Views

Taming the Mafia Billionairess (Lady Mafia Boss Series 2)

Ameiry Savar
0

 




Taming the Mafia Billionairess

(Lady Mafia Boss Series)

Ameiry Savar


Action-Romance
Tags: Mafia, Billionaire, Lady Boss
Language: Tagalog
Blurb:

Being a Mafia Billionairess, Crisanta Ortiz had a hard time having her own life. When she got burned out from her business and group, she decided to vacation in Isla del Ortiz. A place where she would meet Eleanor Agoncillo. She was having her 'me' time when she overheard that Eleanor's girlfriend had just broken up with him. Crisanta decided to talk with Eleanor out of boredom. The two did not get along well because of Crisanta's attitude but eventually fell in love with each other. 

But things change when Eleanor learns about Crisanta's involvement in his family's death and secret identity. Can he still accept Crisanta into his life? Can he tame the Billionairess?


Disclaimer

Taming the Mafia Billionairress (Lady Mafia Boss Series) contains scenes unsuitable for very young and sensitive readers. If you have trauma or can't read stories with dark themes, kindly stop reading this story. This story contains abuse, raped, murder, and foul words.

This is a work of fiction. All names, characters, persons, places, and incidents are only a product of my imagination. All resemblance to an actual person, may they be living or dead, events or anything are purely coincidental.

All right reserved! No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the author's prior written permission, except for brief quotes and lines from the story.

Taming the Mafia Billionairress (Lady Mafia Boss Series) © 2023 by Ameiry Savar


This story is part of a collaboration:


Chapter 1: The Mafia Billionairess


“Nahuli niyo na siya?” Lumagok si Crisanta sa bote ng beer na kaniyang iniinom. “Good. You know what—”

“Annika!”

Nangunot ang noo ni Crisanta at napatingin sa lalakeng bigla na lamang sumigaw malapit sa dagat. Katapat lang kasi ng restobar kung nasaan siya ang beach. Medyo madilim na ang paligid pero natatanaw naman niya ang isang lalakeng nakashorts lamang. May hawak pa itong bote ng beer na kagaya ng kaniyang iniinom. Napailing siya.

“You know what to do. Ayaw ko na makatanggap pa ng problema, ha? Give me a break, will you?”

“Yes, madam.”

Pinatay na ni Crisanta ang tawag. Muli siyang uminom ng alak at tinanaw ang kadiliman ng karagatan. Ikatlong araw pa lamang niya rito sa Isla Del Ortiz kung saan ay nagbabakasyon siya. Finally. Ngayon lamang niyang naisipang ituloy. Sa katunayan ay ayaw niya nga sana kaso pinilit siya ng mommy niya.

“Annika! Bakit mo ‘to nagawa?!” sigaw muli ng lalake.

Napatingin muli rito si Crisanta. “Crazy weirdo,” hindi makapaniwalang sabi niya. Ngayon lamang siya nakakita ng lalakeng umiiyak habang sinisigaw ang pangalan ng isang babae. Madalas ay nakakakita lang siya ng mga lalakeng umiiyak kapag nasa bingit na sila ng kamatayan.

Sa mga kamay niya.

Inubos na niya ang iniinom na alak at tumayo na. Wala naman siyang ginagawa masyado rito sa isla kundi ang mag-inom at matulog. Dahil na rin sa reputasyon niya ay wala siyang naging mga kaibigan. Mas gusto niya nang ganoon dahil bilang Mafia boss ay marami na rin siyang naging kaaway. Idagdag pang marami siyang mga kakompetensiya sa negosyo.

Mabuti na lamang at bakasyon niya ngayon kaya wala siyang iisipin.

“Annika? Annika!”

Napatigil sa paglalakad si Crisanta noong may humawak sa kaniyang kamay. Agad siyang pumihit paharap dito at sinuntok sa mukha. Napadaing nang malakas ang lalake at agad siyang binitawan. Susundan pa sana niya ito suntok sa may lalamunan ngunit natigilan siya noong mapagtanto kung sino ang lalakeng iyon.

“What the fuck?”

“Ahh! Bakit mo ako sinuntok?!” tanong ng lalake habang sapo-sapo ang ilong.

Umarko ang kilay ni Crisanta. “Pasalamat ka at suntok lang ang natanggap mo. I have a knife in my pocket.” Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Dahil sigurado siya na kaya niyang pabulagtain ang binata kahit na wala siyang hawak na kutsilyo. Ayaw na ayaw niya na may humahawak sa kaniya.

Natigilan ang lalake at napatitig sa babae. “S-Sorry. Akala ko kilala kita,” anito. Siya si Eleanor. Kasalukuyang nagtatrabaho rito sa isla.

Naiikot ni Crisanta ang mga mata. “Next time, don’t touch random people, will you? At isa pa, ang kapal naman ng mukha mo na mapagkamalang girlfriend mo?”

Bahagyang napangiwi si Eleanor. Agad siyang nakaramdam nang pag-iinit ng ulo dahil sa kagaspangan ng pananalita ng dalaga. Mukha pa naman itong mayaman ngunit matabil ang bunganga.

“Sorry naman!”

Napailing na lamang si Crisanta. Hindi na lang niya ito sinagot at pinagpatuloy na ang paglalakad. Ayaw niya nang problema habang narito siya sa isla. Narito siya para mag-relax at hindi lalong ma-stress.

Dahil si Crisanta ang may-ari ng isla ay may sarili siyang bahay rito. Hindi pa naman fully develop ang isla pero bukas na ito sa iilang mga turista. Marami pa ngang mga ginagawa rito kabilang na ang kaniyang mansion.

Dumeretso siya sa kaniyang kwarto at hinubad ang suot na chaleko. Naiwan ang bra niya na kulay itim at sweatpants. Hindi siya dumeretso sa banyo, bagkus ay binuhay niya ang laptop at binuksan ang pribadong website kung saan niya nakakausap ang kanagkamay na si Leo.

Napangiti si Crisanta nang makita ang mga larawang ipinasa nito. Larawan iyon ng isang lalake na duguan at wala nang malay. Kasunod niyon ay ang dalawang box ng mga baril na ninakaw nito sa kanila.

Hindi alam ng lahat na bukod sa isa siyang tanyag at matagumpay na businesswoman ay isa rin siyang leader ng organisasyon sa underground world. Hindi madali ang kalakaran dito dahil marami ang mga halang ang kaluluwa. Marami ring mga mapagsamantala at gusto agad umangat. Kagaya ng lalakeng dinakip ng mga tauhan niya. Sinubukan nitong pagnakawan sila ng shipment ng mga armas na paparating sa kanila. May balak ata itong ibenta ng mas mahal sa iba ang mga iyon. Ngunit maigi na lang ay agad itong nalaman ng mga tauhan niya. Ilang araw rin nilang hinanap ang mga ito.

Sunod niyang chineck ay ang report naman ng kaniyang secretary sa mga legal business niya. May-ari siya ng isang sikat na jewelry shop at kilalang-kilala sa buong mundo ang kaniyang brand. Halos lahat ng mga gumagamit o bumibili ng kaniyang mga alahas ay mga sikat na personalidad.

Noong makita ni Crisanta na walang problema ang kahit na ano mang negosyo niya ay minabuti niyang isara na ang laptop. Naririnig na kasi niya ang boses ng kaniyang ina na pinapagalitan siya dahil puro siya trabaho. Kaya raw inabot na siya ng trenta anyos ay wala pa rin siyang nobyo. Sabi pa ng anito ay dapat may kasama na siyang nobyo pagkabalik niya. Ni minsan ay hindi iyon inisip ni Crisanta. Bukod sa alam niya kung ano ang mga motibo sa kaniya ng mga lalakeng umaaligid sa kaniya, ay sigurado rin siyang hindi niya makakasundo ng magiging nobyo niya. Hindi niya gustong maging sunod-sunuran sa isang mahinang lalake. Kaya niya pinilit na marating ang lugar kung nasaan man siya ngayon.

Naliligo na si Crisanta noong bigla siyang nakaramdam nang hindi maganda. Bigla siyang na alerto. Dahan-dahang pinatay ni Crisanta ang shower at nagtapis ng tuwalya sa katawan. Nakiramdam siya sa paligid. Agad siyang napatingin sa pinto noong makarinig siya ng mga yabag sa ‘di kalayuan. Agad niyang kinuha ang baril sa maliit cabinet ng bedside table niya. Saka marahang naglakad papalabas ng silid. Nangunot ang noo niya noong may makita siyang anino na naglalakad sa baba.

“Why wouldn’t anyone give me a break?” usal niya.

Maingat at halos walang tunog na naglakad pababa ng hagdan si Crisanta. Noong makarating siya sa ibaba ay nagtago siya sa dingding na humaharang sa may pinto. Doon ay may nakita siyang lalakeng naglalakad papunta sa kusina.

“Who could you be?”

Wala naman siyang inaasahang bisita ngayon dahil nga gusto niyang mapag-isa. Wala ring nakakaalam na tauhan niya na narito na siya maliban sa caretaker niya. Hindi rin naman siya kilala ng halos lahat ng mga tauhan niya rito.

Naningkit ang mga mata ni Crisanta at humigpit ang hawak sa baril. Halos walang tunog niyang tinakbo ang sala papunta sa kusina. Doon ay nakita niya ang lalake na nasa tapat ng refrigerator niya at mayroon doong kinukuha. Napailing siya sa kaniyang isipan. At ang kapal naman ng mukha nitong tumingin pa sa kaniyang pagkain?

Lumabas na si Crisanta at lumapit sa lalake. Idinikit niya ang baril sa likuran nito at pinindot ang safety button.

“Who are you? What are you doing in my house?” may himig nang pagbabantang sabi ni Crisanta. Agad na nagtaas ng kamay ang lalake na para bang sumusuko. Nahulog pa ang kinuha nitong tinapay mula sa loob ng ref.

“S-Sino ka rin? A-Ano ‘yang nakatutok sa akin? Baril ba ‘yan?” sunod-sunod na tanong nito.

Nangunot ang noo ni Crisanta. Pamilyar sa kaniya ang boses ng binata. “Turn around slowly. H’wag kang magkakamaling gumawa nang maling hakbang kung ayaw mong bumulagta!” banta niya ulit.

Narinig pa ni Crisanta ang paglunok nito ng laway. Unti-unti itong pumihit paharap sa kaniya. Napaawang ang bibig ni Crisanta at gulat na pinagmasdan ang binatang nasa kaniyang harapan.

“Ikaw?!”

“What are you doing here?!”

 



Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !