila sa mga malalamig na lugar.”  

Tumango-tango si Alona. “Then we have an advantage. All we have to do is we will not go out at night.” 

“Why ate? Ano po ba ang nasa labas?” nagtatakang tanong naman ni El. 

“Nothing!” ani Elli. Ayaw niyang malaman ng mga kapatid niya ang nangyayari dahil siguradong matatakot ang mga ito. “Just some animals like what you’ve said.”  

Tinitigan pa ni El ang kanyang ate saka nagkibit balikat.  

“Ate, I’m hungry.” Sumulpot naman si Tj sa likod ni El habang hinihimas himas ang tiyan. 

“Yes. Wait, matatapos na itong niluluto ko.”  Ibinaliktad ni Alona ang piniprito niyang hotdog. Nasa tapat siya ng banyo nagluluto ngunit hindi iyon alintana ni Alona. Matapos niyang magprito ay nagpakulo naman niya ng mainit na tubig, mabuti na lamang ay mayroon pa ring malinis na tubig na dumadaloy sa kanila. May sarili kasing tangke ng tubig ang pamilya ni Elli.  

Tinulungan ni Elli si Alona sa paghahanda ng pagkain nila. Hotdog at tinapay ang kanilang umagahan. Nagtimpla rin ng gatas si Alona para sa kanilang tatlo.  

“Kaunti lang?” nagtatakang tanong ni Tj. Nakalabi siya habang tinitignan ang isang malaking hotdog and isang slice ng tinapay.  

Nagkatanginan ulit si Alona at Elli. “Ahm, Tj, we have to save food that’s why.” Si Elli na ang sumagot dito at tinapik ito sa balikat.  

“But why? Wala pa po ba sila mommy?” tanong naman ni El. 

“They will come, soon,” sagot ni Alona. “May dala silang maraming pasalubong. Kaya while they’re gone, we have to save our food.”  

Bahagyang napaisip si El. Si Tj naman ay nagumpisa nang kumain. “Why are you here, ate Alona?” tanong muli si El at saka kumagat sa hotdog na hawak niya. 

Biglang natahimik si Alona at naging malikot ang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa bata.  

Tumikhim naman si Elli. “Because mom and dad are away. ‘Di ba sa tuwing wala sila mommy at daddy si ate Alona ang nagbabantay sa atin?”  

“Y-Yes! Tama. Bago umalis si Mommy niyo kanina ay pinuntahan niya ako sa amin para bantayan kayo. Tama ‘yon. Oo,” segunda ni Alona. Tiningnan ni Alona si Elli at sinenyasan ito na pumunta sa may gilid ng kwarto. “Kumain lang kayo diyan ha? We will just talk.”  

“Why ate?” tanong ni Elli kay Alona. Nasa may pinto sila banda at mahina lang ang boses. Si El at Tj naman ay tahimik na nilalantakan ang pagkain nila. 

“Hindi natin sa kanila sasabihin ang nangyayari?” tanong din ni Alona kay Elli. 

Bumuntong hininga si Elli at pinagmasdan ang mga kapatid. “I… don’t know ate. Ayoko kasing matakot sila. Lalo na si El, he freaks out.”  

“Then, h’wag na muna nating sabihin.” Tinapik ni Alona sa kanang balikat si Elli at nginitan ito. “Kain na tayo.”  

Tumango lang si Elli at naglakad na pabalik sa mga kapatid. Hanggat maari ay ayaw niya munang malaman ng kanyang mga kapatid kung ano ang nangyayari sa mundo. Tumagal man ay kailangan nilang mahintay ang kanilang magulang. Alam niyang babalik ang mga ito.  

Ramdam ni Elli na babalik pa ang mga ito.  

Matapos nilang kumain ay hindi na muna pinabalik ni Elli ang mga kapatid sa closet. Hinayaan niya munang maglaro ito sa kanyang silid.  Si  Alona  naman  ikinuha  niya  ng  damit  ng  kanyang ina para may maisuot ito. Kinuha na rin nila ang mga gadgets  at  laruan  at  mga  damit  ng  mga  kapatid niya.  May  kuryente  pa  rin  sa  mga  oras  na  iyon  at  nang  sinubukan  ni  Elli  na  buksan  ang  kanyang cellphone ay mayroong signal.  

Habang abala ang kanyang mga kapatid sa paglalaro ay sila naman ni Alona ay abala sa pagba-browse sa internet.  Tiningnan  nila  kung ano ang  nangyayari  sa  ibang  bahagi  ng  mundo.  Samantalang  si  Elli naman ay sinubukang kontakin ang mga magulang.  

“Let’s take a picture and post it on the internet,” biglang sabi ni Alona habang nakatitig sa laptop.  Nakaupo ito sa kama.  

“Why?” Lumapit si Elli sa kay Alona at sinilip ang ginagawa nito. 

“Look at here. Trending sa Twitter at Facebook ngayon ang #pleasesaveus. Nagpo-post sila ng picture kasunod ang hastag na iyon at may nakalagay sa caption kung saan ang address nila.” 

“So, you mean this is really an outbreak? Hindi lang sa atin ang mayroong zombies?”  

Tumango si Alona. “Yes. Nagumpisa ang outbreak sa Baguio at unti-unting kumalat papunta rito sa atin. In no time, baka buong pinas magkaroon na ng zombies.”  

“Oh my God. T-The government?”  

Malungkot na umilis si Alona. “Wala  pa  akong  nakikitang  article  o  video  na  inilabas  pangulo  tungkol  sa nangyayari sa bansa. I guess, just like in the movies. Government really sucks.  Baka  nga  nasa  maayos na silang kalagayan habang tayo ay nangamamatay na dahil sa mga monster na ‘yon.”  

Natahimik si Elli. Muli ay  kumabog  ng  mabilis  ang  kanyang  dibdib.  Paano  na  sila  ngayon  kung  pati  ang gobyerno natin ay missing-in-action na rin?  

She can’t imagine how a kid like them will survive this apocalypse. 

“Have you heard of them?” tanong ni Alona sa kay Elli. It’s six in the afternoon and they were just done eating. Nasa loob na ulit ng closet ang mga kapatid ni Elli at silang dalawa na lang ang nasa kwarto. Patay na ang kanilang ilaw at tanging ilaw na nagmumula na lang sa  buwan  at  mga  gadgets  nila  ang  nagsisilbing liwanag nila.  

“Wala pa rin. Still cannot be reached,” malungkot na sabi ni Elli. Dahan- dahan  siyang  naglakad  papunta  sa bintana at sumilip doon. “Ate, looks like El is right. Look, they are going out now.” Sunod- sunod  na  naglalabasan mula sa mga bahay ang mga zombies. Isa-isa sila at mabagal ang mga kilos.  Kung  maglakad sila ay para bang wala sila sa mga sariling. Kaya  mayroong  mga  malalakas  na  kalampagan  silang naririnig dahil sa nabubunggo nila ang mga nadadaanan nila.  

Bumuntong hininga si Alona. “Bumubilis din ang kilos nila sa tuwing nakakarinig sila ng tunog. I guess we should always be quiet,” aniya. 

Sa tuwing may bumabagsak kasing mga kagamitan at naglilikha iyon ng malakas na tunog ay mabilis na nilalapitan iyon ng mga zombies.  

“We should be careful.”  








Chapter 4: Survival Mode


LUMIPAS ang ilang araw ay naging ganoon lang ang takbo ng mga araw ni Elli. Ni minsan ay hindi sila lumabas ng bahay nila at nanatili lamang sa loob ng kwarto. Lalabas lamang sila sa kanilang kwarto kapag nauubusan na sila ng pagkain.

“We’re running out of food, Elli,” ani Alona habang nakatingin sa malaking bag. Isang pack ng biscuit na lamang ang andoon. Ang bottled water nila ang tatlong piraso na lamang. “We should get some food.”

“But, ate. How?” nag-aalalang tanong ni Elli. “How can we even get out when there’s a flock of monster out there?”

Bumuntong hininga si Alona at saka sumilip sa bintana. It’s still noon at tirik na tirik pa ang araw. “I will go out.”

Nanlaki ang mga mata ni Elli. “What? No ate! Baka mapano ka roon.”

“Then what should we do? Wala na tayong kakainin bukas. Ang mga kapatid mo.”

“Then I will take care of it. Ako ang lalabas.”

“No, Elli. Ako ang matanda kaya I have to do this.”

“But- then I will go with you. Hindi kita pwedeng hayaang magisang lumabas.”  

“Sino’ng maiiwan sa mga kapatid mo?” tanong ni Alona at nagumpisa nang kumuha ng mga patalim. “Now do me a favor, use this binocular and look where the house is not filled with z’s.” Inabot ni Alona ang maliit na binocular kay Elli.

Bumuntong hininga si Elli at inabot iyon. Tirik pa man ang araw ay ayaw niya pa ring magisa lang na umalis si Alona, masyadong delikado. Ngunit kung hindi nman sila lalabas ay wala rin naman silang kakainin. Isang linggo na kasi ang nakalipas at wala pa rin ang mga magulang niya. Wala rin silang narinig o nakitang dumating na rescue sa kanila. Maswerte pa sila dahil hanggang ngayon ay mayroon pa ring kuryente at signal ang cellphone nila.

Ganoon pa rin, punong puno pa rin ng mga zombie ang katapat nilang bahay. Ang katabi nito sa kanan ay mayroon din at lahat nasa taas. Wala siya ganoong makita sa ilalim. Sa kaliwa naman ay mayroon sa ilalim at itaas ngunit kakaunti lang.

“They are all the same. May mga z’s sa loob.”

“Saan ang kaunti?” Tinanggal ni Alona laman ng malaking bag saka sinukbit iyon. Kinuha niya ang baseball bat ni Elli at nagsuksok sa tagiliran ng kutsilyo.

“Sa kanan,” she said referring to the house that the first floor doesn’t have any z’s.

Lumapit sa kanya si Alona at sinilip iyon. “Kina Ms. Santiago.” Ito ang street leader nila. Palagi itong may pakain sa street nila dahil nga may balak itong tumakbong hoa president sa phase nila. “Good. They have a lot of food.” Ibinalik ni Alona ang binoculars kay Elli at tinitigan ito. “I’ll be back, okay?”

“I should really go with you ate.”

Umiling si Alona. “No, I promise I’ll be back.”

Hindi alam ni Elli kung bakit ganon na lang ang takot na kanyang nararamdaman. “Be careful ate, please come back to us,” naiiyak na sabi ni Elli. Hindi niya ata kakayanin kapag pati ito ay hindi bumalik.

“Where are you going ate Alona?” tanong ni El na lumapit na pala sa kanila. Kakalabas lang nito sa banyo kasama si Tj.

Umupo si Alona kapantay ng dalawa. “I’ll just get us some food. Behave kayo kay ate Elli ha?”

Nagtataka man ay tumango si El. Si Tj naman ay nanatiling nakatingin sa laruan niya. Bumuntong hininga muna si Alona saka niyakap ang dalawa. Pagkatapos ay tumayo na para lumabas ng kwarto.

“Wait ate, you should bring this gun.” Inabot ni Elli ang handgun niya.

Tiningnan lamang iyon ni Alona saka umiling. “No. Kailangan niyo iyan and I don’t know how to use that.”

Hindi na nakapagsalita pa si Elli dahil inusod na ni Alona ang lamesang nakaharang sa pinto ng kwarto niya. “El and Tj, don’t go out, okay?”

Tumango lamang ang dalawa. Inakay ni El ang kapatid papunta sa kama para mahiga roon.

Samantalang si Elli naman ay sumunod sa pagbaba ni Alona. Marahan nilang binuksan ang main door nila. Pinanood pa muna ni Elli si Alona habang naglalakad ito palayo sa kanila. Pagkatapos ay muli niya itong sinara at in-lock. Mabilis siyang pumanik sa kwarto niya at pinanood si Alona sa may bintana nila gamit ang binoculars nila.

 

 

MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Alona habang naglalakad papunta sa bahay nila Ms. Santiago. Mahigpit ang kapit niya sa baseball na dala niya. Nakakabingi ang paligid dahil wala kang ibang makikitang mga tao sa labas. Bukod sa maraming gamit na nagkalat at mga mantsa ng dugo ay wala ka nang makikita. Mayroong mga katawan nakahandusay sa dulo ng block nila ngunit hindi na inabala pa ni Alona ang sarili. Dumeretso siya sa pakay niya.

Nang makarating siya sa tapat ng bahay nila Ms. Santiago ay wala siyang nakitang kahit na anong mga zombie sa unang palapag. Dahan-dahan niyang binuksan ang main door nito at unti-unting pumasok. Bumungad sa kanya ang nakakasulasok na amoy. Para iyong amoy karneng nabubulok. Mariin niyang kinagat ang likod ng kanyang labi upang hindi maduwal dahil sa sobrang baho. Napaka gulo rin ng loob ng sala nila, yung dating maayos at halos walang alikabok na sala nila ay puro kalat na. Ang mga vase at picture frames ay nagsipaghulugan sa sahig. Mababakas din ang mga dugo sa dingding, sahig at sa nakatumbang sofa.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras at mabilis na tinahak ang kusina. Nangingig pa ang mga kamay niya habang binubuksan ang mga cabinet doon upang tingnan kung ano ang mga nandoon. Agad niyang isinilid sa loob ng malaking bag na dala niya ang nakita niyang mga tinapay at mga biscuits. Mayroon ding mga tinapay at sitsirya. Sunod na binuksan niya ay ang refrigerator, dahil hindi pa naman nawawalan ng kuryente sa kanilang lugar ay bukas pa rin iyon. Napangiti siya nang makitang may mga frozen doon. Kumuha siya ng malaking plastic isinilid doon ang mga karne. Sunod niya kinuha ang mga inumin na nakita niya roon.

Maraming klase, mayroong mga fresh milk, juice na nakabox at mga tubig. Mayroon din alak na ikinatuwa niya. Inilabas niya iyon lahat sa labas ng bahay nila Ms. Santiago. Nang mailabas na niya ang lahat ay mga pagkain ay isa-isa naman niya iyong binitbit pabalik kina Elli. Napadali ang lahat dahil bumaba si Elli at kahit na ayaw niyang tumulong ito sa pagkuha ng pagkain ay lumabas pa rin ito.

Matapos nilang mahakot ang mga pagkain ay napalingon si Alona sa bahay nila. Napamaang siya nang makita niya ang kanyang mga magulang sa may bintana ng kwarto nila. Nakatayo lamang ito at nakamasid sa kisame, hindi ito gumagalaw. Agad na tumulo ang mga luha niya dahil alam niyang hindi na ito ang kanyang mga magulang. Mabilis niya iyong pinahid at naglakad na pabalik sa bahay nila Elli.

“Ate? Why?” nagtatakang tanong ni Elli na nasa may pinto. Hawak nito ang handgun niya.

“I-I just saw my parents.” Bumuntong hininga si Alona. “They’re one of them.”

“I-I’m sorry.”

“It’s okay. Sa panahon ngayon kailangan nating maging malakas. Kaya ikaw, no matter what happened be ready, and… you have to accept it. No one can stop this now, so we have to fit in to survive.”

Natahimik si Elli. Hindi magsink-in sa utak niya ang sinabi ni Alona. Ayaw magsink-in sa utak niya ang sinabi nito dahil hindi naman niya kakayanin iyon. Kaya kahit na ano’ng mangyari, sa abot ng makakaya niya ay gagawin niya ang lahat para maging ligtas sila lalo na ang kanyang mga kapatid.

“Let’s go inside-” Natigil sa pagsasalita si Alona nang may marinig siyang boses. “Did you hear that?”

Kumunot ang noo ni Elli at tumingin sa paligid. “What?”

Lumayos si Alona sa bahay nila Elli at nagpalinga-linga sa paligid. Mayroon siyang narinig na sigaw kanina at alam niyang hindi iyong guni-guni.

“Help!”

“Ayun!” ani Alona at tumakbo sa gitna ng kalsada. Tiningnan niya ang mga bahay na nakapaligid sa kanila.

“Ate! Let’s get inside!”

“Help me!” malakas ng sigaw ng isang boses. Isa iyong lalaki base sa boses nito.

“A-Ate look!”

Napatingin si Alona sa itinuro ni Elli. Nagmumula iyon sa bahay nila Ms. Santiago. Sa isang kwarto roon ay gumagalaw ang mga zombies. Mayroon silang pinupukpok sa isang parte ng bahay. Lumapit doon si Alona ngunit hindi siya pumasok sa loob ng bahay.

“May tao ba r’yan?!” malakas na sigaw niya. Agad niyang narinig ang malakas na angilan ng mga zombie dahil sa ingay niya. Narinig niya ang malakas na mga yabag ng mga iyon pababa ng bahay nila Ms. Santiago.

“Help me please!” sigaw muli ng taong nasa loob ng isang aparador. Muli niyang narinig ang mga yabag ng mga zombie pabalik sa itaas.

“Wait for me!”

Huminga ng malalim si Alona saka hinigpitan ang hawak sa baseball bat na dala niya.

“Ate, what are you doing?!” natatarantang tanong ni Elli na nasa may bakuran na nila.

“Go inside Elli and wait for us there!” utos niya rito.

“But ate-”

“Go!”

Hinintay niya munang pumasok sa loob ng bahay si Elli. Nang makita niyang nasa loob na ito ay bumuntong hininga muna siya. Mainit pa rin ang araw kaya ay may oras pa sila.

“Help me! I’m begging you! Hindi ko na kaya!”

Dumura muna si Alona saka mataman na pinagmasdan ang bahay ni Ms. Santiago.

“Okay, bitches, time to play.”

 







Chapter 5: Saving Malcolm


BINUKSAN ng malaki ni Alona ang main door nila Ms. Santiago. Pagkatapos ay lumapit siya sa kotse nitong nakaparada sa tapat ng bahay, na aarawan iyon kaya naman ay lumakas ang kanyang loob. Hindi man siya siguro sa kalalabasan ng kanyang gagawin ay isa lamang ang nasa isip niya. Ang mailigtas ang kung sino man ang nasa itaas.

Malakas ang kabog ng dibdib na pinukpot niya nang ubod ng lakas ang harapan ng kotse. Naglikha iyon ng malakas ng tunog. Ilang sandali lamang ay narinig na niya ang malakas na pag-angil ng mga zombie at nagsigalawan din ang iba na nakatayo lamang kanina. Nang marinig niya ang malakas na yabang ng mga zombie na pababa mula sa itaas nila Ms. Santiago ay umikot siya sa likod ng bahay. Kitang-kita niya mula sa bintana ang mga pababang Zombie at nagpatuloy iyon sa paglalakad palabas ng maindoor.

Ngunit bago pa man makalapit ang mga ito ay biglang napaatras ang mga nilalang nang masinagan sila ng araw. Para itong mga bulateng binuhusan ng tubig na may sabon dahil sa pangingisay. Walang nagawa ang mga ito kundi ang umangil habang pilit na inaabot ang kotseng maingay.

Sinamantala iyon ni Alona.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likod ng bahay nila Ms. Santiago. Mayroon doong pinto papasok sa kusina, doon siya dumaan papasok sa loob ng bahay. Maingat at dahan-dahan siyang naglakad sa likod ng mga zombies, mabuti na lamang ay nasa sampung piraso lang iyon. Halos hindi na siya humihinga sa pagpanik niya sa ikalawang palapag. ‘Pag dating niya roon ay agad niyang hinanap ang kwarto kung nasaan ang sumisigaw ng tulong kanina.

“Help me!”

Natigilan si Alona sa pagpasok sa isang kwarto nang bigla itong sumigaw. “Shit!” Mabilis siyang pumasok doon at nilock ang kwarto. Maya-maya pa ay narinig na niya ang malalakas na yabag ng paa at mga angil ng mga zombie. “Stop shouting and wait for me!” naiinis niyang sigaw. Malakas na kinalampag ng mga zombie ang pinto ng kwartong kinalalagyan niya.

“Hey, zombies! Come here!”

Agad siyang napatakbo sa may bintana nang marinig niya ang sumisigaw at nagpupukpok ng kotse. “Elli?! What are you doing?! I told you to go inside!”

Nginitian lamang siya ni Elli at pinagpatuloy nito ang pagpukpok ng kotse. “You monsters, get out here and try to get me!”

Nilingon niya ang pinto ng kwarto. Wala nang kumakalampag doon at unti-unti na niyang naririnig ang mga yabag na papalayo. Muli niya munang nilingon si Elli. Nakita niyang tinutukan nito ang mga zombie ng baril at isa-isang pinutukan. Napapikit na lamang siya at bumalik na sa kanyang pakay.

“What the-” Muli niyang naisara ang pinto ng kwarto dahil mayroon pa palang isang zombie na andoon. Nakaharang ang kamay nito sa pinto kaya hindi niya iyon maisara ng maayos at pilit siyang inaabot. Ubod ng lakas niyang hinarang ang katawan niya sa pinto upang hindi ito makapasok. Saka niya pilit na inabot ang patalim sa tagiliran niya.

Pinagsasaksak niya ang kamay ng zombie ngunit wala itong epekto. Parang hindi ito nakakaramdam ng sakit dahil patuloy pa rin ito sa paggalaw. “Right, you’re dead.” Huminga muna ng malalim si Alona saka sumiksik sa gilid ng pinto at binuksan iyon ng malaki. Halos masubsob ang zombie sa kama dahil sa malakas na pwersang ginagawa nito para lang makapasok ito. Agad itong nagpalinga-linga sa silid ng kwarto.

“Ahh!” Hinampas ni Alona ang likod ng zombie gamit ang baseball bat ngunit parang wala itong epekto sa zombie. Agad itong lumingon sa kanya. “K-Kuya Franco?” Nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang zombie, ito ang asawa ni Ms. Santiago.

Mabilis siyang inatake ng zombie. Hinarang niya ang ang baseball bat na hawak niya sa may leeg nito para hindi siya nito makagat. Halos maglabasan na ang ugat niya sa leeg at mga braso dahil sa lakas ng umaatake sa kanyang zombie. Pinilit niya itulak iyon hanggang sa mapahiga ito sa kama. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at isinara iyon. Halos habulin niya ang hininga niya dahil sa matinding hapo na kanyang nararamdaman. Basang basa na rin siya sa pawis.

“Ate Alona!”

Napalingon siya sa may hagdan, humangos papalapit sa kanya si Elli na may mga talsik ng dugo sa damit nito. “I told you, not go out in the house.”

“I’m sorry.” Tumingin si Elli sa kwartong pinanggalingan niya.

“Leave it. Andito sa kabilang kwarto yung sumisigaw.”

Sabay nilang pinasok ang katabing kwarto at nilapitan ang malaking aparador. Binuksan iyon ni Alona.

“Malcolm?” ani Elli. Anak ito ni Ms. Santiago at kaedad lamang niya. Kaklase niya rin ito ngunit hindi niya nakakausap dahil masyado itong mailap sa mga tao. Basang basa ito sa pawis at luhaan ang mga mata. Yung dating gwapo nitong mukha ay humpak na at ang mga labi ay namamalat na rin.

“Are you okay? Nakagat ka ba nila?” tanong ni Alona rito.

Umiling lamang si Malcolm. “H-Help me, please,” naiiyak nitong sabi.

“Let’s go. Malapit nang magdilim. Kailangan na nating makauwi.” Hinawakan ni Alona sa braso si Malcolm at inalalayan itong maglakad. Basang basa ang suot nitong pantulog at base sa amoy nito ay dito napadumi na ito sa pwesto nito.

Tinulungan ni Elli si Alona sa pag-alalay kay Malcolm hanggang makababa sila. Nanlaki pa ang mga mata ni Alona at Malcolm nang makita ang mga nakahandusay na mga zombies sa entrada ng bahay. Sa likod sila dumaan dahil hindi pumayag si Malcolm na daanan ang zombies kahit na sinabi na ni Elli na patay na ito.

Patuloy pa rin ang pag-iingay ng kotse kaya hinayaan na lamang nila ito. Ang mga zombies na nasa may loob ng mga bahay ay nasa may bukana na at hindi mapakali. Kanina pa nila gustong lapitan ang maingay na kotse ngunit hindi nila magawa dahil tirik pa ang araw.

Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay mabilis na nilock ni Elli ang pinto nila. Inalalayan naman ni Alona si Malcolm na umupo sa pang-isahang sofa.

“D-Do you have water? F-Food?” ani Malcolm.

Mabilis na kumilos si Alona at inabutan ito ng mineral water mula sa nakuha niya sa bahay nito. Binuksan niya na iyon at saka inabot kay Malcolm.

Mabilis na nilagok ni Malcolm ang tubig na inabot ni Alona. Halos tumulo na ang mga luha niya nang maramdaman niya ang pagdaloy ng malinis na tubig sa kanyang lalamunan. Halos makalahati niya na agad iyon at tumigil lamang nang hindi na siya makahinga.

“Thank you.” Hinabol niya ang kanyang hininga.

“I-I will get some clothes for you.” Pumanik si Elli sa itaas.

“Here. Eat this first.” Inabutan ni Alona si Malcolm ng biscuit.

Hindi na nagdalawang isip pa si Malcolm at mabilis iyong kinuha at saka nilantakan. Hindi na niya alam kung ilang araw na ba siyang nasa loob ng aparador na iyon. Mula ng magkagulo ay doon na siya nagtago. Maige na lamang ay mahilig siyang magdala ng tumbler na may tubig sa kanyang silid kaya iyon ang nagsilbi niyang panglaman ng tiyan habang andoon siya sa loob. Nang makarinig siya ng paggalaw mula sa kanilang ibaba ay nagsisigaw na siya para makuha ang atensyon nito. Ngunit malaking pagkakamali dahil nagpuntahan tuloy sa kanya ang mga zombies at pilit na binuksan ang aparador.

“Wala na?” tanong niya. Mababakas sa mukha niya na pagkabitin sa kinain niyang biscuit.

“H’wag mong biglain ang sarili mo. Clean yourself first and let’s go up. I will cook for our food,” paliwanag ni Alona.

Napatingin naman si Malcolm sa kanyang katawan. Napangiwi siya nang maamoy niya ang kanyang sarili. Pwede na siyang sumama sa mga zombies dahil sa baho niya.

“Here.” Inabot sa kanya ni Elli ang isang nakatuping t-shirt at shorts. “I don’t know if this will fit to you. Ito lang kasi ang pinaka malaki kong damit. And hindi rin naman kakasya sa ‘yo ang damit ni daddy.”

“Thank you.” Kinuha iyon ni Malcom.

“You can use that bathroom. May mga toiletries doon na pwede mong gamitin.” Itinuro ni Elli ang banyo sa may kusina.

Pilit na tumayo si Malcolm at paika-ikang lumakad papunta sa banyo.

“Do you need help?” tanong ni Alona kay Malcolm. Isa-isa na niyang binibitbit ang mga pagkaing nakuha niya sa itaas.

Umiling si Malcolm. “I can manage.” Pinilit niyang ngumiti. Nahihiya rin siya lumapit sa mga ito dahil sa hindi maipaliwanag niyang amoy.

“Okay, go upstairs if you’re done.”

Tumango na lamang si Malcolm saka pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa banyo.

Samantalang si Elli naman ay tinulungan si Alona sa pagakyat ng mga pagkain. Ipinasok niya sa refrigerator nila ang mga karneng nakuha ni Alona.

“I guess, you should clean yourself too,” ani Alona habang pinagmamasdan ang itsura ni Elli. Puro tilamsik ng dugo ang suot nitong t-shirt at jogging pants.

“Yeah, right.”

“Go, ako na ang bahala rito.”

Tumango si Elli at binitawan ang ginagawa niya. Dumeretso siya sa kanyang kwarto. Busy ang dalawa niyang kapatid sa panood ng ipad at hindi manlang lumilingon sa kanya kahit ilang beses na siyang nagpabalik-balik doon. Hinayaan na lamang niya ito at kumuha na ng damit niya.

Pumasok siya sa loob ng banyo at hindi pa man niya nahuhubad ang suot niyang damit ay binuksan na niya agad ang shower. Tiningnan niya ang dalawa niyang kamay.

‘I just killed someone,’ aniya sa kanyang isipan. Muling bumalik sa kanyang balintataw ang pagbagsak ng mga zombie na tinatamaan niya sa ulo. Kahit na wala na sa mga sarili ang mga ito ay mga kilala niya pa rin ang mga iyon. Lahat iyon ay kapitbahay nila.

Ngunit sa dulo ng kanyang puso ay nakaramdam niya ng kasiyahan. She can’t explain how satisfied she was when she was shooting those monsters.

Sumilay ang ngisi sa kanyang labi.




Continue reading here: https://www.dreame.com/story/1247092736-wonder-kids


Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !