Ynette's Heart | Tears
(Venus Goddesses Series #15)
Ameiry Savar
General Fiction
Tags: Erotica, Yakuza, Action
Language: Tagalog
Blurb:
When Ynette's live-in partner left them. She didn't have any choice but to enter the Venus Club. Her salary as a call center agent was not enough to raise her two daughters. There she became one of the goddesses. She did everything she could just to earn money for her children.
There she met Arturo Sato, a Filipino-Japanese that was having a vacation in the Philippines. Art was on the run from their mansion because his father was pressuring him to marry and have a son. He still didn't want to settle down. He saw Ynette in the Venus club, dancing for them. He was immediately enticed by her, especially when he got to know more about Ynette. So, Art decided to have a contract with Ynette.
Ynette couldn't believe it at first. But when she learned how much money Art was offering her, she immediately accepted the deal. But to her surprise, that deal will change her life forever.
Ynette's Heart | Tears (Venus Goddesses Series #15) © 2023 by Ameiry Savar
Disclaimer
Ynette's Heart | Tears (Venus Goddesses Series #15) contains scenes unsuitable for very young and sensitive readers. This story contains, sex, violence, foul words, etc. Please refrain from reading if you don't like this kind of theme.
This is a work of fiction. All names, characters, persons, places, and incidents are only a product of my imagination. All resemblance to an actual person, may they be living or dead, events or anything are purely coincidental.
All right reserved! No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the author's prior written permission, except for brief quotes and lines from the story.
Ynette's Heart | Tears (Venus Goddesses Series #15) © 2023 by Ameiry Savar
This story is part of a collaboration
1. Loving Landy (Fucking Landy) - Sophia Sahara
2. Amarah Wagi (Amarah Sawi)- Zoella Nymeria
3. Morgan's Secret (Gretchen's Secret) - Ava Marika
4. Bubbly (Lonely) Chiclet by Mrsdane06
5. Aeris's Flower Lady (Bloody Lady) - Shieva
6. Herra Hornett (Herra Horny) - JoyCee
7. Mandy's Lover (Mandy's Downfall) - LauVeaRMD
8. Katty Sue (Katty Supsup) - Thunderlust_XOXO
9. Seraphine Dela Virgin (Seraphine Dena Virgin) - realisla
10. @Reeve Sprttr
11. Pure (Dirty) Bliss - Raven Sanz
12. Be Cool, Nadia (My Nadia Kuhl) latebloomer
13. Maria Catherine (makati rin) - erzalalaloves
14. Triad Ishikawa (Tira Dulce) - Rey Kyo
15. Ynette's Heart | Tears - Ameiry Savar
Chapter 1: Teaser
"Carlo? Ano 'to? Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ko sa kinakasama. Nagising kasi ako sa mga kaluskos sa gilid namin at nabungaran ko si Carlo na naglalagay ng mga damit sa isang bag. Dahan-dahan akong naupo at pinanood siya sa kaniyang ginagawa.
"Aalis na ako! H'wag na mo na akong hahanapin!"
Napalunok ako dahil sa sinabi ni Carlo. Nataranta ako nang kaunti dahil kitang-kita ko sa mukha niya na seryoso ito. "A-Ano? Aalis ka? Bakit? Paano kami ng anak mo?"
Sandaling tumigil si Carlo at tumingin sa akin. "Wala akong pakealam!"
Napanganga ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko biglang lumaki ang ulo ko at nanigas ang tiyan ko. Pinilit kong tumayo habang hawak-hawak ang walong buwan ko ng tiyan.
"Ano bang pinagsasabi mo, Carlo?! Aalis ka na lang? Nakalimutan mo ba na may anak ka, ha?!"
Hindi sumagot si Carlo. Kaya naman ay hinawakan ko ang bag na pinaglalagyan niya ng mga damit at inihagis sa sahig. Agad akong nilingon ni Carlo. Natigilan pa ako at agad na binalot ng takot noong makita ko ang nanlilisik na mga mata niya. Napalunok ako at pinilit na salubungin ang kaniyang mga tingin.
"A-Ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit mo 'to ginagawa?" mangiyak-ngiyak kong tanong.
"Bakit? Sawang-sawa na ako sa ganitong buhay, Ynette! Kaya aalis na ako!"
"At saan ka naman pupunta, ha?!"
"Kahit saan basta malayo sa 'yo!" ani Carlo at muling nag-ayos ng gamit.
Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Naikuyom ko ang aking mga palad. "Ang kapal ng mukha mo!" Hinila ko ang kamay niya at sinampal sa pisngi. "Sa tingin mo ba ay gusto ko ng buhay na 'to?! Putangina mo, Carlo! Kasalanan mo kung bakit ako nagkaganito! Binigay ko sa 'yo ang lahat! Iniwan ko ang pamilya ko para sa 'yo! Tapos iiwanan mo ako ngayon?! Hayop ka! Ang kapal ng mukha mo! Putang—"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong sinampal sa pisngi. Pakiramdam ko ay nayanig ang utak ko at agad na nakaramdam nang pagkahilo. Hindi ko na nagawa pang kumapit sa kahit na ano noong unti-unti akong nahulog sa sahig. Pakiramdam ko ay biglang nabiyak ang balakang ko at dinalahit iyon nang matinding sakit.
"Tangina mo! Kung alam ko lang na mamalasin lang ako sa 'yo edi sana hindi na kita niligawan! Tangina mo ka! Mabuti pa si Jennica! Palagi akong binibigyan ng pera. Eh ikaw? Ano ang napala ko sa 'yo? Palamunin!"
Napahagulhol na ako. Pakiramdam ko ay biglang gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Sinasabi ko na nga. Ang babaeng iyon na naman! Hindi lingid sa kaalaman ko na may babae si Carlo. Ilang buwan ko na siyang sinabihan na tigilan na ito pero paulit-ulit pa ring bumabalik. Hindi naman ganito si Carlo noon. Napakabuti niya sa akin. Pinaramdam niya na isa akong reyna. Pero nagbago ang lahat noong mabuntis ako sa panganay namin. Palagi na siyang nagagalit sa akin kapag hindi ko siya napagbibigyan. Sinasabihan niya akong tamad dahil hindi na ako nakapagtrabaho. Nag-umpisa na rin siyang manakit kahit na buntis ako. Tiniis ko ang lahat ng iyon dahil umaasa akong magbabago siya. At bukod pa roon ay wala na akong ibang mapupuntahan dahil itinakwil ako ng pamilya ko noong sumama ako sa kaniya.
"H-Hayop ka! Hayop ka!" sigaw ko kasabay nang impit na pagdaing. "A-Ahh! C-Carlo!" Nanlaki ang mga mata ko noong makita kong may tumutulong dugo na sa pagitan ng hita ko. "C-Carlo!" sigaw ko ulit.
Umiiyak na tiningnan ko si Carlo. Nakita kong nakatitig siya sa akin habang nanlalaki ang mga mata. Sandali kong nakita ang pagkataranta sa kaniyang mga mata. Doon ay umasa ako na magbago bigla ang isip niya. Pero muling nawala ang pag-asa ko noong makita kong pinagpatuloy lang niya ang pagliligpit ng mga damit. Doon ay naramdaman ko nang wala na talaga siyang pakealam sa akin. Na wala na siyang pakealam kahit na mamatay pa ang magiging anak namin. Wala akong ibang nagawa kundi ang maghinagpis dahil sa pang-iiwan niya sa amin.
"W-Wala ka talagang kwenta! Hayop ka! Sige! Umalis ka na! Magsama kayo ng babae mo! Hayop— Ahh!"
Nasapo ko ang aking tiyan noong dumalahit iyon bigla nang sakit. Sumabay pa na biglang nanikip ang dibdib ko kaya hindi ako nakahinga nang maayos. Muli kong tiningnan si Carlo at umaasa na titingnan niya ako. Na kahit papaano ay magkakaroon siya nang kaunting awa sa akin. O kahit sa batang dinadala ko sana. Ngunit ni pahaging na tingin ay hindi na niya ibinalin sa akin.
Muli akong nakaramdam nang matinding pananakit sa dibdib. Pagkatapos ay biglang naging dalawa ang tingin ko kay Carlo. Unti-unti akong nakaramdam nang pagkahilo. Alam ko na mawawalan na ako ng malay. Umaasa pa rin ako na titingnan niya ako kahit saglit. Pero wala na. Kasabay nang pagpikit ng mga mata ko ay ang paglabas niya sa munti naming tahanan.
Magmula noon ay hindi ko na nakita pa si Carlo. Maswerte akong nabuhay noong araw na iyon at ang dinadala ko sa aking sinapupunan. Kung hindi kami nakita ng kapit-bahay namin na nakarinig ng away namin ay siguro isa na akong malamig na bangkay ngayon. Kaya narito ako, walang choice kundi ang buhayin ang dalawa kong anak. Halos araw-gabi ay wala akong tigil sa pagtatrabaho para lamang mabuhay sila.
Lahat ay papasukin ko. Lahat ay gagawin ko para sa mga anak ko. Kahit na ang maghubad gabi-gabi sa harapan ng iba't ibang mga lalake.