Governor's Possession (Savage Men Series)
Ameiry Savar
Genre: Dark Romance
Tags: Politics, Abused, Kidnapped, Force Love, Erotica
Language: Tagalog
Blurb:
Tahimik na gumagawa ng proyekto nila sa kanilang eskwelahan si Jane at ang kaniyang mga kasama noong bigla siyang may narinig na sigawan. Dahil sa kuryusidad ay napasilip siya sa bintana at doon nakita niya ang isang lalaki na pinatay ng mga hindi kilalang kalalakihan. Noong sumunod na araw ay nakilala niya si Rodrigo Navarro. Ang pinaka makapangyarihang tao sa kanilang lugar. Ang taong magpapabago ng tahimihik niyang buhay.
Hanggang kailan kaya niya maitatago ang pag-aari ng binata kung maging siya ay inaangkin na nito?
Chapter 1: Mga sigaw
“Hoy, ano’ng nangyari
sa ‘yo?” puno nang pagtatakang tanong ni Lana sa akin.
“Bakit mo sinungitan
yung dalawa?”
Hindi ko siya
sinagot. Kunyari ay wala akong narinig habang inilalabas ko ang mga damit ko
mula sa maleta ko. Nasa loob na kami ng kwarto namin at sa sobrang kamalasan ko
pa ay katapat ng kwarto namin ang kwarto nila Lawrence. Katatapos lang kasi
i-announce sa amin ang pagbabago sa dorm namin.
Bakit ba kasi ganon?
Bakit na isip pa ng dean ‘yon? Hindi ba niya alam na hindi tama na pinagtatabi
ang mga kwarto ng babae’t lalake?
Naka-move on na ako
kay Lawrence. Kaso, ewan ko. Hindi mawala yung guilt na nararamdaman ko. Alam
kong matagal na ‘yon. Diyos ko! Five years na ang nakalipas! Siguro naman ay
napatawad na niya ako, ‘di ba?
“Jane!” tawag ulit sa
akin ni Lana.
Pagtingin ko sa kanya
ay nakatayo na pala siya sa tabi ko at nakapamaywang pa. Itinigil ko ang
ginagawa ko at tiningnan siya.
“Bakit ba?”
“Nakakahiya!”
“Ano’ng nakakahiya
ro’n? Ayaw ko silang makausap. Kung gusto mo siyang kausapin edi pumunta ka sa
kwarto nila. Pero ako? Hindi!” aniko at muling nagtanggal ng mga damit sa
maleta kong nakapatong sa higaan ko.
Sakto lang ang laki
ng kwarto namin at may sarili na kaming cr na nakapwesto sa tabi ng pinto. May
tig-isang maliit na papag at cabinet. Parehas kaming kaunti lang ang dalang
gamit kaya madali lang mag-ayos.
“Jane naman!” Umupo
si Lana sa isang upuan sa may study table namin. “Akala ko ba naka-move on ka
na sa tao? Bakit parang ano ka ngayon?”
Bumuntonghininga ako.
“Basta! Mag-ayos ka na nga lang diyan,” inis na sabi ko.
Siguro kung ibang tao
si Lana ay nainis na agad sa pagsusungit ko sa kanya. Pero hindi ibang tao si
Lana. Sanay na sanay na kami sa ugali ng isa’t isa. Hindi ko nga alam kung
paano ko siya naging kaibigan dahil masyado siyang outgoing. Ako? Mas gusto
kong mag-isa at h’wag kumausap ng mga tao.
Dahil magkaklase lang
kami ni Lawrence ay hindi pa rin naiwasan na magkausap kami.
Nalaman ko na
nagkataon lang daw na nagkatagpo kami sa school. Noong umalis daw kasi ako ay
nag-transfer din siya sa ibang lugar para doon ipagpatuloy ang kolehiyo. At
naisipang mag-transfer ulit dito sa probinsya. Hindi naman niya inakala na
narito rin daw ako. Nagkaayos din kami matapos nang pag-uusap naming. Nasaktan
daw siya pero naisip niya na masyado pa kaming mga bata noon. Tama lang daw na
iniwan ko siya dahil natauhan siya.
Sa ngayon ay
nagpatuloy ang pagiging magkakaibigan naming apat. Madalas sa mga proyekto o
activities ay magkakasama kami. Palagi rin kaming sabay sa pagkain. Masasabi ko
na bumalik ang dati naming grupo.
“Ano ba ‘yan, Carlo?!
Ayusin mo na kasi!” saway ni Lana kay Carlo.
Kasalukuyan kaming
gumagawa ng report namin sa kwarto namin. Sina Lana at Carlo ang nagsusulat sa
manila paper. Si Lawrence ang nagre-research sa internet. Ako naman ay nasa
higaan ko at gumagawa ng mga tanong namin.
“Ayos naman, ah? Lagyan natin ng smiley para matuwa si Ma'am sa
atin.” Ngumisi si Carlo at pinagpatuloy ang pagsusulat sa manila paper.
“Carlo, h'wag mo ngang ini-stress niyan ni Lana. Hindi ka
sasagutin niyan sige,” biro ni Lawrence.
“Eww!”
“Ano?!” magkasabay na sabi nilang dalawa.
Lalo akong natawa dahil nanlaki ang butas ng ilong ni Carlo.
Lumapit pa ito kay Lawrence para paluin ang tuhod nito. Tumawa lang si Lawrence
habang tinutulak si Carlo.
“Tama na nga 'yan at tapusin na natin 'to. Inaantok na ako,” saway
ko sa kanila.
“Ito kasing si Carlo eh!”
“Parang-awa niyo na po!”
Natigilan ako noong may narinig akong isa pang boses na sumabay sa
pagsasalita ni Lana. Napatingin ako sa binata namin na bahagyang nakabukas.
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba dahil doon.
“Ayusin mo na kasi!”
“May narinig ba kayo?” tanong ko. Ibinaba ko ang hawak kong
ballpen at yellow pad saka bahagyang lumapit sa may bintana.
“Ano 'yon, Jane?” nagtatakang tanong ni Lawrence. Sumenyas ako na
tumahimik sila at nakiramdam.
“Hayop ka!”
Parang
may sumuntok sa dibdib ko noong lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Mahina ang
boses. Napakahina. Pero malinaw kong naririnig at mababakas doon ang matinding
takot. Wala sa sarili na napatayo ako at lumapit sa bintana.
“Jane,
bakit?”
Sinenyasan
ko silang h’wag mag-ingay. May naririnig akong mga ungol na para bang
nasasaktan. Pagsilip ko sa bintana ay madilim ang labas. Iyong bintana ay
sliding na gawa sa salamin. May makapal na kurtina ang nakatakip doon para
hindi kami kita sa loob. Bukas ang kalahati niyon kaya siguro may naririnig ako
sa labas.
Lalo
akong kinabahan noong hinawakan ko na ang kurtina at bahagyang sumilip doon.
Kitang-kita
ko mula sa pwesto ko ang ilang tao sa may 'di kalayuan. Hindi ko mabilang kung
ilan dahil madilim talaga ang paligid. Tapos matataas na ang mga damo dahil
bakanteng lote iyon. Siguro kung wala kami sa fourth floor ay 'di ko makikita
ang mga ito.
Napatitig
ako sa iniilawan nila. May lalakeng nakaluhod at nakagapos ang mga kamay
patalikod. Mayroon siyang piring. Ilang sandali pa ay halos mapalundag ako
noong makita kong may lumiwanag pa na nakatutok sa lalake at bumagsak ito. Nabitawan
ko ang kurtina at napalayo ako sa bintana.
“Jane?”
Agad
akong napaiwas noong may maramdaman akong humawak sa balikat ko. Pagtingin ko
ay si Lawrence iyon na labis na nag-aalala.
“Ayos
ka lang ba? Ano 'yon?”
“Ha?”
“Jane.
Namumutla ka? Ano 'yon?” tanong naman ni Lana. Akma itong lalapit ng bintana
pero mabilis kong iniharang ang sarili ko sa bintana.
“Wala!
Wala.”
Tumalikod
ako sa kanila at huminga nang malalim. May pinatay! Pinatay nila yung lalake!
Pinilit kong ikalma ang sarili kahit na ramdam ko na ang panginginig ng mga
kamay ko. Habang hindi pa nila binubuksan ang kurtina ay isinara ko ang bintana
at ini-lock iyon. Noong muli akong lumingon sa kanila ay tatlo na silang
nakatingin sa akin na puno ng pag-aalala.
“Alam niyo, bukas na lang natin 'to gawin. Biglang sumama ang
pakiramdam ko eh.”
Pinilit
kong ngumiti sa kanila.
“Ano'ng
masakit sa 'yo? Kailangan mo ba ng gamot? Teka. Bibili ako.” Tumalikod si
Lawrence at akma nang lalabas ng kwarto. Pero hinawakan ko agad ang damit niya
sa may likuran upang hindi siya makapaglakad.
“Hindi
na! Sige na. Gusto ko na matulog. Magpahinga na tayo.”
Hindi
pa sila naniwala sa akin na kailangan ko lang matulog para maging maayos. Pero
kalaunan ay nakinig din sila. Lalo na noong may narinig kaming nagsisigwan sa
labas ng kwarto namin. Kinakabahan pa ako dahil akala ko nakita ako noong mga
tao sa ibaba. Pero may nag-aaway lang pa lang magkasintahan.
Noong
makapagligpit kami ay nahiga na rin kami agad. Ako naman ay hindi agad dinalaw
ng antok.
Hindi
ako makapaniwala sa aking nakita! May pinatay sila sa likod ng dorm namin! Sino
naman ang gagawa no'n? Bakit sa likod pa ng building namin? At higit sa lahat,
bakit nila pinatay?!
Hindi
ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Pero buong gabi ay hindi na nawala
ang takot ko dahil sa nakita ko.
Kinabukasan.
Paggising na paggising ko ay sumilip ako kaagad sa bintana. Wala na akong
nakitang mga tao pero may nakita akong parte na tumba na ang mga nagtataasang
mga damo. Hindi ko na lang sana papansinin iyon pero hanggang sa makapasok na
lang kami ay hindi pa rin nawawala ang pakiramdam ko na gusto kong puntahan
iyon. Parang may kung anong tumatawag sa akin na silipin ang pinangyarihan.
Kaya
heto ako, nagpaalam ako sa third subject namin ngayong araw para lang pumunta
rito sa likod. Halos lahat sa amin ay may pasok kaya sigurado ako na walang mga
tao sa mga kwarto ngayon. Kabadong-kabado pa ako habang hinahawi ang mga damo
habang naglalakad ako.
Sana
naman walang makakita sa akin.
Makalipas ang ilang sandali ay natunton ko rin ang mga natumbang
mga damo. Muli akong binundol ng kaba noong makita ko ang pulang likido na basa
pa. Sariwang-sariwa pa ang dugo- ibig sabihin ay hindi ako nagkakamali sa
nakita ko. Nakagat ko ang aking labi habang nakatitig doon.
Kung sino ka man, bakit ka kaya nila pinatay? At bakit parang wala
manlang ibang nakakita sa nangyari?
Tumingin ako sa building namin. Hindi masyadong malayo ang
pinangyarihan. Kung ako na nasa fourth floor ay nakita at narinig ko iyon,
siguro naman ang mga nasa first floor ay gano'n din. Sila kasi ang malapit.
Pero bakit parang wala akong narinig na usapan kanina. Imposible na hindi
magtanong ang mga estyudante dahil sa sigawan.
Napabuntonghininga ako at muling tumingin sa dugo. Ano ba ang ginagawa ko
rito? May pinatay. Ibig sabihin may panganib. Bakit ba nangingialam pa ako?
Tumalikod na ako at akma nang maglalakad. Pero napatigil ako noong
maalala ko ang isang nakaumbok na bagay sa gitna ng maraming dugo. Muli akong
tumingin doon at tinitigan iyon. Nagtingin-tingin ako sa paligid. Noong may
nakita akong stick ay kinuha ko iyon at dinutdot ang nakaumbok sa gitna ng
dugo. Napakunot ang noo ko noong may maramdaman akong matigas na bagay. Gamit
ang stick na hawak ko ay hinila ko ang bagay na iyon sa parte kung saan walang
dugo. Kinuha ko ang panyo ko at pinantakip iyon sa kamay ko para makuha ang
bagay na iyon.
“Wallet?” aniko noong mapunasan ko iyon.
Coin purse pala iyon. Napakaliit lang niyon at pula rin ang kulay kaya
hindi agad mapapansin. Muli kong tiningnan ang dugo. Pagkatapos ay ang wallet
naman ang tinitigan ko.
Ano kaya ito?
Chapter 2: James Marasigan
Siguro kung napapanood mo ito ngayon ay patay na ako.
Hinihiling ko na lang sana na hindi ka isa sa kanila. Ako si James. Dati akong
nagtatrabaho kay Rodrigo Navarro. Na ngayon ay gobernador na rito sa Eastern
Samar. Bodyguard niya ako at lahat ng mga ipinag-uutos nila ay sinusunod ko.
Kung nasaan siya ay kasama niya ako. Kaya lahat ng mga ginagawa niya ay alam
ko. Hanggang noong huling dalawang buwan lamang. Galit na galit si Boss.
Sinugod namin si Governor Marco. Walang habas niyang pinatay si Gov! Hindi
ibinigay ni Gov Marco ang kayamanang nakuha nila sa lupang pinagtayuan nila sa
bagong university na pinapagawa sa Artiche. Alam ni Boss na may kayamanang
nakatago roon kaya niya iyon binili ngunit unang nakakita niyon ay ang mga tauhan
ni Gov Marco. At hindi iyon ibinigay ni Gov. at sinabi lang kay Boss na wala
silang nakita. Kaya noong malaman ni Boss ang totoo ay pinatay niya si Gov.
Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko si Boss na gano'n. Para siyang
nababaliw habang pinapatay si Gov. Wala akong nagawa kundi ang panoorin siya sa
takot na ako ang pagbalinan niya.
Sinamsam namin lahat ng kayamanan na nakuha ni Gov. Na
ngayon ay nasa akin. Alam ko. Ang tanga-tanga ko dahil kinuha ko iyon pero
hindi ko na kaya. Matapos ang unang pagpatay ay naulit pa iyon. Balak gumawa ni
Boss ng malaking resort at isang barangay ang maapektuhan niyon. Hindi na kaya
ng konsensya ko dahil pati ako ay inuutusan na niyang pumatay! Hindi ko kaya!
Kaya ikaw. Kung sino ka man. Nasa isang file ang address kung nasaan ang pera
at ginto na nakuha ko sa kanya. May mga nakuha rin akong papeles na naglalaman
ng mga illegal na gawain ni Boss. Ikaw na ang bahala kung ilalabas mo iyon.
Pero gamitin mo ang pera sa mabuti. At h'wag na h'wag mong hahayaang makuha ulit
iyon ni Rodrigo Navarro! Hanggat kaya mo ay lumayo ka sa demonyong iyon!
Jane
Halos hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan.
Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa pinaghalong awa at takot na aking
nararamdaman. Bakit ko pa kasi na isipang pakealaman ang ito? Diyos ko!
Pakiramdam ko ay may natuklasan akong hindi dapat. Na talaga naming hindi
dapat. Rodrigo Navarro? Kung tama ang hinala ko sa taong tinutukoy ng lalakeng
nagsasalita sa video ay sigurado ako na ang taong iyon ay ang gobernador namin.
Si Rodrigo Navarro. Pero imposible? Ang pagkakaalam ko ay mabuti siyang tao.
Siya nga ang may-ari nitong school namin. Pero kung totoo ay…
“Tama na, Jane! H’wag ka na makialam!”
Nanginginig ang mga kamay na pinatay ko na ang
cellphone ko at inilagay sa bag. Napatitig ako sa wallet na nakabalot sa panyo
ko. Pulang-pula pa rin iyon dahil sa dugo ni James. Iisipin ko na lang na si
James ang taong iyon kagabi. Bigla na naman akong nakaramdam nang panlulumo.
Kung totoo ang sinasabi niya tungkol kay Rodrigo ay hindi na nakapagtataka na
pinatay siya kagabi. Napailing ako.
“Ang samang tao. Bakit nagawa niyon nang gano’n gano’n
lang? Hindi ba sila kinikilabutan dahil sa ginawa nila? Nakakatulog pa kaya
siya sa gabi?”
Tumayo na ako sa bowl na kinauupuan ko at lumapit sa
sink. Doon ay pinadaanan ng tubig ang wallet. Hinintay ko iyon hanggang sa
unti-unting nawala ang dugong nakabalot doon. Pagkatapos ay piniga ko iyon.
Mayroon pa ring natirang mantsa pero hinayaan ko na.
Buong klase naming ay hindi ako mapakali. Halos hindi
na nga ako makapag-focus dahil paulit-ulit kong naririnig ang boses ni James sa
isipan ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag mayroong nalaman na matinding
sekreto. Paano kung sabihin ko na lang kaya ito sa mga pulis? Ibigay ko ang
memory card na ito? Pero kung totoo ang tungkol kay Gov ay hindi ba delikado
iyon?
“Nakakainis!”
“Ha? Ano’ng ginawa ko? Eh nagbabasa lang ako rito?”
Gulat na napatingin ako kay Lana. Pagtingin ko sa lamesa namin ay nakatitig na pala silang tatlo sa akin. Napatikhim ako at pinilit na ngumiti.
“Ha? Ahm. Sorry. May iniisip lang.”
“Alam mo, Jane. Kanina ka pa. May boyfriend ka na,
‘no?” biro ni Carlo.
Namilog ang mga mata ko. “Boyfriend? Mukha ba akong
may boyfriend?”
“Oo nga! Kita niyo ngang busy sa activities natin eh,”
ani Lawrence.
“Wow… nagsalita ang hindi umaasa. Nagkabalikan na
kayo, ‘no?”
Binato ko na ng papel si Carlo. “Manahimik ka nga!”
Tumawa si Lana. “Sus! Hindi naman kami magrereklamo.”
Pinandilatan ko ng mga mata si Lana. Kahit kailan
talaga ay hindi sila tumigil kakaisip nang gano’n. Eh imposible na ngang
magkabalikan pa kami. At isa pa ay hindi naman ito ang iniisip ko. Si James.
Nahihirapan ako magdesisyon kung hahayaan ko na lamang ang nalaman ko at hindi
ko na lamang iintindihin. Kung ipipikit ko naman ang mga mata ko ay hindi naman
ako patatahimikin ng konsensya ko.
“Maigi pa ay doon na lang ‘to sa kwarto natin ituloy.
Bumili muna tayo nang makakain at mukhang mga nalilipasan na kayo ng gutom,”
suhestiyon ni Lawrence.
“Maigi pa nga!”
Nagligpit na kami ng mga gamit at naglakad papalabas
ng room. Patuloy pa rin sa paghaharutan sina Lana at Carlo. Habang ako ay
tahimik na naglalakad. Papalabas na kami ng campus noong may madaanan kaming
apat na estyudante. Nakaupo sila sa bench at kumakain ng sitsirya.
“Grabe, ‘no? Kawawa naman ‘yon.”
“Oo nga! Grabe ang ginawa sa kaniya.”
“Sigurado akong masamang tao ‘yon kung sino man ang
bumaril sa lalakeng ‘yon.”
“Eh sabi addict daw? ‘Di ba mayroong nakalagay na
paskil sa katawan niya?”
Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanila.
“Ewan. Pero grabe ‘yong pagbaril sa ulo. Kitang-kita
ko yung butas sa ulo niya.”
Hindi na ako nakapagpigil. Lumapit ako sa kanila at
tiningnan sila. Napatingin rin sila sa akin na puno nang pagtataka.
“Yes?”
“Ano ‘yong pinag-uusapan niyo?”
“Ha? Ah. May nakita po kasing bangkay doon sa may
gilid ng kalsada. Iyong papunta sa baranggay.”
“Talaga? Nandoon pa ba?”
“Siguro po. Kasi kararating lang namin dito. Wala pang pulis kanina nung makita namin.”
Tinanguan ko sila at nagmamadali nang naglakad. Hindi
ko na hinintay pa sila Lana at nauna nang maglakad. Ang bilis ng tibok ng puso
ko at lakad-takbo na ang ginagawa ko. Kailangan kong makumpirma kung sino ang
bangkay na iyon. Sana ay naroon pa.
“Jane! Sandali nga!” tawag sa akin ni Lana.
Tumigil ako sa paglalakad noong may makita akong kumpulan
ng mga tao. Maglalakad na sana ako ulit pero bigla akong hinawakan ni Lana sa
kamay.
“Jane! Ano ba ‘to?”
Tiningnan ko siya. “Sandali nga, Lana! H’wag mo muna
akong kulitin!” Bahagya kong itinulak si Lana at nagmamadaling lumapit sa
kumpulan ng mga tao. Pilit kong hinawi ang mga tao hanggang sa marating ko ang
gitna. At doon ay bigla akong nanlumo dahil sa aking nakita.
Si James Marasigan. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya
ang lalakeng nasa video. Nasapo ko ang aking bibig. Agad na nanlambot ang mga
tuhod ko. Kaya naman noong hahakbang na sana ako ay bigla akong nawalan ng
balanse. Mabuti na lamang ay mayroong sumalo sa akin at hindi ako tuluyang
natumba.
“Sorry,” nanghihina kong sabi.
“You shouldn’t see this if you don’t like this kind of
thing.”
Agad akong nagtaas ng ulo. Nanlaki ang mga mata ko
noong makita ko kung sino ang may hawak sa akin. Lalo akong nanginig at
napaawang ang bibig. Hindi ako pwedeng magkamali! Siya si Rodrigo Navarro!
Chapter 3: Ang Mga Ginto
“Are you okay?”
Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko
ay lalo akong nakaramdam ng panghihina dahil sa taong may hawak sa akin. Si
Rodrigo Navarro. Paano siya napunta rito? Gusto niya bang masiguro na napatay
nila si James? Mabilis akong tumayo at marahang tinulak siya.
“Opo. Salamat,” matipid kong sabi. Aalis na sana ako
pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko
siya.
“What is your name?” tanong niya.
Nangunot ang noo ko at pilit na hinila ang kamay ko.
Pero mahigpit niya iyong hinawakan at nakangiti lamang na nakatitig sa akin.
Aaminin ko, may hitsura si Rodrigo Navarro. Kung wala akong alam tungkol kay
James ay siguro isa ako sa mga babaeng hahanga sa kaniya. Ngunit hindi ngiti ng
isang gwapong lalake ang nakikita ko ngayon. Ngiti ng isang demonyo.
“Jane!”
Napatingin ako sa likuran ni Rodrigo. Doon lang din
lumuwag ang hawak niya sa akin kaya agad akong lumayo sa kaniya.
“Jane. So, that is your name.” Lalo siyang ngumisi.
Gusto ko sanang tanungin kung bakit gusto niya malaman
ang pangalan ko. Ayaw kong isipin na nakita niya ako kagabi kaya mukha siyang
interesado ngayon sa akin. Pero hindi kaya iyon ang rason? Nanlaki ulit ang mga
mata ko. Iniawang ko ang aking bibig pero agad ko rin iyong inikom dahil hindi
ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at
patakbong lumapit kay Lana.
“Ano ba ang ginagawa mo roon?” tanong agad ni Lana.
Hinawakan niya ako sa braso. “Bakit namumutla ka? Ano’ng ginawa sa ‘yo ng
lalakeng ‘yon?!”
Mabilis akong umiling. “Wala. Nabunggo ko lang siya.”
Pasimple akong tumingin ulit kay Rodrigo at nakita kong nakatitig siya sa amin.
Sa akin. Kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
“’Di ba si Gov. ‘yon?” tanong ni Carlo.
“Oo,” tugon ni Lawrence. “Ano bang meron doon?”
Maglalakad na sana si Lawrence papalapit sa mga tao pero agad ko siyang
hinawakan sa kamay.
“Ano ‘yon. May patay.”
“Ha?” gulat na sabi nito.
Pero dahil sa sinabi ko ay mukhang mas naging
interesado siya. Napabuga na lang ako ng hangin noong magkasunod sila ni Carlo
na pumunta roon para sumilip.
“Ayos ka lang ba talaga?” tanong ulit ni Lana. “Kagabi
ka pa ganyan.”
“Oo nga. Ayos lang ako.” Pinilit kong ngumiti kay
Lana. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Tumingin din siya kay
Rodrigo na para bang ito ang sinisisi nito. Agad akong nag-panic kaya hinawakan
ko rin ang braso niya. “Okay nga lang ako. Mabuti pa ay unahan na natin sila
doon sa tindahan.”
Mabuti na lang ay pumayag si Lana. Nauna na kaming
pumunta sa tindahan. Palayo sa kaguluhang iyon. Palayo kay Rodrigo Navarro.
Hindi ko alam kung bakit kahit malayo na ako sa kaniya ay ramdam ko pa rin ang
mga titig niya. Na para bang nariyan lang siya sa malapit at pinagmamasdan ako.
May kakaiba sa mga titig niya.
Magmula noong makita ko ang bangkay ni James ay hindi
na ito nawala sa isipan ko. Buong gabi ko iiniisip kung ano ba ang dapat kong
gawin. Kung dapat bang hayaan ko na lang ito at h’wag nang pansinin ang nalaman
ko. Ngunit paano naman si James? Namatay siya nang gano’n gano’n lang. Sigurado
ako na iisipin lang ng lahat na isa nga siyang drug addict dahil sa paskil sa
katawan niya. Kahit pamilya niya ay hindi malalaman ang totoong nangyari sa
kaniya.
Buong gabi ko iyong pinag-isipan. Halos hindi na nga
ako nakatulog dahil doon. Kaya kinabukasan, bago pa man magising si Lana ay
inunahan ko na siya. Tulog pa siya noong umalis ako at pumunta sa barangay na
nakasulat kung na saan iyong sinasabi ni James. Tanghali na noong marating ko
iyon dahil limang barangay pa ang dinaanan namin. Hindi na nga ito sakop ng
pinamumunoan ni Rodrigo. Sinigurado talaga niya na malayo siya rito.
Hindi naman ako nahirapang hanapin ang apartment na
sinasabi niya. Isang compound kasi iyon at nag-iisa lang sa lugar.
“Dito po ba nakatira si James Marasigan?” tanong ko sa
landlady ng compound.
“James? Walang James na nakatira dito, ija.”
Napakunot ang noo ko. Muli kong tiningnan ang
cellphone ko para kompirmahin ang lugar. Nasa tamang lugar naman ako.
“Ano bang room number?” tanong ulit ng ginang.
“Room twenty po.”
“Ah, kay Pedro? Ikaw na ba ‘yong kukuha ng mga gamit
niya?”
Natigilan ako. Iba ang pangalang sinabi niya. Hindi ko
maiwasang isipin na mukhang alam na ni James ang mga mangyayari. Na plano na niya
ang lahat. Tumango na lamang ako at nagpatulong sa kaniya na makuha iyon.
“Dito. Ilang buwan na ngang ‘di bumabalik si Pedro.
Isang araw lang na tumigil dito sa kwarto pero agad ding umalis. Sabi niya ay
may pupunta raw dito para kuhain ang mga gamit niya. Ibigay ko raw kahit sino
pa iyon. Minsan na iisip ko na ngang patirahan eh. Kaso dalawang taon ang upang
binayaran niya kaya nakakahiya naman. May kontrata rin kasi kami,” paliwanag
nito habang binubuksan ang pinto. “Tsaka sabi niya, kapag walang pumunta
makalipas ang dalawang taon ay ako na ang bahala kung ano ang gagawin ko sa
kwarto. Kaya hinayaan ko na lang muna.”
Tahimik lang ako habang nakikinig sa kaniya. Lalo
akong na awa kay James. Siguro habang hinahanda niya ang lahat ay na iisip na
nga niyang mamamatay siya. Grabe! Mga halang ang kaluluwa nang gumawa nito sa
kaniya!
Sinalubong ako ng alikabok pagkapasok ko ng kwarto.
Iniwan na ng ginang sa akin ang susi at umalis na rin. Agad kong sinara ang
pinto at binuksan ang ilaw. Halos walang laman ang kwarto. Isang maliit na
papag lang at cabinet. Tapos wala na. Talagang hindi tinirahan ni James.
Nilapitan ko ang cabinet at agad na binuksan. Wala rin naman akong ibang
titingnan dito kundi ito lang. Pagtingin ko roon ay may nakita akong dalawang
bag sa ilalim at laptop sa may isang drawer. Nandoon din pati ang charger. Una
kong binuksan ang bag sa ilalim.
Tumalungko pa ako para maabot iyon. Gano’n na lamang
ang panlalaki ng mga mata ko noong makita ko ang tumpok ng pera. Sa kabilang
bag naman ay mga ginto. Nanginginig ang mga kamay na hinaplos ko iyon.
“Totoo nga,” usal ko.
Kaya pala pinatay nila si James. Napaka laking pera
nito kung sakali. Agad kong sinara ang bag at tumayo. Napahilamos ako at
nagpalakad-lakad sa kwarto. Ano ang gagawin ko sa perang ito? Ibabalik ko ba sa
mga Navarro? Pero sabi ni James ay h’wag ko raw hahayaang mapunta ito sa kamay
nila. Kaso ano nga ang gagawin ko?
Napabuga ako ng hangin at naupo sa papag. Ilang
sandali akong nakatitig sa sahig habang iniisip ang sunod kong gagawin. Kung
kukuhain ko ang mga pera ay saan ko naman ito itatago? Sigurado pa ako na
magiging mitya lang iyon ng ikapapahamak ko. Hindi ako tanga para hindi maisip
na hinahanap pa rin ito ng mga Navarro.
Muli akong napatingin sa cabinet. Natitigan ko agad
ang laptop na naroon. Tumayo ako at kinuha iyon. Kinailangan ko pang i-charge
dahil lowbat na pala. Wala rin gaanong laman ang laptop na iyon. Mayroong
nag-iisang folder kaya binuksan ko na. At doon ay mas lalo akong nanlumo sa
aking mga nakita at nalaman.
Isa lang ang masasabi ko. Halang ang kaluluwa ng mga
Navarro!
Chapter 4: The Rodrigo's Downfall?
Gabi na noong makabalik ako sa boarding house. Mabuti at nakaabot pa ako bago mag-curfew dahil ayaw ko nang dumaan pa sa likod ng school. Nakakatakot ang gubat kapag gabi na. Bago ako umalis sa apartment kanina ay nag-edit ako ng video para ilabas ang ilan sa mga nalaman ko. Sinabi ko roon na ang mga Navarro ang pumatay kay James dahil nalaman nito ang balak na gawin ng mga Navarro. Oo, tanga na kung tanga. Ngunit ginawa ko iyon para naman mabigyan ng hustisya si James. Hindi rin ako matatahimik kung tatahimik lang ako. Sigurado ako na hindi ako titigilan ng konsensya ko.
Naghanap din ako ng bangkong mapagtataguan ko ng mga gintong nakita ko. Noong una ay takot na takot pa ako dahil baka tanungin ako kung saan ko iyon nakuha. Pero mabuti na lang ay hindi sila nag-usisa sa akin at pinaupa ako agad sa safe deposit locker nila. Kumuha pa ako ng ilang ginto sa isang bag dahil masyadong malaki ang fee na hiningi sa akin. Tiwala naman ako na hindi iyon mawawala dahil finger prints ko ang gamit para mabuksan ang locker at mayroon pa akong susi. Ginawa ko iyong kwintas at umuwi na sa amin.
Tulog na si Lana noong makauwe ako. Ingat na ingat ako sa mga galaw ko dahil alam ko na mag-uusisa siya kung bakit wala ako maghapon. Ngunit hindi pa ako nakahihiga ay biglang umupo si Lana.
“Jane! Saan ka galing? Buksan mo ilaw!” utos niya. Napangiwi na lang ako at sinunod siya. Tumayo na si Lana at lumapit sa akin. “Saan ka nagpunta?”
“Ahm. Ano kasi. May biglaang lakad lang ako.”
“Saan nga?”
Huminga ako nang malalim at sinalubong ang mga mata niya. “Bakit ba? Tsaka, bakit gising ka pa?”
“Hinihintay kita?”
Naiikot ko ang mga mata ko at naglakad na paupo sa higaan ko. Bumuga ako ng hangin at tumitig sa kisame. Lumapit naman si Lana sa akin at naupo sa kama niya.
“Pero bakit nga ang tagal mong nawala? Ni hindi ka manlang nagsabi sa amin. Hindi mo pa sinasagot mga tawag namin. Alam mo bang muntik nang halughugin ni Lawrence ang buong Samar para lang makita ka?”
Napangiwi ako at tumingin sa kanya. “Bakit naman? Hindi na naman ako bata para hanapin niyo pa. Tsaka, doon lang ako sa kabilang baranggay. Na imbitahan kasi ako ng kamag-anak namin. May kaninan pala.”
“Tingnan mo! Ni hindi mo manlang ako niyaya!”
“Sorry na. Sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising.”
Inirapan niya ako. Pero bigla siyang tumingin ulit sa akin habang nanlalaki ang mga mata na para bang may biglang na alala. “Oo nga pala!” Lumapit siya sa akin at naupo sa kama ko. “Friend. Paano mo nakilala si Gov. Rod?”
Agad na nawala ang ngiti ko. “Gov. Rod?”
Sunod-sunod na tumango si Lana at marahan pang pinalo ang braso ko. “Ikaw ha? Baka mamaya doon ka sa kanila galing?”
“Ano? Ano naman ang gagawin ko roon? Tsaka ano ang pake ko kay Gov. Rod?”
“Sigurado ka?” hindi pa rin makapaniwalang sabi niya. “So, hindi mo pa siya talagang nakausap?”
“Oo? Nakabungguan ko siya kahapon pero hindi ko naman siya nakausap ng kami lang. Ano naman kailangan sa akin ng isang gobernador?” natatawang sabi ko kahit na binubundol na ako ng kaba dahil sa mga tinatanong ni Lana.
“Eh bakit kanya hinahanap kanina? Siya pa mismo pumunta rito sa kwarto natin.”
“Ha? A-Ano ang sabi niya?”
Umiling si Lana. “Wala. Umalis din siya kaagad noong sinabi ko na wala ka. Grabe! Ang pogi niya pala sa malapitan, Jane!” kinikilig na sabi niya pa.
Napalunok ako at lalong kinabahan. Pinuntahan ako ni Rodrigo Navarro? Bakit? Para saan? Muli akong tumayo. “M-Magbabanyo lang ako,” paalam ko kay Lana at naglakad na papunta sa banyo.
“Sige. Kakain ka ba? May tinira pa ako sa ‘yo.”
“Hindi na. Bukas na.”
“Okay. Patayin mo na lang ulit ang ilaw. Maaga pasok natin bukas.”
Hindi na ako sumagot pa kay Lana. Panay ang pagbuga ko ng hangin para pakalmahin ang sarili ko habang nasa loob ako ng cr. Bakit niya ako hinahanap? Diyos ko! Nalaman niya na ba ang ginawa ko? Ang tanga ko! Dapat pala hindi na ako nangialam.
Lumabas na ako ng banyo at pinatay ang ilaw. Kinuha ko ang laptop ko at hinahanap ang video na ginawa ko. Namangha ako noong makita kong halos umabot na ng isang daang libo ang views ng video kahit wala pang kalahating araw na ipinost ko iyon. Kasama ng pagsiwalat ko sa ginawa nilang kasamaan kay James ay inilagay ko rin ang ibang parte ng video ni James.
Grabe pala ang mga Navarro!
Akala ko ang bait ni sir. Mamamatay tao pala.
Mama, I’m in love with a criminal. <3
Sigurado ba talaga ‘to? Baka naman gusto lang sirain si Gov. Ang bait-bait niya kaya. Pogi pa.
Ilan lang iyon sa mga nabasa kong mga comments sa video. Mayroong mga hindi makapaniwala sa kanilang napanood. Mayroon namang nuetral lang. At mayroong sumasang-ayon kay James. Ang daming mga komento ngunit isa ang nakapukaw sa atensyon ko.
Mahal mo pa ba ang buhay mo?
Pakiramdam ko ay nanunuyot na ang lalamunan ko dahil sa aking mga nababasa. Hindi kaya nalaman na ni Rodrigo Navarro ang tungkol sa pinost ko? Isinara ko na ang laptop at naluluhang humiga. Hinawakan ko ang kwintas ko. Diyos ko. Sana ay gabayan mo po ako.
Kinabukasan, maaga akong tumayo dahil halos hindi rin ako nakatulog kakaisip kung bakit ako hinahanap ni Rodrigo Navarro. Paulit-ulit kong na aalala ang boses niya. Siguro kung hindi ko alam ang tungkol sa kasamaan niya ay kikiligin ako. Pero takot ang nangingibabaw sa akin.
“Agad mo naman nagising,” puna ni Lana pagkalabas ko ng banyo. Nagtitimpla na siya ng kape naming dalawa.
“Sabi mo maaga pasok natin,” pagsisinungaling ko. Lumapit na ako sa kama ko at isinuot ang skirt namin at naupo na sa harap ng lamesa.
“Tinatamad ako pumasok,” reklamo ni Lana. “Dapat pala nagtino na lang ako mag-aral noon. Hay naku…”
Natatawang tiningnan ko si Lana. “Masyado mo naman kasi akong ginawang idol at gumaya ka pa.”
“Eh mas boring kung hindi tayo magkaklase.”
“Syempre. Wala kang kokopyahan,” natatawa ko pa ring sabi.
Ngumiti na si Lana. “Oo naman!”
Natigil kami sa pag-uusap noong makarinig kami ng ingay sa may labas. Nagkatinginan kami ni Lana noong may sunod-sunod na kumatok sa pinto ng kwarto namin.
“Ah. Ako na,” presinta ni Lana. Lumapit na siya sa pinto at binuksan iyon. Ngunit bigla siyang tumili at napatakbo papalapit sa akin. Pagtingin ko sa labas ng pinto ay nanlaki ang mga mata ko noong may nakita akong dalawang lalakeng nakatayo roon at may hawak na mahahabang baril.
Chapter 5: Sino ang may gawa?
“T-Teka, ano’ng kailangan niyo? Legal ba ‘to? Nasa loob kayo ng school!” aniko noong makita ko ang mga lalakeng nasa labas ng kwarto namin. Tiningnan lang nila ako at walang ano-anong pumasok sa loob.
“Labas,” utos nila.
Humigpit ang kapit ni Lana sa braso ko. “J-Jane. Ano ‘to?”
“B-Bakit? Sino ba kayo?” Pinatapang ko pa rin ang boses ko kahit dinig na dinig ko na ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.
Hindi sumagot ang mga lalake. Bagkus ay bigla na lamang nilang inangat-angat ang mga gamit namin na para bang mayroong hinahanap. Napanganga ako noong kinakalat nila ang mga gamit namin at itinatapon sa lapag.
“Teka, kuya! Ano ang ginagawa niyo? Mga gamit namin-”
“Tahimik!”
Biglang humarap sa amin ang isa at itinutok ang baril. Napaatras kaming dalawa ni Lana. Umiyak na si Lana habang nakakapit sa akin.
“Kapag hindi kayo tumigil papasabugin ko ang bungo niyo!” banta pa nito.
Napaatras na ako. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Lana at nagmamadaling hinila ito palabas. Bahala na sila kung ano ang gusto nilang gawin. Pero bago pa man kami makalabas ng kwarto ay may humarang sa pinto kaya napatigil ako. Nabitawan ko pa si Lana dahil tumama ang noo ko sa matigas na bagay. Nasapo ko iyon at agad na nag-angat ng ulo. Napaatras ako noong masalubong ko ang malalamig na titig ni Rodrigo Navarro. Shit. Nasa harap ko ngayon si Rodrigo Navarro!
“Andito ka na pala. Saan ka nagpunta kahapon? Hinahanap kita,” tanong niya na wala manlang kaemo-emosyon sa mukha.
Napalunok ako. Kung kanina ay nagkakaramdam pa ako ng tapang. Ngayon ay puro takot na lang ang nararamdaman ko.
“A-Ano ang kailangan mo sa akin?”
Humakbang siya papasok kaya napaatras ako. Tiningnan niya si Lana. “Pwede mo ba kaming iwan saglit?” marahan niyang tanong kay Lana at doon lamang ngumiti.
Lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Lana. “H-H’wag mo akong iwan,” bulong ko sa kanya.
Lalong napangisi si Rodrigo at tiningnan naman ako. “Kapag hindi mo siya pinalabas, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa kanya.”
“Jane,” natatakot na sabi ni Lana.
Nangilid na ang luha ko. Hindi ko gustong maiwan sa iisang silid ang taong ito. Isa siyang mamamatay tao! Bumuga ako ng hangin at unti-unting niluwagan ang hawak sa kamay ni Lana.
“S-Sige na.”
“Pero, Jane.”
“Labas na.” Tiningnan ko si Lana at pinilit na nginitian ito. Malungkot na tumango si Lana at agad na lumabas ng silid.
“Sa iba na kayo maghanap,” utos din ni Rodrigo sa kanyang mga tauhan.
Agad na tumigil ang mga ito at lumabas ng kwarto. Napasandig na ako sa dingding ng banyo habang nakatungo lang. Hindi ko kayang tingnan siya sa mga mata dahil pakiramdam ko ay nalulusaw ako. May kakaibang takot na ibinibigay ang mga titig ni Rodrigo Navarro.
Napaigtad ako noong isinara niya ang pinto ng dorm. Lalo akong umatras ngunit wala na akong maatrasan noong unti-unti na siyang lumapit sa akin.
“A-Ano ba ang kailangan mo sa akin?” naluluhang tanong ko.
Halos mapigil ko ang aking paghinga noong hinawakan niya ang baba ko at dahan-dahang inangat ang ulo. “Open your eyes,” utos niya. Mahinahon ang kaniyang boses ngunit nakaramdam ako ng kilabot dahil sa malalim niyang boses.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Natigilan ako noong magsalubong ang mga mata namin. Oo, napaka gandang lalake ni Rodrigo. Hindi na ako nagtataka kung bakit maraming nagkakagusto sa kaniyang mga babae. Mapungay ang kanyang abuhang mga mata. Wala iyong kabuhay-buhay ngunit mas bumabagay sa pagiging seryoso niya. Matangos ang kaniyang ilong at mapupula ang mga labi. Hindi ito ang unang beses na nakita ko si Governor Rodrigo. Pero ngayon ko lang siya nakitang seryoso taliwas sa palaging niyang nakangiting mga pustura.
“You look scared. Why?” tanong niya. Hinaplos niya ang aking pisngi kaya napapikit ako ulit. “Jane, right?”
Wala sa sariling napatango ako. Muli akong nagmulat ng mga mata. “P-Parang-awa mo na. N-Nag-aaral po ako ritop. W-Wala akong ginagawang masama.”
“Okay.”
Napasinghap ako noong maramdaman ko ang isa niyang kamay sa likod ko. Agad kong iniharang ang mga braso ko sa pagitan namin noong kinabig niya ako. Habang ang isa niyang kamay ay nasa batok ko na.
“A-Ano’ng ginagawa mo? Please!” Sinubukan kong itulak siya ngunit para akong tumutulak sa pader. Ni hindi manlang siya napaatras at mas humigpit lang ang pagkakayakap sa akin. “Ahh!” Napakapit ako sa dibdib niya noong bigla niyang hinawakan ang buhok ko at pinatingala pa ako. Napaluha na ako. “P-Please…”
“Sshh. Jane Acosta. From now on, you are mine.”
Nanlaki ang sa sinabi niya. Magsasalita sana ako pero bigla niyang sinakop ang bibig ko at hinalikan ako nang mariin. Ano’ng ginagawa niya?! Bakit niya ako hinahalikan?! Lalo akong napaiyak habang pilit siyang itinutulak. Ngunit kahit ginagawa ko iyon ay mas lalo lang nagiging mapusok ang kanyang mga galaw. Napapaungol pa siya habang pilit na ipinapasok ang kaniyang dila sa bibig ko. Mariin kong itinikom ang bibig ko ngunit bigla niyang hinatak ang buhok ko kaya napasinghap ako at naibuka ang bibig. Agad na ipinasok ni Rodrigo ang kaniyang dila sa loob ng bibig ko at nagtila isang bulate na gumalaw. Napaungol ako noong nagtama ang mga dila namin at napapikit nang mariin. Hindi ito ang unang beses kong mahalikan ngunit ngayon lang ako nakaranas nang ganito kapusok. Hindi na nga ako makasinga nang maayos kaya nanatili na lamang akong nakanganga habang panay ang pagtulo ng luha.
Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Ni hindi ko siya kilala at alam ko lang ay isa siyang gobernador ng lugar namin. Pero bakit ganito? Bakit niya ito ginagawa sa akin?
Bigla niya akong binitawan at lumayo sa akin. Agad akong naghabol ng hininga habang sapo-sapo ang bibig.
“I will come back,” aniya. “Make sure you are ready when I’m back.”
Nahihintakutang tiningnan ko siya. “Bakit? A-Ano ang gagawin mo?”
Nagpunas siya ng labi at inayos ang suot na polo. “You will like it.” Ngumiti siya nang nakaloloko at lumabas na ng kwarto namin.
Nanghihinang napaupo ako sa sahig habang sapo-sapo ang bibig ko. Ano ang ibig niyang sabihin? Bakit niya ito ginagawa sa akin?
Napaatras ako noong biglang bumukas ang pinto ng kwarto namin. “Jane?” Pumasok si Lawrence. Nanlaki ang mga mata niya noong makita niya akong humahagulhol sa may likod ng pinto. “Jane! Ano’ng nangyari sa ‘yo? Sabi ni Lana pinalabas siya ni Gov?”
Suminghot-singhot ako. “H-Hindi ko alam, Lawrence. N-Natatakot ako,” sumbong ko sa kanya at humagulhol. Siguro nalaman na ni Rodrigo ang ginawa ko. Kaya siguro niya ako gustong balikan. Pero paano niya nalaman? Lahat ng alam ko na makapagtuturo sa akin ay nilinis ko. Oo, nabanggit ko sa video na may ginagawa kami sa school noong makita ko ‘yon. Pero wala akong sinabi kung anong year at course namin.
Hindi kaya dahil doon? Lalo akong napaiyak. Ang tanga ko! Dahil kaya roon kaya nalaman niya? Diyos ko! Ano na ang gagawin ko ngayon?
Chapter 6: You are mine.
From now on, you are mine.
Paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan ang mga salitang iyon ni Rodrigo Navarro. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya sa mga salitang iyon ngunit hindi ko iyon nagugustuhan. Nararamdaman ko pa rin ang marahas niyang mga halik. Para ngang bahagyang namamaga ang ilalim na labi ko dahil doon.
“Jane? Sabihin mo lang kung may ginawa sa ‘yo, ‘yon. Ire-report natin agad,” nag-aalalang sabi ni Lawrence.
Tulalang nakaupo lang ako sa may kainan namin habang silang tatlo ay nililigpit ang mga ginulo ng tatlong lalake kanina. Maingay pa rin sa labas dahil sa ginagawang maghahalughog ng mga tauhan ni Rodrigo Navarro. Ramdam ko ang takot sa mga sigaw ng mga estyudante sa labas. Sino bang hindi matatakot sa mga kalalakihang may dala-dala pang baril? Para silang sasabak sa gyera kahit na sa eskwelahan lang naman.
“Kanino? Paano? Governor si Rodrigo Navarro. Ano ang magagawa natin?” diskumpyadong sabi ko.
Bumuntonghininga si Lawrence at lumapit sa akin. “Kahit ano na pwedeng makatulong sa atin.”
Napangisi lang ako at iiling-iling na tiningnan siya. “Walang makatutulong sa atin.” Tumayo na ako at pinunasan ang mga luha ko. Kung iiyak lang ako rito ay walang mangyayari sa akin. Hindi ako papayag na angkinin ng kung sino man. I am his? No! Ako ang nagmamay-ari sa akin at walang sino man o ano man ang pwedeng umangkin sa akin. “Mas maigi pa ang maglinis na lang tayo.”
Tumulong na ako sa kanila. Iginilid ko ang mga damit kong nasa taas ng kama ko at inumpisahan iyong itupi. Naramdaman ko na nakatiig sila sa akin kaya napabuntonghininga ako.
“Ayos lang ako. Ano ba kayo?”
“Eh ano ba kasi ang ginawa niya sa ‘yo no’ng pinalabas niya ako?” tanong ni Lana.
Hindi ako agad nakasagot. Huminga lang ako nang malalim at tumitig sa mga damit ko. Kung iisipin ay muntik na niya akong gahasain. Pinilit niya akong hinalikan kahit na ayaw ko naman. Hindi ba aktong panggagahasa na iyon? Oo, pwede ko itong isumbong. Pero saan? Sa mga pulis? Sigurado ako na hawak ni Rodrigo Navarro ang mga pulis. Ano ang isusumbong ko sa kanila?
Umiling ako. “Wala. B-Bilisan niyo na at may pasok pa tayo.”
Pinilit ko na silang hindi pansinin kahit na ramdam ko pa rin ang mga titig ng mga kasama ko. Alam kong nag-aalala lang sila sa akin pero hindi ko naman sila pwedeng idamay. Kung ano man ang rason ni Rodrigo Navarro ay hindi ako padadaig sa kaniya. Lalaban ako kahit na ako ay mamatay pa kagaya ni James.
Lumipas ang mga oras ay natapos na namin ang aming pagliligpit. Nawalan kami ng klase noong umaga dahil sa nangyari kaya pati ang kwarto nila Lawrence ay iniligpit na rin namin ni Lana. Tinulungan namin sila sa pagtutupi ng mga damit at pagwawalis sa loob. Pagkatanghali ay bumili na lamang sila Lawrence ng pagkain namin sa labas dahil may pasok na kami sa hapon. Natapos na ang pamemwerwisyo ng mga tauhan ni Rodrigo.
“Ano kaya hinahanap nila, ‘no?” nagtatakang tanong ni Lana.
“Baka tungkol doon sa video na kumalat kagabi,” ani Carlo.
Napatigil ako sa pagsubo at tumingin kay Carlo.
“Ano’ng video?” tanong ulit ni Lana.
“Hindi niyo pa ba napanood? Teka.” Tumigil si Carlo at kinuha ang cellphone. Mayroon itong pinindot-pindot doon at ilang sandali pa ay may narinig na kaming tunog.
Muli akong kumain at ni hindi manlang tiningnan ang cellphone ni Carlo. Alam ko ang video na iyon dahil ako ang gumawa no’n. Parang gusto ko nang pagsisihan ang ginawa ko dahil mukhang dahil doon ay napalapit sa akin si Rodrigo Navarro.
“OMG! Siya ‘yong bangkay doon sa dumpsite?” gulat na tanong ni Lana.
“Oo. At mukhang estyudante pa ang nakakita no’n tapos damay pa tayo dahil dito nag-aaral,” ani Lawrence.
Bigla akong nakaramdam ng konsensya. Totoo naman. Kung hindi na siguro ako nangialam ay hindi na ito mangyayari pa. Ang tanga ko! Bakit ba nagpi-feeling bayani pa ako? Uminom na ako ng tubig at tumayo. Nawalan na ako ng gana kaya hindi ko na uubusin ang pagkain ko. Pero hindi pa ako nakakaalis sa pwesto ko ay bigla kaming nakarinig nang malakas na mga pagkatok. Sunod-sunod iyon na para bang gusto nang sirain ang pinto.
“Ako na,” ani Lawrence at tumayo.
Muli kong inilapag ang plato ko sa lamesa at sinundan ng tingin si Lawrence. Panay ang dasal ko na sana ay ibang tao lang iyon. Okay na sa akin kung mga tauhan iyon ni Rodrigo h’wag lang siya mismo. Ngunit noong bumukas iyon ay agad na nanginig ang tuhod ko. Napakapit ako sa balikat ni Lana at napalunok.
“Shit…” mahinang sabi ni Lana at napatigil din sa pagkain.
Agad namang kinuha ni Carlo ang kaniyang cellphone at pinatay iyon noong makita si Rodrigo sa may pinto. Tiningnan ako ni Rodrigo. Gusto ko nang malusaw ngayon din pero pinatapang ko ang mga tingin ko sa kanya.
“Gov? Ano pong kailangan niyo?” magalang na tanong ni Lawrence kahit na salubong ang kilay nito na nakatitig kay Rodrigo.
“Jane. Let’s go,” utos ni Rodrigo sa akin imbes na sagutin si Lawrence. Napatingin sa akin si Lawrence na puno nang pagtataka.
Umiling ako. “H-Hindi ako sasama sa ‘yo!” Pinatapang ko ang boses ko kahit na nangangatal na iyon. Ayaw kong sumama sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa akin. Patayin niya na lang din ako rito kaysa dalhin niya pa ako sa kung saan!
Ngumisi si Rodrigo at humakbang papasok ng kwarto namin pero agad siyang hinarang ni Lawrence. Agad na napatayo sina Carlo at Lana noong may sumulpot na dalawang lalake sa likuran ni Rod at itinutok kay Lawrence ang baril. Kumapit sa braso ko si Lana.
“J-Jane. A-Ano’ng nangyayari? Diyos ko! Ayaw ko pa mamatay!”
Napalunok ako at tiningnan si Rodrigo. “Ano bang kailangan mo? Kung ano man ang hinahanap niyo ay wala iyon sa akin! Please! Tigilan mo na ako!” naiiyak kong sabi.
“Umalis na kayo, Gov. Hindi tama itong ginagawa niyo,” may pagbabantang sabi ni Lawrence.
Tiningnan ito ni Rodrigo at nagulat ako noong bigla niyang sinakal si Lawrence. Higit na mas matangkad si Rodrigo at malaki ang katawan kay Lawrence kaya walang kahirap-hirap nitong ipininid sa dingding. Agad na hinawakan ni Lawrence at kamay ni Rodrigo at sinubukang kumawala. Pero lalo lamang humihigpit ang hawak ni Rodrigo sa leeg nito.
Napaluha na ko. “Itigil mo ‘yan!” sigaw ko at naglakad papalapit sa kanila. Hinawakan pa ni Carlo ang kamay ko ngunit iwinaksi ko iyon. “Tama na!” Hinawakan ko ang braso ni Rod at sinubukan itong tanggalin. Napasigaw ako sa sakit noong hinawakan niya lang ang buhok ko sa likod at inilayo kay Lawrence.
“Jane!” magkasabay na sabi ni Carlo at akmang lalapitan ako ngunit sa kanila naman itinutok ng mga tauhan ni Rodrigo ang baril kaya umatras sila.
“Aalis na ba tayo o may kailangan pang mamatay rito?” tanong ni Rodrigo.
Napahagulhol na ako. Sunod-sunod akong tumango habang hawak-hawak ang kamay niyang nakakapit sa buhok ko. “O-Oo! Sasama na ko. Please! H’wag mong saktan ang mga kaibigan ko!”
“Jane! Diyos ko!” hagulhol ni Lana.
“Good.”
Binitawan kami ni Rodrigo. Agad na bumagsak si Larence sa sahig at umubo-ubo.
“Lawrence!” Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso.
“H-H’wag kang sumama, Jane.”
“S-So-”
“Halika na!” maawtoridad na sabi ni Rodrigo at hinawakan ako sa braso. Hinila na niya ako palabas ng kwarto namin. Wala akong nagawa kundi umiyak habang kinakaladkad niya papalabas ng building. Panay ang pagmamakaawa ko na may tumulong sa akin ngunit nanatiling nakasara ang mga pinto ng mga katabi naming dorm. May mga nakasasalubong kaming mga guro ngunit lahat sila ay nag-iiwas lamang ng tingin sa amin.
Napahagulhol na lamang ako habang hinahayaan si Rodrigo Navarro na gawin ang kaniyang gusto.
Wala akong tigil sa pag-iyak habang nagbabyahe kami. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin dahil wala rin namang sinasabi si Rodrigo. Nakasiksik lang ako sa gilid ng kotse. Sinubukan ko nga iyong bukas ngunit naka-lock iyon.
Napigtad ako noong biglang ipinatong ni Rodrigo ang kamay niya sa kaliwang hita ko. Agad ko iyong tinanggal at mas sumiksik pa sa gilid.
“A-Ano'ng ginagawa mo? Ano ba ang kailangan?!” nahihintakutan kong tanong.
Tumingin sa akin si Rodrigo. Nangilabot ako agad noong makita ko ang pagnanasa sa kaniyang mga mata. Bumaba ang kaniyang mga tingin sa katawan ko kaya lalo akong nakaramdam ng pagkailang. Lalo akong napaiyak. Wala pa man siyang sinasabi ngunit parang alam ko na kung ano ang balak niyang gawin. Napakalamig ng mga titig niya na lalong nagpapanginig ng laman ko. Gusto ko nang bumaba ng sasakyang ito!
“Bakit ba parang takot na takot ka sa akin? Hindi ba dapat matuwa ka dahil nasa loob ka ng sasakyan ko kasama ako? A lot of women want to be in your position.”
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. “Hinding-hindi ko gugustuhin na mapalapit sa 'yo! Halang ang kaluluwa mo!” sigaw ko. Biglang naging matalim ang mga tingin niya sa akin. Napadaing na lang ako noong bigla niyang hinawakan ang likod ng ulo ko. Parang mahuhugot na ang mga buhok ko dahil sa mahigpit niyang pagkapit doon.
“Ano'ng sabi mo?” may himig ng pagbabantang tanong niya.
Pilit kong sinalubong ang mga titig niya. “I-Ikaw ang pinaka masamang taong nakilala ko!”
Mas lalo kong napahiyaw noong bahagya niya pang hinila ang buhok ko. Hinawakan niya pa ang baba ko at inilapit ang mukha sa akin. Napasinghap ako noong tumama sa akin ang mainit niyang hininga. Amoy na amoy ko ang sigarilyo mula sa kaniyang bibig. Biglang siyang ngumiti na lalong nagbigay ng kilabot sa akin.
“Really? Don’t worry. Hindi naman ako masama sa kama,” makahulugang sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko. “Ano ang ibig mong sabihin?”
Kinindatan niya lang ako at marahas na binitawan. Doon ko lang napansin na tumigil na ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Napasinghap ako noong makita ko ang ilang mga kalalakihang nakatayo sa gilid niyon. Lahat sila ay may hawak na mahahabang baril. Bumaba na si Rodrigo sa sasakyan at umikot. Bababa rin sana ako ngunit biglang bumukas ang pinto na katabi ko at may humila sa akin pababa. Agad akong nagpumiglas mula sa pagkakahawak ng dalawang lalake.
“Bitawan niyo ako! Saan niyo ako dadalhin?!” umiiyak na sabi ko.
“Boss Rod, saan namin ‘to dadalhin?”
“Bitawan niyo. Ako na ang bahala sa kaniya,” utos ni Rodrigo.
Agad akong binitawan ng dalawa. Hinihingal na umatras ako at inilibot ang paningin sa paligid. Maganda ang dalawang palapag na bahay. Kagaya niyon ang mga bahay noon na mararangya. Pero kahit na ano’ng ganda niyon ay kinikilabutan pa rin ako sa mga taong nakapaligid. Lahat ng mga lalakeng nakikita ko ay may hawak na mga baril. Lahat sila ay nakangisi sa akin at puno ng pagnanasa sa mga mata. Niyakap ko ang aking sarili at lalong napaluha.
Biglang may humawak sa braso ko at hinila na ako papasok sa loob. “Bitawan mo ako! Parang-awa mo na!” Pilit kong inalis ang pagkakahawak sa akin ni Rodrigo. Ngunit dahil sa mas malaki siya sa akin at mas malakas ay halos kaladkarin na niya ako. Kahit na madapa-dapa na ako ay hindi pa rin siya tumigil sa paglalakad. Nanlaki ang mga mata ko noong may nakita akong matandang babae na nasa may sala. Gulat siyang nakatingin sa amin at kitang-kita ko ang awa sa kaniyang mga mata. “T-Tulungan niyo po ako! Please!” sigaw ko pero hindi siya kumilos. Nag-iwas siya ng tingin kaya wala akong nagawa kundi ang magpahila na lamang kay Rodrigo.
Wala na. Siguro ay wala na nga talaga akong pag-asa. Kung ano man ang kaniyang gagawin sa akin ay siguro tanggapin ko na lang. Pero bakit? Wala naman akong ginawang masama sa kaniya. Oo, siguro nga ay mali na isiniwalat ko ang katotohanan tungkol sa kasamaan niya. Pero ay nararapat lang iyon sa kaniya! Halang ang kaluluwa niya kaya dapat malaman ng mga tao na hindi siya mabuting tao! Ngunit bakit parang ako pa ang napaparusahan?
Dinala ako ni Rodrigo sa isang malaking kwarto na may malaking kama sa gitna. Agad niya akong itinulak doon kaya napasubsob ako sa malambot na kama. Tumihaya ako agad at hinanap ng mga mata ko si Rodrigo. Nakatayo sa harapan ko habang malamlam ang mga matang nakatitig sa akin. Napasampa ako agad sa kama at umatras habang hindi inilalayo ang mga titig ko sa kaniya.
“P-Parang-awa mo na po! Wala akong ginawang masama sa ‘yo!”
Niluwagan ni Rodrigo ang kaniyang necktie na nagpaalarma sa akin. “Wala nga,” aniya. Isa-isa niyang tinanggal ang pagkakabutones ng kaniyang polo.
“A-Ano’ng ginagawa mo?” nahihintakutang tanong ko. Napatigil ako sa pag-atras noong tumama na ang likod ko sa headboard.
“Actually meron, Jane.”
Hinubad na niya ang suot na polo at tumambad sa akin ang kaniyang katawan. Napaiwas ako ng tingin noong makita ko iyon. Siguro kung ibang babae ay mamamangha sa katawan nito. Ngunit ako? Hindi! Kinikilabutan ako sa pwede niyang gawin sa akin sa kwartong ito!
“You mezmerized me. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa akin, pero mula noong makita kita ay hindi na kita nakalimutan.”
Napakunot ang noo ko at muling tumingin sa kaniya. Napalunok ako noong makita kong tinatanggal na niya ang kaniyang sinturon.
“D-Dahil doon ay ginagawa mo ‘to sa akin? Bakit ako pa?!”
Muli akong napaiyak. Hindi ko maunawaan ang sinasabi niya. Dahil sa namangha siya sa akin ay kinuha na niya ako nang hindi ko naman gusto? Pinunasan ko ang mga luha ko at mas nagsumiksik sa unahan ng kama. Nanlaki ang mga mata ko noong makita kong wala nang suot na pantalon si Rodrigo. Nakasuot na lamang siya ng itim na boxer shorts at bakat na bakat ang isang malaking bagay sa loob niyon. Nataranta na ako at tumingin sa gilid ko. Hindi na ako bata para hindi pa malaman kung ano ang kaniyang ginagawa. Bababa na sana ako ng kama sa gilid ngunit bigla kong naramdaman ang paglundo ng kama. Pagkatapos ay may humila sa akin kaya napahiga ako.
“Ano’ng ginagawa– Ahh!”
Nahawakan ko ang kamay ni Rodrigo noong hinawakan niya ako sa may baba. Hindi niya ako sinasakal ngunit medyo nahirapan ako sa paghinga dahil sa medyo mahigpit ang kaniyang pagkakahawak. Nakapatong na rin siya sa may tiyan ko kaya ramdam ko ang bigat niya. Lumipat ang kamay niya sa pisngi ko at bahagya iyon pinisil.
“This… face. Hindi ko rin alam kung bakit. But I want you mine, Jane. Simula ngayon ay akin ka na. Hindi ka na pwedeng lumapit pa sa ibang mga lalake. Or else, I will kill them in front of you,” banta niya.
“N-Napaka sama mo talaga! Hayop ka!” pilit kong sabi.
Binitawan niya ako at hinawakan ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ko. Sinubukan kong kumawala sa kaniya ngunit masyado siyang malakas. Halos mapigil ko ang hininga ko noong unti-unti niyang ibinaba ang kaniyang mukha. Tumigil siya noong gahibla na lang ang layo ng kaniyang bibig sa akin.
“P-Please… H’wag mong gawin ‘to,” pagmamakaawa ko. Ngunit ngumisi lang siya at mas lalong nagdilim ang mukha. Tuluyan na niyang inabot ang aking labi ang mariin akong hinalikan.
Noong una ay hindi ako nakagalaw dahil sa gulat. Mariin at mapupusok ang bawat mga halik niya sa akin. Tila ba ay gutom na gutom siya. Napaungol ako noong may maramdaman akong hapdi sa aking labi. Doon ay muli akong nagpumiglis at pilit na kumawala sa pagkakahawak niya. Iniikom ko lang ang aking bibig noong maramdaman ko na ang dila ni Rodrigo na parang ahas na nagpupumilit sa bibig ko. Bigla siyang lumayo sa akin at sinampal ako nang malakas sa kanang pisngi.
Napanganga ako at napatingin sa gilid ko. Pakiramdam ko ay namanhid ang buong mukha ko at sandali akong nabingi dahil sa kaniyang ginawa. Noong makabawi ako ay nasapo ko iyon at napaiyak ako.
“H-Hayop ka!”
Hindi pa man ako nakakabawi ay bigla naman akong hinawakan sa leeg ni Rodrigo. Hindi iyon mahipit ngunit kusa nang naging paisa-isa ang paghinga ko. Diyos ko! Bakit sa akin nangyayari ‘to? Agad akong tumingin sa gilid noong nakita kong muling bumababa ang kaniyang mukha.
“H’wag ka nang lumaban pa kung ayaw mong masaktan lalo.”
“Patayin mo na lang ako. Hindi ba gano’n ka? Patayin mo na lang ako!”
Sinalubong ko ang kaniyang mga mata. Nakita kong nanlisik iyon kaya humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa leeg ko. Agad kong nahawakan ang kaniyang kamay at sinubukang huminga.
“Heto ba? Ito ba ang gusto mo, ha? Ibibigay ko!” sigaw niya.
Binalot ako ng takot noong makita kong biglang naging mabagsik ang mukha ni Rodrigo. Napanganga ako noong unti-unting napigil ang paghinga ko. Para akong unti-unting nalulunod dahil sa kaniyang ginagawa. Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa akin ngunit unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko. Ilang sandali pa ay bigla akong binitawan ni Rodrigo at umalis sa ibabaw ko. Napaubo-ubo ako agad. Gumapang ako sa gilid ng kama ngunit muli niyang hinawakan ang buhok ko at hinila pahiga ulit. Hapong-hapo na ako at wala nang maiiyak.
“Jane Acosta. Hindi ba sa Cavite nakatira ang pamilya mo ngayon? General Trias to be exact. O gusto mo pa bang sabihin ko kung saang baranggay at subdivision sila nakatira?”
Natigilan ako sa kaniyang sinabi at muling napatingin sa kaniya. Paano niya nalaman kung nasaan ang pamilya ko?! Para akong kinuryente noong hinaplos niya nang marahan ang pisngi ko.
“Kung ako sa ‘yo, susunod ka na lang sa gusto ko.” Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at marahang pinisil iyon. Inilapit ni Rodrigo ang kaniyang bibig may tainga ko. “Let me own you and I will give you everything,” aniya at biglang dinilaan ang tainga ko.
Napapikit ako nang mariin at muling tumulo ang mga luha. Hindi na ako sumagot sa kaniya at tahimik na umiyak na lamang. Muli kong na alala ang bangkay ni James. Ang mga larawan sa files ni James. Muli kong na alala kung gaano kahalang ang kaluluwa ni Rodrigo Navarro. Paano ako lalaban kung pati ang pamilya ko ay pinagbabantaan na niya? Sa sama niyang tao ay hindi malabong hindi niya sila saktan. Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit pati ako pa? Bakit ako pa?
Marahan na binitawan ni Rodrigo ang pisngi ko. Napasubsob ulit ako sa kama noong pinadapa ako ni Rodrigo. Wala na akong nagawa pa at hinayaan na lamang siya sa kaniyang gagawin. Agad niyang hinila ang suot kong pang-ibaba. Hindi na ako umangal at lalong napaiyak na lamang. Inangat niya ang balakang ko at pinatukod ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko ay mawawasak na ang dibdib ko sa sobrang bilid ng pagtibok ng puso ko. Takot na takot na ako ngunit wala akong magawa kundi ang umiyak na lamang. Pinilit ko na lang isipin na matatapos din ito. Pagkatapos ay titigilan na niya ako. Sana ay tigilan na niya ako.
Napasinghap ako at napakapit nang mahigpit sa kobre kama noong maramdaman ko ang kamay niya sa bukana ko. Agad ako nakaramdam nang pandidiri noong maramdaman kong hinaplo-haplos niya iyon na para bang binabasa. Ilang sandali pa ay napaungol na lamang ako kasabay nang pag-iyak ko noong maramdaman kong may tumusok sa pagkababae ko. Kumapit si Rodrigo ko sa baywang ko at nag-umpisang kumilos.
“A-Ahh! Masakit!” hiyaw ko at sinubukang itulak siya mula sa likod ko. Ngunit mas bumilis lang ang pagkilos ni Rodrigo. Hinawakan niya pa ang mga kamay ko at hinila iyon. Parang nabanat ang buong buto ko dahil sa kaniyang ginawa. Idagag pang mahapdi at masakit ang bawat paggalaw niya sa likod ko. Ito ang unang beses na may gumalat sa akin kaya para akong tinutusok nang matigas na bagay sa aking ibaba. Sa bawat pagpasok niya ay napapahiyak ako sa sakit dahil pakiramdam ko ay umaabot na iyon sa kaloob-looban ko. Para ding pinupunit ang balat ko.
Binitawan niya ang aking mga kamay at pinasadig sa kaniyang dibdib. Lalo akong napaungol sa sakit dahil mas naipasok niya sa akin ang kaniyang pagkalalake. Mahigpit na humawak ako sa braso niya habang patuloy siyang gumagalaw. Hinawakan niya ako sa leeg at isinandig ang ulo ko sa kaniyang dibdib. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa pisngi at dinilaan mula sa leeg papunta sa tuktok ng tainga ko. Ang isa niyang kamay ang ipinasok niya sa loob ng blouse ko at agad na minasahe iyon.
Impit na napaiyak ako noong unti-unti na akong nakakaramdam ng sarap dahil sa kaniyang ginagawa sa akin. Nandidiri ako sa sarili ko dahil sa bawat paghaplos niya sa akin ay nagugustuhan ko iyon. Sa bawat halik niya at paglabas masok sa akin ay unti-unting nagpapatirik sa mga mata ko. Hindi ko ito gusto ngunit bakit parang unti-unti akong nasasarapan?
Chapter 8: Tulala ako habang...
Tulala ako habang nakasiksik pa rin sa headboard ng kama ni Rodrigo. Hindi ko na malaman kung saang parte ng katawan ko ang masakit. Pakiramdam ko kasi mula sa ulo hanggang talampakan ay nasasaktan ako.
“Ihahatid ka ng tauhan ko mamaya-maya. Ipapasundo na lang kita ulit kapag kailangan kita,” aniya habang nagsusuot ng pantalon.
Gigil na tiningnan ko si Rodrigo. “Ano'ng akala mo sa akin? Bayarang babae?!” galit na sigaw ko. “Ito ang una at huling beses na masasaktan mo ako!”
Biglang tumingin sa akin si Rodrigo. Napalunok ako noong unti-unti siyang lumapit sa akin. Nag-iwas ako nang tingin dahil hindi ko matagalan ang mga titig niya sa akin. Napaka lamig niyon at wala manlang kabuhay-buhay. Napasinghap ako noong bigla niyang hinawakan ang baba ko at pinaharap sa kaniya. Napaungol ako agad noong makaramdam ako ng hapdi sa pisngi ko. Sa higpit nang pagkakahawak niya ay parang masisira na ang panga ko. Napaluhod ako dahil bahagya niya akong hinila kaya nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa kumot na tumatakip sa hubad kong katawan.
“I will do everything I want to you. Whether you like it or not. You are mine now, Jane Acosta!”
Pakiramdam ko ay nagtayuan ang buhok ko sa batok dahil sa kilabot. Muling nanginig ang katawan ko sa takot at naluha na lamang.
“A-Ang sama-sama mo! Isinusumpa kita, Rodrigo Navarro!” pilit kong isinigaw iyon. Pero mas humigpit lang ang pagkakahawak niya sa pisngi ko. Ilang sandali niya akong tinitigan bago pabagsak na itinulak ang pahiga sa kama. Napasigaw ako noong bigla niyang hinila ang paa ko at pinaupo sa gilid ng kama. Sa baway kilos niya ay pakiramdam ko palagi mapapahamak ako. Napakislot ako noong sinapo niya ang pisngi ako at marahang hinaplos iyon.
“Maganda ka, Jane. Ibang-iba ka sa mga babaeng nakakasama ko.”
Napausod ako nang kaunti noong bigla siyang tumalungko kapantay ng mukha ko. Bumaba ang mga mata niya sa katawan ko kaya muli akong nangilabot. Tatakpan ko sana dibdib ko ngunit bigla pinigilan niya ang kamay ko at inilagay sa may likuran ko habang mahigpit na hawak. Napapikit na lamang ako noong ibinuka niya ang mga hita ko at pumwesto roon.
“Oh, please!” Napahagulhol ako noong bigla niyang isinubo ang isang dibdib ko at diniladilaan. Binalot ako ulit ng takot at nagpumilit na kumawala sa kaniya ngunit masyado siyang mas malakas kaysa sa akin. Nandidiring napaungol ako noong dinilaan niya ang gitna ng dibdib ko pataas sa aking leeg. Ayaw ko na! Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko na dahil sa kaniyang ginagawa!
“How I love it when you moan…” mabagal na sabi niya. Hinalikan niya ang leeg ko. “I'll save it for later. I'll make sure we will have more fun later,” aniya at sinakop ulit ang labi ko. Sandali lang iyon at muli niya akong binitawan. Agad akong napaakyat sa kama at umiiyak na tinakpan ang katawan ng kumot. Na para bang makatutulong iyon para hindi na ako makita ni Rodrigo. “Fix yourself at ipapahatid na kita.”
Hindi ako kumilos. Hinintay ko munang makalabas siya bago ako gumalaw. Nagmamadaling pumunta ako sa banyo at doon sumuka nang sumuka kahit wala namang mailabas ang bibig ko. Nandidiri ako sa sarili ko. Nilapastangan niya ako! Hindi lang siya mamamatay tao kundi isa ring rapist! Hindi ako makapaniwala na may isang taong kagaya niya. At ako pa ang naging biktima niya. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa paulit-ulit niyang gawin itong gawin sa akin.
Hindi nagtagal ay may kumatok sa kwarto. Nakabihis na ako at tulalang nakaupo pa rin sa gilid ng kama. Ni hindi ko na ngang naisip pang ayusin ang buhok ko dahil para na akong nawalan nang gana sa buhay. Kanina noong makita ko ang sarili ko sa salamin ay may pasa ako sa gilid ng labi ko. Namumugto rin ang mga mata ko. Siguradong mag-aalala sa akin sila Lana kapag makita nila ako.
“Ma'am. Nasa baba na magsusundo sa 'yo.”
Napatingin ako sa gilid ko noong marinig ko ang boses ng isang matandang babae. Siya iyong nakita kong babae kanina noong hinihila na ako ni Rodrigo papaakyat ng bahay. Muli akong tumingin sa harapan ko.
“Palagi niya ba itong ginagawa? Mahilig din siyang mang-abuso ng mga babae?” tanong ko. Matagal bago ito nakasagot. Narinig ko pa ang pagbuntonghininga niya.
“Alam kong hindi ka maniniwala. Pero mabait naman si sir Rod. At ikaw ang unang babae na dinala niya rito sa kaniyang silid. Kahit ako ay hindi nakakapasok dito nang hindi niya alam.”
Hindi makapaniwalang napangisi ako. Tiningnan ko siya. “Nakikita mo ba ang hitsura ko? Dapat bang magpasalamat ako sa ginawa niya sa akin dahil mabait naman siya sa inyo?” naluluhang sabi ko. Agad na nag-iwas ng tingin ang matanda. “Ganyan ba kayo rito? Nagbubulagbulagan sa mga masasama niyang ginagawa?”
“M-Mas maigi po kung bumaba na tayo para makauwi ka na.”
Mabilis kong pinunasan ang luha ko at tumayo na. Napangiwi pa ako noong humakbang ako dahil biglang humapdi ang pagkababae ko. Tumigil ako at napapikit nang mariin. Pinigilan kong mapaiyak ulit dahil sa hapdi. Noong makabawi ako ay pinilit ko nang maglakad habang nakakuyom ang mga palad.
Hindi ko na nakita si Rodrigo sa ibaba. Tanging ang mga lalake lamang kanina na may hawak na mahahabang baril. Nakatatakot ang kanilang mga tingin na para bang kakainin ako ng buhay. Hinding-hindi ko kakayanin ang makulong sa bahay na ito. Sumakay ako sa kotseng nakabukas ang pinto. Iyon pa rin ang sinakyan namin kanina. Tahimik lang ako sa buong byahe hanggang sa makarating na kami ng school. Inayos ko pa muna ang buhok ko na medyo magulo pa rin at ang suot ko. Naka-skirt na ako at t-shirt lang dahil naghahanda pa lang ako papasok sa school kanina noong kinuha ako ni Rodrigo. Huminga ako nang malalim at bumaba na ng sasakyan. Nakatungo lang ako habang naglalakad papunta sa dorm namin. Ramdam ko ang mga titig ng mga school mates ko kaya pinilit kong hindi mag-angat ng paningin hanggang sa makarating na ako sa building namin. Halos liparin ko na ang papunta sa kwarto namin ni Lana. Nakahinga ako nang maluwag noong hindi naka-lock ang pinto kaya dere-deretso akong pumasok doon. Gulat na napatingin sa akin si Lana na nakaupo sa kama.
“Jane! Diyos ko! Ano'ng nangyari sa 'yo?” Agad siyang tumayo at nilapitan ako. Yumakap ako agad sa kaniya at doon humagulhol nang humagulhol. Niyakap din ako ni Lana nang mahigpit at hinagod ang likuran.
“N-Ni rape niya ako, Lana. Ang sama-sama niya!”
Chapter 9: Napalo ni...
Napalo ni Clarixto ang kaniyang lamesa noong marinig ang balita sa kaniya ng kanilang mga tauhan. “Ang bobobo niyo! Imposibleng wala kayong nakita!” galit na galit na sigaw niya. Agad na nagsitunguan ang ilang kalalakihang nakatayo sa kaniyang harapan.
Ibinalita ng mga ito na walang nakitang kakaiba sa mga kwartong kanilang hinalughog. Wala silang nakitang kahit na anong bagay na pwedeng magbigay ng kaugnayan sa video na kumakalat ngayon sa internet. Mabuti na lamang ay hawak nila ang mga pulis sa buong Samar kaya walang kahit na sino man ang nag-iimbestiga sa kanila ngayon.
Kumakalat ngayon ang video ng lalakeng ipinaligpit ng kaniyang pamangking si Rodrigo Navarro. Si Clarixto mismo ang nakakita sa lalakeng iyon dahil siya ang bumaril dito noong gabing iyon. Hindi niya akalain na nagawa pa nitong mag-video at mayroon pa lang tinatagong video. Sigurado si Clarixto na nasa loob lamang ng unibersidad nila ang kung sino mang nag-upload niyon.
“W-Wala po talaga, sir. Lahat ng kwarto ay tiningnan namin ngunit wala kaming nakita. Kasama pa nga po namin si boss Rod kanina,” nakatungong paliwanag ng isang tauhan nila.
Naikuyom ni Clarixto ang kaniyang palad. Hindi pwedeng hindi nila malaman kung sino ang nag-upload niyon. Kailangan nila itong mahanap para mapatahimik ito dahil sigurado siyang may alam na iyon.
“Nasaan ba si Rod? Bakit kanina ko pa hindi nakikita?” tanong niya sa mga tauhan ngunit lahat ng ito ay nagsitunguan lang.
“I’m here, Uncle,” nakangiting sabi ni Rod habang naglalakad papasok ng kwarto.
Napakunot ang noo ni Clarixto noong makita niya ang masayang mukha ng pamangkin. Ang aliwalas ng mukha nito ngayon. Samantalang limang tauhan nila ngayon ang nasa ospital dahil nabugbog nito noong mapanood ang video ni James. “What’s the problem?”
“What’s the problem? Are you really asking me what’s the problem, Rod? Your name is at risk! Nakalimutan mo na bang ikaw ang gobernador ng lugar na ‘to?” sermon ni Clarixto sa pamangkin. Trenta anyos na ito ngunit pero hindi pa rin nagseseryoso. Kahit na ito ang tumatayong gobernador ng lugar nila ay halos siya pa rin ang gumagawa ng mga trabaho nito. Kahit ang ilang negosyo nila ay siya halos ang may hawak. Walang ibang ginagawa si Rod kundi ang gawin ang gusto nito. Hindi naman iyon problema kay Clarixto dahil mas gusto niyang gano’n ang ginagawa ng pamangkin. Ang kaniya lang ay pangalagaan pa rin nito ang pangalan nila.
“Relax, Uncle. Lalo kang tatanda niyan eh. Don’t worry.” Naupo si Rod sa sofa at tiningnan ang ilang tauhan. “Call the man in the other room. I need his report now,” utos ni Rod.
“Who’s man?”
“Nasa mundo na tayo ng internet, Uncle. I hired some hackers to hack the accounts of the poster. Malalaman natin agad kung sino iyon.”
Napataas ang kilay ni Clarixto. “Good.”
“Masyado ka lang kasing kabado.”
“Rod. I just care for you. You know that.”
Ngumisi si Rod at malamig na tiningnan si Clarixto. “Don’t worry. Hindi mawawala ang pera’t kapangyarihan mo, Uncle. Hindi ako mawawala,” makahulugang sabi ni Rod.
Napalunok si Clarixto at agad na nag-iwas ng tingin sa pamangkin. Kahit na hawak niya halos lahat ng kayamanan nito ay alam niyang hindi niya pa rin mahahawakan ang pamangkin.
“I’m just worried.”
“Don’t be. Look, he’s here now.” Nginuso ni Rod ang isang binatang may hawak na laptop. Naupo ito sa isang upuan at inilapag ang laptop sa kandungan. “Tell us what you saw,” utos ni Rod.
Napalunok ang binata. Nag-aaral din ito sa unibersidad ni Rod. Magaling ito sa pangha-hack ng mga account sa internet. Madali lang ang pinapagawa ni Rod ngunit mas nangingibabaw ang takot sa binata dahil sa mga nakikita nitong baril sa paligid. Alam nitong hindi basta-bastang tao ang mga Navarro. Tumikhim ang binata.
“N-Nagawa po naming i-hack ang account ng nag-upload, G-Gov. Nabura na po namin ang mga video at na-block sa lahat ng social media,” ani ng binata.
Napakunot ang noo ni Rod. “And?”
Nagtatakang tiningnan ng binata ni Rod. “A-Ayon na po, sir.”
Malalim na humugot ng paghinga si Rod. Tinitigan niya sa mga mata ang binata na agad na nginig noong magkatitigan sila. “That’s it?”
Takot na takot na tumango ang binata. “T-That’s it, G-Gov.”
“I need to know who’s the uploader!” biglang sigaw ni Rod na nagpakislot sa binata. Lalong nagsitunguan ang ilang mga tauhan nilang nasa silid. Habang si Clarixto naman ay napabuga ng hangin. Tumayo si Rod at agad na kinuwelyuhan ang binata. “I fucking need to know who is the uploader! Don’t give me shits!” galit niyang sabi.
Napapikit agad ang binata at pinagpawisan na . “S-Sorry, Gov.! Iyon lang talaga ang nakita namin.” Nanlaki ang mga mata nito noong inundayan ito ng suntok ni Gov. Agad nitong inangat ang kamay at itinakip sa mukha. “Pero nakuha namin ang IP address ng may-ari ng account!” nanginginig na sabi ng binata.
Napakunot ang noo ni Rod. Lumuwag ang pagkakahawak ni Rod sa kwelyo ng binata. “What does it mean?” tanong niya. Binitawan niya ito.
“I-It means kapag mag-online ang may-ari ng account ay made-detect natin kung nasaan siya. K-Kung sino siya,” nanginginig na paliwanag nito.
Tumayo nang maayos si Rod. “Very good. You can leave.”
Nagmamadaling tumayo ng binata at halos takbuhin na ang paglabas ng silid. Kung alam lang nito na ganito ang mangyayari ay hindi na sana nito tinanggap ang alok ni Rod. Ngunit masyado itong nasilaw sa pera kaya kailangan nitong mahanap kung sino ang nag-upload.
Naglakad naman si Rod papunta sa bar counter at nagsalin ng alak. Huminga siya nang malalim at pilit na kinalma ang sarili. Kagagaling niya pa lang sa pagpapasarap ngunit uminit agad ang kaniyang ulo. Madalas ay hindi niya napipigilan ang sarili sa tuwing siya ay nagagalit. Sa tingin ng kaniyang tiyuhin ay malaking problema iyon sa kaniya kaya sinubukan siya noong ipagamot. Ngunit sa tingin naman niya ay mas nakatutulong iyon sa kaniya. Kaya naman ay noong pinilit pa rin siyang ipagamot ng kaniyang tiyuhin ay binugbog niya ang kaniyang doctor. Magmula noon ay wala nang psychiatrist ang nagsubok na gamutin siya. Alam niyang may sakit siya. Pero wala siyang pakealam hanggat nagagawa niya ang lahat ng kaniyang gusto. Maayos lang niya ang kaniyang problema at mahanap ang nawawalang kayamanan niya. Pagkatapos niyon ay magiging maayos na ulit ang takbo ng kaniyang buhay. Kasama si Jane Acosta.
Wala sa sariling napangiti si Rod noong maalala si Jane. Hindi niya alam kung bakit labis siyang nahuhumaling sa dalaga. Ngunit mula noong makita niya ito ay hindi na niya ito nakalimutan. Mas lalo siyang nababaliw ngayon dito na kaniya na itong natikman.
“Mukhang malalim ang iniisip mo?” tanong ni Clarixto. Kinikilabutan siya habang pinapanood niya ang kaniyang pamangkin. Alam niya na kapag ganito ito umakto ay mayroon itong ginagawa na hindi niya magugustuhan. Magmula noong mamatay ang mga magulang nito ay siya na ang nag-alaga sa binata. Kaya naman ay hindi na siya nagkaasawa at mas nag-focus sa pagtulong dito dahil sa dami ng negosyong iniwan ng mga magulang nito kay Rod.
“It’s nothing. I need to go,” ani Rod at lumabas na ng silid.
Napabuntonghininga si Clarixto. Mas importante ngayon ang mahanap nila kung sino ang nag-upload ng video na iyon. Hinding-hindi siya papayag na mawala ang kung ano man ang mayroon siya ngayon. Masyado na siyang maraming na isakripisyo kay Rod. Kaya hindi siya basta-basta babagsak nang ganito lamang.
Chapter 10: “Dapat ireklamo...
Jane
“Dapat ireklamo na natin siya sa mga pulis! Hindi tama ‘yang ginawa niya sa ‘yo!” galit na sabi ni Lana.
“Sorry, Jane. Dapat talaga hindi na kita hinayaang sumama sa kaniya,” ani Carlo na may himig ng pag-aalala.
Nagpunta silang dalawa agad sa kwarto namin noong tinawag sila ni Lana pagkarating ko. Galit na galit si Lawrence at gusto nang sugurin si Rod ngunit mariin ko siyang pinigilan.
Napasinghot ako. “At ano naman ano naman ang magagawa natin? Nangyari na 'to. Sa tingin niyo ba may makikinig sa akin?” naluluhang sabi ko.
“Pero hindi naman natin pwedeng hayaan na ganito ang ginawa niya sa ‘yo. Tingnan mo ang hitsura,” ani naman Lawrence. Kaharap ko siya sa may kama. Tiningnan ko siya.
“Hindi ko makakayan kung pati kayo mapahamak nang dahil sa akin! Nakita mo naman ang ginawa niya sa 'yo, hindi ba?” aniko.
“Eh paano 'to? Ano ang sasabihin natin kay Tita kapag makita kang ganito?” nag-aalala pa ring tanong ni Lana. Hinawi noya ang buhok ko. “Grabe ang ginawa niya sa ‘yo! Akala ko mabait siya!”
“H-Hindi. Napaka sama niya, Lana. Mas masahol pa siya sa demonyo!” Muli akong napaiyak. “K-Kaya please. H-Hayaan niyo na. Siguro naman ay titigilan na niya ako ngayon. Tatahimik na lang ako kaysa pati kayo madamay. Ayaw ko rin mapahamak sila Mama. K-Kaya please. Kalimutan nanlang natin,” pakiusap ko.
Niyakap ako ni Lana. Narinig kong suminghot-singhot din siya. Alam ko na sa kanilang tatlo ay labis na nag-aalala sa akin ngayon si Lana. Pero hindi ko kakayanin kung pati ang mga mahal ko sa buhay ay madadamay. Halang ang kaluluwa ni Rodrigo Navarro. Kaya sigurado ako na hindi niya sila sasantuhin.
Siguro naman ay tatantanan na niya ako ngayon.
Hindi ako nakapasok kinabukasan dahil sa nangyari. Nawalan ako nang gana sa buhay at parang gusto ko na lamang magkulong sa kwarto namin. Akala ko babalikan ako ni Rodrigo pero hindi siya dumating. Na ipinagpapasalamat ko dahil akala ko ay tatantanan na niya ako. Ngunit noong ikalawang araw. Hindi pa rin ako nakapasok ay nagulat na lang ako noong bigla siyang kumatok sa pinto namin.
“Jane,” mahinang tawag niya sa akin na nagbigay nang kilabot sa akin. Nalanghap ko pa ang amoy ng alak sa kaniyang hininga.
Napalunok ako. Isasara ko sana ulit ang pinto ngunit iniharang niya ang kaniyang kamay.
“A-Ano'ng kailangan mo? Umalis ka!” sigaw ko.
Biglang hinampas ni Rodrigo ang pinto kaya napaatras ako. Pumasok na siya sa loob at isinara iyon. Nakita ko pang ini-lock niya ang pinto kaya napaatras na ako. Tatakbo sana ako papunta sa kama ko ngunit bigla niyang nahagip ang braso ko.
“Ahh! Bitawan mo ako!” tili ko. Ngunit hinila niya ako at niyakap mula sa likod. Nagsisipa ako at pilit na tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. Binuhat niya ako at ibinaba sa higaan ko. Agad akong gumapang papunta sa kabilang gilid. Ngunit dahil pang isahang higaan lang ang aking kama ay wala rin iyong kwenta.
“Ano ba ang kailangan mo?! Hindi ba nakuha mo na ang gusto mo? Bakit ginugulo mo pa rin ako?!”
Agad akong kinilabutan noong magkatitigan kami. Binasa niya ang kaniyang labi gamit ang dila. Na para bang nakatitig siya sa isang pagkain.
“Nakalimutan mo na bang akin ka na?”
Mabilis akong Umiling-iling. “H-Hindi! Hindi ako sa 'yo!-- ahh!”
Bigla niya akong hinila sa paa at sinampal. Umiiyak na napahiga ako sa kama habang nakalaylay pa rin ang mga paa. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Pero hindi ako papayag na pagsamantalahan niya ulit ako. Sinapo ko ang aking pisngi at tiningnan siya. Ngunit napanganga na lamang ako noong makita kong may nakatutok na sa aking baril.
“R-Rod…”
Diyos ko! Napakasama niya talaga! Isinampa ko ang aking mga paa at dahan-dahang umatras.
“P-Please…”
“Hubad,” malamig na utos niya habang unti-unti nang nagtatanggal ng zipper niya sa pantalon.
Para akong biglang nanlambot sa kaniyang sinabi. Umiling-iling ako. “P-Parang-awa mo na, G-Gov. Tama na…” pakiusap ko. Pero mas tumalim lang ang kaniyang mga titig sa akin. Napapikit ako noong mas inilapit niya pa ang kaniyang baril sa ulo ko. Wala akong nagawa kundi ang humagulhol. Bakit sa akin pa? Bakit ako pa?
“Hubad!” pag-uulit niya na mayroon nang diin.
Lumuhod ako agad at nagmamakaawang tiningnan siya. “P-Parang-awa mo na! Please! Hindi ako magsusumbong kahit kanino. Tama na, please!”
Hindi ko pinansin ang baril na nakatapat sa mukha ko. Umaasa ako na makikinig siya sa akin. Na kahit papaano ay may kaunting awa pa siyang ibibigay sa akin. Ngunit nagkamali ako. Bigla niyang hinawakan ang likod ng ulo ko at sinabunutan ang buhok ko. Pagkatapos ay idinikit sa leeg ko ang hawak na baril. Parang sandaling humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan dahil sa takot.
“Kapag sinabi kong hubad, hubad!” sigaw niya na halos magpabingi sa akin.
Nanginginig na tumango na lamang ako. Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong masama para parusahan. Pero kung mayroon man ay humihingi na ako ng tawad ngayon pa lang. Diyos ko! Hindi ito ang buhay na pinagarap ko!
Binitawan niya ako kaya napaupo ulit ako sa higaan ko. Kahit anong pakiusap ko sa kaniya ay hindi na niya ako pinakikinggan. Kaya naman ay wala akong ibang na pagpilian kundi ang sundin ang gusto niya. Pikit-matang hinubad ko isa-isa ang mga suot kong damit at itinira lamang ang panloob ko. Napatungo ako agad at niyakap ang aking sarili. Hiyang-hiya na ako. Oo, nagkaroon na ako ng karelasyon. Pero hindi ako pinilit ni Lawrence noon na may mangyari sa amin. Ni respeto niya ako dahil hindi pa ako handa.
“Take it all off.”
Muli akong napatingin kay Rodrigo. “P-Please.”
“Bakit ba palaging pinahihirapan mo pa ang mga sarili natin, Jane?”
Inilapag ni Rodrigo ang hawak niyang baril sa kama ni Lana. Pagkatapos ay bigla na lamang siyang sumampa sa kama at hinawakan ang mga kamay ko. Pinilit niya akong hiniga at hinubaran. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lamang. Gamit ang bra ko ay itinali niya ang mga kamay ko sa may ulunan ko. Halos hindi ko na siya makita dahil nanlalabo na ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya. Pero malinaw na malinaw kong nakikita ang matinding pagnanasa sa kaniyang mga mata.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong ibinuka niya ang mga hita ko. Napapikit na lang ako nang mariin noong maramdaman kong may tumusok sa gitna ko. Lalo akong napahagulhol noong mag-umpisa na siyang maglabas masok sa bukana ko. Napaka dumi ko… Ang dumi-dumi ko na! Gusto ko siyang itulak. Paulit-ulit na sumisigaw ang isipan ko na h’wag ko siyang hayaan na pagsamantalahan ako. Ngunit para bang kusa nang tumigil ang katawan ko dahil sa takot.
Napakapit ako sa unan ko noong mas bumilis pa ang galaw ni Rodrigo. Panay ang pagsinghap ko sa pagpipigil lamang na h’wag ako umungol. Ngunit noong bigla niyang isinubo ang isang dibdib ko at minasahi ang isa habang patuloy sa paggalaw ay napakapit ako sa kaniyang buhok.
“T-Tama na!” sigaw ko habang hinihingal. Kasabay niyon ang pagkawala ng isang ungol. Narinig ko ring umungol si Rodrigo at mas naging agrisibo pa sa kaniyang paggalaw.
“Oh, Jane!” ungol ni Rodrigo. Marahan niyang kinagat ang tuktok ng dibdib ko kaya napaliyad ako habang nakakapit sa buhok niya. Binitawan iyon ni Rod at hinawakan naman ako sa leeg. Kumapit ako sa braso niya habang sinusubukan iyong tanggalin dahil pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng hangin. “I’m cumming!” ani ulit Rod at lalong humigpit ang paghawak sa leeg ko at ang paggalaw sa gitna ko.
Panay ang pagsinghap ko para sa hangin. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay habang hinahayaan siyang galawin ako. Hanggang sa ilang sandali pa ay napaungol nang malakas si Rodrigo at tumigil sa paggalaw. Binatawan niya ang leeg ko pero hindi siya umalis sa ibabaw ko.
Naiiyak na napaubo-ubo ako at naghabol nang hininga. Akala ko mamamatay na ako dahil sa ginawa niya. Isinubsob ni Rod ang kaniyang mukha sa leeg ko. Ramdam ko rin ang pagod niya dahil sa mabilis niyang paghinga.
“Sa susunod, h’wag kanang tumanggi pa, Jane. You are mine. Keep that in mind,” aniya at biglang tumayo.
Napasinghap pa ako noong bigla niyang hinugot ang pagkalalake niya sa akin dahil hindi ako handa. Hindi na ako kumilos at tumalikod na lamang sa kaniya. Niyakap ko ang sarili ko habang umiiyak. Diyos ko. Kung ganitong buhay ang magkakaroon ako. Kuhain mo na lang ako.
miss a, pano ko po ba mababasa si jane at gob. rod? mababaliw nko kay rod 😂
ReplyDeleteHehe! Salamat po! Kailangan niyo pong mag-avail para mabasa niyo po ang kompletong story. 150 pesos lang po kasi naka-promo po tayo.
Delete