Making her Mine
(The Servaño Siblings #1)
Ameiry Savar
Romance
Tags: Billionaire, CEO, Arrange Marriage, Contract Love
Language: Tagalog
Blurb:
Laura Nicole was married to the oldest son of the Servaño, Hiro Servaño. Pero hindi kagaya niya na excited na maging asawa ang binata ay hindi nito gusto ang kanilang kasal. Kaya naman ay nagtiis si Laura na manatili sa piling nito sa pag-asang magugustuhan din siya ng binata kalaunan. Ngunit nagkamali siya dahil makalipas ang dalawang taon ay nag-file ng divorce ang kaniyang asawa. Masakit man ay tinanggap iyon ni Laura. Pinakawalan niya ang asawa kahit na nalaman niyang buntis na siya.
Makalipas ang ilang taon ay muling nagkita ang dalawa. Walang ideya si Hiro na may anak si Laura. Ngunit mariin itong tinatanggi ng dalaga na siya ang ama ng bata. Ngunit hindi mapakali si Hiro kaya minabuti niyang alamin ang katotohanan.
Sa ikalawang pagkakataon na sila ay
magtatagpo, magawa na kayang buksan ni Hiro ang puso para sa dating asawa? O
magawa pa kayang tanggaping muli ni Laura ang binata kahit na makalipas ang ilang taon ay nasasaktan siya dahil dito?
Disclaimer
Taming the Mafia Billionairress (Lady Mafia Boss Series) contains scenes unsuitable for very young and sensitive readers. If you have trauma or can't read stories with dark themes, kindly stop reading this story. This story contains abuse, raped, murder, and foul words.
This is a work of fiction. All names, characters, persons, places, and incidents are only a product of my imagination. All resemblance to an actual person, may they be living or dead, events or anything are purely coincidental.
All right reserved! No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the author's prior written permission, except for brief quotes and lines from the story.
Taming the Mafia Billionairress (Lady Mafia Boss Series) © 2023 by Ameiry Savar
Chapter 1: The Divorce Papers
“Sign this, and we’re done.”
Napatitig ako sa papel na nakapatong sa lamesita. I
took a deep breath and nodded. Iyon ang divorce papers namin ni Hiro Servaño.
Ang asawa ko ng dalawang taon—mali. Ni minsan ay hindi niya nga pala ako itinuring
na asawa. Hindi ko naman siya masisisi dahil hindi naman talaga kagaya ng ibang
relasyon ang mayroon kami.
“O-Okay. I will sign it,” nahihirapang sabi ko.
Hiro and I got married because of our parents.
Business partners sila at gusto nilang maging isa ang mga pamilya namin. It was
okay for me, but never to him. Hindi niya gusto na makasal sa akin. Kababata ko
si Hiro kaya alam ko kung bakit. May girlfriend siya na hindi naman tanggap ng
mga magulang niya.
“What are you waiting for?”
Bumuga ako ng hangin at unti-unting kinuha ang sign
pen na nakapatong sa papel. Nakakainis pa kasi kitang-kita ko ang panginginig
ng mga kamay ko.
Aaminin ko, umasa ako.
Umasa ako na sa loob ng dalawang taon na magkasama
kami ay magagawa niya rin akong gustuhin. Pero kahit na ano ang gawin ko ay
hindi iyon nangyari. Wala siyang bumakbibig kundi si Naomi. Puro na lang si
Naomi. Pero ako na asawa siya, na mahal na mahal siya ay hindi manlang niya
magawang tingnan. Kaya nga noong ikinasal kami ay pilit niya akong pinapirma na
makalipas ang dalawang taon ay maghihiwalay rin kami.
Oo, gusto ko si Hiro. High school pa lang kami ay
gustong-gusto ko na siya. Siya ang panganay na anak ng mga Servaño. Ang tagapagmana
ng pinaka mataas na posisyon sa kanilang kompanya. Kaibigan ng daddy ko ang
pamilya nila kaya madalas ko rin siyang makita. Lahat na siguro nang
pagpapapansin ko kay Hiro ay nagawa ko na. Kaya noong sinabi ni Dad na
magpapakasal ako sa kaniya ay sobrang natuwa ako. Akala ko finally ay
makakalimutan na niya ang girlfriend niyang starlet.
“Done,” sabi ko pagkatapos kong pirmahan ang papel.
Agad na kinuha ni Hiro ang papel. Sandali niya iyong
binasa bago tumingin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin.
“Ibibigay ko na ‘to sa attorney ko. Siya na rin ang
magdi-discuss sa ‘yo ng mga makukuha mo sa akin. You can keep this house if you
want.”
Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida ko. “S-Sigurado
ka na ba talaga, Hiro? Wala lang ba sa ‘yo ang dalawang taon na ‘yon?” tanong
ko. Umaasa pa rin na hindi niya itutuloy ang kahibangan na ito.
Napangisi si Hiro. “Bakit naman hindi ako magiging
sigurado? We had this contract since our marriage started. I am sure, Laura.”
Sandali siyang tumigil at nangunot ang noo. “H’wag mong sabihin na ayaw mong
makipaghiwalay sa akin?”
Nag-iwas ako ulit ng tingin. Hindi lingid sa kaalaman
ni Hiro na may gusto ako sa kaniya. Kaya nga kahit na ano ang gawin kong
pakikipaglapit sa kaniya ay umiiwas siya. Dahil alam niya na gusto ko siya.
“We are a mistake, Laura. You know that. Hindi ko
gustong magpakasal sa ‘yo pero tinuloy ko. Dahil inirerespeto ko ang mga
magulang natin. So, please. Don’t ask for too much. We can never be together,”
mariin niyang sabi.
Lalong hindi na ako nakasagot. Pakiramdam ko ay may
bumara na sa lalamunan ko. Parang kutsilyong tuamtarak sa dibdib ko ang mga
salita niya. Napakasakit isipin na kahit na ano pala ang mangyari ay hindi niya
ako magugustuhan. Kahit manlang bilang kapatid.
“I’ll go now. H’wag ka nang umasa na uuwi pa ako. My maids
will take my things for me.”
Noong marinig kong nakaalis na si Hiro ay doon lang
ako napabuga ng hangin. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko sana
gustong makipaghiwalay sa kaniya. I want to stay with him the rest of my life.
Pero ano ang gagawin ko? Ayaw niya talaga sa akin kahit na ano pa ang mangyari.
Sigurado ako na tuwang-tuwa na siya ngayon dahil Malaya na niyang makakasama si
Naomi.
Nasapo ko na ang bibig ko at pilit na pinakalma ang
sarili. Ngunit dahil sa aking ginawa ay biglang bumaligtad ang sikmura ko.
Dali-dali akong tumayo at tumakbo papunta sa kusina. Doon ay sumuka ako sa lababo
kahit na wala namang lumalabas sa bibig ko. Hinihingal pa akong napaupo sa
upuan habang nagsasalin ng tubig noong bigla akong may na alala.
Hindi pa ako nagkakaroon ng buwanang dalaw!
Napalunok ako. Oo, hindi man kami kagaya ng ibang mga
relasyon ay may nangyayari sa amin ni Hiro. Pero nangyayari lang iyon sa tuwing
nalalasing si Hiro. Ni minsan ay hindi niya ako ginalaw na walang alak sa
sistema niya. Tapos ay pangalan ni Naomi ang palagi niyang binabanggit. Tiniis
ko iyon kahit na masakit.
Agad akong tumayo at nagpunta sa kwarto namin para
magbihis. Kailangan kong makumpirma ito. Baka kapag malaman ni Hiro na buntis
ako ay hindi na niya maisip na ituloy ang paghihiwalay namin.
Lumabas ako ng bahay dala ang pag-asang tama ang
hinala ko. Pumunta ako sa pinaka malapit na butika at bumili ng pregnancy kit.
Pagkatapos ay umuwi rin ako agad para gamitin iyon.
“Yes!” masayang sabi ko habang nakatitig sa dalawang
linya ng pregnancy kit. Buntis ako! Siguro kung tama ang pagkalkula ko ay isang
buwan na akong buntis dahil iyon ang huling beses na mayroong nangyari sa amin
ni Hiro. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Hiro. Ngunit hindi
ito sumasagot. Kaya naisipan kong maligo na lang para pumunta sa opisina nito.
Pagkarating doon ay agad akong pinapasok ng guard sa
building. Alam ng lahat na ako ang asawa ni Hiro kaya hindi na nila ako
hinaharang. Papasok na ako sa opisina niya noong bigla akong hinarang ng
sekretarya ni Hiro.
“Why?”
“Ahm, M-Ma’am. Hindi po kayo pwedeng pumasok ngayon sa
loob.”
Umarko ang kilay ko. “Ako? Bakit naman? Bibisitahin ko
ang asawa ko. May kailangan akong sabihin sa kaniya.”
Nangunot ang noo ko noong mapansin kong hindi mapakali
ang mga mata nito. Hindi ito makatitig sa akin ng deretso. Kitang-kita ko pa
ang pamamawis ng noo nito kahit na napakalamig naman sa loob. Doon ay bigla na
akong nakaramdam nang kakaiba. Hindi ko na siya pinansin at dali-daling pumasok
sa loob ng opisina. Nanlaki ang mga mata ko noong makita kong nakaupo si Hiro
sa swivel chair niya, at sa kandungan niya ay naroon si Naomi na nakakuyampot
pa ang mga kamay sa leeg ng asawa ko.
“Laura? What are you doing here?” nagtatakang tanong
ni Hiro. Ni hindi manlang ito nag-alala sa presensya ko. Asawa niya ako! Dapat
ay itinutulak na niya si Naomi!
Humigpit ang hawak ko sa pinto. Biglang Nawala ang
lahat ng galak na nararamdaman ko dahil nalaman kong buntis ako. Para saan pa nga
ba na sabihin ko sa kaniya ang sitwasyon ko? Masayang-masaya na siya ngayon
dahil makakasama na niya ang totoong mahal niya. Ang babaeng talagang gusto
niyang makasama habang-buhay.
“I-I… Nothing.”
Dali-dali na akong tumalikod at patakbong umalis sa
silid. Halos madapa pa ako dahil unti-unti nang nanlalabo ang mga mata ko dahil
sa mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata ko.
Ganoon na lang ba talaga iyon, Hiro? Ni hindi ka
manlang nagpakita nang kahit na anong pangamba na mawawala na ako sa ‘yo. Kahit
katiting manlang ay hindi mo ako magawang tingnan kagaya ng mga titig mo kay
Naomi. Kahit kaunti lang sana. Kahit para na lang sa magiging anak natin.
Chapter 2: Welcome back, Philippines
Five years later
“Welcome us back, Philippines! Whoa!”
Napailing ako noong marinig ko ang malakas na sigaw ni
Jasmine. Ang best friend ko. She’s been with me while we are in Amsterdam. I
stayed there magmula noong maghiwalay kami ni Hiro. I want to start a new
beginning. Buong buhay ko ay nakaikot sa kaniya kaya minabuti ko nang malayo.
“Lauren! Be careful!” I shouted in reflex when I saw
my daughter near the automatic door. Nagmamadali akong lumapit sa
kaniya at hinila siya palayo roon. “I told you not to let go of mommy’s hand,
right?”
Agad na lumabi si Lauren. “I’m sorry, mommy.”
“Ano ba ‘yan? Kararating lang natin nag-aaway na naman
kayong mag-ina. Let’s go na!” yaya ni Jasmine. “Come here, Lauren.”
Napabuga na lang ako ng hangin at hinayaan si Jasmine
na hawakan ang anak ko. Mas kaunti kasi ang laman ng tinutulak niyang cart.
Doon niya sinakay si Lauren at nagpatuloy na sa paglabas ng airport.
Walang nakakaalam na uuwi kami ngayong araw. Even my
parents don’t know that I am here already. Sa totoo lang, walang nakakaalam
kung nasaan ako noong mga nakalipas na limang taon. Mas gusto ko ng tahimik na
buhay kasama ang anak ko. And yes, Hiro don’t know about Lauren. I decided not
to tell him dahil nakita ko naman na masaya na siya sa bagong buhay niya
ngayon.
I guess, hindi niya talaga naisip na magiging parte
ako ng buhay niya. So, what’s the poin on telling him about our daughter?
Umuwi ako rito sa Pinas dahil may kailangan kaming
asikasuhin sa business namin ni Jasmine. Dahil parehas kaming mahilig sa nail
arts, iyon ang naisipan naming itayo ni Jasmine. Mula sa mga nail polish,
acrylic nail extensions, gel polish, or kung ano-ano pang related sa pagma-manicure.
Isa na rin akong registered nail tech ngayon at gano’n din si Jasmine. We named
our business as LJ’s Nail cosmetics.
Noong una ay hindi naging madali ang pagpapatakbo namin.
Marami kaming kakompetensya sa Amsterdam. Pero unti-unti ay naging kilala kami
dahil sa ‘de kalibreng mga gawa namin. Mayroon na nga kaming mga suking international
actresses.
This time, naisipan naming magbukas sa Pinas. Ayaw ko
pa sana pero pinilit ako ni Jasmine dahil mayroon daw may gustong makisosyo sa
amin. Since naisip ko na matagal na rin naman kaming hindi nakauwi ay pagbibigyan
ko na lang siya.
“Ready na ang unit na titirahan natin habang nandito
tayo. Are you sure you don’t want to go back to your family?” tanong ni Jasmine
sa akin. Nakasakay na kami sa kotse na maghahatid sa amin sa bahay.
Tiningnan ko si Lauren na ngayon ay mahimbing nang
natutulog sa pagitan namin ni Jasmine. “H’wag na muna siguro.”
“Don’t tell me na wala ka pa ring sinabi sa kanila?”
Matipid lang na nginitian ko si Jasmine. Agad naman
niyang na iikot ang mga mata.
“Nicole, I understand why you are doing this. Pero
hindi mo maitatago ito nang matagal. Lumalaki na si Lauren.”
“I know, Jas. Pag-iisipan ko pa muna nang mabuti. Alam
mo naman na ako ang sinisisi nila Dad sa paghihiwalay namin ni Hiro.”
“Ang hirap kasi sa ‘yo, nasaktan ka na nga ng gagong ‘yon.
Reputasyon niya pa rin ang iniisip mo. Paano ka naman?” ‘
Napatitig ako sa labas ng bintana ng kotse. Noong
naghiwalay kami ni Hiro ay galit na galit sa akin ang pamilya ko. Iniisip nila
na hindi ako naging mabuting asawa kaya ako hiniwalayan ni Hiro. Hindi ko nga
alam kung bakit sila gano’n. Eh hindi naman natigil ang pagiging magkasosyo ng
mga pamilya namin. Mas gumanda nga ang negosyo nila.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ‘di ko
masabi sa iba ang totoong dahilan nang paghihiwalay naming ni Hiro. Hindi ko sa
kanila masabi na hindi naman talaga ginustong makasal sa akin ni Hiro. Ginamit
niya lang ako para makuha ang posisyon niya.
“You know what? H’wag na natin silang isipin. Tungkol
naman sa business ang pinunta natin dito eh. Hindi rin naman tayo magtatagal,”
sabi ko na lang. Tiningnan pa rin ako ni Jasmine na para bang hindi siya
makapaniwala.
Alam ko naman na maliit ang mundo. Napakaliit ng Pilipinas.
Pero gagawin ko ang lahat para lang maiwasan silang lahat. Ayaw kong pati si
Lauren ay masisi sa mga failure ko sa buhay. She’s the most important person to
me now.
Hindi gano’n kalaki ang unit na nabili ni Jasmine.
Pero sakto na para sa aming tatlo. Tatlo rin ang kwarto. Dalawa ang master
bedroom at isa para kay Lauren. Mukhang pinaghandaan talaga ni Jasmine ang
pag-uwi namin dahil mayroon na ring mga gamit sa loob.
“This will be our new house, mommy?!” excited na
tanong ni Lauren. Namimilog pa ang mga mata niya habang inililibot ang mga tingin
sa palagid. Napangiti na lang ako at tumango.
“Yes, baby. But not for too long only. We’ll still be going back to our place.”
“Okay, mommy! Where’s my room?”
“Ay! This is your room, baby!” si Jasmine ang sumagot.
Pumunta siya sa gitnang pinto sa may gilid at binuksan ang pinto.
Sumunod ako sa kanila at maging ako ay namangha noong
makita kong maayos na rin ang kwarto.
“Wow! Sofia!” tuwang-tuwang sabi ni Lauren. Paboritong-paborito
niya ang cartoon character na princess na iyon. Walang araw na hindi ito
pinapanood ng anak ko sa tv.
Napangiti ako nang malapad at tiningnan si Jasmine. “Thank
you, friend. Hindi ko talaga alam kung wala ka sa tabi ko.”
Tumawa si Jasmine. “Ako pa ba? Eh parang anak ko na
rin ‘tong si Lauren. Ako nga nagpangalan, ‘di ba?”
“Oo. Kaya thank you!”
“Sus! Ikaw kasi. Ang tigas ng ulo mo. Pero don’t
worry. Kahit na ano’ng katigasan ng ulo mo, I will support you. Para ko na ring
anak ‘tong si Lauren eh.”
Kumapit ako sa braso niya. “Kulang na nga lang pakasalan
na rin kita!” biro ko.
“Why not? Alam mo naman ako. I am open to all.”
Natawa na lang ako sa sinabi ni Jasmine. Marahan kong
hinampas ang braso niya. “Sira ka talaga!”
“Tumawa rin si Jasmine. “Now, we need to settle down.
Bukas na bukas ay kakausapin na natin ang magiging business partner natin.”
I nodded. Muli akong lumabas para kuhain ang maleta ni
Lauren. Naglalaron na agad ang anak ko sa maliit na tent sa kwarto niya. Mayroon
na rin kasing mga laruan doon.
“You haven’t told me about them.”
“Hindi ko pa rin naman kasi sila nakikilala. Si Jude
lang ang nakakausap ko. She said na isang sikat na artista raw iyon.”
Bigla akong napaisip at nakaramdam nang kaunting kaba.
Pero imposible naman. Napakaraming artista sa Pinas.
Chapter 3: Meeting him again
“Sigurado ka ba talagang dadating ‘yon?” tanong ko kay
Jasmine. We’ve been in the restaurant for thirty minutes already. Naubos na nga
ni Lauren ang tanghalian niya dahil hindi pa rin nadating ang ka-meet-up namin.
“Sabi ni Jude parating na eh. I’ve been texting her
but she’s not replying.”
“Try to call her instead. Naiinip na ‘tong inaanak
mo.”
Napatingin ako kay Lauren na nasa lapag na sa gilid ko
at naglalaro ng laruan niya. Mabuti na lang at naisipan kong magdala ng scarf
at mga laruan niya. At nasa restaurant kami kung saan may sari-sariling kwarto
ang mga customers.
“You know what? You’re right.”
Tumayo na si Jasmine at naglakad na palabas ng silid.
Pero hindi pa man niya nabubuksan ang pinto ay kusa na iyong bumukas. May
pumasok na babaeng nakasuot ng pulang bestida at para bang hapong-hapo.
“Jude? Ikaw na ba ‘yan?”
“Jasmine! Oh my god! I’m sorry we are late. Na traffic
kami. I couldn’t reply to you kasi kausap ko rin si Miss Naomi.”
Biglang nagpantig ang tainga ko noong marinig ko ang
pangalang iyon. “What did you say?” Napatingin din sa akin si Jasmine na para
bang nagulat din. “Who is the person who wanted to be our business partner?”
Tumingin sa akin si Jude. “Oh, you must be Miss
Salazar? Yes. Si Miss Naomi B. You know? Say cheese!” Umakto itong naka-peace
sign at ngumiti nang wirdo.
Napaingos na ako. Tumayo na ako at akma nang tatawagin
si Lauren noong may pumasok pang babae sa loob ng silid. Doon ay bigla na akong
binundol ng kaba. I can’t believe this. Halos walang pinagbago ang
hitsura ni Naomi magmula noong huli ko siyang nakita. Still look pretty and
classy. Hindi na nakapagtataka dahil isa siyang artista. Well maintained.
Idagdag pang nahuhumaling sa kaniya ang panganay na anak ng pinaka tanyag na
pamilya sa bansa. Ang dati kong asawa.
“Hi! Sorry we are late. Traffic kasi tapos may
dinaanan pa kami. Ikaw ba si Jasmine Fuentes?” tanong agad nito kay Jasmine.
Muli akong naupo at mahigpit na kumapit sa laylayan ng
mahabang palda na suot ko. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako ulit na
insecure sa hitsura ko. Bakit ba kasi mahabang palda at long sleeve na blouse
ang sinuot ko? Walang-wala sa black fitted dress na suot ni Naomi. Litaw na
litaw ang kaputian at kaseksihan nito. Hindi na ako magtataka kung bakit
gustong-gusto siya ni Hiro.
“Y-Yes. You are Miss Naomi B. The actress, right?”
“Yes, I am. And I’m really excited for our
partnership!” Marahan nitong hinampas ang balikat ni Jasmine. Napangiwi pa ang
kaibigan ko at pilit ang mga ngiti. “Ah, wait. Kaya nagtagal kami, kinailangan
ko pang daanan ang fiancée ko. Where was he?”
Sa puntong iyon ay nakaramdam na ako nang
pagkataranta. Everyone knew who was her fiancée! At syempre alam ko rin kung
sino iyon. My ex-husband! Napamura ako sa isipan ko at tiningnan si Jasmine.
Marahan akong umiling at tumayo.
“E-Excuse me. Medyo sumama ang pakiramdam ko. I think
I can’t go on with this meeting. My friend here will talk with you instead—”
Natigilan ako noong biglang may pumasok na naman sa
silid. Pakiramdam ko pa ay hindi narinig ni Naomi ang sinabi ko. Or I don’t even
think na napansin niya ako sa loob. Nakatuon ang atensyon niya sa lalakeng pumasok
ng kwarto. Agad itong lumingkis sa braso ng lalake at ngumiti nang malapad.
“There you are! We’ve been waiting for you!” magiliw
na sabi ni Naomi.
“I’m sorry. May nadaanan kasi akong business partner.
So, shall we… start?”
Humigpit ang kapit ko sa tagiliran ko noong mapatingin
sa pwesto ko si Hiro. Pakiramdam ko rin ay nanigas ang katawan ko at nagtayuan
lahat ng buhok ko sa katawan. Wala pa rin siyang pinagbago. Those strict, serious,
and cold eyes. His thick eyebrows. Ang perpektong hulma ng ilong niya at
parisukat na panga. Napaka gwapo pa rin. Alam kong mali at hindi na tama pero hindi
ko maitatanggi na para bang mas naging maganda ang hitsura ni Hiro ngayon na
dumagdag ang edad nito.
Napalunok ako nang laway at nag-iwas ng tingin. I know
he recognized me. But… like he care, right?
Tumikhim nang malakas si Jasmine. “Y-Yes! Welcome,
Mister… Servaño, right?” tanong ni Jasmine.
“Yes. It’s me.”
“Okay… this is my friend, Nicole. Kami ang may-ari ng
LJ’s Nail Cosmetics.”
Matipid akong ngumiti sa kanila. “H-Hi.”
“Hmm… why do you look familiar?” tanong ni Naomi na
ngayon ay nakatitig na sa akin.
Bumuga ako ng hangin at pilit na pinakalma ang sarili.
Napansin ko na nakatitig pa rin sa akin si Hiro pero wala itong emosyon. Hindi
ko alam kung ano ang iniisip niya. Pero sigurado ako na wala naman siyang
pakealam sa presensya ko kaya hindi ako dapat ma-bother.
“W-We do videos sometimes. Kaya siguro.”
“Anyway! Let’s sit?” yaya ni Jasmine.
Pakiramdam ko ay nanlalambot na ang mga tuhod ko noong
maupo ako ulit. Pinagsaklob ko pa ang mga kamay ko dahil nanlalamig na iyon.
Ano ba kasing problema sa akin?!
Nakakainis!
I know, hindi ako kilala ni Naomi. Actually, halos
walang nakakaalam na ako ang asawa o naging asawa ni Hiro. Sa huwes kasi kami
ikinasal at pamilya lang namin ang naroon. Wala ring masyadong nangyari dahil
nag-inom lang si Hiro. Pagkatapos no’n ay talagang hindi na niya ako
ipinakilala sa lahat. Mas lantaran pa nga niyang ipinapakita sa iba si Naomi
kaysa sa akin.
Halos wala na akong naitulong sa meeting namin. Ramdam
ko rin na nag-aalala si Jasmine sa akin kaya ramdam ko na parang nagmamadali
siya sa pagpapaliwanag sa mga ito. The whole time na nagdi-discuss sila ay
ramdam ko ang mga titig ni Hiro. Ni hindi manlang niya itinatago na nakatitig
siya sa akin.
What do I expect? Gano’n naman talaga siya. Patapos na
sana kami noong bigla kong maalala si Lauren. Bigla kasi siyang sumandig sa may
paanan ko kaya naramdaman ko siya.
Fuck. Hindi dapat malaman ni Hiro ang
tungkol kay Lauren!
“So, Miss Lau—Nicole.”
Napakislot ako noong marinig ko ang boses ni Hiro.
Pagtingin ko sa kaniya ay agad na nagkasalubong ang mga titig naming. Kagaya ng
dati ay wala pa rin iyong emosyon sa tuwing napapatingin sa akin. Gano’n ba
niya ako hindi kagusto?
“Y-Yes?”
“Wala ka bang sasabihin? Your friend already discuss us everything,” anito.
Nangunot ang noo ko. Nagtatanong ang mga mat ana tiningnan
ko si Jasmine. Kita ko rin ang pagkagulat nito kaya napabuga ako ng hangin.
“Ano ka ba, love? Okay naman ang paliwanag ni Jasmine.
For sure iyon din ang sasabihin ni Nicole,” malumanay na sabi ni Naomi.
“I’m a businessman, love. You know I need to be sure
of everything. I know some from Miss Fuentes. But I still want to be sure that
her partner is good.”
Pinigilan kong maiikot ang mga mata ko. Nagpapatawa ba
siya? Bakit pakiramdam ko ay sinasadya niya iyon? Pinilit kong ngumiti.
“What do you want to know from me about our business,
Mister Servaño?”
“Something. Like—”
“Mommy, I want to pee.”
Muli akong natigilan noong marinig ko ang boses ni
Lauren. Bigla rin itong tumayo at dumikit sa akin. Nakita kong nakatingin sa
amin si Hiro, at sa unang pagkakataon ay nakitaan ko siya nang pagkagulat. Agad
akong tumayo at tinakpan nang marahan ang anak ko.
“E-Excuse me. Wala kasi kaming maiiwan sa kaniya.”
“You have a child?” tanong ni Hiro.
Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang
isasagot ko roon. Sana pala ay tinanong ko maigi si Jasmine tungkol sa magiging
kasosyo naming. Sana pala ay inusisa ko muna bago ako pumayag na sumama rito. Ang
daming sana tuloy ang nabubuo sa isipan ko ngayon.
“Ahhw, that’s cute! Matagal na naming gustong
magkaanak ni Hiro!” ani Naomi.
Napalunok ako. Hindi ko sinagot si Hiro at akma na sanang
hihilain si Lauren. Pero bigla itong gumilid at tumingin kay Hiro.
“Mommy, he is daddy, right?”
At doon ay napapikit na talaga ako nang mariin. I
forgot again, hindi ko nga pala itinago sa anak ko ang tungkol sa tatay niya.
Chapter 4: The Confrontation
“Mommy, he is daddy, right?”
Napalunok ako agad na napatitig kay Hiro. Kitang-kita
ko ang pagkalito sa mga mata niya. Gano’n din ang dalawa pang kasama niya. Pinilit
kong ngumiti at kabadong tumawa.
“S-She’s a child. She calls everyone his dad.” Agad akong
pumihit paharap kay Lauren at tumalungko para maging magkapantay kami. “Baby,
let’s go out, okay?”
Muling tumingin si Lauren kay Hiro at lumabi. “He’s
daddy.”
Hinawakan ko ang kamay ng anak ko at tumayo na.
Hihilain ko na sana siya palabas pero bigla ring tumayo si Hiro.
“Let’s talk.”
“What? Love!” ani Naomi.
Agad na tumayo si Jasmine at hinawakan si Lauren. “I
will accompany her to the toilet.”
Bago pa man ako makapagreklamo ay nahila na ni Jasmine
si Lauren palabas ng kwarto. Pagharap ko naman ay nakita ko si Hiro na papalit
sa akin.
“Everyone out,” ma-awtoridad na sabi ni Hiro.
“S-Sir, there must be a mistake—”
“Out!”
Halos mapalundag na ako noong biglang nagtaas ng boses
si Hiro. Napaatras pa ako nang kaunti dahil sa gulat. Pagtingin ko kay Naomi ay
ang sama na ng tingin niya sa akin. Pero padabog itong tumayo kasabay ni Jude
at lumabas ng kwarto. Kanina ko pa sinasabi sa sarili ko na dapat lumabas din
ako ng kwarto. But my body felt like it became a stone. Hindi ko alam na
hanggang ngayon ay may epekto pa rin sa akin ang presensya ni Hiro. Akala ko
all these years ay nakalimutan ko na siya.
Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang
sarili. Pinilit ko nang salubungin ang mga titig ni Hiro pero pakiramdam ko ay
nanlambot na naman ang mga tuhod ko. Salubong ang mga kilay niya habang seryosong
nakatitig sa akin.
“M-Mister Servaño, can’t we just let this go? Bata
siya.”
“I could. If you weren’t my ex-wife.”
Napalunok ako ng laway noong binaggit niya ang
nakaraan namin. Bakit ba ako kinakabahan? Wala naman siyang pakealam sa akin. And
so, what kung nalaman niyang may anak ako? Hindi naman niya alam na siya ang
tatay.
“Hiro, matagal na tayong hiwalay. And I know that you don’t care about me, right?”
Bahagyang umarko ang kilay ni Hiro. Nakita ko rin na
para bang nagulat siya sa pagsagot ko. Hindi naman nakapagtataka dahil noon ay puro
oo lang ako sa kaniya.
“That child. Why is she saying that I am his father?”
I smirked. “She’s a child. What do you expect? At kung
iniisip mong ikaw ang tatay niya. H’wag kang mag-alala, she’s not yours.”
Ilang sandali akong tinitigan ni Hiro. Tumalikod siya
sa akin at sinuklay ang buhok sa tuktok gamit ang mga daliri. I was just
standing behind him while waiting for him to talk to me again. I could sense
that he doesn’t believe me.
Muli siyang pumihit paharap. “Who’s her father then?”
Namilog ang mga mata ko. I opened my mouth and tried
to tell him something. Shit! Wala akong maisip! I’ve never been involved
with any man after our divorce!
“A-Ano pa ba ang pakealam mo? Pwede ba? Para saan pa
ito, Hiro? We’ve divorced already! Your fiancée is outside!” I exclaimed.
“Because she could be my child and you fucking hid it
from me!”
“She’s not your child, okay?! Wala kang anak sa akin!
So, please? Stop this now!”
Umiling-iling si Hiro. “Let’s have a DNA then.”
“No!” Dinuro ko siya. “Don’t you dare do anything to
my daughter! Idedemanda kita! Tapos na tayo, Hiro. Matagal na! So, don’t act
like you still care for me because never did!” Napapikit ako saglit at huminga
nang malalim. “You know what? The deal is off! I can never be business partners
with both of you!”
Tinalikuran ko na siya at nagmamadaling kinuha ang mga
gamit namin. Hindi na rin niya ako pinigilan kaya malaya akong nakalabas. Pero naroon
pala sa tapat ng pinto si Naomi at naghihintay na may lumabas sa amin.
“Excuse me?”
“I knew it! Kaya pala pamilyar ka sa akin!”
“So?”
“Sinadya mo ‘to para mapalapit ulit kay Hiro, ‘no?
Well, sorry for you! Pero wala ka nang babalikan dahil ikakasal na kami ni Hiro.
Tanggap na ako ng pamilya niya!”
Nangunot ang noo ko. Tiningnan ko siya mula ulo
hanggang paa. “And? Like I care?” Tuluyan na akong lumabas ng kwarto.
Naramdaman ko pang tumama ang balikat ko sa balikat niya pero hindi ko iyon
pinansin.
“You, bitch!”
Napailing na lang ako. I never knew na may gano’ng
ugali pala si Naomi. She sounds jealous. To me? Why? Ilang taon akong nag-self
pity dahil sa kaniya. Pagkarating ko sa may banyo ay nakita kong papalabas na
sila Jasmine.
“Let’s go,” I said.
“Huh? Paano ‘yong meeting?”
“Wala nang meeting na mangyayari. Let’s go.”
Inabot ko kay Jasmine ang ilang bag at hinawakan ang
kamay ni Lauren. Hindi na ako nagsalita pa at nagmamadaling pumunta sa parking
lot.
“Mommy, I want to talk to daddy!” ani Lauren pagkaupo
ko sa kaniya sa kotse.
“Not now, Lauren. You already cause much,” mahinahon
ngunit may riin kong sabi.
“But I want to talk with daddy!”
“Lauren!” Tiningnan ko si Lauren na bahagyang
nanlalaki ang mga mata ko. Agad namang lumabi ang anak ko at tumungo. Napabuga
ako ng hangin. “Okay, I’m sorry. We will do that someday, okay?”
“Does daddy don’t want me?”
“Huh? N-No, baby. We will talk when we get home, okay?”
Marahang tumango si Lauren. Sumakay na ako ng kotse at
hinayaan na si Jasmine ang mag-drive ng kotse.
I can’t believe that this happened! Of all people, si
Hiro ang pinaka ayaw kong makita. Lalong lalo na ayaw kong magkita na sila ni
Lauren. I know, unfair na kung unfair. Pero kung ayaw sa akin ni Hiro, I know
for sure na hindi niya rin gugustuhin ang anak namin. At ayaw kong maramdaman
iyon ng anak ko.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Agad kong
pinapasok si Lauren sa kwarto niya at kinausap si Jasmine.
“Bakit hindi mo sinabi?” I asked.
“Hindi ko rin alam, Nicole. I’m sorry, okay?”
“Ano na ang gagawin ko ngayon? I know him! Hindi siya
titigil hanggat hindi niya nalalaman ang totoo. Sabi ko na nga ba dapat hindi
ako pumunta rito eh!”
“Calm down, ano ba?” Hinila ako ni Jasmine paupo sa
upuan sa may dinning. Kumuha siya ng tubig sa ref at nagsalin sa baso saka
inabot sa akin. “Bakit hindi mo na lang sabihin kay Hiro?”
Pinandilatan ko si Jasmine. “Are you crazy?
Nakalimutan mo na ba ang nangyari sa amin?”
“I know, Nicole. Pero kasi, hindi mo rin naman tinago
kay Lauren kung sino ang tatay niya, ‘di ba? So what’s the point on hiding it
to him?”
“I—” Bumuga ako ng hangin. “I don’t know. Hindi ko
naman kasi inakala na mangyayari ito. Wala na sana akong balak makita siya,
remember?”
Tumabi siya sa akin at inakbayan ako. “It’s okay.
Fine. Kung hindi ka pa handa, give your self a time. Pero, Nicole, kagaya nang
sabi mo. Hiro won’t sit still now for sure. May pakealam man siya o wala sa ‘yo.
There is still a possibility para sa kaniya na may anak siya sa ‘yo. And that’s
a different issue.”
Bumuga ako ng hangin. I know Jasmine has a point. Pero kahit na magkaroon nang pakealam si Hiro sa anak namin ay hindi ko sa kaniya sasabihin ang totoo. Ayaw kong bigyan ng false hope ang anak ko.
Chapter 5: The Family
“Is everything ready?” tanong ko kay Lauren. Isa-isa
kong tiningnan ang mga gamit niya. After our encounter with Hiro, hindi na ako
papayag na magtagal pa kami rito sa Pilipinas.
“Yes, mommy.”
Natigilan ako noong marinig ko ang malungkot na boses
ng anak ko. Pagtingin ko sa kaniya ay nakasimangot siya habang nakatingin sa
sahig. Nanunulis pa ang nguso at magkakrus ang mga kamay. Napabuga ako ng
hangin. Kagabi niya pa ako tinatanong tungkol kay Hiro. Pero hindi ko naman
masabi ang totoo. Itinigil ko muna ang ginagawa ko at naupo sa tabi niya.
“What’s the problem, Lauren?”
“Are we really going home, Mommy? I still want to see,
Daddy.”
“Haven’t we talked about this already? Hindi ba sinabi
ko na we can’t talk with him.”
“But why, Mommy? I don’t understand why. Ayaw ba sa
akin ni Daddy? Hindi niya ba ako love?”
Parang biniyak ang puso ko noong marinig ko ang mga
tanong ni Lauren. I wanted to tell her that he loves her. Pero paano? Pwede ba
talagang mangyari na mamahalin niya ang anak ko kahit hindi naman niya ako
gusto? Sana nga ganoon. Pero ayaw ko nang ipagsapalaran pa ang mararamdaman ng
anak ko.
“You will understand when you’re older, Lauren. For
now, let’s go home, okay?”
Marahang tumango ang anak ko. Kita ko pa rin na hindi
niya tanggap ang sinabi ko. Pero ano nga ba ang magagawa ko? This is our
reality.
Matapos kong ihanda ang mga gamit naming ay binihisan
ko na si Lauren. Noong handa na rin ako ay nagpa-book na ako kay Jasmine ng
taxi papunta sa airport.
“Are you really going to do this, Laura Nicole?”
tanong ni Jasmine. Bahagya pa akong napangiwi dahil sa pagtawag niya sa buong
pangalan ko.
“Yes, Jasmine. Kaya mo na naman dito, ‘di ba? If they
want to continue the partnership. Pwedeng ikaw na lang ang kumausap sa kanila. Parehas
naman tayong owner eh.”
Bumuga ng hangin si Jasmine. I could see the stress in
her eyes. “Hindi naman ‘yon ang ibig sabihin ko. Do you see how sad Lauren is? She
wants her dad. Sinabi ko na sa ‘yo na hindi mo kayang itago ito nang matagal.”
Tiningnan ko si Lauren na nakaupo sa sofa. Nakalabi pa
rin ito habang malungkot na nilalaro ang paborito nitong stuff toy.
“I know, Jasmine. I know. I’m sorry. Pero ito ang sa
tingin ko na makabubuti sa kaniya. I’m doing this for her.”
Sabay kaming napatingin ni Jasmine sa pinto noong
marinig naming may nag-doorbell.
“May bisita ka?” tanong niya.
“Ako? Wala. Wala namang nakakaalam na narito tayo.”
Iwinaksi ni Jasmine ang kaniyang kamay. “Baka sa management
dito. Ako na ang magbubukas. Mag-ready ka at tatawagan ko na ang driver niyo.
Wait lang.”
Tumango ako. Hinayaan ko na si Jasmine na pumunta sa
may pintuan. Ako naman ay lumapit kay Lauren at muling chineck ang mga bag namin.
Kompleto na iyon at maayos na. Mabuti na lang talaga at hindi ko lahat inilabas
ang mga gamit ko.
“So, it’s true. You are really back!”
Natigilan ako noong may marinig akong ibang boses.
Agad akong nagtaas ng ulo at nanlaki ang mga mata ko noong makita ko sina Mommy
at Daddy na nakatayo sa harapan namin. Nasa likuran nila si Jasmine na
nakangiwi at gulat din na nakatingin sa akin. Tumayo ako at hinarap sila.
“M-Mommy—” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang
may tumamang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ko. Nakaramdam nga ako nang
kaunting hilo pero nakatayo pa rin ako. Naluluhang tiningnan ko si Mommy.
“You dare to go back here without telling us?! Ano ba
sa tingin mo ang pinagmamalaki mo, ha? Ang pipitsuging negosyo niyo?!” galit na
sabi nito.
Sasagot sana ako pero narinig kong umiyak si Lauren sa
likuran ko. Agad ko siyang hinarap at niyakap.
“W-Who are they, Mommy? Why is she hitting you?” umiiyak
na tanong ng anak ko.
Doon ay napaluha na ako. Tiningnan ko si Jasmine at
sinenyasan itong kuhain si Lauren.
“You have a daughter? Sino ang tatay niyan?” tanong ni
Daddy.
Huminga ako nang malalim. “J-Jas, pakilabas muna si
Lauren, please.”
“Okay, bes.”
Noong makalabas na sila Jasmine ay muli kong hinarap
sila Mommy. Agad akong binalot noong muli kong masalubong ang galit na galit na
mga titig ni Mommy. Si Daddy naman ay walang ekspresyon ang mukha. Pero mas
nakakatakot siya kapag nasa ganitong hitsura niya.
“U-Upo po kayo,” magalang pa rin na sabi ko sa kanila.
Pero hindi natinag sila Mommy at masama pa ring nakatitig sa akin.
“Hindi mo ba alam kung anong kahihiyan ang ginawa mo
sa amin, ha? Laura Nicole? Dapat hindi ka na bumalik pa rito!” ani Mommy.
Agad akong nakaramdam nang pagkirot sa aking dibdib
dahil sa sinabi niya. “W-Wala rin naman po akong balak na bumalik dito eh. I
just had too.”
“At talagang nagmamalaki ka na, ha?!”
“Honey, calm down, okay?” Hinawakan ni Daddy ang balikat
ni Mommy at marahan iyong tinapik. “Bakit hindi mo sinabi sa amin na uuwi ka
pala?” tanong ni Daddy.
I smirked. “Wala namang may gustong narito ako, Dad.
Para saan pa?”
Nakita ko agad na lalong nagalit si Mommy. Magsasalita
pa nga dapat ito pero pinigilan ito ni Daddy.
“Laura, you are still our daughter. Bakit hindi mo
sinabi na buntis ka pala noon?”
“For the record, it’s not what you think, Dad. Hindi
si Hiro at tatay ng anak ko.”
“At ano? Nagpabuntis ka na sa kung sino-sinong poncio
pilato riyan?” sabat ni Mommy.
Hindi ako nakasagot. Nag-iwas ako ng tingin at hindi masalubong
ang mapanghusga niyang mga mata. Sa kanilang dalawa, si Mommy ang palaging
gustong perfect ako sa mga ginagawa ko. Just because her life was perfect too
like what she describes to us. Pero ang hirap gawin ang gusto niya lalo na kung
imposible naman iyon.
“See? That’s your child, Roman! Hindi ko alam kung ano
ba ang ginawa kong kasalanan at bakit siya nagkaganito. Hindi na nadala noong
hiniwalayan ni Hiro. Tapos ngayon ay nabuntis pa siya ng kung sinong lalake!”
ani Mommy at bigla na lamang humagulhol.
Hindi ako sumagot. Ganoon naman palagi ang ginagawa
ko. Hindi na lang ako sumasagot para lang hindi na humaba pa ang diskusyon namin.
Mas pinipili kong masama ang tingin nila sa akin.
“Okay, okay,” ani Daddy. “You’ll go home now, Laura.
You and your child.”
Natigilan ako sa sinabi ni Daddy. Nalilitong tiningnan
ko siya. “What do you mean?”
“Hindi ko na kaya pang hayaan kang mapariwara. You are
still my daughter. Kaya uuwi ka na sa bahay. And you can’t say no.”
Chapter 6: “No!” mariin kong sabi.
“No!”
mariin kong sabi.
Napatigil
si Mommy at Daddy na palabas na sana ng unit namin. Namimilog ang mga mata ni
Mommy habang si Dad naman ay walang ekspresyon.
“I can’t
go home. I won’t go home!”
Mom
winced. “Are you seriously saying no to us now?”
Huminga
ako nang malalim. Hindi ko alam kung bakit nila ako pinapauwi. Pero sigurado
ako na hindi iyon dahil sa gusto nila ako ulit makasama. They are all ashamed of
me. I will never forget that.
“Mom,
please. Can you just let me go?”
“At ano
ang gagawin mo, Laura? Hindi ka namin hahayaan para mas lalo mo pa kami
ipahiya!”
Napatungo
na ako dahil ayaw kong makita nila na naluluha na ako. I don’t want them to see
my fears towards them. Pero kahit na ano ang gawin ko ay hindi ko pa rin talaga
magawang h’wag silang sundin. In the end, sumama kami kila Mommy kahit na
pinipigilan ako ni Jasmine. Isinama ko na lang siya dahil iyon ang ginawa kong
kondisyon sa mga magulang ko.
“Where are
we going, Mommy?” tanong ni Lauren.
Napangiti
ako sa kaniya at bahagyang hinaplos ang buhok. “To Lola and Lolo’s house.” Naramdaman
ko na mas sumiksik sa akin si Lauren at yumakap.
“But they
look scary, Mommy. Are they mad at us? I heard Lola shouting at you. Shouting
is bad, right?”
Bigla
akong nalungkot sa sinabi ni Lauren. “Yes, it’s bad. Lola is just… surprised.”
Hinalikan ko ang ulo niya. “Because she now has a cute little granddaughter!”
“Really?”
“Yes,
Baby. Don’t worry. Mommy is here. I will protect you with all my heart, okay?”
Tumango si
Lauren. Niyakap ko na siya at bahagyang hinagod ang braso para makatulog ito. Napansin
ko ang pananahimik si Jasmine na nakatitig lang sa labas ng bintana. Hindi siya
pabor na sasama kami sa mga magulang ko kaya alam ko na masama ang loob niya.
Mabuti na lang at ibang sasakyan ang gamit namin ngayon.
“Are you
okay, Jas?”
“Huh?”
Biglang napatingin sa akin si Jasmine. “What? May sinasabi ka ba?”
Naiikot ko
ang mga mata ko. “I’m asking if you are okay.”
“Oh.” Tumikhim
siya at umayos ng upo. Muli siyang nag-iwas ng tingin at noong humarap ulit sa
akin ay nakakunot na ang noo. “Are you really okay with this, Laura? Pwede namang
h’wag na tayo pumunta sa kanila e.”
Napabuga
ako ng hangin. “You know, Dad. Ayoko na ring marinig ni Lauren ang mga sinasabi
ni Mom.”
“Sa tingin
mo ba kapag umuwi tayo sa inyo ay may magbabago? I mean, hindi ko sila
nakilala, ha? But by just looking at them? Especially your mom? I could tell what
kind of person are they. Baka malaman pa nila ang tungkol kay Lauren.”
“Akala ko
ba gusto mong sabihin ko na sa kanila ang tungkol sa inaanak mo?”
Iniikot ni
Jasmine ang mga mata niya. “Noon ‘yon, noong hindi ko pa sila nakikita. Malay
ko bang mataray pala ang mommy mo!” Umupo siya nang maayos. “Iniisip ko kasi
noong nagkukwento ka sa akin ay istrikto lang talaga sila. But no— energies don’t
lie.”
Napangiti
na lang ako at tinapik ang balikat ni Jasmine. “Kaya nga sinama kita. Alam ko
naman na ipagtatanggol mo kami, ‘di ba?”
Bahagyang
nanliit ang mga mata ni Jasmine na para bang sinusuri ako. Hanggang sa
napailing na lang ito at ngingiti-ngiting tinapik ang kamay ko. “Oo na. Kahit
alam ko na wala naman akong binatbat sa kanila ay ipagtatanggol kita sa mga
magulang mo.”
“Thank you,
Best friend!”
Ngumuso
lang ito sa akin na parang bata. Minsan ay naiisip ko na kapatid ko si Jasmine
pero sa ibang pamilya. Kung sana ay may kapatid nga akong kagaya niya ay mas
madali sanang tanggapin ang lahat. Ano kaya ang pakiramdam noong may
nasasabihan kang kapatid ng problema mo? Ako kasi, never kong naramdaman iyon.
Ilang
sandali pa ay narating na namin ang bahay. Muli kong naramdaman ang pressure na
akala ko ay matagal ko nang hindi mararamdaman. Dito ako lumakit at nagkaisip.
But this place never felt home for me. All I can remember here is the pressure that
my parents gave to me. Being the only child, I should be perfect in any ways.
Kaya noong magkaroon sila ng anak na deborsyada ay itinakwil nila ako agad. I
never thought I would come back to this place.
“L-Laura?
Ikaw nga!”
Napatigil
ako sa paglalakad noong marinig ko ang pamilyar na boses. Si Jasmine na ang may
bitbit kay Lauren dahil tulog pa rin ito noong nakarating kami. Paglingon ko ay
nakita ko si Yaya Lyn. Agad na nangilid ang mga luha ko at tinakbo siya. I
forgot, hindi ko man naramdaman ang pagiging magulang sa kila Mommy. But Yaya
Lyn gave me all the love I needed. Sa lahat ng mga naiwan ko rito ay siya ang
pinaka na miss ko. Gusto nga sana niyang sumama sa akin noon pero ako na ang
nagdesisyon na h’wag na. Isa pa, siya ang mayordoma sa mansyon namin at may pamilya
ring naghihintay sa kaniya. Idagdag na ring sigurado akong malalaman nila Dad
kung nasaan ako kung nakasama ko siya.
“Diyos ko!
Akala ko hindi na kita makikita, anak! Kumusta ka na? Mabuti at nakabalik ka
na!”
Pinahid ko
ang mga luha ko at ngumiti sa kaniya. “I-I’m fine, Yaya. Ikaw? Ang dami mo nang
puting buhok,” biro ko sa kaniya.
“Oo nga e.
Tumatanda na ang yaya mo.” Tumingin siya kay Jasmine. “Sino siya? At sino iyong
batang dala niya?”
“Ahm, she’s—”
“Laura.
Come to my office. We need to talk.”
Napatingin
ako kay Dad na kapapasok lang ng mansyon. Kasunod nito si Mommy na nakasimangot
pa rin. Napabuga ako ng hangin at hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Yaya.
“I will
talk to you tomorrow, Yaya. For now, can you help my friend? She’s Jasmine.”
“Naku, oo
naman. Sige na at kakausapin ka ng daddy mo.”
Muli kong
niyakap si Yaya Lyn at binitawan na ito. I went to my dad’s office to talk with
him. Nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng bintana at nakatanaw roon. Napansin
ko agad ang hawak nitong brown envelope.
“Dad, I
just want to tell you that—”
“Sit down,”
utos nito.
Sandali
akong nakaramdam ng kaba noong magsalita si Dad. Gusto ko sanang sabihin na
hindi kami magtatagal dito. Sinunod ko na lang siya at naupo sa sofa. Lumapit
na rin doon si Dad at naupo sa tapat ko.
“Hindi
kami magtatagal dito, Dad,” sabi ko noong magkaroon na ako ng lakas ng loob.
Dad looked at me without any emotions. Sa tuwing tinitingnan niya ako nang
ganoon noon ay kinakabahan na ako. Gano’n pa rin naman ngayon pero nagawa ko
nang salubungin ang mga tingin niya. Pero mahigpit kong hinawakan ang laylayan
ng bestida ko.
“Why? Can’t
wait to go back to Amsterdam?”
I almost
opened my mouth when I heard what my father said. How did he know where I am? Dad
smirks and puts the envelope on the table.
“Yes,
Laura. I know everything about you when you were gone. Ang address mo, ang
business mo, and even your daughter.”
Mas lalo
akong natigilan dahil sa sinabi nito. “D-Dad…”
“Hiro didn’t
know, right?”
“I told
you. He is not her father,” mariin kong sabi.
“Why don’t
you open that envelope and see that I am not lying.”
Nanginig
na ang mga kamay ko at nangilid ang mga luha. Hindi pwedeng malaman ni Hiro ang
tungkol kay Lauren. She’s my daughter and only mine!
“P-Please,
Dad. Bakit mo ba ito ginagawa? Hayaan mo na lang kami umalis ng anak ko!”
“I’m
sorry, My daughter. Pero hindi ko pwedeng gawin iyon.”
“What?
Y-You can’t decide for me anymore, Dad!”
“Hiro
needs to know about Lauren.”
“No!”
Napatayo na ako. “Hindi ako papayag sa gusto mo, Dad! She’s my daughter and I
will decide when she could talk with her father!” Sunod-sunod na tumulo ang mga
luha ko. Tama nga si Jasmine. We shouldn’t come here. Akala ko ay gusto nila
ako ulit makasama. Pero mali pala ako.
“Hindi ba
pwedeng makinig ka muna sa akin, Laura? Hiro needs to know about his daughter!
You need to go back to him!”
“Are you
kidding me? Alam nating parehas na may fiancée na siya, Dad! At ayaw ko nang
magkaroon pa ng koneksyon sa kaniya!”
“Yes, pero
ikaw pa rin ang gusto ng pamilya nila, Laura! Hiro will need you too because
the last will of her father!”
“Then I
don’t care!” tanggi ko pa rin. “Tsaka bakit mo ba ito ginagawa, Dad? Why are
you selling your only daughter again? Hanggang kailan mo ba gagawin sa akin
ito? Is seven years of my life being not enough suffering for your own good? Hanggang
kailan mo ba ako pahihirapan?”
In a split
of seconds, nakita kong nagbago ang ekspresyon ni Dad. Hindi ko nga alam kung tama
ba ang nakita ko. But I saw sadness in his eyes. Pero muling bumalik ang pagiging
seryoso nito.
“Just
listen now, Laura, okay? Hindi lang naman ‘to para sa pamilya natin. Your
daughter also needs to know about her father. Ayaw mo bang makilala niya ang
ama niya?”
“She knew,
Dad. She knew about Hiro. Pero hindi ibig sabihin no’n ay papayag na ako na
makita niya ang anak namin. I’m sorry, but no. Hindi mo na ako ulit mapipilit
pa na gawin ang ayaw kong gawin. I agreed last time because I loved Hiro back
then. I agreed kahit na alam ko naman kung ano ang gusto niyong mangyari. But this
time? Hindi ko hahayaan na gamitin mo rin ang anak ko!”
“How dare
you— Wala kang utang na loob, Laura!” sigaw ni Dad.
Lalo akong
napaluha dahil sa sinabi niya. Bahagya pa niya akong dinuro na lalong dumagdag
sa sakit na nararamdaman ko. “A-Ako pa talaga ang walang utang na loob, Dad?”
Dahil sa
sinabi ko ay lalong nagalit si Dad. Nagtangis na ang mga bagang nito at lalong
namula ang mukha. “You—”
Nangunot ang noo ko noong makita kong sinapo ni Dad ang dibdib niya. “Dad?” Agad akong binalot nang pag-aalala dahil nakita ko na nagpaisa-isa ang paghinga nito. Hanggang sa bibig na nito ito humihinga. Nilapitan ko na siya at pinaupo. “D-Dad? Ano’ng nangyayari?!” natataranta kong tanong. He just stared at me and kept on gasping. Pakiramdam ko ay lumaki ang ulo ko dahil sa sobrang takot. “What is happening?! Oh, my God! Help! Help us!”
Continue here:
Scan the QR code to continue reading the story or click the link below: