Blurb:
Nang malaman ni Sheila na nagkaroon na rin ng kasintahan ang matalik niyang kaibigan. Na isipan niya rin na maghanap ng lalakeng magpapainit ng kanyang gabi. Kaya naman nang makita niya si Anton sa isang dating site ay nakipagkita na siya rito. Ngunit laking gulat niya noong makita na bente singko anyos pa lamang ito, malayong-malayo sa kanyang edad na kwarenta y dos. Magkagayon pa man ay nagpatuloy si Sheila sa pakikipagkasundo sa binata.
Ngunit habang tumatagal ay hindi niya inakala na magkakaroon siya ng nararamdaman dito. Ang kanilang kasunduan na tanging sa kama lamang, ngayon ay nababahiran na ng kanilang mga damdamin na hindi mapigilan.
Chapter 1: “Oh, pak!...
“Oh, pak! Yummy!” natatawang sabi ni Sheila habang nakatingin sa kanyang android cellphone. Nagi-scroll siya sa newsfeed niya nang may makita siyang larawan ng isang lalake na nakahubo. Kitang-kita ang nagpi-flex nitong muscles. Nakagat niya ang kanyang labi at ini-zoom pa niya ang picture kaya mas malinaw niyang nakita ang abs nito. Nakagat na lamang niya ang kanyang labi.
“Tita!”
Napaigtad si Sheila nang marinig niya ang boses ng kanyang pamangkin na si Jay. Halos mabitawan na niya ang hawak niyang cellphone. Mabuti na lang at nasa sofa siya at hindi iyon na hulog sa sahig. Nakita niya ang binatilyo na papasok sa kanyang bahay. Humahangos pa ito at may dalang timba.
“Ano ba?! Papatayin mo ba ako sa gulat?!” inis na sabi ni Sheila. Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at lumapit dito.
Kakamot-kamot naman sa ulo si Jay. “Eh sorry na po. Tapos ko na po kasing pakainin ang mga manok at baboy sa farm.”
“Buti naman.” Tumalikod si Sheila sa binatilyo at naglakad pabalik sa kanyang kinauupuan kanina. Kinuha niya ang wallet niya roon at muling nilapitan si Jay. Kumuha siya ng two hundred pesos doon at inabot ito sa binatilyo. Ito kasi ang inuutusan niya palaging magpakain sa kanyang mga alaga. Ito rin ang madalas na natao roon.
Anak ng pinsan niya si Jay. Sa edad nitong dise syete ay mayroon na itong pamilya. Kaya naman ay ito talaga ang inuutusan niya palagi kahit kaya naman niya iyong gawin. Para na rin matulungan niya ito.
Magpa-farm na ang naging hanap buhay ni Sheila. Dito siya kumukuha ng makakain niya, maging noong nasa puder pa lang niya ang kanyang mga anak. Sa kanyang farm na rin siya kumuha ng pang-aral sa tatlo niyang mga anak. Siya na kasi ang bumuhay sa kanyang mga anak mula noong hiniwalayan niya ang kanyang asawa.
“Oh. Pupunta ako roon mamaya,” sabi ni Sheila. Nasa dulo pa kasi ng barangay nila ang farm niya. Bandang gubat na iyon dahil hindi na pwede na malapit sa kabahayan.
Nakangiting kinuha ni Jay ang pera. “Sige po, tita. Salamat.”
Hindi na tumugon pa si Sheila at pinanood na lamang ang pag-alis nito. Bumuntonghininga siya at muling pumasok sa loob ng bahay. Muli niyang kinuha ang kanyang cellphone na nasa sofa at tumingin-tingin sa newsfeed niya. Napatigil siya sa pag-scroll nang makita niya ang ini-post ng kanyang kaibigang si Vangie.
“Sus. Tingnan mo ‘tong bruhang ‘to. Kunyari pa aayaw kay bagets eh sasagutin naman pala,” nakangising sabi niya. Kasama kasi nito sa larawan na ini-post nito ang lalakeng nakita nila sa birthday ng anak ni Maricel. Napanguso siya at na sabing, “sana all.”
Masaya siya para sa kanyang kaibigan. Ngunit hindi niya maiwasang maingiit dito. Parehas silang hiwalay sa asawa. Nagkaroon din naman siya ng bagong karelasyon noong ma-annulled ang kasal nila ni Ricardo, pero hindi rin nag-work out. Napabuntonghininga siya at tumayo na. Tanghali na kasi at wala pa siyang pagkain. Mag-isa lang siya kaya madalas ay tinatamad siyang magluto ng pagkain niya. Wala kasi sa puder niya ang tatlo niyang anak. Ang panganay niya at ikalawang anak ay may sarili ng pamilya. Andito rin sila sa barangay nila pero sa ibang bahay na. Ang kanyang bunso naman ay nasa Maynila at doon piniling mag-aral. Nasa puder ng tatay niya.
Kawarenta y dos na si Sheila. Kung tutuusin ay bata pa naman ang kanyang edad kahit na lagpas na iyon sa kalendaryo. Kaya niya pa ring makipagsabayan sa mga kadalagahan diyan sa labas. Madalas nga kapag nagkakasama-sama silang mag-iina ay napagkakamalan lamang silang magkakapatid, puros babae rin kasi ang mga anak niya.
Minsan na iisip niya kung magkakaroon pa siya ng makakasama sa buhay. Kaso ayaw naman niya nang papalit-palit siya ng karelasyon. Madalas nga iniisip niya kung magkakaroon pa ba siya ulit ng katabi sa kama. Sa tagal na niyang walang karelasyon, pakiramdam niya ay nagsara na ang bukana niya. Napailing si Sheila at nagluto na lamang ng kanyang makakain. Pagkatapos niyang makaluto ng pritong itlog at kanin ay na upo na siya sa hapag kainan para kumain.
Hindi ganoong kalaki ang bahay ni Sheila. Studio type ang unang palapag niyon kaya kita agad ang kusina mula sa sala. Ang hagdan papunta sa ikalawang palapag ay nasa tabi ng pintuan. Sa itaas ay mayroong limang kwarto, ang tatlo ay bakante lang. Saka lang iyon nagkakaroon ng matutulog kapag andoon ang kanyang mga anak. Nasanay nang ganito si Sheila, pero madalas ay nalulungkot siya. Hindi naman biro ang mag-isa.
Pagkatapos niyang kumain ay sinara niya muna ang pinto at pumanik sa kanyang kwarto para maligo. Sinuot niya ang short shorts niya kaya kitang-kitang ang makinis at mahahaba niyang hita. Binagayan niya iyon ng sandong hapit na hapit sa kanyang katawan. Mababakas tuloy ang hubog ng kanyang katawan. Hinayaan niya lang na nakalugay ang kanyang hanggang baywang na buhok. Madalas ay nasasabihan siya ng kanyang mga ka-barangay dahil sa pang-araw-araw niyang suot. Pero kiber ba niya? Isa sa mga motto niya sa buhay ay ‘my body, my rules.’ Na iinggit lang din naman ang mga ito dahil sa tanda niya ay hindi pa laylay ang kanyang mga balat. Hindi niya kasalanan kung mukhang mga chaka na ang mga ito. Papaano kasi ay hindi marunong mag-alaga ng sarili.
Nang matapos siyang mag-asikaso sa kanyang sarili ay lumabas na siya. Lumapit na siya sa kanyang Mio I 125, wala pa itong tatlong buwan at pangatlong motor na niya iyon ngayong taon. Hindi kagaya ng ibang kababaihan sae dad niya na mga mamahaling bag kinokolekta, siya ay motor. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi bumili. Kapag nagsasawa na siya ay binibenta niya ulit. Pero itong gamit niya ngayon ay mukhang magtatagal sa kanya. Sumakay na siya roon at nagpunta sa bahay ng kanyang matalik na kaibigan. Gusto niya lang itong i-congratulate sa bago nitong relasyon.
“Vangie!” tawag niya agad sa kanyang kaibigan nang makita niya ang bahay ng kanyang kaibigan. Bukas ang tindahan nito.
“Oh!”
Ipinara niya ang kanyang motor sa gilid ng bahay nito, tabi lamang ng gate. Ibinaba niya ang stand niyon at bumaba na. Dere-deretso siyang pumasok sa loob ng tindahan ni Vangie. Nakita niya ang kanyang kaibigan na nakaupo sa swivel chair nito.
“Ikaw ha! Bakit hindi mo sinabi sa akin?” bungad niya rito.
Kumunot ang noo ni Vangie. “’Yong ano?”
Iniikot niya ang kanyang mga mata at naglakad papalapit dito. “Sinagot mo na pala si bagets! Umamin ka? Na diligan ka na ‘no?”
Nanlaki ang mga mata nito. “Bunganga mo talaga, Sheila!”
Tumawa nang malakas si Sheila nang makita niya ang labis na pagkagulat sa mukha ng kaibigan. “Ano? Malaki ba?”
Binato ni Vangie si Sheila ng notebook na malapit sa kanya. “Tumigil ka nga!”
Tumawa lang nang tumawa si Sheila. Sobrang maiba kasi sila ng kanyang matalik na kaibigan. Kung siya ay maboka at ang kanyang kaibigan naman ay tahimik lang. Maraming nagtataka kung paano sila naging magkaibigan. Pero hindi nila alam na sila lang ang nakakaintindi sa isa’t isa. Kaya kahit tumanda na sila ay hindi pa rin natibag ang kanilang pagkakaibigan.
Chapter 2: "Are you looking...
"Are you looking for love?"
Napangiwi si Sheila habang binabasa niya ang adds na lumabas sa screen ng kanyang cellphone. Nanonood siya ng Glorious sa kanyang laptop. Nakadapa lamang siya sa kanyang higaan sa kwarto dahil gabi na at patulog na siya. Tapos biglang may sumulpot na adds sa screen. Isa iyong dating site. Napanguso siya at ini-ekis iyon. Dati na siyang nag-sign up sa mga ganoong site, wala rin namang mapapala.
Pinagpatuloy niya at hindi na lamang iyon inintindi. Ayaw niya kasi sa mga ganoon. Para sa kanya ay hindi mo mahahanap ang totoong pagmamahal sa online. Nasa parte na siya kung saan naging magkarelasyon na ang mga bida. Napapakagat labi niya habang nanonood sa bed scene ng dalawa. Hindi niya tuloy maiwasang mainggit sa bidang babae. Matanda na rin kasi ito, kagaya niya. Hiwalay din sa asawa pero hindi pa sa papel at malalaki na rin ang mga anak. Pero akalain mo ‘yon? Nakahanap pa ng bagong pag-ibig, at ngayon ay aktibo na ulit ang sex life.
“Sana lahat,” natatawa niyang sabi. Kailan nga ba ang huli niyang sabak? Tatlong taon na ata ang nakalilipas. Noong pumunta siyang Maynila at na isipan niyang mag-bar. Hindi na niya tanda.
“Ano ba ‘to?” Napakunot ang noo niya noong mag-pop out muli ang ads ng dating site. Tatanggalin niya sana ulit ‘yon pero natigilan siya at napaisip.
Bakit hindi? aniya sa kanyang isipan. Hindi naman kailangan maghanap ng makakapareha. Sa panahon ngayon ay mahirap na magtiwala. Hindi niya kinokontra ang kaibigan niyang nagkaroon ng bagong karelasyon, pero hindi naman nila masasabi ang panahon. Pwedeng pagdating ng araw ay biglang magbago ang ihip ng hangin. Kagaya sa nangyari sa kanila ng kani-kanilang mga asawa. Hindi naman ata masama na mag-sign up siya at maghanap ng lalakeng magpapainit ng kanyang mga gabi?
Umupo siya at inilagay sa kandugan ang laptop. Pinindot niya ang dating site at nag-sign up doon. Hindi naman masama kung susubukan niya. Maghahanap lang siya ng pwedeng magpa-init sa kanya. Hindi naman ibig sabihin no’n ay maghahanap siya ng lalakeng makakasama niya habang buhay.
“Kailangan pa talaga ng picture?” nakangiwing sabi niya. “Sabagay.” Tumayo na siya at naghanap ng maisusuot. Napangiti siya noong makita niya ang itim na bestida niya na hapit na hapit sa kanya. Kinuha niya iyon at isinuot. Pagkatapos ay nagsuklay siya at naglagay ng kaunting make-up.
“Sige lang, Sheila. Galingan mo,” natatawa niyang sabi sa sarili. Nang masiyahan na siya sa kanyang hitsura ay inayos niya ang kama niya at cellphone. Nilagyan niya iyon ng timer para hindi na niya kailangan hawakan. Nag-pose siya ng kung ano-ano, iyong iba ay pang-sexy pa. Pagkatapos niya ay nahiga siya at tiningnan ang kanyang mga larawan.
“Oh pak! Pati mga bakla titigasan sa ‘yon!” Ngumiti siya habang pinagmamasdan ang mga pictures niya. Wala na siyang pake kung kita ang pisngi ng kanyang dibdib at ang makinis niyang hita. Natatawang inilipat na niya iyon sa laptop niya at ini-upload sa website.
"Ayan. Now maglagay naman tayo kung ano ang hinahanap natin.” Tumipa siya sa keyboard ng kanyang laptop. Inilagay niya ang mga hinahanap sa lalake. Hindi naman siya mapili, pero ang gusto niya ay ka-edad niya. Iyong lalakeng wala rin balak sa seryosong relasyon at talagang gusto lang ng pampalipas oras. "Grabe naman?" Napaisip siya, pero sa huli ay nagkibit lamang siya ng balikat. Masyado na siyang matanda para isipin pa ang sasabihin ng iba. Gusto lang niya mag-enjoy. Hindi naman ibig sabihin na magbabago-bago siya ng lalake.
Maharot siya, pero stick to one. At panghuli na ito. Gusto niya lang ulit maranasan. Para may sumundot sa kanyang tagiliran noong maisip niya na gagawin niya ulit iyon. Minadali na niya ang paglalagay ng mga gusto niya. Pagkatapos ay ipinasa na niya iyon sa website. Nang masiguro na niya ay tama ang lahat ng kanyang na ilagay ay binatawan niya muna ang kanyang laptop at nagbihis.
Bumaba siya sa sala niya upang kumuha ng beer at ng meryenda. Nakaramdam kasi siya ng gutom. Muli na siyang bumalik sa kanyang silid nang makakuha na siya.
Nanonood na siya noong tumunog ang kanyang laptop. Pagtingin niya ay nagmula iyon sa site na kanyang pinuntahan kanina. Ini-pause niya muna kanyang pinapanood at tiningnan ang dating site. Napanganga siya nang makita niyang ang dami agad ang nag-like sa picture niya at bumisita sa profile niya. Marami na rin ang nagbigay ng mensahe sa kanya na mga kalalakihan.
“Wow ha? May asim ka pa talaga, Sheila,” natatawa niyang sabi. Isa-isa niyang binisita ang profile ng mga nag-message sa kanya. Hindi muna siya nag-reply sa mga ito dahil puros mabubulaklak lang na mga salita ang kanyang nababasa. Nanlalaki ang kanyang mga mata at minsan ay napapaawang ang bibig habang tumitingin sa mga profile ng mga kalalakihang nag-message sa kanya. Ang iba roon ay taga-ibang bansa pa at mapapa-wow ka sa gwapo at laki ng mga katawan. Pero tinatanggal niya iyon agad dahil hindi niya gusto ang malayo. Hanggat maari ay gusto niya ang malapit lang sa kanya.
“Hmm.” Napataas ang kilay niya nang makita niya ang isang nag-message sa kanya. Nag-hi lamang ito sa kanya at wala nang iba pang sinabi. Hindi kagaya sa ibang nag-chat na nagsabi pa na bibigyan siya ng pera. Marami na siya no’n kaya wala siyang pakealam sa pera. Sa katunayan ay pwede na siyang hindi magtrabaho hanggang pagtanda niya dahil may ipon na siya. Mayroon pa siyang retirement plan na hanggang ngayon ay hinuhulugan niya.
Binuksan na niya ang profile niyon at napataas ang kilay niya. “Anton Smith. Forty-five. Single. Edi maganda,” nakangiting sabi niya. Hinanap niya ang larawan nito at napatango-tango. Hindi na siya nagdalawang isip at ni-reply-an ito.
SheyBom: Hello.
Hindi naman siya nagtagal sa paghihintay at nag-reply ito agad.
Anton Smith: Hello, gorgeous. How are you?
"Talaga lang ha."
SheyBom: Pinoy?
Mukha kasi itong foreigner base sa picture nito. Blue eyes pa at ang apelyido ay Smith. Hindi niya lang sigurado kung totoo ba iyon.
Anton Smith: Yes. How about you?
"Ay buti naman."
SheyBom: Hindi ba halata?
Anton Smith: Oh, I thought you're a goddess.
Namula ang pisngi ni Sheila. "Bolero."
SheyBom: Talaga lang ha.
Natawa na siya. Ayaw niya naman magtiwala agad, pero magaan ang loob niya sa kanyang kausap. Sana nga lang totoong tao ‘to. Marami pa silang napag-usapan ni Anton. Hindi na rin niya in-entertain ang iba pang nagme-message sa kanya at nag-focus na lang kay Anton. Sa tingin niya kasi magkakasundo silang dalawa.
Chapter 3: Anton Smith: Can...
Anton Smith: Can we see each other?
Natigilan si Sheila nang mabasa niya ang chat ni Anton. Kasalukuyan siyang nasa farm niya at nagpapakain sa mga manok. Ilang araw na rin silang nagkakausap ni Anton mula noong magkakilala sila sa dating site. Nagpalitan na sila ng PeysBuk account para roon magkausap ng maayos. Syempre, dummy account ang ibinigay niya. Magaan ang loob niya sa binata, pero gusto lang niya mag-ingat.
Nakagat niya ang kanyang labi at pinag-isipang maigi ang sinabi nito. Tinigil niya ang pagsasaboy ng patuka at tumayo ng maayos.
SheyBom: Where?
Anton Smith: Anywhere you want. I want to see you now. Kung gusto mo puntahan kita sa inyo?
Napangiwi si Sheila. “Sure ba ‘to?” Napaisip siya. Ilang araw pa lang silang nagkakausap, pero sa chat pa lang. Technically ay wala pa siyang pagkakakilanlan dito. Kaso… “Teka nga.”
SheyBom: I'll think about it.
Ipinasok na niya ang kanyang cellphone sa bulsa at tinapos ang pagpapakain sa kanyang mga alaga. Sumakay na siya sa kanyang motor at nagpunta sa bahay ng kaibigan niya. Hindi na siya nagtawag pa at dere-deretsong pumasok sa loob ng bahay nito.
“Vang– Ay, na saan ‘yon?” Napakunot ang noo niya nang makita niyang wala si Vangie sa tindahan nito kahit bukas. Hindi ito na alis sa loob kung bukas ang tindahan. “Na saan kaya. Vangie!” tawag niya. Pumasok siya sa loob ng bahay nito at pumunta sa kusina pero wala rin ito roon. Kaya naman ay pumanik na siya sa silid nito.
“Vangie may sasabihin ako – Ay putangina!” Agad siyang napatalikod nang makita niyang nasa kwarto si Vangie at may nakapatong sa kanya.
“Sheila! Bakit hindi ka kumakatok?!” sigaw ni Vangie. Mabilis nitong tinulak si Bert na nasa kanyang ibabaw pa.
Natatawa namang lumayo si Bert kay Vangie.
“Malay ko bang andito ‘yang fafa mo.”
Iniikot ni Vangie ang kanyang mga mata. “Lumabas ka na!”
Muling humarap si Sheila at pinamaywangan ang kaibigan. “Sorry naman! Ikaw na may ka-s3x!” aniya at lumabas ng kwarto. Nagmartsa papunta sa sala at doon naghintay sa kaibigan. Pakiramdam niya ay bigla siyang na pag-iwanan. Ang kanyang kaibigan ay mayroong ng boyfriend at muli nang na didiligan.
Kahit madiligan na lang sana.
Ilang sandali pa ay narinig na niya ang mga yabag ng kaibigan niya. Kasunod nito si Bert na kasintahan nito.
“Ano? Bakit kasi hindi ka kumakatok?” inis na tanong ni Vangie. Namumula pa ang mukha niya dahil sa labis na hiya. Sino bang hindi? Eh na huli sila na may ginagawang Milagro.
Iniikot lang ni Sheila ang kanyang mga mata. “Eh sino ba kasi nagsabing magk4ntutan kayo? Tanghaling tapat oy!”
"Bunganga mo talaga!"
Tumawa si Bert. “Doon muna ako sa tindahan.”
Sinundan ni Sheila ng tingin ang kasintahan ni Vangie. Ang swete talaga ng bruhang ‘to. Agawan ko kaya? napailing si Sheila at bahagyang natawa. Kahit ilang beses pa siyang iwanan ng lalake, h’wag lang ng kaibigan.
Tumabi si Vangie sa kanya. “Ano bang kailangan mo at sumugod ka na naman dito?”
“Wow ha? Purket dito na rin nakatira ‘yang jowa mo hindi na ako pwedeng pumunta rito? Nakakapangtamo ha?”
“As if naman mapipigilan kita?”
Ngumiti si Sheila at dumikit pa sa kaibigan. Tama ito. Kahit naman pagbawalan siya nito ay pupunta pa rin siya. Alam din naman niyang hindi siya matitiis ng kaibigan niya.
“Ano kasi. May itatanong sana ako.”
"Ano?"
Bumuntonghininga si Sheila at nag-iwas ng tingin sa kaibigan. Kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan iyon. Pagkatapos ay ipinakita niya rito ang pag-uusap nil ani Anton.
“Ha? Sino ‘to?” takang tanong ni Vangie habang binabasa ang conversation ng dalawa.
“Si Anton, nakilala ko sa dating site. Gusto na niyang makipagkita sa akin.”
Tumaas ang kilay ni Vangie. “Dating site?”
Tumango-tango si Sheila. “Oo nga. Ano sa tingin mo? Makikipagkita ba ako sa kanya?”
Huminga nang malalim si Vangie. “Sheila. Ako pa talaga tinanong mo ha? Malamang hindi! Paano kung killer ‘yan? Edi mawawala ka na lang nang hindi namin nalalaman?”
Na iikot ni Sheila ang kanyang mga mata. Tama ang kanyang hinuna, hindi papayag ang kaibigan niya. Sa kanilang dalawa talaga ay ito ang parang nanay, at siya naman ang pasaway na anak. Pero maganda.
“Eh, gusto ko lang naman ano. Alam mo na? Hindi lang naman ikaw ang tigang dito.”
“Sheila! Magtigil ka. Hindi ako papayag. Mamaya patayin ka niyan.”
“Graba ka naman sa patay. Pero pwede naman, basta sa sarap niya ako papatayin.”
Na iawang ni Vangie ang kanyang bibig. Napailing na lamang siya at hindi makapaniwalang tiningnan ang kaibigan.
“Kung ano-ano talaga ang na iisip mo.” Bumuntonghininga si Vangie. “Bahala ka. Alam ko naman na hindi ka magpapapigil eh.”
Lumabi si Sheila. “Ang totoo kasi, na iinggit lang naman ako sa ‘yo. May bebe ka na, ako wala. Kahit manlang magdidilig sa akin, kahit ‘yon lang.”
“Sheila. Hindi ko rin naman in-expect na darating pa sa akin si Bert. Tsaka ano ka ba? Ikaw mawalan?”
Hinampas ni Sheila ang braso ng kaibigan. “Wala ah! Magsa-sign up ba ako kung meron?”
“Ah ewan. Ako kinakabahan sa ‘yo eh. Bakit diyan ka pa naghanap ng lalake? Teka, tanungin ko si Bert baka may kakilala siya.”
"Hoy! H'wag na! May Anton na ako."
“Bakit? Kilala mo na ba talaga ‘yan? Nakita mo na?”
“Sa picture,” tugon niya.
"Nag-video call na kayo?"
Kumibot-kibot ang labi ni Sheila. Nakausap na niya ito sa tawag. Ang gwapo nga ng boses nito eh, ang lalim at ang seksi pakinggan. Pero ni minsan ay hindi pa sila nag-video call.
"Hindi pa."
“Oh? Tapos gusto mong makipagkita? Gusto mo ba talagang mamatay?”
Iniikot ni Sheila ang kanyang mga mata at tumayo. Nagparoo’t parito sa sala ni Vangie. “Mabait naman siya eh.”
“Sa chat, pero hindi sa personal.”
“Wala naman akong balak jowain, Vangie. Titikman ko lang.”
Napailing-iling si Vangie sa sinabi ng kaibigan. Kahit kailan talaga ay napaka adventurous nito. Pati lalake ay gustong suongin.
“Bahala ka nga. Kailan kayo magkikita?”
Nagkibit ng balikat si Sheila. “Wala pa. Hindi ko pa nakakausap ng maayos. Tinanong muna kita.”
“Tinanong mo pa ako. Bakit? Nakinig ka ba sa akin?”
Muling umupo si Sheila at tumabi sa kaibiga. "Sorry na. Mag-iingat naman ako."
"Kapag ikaw talaga mamatay, ililibing na lang kita."
Natawa si Sheila sa sinabi ng kaibigan. Sa lahat ng desisyon niya ay alam nito. Hindi naman siya nag-aalala na masamang tao ito. Hindi naman siya tanga para hindi mag-ingat. Sana nga lang ay totoong tao ito at hindi kagaya sa mga na uuso ngayon na scam lang o fake account. Kalma ka lang, Sheila. Madidiligan ka rin.
Chapter 4: Nakatayo si Sheila...
Nakatayo si Sheila sa lobby ng airport. Kanina pa siya nakalapag sa Manila Airport ngunit wala pa rin ang kanyang hinihintay. Napabuga na siya ng hangin at muling na upo sa mahabang upuan.
Matapos kasi nilang magkasundo ni Anton na magkikita na silang dalawa ay lumipad siya agad pa-Maynila. Kabado pa siya dahil ngayon na lamang siya ulit makikipagtagpo sa isang lalake, at hindi pa niya kilala sa personal. Alas tres na ng hapon base sa relo sa kanyang palapulsuhan. Mahigit isang oras na siyang naghihintay roon at mukhang hindi pa siya sisiputin ng kanyang katagpo.
“Na saan na kaya ‘yon?” inis na sabi niya. Umayos siya sa kanyang pagkakaupo at pinanood ang mga taong nagmamadali sa paglalakad. Napabuntonghininga siya at tumayo na. Isang malaking pagkakamali na siya ay andito. Bakit pa kasi niya na isipan iyon? Napailing siya at muling naglakad papunta sa ticket booth. Pero hindi pa man siya nakakalapit doon ay may humarang sa kanyang lalake.
“Hi!”
Ngumiti ito nang malapad kay Sheila. Napakunot ang noo ni Sheila at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. Napalunok siya noong matuon ang kanyang paningin sa nakaumbok sa ilalim ng pantalon nito. OMG! Ang laki!
“You are Sheila, right?”
Agad na napaangat ng paningin si Sheila nang marinig niya ang sinabi nito. Kumunot ang noo niya dahil hindi naman niya ito kilala. Gwapos ito, at halata sa hitsura nito na may lahi itong banyaga. Idagdag pang walang pinoy na asul ang mga mata kaya sigurado siya sa kanyang hinuha. Nguni higit sa lahat ay binata pa ito. Ibig sabihin ay malaki ang agwat ng kanyang edad dito.
“Excuse me?” nakaarko ang isang kilay na tanong niya rito.
“I am sorry na natagalan ako. You know Manila, traffic everywhere,” diskumpyadong sabi nito.
Lalong nalito si Sheila sa sinabi ng binata. Muli niya itong tiningnan mula ulo hanggang paa ang binatang na sa harapan niya. Nababaliw ba ‘to? Sayang. Gwapo pa naman.
“Sorry rin pero hindi kita ma-gets. Bakit ka nagso-sorry sa akin? Sino ka ba?” Pinagkrus ni Sheila ang kanyang mga braso sa may dibdib niya. Kanina pa siya na iinis kakahintay kay Anton kaya wala siyang panahon para makipaglokohan kung kani-kanino. Kahit yummy ka pa.
Napakamot sa ulo ang binata. “Sorry. Ako ‘to, si Anton.”
Tinitigan nang maige ni Sheila ang lalakeng nasa kanyang harapan. Iniawang niya ang kanyang bibig upang magsalita rito. Ngunit muli niya lang iyong iniikom. Hindi niya ma-process sa kanyang isipan ang sinasabi nito. Paano nito nalaman na makikipagkita siya kay Anton? Bakit parang kilala siya nito at alam nitong may hinihintay siya? Bahagyang lumubo ang mga pisngi ni Sheila noong bumuga siya ng hangin. Inayos niya ang laylayan ng itim na bestida na kanyang suot at tinanggal ang sunglasses niya.
“Anton?”
Tumango ang binata. “Yes. Anton Smith. The one you’ve been waiting for.”
“Ha? Ha. Ha. Pwede ba?”
“What?”
“H’wag mo akong ma-what what diyan, ha? Sino ka ba talaga? Nasaan si Anton?”
“I’m Anton.”
Napahinga na nang malalim si Sheila. Sa kanyang hinuha ay wala pa sa trenta ang binatang ito. Baka nga ay nasa bente tres pa lamang ito. Umiling-iling siya at tiningnan ito ng masama.
“Pwede ba? Hindi ko alam kung paano mo nalaman na makikipagkita ako kay Anton, pero h’wag mo akong pinaglololoko! Hindi ikaw si Anton!”
Huminga nang malalim si Anton. “I am. Look.” Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa.
Pilit na kinalma ni Sheila ang kanyang sarili. Matapos niyang bumyahe mula Samar hanggang dito sa Maynila ay mukhang na scam pa siya. Napapalatak si Sheila. Sa dinami-raming uri ng pangi-scam na pwedeng mangyari sa kanya ay ito pa.
1 week ago
SheyBoom: Seryoso ka ba talaga?
Anton Smith: Yes, gorgeous. I can’t wait to see you.
Pinamulahan ng mga pisngi si Sheila nang mabasa niya ang huling mensahe ni Anton. Ilang araw na niyang pinag-iisipan kung makikipagkita ba siya rito. At ngayon ay buo na ang kanyang desisyon. Tumihaya siya mula sa kanyang pagkakahiga.
SheyBoom: Saan naman tayo magkikita?
Anton Smith: Anywhere you like.
Anton Smith: Why not we go on a trip?
Kumunot ang noo ni Sheila. “Trip?” Napangisi siya nang malapad noong makaramdam siya ng labis na pagkasabik.
SheyBoom: Sa Baguio?
SheyBoom: Pero as a friend lang ha?
Anton Smith: Hmm…
“Hmm? Ano raw? Ayaw niya ata ng as a friend. Pwede namang jowa kaso hindi ko alam kung may asawa na siya. Mahirap na mapunta sa gano’ng sitwasyon.”
Napakislot si Sheila noong biglang tumunog sa ang kanyang cellphone. Muli siyang bumalik sa reyalidad. Nagmamadali siyang kinuha ang kanyang cellphone mula sa handbag na nakasukbit sa kanyang balikat. Pakiramdam niya ay magpi-print na ang noo niya dahil sa labis na pangungunot. Noong tiningnan niya kasi si Anton ay nakatitig ito sa kanya habang mayroong cellphone nakadikit sa tainga. Pagtingin niya sa sarili niyang cellphone ay tumatawag sa kanya si Anton. Bago kasi sila umalis ay nagpalitan sila ng cellphone number para matawagan nila ang isa’t isa. Sinagot niya iyon habang hindi inaalis ang tingin kay Anton.
“Hello.”
Napasinghap si Sheila nang marinig niya rin mula sa cellphone ang boses ni Anton na nasa kanyang harapan. Pinatay na niya ang cellphone at muling hinarap si Anton.
“Okay, fine! Aalis na ako. Kung ikaw si Anton, edi ikaw na.” Itinaas ni Sheila ang kanyang mga kamay na para bang sumusuko. “Tigilan mo na ako dahil kung hindi ipapa-pulis kita! Scammer!” galit na sabi niya at tumalikod na rito. Kinuha niya ang maleta at naglakad papalayo rito. Hindi siya makapaniwala na na-scam siya ng isang bata. Sobra tuloy ang pagsisisi niya kasi hindi siya nakinig sa kaibigan niya.
Ilang beses siyang pinaalalahanan ni Vangie na h’wag na makipagkita kay Anton dahil baka niloloko lang siya nito. Tapos kung ano-ano pa ang sinabi niya rito na gagawin nila kapag magkita sila.
Urgh! T!te na, naging bato pa! Kainis!
“Wait! Sheila!” Hinabol ni Anton si Sheila. Hinawakan niya ito sa siko upang mapigilan ito. Agad naman itong lumingon sa kanya na magkasalubong ang kilay.
“Ano ba?!” Nagtaas na ang boses ni Sheila kaya napatingin na sa kanila ang mga taong malapit sa kanila. Hindi naman iyon pinansin ni Sheila dahil mas nangingibabaw ang pagkainis niya ngayon sa binatang nasa kanyang harapan.
“Please, makinig ka muna sa akin,” ani Anton. Hindi niya binitawan si Sheila kahit na hinihila nito ang braso nito. “Please? Hindi kita bibitawan. Bahala ka.”
Na iikot ni Sheila ang kanyang mga mata. “Hindi ka ba naturuan ng nanay mo ng manners, ha? Alam mo ba ‘yong ginawa mong kasalanan?!”
“I was just worried that you won’t talk to me.” Bumuntonghininga si Anton. “Fine, I’m sorry. Pero please?”
Hinatak muli ni Sheila ang kanyang braso mula kay Anton. Kahit na mas bata ito sa kanya ay malaking lalake ito. Hanggang leeg nga lang ang sukat ng taas niya rito. Kaya naman ay madali lang para sa binata na hila-hilain siya.
“Anong please?” Pinagkrus ni Sheila ang dalawang braso sa may dibdib. “Kung sa tingin mo ay tutuloy pa ako. Hindi na. Sorry ka na lang.”
Kumunot ang noo ni Anton. “What? Okay. Let’s go outside and talk about it.”
Naiwang ni Sheila ang kanyang bibig. Hindi siya makapaniwala na parang wala itong pakealam sa ginawa nito sa kanya. Hindi ba nito na iisip na sobrang umasa siya sa ‘trip’ nilang dalawa? Ilang taon siyang tigang!
“Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Anton. Uuwe na ako, at please. H’wag mo na akong kontakin.” Tiningnan ni Sheila nang masama si Anton. Dinuro niya pa ito para ipakita na nagagalit siya. Maglalakad na sana siya ulit pero hinawakan naman ni Anton ang kanyang maleta. Pinandilatan niya ito. “Hoy?”
“Hindi ko ‘to bibitawan kapag hindi ka pumayag na makipag-usap sa akin ng maayos,” seryosong sabi nito at tinitigan siya sa mga mata. Tuluyan nitong kinuha ang maleta niya.
Napanganga si Sheila. “Ang kulit mo rin, ‘no?”
“Ilang linggo natin ‘tong pinag-usapan. I’ve been waiting for this, Sheila. Hindi mo alam kung gaano na nagagalit ‘yong ulo ko sa baba.”
Lalong napanganga si Sheila. Napalinga-linga siya sa paligid nila. Mabuti na lamang at walang nakarinig dito kaya nakahinga siya nang maluwag. Muli niya itong hinarap at hinampas sa dibdib.
“Ang ingay mo!” may diing sabi niya rito.
Ngumisi lang si Anton. “So, you’ll talk with me or not? Because we’re not going anywhere until you said yes.”
Napapikit nang mariin si Sheila. Namumula na ang kanyang mukha dahil sa labis na kahihiyan. Noong muli niyang naalala ang mga ginawa niya at sinabi niya habang kausap ang binatang nasa harapan niya ay parang gusto na lamang niyang magpalamon sa lupa. Hindi naman niya kasi alam na matanda lang pala ito ng ilang taon sa kanyang bunsong anak.
Chapter 5: SheyBoom: Ano
SheyBoom: Ano naman ang gagawin natin kapag magkita na tayo?
Ngumisi nang malapad si Sheila. Iniisip niya pa lang ang mangyayari kapag magkita na sila nito ay hindi na siya mapalagay. Ilang taon siyang tigang kaya sisiguraduhin niyang ibibigay niya ang best performance niya sa kama.
Anton Smith: I’ll eat your pus8y, and f0ck you hard.
Halos pumalakpak ang tainga ni Sheila nang mabasa niya ang tugon ni Anton. “Napaka harot mo naman, Sheila! Ang kalat!” natatawa niyang sabi.
SheyBoom: Hmm… Then I would love to eat your hotdog.
Napangiwi si Sheila noong maalala niya ang mga sinabi niya sa binata habang nag-uusap sila sa chat. Hindi siya makapaniwala na nasabi niya ang lahat ng iyon. Urgh! Ang harot mo kasi, Sheila! Masyadong takam sa hotdog?! pagalit na sabi niya sa kanyang isipan. Dinala siya ni Anton sa isang Coffee shop na malapit sa airport. Kaunti lang ang customer ng coffee shop kaya pinili nila ang pwesto sa may pinaka dulo at malayo sa mga tao.
Magkaharap silang nakaupo sa isang pabilog na lamesa. Hindi umiimik si Sheila at nakikiramdam lamang sa sasabihin ng binata.
Tumikhim si Anton. “I’m sorry kung hindi ako nagsabi sa ‘yo ng totoo, Sheila.”
Umarko agad ang isang kilay ni Sheila. “Sheila?”
“Why?” nalilitong tanong ni Anton.
Ilang sandali pa silang nagsukatan ng tingin hanggang sa umiwas na si Sheila ng tingin. Iniikot niya ang kanyang mga mata. Hindi ata nito maunawaan ang ibig niyang sabihin. “Ilang taon ka na nga?” mataray niyang sabi. Gustong niyang magmaktol dahil sa labis na pagkadismaya. Sineksihan pa naman niya ang suot niyang bestida ngayon. Halos lumuwa na nga ang kanyang dibdib dahil sa lalim ng awang sa may dibdib na parte ng damit.
“Twenty-seven.”
Napangiwi si Sheila. Hindi niya in-expect na napaka bata pa nito. Kung pwede lang bawiin niya ang mga sinabi niya noon.
Bumuntonghininga si Anton. “Sasabihin ko na sana sa ‘yo. Kaso nasabi mo kasi sa akin na mas gusto mo ang kaedad mo, and clearly I’m not it.”
“’Yon naman pala eh. Bakit pinaabot mo pa sa puntong ‘to?”
“I like you.”
Nangunot ang noo ni Sheila. Muli niyang tinitigan ang binata. “Ano? Paki ulit?”
“I said I like you. Kaya hindi ko sinabi ang totoo sa ‘yo. Kaya na isip ko na mas maige kung saka mo malaman kapag magkita na tayo.” Ipinatong ni Anton ang kanyang mga kamay sa lamesa. “Look, Sheila. I know you will not believe it. But I felt a connection with you while we were texting.”
Umingos si Sheila. “You mean ‘sexting.’”
Napatikhim si Anton sa sinabi ni Sheila. Makulit na ito habang sa chat pa lang. “W-Well, bonus na ‘yon.”
“Pwede ba, Anton. Okay na. Kung gusto mo ng apology. Fine! Apology accepted! Pero magkalimutan na tayo. Kalimutan na natin ang mga na pag-usapan natin. Ayaw ko nang ipagkatiwala ang sarili ko sa taong hindi ko naman kakilala.”
“Are you sure?”
“Yes! I am.”
Malungkot na bumuntonghininga si Anton. “I was really expecting for two of us to go on a trip. I canceled all my appointments for you.”
“Wow? H’wag ka na mangonsensya. Kung ngayon pa lang ay nagsinungaling ka na sa akin. Paano pa kaya kapag tayo na lang dalawa? Napaka laking abala rin kaya nitong ginawa mo sa akin!” bwelta ni Sheila kay Anton. Gusto pa sana niyang sabihin na pinasabik lang siya nito pero pinigilan na niya ang sarili. Ayaw naman niyang ipakita rito na sobra siyang nanghihinayang dahil sa nangyari.
“Hindi naman sa gano’n. But please, think about it. Andito na tayo. The only thing I lied to you is my age. Lahat ay totoo na, Sheila.”
Natigilan si Sheila. Oo nga. Doon lang niya na alala na ang profile picture nito ay siya rin mismo. Nagtataka na siya noon pa kung bakit mukha itong bata pa kaysa sa edad nito. Pero masyado kasi siyang na excite sa t!te kaya hindi na niya iyon inintindi pa. Iniisip niya ay kaya mukha itong bata dahil sa may lahi itong Australiano. Kasalan din niya dahil hindi niya iyon na isip.
“Kahit na. Dapat sinabi mo manlang sa akin, ‘di ba?” Huminga nang malalim si Sheila. “Sa tingin mo ba itutuloy ko talagang tumuwad sa ‘yo gayong halos magkaedad lang kayo ng bunso ko? Mas matanda pa nga sa ‘yo ang panganay ko eh!”
Napangisi si Anton. Kung gaano kakulit at kadaldal ni Sheila sa chat ay ganito rin ito sa personal. “I was looking forward for that,” makahulugang sabi niya.
“Pweda ba? Seryoso ako, ‘no?”
“Me too.”
Na iikot ni Sheila ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya biglang ay tumanda pa siya ng ilang taon dahil sa binatang nasa kanyang harapan.
“I know it's not right that I hide my actual age from you, but think about it, Sheila. Nagplano na tayo, at ito na. Andito na tayo. Uuwe ka pa rin talaga?”
Huminga nang malalim si Sheila. Totoo naman ang sinabi nito. Kaso sa napag-usapan nilang dalawa ay hindi na niya ata makakaya na ituloy iyon. Masyadong bata para sa kanya si Anton. Para siyang kumain ng batang batang karne. Napatitig siya kay Anton. Well… hindi naman siguro masama kung itutuloy ko? Hindi ko naman siya kilala. Why not? Napailing si Sheila. Hindi pa rin tama! Fifteen years ang tanda ko sa kanya. Nakakakonsensya masyado! Kung siguro ay ka-edad niya ito ay hindi na siya magdadalawang isip pa. Kaso napaka bata nito para sa kanya.
“Kung hindi ka pa rin nagtitiwala, then let’s make a deal. Or assurance. You can get my details and pictures.”
“Hindi naman kasi ‘yon, Anton. Tingnan mo ako.” Nakipagtitigan si Sheila kay Anton. “Para na tayong magnanay! At nakakalimutan mo na ba kung anong klaseng pag-uusap ang ginawa natin? Hindi ko kaya!”
“Because I’m too young?”
“Exactly!”
“Wala naman atang masama ro’n? It’s just age. And besides I am in my legal age. It’s not like I’m still a minor.”
Iniikot ni Sheila ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay napapasubo siya sa isang pangyayari. Tinitigan niya nang maige si Anton. Mukha naman itong desenteng tao. Sa ilang araw na nagkakausap sila ng binata ay kahit papaano ay nakilala niya na ito. Kaso naman ay nagsinungaling ito sa kanya sa edad nito. Isa sa mga pinaka importanteng detalye sa pakikipagkapwa-tao. Hindi imposibleng nagsinungaling pa ito sa kanya tungkol sa iba pang mga bagay.
“Okay, para hindi ka mag-alala pa. Let’s go to our house.”
Nanlaki ang mga mata ni Sheila. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng sabik at pangamba sa sinabi nito. Bakit naman siya dadalhin sa bahay nito?
Continue reading here: https://www.dreame.com/story/3563790592-bedroom-negotiations