Mas pinili ni Nanay na magtrabaho ako sa isang mayamang pamilya kaysa pag-aralin ako, kaya wala akong nagawa kundi gawin ito…
Isa ito sa mga pinaka hindi ko malilimutang pangyayari sa aking buhay.
Marami ang tataas ng kilay o manghuhusga sa akin kapag mabasa nila ang kwento kong ito. Pero ito ang isang maling pangyayari sa akin na hinding-hindi ko pinagsisisihan.
Tawagin niyo na lang akong Nene. 16 pa lang ako no’n noong mangyari ito.
Napakhirap ng buhay namin noon. Si Tatay ay basurero lang, minsan nagi-extra ito sa construction. Habang si Nanay naman ay labandera.
Kaya noong makapagtapos ako ng high school ay mas pinili nito na papasukin ako sa isang mayamang pamilya. Kahit na gustong-gusto ko sana mag-aral ng kolehiyo.
Iyak ako nang iyak noon at nakikiusap kay Nanay. Kaso ako ang panganay. Tapos may lima pa akong mga kapatid na nag-aaral. Kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag sa pakiusap ni Nanay.
Ipinadala ako ni Nanay sa Maynila. Sa isang mayamang pamilya. Hindi ko na lang babanggitin ang apelyido nila kasi baka makilala pa ng iba.
Doon ako nagtrabaho bilang katulong nila. Bata pa ako noon. 16 pa lang. Pero tinanggap nila ako dahil marunong ako sa gawaing bahay. Tapos ang sweldo ko ay deretso na nakukuha nila Nanay.
Hindi naman ganoon kahirap ang trabaho dahil may iba naman akong kasamang mga katulong. At ang nakatoka sa akin ay ang paglalaba ng mga damit ng mga amo namin. Iyon lang talaga ang trabaho ko. Pero halos araw-araw ko naman iyong ginagawa.
Akin din kasi ang pamamalantsa at pagtupi ng mga damit nila. Maging ang pag-aayos ng mga damit nila sa lagayan.
18 na ako no’n at dalawang taon na ako sa kanila. Noong dumating ang panganay nila Ma’am. Galing itong abroad at katatapos lang sa pag-aaral nito. Ngayon ay isa na itong ganap na lawyer.
Tawagin na lang natin siyang Sir Mike. Matanda siya sa akin ng walong taon. Gwapo. Matipuno. Maputi. Malakas ang charisma.
Hindi na kataka-taka dahil ito talaga ang hitsura ng angkan nito.
Unang dating ni Sir Mike ay naging crush ko na siya agad. Pero syempre, tahimik lang ako dahil may girlfriend na ito. Parehas nito ay isa rin iyong lawyer. Masyadong malayo talaga ang hitsura at buhay sa akin.
Isang araw ay naglaba ulit ako ng mga damit nila Madam. Syempre kasama na roon ang mga damit ni Sir Mike. Pagkatapos ko ay dinala ko na iyon agad sa kwarto niya.
Wala naman akong ibang naiisip na gawin. Crush ko si Sir, oo. Pero alam ko ang limitasyon ko.
Pero nagulat ako noong bigla siyang lumabas mula sa banyo. Bagong ligo ito at nakatapis. Mamasa-masa pa ang buhok nito na pinupunasan nito ng towel.
At grabe!
Halos maglaway ako sa katawan nito!
Nagising lang ako sa reyalidad noong magsalita siya. Agad akong nag-sorry dahil hindi ko naman inakala na naroon siya ngayon sa kwarto nito.
Ang alam ko kasi ang nasa trabaho na ito. Pero umuwi pala ito ulit.
Akma na sana akong aalis noong pinigilan ako ni Sir Mike.
“Ikaw si Nene, right?”
Nakatalikod pa rin ako no’n.
“Opo, Sir. Ako po."
" Ilang taon ka na ulit, Nene?”
Nagtaka ako syempre. Attorney pa naman ito kaya medyo kinabahan ako.
“18 po, Sir."
"Ah, okay.”
Iyon lang at pinaalis na niya ako muna para magbihis siya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naghihintay sa labas ng kwarto niya. Hindi na ako mapakali. At sa pangyayaring iyon ay parang may nabuhay sa isipan at katawan ko.
Hindi rin nagtagal at lumabas na rin si Sir Mike sa kwarto. Nakangiting pinapasok na niya ako sa loob at nanghingi pa ng sorry dahil sa abala sa akin. Syempre, ako naman ay tinatanggi na nakaabala siya.
Sabi pa niya, “Let’s talk some time, Nene."
Mabuti na lang at paborito ko ang English kaya naintindihan ko ito.
Ano naman kaya ang pag-uusapan namin?
Lumipas ang ilang araw ay wala namang pinagbago sa araw-araw kong ganap. Hanggang sa isang gabi ay bigla akong pinatawag ni Sir Mike sa kwarto niya.
Kinakabahan pa ako kasi nga crush ko si Sir. Nagsuklay talaga muna ako at nagpolbo bago umakyat sa taas.
Pagdating ko roon ay nakaharap sa laptop niya si Sir sa may desk. Kumatok ako sa pinto niya para makuha ko ang atensyon niya. Pinapasok niya ako agad at pinaupo sa may kama.
Pagkaupo ko roon ay naupo sa may tapat ko si Sir sa swivel chair niya. Seryoso niya akong tiningnan.
“I heard… gusto mo raw mag-aral sa kolehiyo.”
Nagulat ako sa sinabi ni Sir. Paano niya nalaman iyon. Tumango ako at sinabi kong, “Oo.”
Tapos ay nagulat na lang ako sa sunod niyang sinabi sa akin.
“Pag-aaralin kita. Pero syempre… may kapalit. You don’t have to agree right now. Or agree anytime kung ayaw mo talaga. Pero… ako na ang bahala sa ‘yo, Nene. Kung papayag ka sa gusto ko.”
Kinabahan ako bigla. Heto na iyong matagal ko nang pangarap. Iyong makapag-aral ako. Abot-kamay ko na.
“A-Ano po ang kapalit, Sir?"
Seryoso niya akong tiningnan.
"Papayag kang may mangyari sa atin sa tuwing kailangan kita.”
Para akong binuhusan ng tubig noong marinig ko ang sinabi niya.
May mangyayari sa amin ni Sir. Gagawin niya akong parausan kapalit ng pangarap ko.
Mahirap na nga ako. Tapos sobrang nakakababa pa ang inaalok niya sa akin. Napansin ata ni Sir ang pananahimik ko. Kaya nagsalita siya ulit.
“Don’t get me wrong. I have a medical condition. At kailangan ko ng babaeng willing na makisiping sa akin para gumaling ako.”
Doon ay naunawaan ko ang lahat. Si Sir pala ay may sakit. Hindi tumatayo ang kaniyang alaga kahit na ano ang gawin niya. Kahit may girlfriend siya ay hindi niya iyon magawa. Kaya wala pa rin daw nangyayari sa kanila.
Kaya ang in-advice daw ng psychiatrist niya ay humanap ng babaeng maaring magpabuhay sa natutulog niyang alaga.
At dahil crush ko naman si Sir. Higit sa lahat ay pag-aaralin naman niya ako at bibigyan ng pera. Kaya pumayag ako.
Oo, noong una ay nagdalawang-isip ako. Kasi virgin pa ako. At batang-bata. Tapos akala ko ay isang manyakis si Sir. Pero hindi pala.
Bilang abogado ay gumawa kami ng kontrata ni Sir. Ako ay naging full-time bed worker niya kapalit na pag-aaralin niya ako at bibigyan ng pera. Pero iyon ay sekreto lang namin.
Habang nagtatrabaho pa rin ako sa bahay nila ay nag-umpisa akong mag-aral. Kinuha ko ang kursong construction engineering. Iyon kasi talaga ang pangarap ko. Ang gumawa ng mga establisyimento.
Nagpatuloy ang sekreto naming parnership ni Sir Mike ng ilang taon.
Noong una ay nahirapan kami. Kasi akala ko nagbibiro lang talaga si Sir. Pero totoo pala! Hindi talaga tumatayo ang junjun ni Sir! Kahit ano na ang ginawa ko pero walang epekto. Nanood na kami ng p0rn0 pero wala pa rin.
Dahil ayaw kong ma-disappoint si Sir at matigil ang suporta niya ay ginawa ko ang lahat. Halos mawalan na kasi ito ng pag-asa. Hanggang sa ikatlong taon namin ay nagawa ko nang mapatayo ang sundalong nalugmok!
Tuwang-tuwa si Sir. Sa wakas ay naipasok na niya ang kaniyang sandata sa akin. Nakakatawa kasi talagang hindi ako tinigilan ni Sir sa una naming gabi. Talagang hindi niya ako pinagalaw at siya lahat.
Halos gabi-gabi na may nangyari sa amin. Mabuti nga at hindi ako nabuntis no’n e.
Pagka-graduate ko ay binigyan pa ako ni Sir nang malaking pera. Malaki ang pasasalamat niya sa akin dahil nga at gumaling na raw siya. Ngayon ay napapaligaya na niya ang kaniyang girlfriend.
Mali, oo. Dahil nagbenta na ako ng laman. Pero hindi ko pinagsisisihan iyon dahil ngayon ay isa na akong ganap na engineer. Nakapagpatayo ng maraming buildings.
Hindi na ako katulong. Ako na ang may katulong ngayon. Maganda na rin ang buhay ng pamilya ko.
Hindi na kinailangan pa ni Inay na magpadala ng mga anak niya sa mayamang pamilya para lang mabuhay kami.
Si Sir Mike? Palagi ko siyang napapanood ngayon sa balita. Isa na siya sa mga senador na may puso. May pamilya na rin siya. Proud na proud ako sa kaniya at palagi kong sinusubaybayan ang kaniyang mga ginagawa.
Pero oo. Lolokohin ko lang ang sarili ko kung sasabihin kong hindi ako nagkagusto sa kaniya. Pero hanggang ganoon lang ‘yon.
Sa ngayon ay magkaiba pa rin ang mundo namin. Pero habang-buhay kong tatanawin na utang na loob ang nangyari sa amin ni Sir. Dahil sa kaniya ay nakaahon kami sa buhay.
