Blurb:
At forty-two, Evangeline never saw herself falling in love again with a man. After she and her ex-husband broke up, she puts all her attention on her children and her grocery store. She never thinks of having a man in her life again.
Not until she meets John Robert, a man twelve years younger than her. A man who will make her believe that at forty, love is still possible for her.
Chapter 1: Panay ang pagsinghap...
Panay ang pagsinghap ng babaeng nakatali ang dalawang kamay sa headboard ng kama. Tanging bathrobe lamang ang nakatakip sa katawan nito. Panay ang kagat niya ng labi habang pinapanood ang lalaking dumakip sa kanya na binibigyan ng blwjob ng isang babaeng naka-itim na leather na lingerie. Nakamaskara ito na hugis paruparo at itim na boots na mayroong mataas na takong. Maya-maya pa ay biglang bumilis ang paggalaw ng ulo ng babae hanggang sa unti-unti nang umungol ng malakas ang lalaki at halos mapaliyad na ito dahil sa sensasyong nararamdaman nito.
Napatingin sa ibang dereksyon ang babaeng nakatali noong makita niyang makakaraos na ang lalaki. Kagat-kagat niya ang kanyang labi at pilit na iniiwasang kumawala ang ungol sa kanyang bibig. Pakiramdam niya ay mayroon nang namumuo sa kanyang puson dahil sa kanyang nasaksihan.
Maya-maya pa ay tumayo na ang babaeng naka-maskara at nagmartsa palabas ng silid. Nilingon niya ang lalaking katatapos pa lamang magparaos at gan’on na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niyang nakatayo na ito sa may ipaanan niya. Wala itong kahit anong saplot at mapang-akit siyang pinagmamasdan.
Ilang sandali pa ay gumapang na ang lalaki paakyat sa kamang kanyang kinahihigaan. Nagsumiksik siya sa headboard para maiwasan ito. Ngunit hinatak ng lalaki ang kanyang paa dahilan para dumausdos siya pababa at lumihis ang suot niyang bathrobe. Lumitaw ang maputi at makinis niyang hita.
“S-Stop,” pakiusap niya nang bigyan nito ng mumunting halik ang kanyang binti. Paakyat sa kanyang hita. Panay ang pagsinghap niya dahil sa tuwing dumadampi ang labi nito sa kanyang balat ay nagbibigay iyon ng mumunting kuryente sa kanya.
“N-No… please…” mahinang pakiusap niya ngunit wala pa rin iyong epekto sa binatang nasa ibaba niya. Patuloy lamang ito sa paghalik sa kanyang binti pataas sa kanyang hita habang nakatingin ito sa kanyang mga mata. Dahan-dahan iyong umaakyat hanggang sa makarating sa pagitan ng kanyang dalawang –
“Pabili po!”
Halos mapalundag si Evangeline noong may tumawag sa labas ng kanyang tindahan. Kanina pa siya tutok na tutok sa palabas na kanyang pinapanood at halos madala na siya roon. Sinapo niya ang kanyang dibdib at tiningnan kung sino ang tumatawag. Awtomatiko siyang napasimangot nang mapagsino niya iyon.
“Ano ‘yon?” malakas na tanong niya rito. Ini-pause niya muna ang video na naka-play sa iPad niya na niregalo pa sa kanya panganay niya. Padabog siyang lumapit sa harapan ng kanyang tindahan dahil nakaramdam kasi siya ng pagkabitin sa kanyang pinapanood. Paano kasi, pakiramdam niya ay siya ang bidang babae na andoon. At dahil sa matinding bakbakan na ang nangyayari kanina ay pakiramdam niya… siya ang nabasa.
Agad namang ngumiti ang batang lalaking nakakapit sa bakal na harang sa harapan ng kanyang tindahan. Kahit kasi mayroong wire mesh doon ay mayroon pa ring kaunting siwang kaya madali lamang nitong nailulusot ang malilit na mga kamay.
“Ate Vangie, pautang daw po si Mama ng dalawang itlog at isang lollipop,” magiliw na sabi nito. “Ulam daw po namin ni Kiko yung itlog tapos meryenda yung lollipop. Yung may bubble gum po sa loob ha?”
Napabuntong hininga siya at tiningnan ang bata. “Akala ko ba bibili ka?” kunyari ay mataray na tanong niya rito.
Agad namang napakamot ang bata sa ulo at nahihiyang nag-iwas ng tingin sa kanya. Ganito ito palagi sa tuwing nababara niya kapag umuutang ito sa kanya.
“Eh sabi po kasi ni Mama.” Lumabi ito.
“Hayy naku, Bibo. Sabihin mo r’yan sa mama mo ha kausapin ako?” aniya. “Malapit na matapos ang buwan hindi pa rin siya nagbabayad.”
Ganito kasi ang ginagawa palagi ng batang si Bibo. Tatawagin siya at kunyari ay bibili, pero ang totoo ay mangungutang lang pala. Hindi naman siya nagrereklamo, kaso hindi kasi nagpapakita na ang nanay nito sa kanya. Ilang beses na niya sinubukang kausapin ang nanay nito kaso sa tuwing pupunta siya sa bahay ng mga ito ay palaging wala. Kahit na alam naman niyang andoon lang ito kasi ang palaging sagot sa kanya ni Bibo ay, “wala raw po si Mama, ate Vangie.”
Pero kahit na ganoon ay pinagbibigyan niya pa rin ang mga ito. Nagbabayad pa rin kasi sila kahit papano, once a month nga lang at hindi pa lahat binabayaran.
Kumuha na siya ng itlog at lollipop, inilagay niya iyon sa plastic labo. Pagkatapos ay inilusot niya iyon sa maliit na siwang sa kanyang tindahan.
“Oh. Sabihin mo kay mama mo ha magbayad na? Nagagalit na kamo si Ate Vangie!”
Ngumiwi lamang si Bibo at mabilis na kinuha ang hawak niyang suot. “Salamat ate ganda!” anito at tumakbo na palayo sa tindahan niya.
Napailing na lamang siya habang pinagmamasdan ito palayo sa kanya. “Itong batang ‘to, kainit-init eh.” Nang hindi na niya ito makita ay muli na siyang bumalik sa kanyang pwesto.
Maliit lamang ang kanyang tindahan pero na andito na ang lahat ng mga kailangan ng kanyang mga ka-barangay. Sa unahan ay nakasabit ang mga sitsirya at biscuit sa mesh wire, ginamitan niya iyon ng alambre na kinorte niyang pa-hook. Sa ilalim n’yon ay nakapatong ang mga candy na nakalagay sa garapon. Nasa tapat din ang lagayan niya ng mga bigas na kanyang ibinebenta. Sa gilid na katapat ng lagayan ng bigas ay ang pinto palabas sa harap ng kanyang bahay.
Sa pinaka gitna ng tindahan ay roon nakalagay ang lamesa niya. Mayroon siyang swivel chair doon at nasa likod n’yon ay ang pahabang upuan na kahoy, minsan ay roon siya natutulog sa tanghali. Sa paanan ng upuang kahoy at ang pinto naman papasok sa sala niya. Nakadikit naman sa dingding ang mga kahoy na patungan ng iba pa niyang paninda kagaya ng mga delata, diapers, at kung ano-ano pa. Mayroon pang mga nakasabit sa kisame niya na mga paninda rin.
Kinuha na niya ang logbook na nagsisilbing listahan ng mga may utang sa kanyang tindahan at hinanap ang pangalan ng nanay ni Bibo. Napailing na lamang siya noong makita niya ang pangalang Marites, halos mapuno na naman ang isang page sa mga utang nila.
Matapos niyang maglista ay muli na niyang itinuon ang kanyang atensyon sa pinapanood niyang palabas. Tungkol iyon sa isang babae na kin-id-nap ng isang mafia boss. Obsess ang lalaki rito at binigyan ang babae ng isang taon para umibig sa kanya. Napailing siya, kung siya ang nasa kalagayan ng babae ay hindi siya magkakagusto sa lalaking kum-idnap sa kanya. Takot ang mararamdaman niya at hindi pagmamahal.
Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit sa bidang babae. Hindi na niya matandaan pa ang huling beses na nakaramdam siya ng kilig. Mahigit labing limang taon na kasi ang nakalipas noong magkahiwalay sila ng kanyang dating asawa. Nakalimutan na niya kung paano ang pakiramdam ng mayroong minamahal at mayroong nagmamahal sa kanya. Sa katunayan ay hindi na nga niya alam ang hitsura ng buhay na espada sa personal. Dahil sa edad niyang kwarenta y dos ay nanatili siyang single.
Kumunot ang noo niya nang biglang magpause ang video na kanyang pinapanood. Pero agad ding nawala ang pagtataka niya noong rumehistro sa screen ang incoming call mula sa kanyang panganay na anak. Agad siyang ngumiti at tinanggap ang tawag.
“Marica, anak! Kumusta!” bati niya agad nang makita niya ang mukha ng kanyang panganay. Lalo siyang napangiti, ngayon na tumatanda na rin ito ay mas lalo na niya itong nagiging kamukha. Sa limang anak niya kasi ito ang pinaka kamukha niya. Mula sa mata hanggang sa hugis ng mukha at pangangatawan ay nakuha nito sa kanya.
“Ma!” Ngumiti ito sa kanya ng ubod ng tamis. “Ano’ng ginagawa mo?”
Kasalukuyan itong nakatira sa Canada ngayon kasama ang iba pa nitong mga kapatid at ang tatay nito. Magwawalong taon na rin ang nakalipas noong mapetisyon sila ng kanilang tatay. Hindi naman siya tumutol kahit na alam niyang mapapalayo siya sa mga anak niya. Kahit kasi hindi naging maayos ang pagtatapos ng kanilang relasyon ng kanyang dating asawa ay naging mabuting ama naman ito sa kanilang mga anak.
Lumapad ang ngiti niya noong sumulpot na ang iba pa niyang anak sa screen.
“Ma!” tawag ng dalagita niyang anak, si Macy. Dise-syete anyos pa lamang ito ngunit dalagang dalaga na kung manumit. “Kumusta ka po r’yan? I miss you ma!”
Nangilid agad ang mga luha niya nang marinig niya ang boses nito. Sa tuwing nakikita niya sa video call ang kanyang mga anak ay nagiging emosyonal talaga siya.
“Hello Ma!” bati naman ng bunso niya at nag-iisang lalaki na si Marcus. Kamukhang kamukha nito ang dati niyang asawa. Para silang pinagbiyak na bunga at maging sa tangkad ay namana nito. Kaya kahit katorse anyos pa lamang ito ay mas matangkad na ito sa ikatlong ate nito.
“Kumusta kayo mga anak? Miss ko na kayo…” naluluha niyang sabi. Pilit niyang pinipigalan ang sarili na mapaiyak ngunit na piyok na kanyang boses sa pagpipigil niya.
“Uy ma… umiiyak ka na naman po,” malambing ang boses na puna sa kanya ni Marica.
“Ha?” Mabilis niyang pinahid ang luha sa kanyang mata. “Hindi. Napuwing lang ako,” tanggi niya.
“Sus, mama talaga.” Ngumiti ito ng ubod ng tamis kaya nakita ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. “H’wag kang mag-alala. Malapit ka na po makarating dito. Konti na lang po ay makakasama mo na rin kami. Magkakasama-sama na rin tayo.”
Kasalukuyan na kasi nitong inaasikaso ang papel niya para mapetisyon na rin siya ng mga ito papunta sa Canada. Sinabihan na naman niya ang mga ito na ayos lang sa kanya kung maiwan talaga siya rito. Pero pinipilit nila na gusto nila na makasama rin siya roon at mabigyan ng magandang buhay.
“Pasensya ka na anak. Miss na miss ko na kasi kayo…” suminghot siya. “Hindi ba kayo uuwe ngayong taon?”
Tuwing mag-fiesta kasi sa kanilang barangay ay nauwe ang kanyang mga anak. Marso na ngayon at dalawang buwan na lang ay magpi-fiesta na sa kanila.
Narinig niyang bumuntong hininga si Marica. “Hindi ko nga po alam ma, eh. Gusto kasing sumali sa camping ng mga bata. Wala naman po akong mapag-iiwanan kay Samuel.”
“Ganoon ba? Nasaan na nga ba ang apo ko na ‘yan? Bakit hindi ko ata nakikita? At ang iba mo pang mga kapatid?”
“Ay naku! Andoon kay papa at sa daddy niya. May gawa ngayon at nagpupumilit na sumama sa kanila. Si Martha naman at Mabel, andoon, namamasyal na naman.”
Kumunot ang noo niya. “Ha? Eh baka naman mapahawak doon ang apo ko. Bakit ipinasama mo?”
Nagtatrabaho kasi bilang isang constructor ang dati niyang asawa. Noong makuha na rin ni Marica ang asawa’t anak nito ay naging helper na ang asawa ni Marica ng tatay nila. Madalas ay nagre-renovate sila ng mga bahay o kaya naman ay nagkukumpuni lang.
“Eh, si papa rin kasi.”
“Tao po! Delivery po, ma’am!”
Napatingin siya sa harap ng tindahan niya noong mayroong magtawag. May isang lalaking nakasandong puti ang nakatayo sa harapan ng kanyang tindahan at sumisilip sa loob. Naniningkit pa ang mga mata nito dahil nasa labas siya at tirik na tirik ang araw.
Oo nga pala… aniya sa kanyang isipan. Um-order siya kagabi ng mga paninda niya sa grocery na kanyang kinukuhaan ng kanyang mga paninda at ngayong araw ang deliver. Minsan talaga ay nagiging makakalimutin na siya, siguro ay dahil sa kanyang edad.
Muli siyang tumingin sa screen. “Marica anak, mamaya na lang. May deliver pala ako ngayon,” paalam niya rito.
“Ah Sige po ma. May gagawin na rin pala ako. Oh, babye na raw kay mama!”
“Babye mga anak! Mag-iingat kayo r’yan ha?”
“Babye ma! I love you too!” magkasabay na sabi ni Macy at Marcus.
“I love you too!”
Pinatay na niya ang tawag at nakangiting lumapit sa lalaking nakatingin na sa kanya. Agad na ngumiti ang delivery boy sa kanya noong makita siya nito. Bahagya pa siyang nagtaka dahil bago lamang sa kanyang mukha ang lalaking ito. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa tapat ng tindahan ay nanuot na sa kanyang ilong ang mabangong amoy nito.
“Ma’am, delivery po!” bati nito sa kanya noong makalapit na siya rito. Agad na lumitaw ang dalawang biloy sa magkabilang pisngi nito.
Tumango siya. Pagtingin niya sa tapat ng gate niya ay nakaparada na sa tapat ng bahay niya ang maliit na puting delivery truck na palaging nagdi-deliver sa kanya. “Sandali lang ha?” Naglakad na siya papunta sa labas ng tindahan. Pagkarating niya sa tapat ng kanyang bahay ay binuksan niya ng malaki ang gate. Bahagya pa siyang nagulat dahil andoon na rin ang lalaki at nag-aantay na sa kanya. Nakita niya tuloy ng mas maayos ang mukha nito.
Hanggang dibdib lamang siya nito kahit na halata namang mas matanda siya rito. Sa tingin niya ay wala pa itong trenta. Ang gaan-gaan din ng pakiramdam niya habang pinagmamasdan niya ang mukha nito. Siguro ay dahil hindi lang ang mga labi nito ang nakangiti, maging ang mga mata nito.
“Hindi naman nasabi sa akin na maganda pala ang de-deliver-an namin,” nakangiti nitong sabi habang tinatanggal ang mga tingin sa kanya.
Chapter 2:Kumunot ang noo...
Kumunot ang noo ni Evangeline. Parang biglang nag-loading ang utak niya sa sinabi ng lalaking nasa kanyang harapan.
“Hindi naman nasabi sa akin na maganda pala ang de-deliver-an namin.”
Nalilito siyang tumingin dito. Hindi niya alam kung seryoso ba ito sa sinasabi nito o binobola lamang siya. Papaano kasi, halos umabot na sa tainga ang labi nito dahil sa lapad ng mga ngiti nito. Tapos kung tumingin pa ito sa kanya ay para itong nanunudyo.
Hindi naman sa kanya bago ang mga papuri. Kahit kasi kwarenta y dos anyos na siya ay mababakas pa rin talaga ang kagandahan sa kanyang mukha na hugis puso. Mas bumata pa siya tingnan dahil sa gupit niyang hanggang taas ng kanyang balikat. Sabi pa nga sa kanya ng mga kakilala niya, kahit itabi siya sa mga dalaga sa kanilang barangay ay mas mapapansin siya. Hindi naman niya iyon itatanggi dahil bago siya mabuntis ng kanyang dating asawa noon ay siya ang pambato ng eskwelahan nila sa patimpalak ng pagpapaganda.
Kahit kasi nanganak na siya ng lima ay hindi siya tumaba. Kahit hindi siya nakagagamit ng mga pampaganda ay natural na makinis ang kanyang morenang balat.
Lumunok siya ng laway at nag-iwas dito ng tingin. Pakiramdam niya kasi ay kumislot ang kanyang puso dahil sa mga papuri nito. Sanay na siya sa mga papuri kahit yung iba ay binobola na lamang siya. Pero noong ito ang nagsabi ay bigla siyang nakaramdam ng kilig.
Magkagayon pa man ay tinaasan niya pa rin ito ng kilay. Bago pa lang kasi sa kanyang paningin ang lalaki. “Sino ka? Bago ka?” mataray niyang tanong dito.
“Ate Vangie!”
Napalingon siya sa lalaking papalapit sa kanila.
“Sino ‘to, Banjo?” tanong niya kay Banjo nang makalapit ito.
“Hmm… interested ka na sa akin agad ha?” tanong ng lalaki habang hinihimas ang baba.
Ang nakataas niyang kilay kanina ay nagsalubong na ngayon. “Hijo. Maghunos-dili ka ha?”
Napangiwi si Banjo. “’Lika na, Bert,” bulong nito sa lalaki pero narinig pa rin niya.
Sa tagal na kasing nagde-deliver ni Banjo sa kanya ay alam na nito ang ugali niya. Ayaw na ayaw niya ng hindi siya ginagalang ng mga ito.
“Sige po, ate. Kuhain na po namin ang mga order mo.” Bahagya nang hinila ni Banjo si Bert ngunit hindi ito nagpatinag at nanatili lamang sa kanyang kinatatayuan.
“Teka lang naman, Banjo,” angal nito. “Bakit kasi ‘di mo sinabi sa akin na may maganda pala rito? Edi sana nakabihis ako ng maayos, ‘di ba?”
Napaikot niya ang kanyang mga mata. “Banjo, baliw ba yang kasama mo o bulag?”
Napakamot si Banjo sa kanyang ulo. “Sorry ate, pagpasensyahan mo na po itong si Bert. Galing Maynila kasi.”
Tumikhim ng malakas si Bert at tinitigan siya. “Hindi ako baliw. Pero ngayon? Baka mabaliw na nga ako dahil sa ‘yo,” anito sabay kindat sa kanya.
Napaawang ang bibig niya dahil sa sinabi nito. Pinagpalit-palit niya ang tingin kay Banjo at Bert. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang kinalibutan sa sinabi ng binata. Kung siguro ay kaedad siya nito ay bebenta sa kanya iyon, ngunit ngayon? Parang biglang umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang ulo.
“Ano?” Kumunot ang noo niya at sinamaan ito ng tingin. Tumalikod siya sa mga ito at pumasok sa loob ng kanyang bahay. Pagkalabas niya muli ay mayroon na siyang dalang tambo. “Umayos ka ha!” Inundayan niya ng palo si Bert na agad namang umatras.
“Aray!” natatawang sabi nito kahit hindi naman natamaan ng tambo. “Hindi ka na mabiro, Vangie!”
Lalo siyang nakaramdam ng inis dahil sa tinawag nito sa kanya. “Vangie?! Ako talaga pinagloloko mo ha! Halika nga ritong bata ka! Hindi ka marunong rumespeto sa mas matanda sa ‘yo ha?!”
Lalo lamang lumakas ang tawa ni Bert. “Age doesn’t matter!”
Si Banjo naman ay nakangiwi na sa gilid at panay ang kamot sa ulo. “Pasensya na, ate Vangie. Ganyan talaga ‘yang si Bert,” nahihiyang sabi ni Banjo sa kanya. “Bert! Ano ba?”
“Binibiro lang naman kita, Vangie. Sorry na,” tatawa-tawang sabi ni Bert.
“At Vangie pa rin talaga ang tawag mo sa akin?!” hindi makapaniwalang tanong niya rito.
“Bakit? Ano ba gusto mo? Love?”
Napaawang ang bibig niya. Feeling ko talaga sinto-sinto ‘tong lalaking ‘to, aniya sa kanyang isipan. Gwapo sana ito pero mukhang may kulang sa isipan. Sinamaan na lamang niya ito ng tingin at muling tinuon ang pansin kay Banjo na nakatungo na. Wala siyang panahon para sa mga laro nito. Masyado na siyang matanda para roon.
“Banjo! Sige na. Ilagay niyo na rito ang mga order ko,” aniya at pagkatapos ay nagmartsa na siya papasok sa loob ng kanyang bahay. Dere-deretso siyang pumasok papunta sa kusina para kumuha ng malamig na tubig sa fridge.
Oo nga’t na iinis siya sa mga pasaring ni Bert pero hindi niya alam kung bakit parang na aapektuhan siya sa mga banat nito. Masyado na siyang matanda para sa mga ganoong bagay ngunit… hindi niya maiwasang mapangiti.
Sa buong buhay niya ay iisang lalaki lamang ang kanyang inibig, si Fredo, ang dati niyang asawa. Lahat ng first niya ay ang dati niyang asawa ang nagparanas n’yon. Labis niya itong minahal, to the point na halos gawin niya na itong mundo. Kaya naman noong magkahiwalay sila ay hindi na niya nagawa pang magmahal ng ibang lalaki. Marami naman ang umaligid sa kanya at nagsubok na manligaw noong magkahiwalay sila ng asawa niya. Ngunit mas pinili niyang ibuhos na lamang ang kanyang atensyon sa kanyang mga anak.
Pero sa pinaka unang pagkakataon mula noong magkahiwalay silang mag-asawa ay ngayon lamang ulit kumislot ang puso niya dahil sa isang lalaki.
Napabuntong hininga siya at mabilis na iwinaksi ang naramdaman para sa lalaki. Masyado na siyang matanda para kiligin pa sa mga simpleng bagay. Lalo na sa isang lalaking sa tingin niya ay dekada na ang tanda niya.
Matapos niyang uminom ay muli na niyang ibinalik sa fridge ang pitsel. Naglakad na siya pabalik sa tindahan pero roon na siya sa sala dumaan. Sigurado kasi siyang wala na naman siyang madadaanan sa tapat ng pinto dahil sa mga in-order niya.
Pagkapasok niya sa tindahan ay nakita niyang nasa loob na ang mga box ng mga in-order niya. Marami siyang binili ngayon dahil bakasyon na at marami na naman ang tao sa kanilang barangay. May mga ka-barangay kasi silang nag-uwian galing sa Luzon. May tiwala rin siya kay Banjo kaya hinahayaan niyang makapasok ito sa loob. Pero sa kasama nito, wala.
Dumeretso siya sa pinto at sinilip kung patapos na ba ang mga ito.
“Hi, Vangie!” bungad sa kanya ni Bert. May nakapatong sa balikat nito na box. Tagaktak na ang pawis nito.
Napabuntong hininga na lamang siya. Kung gusto nitong tawagin siyang Vangie ay hahayaan na lamang niya ito. Inirapan na lamang niya ito saka pumihit papalapit sa freezer na nakapwesto sa gilid ng pinto. Kumuha siya ng dalawang softdrinks doon. Nang mabuksan niya ito ay nilagyan niya muna ng straw ang dalawang bote. Muli siyang sumilip sa pinto para masigurong wala roon ang binata.
Noong makita niyang nasa truck na ulit si Bert ay mabilis siyang lumabas at inilapag ang dalawang bote sa taas ng box na malapit sa kanyang gate. Pagkatapos ay muli siyang bumalik sa loob. Palagi niya iyong ginagawa ngunit ngayon ay pakiramdam niya isang malaking pagkakamali kapag makita ni Bert na nagbigay siya ng softdrinks.
“Ate Vangie, pabili po,” tawag sa kanya ng isang dalagita.
Mabilis siyang lumapit sa tapat ng tindahan niya para pagbilhan ito. Mabuti na lamang ay mayroong bumili at matutuon ang atensyon niya rito.
“Uy! Salamat, Vangie!”
Napalingon siya sa kaliwa niya noong marinig niya ang boses ni Bert. Pagtingin niya ay hawak-hawak na nito ang isang bote ng softdrinks at sumisipsip na sa straw. Nakapikit ang mga mata nito na para bang ninanamnam ang malamig na softdrinks. Sandali siyang natigilan noong matuon ang pansin siya sa mukha nito. Hindi niya alam kung bakit parang ang gwapo nito sa kanyang paningin.
Ang buhok nitong kulot ay mamasa-masa na dahil sa pawis. Sumasabay sa pagtaas baba ang adams apple nito sa paghigop nito ng softdrinks. Hindi niya tuloy maiwasang mapalunok ng laway noong makita niya ang tumutulong pawis nito. Naglalakbay iyon mula sa leeg nito papunta sa matipunong dibdib nito.
Muli siyang lumunok ng laway. Ang init naman dito bigla? aniya sa kanyang isipan. Panay ang pagbasa niya sa kanyang labi gamit ang dila. Pakiramdam niya ay biglang sinilaban ang tindahan niya dahil sa nararamdaman niyang unti-unting pag-iinit.
Sa araw-araw na pagbubukas niya ng tindahan niya na nasa tapat ng court ay palagi siyang nakakakita ng mga huba’t barong mga kalalakihan. Hindi na sa kanya bago ang ganoon dahil minsan na siyang nagkaasawa. Ngunti ngayon ay pakiramdam niya ay nahahalila siya sa basang katawan nito. Napahinga pa siya ng malalim noong mapunta na ang kanyang tingin sa dibdib nito. Kitang kita niya ang pagtaas baba ng laman nito sa dibdib sa tuwing humihinga ito.
Diyos ko! Ano ba ‘to?
Sa dami na ng lalaking nakita at nakilala niya mula noong magkahiwalay sila ng dati niyang asawa. Ngayon lamang siya na apektuhan ng ganito nang dahil sa lalaki. Ni minsan ay hindi na niya na isip pa ang sarili na mahalina pa sa mga lalaki bukod sa mga palabas na kanyang napapanood.
“Vangie?”
Ni minsan ay hindi na niya na isip pa ang sarili na magkaroon ng –
“Vangie!”
Napaigtad siya noong marinig niya ang boses ni Bert. “Oh?” Parang siyang biglang nagising kahit nakamulat. Pagtingin niya rito ay nakalapit na pala ito sa kanya at nakangiting pinagmamasdan siya.
Mabilis siyang umatras at tumingin sa labas ng tindahan niya. “Bakit?” masungit niyang tanong.
Ngumiti ng nakaloloko si Bert. “Ikaw ha? Pinagpapantasyahan mo ako ‘no?” nanunudyo nitong sabi.
Salubong ang kilay na nilingon niya ito. “K-Kapal mo ha?” Muli siyang umiwas ng tingin dito. Hindi niya kayang salubungin ang mapanukso nitong mga tingin.
“Sus! Okay lang naman.”
Bumuntong hininga siya at tumalikod dito. “Tapos na ba kayo?”
“Crush mo na ‘ko ‘no?”
Natigil siya sa paglalakad noong marinig niya ang tanong nito. Tiningnan niya ito ng masama. “Alam mo ikaw’ng bata ka? Puro ka kalokohan!”
“Eh crush mo nga ako?”
Muli niyang iniikot ang kanyang mga mata. Hindi na ata matatapos ang stress niya sa lalaking ito. Pagka-alis na pagka-alis ng mga ito ay ire-request niya talaga kila Lucia na ibang delivery boy ang dalhin sa kanya.
Tumalikod na lamang siya rito at lumapit sa kanyang lamesa.
“Narinig ko kay Banjo… wala ka na raw asawa?”
Sandali siyang natigilan at sinulyapan ito. Nakatingin pa rin ito sa kanya ngunit hindi na mukhang nanloloko. Huminga lamang siya ng malalim at muling itinuon ang atensyon sa pagkuha ng pera.
“Ibing sabihin nag-iisa ka lang ngayon, ‘di ba?”
“Bakit? Kung may balak kang masama, h’wag ka nang magtangka ha?” banta niya rito.
Tumawa ng mahina si Bert. “Wala ah. Pero balak na masarap… meron.”
Chapter 3: Minsan sa buhay
Minsan sa buhay natin ay may mga pagkakataon na akala natin ay kontento na tayo. Lalo na kapag tumatanda na tayo at mayroon ng magandang buhay, madalas wala na tayong hinihiling pa kundi ang maging masaya na lamang.
Pero sabi nga nila… life starts at forty.
Matapos ng tagpo ni Vangie at Bert ay hindi na ito nawaglit pa sa kanyang isipan. Napag-alaman niya kasi na anak pala ito nila Lucia kaya kahit na sabihin niyang hindi na niya gusto itong magdeliver sa kanya ay hindi ito mapigilan ng magulang nito. Laking Maynila raw ito at kauuwe lang dito sa Samar. Hindi na lamang niya ito pinapansin sa tuwing nagdedeliver sa kanya kahit na panay ang pangungulit nito. Pinakiusapan din kasi siya ng nanay nito na h’wag na lamang papansinin ang binata.
Kaya pakiramdam niya ay kinulang talaga ito sa pag-iisip.
Maaga pa lang ay nasa lungsod na siya para kumuha ng padala ng kanyang anak, dito lang kasi mayroong remittance center. Katapusan kasi ng buwan ay nagpapadala sila ng allowance sa kanya. Kahit na palagi niyang sinasabihan ang mga ito na h’wag na magbibigay sa kanya ng pera ay patuloy pa rin ang mga ito sa pagpapadala. Sapat na naman kasi sa kanya ang pera na nakukuha niya mula sa tindahan.
Kung tutuusin ay sobra-sobra pa nga.
Nang makuha niya na ang pera ay dumeretso siya sa bayad center para magbayad ng mga bills niya.
Kahit papaano ay nagiging sibilisado na ang probinsya nila. Hindi na mahirap ang byahe papunta sa lungsod dahil mayroon ng mga trysikel. Hindi kagaya noon na motorsiklo lang ang transportasyon nila na halos buwis buhay pa sa tuwing sila ay sasakay. Dahil bukod sa matarik ang kalsada pa punta sa lungsod ay lubak-lubak din iyon.
“Neng, tig-kalahating kilo nitong galunggong at tilapia,” aniya sa dalagitang tindera ng isda. “Paki linis na ha?”
“Sige po, ma’am.”
Tumango na lamang siya rito at saka tumalikod muna.
Napangiti siya habang pinagmamasdan ang hilera ng mga tindera rito sa bangketa. Nasa pantalan kasi ang palengke ng lungsod. Katabi kasi n’yon ang ilog na konektado sa pasipiko kaya rito na rin ang bagsakan ng mga isda na nahuhuli ng mga mangingisda.
Sa kabilang parte ng pantalan, malapit na sa kalsada ay andoon naman ang talipapa, mga nagtinda ng mga gulay, prutas, at kung ano-ano pa.
Patanghali na rin at tirik na tirik na ang araw. Ramdam na rin niya ang pamamasa ng kanyang kili-kili. Kung bakit kasi nakalimutan ko ang payong ko, himutok niya sa kanyang isipan.
“Ate, three hundred po lahat.”
Napalingon siya sa tindera ng isda. “Okay.” Binuksan niya ang sling bag at kumuha sa kanyang wallet ng tatlong one hundred. Pagkatapos ay iniabot niya iyon sa tindera.
“Salamat,” nakangiti niyang sabi.
Inabot na niya ang supot ng isda at inilagay iyon sa kanyang bayong.
“Vangie?”
Natigil siya sa kanyang ginagawa noong mayroong tumawag sa pangalan niya. Paglingon niya sa kanyang gilid ay agad siyang napasimangot. Bumungad kasi sa kanya ang nakangiting mukha ni Bert.
“Vangie! Andito ka pala,” anito. “Oh, ba’t biglang nangasim ‘yang mukha mo? Sige ka, papangit ka.”
Lalo siyang napasimangot dahil sa sinabi nito. Walang gana na tinapunan niya ito ng tingin saka pumihit na patawid sa kabilang kalsada. Ngunit hindi pa man siya nakatatawid ay bigla na lang pakiramdam niya ay lumutang siya. Parang biglang bumagal ang paggalaw ng kanyang paligid.
“Vangie!” gulat na sigaw ni Bert. “Hoy! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!” galit nang sabi nito. Pagkatapos ay sinapo nito ang magkabila niyang pisngi.
“Ayos ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalala nitong tanong.
“H-Ha?”
Napaawang ang bibig niya. Masyadong naging mabilis ang pangyayari para sa kanya. Dahil sa pagmamadali niyang makalayo rito ay hindi niya napansin ang papalapit sa kanyang motor. Lilingon sana siya sa motor na papalayo sa kanila ngunit muling kinabig ni Bert ang kanyang mukha papaharap dito.
“Vangie?”
Nanlaki ang mga mata niya noong makitang ilang pulgada na lang pala ang layo ng mukha nila. Ang kulay tsokolate nitong mga mata ay lalong umiitim. Halos magdikit na rin ang tungko ng kanilang mga ilong. At pagbaba ng tingin niya sa mga labi nito ay agad siyang napaatras.
Bigla kasing bumilis ang tibok ng kanyang puso.
“S-Salamat,” aniya at tumalikod dito. Sinapo niya ang kanyang dibdib at pilit na kinalma ang sarili.
Ano’ng nangyari?! Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko? nalilito niyang tanong sa kanyang isipan.
“Ayos ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalala pa ring tanong nito sa kanya.
Hinawakan siya nito sa braso ngunit mabilis niya iyong hinatak. Para kasi siyang na kuryente noong magdikit ang kanilang mga balat.
“O-Okay lang ako,” aniya at kinuha ang nahulog niyang bayong sa kalsada. Muntik pang lumabas ang isda kaya naman ay inayos niya iyon. Tatawid na sana siya ulit papunta sa kabilang kalsada ngunit natigilan siya dahil biglang kinuha ni Bert ang hawak niyang bayong. “Ano ba?!”
“Samahan na kita,” mariin na sabi nito. Hinawakan siya nito sa siko at inalalayan na makatawid.
Hindi na siya nagreklamo pa at hinayaan na lamang na hikalin siya ng binata. Masyado pa siyang nagugulat dahil sa nangyari kanina. Sa katunayan, tumanda na siya lahat-lahat ay hindi pa rin siya marunong tumawid ng kalsada. Madalas mangyari sa kanya ito kaya naman ay hindi talaga siya natawid kapag mag-isa lang siya. Naghihintay pa muna siya ng mga kasabay bago tumawid.
Pagkarating nila sa kabilang kalsada ay tumigil siya sa paglalakad.
Hinili niya ang kanyang braso na hawak nito. “Akin na ‘yang bayong.” Inilahad niya ang kanyang kamay ngunit umiling lamang si Bert.
“Sasamahan na kita.”
“Akin na sabi!” Sinubukan niyang kuhain ang bayong sa kamay nito ngunit itinaas lamang nito ang kamay. Dahil hanggang dibdib lang siya nito ay bahagya pa siyang napatalon para lamang maabot ang bayong. “Ano ba?!” singhal niya rito.
Ngumiti lamang si Bert at bahagya pang itinungo ang ulo para lumapit sa kanya. Nanlalaki naman ang mga mata niya habang inaatras ang ulo. “Ayaw. Samahan na kita.”
Nahigit ni Vangie ang kanyang hininga noong maamoy niya ang mabagong hininga ni Bert. Amoy toothpaste iyon at mint. Pero agad din niyang iwinaksi iyon at tumayo ng maayos. Pakiramdam niya ano mang oras ay maha-high blood siya rito kahit wala naman siyang sakit na altapresyon.
Hinawakan niya si Bert sa braso at hinila papunta sa dulong parte ng palengke kung saan kakaunti lamang ang mga nadaan na mamimili at mga nagtitinda. Pagkarating nila roon ay nakasimangot niya itong hinarap.
“Aba? Dinala mo pa talaga ako rito para masolo mo ako, ha?” hindi makapaniwalang sabi nito. Para bang manghang-mangha ito.
“Ikaw!” Dinuro niya ito. “Kung ano man ‘yang trip mo sa buhay. H’wag mo akong sinasali r’yan ha?! Jusko! Tataas dugo ko sa ‘yo eh!”
“Trip? Ikaw naman trip ko eh.”
Nasapo na ni Vangie ang kanyang noo dahil sa sagot nito. “’Pag ako hindi mo tinigilan ipapa-pulis talaga kita. Maghanap ka ng mga ka-edad mo at yun ang pagtripan mo ha?”
“Vangie. Hindi naman kita pinagti-trip-an eh.”
“Vangie? Wala ka talaga respeto ‘no?”
“Ano ba gusto mong itawag ko sa ‘yo?”
“Ate. Gumamit ka ng ate. Mas matanda ako sa ‘yo kaya tumigil ka na Bert. Wala na akong oras para sa mga ganyan ha? Papunta ka pa lang, pabalik na ako.”
“Age doesn’t matter, Vangie.”
Huminga siya ng malalim. Pakiramdam niya anytime tataas na talaga ang dugo niya.
“Bert. Alam ko na ‘yang mga ganyan kaya tumigil-tigil ka na ha? Pakiusap lang? Kung ano man ‘yang intensyon mo sa akin.” Umiling-iling siya. “Wala kang mapapala.”
Biglang sumeryoso ang mukha ni Bert. Inilagay nito ang dalawang kamay sa nilukaran at tiningnan siya ng mariin. “Bakit? Ano ba sa tingin mo ang intensyon ko sa ‘yo?”
Natigilan si Vangie sa tanong nito. Hindi naman kasi talaga niya alam kung ano ba ang intensyon nito. Ayaw naman niyang maging tamang hinala.
Tumikhim siya. “Basta! Tigilan mo na ako kaya akina ‘yang bayong ko.”
“Ano nga?”
“Masama! Masama ang intensyon mo!” bigla niyang sabi. “Bert. Sa tanda ko na ‘tong ‘to alam ko na ‘yang mga galawan mo. Kaya sorry ha? Akin na ‘yang bayong.” Sinubukan niyang kuhain mula sa likod nito ang bayong niya ngunit umiwas lang si Bert.
“Masama? Ganoon ba talaga ang tingin mo sa akin?”
“Malamang. Kaya kung balak mo akong manyakin, hindi ‘yan uubra.”
“Manyak?” gulat na sabi nito. “Manyak? Sino? Ako?”
“Ikaw. Sino pa ba? Hindi mo na ako madadala sa mga ganyan. Alam ko na ‘yan.”
Ngumisi si Bert. “Manyak…” mahinang sabi nito.
Hindi siya umimik. Bigla kasi siyang nakaramdam ng kaba sa ekspresyon nito. Nakangisi ito ngunit blangko ang ekspresyon ng mukha nito.
“Nahalikan ka na naman ‘di ba?”
Kumunot ang noo niya. “Ha?”
“Kasi hahalikan kita ngayon.”
“An-”
Hindi na siya nakapagsalita pa dahil bigla siyang siniil ng halik nito.
Chapter 4: Fifteen years,
Fifteen years, ganoon na katagal mula noong maghiwalay si Vangie at ang kanyang asawa. Ni sa hinagap ay hindi na niya na isip pa na magkakaroon siya ng ibang lalaki sa kanyang buhay. Gano’ng katagal siyang walang kasama sa buhay maliban sa kanyang mga anak. Hinayaan niyang mapetisyon ang mga ito ng kanilang ama para magkaroon sila ng magandang buhay. Kahit na alam niya na maiiwan siyang mag-isa rito sa Pilipinas ay hinayaan niya lamang iyon. Ayaw niyang ipagkait iyon sa kaniyang mga anak.
Fifteen years na rin ang nakalipas noong huling tumibok ang kanyang puso. Lahat ng mga naramdaman niya mula kay Fredo ay hindi na niya muli pang naramdaman. Mula noon hanggang ngayon ay tanging ang dati lamang niyang asawa ang nakawak o nakayakap sa kanya, lalo na ang nakahalik. Para sa kanya ay tapos na siya sa ganoong mga kaganapan.
Maliban ngayon…
Mariin na hinahalikan ni Bert si Vangie. Parang biglang nanigas ang kanyang katawan sa gulat at hindi na siya nakagalaw pa. Halos maduling na siya noong idinilat niya ang kanyang mga mata. Nakapikit lamang si Bert habang ninanamnam ang magkadaupan nilang mga labi. Ang isang braso nito ay nakahawak sa bayong niya ay nakapulupot sa kanyang baywang. Ang isa namang kamay nito ay nasa likod ng kanyang ulo.
Gusto niyang itulak si Bert. Gusto niya itong sampalin o bugbugin pero hindi niya magawa. Para bang may mahika na ginawa sa kanya ang binata at ang sunod na lamang niyang namalayan ay nakapikit na rin siya, tinutugon ang mga halik nito. Sa mga oras na iyon ay pakiramdam ni Vangie ay nabuwag ang pundasyong matagal na niyang binuo para mapalayo sa mga lalake ang kanyang loob. Labing limang buwan niya iyong itinatag, pero ngayon ay biglang nasira.
Ganito pala ang pakiramdam ng halik?
Sa tagal na niyang hindi nakatikim niyon ay parang bumalik siya noong dise sais pa lang siya. Parang may nabuhay sa kanyang loob at gustong gusto niya ang pakiramdam na iyon.
“Sus masryosep!”
Agad na isinubsob ni Vangie ang kanyang mukha sa dibdib ni Bert nang may marinig siyang nagsalita mula sa kanyang likuran. Parang bigla siyang na tauhan. Si Bert naman ay kinabig pa siya papalapit para hindi makita ang kanyang mukha.
Diyos ko! Nakakahiya! ani Vangie sa kanyang isipan. Ramdam na ramdam niya pag-iinit ng kanyang mga pisngi.
“Kung may balak kayong maglampungan maghanap kayo ng kwarto ha? Doon sa gubat! Maraming pwesto roon!” ani ng lalaking nagsalita.
“Pasensya na manong. Matagal kasi kaming hingi nagkita ng girlfriend ko,” tugon ni Bert. Kung magsalita ito ay para bang wala lang sa kanya na mayroong nakakita sa kanilang dalawa ni Vangie.
“Tsk!”
Narinig na lamang ni Vangie na palatak ng lalaki. Ilang sandali pa sila sa ganoong posisyon ni Bert. Hindi umimik si Vangie dahil sa labis na kahihiyan. Sa tanda na niyang ito ay nahuhuli pa siyang nakikipaglampungan sa labas. Napakislot siya noong maramdaman niyang lalo pang humigpit ang yakap nito sa kanya. Napakunot ang noo niya nang makaramdam siya ng mumunting mga halik sa tuktok ng kanyang ulo.
“Wala na ba?” tanong ni Vangie.
“Wala na,” bulong ni Bert.
“Ha?” Biglang iniangat ni Vangie ang kanyang ulo, pero natigilan siya nang makita niyang kahibla na lamang ang layo ng kanyang mukha sa mukha nito. Mabilis na umatras si Vangie at hinampas sa dibdib si Bert.
“Aray!” natatawang reklamo ni Bert habang umiiwas kay Vangie.
“Pinagti-trip-an mo talaga ako ‘no?! Bakit hindi mo sinabi sa akin na wala na pala?”
Ngumisi ng malapad si Bert. “Eh akala ko gusto mo pa akong kayakap.”
Pakiramdam ni Vangie ay pulang pula ang buo niyang mukha. Bumuntonghiniga siya at pilit na winaksi ang nangyari sa kanila ni Bert.
“Akin na nga ‘yang isda! Nakakainis ka na ha!” Sinubukan niyang abutin ang bayong kay Bert pero mabilis niya lang itong itinaas.
“Ako na nga ang magdadala at sasamahan kita,” pagpupumilit nito.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Vangie nang hatakin siya ni Bert palabas sa bangketang kanilang kinapupwestuhan. Para siyang kinukuryente habang magkadikit ang kanilang mga balat.
Diyos ko! Ano ba ang nangyayari sa akin? nagtatakang tanong niya sa kanyang isipan. Hindi siya madaling pasunurin ng kung sino, lalo na ang mas bata sa kanya. Pero pagdating kay Bert ay labis siyang na aapektuhan. Alam niyang masyado pang maaga para magbigay ng ispikulasyon, pero sa lahat ng mga nanligaw sa kanya ay si Bert lamang ang nakapagbigay sa kanya ng pakiramdam na kagaya sa dati niyang asawa. Mali, pakiramdam niya ay mas higit pa ito.
“Ano pa ba ang bibilhin mo?” tanong ni Bert kay Vangie habang nagtitingin-tingin sa mga paninda na kanilang nadadaanan.
Hindi umimik si Vangie. Nanatili siyang nakatungo at sumusunod lang sa binata. Pakiramdam niya kasi ay pulang-pula na ang kanyang mga pisngi. Hindi na bahagy sa kanya ang mga ganito.
“Gulay ba?” tanong muli nito. Pero kagaya kanina ay hindi pa rin siya sumagot. “Vangie?”
“H-Ha?” Doon lang natauhan si Vangie. Tumingin siya kay Bert at napalunok siya noong makita niyang nakatitig pala ito sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng tingin at tumingin sa mga paninda kanilang harapan. “Ahh… ano… ahm. O-Oo. Gulay!” nauutal niyang sabi.
Nakakahiya naman, Vangie! Umayos ka nga! pagalit na sabi niya sa kanyang isipan.
Tumango-tango si Bert. “Anong gulay ang kinakain mo? Talong? Gusto mo ba?”
“Talong?” Kumunot ang noo ni Vangie. Yung tono kasi ni Bert ay parang may laman.
Nakangising lumingon si Bert kay Vangie. “Oo. Talong… ko,” nanungudyong sabi nito at kumindat kay Vangie.
Na iawang ni Vangie ang kanyang bibig. Pakiramdam niya ngayon ay nagkukulay na sa kamatis ang kanyang mukha. Mabilis na siyang lumingon sa tindera at medyo nakahinga ng malauwag si Vangie nang makita niyang hindi ito nakatingin sa kanila. Muli niyang tiningnan si Bert at pinanilatan ito. Hinila niya ang kanyang kamay na hawak pa rin nito.
“Ako na!” inis na sabi niya. Mukhang natutuwa na siyang buskahin siya nang buskahin.
Tumawa ng malakas si Bert. Hindi ito umusod at nanatiling nakatayo, kaya naman ay hinayaan na lamang ito ni Vangie at nagtingin-tingn siya sa lamesang puno ng gulay.
“Okay lang ba sa ‘yo ang mahaba at matabang talong?”
Halos masamid na si Vangie sa tanong ni Bert. Paglingon niya rito ay may hawak na itong talong at sinisipat-sipat. Muli niyang binalik ang kanyang tinging sa lamesa. Kalma lang, Vangie. Hayaan mo na siya.
“Vangie, ano? Sa akin kasi gano’n.”
Agad na nilingon ni Bert at bahagya itong hinampas ng nadampot niyang talong. “Tumigil ka nga!” singhal niya rito. Hindi na niya makayanan ang pang-aasar nito. Natigilan si Vangie nang marinig niyang tumatawa na ang tindera. Mukhang narinig nito ang sinabi ng binata.
“Naku, kuya. Ako, gusto ko ng talong mo,” natatawang sabi nito.
Lalong napasimangot si Vangie at muling tumingin sa lamesa. Samantalang si Bert naman ay ngumisi ng malapad.
“Talaga?”
Biglang nagpantig ang tainga ni Vangie. Pinilit niyang h’wag lingunin ang dalawa dahil hindi na niya mapigilan ang pagsimangot. Pakiramdam niya ay mas lalo siyang na bweset. Sa harapan niya pa talaga naglandian ang dalawa.
“Kaso isa lang gusto ng talong ko eh.”
Sandaling napatigil si Vangie sa sinabi ni Bert. Napahugot siya ng malalim na paghinga.
“Ay sayang. Sino naman?”
Ibinaba ni Vangie ang gulay na kanyang hawak at kunyari mayroon hinanap sa kanyang bag. Bigla siyang naging interesado sa isasagot ni Bert. Pero lumipas lang ang ilang sandali ay hindi ito tumugon. Kaya naman ay napalingon na siya rito at sumalubong sa kanya ang nakangisi nitong mukha.
Baliw na talaga ‘to.
Agad na sumimangot si Vangie. Sinamaan niya ito ng tingin at tumalikod. Pagkatapos ay naglakad siya palayo rito. Hindi na niya talaga kakayanin kung magtatagal pa siyang kausap ito. Ano bang pakialam niya sa gusto ng talong nito? Bahala na ito sa kanyang buhay.
“Vangie! Sandali!” tawag ni Bert.
Hindi ito nilingon ni Vangie. Na iinis na siya. Pakiramdam niya ay bigla siyang na bitin sa balitang kanyang hinihintay. Bakit ba kasi nagtanong pa ito tungkol sa talong?
Deretso siyang naglakad papunta sa waiting shed. Sa dulo ng palengke.
“Vangie!”
Napatigil sa paglalakad si Vangie nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang braso. Ayaw niya sana lingunin ito, pero ayaw naman niyang mahalata nito na masama ang kanyang loob dahil sat along.
Tsk! Tumigil ka na nga kakaisip sa talong!
“Ano?”
“Iiwan mo ba ‘tong isda?” anito at itinaas ang hawak na bayong.
Bumuntonghininga si Vangie. Muntik pa tuloy niyang makalimutan ang ulam niya.
“Akin na.” Inilahad niya ang kanyang mga kamay.
“Hatid na kita.”
Imbes na ibigay sa kanyang ang bayong hinila siya nito. Hindi na nakaangal pa si Vangie dahil mahigpit ang naginghawak sa kanya ni Bert. Isa pa ay ang lalaki ng mga hakbang nito kaya halos madapa pa siya sa pagmamadaling masabayan ito.
“Sandali lang ha?” anito nang makarating sila sa waiting shed.
Iniwan siya nito roon at umalis. Hinatid naman ito ng tingin ni Vangie. Naglakad si Bert papunta sa may parking lot sa gilid ng waiting shed. Hindi na niya ito natanaw pa dahil pumasok pa ito sa loob. Nagkibit-balikat na lamang siya at na upo sa sementong upuan. Maya-maya pa ay may narinig siyang tunog ng motorsiklo. Pagkatapos ay sumulpot mula sa gilid si Bert, nakasakay na ito sa isang honda TMX. Malapad ang ngiti nito habang pinapatunog pa ang makina ng motorsiklo. Bumaba ito mula sa motorsiklo at lumapit sa kanya. Bahagyang napaatras si Vangie noong suotan siya nito ng helmet.
“Teka? Isasakay mo ako riyan?” nagtatakang tanong ni Vangie habang nakatingin sa motorsiklo.
Tumango si Bert at ipinagpatuloy ang pagsusuot ng helmet kay Vangie. “Oo.”
“Ha? Ayoko! Magta-traysikel na lang ako!” tanggi niya at akmang tatanggalin ang suot niyang helmet.
“Ano ba? Ako ang bahala sa ‘yo.” Nakangiting sabi ni Bert at kinindatan na naman siya.
Agad na nag-iwas ng tingin si Vangie dahil biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Siguro kung ibang lalake ang panay ang kindat sa kanya ay kanina pa niya na sundot ang mata. Pero si Bert, hindi niya alam kung bakit parang kinikilig pa siya. Bumuntonghininga si Vangie.
“Sige na nga.”
Chapter 5: Pakiramdam ni Vangie...
Pakiramdam ni Vangie ay bigla siyang bumalik sa nakaraan habang nakaangkas siya sa motorsiklo ni Bert. Nahihiya pa siya rito kaya sa balikat lang siya nito humawak. Pero bago nito patakbuhin ang motorsiklo ay hinila nito ang kanyang kamay at ipinulupot sa baywang nito.
“Ano’ng ginagawa mo?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Vangie. Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkailang noong madikit ang kanyang katawan sa likod nito.
“Mas safe kung dito ka hahawak. May free abs ka pa.”
Agad na napasimangot si Vangie at kinurot ang tiyan ni Bert. Nahirapan pa siya dahil matigas pala iyon. Para bang humawak siya sa bato. Bahagya naman itong napaigtad kaya mas lalo itong napadikit sa kanya. Natigilan siya noong tumama ang kanyang dibdib sa likod nito. Na iilang na umiwas si Vangie.
“P-Puro ka talaga kalokohan,” mahinang sabi niya.
“Humawak ka na kasi. Ayaw mo pang maniwala.”
Napailing si Vangie at umayos ng upo. Ngayon na lang siya ulit sumakay sa motorsiklo kaya naman ay yumakap na rin siya sa baywang ni Bert. Napalunok siya nang maamoy niya ang panglalakeng amoy nito. Parang mayroong nabuhay sa kanyang loob nang maamoy niya iyon. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso at nag-init ang kanyang mga pisngi. Labis siyang naguguluhan sa kanyang nararamdaman. Pakiramdam niya ay nagbabalik siya sa pagkabata dahil kay Bert.
Bumuntonghininga siya pilit iwinaksi sa kanyang isipan ang kanyang nararamdaman.
“Kumapit ka ng maayos ha?” ani Bert at pinaandar na ang motorsiklo.
Hindi na tumugon si Vangie at tumungo lang. Medyo na sisilaw kasi siya sinag ng araw. Hindi manlang siya pinasuot ng jacket ni Bert. Napailing siya nang maisip niya iyon. Bakit ba masyado siyang nage-expect dito? Hindi dapat siya masyadong madala sa mga pasimpleng galaw ng binata.
“Vangie,” tawag sa kanya ni Bert habang nagmamaneho ito.
Nag-angat ng ulo ni Vangie at bahagya itong sinilip. Ang gwapo naman pala nito, aniya sa kanyang isipan. Na bigyan kasi siya ng pagkakataon na matitigan ito nang malapitan. Para siyang pinabatang Richard Gomez.
“Oh?”
“Kung liligawan kita. Papayag ka ba?”
Bahagyang na paawang ang bibig ni Vangie. Sa dinami-daming lugar na pagtatanungan sa kanya ni Bert ay rito pa talaga. Napakapit tuloy siya ng maayos kay Bert. Mabuti na lang at nasa likuran siya ng binata at hindi nito nakikita ang pamumula niya. Hindi niya ito sinagot. Hindi niya rin naman alam kung ano ang isasagot niya rito. Papayag ba siya kung liligawan siya nito? Hindi niya alam.
Masyado pang maaga para sabihin na gusto niya rin ito. Oo nga’t na aapektuhan siya mga simpleng banat nito. Pero hindi ibig sabihin no’n ay gusto na niya ito. Tahimik lang siya at hindi na nagsalita hanggang sa makarating sila sa bahay niya. Ipinara nito ang motorsiklo sa tapat ng kanyang bahay.
“Salamat,” ani Vangie. Hinubad na niya ang kanyang helmet. Akmang kukuhain ang bayong na nakasabit sa may manibela ng motorsiklo.
“Hindi mo manlang ba ako papapasukin sa loob?”
Natigil si Vangie at tinitigan si Bert. Nakangiti ito sa kanya na para bang hindi siya tinanong kanina na liligawan siya. Bumuntonghininga siya. Ayaw naman niyang isipin nito na masyadong masama ang kanyang ugali.
“Sige. Pasok ka muna,” aniya at kinuha na ang bayong. Tapos inabot kay Bert ang helmet. “Umayos ka ha?” Tumalikod na siya rito at tinanggal ang pagkaka-lock ng gate.
“Maayos naman ako ah?”
Na iikot ni Vangie ang kanyang mga mata. Hindi na lang siya sumagot at tuluyan nang pumasok sa kanyang bakuran. Binuksan niya na rin ang pinto at pumasok sa loob. Narinig niyang sumunod sa kanya si Bert.
“Wow. Ang ganda pala rito sa loob.”
Sandali niyang nilingon ito. Dere-deretso itong pumasok at na upo sa sofa. Hinayaan na lamang ito ni Vangie at dumeretso naman siya sa kusina. Inilapag niya muna ang bayong na kanyang dala sa lababo. Saka kumuha ng malamig na juice sa ref at nagsalin sa baso. Inilabas niya iyon sa sofa at nakita niyang nagkatingin si Bert sa mga picture ng kanyang mga anak.
“Mga anak mo sila?” tanong ni Bert.
Inilapag ni Vangie ang dala niyang inumin sa lamesita. “Oo.”
Tumango-tango si Bert. “Ang gaganda ng lahi mo ha?” ani Bert. “Ang gwapo ng lalake. Pwedeng palahi rin?”
“Pwede ba?” inis na sabi ni Vangie. Natutuwa na sana siya pero bigla siyang na inis sa huling sinabi nito. Akala siguro nito ay madali lang siya madala sa mga ganoong bagay.
Tumawa si Bert. “Oo nga. Siguro ang ganda rin ng magiging anak natin, o gwapo. Gusto ko ng lalake eh.”
Tinitigan niya ito ng masama. Pagkatapos ay umiling-iling siya at tumalikod dito. “Inumin mo na ‘yang juice mo at umalis ka na!” inis na sabi niya at nag-martsa papunta sa kusina. Parang ang dali-dali lang para rito ang pagbuntis. Limang bata na ang lumabas sa kanya at suko na siya. Isa pa ay matanda na siya para roon. Sandaling natigilan si Vangie. Bakit ko ba iniintindi mga sinasabi niya?
“Ito naman hindi na mabiro,” ani Bert.
Hindi na niya ito pinansin at inayos ang isda na kanyang binili. Hinugasan niya ulit iyon at inilagay sat upper. Pagkatapos ay ipinasok na sa freezer ng refrigerator. Nang matapos siya muli siyang lumabas ng kusina. Bahagya pa siyang nagulat nang makita niyang nasa sala pa rin si Bert.
“Bakit hindi ka ba umaalis?”
Tumingin sa kanya si Bert at lumabi. “Ang init talaga ng dugo mo sa akin.”
Iniikot ni Vangie ang kanyang mga mata at naglakad papunta sa kanyang tindahan. Sino ba ang hindi maiinis sa kanya? Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig nito. Tapos kanina ay ninakawan pa siya ng halik. Muling nag-init ang mga pisngi ni Vangie nang maalala niya ang halik ni Bert kanina. Iniling-iling niya ang kanyang ulo para mawala iyon sa kanyang isipan.
“Tulungan na kita.”
Halos mapalundag na sa gulat si Vangie nang biglang magsalita mula sa kanyang likuran si Bert. Nag-aayos na kasi siya ng kanyang mga paninda. Nilingon niya ito.
“P-Paki bukas na lang no’n.” Tinuro niya ang malaking bintana ng kanyang tindahan.
“Sige.”
Hinatid ni Vangie ng tingin si Bert noong papalabas na ito. Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Ang bilis kasi ng pagtibok ng kanyang puso.
“Kalma, Vangie. Bakit ba masyado kang apektado?” mahina niyang sabi.
Pinagpatuloy na niya ang kanyang ginagawa. Isa-isa niyang inilabas ang mga biscuit at sitsirya mula sa storage box saka isinabit sa harapan sa wire mesh. Ganito ang palagi niyang ginagawa dahil kapag hinahayaan niya lang sa labas ay nginangatngat naman ng daga, o kaya ay napapasukan ng mga langgam. Bahagya pa siyang napapikit nang masilaw siya noong tuluyang nang mabuksan ni Bert ang malaking bintana. Pagkatapos ay muli itong bumalik sa loob. Pakiramdam ni Vangie ay biglang sumikip ang kanyang tindahan dahil andoon ito. Tinulungan siya ni Bert na magsabit ng mga paninda niya.
“Vangie,” ani Bert. “Alam kong na kukulitan ka na sa akin. Pasensya na.”
Sandaling napatingin si Vangie kay Bert. Seryoso na ang mukha nito habang nagsasabit ng mga paninda niya. Muling ibinalik ni Vangie ang kanyang mga tingin sa paninda.
“Umayos ka rin kasi. Sa tanda ko na ‘to tapos babanatan mo ako ng mga ganoon?”
“Eh, totoo naman ang mga banat ko. Gusto kita, Vangie.”
Muling natigilan si Vangie. Naramdaman niyang hurminturyo ang kanyang puso. Pinagpawisan din siya ng malamig.
“H-Ha?”
Tumigil si Bert sa kanyang ginagawa at humarap kay Vangie. Kinabig niya si Vangie paharap sa kanya.
“Gusto kita, Vangie. Seryoso ako at walang halong biro iyon. Pakiramdam ko nga ay na-love-at-first sight ako sa ‘yo.”
Napalunok si Vangie. Nakaawang lang ang kanyang bibig habang nakatingin sa mga mata ni Bert na ngungusap. Pakiramdam niya ay bigla siyang nadala sa mga titig nito. Muli niyang na iikom ang kanyang bibig nang bumaba ang kanyang mga tingin sa labi nito. Mabilis siyang umiwas ng tingin dito at pinagpatuloy ang ginagawa.
“A-Alam mo, Bert. Masyado na akong matanda para sa mga ganyan. Kung pinagti-trip-an mo lang ako ay tumigil ka,” na iilang na sabi ni Vangie. Pilit niyang kinokontrol ang kanyang sarili. Matapos nilang maghiwalay ng kanyang asawa ay ngayon na lang na naman nagwala ang kanyang puso ng ganito.
“Wala naman sa edad ang pagmamahal eh.”
Muling natigilan si Vangie. Pinilit niyang ngumiti kay Bert. “Hindi ‘yan pagmamahal. Alam mo, walang patutunguhan ‘tong pag-uusap natin. Salamat sa paghatid sa akin at pagtulong. Makakaalis ka na,” aniya nang hindi tumitingin sa binata. Wala na siyang panahon para sa mga ganoong bagay. Narinig niyang bumuntonghininga si Bert.
“Okay. Pasensya na kung na bigla kita, pero hindi ako titigil. Gusto kita, Vangie. Liligawan kita.”
Continue reading here: https://www.dreame.com/story/2419138560-sweet-forty