Hindi kwentong pangbata
Sa isang malayong nayon, may nakatirang babae na
palaging nag-iisa. Ang pangalanan niya ay Nena. Si Nena ay lumaki sa piling ng
kaniyang nanay at tatay. Bata pa lamang si Nena ay masigla at masiyahin na siya. Lahat nang gusto
niya ay ibinibigay sa kaniyang mga magulang. Palagi silang kumakain sa labas.
Tuwing pasko ay namamasyal sila. Masayang-masaya si Nena. Ngunit nagbago ang
lahat noong isang gabi ay nagising na lamang si Nena na nag-aaway ang kaniyang
nanay at tatay.
“Manloloko ka!” sigaw ng kaniyang nanay.
“Pagod na pagod na ako sa 'yo!” ganti naman ng
kaniyang tatay.
Noong gabing iyon ay hindi nakatulog si Nena. Iyon ang
unang beses niyang nasaksihan na mag-away ang mga magulang. Hindi niya
maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. Ngunit isa lang ang sigurado si
Nena,galit sa isa't isa ang kaniyang mga magulang. Magmula noon ay biglang
nagbago ang mundo ni Nena. Hindi na siya napagbibigyan ng mga magulang. Hindi
na sila kumakain sa labas. At ang pinaka masakit ay hindi na sila namamasyal
tuwing pasko. Unti-unting nakaramdam nang kalungkutan si Nena. Ngunit na kahit
na gano’n ay patuloy pa rin niyang sinusubukang pasayahin ang kanilang tahanan.
Pero madalas ay siya ang napapagalitan. Palagi na siyang nasisinghalan ng
kaniyang nanay. Napapalo ng kaniyang tatay. Gusto lang naman sana niya ay
maging masaya rin ang mga ito pero palagi lang siyang napapagalitan.
Isang umaga, nagising si Nena na umiiyak ang kaniyang
nanay. Kasabay niyon ay ang ang mga galit na pagsigaw na naman nito.
“Aalis ka?! Sasama ka na sa babae mo?!”
“Oo! Pinipilit ko na lang na tumira dito pero ayaw ko
na! Hindi ko na kayang makasama ka pa!”
“Bakit parang kasalanan ko pa?! Sino ba ang palaging
wala rito sa atin?! Hindi ba ikaw?! Ikaw ang nagloko! Hindi ako! Kaya kasalanan
mo kung bakit ako nagkaganito! Kung bakit tayo ganito!”
“Tumahimik ka na at baka hindi na kita matantya!”
Marami pang narinig na mga sigawan si Nena ngunit wala
siyang magawa kundi ang umiyak na lamang. Bumalik siya sa kaniyang higaan at
tinakpan ang mga tainga. Niyakap ang sarili habang pilit na pinapatulog muli
ang sarili.
“Kaya ba sila nag-aaway dahil sa akin? Hindi na ba
nila ako gustong alagaan?” tanong ni Nena sa sarili.
Magmula noon ay hindi na nga nakita ni Nena ang
kaniyang tatay. Naging lasenggera na rin ang kaniyang nanay. Walang nagawa si
Nena kundi ang piliting matutong magluto ng pagkain niya. Sa edad na walo ay
laman na siya ng kalsada para manghingi ng limos para lamang makakain siya.
Hindi na rin siya nakapag-aral pa dahil nilamon na ng depresyon ang kaniyang
nanay hanggang sa piliin nitong iwanan din siya. Nadatnan na lamang ni Nena na
nakabitin sa leeg ang kaniyang nanay sa kisame ng kanilang bahay.
Maraming ginustong ampunin si Nena. Sabi nila ay wala
nang mag-aalaga sa kaniya. Ngunit ayaw ni Nena dahil hindi pa rin siya
naniniwala na wala na ang kaniyang nanay. Iniisip niya ay babalik pa rin ito sa
kaniya. Gigising mula sa pahabang kahon kung nasaan ang kaniyang ina. Halos
magwala siya noong ipinapasok na ng mga ito sa maliit na apartment sa isang
sementeryo. Ayaw niyang malayo sa kaniyang nanay.
Noong araw ding iyon ay muli niyang nakita ang
kaniyang tatay. Ito ang kumuha sa kaniya at dinala siya sa isang bahay. Akala
ni Nena ay muli na siyang sasaya dahil sa wakas ay makakasama na niyang muli
ang kaniyang tatay. Pero nagkamali siya. May ipinakilala itong babae sa kaniya
at sinabing ito na ang bagong nanay niya. Doon ay nakaramdam na siya nang
galit.
“Sino ang babaeng ito?”
“Bakit ko siya naging bagong nanay?”
“Siya ba ang dahilan kung bakit nawala nang matagal si
Tatay?”
Napakaraming tanong ang nabuo sa isipan ni Nena.
Ngunit lahat nang iyon ay hindi niya magawang itanong sa kaniyang ama. Kaya
naman ay sinarili niya iyon hanggang siya ay lumaki at naging dalaga na. Sa
puder ng kaniyang tatay ay muli siyang nakapag-aral. Kahit papaano ay naging
maayos ang kaniyang buhay dahil inalagaan siya nito. Ngunit hindi pa rin mawala
kay Nena na para bang mayroong kulang sa kaniyang sarili.
Hindi na siya magiging buo kahit na kailan man.
Labing walong taong gulang na si Nena noong nakilala
niya si Anjo. Hindi rin siya naging malapit sa kaniyang tatay dahil sa galit
niya rito. Nagkaroon din kasi siya ng kapatid kaya magmula noon ay mas lalo
niyang naramdaman na siya ay nag-iisa lamang.
Noong una ay naging mailap si Nena kay Anjo. Ngunit
kalaunan ay napalagayan niya ito ng loob. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan
si Anjo dahil masayahin itong binata. Palagi nitong napapatawa si Nena sa mga
simpleng ginagawa nito. Noong una ay ayaw ni Nena sa binata. Ngunit kalaunan ay
unti-unti niya rin itong nagustuhan. Hanggang sa nagtapat na nga ang binata sa
kaniya.
“Nena, gustong-gusto kita. Noon pa. Pwede ba akong
manligaw?” tanong ni Anjo.
Tumawa si Nena at nagdadalawang-isip pang tinitigan
ang binata. “Joke na naman ba ‘to, Anjo? Wala ako sa mood.”
“Hindi ah! Seryoso nga ako!”
“Ay sus! H’wag mo nga akong pinaglololoko! Matanda na
ako para hindi malaman ‘yan.”
“Kung maka-matanda ka naman sa sarili mo parang ang
tanda mo na talaga. Nineteen ka pa lang kaya!”
“Edi mas lalo nang hindi ako maniniwala sa ‘yo!”
Napakamot sa ulo si Anjo. “Totoo nga, Nena. Gusto
kita. Gustong-gusto kitang makita na tumatawa. Napakaganda mo kasi kapag
tumatawa ka. Ayaw na kitang nakikitang palaging malungkot. Kaya naman
ipinangako sa sarili ko na palagi kitang pasasayahin. Kung papayagan mo lang
ako maging boyfriend mo.”
Natigilan si Nena. Sa unang pagkakataon nakaramdam
siya nang kakaiba habang kaharap si Anjo. Bumilis ang pagtibok ng puso niya
pero hindi naman siya natatakot. Pakiramdam niya rin ay mayroong kumikiliti sa
loob ng kaniyang tiyan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman pero sigurado
siya na isa lang ang ibig sabihin no’n. Gusto niya rin ang binata. Gusto, hindi
bilang isang kaibigan.
Noong araw ding iyon ay naging magkasintahan silang
dalawa. Agad na ipinakilala ni Nena si Anjo sa kaniyang tatay bilang nobyo.
Ngunit mariin itong pumigil sa kanila. Dahil na rin sa bugso ng damdamin ay
hindi nagpatinag si Nena. Ilang linggo lang ang nakalipas ay nagtanan sila ni
Anjo. Pumunta sila sa malayong probinsya upang bumuo ng sarili nilang pamilya.
Unti-unti ay naging masaya na si Nena.
Sa piling ni Anjo ay wala na siyang mahihiling pa. Pinaramdam
nito na isa siyang reyna. Pakiramdam siya ay bumalik siya noong mga panahong
kumpleto pa ang pamilya niya. Ang kaibahan lang ay sarili na niyang pamilya
ngayon. Ilang taon pa ang nakalipas ay nagkaroon na ng bunga ang pagsasama
nilang mag-asawa, si Nini.
Mahal na mahal ni Nena si Nini. Ipinangako niya sa
sarili na ibibigay niya lahat nang gugustuhin nito. Lalong lalo na ang
pagmamahal at buong pamilya na ipinagkait sa kaniya. Kagaya niya ay lumaking
masigla at masayahin si Nini. Ito ang naging tagapagbigay ng kulay sa munti nilang
bahay. Ngunit sabi nga ng mga matatanda, ang tadhana ay masyadong mapaglaro.
Kauuwi lang ni Anjo isang gabi mula sa trabaho, noong
aksidenteng makita ni Nena ang cellphone nito. Halos gumuho ang kaniyang mundo
noong makita niyang may nag-text sa kaniyang asawa at ang tawag ay mahal.
“Hayop ka! Ano’ng ibig sabihin nito?!” galit na tanong
agad ni Nena sa asawa. Noong una ay hindi nakasagot si Anjo. Nanlalaki lamang
ang mga mata nito habang nakatitig sa cellphone na hawak niya. Agad iyong
inagaw ni Anjo.
“Bakit ka ba nangangailam ng gamit ko?!”
“Niloloko mo ba ako, Anjo?! Sumagot ka!”
“Tumahimik ka! Uuwi pa ba ako rito kung niloloko
kita?!”
“Eh ano ‘yong nakita ko?! Sino’ng mahal ‘yon?! Wala
naman akong cellphone!”
Hindi nakasagot si Anjo. Tinalikuran lang siya nito at
lumabas ng bahay. Naiwan siyang unti-unting sinasampal ng reyalidad. Niloloko
siya ni Anjo. Mayroon itong babae. Sa puntong iyon ay alam na niya ang
mangyayari.
Halos mag-iisang buwan na hindi pa rin sila
nagkakaayos. Unti-unti nang lumalayo ang loob ni Nena sa kaniyang asawa. Palaki
rin nang palai ang sama ng loob niya rito. Habang si Anjo naman ay mukhang
walang balak magpaliwanag. Hanggang sa isang buwan na ang lumipas ay sa wakas
na kumpirma ni Nena ang kaniyang hinala. Nahuli niya si Anjo na may katagpong
babae.
“Sinasabi ko na nga ba! May babae ka!” sigaw ni Nena.
Nasa isang karenderya sila.
Natigilan si Anjo at biglang napatayo. “Ano’ng
ginagawa mo rito, Nena?”
Dinuro ito ni Nena at biglang sinampal. “Hayop ka!
Manloloko! Manloloko!”
Agad na sinalag ni Anjo ang mga hampas niya. Mariin
nitong hinawakan ang mga kamay ni Nena at pilit na pinigilan. Habang si Nena ay
nag-umpisa nang humagulhol.
“H-Hayop ka! Binigay ko sa ‘yo ang lahat pero parehas
ka lang pala nila! Ang sama-sama mo! Ano pa bang kulang sa mga ginawa ko para
sa ‘yo?!”
“Walang kulang sa ‘yo, Nena! Mahal kita!”
Nagpantig ang tainga ni Nena noong marinig niya ang
mga katagang iyon mula kay Anjo. Tinulak niya ito nang malakas at pinanlisikan
ng mga mata.
“Mahal?! Eh ano ‘to?! Sino ‘to?!” Tinuro ni Nena ang babaeng hindi pa rin
umaalis sa kinauupuan nito. Para bang wala itong pakealam at hindi manlang
natatakot sa presensya niya. Hindi mawari ni Nena kung makapal lamang ang mukha
nito o sadyang pinagpalit na siya ng asawa.
“Hindi ko siya babae!”
“Ha? Nagpapatawa ka ba?! Rinig na rinig ko kayo! H’wag
ka nang tumanggi! Alam ng lahat nang nandito na babae mo ‘to!”
“Hindi ko nga siya babae. Kausap ko siya para sa
pag-aayos ng pagpapakasal natin.”
Natigilan si Nena. Nagulat na lamang siya noong
biglang maglabas ng singsing si Anjo at lumuhod sa kaniyang harapan. Ngumiti sa
kaniya ang babae at tumayo. Ilang sandali pa ay narinig din niya ang palakpakan
sa paligid. Bigla niya ring natanaw si Nini sa gilid nila.
“Alam ko na nakasunod ka sa amin, Nena. Matagal ko na
‘tong plinano. Sinadya ko na mabasa mo ang text na iyon. Masakit man marinig
kang umiiyak tuwing gabi pero pinilit kong h’wag magpaliwanag. Hanggang sa
dumating tayo sa araw na ito, Nena. Mahal na mahal kita. Wala na akong ibang
papangarapin pang babaeng makakasama ko habang-buhay kundi ikaw lamang. Mahal
na mahal kita. Papayag ka bang magpakasal sa akin?”
Napanganga si Nena. Ang galit niya ay unti-unting
napalitan ng pagkamangha at lalong pagmamahal sa awa. Ang mga luha niya dahil
sa labis na galit ay napalitan ng luha dahil sa labis na kasiyahan.
“Hinding-hindi ko magagawang lokohin ka, Nena. Hindi
noon, at lalong hindi ngayon.”
Nasapo ni Nena at mga pisngi ni Anjo at agad na
hinalikan ang labi nito. “Oo! Syempre naman! Sorry sa mga nasabi ko!”
Natawa si Anjo. “Hindi ko alam na may itinatago palang
pagiging amazona ang asawa ko.” Nagtawanan din ang mga tao sa paligid. “Ibig
sabihin ba nito ay tinatanggap mo na magpakasal sa akin?”
Mabilis na tumango si Nena. “Oo, Anjo! Oo! Papakasalan
kita. Kahit saan pa ‘yan!”
Napangiti nang malapad si Anjo. Kinuha nito ang
kaliwang kamay ni Nena at isinuot ang gintong singsing na matagal nitong
pinag-ipunan. Hindi maipaliwanag na kagalakan ang naramdaman ni Nena noong mga
oras na iyon. Pakiramdam niya ay nasa alapaap na siya.
Hindi rin nagtagal ang kinasal na sina Anjo at Nena.
Simple lamang iyon at hindi magarbo. Wala siyang gown na may palobong saya. Isang
simpleng putting bestida lang ang suot niya. Hindi rin marami ang mga pagkain
at mga bisita. Halos mga pamilya lamang nila ang naroon. Nagkaayos na rin sila
ng kaniyang tatay kaya mas lalong naging espesyal ang araw na iyon para kay
Nena. Simple, pero wala na siyang mahihiling pa dahil lahaat ng iyon ay
pinaghandaan ni Anjo. Sa isang buwan na hinahanda na niya ang sarili para sa
paghihiwalay nila ay naghahanda pala ito para sa kanilang kasal.
Kaya ang babaeng palaging nag-iisa na nakatira sa
malayong nayon ay tumanda nang hindi nag-iisa. Mas maaga mang kinuha ang
kaniyang asawa ay lubos naman ang kagalakan na kaniyang naranasan sa piling
nito. Ni minsan ay hindi nga siya niloko ni Anjo. Sino’ng mag-aakala na ang
isang binatang kengkoy na nakakaainis na minsan sa mga pagbibiro, ay ang siyang
magbibigay nang magandang kulay sa napakalungkot na buhay ni Nena? Syempre,
kasama ang kanilang mga anak na sina Nini at Tonton. Hindi inakala ni Nena na
magkakaroon pa rin pala siya nang magandang buhay.
Nag-iisa na siya, oo. Ngunit hindi naman iyon
naramdaman ni Nena. Dahil kahit matanda na siya at wala nang kasama sa bahay
nilang mag-asawa. Araw-araw naman siyang pinupuntahan ng mga anak niya. Palagi
siyang pinapasaya ng kaniyang mga apo. At hanggang sa mga huling sandali ng
kaniyang buhay ay naging masaya siya. Namatay siyang buo ang kaniyang pamilya.
End.