Views

The Innocent Mistress (The Mistresses Series #1) - (Exclusive at Dreame)

Ameiry Savar
0

 


Blurb: 

THE MISTRESSES SERIES #1

Growing up in the province with her grandmother and grandfather, Eloisa can't wish anything for more, except for the right man that will love her truly. She was enjoying her single life while watching Korean dramas and dreaming that someday she'll experience a love story like her favorite characters. When she met a guy that would make her world upside down. She tries to resist her feelings for him because of the fear that she will end up like her mother. But eventually, because of his eagerness, she falls in love with him.

She was so in love with him that she visited Manila to see him. To her surprise, she learns that the man she loves already has his own family.

Will she do what is right or will she follow her heart?

Meet Eloisa, The Innocent Mistress.




Chapter 1: “Tapos na ba?”

“Tapos na ba?” tanong ko kay Marisol, siya ang tumutulong sa akin sa pagluluto. Kasalukuyan itong nagtatadtad sa mahabang lamesa ng mga sangkap na panluto ko sa menudo.

“Patapos na po, Ate,” tugon nito.

Hindi ko na siya sinagot pa at inabala ko na lamang sarili ko sa paghalo ng ginigisa kong pinakbet. Ito ang araw-araw kong gawain. Ang pagluluto sa kerenderya ni Aling Marites. Hindi naman ako nahihirapan dahil ito na talaga ang hilig ko. At isa pa, andiyan si Marisol na helper ko. Hindi na ako nahihirapan sa paghahanda ng mga sangkap.

“Akina,” tawag ko kay Marisol. “Paki ayos na nito.” Pinatay ko na ang kalan at kumuha ng panibagong kawali sa kabilang dulo ng silid. Sa tabi ng pinto papunta sa likod ng karenderya nakapwesto ang malaking cabinet kung saan nakalagay ang mga gamit pang kusina.

Mabilis na kumilos si Marisol. Binitawan niya ang kanyang ginagawa at kinuha ang niluto kong pinakbet. Wala pang dese otso si Marisol ngunit nagtatrabaho na. Madalas ay na aawa ako sa kanya kasi imbes na mag-aral ay andito siya, nagbabanat ng buto.

"Narding! Kuhain mo na ito!" malakas ang boses na tawag ni Marisol kay Narding. Ito naman ang nagsisilbing boy rito sa kerenderya. Siya ang tiga-hugas ng mga pinggan at utusan sa tuwing mayroon kaming pinapabuhat. Kagaya nang pagdadala ng mga niluto kong putahe sa counter.

Kinuha na ni Narding ang malaking kawali ng pinakbet. Sumambulat ang mabangong amoy niyon noong binuksan ito ni Narding.

“Hmm! Ang bango! Siguradong ubos na naman ang luto mo, Eloisa!” nakangising puri ni Narding.

Nginitian ko lamang ito at binuksan na ang kalan. Hindi naman sa pagmamayabang, pero sabi ng mga ka-nayon ko ay ako raw ang pinaka masarap na cook dito. Patunay daw ang palaging sold-out ang mga paninda rito sa karenderya. Hindi ko naman iyon itinatanggi kahit na ang gusto ko lang naman ay gawin ang hilig ko. Kaya ang kusina rito sa karenderya ang nagsisilbing opisina ko.

Inumpisahan ko na ang pagluluto ng menudo. Malapit na rin kasing magtanghali kaya kailangan ko nang bilisan. Araw-araw ay limang putahe lamang ang niluluto ko. Ayaw kasi ni Aling Marites nang marami siyang niluluto. Hindi ko alam kung bakit, siguro ay nag-aalala lang siya baka hindi maubos.

Ilang sandali lamang ay natapos na ako sa pagluluto. Salamat sa tatlong malalaking kalan kaya nagagawa kong matapos agad sa ginagawa ko.

“Kayo na bahala rito, Marisol. Ha?” aniko habang naghuhugas ng kamay sa lababo.

“Sige po, Ate.”

Hinubad ko na ang pulang apron ko at naglakad na papalabas sa kusina. Na abutan ko si Aling Marites na nag-aayos na sa mahabang lamesa kung saan ipapatong ang mga panindang ulam namin mamaya.

“Opo,” matipid kong tugon. Bagsak na ang balikat ko at nangangalum-mata na ako.

“Magpahinga ka na muna roon. Mukhang puyat ka na naman sa kaka-kdrama mo,” panunudyo ni Aling Marites. “Magbubukas na tayo maya-maya.”

Napangiwi ako sa sinabi niya at lumusot na sa lamesa. Iisa lamang ang lalabasan kapag galing ka sa kusina. Hindi na ako tumugon pa kay Aling Marites dahil totoo naman ang tinuran nito. Bukod sa pagluluto ay kinahihiligan ko ang panonood ng mga kdrama’s.

Pagkalabas ko ay umupo ako sa pinaka malapit na lamesa ng kainan. Mayroong tig tatlong mga lamesa ang nakadikit sa mga dingding ng karenderya. Mula sa aking pwesto ay kitang-kita ko ang nakasisilaw sa liwanag na kalsada.

Tumungo na lamang ako at kinuha ang mumurahing android cellphone ko sa aking bulsa. Pagod man at inaantok dahil alas kwatro pa lang ay gising na ako, hindi pa rin ako nagpatinag para lang mapanood ang kinaa-adikan kong drama ngayon. Isang episode na lang kasi ako at nasa parte na kung saan ikakasal na ang sekretaryang babae sa amo nitong lalaki. Tungkol kasi ito sa sekretaryang gusto nang mag-resign sa trabaho niya pero ayaw ng amo niya.

Nakakainggit.

“Sana all,” aniko at nangalumbaba na. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi habang pinapanood ang dalawang bida. Ang sarap siguro sa pakiramdam no’n? Yung ikakasal ka sa taong mahal mo. Yung bang magkakaroon ka na ng one true love mo? Yung bang nasa tamang tao ka –

“Hoy! Panginano!”

“Ay!”

Halos mabitawan ko ang hawak kong cellphone sa gulat ko nang may humampas sa lamesang kinapupwestuhan ko. Pagtingin ko sa gilid ko ay agad akong napasimangot.

“Ano ba, Danilo?!” singhal ko sa kanya. “Pagmasira ‘tong Cellphone ko talagang ibibili mo ako ng bago!”

Tumawa lang ito ng malakas at mas lalo pa akong ginitgit kaya napasiksik ako sa dingding.

“Nako, nako! Nangangarap ka na naman, Eloisa! Andito naman ako ah? Mas gwapo pa ako kaysa sa mga lalaking ‘yan.” Sumilip ito sa cellphone ko. “Tingnan mo nga oh! Ang puputla!”

Napairap ako dahil sa sinabi niya. Paano kasi sunog ang balat nitong si Danilo kaya kung makapuna sa mga pinapanood ko ay sobra.

“Ewan sa ‘yo! Sunog ka lang kasi!” inis sa sabi ko sa kanya.

Kung tutuusin ay totoo naman ang sinasabi ni Danilo. Magandang lalaki ito kahit na sunog ang balat. Pasok din sa standard ko ang tangkad nito dahil halos hanggang dibdib lang niya ako. Pinaka gusto ko sa kanya ay ang matangos na ilong nito na mayroong maliit na nunal sa tuktok. Tsaka ang dalawang biloy nito sa magkabilang pisngi. Ang ibang mga kaibigan naman namin ay gustong gusto ang singkit nitong mga mata. Ang lakas daw kasing maka-chinito. Sa suma-total, pwede siyang ipanghilera sa mga naggagwapuhang artist ana mayroon ngayon sa Pilipinas.

Hinala ko nga ay mayroon itong lahing banyaga dahil sa mga mata nito na kulay abo. Idagdag pang parehas kaming hindi na nakilala ang mga tatay namin. Kaya siguro naging magkababata rin kami. Sa tanang buhay ko kasi siya na ang nakilala kong lalaki. At siya lang ang malapit sa akin.

“Hmp! ‘Pag ako talaga pumuti, who you ka sa akin, Eloisa. H’wag na h’wag mo akong hahabulin dahil hindi kita papatulan!” puno ng yabang na sabi nito.

Napaawang ako sa sinabi niya. Ganito palagi ang pang-aasar niya sa akin na pinapatulan ko naman palagi. Sasagutin ko sana siya nang magsalita si Aling Marites.

“Kung ako sa ‘yo, Danilo. Tumulong ka na lang dito. Ilabas mo ang mga pagkain doon sa kusina nang may mapala ka naman,” utos ni Aling Marites habang pinupunasan ang salamin na lagayan ng mga pagkain. “H’wag mo na guluhin diyan si Eloisa.”

Agad akong napangisi noong biglang nawala ang mapang-asar na ngiti ni Danilo. Napakamot na lamang ito at nakangusong tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ko.

“Buti nga,” pabulong kong sabi. Noong kinunutan ako nito ng noo pagkalingon niya sa akin ay dinilaan ko pa ito. Lalo naman itong napasimangot.

Pamangkin kasi ni Aling Marites si Danilo. Kaya naman ay sa tuwing nagagawi ito sa karenderya ay inuutusan ito ni Aling Marited at binibigyan na lamang ng pera. Hindi naman nagrereklamo si Danilo dahil madalas ay nakatambay lamang ito kapag wala itong trabaho sa bukid.

Nang makaalis na ito sa tabi ko ay muli ko nang tinuon ang atensyon ko sa pinapanood ko. Agad akong napangiti noong makita ko ang magandang mukha ng bidang babae. Bagay na bagay sa kanya ang suot nitong wedding gown.

Napabuntong hininga ako. Alam kong bata pa ako, pero hindi ko maiwasang mangarap. Papaano kasi, bente tres anyos na ako pero wala pa rin akong nagiging nobyo. Ibig sabihin ay kabilang ako sa samahan ng mga ‘No boyfriend since birth.’ Ewan ko ba? Maganda naman ako sabi ng Lola ko. Siguro ay dahil sa masyadong istrikto sa akin ang Lolo ko. Mula kasi noong mamatay ang mama ko ay sina na ang nagpalaki sa akin. Hindi ko rin naman ugaling manguna sa mga lalaki kahit na gustong gusto ko iyon dahil sa mga habilin ni Lola.

Sa totoo lang, may mga nagkakagusto naman sa akin. Noong high school kami ay palagi akong nagiging muse ng section namin. May mga panahon pa na ako ang inilaban sa patimpalak ng pagandahan sa school namin.

Minsan eh gusto ko nan gang i-unfriend si Danilo. Isa rin kasi ‘to sa mga hadlang para magka-love life ako. Kung umasta kasi ito ay matindi pa sa boyfriend.

Napabuntong hininga na lamang ako. Sinubsob ang mukha ko sa lamesa.

Hintay ka lang, Eloisa. Darating din ang lalaking para sa ‘yo.

“Ayos na ba ang lahat?” tanong ni Aling Marites.

“Opo,” tugon naman ni Marisol.

Muli akong napaangat ng ulo nang marinig kong magsalita si Aling Marites.

“Oh, Narding. Mag-umpisa ka nang maghugas ng plato roon.” Napasimangot si Aling Marites. “Nasaan na ba ‘tong si Ericka?” Namaywang na ito habang nakatingin sa labas ng karenderya. “Danilo! Tawagin mo nga roon sa bahay ang pinsan mo!”

“Tita naman! May gagawin pa po ako!”

Agad na nagsalubong ang kilay ni Aling Marites. “Nga panulay ka! ‘Di ka tibali?!” (Hindi ka susunod?) Nanlalaki ang mga mata nito at ang butas ng ilong. Pakiramdam ko nga ay anumang oras ay lalabasan na iyon ng usok.

Kakamot-kamot na lamang sa ulo na lumabas ng kusina si Danilo at lumusot sa mahabang lamesa. “Sabi ko nga, pupuntahan ko na,” nakasimangot nitong sabi. “Kung saan-saan kasi nagpupunta ‘yang adik sa mga bakla mong anak,” pabulong pang dagdag nito.

“Ano’ng sabi mo?!”

Napaigtad ako nang sumigaw nang malakas si Aling Marites. Pinandilatan ko agad ang kababata kong nagmamadaling lumabas ng karenderya.

“Ericka!” malakas na sigaw ni Danilo nang makalabas na ito.

Napailing na lamang ako. Sanay na naman ako sa malakas na boses ni Aling Marites. Pero madalas ay nagugulat pa rin ako. Mabait naman ito, sadyang maingay nga lang. Kung tutuusin nga ay bilib ako sa kanya dahil kahit sampung taon na itong byuda ay hindi manlang ito nagkaroon pa ng ibang nobyo. Umabot na ito ng singkwenta anyos na mag-isa lamang na tinataguyod ang anak na babae, si Ericka. Ang dahilan niya kasi ay hindi na raw mapapalitan sa puso niya ang kanyang asawa.

Sana all.

“Oh, siya. Maghanda na tayo at maya-maya lang ay magkakaroon na ng mga mamimili,” ani Aling Marites makalipas ng ilang sandali.

Mag-aalas onse pa lamang kaya maaga pa. Pero madalas may mga namimili na ng mga ulam. Sakto namang mayroong nang nagpasukang mga kalalakihan. Sila ang mga manggagawa sa ginagawang building dito.

Agad na ngumiti si Aling Marites nang makita ang mga ito. “Pasok po kayo!” masiglang bati ni Aling Marites sa mga ito.

Umayos naman ako ng upo dahil ilang sandali lamang ay rarami na ang mga tao customer namin.

“Anong ulam natin ngayon, Aling Marites?” tanong ni Mang Kadyo. Taga-rito rin siya sa baryo. Maging ang ibang mga kasama nito ay mga taga rito lang din.

“Naku! Marami tayong mga ulang ngayon. Mga luto lahat ni Eloisa.”

Bumalin sa akin si Mang Kadyo. “Sige, Aling Marites. Kahit naman ano r’yan ay sigurado kaming masasarap lahat dahil si Eloisa ang nagluto!”

Agad na nag-init ang mga pisngi ko dahil sa sinabi nito. Dahil sa rito ako sa karenderya nagluluto ay kilala ng lahat ang luto ko. Tuwing sumasapit nga ang fiesta ay dinudumog agad ang isang bahay kapag nalalaman nilang ako ang nagluluto. Ganoon din sa amin pero hindi madalas ay kaunti lang ang naluluto ko.

“Ikaw talaga, Mang Kadyo!” Nahihiyang tumawa ako.

"Aba'y totoo naman, hija. Tsaka andito ngayon ang boss namin kaya kailangan niyang matikman ang luto mo," sang-ayon ni Mang Jose. Ito ang pinaka matanda sa kanyang mga kasama.

“Boss?” nagtataka kong sabi. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako nakaramdam ng kaba noong nabanggit nito ang tungkol sa amo nito. Ang alam ko kasi ay taga-Maynila ito at ni minsan ay hindi pa niya ito nakikita.

"Sir! Dito po kayo!" 

Napatingin ako sa bukana ng karenderya noong may tinawag si Mang Jose. Mayroon doong pumasok na tatlong kalalakihan. Ngunit napukol ang atensyon ko sa lalaking nasa gitna.

“Sir Arvin!"

Bigla kong nahawakan ang dibdib ko nang mapatitig ako sa lalaking parating. Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko at halos marinig ko na iyon dahil sa lakas ng pagkabog niyon. Pakiramdam ko ay bigla akong napunta sa isa sa mga eksana sa mga kdrama na pinapanood ko.

'OMG! Ano'ng nangyayari sa akin?'






Chapter 2: Nasapo ko..,


Nasapo ko ang aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit biglang tumigil ang oras at bumagal paggalaw ng paligid. Ano’ng nangyayari sa akin? Halos mabingi na ako dahil sa malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit sa paningin ko ay may liwanag na umusbong sa likuran niya kagaya ng mga bagong dating na male lead sa k-dramang pinapanood ko. Nababaliw na ba ako?

Iiiwas ko na sana ang mga tingin ko ngunit napaawang ang bibig ko nang magtagpo ang mga mata namin. Para akong nahihipnotismo sa kulay kahel niyang mga mata. Na pakiramdam ko pati kaluluwa ko ay nakikita niya. Napaawang ang bibig ko at lalong naghumintiryo ang puso ko noong sumilay ang mga ngiti nito sa labi.

Ang perfect!

“Sir Arvin!” tawag ni Mang Jose kay Arvin. “Dito po kayo maupo,” anito at tinapik-tapik ang katabing upuan.

Agad na nag-iwas ng tingin sa akin si Arvin at tumingin kay Mang Jose. “Naku, Salamat Mang Jose.” Nginitian nito ang matanda.

Napalunok ulit ako ng laway noong marinig ko ang baritonong boses niya. Ang lalim ng boses niya pero parang ost lang sa kdrama sa pandinig ko ang boses niya. Na hinding hindi ko pagsasawaang pakinggan.  

Ano ba ang nangyayari sa akin? Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Maraming mga lalaki sa baryo namin pero hindi ako nagkaganito. Kahit kay Danilo.

“Masarap ba talaga rito?” pabirong tanong ni Arvin habang sumusulyap ng tingin sa akin.

“Aba, opo sir! Si Eloisa ang pinaka msarap magluto rito sa baryo namin!” pagbibida sa akin ni Aling Marite.

Napatungo na ako kasi naramdaman kong nag-init ang magkabilang pisngi ko. Palagi naman binibida ni Aling Marites ang mga luto ko, at ng iba pa naming ka-baryo, pero ngayon? Bigla akong nakaramdam ng hiya kasi baka hindi magustuhan iyon ni Arvin.

“Talaga? Siya ba si Eloisa?”

Nag-angat ako ng tingin ko nang marinig ko ang tanong niya. Sakto namang nagtama ulit ang mga tingin namin na ikinalundag ng puso ko. Iniwas ko na ang tingin ko kasi pakiramdam ko hindi na naman ako makahinga.

“Opo, sir. Tikman niyo ang mga luto niya at sigurado akong babalik-balikan niyo.”

“Sige po. Patikim ako ng mga luto niya,” ani Arvin. “Pahingi po kami ng lahat ng ulam niyo. Gusto ko pong matikman lahat.”

“’Yon!” Naghiyaman ang mga kasama ni Arvin.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. Gusto ko sana siyang sulyapan ulit pero pilit kong pinigilan ang sarili ko dahil nakikita ko mula sa gilid ng mga mata ko na hindi niya inaalis ang mga tingin niya sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng pagkataranta dahil hindi ako sigurado kung magugutuhan niya ang mga luto ko. Kung titingnan kasi ito ay halatang laki ito sa yaman. Parang unang beses nga niya na kumain sa ganitong lugar eh. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nawalan ng kompyansa sa mga luto ko.

Magkagayon pa man ay tumayo na ako para tumulong kila Aling Marites. Hindi ko naman balak magpapansin sa kanya, pero naging gawain ko na ang tumulong sa kanila sa pagbibigay ng mga pagkain sa customer. Lalo na kapag wala pa si Ericka.

“Ma! Bakit ba?” maarteng tanong ni Ericka pagkarating nito sa karenderya. Halos malukot pa ang mukha nito dahil sa sobrang pagsimangot. Padabog pa itong nagmamartsa papalapit sa amin.

Bahagya akong natawa dahil alam ko na kung bakit ito nagagalit. Parehas kasi kaming mahilig ni Ericka sa K-drama, pero mas nahuhumaling siya ngayon sa k-pop at pati ang pananamit ng mga ito ay ginagaya na ni Ericka.

“Anong bakit? Tumulong ka na rito! May mga customer na tayo!” Sinamaan ng tingin ni Aling Marites si Ericka.

Kumibot-kibot ang labi ni Ericka saka iniikot ang mga mata. Alam naman niya na kahit na anong sabihin niya ay matatalo siya ng bunganga ng nanay niya. Nagdadabog na lamang itong humarap sa mga customer namin. Ngunit agad na nagbago ang ekspresyon nito nang matuon ang pansin kay Arvin.

“Ommo!” Tumili ito nang sobrang lakas. “Artista ka ba Kuya?!” nanlalaki ang mga matang tanong ni Ericka sa binata.

Napailing na lamang ako at humarap na kay Aling Marites para abutin ang mga order nila.

“Ericka!” tawag ni Aling Marites kay Ericka pero hindi siya nito pinansin.

“Ang gwapo mo!” kinikilig nitong sabi. Lalapit na sana si Ericka kay Arvin pero biglang sumulpot si Danilo.

“Hoy, Ericka! Mahiya ka naman sa mga customer natin!” inis na sabi ni Danilo at saka hinila si Ericka papalapit sa amin.

“Teka lang, Kuya!”

Napailing na lang ako at bahagyang natawa habang pinapanood ang magpinsan. Madalas ay na iinggit ako sa kanila kahit na palagi silang nag-aaway. Wala kasi akong mga pinsan o kapatid manlang. Nag-iisa lang akong anak ng mama ko, at si mama naman ay nag-iisang anak lang nila Lola.

Inabot ko na ang tinatakal ni Aling Marites na mga ulam. Pagkatapos ay inihanda ko iyon sa lamesa nila Arvin. Bigla na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makita kong nakatitig siya sa akin.

Ang bango niya.

Hindi ko maiwasang punahin ang pabangong gamit niya. Amoy prutas siya na hindi ko alam kung ano, pero sobrang tamis niyon. Halatang pangmayaman iyon dahil ni minsan ay hindi ko pa iyon na amoy sa mga ka-baryo ko.

“Thank you,” ani Arvin na nagpanginig ng kalamnan ko.

“S-Salamat din po.” Pinilit kong ngumiti para medyo mawala ang tensyon na nararamdaman ko. Pero mukhang bigo ako kasi nakita ko ang pag-arko ng gilid ng labi niya.

Nahihiyang ngumiti si Eloisa rito. " S-Salamat din po." Napansin niya ang bahagyang pagtaas ng gilid ng labi nito. 

"Ako na riyan, Eloisa. Magpahinga ka na." 

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Danilo mula sa likuran ko. Napasimangot ako agad nang makita ko ang seryosong mukha nito. Kukuhain sana nito ang hawak kong tray.

“Okay lang ako. Kaya ko na ‘to.”

“Pero-”

“Sige na,” inis kong sabi. “Kumuha ko na lang ng mga pinggan doon. Tapos mga kutsara at tinidor.”

Kumunot ang noo nito at tinitigan pa ako sa mga mata. Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinandilatan. Eepal na naman kasi ‘to sa moment ko. Sa huli ay napakamot na lang si Danito sa ulo at sumunod sa akin.

Ganyan dapat!

Pagkatapos naming mai-serve lahat ng pagkain ay umupo ulit ako sa pwesto ko. Saktong-sakto iyon dahil nakaharap ako kay Arvin. Malaya ko tuloy na napapanood ang pagkain nito.

Ang gwapo niya talaga! Nag-init na naman ang magkabilang pisngi ko kaya inalis ko ang mga tingin ko sa kanya. Ewan ko ba? Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Ngayon ko lang naman siya nakita.

Pasimpleng ibinalik ko ang mga tingin ko sa kanya, pero halos masamid ako kahit wala naman akong tubig na iniinom. Papaano, nagtama ang mga paningin namin. Hindi ko inakala na nakatitig din pala siya sa akin. Gusto kong alisin ang mga tingin ko sa kanya pero parang nanigas ang leeg ko. Pinilit ko na lang ngumiti.

Tumango-tango si Arvin. “Ang sarap nga ng luto mo,” aniya at gumanti ng ngiti.

Heto na namang ang puso ko, nagwawala na naman. Wala sa sariling nasabi kong, “ako rin…”

“What?”

“Ha?” Nanlaki ang mga mata ko nang maunawaan ko ang nasabi ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin kay Arvin at tinuon ang pansin sa cellphone na hawak ko.

Ang tanga ko! Nakakahiya! Ano na lang ang sasabihin niya? Diyos ko!

“Sabi ko naman sa ‘yo, Sir, hindi ka magsisisi rito. Pang-world-class!” pagbibida ni Mang Jose.

Napangiwi ako at nahihiyang tumingin kay Mang Jose. Ginawa ko ang lahat para lang hindi ko matingnan ulit si Arvin. Pero bigo ako dahil nakikita ko pa rin ang mapanuri niyang mga tingin.

“Grabe ka naman, Mang Jose. Hindi naman.”

“Actually, he’s right. I think you will be famous because of your talent. It feels like I am eating in a five-start restaurant!”

Pakiramdam ko nagbabaga na ang mga pisngi ko dahil sa mga papuri ni Arvin. Ang sarap sa pandinig na kahit simpleng pinakbet lang ang kinain nito at menudo ay ganoon na pala para sa kanya iyon.

"S-Salamat po talaga," nahihiyang sabi ko sa kanya.

"You know what? I will eat here often." 

Napangiti ako sa sinabi niya. Ibig sabihin makikita ko ulit siya? Pero agad na nawala ang mga ngiti ko nang biglang tumabi sa akin si Danilo.

"Thank you very much. My friend here are really famous in our barangay. He-She are okay now," biglang singit ni Danilo at inakbayan ako.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Sanay na naman ako na palagi kaming nagkakadikit ng katawan. Pero ngayon? Biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa ginawa niya. Siniko ko nang malakas ang tagiliran niya.

“Ano’ng pinagsasabi mo?!” pabulong kong saway sa kanya at pilit na tinanggal ang pagkakaakbay niya.

Kumunot ang noo ni Danilo at mas lalo pang hinigpitan ang pagkaakbay sa akin. “Ganoon ba?” nakangiwing sabi nito.

Epal na naman ‘to eh!

“Well, I wished she will be noticed by everybody. I have a feeling that her name will fly high someday if she wants.”

"Fly? Bakit mo namang papaliparin si Eloisa?" 

Napaubo na ako nang malakas. Hindi ko na makayaan ang sinasabi ni Danilo. Bakit ba kasi ang epal nito palagi?

“Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Arvin sa akin. Lalapit sana siya sa amin pero tumigil ito kasi lalong hinigpitan ni Danilo ang pagkakaakbay nito sa akin.

“I… ayos na ako,” nakangiwi kong sabi at bahagya pang tumikhim.

Umismid na lang ako kasi hindi ka matanggal ang kamay niya. Kahit kailan talaga ‘tong si Danilo, bweset sa buhay ko.

“Tigilan mo nga ako, Danilo,” pabulong kong sabi sa kanya pero nginitian niya lang ako. Lalong nag-init ang ulo ko nang makita ko ang madidilaw niyang mga ngipin.

Nakakainis!

“Buti naman,” ani Arvin na para bang nakahinga nang maluwag. Nagpatuloy ito sa pagtayo at lumakad papalapit sa harapan namin. “Nice to meet you, Eloisa.” Inilahad nito ang kanang kamay niya sa harapan ko at ngumiti.

Napalunok na lamang ako dahil halos mabali na ang leeg ko sa sobrang tangkad niya. Muling bumilis ang pagtibok ng puso ko nang manuot sa ilong ko ang pabango niya. Walang wala sa amoy araw na si Danilo. Pilit kong tinanggal ang pagkakaakbay sa akin ni Danilo at kinamayan si Arvin.

Bahagya akong natigilan dahil parang nakuryente ang kamay ko nang magdaop ang mga palad namin.

“N-Nice to meet you rin.”

Hindi ko maiwasang mahiya dahil sa lambot ng palad niya. Para itong bulak sa sobrang lambot. Pero nagulat ulit ako nang maramdaman kong pinisil niya ang palad ko. Nalilitong tiningnan ko siya.

“I hope to meet you often, Eloisa. I want to know more of you.” Ngumiti ito ng malapad at tinitigan ako sa mga mata.

Wala sa sariling tumango ako. Pakiramdam ko ay nakita ko na ang ‘the other one’ ko.








Chapter 3: Mula noong...


Mula noong makadaupan ko ng kamay si Arvin ay hindi na siya nawala sa isip ko. Kung dati ay excited lang ako pumunta sa trabaho dahil iyon ang kinahihiligan kong gawin, ngayon ay mayroon na akong mas malalim na dahilan. 


Ang makita si Arvin. 


Araw-araw na kasi siyang kumakain sa karenderya. Madalas ay nakikipag-unahan pa ako kay Ericka para mag-serve sa kanya ng pagkain. Hindi ako nagsasawang panoorin siya. Makita ko lang siya ay masaya na ako. Halos hindi ko na nga matapos ang kdramang pinapanood ko. Dahil mula noong makilala ko siya ay siya na palagi ang pinapanood ko.


Araw ng linggo, maaga akong nagising para magluto ng dinuguan. Nalaman ko kasig paborito ito ni Arvin dahil ito ang madalas niyang orderin sa karenderya. Hindi natiis ni Ericka na tanungin ang binata tungkol doon. Matapos kong isalin sa tupper ang ulam ay naglinis na ako ng katawan. Bestidang bulaklakin na katela ng mga pantalon ko ang suot ko ngayon, binagayan ko iyon ng puting sneakers na nabili ko noong nakaraang fiesta sa baryo. Nang masiyahan na ako sa aking hitsura ay lumabas na ako ng bahay dala ang maliit na eco bag na may laman ng ulam. 


Maliit lang ang bahay namin kahit na malawak ang bakuran. Siguro ay nasa three fourth lang ng bakuran namin ang nasasakot ng bahay. Gusto kasi nila Lola na mayroon silang napupwestuhan tuwing nagmumuni-muni sila sa labas. Mahilig din kasing magtanim si Lola. 


“Alis na po ako, ‘la!” paalam ko kay Lola Bening. Nakaupo sa tapat ng bahay namin at nagkakape. Mayroon silang maliit na lamesa roon ni Lolo. Andoon din ang upuan nilang tumba-tumba. Lumingon itong nakakunot ang noo sa akin.  


“May pasok ka ba ngayon, apo?” nagtatakang tanong niya. 


Bahagya akong napangiwi. Alam kasi nitong sarado ang karenderya ngayong araw at wala akong pasok. 


“Ahh… may bibilhin lang po ako,” pagsisinungaling ko. 


“Ngayon? Bakit hindi ka na lang sumama sa akin sumimba?” 


Tuwing linggo ay nagsisimba si Lola, at palagi niya akong sinasama. Walang linggo na hindi namin sinisimbahan, maliban na lang kung masama talaga ang pakiramdam ni Lola at hindi siya makalakad papuntang simbahan. Na bibihira lang mangyari dahil kahit na matanda na si Lola ay maalaga naman ito sa kalusugan niya. 


“Eh, yun nga po Lola. Kaya maaga akong lumabas. Magkikita-kita pa kasi kami nila Danilo. Susunod na lang po ako.” 


“Ano ‘yang dala mo?” puna niya sa dala kong eco bag. Sandali ko iyong tiningnan at pagkapos ay dahan-dahan kong tinago sa likuran ko. 


“Ah, wala po ‘La. Alam mo naman si Danilo, gusto laging may parte kapag nagluluto ako.” Lalong nangunot ang noo nito. “Si Lolo po?” pag-iiba ko ng usapan. Kung ano naman ang hinilig ni Lola na magsimba, si Lolo naman ay halos hindi na matingnan ang simbahan. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang sumama sa amin kahit na sa labas ng simbahan lang. 


Bumuntong hininga si Lola pagkatapos niyang humigop ng kape. “Andoon sa pantalan. Ngayon daw kasi ang dating ng kumpare niya galing laot.” 


Noong kalakasan pa ni Lolo ay isa siyang mangingisda. Sa aming baryo ay siya ang pinaka magaling na mangingisda at sa isang laot niya ay parating marami siyang na uuweng isda. 


“Manghihingi na naman siya ng isda?” gulat kong tanong. Mula rin kasi noon na hindi na siya makapangisda ay palagi na siya napunta sa pantalan para manghingi ng isda. Palagi ko siyang sinasabihan na h’wag iyon gagawin pero hindi siya nakikinig. “Sabi ko sa kanya itigil na ‘yon eh.” 


“Alam mo naman ang Lolo mo. Hayaan mo na, na mi-miss lang no’n ang dagat.” 

Napabuntong hininga na lang ako. Madalas ay ako na lang ang nahihiya dahil doon. Kasi naman, may trabaho naman ako at maganda ang kita ko sa karenderya ni Aling Marites, pero si Lolo ay madalas manghingi ng isda para pang-ulam namin. 


“Sige po ‘La. Mauna na po ako,” paalam ko kay Lola. Pagtingin ko sa relos ko ay malapit na mag-alas otso. 


“Sige, Apo. Mag-iingat ka. H’wag ka na magtatagal at ang misa,” paalala ni Lola. 


“Opo ‘La.” Nagmano na ako sa kanya at lumabas na ng bahay. Nakangiting sinipat ko ang suot kong bestida. Sinuklay ko ang nakalugay at unat na unat kong buhok gamit ang mga daliri. 


Hintayin mo ako, Arvin. Napangiti ako kaagad noong maalala ko ang gwapo niyang mukha. Naglakad na ako papunta sa dulo ng kanto at doon nag-abang ng masasakyang pedicab. Nasanay na akong palaging nakikita si Arvin kaya dadalhan ko siya ngayon ng paborito niyang ulam. Ilang sandali lamang ay may pumara na sa aking pedicab, sumakay ako agad doon at nagpahatid malapit sa karenderya. 


“Salamat po, Manong,” magiliw kong sabi sa nagmamaneho ng pedicab. Inabot ko na ang bayad sa kanya at bumaba na ng pedicab. 

Naglakad ako papunta sa building na ginagawa nila Arvin. Pinagmasdan ko iyon, kalahati pa lang ang nagagawa nila at wala pang mga dingding. Halos lahat ay mga bakal pa lang. Ang unang palapag pa lang ang nalalagyan ng dingding. Sabi nila ay gagawin daw itong pampublikong ospital. Maraming nag-aabang na mga kabaryo ko sa hospital na ito. Dahil sa wakas ay magkakaroon na kami ng maganda at malaking pagamutan. 


Humungi muna ako nang malalim bago lumapit sa security guard na nakatayo sa entrance ng ginagawang building. Hindi ko pa man nakikita si Arvin ay ang lakas na ng pagkabog ng dibdib ko. 


“Kuya,” tawag ko sa lalaking gwardiya. “Excuse me po.” 


Agad itong ngumiti sa akin nang makita ako. “Yes, ma’am?” 


“Ahm…” Bahagya akong sumilip sa loob. Wala akong marinig na gumagawa roon at wala rin akong nakitang gumagalaw sa loob. 

“Andiyan po ba si Arvin?” nahihiya kong tanong. 


Bahagyang napaisip ang lalaking gwardya. “Si Sir?” Kumunot ang noo nito. Tumango ako at bahagyang napangiti noong makilala niya ang hinahanap ko. “Wala po eh. Umuwe siya sa Maynila at baka sa makalawa pa makabalik dito.”


“Po?” Bahagyang tumaas ang boses ko dahil sa gulat. Sayang naman ‘tong niluto ko para sa kanya. Bakit wala siyang sinabing aalis siya? Napabuntong hininga ako. Nag-iilusyon na naman ako. Hindi naman niya talaga sasabihin sa akin dahil hindi ko siya nakakausap. “S-Sige po,” nakasimangot ko lang na sabi at tumalikod na rito. 

Bagsak ang balikat na naglakad ako papalayo ng establisyimento. Akala ko pa naman ay makikita ko siya ngayon. Nag-ayos pa man din ako at sinarapan ko talaga ang luto ko para magustuhan niya. Sobrang nakakahinayang na hindi ko siya nakita ngayon. 


“Wow! Ang ganda ng suot mo, ah?” 

Napalingon ako sa likuran ko nang may magsalita roon. Lalo akong napasimangot noong makita kong si Danilo iyon at malapad ang ngiti na nakatingin sa akin. Sinamaan ko lamang ito ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. 


“Saan ka pupunta?” tanong nito at sumabay sa akin. 


“Sisimba.” 


“Sisimba? Eh bakit andito ka?” nagtataka nitong tanong. Napapikit ako noong maalala kong malapit nga lang pala ang simbahan sa amin. Nasa tabi lang iyon ng court, at katapat lang ng court ang bahay namin. 

“Basta!” singhal ko sa kanya at binilisan ang lakad ko. Pero natigil ako sa paghakbang dahil bigla siyang humarang sa harapan ko. “Ano?!” 


“Ano ‘yan?” tanong niya sa akin habang nakatingin sa dala ko. Sasagot pa lang sana ako pero agad na niya kinuha ang eco bag. 

“Ano ba?! Akin na ‘yan!” angal ko at pilit na kinuha ang eco bag. Pero dahil mas matangkad siya sa akin ay para lang akong batang nagtatalong sa harapan niya para makuha ang bag sa nakataas niyang kamay. 


Tumalikod sa akin si Danilo at inamoy ang bag. “Wow! Dinuguan? Salamat!” nakangising sabi nito. 


Kumunot ang noo sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. “Hindi ‘yan sa ‘yo!” inis kong sabi. Itong si Danilo ay napaka galing talaga sa pambubweset. 


“Nahiya ka pa eh para naman sa akin talaga ‘to!” buong kompyansang sabiy niya. 

Tumaas ang kilay ko. “At bakit mo naman nasabi na para sa ‘yo ‘yan? Ulam namin ‘yan!” Namaywang ako sa harapan niya. 


Ngumisi ito ng malapad at bahagyang inilapit ang mukha sa akin. “Kasi pogi ako,” pabulong nitong sabi. 


Napaawang ang bibig ko dahil sa gulat. Ang lakas talaga ng apog ng lalaking ‘to. Pakiramdam ko ay nag-akyatan lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa inis sa kanya. “Kapal mo!” inis kong sabi at tumalikod na sa kanya. “Iyo na ‘yan!” 


Nagmartsa na ako palayo sa kanya. Kahit kailan talaga ‘tong si Danilo ay puros pambubweset lang ang alam na gawin. Hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko pa siya eh ganito naman ang laging ginagawa sa akin. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na siya sinagot pa. Baka takasan na ako ng dugo kapag makita ko pa ang pagmumukha niya. 


Hindi ko na nga nakita si Arvin, dadagdagan niya pa ng pambubweset. Napaka malas talaga ng araw na ‘to! 


Pagkarating ko sa bahay ay naghintay na lamang ako ng oras para sa pagsimba. Nilibang ko muna ang sarili sa panonood ng tv kahit wala naman akong maintindihan. Hindi kasi mawala-wala ang panghihinayang ko na hindi ko nakita si Arvin ngayong araw. Pakiramdam ko ay kulang ang araw ko sa tuwing hindi ko siya nakikita.


Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Wala naman siyang sinasabi sa akin. Siguro ay masyado lang ako nahahalina sa mga ngiti niya. Napangiti ako nang malapad noong muli kong ma alala ang mukha niya. Pero agad din nawala dahil mas gusto ko talagang nakikita siya. Sana bukas ay makauwe na siya para magkita ulit kami. 

Lumipas ang buong araw ko na wala akong gana. Kahit ano’ng pilit kong pangungumbinsi sa sarili ko na magkikita pa rin kami bukas ay wala iyong epekto. 


“Ako na po riyan ‘La,” aniko at marahan na kinuha ang maduduming plato na hawak niya. Katatapos lang kasi namin maghapunan at inunahan na naman niya akong magligpit ng pinagkainan namin.


“Sige, Apo. Salamat.” 


Naiwan na akong mag-isa sa kusina. Mula rito sa kusina ay kita na ang magkatabing kwarto namin nila Lola. Pero madalas ay sa sala sila natutulog dahil gusto ni Lolo na manonood muna siya bago matulog. At sa tuwing siya ay nakakatulog, hindi na siya nakakaabot sa higaan. 


Mas nakararamdam ako ng pagod kapag ganitong na andito lang ako sa bahay eh. Bahagya kong inunat-unat ang likod ko. Sanay ang katawan ko na palaging may ginagawa. Inumpisahan ko na ang paghuhugas ng mga pinggan. Sumalok na ako ng tubig sa katabi kong timba na puno ng tubig at isinalin iyon sa plangginita na nasa aking harapan. Hindi pa uso sa amin ang gripo kaya naman ay noong nagkapera ako ng malaki ay nagpagawa ako ng poso sa likod namin. Para hindi na mahihirapan pa sila lola sa pag-iigib. Kahit kasi bago ako umalis ay pinupuno ko lahat ng timba ng tubig ay nagkukulang pa rin iyon.


Wala ng ibang naging anak sila Lola at Lolo maliban kay Mama. Kaya naman mula noong mawala na si Mama ay ako na lang ang naging kasa-kasama nila. 


Habang naghuhugas akonng pinggan ay hindi ko maiwasang maisip si Arvin. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Bumuntomg hininga ako. Sana ay makuwe na siya. Napaigtad ako mang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Hindi ko na lang iyon pinansin, wala naman akong inaasahang text. At wala talaga akong nakaka-text. 


Matapos kong maghugas ng mga pinggan ay naglinis na ako ng katawan. Tanging sandong puti at maiksi na cotton short lamang ang suot ko. Pagkatapos ay lumabas ako para isara nang maayos ang gate. Nang masiguro ko mang maayos iyon ay muli na akong pumasok ng bahay. 


“Oh, apo. Hindi ka ba manonood ng palabas ngayon?” tanong ni Lolo Tonio sa akin noong mapadaan ako sa sala. Nakaupo pa rin ito sa mahabang kahoy sa sala namin. Si Lola naman ay nakahiga na sa papag na pinagawa ko para mahigaan nila rito sa sala. Nakapwesto iyon sa kabilang dulo ng sala, katapat pa rin ng TV. Gising pa si Lola at nanunood ng palabas. 


“Hindi na ho, 'Lo. Maaga pa ang pasok ko bukas,” tanggi ko. 


“Sige, Apo.”


“Goodnight po.”


Matapos kong magpaalam sa kanila ay naglakad na ako papasok ng silid ko. Agad kong inayos ang higaan ko na nasa gitna ng silid ko at nagkabit ng kulambo. Banig lamang ang pansapin ko sa higaan at walang malambot na kama. Ngunit masaya na ako dahil kasama ko naman sila Lola. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone na kanina pa panay ang pagtunog ma nakapatong sa lamesita. Humiga na ako sa higaan ko. 


“Hay...makakahiga na rin,” aniko at ipikit na ang mga mata. Bukas na lang pala ako manonood ng kdrama. Masyadong napagod ang isipan ko kakaisip kay Arvin. Kulang talaga ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. 


Unti-unti na akong nilalamon ng antok nang muling tumunog ang cellphone ko. Nasa tabi lamang iyon ng ulo ko kaya bahagya pa akong nagulat noong mag-vibrate iyon. Nakapikit ang mata na kinapa ko ang cellphone at inilayo iyon sa akin. Bibitawan ko na sana iyon ngunit muli iyong nag-vibrate.


“Ano ba kasi 'to?” asik ko. Halos maningkit na ang mga mata ko habang binubuksan ang cellphone ko. 


Sino 'to? Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang maraming text. Hindi naka-save sa sa contacts ko ang numero. Binuksan ko na iyon at binasa.


Unknown: Good evening, Eloisa! ;)

Unknown: Hi! Are you busy?


Napataas ang kilay ko nang mabasa pa ang ibang text nito. Kilala niya ako pero hindi ko alam kung sino ito. Wala naman akong maalalang pinagbigyan ko ng number ko.


Replied: Sino 'to?


Muli kong ipinikit ang mga mata ko at naghintay sa reply niton hindi naman nagtagal at tumunog ang cellphone ko. Binasa ko iyon at halos lumuwa ang mga mata ko mang malaman ko kung sino ang nagti-text sa akin. 


“OMG!”







Chapter 4: Unknown: Yes!...


Unknown: Yes! She replied! This is Arvin. How are you, Eloisa?

“OMG!” Napabalikwas ako ng upo nang mabasa ko ang pangalan ni Arvin. Ilang ulit ko pa iyong binasa para lang masiguro na hindi ako nagkakamali sa pangalang nababasa ko. “Si Arvin?” hindi makapaniwalang sabi ko. Nanginginig ang mga kamay na tumipa ako agad ng reply sa kanya. Hindi ako makapaniwala! Paanong naging si Arvin ang nagti-text sa akin?

Replied: Arvin? Yung Engineer?

Muli akong humiga. Pilit kong kinalma ang puso ko dahil ang bilis na ng pagpintig niyon. Hindi muna ako dapat umasa dahil hindi naman ako sigurado kung si Arvin talaga ito. Noong muling tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong tiningnan.

Unknown: Yes!

Halos ingudngod ko na ang mukha ko sa unan dahil sa pagpipigil na tumili. Si Arvin nga! Oh my God! Hindi ako makapaniwala! Buong maghapon ko siyang inisip dahil hindi ko siya nakita, tapos heto siya at nagti-text na sa akin!

Oh my God! Ang puso ko!

Marahas akong tumikhim at pigil ang ngiti na nag-reply sa kanya.

Replied: Seryoso? Paano mo nakuha ang number ko?

Unknown: Secret. Can I be your friend?

Seryoso ba siya? Hindi lang friend ang gusto ko!

Replied: Syempre naman!

Unknown: Nice! Hindi ka pa ba matutulog?

Replied: Hindi pa.

“Kahit magdamag tayo mag-usap, Arvin. Hindi ako aantukin,” mahinang sabi ko sabay hikab. Iniling-iling ko ang ulo ko para magising ako ng kaunti. Ayokong matulog!

Unknown: Are you sure? It’s late. Baka nakakaistorbo na ako?

“Of course not!” maarteng sabi ko. Bahagya akong natawa dahil pati ako ay napa-English na. Muli sana ako magtitipa ng reply sa kanya, ngunit napakunot ang noo ko noong hindi iyon mag-send. Umupo pa ako para maghanap ng signal ngunit ganoon pa rin.

Ano’ng nangyayari? Nakakainis! Noong sinubukan kong i-check ang balance ko ay napaikot na lamang ang mga mata ko.

Sorry, you don’t have enough balance.

Bakit ngayon pa ako nawalan ng load?!

Unknown: Still there?

Unknown: Okay… I guess you are asleep. Goodnight, Eloisa. See you tomorrow.

 Nanlaki ang mga mata ko noong mabasa ko ang huling text ni Arvin. Ibig sabihin uuwe na siya bukas?! Yiee! Muli akong humiga ng may ngiti sa labi ko. Okay lang kahit hindi ko siya makausap ng matagal. Masaya na akong makakatulog dahil alam kong magkikita kaming muli bukas.

Goodnight, Arvin!

Kinabukasan, maaga akong nagising para pumasok sa aking trabaho. Pakiramdam ko ay punong puno ng enerhiya ang buo kong katawan. Bakit hindi? Magkikita kami ni Arvin ngayon! Ibig kong sabihin ay makikita ko siyang muli. Sobrang saya ko, lahat ng lungkot ko kahapon ay nawala dahil makikita ko siya ulit.

“Aba, mukhang masaya ang Ate ko ah?” puna ni Marisol sa akin. Sandali ko siyang nilingon at nakita kong patingin-tingin pala siya sa akin habang nagtatadtad ng mga sangkap.

Kumunot ang noo ko. “Bakit? Kailan ba ako lumungkot?” Nginitian ko siya nang malapad.

Sandali siyang tumigil at nag-isip. “Kapag andito si Kuya Danilo?”

Natawa ako. “Hindi ah!” aniko at muling tinuon ang pansin sa aking niluluto. Hindi ko na lamang siya pinansin. Lagi naman akong masaya ah? Napagdesisyonan kong magluto ngayon ng dinuguan kahit na wala iyon sa menu. Sigurado naman akong hindi magrereklamo si Aling Marites dahil sasarapan ko naman.

Syempre, para rin ito kay Arvin.

Napangiti ako lalo nang maalala ko siya. Kung pwede lang hugutin ko ang oras para magtanghali na ay gagawin ko. Ilang sandali lang ay natapos na akong magluto. Pasimple akong pumunta sa banyo para mag-ayos ng sarili ko. Matapos kong maghilamos at patuyuin ang mukha ko gamit ang manipis kong panyo, nagpahid ako ng polbo at nagpahid ng pulang lipstick. Hindi ko palaging ginagawa ito, pero dahil makikita ko ulit si Arvin, kailangan kong maghanda. Iniisip ko pa lang siya ay bumibilis na ang pagtibok ng puso ko!

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng banyo. Dumeretso ako sa pwesto ko palagi at doon naghintay.

“Hi, Omma,” bati ni Ericka kay Aling Marites. Bahagya akong napangiti dahil ginaya niya ang mga Koreano sa pagtawag niya kay Aling Marites.

Sumimangot si Aling Marites. “H’wag mo nga akong ma-omma omma riyan! Halika na nga rito at mag-asikaso ka na rin!” singhal ni Aling Marites sa kanyang anak. Awtomatikong napasimangot si Ericka at sumunod na lamang dito.

Hindi na talaga bago sa kanila ang ganitong senaryo.

“Ano ‘yan?”

Napatingin ako sa gilid ko nang may narinig akong nagsalita. Pagtingin ko ay katabi ko na si Danilo.

“Ano?” nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya.

Ngumusi siya. “Ayan oh. Para kang na subsob sa atsuate eh! Pulang pula ah!” natatawa nitong sabi.

Inirapan ko agad siya. Ang ganda-ganda na ng umaga ko tapos bubwesetin na naman niya.

“Pake mo ba?” na iinis na sabi ko. “Doon ka na nga! Aasarin mo na naman ako eh!”

Saktong pagkasabi ko no’n ay may nagdatingan na mga costumer. Ilang sandali lamang ay nakita ko na ang hinihintay ko. Mabilis akong tumayo habang hindi inaalis ang mga tingin ko kay Arvin. Grabe, isang araw ko lang siya hindi nakita ay sobra ko na siyang na miss.

Gwapo pa rin siya, pero bakit parang pumayat agad ang tingin ko sa kanya? Bubusugin ko ‘to sa pagmamahal!

“Ay, Oppa!” magiliw na bati ni Ericka sa mga bagong dating. Partikular kay Arvin. Patakbo pa itong lumapit at kay Arvin at kumapit sa braso nito. Iginiya niya ito papalapit kay Aling Marites. “Ano’ng gusto mong ulam?”

“Ahh…” Tiningnan ni Arvin ang mga ulam na nasa kanyang harapan. Sandali pa itong tumigil nang makita nito ang dinuguan. “Kahit ano,” anito at tumingin sa akin. “Alam ko naman na kapag luto ni Eloisa ay lahat masasarap.” Ngumiti ito ng ubod nang tamis sa akin.

Halos lumundag na ang puso ko at pumalakpak ang mga tenga dahil sa sinabi niya. Nag-iwas ako ng tingin dahil naramdaman ko na namang nag-init ang mga pisngi ko. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Arvin pero likod na ni Danilo ang nakita ko.

“Ano’ng order mong ulam?” masungit na tanong ni Danilo. Napasimangot ako kaagad nang marinig ko ang tono ng pananalita ni Danilo.

“Lahat ng luto ni Eloisa,” nakangiting sagot ni Arvin.

“Hindi pwede, isa lang dapat.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Danilo. Ano na naman ang trip nito?!

“Kuya!” angal ni Ericka.

“But I want to taste it all,” mariing tugon ni Arvin. Hindi nawawala ang mga ngiti niya pero seryoso ang mga matang nakatitig kay Danilo.

“Tigil-tigilan mo nga ako sa kaka-ingles mo. Wala ka sa Amerika ha?”

OMG!

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Pasimple kong kinurot ang likod niya. “Ahh!” angal ni Danilo at tiningnan ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin at hinila sa likod ko.

“Wait lang po, Sir. Ihanda po namin ang order niyo,” pinilit kong ngumiti kay Arvin. Pagkatapos ay hinila ko naman si Danilo papasok sa kusina. “Ano bang problema mo? Bakit mo sinusungitan ang customer natin?” singhal ko sa kanya at pinagkrus ang dalawang braso ko.

“Eh ikaw? Bakit kung makangisi ka riyan halos mapunit na ang pisngi mo?” balik-tanong nito sa akin.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman sinasadya na mahalata ang mga ngiti ko kanina. Sobrang saya ko lang dahil nakita ko na ulit si Arvin.

“Ano naman sa ‘yo? Tsaka, dito ka na nga lang! Epal ka lagi eh!” aniko. Inirapan ko muna siya bago nagmartsa palabas ng kusina.

Kahit kailan talaga ‘to si Danilo epal sa buhay. Hindi ko alam kung bakit ang init lagi ng mga dugo sa mga lalaki. Siguro, bakla ‘to at nahihiya lang magsabi sa akin. Sa tuwing may nakikilala kasi ako, lalo na mga lalaki ay sinusungitan niya agad. Hindi na lang niya sabihin sa akin. Eh hindi ko naman siya huhusgahan.

Pagkabalik ko sa labas ay nakaupo na si Arvin. Tumulong na ako kay Ericka sa pagsi-serve sa mga ito ng ulam.

“Thank you, Eloisa,” nakangiting sabi ni Arvin nang naglalagay ako ng mga ulam sa lamesa nila.

Halos mahigit ko ang paghinga ko nang makita ko ang mga ngiti niya. Tensyonado akong gumanti ng ngiti sa kanya. “Walang anuman po, sana magustuhan niyo,” nahihiya kong sabi.

Matapos naming i-serve ang lahat ng ulam ay muli akong na upo sa pwesto ko. Tanaw na tanaw ko si Arvin na masayang kumakain at nakikipag-kwentuhan sa mga kasamahan niya. Paminsan-minsan din ay sumulyap ito sa akin kaya naman ay hindi ako makapag-focus sa pinapanood kong drama.

Ilang sandali lang din ay lumabas si Danilo mula sa Kusina. Tatawagin ko sana ngunit hindi manlang ito lumingon sa akin at nagdere-deretso palabas ng karenderya.

Drama talaga no’n

Makalipas ang ilang sandali ay natapos nang kumain sila Arvin. Kumaway pa ito sa akin bago lumabas ng karenderya. Pakiramdam ko ay ang haba-haba na ng buhok ko dahil napapansin niya ako. Buong-buo na ang araw ko ngayon dahil muli ko siyang nakita.

Hindi pa nagtatagal na umalis sila Arvin ay tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko roon ay nakita kong nagtext siya sa akin.

Arvin: Hi, Eloisa. Thank you for the food. As usual, masarap!

Napangiti ako nang mabasa ko ang text niya. Syempre, sinarapan ko talaga ang luto ko ngayon. Normal na na masarap ang mga luto ko, pero mas hinigitan ko pa.

Replied: Salamat at nagustuhan mo.

Arvin: Ano’ng oras ka matatapos sa trabaho mo?

“Ha?” Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang reply niya. Hapon pa ako matatapos kasi magluluto pa ako ng mga ulam para sa hapon naman.

Replied: Mga 3 pa ata. Bakit?

Arvin: I just want to treat you. A movie?

Literal na nasapo ko ang bibig ko noong mabasa ko ang reply niya. Ide-date niya ako?! “Yiee!”

Replied: Sige. Wait lang ha? Magluto na ako.

Arvin: Okay. See you later!

Nakangiting tumayo na ako at naglakad papapasok sa kusina. Hindi na ako makapaghintay na makita si Arvin!

 





Chapter 5: “Alis na po ako...


“Alis na po ako, Tita,” paalam ko kay Aling Marites. Alas tres na ng hapon at oras na ng aking uwi. Excited na rin ako dahil magkikita kami ni Arvin ngayong hapon. Balak kong umuwe muna para makapagpalit manlang ng damit.

“Sige, hija. Mag-iingat ka ha?”

Nginitian ko si Aling Marites at lumabas na ng karenderya. Hindi ko maipaliwanag ang saya nararamdaman ko. Para akong lalagnatin na hindi. Ewan ko kung bakit ako ganito.

“Eloisa?”

Natigil ako sa paglalakad nang may marinig akong boses mula sa aking likuran. Nang lingunin ko iyon ay bumungad sa akin si Danilo. Napataas pa ang kilay ko nang makita ko ang postura niya. Nakasuot siya ng ripped jeans na kupas at checkered na polo-shirt na asul. Bukas pa ang dalawang butones nito sa itaas kaya kitang-kita ang itaas ng dibdib nito. Halos mangintab na rin ang buhok nito dahil sa kapal ng gel niyon.

“Aba, ang ganda ng ayos natin ngayon ah? May lakad ka ba?” tanong ko sa kanya. Pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa may dibdib ko at dahan-dahang lumapit sa kanya. Hindi ko maikakaila na lumabas na ang angking kagwapuhan ni Danilo.

“Talaga?” Ngumiti nang malapad si Danilo. Nilagay pa nito ang isang kamay sa ilalim ng baba at nag-posing na para bang isang gwapong lalaki. Natawa ako nang bahagya.

“May date ka ba?” tanong ko. Madalas kasi kapag nag-aayos ng ganito si Danilo ay may babae na naman ‘to. Mukhang nakabingwit na naman.

Tumayo nang maayos si Danilo at umiling-iling. “Wala naman. Ikaw? Hatid na kita?”

Napakunot ang noo ko. Himala ata? Wala siyang pupuntahan.

“H’wag na. Sasakay na lang ako ng pedicab,” tanggi ko. Humarap na ako sa kalsada.

“Sige na! Libre rin kita. ‘Di ba gusto mong mapanood yung Wonder Woman?”

Sandali akong napatingin kay Danilo. Niyaya niya ba akong manood ng sine? Maraming pera na naman ata ‘to. Pero sayang, na una na si Arvin.

“May pupuntahan ako ngayon eh. Sa sunod na lang.”

“Saan naman?” nagtatakang tanong ni Danilo.

Napatingin ako sa kabiling gilid ko at pumikit nang mariin. Hindi ko nga pala dapat sinabi ‘yon! Kapag malaman niyang manonood ako ng sine kasama si Arvin ay baka sumunod ito! Hindi ko pa nakakalimutan yung panahon na nanood kami ng crush ko ng sine, tapos nagulat ako at andoon din siya. Sobrang hinayaan ko noon dahil crush ko ‘yon eh! Ayokong masira na naman ‘to dahil sa kanya!

Sakto naman na mayroon nang papalapit sa aming pedicab. Kinampayan ko agad iyon para lumapit sa akin.

“Basta! Alis na ako! May utang ka sa aking isang sine ha!” aniko at nagmamadali na akong sumakay sa pedicab.

“Teka, Eloisa!” Hinawakan ni Danilo ang bubungan ng pedicab para hindi iyon makaandar.

“Bakit?”

“Sasama na ako.”

Bahagya akong nakaramdam ng pagkataranta. Eepal na naman ‘to sa love life ko eh!

“H’wag nan ga! Uuwe na ako.”

“Edi hatid na kita.” Akma itong sasakay na ng pedicab pero tinulak ko siya.

“Sige na! Sa sunod na nga lang eh!” Nang makabitaw ito ay agad ko na sinabihan si Kuyang driver ng pedicab na umandar na. Hindi kasi ako titigilan ni Danilo hanggat hindi ako umuoo eh. Narinig ko pa siyang tinawag ako pero hindi ko na pinansin. Sa sunod ko na lang siya yayayaing manood ng sine.

Nang makarating ako sa bahay ay nagmamadali na akong nag-asikaso. Habang naliligo ako ay nagsaing na ako para mayroong nang kakainin sila Lola. May dala na akong ulam kaya hindi ko na kailangan pang magluto. Matapos kong asikasuhin ang pagkain nila Lola ay nagbihis na ako. Pinili kong suotin ang bestidang niregalo sa akin ni Lola noon. Isang bestidang asul iyon na walang manggas ngunit matatakpan ang dibdib at hanggang lagpas ng tuhod ko ang haba. Hinanda ko na rin muna ang doll shoes kong hindi ko pa nagagamit bago magpatuyo ng buhok ko sa tapat ng electric fan. Matapos niyon ay sinuklay ko ang buhok ko at ipinuyod. Nilagyan ko iyon ng kolorete na isang malaking bulaklak. Pagkatapos ko ay nagpahid ako polbo sa aking mukha at lipstick sa aking labi. Mukhang kailangan kong mamili ng kahit kaunting pampaganda. Sapat na naman ang aking hitsura pero gusto ko naman mas maging presentable pa para kay Arvin. Kinuha ko na ang mumurahin kong pabango sa itaas ng aking lamesa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon.

Arvin: Hi, Eloisa! Where are you? Nakaalis ka na raw sa karenderya, eh.

Napalunok ako. Ibig sabihin ay nagpunta pa siya sa karenderya? Mabilis akong nagtipa sa aking cellphone ng reply sa kanya.

Replied: Umuwe muna ako. Hintayin mo lang ako sa may court.

Arvin: Okay, I will be there.

Agad akong napangiti. Lalong nagwala ang puso ko dahil sa nabasa ko. Ibig sabihin kanina pa niya ako hinihintay? Muli kong sinipat ang itsura ko sa maliit kong salamin. Galingan mo, Eloisa! Dapat may love life ka na pagkatapos nito! natatawa kong sabi sa sarili. Ayokong mag-assume pero pakiramdam ko ay darating na ang pinakahihintay ko. Nang masiyahan na ako ay sa hitsura ko ay lumabas na ako ng silid.

May nakalimutan pala ako. Muli akong bumalik sa kwarto ko para hanapin ang pinaka tago-tago kong kwintas na binigay sa akin ni Lola, regalo niya sa akin noong maglabing walong taong gulang ako. Tiningnan ko ang maliit na drawer sa lamesang nasa may gilid ng higaan ko. Kinuha ko ang maliit na box na itim at doon ko nakita ang kwintas na ginto at may hugis na pusong pendant. Sabi ni Lola ay tunay daw na ginto ito, kaya naman ay minsan ko lang suotin dahil baka mawala ko.

Isusuot ko ngayon dahil espesyal ang araw na ‘to. Nakangiting lumabas na ako ng silid at naglakad papunta sa sala namin. Bahagya pa akong nagulat kasi nakita kong na andoon si Lolo Tonio at nanunuod sa tv. Si Lola naman ay nagtutupi ng mga dami sa papag nila.

“Oh, hija. Saan ang punta mo at ang ganda ng pustura mo?” nakangiting puna sa kain ni Lolo Tonio.

Kabadong ngumiti ako sa kanya. “Manonood po ako ng sine, ‘Lo,” paalam ko. “Hindi po ako magpapagabi.”

Bahagyang kumulubot ang noo ni Lolo. “Sino ang kasama mo?”

Napakagat na ako ng labi dahil nag-umpisa nang magtanong si Lolo. Kahit kasi nasa tamang edad na ako ay hindi pa rin ako nakakaalis ng wala silang permiso, lalo na mula kay Lolo.

“Yung mga dati ko pong classmate, ‘Lo. Nagpunta po sila sa karenderya kanina at niyaya ako,” pagsisinungaling ko. Kinagat ko ang likod ng aking labi at lihim na nagdasal na tatanggapin niya ang dahilan ko.

“Mag-iingat ka, apo,” ani Lola Bening.

“Opo, ‘La.”

“Mga babae ba iyon?” seryosong tanong ni Lolo Tonio.

Napangiwi na ako dahil alam kong mahaba-habang usapan pa ‘tong magaganap.

“Tonio, hayaan mo na ang apo mo. Malaki na ‘yan,” saway ni Lola kay Lolo. Napangiti ako ng kaunti dahil sa kanilang dalawa, kay Lola talaga ako nagiging malaya palagi.

“Ano ka ba? Kailangan nating malaman ang mga nakakasama ng apo natin. Mamaya kung ano–”

Malakas na bumuntong hininga si Lola Bening. “Hala, Eloisa. Umalis ka na at mag-iingat ka!” ani Lola Bening at kinampay ang kamay na para bang itinataboy ako.

Nagtataka pa akong tumingin kay Lola Bening. Ngunit nang maunawaan ko ang ibig niyang sabihin ay nagmamadali na akong lumabas ng bahay.

“Inihanda ko na po ang hapunan niyo!” aniko bago tuluyang lumabas ng bahay. Naririnig ko pang nagsalita si Lolo Tonio at nakikipagtalo kay Lola pero hindi ko na sila pinansin pa. Hindi kasi matatapos ang pag-uusap namin kung hahayaan ko lang. Masyadong estrikto si Lolo para sa akin.

Pagkalabas ko ay naglakad na ako papunta sa court. Doon ako banda sa may tabi ng simbahan banda para kahit papaano ay malayo-layo sa bahay. Hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa sobrang pagkasabik na nararamdaman ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng matinding excitement dahil sa makikipagkita ako sa isang lalaki. Yung pakiramdam ko ay nilalamig ako pero hindi naman. Ewan ko, basta ang bilis nang pagkabog ng dibdib ko.

Kinuha ko na ang cellphone ko. Magtitipa na sana ako ng text nang may pumarang sasakyan sa harapan ko. Agad na bumaba ang bintana noon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Arvin. Agad na nanuot sa ilong ko ang mamahalin niyang pabango. Amoy prutas iyon na napaka tamis.

“Hi!” bati nito sa akin at kumaway pa.

Napalunok ako nang makita ko matatamis niyang mga ngiti. Ilang sandal lang ay para na naman akong na halina dahil sa kanyang presenya.

“A-Arvin,” tawag ko sa kanya. Rinig na rinig ko malakas na pagkabog ng dibdib ko.

“Lika na?” aniya. “Hope in.”

Napalingon ako sa kabilang gilid ng kotse, kusang bumukas ang pinto niyon. Tumango muna ako saka naglakad na sa kabilang parte ng sasakyan. Halos manginig na ang mga kamay ko habang humahawak ako sa pinto ng sasakyan papasok doon.

“Are you ready?” makahulugang tanong ni Arvin.

Nahihiyang tumingin ako sa kanya. Lalong siyang gumwapo sa paningin ko nang magkalapit kami. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang epekto sa akin nang presensya niya sa akin.

“Eloisa?”

“Ha?” Natauhan ako nang marinig ko siyang magsalita ulit. Nag-iwas ako ng tingin dahil naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Ano ba ang nangyayari sa akin?

“Let’s go?”

Muli akong lumingon sa kanya at pinilit na ngumiti. “S-Sige.”

Tumango na lamang si Arvin at pinaandar na ang sasakyan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nagbabyahe kami. Lalo akong nilamig dahil sa bukas ang aircon ng sasakyan. Manonood lang naman kami ng sine sa kabilang barangay pero pakiramdam ko ay iaalay na ako. Mayroon kasing maliit na mall sa kabilang barangay at mayroon doong sine. Hindi naman kalayuan ang iyon at wala pang kalahating oras ang byahe, lalo na at nakakotse kami mas mapapadali ang byahe namin.

Para mabawasan ang kabang nararamdaman ko ay tinuon ko na lang ang pansin ko sa kotse. Hindi naman ito ang unang beses kong makasakay ng sasakyan, pero sa ganitong kagandang sasakyan ay ngayon lamang. Magara ang kotse ni Arvin hindi gaya ng kotse ni Mano Cesar, doon kami sumasakay kapag napunta kami sa sentro. Mayroong maliit na screen sa may dashboard, kagaya sa mga napapanood kong kotse sa kdrama. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay nasa kdrama na rin ako.

Ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa mall. Bumili muna si Arvin ng popcorn at softdrinks bago kami dumeretso sa sinehan. Tinatanong niya ako kung ano ang gusto kong panoorin. Hindi ko rin alam dahil mukhang mas maganda pa kung siya na lang ang papanoorin ko kaysa sa mga palabas na andito sa takilya ngayon. Halos manginig na ako sa lamig sa loob ng sinehan nang makapasok kami. Halos kalahati lang ang laman ng sine ngayon. Napili naming maupo sa may pinakatuktok ng mga upuan kaya naman ay kitang-kita namin ang ibang mga manonood. Halos lahat ay magkakapareha, mayroong magkakagrupo.

Huli na nang mapansin ko na isa pa lang romance story ang pinili ni Arvin. Hindi ko inakala na gusto niya palang manood ng mga ganito. Habang na nanonood kami ay hindi rin ako makapagpokus sa pinanood namin. Kahit kasi may pagitan ang upuan naming ni Arvin ay nakasandig naman siya papalapit sa akin. Kaya naman ay magkadikit na magkadikit tuloy ang mga braso namin. Nahihiya naman akong umusod dahil baka sabihin niya ayokong madikit sa kanya. Madalas ay nililingon ko siya, mas gwapo talaga siya kapag malapitan. Kitang kita ko ang hulma ng matangos niyang ilong. Ang sarap pisilin.

Bahagya pa akong nagulat noong bigla siyang lumingon sa akin. Halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha ko sa kanya kaya naman ay napaupo ako nang maayos. Deretso akong tumingin sa harapan namin, na pinagsisihan ko dahil may nakita akong naghahalikan na magkasintahan. Nag-init agad ang magkabilang pisngi ko. Bakit ba kasi rito pa nila na isipang gawin ‘yan?

“Eloisa,” tawag ni Arvin.

Agad akong napalingon sa kanya. Nakatitig na pala siya sa akin kaya naman ay pilit kong ngumiti kahit na nagwawala na naman ang puso ko.

“Bakit?”

“Ahm… do you want to go to my place?”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa tanong niya. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Niyaya niya akong pumunta sa bahay niya?

“Ha?” naglilito kong tanong.

Nahihiyang ngumiti si Arvin. “Don’t get me wrong. Kanina ko pa kasi iniisip kung saang restaurant kita dadalhin. Kaso, I don’t know where dahil alam kong mas marap ang mga luto mo sa kanila.”

Napangiti ako sa sinabi niya. “S-Salamat.”

“So, you want? Na isip kong lutuan na lang kita.” Nagkibit ng balikat si Arvin. “Maybe my cook will pass your tastes.”

Muli akong tumingin sa aming harapan. Huminga ako nang malalim at napakagat ng labi. Hindi ko alam pero mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. Alam ko na hindi tama na sumama ako sa bahay niya dahil lalaki siya. Mariing bilin iyon sa akin ni Lola. Pero… “Sige,” nakangiting tugon ko sa kanya.

 

 



Continue reading here: https://www.dreame.com/story/1463492608-the-innocent-mistress----r18--


Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !