Views

Forever, My Love

Ameiry Savar
0

 


Forever, My Love

Ameiry Savar

Tragic

Tags: Romance, Disaster, Short Story

Language: Tagalog

Blurb: 

"Till death do us part," sabi sa vows ng mga magkasintahang ikinakasal.

They will love each other until their death comes. 

Not for Paulina and Roman. 

Because their love for each other will always remain even in death.

© Copyright 2021 by Ameiry Savar



Chapter 1: Their Vacation


"WOW!" Halos lumuwa na ang mga mata ni Paulina sa pagkamangha sa napaka laking barkong nasa harapan niya. Napaka laki niyon tingnan mula sa daungan. Wala itong pinagkaiba sa mga nagtataasang mga hotel sa lupa. "Thank you for this, babe!" ani niya at yumakap ng mahigpit sa kasintahan. 

"Anything for you, babe. I love you." Puno ng pagmamahal na tiningnan ni Roman mapupungay nitong mga mata at saka dinampian ito ng mapupula nitong labi.  

"I love you too." 

Kasalukuyan silang nasa Italy para sa ini-book ni Roman na six  day cruise ship. Isang buwan na kasi ang nakakalipas noong nag propose siya sa kaniyang nobya at isa ito sa mga regalo niya para rito. Ika-walong taon na anibersaryo na rin at masyado silang nagiging busy sa kanilang mga trabaho kaya napag-desisyonan niyang magbakasyong muna sila. 

Isang magaling na Surgeon si Paulina sa pinaka malaking ospital sa bansa. Sa edad na bente-otso ay kinilala na agad ang kanyang galing sa pago-opera ng mga tao. Kaya naman ay maraming mga malalaking personalidad na siya parati ang tinatawag sa tuwing mayroon silang mga sakit na kailangang maoperahan. Bukod doon ay kaliwa't kanan din ang pagbo-volunter ni Paulina para sa mga kapos-palad na hindi kayang magpagamot. Madalas siyang mapunta sa mga probinsyang mahirap puntahan ng mga manggagamot. 

 Si Roman naman ay isang magaling na arkitekto. Sa kanyang angking galing sa pagdisenyo at paggawa ng mga istruktura ay kaliwa't kanan ang mga tao o kompanya ang nagpapagawa sa kanya. Kaya dahil sa sobrang busy ng schedule nilang dalawa ay halos isang beses lang sila sa isang buwan kung magkita. Kaya naman noong makakita ng magandang oras si Roman ay agad na itong nag file ng leave para sa kanilang magkasintahan at nagbook para sa kanilang bakasyon.

Matagal na niyang nobya si Paulina. Graduating siya noon nung makilala niya ang dalaga at ito nama'y nasa ikatlong taon sa kolehiyo. Napaka simple ng dalaga at napaka masiyahin, kaya naman ay agad na nahulog ang loob ni Roman dito. Noong mga panahon na iyon ay sobrang stress si Roman sa thesis niya at tanging ang dalaga lamang ang napapalakas ng loob niya. 

"Let's go?" ani niya noong makita niyang nagumpisa na ring magpasukan ang mga tao sa loob ng barko. Masayang tumango sa kanya si Paulina. Nauna ito ng kaunti maglakad dahil hila-hila niya ang isang maleta na merong laman ng kanilang mga gamit. Nakasukbit  din sa kanyang likuran ang malaking backpack na pinaglalagyan ng mga importante nilang mga gamit. 

Si Paulina ay isang malaking shoulder bag lamang ang dala. Nakasuot kulay itim at grey na checkered na polo-shirt na tinernuhan niya ng fitted jeans at itim na rubber shoes. Nakapony tail ang itim na itim nitong buhok. Simple lang ang suot nito pero litaw na litaw pa rin ang maganda nitong mukha, lalo na ang katawan nitong kawangis ng isang gitara. Ipiniling ni Roman ang kanyang ulo nang matuon ang pansin niya sa matambok na pang upo ng dalaga. Matagal na silang magkarelasyon nito ngunit ni minsan ay hindi niya pa iyon nakita. Wala pa sa kanilang nangyayari ngunit hindi iyon problema para kay Roman. Nirerespeto niya ang desisyon ng dalaga. Hindi niya lang talaga mapigilan minsan na hindi iyon maisip dahil bukod sa mahal niya ito, sadyang nakakahalina talaga ang dalaga. 

Makikita ang eleganteng disenyo ng barko pagkapasok nila sa loob. Dumeretso sila sa deck 2 kung nasaan ang cabin na pagtutulugan nila. Merong limang deck ang barko, ibig sabihin ay merong limang palapag ang barkong sinasakyan nila na pwedeng puntahan ng mga turista. Hindi pa n'on kasama ang pinaka ilalim ng barko kung saan na andoon ang mga crew at ang engine na nagpapatakbo sa barko. 

Pagkapasok nila sa cabin ay wala pa ang malaking maleta nila. Pinaiwan kasi iyon sa ibaba bago sila umakyat sa barko. Walang humpay sa pagkuha ng video si Paulina habang nasa loob sila na para bang nag va-vlog ito. 

"Andito na po kami sa loob ng kwarto namin. Yiee! Ma, pa! Don't worry! Mahal ako neto," ani ni Paulina at ipinakita si Roman sa harap ng kamera. Natatawa na lang si Roman at tumango. 

"Opo." 

Ibinaba na niya ang backpack sa sahig cabin. Si Paulina naman ay tuloy pa rin sa ginagawa nito. Inilibot nito ang camerang hawak sa buong paligid ng silid at pagkatapos ay pinatay muna ang video cam na hawak. 

"Ganda rito!" masayang sabi ni Paulina at humiga sa malaking kama. 

Iisa lamang ang kama na andoon at kasya silang dalawa. Sa paanan niyon ay makikita ang malaking kabinet na pwedeng paglagyan ng mga gamit nila. Iniwan ni Roman ang malaking maleta nila sa may gilid ng pinto at inilapag naman ang malaking backpack sa gilid ng kama.

"Ako na ang magaayos niyan. Paki lagay na lang dito sa kama yung maleta," magiliw na sabi ni Paulina. 

Umayos ng upo si Roman sa kama at isinandig ang likod sa headboard nito. Pinanood niya si Paulina habang magiliw itong nagliligpit. 

He couldn't ask for more. 

For him, settling down with Paulina will be his last accomplishment in his life. He remembers the first time he meets her. Para sa kanya iyon ang pinaka magandang nangyari sa buhay niya. He smiles.

"Bakit?" biglang tanong ni Paulina nang makitang nakangiti ang kasintahan habang nakatingin sa kanya. 

"Nothing. I love you," ani Roman. 

Nangunot ang noo ni Paulina at pinamaywangan ang kasintahan. "Ikaw ha? Baka may binabalak kang hindi maganda sa akin ha?!" 

"Ha?" Hindi makapaniwalang tiningnan ni Roman ang kasintahan. "Ilang taon na kayang nagtitiis 'to." Itinuro ni Roman ang ari niya. "Hindi na nga mapaghiwalay 'tong dalawa eh!" Itinaas niya ang isang kamay. 

Napatawa naman ng malakas si Paulina. Wala sa kanilang nangyayari ng kasintahan niya ngunit open sila sa ganoong usapan. Noong una ay nahihiya siya sa tuwing napag-uusapan nila iyon ngunit habang tumatagal ay tinatawanan na lang din niya ito. 

"That's my boy!" Binigyan ng flying kiss ni Paulina at kinindatan ito.

Umakto naman si Roman na para bang may tumamang kung ano sa dibdib. Hinawakan niya ang kanyang dibdib at animo'y nagulat. "Ahh! Ano 'yon?!" 

"That's my love flying to you!" Bahagya pang tumili si Paulina at sunod-sunod na nagbigay ng flying kiss kay Roman. 

Ibinuka naman ni Roman ang dalawa niyang kamay at pumikit. Umakto siya na para bang sinasalo niya ang lahat ng ibinabatong halik ni Paulina sa kanya. Mayamaya ay napuno ng tawanan ang kanilang silid. 

They are always like this when they are alone. They acted like a child but hell, that's how they show love to each other. They are each others comfort zone. 

After a few minutes, Paulina and Roman go out to their cabin. Pumunta sila sa deck three kung saan na andoon ang restaurant ng barko. Kumain muna sila roon saka muling naglibot sa ibang parte ng barko. 

Para itong nakalutang na lungsod. Lahat na kasi ng pwede mong makita sa isang lungsod ay naandoon - maliban lang sa sementeryo. Iyon ay base sa mapang hawak nila. Mayroon kasing inabot sa kanilang mga papel kanina. Base rin sa hawak nilang papel ay mayroong mahigit apat na libong tao ang nasa loob ng barko. Hindi na nagtaka pa sila Roman dahil sa laki niyon.

Pitong araw silang mamamalagi sa barkong iyon. Araw-araw ay bababa sila sa ilang lugar sa italy at pwede silang mamasyal doon. Pagkatapos ay muli silang babalik sa barko. Ito ang unang araw nila sa barko. Kanina pa iyon umaandar ngunit ni hindi manlang nila maramdaman iyon.

Lumipas ang isang araw ay bumalik na sila sa kanilang cabin. Unang naghanda si Paulina para sa kanilang pagtulog at sumunod naman si Roman pagkatapos nito. 

Humiga na silang dalawa sa malaking kama. 

"Come here." Inilahad ni Roman ang kamay niya para yumakap sa kanya si Paulina. Mabilis naman itong lumapit sa kanya. Isinubsob nito ang mukha sa dibdib niya at niyakap siya ng mahigpit. "Hmm... I really love your smell," aniya. 

"Talaga? Kahit mabaho ako?" 

"Of course. I love you," natatawang sagot ni Roman. "I wish this will never end. I can't wait to get married to you." 

"Me too, Roman. I love you so much. Sobrang pasasalamat ko sa Diyos at ikaw ang naging kasintahan ko. And soon... magiging asawa ko." Nag-angat ng paningin si Paulina at mapupungay ang mga matang tiningnan si Roman. 

Her eyes are full of love. 

Roman can't help himself and kisses her on her lips. Pumikit lamang si Paulina at tinugunan iyon. Marahang gumalaw ang mga labi ni Roman habang nakalapat iyon sa labi ng nobya. 

Mayamaya pa ay unti-unting nagiging malalim ang halik nilang dalawa hanggang sa namalayan na lang ni Paulina na nasa ibabaw na niya ang nobyo. Agad siyang nagmulat ng mga mata at tinulak ang kasintahan. Bumagsak ito sa gilid niya.

Roman grunts in dismay. "I'm sorry..." 

"It's okay. Matulog na nga tayo," ani ni Paulina at tumalikod sa kasintahan. She bits her lips because they almost got carried away. She just loves him so much but her respect for her parents is much more. That is their only wish to her. To marry first before giving herself to the man she loves. 

Roman sighed and hugged Paulina at her back. "I love you..." 

"I love you too..." sagot ni Paulina at muling humarap sa kasintahan.

Roman gives her a peek in her forehead. Ilang sandali pa ay nakatulog na sila sa ganoong posisyon. He loves her so much and it's okay even if he can't have it now. His respect for her is big so he won't do it until they knot a tie. 

Lumalalim na sana ang pagtulog ni Roman at Paulina nang bigla silang napabalikwas ng gising dahil sa malakas na tunog at malakas na paguga ng barko. 

Agad na dinalahit ng kaba si Paulina. 

"A-Ano 'yon?!" 



Chapter 2: Ang paglubog



 "Anong nangyayari?!" natatarantang tanong ni Paulina. Kagaya niya ay bumalikwas din ito ng tayo mula sa pagkakahiga. Parehas silang na alimpungatan dahil sa malakas na tunog at malakas na paguga ng barko. Muntik pa nga silang mahulog sa kama kung hindi lang naging maagap si Roman sa pagkapit sa headrest ng kama. 

Pupungay-pungay pa ang mga matang tumayo si Roman at naglakad sa may pinto. 

"Walk faster!" natatarangtang sigaw ng isang babaeng dumaan sa kanilang cabin. Parang namang nagising si Roman sa gulat sa lakas ng boses nito. Nagpalinga linga siya sa hallway at napakunot na lamang ng noo nang makitang maraming mga tao ang nagpaparoo't parito. Lahat sila ay akay-akay ang mga mahal nila sa buhay at mababakas sa kanilang mga mukha ang pag aalala. 

"Ano'ng meron?" tanong ni Paulina nasa likuran na pala niya. Nagkibit balikat siya at sinubukang harangin ang papadaan sa kanilang magkasintahan na banyaga.

"Hey, sir! Wait! What is happening?" 

Tumigil ang dalawa sa paglalakad at tiningnan silang dalawa. "There is something wrong in the boat and they are not telling anyone about it." Bahagyang lumunok ang lalaki. "We are guessing that this is sinking. You should immediately go to the main deck," dagdag pa nito. 

"What?!" sabay na sabi ni Paulina at Roman. Tumango na lamang ang lalaking kausap nila dahil hinila na ito ng kasintahan nitong nanginginig na sa takot. 

"R-Roman." Napakapit si Paulina sa braso niya. Kitang kita ni Roman ang takot sa mga mata nito. Huminga siya nang malalim at pilit na kinalma ang sarili. Hindi siya pwedeng matakot ngayon, dahil kung pangungunahan siya ng panic ay baka mapasama lang silang dalawa. 

Mabilis na hinatak ni Roman papasok si Paulina. Pinagsuot niya ito kaagad ng damit dahil naka pantulog lamang ito. Siya naman ay naghanap ng lifevest sa loob ng cabin nila. Saglit lamang niya itong ginawa dahil nasa itaas lamang ito ng cabinet na pinaglalagyan nila ng gamit. Iniabot niya agad ang isa kay Paulina at siya naman ay mabilis na nagsuot ng pantalon at t-shirt niya. Pagkatapos naman ang lifevest. 

Inakay na niya si Paulina palabas at sumabay sa agos ng mga nahihintakutang mga tao. Marami na ang nag-iiyakan dahil sa unti-unti silang tumatagilid sa kanilang paglalakad. Idagdag pa ang malakas na pagtunog ng alarm ng barko na nakakadagdag ng kaba. 

"R-Roman, mamatay na ba tayo?" biglang tanong ni Paulina na putlang putla na. Ramdam niya rin ang panlalamig ng mga kamay nitong nakayakap ng mahigpit sa kanya. Bahagya niyang tinapik ang balikat nito.

"Hindi Paulina. Hindi ko hahayaang mangyari sa atin 'yon. Pangako," sagot niya. Sa totoo lang ay blangko na ang isipan ni Roman. Pagkarating kasi nila sa main deck ay punong puno na ng mga tao. Mayroong nasa gitna na nasigaw at sinasabihang h'wag magpanic ang mga tao at bumalik sa kani-kaniyang mga silid. 'Bobo ba siya?'  Nakaramdam ng inis si Roman dahil sa sinabi ng babae. 

"Bullshit! We're all gonna die if we just stay here! Let's go to the lifeboats!" sigaw bigla ng isang lalaking may hawak na umiiyak na bata. Agad namang sumang-ayon ang mga tao kaya wala nang nagawa pa ang mga crew ng barko noong magpuntahan na roon ang mga tao. 

Sumunod lamang sila Roman. Pagkarating nila roon ay mas lalo nang tumatagilid ang pagtayo nila. Napalunok siya nang makita ang malawak at itim na itim na karagatan. Wala kang maaninag na kahit na ano rito. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso niya. 

"Shit," mahinang mura niya nang unti-unting makitang pumapatak ang ulan. Lumakas din ang hampas ng alon at maging ang simoy ng hangin ay lalong lumamig. Naghiyawan na tuloy lalo ang mga tao at unti-unti nang nagkakagulo. Batid nilang lahat ang pwedeng mangyari kapag lumakas pa ang ulan.

"R-Roman," nahihintakutang tawag ni Paulina sa nobyo. 

"M-Magiging maayos din ang lahat." 

"M-Mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan." 

Natigilan si Roman sa sinabi ng kasintahan. Binaba niya ang tingin niya rito at nakita niyang umiiyak na ito. "Paulina, h'wag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan para makaalis tayo rito." 

"Basta, kahit na ano'ng mangyari sa ating ngayon. Mabuhay man tayo o hindi. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, Roman. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko," ani nito at mas lalong humigpit ang yakap sa kanya. 

Hindi niya alam kung bakit, ngunit bigla na lamang naging triple ang kabang kanyang nararamdaman dahil sa sinabi nito. Nagangat ito ng paningin pero napakunot siya ng noo nang hindi niya maaninag ang mukha nito. Muli siyang pumikit at nang imulat niya ang mga mata niya ay nakangiti na ito sa kanya. Nakangiti ito ngunit punong puno ng luha ang mga mata nito at makikita mo ang takot dito.

"Mahal na mahal din kita, Paulina. Makakaalis tayo rito. Makakauwe tayo," ani niya at niyakap ito ng mahigpit. Dinampian niya ang noo nito ng halik. 

Pilit niyang iwinawaksi ang takot na kanyang nararamdaman. Ayaw niyang makita ni Paulina na natatakot siya. Tahimik lang silang pumila sa mga taong papasakay sa lifeboat kahit na nakakaramdam na ng panic dahil sa lalong bumibilis ang pagtagilid ng barko. Marami na ang nagiiyakan sa mga kasama nila dahil sa nangyayari. Lalo kasing pinabilis ng malakas na ulan ang paglubog ng barko. Lalo tuloy silang mahirapan sumakay sa lifeboats. Tig-lima ang binababang mga lifeboats ngunit hindi iyon sumasapat para sa mga taong nasa barko pa. Nasa trenta lang kasi ang kaya niyon at ang sakay ng barko ay nasa mahigit apat na libo. Idagdag pa ang mga crew ng barko. Sasasapat naman ang mga ito para sa kanila ngunit dahil sa biglaang pagsama ng panahon ay kukulangin sila sa oras.

Kaya naman kahit na trenta lamang ang pwedeng isakay roon ay dinadagdagan pa nila para mapadali. Ilang sandali pa ang hinintay nila ay nakasakay na rin sila Roman at Paulina sa lifeboat. Bahagya siyang nakaramdam ng kapanatagan noong makasakay na sila. Ngunit si Paulina ay nananatili pa rin ang takot na nararamdaman. Hindi nito maipaliwanag kung bakit ganon na lamang ang takot na kanyang nararamdaman. Pilit na kinalma ni Paulina ang sarili at kumapit ng mahigpit sa kanyang nobyo. 

Matapos mapuno ang lifeboat ay nagumpisa na iyong umandar. Bahagyang malikot ang pagpapaandar niyon dahil sa masamang panahon at sa dami ng mga nakasakay roon. 

"Diba? Magiging maayos din ang lahat?" nakangiting turan ni Roman sa kasintahan. Gumanti naman ito ng ngiti. 

"O-Oo. Salamat sa Diyo-" 

Hindi na natapos pa ni Paulina ang sasabihin niya dahil bigla na lamang niyanig ang sinasakyan nilang lifeboat. Napuno ng sigawan ang sasakyan na unti-unting nawawala dahil sa mabilis na pagpasok ng tubig sa loob.

Mabilis na kumilos si Roman at pilit na lumangoy palabas ng bangka habang yakap-yakap ang kasintahan. Ngunit muntik na niyang mabitawan ang dalaga noong hindi niya ito mahatak. Nilingon ito ni Roman, na ipit ang paa nito sa pagitan ng upuan. Mabilis na lumangoy pabalik si Roman para tanggalin iyon. 

Napabuka na ng bibig si Paulina sa sa pagpapanic dahil unti-unti na siyang lumulubog. Nahihila kasi siya ng bangka. Hininihila na ni Paulina si Roman paakyat dahil kinakapos na ang dalaga ng hangin. Ngunit hindi nawawalan ng pagasa si Roman, ayaw niyang iwanan ang pinakamamahal niyang nobya. Nilingon niya muna ang dalagang nakatingin sa kanya at hindi na gumalaw. Sinipa nang sinipa ni Roman ang upuan hanggang sa bahagya itong mayupi. Mabilis na lumangoy si Roman paakyat habang yakap-yakap si Paulina. 

Ngunit pagkaahon niya ay nagdilim ang kanyang paningin noong may tumamang matigas na bagay sa kanyang ulo. 

Nawalan siya ng malay.


Chapter 3: Ang Buhay Isla


Day 1.

"Paulina?!" Habol ang hiningang napabalikwas ng bangon si Roman. Napalunok siya nang makita niya ang paligid niya. Nakaharap siya sa malawak na karagatan. Nararamdaman niya ang pinong buhangin na kanyang inuupuan. 

"Paulina? Nasaan ka!" Nagpalinga-linga si Roman sa paligid ngunit wala siyang ibang makita kundi ang malawak na karagatan. Sa likuran niya ay ang pinong buhangin sa dalampasigan at isang gubat.

Dahan-dahang tumayo si Roman at naglakad lakad. Napagtanto niyang nasa isa siyang isla at naisip niya na siguro ay dito siya inanod noong lumubog ang sinasakyan nilang lifeboat. 

'Pero nasaan si Paulina?'

Nakaramdam na ng takot si Roman dahil pakiramdam niya ay nalibot na niya ang buong isla ay hindi pa rin niya makita ang kanyang nobya. 'Diyos ko po. Nasaan siya?' naiiyak na niyang sabi sa kanyang isipan. 

Tirik na tirik na ang araw kaya at kumakalam na rin ang kanyang sikmura. "Tanghali na siguro," aniya at nanghihinang umupo sa ilalim ng isang puno.

Napakapit siya sa tiyan niyang kumakalam na. "I should find something to eat." He looks around and saw a familiar tree from his back. Dali-dali siyang pumunta puno ng buko at inakyat iyon. Maige na lang ay kahit papaano ay laking probinsya siya kaya marunong umakyat sa mga puno. 

Kumuha siya ng dalawang bunga ng buko at pagkatapos ay bumaba rin agad. Sunod ay naghanap siya ng matigas na kahoy o bato para mabuksan niya iyon. Pumasok siya sa gubat sa pagbabaka sakaling may makikitang pwede niyang magamit. Maraming iba't ibang puno ang andoon ngunit karamihan ay hindi niya alam. Wala rin siyang nakikitang mga hayop doon maliban sa mga ibon na palipat-lipat sa mga puno. 

Napagtanto niyang nasa isa siyang isla na walang kahit sino ang nakatira. 

Napabuntong hininga siya. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya tatagal dito. Ang kanya lamang hinihiling ay kung na saan man si Paulina ngayon ay ligtas ito. Umaasa siyang magkikita sila agad. 

Ilang sandali lang ay nakakita siya ng maliit na patulis na bato. Kinuha niya iyon at muling bumalik sa may dalampasigan. Hindi siya pwedeng maglagi sa gitna ng gubat dahil kapag mayroong mapadaang mga sasakyang pandagat ay madali siyang makikita. 

Ginamit niya ang batong kanyang nakuha para matanggal ang makapal na balat ng buko. Noong una ay nahirapan siya dahil sa matigas iyon. Pero noong mabutas iyon ng konti ay naging madali na sa kanya. Kinuha na niya ang pinaka pakay niyang bunga. Binutas niya iyon ng kaunti gamit ang bato saka ininom ang masarap na katas ng buko. 

"Ughhh! Refreshing!" he exclaimed. 

Napawis agad ang uhaw na kanina pa niya nararamdaman.  Noong nangalahati na ang kanyang iniinom ay binuksan na niya ng malaki ang buko saka unti-unting kinain ang maputing laman na nasa loob. Noong naubos niya iyon ay naramdam na siya ng konting kabusugan. Minabuti niyang h'wag na munang buksan ang isang buko at magpahinga na munang muli sa ilalim ng punong kanyang pinupwestuhan.

Mamaya na siya maglilibot-libot muli sa isla. Kailangan niyang makahanap ng mga bagay na pwede niyang ikabuhay habang andito siya. 

Inihiga niya ang pagod niyang katawan sa buhangin at naniningkit ang mga matang tumingin sa langit. Tirik na tirik kasi ang araw sa mga oras na iyon. 

"Where are you Paulina?" tanong niya sa kawalan. Tears immediately filled his eyes as he remembers what happened.

They were supposed to go to safety but misfortune struck them. 'Please, Paulina... be alive. I'm begging you,' he cried till he falls asleep.

Naging siya dahil sa mainit na sinag ng araw. Palubog na pala iyon kaya nawala na ang lilim ng punong hinihigaan niya.

"I have to make a house," aniya at tumayo na. Bumuntong hininga muna siya bago tiningnan ang malawak na karagatan. Nasa gitna siya ng kawalan kaya kailangan niyang maging matatag. Bumalik siya sa loob ng gubat para kumuha ng mga kahoy at bato. Naisipan niya kanina bumuo ng malaking salitang 'HELP.' Umaasa siyang mayroong mapapadaan doong eroplano at makikita iyon. 

Ilang sandali lamang ay nakakuha na siya ng mga gagamitin niya. Hinubad niya ang suot niyang T-shirt at isinampay muna iyon sa mababang puno saka inumpisahan ang gagawin niya. Pagkatapos ay ang sunod niyang ginawa ay naghanap ulit siya ng mga kahoy na pwede niyang gamitin para pagningasin iyon. Maggagabi na at palamig na nang palamig ang hangin kaya kailangan niya ng apoy. Kumuha na rin siya ng mga malalaking kahoy at mga dahon na malalapad para sa gagawin niyang bahay. 

He's an architect after all.

Nang makuha na niya ang mga gagamitin niya ay naghanda na siya para umpisahan magpaningas ng apoy. Kumuha siya ng dalawang may kalakihang bato at inumpisahang pagkiskisin iyon. Ilang minuto siya sa ganoong posisyon bago iyon tuluyang magkaroon ng apoy. Nakahinga siya ng maluwang nang makaramdam na ng init.

Sunod niyang ginawa ay kinuha niya ang pahabang kahoy na nakita niya kanina at ang matalas na batong kanyang ginagamit bilang isang kutsilyo. Bahagya niyang pinakinis ang mahabang kahoy at saka pinatulis ang dulo niyon. Ito ang magsisilbing sibat niya. Balak niya kasing manghuli ng isda bilang kanyang hapunan. 

Malapit nang magdapit hapon base sa kanyang hinuha dahil sa medyo nagdidilim na. Kaya naman ay sumulong na siya sa dagat upang manghuli ng isda. Hindi naman siya masyadong nahirapan dahil may alam siya sa pangingisda kahit na papano. Tinuruan siya ng kanyang mga tiyo noong doon sila nakatira sa probinsya. Matapos niyang makahuli ng limang may katamtamang laki na isda ay bumalik na siya sa kanyang pwesto. Ibinaba niya muna iyon sa may tapat ng bone fire niya. Naalala niya kanina na may nakita siyang puno roon na kagaya ng sa saging. Pwede na niya iyong gamitin bilang isang plato. Kumuha na rin siya ng maliliit na kahoy para magamit niya sa pagluto ng mga isdang nahuli niya.

Pagkabalik niya ay muli siyang lumusong para sana linisan ang mga isdang kanyang nahuli. Ngunit hindi pa man niya na umpisahan ang gagawin niya ay may nakita siyang itim na bagay na palutang lutang sa di kalayuan ng pwedto niya. Dali-dali niyang inilapag sa dalampasigan ang isdang hawak niya at nilangoy iyon.

Isa itong malaking bag. Pakiramdam niya ay mula ito sa barkong sinasakyan niya. Kinuha niya iyon at hinila papunta sa dalampasigan. At noong binuksan niya ay hindi nga siya nagkamali. Bahagya siyang napangiti dahil sa laman ng bag.

May kaunting damit na sakto para sa kanya dahil mga panglalaki iyon. Mayroon ding flashlights na noong binuksan niya ay gumagana pa rin. At pinaka natuwa siya noong may nakita siyang handknife. Mas mapapadali ang paggawa niya ng bahay bukas. Mayroon ding mga toiletres na pwede niya ring magamit habang nasa isla pa siya. 

"Cellphone?" Napaawang ang bibig niya nang may makapa siyang pahabang gamit sa isang bulsa ng bag. Kinuha niya iyon at tama siya, cellphone iyon na nakabalot sa plastic. Dali-dali niya iyong binuksan ngunit nadismaya siya nang makita niyang wala manlang iyon masagap na signal. 

Ilang sandali pa siyang natulala dahil bahagya siyang nawalan ng pagasa. Akala niya makakahingi na siya ng tulong dahil sa cellphone ngunit mali siya. Maige na lang ay walang lock yung cellphone at bahagya pa itong full kaya magagamit niya pa rin kahit papaano. May mapaglilibangan pa rin siya. 

Inilagay niya muna ang bag na nakuha niya sa may puno at muling ginawa ang naudlot niyang paglilinis ng isda. Pagkatapos n'on ay iniluto na niya na rin iyon. Kinuha niya ang buko na pinitas niya kanina at saka binuksan iyon. Doon niya naisip ang buko na kinain niya kanina, kinuha niya ang bao at hinulma iyon gamit ang handknife para maging plato niya. Ang kalahati naman ay ginawa niyang kutsara. 

Nang matapos na lahat ng mga kailangan niya at maluto na ang hapunan niya ay nagumpisa na siyang kumain. Hindi na masama kahit na walang lasa ang isda. Okay na iyon para sa kanya kesa sa wala siyang makain. Pagkatapos niya ay nilinis niya ang sarili niya. 

Dumilim na ang langit at tanging liwanag na lang na kanyang nakikita ay nagmumula sa bonefire niya at sa sinag ng buwan. Napasinghap siya nang makita ang napaka dilim na malawak na karagatan. Nakakatakot kung isipin dahil nasa gitna siya ng kawalan at nagiisa. Dito ay nakaramdam siya ng panlulumo at nanghihina ang katawang umupo sa mga dahong kinuha niya kanina para higaan niya. 

Mapalad siya ngayon na nabuhay siya at nawawala lang sa gitna ng kawalan. 

"I hope you're here, Paulina... I wish that you're okay, somewhere." 




Chapter 4: Ang muling pagkikita



Day 3

"Paulina?" nanlalaki ang mga mata ni Roman nang mapag-sino niya ang dalagang nakatayo sa may dalampasigan. 'Pagka gising niya kasi ay mayroon siyang nakitang pigura. Dali-dali niyang nilapitan ito at halos mahigit niya ang kanyang hininga nang makita ang kasintahan. 

"Paulina! Oh my God!" Niyakap niya agad ng mahigpit ang dalaga. "I've been waiting for you. Ano'ng nangyari sa 'yo? I thought I will never see you again!" lumuluhang sabi niya. 

Naramdaman niyang gumanti ng yakap si Paulina. 

"S-Sorry..." garalgal ang boses na anito. 

Lalo namang hinigpitan ni Roman ang yakap sa kasintahan. "It's okay. Ang importante ay andito kana. Kasama na ulit kita." Tinanggal niya ang pagkakayakap kay Paulina at sinapo ang magkabilang pisngi nito. "I will never let you go again. I'm sorry."

"No. You don't have to say sorry. It's not your fault, Roman." 

Umiling-iling siya at sinabing, "It is, Paulina. Kung hinawakan kita ng mahigpit hindi sana tayo magkakahiwal-"

"Shh..." 

Pinutol ni Paulina ang sinasabi niya. Hinawakan nito ang mga kamay niya at tinitigan siya sa mga mata. "Always remember that it's not your fault, my love." Ngumiti ng mapait ang dalaga.

Hindi naman mawari ni Roman kung bakit nakaramdam siya ng kirot sa sinabi ng dalaga. Para bang ang bigat ng sinabi nito at hindi niya matanggap. Pinilit niyang ngumiti. Ang importante ay andito na ang dalaga. 

Magkasama na ulit sila. 

Inakay na ni Roman si Paulina sa ginawa niyang kubo. Nasa may bungad lang iyon ng gubat kaya matatanaw pa rin ang malawak na karagatan. Naisipan niyang sa itaas ng isang punong malaki niya ilagay ang maliit na kubong kanyang ginawa. Pinagtagpi-tagpi niya ang mga kahoy na naipon niya para maging sahig. Mayroon siyang mga nakitang mga baging doon kaya iyon ang ginamit niya pangtali. Pagkatapos ay gumawa siya ng bubong gamit ang mga dahon ng buko kagaya ng ginagawa ng kanyang mga lola sa probinsya. 

Hinila niya ang hagdan na gawa sa mga baging at kahoy para makaakyat sila sa kubo. Inalalayan niya si Paulina paakyat pagkatapos ay sumunod siya rito. 

"Ano'ng nangyari sa 'yo, Paulina?" tanong niya sa kasintahan habang pinagmamasdan ito ng maigi. Ngayon lang niya napansin na may suot pa pala itong lifevest. Dahan-dahan siyang lumapit dito at akmang tatanggalin sana iyon ngunit umatras si Paulina.

"H-Hindi ko rin alam kung ano'ng nangyari. Nagising na lang ako andito na ako sa isla," malungkot na sambit nito. 

Bumuntong hininga siya. "I'm sorry... kasalanan ko talaga 'to."

Ikatlong araw na niya sa isla, ibig sabihin ay magtatlong araw na nagpalutang-lutang ang dalaga sa dagat. O kaya naman ay... "Ilang araw ka nang andito sa isla?" 

Tinitigan siya ni Paulina sa mga mata. Kumibot-kibot ang labi nito na para bang may gustong sabihin ngunit pagkadaka ay umiling-iling ito. "H-Hindi ko alam, Roman. Nagising ako andito na ako sa isla," ulit nito. "R-Roman... wala kang kasalanan. Tandaan mo 'yan. Mahal na mahal kita."

Natigilan bigla si Roman sa huling sinabi ni Paulina. Muli ay nakaramdam siya ng kirot na hindi niya alam kung bakit. Marahil ay kahit ilang beses nitong sabihin na wala siyang kasalanan ay ganon pa rin ang pakiramdam niya. Kung iisipin lang niya ang pinagdaanan nito ay parang dinudurog na siya. Sa dalawang araw na andito siya sa isla ay hindi niya talaga nakita ang dalaga. Imposibleng hindi niya ito makikita dahil napakaliit lamang ng islang ito. Iniisip niya pa lang na nagpalutang-lutang ito sa gitna ng karagatan ay nakakaramdam na siya ng awa para rito.

Hinawakan niya ang kamay ni Paulina at sinakop iyon ng isa niyang kamay. "No, kung hinawakan sana kita ng maayos hindi na sana tayo nagkahiwalay pa. Alam mo bang halos mabaliw ako kakaisip kung nasaan ka? I don't know how many times I walked around this island hoping that I will see you here somewhere. Everyday... every day I blame myself." Napahagulhol na siya. 

Kinuha ni Paulina ang mga kamay ni Roman at saka sinapo ang magkabilang pisngi. "Wala kang kasalanan, Roman. Hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan kaya don't blame yourself. Makakaalis ka rin dito," anito at ngumiti ng mapait. 

Lumuluhang napapikit si Roman at dinama ang malambot na palad nito. Hindi niya kaya... hindi niya kakayanin kapag mawala ito sa kanya. Sobrang laki ng pasasalamat niya sa Diyos at kasama na niya ulit. Ipinapangako niyang gagawa siya ng paraan para makaalis sila rito.

Pagkalipas ng ilang sandali ay nagdesisyon na si 'yang kumuha ng kanilang makakain. Nagpaningas muna siya ng apoy pagkatapos ay naghanda na para manghuli siya ng mga isda. Alam niyang gutom na si Paulina kaya hahandaan niya ito ng pagkain. 

"Ito, isuot mo muna itong damit." Inabot ni Roman ang malaking gray na T-shirt. "Inanod din ito rito sa isla. Galing ata sa barkong sinasakyan natin."

Tiningnan muna iyon ni Paulina bago kinuha. Para bang nagdadalawang-isip pa ito. 

"Kukuha na ako ng makakain natin. Pagkatapos mong magbihis doon ka muna sa may bonefire. Wait for me there," aniya at nginitian ang nobya. 

Tumango lamang si Paulina sa nobyo at ngumiti ng kaunti.

Lumakad na si Roman papunta sa dagat. Sa sandaling andito siya sa isla ay kahit papaano ay nasasanay na siya sa pangingisda. Medyo nakaka-adjust na rin siya sa buhay rito sa isla. Kailangan na lamang niya ngayon ay maasikaso ng maayos ang nobya. Alam niyang labis itong nahirapan sa nangyari sa kanila. 

Marami-rami rin ang na sibat ni Roman na mga isda. Dahil na rin siguro sa walang nakatira sa islang ito kaya marami pa ring mga yamang dagat na andito. Nilinis niya agad iyon at dinala na sa tabi ng kanyang kasintahan. 

Nakaupo lamang ito sa malaking bato sa harap ng bonefire na kanyang ginawa at pinagmamasdan siya. Hindi mawala ang kanyang mga ngiti dahil sa nakikita na niya ito. Kung hindi lang sana sila galing sa lumubog na barko ay mas maganda na sana kung dito na lamang niya ito ititira. Mas maganda pang tumira rito kesa sa magulong lungsod. 

Pagkatapos niya ay kumuha naman siya ng mga buko para kanilang mainom. Hinanda na niya ang mga isda para maluto na niya iyon. 

Tumabi niya kay Paulina habang hinihintay na maluto ang isda. 

"Ganito lang ang ginagawa mo rito sa isla?" tanong ni Paulina sa kanya. 

Tumango siya. "Oo. Naisip ko kasing kailangan kong makapag-adjust mabuhay dito para makita kita. Kailangan ko ng lakas. 

"Tama 'yan." Ngumiti ng ubod ng tamis si Paulina. 

"Salamat," aniya at tiningnan ang nobya. Bahagyang kumunot ang makinis nitong noo.

"Para saan?"

"For coming back to me. You know that I can't live without you, Paulina." Huminga siya ng malalim. "Mamatay ako kapag mawala ka." 

Nawala ang matatamis na mga ngiti ni Paulina at napalitan ng lungkot. Dahan-dahan siyang tumungo para hindi makita ng kasintahan ang pagtulo ng kanyang luha. 

"Don't say that, Roman. You have to live." 

"I can't, Paulina. Hindi ko talaga kakayanin. I love you so much." Muli ay nangilid ang mga luha ni Roman. Sobrang mahal na mahal niya ang dalaga. He can't see himself without Paulina. She is his past, present, and his future. He can't go on without her.

Para namang dinurog si Paulina dahil sa sinabi ng kanyang nobyo. Mahal na mahal niya rin ito at hindi niya rin kakayanin kapag mawala ito sa kanya. Pero kung siya man ang mauuna ay hindi niya gustong maging miserable ito dahil sa kanya. Gusto niyang ipagpatuloy pa rin nito ang buhay niya kahit hindi na siya kasama roon. Matapos ang nangyari sa kanila ay dapat silang maging handa. 

"I know, Roman. Ganon din ako. Pero ayokong maging miserable ka. Kaya please, don't say that. Don't blame yourself sa mga nangyari, okay?" pangungumbinsi niya. 

Hindi umimik si Roman at pinagpatuloy lamang ang pagluluto. Ayaw niyang pakinggan ang sinasabi ng kasintahan dahil hindi niya talaga kakayanin kapag mawala ito. 

Mahal na mahal niya ito kaya kahit sa kamatayan ay sigurado siyang susundan niya ito. 




Chapter 5: Narito kami



Day 5

"Paulina..." tawag ni Roman sa kasintahang  nakatayo lang sa may dalampasigan at nakatanaw sa malawak na karagatan. Suot nito ang asul na t-shirt na nakuha niya sa bag kanina. Masyadong malaki ang suot nito kaya nagmukha itong bestida sa dalaga. 

Hindi siya nilingon ng nobya. 

Simula noong nagkita silang muli ay naging tahimik na ito. Hindi man niya gustuhin ngunit hinahanap hanap niya ang pagiging makulit nito. Iniisip na lamang ni Roman ay mayroon pa itong trauma kaya ito ganito. 

Tumabi siya kay Paulina. Blangko ang ekspresyon nito habang nakatanaw sa dagat. Kahit na namumutla ito ay mababakas pa rin ang maganda nitong mukha. Bahagyang nangingitim na rin ang ilalim ng mga mata nito. 

Bumuntong hininga si Paulina. "Sa tingin mo... hanggang kailan tayo rito?" tanong bigla ni Paulina. 

Napalunok si Roman. Sa totoo lang hindi niya alam kung hanggang kailan sila rito. Ilang araw na silang andito ngunit wala pa rin silang nakikitang pag-asa na makakaalis pa sila rito. "Makakaalis din tayo rito," aniya at inakbayan ang kasintahan. 

"Oo." Ipinulupot ni Paulina ang kaliwang kamay sa baywang ni Roman. "H'wag kang magalala... hindi kita iiwan hanggat hindi ka nakakaalis dito." 

"Ano ka ba? Sabay tayong aalis dito."

Hindi na sumagot pa si Paulina sa kasintahan. Pinagmasdan na lamang niya ang mukha nitong nakangiti. Lubos ang kanyang pasasalamat na kasama niya ito ngayon. 

Lumipas ang ilang sandali ay nagdapit hapon na. Naghanda na si Roman para muling mangisda para sa kanilang hapunan ni Paulina. 

"Tulong ako." Kinalabit ni Paulina ang kasintahang palusong na sa dagat.

Nilingon ito ni Roman. "Ha? Saan?" 

"Mangisda," anito at ngumiti ng ubod ng tamis. 

"H'wag na... Ako na ang bahala." 

Lumabi si Paulina. "Sige na... nabo-boring na ako eh." 

Bumuntong hininga ni Roman ang hinarap ang kasintahan. "Sige. Pero dito ka na lang... ako na sisisid. Baka mapano ka pa eh." 

"Nakalimutan mo na bang marunong akong lumangoy?" 

"Per-" 

Hindi na natuloy pa ni Roman ang sasabihin niya dahil bigla na lamang inagaw ni Paulina ang sibat na hawak niya at tumakbo palayo sa binata. 

Napamaang naman si Roman habang pinapanood ang nobya. Nasa gilid lamang ito ng dalampasigan at tumatakbo. Winawagayway nito ang sibat na hawak nito.

"Ikaw ha!" natatawa niyang sabi at hinabol ang kasintahan. 

Tumitiling binilisan ni Paulina ang pagtakbo. "Habulin mo 'ko!" tumatawang sigaw niya. 

"Andyan na ako!" 

Binilisan pa ni Roman ang pagtakbo niya at ilang sandali lang ay naabutan niya rin ang nobya. Mabilis niyang ipinulupot ang dalawang kamay sa baywang nito.

"Roman!" tili ni Paulina.

"Huli ka!" natatawang sabi niya at hinarap sa kanya ang kasintahan. Ikinulong niya ito sa kanyang mga bisig at pinagmasdan ang mukha nito. His beats faster as he look deep in her eyes. "I love you, Paulina. I will always love you,  Always."

Paulina smiles sweetly at him. "I love you too, Roman. Forever.. death can never take us apart." She stops and stared at his boyfriend's brown eyes. "Forever, My love.." she said sincerely and look at his lips. 

Binasa ni Roman ang kanyang mga labi at unti-unting inabot ang mga labi ng nobya. Ngunit natigil iyon nang makarinig sila ng malakas na tunog. Sabay silang napalingon sa langit dahil papalakas nang papalakas ang malakas na tunog ng isang makina. 

"H-Helicopter ba iyon?!" nanlalaki ang mga matang tanong ni Roman. 

Naghiwalay sila at hinanap kung saan nagmumula ang tunong. 

"Roman! Ayun!" Itinuro ni Paulina ang kulay itim na helicopter na dadaan sa ibabaw ng gubat. Mababa lang ang lipad nito kaya kita mo ang pagsayaw ng mga puno. 

"Oo nga!" Bumilis ang tibok ng puso ni Roman. "Dito! May mga tao rito! Tulong!" malakas niyang sigaw. 

"Help!" sigaw rin si Paulina at kinampay-kampay ang mga kamay habang natalon-talon pa. 

Papalapit na sa kanila ang helicopter kaya mas nilakasan pa nila ang pagsigaw. "Help us! May tao rito! Tulong!" sigaw ni Roman. 

Ngunit bahagya siyang natigilan dahil hindi nagbabago ang takbo ng helicopter. 

"H-Hindi..." aniya at kumuha ng bato. Binato niya ang sasakyan ng malapit na ito sa kanila. Tumama iyon sa may landing skid ng sasakyan ngunit hindi manlang natinag ang kung sino man ang nagpapatakbo niyon.

"Tumigil kayo! May tao rito!" malakas niyang sigaw. "Tigil!" 

Napaluhod si Roman habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyang panghimpapawid. "H-Hindi..." aniya. 

Mabilis siyang dinuluha ni Paulina at niyakap siya. Umiling-ilig siya. 

"H-Hindi... bakit hindi sila tumigil? Hindi ba nila tayo nakita?" umiiyak na sabi ni Roman at napahagulhol na. 

"Ssshh... nakita nila tayo Roman. H'wag kang mawalan ng pagasa," ani Paulina at mahigpit siyang niyakap. 

Gumanti ng yakap si Roman sa nobya. Hindi niya malubos maisip kung bakit ni hindi manlang sila tinigilan ng sasakyan. Mababa ang lipad nito ngunit hindi manlang ba nila nakita ang dalawang taong kinakawayan sila? 

Halos hingalin na si Roman sa pag-iyak dahil sa sama ng loob na kanyag nararamdaman. Parang nawalan siya bigla ng pag-asa na makaalis pa sila rito ni Paulina.

'Paano na kami? Paano na kami makakaalis dito? Paano na si Paulina?'



Chapter 6: Ika-anim na araw



 Day 6


"Roman, kumain kana oh?" Inabot ni Paulina ang isdang hinimay niya sa nobyo. Hapon na kasi pero wala pa rin laman ang tiyan nito.

Mula noong nilagpasan sila ng helicopter ay naging tahimik na lamang ito at nakahiga na lamang sa kubo. Ni hindi na ito kumilos o tumayo lamang para kumuha ng pagkain nila. Kaya naman siya ang nagtyagang kumuha ng pagkain nilang dalawa. 

Mabuti na lang ay mabilis siyang matuto at nakahuli siya ng tatlong pirasong maliit na isda. Hindi nga lang niya kinayang umakyat na sa mga puno dahil makailang beses siyang nahuhulog. Pero mamaya ay susubukan niya ulit para makakain si Roman ng prutas. 

"Roman... uy, h'wag ka namang ganyan." 

"Wala akong gana," mahinang sabi ni Roman. 

Napatungo si Paulina at malungkot na sinabing, "Pinaghirapan ko pa naman 'tong hulihin tapos hindi mo kakainin," aniya. "Bahala ka. Uubusin ko 'to!" 

Hindi naman natinag si Roman sa biro niya at nanatiling nakatalikod lamang habang nakahiga. Nakagat ni Paulina ang kanyang labi. Nilapag niya muna sa may gilid ang hawak niyang pagkain saka humiga siya sa tabi ni Roman at niyakap ito habang nakatalikod pa rin sa kanya.

"I love you," malambing niyang sabi. 

Hindi sumagot si Roman. 

"Sobra... alam mo naman 'yon diba? Kaya please... h'wag mo namang pabayaan ang sarili mo?" Nangilid ang mga luha niya. "Makakaalis din tayo rito, Roman. Makakaalis ka rin dito. Kaya please h'wag kang panghinaan ng loob?" 

Narinig niyang suminghot si Roman kaya lalo niyang hinigpitan ang pagyakap niya rito. 

"Kailangan mong maging matatag, Roman. Paano na lang kung wala na ako? Ayokong makita kang nahihirapan. Kaya please, h'wag mong pahirapan ang sarili mo. Palagi mong lakasan ang loob mo. Mahal na mahal kita, Roman. Tatandaan mo 'yan." 

Dahan-dahang humarap sa kanya si Roman at niyakap din siya ng mahigpit. Hindi ito nagsalita ngunit umiiyak lamang ito habang hinahalik-halikan siya sa noo. Lalo naman siyang nagsumiksik sa dibdib nito para mapakinggan ang tibok ng puso nito. 

'I love you so much, Roman. I wish that you will always be happy.'

Ilang sandali sila sa ganoong posisyon hanggang sa napansin ni Paulina na nakatulog na ang kasintahan. Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap kay Roman. Dala ang flashlight ay bumaba siya sa kubo. Naisipan niyang pumasok sa gubat at maghanap ng prutas. Nagbabaka sakali siyang mas gugustuhin ni Roman ang mga prutas kesa sa isda. 

Hindi pa naman madilim kaya sa tingin niya ay makakuha pa siya. Nalibot na rin niya itong isla kanina kaya tiwala siyang hindi siya makakasalubong ng mga mababagsik na mga hayop. 

"Okay."

Tiningnan niya ang gubat pagkatapos ay huminga muna siya ng malalim saka kabadong pumasok na sa loob ng gubat. Dahan-dahan siyang naglakad at nagpalinga-linga para makakita ng prutas na pwede nilang makain. Hindi pa man siya nakapunta sa pinaka gitna ay nakakita na siya ng puno na kapareho ng saging. Mabilis niya itong nilapitan at halos magtatalon siya sa tuwa nang makita niyang mayroon itong bunga. 

"Yes! Thank you, Lord!" aniya at tumingin pa sa langit. Hindi iyon kataasan kaya madali niya lang itong maabot. 

Akmang aabutin na sana niya ang prutas nang makarinig siya ng pamilyar na huni ng hayop. Nagpalinga-linga siya agad para makita kung nasaan iyon. Nang wala siyang makita ay muli niyang inabot ang prutas ngunit natigilan siya sa kanyang nakita. 

May hindi kalakihang ahas ang nasa itaas ng mga prutas at nakatunghaw sa kanya. Pakiramdam niya ay nagtaasan ang mga buhok niya sa buong katawan.

Nanginginig ang kamay na dahah-dahan niyang ibinaba at marahang umatras. Ngunit nagumpisa rin gumalaw ang ahas. Masyado siyang malapit sa puno kaya nakaramdam na siyang pagkataranta. 

"Diyos ko..." 

Pakiramdam niya bawat galaw niya ay bumaba rin ang ahas. Kaya lalo siyang nakaramdam ng hilakbot. 

"Roman," mahina niyang tawag sa nobyo. Marahan siyang umaatras hanggang sa natigilan siya dahil bigla na nakababa na rin ang ahas at nakaharap sa kanya. Napahigpit ang hawak niya sa flashlight na nakatutok lamang sa ahas. Panay ang huni nito at paglabas ng dila na handang handa umatake anumang oras. 

Napahikbi na siya dahil hindi na niya maiangat ang kanyang mga paa. "R-Roman... Roman!" sigaw niya ng malakas na ikinagulat ng ahas kaya tumalima ito sa pagsugod sa kanya. Napapikit na lamang si Paulina at hinintay ang pagtuklaw ng ahas. Ngunit lumipas ang ilang sandali ay wala siyang naramdaman. 

Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Napaawang na lamang ang kanyang bibig nang makita niya ang nangingisay na ahas sa lupa habang may nakapatong sa ulo nito na malaking kahoy.

Napahagulhol siya nang makita niya si Roman. Gigil na sunod-sunod niyang hinampas ng kahoy ang ahas kahit patay na ito. Pagkatapos ay binitawan nito ang kahoy at nilapitan siya.

"Ayos ka lang? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong nito. 

Hindi nakasagot si Paulina at umiiyak lang na tiningnan ang kasintahan. 

Niyakap ng mahigpit ni Roman ang kasintahan. "Ssshh... okay na. Andito na ako." Tinapik-tapik ni Roman ang likod ni Paulina. "Sorry... sorry kung nawalan ako ng pag-asa. Promise hindi na mauulit. Sorry..." 



Chapter 7: Ang Bagyo


Day 7

Kinabukasan, muli nang bumalik ang sigla ni Roman. Dahil na rin kay Paulina ay mas pinatatag niya ang kanyang damdamin. Masyado lang siyang na apektuhan dahil sa nilagpasan lang sila ng helicopter. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa noong dumeretso ang sasakyan. 

Maige na lamang ay andito si Paulina. Kung wala si Paulina ay baka nabaliw na siya dahil sa nangyari. Sa ngayon ay si Paulina na lamang ang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya. 

"Roman! Halika dali, ligo na tayo!" aya ni Paulina sa nobyo. Hinila niya ito patayo mula sa batong kanyang inuupuan. 

Hindi nila alam kung anong oras na pero sa hinuha ni Roman ay tanghali na. Pagkagising kasi nila ay makulimlim ang langit. Tanda ito na may paparating na masamang panahon. 

Nagpahila si Roman sa kanyang nobya. Sabay silang lumusong sa dagat. Kung tutuusin ay napaka ganda rito sa isla. Everything in here is fresh, the air, the water, the crops. You can actually live here but your sanity will not. 

Paulina giggles as she throws water at Roman. 

Natatawang sinalo lamang iyon ni Roman at ginantihan ang nobya. He laughs when she tries to block the water. Nakaramdam ng panginginig ng laman si Roman nang muling dumapo ang hangin sa kanila. Parehas na silang basa ngayon kaya lalo silang nakaramdam ng lamig. 

Roman watches Paulina as she plays in the water. He smiled as his heart beats faster. Mahal na mahal niya talaga ang dalaga. Mula noong naging magkasintahan sila ay ipinangako na niyang ito na ang makakasama niya habang buhay. 

'I wish we can go home now, Paulina.'

Natigilan si Paulina nang may pumatak sa kanyang ulo. Noong una ay maliliit lamang iyon, hanggang sa unti-unting lumalakas at lumalaki. 

"It's raining!" Paulina shouted. Iminuwestra niya ang kanyang mga palad na parang sinasalo ang mga patak ng ulan. Saka tumingala sa langit at ipinikit ang mga mata. 

Tumingin din sa langit si Roman pagkatapos ay muling tumingin sa nobya. 'She's really beautiful,' he said in his mind.

"I love you, Paulina," sabi niya sa mahina niyang sabi. Hindi iyon narinig ni Paulina dahil sa malakas na ulan. Ngumiti lamang si Roman at nilapitan na ang nobya. "Let's go! It's getting colder!" 

Tumingin sa kanya si Paulina at tumango. Bahagya na rin kasi siyang nangangatog dahil lalong lumakas na ang simoy ng hangin. 

Patakbo silang bumalik sa kanilang kubo. 

"Change your clothing first. Ayusin ko lang muna itong kubo baka liparin," utos ni Roman sa kasintahan. 

Tumango lamang si Paulina at umakyat na sa kubo. 

Naiwan si Roman sa ibaba upang maghanap ng mga baging para may maipangtali sa kubo nila. Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap dahil alam na niya kung saang parte ng isla siya makakakuha ng mga baging. Malapit na siya sa kubo nila nang marinig niya ang malakas na tili ni Paulina. 

"Paulina!"

Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Paulina na nasa ibaba na ng punong. Wala na rin ang kubo nila sa itaas dahil nasa ibaba na rin ito at sira na. Nagkalat sa tabi ni Paulina ang mga damit na kanilang sinusuot. Mabilis niyang dinaluhan ang nobya. 

"R-Roman." Mangiyak-ngiyak na hinawakan ni Paulina ang pwetan niya. 

"Halika na! Pumasok tayo sa gubat. Maghanap tayo ng malaking puno roon," ani ni Roman at dahan-dahang inakay ang nobya. Kinuha niya mula sa bag ang flashlight nila at kutsilyo. Nang makita niyang iika-ika ang nobya ay binuhat niya iyon na para bang bagong kasal. 

Batid ni Roman na kahit makahanap sila ng malaking puno ay mababasa pa rin sila. Patuloy kasi ang paglakas ng hangin at ng ulan. Rinig na rin ang malakas na paghampas ng mga alon sa dalampasigan. 

Marahang ibinaba ni Roman si Paulina nang makakita sila ng malaki-laking puno na mayroong malalapad na dahon. Pumitas siya roon ng dahon para magsilbing payong nila. 

Napayakap naman si Paulina sa sarili nang nakaramdam na siya ng pangangatog ng katawan. Nanginginig na ang kanyang mga kamay at ang ibaba ng kanyang bibig. 

"Halika rito." Hinila ni Roman ang kasintahan para lalo itong dumikit sa kanyang katawan. Niyakap niya ito ng mahigpit saka isinalukbong ang dahon sa kanilang ulunan. 

Maging siya ay nangangatog na ngunit mas impostante sa kanya si Paulina. Hindi kagaya niya ay mahina ang katawan nito sa mga malalamig na lugar. Mabilis itong magkasakit kapag nilalamig at natutuyuan ang likod. 

"Sshhh... lilipas din ang bagyong 'yan," ani Roman at pilit na pinalakas ang loob ng kasintahan. 

Pumikit siya ng mariin at nagdasal. 

'Panginoon, parang awa niyo na. Sana  matapos din ang bagyong ito. Please, sana makauwi na kami.'



Chapter 8: Ang masakit na katotohanan


Day 8


Mabigat ang pakiramdam ni Roman noong magising siya. Pilit niyang iminumulat ang kanyang mga mata ngunit hindi niya magawa. Nakakaramdam din siya ng lamig sa buo niyang katawan kaya naman ay halos mamilipit na siya sa kanyang pagkakahiga.

"Roman?" tawag ni Paulina sa kanya. Pilit niyang iminulat ang mga mata niya ngunit hindi niya magawa. 

Naramdaman niyang inaakay siya nitong umupo kaya naman ay kahit mabigat ang kanyang pakiramdam ay pinilit niyang umupo. 

"Kain ka oh, may nakuha akong mga prutas." 

Pilit niyang ibinuka ang bibig niya nang maramdaman niyang mayroong malambot na bagay itong isinusubo sa kanya. Nang maibuka niya ang kanyang bibig ay kumagat siya ng kaunti at pilit iyong nilunok. Ngunit matapos niyon ay umiling na siya. Pakiramdam niya kasi ay napaka laki ng kanyang ulo at gusto na lamang niyang mahiga. 

"Sandali! Uminom ka muna nitong buko," pigil sa kanya ni Paulina. 

Muli ay pinilit niyang uminom. Ilang lagok lamang ang kanyang nagawa at muli siyang napahiga. 

"Roman!" 

Nagblangko muli ang kanyang paningin.

Sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay naramdaman niya ang katawan ni Paulina na nakayakap sa kanya. Napangiti siya at lalong nagsumiksik sa dibdib nito. 

"Magpahinga ka pa, Roman. Kailangan mo ng lakas."

Narinig niyang sabi ni Paulina. Nakaramdam siya ng kapanatagan kaya muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata upang muling makatulog. 

Ilang sandali lamang ay muli siyang nagising. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Paulina. Inaabot nito ang sabaw ng buko upang kanyang mainom. Pinilit naman niyang inumin iyon kahit na nakahiga. Sobrang bigat kasi ng kanyang pakiramdam kaya hindi niya magawang ikilos ang kanyang katawan.

"Ang taas pa rin ng lagnat mo. H'wag kang mag-alala, susubukan kong magpaningas ng apoy." 

Ungol na lamang ang kanyang isagot dahil muli siyang hinila ng antok.

"Roman! Gising!" 

"Hmm.." ungol niya ngunit hindi niya iminulat ang kanyang mga mata. Nararamdaman niyang niyuyugyog siya ni Paulina na tila ba ay nagmamadali.

"May mga tao! Makakaalis kana rito!" masayang sabi ni Paulina.

'May tao?'

Pilit na iminulat ni Roman ang kanyang mga mata ngunit wala siyang nakita. 

"Dito! Andito kami!" sigaw ni Paulina at sinalubong ang mga taong dumating. 

Muling ipinikit ni Roman ang kanyang mga mata.

"Sir?" narinig niyang may tumawag sa kanyang boses ng lalaki. Mayroong dumampi sa may leeg niya. "He's alive! But he's burning!" sunod nitong sabi. 

Nakarinig pa ng ibang mga yabag ng paa si Roman kaya pilit niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nakita niyang mayroong papalapit sa kanyang dalawang tao na may dalang stretcher. Sa di kalayuan ay nakita niya si Paulina na lumuluhang nakatingin sa kanya. Nakangiti ito at mababakas ang kagalakan sa mukha nito. 

"Sir? Why?" tanong sa kanya ng lalaking tumitingin sa kanya. Hindi siya makasagot kaya ungol lamang ang kanyang nagagawa.

'Si Paulina! Get her too!' 

Pilit niya itinuro ang kasintahan habang inilalagay siya ng mga ito sa stretcher. Napansin kasi niyang walang umaasikaso rito at nasa gilid lamang niya habang nakatanaw sa kanya. 

'Wait! Paulina!'

Unti-unti na siyang binuhat ng mga lalaki kanina. Unti-unti na ring pumipikit ang kanyang mga mata. 

"P-Pau... li... na..." aniya ngunit hindi siya maintindihan ng mga nagligtas sa kanya. 

Naniningkit na ang kanyang mga mata ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang isa pang stretcher na dala-dala ng mga dumating. Mayroon din ditong nakasakay ngunit mayroong nakatalukbong na puting kumot. 

"Paalam, Roman." 

Narinig niya ang boses ni Paulina. Pilit niyang hinanap ang nobya. Nakita niya ito sa gilid niya. Nakangiti at kumakaway sa kanya. 

Nakahinga siya ng maluwag at tuluyan nang ipinikit ang kanyang mga mata.

Sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay puting kisame na ang bumungad sa kanya. Pilit niyang iginalaw ang kanyang kamay para makaupo. 

"Roman! Tawagin niyo ang Doctor!" 

Napalingon siya sa nagsilata, ang kanyang ina.

"Diyos ko! Salamat sa Diyos at gising kana anak!" umiiyak na sabi nito at hinawakan siya sa kamay. 

"M-Ma? Nasaan ako?"

"Nasa ospital ka anak," ani ng kanyang tatay.

Napangiti siya noong marinig niya iyon. Sa wakas ay naka-alis na sila sa isla. 

Ngunit mayroong kulang. 

Inilibot niya ang kanyang paningin sa silid. Tanging ang kanyang pamilya lamang ang andito. Ang magulang niya at dalawang kapatid. Kumunot ang kanyang noo.

"Nasaan si Paulina?" 

Natigilan sila sa kanyang tanong at nagkatinginan. Lalo namang nagtaka si Roman kaya muli niyang tinanong ang mga ito. "Si Paulina? Kasama ko siya sa isla. Where is she? I want to see her."

Nagumpisa nang tumulo ang mga luha ng kanyang ina. Nilapitan naman ito ng tatay niya at inalo. Ang kanyang dalawang kapatid ay nagumpisa na ring mag-iyakan.

"H-Hey..." Nakaramdam ng kaba si Roman. "Where is she? Why are you crying?" 

Namayani ang katahimikan sa kanyang silid. Tanging paghikbi lamang ng kanyang ina ang naririnig. Lalo namang nakaramdam ng kaba at takot si Roman. 

"What's wrong?! Answer me! Where is she?!" Nakaramdam na siya ng pagkataranta. 

Mayamaya ay hinawakan ng kanyang ina ang kaliwang kamay niya. Garalgal ang boses na nagsalita.

"A-Anak... Roman.. h'wag ka sanang mabibigla," anito at tumigil. Naluluhang tinitigan sa mga mata si Roman. 

"W-What is it, ma?"

Lumunok muna ito bago muling nagsalita. 

"W-Wala na si Paulina, Roman. Patay na siya." 




The End: Forever, my love


Tahimik na nagmamaneho si Roman papunta kay Paulina. Ilang buwan din siyang hindi nakadalaw rito dahil kinailangan pa niyang gamutin ang sarili niya. Gusto sana siyang samahan ng mga kapatid niya ngunit minabuti niyang mag-isa na lamang siyang pumunta rito.

Ilang sandali lamang ang biniyahe niya bago narating ang lugar kung nasaan ang dalaga. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok lugar. Nasa bukana pa lamang siya pero makikita mo na ang mga maliit na mga pakahon pa animo'y mga bahay.

Habang papalapit siya kay Paulina ay palakas nang palakas ang pagkabog ng kanyang dibdib. At nang marating na niya ito ay huminga muna siya ng malalim. Pumasok siya sa establisyementong kinalalagakan ng kanyang katawan.

Agad na napaluha si Roman nang makita niya ang puntod ng nobya.


Paulina Smith

May 13, 1993, to Sept. 23, 2021

Remembering


"P-Paulina..." Nanginginig ang kamay niya nang hinawakan niya ang puntod nito. "I'm sorry."

"No. You don't have to say sorry. It's not your fault, Roman."

Lalo siyang napahagulhol nang muli niyang na alala ang sinabi ni Paulina.

"Wala kang kasalanan, Roman. Hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan kaya don't blame yourself. Makakaalis ka rin dito."

"I'm sorry! I'm sorry!"

"I love you, Roman. Forever.. death can never take us apart."

"Forever, My love..."

"S-Sorry... Paulina."

Halos hindi na makahinga si Roman dahil sa pag-iyak. Walang katumbas ang sakit na kanyang nararamdaman ngayon. Hindi na niya tuloy alam ngayon kung paano pa siya magpapatuloy.

"You have to live."

Noong nasa isla pa siya at mayroong dumaang helicopter ay nakita pala nila siya. Ngunit hindi agad nakabalik dahil sa may dumating na bagyo. Ika-walong araw na niya sa isla noong nakita siya ng mga rescuer.

Siya ang nag-iisang naka-survive sa lifeboat na tumaob noong lumubog ang barkong kanilang sinasakyan.

Una niyang hinanap noong magkamalay na siya nung nasa ospital na siya ay si Paulina. Ngunit malungkot na ibinalita ng kanyang pamilya na hindi pala nakaligtas ang dalaga. Hindi siya makapaniwala sa narinig dahil kasa-kasama niya si Paulina noong nasa isla siya.

Na totoo naman dahil ang bangkay pala nito ang kasama niya.

Noong nakita siya ng mga rescuer sa isla ay inaapoy siya ng lagnat. Katabi ang bangkay ni Paulina. Magkasama pala silang inanod noon sa isla ngunit hindi niya ito kaagad nakita. At noong nakita na niya ay hindi niya matanggap na namatay na ito.

Dahil na rin sa mag-isa lamang siya sa isla at sa lungkot dahil sa pagkawala ng nobya ay nag-umpisa na siyang mag-halucinate na kasama niya pa rin ang dalaga.

He can't believe it because everything was real. Hindi siya naniwala kahit na noong ipinakita na sa kanya ang bangkay ng dalaga. Everything was real for him when they were on the island.

She's still alive for Roman.

"I love you... I love you, so much Paulina. I don't know now how can I continue. I-I can't live without you. Every day... for every day that is passing I always missed you. Paulina, please... please come back to me."

"Always remember that it's not your fault, my love."

Muling namutawi sa kanyang alaala ang nakangiting mukha ni Paulina habang nasa isla siya. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na kanyang nararamdaman ngayon. For months that he's been in the hospital trying to bring back his sanity, up until now he's still hurting.

Sobrang sakit, para siyang dinudurog.

Yung babaeng pinapangarap niyang makasama hanggang sa kanyang pagtanda ay wala na. Yung mga sinasabi nito noong nasa isla sila ay mga habilin na pala nito.

He keeps on asking why? Why did she have to die? Or at least, why let him live if the girl she loves the most is already gone?

Kung pwede lang ay gusto na niyang sumunod sa kanyang nobya. Hindi niya kinakaya ang araw-araw na hindi niya ito nakikita. Gustong-gusto na niyang mayakap muli si Paulina.

"How can I continue now, Paulina?" Niyakap na niya ang puntod nito. He feels so lost now that she's gone.

"I know, Roman. Ganon din ako. Pero ayokong maging miserable ka. Kaya please, don't say that. Don't blame yourself sa mga nangyari, okay?"

Bahagya siyang na himasmasan nang maalala niya ang sinabi ni Paulina. He knows that she loves him too so much. Hindi sila naniniwala ngunit alam ramdam niya sa sarili niya na totoong si Paulina ang kasama niya noong nasa isla pa siya.

She feels so real.

Even if he's hurting, he can't help but say thanks too. Dahil kahit na wala na pala ang nobya ay nakasama niya pa rin ito sa isla. Hindi pa rin siya nito iniwanan. Hindi siya nito hinayaang mag-isa sa isla. Even in death ay siya pa rin ang inalala nito.

"Forever, my love."

"I love you too, Paulina. Forever."

Biglang lumamig ang paligid ni Roman. Bahagya ring lumakas ang simoy ng hangin. Napangiti na lamang siya at tumayo ng matuwid. Tinitigan niya ang larawan ni Paulina na nasa gitna ng puntod nito at kinuha iyon.

Niyakap niya ito ng mahigpit at pumukit na para bang si Paulina talaga ito. Ninamnam niya ang sandaling iyon. Lalo siyang napangiti nang maalala ang nakangiting mukha ni Paulina habang nakapulupot ang dalawang kamay nito sa kanyang batok. Tapos ang kanyang dalawang kamay naman ay nasa baywang nito.

"I love you, Roman," ani Paulina. "Forever... My love."

"I love you too, My love... Forever," aniya at dinampian ng halik ang labi nito.


End: 02-13



Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !