Views

The Job

Ameiry Savar
0

 

The Job

Ameiry Savar

Genre: Romance
Tags: Idol, R18, Contract love,
Language: Tagalog
Blurb:
Umabot na ng bente nwebe anyos si Crystal ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng kasintahan dahil sa pagtatrabaho. Halos lahat ng oras niya ay na buhos na bilang isang call center agent sa Maynila. Ngunit nagbago ang lahat noong makilala niya si Lee Hanuel, isang sikat na Korean actor at kilala sa iba't ibang bansa, lalo na sa Pilipinas. Naging magulo ang kanyang tahimik buhay noong inaya siya nito ng isang tabaho na hindi niya magawang tanggihan.  


Disclaimer!

The Job contains scenes that are not suitable for very young readers and sensitive readers. This story contains detailed sex scenes and foul words. 

This is a work of fiction. All names, characters, persons, places, and incidents are only a product of my imagination. All resemblance to an actual person, may they be living or dead, events or anything are purely coincidental.

All right reserved! No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the prior written permission of the author, except for brief quotes and lines from the story.

The Job © 2021 by Ameiry Savar





Chapter 1: Ang Bunso





“’Nay! Aalis na po ako.” Nagmamadaling lumabas ng bahay nila si Crystal habang nagsusuklay pa ng buhok. Alas-kwatro pa lang naman ng umaga ngunit kailangan na niyang makaalis ng maaga. Bukod sa Cavite pa siya magmumula ay sobrang traffic ang aabutin niya kapag tanghali na siya bumyahe papunta Maynila, sa kanyang trabaho. Araw-araw na ata 'tong kalbaryo ng mga taga-Cavite na papunta sa Maynila.  

“Teka lang Crystal!” Napalingon si Crystal sa kanyang likuran. Nakita niya ang kaniyang ina na humahangos palabas ng bahay. “Nakalimutan mo ang ID mo,” anito.

Napaikot na lamang ng mata si Crystal nang makita niyang walang ID na nakapaskil sa kanyang dibdib. ‘Sa dinami-daming makakalimutan, bakit ID na lang palagi ha, Jimenez?’ pagalit niyang sabi sa kanyang isipan at naglakad pabalik sa kanila.

“Oh, ayan.” Nakangiting isinabit ni Rosa ang ID ni Crystal sa leeg nito. 

“Thank you ‘Nay.” Niyakap niya ito nang mahigpit at kumalas rin agad. “Okay po ba ‘nay?” tanong ni Crystal sa kanyang ina.

Bahagyang sinipat ni Crystal ang suot niyang uniporme. Litaw na litaw ang hubog ng katawang niya sa long sleeves na whiteblouse. Naka-tuck-in ito sa hapit na itim na palda na hanggang itaas ng kanyang tuhod. Meron itong maliit na slit sa gilid ng hita niya. Binagayan niya ito ng sandalyas na kulay itim at merong taas na tatlong pulgada. Sa kanang balikat niya ay nakasukbit ang itim na shoulder bag na nabili siya sa ukay. Hawak niya sa kanyang kamay ang maliit na kulay pulang bag kung saan nakalagay ang tanghalian niya. Sa kanang kamay naman niya ay nakasabi ng itim na jacket na kasama sa uniporme niya. Ito ang araw-araw na suot niya sa tuwing papasok siya sa kanyang trabaho.

Pinasadahan si Crystal ng tingin ng kanyang ina at tumango-tango. Hindi makakaila ang angking kagandahan ng kanyang anak kahit napaka simple lang ng ayos nito. Wala manlang kolorete sa kanyang mukha maliban sa mumurahing lipstick na gamit nito at pulbos.  Ngumiti na lamang si Rosa kahit nakakaramdam ng awa sa kanyang anak.  

“Napaka ganda talaga ng bunso ko," nakangiting sabi nito. Gumanti ng ngiti si Crystal.

“Thank you 'Nay! Aalis na po ako kasi malilate na ako. Ingat kayo dito ha?"

“Sige na anak.  Ikaw ang magingat.”  Muling nginitian ni Crystal ang kanyang ina saka nagumpisa nang lumakad na palayo rito.

Muli ay nakaramdam ng habag si Rosa para sa kanyang anak. Mula kasi ng mamatay ang kanyang asawa ay si Crystal na ang bumuhay sa kanilang pamilya kahit na siya ang bunso. Nag-aaral pa lamang ito ay nagtatrabaho na rin. Sa kanyang tatlong anak ay si Crystal lamang ang hindi nila ginastusan ang pag-aaral dahil meron siyang pangtustos para sa kanyang pag-aaral.  Pigilan man nila ito ay ayaw nitong tumigil. Ang dahilan lang dalaga ay kaya niyanaman at hindi na niya kailangang umasa sa kanyang magulang. Higit sa lahat ay nakakatulong daw sa kanila ang pagta-trabaho niya.

Napa buntong-hininga si Rosa.

“Pagpalain ka nawa ng Diyos anak.”

 *****

“Crystal!” kinikilig-kilig pang tawag sa kanya ng kanyang kaibigang si Marinette. Napailing na lamang si Crystal at sinalubong ito. “May chika ako sa ‘yo!”

“Hay naku Marinette! Ano na naman?” Kunyari ay tinarayan niya ito. Nawala ang ngiti ni Marinette at inirapan siya.

“Marinette ka diyan!” Halos lumuwa ang mga mata nito sa pandidilat sa kanya. Napatawa na lang si Crystal. Ayaw kasi nitong tinatawag siya sa buo niyang pangalan. 

“Oo 'na Ynette!” Pinandilatan niya rin ito ng mata. “Tara na nga!  Lumakad na tayo habang ikinukwento mo yang chika mo!" Hinila na niya ang kanyang kaibigan papasok sa building na kanilang pinagtatrabahuan. Sinukbit ni ‘Ynette ang kamay niya sa braso ni Crystal at paimpit na tumili.

“Alam mo ba Crystal- yieeee!” Marahang hinampas-hampas ni Ynette ang braso ni Crystal na ikinangiwi niya. Napailing na lang si Crystal habang nakangiti, mukhang alam na niya ang ikukwento ng kaibigan. “Daks yung customer ko kagabi!” pabulong na sabi nito.

Inirapan ni Crystal ang kaibigan at marahang tinapik ang ulo. “Ewan nga sa ‘yo! Akala ko naman ay importante ‘yang sinasabihin mo,” ani niya na kunyari ay wala ideya sa sasabihin nito.

“Ahh!  Ano ka ba?” Tinikwas nito ang kanyang mga kamay habang pinipindot ang open button ng elevator. “Importante kaya ‘yon!  Kagabi ko lang natikman ‘yon at sana maulit,” nakangising sabi nito na medyo natulala pa. Halos makita mo nang maghugis bituin ang itim ng mata nito.

“Hay ewan sa ‘yo Ynette! Pasok na nga!” Bago pa tumulo ang laway ni Ynette ay hinila na ito ni Crystal papasok ng elevator. Siya na rin ang pumindot sa 8th floor button.

Magkatrabaho si Crystal at Ynette bilang isang call center agent sa isang sikat na kompanya sa Maynila. Ngunit tuwing gabi, si Ynette naman ay suma-sideline bilang isang ‘Prostitute.’ Madalas magkwento ang kanyang kaibigan tungkol sa trabaho niya at sa araw-araw na magkasama sila ay hindi pa man ito nagsasalita ay alam na niya ang sasabihin nito. Hindi ayos sa kanya ang ganoong trabaho ngunit hindi hinuhusgahan ni Crystal ang kaibigan niya.

Single Mother kasi si Ynette at meron nang dalawang anak na maliliit pa. Kahit anong kayod nita para sa kanila ay hindi pa rin ito sumasapat kaya kahit labag man sa loob ni Ynette ay pikit mata niyang pinasok ang ganoong trabaho. Ipinagbubuntis pa lang kasi ni Ynette ang kanyang bunso noong iniwan sila ng kinakasama nito para sumama sa ibang babae. Mula noon ay wala na silang naging balita rito at hindi na rin kasi ito nagsusustento sa mga anak ni Ynette.

Minsan ay naiisip na rin ni Crystal na pasukin ang trabahon iyon dahil sa hirap ng buhay ngunit mahina ang kanyang loob. Iniisip niya agad ang sakit na pwede niyang makuha sa ganoon trabaho. At isa pa, bente-nwebe anyos na siya ngunit isa pa rin siyang birhen.

 

 

“Yehey! Payday time!” tili ni Ynette at lumapit sa table ni Crystal. “Ano na friend? Gimik tayo?” excited na yaya sa kanya ni Ynette at marahang sumayaw-sayaw pa na akala mo ay merong tugtog na naririnig.

Umiling si Crystal. “Alam mo namang hindi ako pwede,” ani ni Crystal at nag-unat ng mga kamay. Masakit na ang kanyang likod dahil sa maghapong nakaupo. Ramdam niya rin ang pangangalumata at sunod-sunod na rin ang paghikab niya. Tumingin siya sa kanyang relo, alas-sais na ng gabi. Oras na pala ng uwian kaya nangungulit na sa kanya si Ynette. Akinse rin kasi ngayong araw at sweldo nila. Napangiti si Crystal dahil naisip niya ang kanyang ipon.

Gustuhin man niyang gumimik ay mas pinipili na lang si Crystal na ilaan sa gastusin sa kanilang bahay ang sweldo niya. Kailangan niya rin kasi ng pambili ng bagong cellphone. Sira na ang gamit niya ngayon na lumang cellphone na de-keypad pa. Matagal niya itong inipon at alam niyang kaunti na lang ang idadagdag niya sa kanyang ipon para makabili ng bago.

“KJ naman neto!” Irap nito sa kanya habang nakapakrus ang mga braso nito sa may dibdib niya. Alam naman ni Ynette na hindi mahilig gumimik ang kanyang kaibigan. Ngunit paminsan-minsan ay niyaya niya itong lumabas dahil kahit papano ay naawa siya rito. Puros trabaho na lang kasi ang inatupag nito.

Umismid si Crystal. “Marami ka lang pera ka ngayon eh. Bakit kaya di mo na lang ako ilibre ‘no? Maganda pa?” Ngumiwi si Ynette sa sinabi ng kabigan. Napagtanto ni Ynette na matagal na silang hindi nakakalabas na magkaibigan. Bukod kasi sa nabusy sa kanyang trabaho at mga anak ay nawalan talaga ng oras si Ynette.

“Fine! Sige na nga!” malambing na sabi ni Ynette.

“Oy Sali ako diyan!” Parehas silang napatingin nang biglang sumulpot ang isa nilang katrabaho- si Bryan. Awtomatikong namula ang mga pisngi ni Crystal kaya agad siyang nagbaba ng tingin. Matagal na kasi niya itong hinahangaan kaya hindi magkamayaw ang pagtibok ng kanyang puso.

Ngumiti naman ng makahulugan si Ynette nang makita niya ang itsura ng kaibigan.

“Sige ba? Basta libre mo?” pabirong sabi ni Ynette at muling sinulyapan ang kaibigan. Nakagat na lamang niya ang likod ng kanyang labi nang makitang nagulat ito at pinanlalakihan siya ng mga mata.  

“Call!” agad na sagot ni Bryan.

“Yes!” Sigaw ni Ynette “Sabi mo ‘yan ha? Wala nang bawian!”

“A-Ano ka ba Ynette! Nakakahiya naman kay Bryan!” protesta ni Crystal at nahihiyang tiningnan si Bryan. Lumabi lamang si Ynette at inakbayan ang kaibigan.

“Anong nakakahiya? Ayaw mo ‘non ililibre tayo ni Bryan?” makahulugang sabi ni Ynette na binigyan diin pa ang salitang libre. Kinurot naman ni Crystal sa bewang ang kaibigan na ikinaigtad nito. “Aray!”

“Okay lang Crystal. Sige na maghanda na tayo pauwe. Ililibre ko kayo.” nakangiting sabi ni Bryan habang nakatitig kay Crystal. Umiwas naman agad ng tingin ang huli. ‘Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko?’ impit na sigaw ni Crystal sa kanyang isipan.

Pinanood niya si Bryan habang pabalik ito sa Table niya sa kabilang dulo ng kwarto. Kung tutuusin ay hindi ito kagwapuhan, hindi rin naman ito panget. Matangos ang ilong nito at katamtamang laki lang din ang mata. Maypagka pinkish din ang labi nito, halatang walang bisyo. Kahit na ganon ay malakas ang dating ng binata. Siguro ay dahil ito sa pagiging maskulado nito at sa tangkad nito.

‘Hay… ilan kaya ang abs neto?’ wala sa sariling tanong ni Crystal sa kanyang sarili. Nasa ganon siyang pag-iisip nang isinahod ni Ynette ang mga palad niya sa may bibig ni Crystal.

“Madam yung laway mo natulo na!” Para namang natauhan si Crystal at tinabig ang kamay ni Ynette at nahihiyang inayos ang mga gamit niya. “Yiee! Ikaw ha? Bakit kasi ayaw mo pang umamin kay Bryan?”

“Ako? Ano ka ba? Bakit ako aamin sa kanya?”

“Bakit nga ba?”

Pinaikot lang ni Crystal ang kanyang mga mata. Wala pa sa bokabolaryo niya ang pakikipag relasyon kahit na anong gusto niya sa isang lalaki. Mas gugustuhin niyang gugulin ang oras niya para sa makakain nila.

“Hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay ano ka ba?” paliwanag ni Crystal.

“Ano? Kailan ka kaya magiging handa sa ganong bagay? Tingnan mo nga malapit ka na mawala sa kalendaryo.” Nanlalaki pa ang mata ni Ynette habang nagpapaliwanag sa kaibigan.

“Ah basta! Hindi pa ako ready diyan!”

Mas gugustuhin pa niyang maayos muna ang bahay nila bago magkaroon ng kasintahan.

 

 

Matapos mag-meryenda nina Crystal, Ynette at Bryan isang fast food chain na malapit sa kanilang pinagtrabahuan ay agad na ring umuwe si Crystal. Inayaya pa sana siyang gumala nila Ynette ngunit hindi na nagpadala pa si Crystal. Gusto na kasi niyang makauwe agad dahil sa layo ng byahe niya. Mabuti na lang ay himalang walang traffic ngayon kaya maaga siyang nakauwe sa kanila. Dumaan muna si Crystal sa isang fast food chain para bumili ng pasalubong sa kanyang mga pamangkin.

Nilapag niya sa lamesa nila ang kanyang dalang pagkain na agad namang pinagka guluhan ng kanyang mga pamangkin. “Uy dahan-dahan lang kayo,” saway niya sa mga kanila at umupo muna sa sala.

“Wow Tita! Jollibee!” masayang sigaw ni Marian. Anim na taong gulang na ito at napaka gilis na bata. Anak ito ng kanyang panganay na kapatid. Napangiti na lang si Crystal habang tinitingnan ang mga pamangkin niya.

“Umalis nga muna kayo diyan!” pagalit na sabi ni Sasha sa mga anak at pamangkin. Ito ang asawa ng kanyang panganay ng kapatid. May dalawa pa itong anak na lalaki. Sina Joshua na walong taong gulang at si Carlo na sampung taong gulang naman.

“Jordan!” Napasigaw naman si Jessa nang biglang kumuha ang bunso niyang anak na si Jordan. Matanda lamang ito ng isang taon kay Marian. Agad naman itong kinuha ang panganay niyang anak na si Mickaela na trese anyos na. Mukha na itong hindi trese sa kanyang itsura dahil dalagang dalaga na itong tingnan. Ito naman ang pamilya ng ikalawang kapatid ni Crystal.

Sila ang mga nagbibigay ng lakas kay Crystal para magtrabaho ng mabuti. Kung iisipin ay hindi naman niya obligasyon ang magtrabaho para sa kanila ngunit hindi kaya ni Crystal na makitang nahihirapan ang kanyang mga pamangkin. Kaya kahit gustong bumukod ng kuya Roy niya, ikalawa niyang kapatid ay pinakiusapan niya itong sa kanila na lang tumira. Isa pa walang makakasama ang kanilang ina sa tuwing magtatrabaho siya.

“Kumusta ang trabaho mo anak?” bati ni Rosa sa kanyang anak na babae at umupo sa tabi nito. Hinayaan niya ang kanyang mga manugang ang maghanda ng hapag-kaininan.

Sumanding naman agad si Crystal sa balikat ng Ina at pumikit. Higit sa lahat ay ito ang pinagkukuhaan ni Crystal ng lakas. Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw niya munang pumasok sa isang relasyon. Ayaw niya itong iwanan.

“Okay naman po,” pagod na sagot ni Crystal. Naramdaman niya ang mainit na palad ng kanyang ina na humahaplos sa kanyang pisngi. Lalong nakaramdam ng kapanatagan si Crystal.

Hindi maiwasang makaramdaman ng lungkot ni Rosa para sa anak. Mababakas kasi sa mukha nito ang pagkahapo. Bata pa ito pero nakapataw na sa kanya ang obligasyong hindi naman dapat. Napabuntong hininga siya at binigyan ng marahang halik sa noo ang anak.

“Papa!” Masayang hiyaw ni Jordan nang sumulpot ang ama na galing sa trabaho sa may pintuan. Nagtatrabaho ito biglang factory worker sa isang kompanya rito sa Cavite. Ngumiti si Roy sa anak at niyakap ito.

“Hmmm! Sarap naman ng yakap ng anak ko! Nakakatanggal ng pagod!” masayang sabi ni Roy at kinarga ang anak. Pagkatapos ay umupo sa katapat na sofa na inuupan nila Crystal.

Sunod naman na dumating si Johan, panganay na kapatid ni Crystal. Hindi kagaya nila ay nakasimangot ito at mukhang aburido. Hindi nga sila pinansin nito at dumeretso sa banyo. Hindi nito pinansin kahit ang anak niyang bunso kaya napasimangot tuloy ito.

“Anong nangyari don?” nagtatakang tanong ni Crystal. Nagkatinginan silang tatlo. Nagkibit lang ng balikat si Rosa sa dalawang anak. “Hay naku! Magbihis na nga muna ako!” Tumayo na si Crystal at umakyat na sa ikalawang palapag ng kanilang bahay saka pumasok sa kwarto niya.

Napakunot ang noo niya nang mapansin bukas ang pinto ng kwarto niya. Sa pagkakaalala niya inilock niya iyon bago siya umalis. Palagi kasing pinapakialaman ng mga pamangkin niya ang mga gamit niya kaya pinalagyan niya ito ng lock.

Nilibot niya ang kanyang paningin sa kanyang silid. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya sa mga oras na iyon. Dali-dali niyang nilapitan ang kanyang cabinet. Napamaang na lamang siya nang makitang bukas na ang latang pinaglalagyan niya ng kanyang ipon.

“Hindi pwede...”


 



Chapter 2: Kinuha na ang lahat



“Sinong gumalaw ng gamit ko?” Sabay-sabay na napalingon sa kanya ang kanyang pamilya. Magkakatapat si Johan, Roy, Jessa, Sasha at Rosa sa hapag-kainan nila. Ang mga bata naman ay nasa sala kumakain habang nanonood ng tv. Maliit lamang ang kanilang kusina na karugtong na rin ng sala.  “S-Sino?” Mangiyak-ngiyak na ulit ni Crystal.

“Bakit anak? Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Rosa sa anak niya.

Tumingin si Crystal sa nanay niya at sunod-sunod na tumulo ang mga luha.

Agad namang tinigil ni Rosa ang pagkain niya at lumapit sa anak. Napalunok siya nang makita niya ang latang hawak ni Crystal. Napatingin siya sa panganay niyang hindi man lang lumilingon sa kanila.

“Ma… may gumalaw ng gamit ko. N-Nawawala yung inipon ko,” humihikbing na sabi ni Crystal sa ina. Isang taon niyang inipon iyon para may maipambili siya ng bago niyang cellphone. Tuwing dumarating ang sweldo niya ay nilalagyan niya iyon ng isang libo. Sa tuwing meron din siyang natitira sa allowance niya sa isang araw ang inilalagay niya agad iyon doon.

“Ano?” gulat na tanong ni Roy at tumingin sa asawa’t mga anak. “Ginalaw niyo ba ang gamit ni Tita niyo?”

Mabilis na umiling si Jessa at Mickaela. “Hindi! Nakalimutan mo bang pumunta kami kina mama kanina at hapon na rin kami nakauwe?” depensa ni Jessa at nag-aalalang tumingin kay Crystal.

Tiningnan ni Roy ang panganay nilang kapatid. “Kuya?” Nakakunot ang noong tinawag niya ng pansin ang kapatid niya. Hindi manlang ito kumibot at nagpatuloy lang sa pagkain.

Napatungo naman si Sasha na para bang maiiyak na.

“Johan!” tawag ni Rosa sa anak. Pabagsak naman na ibinaba ni Johan ang kutsarang hawak niya.

“Ano? Kumakain ako eh!” iritableng sabi nito at umiling-iling.

“Pinakialaman mo ang gamit ko ‘no?!” Matalim ang mga matang tiningnan ni Crystal ang kuya niya. “Ano na namang ginawa mo?!”

Sa kanilang tatlo kasi ay ito lamang ang walang maayos na trabaho. Madalas ay ume-ekstra lang ito sa pangongonstraksyon. Ngunit mas madalas ay umaasa lang siya sa naibibigay ni Crystal. Bukod pa rito ay ito lang din ang mabisyo sa kanilang tatlo kaya kung magkakapera man ito ay wala pa rin napapala ang pamilya nito.  

Napasinghal si Johan at malakas na hinampas ang lamesa nila. “Aba malay ko diyan! Maghapon akong wala sa bahay!” tanggi nito. Halos manlaki na ang butas ng ilong nito habang nagsasalita.

Bahagyang napaigtad ang nakatungong si Sasha. Ang mga bata naman ay tahimik lang ding kumakain. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala dahil sa sagutan ng mga matatanda.

“Johan,” mahinahon ngunit na maawtoridad na tawag ni Rosa sa kanyang anak. “Nakita kitang umakyat sa itaas kanina. Anong ginawa mo roon?” tanong ni Rosa sa anak. Alas-tres kasi ng hapon habang nagpapahinga sila ng mga apo niya at manugang sa sala ay umuwe bigla si Johan. Noong minulat niya bahagya ang kanyang mga mata ay nakita niyang umakyat ito sa ikalawang palapag ng bahay nila. Agad namang sumunod dito si Sasha at narinig niya pang nagsasagutan ang mga ito.  Hindi naman inabala pa ni Rosa ang sarili niya para tingnan ang dalawa dahil agad din namang tumahimik ang mga ito.

“Anak nang!” Pinagpalit-palit ni Johan ang tingin niya sa kanyang mga kapatid at ina. “Pinaghihinalaan niyo ba ako?!” pagalit na tanong ni Johan. Bigla na lamang pumalahaw si Sasha at lumapit kay Crystal.

“S-Sorry Crystal!” Lumuhod ito bigla sa harapan ni Crystal. “H-Hindi sinasadya ni Kuya mo ‘yon. Please sorry!”

“Tumayo ka nga diyan Sasha!” sigaw ni Johan.

Napaawang ang bibig ni Crystal at dito na siya nakaramdam ng panghihina. Napasalampak na lamang siya sa sahig dahil sa pagkabigla. Pakiramdam niya ay merong biglang bumara sa kanyang dibdib dahil bahagya siyang nahirapang huminga. Hindi makapaniwalang tiningnan ni Crystal ang kapatid na nagtatangis ang mga bagang.

“B-Buong buhay ko…” Huminga ng malalim si Crystal. Para siyang nakikipagkarera dahil halos maghabol ng hangin ang kanyang baga. “Buong buhay ko nagtrabaho ako para sa inyo. Para mabigay ang mga gusto niyo at pangangailangan niyo. Tapos ngayon… tapos… tapos ganito ang gagawin mo sa akin?! Lahat naman binibigay ko sa inyo ah! Bakit p-pati pa ito?!” puno ng hinanakit na tanong ni Crystal. Hindi niya alam kung ano ba ang masamang nagawa niya sa kanyang kapatid para gawin iyon sa kanya.

Nagiyakan na rin sina Rosa at ang mga bata dahil sa pagtangis ni Crystal. Ramdam na ramdam nila ang hinanakit ng dalaga. Lalo na si Rosa na pakiwari niya ay tinutusok siya ng maraming patalim sa kanyang dibdib.

“Kuya naman!” Napatayo na rin si Roy at namamanghang tinitingnan ang kapatid. “Pumusta ka na naman ‘no?!”

Ito ang malaking problema nila kay Johan. Malakas itong magsugal, pumupusta ito sa sabugan sa kabilang barangay. Madalas ay dito nauubos ang kinikita niya. Minsan na rin itong nagnakaw ng pera kay Crystal ngunit pinalampas lang iyon ng dalaga dahil sa pakiusap ng kanyang ina.

“Bakit ba ako ang sinisisi niyo?!” halos mapatid ang mga ugat ni Johan sa pagsigaw. Tiningnan niya ng masama ang kanyang kapatid na humahagulhol. “Alam mo Crystal ang yabang mo na ha?! Purket ba may trabaho kang maganda?!” Bahagyang napatigil si Crystal. Unti-unting napalitan ang sama ng loob niya ng galit. Tinapunan niya ng matatalim ng tingin ang kanyang kapatid. 

“Mayabang?! Ako pa mayabang?!” Tumigil siya saglit at huminga ng malalim. “Buong buhay ko ginugol ko na para buhayin kayo! Lahat ng pangangailangan niyo pikit mata kong binibigay! Tapos kayabangan pala sa ‘yo ‘yun?!” Hindi makapaniwala si Crystal sa sinabi ng kapatid niya. Tumanda na siya sa kakatrabaho para mabigyan ng maayos na pamumuhay ang kanyang pamilya. Walang kapantay ang sama ng loob na kanyang nararamdaman ngayon para sa kapatid. “Kuya... Ngayon lang ako nagtabi ng para sa akin kinuha mo pa.” nanghihinang turan ni Crystal.

Napahagulhol si Rosa sa sinabi ng anak. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa nakikitang gulo ng kanyang mga anak. Hindi niya alam kung ano ba ang gagawin niya ngayong nagaaway-away ang kanyang mga anak. Pantay ang kanyang pagmamahal sa mga ito ngunit ni minsan ay hindi niya kinunsinte ang masamang gawin ng kanyang mga anak. At walang ina ang gustong makitang nag aaway-away ang mga anak niya nang dahil sa pera.

Natahimik naman si Johan at napatungo na lamang. Bigla siyang natauhan sa mga sinabi ng kanyang kapatid. Hindi naman niya ginustong kuhain ang pera ng ni Crystal ngunit kinailangan niya lang gawin iyon dahil kinulang na siya ng pampusta niya. Binabantaan na kasi siya ng mga tao sa sabungan kaya wala siyang ibang napagpilian kundi kuhain muna ang ipon ng kapatid niya. Nakita niya kasi ito noong minsan naghanap din siya sa cabinet nito ng mga tira-tirang pera nito. ‘Kasalanan ito ni Berting eh!’ galit na usal ni Johan nang maalala niya ang kaibigan niyang pumusta sa pera niya.

Wala sa sariling biglang tumigil sa pagiyak si Crystal at mabilis na umakyat sa kanyang kwarto. Kinuha niya ang bag niya na may lamang wallet niya at dere-deretsong lumabas ng bahay nila. Wala siyang pinansin sa pamilya niyang nag iiyakan na rin ngayon.

Hindi alam ni Crystal kung saan siya pupunta. Tulalang tinatahak niya ang daan papunta sa terminal ng trysikel at sumakay roon. Hindi na niya namalayan pa kung paano siya nakarating muli sa Maynila, dahil napansin na lamang niyang dinala siya ng mga paa niya papunta sa Club na pinagdalhan sa kanya ni Ynette noon.

Tinitigan niya ang karatula ng club saka bumuntong hininga. Pikit-mata siyang pumasok doon na hindi alintana ang suot niyang damit. Sa sobrang pagod ng kanyang isipan ay hindi na niya naisipan pang magbihis kaya naka uniporme pa rin siya. Dali-dali siyang umupo sa may counter doon at huminge ng alak. Mayamaya pa ay hindi na niya mabilang kung ilang bote na ng alak ang kanyang nainom. Nang maramdaman niyang tinatablan na siya ng alcohol na kanyang nainom ay sumabay na siya sa mga taong nagsasayaw. Kasabay ng malakas na tugtugin mula sa naglalakihang mga speaker ay ang pagindayog ng kanyang katawan.

Hindi na niya alam kung ano na ang itsura niya dahil sa walang humpay na pagsaway. Noong makaramdam siya ng pagod at medyo na himasmasan ay muli siyang bumalik sa pwesto niya. Humingi ulit siya ng bote ng alak saka ininom iyon. Pabalik na sana siya sa pagsayaw nang may biglang lumapit sa kanya.

“Hey Miss! Are you alone?” anito at malagkit siyang tiningnan. Tinaasan lang ito ng kilay ni Crystal at tinalikuran ngunit hindi pa rin siya nakalakad dahil hinawakan na nito ang braso niya. “You’re, alone right? Let me accompany you.”

Huminga muna ng malalim si Crystal at nilingon ito. Hinila niya ang kamay niya at saka umupo sa inuupuan niya kanina. Ngumisi ang lalaki at agad na umorder ng alak.

“Your boyfriend might be mad if he saw us.”

Tinitigan lang ito ni Crystal at marahang uminom ng alak. “I’m single," nakakunot ang noong sagot niya rito. Pilit niyang pinipigilan ang sarili niyang singhalan ito. 

“Ohh! Wow! Edi ayos pala...” malambing na sabi nito at lalong dumikit sa kanya.

Pakiramdam ni Crystal ay nagtayuan ang buhok niya sa ulo nang maramdaman niya ang balat nitong dumikit sa kanya. Nakaramdam siya agad ng pagkairita at hindi na napigilan ang sarili. Tumayo siya pinakatitigan ang binatang nakangiti sa harapan niya. Lalong naningkit ang mga mata ni Crystal kaya naman ay ibinuhos niya dito ang natitirang alak na kanyang iniinom.

“What the hell?!” malakas na sigaw ng lalaki na ngayon ay mukha nang basang sisiw. Mabilis itong tumayo at medyo inangat ang damit nitong nabasa. Nagtinginan ang mga taong malapit sa kanila.

Tinaasan lang ito ng kilay ni Crystal at mataray na tiningnan. “Alam ko kung ano ang gusto mo at...” Nasapo niya ang kanyang ulo at napakapit sa sandalan ng upuan na malapit sa kanya dahil bigla na lamang siya nakaramdam ng pagkahilo. ‘Shit, nilagyan pa ata ako ng gamot.’ Umiling-iling siya sa pagbabaka sakaling mawala ang pagkahilo niya. Muli niyang tiningnan ang lalaking kaharap niya. Animo'y ano mang oras ay mayroon ng lalabas na usok sa ilong nito dahil sa sobrang galit. “Y-You will never get me!”

Pakiramdam niya ay biglang umikot ang paligid niya kaya napaupo na siya. Nang magangat siya ng paningin ay nasa harap na niya ang lalaki kanina at nakangisi sa kanya.

“Let see about that,” malisyoso nitong turan at akmang hahawakan siya. Ngunit bago pa man nito magawang hawakan siya ay merong pumigil dito.

“Stop or I will sue you,” ani ng bagong boses ng lalaki na naririnig ni Crystal. Hindi na niya ito magawang tingnan pa dahil sa nakaramdam siya ng sobrang sakit sa kanyang sentido. Para itong pinupukpok ng martilyo kaya napapaungol na siya.

“Mind your own business. Find your own woman!” sarkastong sabi ng lalaking kausap niya kanina. Hindi na nalaman pa ni Crystal ang sunod na nangyari. Ang tanging naririnig na lamang niya ang malakas na tugtog at ang pagmumura ng lalaki kanina.

“Are you okay, Miss?” ani ng lalaking tumulong sa kanya. Nag-angat ng paningin si Crystal at pilit na inaninag ang mukha ng taong tumulong sa kanya. Ngunit hindi niya mukhaan ang lalaki dahil nanlalabo na ang kanyang paningin at tanging ungol na lamang ang naisagot niya. “Hey!” iyon na ang huling narinig ni Crystal sa binata dahil umikot na ang kanyang paningin at tuluyan nang nagdilim ang kanyang paligid.

 

“Ahh…” Nasapo ni Crystal ang ulo niya pagkagising. Hindi siya agad nakatayo dahil sa sobrang bigat ng ulo niya. Para itong may pakong nabaon sa ulo sa sobrang sakit. Huminga muna siya nang malalim saka unti-unting idinilat ang mata niya. Pinilit niyang umupo at saka inilibot ang paningin sa buong silid. Magara ang maliit na silid na ito. Malaki rin ang hinihigaan niyang kama na may kulay puting bedsheet. Sa tabi nito ay merong maliit na lamesa na merong nakapatong lampshade at telepono. Merong malaking bintana sa may paanan ng kama na tinatakpan ng makakapal na kurtina, sa tabi nito ay isang maliit na aircon at kabilang gilid naman ay banyo na.

Napakunot ang noo ni Crystal.

‘Nasa hotel ba ko?’ tanong niya sa kanyang sarili. Napasinghap siya nang mapagtanto niyang nasa loob niya ng isang hotel. Agad siyang napahawak sa katawan niya at tiningnan ang suot. Nakahinga siya ng maluwang noong makita niyang suot pa rin niya ang uniporme niya. Unti-unting rumehistro sa isipan niya ang nangyari kagabi.

“Anong ginawa mo Crystal?” ani niya nang maalala niya ang pagsaboy ng alak sa isang lalaki. Muli siyang napahiga at tinitigan ang kisame. “Sino kaya ‘yon?” Pilit niyang inalala ang lalaking tumulong sa kanya ngunit tanging boses lamang nito ang na aalala niya. Nasa ganoon siyang pagiisip noong marinig niya ang pagtunong ng kanyang cellphone.

Pinilit niyang tumayo at hinanap ang kanyang bag. Napakunot pa ang noo niya ang numerong tumatawag sa kanya. Hindi ito naka-save sa kaya. Pero kahit ganon pa man ay sinagot niya ito.

“Hel-”

“Crystal!” ani ng babaeng nasa kabilang linya. “Buti naman sumagot kana. Kanina ka pa naming tinatawagan!”

“Ate Jessa?”

“Oo, ako ‘to. Nakitawag lang ako. Nasaan ka ba? Nasa bahay kana ba?” tanong nito. Hindi alam ni Crystal kung bakit bigla na lamang siya nakaramdam ng kaba.

“B-Bakit po?” Natahimik saglit ang kanyang hipag.

“S-Si Nanay,” garalgal ang boses nitong turan at bahagya pang suminghot. “S-Sinugod naming kagabi sa ospital!”






Chapter 3: Nasaan si Nanay



“Nasaan si Nanay!” puno ng pagaalala na tanong ni Crystal pagkarating niya ng ospital. Naabutan niya ang kanyang mga kapatid at mga hipag na naghihintay sa labas ng emergency room.

Magkatabi ang kanyang mga hipag sa waiting chair at sa kabilang dulo ay ang panganay niyang kapatid. Ang kanyang pangalawang kapatid naman ay nakatayo lang at nakasandig sa dingding. Mabilis na lumapit si Jessa kay Crystal nang makita niya ito. "A-anong nangyari? Nasaan ang nanay?" muling tanong niya. Maluha-luha na ang kanyang mga mata sa labis na pagaalala. Hindi rin mawala ang kabog ng kanyang dibdib.

“Nasa ICU siya ngayon Crystal,” sagot sa kanya ni Jessa. Napaawang ang bibig ni Crystal. Parang nanlambot ang kanyang mga paa at napaupo sa sahit ng ospital. Bigla na lamang humagulhol si Crystal.

“K-Kasalanan ko ‘to eh!” Isinapo ni Crystal ang dalawa niyang palad sa mukha niya. Hindi niya maiwasang sisihin ang kanyang sarili dahil sa sinapit ng ina. “Kasalanan ko ‘to!”

Agad na diniluhan ni Roy ang kanyang bunsong kapatid at inalo ito. “Wala kang kasalanan Crystal. Tama lang ang ginawa mo. Sobrang nasaktan lang ang nanay dahil sa nangyari,” mahinang sabi ni Roy at makahulugang tiningnan ang panganay nilang kapatid.

Agad naman nag-iwas ng tingin si Johan dahil para siyang tinamaan sa sinabi ng kapatid. Napabuntong hininga siya at itinukod ang dalawang siko sa kanyang hita at napahilamos sa kanyang mukha. Sunod-sunod ang paglunok niya ng laway. Hindi na rin niya mapigilang manguyakoy dahil sa labis na pagaalalang kanyang nararamdaman.

Patulog na kasi sila noong bigla na lang nahirapang huminga ang kanilang ina. Wala kasi itong tigil sa pagiyak mula noong umalis si Crystal. Labis din itong nag-aalala sa kanilang kapatid dahil umalis itong wala sa sarili. Pinagsisisihan tuloy ni Johan ngayon ang nagawa niya.

Sa kanila ay siya ang pinaka pasaway ngunit ni minsan ay hindi niya ginustong mapasama ang kanyang ina at mga kapatid nang dahil lamang sa kanya. Mahal na mahal niya rin ang mga ito ngunit hindi niya alam kung paano iyon ipapakita kaya nasanay na siyang gawin ang nakaugalian niya.



Lumipas ang ilang sandalli na paghihintay nila Jannah ay saka lamang may lumabas ng doctor mulang ICU.

“Rosalinda Jimenez's gurdian?” tawag ng doctor.

“K-Kami po!” Agad na lumapit si Crystal sa doctor. Sumunod sa kanyang ang mga hipag niya. Samantalang ang kanyang mga kapatid ay nanatili sa mga pwesto nito at nagmamasid lamang sa kanila.

Tumikhim muna ang doctor at tiningnan si Crystal na namumugto ang mga mata. “Kasalukuyan pong nasa ICU si Ma'am at inoobserbahan. C-ni-TSCAN na po namin siya at base sa lumabas na resulta ay merong Blood cloth sa kanyang puso. Ito rin po ang dahilan kaya inatake siya ngayon. Kailangan po natin siyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Hindi po natin pwede patagalin pa. Masyadong delikado kapag inatake ulit siya,” mahabang paliwanag ng Doctor.

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Crystal. Napakapit siya sa braso ng kanyang mga hipag dahil pakiramdam niya ay anumang oras ay tutumba siya.

“P-Pero gagaling naman po siya, diba doc?” maluha-luhang tanong niya. Ngumiti ang doctor.

“Opo. H'wag kang mawalan ng pag-asa. Kailangan lang talaga natin siya maoperahan agad.”

“Please, gawin niyo po lahat para sa nanay namin. Parang awa niyo na po,” ani ni Roy na lumapit na sa kanila dahil sa nakita niyang naging reaksyon ng kapatid.

“Yes. Meron pa po tayong mga kailangan gawin before we do that. I will contact the admin para maumpisahan na po ang pagproseso ng pag-opera ni nanay,” sagot ng doctor at nagpaalam na sa kanila.

“Kuya…” Nanghihinang tumingin si Crystal kay Roy. Agad namang ini-muwestra ni Roy ang dalawang kamay upang makayap ang kapatid. Tinanggap ito ni Crystal at mahigpit na yumakap doon. Ibinuhos niya ang lahat ng takot niya sa pagiyak.

“Ssshh... magiging maayos si Nanay h'wag kang magalala. Hindi niya tayo iiwan. Ano na lang mangyayari sa paborito niyang anak?” biro ni Roy. Humikbi lang si Crystal.

Sa kanilang tatlo ay si Crystal ang pinaka malapit sa kanilang nanay. Dahil na rin sa nag iisang babae itong anak kaya paborito ito sa kanila. Hindi naman ito naging problema kina Roy at Johan sa kadahilanang mahal din nila ang kanilang nagiisang babaeng kapatid.

“May konting ipon kami ni Ate mo. Ipandagdag muna natin yon sa operasyon ni Nanay,” ani ni Roy.

“Hahanap din ako ng mahihiraman,” singit bigla ni Johan at tumayo sa kanyang kinauupuan. Napalingon ang tatlo rito maliban kay Crystal na wala pa ring tigil sa pagtangis. Sensero si Johan sa kanyang tinuran. Dahil sa nangyari sa kanyang ina ay tila ba ay natauhan na ang lalaki.

Ilang sandali pa ang lumipas bago kumalma ni Crystal. Tahimik nilang hinintay ang pagdating ng representative ng ospital na kakausap sa kanila. Mayamaya pa ay dumating na rin ang kanilang hinihintay. Isang katamtaman ang taas na babae ang lumapit sa kanila na may dalang mga papel na may pangalan na Mia. Kinausap sila nito tungkol sa mga kailangan nilang gawin at asikasuhin para maumpisahan na ang pagpapa-opera sa kanilang ina.

Lalong nakaramdam ng panlulumo sila Crystal nang malamang maaring umabot ng kalahating milyon ang magiging bill ng opersyon ng kanilang ina. Hindi man nila ito agad sisingilin sa kanila ay magiging sobrang mahirap pa rin kina Crystal ang pagbibigay ng paunang bayad dito ng singkwenta-mil. Tinuruan naman sila ni Mae kung saan sila pwedeng humingi ng tulong. Binigyan din sila nito ng mga papeles na ipapakita nila sa iba’t ibang ahensya ng gobyerna na pwede nila hingan ng tulong. Matapos ipaliwanag nito ang mga mangyayari at mga kailangang gawin ng magkakapatid ay nagpaalam na rin ito. Binilinan pa muna silang kailangan na nilang asikasuhin agad iyon para maumpisahan ang operasyon ng kanilang ina.

“S-Saan tayo kukuha ng ganon kalaking pera?” nanlulumong tanong ni Crystal. Iniisip niya pa lang ang laki ng pera na kakailanganin nila parang nauubusan na ng lakas si Crystal.

Bumuntong hininga si Roy at sinabing, “Susubukan kong magtawag sa mga kamag-anak natin at mga kakilala ko. Kailangan lang natin makabuo muna ng pang-down payment ni nanay para ma-operahan na siya.”

“Kami na ang bahala maglakad ng papel ni nanay. Titingnan ko rin kung makakahiram ako sa mga kaibigan ko,” ani ni Johan na nakatungo.

Bahagyang nakaramdam ng pagkapanatag si Crystal. Napangiti siya at niyakap ang kuya Johan niya. Hindi siya nagsilata, umiiyak lamang niyang niyakap ito ng mahigpit at ipinaramdam na napatawad niya na ito. Nagulat man ay gumanti pa rin ng yakap si Johan kay Crystal. Sa mga oras na iyon ay walang nagtangkang magsalita sa kanila at hinahayaan ang mga emosyon nila Crystal at Johan ang mag-usap. Para kay Johan ay labis ang pagsisisi ang nararamdaman niya. Kaya kahit na ano’ng mangyari ay gagawin niya ang abot ng kanyang makakaya para makatulong sa mga kapatid.

Pagkalipas ng ilang sandali ay nagpaalam na sila Johan, Sasha at Roy para asikasuhin ang mga dapat nilang gawin. Dahil sa pagmamadali ay naiwan din nila ang mga bata sa kanila kaya minabuti na lang muna nila na umuwe. Nagpaiwan naman si Crystal at Jessa sa ospital para bantayan ang kanilang ina. Habang nandoon din sila ay pumasok na sila sa ICU upang makita ang kalagayan nito.

Bago sila pumasok sa loob pinaghugas muna sila ng kamay. Pagkatapos ay pinagsuot na sila ng kulay asul roba na sinusuot ng mga doctor tuwing nag-oopera. Mayroon din silang suot na gloves, mask at hairnet. Kailangan daw nilang gawin iyon at suotin iyon para hindi makapasok ang mga mikrobyo sa loob ng pasilidad.

Napaawang ang bibig ni Crystal nang makita ang kalagayan ng ina. Ang daming nakaturok ditong mga karayom. Mayroonng swero sa kanyang kamay at pa ana magkaiba ang kulay. Nakaoxygen din ito at may mga wires na nakadikit sa may sentido, dibdib at sa paa. Sa may kanan nito ay nakalagay na maliit na monitor na nagpapakita ng hearbeat niya. Sa kaliwa naman ay ang oxygen tank. Parang tinutusok ang dibdib ni Crystal habang nakatingin sa kanyang ina. Nakapikit ito na para bang natutulong lang ngunit mababakas mo ang hirap at sakit na nararamdaman nito.

‘Nay… sorry,’ usual ni Crystal at nangingig ang kamay na hinawakan ang kamay nito. Halos manlabo na ang paningin niya dahil sa luhang nagbabadyang tumulo sa kanyang mga mata. Tumabi naman sa likod niya si Jessa na sumusinghot-singhot na rin.

“N-Nay...” garalgal ang boses na tawag ni Crystal sa ina. Sinusubukan niyang pigilan na maiyak ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. “Si Crystal 'to... ang bunso mo. S-Sorry po talaga ‘nay. Okay na kami ni Kuya please gumising kana po. H’wag mo naman kami takutin ‘nay.” Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ni Crystal. Kinagat niya ang likod ng kanyang labi para mapigilan ang paghikbi niya. Ayaw niyang marinig ng kanyang ina na umiiyak siya kahit na halata na ito sa boses niyang garalgal na. “P-Please ‘nay…”

Pagkatapos nilang kausapin ang kanilang ina ay lumabas na rin sina Crystal. Hindi rin kasi sila pu-pwedeng magtagal sa loob ng ICU. Limitado lang ang nakalaang oras para sa mga bumibisita roon.

“Umuwe ka na, Crystal. Ako muna rito,” sabi ni Jessa sa hipag. Hindi niya maiwasang maawa sa itsura ni Crystal. Mababakas kasi sa mukha nito ang labis na pagaalala at pagod. Malalalim na ang mata nito at naguumpisa nang magkaroon ng kulay ito. Sunod-sunod na rin ang hikab nito.

Tumango si Crystal at sinabing, “Sige po ate. Pero babalik din po ako agad mamaya. Ipipikit ko lang saglit itong mga mata ko.” Bumuntong hininga si Crystal at nilingon ang pinto ng ICU. Ayaw man niyang iwanan ang kanyang ina, tinatalo na naman siya ng antok niya. At isa pa ang balak niya rin tumawag sa mga kaibigan niya upang humingi ng tulong.

“Sige Crystal. Ako na muna ang bahala rito. Magtatanghali na kaya baka bumalik na sila kuya Johan mo.”

Kinuha ni Crystal ang kanyang wallet at nag-abot ng pera sa hipag. “Ito ate, ibili niyo ng pagkain ninyo nila kuya pagkarating nila.”

Tiningnan muna saglit ni Jessa ang pera saka inabot. Nahihiya man ay ngayon lang din niya na alala na wala pala siyang dalang pera dahil sa pagmamadali kagabi. “S-Salamat dito, Crystal.”

“Aalis na po ako,” paalam ni Crystal. Muli niyang sinulyapan ang ICU at ngumiti roon. ‘Wait for me ‘nay…’




Chapter 4: May sumagot sa bill





“May sumagot sa bill ni Nanay?” gulat na tanong ni Crystal sa hipag niyang si Sasha. Hindi siya makapaniwala sa ibinalita nito pagkarating niya. Nanlalaki pa ang mga mata ni Crystal habang tinititigan ang hipag.

“Oo. Hindi ko naman masyadong nausisa kasi alam mo namang mahina ako sa mga ganyan,” paliwanag ni Sasha. “Basta sabi lang ng babae ay ready na raw maoperahan si nanay. Ibalik na lang raw ito sa kanila agad pagkatapos mapirmahan para maasikaso na si nanay.” Masyado kasi itong mahiyain at hindi magaling makipagusap sa mga tao. Madalas, sa tuwing mayroon itong gagawin ay nagpapasama pa ito sa kanya o kay Jessa.

Inabot ni Sasha kay Crystal ang isang papel na may tatlong pahina na naka-stapler. Napakunot ang noo ni Crystal nang mabasa iyon. ‘Waiver?’ ani ni Crystal sa kanyang isipan. Nakasaad dito na binibigyan nila ng pahintulot na operahan ang kanilang ina. Sa ibang papel naman ay nakasaad din ang mga kinakailangan nilang pirmahan. Napamaang pa siya noong mabasa niya sa isang papel na ‘fully paid’ na raw ang bills ng kanilang ina.

“S-Sino ang nagbayad nito?” hindi makapaniwalang tanong ni Crystal. Wala siyang maalala na nahingan nila ng tulong na nangakong sasagutin ang bill ng nanay niya. Sa katunayan ay kulang pa nga ang dala niya, thirty-five thousand lang ang nakalap nilang magkakapatid at bukas pa raw makakapagbigay ang iba. Gabi na siya nakabalik sa ospital dahil nga matapos niyang makaidlip ay naghanap na siya ng mga taong pwede nilang mahingan ng tulong. Nagpalit naman si Sasha at Jessa sa pagbabantay sa kanilang byenan.

“Maige pa tawagan mo sila kuya mo at tanungin mo kung meron ba silang alam dito,” suhestyon ni Sasha.

“Sige ate. Pero pwede po ba na ikaw na ang tumawag sa kanila? Pupuntahan ko roon at itatanong kung sino ang tumulong sa atin.”

Tumango si Sasha rito. “Sige, maige pa nga.”

Naglakad na si Crystal papuntang billing station. Hindi mawala sa isipan niya ang taong tumulong sa kanila. Wala kasi talaga siyang maalala na pwedeng tumulong sa kanila. Bukod sa wala naman silang mayayaman na mga kamag-anak ay malabo ring magkaroon siya ng ganoong kaibigan. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan kahit na alam niyang malaking tulong iyon para sa kanila.

“Ma'am! Napirmahan niyo na po?” Hindi pa nakakapagsalita si Crystal ay agad na siyang tinanong ng isang babae doon. Ito ang babaeng nagpaliwanag sa kanila kanina.

“Hindi pa po.”

Kumunot ang noo nito. “Ha? Bakit? Kailangan na yan para maihanda na si Mommy,” ani nito na nalilitong tiningnan si Crystal.

“Gusto po kasi muna naming makilala kung sino ang nagbayad ng bill ni nanay.”

“Ahh sige... wait lang.” Nilinga nito ang mga kasama niya. “Sino ba yung tumanggap ng bayad sa bill ni Mrs. Jimenez?” Nag-angat ng tingin ang isang lalaking nakaupo sa may table na malapit sa kanya.

“Itinawag lang iyon galing sa taas. Sabi ay ayusin na at ooperahan na raw siya,” paliwanag nito na hindi inaalis ang tingin sa computer. Lalo naman itong ikinalito ni Crystal. Muling nagbalik ang tingin sa kanya ng babae.

“Oh, galing pala sa taas- sa mga boss na namin. Kaya hindi po naming masasabi kung sino ang tumulong sa inyo,” ani nito. “Alam mo, mas maganda kung pirmahan mo na ‘yan. Maraming mga tao rito na nahihirapan dahil sa mga bills. Halos lumuhod na sa amin kaso wala naman kaming magawa. Kaya ang swerte niyo na dahil merong hulog ng langit na tumulong sa inyo. Hindi n’yo na problema ang bill ng nanay n’yo.”

Natahimik si Crystal at muling napatingin sa papel na hawak niya. ‘Kung sino ka man, maraming salamat po rito. Tatanawin kong malaking utang na loob ito.’ Huminga muna siya ng malalim saka humingi ng ballpen sa kausap niya at pinirmahan ang papel. Alam niyang maling tanggapin agad ang tulong na iyon ngunit hindi na sila pwedeng mag-aksaya pa ng oras dahil buhay ng kanila ang nakasalalay. ‘Kakausapin ko na lang sila kuya mamaya.’

“Okay. May lalapit sa inyo mamaya. Ire-ready na namin si nanay niyo at ang magiging kwarto niya,” sabi nito.

“Kung pwede po sana makausap namin kung sino man yung tumulong sa amin. Gusto ko po talagang magpasalamat sa kanya ng personal.”

“Sige po ma’am. Sasabihin po namin.”

Ngumiti muna si Crystal at saka nagpaalam sa kausap. Habang naglalakad siya pabalik sa hipag niya ay hindi mawala sa isipan niya ang taong tumulong sa kanila. Panatag na siya ngayon ngunit kung bibigyan ng pagkakataon na makilala niya ito ay gusto niya itong pasalamatan.

“Crystal Jimenez?” Natigilan si Crystal nang may tumawag sa kanya. Nagpalinga-linga pa muna siya sa paligid niya saka tumingin sa likod niya. Bumungad sa kanya ang isang lalaking nasa singkwenta anyos na ngunit mababakas pa rin sa mukha nito ang pagiging matikas. Napataas ang kilay niya nang makita ang lalaking nasa harapan niya. Hindi kasi ito mababakasan ng pagka-Pilipino kaya ang hinuha ni Crystal ay isa itong banyaga. Singkit ang mga mata nito at maputi ang balat nitong napaka kinis. “You are Crystal Jimenez, right?”

“Yes?” nagaalangang sagot ni Crystal. Ngumiti ito sa kanya.

“Can we talk, please? I have something to offer for you.” Iminuwestra nito ang dalawang kamay niya para mauna siyang maglakad.

Tiningnan ito ni Crystal mula ulo hanggang paa. Ni minsan sa buhay niya ay hindi niya pa ito nakadaupan ng palad kaya. “I'm sorry. I don't know you,” tanggi ni Crystal at maglalakad na sana palayo.

“You want to know who helped you with your mother, right?” ani nito na agad na kumuha ng atensyon ni Crystal. Hindi siya natuloy sa paglalakad niya at pinakatitigan ang lalaki.

Kunot ang noong pinagmasdan niya ito. ‘Siya kaya ang tumulong sa amin? Sino siya?’

“Who are you? Do you know my mother?”

Umiling ang lalaki at ngumiti sa kanya. “I will explain everything to you in the car.”

Napalunok si Crystal at huminga muna ng malalim. Nagisip pa muna siya saglit at tumango rito. “Okay,” ani ni Crystal. Nagumpisa nang maglakad ang lalaki na agad namang sinundan ni Crystal. Tahimik lamang siya at nag iisip kung sino ba ang lalaking nasa harap niya.

Napamaang si Crystal nang tumigil sila sa harap ng isang black Lincoln Limousine. Tumanda na siya ay ngayon lamang siya nakakita ng ganito kagandang kotse. Binuksan nito ang pinto ng kotse at naunang pumasok si Crystal. “Wow!” mahinang usal ni Crystal nang makita ang loob. Pagpasok niya unang sumalubong sa kanya ang maliit na bar. Sa magkabilang gilid naman nito ay ang mahabang sofa na kulay abo. May harang sa may likod ng driver kaya hindi niya makita kung sino ang nasa manibela. Manghang-mangha si Crystal sa nakita niya sa loob. Para kasi itong umaandar na bar.

‘Kung andito si Ynette pihadong tuwang tuwa ito.’

Umupo siya sa may kanang parte ng sasakyan. Sumunod naman ang lalaki at umupo sa tapat niya. Muling inilibot ni Crystal ang paningin sa paligid. Tinted ang mga bintana nito kaya hindi mo makikita ang nasa loob. Bahagyang tumayo ang lalaki dahil meron siyang kinuhang bag sa ulunan nito.

Tumikhim muna ang lalaki at saka may kinuhang bag sa may ulunan nito. Napataas ang dalawang kilay ni Crystal nang mapagtantong mayroon din pa lang cabinet doon.

“I'm Joseph Park.” Inilahad nito ang kamay niya kay Crystal na kanya namang tinanggap. “You want to know who helps your family, right?” tanong ulit ni Joseph kay Crystal. Tumango lamang ang dalaga at naghintay sa sasabihin nito. “It's not me. Amo ko ang tumulong sa 'yo.”

Hindi na ata mawala ang pagkamangha ni Crystal dahil sa lalaking nasa harapan niya. “Nakakapagsalita ka ng tagalog?” gulat na tanong ni Crystal.

Nakangiti itong tumango-tango. “Yes. I'm a half korean and Filipino. My mother is a Filipino,” paliwanag nito. Nakahinga naman ng maluwag si Crystal at nahihiyang napatawa.

“Buti naman po. Hindi na ako mahihirapan pang makipagusap sa 'yo,” pabirong sabi ni Crystal. “Anyway, kung hindi po ikaw at yung amo mo yung tumulong sa amin. Sino po siya?”

“He’s… You will know at the right time.”

“But-”

“Here.” May inabot itong folder kay Crystal. “We have something to offer to you, and we are hoping that you will accept it. Read this first and contact me here.” Sunod nitong inabot ang calling card.

“Sino ang boss mo? Hindi mo ba pwedeng i-explain na lang sa akin?” nagtatakang tanong pa rin ni Crystal kay Joseph.

“You will know him at the right time.” Ngumiti ito sa kanya. “I will wait for your answer until tomorrow,” anito.

“Akala ko ba i-explain mo sa akin yung tungkol sa nangyari?”

“I will if you accept the offer.”

Medyo nakaramdam ng pagkairita si Crystal. ‘Bakit di na lang niya sabihin ‘no?’ aniya at pinakatitigan ang hawak niyang folder.

“We hope that you will think about it,” anito at ngumiti sa kanya ng makahulugan. Napalunok si Crystal. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam na lang siya bigla ng kaba.

“O-Okay.” Pinilit ni Crystal na ngumiti ito. Hindi na siya nagtagal pa sa loob ng kotse at nagpaalam na sa lalaki.

Hanggang sa makabalik siya sa ospital ay hindi na nawala sa isip niya yung sinabing in-offer sa kanya ng amo ni Joseph. Pakiramdam niya ngayon ay sinisingil na siya ng kung sino mang taong tumulong sa kanila.

‘Sana naman hindi ko ikakamatay ‘tong offer nila.’






Chapter 5: Ang alok na trabaho



“Seryoso?!” Halos maibuga ni Ynette ang iniinom niyang softdrinks. Napagkwentuhan kasi nila ang tungkol sa inaalok ng tumulong sa kanya. Pahapyaw pa lang niya nabasa ang laman ng folder na labis niyang ikinagulat. Hindi na niya kasi naituloy ang pagbabasa niya dahil binigay na sa kanila ang kwartong gagamitin ng kanilang ina. “Girl! Iba ka! Meron ka pa lang lihim na taganasa.”

Napangiwi si Crystal sa sinabi nito. Base kasi sa nakasulat sa loob ng papel na nakalagay sa loob ng folder ay kapalit ng pagtulong sa kanila, gusto nitong makaniig siya. Hindi niya tuloy alam ngayon kung magiging masaya pa ba siya sa nangyari. Kung kahapon ay labis ang pasasalamat niya sa taong iyon ngayon ay parang na ngangamba na siya rito. 

“Ewan ko… ‘Di ko alam kung matutuwa pa ba ako o ano.” 

“So, tatanggapin mo ba?” seryosong tanong ni Ynette sa kanya. Natigilan si Crystal at napatingin dito. 

“Hindi ko pa talaga alam. Baka basahin ko na lang muna yung buong kontrata. Tsaka, hindi ko pa kasi kilala yung taong ‘yon.”

Ngumisi si Ynette ng nakakaloko. “Baka naman si Manong Joseph ‘yon tapos nagpapanggap lang pala na hindi siya?” Nagkibit ng balikat si Crystal. “Alam mo friend, tanggapin mo na lang ‘yan.”

“Bakit?”

“Eh syempre. Kung ako ‘yan tatanggapin ko na agad ‘yan. Buti ka nga isang t*t* lang ang papasok sa ‘yo at napaka yaman pa! Grab mo na!” 

Halos liparin ni Crystal ang pwesto ng kaibigan niya para masapo ang bibig nito. Pinandilatan niya ito ng mata. “Ano ka ba?! Bunganga mo naman!” saway niya. Buti na lamang ay VIP ang kwartong ibinigay sa kanila at wala silang ibang kasama sa loob noon. Hindi tuloy maiwasang makaramdam ng hiya ni Crystal. 

Tinanggal ni Ynette ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. “Bakit? Gusto mo ba kagaya ko?” Natahimik si Crystal. Hindi niya hinuhusgahan ang kaibigan niya sa ginagawa nito ngunit para sa kanya ay ayaw niya maranasan iyon. “Oh, diba natahimik ka? Kaya tanggapin mo na lang ‘yon kasi for sure ‘yun din naman talaga habol niya eh. ‘Di naman ‘yon maglalabas ng sobrang laking pera kung wala siyang balak sa ‘yo.”

Natahimik naman si Crystal dahil tama ang mga tinuran nito. “Ewan ko, pagisipan ko muna maige. Mahirap na pumasok sa isang problemang mahihirapan ako na lumabas.” 

“Hindi ‘yan. Para na rin mabinyagan kana. Masyado na ‘yang tuyot na bulaklak mo!”

“Baliw!” Sinamaan niya ito ng tingin. Tinawanan lang siya ni Ynette.

Pagkalipas ng ilang sandali ay umalis na rin si Ynette dahil maggagabi na at kailangan pa niyang asikasuhin ang kanyang mga anak. Samantalang si Crystal naman ay hindi na umuwe at napagdesisyonang doon na lang matulog sa silid. Pagkatapos niyang kumain ay inayos niya muna ang kamang hihigaan ng kanyang ina. 

Kasalukuyan kasing nasa recovery room ang nanay nila at ibababa na raw kasi ito bukas ng umaga doon dahil nagkamalay na ito. Hindi niya pa ito nakikita ngunit labis ang pasasalamat ni Crystal na naging maayos ang kanyang ina. Lalo tuloy siyang napaisip kung tatanggapin niya ba ang inaalok sa kanya. Nang matapos siya sa kanyang ginagawa ay humiga na siya sa maliit na kama sa may tapat ng pinto. Ito ay ang higaan na nakalaan para sa mga bantay ng pasyente.

Malaki ang kwartong ibinigay sa kanila at kasama na raw iyon sa binayaran. Maganda at magara ang loob ng silid at hindi mo aakalain na isa itong silid sa loob ng ospital dahil parang nasa bahay ka lang. Kulay puti ang pintura n'on at may sariling banyo sa loob. Nasa gitna ng silid ang maganda at may kalakihang hospital bed. Parehas ng sa ICU ang setup ng paligid ng kama. Sa kanan n'on sa may dingding ay nakapwesto ang maliit na sofa bed kung saan siya matutulog. Katabi n'on ang isang maliit na table cabinet kung saan nila ilalagay ang mga gamit nila. Sa may paanan naman nila nakalagay ang malaking flat screen TV.

Sa kabilang ibayo naman ay doon nakalagay ang maliit na mesa na pwedeng pagkainan nila. Sa tabi ay merong maliit na refrigerator na meron nang laman na mga prutas at tubig. Doon din nakapwesto ang maliit na nagiisang bintana ng silid at aircon. Sa tabi ng pinto na galing sa labas ay katabi ang banyo. 

Matapos niyang ayusin ang higaan ng nanay niya ay humiga na rin siya sa sofa bed. Ngayon lamang niya naramdaman ang pagod. Nakapagpahinga naman siya sa bahay nila kanina ngunit saglit lang dahil hindi rin siya makatulog ng maayos sa pagaalala sa kanyang ina. Tanging ang pasyente lamang ang may libreng unan at kumot kaya kanina ay nagpadala siya ng sarili niyang magagamit sa hipag niya. Hindi na siya nagpasama pa sa mga ito para makapagpahinga na rin. Tutal ay nakapag-leave na naman siya sa trabaho niya kaya matututukan niya ang kanyang ina. 

Binuksan niya ang TV para sana libangin ang kanyang sarili. Ngunit hindi mawala sa isip niya ang tungkol sa nabasa niya sa folder na ibinigay sa kanya ni Joseph. Minabuti niyang kuhain iyon at basahin muli. 

“Monthly payment and Allowance amounting of...” Nanlaki ang mga mata ni Crystal at biglang napaupo sa nabasa. “Legit ba 'to?” Hindi siya makapaniwala sa nabasa niya. Hindi niya ito napansin kanina noong una niyang nabasa. Masyadong natuon ang atensyon niya sa unang pahina na gusto nitong mag ala-prostitute siya para dito. Hindi siya makapaniwala sa nakalagay na mga numero. She can't believe sa price na nabasa niya. "One hundred thousand? Grabe."Hindi siya makapaniwala na merong taong handang gumastos ng ganong kalaki.

Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa dito. 

“I will provide anything you need, but you have to show up every time I call you. In return, you will not tell anyone about this agreement and will make this confidential.” Marami pang nakasulat sa papel at napaka-haba. Nakasaad din dito na dapat ay hindi siya aangal o magrereklamo sa mga gagawin nito sa kanya habang sila ay magkasama. 

Napaisip si Crystal at hindi niya maiwasang hindi mapaisip dito. “Lol? Ano 'to fifty shades of grey?” natatawang sabi na lang ni Crystal. Marami pang nakalagay sa papel na hindi na niya masyado pang binasa. 

 

 

Kinabukasan ibinaba na si Rosa sa kanyang silid, gising siya ng mga panahon na iyon. Agad siyang napangiti nang makita niya na andoon sa silid ang kanyang anak na si Crystal at naghihintay sa kanya. Tumayo ito kaagad at pinanood ang mga staff habang inililipat siya sa magiging kama niya. Inayos muna siya ng mga ito bago umalis ng silid.

Bagamat wala nang maraming nakakabit sa kanya kagaya noong nasa ICU siya. Meron pa rin siyang oxygen at heartbeat monitoring device. May nakakabit pa rin sa kanya ang isang dextrose. Hindi pa rin siya makakilos ng maayos ngunit mas maganda na ang pakiramdam niya ngayon kesa noong mga nakaraang araw.Kapansin-pansin ang benda sa kanyang leeg dahil doon pinadaan ang hose papunta sa artery niyua kung saan may nakabarang dugo.  Maige na lang at hindi na kinailangan pang buksan ang dibdib niya para matanggal iyon. 

Maluha-luhang lumapit si Crystal sa kanyang ina at marahan itong niyakap.

“Sorry Ma... dapat nanahimik na lang ako. Kung hindi dahil sa akin di ka magkakaganito.” Bahagyang tinapik ni Rosa ang anak sa balikat nito.

“Hindi mali ang ginawa mo anak. Tama lang iyon. Ako ang dapat huminge ng tawad sa 'yo. Pinag-alala pa tuloy kita,” nangingilid ang mga luhang sabi ni Rosa. Unti-unting lumakas ang iyak ni Crystal. 

“A-Akala ko talaga mawawala ka na sa akin Ma. Hindi ko po kakayanin mawala ka rin sa akin.” 

“Ano ka ba? Hindi ko gagawin 'yon.” Napangiti si Rosa. “Hindi ko gagawin 'yon hanggat wala ka pa ring Jowa.”

“Mama naman eh,” natatawang saad naman ni Crystal. Palagi kasi siya nitong binibiro na mag-asawa na siya. 

Tumawa lang ng mahina si Rosa. Sa katunayan matapos ng nangyari sa kanya ay una niyang inalala ang bunso niya. Gusto sana niyang makita muna itong magkapamilya para kahit mawala na siya ay mayroon nang mag-aalaga sa kanyang anak.

Nasa ganoong posisyon sila nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang ibang anak pa ni Rosa kasama ang mga apo niya. Bagamat hindi pwede ang mga batang nasa edad pito pababa ay pinapasok pa rin sila ng gwardiya nang malamang sa vip sila nakapwesto.

“Lola!” masayang sigaw ni Marian at aakyat sana sa kama ng lola niya.

“Marian 'wag! 'Di pwedeng umakyat diyan.” Agad naman itong pinigilan ni Sasha sa anak. 

Pinalibutan nila si Rosa maliban kay Johan na umupo lang sa may lamesa. 

“Kumusta na ang pakiramdam mo ma?” tanong ni Roy sa ina. 

“Ayos na ang pakiramdam ko. Nahihirapan na lang ako gumalaw dahil ata sa anesthesia sa ginamit. Tsaka medyo nakirot itong sa leeg ko,” paliwanag nito. 

“Lola masakit po?” inosenteng tanong ni Jordan. 

“Hindi,” natatawang sagot ni Rosa. 

"Oh, siya mamaya niyo na interbyuhin si Nanay. Kumain muna tayo," pigil ni Crystal sa mga bata na mukhang marami pang itatanong. Pinagluto na lang kasi niya ang mga ito sa bahay nila ang pagkain at ipinadala dito.  "Ate may dala kayong sabaw?" 

"Oo. Nagluto rin ako," sagot ni Jessa at naghanda na sila ng pagkain. 

Tumayo si Johan upang ayusin ang higaan ng kanyang ina para makaupo ito at makakain ng maayos. Tinulungan siya ni Roy pagkatapos naman ay kinuha ang lamesa na may gulong sa baba. Mataas ito at pwede ikabit sa may higaan ni Rosa. Pinagmasdan niya lang kanyang mga anak saka tinawag si Johan.

"Johan..." Lumapit sa kanya ang lalaki ng nakatungo. Hinila niya ito at niyakap. Dito na humagulhol ng iyak si Johan.

"Sorry Ma. Ibabalik ko naman sana yung pera ni Crystal. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Sorry po talaga." Parang batang umiiyak si Johan habang yakap din ang ina. Kahit na wala siyang imik ay sobrang pag-aalala niya rin sa nangyari sa kanyang ina. Kahit sobrang matigas ang ulo niya ay ni minsan hindi niya hiniling mawalan siya ng ina.

 Natahimik silang lahat. Maging ang mga bata dahil ngayon lang nilang nakitang umiiyak ang kanilang ama.

Huminga ng malalim si Crystal at nakiyakap sa dalawa.

"Okay na kuya. H'wag kanang umiyak 'di bagay sa 'yo," biro ni Crystal na nagpipigil ng luha. 

"Sorry bunso..." 

"Sali ako diyan!" Yumakap din si Roy at sa kabilang gilid naman pumwesto. 

"Hayy ang mga anak ko," lumuluhang saad ni Rosa. Hindi niya maipaliwanag ang kagalakan kanyang nararamdaman. Muli niyang na alala noong mga bata pa ang mga ito. 

"Promise magbabago na si Kuya. Maghahanap na ako ng trabaho at ititigil ko na ang pagsusugal," ani pa ni Johan na ikinatuwa ni Crystal. 

"Hmm... Buti naman!" masayang sabi ni Crystal.

Hindi maiwasang matuwa ni Crystal sa nangyari. Naging maayos ang operasyon ng kanyang ina at nagkaayos na rin sila ng kuya niya. Masaya na rin siya na dahil dito ay namulat ang mga mata ni Johan. Sa totoo lang ay kaya naman niyang patawarin si Johan kahit na hindi ito nangyari sa kanyang ina. Para kay Crystal ay pera lang 'yon at kikitain niya ulit. 

Sobra lang siyang nanghinayang kasi gusto niya na makabili ng bagong cellphone na walang ina-aalang gastusin. 

Lahat kasi ng sweldo niya ay sumasakto lang sa kanilang bahay. Siya kasi ang nagbabayad ng bahay na tinitirahan nila ngayon. 

Makalipas ng ilang sandali ay naghiwa-hiwalay na silang mag-iina at kumain na. Gusto sanang subuan ni Crystal ang ina ngunit umayaw ito. Kaya na naman daw niya at gusto niyang makita na kumakain silang lahat. Lubos ang pasasalamat ni Rosa sa Diyos dahil siya ay pinagbigyan pa siya niyong mabuhay. 

Napapangiti naman si Crystal habang pinagmamasdan ang kanyang pamilya na pinagsasaluhan ang pagkain na iniluto ng kanyang mga hipag. Menudo iyon at sinigang na baboy. Meron ding kasamang kanin. Nakaupo ang kanyang mga kapatid mga asawa niyo sa mesa. Samantalang siya at ang kanyang mga pamangkin ay nasa sofa bed. 

Nagpapasalamat din siya na sa ngayon ay ligtas na ang kanyang ina. Hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil sa kalagayan nila. Kung hindi pa dahil sa misteryosong tao na tumulong sa kanila ay hindi ma-ooperahan agad ang kanyang ina. 

Nakakalungkot na kahit anong gawin niyang trabaho ay kulang pa rin ang pera niya para matustusan ang mga ganitong pangyayari. Kung noon ay wala lang sa kanya ang pera dahil sa sumasapat naman para sa pang araw-araw nilang pangangailangan ang pinagsama-samang sweldo nilang magkakapatid. Ngayon ay napapaisip siya. 

Mahirap magkaroon ng sakit sa pilipinas. Dahil kung wala kang pera ay hindi mapupunan ang mga pangangailangang pan-medikal mo. Masakit man isipin ngunit wala ng libre sa ngayon.

Bumuntong hininga si Crystal at nagpaalam saglit sa kanyang ina upang lumabas ng kwarto. Lumakad siya papuntang terrace ng palapag na kinabibilangan nila. Siniguro niya munang wala siyang kasama doon.

Huminga muna siya ng malalim saka kinuha ang de-keypad niyang cellphone at nagdial. Umabot lang tatlong ring mula sa kabilang linya bago sagutin sa kabilang linya.

"Hello? Joseph Park?" nag-aalangan pang tawag ni Crystal.

"Yes? I supposed it's you, Crystal?" malumanay na tanong ng lalaking kausap niya.

"Yes. It's me."

"Okay? So... will I hear some good news now?" 

Napakagat ng labi si Crystal at mariing ipinikit ang kanyang mga mata.

"I will accept his offer."

 
 

Chapter 6: I will accept his offer


 
 Apat na araw lang ang itinagal ni Rosa sa ospital. Umuwe na rin sila sa kagustuhan ding humiga na ni Rosa sa kanyang sariling higaan. Masyado kasi siyang namamahay at isa pa maayos na ang kanyang pakiramdam. Nakakatayo na siya sa kanyang higaan at nakakaupo. Nakakalad-lakad na rin siya. Pinagpapahinga na lamang siya ng kanyang doctor at pinauubos ang mga gamot niya. Binigyan din siya ng appointment para sa kanyang chek-up.

Matapos masigurong ayos na ang kanyang ina sa kanilang bahay ay nag-umpisa na rin maghanda ni Crystal. Ngayon kasi sila magkikita ni Joseph upang ipaliwanag pa ng maige ang tungkol sa 'trabahong' kanyang pinasok. 

Wala siyang maganda at maayos na mga damit kaya pinili na lamang niya ang dress na ibinigay ni Ynette. Kulay pula iyon at lagpas ng kanyang mga tuhod. Lumilitaw ang kanyang tuhod at maputing hita sa tuwing siya ay naglalakad dahil mayroong maliit na hiwa sa may bandang gilid nito. Para kasing itinabing ang harapang tela ng dress sa kanya. Litaw na litaw ang hubog ng katawan niya na gitara dahil hapit na hapit sa kanya ang damit. 

Hanggang kalahati ng kanyang dibdib na medyo maluwang at kung siya ay tutungo ay makikita ang kanyang mga umbok. Buti na lamang ay meron itong dalawang strap na parang sa bra na nakasabit dito paikot hanggang sa kangyang likod para kumonekta sa likurang parte ng kanyang suot na damit. Litaw na litaw ang kalahati ng kanyang likod.

Binagayan niya ito ng itim na sandals na walang takong na nabili lamang niya sa palengke sa murang halaga.  Nagpahid din siya ng pulang lipstick at nagsuot ng hikaw na may kulay ginto. Hindi rin ito tunay dahil sa palengke niya lang din ito nabili. Wala siyang make-up kaya ay nagpulbos na lamang siya. Hindi siya nagamit ng mga iyon kaya minabuti na lamang niyang 'wag na lamang mag-aksaya ng pera para roon.

Muli niyang sinipat ang kanyang imahe sa maliit na salamin. Hindi kalaparan ang kanyang noo. Ang kanyang kilay ay makapal at maganda na ang pag-kakaarko kaya kahit hindi niya ito inaayos ay maganda na ito. May katangusan din ang kanyang ilong na namana niya sa kanyang ina. Binagayan ng labi niyang mas lumitaw ang natural na pag-pout nito dahil sa lipstick na gamit niya.

Maganda na siya sa simpleng ayos niya at malamang ay mas may igaganda pa siya kung maayusan siya.

Hindi na niya inipit pa ang kanyang hanggang kalahati ng dibdib na buhok at hinayaan na lamang itong nakalugay. Medyo naiilang din kasi siya sa likod niya. Hindi siya sanay sa gaanong style ng damit. Nag spray din siya ng pabangong hinuhulog-hulugan niya sa kanyang ka-trabaho. Nang kontento na siya sa kanyang itsura ay kinuha na niya ang maliit na kulay itim niyang purse at isinukbit ito sa kanyang kanang balikat. Nakuha niya lang din iyon galing sa exchange gift nila noong nakaraang taon. Bitbit niya rin ang folder na pinaglalamanan ng kontrata niya.

"Wow Tita ang ganda mo!" puri sa kanya ni Mikaela at nilapitan siya nito. Pinasadahan siyang muli ng tingin. Ngumiti lang siya.

"Aba! Saan kaya pupunta ang maganda kong kapatid?" tanong ni Roy.

"May kikitain lang po ako kuya. Baka hapon na ako makauwe," paalam ni Crystal. "Tulog ba si Nanay?"

"Oo. Ako na magpapaalam kay Nanay." 

"Bakit Tita may Boyfriend ka na?" biro sa kanya ni Joshua. Sabay-sabay napatingin sa kanya ang kuya niya at mga ate niya. Umiling si Crystal.

"Hoy bata ka! Wala ha!"

"Weh?" seryosong tanong naman ni Roy.

"Haha! Ewan nga sa inyo! Aalis na ako at baka mahuli pa ako," saad niya at naglakad na palabas ng bahay. Sumunod sa kanya si Mikaela.

"Tita pahiram ako ng damit mo ha?" pabulong na sabi ni Mikaela sa kanya.

Napakunot naman ang noo ni Crystal na tiningnan ang pamangkin. "Bakit?" 

"Basta! H'wag kang maingay kay Papa ha!" pilit nito sa kanya pero nakangiti pa rin.

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang pamangkin. Pinagkrus ang kayang mga kama sa may dibdib. 

"H'wag mong sabihin may dat-" 

"Sssh! H'wag kang maingay! Baka marinig ako ni Papa!" Pigil sa kanya ng bata na tumingin pa sa bahay nila at siniguradong walang tao sa may pinto nila. 

"Aba! Ikaw'ng bata ka ha! Uunahan mo pa ako!" Pinandilatan niya ang pamangkin niya na nakangiwi.

"Sige na Tita." Lumabi ito at kumapit sa kanyang braso. "Mabait naman 'yon at promise! Mag-aaral naman akong mabuti." Naiikot niya ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ng pamangkin.

"Mga kabataan talaga ngayon.." Iiling-iling niyang sabi. "Oo na! 'Pag tayo mahuli ng papa mo parehas tayong lagot!" 

"Yehey! The best ka talaga Tita!" masayang sabi nito. "Ingat ka po ha!"

Tumango na lamang siya at pinapasok na sa loob ang kanyang pamangkin. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil dito. 'Dalaga na talaga.'

Nasa loob ng isang hindi eksklusibong subdivision ang kanilang bahay. Hindi pa man niya na isasara ang kanilang gate ay may pumarang kotse sa harapan ng kanilang bahay. Kulay pula iyon at hindi kita ang nasa loob. Bumukas ang pinto sa may likuran at bumaba ang bintana sa may driver sit. Bumungad sa kanya si Joseph.

"Hi! Please get inside," sabi nito habang nakatingin sa kanya. Hindi manlang ito nagbaba ng tingin sa kanyang katawan.

"P-Paano mo nalaman ang bahay ko?" namamanghang tanong ni Crystal at nakakunot ang noong tinitingnan si Joseph.

"We know everything about you, Crystal," nakangiting sagot nito sa kanya.

Hindi naman maiwasang hindi makaramdam ng kaba sa sinabi nito. 'Ano ba 'tong pinasok ko?' Napapalunok ang laway na tanong ni Crystal sa sarili. Hindi kasi siya makapaniwala na maraming alam 'to sa kanila tapos siya ay kahit isa ay wala. Madali na niyang isinara ang gate nila at saka sumakay sa kotse. Maige na lamang ay walang mga kapit-bahay ngayon sa labas dahil baka kung ano na lang ang isipin ng mga ito. 

Tahimik lang siya sa buong byahe. Hindi rin naman nagsasalita si Joseph at nakatingin lamang sa daan kaya hindi na lamang niya ito inabala pa. Nilibang na lamang niya ang kanyang sarili sa kanilang nadadaanan.

Hindi na niya namalayan kung ilang oras ang byahe nila dahil nakatulog rin siya. Nagising na lamang siya noong kinakatok na ni Joseph ang pinto ng kotse.

"We're here," anito.


Nasa labas na ito ng kotse at binuksan ang pinto niyon. Agad siyang bumaba doon. Bumungad sa kanya ang maraming mga kotse. Napagtanto niyang nasa parking area sila. Lahat ng mga kotseng nakaparada doon ay mga magagara. Mangilan-ngilan lamang ang makikita mong mga simple lamang. 

"Follow me." 

Hindi naman nakakatakot ang presensya ni Joseph ngunit hindi niya maiwasang hindi kabahan tuwing nagsasalita ito. Malumanay ang boses nito at kung hindi mo kilala ay masasabi mong mabait ito. Mukha rin itong hindi mahirap pakisamahan dahil palagi itong nakangiti sa kanya.  Marahil dahil na rin sa sinabi nito kaya napapasunod agad si Crystal. 

Pumasok sila sa pasilyo na may salamin na pinto. Ang tanging desenyo noon ay ang kulay kremang pintura bukod doon ay wala ka nang makikita maliban sa dalawang pinto. Sa kanay parte niyon ay merong elevator at sa dulo naman ay may pintong nakasara. Merong nakapaskil doong 'Security.' 

Pumasok sila sa elevator at pinindot ni Joseph 54th floor. Napakapit si Crystal sa may railings ng elevator. Sanay na siya sa elevator pero nawalan siya ng balanse dahil sa kabang kanyang nararamdaman. Hindi siya natatakot ngunit nag-aalala siya sa sasabihin ni Joseph. Hanggang ngayon kasi hindi pa niya kilala ang sinasabing boss nito. Tumikhim siya.

"Nasaan tayo?" basag niya sa katahimikan. Dahil kung hindi pa siya magsalita ay baka mabingi na siya. Hindi siya nilingon ni Joseph.

"Pupunta tayo sa condo kung saan..." Hinid itinuloy ni Joseph ang sasabihin niya at tumikhim. "Ipapakita ko sa 'yo kung saan ka pupunta palagi." 

Hindi maiwasang hindi mamula ng pisngi ni Crystal kaya tumingin siya sa gilid niya at pinanood ang repleksyon niya. Naiintindihan niya kasi ang sinabi ni Joseph.

"I-I mean anong lugar 'to. Nakatulog kasi ako kanina kaya di ko alam kung saan mo ako dinala," tanong niya ulit. Nakita naman niyang tumaas ang kilay ni Joseph.

"Ahh... Nasa Manila tayo," sagot nito.

"Pwede ko bang malaman kung sino yung boss mo?" Hindi siya nito sinagot at nanatiling deretso ang tingin. "Kuya, kailangan ko naman malaman kung sino 'yon. Katawan ko nakasalalay dito."

"Malalaman mo mamaya," maiksing sagot nito.

"Masyado bang confidential yung boss mo?" Humalukipkip si Crystal at tiningnan maige ang likod ni Joseph. Napansin naman niyang nakatingin din ito sa kanya mula sa repleksyon niya. "Baka naman ikaw 'yon?" Nakataas ang isang kilay na sabi ni Crystal.

Natawa naman si Joseph at nilingon siya.

"Don't worry, Miss. I have my own family, and I love them. It's not me, trust me," sabi nito sabay bukas ng pinto ng elevator. Hindi na muling nakapagsalita pa si Crystal at sumunod na kay Joseph na naunang bumaba.

Maliit lamang ang pasilyo sa palapag na iyon. Pagkababa mo ay matatanaw mo agad ang dalawang pinto na halos magkatapat. 

"Dalawa lang ang bahay dito?" takang tanong ni Crystal. Habang nakasunod kay Joseph. Tumigil sila tapat ng pinto na may nakapaskil na Room 107.

"Oo. This is an exclusive condominium here in the Philippines. Only an exclusive person can live here." Napamaang si Crystal sa sinabi nito. 

'Ibig sabihin hindi pangkaraniwang tao ang boss nito?'

Muli ay nakaramdam siya ng kaba. Hinid maiwasang mapaisip kung sino iyon. Marami siyang mga kilalang sikat na personalidad at mayayaman pero hindi naman niya lahat iyon nakakausap. Sa tv lang niya nakikita lahat ng iyon. 

Merong pinindot si Joseph sa may pinto. Ngunit nakita na niya iyon sa mga pinapanood ni Mikaela na korean drama. Digitalized din iyon at ang kaibahan niyon ay meron itong maliit na scanner sa bandang itaas nito. Nasa hinuha ni Crystal ay para sa biometrics. Mukha rin itong lagayan ng telepono dahil sa hawakan nito na nagsisilbing doorknob.  Tumunog iyon at bahagyang hinila ni Joseph ang handle kaya bumukas ang pinto. Ngunit muli niya itong isinara at saka may pinindot ulit. Pagkatapos ay tinawag siya nito.

"Put your thumb here." Tinuro ni Joseph ang isang maliit na scanner sa may ibabaw ng handle sa itaas ng mga numero.

Hindi maiwasang hindi mamangha ni Crystal sa nakita. Ipinatong niya ang kanang hinlalaki niya at muling tumunog ang device na iyon. Umilaw ang mga numero. Pinaiwas siya ni Joseph at muling may pinindot saka muling pinapatong ang kanyang daliri hinila nito ang doorknob at bumukas na ang pinto. 

"You can enter here using your thumb. I removed the PIN." Tumango lamang siya rito. Binuksan na ni Joseph ng malaki ang pinto at pinauna siyang pumasok. 

Maliit na pasilyo ang bumungad sa kanila. Agad ding bumukas ang ilaw doon. Sa kanang parte niyon ay may mga sabitan ng jacket. Sa kabila naman ay mga para sa susi. Dumeretso siya ng lakad at di maiwasang mamangha sa bumungad sa kanya.

Unang nakita niya ang dalawang upuan na kahoy na magkatabi. Katapat nito ang dingding na may malaking siwang sa gitna, kung saan ay matatanaw mo ang kusina. Katabi nito ang L-shaped na sofa na kulay dirty white at ang salamin na lamesang letter L din ang hugis. Sa dulo niyon ay mayroon ding maliit na malambot na upuan sofa na kakulay ng malaking sofa. Sa tapat nito ang malaking flat screen tv. Nakakabit ito sa dingding na naghaharang sa living room at kusina. 

Sa ilalim ng Tv ay mayroong mga cabinet. Pwede patungan ang siwang na iyon at gawing mesa. Elevated iyon at mas mababa ang sa may parte sa sala. Ang kalahati n'on ay marmol na kulay itim na sobrang kinis. Sa kabilang dingding naman ay merong tatlong istante na pwede mo patungan ng kung ano. Sa ilalim ay mga cabinet na pwede mong paglagyan pa ng mga gamit.

Sa kisame naman ay merong tatlong mahahabang ilaw. Kapansin-pansin ang glass door na pahaba papuntang dining room. Sa likod ng sofa ay nabubuksan ang glass door papunta sa maliit na terrace. Kitang-kita ang mga nagtataasang ding establisyimento. 

"I will leave you here. He's here." Naantala ang iinspeksyon ni Crystal sa loob ng bahay at napalingon kay Joseph na nasa may bukana lang ng sala.

"Akala ko ikaw yung mag-iexplain sa akin?" nagtatakang tanong niya dito. Umiling si Joseph.

"No. He decided it's much better kung siya na mismo ang magpapaliwanag sa 'yo. After all, he is the one who made the contract and the person who you will work for," paliwanag nito.

Napalunok si Crystal. Hindi niya mawari kung bakit kahit wala siyang pawis at malamig naman sa loob ng silid ay parang pinagpapawisan siya. "N-Nasaan na siya?"

"He's on the parking. I will go there now and wait for us here," sagot nito at lumabas na ng kwarto.

Pagkaalis ni Joseph ay hindi maipaliwanag ni Crystal ang kanyang nararamdamang kaba. Gustong gusto niyang makilala ang misteryosong taong gusto siyang makuha. Ngunit ngayon ay parang gusto niya nang umuwi ng bahay nila. Alam niyang kapag makilala niya na ito ay wala nang bawian pa. Wala ng atrasan pa.

Pumihit si Crystal at binuksan ang pinto sa may terrace. Dumampi sa kanya ang maalinsangan na hangin na mula sa labas. Baliwala iyon dahil nanginginig na ang kamay niyang nanlalamig na sa kaba. Sunod-sunod na huminga ng malalim si Crystal para maibsan ang kabog ng kanyang dibdib. 

"Ano bang nangyayari sa akin?" pagalit na tanong niya sa sarili. Ilang araw niya na pinag-isipan kung tama ba ang desisyon niyang tanggapin iyon. Buong loob niyang na pagdesisyonan na tatanggapin iyon. Para sa kanyang pamilya ay lahat gagawin niya, lalo na sa kanyang ina.

Pumikit si Crystal at marahas na nagbuga ng hangin.

"Andito na ako kailangan kong harapin 'to. Bahala na kung matandang hukluban pa iyon or whatever." Napangiwi siya at napatingin sa langit. "Lord H'wag naman po please."

Ni minsan mula noong nakilala niya si Joseph ay hindi niya naisip ang itsura ng boss nito. Ngayon lamang na sobrang lapit na nito sa kanya. Hindi niya maiwasang mag-imagine sa itsura nito.

"Para lang sa mayayamang mga tao ang lugar na ito. So ibig sabihin mayaman 'yon. Politiko? Hindi kaya isa sa mga senador?" Iniling ni Crystal ang kanyang ulo. "Imposible... Artista? Well, sana naman si Daniel Padilla na lang," natatawang sabi niya. "Pero sana nga 'wag namang matandang hukluban 'yon. Kawawa naman ang pagka-virgin ko." 

Nasa ganoong isipan si Crystal noong marinig niya ang pagtunog ng lock ng pinto. Napalingon siya roon at hinintay ang mga dumating. Heto na naman ang dibdib niya na para bang mayroong mga kabayong nagkakarerahan.

Napigil niya ang kanyang hininga nang sumulpot ang isang matangkad at maputing lalaki. Naka-bonnet ito at facemask. Bagamat nakasuot din ito ng sunglasses na hindi kita ang mga mata nito ay ramdam niyang nakatitig ito sa kanya. Nakasuot ito ng puting T-shirt at ripped jeans habang hawak nito ang itim niyang jacket. Nakabrown na boots din ito. 

Nagdere-deretso ito papalapit sa kanya. Amoy na amoy niya ngayon ang mamahaling pabango nito. Naghubad ito ang facemask at tinanggal ang suot na sunglasses. Sinunod nito ang kanyang sumbrelo. 

Naibuka niya ng kaunti ang kanyang bibig nang makita niya ang itsura nito. Hindi niya alam kung bakit maya't maya ang pagpigil niya ng kanyang hininga na tuluyan niyang napigil nang makalapit na ito at tumigil sa kanyang harapan. 

Nanliit siya sa tangkad nito. Ni hindi man lamang siya umabot sa balikat ng lalaki. Ngumiti ito sa kanya at naglahad ng kamay.

"Hi! I finally meet you. I'm Lee Hanuel."





Chapter 7: Lee Hanuel



Hindi maalis ni Crystal ang tingin niya sa mga mata nito na para bang nangungusap. Kuly abo ito at merong singkit na mata. Binagayan ito ng makapal at nakaakrong kilay.

Bumaba ang tingin ni Crystal sa napaka tangos nitong ilong. Akala mo'y inukit iyon sa ganda ng pagkakahulma nito.  Hindi maiwasang makagat ni Crystal ang loob ng ilalim ng kanyang labi nang madako ang kanyang paningin sa mga labi nito. Para itong nanghahalina na halikan niya.

Base sa itsura nito ay hindi ito isang pilipino. Kalahi niya ang mga artistang kinahuhulamingan ng kanyang pamangkin.

'Ang kinis naman nito...' napapamaang na sabi niya sa kanyang isipan. Siguro kahit anong mga pampaganda ang gamitin niya ay wala pa rin siyang panama sa kakinisan nito. Parang balat ng baby.

"Hi! I finally meet you. I'm Lee Hanuel." Ngumiti ng napakatamis at inilahad ang kanang kamay upang makipag kamay sa kanya. Nagtila isang musika sa kanyang tenga nang marinig niya ang boses nito. Malalim at buo ito. Siya yung tipong kapag marinig mo ang boses alam mo ng makalaglag ang panty.

Napalunok siya ng laway at nanginginig pang inabot iyon. Nakaramdam ng hiya si Crystal nang magdapo ang kanilang mga palad. Napaka lambot nito, halatang hindi nagtatrabaho. Aakalain mong pang babae ang hawak niyang kamay. Hihilain na sana ni Crystal ngunit hinigpitan ng lalake ang pagkakahawak doon. Bahagya siyang namula nang pisil-pisilin niya ito.

"C-Crystal Jimenez…" nauutal niyang turan.

"Let sit." Utos nito. Itinuro nito ang mahabang sofa pero hindi doon umupo si Crystal. Bagkus ay sa may solong upuan siya pumwesto. Napangisi lang si Hanuel.

"I will wait for you in the lobby, sir. Call me if you need anything." Paalam ni Joseph na nasa bukana lamang ng sala at may hawak na maliit na maleta. Tumango lamang ito at umalis na ng silid. 

Lumapit na si Hanuel sa kanya at umupo sa mahabang sofa. Magkaiba man sina ng inuupan ay magkalapit lang sila dahil nakikita ni Crystal ang mga hita nito habang nakayuko. 

"I supposed you know me?" Basag nito sa katahimikan makatapos ng ilang sandali. Nag-angat naman ng tingin si Crystal at nalilitong tiningnan siya. Na kanyang pinagsisisihan dahil napako ang kanyang mga tingin sa mga mata ni Hanuel. Nakatitig din ito sa kanya na tila ay inaarok ang kanyang pagkatao at hindi na niya maialis kanyang tingin dito.

"W-What do you mean?" 

"Hmm..." Napataas ang kilay ni Hanuel. Labis siyang namamangha sa dalaga dahil hindi siya kilala nito. 

Hindi na inalintana ni Crystal ang mga tingin nito at tinitigan din maige ang binata. Dahil sa sinabi nito ay napaisip siya kung kilala ba niya ito o hindi. Pamilyar sa kanya ang lalaki ngunit hindi niya malaman kung saan niya ito nakita. Lalo na ang boses nito.

"I... don't remember you sorry." Napapailing na saad ni Crystal. Nagkibit balikat na lamang si Hanuel at isinandal ang kanyang likod. 

"Nevermind." Iwinaksi pa nito ang kanyang kanang kamay habang ang kaliwa naman ay nasa may tuhod. "Let’s talk about the contract."

Napakapit si Crystal sa kanyang maliit na bag at umiwas ng tingin dito. Napalunok ng laway habang hinihintay ang sasabihin nito.

"You know why you are here, right?" Napaigtab pa si Crystal nang muling magsalita ito. 

'Ano ba Crystal! Kalma naman uy!' Pagalit niya sa sarili.

"Yes." Sagot niya dito habang hindi ito nililingon. Hindi siya mapakali dahil nakikita niya sa gilid ng kanyang mga mata na nakatitig ito sa kanya at hindi iniiwas ang mga paningin nito.

"You know about your job... right?" Tanong niya muli habang binibigyan ng riin ang salitang 'Job.'

Biglang nakaramdam ng pagiinit sa pisngi ni Crystal. Lalo siyang tumungo at napakagat ng labi.

"Y-Yes."

'Lord ano ba 'tong pinasok ko? Gusto ko nang umuwe!' kabadong kabado si Crystal.

"So, are you ready?"

Natigilan si Crystal at nag-angat ng paningin. Ngunit muntik na siyang mahulog sa kanyang kinauupuan kung hindi lang siya napakapit sa mga braso nito.

Nasa harap na niya kasi ang binata. Ang dalawang kamay nito ay nasa magkabilang gilid ng baywang ni Crystal. Amoy na amoy na niya ngayon ang ginamit nitong mouth wash.

Huli na noong mapansin niyang napako na ang kanyang mga mata kay Hanuel. Punong puno ng pagkasabik ang mga tingin nito na tila ba ay nanghihipnotismo. Kahit pagkurap ay hindi niya magawa dahil sa mapangarok nitong tingin. Pakiramdam niya ay pinagpapawisan siya ng malamig. 

Napalunok si Crystal nang bumaba ang tingin ni Hanuel sa kanyang labi at muling bumalik ang tingin sa kanyang mga mata.

"Are you ready Crystal?" Mapang-akit nitong tanong kay Crystal. 

Napasinghap si Crystal noong dumampi sa kanyang pisngi ang mainit na hininga nito. Nakadagdag iyon sa unti-unting nag-iinit niyang pakiramdam. Ibinubuka niya ang kanyang mga bibig at muling tinitikom dahil hindi niya mahanap ang kanyang boses. 

"W-Wha-" Nanlaki na lamang ang kanyang mga mata nang dumampi ang mga labi ni Hanuel sa kanyang mga labi. 

Sinakop niya iyon na para bang walang balak na pakawalan ito. Sabik na sabik nitong sinunggaban si Crystal. Mahigpit na napakapit si Crystal sa mga braso nito.

'Anong nangyayari? Crystal gising!' Sigaw niya sa kanyang isipan. Gusto niya itong itulak ngunit para siyang naging tuod dahil sa ginagawa nito. Napasinghap siya nang maramdaman niya ang mga kamay nito sa kanyang baywang. Gumapang iyon papunta sa kanyang likod na nagbibigay ng kakaibang kiliti at sensasyon kay Crystal.

Napamaang siya nang maramdaman niya ang mga mahaba at malambot nitong dila sa bukana ng kanyang mga labi. Nagpupumilit itong pumasok sa kanyang bibig. 

'No! Wait!'

Napapikit na siya noong maramdaman niya sa ibabaw ng kanyang pangupo ang isa nitong kamay. Unti-unti itong bumababa papunta sa pisngi nito at nang makarating ito sa kanyang pupuntahan ay pinisil niya ito. 

Napaungol si Crystal kaya naibuka niya ang kanyang bibig. Agad naman itong pinasok ng dila ni Hanuel at hinanap ang kanyang dila. Hindi alam ni Crystal kung paano gaganti sa ginagawa ni Hanuel kaya hinayaan na lamang niyang ang binata. Sumusunod lamang ang dila niya sa galaw ng dila ni Hanuel. Napaka agrisibo nito at hindi pa rin mawala ang pagkasabik.

Hindi na niya namalayan na gumaganti na siya sa halik nito. Animo'y mga bulate ang kanilang mga dila kung maglingkisan sa loob ng kanilang mga bibig. Hindi na kaya pang pigilan ni Crystal ang init na kanyang nararamdaman. Malamig ang loob ng silid ngunit pakiramdam niya ay nagbabaga iyon. 

Sa mga sandaling iyon ay parang nawala na sa kanyang sarili si Crystal. Ang kanyang mga kamay ay umakyat na papuntang batok ni Hanuel at doon ito ipinulupot. Ang mga kamay naman ni Hanuel ay hindi magkamaway sa paghaplos sa kanyang katawan. 

Wala ng pakialam pa si Crystal sa kung ano pa ang sunod na mangyayari. Kung kanina ay nag-aalangan siya ngayon ay nawala iyon. Isang halik lamang ng binata ay nawala ang lahat ang alinlangan at takot na bumabalot sa kanya kanina. Napalitan iyon ng pagkasabik.

Para siyang kinikiliti sa buong katawan dahil sa sensasyong kanyang nararamdaman. 

Langit. Pakiramdam niya ay nasa langit na siya noong mga oras na iyon. Inaabangan at sinasabayan niya ang paggalaw ni Hanuel. Pakiramdam niya ay maabot na niya ang rurok ng kaligayahan nang bigla na lamang hindi gumalaw si Hanuel. 

Nagtataka man ay nakapikit pa ring humahalik si Crystal kay Hanuel. Ginaya ang ginawa ng binata na pilit pinapasok ang bibig nito gamit ang kanyang dila. Umungol siya noong hindi niya ito mapasok. 

Napangisi si Hanuel. Bumitaw ito sa pagkakayakap niya kay Crystal at unti-unting lumayo dito. Hinahabol niya pa ang mga labi nitong unti-unting lumalayo. Napadilat na si Crystal noong tinanggal ng binata ang mga kamay niyang nakapulupot sa leeg nito. Umupo itong muli sa kanyang inupuan kanina.

Punong-puno ng pagtataka ang mukha ni Crystal. Kulang na lamang ay may mabasa kang paskil sa  mukha niya na 'Bakit ka tumigil?!'. Hingal na hingal niyang tiningnan si Hanuel na nakangisi. Para itong namamangha na natutuwa dahil sa ikinilos ni Crystal. 

"So, you're ready..." turan nito at tiningnan niya ng malagkit si Crystal. 

Ramdam na ramdam ni Crystal ang pagpula ng kanyang mga pisngi. Parang sasabog na ang kanyang dibdib dahil sa nararamdaman niyang pagkabigla, sarap at bitin. Hindi na niya nakayanan pa kaya tumakbo na siya papunta sa banyo sa may kusina. Pabagsak niyang isinara ang pinto noong nakapasok siya doon.

Agad siyang nagpakawala ng malakas na hangin sa kanyang bibig. 

"Shit Crystal! Nakakahiya ka!" Impit niyang sabi. Hiyang hiya siya ikinilos niya kanina. First kiss niya iyon pero hindi niya alam kung paano siya nakaganti sa binata. Hinawakan niya ang labi nya at napapikit. 'Nakakahiya talaga!'

Habang sapo ang magkabilang pisngi na nag-iinit ay lumakad siya papalapit sa sink doon. Binuksan niya ang gripo at naghilamos. Wala naman siyang make-up kaya hindi na siya nagdalawang-isip na gawin iyon.

'Nakakahiya talaga! Gusto ko na umuwe!' Hiyaw niyang muli sa kanyang isipan.

Paulit-ulit bumabalik sa kanyang isipan ang mga titig ni Hanuel. Ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang labi. "Haist! Bweset 'yon ah!" Gigil niyang turan. Narealized niya kasing pinaglaruan siya ni Hanuel.

Sinubukan lang siya ng binata kung bibigay ba siya agad dito. "Ang rupok mo Crystal! Parang di ka Virgin nakakainis!" Bahagya niya pang nabatukan ang sarili niya.

Iyon ang unang halik na naranasan niya ngunit noong hinahalikan siya ni Hanuel ay para bang ang tagal na niya itong ginagawa. Mabilis siyang nakasunod sa mga galaw nito. At base rin sa kanyang naranasan ay mukhang bihasa rin ang lalake sa paghalik.

Inayos muna ni Crystal ang kanyang sarili saka lumabas na ng banyo. Taas noo siyang naglakad papalapit kay Hanuel na prenteng nakaupo. Medyo natigilan pa siya dahil sinusundan siya nito ng tingin habang nakataas ang gilid ng labi nito. Marahan siyang umupo sa dati niyang inuupuan at tiningnan ito ng deretso.

"Can we start now?" Seryosong tanong niya dito. Nagpasalamat siya agad sa Diyos dahil hindi nabasag ang boses niya habang nagsalita. Hindi pa rin niya kasi maiwasang kumalma dahil sa mga tingin nito.

"What? Should I take my clothes off now?" Sagot nito na may pang-aasar. Awtomatikong namula ang kanyang pisngi. Tiningnan niya ito ng masama.

"Bweset..." mahina niyang sabi. Tumawa naman ng malakas si Hanuel na ikinagulat niya. "Baliw na ata 'to. Nakakaasar." Lalong tumalim ang mga tingin ni Crystal dito noong humagalpak na ito sa tawa. Akala niya ay pinagtatawanan siya ng lalake na totoo naman. "Why?!" Iritable na niyang tanong dito.

Pakiramdam niya tuloy di siya tatagal sa trabaho niya dito.

"Nothing..." turan nito noong kumalma na siya. Naghahabol pa ito ng hininga noong tumigil. "Okay." Tumikhim muna si Hanuel saka muling nagsalita. "Let's start." Sumeryoso na ang mukha niya ngunit sa kanyang isipan ay hindi pa rin niya maiwasang mapangiti. Akala ng dalaga ay hindi niya ito na iintindihan.

"You know your job, right?" Tumango lang si Crystal. "And are you ready and willing to do this?" Tanong muli nito.

"Yes." Seryoso pa ring sagot ni Crystal. Pinipilit niyang maging maayos at deretsi ang kanyang pustura. Nahihiya siya pero pinasok niya itong trabaho kaya kailangan ay mapangatawanan niya ito.

"Okay..."

Ipinagpatuloy nila ang pag uusap ni Hanuel tungkol sa kontrata nila. Tatagal iyon ng isang tao. Sa loob ng mga panahon na iyon makakatanggap ng monthly allowance si Crystal galing kay Hanuel. Binanggit nito kung magkano na ikinagulat naman din ni Crystal. Buwan buwan ay makakatanggap siya ng pera na di bababa ng isang daang libo. Meron pang kasamang credit card na pwede niyang gamitin palagi sa kung ano man ang gusto niyang bilhin.

Gusto sana tanggihan iyon ni Crystal kasi parang ang laki naman niyon. Ngunit naisip niya rin agad na katawan niya ang binabayaran nito kaya hindi na siguro mali iyon.

Nabanggit din nito na hindi siya pwede makipag relasyon sa kahit na sino habang nakakontrata siya kay Hanuel. Hindi siya pwede makipag sex kahit kanino. Quarterly din siyang iche-check up para makita na healthy siya. Meron din daw ibibigay na mga vitamins kay Crystal.

"By the way, you can live here if you want."

Nagulat si Crystal at napatingin sa paligid niya. "I.. don't know if I can live here." Napapamaang na sabi niya. Kung pagbabasehan ay malapit lang ito sa kanyang trabaho. Hindi niya lang alam kung nababagay ba siya sa lugar na ito dahil mga nasa alta-syodad ang mga nakatira dito.

"Yes, you can. No. You should live here. Let's add that to the contract," saad nito. Napamaang naman si Crystal.

"Wait no!" Kumunot ang noo ni Hanuel at tiningnan siya ng puno ng pagtataka. "Paano ko ba sasabihan 'to... nasakit na ulo ko kakaenglish eh!" Napasapo pa ng kanyang sentido si Crystal. Hindi niya alam paano niya iexplain dito na nahihiya siya tumira aa lugar na 'yon. Napangiti naman si Hanuel.

"Why? There's nothing wrong if you will live here." Turan nito at hinawakan ang kanyang baba. "Para hindi na ako maghihintay pa sa 'yo tuwing darating ako dito."

Nagtaas ng paningin si Crystal. Mababakas sa kanyang mukha ang pagkabigla. Hindi siya makapaniwala sa narinig nito.

"You..." Kumunot ang noo niya. "Naiintindihan mo ako?" Manghang tanong ni Crystal. Bahagyan napatawa si Hanuel at tumango. Napapalatak naman si Crystal. "Bakit di mo sinabi?!"

"You never ask?" Nagkibit-balikat si Hanuel. Inirapan lang siya ni Crystal at humalukipkip. Hindi niya inakala na nakakaintindi pala ito ng tag-alog. Ni hindi manlang ito nagbigay ng abiso sa kanya. Bahagyang napatawa si Hanuel na lalong ikinainit ng ulo ni Crystal. "Okay! I'm sorry!" Nagtaas pa ito ng kamay na para bang sumusuko ito.

"Ewan sa 'yo! Kanina pa ako hirap na hirap-" Napatigil si Crystal nang maisip niyang ubos oras lamang kung makikipagtalo pa siya sa binata. "Nevermind!"

Tumayo si Hanuel at naglakad papunta sa silid habang nakalagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa niya. Dumaan ito sa likod ni Crystal na pilit pa ring kinakalma ang sarili. Bago pa man ito makapasok sa silid ay muli itong lumingon kay Crystal. Sakto namang napalingon si Crystal dito.

Tumikhim muna ito, "We can start now if you want." Malisyosong saad nito. at kinidatan ang dalaga.




Chapter 8: Heating up





Kanina pa paikot-ikot si Crystal sa loob ng sala. Nasuri na niya ang bawat kabinet na nasa kusina. Maging ang banyo, lahat mga elegante. Hindi mo masasabi na mumurahin ang mga gamit na andoon. 

Hindi siya mapalagay dahil sa sinabi ni Hanuel bago pumasok sa loob ng kwarto. Hindi niya alam kung pwede na ba siyang umuwe o gagawin na nila 'yon. Bahagyang namula ang mga pisngi ni Crystal nang maisip iyon. 

Mabilis siyang lumakad papuntang kusina kasabay n'on ay ang pagbukas naman ng pinto ng kwarto. Parang nag slow mo sa paningin ni Crystal ang paglabas ni Hanuel. Wala itong pang itaas na damit at nakatapis lang ng tuwalya ang ibaba. 

Halos mabali ang leeg niya kakatingin kay Hanuel. Masyadong napukaw ng kanyang atensyon niya sa katawan nito. Tumutulo pa ang tubig na nagmumula sa basang buhok nito. Dumadaloy ito pababa sa leeg, dibdib. Binagalan niya ang paglalakad niya at pinanood ang pagdaloy ng patak ng tubig sa dibdib nito. Hindi niya maiwasang mamangha sa kulay pink nito nipple. 

'Lalake ba talaga 'to?' Tanong ni Crystal sa sarili. Binilisan niya ang paglalakad noon maharangan na ang kanyang paningin ng pader at noong nasa may siwang na siya ay muli niyang pinasadahan ng tingin si Hanuel. Napapakagat siya ng labi habang nakatingin sa abs nito. 'One, two, three- OMG! Six!' Tumataas baba pa ang kanyang mga kilay habang binibilang iyon. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kung ano dahil sa magandang tanawin na kanyang nakikita. 

Para bang merong kumikiliti sa kanyang batok, dibdib at tiyan. Pakiramdam niya ay biglang sinilaban ang buong paligid dahil sa init na kanyang nararamdaman. Kung hindi pa naharangan ng pader na maliit ang kanyang paningin ay pinapanood niya pa rin ang binata. 

"Crystal... Ano ba..." Kinagat niya ang kanyang labi at napapikit habang inaalala si Hanuel. "Argh! Focus!" Marahas na huminga ng malalim si Crystal at binuksan ang malaking refrigerator.  

Punong puno ng pagkain ang laman ng ref. May chocolates, cake, tinapay, prutas at gulay. Meron ding mga nakabote na chocolate drinks, softdrinks, juice at bottled water. Meron pang canned beer na nakalagay doon.

Namamangha man ay minabuti na lang na kumuha ni Crystal ng tubig. Bubuksan na niya sana ang bote ng tubig nang may maramdaman siyang malapad at matigas na dumampi sa kanyang likuran.

Huli na ng makita niya ang kamay ni Hanuel sa gilid ng kanyang beywang na inaabot ang bote ng beer. Bahagya pa siyang napatupi dahil sa ginawa nito kaya lalong naglapat ang katawan nila.

Ni hindi manlang niya namalayan na nasa likuran na pala niya ito.

Napasinghap si Crystal at napakapit na lamang sa boteng hawak niya na halos madurog dahil plastic lamang iyon. Ramdam na ramdam niya ang init ng hininga nito sa may pisngi niya.

Bahagya pa siyang napaigtad noong maramdaman niya ang pagtulo ng patak ng tubig sa kanyang balikat at braso.

"Just grabbing some beer. Nauuhaw ako eh..." Malumanay na saad nito na ibig pang iparating. Pagkatapos ay isinara niya iyon.

Napalunok na lang si Crystal dahil pakiramdam niya ay nanunuot sa kanyang mga buto ang boses nito.

Hindi pa rin makagalaw si Crystal kahit na  naramdaman niyang hindi na nakalapat ang katawan nito sa kanya.

'Jusko bakit ba ganito ang nararamdaman ko?'

Napapikit pa siya nang marinig niya ang pagbukas nito ng lata ng beer. Pati ang paglagok nito ng beer.

Hindi niya mawari kung bakit ganoon na lang magkumawala ang kabog ng dibdib niya dahil sa binata. Gusto niyang lingunin iyon ngunit para siyang na istatwa sa kanyang kinatatayuan.

Ramdam na ramdam niya kasi ang mga titig nito na lalong nakakapagbilis ng tibok ng kanyang puso.

Mayamaya pa ay naramdaman na lang niyang iniharap siya ni Hanuel at isinandig siya ref.

"I can't take it anymore." Bahagya pa itong umungol at siniil ng halik si Crystal.

Nanlalaki lang ang mga mata ni Crystal at napamaang sa ginawa ng lalaki. Malalim at marahas kung ito ay humalik. Para bang uhaw na uhaw ito. Nabitawan na lang niya ang boteng hawak niya noong inilapat pa ni Hanuel ang katawan niya kay Crystal.

"Ahmm..." Napapaungol si Crystal at di na nakapagpigil kaya kumapit na siya sa batok ni Hanuel. Gumanti siya ng halik kay Hanuel na lalong nagpainit sa lalake kaya binuhat siya nito at iniupo sa may counter ng kusina.

Naramdaman ni Crystal ang malamig na marmol sa kanyang hita.

Bumaba ang mga halik ni Hanuel sa leeg ni Crystal habang ang mga kamay naman nito gumagapang sa kanyang katawan. Walang ibang magawa si Crystal kundi mapakapit sa mamasa-masang buhok ni Hanuel.

Bahagyang tumigil si Haneul at tinitigan sa  mga mata si Crystal. Para bang nanghihinge ito ng permiso sa dalaga sa kanyang gagawin dito.

Hindi na niya mapigilan ang init na kanyang nararamdaman. Wala na siyang pakialam pa. Hinihingal na tumango si Crystal.

Para namang nabuhayan si Hanuel dahil sa pagsang-ayon nito. Agad niyang sinunggaban ng halik si Crystal at mas idinikit pa ang katawan nito sa kanya.

Wala itong tigil sa pagsiil ng halik kay Crystal habang ang kamay naman nito ay patuloy sa paglakbay sa kanyang katawan. 

Bumaba ang mga labi ni Hanuel sa leeg ni Crystal na nagbigay ng kakaibang kiliti sa dalaga. "Ahmm.." Marahang nasabunutan ni Crystal ang lalake noong sinipsip nito ang isang parte sa kanyang leeg. Imbes na masaktan ay nagbigay iyon sa kanya ng kakaibang sensasyon.

Umarko ang katawan ni Crystal noong maramdaman niya ang mainit na palad nito sa kanyang magkabilang dibdib. Sinakop ng mga kamay niya ang dalawabg nagpipuntugan niyang mga bundok at pinisil-pisil ito.

"H-Hanuel..." Parang mababaliw na tawag ni Crystal sa binata noong maramdaman niya na bibig nito sa kanyang mga dibdib. Hindi na niya napansin na nakalabas na pala ang kanyang mga dibdib. Halos tumirik ang mga mata dahil sa ginagawa nitong pagsipsip.

Mayamaya pa ay tinanggal ni Hanuel ang tuwalyang tumatakip sa kanyang pagkalalaki. Ibinuka niya ng maayos ang mga paa ni Crystal habang hindi inaalis ang kanyang bibig sa dibdib nito. Bahagyang natigilan si Crystal nang may maramdaman siyang mainit at matigas na bagay sa bukana ng kanyang pagkababae.

Nag-angat ng paningin si Hanuel at tinitigan si Crystal sa mga mata. Para namang nahihipnotismong gumanti ng titig si Crystal. "I'm going in…" paalam pa ni Hanuel. Pumikit lamang si Crystal na inihanda ang sarili sa pagpasok ni Hanuel sa kanya.

Ramdam na ramdan niya ang matigas nitong pagkalalaki na pilit pumapasok sa kanya. Napasinghap siya noong maramdaman niyang nakapasok na ito sa kanyang pagkababae. Marahan itong gumalaw na para bang sinusuri ang kanyang kaloob-looban. 

"Ohh!" Napaungol si Crystal at kumapit sa batok ng binata. Mula sa mabagal ay unti-unting bumilis ang paggalaw ni Hanuel. 'Ouch!' Nakaramdam ng konting kirot si Crystal. Masyado kasing malaki para sa kanya ang pagkalalaki nito. Kumapit na lamang siya batok ni Hanuel at ninamnam ang bawat paggalaw ni Hanuel.

Masakit... Ngunit unti-unti itong napalitan ng sarap. Sarap na pakiramdam ni Crystal at Hanuel ay magdadala sa kanila sa langit. 

Napayakap na siya kay Hanuel at lalong idinikit ang kanyang katawan sa lalaki. Pakiramdam ni Crystal ay nagdedeliryo na siya sa sensasyon na binibigay nito sa kanya.

"Ohh…" Ungol ni Hanuel at gumanti ng yakap sa dalaga. Sa dami na niyang naikama ay ngayon lamang siya nakaramdam ng kakaiba. Hindi niya mawari kung dahil ba sa isa pa itong birhen o iba. Hindi naman ang dalaga ang naunang birhen na dumating sa buhay niya.

"Hanuel..." Hinihingal na si Crystal. Kung saan-saan na rin nakakarating ang mga kamay niya sa katawan ni Hanuel. Nararamdaman niyang malapit na niya marating ang rurok ng kaligayahan. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib ni Hanuel at yumakap ulit ng mahigpit sa binata. "Hanuel.." Usal niya muli sa pangalan nito. 

'Malapit na...'

Para namang mababaliw si Hanuel sa tuwing tinatawag siya ng dalaga. Lalo niyang binilisan ang kanyang paglabas masok dito. Nararamdaman niya ring malapit na siyang labasan kaya mas lalo niyang ginalingan.

"Shit!" Marahan niyang kinagat ang tenga ng dalaga at umungol. "I'm cumming!"  Itinaas n'ya ang mukha ng dalaga upang maging magkapantay ang kanilang mukha. 

Parang lasing na tinitigan ni Crystal si Hanuel sa mga mata. "P-Please..." Usal ni Crystal at napahangad sa sarap. Ngunit muling ibinaba ito ni Hanuel at sinakop ang kanyang bibig gamit ang kanya. Habang ang isang kamay nito ay bumaba sa may balakang niya at mas lalo pang idiniin ang ibaba nito sa kanya.

Halos bumaon ang kanyang mga kuko sa balat nito dahil sa higpit ng kanyang pagkakayakap sa binata. Mas lalo pang binilisan ni Hanuel ang kanyang mga kilos. Lalo pang ibinuka ni Crystal ang kanyang mga paa. 

Ilang sandali pa naabot na nila ang rurok ng kaligayahan. 

Pawisan at hinihingal pa ang dalawa. Isinubsob ni Hanuel ang kanyang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ni Crystal. 

Marahang tinanggal ni Hanuel ang pagkalalaki niya kay Cystal na nagpaigtad sa huli. Itinukod ni Hanuel ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ni Crystal at tinitigan ito. Napatingin naman sa kanya ang dalaga.

Biglang nag-init ang dalawang pisngi ni Crystal. Ngayon lang siya nakaramdam ng hiya sa lalake. 

Bahagyang napatawa si Hanuel sa ikinilos ng dalaga. "I guess I'll enjoy this..." saad nito at kinindatan si Crystal. 






Chapter 9: Ang Paglipat



Kinabukasan ay maayos na nagpaalam si Crystal sa kanyang Ina at mga kapatid na lilipat siya ng titirahan. Mariing tumanggi sa kanya ang mga kapatid ngunit ipinaliwanag niyang mas malapit iyon sa kanyang trabaho at mas makakatipid siya. Maige na lamang ay pinayagan pa rin siya nila sa bandang huli.

Minabuti na lamang niyang hindi na sabihin ang totoo para hindi sila magalala pa. Hindi rin nila magugustuhan ang ginawa niya kung sakali. 

Lalo na ang kanyang Ina. Ayaw niya na dagdagan pa ang paghihirap nito at isiping dahil sa kanya ay ipinagkanulo niya ang sarili niya. Maluwang sa kanyang kalooban ang bagay na ito kaya ayaw niyang makaramdam ng kahit na anong konsensya ang pamilya niya. 

Susunduin sana siya ni Joseph sa bahay nila ngunit sinabihan niya na lamang itong sunduin siya sa may sakayan sa kanila. Ayaw niya kasing makita pa ito ng kanyang pamilya. Tutal ay mga damit lamang niya at mga importanteng papeles ang kanyang dala-dala. 

Pakiramdam niya tuloy ay maglilipat siya ng bahay kasama ang asawa niya. 

Pagkadating niya sa condo ay andoon pa rin si Hanuel.  Nakaupo ito sa may terrace habang pinapanood siya papasok. Nagtama pa ang kanilang mga paningin na ikina-init agad ng mga pisngi niya.

Nahihiya pa rin kasi siya dito kahit dalawang beses na may nangyari sa kanila kahapon.

Nagmamadali na lamang siyang pumasok sa loob ng kwarto. Mayroong dalawang cabinet doon, ang isa ay kay Hanuel at ang isa naman ay bakante kaya doon niya inayos ang mga gamit niya. Hindi naman siya natagalan pa sa pag aayos dahil iilang damit lang naman niya ang dala niya.

Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto.  Nagulat pa siya nang makita niyang nasa dining table na si Hanuel at nakaupo kaharap sa may pintong nilabasan niya. Para bang naghihintay ito sa paglabas niya dahil nakatigtig lamang ito doon.

Sinenyasan siya nitong umupo sa tapat niya. Doon niya napansin ang dalawang sobre at isang paper bag na maliit sa tapat nito. Dahan-dahan siyang umupo sa upuang katapat ng binata.

Tumikhim si Hanuel at inabot sa kanya ang nasa gitnang sobre na may kulay na asul.

“This will be your Card. Your salary will be here. You can withdraw it and transfer it to another bank account or not. Whatever you like.” Tahimik lang na tiningnan 'yon ni Crystal. Sunod nitong inabot ay ang kulay black na sobre. "And this is your Credit card. You can use it when you want to buy something you want, anything. You don't have to worry because it won't cost you a bit."

Napamaang si Crystal sa sinabi ni Hanuel, "Are you sure?" Tanong niya dito. "Don't you think this is too much?"

Umiling lang si Hanuel. "Nope. I don't think it's too much. Remember, we are talking about yourself. I am generous here." Tiningnan siya nito ng makahulugan.

"O-Okay." Nag iwas siya ng paningin. Hindi niya talaga matagalan ang mga titig nito.

"As for your food. You don't have to worry about it because someone will buy your groceries, and we will also send someone to clean here."

"Ha? It's okay. I can do that-" Natahimik si Crystal noong tinitigan siya ni Hanuel at tumungo na lamang. Tumikhim ito.

"Take this." Napalingon siyang muli sa binata. Inaabot nito ang paper bag sa kanya.

"Ano 'to?" Inabot niya iyon at sinilip ang laman. Isang maliit na box.

"Open it." Utos nito.

Dahan-dahan niyang binuklat ang paper bag at inilabas ang maliit na box na nasa loob.

"Cellphone ba 'to?" Namamanghang tanong ni Crystal. Tumango lang si Hanuel at sinenyasan na buksan iyon.

"I saw your phone, and I just thought I should buy you a new one."

"Hala.." nangingilid na ang mga luha ni Crystal. Sa buong buhay niya ngayon lang siya magkaka-cellphone ng ganito. Dali-dali niya iyong binuksan at bumungad sa kanya ang manipis at malapad na cellphone. 'Samsung Galaxy Z Flip,'

Nag-angat siya ng paningin at nalikitong tiningnan si Hanuel. "Hindi ba sobrang mahal nito?" Napapamaang tanong ni Crystal.

"It doesn't matter." Ngumiti ito ng kaunti. Sa loob-loob niya ay natutuwa siya sa reaksyon ni Crystal. Para bang ngayon lang ito nagkaroon ng ganoong cellphone. Nakakatawa pang mas excited ang dalaga sa cellphone kesa sa mga card na una niyang inabot.

"Thank you!" Pinigilan ni Crystal na maluha sa sobrang saya. Simple at murang Android na cellphone lang sana ang gusto niya ngunit higit pa ang nasa kamay niya ngayon.

"Insert the sim. I will contact you there." Tumango lamang si Crystal at pinagtuunan ang bago niyang cellphone.

Tinitigan lamang ni Hanuel ang dalaga. Masyado siyang natutuwa sa ka-inosentihan nito. 'She's different.'

"Ah wait," tumigil si Crystal sa ginagawa at inilapag sa lamesa ang hawak niya. Muntik na niyang makalimutan na may dapat pala siyang malaman bago pa magtagal ang trabaho niya dito. Tiningnan niya si Hanuel ng seryoso.

Awtomatiko namang nagsalubong ang mga kilay ni Hanuel at nalilitong tiningnan si Crystal. "Why?"

Tumikhim siya, "I'm just curious. Why me?" Tumaas ang isang kilay ni Hanuel na para bang hinihintay pa ang ibang sasabihin ni Crystal. Naunawaan naman niya ito kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "I mean bakit ako? How did you know me? Kasi ako di ko talaga maalala kung kilala ba kita."

"Ohh... so, you still don't remember me, huh?" Si Crystal naman ang nalito. "Okay..." Hinawakan ni Hanuel ang kanyang baba at tinitigan si Crystal. "I first so you... you were wearing a white blouse and a black skirt-oh wait! I'll just get something." Mabilis itong tumayo at pumasok ng kwarto.

"Uniform ko yun ah? Hindi kaya naging client 'to ng company?" Nalilitong sabi ni Crystal.

Ilang sandali lang ay bumalik na din si Hanuel. Nakalagay sa likod nito ang dalawa niyang kamay. Hindi na lang iyong pinansin ni Crystal dahil mas importante sa kanya na malaman kung ano ang totoo.

"Here." Inilapag nito ang ID ni Crystal sa mesa at muling umupo sa kanyang kinauupuan.

Napamaang naman si Crystal at kinuha ang ID niya. "Paano napunta sa 'yo 'to?" Gulat na tanong ng dalaga. Ni hindi manlang niya napansin na nawawala na pala ang ID niya dahil sa pagaalala sa nanay niya.

"Well, you were at the club. You are wearing your uniform, I guess?" A small chuckle goes out in his mouth. "I found it funny because you were the only one wearing like that. So, I focus my attention on you. You're so drunk that time when someone approached-"

"Ah yes! I remember!" Putol ni Crystal sa sinasabi ni Hanuel. "So you mean... ikaw yung nagdala sa akin sa hotel?" naniniguradong tanong pa nito. 

Tumango si Hanuel. "Yes. I had to go back to my country, so I never got a chance to meet you again that day. And when I ask Joseph to find what happened to you, that's when I learned you need help."

Hindi siya makapaniwala na may iba pa pala siyang utang na loob dito. Ngunit napalitan din iyon nang maisip niyang parang sinamantala nito ang sitwasyon niya.

"So, you take advantage of my situation?" Napapataas pa ang kilay ni Crystal. "Tell me, do you like me?" Napatawa ng malakas si Hanuel.




Hindi niya alam kung saan nahugot ng dalaga ang sinabi nito. 

"I… I just really want to help you at first. But you- Never mind." Iwinaksi nito ang kanyang mga kamay at tumayo. "I will leave tonight. You should be here every time I come home here. You can do everything as long as it's not against the rules of the management." Naglakad na ito papasok sa kwarto. "And please try not to fall for me. I'm not the person you think I am."

Hindi alam ni Crystal kung bakit parang may kumirot sa dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ba ang ibig nitong iparating sa sinabi nito. Alam niya naman na wala siyang dapat asahan sa lalake dahil pawang trabaho lamang ang dahilan bakit siya na andito. Weird lang kasi para siyang kabit na binabahay.

"Nakalimutan ko pa lang itanong kung single ba siya. Baka nga mamaya ginagawa niya akong kabit ng hindi ko alam." Ani ni Crystal. Bumuntong hininga na lamang siya at muling kinalikot ang bago niyang cellphone. 

Pagpatak ng Alas-singko ay nakita niyang naligo na si Hanuel. Tahimik lamang si Crystal na nakaupo sa may sala at kinakalikot ang cellphone niya. Mayroong sariling wifi connection ang bahay na iyon kaya madali lang siya naka konekta sa internet. Mayroon siyang mga social media na nabubuksan lamang niya tuwing pumu-punta siya sa piso net o kaya naman ay nakikigamit siya kay Ynette.

Naisipan niyang ichat si Ynette at papuntahin sa tinitirahan niya. Wala namang nasabi si Hanuel na bawal siyang mag-imbita ng kaibigan dito. Hindi pa online ang kaibigan niya kaya minabuti niyang mag browse pa sa internet. Manonood na sana siya sa youtube nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

Iniluwa niyon ang nakatapis lang na naman na katawan ni Hanuel. Napalunok si Crystal habang nakatingin sa binata. Nakatitig lamang din ito sa kanya na para bang nang-aakit. 

Malayo pa ito sa kanya ay amoy na amoy na niya ang shower gel na gamit nito.

Tumitigil ito sa harap at napamaang na lamang siya ng tinanggal nito ang tuwalyang tumatabing sa ibaba niya. Nakabalandra sa kanya ang nakatayong pagkalalaki nito. Hindi siya makapaniwala na ganito kahaba at kalaki ang pumasok sa kanya kahapon. 

Agad na nakaramdam ng init ng katawan si Crystal dahil sa nakita. 

Napalunok ulit siya at tumingin kay Hanuel. Hindi nito inaalis ang mapanukso nitong mata habag nakatitig sa kanya. Kinuha ng lalaki ang cellphone na hawak niya at inilapag iyon sa tabi ni Crystal. Saka napapakagat ang labing hinawakan hinaplos ang labi niya gamit ang hinalalaki niya. 

Napapasinghap si Crystal sa ginagawa nito. Ilang ulit nitong hinaplos ang mga labi niya bago ibinuka iyon at ipinasok ang hinlalaki. Nalasahan agad ni Crystal ang tubig na ginamit nito sa pagligo noong dumikit ang daliri nito sa dila niya. 

Hindi siya gumalaw ngunit nilaro-laro ni Hanuel ang dila niya gamit ang daliri niya. 

Maya-maya pa ay hinawakan ni Hanuel ang pagkalalaki at bahagyang hinaplos iyon pataas at pababa. "Open your mouth." Utos nito noong tinanggal niya ang daliri niya sa bibig ni Crystal.

Kumunot ang noo ni Crystal. "B-bakit?" Bakit marami siyang naririnig kay Ynette na makamundong bagay ay sadyang wala pa siyang alam sa mga ganitong bagay. 

"Just open it." Muling saad ni Hanuel na may himig na ng paglalambing. 

Nagtataka man ay sinunod iyon ni Crystal. Unti-unti niyang ibinuka ang bibig niya. 

Napakagat labi ulit si Hanuel. Lalo siyang nakaramdam ng init noong makita ang itsura ni Crystal. Hinawakan niya ang likod ng ulo nito at dahan-dahang inilapit sa bibig ng dalaga ang ari niya. 

Nanlalaki ang mata ni Crystal sa ginawa nito ngunit hindi na siya nakaiwas pa dahil na ipasok na nito sa bibig niya ang ari niya. Lalong na ibuka ni Crystal ang bibig niya dahil sa taba niyon. 

Gusto niyang maduwal at nagpigil siya ng hininga. 'Kasama ba talaga 'to?! Diba dito sila umiihi?!' Hiyaw ni Crystal sa isipan niya. Hindi niya maiwasang hindi madiri kahit alam naman niyang malinis ang lalaki sa katawan. 

Patuloy lamang sa paglabas pasok ng ari ni Hanuel sa bibig ni Crystal. Samantalang ang huli ay napakapit na sa hita ng lalaki dahil hindi na siya makahinga. Marahan niyang tinutulak iyon ngunit hindi tumitigil si Hanuel sa ginagawa niya. 

Noong hindi na niya kaya ay huminga na siya. Nagulat pa si Crystal nang maamoy niyang ang balat nitong mabango at ang sabon nitong ginamit. Taliwas sa nasa isip niyang mapanghi at mabaho iyon. 

Napapapikit na lamang siya noong binilisan pa ni Hanuel ang galaw niya. "Argh! I can't take it anymore." Tinanggal ni Hanuel ang ari niya sa bibig ni Crystal. 

Binuhat niya ang dalaga at pinatalikod sa kanya. Napakapit na lamang si Crystal sa sandalan ng sofa noong marahas na hinubad ni Hanuel ang shorts at underwear niya. Hinaplos nito ang mamasa-masa na niyang pagkababae saka unti-unting pinasok iyon.

"Ahh!" Napaungol siya noong makapasok na sa kanya si Hanuel. Hinawakan ni Hanuel sa may bewang si Crystal at nag-umpisa nang maglabas masok sa dalaga. 

Lalong nag-init ang katawan ni Crystal. Hindi kagaya noong una nilang pagsisiping ay sobrang nasasarapan si Crystal ngayon. Dahil siguro sa posisyon nila kaya ganon. Mabilis at marahas din kung kumilos ngayon si Hanuel kaya medyo nakakaramdam ng sakit si Crystal. 

Hindi pa siya ganoon kasanay kaya medyo hirap pa siya. 

"Ohh…" Ungol ni Hanuel. Malapit na siyang labasan. Inabot niya ang ulo ni Crystal at marahan siyang hinila palapit sa kanya. 

Halos tumirik naman ang mga mata ni Crystal sa ginawa ni Hanuel dahil parang lalong sumuksok sa kanyang kalamnan ang ari ni Hanuel. Wala na siyang makapitan dahil nakatayo na siya patalikod kay Hanuel kaya naman ay inabot niya ang bewang ng lalaki. 

Hinawakan lamang ni Hanuel si Crystal sa may balikat gamit ang kaliwang kamay niya at ang isa naman ay nasa tiyan ng dalaga. Mas lalo pa niyang binilisan dahil ilang sandali pa ay lalabas ang malapot at mainit na likido sa kanya. 

Mas lalo pa niyang idinikit si Crystal. Ibinaba na niya ang kaliwa niyang kamay sa tiyan nito at hinila ito papalapit sa kanya. Narinig pa niya ang impit na hiyaw ng dalaga na lalong nagpagana sa kanya. 

Patuloy lang sa pag indayog si Hanuel. Wala siyang tigil sa paglabas masok sa dalaga hanggang sa halos tumirik na rin ang kanyang mga mata sa sarap na kanyang nararamdaman. "Ahh!" Nakagat niya ang balikat ni Crystal nang maramdaman niyang lumabas na ang sarap na kanina pa niyang hinihintay.

Dahan-dahan niyang hinugot ang pagkakalaki niya sa dalaga at pabagsak umupo sa sofa kasabay ni Crystal. 

 


Chapter 10: Ynette



"Wow! Bongga naman dito Crystal!" Tumitili-tili pang sabi ni Ynette. Alas-syete na ng gabi at kalalabas lamang nito galing sa trabaho. Doon na ito dumeretso sa kanya dahil wala na rin naman si Hanuel. 

Pagkatapos nilang magbakbakan ay umalis na rin ito dahil may hinahabol daw siyang flight. 

"Ano ka ba baka may makarinig sa 'yo." Saway niya dito. Tumawa lang si Ynette at inilapag sa mahabang lamesa ang dalang supot ng bote ng beer at sitsirya. Nagpasya kasi itong dito sa kanya matulog ngayon dahil na rin sa kahilingan niya. Medyo naninibago kasi siya sa bahay. Maige na lamang ay kasalukuyang andoon ang mga anak niya sa magulang niya.

"Uy! For sure naman makakapal ang mga dingding dito." Nagpalinga-linga ito sa paligid. "Ang ganda dito friend! Mukhang bigatin yung ah!" 

"Alam mo hindi ko pa nga natanong eh. Nahihiya ako." 

"So nagkita na pala kayo? Yiee! Kumusta? Daks ba?" Nabatukan niya ang kaibigan niya. Kumikinang kinang pa kasi ang mga mata nito habang nagtatanong sa kanya.

"Ikaw talaga puro na lang kapilyahan ang nasa utak mo!" Saway niya dito at inirapan. Tinawanan lang siya nito. "Kumain ka na ba?" Tanong niya dito. Tumango lamang si Ynette at nagpunta sa sala upang doon maupo. 

"Ahh! Ang sarap naman umupo dito! Grabe. Ang bigatin talaga niyang costumer mo." Namamanghang sabi ni Ynette. Bahagyang natawa si Crystal noong sabihin ni Ynette na customer niya ang lalaki. Kung tutuusin parang walang pinagkaiba ang trabahong 'to sa ginagawa ni Ynette. 

Umupo siya sa tabi ni Ynette. "Oo nga eh. Nahihiwagaan din ako sa lalaking 'yon."

"Ayy teka. Ano nga ulit name n'on?"

"Lee Hanuel."

"Lee Hanuel.. Parang narinig ko na 'yon ahh." Ulit nito at kinuha ang cellphone niya. "Ayy May wifi ka ba?" 

Tumango lamang si Crystal at kinuha ang cellphone ng kaibigan saka ikinonek sa wifi nila. 

"Kuhain lang ako ng pagkain." Hindi na siya pinansin pa ni Ynette at nagkalikot na lamang sa cellphone niya.

Samantalang si Crystal naman ay kumuha ng sitsirya sa kusina at yung beer na dala ni Ynette. Kung tutuusin ay na andoon na naman lahat kaso wala kasi yung beer na palagi ni lang iniinom ng kaibigan niya kaya nagdala na lamang ito. 

"Waah!" Napatigil si Crystal sa sigaw ni Ynette. "Bruha ka! Halika dito!" 

"Ano?" Nagtatakang tanong ni Crystal. Nilapag muna niya sa mesa ang dala niya at saka tumabi sa kaibigan niya. 

"Waaah!" Pinaghahampas siya nito sa braso at kilig na kilig na tiningnan siya.

"Ano ba?" Nakakunot noo niyang tanong. Hindi nagsalita si Ynette at inabot lang sa kanya ang cellphone na hawak. Napataas pa ang isang kilay niya nang makita ang larawan ni Hanuel. "Lee Hanuel. Occupation, Actor/Businessman, 34 years old- Actor?" Parang nag-loading sa isipan ni Crystal ang nabasa niya. 

Bahagya pa siyang nag scroll sa website. Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa kanyang nabasa. Isa pa lang sikat na aktor si Hanuel. Marami na siyang pinagbidahang pelikula at mga palabas sa kanilang bansa. Sikat ito hindi lang sa Korea maging dito sa Pilipinas. Na alala niya bigla ang pamangkin niyang mahilig manood ng mga koreana novela. 'Isa siya sa mga pinapanood ni Mikaela?!'

"Pak girl! Haba ng hair mo! Yieeee!" may pa tili-tili pa nitong sabi. "Sana all talaga! Biruin mo? Isang superstar yung ka jugjugan mo. Ibang level kana sis! Nakatikim ka na ng mga inaasam ng bawat babae dito sa atin!"

"Kaya pala…" Hindi na niya narinig pa ang mga sinabi ni Ynette. Masyadong natuon ang pansin niya sa natuklasan niya.

'Kaya pala nagtataka siya kung bakit di ko siya kilala... OMG!' Hindi makapaniwala si Crystal na isang sikat na tao pala ang nakauna sa kanya. Hindi niya alam kung dapat bang mabless siya or matakot. Naiisip niya agad ang mga pwedeng mangyari sa kanya kapag malaman ng ibang tao ang tungkol sa ginagawa nila ni Hanuel.

Na baka magaya siya sa mga sumisikat o baka naman ay ma-bash siya. Tumanda na lang siyang hindi aktibo sa kung ano mang sosyal midya tapos ngayon ay magkakaroon siya ng ugnayan sa isang sikat na tao na may milyong taga-hanga.

'OMG! Anong gagawin ko?'

 

 

Lumipas ang ilang araw ay muling bumalik na si Crystal sa kanyang trabaho. Kung tutuusin ay hindi na niya dapat pang gawin ito ngunit minabuti niyang magpatuloy. Naisip niya kasing baka magtaka ang kanyang pamilya. Tsaka hindi naman palagi nasa pinas si Haneul kaya naisip niyang mas maganda kung mayroon siyang pagkakaabalahang iba.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman niya. Maige na lang ay mapagkakatiwalaan niya si Ynette. Hindi kasi pwedeng malaman ng iba ang tungkol sa ugnayan nila ni Hanuel. 

Mas gusto na lang din niya ang ganoon dahil ayaw niyang magulo pa ang tahimik niyang buhay.

Huminga ng malalim si Crystal. Nasa harap kasi siya ng isang atm machine. Pinag-iisipan niya kung magwi-withdraw ba siya o hindi. Nahihiya pa rin siya kaso kailangan na ng gamot ng nanay niya. Mayroon na kasi itong maintenance tapos malayo pa kasi ang sweldo niya at wala rin naman maiabot pa ang kanyang mga kapatid.

"Sige na nga. Sweldo ko naman 'to eh." Saad niya at ipinasok na ang card sa atm machine. Agad niyang tiningnan kung ilan ba ang laman n'on na ikinagulat niya. One hundred Thousand.

Kinusot-kusot pa niya ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa nabasa. 

"Grabe." Naiiling na lang si Crystal. Nagwithdraw na lamang siya ng labing limang libo at umalis na doon. Kinakabahan pa siya dahil ngayon lang siya nagkaroon ng ganon kalaking pera. 

Pagkatapos ay naghanap naman siya ng padalahan ng pera saka doon nagpadala. Hindi na siya nagtagal pa at umuwe na rin. 

Minabuti na lamang niyang sumakay ng taxi tuwing umuuwe dahil nahihiya siya sa mga tao sa building. Pinagtitinginan kasi siya ng mga receptionist doon at iba pang mga empleyado ng condo. Para kasing hotel ang style ng building na iyon kaya maraming mga staffs at iba pa.

Pasalampak siyang humiga sa sofa at kinuha ang cellphone niya. Dinayal niya agad number ng hipag niya. 

"Ate Jess! Kumusta kayo?" 

"Okay lang Crystal. Ikaw diyan? Si Nanay andito gusto kang kausapin." Ani ng ate niya na nasa kabilang linya.

"Okay lang po. Pakibigay na lang po sa kanya ang cellphone." Nakangiting saad niya. 

"Crystal! Kumusta ka na?" Boses ng Nanay niya. Agad nangilid ang mga luha ni Crystal. Magdadalawang Linggo na kasi na hindi niya nakikita ito.  Mababakas din ang pagkasabik sa boses ng kanyang ina. 

"Ma... miss ko na po kayo," maluha-luhang sabi niya. Narinig naman niyang suminghot ito.

"Ako rin anak. Kung bakit ba kasi kailangan mo pang tumira diyan eh?" Garalgal na sabi nito. Napangiti na lang si Crystal at bumuntong hininga.

"Kailangan ko po kasi 'Nay," sabi niya. "Tama na nga! Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Okay lang ako anak. Mas magiging okay kung makikita ko ang bunso ko." 

"Opo uuwe ako sa Day off ko 'Nay. Nga pala, nagpadala po ako pambili mo ng gamot at paggastos niyo diyan. Pasama ka na lang po kina ate para kuhain mo yung pera bukas." 

"Naku Anak. Nag-abala ka pa. Baka mamaya wala ka na panggastos diyan?"

"'Nay. H'wag niyo na isipin 'yon. Importante ang gamot mo." Narinig niya ang pagbuntong hininga nito.

"Pasensya ka na anak. Sobrang laki ng pasasalamat ko dahil andyan ka. Nagpapasalamat ako sa Diyos at biniyayaan niya ang ng mga anak na makakatulong sa akin. Ako na ang nahihiya sa inyo eh. Lalo na sa 'yo Crystal," madamdamin saad nito at narinig na naman niyang suminghot ito.

Agad namang nag-init ang gilid ng kanyang mga mata. 

"Ano ka ba 'Nay? Syempre Nanay ka namin. Mahal na mahal ka namin lalo na ako. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo, para sa inyo. Kaya h'wag mong sasabihin 'yan 'Nay. Kung hindi dahil sa inyo ni Tatay wala kami ngayon." 

"Hay... siguro kung andito ang Tatay mo sobrang matutuwa iyon."

Natahimik si Crystal. Hindi na niya napigilan ang mga luha niya. Sobrang na mi-miss na rin kasi niya ang Tatay niya. Siguro hindi na niya kailangan pang gawin ang mga bagay na ito kung andito siya ngayon. Likas na maabilidad kasi ang kanyang ama kaya kahit na di sila mayaman ay hindi naman sila nagugutom. Napupunan nito ang mga pangangailangan nilang magkakapatid. 

"Ano ba 'yan naiiyak na rin ako eh!" Tumatawang sabi ni Crystal. 

Napalingon siya sa may pinto niya nang may marinig siyang nagbukas niyon. Wala naman nag abiso sa kanya na may pupunta sa kanya ngayon at wala siyang bisita kaya medyo kinabahan siya.

"Wait lang 'Nay tatawag ako ulit." Magsasalita pa sana si Rosa ngunit pinatay niya na ito agad at dali-daling lumapit sa may pinto. 

Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang dumating.

"Hey," bati nito sa kanya at agad siyang sinunggaban ng halik.




Continue:

Please subscribe for Lifetime Access to continue reading this story.

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !