Blurb:
Sa edad na bente otso ay wala pa ring matinong trabaho si Agapito. Kaya naman ay kasabay ng kanyang pagbabanda ay sinubukan niyang makahanap ng trabaho. Hanggang sa isang gabi ay nakilala niya si Stephanie Jane, ang panganay na anak at tagapagmana ng Savar Enterprises. Sa kagustuhang makatakas ni Stephanie sa kanyang pamilya ay hindi na niya nilubayan si Agapito at inalok itong maging 'personal assistant.'
Magawa kayang tagalan ni Aga ang 'black sheep' ng mga 'Savar'? O tuluyan na siyang mahulog sa babaeng langit ang agwat sa kanya?
Chapter 1: Halos mabingi...
Halos mabingi na ako sa malakas na sigawan ng mga taong halatang lango na sa alak. Naniningkit na rin ang mga mata ko habang pilit silang tinitingnan. Patuloy lamang ako sa paghampas sa drum na nasa aking harapan habang patuloy sa pagkanta si Lito sa gitna namin. Ilang sandali pa ay umakyat nang muli ang DJ sa disco house na aming tinutugtugan ngayon.
“And give it up for the gwapitos!” sigaw nito habang may nakatutok na mic sa bibig. Napangiwi tuloy ako dahil nag-feedback ang boses nito sa speaker. Ang sakit sa tainga.
Nakahinga ako nang maluwag dahil sa wakas ay tapos na kaming tumugtog. Nagsigawan ang mga taong nasa ibaba lamang namin. Panay ang sabi ng mga ito ng ‘more!’ Eh letsugas! Ang sakit na ng mga kamay ko!
Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at tumabi sa mga kaibigan ko. Humarap kami sa mga tao at nag-bow. Pagkatapos ay lumakad na kami papunta sa backstage.
“Grabe, p’re! Daming mga chikabebe,” pilyong sabi ni Yani habang naglalakad kami pababa ng stage, siya ang bass ng aming banda. Bayani talaga ang pangalan niya pero mas gusto niyang Yani ang itawag sa kanya. Para raw hindi mukhang karespe-respeto nang sobra. Totoo naman dahil mukha siyang matabang adik. Siya rin kasi ang pinaka mataba sa amin, tapos mukha pa siyang palaging high dahil sa mga mata niya.
Natawa ako nang binatukan ni Ando si Yani. “Mang mamanyak ka lang na naman eh!” anito. Siya naman ang pianist namin. Si Hernando rin ang pinaka matalino sa amin. Siya ang gumagawa ng mga ng kanta at naga-arrange ng mga kakantahin namin. H’wag niyo na ako tanungin sa hitsura niya, basta meron siya no’n. Inayos nito ng kaunti ang salamin na bahagyang natanggal. Sarat kasi ilong kaya palagi natatanggal.
“Sige na. Mas maganda kung mag-stay muna tayo rito,” ani Lito, ang pinaka gwapo sa amin, siya rin ang vocalist namin. Siya rin ang pinaka lapitin ng babae sa amin. Ganoon naman kapag bokalista, lapitin ng mga babae.
Ako? Wala pa akong pakealam sa mga ganyan. Mas gusto kong magkulong sa bahay at doon magpraktis nang magpraktis sa pagda-drum. Hindi na ako nakigulo pa sa kanila at nauna nang maglakad. Wala akong oras para sa mga ganitong gawain. Sigurado kasi akong wala pang ulam sa bahay.
“Ikaw, Aga? Uuwe ka ba agad?” tanong sa akin ni Ando.
Nasa loob na kami ng kwartong pinahiram sa amin. Kinuha ko na ang bag ko na nakapatong sa isang upuan at ipinasok doon ang stick ko. Sandaling tumingin ako sa kanya at umiling.
“Hindi na. Hintayin ko lang ang bayad sa atin at uuwe na rin ako.”
“Sus! Ang kj mo naman palagi Aga! Dito muna tayo,” ani Yani. Panay ang suklay nito sa bangs niya gamit ang kamay.
“Hindi pwede.”
Napakislot ako nang biglang umakbay sa akin si Ando. “Hayaan niyo na. Alam niyo naman si Nanay Espe eh.”
Napakamot na lang ako sa ulo dahil wala naman akong maitatago sa kanila. Kilalang-kilala nila si Nanay dahil pati sila ay nabubungangaan nito sa tuwing may gig kami o praktis.
“Hayaan mo, p’re. Kapag yumaman tayo sa pagbabanda, hindi na ‘yan magi-ingay,” pampapalubag ng loob na sabi ni Lito.
Natawa na lang ako. Imposible pero hindi naman malabo. Hindi ako nawawalan ng pag-asa sa larangang pinili namin. Siguro ay hindi pa namin oras. Ilang sandali pa ay may pumasok na babae sa kwarto. Isa-isa kaming inabutan ng puting sobre, pagtingin ko sa laman niyon ay may pera. Agad akong napangiti.
“Aalis na ‘ko,” paalam ko sa kanila at naglakad papalabas ng silid. “Hinay-hinay sa mga babae ha!” paalala ko pa.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila dahil alam kong pipigilan lang nila ako. Bahala sila kung gusto nila magpakalango sa alak at babae. Wala talaga sa isipan ko ang mga babae. Kung alak, oo. Kaso kailangan ko na kasing umuwe dahil sigurado akong naghihintay na sila nanay. Dumaan muna ako sa banyo at nagbawas. Kanina pa kasi sumasakit ang pantog ko.
Matapos ko ay tumingin muna ako sa salamin. Napaka pogi ko talaga. Bahagya kong pinunasan ang ulo kong kaunti lang ang buhok. Nasanay kasi ako sa gupit na semi-kalbo, bagay kasi sa akin iyon. Feeling ko eh ang gwapo-gwapo kapag ganoon ang gupit ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumakad na ako papalabas ng banyo. Napaka ingay na ng paligid dahil sa malakas na patugtog ng DJ. Paminsan-minsan kasi ay dito kami natugtog dito sa JL Disco House. May mga customer daw kasi na naghahanap ng live band. Eh hindi pa naman sikat ang disco house na ito kaya mga kagaya pa lang namin na mga nag-uumpisa pa lang din ang kinukuha nila.
“OMG. Why did you bring us here?”
Napatingin ako sa grupo ng babae na nakatayo sa may tapat ng disco house. Apat sila at halatang lango na sa alak.
“We should go home,” ani ng isang nakasuot ng bestida. Halos nakabalot na ang buong katawan nito dahil mahaba rin ang manggas ng suot nitong bestida.
“Let’s stay here pa. I still want to dance!” reklamo naman ng isa na halos makita na ang dalawang bundok sa dibdib.
Nakaramdam ako ng kilabot kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ba sila nilalamig? Napailing ako at tumingin sa kalsada. Parang ang tagal namang dumating ng jeep ah. Alas otso na kasi base sa mumurahin kong relos. Huminga ako nang malalim. Narinig ko pang nagtatalo ang mga babae pero hindi ko na sila tiningnan pa ulit. Maya-maya pa ay may nakita na akong paparating na jeep. Hinanda ko na ang sarili ko at ikinaway ang aking mga kamay para makita n’on na sasakay ako. Pero noong papalapit na iyon ay biglang may humawak sa braso ko kaya hindi ako nakasakay agad. Syete naman, oo! Kunot noong nilingon ko at handa na sana magsabi ng mga masasakit na salita. Pero natigilan ako noong makita kong isang babae iyon. Nakatungo siya habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa braso ko. Teka, kasama siya nung mga babae kanina. Pagtingin ko sa entrance ng disco house ay wala na roon ang mga kasama niya. Bakit andito 'to?
“Teka, Miss. Na saan na ang mga kasama mo? Huy!” Agad kong hinawakan ang mga braso niya noong muntikan na siyang matumba. Bahagya akong natigilan noong humawak siya sa balikat ko at sumandig sa dibdib ko. Para tuloy kaming mag-jowa na nagyayakapan sa gilid ng kalsada. Napangiwi ako noong maramdaman ko ang mga umbok niya.
“T-Teka, Miss.”
Sinubukan ko siyang itayo ng tuwid pero nakapikit na ito. Mukhang lango pa siya sa alak dahil amoy na amoy ko ang beer sa kanyang hininga. Ang ganda… Sandali akong natigilan nang matitigan ko ang mukha niya. Wala sa ayos ang maiksi niyang buhok na hanggang kalahati ng kanyang batok. Kaunti lang ang liwanag sa pwesto namin pero kita ko pa rin ang makinis at mamula-mula niyang pisngi. Foreigner? Hindi kasi pang pinoy ang mukha niya. Nahiya na nga ang ilong ko sa perkpektong tangos ng ilong niya. Matangos din naman ‘to pero sakto lang hindi kagaya sa kanya. Umiling ako at inayos ang pagkakahawak sa kanya. Nasa likod na niya ang mga kamay ko kaya parang magkayakap na talaga kami ngayon. Muli akong natigilan noong maamoy ko ang pabango niya. Napakabago! Shit, ano ka ba Aga? Focus! Nasaan na ba kasi ang mga kasama niya?
“Sandali lang ha? Hahanapin ko ang mga kasama mo,” aniko kahit alam ko naman na hindi niya ako naririnig. Papaupuin ko sana siya sa gilid pero hindi niya ako binitawan. Mas lalo niya pa tuloy akong niyakap kaya ramdam na ramdam ko na ang init ng katawan niya. Diyos ko naman. Hindi ba niya na iisip na lalake ang kayakap niya?
Behave ka lang, Junjun.
“I want to go home,” mahinang sabi ng babae. Pabulong lang iyon at halos hindi ko na nga marinig.
“Ha? Go home? Edi umuwe ka! Na saan na ba ang mga kasama mo?” tanong ko. Umiling-iling ang babae.
“I don’t… know.”
“Ha?!” Bahagya ko siyang inilayo sa akin at tiningnan sa mukha. Nakapikit na ang mga mata nito at bahagyang nakaikom ang bibig. Mukhang tulog na ata ang babae. Saan ko naman siya iuuwe? Kung iiwan ko siya rito ay sigurado akong mapapahamak siya. Sa ganya niyang ito at kinis ay sigurado akong mayroong magkaka-interes sa kanya.
Bahala na nga!
Kinarga ko na siya ng pangkasal at dinala siya sa may tabi ng disco house at inupo sa bench chair sa tabi. Gusto ko talaga magsalita ng mga masasakit na salita! Papaano? Halos mapugto na hininga ko habang buhat-buhat siya. Ano naman kasi ang payat kong katawan sa malaman niyang katawan? Pati nga hinaharap- Argh! Kaya ayaw ko sa mga babae e! Hingal na hingal ako noong maiupo ko na siya kaya nagpahinga pa muna ako ng ilang saglit. Tsk! Dapat nasa bahay na ako eh! Pagtingin ko sa pinto ng disco house ay sakto pang wala ang bounce. Paano na 'to? Muli akong napatingin sa babaeng bahagyang napakaawang na ang bibig at mahinang humihilik. Iinom inom siya hindi niya kayang dalhin ang sarili. Napailing na lang ako. Baka nasa loob lang din ang mga kasama niya, maige na rin dito ko siya iwanan para madaling makita ng mga ito.
“Iinom inom hindi naman pala kakayanin,” inis kong sabi. Naglakad na ako papunta sa gilid ng kalsada at agad na pinara ang papalapit na jeep. Kaunti lang ang mga pasahero kaya sumakay na ako at na upo sa dulong parte ng jeep. Tama lang ang ginawa ko. Umiwas tayo sa mga babae. Huminga ako nang malalim at pinikit ang mga mata. Nakakapagod din ang isang oras na pag-upo at paghampas ng mga stick sa drum.
Napailing ako dahil muli kong maalala ang babae. Napaupo ako nang maayos at sinilip ang babae. Medyo nakalayo na ang jeep pero natatanaw ko pa rin siya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong mayroong ng mga tumabing kalalakihan dito. Mukhang mali pa ata ang ginawa ko. Napakapit ako nang mahigpit sa bag ko at tinitigan sila. Tsk! Kasalanan naman niya ah? Muli akong sumandig. Iinom-inom tapos hindi kayang dalhin ang sarili? Kung siya ang magiging nobya ko ay siguradong hindi kami magkakasundo.
Hayaan natin siya. Lumayo tayo sa gulo.
Muli kong ipinikit ang aking mga mata. Haist!
“Kuya, sandali! May nakalimutan ako!” sigaw ko. Nang pumara ang jeep ay patakbo akong lumapit sa pwesto ng babae. Hindi kaya ng konsensya ko na pabayaan siya. Kahit na ayaw ko sa gulo ay hindi ko naman gusto na may mapahamak.
“Hoy! Layuan niyo ‘yan!” sigaw ko sa mga lalakeng hinahawakan na ang babae. Naglingunan ang mga ito sa akin. Sandali akong natigilan noong makita ko ang mga katawan. Tae, isang pitik lang nila ako siguradong taob na ako. Pero huminga ako nang malalim at pilit na pinatapang pa rin ang sarili.
“Bakit? Sino ka ba?” maangas na tanong sa aking ng isa. Agad itong humarang noong papalapit na ako.
Napalunok ako noong magsalita ang isa. Ang tangkad nito at halos hanggang baba lang ako. “Girlfriend ko ‘yan, boss. Iba na lang pagdiskitahan niyo.”
Tumawa ang isang lalaki na naka-akbay na sa babaeng tulog pa rin. “Ikaw? Boyfriend nito?” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Baka alalay kamo!”
“Sige na, boss. Ako na ang bahala sa kanya,” pakiusap ko pa. Sana lang talaga madala sa pakiusap. Pakiramdam ko kasi madadala ako agad sa ICU kapag sinuntok ako kahit ng lalakeng nasa harapan ko.
“May problema ba rito?”
Lahat kami napatingin nang may magsalita mula sa gilid namin. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang bouncer ng disco house. Agad kong tinaas ang kamay ko at lumapit sa kanya. Mabuti na lang talaga at tropa na namin siya. Sa laki ng katawan ni Bruno ay sigurado akong isang suntok niya lang sa mga lalakeng ‘to. Pakiramdam ko ay nakakita ako ng kakampi.
“Bruno! Pinag-iintrisan kasi nila ang girlfriend ko,” sumbong ko.
Tumingin si Bruno sa babaeng nakaupo sa upuan. Agad namang umalis ang lalakeng nakaakbay sa kanya at tiningnan ako nang masama.
“Umayos ka nga sa pinagsasabi mo!” singhal nito sa akin at naglakad na papasok ng disco house.
“Girlfriend mo talaga ‘yan?” natatawang tanong ni Bruno.
“Bakit?”
Umiling-iling si Bruno at tumalikod sa akin. “Sige na. Suotan mo ng helmet ‘yang syota mo para hindi mauntog.”
G4go!
Napangiwi na lang ako at nilapitan na ang babae. May hitsura naman ako ah? Ano bang akala niya? Hindi ko na lamang inintindi ang sinabi niya at nilapitan ang babae. Hindi kaya ng konsensya ko kung iiwan ko siya rito. Bahala na. Iuuwe ko na lang siya sa bahay.
Chapter 2: “Sino ‘yan?!”
“Sino ‘yan?!” hindi makapaniwalang tanong ni Nanay Espe habang nakatingin sa babaeng karga-karga ko.
Hindi ko muna siya sinagot at dere-deretsong pumasok sa silid ko. Inihiga ko roon ang babae. Hingal na hingal ako pagkatapos dahil ang layo nang pinagkargahan ko sa kanya. Nasa dulo pa kasi ng eskinita ang bahay namin. Mabuti na lang at nasa ibaba lang ang kwarto ko.
“Sino ‘yan, Kuya?” tanong din ng bunso at nag-iisa kong kapatid na si Kirah. Nakadungaw na pala ito sa gilid ng pinto. Katabi niya si Nanay Espe na ang sama ng tingin sa babae.
“Binuntis mo ba ‘yan?”
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Nanay. “’Nay naman! Hindi ah!”
Lalong tumaas ang kilay ni Nanay. Pinagkrus niya ang dalawa niyang braso. “Sigurado ka ha? Eh bakit dala mo ‘yan dito?”
Bumuntonghininga ako. “Kawawa naman kasi kung papabayaan ko sa daan.” Tumayo na ako at lumabas ng silid. Dumeretso ako sa kusina at uminom ng tubig. Grabeng bigat naman ng babaeng ‘yon.
“Na saan ang ulam?”
Muntik ko nang maidura ang iniinom kong tubig. Dahil sa pag-aalala ko sa babae, nakalimuitan ko tuloy bumili ng ulam! Nakangiwing tumingin ako kay nanay.
“Bibili pa lang ako, ‘nay.”
Agad na sumimangot si Kirah. “Sabi mo mag-uuwe ka na lang! Ang aga ko kaya nagsaing.”
Bumuntonghininga si nanay Espe. “Akin na at ako na lang ang bibili! Asikasuhin mo ‘yang dala mo rito,” inis na sabi niya.
Hindi na lang ako nagsalita at inibot sa kanya ang kinita ko ngayong gabi. Pinangdilatan ko si Kirah noong makalabas na si nanay. Nginusuan niya lang ako lalo. Naglakad na ako pabalik sa silid ko at inilapag ang bag ko sa tabi kama ko. Napatingin ako sa babaeng nakahiga sa kama ko. Nakatagilid siya paharap sa akin. Ang sarap ng tulog ng gaga. Walang kaalam-alam na muntik na siyang mapahamak kanina. Ewan ko ba, may mga babae ata talagang parang pakawala. Kapag si Kirah ang umasta ng ganito, ay nako! Talagang makakatikim sa akin.
Napailing na lang ako nang makita ko ang makinis niyang hita. Ngayon ko lang napansin na nakasuot lang pala siya ng maiksing palda. Tumayo na ako at kinuha ang kumot ko, saka iyon inilagay sa katawan niya. Kung andito si Bayani siguradong minanyak na ‘to. Pero sino kaya ‘to? Mukha pa namang mapera. Wala pa kasi akong nakitang babaeng kasing kinis niya rito sa lugar namin. Kasing puti oo, pero hanggang leeg lang. Hindi mo malaman kung zebra ba na nagkatawang tao. Na saan kaya ang mga kasama niya? Muli akong napailing at lumabas ng silid.
“Oy Kirah. Bihisan mo nga ‘yung babae. Pahiramin mo muna ng damit,” utos ko kay Kirah. Pakiramdam ko kasi hindi komportable yung babae sa suot niya. Panay kasi ang kamot sa katawan, eh mukhang sanay sa aircon. Nakaupo siya sa sala at nanonood sa tv. Paglabas kasi kwarto ko ay sala agad namin. Nasa taas ang kwarto nilang dalawa ni Nanay. Sa dulo ay kusina na agad at kainan namin.
Lumabi si Kirah. “Eh ang tangkad kaya niyang babae mo. Hindi ko kaya ‘yan!” reklamo agad ni Kirah.
Nilapitan ko siya at bahagyang kinaltukan. Agad niya akong sinamaan ng tingin habang nakatingin hawak-hawak ang ulo. “Arte mo! Sige na! Bigyan kita benta.”
“Eh! Na kay nanay na naman lahat ng pera mo!”
Ngumisi ako sa kanya. “Ako pa ba?”
Namilog ang mga mata niya. “One hundred,” nakangiting sabi niya at umayos ng upo. Pagkatapos ay inilahad niya agad ang kanyang palad.
Tingnan mo talaga ‘to. Gagalaw lang kapag binigyan ng pera.
“Bihisan mo muna.”
“One fifty!”
“Oo na! Dami mo pang sinasabi eh!”
“Yes!” Sumuntok ito sa hangin. “Sigurado ‘yan ha? Sumbong kita kay nanay kapag hindi mo ako binigyan!” aniya at tumayo na. Nagmartsa siya papunta sa kwarto niya.
Tumango na lang ako at humarap sa tv. Wala naman akong magagawa kundi bigyan siya. Hindi kasi siya matitigil, at ayaw ko namang malaman ni nanay na kumuha ako ng isang libo sa sweldo ko. Magagalit kasi ‘yon. Gusto lahat ng kita ko ay ibibigay ko sa kanya. Hindi naman ako nagrereklamo kasi wala naman kaming ibang pagkukuhanan ng pera. Ilang sandali pa ay narinig kong pababa na si Kirah. Hinayaan ko lang siya hanggang sa makapasok siya sa kwarto ko.
“Kuya! Ang bigat naman nito!” narinig kong reklamo ni Kirah.
Napangiwi na lang ako. Matangkad kasi ang babae at si Kirah ay bansot. Kaya kahit seksi naman ‘yong babae ay mahihirapan talaga siya. Pakiramdam ko talaga foreigner siya eh.
“Kaya mo na ‘yan!”
Narinig ko pang kung ano-anong sinabi niya pero hindi ko na siya inintindi. Babayaran ko naman siya eh. Isa pa, ayaw ko namang tumulong sa kanya. Mamaya sabihin pa nung babae eh pinakialaman ko siya. Swerte naman niya? Iilan pa lang nakatikim sa masarap kong katawan. Siguro ay inabot ng bente minuto si Kirah sa pagbibihis sa babae bago lumabas. Hingal na hingal siya at pawisan.
“Grabe! Ang bigat niya!” reklamo ni Kirah habang nagpupunas ng pawis. “Two hundred na ‘to kuya.”
Pinandilatan ko siya. “Ano?! Tama na sa ‘yo one fifty!”
“Wow! Eh kung tinulungan mo kaya ako?”
“Nag-iisip ka ba?”
“Ano ba? Ang iingay niyo ah! Malayo pa lang ako sa bahay naririnig ko na mga boses niyo!”
Parehas kaming nagulat ni Kirah nang biglang sumulpot si Nanay Espe mula sa labas. May dala na siyang plastic bag. Sinamaan ako ng tingin ni Kirah.
“Si Kuya kasi!”
Pinandilatan ko siya ulit at pasimpleng sinenyasan.
“Tumigil na kayo. Ayusin mo ‘to, Kirah at nagugutom na ako.” Inabot ni Nanay ang dala niya kay Kirah. Wala namang nagawa si Kirah kundi kuhain iyon. Umupo si Nanay sa tinayuan ni Kirah na pang-isahang kahoy na sofa. “Na saan na yung babae?”
Napatingin ako kay Nanay. “Tulog po.” Medyo nakaramdam pa ako ng pagka-ilang dahil sa mga tingin ni Nanay. Siguro iniisip niya pa rin na babae ko ‘yon. “’Nay. Hindi ko nga syota ‘yan.”
“Eh sino ‘yan? Bakit mo dinala rito? H’wag mo sabihing kinidnap mo ‘yan!”
“’Nay naman! Sa gwapo ng anak mo hindi na nito kailangan pang mangidnap!”
Nagtunog sumusuka si Kirah kaya agad ko siyang nilingon. “Yuck!”
“Ay nako, Agapito! Ayos ayusin mo lang ha? Ni wala ka ngang matinong trabaho tapos hahanap ka pa ng sakit sa ulo? Umayos ka talaga!”
Napangiwi na ako. Heto na naman si nanay. Bakit ko pa kasi na isipang dalhin dito ang babaeng ‘yon? Tumayo na ako. Hindi matatapos si Nanay hanggat nakikita niya ako.
“Baka gumaya ka lang sa tatay mo na ako na lahat ang pinakilos! O baka naman kapag magbuntis na ‘yan ako pa ang bubuhay riyan ha? Umayos ka talaga at ipupukpok ko sa ‘yo ‘yang stick mo! Saan ka pupunta?”
Natigil ako sa paglalakad at kakamot-kamot sa ulo na tumingin sa kanya.
“Magbibihis po. Ang init bigla eh.”
“Bilisan mo at nagugutom na ako. Tingnan mo ‘yang babae mo kung makakakain pa at baka sabihin ng magulang niyang ginugutom natin.”
Napangiwi ako nang marinig ko ang salitang ‘babae mo’ kay nanay. Ano na lang ang iisipin ng mga kapit-bahay namin. Hindi na ako nagsalita pa at lumakad na papasok ng kwarto ko. Tulog pa rin ang babae. Hindi kagaya kanina na parang hindi ito komportable, ngayon ay himbing na himbing na ito. Maluwag na t-shirt pala ang isinuot ni Kirah sa kanya at maiksing shorts. Halos mangalahati sa hita niya ang panglagpas tuhod na short ng kapatid ko. Muli kong inayos ang pagkakakumot sa kanya at itinutok ang electric fan.
Pagkatapos ay kumuha na ako ng pambahay na damit at muling lumabas ng silid. Dumeretso ako papunta sa banyo at doon nagbihis ng short na pang-basketball, saka sando na puti. Pagkalabas ko ay nakahain na ang pagkain kaya doon na ako dumeretso at na upo sa bakanteng upuan. Lechong manok ang binili ni nanay. Sakto na para sa aming tatlo.
“Ikaw, Aga. Maghanap ka na ng maayos na trabaho. Nahihirapan na talaga ako kakakuskos ng mga damit ng mga kapit-bahay natin,” reklamo ulit ni Nanay habang kumakain kami.
Napabuntonghinigna ako. Ito ang palagi niyang pinoproblema sa akin. Siguro nga kahit kumite na ako ng malaki ay iisipin niya pa rin na hindi maayos ang pinili kong larangan. Ewan ko ba, ayaw niya talaga na nagbabanda ako. Eh si tatay nga noong nabubuhay pa ay ganito rin ang trabaho.
Tumango na lang ako sa kanya at sinabing, “Opo.” Wala rin naman akong magagawa. Sana bukas ay makahanap na ako ng trabaho para hindi na ako bungangaan pa ni Nanay.
Chapter 3: “Ahh!” Napabalikwas...
“Ahh!”
Napabalikwas ako ng upo dahil sa malakas na tili ng babae. Agad akong nagpalinga-linga sa paligid.
“Where am I?!”
Ay putcha! Pinilit ko nang tumayo mula sa mahabang sofa na tinulugan ko kagabi kahit na inaantok pa ako. Naglakad ako papunta sa kwarto ko kung na saan ang babaeng dinala ko kagabi sa bahay. Napaatras ako nang sinalubong ako ng unan na ibinato nito. Tumama iyon sa dibdib ko. Pagtingin ko sa kanya ay nagsusumiksik na siya sa gilid ng kama at masama ang tingin sa akin.
“Who are you?!”
Foreigner nga ata ‘to, panay ang ingles eh. Mapapasubo pa ata ako. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya.
“I-I’m… Aga,” pagpapakilala ko. “Aga, but not the… ano… the one with dimpols!” Paano ko ba sasabihin ‘to?
“Aga?” Tumingin sa paligid ang babae. “Ano’ng ginagawa ko rito?”
Nakahinga ako ng maluwag noong margining ko siyang magtagalog. Marunong naman palang magtagalog eh!
“Ano’ng nangyari?!”
Napaigtad ako nang marinig ko ang boses ni Nanay Espe. Pababa na siya mula sa ikalawang palapag. Siguro ay narinig niya rin ang malakas na sigaw ng babae. Lumapit siya sa akin at sumilip sa babae.
“Where am I?” tanong muli ng babae kaya napalingon ako ulit sa kanya.
Bumuntonghininga ako at tumitig sa kanya. “Andito ka sa bahay namin.”
Tumaas ang kilay niyang malinis ang pagkakaahit. Lalo tuloy siyang nagmukhang mataray dahil doon. “I know. What I mean is why I am here?” mataray niyang tanong.
Napangiwi na ako at kumamot sa ulo. Parang dudugo pa ata ang ilong ko rito. Marunong naman magtagalog eh panay pa ang ingles.
“Bakit nga ba siya andito? Kahapon pa kita tinatanong diyan ah?” tanong din ni Nanay Espe.
Lalo akong napangiwi. “Eh tinulungan ko lang naman siya ‘nay eh.” Muli akong tumingin sa babae. “Lasing na lasing ka kagabi. Hindi ko alam kung saan kita dadalhin, edi inuwe na lang kita. Biglang nawala mga kasama mo eh.”
Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng babae. Muli niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Samantalang si Nanay naman ay umiling-iling at tumalikod.
“Maghahanap ka na lang ng babae yung sakit pa sa ulo.”
“’Nay! Hindi ko nga babae!” reklamo ko. Habang nakatingin sa kanya na papanik nang muli sa itaas. Iwinaklsi niya ang kanyang kamay.
“Bahala ka na riyan. Paalisin mo na ‘yan at ayaw ko ng problema.”
Napalingon ako sa babae noong tumayo siya. Bahagya akong napanganga dahil ngayon ko lang nakita ang katangkaran nito. Hindi ako makapaniwala na nabuhat ko siya kagabi. Halos magkasing taas na kasi kami. Ngayong maliwanag na ay mas nakita ko rin ang magandang hugis ng mukha nito. Hugis puso iyon at napaka kinis. Bumagay rin ang mumunting pekas sa pisngi nito. Magulo rin ang maiksi niyang buhok pero nakadagdag lang iyon ng ganda sa kanyang mukha. Bahagya akong napahawak sa aking dibdib. Lintik, parang tinamaan pa ata ako.
“Duh? Stop staring at me?”
Napalunok ako nang makita kong nakalapit na pala siya sa akin. Bakit ganoon? Lango siya sa alak kagabi pero ang bango pa rin ng hininga niya? Ano ba ininom niyang alak? Siguro ay pabango.
“I said stop it!” aniya at bahagya akong tinulak.
“Aray!” kunyari ay angal ko nang tinulak niya ako sa may dibdib. Kumurap-kurap ang aking mga mata habang sinusundan siya ng tingin. Dere-deretso siyang naglakad papunta sa kusina namin at nagtingin-tingin doon. Sumunod ako sa kanya. “Miss. Pwede ka na umalis. Pasensya ka na talaga at dito kita dinala.”
“Who changes my clothes?” tanong niya muli habang nakakrus ang mga braso.
“Kapatid ko. H’wag kang mag-aalala, hindi kita pinakialaman.”
Tumango-tango siya at kumuha ng baso mula sa lagayan ng plato namin. Pagkatapos ay lumapit sa lababo at sumahod ng tubig doon. Teka? Iinom ba siya roon?!
“Hoy, sandali! Iinom ka ba? H’wag diyan!” Lumapit ako sa kanya at kinuha ang baso mula sa kanyang kamay. Kung bakit ba kasi kung umasta ‘to parang dito siya nakatira.
“Why? Nauuhaw na ako.” Bahagyang kumulubot ang makinis niyang noo.
“Hindi malinis ang tubig na galing sa gripo.” Kumuha ako ng tubig sa jag na katabi lang ng lababo. “Ito, mineral ‘to. Dito kami na inom.” Inabot ko sa kanya iyon.
Tumango-tango siya at kinuha sa akin ang baso ng tubig. Napailing pa ako ng kaunti noong inamoy niya pa iyon bago inumin.
“Walang lason ‘yan.”
Iniikot niya ang kanyang mga mata at uminom doon. Pero agad niya ring tinanggal at nakangiwing iniluwa ang tubig. “It tastes awful!”
“Ha?” Kinuha ko ang basong hawak niya at ininom iyon. Ayos naman ang lasa. “Anong awful? Ayos naman ang lasa ah!”
Umakto siya na para bang bulateng na buhusan ng tubig na may sabon na panlaba.
“Ang pangit kaya ng lasa! Buti hindi na sakit ang tiyan mo?”
Aba’t? “Mula bata ako ‘yan na iniinom ko. H’wag ka ngang mapanghusga.”
“I’m not judging you.” Muli niyang iniikot ang kanyang mga mata. “Buy me some drinking water. Yung Evian brand.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. “Miss. Sabi ko pwede ka na umalis. Ihahatid na lang kita sa labasan at baka mapano ka pa.” Tumalikod na ako sa kanya. Gagawin pa niya akong utusan. Maganda nga, mukha namang pangit ang ugali.
“Wait!” Pinigilan niya ako at hinawakan sa braso kaya muli ko siyang nilingon. “I can’t go home.”
Kumunot ang noo ko. “Ano naman?”
Ngumiti siya sa akin. Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. Mayroon ding lumabas na maliit na biloy sa kanang pisngi niya.
“Can I stay here?”
Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay muli ko siyang tiningnan sa mukha nang puno ng pagtataka.
“Hindi ka pwede rito! Pinag-iisipan ka na ngang babae ko ng nanay ko eh!” tanggi ko. Ano ba ang problema ng babaeng ito? Hindi niya ako kilala, at higit sa lahat ay hindi ko siya kilala. Hindi ba siya nag-aalala na baka kung ano ang gawin ko sa kanya?
“Then I’ll talk to your mother,” matapang niyang sabi.
“Miss! Halika na.” Hinila ko siya pabalik sa kwarto ko at ipinasok doon. “Magbihis ka na at ihahatid na kita sa sakayan. H’wag ka na makigulo sa amin.”
“Wait!”
Hindi ko na siya pinagsalita pa at isinara ang pinto ng silid ko. Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko dahil sa kanya. Ano ba ang akala niya sa bahay? Ampunan? Malay ko ba kung sino siya. Umiling-iling ako. Kahit maganda siya ay ayokong magkaroon ng problema. Sa hitsura pa lang siya ay mukha na siyang mayaman. Higit sa lahat mukha siyang sakit sa ulo. Tama na ang dalawang babae ang nagpapahilo sa akin. Ayoko nang dagdagan pa iyon.
Chapter 4: “I’m not going...
“I’m not going anywhere,” mariin na sabi ng babaeng foreigner.
Napanganga ako noong makita kong nakaupo lang siya sa maliit kong papag. Salubong ang kilay niya at magkakrus ang mga braso sa may dibdib. Hindi pa rin nagbago ang hitsura niya at suot-suot pa rin ang damit na isinuot sa kanya ni Kirah.
“Sabi ko magbihis ka na, ‘di ba?”
Umarko ang kilay niya at inirapan ako. “I told you already, I can’t go home!” inis na sabi niya.
“Mas lalo naman na hindi ka pwede rito.”
Lumabi siya at nag-iwas ng tingin. “I can’t.”
Pumasok na ako sa loob at pabagsak na isinara ang pinto. Lumapit ako sa kanya at namaywang.
“Hindi ka nga pwede rito. Mas lalong iisipin ni Nanay na babae kita!”
Umawang ang bibig niya at hindi makapaniwalang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Ah- What? Are you f*cking serious?!” aniya na para bang may nasabi akong hindi tama.
Napaingos ako sa sinabi niya. Lasengga na, maarte pa, tapos ngayon ang lutong magmura. Napailing ako sa isip ko. Sabagay, si Jolai nga na anak ni aling Ising ang lutong din magmura. Tsaka pogi naman ako ah? Luge nga ako kung sakaling maging babae ko siya. Sa gwapo't bait kong 'to. I deyserb beter!
“Kaya nga magbihis ka na at ihahatid na kita sa labasan.”
Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Nakasimangot pa rin siya. Medyo natulis pa nga ang nguso niya. Aaminin ko, medyo kumislot ang puso ko dahil ang cute niyang tingnan.
Pero hindi pwede!
Hindi ako dapat magpadala sa ka-cute-an niya. Dapat ay umalis na siya rito dahil baka mamaya pikutin niya pa ako. Edi mahirapan na akong abutin 'yong pangarap ko na maging greatest drummer in the world!
Pinagkrus ko rin ang dalawa kong braso sa may dibdib ko. “Miss, ano na?” tawag ko sa kanya pero hindi manlang siya tumingin sa akin.
Sa totoo lang, okay lang naman kung andito siya. Kaso ay hindi ko siya kilala. Mukha pa namang anak mayaman. Tsaka hindi ako titigilan ni Nanay kakasermon dahil iniisip niya na babae ko 'to. Idagdag pang mahirap na kapag makita siya ni Yani. Napaka manyakol pa naman ng baboy na 'yon.
“Miss!”
Inis na tumingin siya sa akin. Medyo na paatras pa ako noong magkatitigan kami. Napalunok ako nang kaunti dahil sa talim ng mga tingin niya. Kanina ay para siyang nag-iinarte na dalagita. Ngayon ay para siyang dragon na handang bumuga ng apoy. Dapat talagang umalis na siya rito. Kaya nga hindi ako naggu-girlfriend ngayon dahil ang hirap ispelingin ang mga kababaihan. Papalit-palit ng mood. Tama na sa akin ang pag-iinarte ni Kirah at ang pagbubunganga ni Nanay.
“Oh, ano?” tanong ko sa kanya.
Ngumuso siya at nakataas ang kilay na hinagod ako ng tingin. Lalo akong nagtaka noong hindi na salubong ang kilay niya no'ng sa mukha ko na ulit siya nakatingin. Napalunok ako noong mapunta sa labi niya ang mga mata ko. Ngumiti siya at biglang kinagat ang labi nang marahan.
Dug!
Dug!
Dug!
Ano'ng nangyayari sa akin? Bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko at nanlalaki ang mga matang binalik ang mga tingin ko sa mga mata niya. Pero parang mali ata ang ginawa ako. Hindi na kasi seryoso ang tingin niya sa akin. Namumungay na ang mga mata niya. Parang mga mata ni Nanay kapag inaabutan ko ng pera. Biglang parang naging maamong tupa.
Ano bang ginagawa niya sa akin?
“Do you need help with that?” tanong niya.
Syet na malupet! Pati boses niya biglang naging malumanay.
“H-Ha?”
Ngumuso siya at tumingin sa may ibabang parte ko. Napakunot ang noo ko at tumungo. Natigilan ako noong makita ko ang nakaumbok sa loob ng shorts ko. Naka-boxer shorts lang kasi ako kaya bakat na bakat si junjun. Nanlaki ang mga mata ko nung ma-realize ko na nagising ang alaga ko. Tumingin ulit ako sa kanya. Nakangisi na siya na para bang nanloloko.
“I can help you,” aniya pa at kumindat sa akin.
Napalunok ako at biglang napangiwi noong maramdaman kong lalong nanigas ang alaga ko. Nahawakan ko na iyon at biglang tumalikod sa akin.
“A-Ah, babalik ako! Magbihis ka na!”
“Huh? Wait!”
Nanlaki lalo ang mga mata ko noong marinig kong tumayo siya. Hindi ko na siya pinansin pa at nagmamadaling naglakad papalabas ng kwarto. Pabagsak ko pang isinara ang pinto at mahigpit na hinawakan ang handle doon. Hinawakan ko ulit ang dibdib ko at pinakalma ang sarili.
Grabe!
Para akong tumakbo nang tumakbo dahil sa labis na pagkahingal ko. Tumagtak pa nga ang pawis ko e. L!ntik na! Scam talaga ang mga babaeng magaganda! Muli akong napatingin sa may shorts ko.
Kumalma ko riyan, junjun! Ipinapahiya mo naman ako!
“Oh, kuya? Ano'ng ginagawa mo?”
Halos mapatalon na ako noong marinig ko ang boses ni Kirah. Nasa harap pala ito ng lababod at nagto-toothbrush. Mukhang katatapos lang din niya maligo dahil basa pa ang buhom at may nakapatong na orange na tuwalya sa balikat niya.
Tumaas ang dalawang kilay ko.
“Ha? Wala.”
Binitawan ko ang pinto at naglakad papunta sa kahoy na upuan namin at naupo roon. Hinihingal pa rin ako kaya pilit kong pinakalma ang sarili ko.
"Nandyan pa ba siya?" tanong pa ni Kirah.
Tumango ako. "Ayaw umalis."
"Ano?" gulat na sabi ni Kirah. Narinig ko ang mga yabag niya papalapit sa akin. Naupo siya sa tabi ko. "Lagot ka kay nanay kapag hindi pa rin siya umalis," pabulong na sabi niya. Patingin-tingin pa siya sa pinto ng kwarto ko.
Napabuntonghininga ako at bahagyang inalis ang kamay niya sa balikat ko. "Ewan ko nga e. Bakit ba kasi kayo ganyang mga babae?"
Pinalo ni Kirah ang balikat ko at tumayo. "Bakit ba?" inis na sabi niya at nagmartsa palayo.
Napailing na lang ako. Muli akong tumingin sa pinto ng kwarto ko. Hindi pa rin siya lumalabas. Halata naman na hindi siya sanay sa ganitong lugar at buhay. Pero bakit parang ayaw niya talagang umalis?
Tsk! Patay ako kay nanay nito!
Chapter 5: “Ano?!” magkasabay...
“Ano?!” magkasabay naming sigaw ni Nanay.
“I said, I will stay here for a while. Hindi ako aalis,” mariin na sabi ng babaeng foreigner. Foreigner kasi hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan niya.
Nagkatinginan kami ni Nanay. Pagkatapos ay muling tumingin sa kanya. Nakupo na kaming tatlo sa sala. Magkatabi kami ni Nanay at siya naman ay nakaupo sa pang-isahang upuan. Prenteng nakaupo na akala mo ay siya ang may-ari ng bahay. Napaigik na lang ako at nasapo ang braso ko noong bigla iyong hinampas ni Nanay Espe.
“Aray, ‘Nay!” reklamo ko at tiningnan siya. Pinandilatan niya ako.
“Akala ko ba hindi mo ‘to babae? Bakit ayaw umalis dito, ha? Nabuntis mo na, ‘no?!” sigaw ni Nanay Espe.
Nanlaki ang mga mata ko. “‘Nay! Hindi nga!”
“Wait, what?” singit ng babae. “Babae? Nabuntis? Eww!”
Napatingin ako sa kanya at pinandilatan siya. “Kung maka-eww ka, ah?”
Inirapan niya ako. Tumingin siya kay Nanay Espe. “Look. Hindi niya ako babae at hindi ako buntis.”
“Eh bakit ayaw mong umalis dito?!” sigaw ni Nanay Espe. Napakamot na lang ako at tumingin sa sahig. “Alam mo bang walang trabaho ‘tong anak ko tapos dadagdag ka pa sa palamunin? Humanap ka ng ibang matutuluyan!”
Lalo akong nangiwi dahil sa sinabi ni Nanay. Madalas talaga mahilig mang-war-shock itong si Nanay. Hindi ko man kilala si Miss Foreigner pero bigla akong nahiya sa kanya. Kaya ayaw ko rin na magkaroon ng girlfriend. Sigurado kasi akong kawawa lang kay Nanay.
Umawang ang bibig ni Miss foreigner at hindi makapaniwalang tiningnan si Nanay. “Oh my, Gosh! Don’t be mad! Hindi ako magiging palamunin!” protesta niya. Kinuha niya ang maliit niyang bag na nasa kandungan niya at binuklat iyon. Pero bigla siyang natigilan at nakangiwing muling tumingin sa amin. “I don’t have cash right now. But we can withdraw money. Just let me stay, okay? Magbibigay ako para sa pagkain natin.” Tumingin siya sa akin. “You. Wala kang trabaho? I will hire you!”
Sh!t!
Tumingin ako kay Nanay Espe. Medyo kumakalma na ang hitsura niya pero matalim pa rin ang mga tingin.
“Teka, ‘Nay-”
“Ssh!” saway niya sa akin.
Napangiwi ako at nag-aalalang tumingin kay Nanay. Gusto ko nang umalis ang babae pero mukhang nakukumbinsi si Nanay.
“‘Nay. Teka lang, hindi natin siya kilala.”
“Oh, yes. Nakalimutan kong magpakilala sa inyo. I’m Stephanie. You can call me Steph.”
Sinamaan ko ng tingin si Steph. Hindi ko naman sinabi na magpakilala siya eh. Pero Stephanie? Mukhang pang mayaman nga.
“Bakit ayaw mong umalis dito? May tinataguan ka ba?” tanong ni Nanay.
Ngumuso si Steph at bahagyang tumango. “Yes. But it’s no big deal. H’wag kayong mag-alala. Hindi naman ako magtatagal dito.”
Umarko ang kilay ni Nanay Espe at sinuri si Stephanie. “Baka naman mapasama kami dahil dito ka nagtatago?” nakaarko ang isang kilay na sabi niya.
“No! Of course. Hindi mangyayari ‘yon. I assure you.” Ngumiti si Steph.
“Bibigyan mo ng trabaho ang anak ko?”
Tumingin sa akin si Steph at sunod-sunod na tumango. “Yes! I will,” tugon niya at muling tumingin kay Nanay. “I will hire him as my personal assistant.”
“Ano? Personal assistant? ‘Yong parang sa mga artista?” tanong ko.
“Yes. Something like that. Pero hindi ako artista.”
Sunod-sunod akong umiling. “Ayoko nga!” tanggi ko. Ni sa hinagap ay hindi ko ginusto na maging alalay. Magpa-practice na lang ako! Pero natigil ako dahil bigla na lang akong pinalo ni Nanay Espe sa likod ng ulo ko. Nasapo ko iyon at gulat na tiningnan si Nanay. “‘Nay!”
“Manahimik ka! Bibigyan ka na nga ng trabaho ang dami mo pang sinasabi! Ayusin mo na ang kwarto mo para iyon ang maging kwarto nitong si Steph!” utos niya.
Naiawang ko ang aking bibig. “Akala ko ba ayaw mo na nandito siya?” nagtataka kong tanong. Pinandilatan ako ni Nanay.
“Eh hindi naman siya magiging palamunin dito kagaya mo.”
“Grabe naman kayo sa akin, ‘Nay.” Hinawakan ko ang batok ko at hinimas iyon. Hindi naman ako nasasaktan sa sinasabi ni Nanay. Sanay na ako. Pero kasi may kaharap kaming ibang tao. Pagtingin ko kay Stephanie ay nakangiti ito at halatang nasisiyahan sa kanyang nakikita. Bumunga ako ng hangin at tumayo.
“Totoo naman ‘yon, ah? Ayusin mo na ang kwarto mo.”
“Eh saan ako matutulog?”
Tumingin si Nanay sa inuupuan naming upuan. Doon din ako natulog kagabi. Komportable naman ako pero iba pa rin kapag sa papag ko ako natutulog.
“Pwede ka na rito.”
“‘Nay naman! Paalisin mo na lang ‘yang babaeng ‘yan!” inis na sabi ko at tinuro si Stephanie. “Paano kung patayin tayo niyan? O gahasain ako? Kawawa naman virginity ko!”
Lalong nanlaki ang mga mata ni Nanay. Ilang sandali pa ay galit itong tumayo. Tumakbo na ako papasok ng kwarto at mabilis na isinara ang pinto niyo.
“Nakakahiya ka talaga! Sa tingin mo ba papatulan ka ni Steph? Manalamin ka nga!” sigaw niya. “Ayusin mo na riyan at h’wag ka na maraming reklamo! Buti nga at may trabaho ka na eh!”
Napakamot ako sa ulo. Minsan talaga iniisip ko ampon lang ako. Ang dami ko pang salitang narinig kay Nanay pero ini-lock ko na lang ang pinto at nahiga sa papag ko. Nakahinga ako nang maluwag at niyakap ang kumot ko. Natigilan ako noong maamoy ko ang pabango ni Stephanie roon. Oo nga pala, ito rin ang ginamit niya kagabi. Dumikit ang amoy niya rito. Nagkibit na lang ako ng balikat at hindi pinansin ang amoy ng kumot ko.
Stephanie. Hindi ko alam kung bakit pero parang pamilyar sa akin ang pangalan niya. Sa totoo lang, kahit siya ay pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung saan ko ba siya nakita bukod sa disco house. Hindi ko maalala.
Ilang sandali akong nakihiga sa papag. Patulog na nga sana ulit ako noong marinig ko ang sunod-sunod na mga katok sa pinto. Pipikit-pikit pa ang mga mata ko noong tumayo ako at lumapit sa pinto.
“Tang!na. Hindi mo talaga inayos?”
Napaatras ako noong bumungad si Nanay sa may labas ng kwarto ko. Binuksan niya nang malaki ang pinto at pumasok sa loob.
“Diyos ko talaga, Agapito! Kahit kailan ka talaga!” inis pa rin na sabi ni Nanay.
Kumaot ako sa ulo ko at gumilid. “Seryoso ka ba talaga, ‘Nay? Papatuluyin mo siya rito?”
Humarap siya sa akin. “Malamang. Ikaw nagdala rito sa kanya kaya responsibilidad mo siya. Isa pa, naglayas daw pala sa bahay nila kaya wala siyang matutuluyan. Kawawa naman.”
“Sus! Natuwa lang kayo kasi makakalibre tayo sa pagkain eh.”
Pinandilatan ako ni Nanay. “Syempre! Kailangan niya magbigay ng pangkain kung gusto niya tumira rito.” Tumingin sa labas ng kwarto si Nanay Espe. “Samahan mo ‘yon. Magwi-withdraw raw. Ako na maglilinis dito.”
“‘Nay naman kasi–”
“H’wag ka na maraming reklamo, Agapito.” Itinulak ako ni Nanay palabas ng kwarto. “Samahan mo na ‘yon at baka mapano pa sa labas.”
Napabuga ako ng hangin at walang nagawa kundi ang lumabas ng kwarto. Nakita ko agad si Stephanie na prente pa ring nakaupo sa inuupuan niya kanina. Tumingin siya sa akin at malapad na ngumiti. Kumaway pa siya na para bang bagong baba ako sa eroplano. Kulang na lang ay maiikot ko ang aking mga mata dahil sa inis.
Gusto mo rito, ha? Edi welcome. Ngumisi ako at biglang nakaisip ng ideya. Hindi ka magtatagal sa bahay na ‘to.
Continue reading here: https://www.dreame.com/story/3344310528-agapito-jacobe--the-gwapitos-series-1-