Blurb:
Si Aliah ay lumaki kapiling ang kanyang ina. Mula nang magkaroon siya ng isip ay ito na ang naging kasa-kasama niya. Nagtataka man kung bakit wala ang kanyang ama ay ni minsan ay hindi na ito inungkat pa ng dalaga ang tungkol dito.
Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Krish, ang may-ari ng pinagtatrabahuan niyang coffee shop. Hindi naging maganda ang una nilang pagkakakilala ngunit pagkalipas ng panahon ay nagkapalagayan din sila ng loob.
Maayos at masaya na silang dalawa bilang magkasintahan ngunit nang makilala na ni Aliah ang tungkol sa kanyang tunay na ama ay nagbago ang lahat. Mahal na mahal man niya si Krish ay hiniwalayan niya ito. Dahil ang kanilang pagmamahalan ay isang BAWAL NA PAG-IBIG.
Prologue
Chapter 1: “Aliah! Ano ka...
“Aliah! Ano ka bang bata ka?! Tumayo ka na nga d'yan!” sigaw ni Ananya sa anak n'yang nakadapa pa rin habang nahihimbing. Ang nag-iisang anak n'yang babae. Umungol lamang ito at saka nagtalukbong muli ng kumot. “Aba't?! Ano ba?! Ma li-late ka na!” sigaw n'ya ulit saka pinamulot ang mga nagkalat na damit at kung ano-ano pang gamit nito sa sahig.
“Hay naku talagang bata ka oo! Ang tanda-tanda mo na pero hindi ka pa rin marunong magligpit ng kwarto mo?! Tapos palagi ka pang late sa pasok mo! Paano na lang kung matanggal ka sa trabaho mo?!”
Tinakpan ni Aliah ang kanyang tenga gamit ang kanyang kamay. Tuwing umaga na lamang ay ganito senaryo nila.
“Ma naman eh! Maaga pa!”
“Anong maaga? Alas-syete na kaya! Hay naku, bahala ka nga r’yan! H'wag mo akong sisisihin ha?” Nilagay na n'ya ang mga labahan ng anak at saka naglakad patungo sa pinto ng kwarto.
Hindi maiwasang mapailing ni Ananya habang pinagmamasdan ang silid ng kanyang anak. Ang pang isahang higaan nito ay nasa pinaka gitna ng silid ay palaging magulo. Maraming nakadikit na poster sa dingding ng silid nito na hindi naman niya mga kilala. Kalimitan ay mga taga ibang bansa at mga lalaking nakasuot ng kulay itim at mayroong kulay dilaw na buhok. Nilapitan niya ang malaking cabinet na nasa may paanan ng higaan nito at isinara ang pinto n’yon gamit ang isang kamay. Pagkatapos ay kinuha niya ang balat ng mga tissue at nakalamukos na mga papel sa lamesitang nasa tabi ng higaan nito.
Napabuntong hininga siya at ibinaba muna ang basket na hawak niya. “Kailan kaya matututo itong magligpit ng kanyang kwarto?” pabulong na sabi ni Ananya habang inaayos ang mga librong nagulo nito sa maliit nitong estante ng mga libro sa may tabi ng pinto. Dati pa man ay hilig na nitong magbasa at mahilig sa musika. Bukod sa mga libro at gitara ay wala nang ibang mga materyal na laman ang silid nito.
Umungol si Aliah. “Alas-syete pa lang pala eh...” Umayos ulit ng higa si Aliah pero agad ding napaupo mula sa kama. “Alas-sete na?!”
“Opo kamahalan,” sarkastong sagot ni Ananya sa anak at muling kinuha ang basket.
“Waah! Late na ako!” Nagmadaling tumayo si Aliah mula sa higaan n'ya at pumunta sa cabinet saka kumuha ng isusuot na damit. “Mama naman eh! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na alas-syete na pala!” himutok niya at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa likod ng kanyang pinto.
“Ano? Alam mo bang limang beses na akong pumunta rito para gisingin ka, pero ayaw mong magising!” paliwanag ni Ananya sa anak. Napailing na lamang s'ya habang pinapanood si Aliah na hindi magkanda ugaga sa pagkuha ng gamit.
"Eh dapat kasi — haist!" Umiling na lamang si Aliah at lumakad na palabas ng kwarto. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay muli siyang bumalik sa tabi ng kanyang ina.
“Bakit? May nakalimutan ka?” nagtatakang tanong ni Ananya sa anak nang tumigil ito sa harapan n'ya. Ngumiti ito sa kanya.
“Good morning ma!” magiliw na bati ni Aliah sa ina at hinalikan ito sa pisngi saka tumakbo na papuntang banyo.
Napangiti na lamang si Ananya habang umiiling. Kahit na kasi may pagkamakulit ito ay nakapa lambing naman nito sa kanya. At kahit na ganito ito ay mahal na mahal niya ito dahil ito ang nag-iisa niyang anak.
Matapos mag-almusal at maghanda ni Aliah para sa kanyang pagpasok ay lumabas na siya sa kanilang bahay. Tangan niya ang kanyang bike na nabili niya ng second hand. Mountain bike iyon pero matibay na matabay pa rin.
“Alis na ako Ma!” paalam ni Aliah sa kanyang ina. Nasa labas na siya ng kanilang bahay at ito naman ay nasa likod.
“Sige anak! Mag-iingat ka ha?”
Hindi na sumagot pa si Aliah at nagmadali na siyang sumakay sa kanyang bike. Alas syete y media na kasi at alas otso ng umaga ang pasok niya sa kanyang trabaho. Isa siyang cashier sa isang coffee shop at ang kanyang matalik na kaibigan at kababata na si Carl na kasalukuyang manager doon ang nagpasok sa kanya. Napangiwi na lamang siya noong pumasok sa kanyang isipan ang nakapamaywang na si Carl habang sinisermunan siya.
Isang bakla si Carl ngunit mahal na mahal niya ito dahil mabait ito at malaki ang kanyang utang na loob dito. Palagi kasi siya na li-late at ito rin palagi ang dahilan kung bakit hindi siya nawawalan ng trabaho. Parati siya nitong sinasalo. Kahapon ay nangako na siyang hindi siya mali-late kaso napuyat kakapanood sa concert ng paborito niyang banda mula sa pirated na cd na kanyang nabili sa bangketa.
Noong bumigat ang daloy ng trapiko ay tumigil muna si Aliah sa gilid ng kalsada. Bike ang kanyang piniling bilhin bilang kanyang transportasyon. Dahil sa mura lamang ito noong nabili niya ay madali pang makasingit sa trapiko kagaya ngayon. Sinipat niya ang kanyang relos sa kanyang kanang pala-pulsuhan. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang limang limang minuto na lamang ang kanyang natitirang oras. Dahil sa kanyang taranta ay sinubukan niyang lumusot sa sasakyang nasa gilid niya. Ngunit bigla na lamang itong umandar kaya naman ay hindi na siya nakaiwas pa.
Nakaramdam siya ng matinding sakit sa may tagiliran niya nang humampas doon ang kotse. Lalo siyang napangiwi nang maramdaman niyang tumalsik siya papunta sa jeep na nasa harapan nito. Halos pumasok pa ang kalahati ng kanyang katawan doon at muntikan pa siyang makaladkad kung hindi nagsigawan ang mga nakasakay roon dahil umaandar na rin iyon. Kaya naman ay tuluyan siyang bumagsak at humampas ang kanyang ulo sa kalsada. Agad na nanlabo ang kanyang paningin at mayamaya pa ay unti-unti nang nagdilim.
Nagulat si Krish nang may kumalabog sa may harapan ng kanyang kotse. Nagmamadali kasi siya kaya hindi niya napansin na dadaan sa kanyang harapan ang isang babaeng naka bike. Agad siyang bumaba upang tingnan ito.
“Miss?!” Dali-dali niyang nilapitan ang babaeng nakahandusay sa gitna ng kalsada at nadadaganan ng bike. “Miss, wake up!”
“Naku mister! mukhang patay nayan!”
Nagulat siya sa sigaw ng isang ale mula sa jeep na nakiki-usyoso sa naganap na aksidente. Mayroon na ring mga taong nakapaligid sa kanila.
'Ano?' pinulsuhan n'ya ang babae samay leeg at nakahinga ng maluwag nang maramdaman niyang meron pa itong pulso. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at agad binuhat ang babae saka sinakay sa loob ng kanyang kotse.
'Kung minamalas nga naman ako! Bakit ngayon pa ako naka disgrasya?!'
"Traffic na nga, nakabundol pa ako! Great Krish! Great!" sigaw n'ya at muling binuhay ang kotse. He’s having a meeting in forty-five minutes and he also have something to review before he goes to that meeting. Napahilamos muna siya bago kinuha ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon.
“Krish?! Where are you?!” bungad ng lalaking tumawag sa kanya. Si Jared, bestfriend at kanang kamay n'ya sa negosyo n'yang coffee shop. Nauna na ito sa shop nila dahil na andoon na ang bagong kliyente nila. Balak kasi nilang mag-open ng branch sa Naic, Cavite.
“I'm coming okay! I just got in a situation," sabi n'ya at nilingon ang babaeng wala pa ring malay sa kanyang tabi.
“What?! Anong nangyari?! Naman bro! You need to come here fast!”
Napangiwi si Krish dahil sa lakas ng boses nito. “Pwede ba?! Calm down! I’ll be there! I just have to do something. I need to go to hospital," pagpapakalma n'ya sa kaibigan.
“Wait, what?! Why-”
Hindi na n'ya pinatapos ang sinasabi ng kaibigan at agad na n'yang pinatay ang cellphone. Nasa tapat na kasi sila ng hospital. Sinipat niya muna ang relos niya. “Okay, I still have twenty minutes,” aniya at nilingon ang babaeng wala pa ring malay. Napakunot ang noo niya nang mapagmasdan niya ang mukha nito. ‘Teka... pamilyar s'ya sa akin.’
“Sir?” agad napalingon si Krish sa katabing bintana n'ya nang may tumawag sa kanya, yung guard pala ng hospital. “May emergency ho ba tayo?”
“Ahh yes, paki asikaso s'ya. Nabundol ng kotse.” Itiinuro n'ya ang babaeng nasa kanyang tabi.
“Ho? Sige po sir! Pakibuksan nalang po ng pinto, tatawag lang ako ng mga nurse,” sabi ng guard at lumakad na ito papasok ng hospital.
Agad naman n'yang binukasan ang pinto ng kotse saka lumabas at umikot papaunta sa kabilang pinto ng kotse n'ya para buksan ito. Hindi naman din nagtagal sa pagtawag ng mga nurse ang guard. Binuhat na nila agad ang babae at sinakay ito sa stretcher saka pinasok sa loob ng hospital. Hinatid na lang n'ya ng tingin ang babae saka sumakay na ulit ng kotse at pinaandar ito.
Babalikan na lamang niya ito pagkatapos ng kanilang meeting.
"ARAY ko…" Unti-unting idinilat ni Aliah ang kanyang mga mata. ‘Puti? Bakit ang liwanag?’ Agad na nakaramdam ng kaba si Aliah kaya napabalikwas ito ng bangon. “Ahh!” hiyaw niya dahil bigla siyang dinalahit ng sobrang sakit sa kanyang balakang. Muli siyang napahiga.
“Ma'am! H'wag po muna kayong kumilos. Hindi pa po kayo okay,” pigil ng isang babaeng nakakulay puti na nasa tabi ni Aliah.
Kumunot ang noo ni Aliah at inilibot ang paningin sa paligid. Lahat ng nandoon ay kulay puti. Ang pader, kisama at sahid. Maging ang kobre kama ng hinihigaan niya at unan ay ganoon din ang kulat.
“N-Nasaan ako?” kinakabahang tanong ni Aliah.
“Nasa ospital ho kayo ma’am. Naaksidente po kayo. Wait lang ho ha? Tatawagin ko lang ang doctor niyo,” anito at lumabas na sa kanyang silid. Ilang sandali pa ay bumalik din ito kaagad. May mga kasama na itong mga doctor.
“Kumusta po ang pakiramdam niyo?” tanong ng babaeng doctor sa kanya na may nakalagay na Doc. Vergara sa name pin nito na nakasabit sa roba nito.
“M-Masakit po ang balakang ko.” Nakangiwi siya at bahagyang nakaliyad dahil sa balakang niya.
“Nurse,” tawag nito sa babaeng nurse na nasa likod nito. “Kailangan natin siyang i-x-ray.” Tumingin ito kay Aliah. “Huwag ka po munang masyadong maggalaw-galaw ha? Baka kasi mas lalong ma-damage ang balakang mo.”
Tiningnan lamang ni Aliah ang Doctor na kumakausap sa kanya habang pakurap-kurap. Hindi magsink-in sa kanya ang sinasabi nito.
“W-Wala po ba akong kasama?” nag-aalala niyang tanong. Kanina pa kasi siya tingin nang tingin sa labas ngunit walang ibang napasok. “Mayroon bang nagdala sa akin dito? Sino po?”
Nagkatinginan ang dalawang nurse na nasa likod ng Doctor.
“Meron po ma’am kaso agad umalis eh,” sagot ng nurse na nagisnan niya kanina.
‘Tinakasan ako?’ Biglang nakaramdam ng pag-iinit ng ulo si Aliah. Ang dami agad pumasok sa kanyang isipan. Ang pinaka inalala niya ay ang kung ano ang ibabayad niya sa ospital.
“Nag-iwan po ba ng pangalan yung kasama ko? Yung gamit ko ho?” tanong niyang muli.
Tumikhim ng malakas ang Doctor kaya napatingin si Aliah dito. “Now ma’am. You have stay here and recover,” sabi lang nito at humarap na sa mga nurse. Nagbigay pa ito ng instruction sa mga nurse kung ano ang ituturok sa kanya o ano ang iba pang gagawin sa kanya.
Paalis na sana ang nurse na sumasagot sa mga tanong niya kanina pero pinigilan niya ito. “Ate! Wait lang po.”
“Yes ma’am?”
“Nag-iwan po ba ng number yung sinasabi mong kasama ko kanina? O may iniwan ba siyang kahit ano?”
Kumibot-kibot ang mga labi nito saka ngumiti na para bang may ideyang pumasok sa kanyang isipan. “Wala po eh, pero alam ko may-ari ‘yun ng coffee shop kasi nakita ko yung mukha niya kanina noong ibinaba ka sa kotse niya. Saan nga ba ‘yon?” Bahagyang tumigil. “Ahh ‘yun! Kriann’s coffee shop! Yung may-ari n’on.”
“Kriann? Doon ako nagtatrabaho.”
“’Yun naman po pala ma’am eh. Edi mas mapapadali. Sige na po. Aayusin ko pa po ang mga gamot mo.”
Tumango na lamang si Aliah at nahiga ng maayos sa kama. Halos hindi niya maramdaman ang pwetan niya dahil sa nangyari. Kapag biglang napapagalaw din siya ay biglang nakirot ang balakang niya.
“Paano na ‘to?” Napabuntong hininga siya.
Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya na ospital at kung kalian pa kailang-kailangan nila ng pera. ‘Sino kaya ‘yung damuhong ‘yon?!’ naiinis niyang sabi sa isipan. Ni hindi manlang kasi niya nakita kung sino ba yung nakabangga sa kanya. Tapos tinakasan pa siya. Napahilamos na lamang siya sa palad niya ngunit agad napalitan ng ngiwi dahil biglang kumirot ang kanyang balakang.
Ilang sandali lang ay may bumalik muli na nurse. May tinurok ito sa dextrose niya at kung ano man ‘yon ay naging malaking tulong iyon para sa kanya. Dahil pagkaalis ng nurse ay unti-unti na niyang naramdaman ang ibabang parte ng katawan niya. Masakit pa rin ang balakang niya pero hindi na kagaya kanina.
“Buti naman,” aniya. “Wala akong pambayad. Ano’ng gagawin ko rito? Wala pa ‘yung gamit ko rito.”
Wala nang mas sasakit pa para kay Aliah ngayon kundi ang bulsa niya. Hindi niya alam kung saang kamay ng Diyos siya kukuha ng ibabayad niya rito dahil mukhang mamahalin pa ang ospital na pinagdalhan sa kanya. Sinubukan ni Aliah kung makakatayo na siya ng maayos.
“Ouch…” mahina niyang angil nang bahagyang kumirot ang kanyang balakang. Mataman niyang pinagmasdan ang pintong nasa harapan niya. “Kaya ko ‘to,” aniya at hinugot ang mahabang karayom na nakasuksok sa likod ng palad niya.
Chapter 2: “Salamat sa...
Diyos!” nanghihinang sabi ni Aliah nang makita na niya ang karatula ng coffee shop na pinagta-trabahuan niya. “Salamat kuya!” aniya sa sinakyan niyang trysikel. Inabot niya ang bente pesos na nakapa niya sa bulsa ng pantalon niya. Maige na lang at mayroon siyang nakapang pera sa bulsa siya dahil kung hindi ay maglalakad siya mula sa ospital hanggang dito.
Ayaw niyang makita siya ng kanyang ina na nakabenda at may iniindang sakit. Balak niyang pakiusapan si Carl na sa kanila na lang muna siya tutuloy. Panay ang ngiwi niya habang naglalakad papasok sa establisyimento.
“Teka po- Aliah?” Tiningnan siya ng guard nila ulo hanggang paa. “Ano’ng nangyari sa ‘yo?”
“P-Pwede na po ba akong pumasok? ‘Di ko na po kaya ang sakit ng balakang ko.”
“Halika.” Binuksan ni Manong Guard ang pinto ng coffee shop at inalalayan siyang makapasok.
Kakaunti pa lang ang mga costumer ng shop nila kaya naman ay nagpasalamat si Aliah. Doon siya naupo sa pinakagilid na lamesa na mayroong malambot na pahabang upuan.
“Urgh! Salamat!”
“Aliah! Diyos ko! Ano’ng nangyari sa ‘yo?!” ani ng lalaking mayroong ipit na boses. Dali-dali itong lumapit kay Aliah na nakapikit ang mga mata. “Bruha ka! Ano’ng nangyari sa ‘yo? Buhay ka pa ba?!”
Nagmulat ng mga mata si Aliah at sinamaan ng tingin ang kaibigan. “Parang gusto mo na akong mamatay ah?”
Iniikot lamang ni Carl ang mga mata niya at tinabihan ang kaibigan. “Ano ba kasi ang nangyari sa ‘yo at para kang galing sa gyera?”
Huminga ng malalim si Aliah at pilit na inayos ang pagkakaupo niya. “Jusko ang sakit!” Mangiyak-ngiyak na si Aliah dahil nakaramdam na naman siya ng pamamanhid sa kanyang balakang. Parang biglang dumoble ang bigat niya dahil hindi niya halos mabuhat ang sariling katawan. Kaya naman ay tinulungan na siya ni Carl. Sinandig nito ang likod niya sa sandalan ng kinauupuan nila.
“Letsugas kasi yung damuhong- ahh! ‘yon! Bundulin ba naman ako?” reklamo ni Aliah sa kaibigan.
“Sino?”
“Hindi ko nga nakuha ang pangalan kasi nawalan ako ng malay. Paggising ko nasa ospital na ako. At alam mo ba ang pinaka masakit?” Tiningnan niya ang kaibigan habang nakangiwi. “Iniwan niya ako sa ospital! Pati yung mga gamit ko tangay!”
Napa-oh naman si Carl. Nakaramdam siya ng panlulumo dahil sa nangyari sa kaibigan. “Hay naku besh, kawawa ka naman. Dapat tinawagan mo ako para napuntahan kita kaagad.”
“Wala nga yung cellphone ko, ‘di ba? Nasa bag ko na hindi ko alam kung nasaan na. Buti nga may bente pa pala sa pantalon ko kaya ako nakarating dito eh.”
“Oo nga.” Kumunot ang noo ni Carl at tinitigan ang kaibigan habang nakataas na ang kilay. Alam niya ang ugali ng kanyang kaibigan pero gusto niya pa ring kumpirmahin. “Bakit ka nandito imbes na nasa ospital ka?”
“Ahh…” Naging malikot ang mga mata ni Aliah. “Umalis ako d’on.”
Pinagkrus ni Carl ang kanyang dalawang braso at mas inilapit ang mukha sa kaibigan. “Umalis?”
Napalunok si Aliah, “Oo na! Tumakas ako! Ano’ng magagawa ko? Wala akong pambayad eh!”
“Sabi na nga aba eh!” Inikot ni Carl ang mga mata niya. “Bakit ka umalis d’on? Alam mo bang pwede kang makasuhan dahil sa ginawa mo!”
“Eh ano’ng magagawa ko? Tinakasan nga ako ‘di ba?”
Magsasalita pa sana si Carl nang may tumawag sa kanya. Agad itong tumayo at lumapit sa lalaking tumawag sa kanya.
“Who is she?” nagtatakang tanong nito habang nakatingin kay Aliah.
“Si Aliah po sir Krish. Empleyado po siya rito.”
Kumunot ang noo ni Aliah nang marinig niya ang itinawag ni Carl sa lalaking kausap nito.
‘Sir?’
“Oh, really. What happened to her?” Kumunot ang noo nito at unti-unting lumapit kay Aliah.
Parang hindi lang balakang ang sasakit kay Aliah at maging ang kanyang leeg ay sasakit na rin. Hindi kasi maayos ang pagkakaupo niya tapos nang makalapit pa ang lalaki ay nakita niya kung gaano ito katangkad.
“Na aksidente po siya, sir.”
Tumikhim si Aliah. “Carl, sino siya?” Hindi na napigilan pa ni Aliah ang sarili at tinanong na ang kaibigan.
“Si sir Krish. Amo natin. May-ari nito.” Nandidilat pa ang mga mata ni Carl habang sinasagot siya.
Napamaang si Aliah sa sinabi nito. ‘Siya yung may-ari ng Kriann’s Coffee shop,’ naalala niyang sabi ng nurse na nakausap niya. Biglang bumilis ang pintig ng puso siya dahil sa nalaman. Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa ulo.
“Ikaw!” malakas niyang sabi ngunit agad napangiwi dahil sa biglang kumirot ang balakang niya. Tinitigan niya ng masama ang lalaki.
“What?” nagtataka nitong tanong sa kanya.
“What what-in ko ‘yang mukha mo eh!”
“Aliah! Ano ka ba?” sayaw sa kanya ni Carl.
Hindi pinansin ni Aliah si Carl at tinuon lamang ang pansin sa lalaking kaharap niya. “Ikaw yung may-ari nitong shop?!”
Bahagyang napatawa si Krish dahil sa biglang inasta ni Aliah. “Yes?”
“Ikaw yung-ahh! Damuhong nakabundol sa akin!”
Tumabi na sa kanya si Carl at ibinaba ang kamay niyang nakaduro kay Krish.
“Aliah, ano ka ba? Gusto mo bang mawalan ng trabaho?” pabulong na banta ni Carl sa kaibigan.
“Wala akong pakealam! Siya ang dahilan kung bakit ako nahihirapan ngayon! Tingnan mo oh? Halos hindi ako makakilos dahil sa kanya. Ano na lang ang sasabihin ko kay mama nito? Paano kung ‘yon pa ang ma-ospital dahil sa nangyari sa akin?”
“Wait Miss. You mean ikaw yung babaeng nabundol ko kanina?” namamanghang tanong ni Krish. Mataman niyang tinitingnan si Aliah na nanggagalaiti sa kanya ngayon. Hindi mawala ang ngiti niya dahil sa pagkamangha sa inaasal ng dalaga.
“Ano pa nga ba? Damuho ka. Bakit mo ako iniwan sa ospital? Tapos… tapos yung mga gamit ko! Binabalak mo pa ata akong nakawan!”
Nawala ang mga ngiti ni Krish. “What? Hindi kita nanakawan.”
“Bakit ka biglang umalis? Bakit mo ako iniwan at dala mo pa ang mga gamit ko, lalo na yung bike ko!” Nangilid na ang mga luha ni Aliah. “Ilang buwan ‘yong ipinagipunan ng nanay ko. Alam mo bang normal lang akong mamamayan ng bansang ‘to at wala akong pera kagaya mo! Panagutan mo ako!” madamdaming sabi ni Aliah.
“Whoa! May nabuntis ka?” Biglang may lalaking sumulpot sa likuran ni Krish. Mas maliit ito ng kaunti sa kanya ngunit halos kasing edad lamang.
“The hell! Siya yung sinasabi ko sa ‘yo kanina,” tanggi ni Krish. “Look Miss, hindi kita tinakbuhan kanina. I was late for my meeting, so I had to leave you in the hospital. But that doesn’t mean na hindi na kita babalikan doon. Babalikan sana kita pagkatapos ng meeting ko.”
Natigilan si Aliah sa paliwanag nito. Pinahid niya ang luhang tumulo sa kanyang mga mata. “T-Talaga?”
“Yes. Why are you here, by the way?”
“P-Paano kasi… akala ko tinakasan mo ako kaya tumakas ako r’on.”
Napamaang si Krish sa sinabi nito. “What? Bakit ka tumakas?”
“Your girl is adventurous my friend.”
“Shut up, Jared.” Marahas na bumuntong hininga si Krish. “Let’s go back to the hospital.”
“Ha? Ayoko!”
“Bakit?” tanong ni Carl.
“Paano kung ikulong ako?”
“Gaga! Sumama ka na! H’wag ka nang mag-inarte!”
“Don’t worry. Hindi mangyayari ‘yang iniisip mo. Kung bakit kasi hindi mo ako hinintay?” ani Krish.
Sinamaan ito ng tingin ni Aliah. “Hindi ko nga alam ‘di ba? ‘Ni wala ka man lang iniwang note sa mga nurse tapos kasalanan ko pa ngayon?” inis na sabi ni Aliah. Wala na siyang pakealam kung pagkatapos nito ay wala na siyang trabaho. Hindi niya kayang pigilan ang inis na nararamdaman niya rito.
“Fine. I’m sorry. Now let’s go back to the hospital because I don’t have all the time.”
Bumuntong hininga muna si Aliah saka nakangiwing tumungo sa binata.
“Fine,” aniya at ginaya ang malalim na boses ni Krish. “Buhatin mo ako.”
“Why would I?” Nagtaas ng kilay si Krish. Unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagkairita sa dalaga.
“Kasi hindi ako makalakad ng maayos?” mataray na sabi ni Aliah habang nakataas pa ang kilay.
“Ako na sir.” Akmang bubuhatin siya ni Carl pero pinigilan niya ito.
“Hindi! Ikaw magbuhat sa akin! Kung ang may dahilan kung bakit ako ganito kaya buhatin mo ako.” Nanindigan si Aliah. Hindi siya makakapayag na hindi rin ito makaramdam ng paghihirap.
Napaungol na lamang si Krish sa pagpipigil sa inis.
“Goodluck, bro,” pambubuska ni Jared kay Krish.
Sinamaan ito ng tingin ni Krish at pagkatapos ay muling tumingin kay Aliah. “Fine. Let’s go,” aniya at binuhat ang dalaga.
Chapter 3: “Ano’ng gagawin ko...
“Ano’ng gagawin ko ngayon?” natutulalang tanong ni Aliah sa sarili. Kasalukuyan siyang nakaupo sa may pasilyo ng ospital at hinihintay si Krish. Bumibili ito ng mga gamot niya at iba pang mga kakailanganin.
Tama si Krish, dahil hindi nga siya kakasuhan ng ospital dahil sa pagtakas niya. Medyo humupa ulit ang pananakit ng balakang niya dahil sa may itinurok ulit sa kanyang gamot. Pero lahat ng iyon ay hindi alintana ni Aliah. Mas pinoproblema niya ngayon ay ang sinabing doctor na hindi raw muna siya pwedeng magtrabaho. Kailangan niyang magpahinga ng tatlong linggo para maka-recover ng maayos.
Kung tutuusin ay maganda ‘yon para makapagpahinga na rin muna siya. Kaso, paano ang mama niya? Hindi nito pwede malaman ang nangyari sa kanya kaya halos mabaliw tuloy ngayon kakaisip si Aliah kung ano ang gagawin niya sa sitwasyon niya.
Mayroon daw kasing nabaling buto sa may balakang niya. Maliit lang ‘yon pero nagbibigay ng matinding sakit kay Aliah. Makukuha naman daw ‘yon sa gamot at pahinga pero ‘yon ang malaking problema para sa kanya. Hahabuling siya ng mga bayarin nila kapag magkataon. Kapag naman hindi niya sundin ang payo ng Doctor ay magkakaroon daw siya ng komplikasyon at baka lalong hindi na siya makapagtrabaho.
Bumuntong hininga si Aliah, ‘Kasalanan n’ya talaga ‘to eh.’
“Let’s go?”
Nag-angat ng paningin si Aliah at bumungad sa kanya si Krish na mayroong dalang supot. May tulak-tulak din itong wheelchair.
“May problema ako.” Sinimangutan ni Aliah si Krish.
Kumunot ang noo ni Krish at tinitigan si Aliah. “What?”
“Paano ako magtatrabaho ngayon?”
“You don’t have to. Ako ang boss mo kaya hindi mo na dapat problemahin ‘yon.”
“’Yun nga po eh.” Biglang napaubo si Krish na ikinatigil saglit ni Aliah sa pagsasalita. “Hindi ko pwedeng malaman ng nanay ko ang nangyari sa akin.”
“Bakit naman? Ngayon mo siya kailangan.”
“Eh, basta. Hindi niya po pwedeng malamang ang nangyari sa akin ngayon. Baka mas maospital pa ‘yon kesa sa akin.”
Medyo nakaramdam na naman ng irita si Krish. “So, what are you implying? I should take care of you and you should stay with me?”
Tinitigan maige ni Aliah si Krish na nakatayo lamang sa harap niya at nakapamulsa. Salubong ang kilay nito at iritableng nakatitig sa kanya. Ngunit imbes na mainis ay napangiti si Aliah. Ngiting labas na ang ngipin, na para bang mayroon siyang magandang ideyang na isip.
“What?” Lalong bumilog ang bilugan nitong mga mata.
“Sir, magisa ka lang sa bahay?” Inabot ni Aliah ang kamay ni Krish at tinignan ang mga daliri nito. “Wala ka pa pong asawa?”
Tumaas baba ang maliit na pabilog na naumbok sa lalamunan ni Krish. Binawi niya ang mga kamay niya kay Aliah at pinagkrus ito sa kanyang dibdib. “Why? Bakit mo tinatanong?”
“Sagutin mo na lang po ako, sir.” Nakangiti pa rin si Aliah. Hindi- nakangisi na siya kay Krish.
Tumaas baba ang isang kilay ni Krish. Mataman niyang tinitingnan ang mukha ni Aliah na para bang inaalam kung ano ang ibig sabihin nito. Sa huli ay bumuntong-hininga siya.
“Yes. I live alone and I don’t have a wife. Happy?”
“Yun!” Napapalakpak pa si Aliah at kumapit sa matigas nitong braso para makatayo. Bahagya pa siyang napapangiwi dahil panaka-naka pa rin ang sakit ng balakang niya. “Tulong please?” aniya nang hindi manlang kumilos si Krish para tulungan siya.
Huminga muna ng malalim si Krish bago binuhat si Aliah at iniupo sa wheelchair. Kinuha niya ang mga pinamili niyang gamot na nasa upuan at inilapag iyon sa may hita ni Aliah.
“B-Bakit mo ginawa ‘yon?” gulat na tanong ni Aliah kay Krish. Kinurap-kurap niya ang kanyang mata habang nakatingin sa malayo.
“What? Sabi mo tulong?” Tinulak na ni Krish ang wheelchair ni Aliah.
Hindi na naman sumagot si Aliah at tahimik na lamang na kumapit sa wheelchair. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso niya nang binuhat siya ng pang kasal ni Krish. Napalunok siya nang mapagmasdan niya ng malapitan ang mukha nito n’ong tumingala siya. Deretso lang ang mga tingin nito. Ang makapal at deretso nitong kilay ay magkasalubong na binagayan ng matangos nitong ilong. Mayroon itong maliit na nunal sa gilid ng tuktok ng ilong nito. Lalong nakadagdag sa seryoso nitong mukha ang kulot nitong buhok.
Alam niyang matanda ito sa kanya ng ilang taon ngunit kung pagbabasehan ng itsura nito ay hindi mo ‘yon aakalain. Pwede pa siyang ipanlaban sa mga sikat na mga batang artista ngayon. Mukhang mas malalamangan pa nga niya ang mga iyon.
“What?”
Natigil si Aliah sa pagi-inspeksyon sa mukha ni Krish nang bigla itong magsalita. Ibinaba niya ang paningin niya at tumingin sa kanyang harapan. Ngunit napangiwi siya nang makita niya ang kanyang repleksyon at ang nanunusok na mga titig ni Krish. Nasa tapat na pala sila ng elevator.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. “W-Wala.” Nakita niyang magsasalita pa sana si Krish dahil muling bumika ang bibig nito ngunit natigil dahil bumukas na ang pinto ng elevator. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Aliah dahil doon. Itinuon na lamang niya ang atensyo sa supot na nasa may hita niya. Ilang sandali lamang ay nakapunta na sila sa parking lot ng hospital. Muli siyang binuhat ni Krish para maisakay sa passenger seat. At muling bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil ‘don.
‘Ano bang nangyayari sa akin?’ reklamo ni Aliah sa kanyang isipan. Pilit niyang iwinaksi iyon pero muli siyang natigilan dahil biglang lumapit sa tapat niya si Krish. Inabot nito ang seatbelt niya at ikinabit iyon sa kanya.
“So, saan kita ihahatid?”
Muli siyang bumalik sa sarili niya nang magsalita na ito at unti-unti nang pinaandar ang kotse. Tumikhim siya at sinabing, “Sa bahay mo- ouch!” Hindi alam ni Aliah kung ano ang hahawakan niya. Ang ulo ba niyang tumama sa headboard ng kotse ni Krish o ang balakang niyang biglang kumirot dahil sa biglaang pagpreno nito. “Ano ba?!”
“What did you say?” namamanghang tanong ni Krish kay Aliah.
“Sa bahay mo. D’on mo ako ihatid,” deretsong sabi ni Aliah at nakipagmatigasan ng tingin kay Krish.
Napaawang ang bibig ni Krish. Isinandig niya ang kanyan likod sa upuan niya na para bang pagod na pagod. “And why the hell would I let you in to my house?”
“’Di ba sabi ko sa ‘yo hindi ako pwedeng umuwi sa amin na ganito ang sitwasyon ko?” Bahagyang tumigil si Aliah at humalukipkip. “At ikaw ‘din naman ang nag-suggest n’on ah?”
“Fuck…” mahinang usul ni Krish nang maalala niya ang tanong ni Aliah sa kanina. “Hindi ko naman ibig sabihin na ititira kita sa bahay ko ah?”
“Oo. Pero nadisgrasya mo ako ‘di ba? So, kailangan mo akong panagutan.”
“Pina- inasikaso naman kita ah? Sinamahan na kita sa ospital. I brought you you’re meds. Papasamahan kita sa secretary ko tuwing check-ups mo. Hindi kita papabayaan hanggang sa gumaling ka. And hindi ka mawawalan ng trabaho,” mahabang paliwanag ni Krish.
“Basta. Wala ka namang kasama sa bahay eh. Hindi ako pwedeng umuwi sa amin ng ganito. Kawawa ang mama ko. Ayokong mag-alala sa akin ‘yon.”
“It’s not my business anymore.”
“It’s your business!” Nagsalubong na ang kilay ni Aliah at unti-unti nang nangilid ang luha niya. “Nakalimutan mo bang kung hindi dahil sa ‘yo hindi ako magkakaganito?!” puno ng hinanakit na sabi niya. Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha niya. Kanina pa kasi siya nagpipigil sa inis kay Krish. Itinakip niya ang dalawa niyang palad sa mukha niya.
Napanganga naman si Krish dahil sa biglaang pag-iyak ni Aliah. “W-Why are you cying?”
“Ang sama mo! Wala kang puso! Kung tumitingin ka kasi sa dinaraanan mo edi hindi sana nangyari sa akin ‘to!”
Lumunok ng laway si Krish at dahan-dahang inilapit ang kamay sa balikat ni Aliah. Hindi niya kaya sa tuwing nakakakita siya ng babaeng umiiyak. Bumuntong hininga muna siya saka tinapik na sa balikat ang dalaga. “F-Fine. Sa bahay ko na.”
Awtomatikong nag-angat ng tingin si Aliah at nilingon si Krish. “Talaga?” Sinuri niya ang mukha ni Krish.
Tumango ito. “Yes. Oo na. Just stop crying okay?”
Pinahid ni Aliah ang mga luha niya at ngumiti kay Krish.
“Yehey! Salamat!” Nginitian niya ito ng ubod ng tamis. Muli siyang sumandig sa upuan at naghintay sa pagandar ng kotse.
Napailing na lamang si Krish habang tiningnan si Aliah. Para itong batang mula sa pagta-tantrums na masaya na dahil napagbigyan ang gusto. Binuksan na niya ang kanyang kotse at nagmaneho na papunta sa kanyang condo.
Chapter 4: “Aakyat tayo r’yan?
“Aakyat tayo r’yan? I mean, pupunta pa tayo sa ikalawang palapag at sa hagdan tayo dadaan?!” gulat na tanong ni Aliah kay Krish. Nakaawang ang bibig niya habang tinitignan ang mataas na hagdan papunta sa sunod na palapag. Nakahawak siya sa railing n’on at nasa tabi naman niya si Krish na namamanghang nakatingin sa kanya.
“Ahh… nope-”
“Hay… buti naman.”
“Actually, sa tenth-floor pa ang bahay ko.”
“Ano?!” Pakiramdam ni Aliah ay kumalas na ng tuluyan ang mga buto niya sa balakang. “Seryoso ka ba? N-Nasaan ang elevator?”
Umiling si Krish. “Elevator is not available now. Sira iyon at kasalukuyan pang inaayos.”
Parang gusto nang himatayin ni Aliah dahil sa narinig. ‘Bakit ngayon pa nasira?!’ Himutok niya sa kanyang isipan. Humakbang nga lang ng tatlo ay kumikirot na agad ang balakang niya tapos aakyat pa siya ng hagdan. Parang gusto na lang niyang umuwi dahil d’on. Maganda ang building na tinitirahan ni Krish dahil replica ito ng Petronas Tower sa Malaysia. Kagaya n’yon ay dalawang building iyon na mayroong mahabang tulay na kumukonekta sa taas. Kaya ang pangalan ng building na ito ay Twin’s Tower Condo Building. Ang kaibahan lamang nito ay nasa thirty floor lang ang meron nito. ‘Pero sira pa rin ang Elevator!’
“T-Teka sir, saan ka pupunta?” Aabutin sana niya ang kamay nito ngunit nasa ikatlong baitang na ito. Bitbit nito ang mga gamot niya.
“Uuwe na? Let’s go,” anito na para bang nakakalimutan ang sitwasyon niya.
“Paano ako?”
Humarap sa kanya si Krish ng nakangiti. “Better start walking if you want to live with me.” Muli ay tumalikod na ito. Naiwan sa ibaba si Aliah na nakangiwi at nakaawang ang bibig.
Pakiramdam ni Aliah ay umakyat lahat ng dugo niya sa ulo. Kung nakakamatay lang ang titig ay pihadong nangingisay na ang lalaking tinititigan niya ngayon. Sa kanyang isipan ay ilang ulit na rin niya itong inaksak, binaril at kung ano-ano pang karahasan na kanyang na iisip.
“Urgh! Nakakainis ka talagang tanda ka! Papahirapan din kitang damuho ka!” angil niya nang hindi na niya makita ang likod nito dahil nakaliko na ito. Huminga muna siya ng malalim saka hinigpitan ang pagkapit sa railing ng hagdan. Ipinatong na niya ang kanang paa niya sa unang palapag saka dahan-dahang umakyat. “Ahh!” hiyaw niya sa sakit nang makaakyat siya sa unang palapag. Parang isang sako ng bigas ang bigat ng kanyang katawan ngayon dahil sa halos hindi niya maingat ang sariling katawan. Habol ang hiningang niyakap niya ang railing.
“Bweset ka talagang lalaki ka! Ang tanda-tanda na ni hindi manlang marunong tumulong sa mga nakababata sa kanya!” reklamo niya. Pero agad siyang napaisip dahil napagtanto niya rin na dapat ang mas bata ang tutulong sa mga matatanda. “Ah ewan! Basta hindi siya magandang ehemplo! Bweset! Walang puso- ouch!”
Pinalipas niya muna ang pagkirot ng kanyang balakang saka muling sinubukang humakbang paakyat sa ikalawang baitang. Ngunit nung itataas na sana niya ang kanyang kaliwang paa ay biglang dumalahit ng sakit ang kanyang balakang. Dahil doon ay namanhid ang mula sa baywang niya hanggang sa kanyang paa. Hindi niya tuloy naramdaman ang sahig na inaapakan niya kaya para siyang gumewang. Aabutin niya sana ang railing ngunit huli na siya. Napapikit na lamang siya nang mapansin niyang unti-unti na siyang tumumba.
Ngunit imbes na matigas na sahig ang bagsakan niya ay isang malambot at mainit na bagay ang ang naramdaman niya.
“Miss? Okay ka lang?” sabi ng isang baritonong boses. Sobrang lapit n’yon sa kanya kaya na aamoy niya rin ang mabango nitong hininga.
Unti-unting nagmulat ng paningin si Aliah. Bumungad sa kanya ang pabagsak na hugis na mga mata. Kulay tsokolate iyon at binagayan ng ‘di kahabaang pilikmata. “P-Patay na ba ako?” wala sa sariling tanong niya. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa mga oras na iyon. Sobrang magkadikit ang kanilang mukha. Nakasandig ang likod niya sa dibdib nito. Ang isang kamay nito ay nakapulot sa taas ng kanyang kamay na nakaharang sa kanyang didib. Ang isa naman ay nasa may tiyan niya.
“Aliah! Are you okay?!”
Bumalik ang kanyang ulirat nang marinig niya ang boses ni Krish. Nang lingunin niya ito ay humahangos ito at mababakas sa mukha nito ang pagaalala. Agad na nagdilim ang kanyang mukha nang makita niya ito.
“Ikaw- ahh!” Dahil hindi niya pa rin maramdaman ang kanyang paa ay pakiramdam niya ay muli siyang natumba. Ngunit hindi iyon nangyari dahil yakap-yakap pa rin siya ng lalaking nagligtas sa kanya.
“Ayos ka lang ba?” muling tanong ng lalaki.
Ito naman ang sinamaan ng tingin ni Aliah. “Mukha ba akong okay?” singhal niya rito.
Napangiti lamang sa kanya ang lalaki at inayos ang pagkakatayo sa kanya. Pero napansin ata nito na hindi siya makatayo ng maayos kaya hindi siya nito binitawan. Bigla namang nakonsensya si Aliah sa paninighal niya rito.
“T-Thank you. Pasensya ka na. May isa kasi ritong walang puso at iniwan lang ako rito.” Sinamaan niya ng tingin si Krish.
Bumuntong hininga naman si Krish at tiningnan ng malumanay si Aliah. “I’m sorry.”
“Ahh… ganon ba?” Nagpalit-palit ng tingin ang lalaki kay Krish at Aliah. Ang malumanay na mga tingin ni Krish ay ginagantihan ni Aliah ng matatalas at nakamamatay na mga tingin. “Gusto mo bang ako na ang bumuhat sa ‘yo paakyat? Alam ko kasi sira ang elevator.”
Para namang may humaplos sa puso ni Aliah dahil sa sinabi nito. Pansamantala ay nalimutan niya ang inis na nararamdaman kay Krish. ‘Buti pa ‘to may konsiderasyon.’
“Talaga?”
“No. Ako na ang bahala sa kanya. Kasama ko siya.” Sumingit si Krish at hinawakan ang palapulsuhan niya. Tinaasan ito ng kilay ni Aliah at tiningnan na para bang sinasabing, ‘seryoso ka r’yan ha?’
“Magkasama po kayo?” tanong ng lalaki kay Krish.
“Yes. And give her to me,” maawtoridad na sagot ni Krish.
Tumingin muna ang lalaki kay Aliah at naghintay ng permiso sa kanya. Kaya naman ay tinanguan ito ni Aliah. Unti-unting kumalas sa kanya ang lalaki para mahawakan siya ni Krish.
“Sige po Sir, next time po h’wag niyong iiwan ang kasama niyo lalo na kung kailangan niya kayo,” anito at tiningnan ng seryoso si Krish.
Napamaang naman si Aliah at napa sabi sa sarili ng, ‘Burn!’
“Bye, Miss. Ingat ka palagi.” Nginitian ng matamis ng lalaki si Aliah. Lumabas tuloy ang isang biloy nito sa kaliwang pisngi. Nagpadagdag iyon ng ka-cute-an nito.
“Thank you ulit!”
“Ang yabang naman n’on!” angal ni Krish nang umalis na ang lalaki. Hinatid niya pa ito ng matatalim na mga tingin.
Muling bumalik ang inis ni Aliah kay Krish. “Yabang? Ikaw kamo walang puso! Alam mo naman ang sitwasyon ko iniwan mo pa ako rito!”
“Sorry na nga ‘di ba?” ani Krish at kinarga na siya na parang bagong kasal.
“T-Teka, ano’ng ginagawa mo?” Nagulat si Aliah sa ginawa nito. Unti-unting napapalitan ng kaba ang inis na nararamdaman niya para kay Krish.
“Uuwe na tayo.”
“Hanggang tenth floor?”
“Oo,” anito na para bang hindi manlang nabibigatan sa kanya. Paanong hindi? Matigas ang dibdib nito pero hindi naman nakakasakit. Naguumbukan ang mga muscles nito sa mga braso.
Napangiti si Aliah dahil sa sinabi nito. Kumapit siya sa leeg nito dahil nagumpisa na itong maglakad. Lalo tuloy’ng lumapit ang mukha niya sa mukha nito.
‘Gwapo sana kaso nakakainis.’
“Stop it.”
“Ano?”
“Stops staring at me.”
Lalong idinikit ni Aliah ang mukha niya rito. “Bakit? Masama ba?”
Bahagyang nagtangis ang mga bagang ni Krish at tumigil sa paglalakad. Bigla niyang hinarap ang dalaga. Napangisi siya nang biglang nanlaki ang mga mata nito. Halos kahibla na lang kasi ang layo ng mga labi nila.
“Hindi naman,” aniya at biniba ang tingin sa mga labi ni Aliah. Pagkatapos ay muling hinarap ang mga mata nito. “Aliah, hindi mo alam ang pinapasok mo.” Tinitigan niya pa muna ito ng ilang sandali bago muling ibinalik sa daan ang kanyang paningin.
Napalunok na lang si Aliah at unti-unting inilayo ang mukha sa lalaki.
‘Ano’ng ibig niyang sabihin?!’
Chapter 5: Dalawang araw...
Dalawang araw makalipas ng tumira si Aliah sa bahay ni Krish. Naging maayos naman ang kanyang lagay roon, maliban lamang sa mas sumakit ang kanyang balakang dahil sa nangyari sa kanya sa hagdan. Kaya naman ay nakahiga lang siya ngayon sa kama ni Krish. Sa tuwing may kailangan siyang gawin kagaya ng pagpunta sa banyo ay tinutulungan pa siya nito. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin siya dahil sa ginawa nito. Pero mabilis naman nawawala dahil iniiwanan lang siya nito sa banyo.
Mas dumami tuloy ang mga nireseta sa kanyang gamot dahil sa nangyari.
Naging madali naman ang pagpapaalam niya sa kanyang ina. Tinulungan kasi siya ni Carl, ito ang kumuha ng mga gamit niya sa kanila. Ito na rin ang nagpaalam na isasama siya nito sa probinsya nila para magbakasyon. Noong una ay umayaw muna ang kanyang ina dahil nga hindi siya mismo ang nagpaalam. Pero dahil nga si Carl ang nagpaalam at matagal na niya itong kaibigan ay pumayag na rin ito. Idagdag pang palagi siyang tumatawag na sa kanyang ina.
Malaki ang unit ni Krish para sa kanya lang magisa. Iisa lang ang kwarto roon ngunit malawak pa iyon. Manghang-mangha si Aliah sa tema ng kwarto nitong kulay itim at puti at sa ikalawang palapag pa sa loob ng silid. Sa itaas kasi ng kama ni Krish ay mayroong ikalawang palapag, sa may ulunan ng kama at mayroong hagdan papunta sa itaas. Base sa repleksyon mula sa salamin na pinto ng terrace ay ito ang nagsisilbing opisina ng binata. Nakikita niya kasi mula roon ang computer at mga papel nan aka-stock sa lamesa. Doon naglalagi si Krish ngayon na siya ang naglalagi sa kama nito.
Habang nagmumuni-muni si Aliah ay nakaramdam siya ng pananakit ng pantog. Manhid pa rin ang kanyang balakang papunta sa ibaba pero medyo na igagalaw na niya ito. Kaya naman ay sinubukan niyang tumayo. “Ouch…” napangiwi siya nang dumalahit ng sakit ang kanyang balakang.
Sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa si Krish. “Hey? Where are you going?”
Nilingon ito ni Aliah. Muli siyang napaupo sa kama habang sapo sang balakang. “M-Mag babanyo sana ako.”
“Oh, I will help you.” Lumapit si Krish kay Aliah at akmang kakargahin na ang dalaga.
“Teka!”
“Bakit?” kunot ang noong tanong ni Krish. “Akala ko magbabanyo ka?”
“Wala pa rin ba yung wheelchair?” Nangako kasi itong hihiram ng wheelchair sa ospital para mayroon siyang nagagamit kapag wala ang binata.
“Ahm… Wala pa. Hindi mo na naman kailangan ‘yon. Tinutulungan naman kita?”
“Eh kasi…” nag-iwas ng tingin si Aliah kay Krish. “Natutuwa ka na kasi kaka-chansing sa akin, eh.” Ikinunot niya ang kanyang noo at humalukipkip. Pilit na iniiwasang mailang sa binata.
Napaawang naman ang bibig ni Krish at hindi makapaniwalang tiningnan si Aliah. “What did you say? Tinutulungan na nga kita tapos minamasama mo pala?”
Kinagat ni Aliah ang likod ng kanyang labi. “M-Malay ko ba kung pinagnanasaan mo na pala ako, ‘di ba?”
Agad na nagdilim ang mukha ni Krish dahil sa sinabi nito. “Kung ganon pala, then go to bathroom and do your thing.” Tinalikuran na niya ang dalaga. Baka kung ano pa ang ibang isipin nito.
“Huy teka!” Hinawakan ni Aliah ang braso ni Krish. “Sorry na, nagbibiro lang naman eh.”
Inis na nilingon ni Krish ang dalaga. Nakangiti na ito sa kanya-mali, nakangiwi ito at pilit na ngumingiti.
“You can do it. Go.”
“Joke nga lang! Buhatin mo na ako! Lalabas na ihi ko eh!” Iminuwestra niya ang dalawa niyang kamay na para bang batang nagpapakarga.
Bumuntong hininga muna si Krish bago pabiglang kinarga si Aliah. Napaigik tuloy ang dalaga dahil sa ginawa niya.
“Dahan-dahan naman!” Napakapit bigla si Aliah sa leeg ni Krish at dahil sa nangyari ay hindi niya namalayang napalapit na pala ang mukha niya sa mukha nito, halos isang pulgada na lang ang layo n’yon sa kanya. Sandali silang nagkatitigan dahil inayos pa nito ang pagkakabuhat sa kanya.
Napangisi ng kaunti si Krish nang makita niyang napatitig sa kanya si Aliah. Nanlalaki ang mga mata nito at bahagya pang nakaawang ang bibig. Lalo siyang napangisi nang ibinaba nito ang tingin sa mga labi niya kasabay ng pagikom ng labi nito.
“So sino ang nagnanasa sa atin ngayon?” sarkastong sabi niya.
Para namang natauhan si Aliah sa sinabi ni Krish. Sinamaan niya ng tingin ang binata at bahagyang inilayo ang mukha rito. Lihim siyang napadasal na sana ay hindi nito naririnig o nararamdaman ang pagtibok ng kanyang puso.
‘Bweset na tandang ‘to! Pasalamat ka, gwapo ka!’
“DITO ka na muna. I’ll just cook our breakfast.” Inihiga ni Krish si Aliah sa mahabang sofa niya sa sala. Binuksan niya ang LED Flatscreen TV na nakasabit sa dinding at inilapag ang remote sa lamesa malapit kay Aliah. Saka naglakad na papunta sa kusina.
Kagaya sa kwarto ay black and white din ang tema ng sala at kusina ni Krish. Simple man ang desenyo ay mababakas pa rin na mayaman ang may-ari n’yon dahil sa mga gamit. Isang tingin lang ni Aliah ay alam na niyang mamahalin ang mga gamit na andoon. Sa ilalim ng malaking tv ay mayroong pahabang speaker na nakadikit din sa dingding. Sa ilalim n’yon ay isang maliit na cabinet na mayroong mga nakalagay na mga DVD video tapes, na hindi niya alam kung para saan ba dahil wala naman siyang nakikitang DVD player doon.
Ang mahabang sofa na hinihigaan ngayon ni Aliah ay nakatalikod sa kusina. Sa ulunan niya ay ang pinto palabas at sa may paanan naman niya ang salamin na pinto rin papunta sa terrace kagaya sa kwarto. Mayroon pang dalawang pangisahang sofa at nakapwesto sa magkabilang parte ng mahabang sofa.
Bahagyang inangat ni Aliah ang katawan at sinilip si Krish. Nakatalikod ito sa kanya at kasalukuyang may hinahalo sa tapat ng kalan. Hindi niya maiwasang mamangha habang pinagmamasdan niya ang likuran nito. NakaT-shirt ito na puti at dahil fit sa kanya ang suot ng damit ay nagpi-flex ang mga muscles nito, halatang batak sa gym. Kada galaw nito ay naguumbukan ang mga muscles nito sa braso at sa may likuran.
‘Ang umbok pala ng pwet si Sir,’ aniya sa kanyang isipan. ‘Pak na pak din siguro ang maskels nito?’ Napapangisi siya habang ini-imagine ang itsura ni Krish ng walang damit. ‘Ilang abs kaya ang meron? Apat? Anim?’ Muli siyang nahiga dahil sa nakaramdaman na niyang nag-init ang kanyang pisngi. Alam niyang matanda ito sa kanya ng ilang taon, pero kung ito naman ang magiging kasintahan niya ay hinding-hindi siya magrereklamo. Aba? Walang wala ito ang katawan ni Jake Cuenca sa katawan ni Krish. ‘Ayy! ‘Di ko ibe-break ‘to kapag maging jowa ko ‘to! Kanin na lang ang kulang may ulam ka na!’
Muli sana niyang sisilipin si Krish pero halos maghiwalay na ang katawang lupa niya at kaluluwa nang bumungad sa kanya salubong na kilay ni Krish. Nakakrus ang dalawang kamay nito sa may dibdib at mataman siyang tinitingnan.
“Sir!” gulat niyang tawag dito habang sapo-sapo ang dibdib. “Ano’ng ginagawa mo r’yan?”
“I’m done. Let’s eat.”
“O-Okay.” Binuhat na siya ni Krish at dinala hapag kainan sa may likuran lamang ng sofa. Nakahain na rito ang umuusok pang fried rice. Mayroon ding hotdog at sunny side up egg na nakahain.
“Milk?” tanong nito at muling bumalik sa kusina para magtimpla.
“3n1 na lang po.”
“Ha?” Nalilitong tumingin si Krish sa kanya.
“3n1? Wala ka pong kopiko brown?” Lalo namang nagsalubong ang kilay ni Krish. “Nagtitinda ka ng kape pero hindi mo alam ang kape ng mga kagaya namin?” Bumuntong hininga si Aliah. “Kahit ano na lang po basta kape.”
Napapailing na lang si Krish dahil sa mga sinasabi ni Aliah. Oo nga’t may-ari siya ng isang coffee shop, pero hindi naman sila nagtitinda ng mga processed at may halo. Lahat ng kape nila ay puro.
Matapos niyang magtimpla ay muli na siyang bumalik sa lamesa at nagumpisa na silang kumain. Panaka-naka niyang tinitingnan si Aliah na pangiti-ngiti pa habang ngumunguya.
“Ang sarap ng luto mo sir! Lalo na ‘tong hotdog mo, ang sarap!”
Sunod-sunod na napaubo si Krish. “Ano?” hindi makapaniwalang tanong niya rito.
“Alam mo po kasi, kapag si mama ang nagluluto ng sinangag, palaging matabang. Kung mayroon mang lasa ay naku, napaka alat naman.” Itinaas ni Aliah ang hotdog na nakatusok sa tinidor. “Alam mo itong hotdog? Kung hindi hilaw pa, sunod naman. Ang sarap ng hotdog mo.”
Inisang lagok ni Krish ang isang basong tubig niya. Pakiramdam niya kasi biglang nagbara ang mga isinubo niyang pagkain. Hindi niya kasi inasahan ang mga sinabi ni Aliah.
“Alam mo, bakit hindi restaurant ang itinayo mo?” tanong ni Aliah. Hindi na niya pinigilan pa ang pagiging madaldal niya dahil baka kung ano na naman ang maisip niya kapag mamayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.
“I love coffee.”
Napatango-tanog si Aliah. ‘Tipid naman nito.’
“Eh. Wala ka talagang kasama rito?”
“Mukha bang meron?”
“Bakit wala ka pang asawa? Ilang taon ka na po ba?”
“Why ask?”
“Ahh… wala naman. Kasi, ‘di ba dapat may asawa ka na? Alam po kasi sir, sa batch namin nila Carl, kaming dalawa na lang ang single. Twenty-three pa lang kami ha? Yung iba mas bata pa sa amin.”
“Not because I’m in my thirties, I’m not allowed to be single.”
“Eh bakit nga po? Gwapo ka naman. Macho. Kung ako liligawan mo, sasagutin kita agad,” wala sa sariling sabi ni Aliah. Bigla naman siyang nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi niya.
Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Krish. “Why would I? Kung kasing daldal mo lang din naman ang magiging girlfriend ko ay h’wag na. And besides, hindi ako pumapatol sa mga bata pa.”
‘Ouch.’ Kahit na napahiya ay buong kompyansa niyang sinalubong ang mga tingin ng binata.
“Hindi boring ang mga kagaya ko sir. Tsaka, sigurado ka na d’yan ha? Walang sisihan kapag main-love ka na lang bigla sa akin.”
Bahagyang napatawa si Krish at umiling-iling. “I don’t have time with that. May hinahanap pa ako.”
Napataas ang kilay ni Aliah. “Hinahanap? Sino?”
“A mother and her daughter.”
“Oh. So may anak ka na?”
Tiningnan lamang siya ni Krish at nagpatuloy sa pagkain.
“Sir,” tawag muli ni Aliah. Bigla kasi siyang naging interesado sa sinabi nito. “Uy, may anak ka na sir?”
“Stop calling me sir. Wala naman tayo sa trabaho.”
“Ha? Eh ano naman ang itatawag ko sa ‘yo? Kuya?”
“No.”
“Tito?”
Sinamaan ni Krish ng tingin si Aliah. “Stop.”
“Daddy?”
“My God. Stop! Just stop. Sir na lang kung ‘yun ang gusto mo,” iritableng sabi ni Krish at masama ang loob na sumubo ng pagkain. ‘The hell with this girl?!’
“Ito naman, jino-joke ka lang eh. So, ano nga sir? Mag-ina mo yung hinahanap mo?”
“Why are you so interested with that? It’s none of your business.”
Napatikhim si Aliah at naging malikot ang mata. Hindi niya kasi alam ang isasagot sa tanong nito kung bakit siya interesado roon. Sa totoo lang ay gusto lang naman niya itong kausapin at makilala.
“Lumaki kasi akong walang tatay, baka kako ikaw yung tatay ko.”
Literal na naibuga ni Krish ang kasusubo niya pa lang kanin at hotdog. “What did you say?” gulat na tanong ni Krish kay Aliah.
Napangiwi si Aliah sa nangyari kay Krish. Nagkalat ang mga naibuga nitong kanin sa sahig, may kaunti pa ngang tumalsik sa kanya na mga kanin-kanin. “Sorry?”
“I don’t have a kid, okay? Kung ano man yang iniisip mo ay mali ka.” Napapailing na lang si Krish. Uminom muna siya ng tubig bago inumpisahang nilinisin ang nagkalat na mga kanin sa sahig. “Imposibleng maging anak kita.”
Tumango-tango si Aliah. “Tama. Imposible,” sang-ayon niya rito. Ayaw na niyang salungatin pa ang sinabi nito dahil baka magalit na ito sa kanya ng tuluyan. Pinanood na lamang niya ito habang nagpupunas sa sahig. Pagkatapos nito ay muli itong umupo sa tapat niya at tinitigan siya ng mariin. Pilit na ngumiti siya rito.
“Fine, why don’t you tell me about yourself?” seryosong tanong nito sa kanya. Para itong leong nagbabantay sa pagkain niya kung makatingin sa kanya.
“B-Bakit mo naman gustong malaman ang tungkol sa akin? Interview ba ulit ‘to?”
Huminga lang ng malalim si Krish. “You told me, lumaki kang walang tatay. Why? Where is he?”
Nagkibit-balikat si Aliah. “Hindi ko alam.”
“Why? Is he dead?”
“Ewan ko Hindi naman kasi nagkukwento sa akin si mama. N’ong huling tanong ko sa kanya, bata pa ako n’on, umiyak nang umiyak hanggang sa inatake na ng hika niya. Kaya ‘di na ako umilit, hindi ko na siya tinanong pa tungkol doon,” paliwanag niya. Ni minsan ay hindi niya nakilala ang tatay niya. Kahit ang itsura nito ay hindi niya alam. Noong bata pa siya ay na iinggit siya sa mga batang mayroong tatay, pero ngayong malaki na siya ay parang wala na lang sa kanya iyon. Siguro ay nasanay na lamang siya at tinanggap na niya na wala talaga siyang tatay. At isa pa, masaya naman siyang kasama ang kanyang ina. Ni minsan ay hindi nito ipinaramdam na may kulang sa kanya.
“Oh… I’m sorry.” Biglang nakaramdam ng awa si Krish para sa dalaga. Hindi kasi halata rito na may ganoon itong kwento.
“Naku,” ikinumpas ni Aliah ang kanyang kamay. “Wala ‘yon. Sanay na ako.”
“Hindi mo manlang naisip na hanapin siya?”
“Hindi na. Sapat na sa akin si Mama. Mahal na mahal ako n’on at ganon din ako sa kanya. Hihintayin ko siyang magsabi sa akin.”
“Okay, but don’t worry. I assure you you’re not my daughter. I’m just thirty-three at wala pa akong nabubuntis na babae.”
“Talaga… kaedad mo rin si Mama. Baka nga ikaw ang tatay ko, sir.”
“Will you stop it?”
“Sabi ko nga eh, baka magkalat ka na naman,” aniya at sumubo na ng pagkain.
Napapailing naman na nagpatuloy sa pagkain si Krish. Hindi siya makapaniwala sa kadaldalan ni Aliah. Kung alam niya lang na ganito ito ay hindi na siya pumayag na tumira ito sa kanya. Mula kasi nang tumira ito sa kanya ay hindi na naging tahimik ang kanyang bahay. Sanay pa naman siyang walang kasama sa bahay dahil matagal nang patay ang kanyang magulang at mga kapatid. Napabuntong hininga siya nang maalala ang mga ito. Maglilimang taon na noong mawala ang kapatid niya pero hanggang ngayon ay na aalala niya pa rin ito.
Muli siyang napatingin sa dalaga. ‘Siguro ay tama na rin na andito ka.’
Continue reading here: https://www.dreame.com/story/3974307840-bawal-na-pag-ibig